1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.BZ 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.BZ 3 00:00:08,758 --> 00:00:10,510 Ang daming nangyari. 4 00:00:15,598 --> 00:00:17,475 Tatapatin ko na kayong lahat. 5 00:00:17,976 --> 00:00:20,979 Ibang-iba 'yong nakaplano kong show. 6 00:00:21,730 --> 00:00:23,231 Oo, ibang-iba talaga. 7 00:00:23,314 --> 00:00:27,777 Sa katunayan, noong pinlano ko 'to sa Washington D.C., 8 00:00:27,861 --> 00:00:31,948 ibang-iba pa noon ang relasyon ko sa White House. 9 00:00:33,033 --> 00:00:34,951 Iba 'yong nakaplano kong set. 10 00:00:35,035 --> 00:00:37,996 Magjo-joke sana ako tungkol sa paglalaro ko ng pickleball. 11 00:00:38,913 --> 00:00:42,250 Pero ayun, gano'n talaga ang buhay. 12 00:00:43,293 --> 00:00:45,879 Sa mga di nakakaalam kung paano 'to nagsimula, 13 00:00:46,629 --> 00:00:49,299 susubukan kong ikuwento 'yong nangyari. 14 00:00:49,883 --> 00:00:53,428 Nag-host ako sa Grammy Awards. 15 00:00:59,601 --> 00:01:02,479 Masaya 'yon, sobrang saya. 16 00:01:02,562 --> 00:01:04,105 Hanggang sa hindi na. 17 00:01:05,523 --> 00:01:06,900 Nag-host ako do'n, 18 00:01:07,442 --> 00:01:10,111 tapos kailangan kong lumipad pabalik sa East Coast 19 00:01:10,195 --> 00:01:12,072 para sa mga show ko. 20 00:01:12,572 --> 00:01:16,993 Di ako nagwa-Wi-Fi pag nagta-travel ako. Nagre-relax lang ako. 21 00:01:18,286 --> 00:01:20,330 Tapos nag-landing ako sa Boston. 22 00:01:21,122 --> 00:01:24,459 Unang beses kong nalaman na nagbago na ang buhay ko 23 00:01:25,960 --> 00:01:28,630 no'ng may dumaan sa tabi ko sa loob ng eroplano 24 00:01:29,130 --> 00:01:31,591 habang nag-aayos ako ng laptop bag, 25 00:01:31,674 --> 00:01:35,386 tapos hinawakan niya ako sa balikat at sabi niya, "Trevor, lumaban ka. 26 00:01:36,971 --> 00:01:38,598 "Kaya mo 'yan. Lumaban ka. 27 00:01:38,681 --> 00:01:40,266 "Sige lang. Kaya mo 'yan." 28 00:01:40,934 --> 00:01:43,144 Mukha ba talaga akong hirap na hirap? 29 00:01:46,314 --> 00:01:47,649 Habang naglalakad sa airport, 30 00:01:47,732 --> 00:01:50,068 bigla na lang akong tina-thumbs-up ng mga tao 31 00:01:50,151 --> 00:01:53,071 na parang, "Yeah. Sige lang, kaya mo 'yan. Yeah." 32 00:01:53,154 --> 00:01:54,864 "Uy, yeah!" 33 00:01:54,948 --> 00:01:57,408 Puwera lang sa mga Black. Ang sabi nila, "Uy, pare." 34 00:02:01,955 --> 00:02:03,706 Tapos binuksan ko 'yong phone ko. 35 00:02:03,790 --> 00:02:07,544 Sa totoo lang, akala ko sira 'yon. 36 00:02:07,627 --> 00:02:10,213 Kasi biglang nag-vibrate bago pa lumabas 'yong mga icon. 37 00:02:10,296 --> 00:02:12,382 Apple logo pa lang, tapos 'yong phone… 38 00:02:14,425 --> 00:02:16,970 Sabi ko, "Ano ba 'to?" Pagbukas ko, puro notifications. 39 00:02:17,053 --> 00:02:19,764 Sabi ko, "Namatay ba ulit si Michael Jackson? Ano'ng meron? 40 00:02:20,265 --> 00:02:24,018 "Ano'ng nangyayari?" Kasi kagulo lahat ng app. 41 00:02:24,102 --> 00:02:25,311 'Yong iMessage… 42 00:02:25,937 --> 00:02:26,813 WhatsApp… 43 00:02:27,397 --> 00:02:28,815 Twitter… Instagram… 44 00:02:28,898 --> 00:02:31,776 Pati Uber Eats, "May interesting na paparating sa 'yo." 45 00:02:34,946 --> 00:02:36,197 Chineck ko 'yong messages. 46 00:02:36,281 --> 00:02:39,742 Lahat ng nakilala ko sa buong buhay ko, nag-text sa 'kin. 47 00:02:39,826 --> 00:02:42,245 Lahat, mula kindergarten teachers onwards. 48 00:02:42,328 --> 00:02:43,913 "Trevor, Diyos ko, ayos ka lang?" 49 00:02:43,997 --> 00:02:45,748 "Trevor, asan ka? Nakita mo ba? 50 00:02:45,832 --> 00:02:48,960 "Trevor, tawagan mo ako!" "Yo, wag kang tatawag." "Tumawag ka." 51 00:02:49,043 --> 00:02:51,171 "Ano'ng nangyayari?" "Trevor, nakita mo?" 52 00:02:51,254 --> 00:02:54,340 Sabi no'ng isa, "Diyos ko, nakita mo 'yong sinabi ni Trump?" 53 00:02:54,424 --> 00:02:56,676 Ako naman, "Ano ba'ng sinabi ni Trump? 54 00:02:56,759 --> 00:02:59,137 "Ano na nama'ng sinabi ni Trump ngayon? 55 00:02:59,220 --> 00:03:01,222 "Naku, matingnan nga. Ano'ng sinabi ni Trump? 56 00:03:01,306 --> 00:03:02,807 "Ako?" 57 00:03:05,685 --> 00:03:07,896 Iba pala pag ikaw ang inaatake. 58 00:03:07,979 --> 00:03:09,105 Di ko ikakaila. 59 00:03:13,193 --> 00:03:14,694 Grabe talaga. Bale… 60 00:03:15,612 --> 00:03:18,823 Pitong taon akong host ng The Daily Show. Sa loob ng pitong taon… 61 00:03:21,492 --> 00:03:25,246 nag-cover kami ng news at politics sa Amerika. 62 00:03:25,330 --> 00:03:26,497 Gano'n 'yong show. 63 00:03:27,081 --> 00:03:30,752 No'ng time na 'yon, laging nasa balita si Donald Trump. 64 00:03:30,835 --> 00:03:34,172 In-assume ko na dadating 'yong oras na may masasabi siya tungkol sa 'kin. 65 00:03:34,255 --> 00:03:36,257 Di niya ginawa. Sabi ko, "Ayos." 66 00:03:36,883 --> 00:03:38,676 Tapos umalis ako sa The Daily Show. 67 00:03:39,177 --> 00:03:42,347 Nag-relax ako na parang tangang nasa horror movie. 68 00:03:44,307 --> 00:03:46,893 Nagsimula akong mag-host sa Grammys. 69 00:03:46,976 --> 00:03:48,937 Sabi ko, "Ayos 'to, music show. 70 00:03:49,020 --> 00:03:50,605 "Mas chill dito." 71 00:03:51,231 --> 00:03:53,691 'Yon pala, nanonood ng Grammys ang presidente. 72 00:03:54,943 --> 00:03:56,569 Ayun, tapos di siya masaya. 73 00:03:56,653 --> 00:03:58,029 Hindi talaga. 74 00:03:58,112 --> 00:03:59,197 Hindi. 75 00:03:59,280 --> 00:04:02,784 Nagsulat siya ng mahabang post. 76 00:04:03,284 --> 00:04:06,162 Parang Google review 77 00:04:07,288 --> 00:04:09,040 ng performance ko. 78 00:04:10,667 --> 00:04:12,502 Di 'yon maiksi lang, ha? 79 00:04:12,585 --> 00:04:14,128 Talagang buong… 80 00:04:14,212 --> 00:04:18,132 Babasahin ko sa inyo nang buo kasi ayokong may ma-misquote ako. 81 00:04:18,216 --> 00:04:19,342 Babasahin ko… 82 00:04:20,176 --> 00:04:25,223 Ito 'yong nakita ko no'ng sinearch ko 'yong pangalan namin. 83 00:04:26,224 --> 00:04:28,184 Pinost 'to sa Truth Social 84 00:04:28,685 --> 00:04:31,896 ni @realDonaldTrump. 85 00:04:32,939 --> 00:04:35,525 Pero kay Donald Trump 'yong Truth Social. 86 00:04:35,608 --> 00:04:38,444 Kaya medyo weird na hindi sa kanya 'yong @DonaldTrump. 87 00:04:39,445 --> 00:04:42,949 Weird na may ibang nakakuha no'n tapos siya, "Okay, real Donald Trump." 88 00:04:44,284 --> 00:04:47,578 Anyway, ito 'yong message. 89 00:04:48,705 --> 00:04:52,417 "'Yang Grammy Awards na 'yan, sobrang lala!" 90 00:04:53,042 --> 00:04:55,461 Pag sumisigaw ako, naka-all caps 'yong salita. 91 00:04:55,545 --> 00:04:58,172 Para maramdaman n'yo 'yong naranasan ko. 92 00:04:59,632 --> 00:05:01,217 "Halos walang kaganda-ganda." 93 00:05:01,301 --> 00:05:02,552 So, may maganda naman. 94 00:05:02,635 --> 00:05:06,889 "Masuwerte ang CBS kasi di na umeere sa kanila ang basurang 'yon. 95 00:05:06,973 --> 00:05:10,810 "'Yong host na si Trevor Noah, kung sino man siya…" 96 00:05:14,480 --> 00:05:15,857 Medyo maldita 'yon, a. 97 00:05:19,569 --> 00:05:24,866 Alam ko kung ano'ng gusto niyang gawin, pero parang di niya nagawa nang tama. 98 00:05:24,949 --> 00:05:28,661 Di mo pwedeng sabihing, "'Yong host na si Trevor Noah, 99 00:05:29,162 --> 00:05:30,955 "o kung sino man siya." 100 00:05:32,957 --> 00:05:35,043 Kasi ako na mismo 'yon, e. 101 00:05:37,211 --> 00:05:39,130 Gets kong gusto niya akong i-dismiss, 102 00:05:39,213 --> 00:05:43,801 kaso sinabi mo 'yong buong pangalan ko saka job title ko no'ng gabing 'yon. 103 00:05:43,885 --> 00:05:48,014 Di ka pwedeng maging dismissive at malabo, tapos specific ka rin. 104 00:05:48,514 --> 00:05:50,600 Hindi gano'n 'yon. 105 00:05:52,352 --> 00:05:54,854 "Kung sino man siya." 106 00:05:54,937 --> 00:05:56,814 Wala namang iba, e. 107 00:05:57,565 --> 00:06:00,818 Wala nang "kung sino man" do'n. 'Yon na mismo ako. 108 00:06:00,902 --> 00:06:05,531 "Trevor Noah, 'yong host. Social Security number 4576728135. 109 00:06:05,615 --> 00:06:06,824 "Kung sino man siya." 110 00:06:06,908 --> 00:06:08,368 'Yon na nga ako, e. 111 00:06:09,702 --> 00:06:12,538 Ang weird. Di mo pwedeng sabihin 'yon kung kilala mo 'yong tao. 112 00:06:12,622 --> 00:06:13,581 "Kung sino man…" 113 00:06:13,664 --> 00:06:18,252 Pwede 'yon pag may stranger sa bayan n'yo tapos sinira ang puri ng anak mo. 114 00:06:18,336 --> 00:06:19,921 Do'n mo sasabihin 'yon. 115 00:06:20,004 --> 00:06:23,758 "Papatayin ko ang lalaking 'yon, kung sino man siya!" 116 00:06:25,676 --> 00:06:28,221 Nakakatawa rin na bigla siyang nag-feudal English 117 00:06:28,304 --> 00:06:30,056 sa kalagitnaan no'ng message. 118 00:06:30,139 --> 00:06:33,601 Sabi niya, "Kung sino man siya. 119 00:06:34,185 --> 00:06:36,938 "Fee-fi-fo-fum. 120 00:06:37,438 --> 00:06:40,733 "Naaamoy ko ang dugo ng isang South African." 121 00:06:43,361 --> 00:06:44,404 Ang random naman. 122 00:06:45,488 --> 00:06:50,118 Sabi niya, "'Yong host na si Trevor Noah, kung sino man siya, 123 00:06:50,201 --> 00:06:52,912 "kasinglala ni Jummy Kimmel." 124 00:06:55,373 --> 00:06:57,333 Kawawang Jim. Gusto ko si Jimmy Kimmel. 125 00:06:57,834 --> 00:07:01,003 Dahil tuloy sa 'kin, nadamay pa siya… 126 00:07:02,088 --> 00:07:04,090 Nananahimik lang siya sa bahay. 127 00:07:04,590 --> 00:07:06,551 Wala nga siyang trabaho pag Linggo, e. 128 00:07:07,176 --> 00:07:08,761 Biglang 'yong phone niya… 129 00:07:11,097 --> 00:07:13,057 Sabi niya, "Halos kasinglala ni Jimmy Kimmel 130 00:07:13,141 --> 00:07:15,476 "sa Academy Awards na mababa ang ratings." 131 00:07:15,560 --> 00:07:16,561 Meron pa. 132 00:07:16,644 --> 00:07:21,274 "Mali 'yong sinabi ni Noah tungkol sa akin 133 00:07:21,357 --> 00:07:25,903 "na nagpunta sa Epstein Island sina Donald Trump at Bill Clinton. 134 00:07:25,987 --> 00:07:27,655 "Mali!" 135 00:07:28,865 --> 00:07:31,075 Para lang nagkakaintindihan tayo. 136 00:07:31,159 --> 00:07:35,413 Di ko sinabing nagpunta sa Epstein Island sina Donald Trump at Bill Clinton. 137 00:07:35,496 --> 00:07:36,831 Di ko sinabi 'yon. 138 00:07:36,914 --> 00:07:38,332 Nag-joke ako sa Grammys. 139 00:07:38,416 --> 00:07:40,877 Isa sa mga random joke na ginawa ko. 140 00:07:40,960 --> 00:07:45,173 Pagkatapos manalo ni Billie Eilish ng Song of the Year. 141 00:07:45,673 --> 00:07:49,385 Sabi ko, "Congratulations, Billie Eilish. Song of the Year. 142 00:07:49,469 --> 00:07:53,055 "Lahat ng artist, gustong makuha 'yang award na 'yan. 143 00:07:53,139 --> 00:07:56,476 "Halos gaya ng kagustuhan ni Donald Trump na makuha ang Greenland. 144 00:07:57,143 --> 00:08:00,313 "Kasi ngayong wala na si Jeffrey Epstein, 145 00:08:00,396 --> 00:08:03,399 "kailangan niya ng bagong isla na tatambayan nila ni Bill Clinton." 146 00:08:04,525 --> 00:08:06,861 Okay? 'Yon ang sinabi ko. 147 00:08:08,779 --> 00:08:10,781 Di ko sinabing pumunta sila sa isla. 148 00:08:11,282 --> 00:08:13,493 Sabi ko, gusto niya ng sariling isla. 149 00:08:13,576 --> 00:08:17,580 Malinaw naman na joke 'yon kasi malabong isama niya si Bill Clinton. 150 00:08:17,663 --> 00:08:19,999 Di magandang ipalit sa Epstein Island ang Greenland. 151 00:08:20,082 --> 00:08:22,627 Magkaibang-magkaiba 'yong klima, 'yong vibe. 152 00:08:23,920 --> 00:08:26,923 Sabi niya, "Na nagpunta sa Epstein Island sina Bill Clinton. 153 00:08:27,006 --> 00:08:28,591 "Mali! 154 00:08:29,425 --> 00:08:31,135 "Di ko lang alam kay Bill…" 155 00:08:35,723 --> 00:08:38,184 Gusto ko 'yong habang sinasabi niya na sinungaling ako, 156 00:08:38,267 --> 00:08:39,602 "Sinungaling ang taong 'to! 157 00:08:39,685 --> 00:08:42,188 "Puwera lang 'yong tungkol kay Bill. Dapat i-check 'yon. 158 00:08:42,688 --> 00:08:44,398 "Alam n'yo naman ang taong 'yon. 159 00:08:45,149 --> 00:08:48,236 "Pero di pa ako nakapunta kahit kailan sa Epstein Island 160 00:08:48,319 --> 00:08:50,530 "o kahit saang malapit do'n." 161 00:08:50,613 --> 00:08:51,447 Di 'yon kailangan. 162 00:08:51,531 --> 00:08:54,659 Di naman pinapag-usapan 'yong lapit sa Epstein Island, 163 00:08:55,409 --> 00:08:58,162 kundi kung ga'no ka kalapit sa may-ari ng Epstein Island. 164 00:08:58,246 --> 00:09:00,414 Hindi 'yong lugar ang problema. 165 00:09:00,498 --> 00:09:03,292 Di naman 'yon, "Sa'n ka galing sa Caribbean? Epstein Island?" 166 00:09:03,376 --> 00:09:05,378 "Hindi, sa Jamaica." "Huli ka!" 167 00:09:05,878 --> 00:09:06,712 Hindi. 168 00:09:07,338 --> 00:09:08,422 "O kahit saang malapit. 169 00:09:08,506 --> 00:09:11,717 "At bago 'yong mali at mapanirang statement ngayong gabi, 170 00:09:11,801 --> 00:09:14,512 "di pa ako naakusahang nagpunta do'n. 171 00:09:14,595 --> 00:09:15,805 Talaga ba? 172 00:09:16,847 --> 00:09:18,307 Ako 'yong una? 173 00:09:19,058 --> 00:09:22,478 Bago ako, walang ibang nagbanggit kay Donald Trump at Jeffrey Epstein. 174 00:09:22,562 --> 00:09:24,230 Ako 'yong una. 175 00:09:24,313 --> 00:09:28,359 Ako ang dahilan kaya 'yong pangalan niya, 5,000 beses nabanggit sa files. 176 00:09:28,442 --> 00:09:31,988 Ako ang naglatag no'ng mga domino, 177 00:09:32,488 --> 00:09:34,448 tapos pinatumba ko. 178 00:09:36,742 --> 00:09:38,578 "Kahit ng fake news media. 179 00:09:38,661 --> 00:09:40,371 "Si Noah na walang kuwenta…" 180 00:09:40,454 --> 00:09:41,330 Meow. 181 00:09:41,414 --> 00:09:44,750 "…dapat ayusin niya agad 'yong mga pinagsasasabi niya. 182 00:09:44,834 --> 00:09:46,794 "Mukhang uutusan ko ang mga abogado ko 183 00:09:46,877 --> 00:09:51,507 "na kasuhan itong kawawa, walang kuwenta, at walang talent na M.C. na 'to. 184 00:09:51,591 --> 00:09:53,384 "Pagbabayarin ko siya nang malaki." 185 00:09:54,093 --> 00:09:56,304 May dollar sign. Di ko alam ang sound no'n. 186 00:09:56,887 --> 00:10:00,349 "Tanungin mo sina George Slopadopolus kung kumusta 'yon. 187 00:10:00,433 --> 00:10:02,476 "Pati ang CBS. 188 00:10:03,060 --> 00:10:04,687 "Humanda ka, Noah. 189 00:10:05,187 --> 00:10:08,441 "Mag-eenjoy ako sa 'yo. 190 00:10:09,692 --> 00:10:10,818 "President DJT." 191 00:10:13,988 --> 00:10:16,324 Kakaiba 'yong huling line niya. 192 00:10:17,241 --> 00:10:18,159 Talagang… 193 00:10:18,242 --> 00:10:20,703 "Humanda ka, Noah. 194 00:10:21,203 --> 00:10:25,666 "Mag-eenjoy ako sa 'yo." 195 00:10:29,378 --> 00:10:34,592 Alam n'yo, kung ayaw n'yo namang magtunog manyakis… 196 00:10:40,014 --> 00:10:42,141 di ko ire-recommend ang linyang 'to. 197 00:10:43,309 --> 00:10:46,771 'Yong, "Mag-eenjoy ako sa 'yo," 198 00:10:46,854 --> 00:10:50,066 sinasabi 'yon ng taong kakatapos lang magsuot ng head dildo. 199 00:11:00,201 --> 00:11:02,578 Ayun, 'yon ang nangyari no'ng Lunes. 200 00:11:04,413 --> 00:11:07,458 Sa totoo lang, di ako masyadong nag-alala. 201 00:11:07,958 --> 00:11:10,127 Lagi namang nanonood ng TV si Donald Trump. 202 00:11:10,211 --> 00:11:12,630 Magagalit siya sa makikita niya, ipo-post niya, 203 00:11:12,713 --> 00:11:14,674 tapos nagmo-move on na siya. 204 00:11:15,549 --> 00:11:17,677 Naisip kong matatabunan 'yon ng iba. 205 00:11:17,760 --> 00:11:21,430 Kasi para siyang squirrel na nanonood ng TV. 206 00:11:21,514 --> 00:11:22,765 Oo. Sobra siyang… 207 00:11:25,893 --> 00:11:27,770 Oo, pareho 'yong size ng kamay. 208 00:11:29,939 --> 00:11:33,484 Kaya sabi ko, "Lilipas din 'to. Magbabago 'to." 209 00:11:33,567 --> 00:11:34,652 Nangyari nga. 210 00:11:34,735 --> 00:11:35,778 Kinabukasan, 211 00:11:35,861 --> 00:11:39,073 government shutdown ang malaking topic sa White House. 212 00:11:39,156 --> 00:11:40,908 May nakaambang government shutdown. 213 00:11:40,991 --> 00:11:44,954 Lagi namang nasa bingit ng shutdown ang gobyerno ng Amerika, e. 214 00:11:45,037 --> 00:11:48,457 Sa puntong 'to, dapat lumipat na kayo sa family plan, 'no? 215 00:11:48,541 --> 00:11:50,543 Hindi umuubra 'yong monthly. 216 00:11:51,752 --> 00:11:54,004 Ini-interview nila ang presidente tungkol do'n. 217 00:11:54,088 --> 00:11:55,798 Seryosong topic 'yon. 218 00:11:56,507 --> 00:12:00,594 Sa kalagitnaan ng pag-uusap tungkol sa government shutdown, 219 00:12:00,678 --> 00:12:04,306 may journalist na sumigaw mula sa likod no'ng kuwarto, 220 00:12:04,390 --> 00:12:07,601 "Mr. President, kakasuhan mo ba si Trevor Noah 221 00:12:07,685 --> 00:12:09,854 "dahil sa sinabi niya sa Grammys?" 222 00:12:11,147 --> 00:12:12,606 Sabi ko, "Gago." 223 00:12:15,693 --> 00:12:16,819 Wala na ako, e. 224 00:12:18,112 --> 00:12:20,698 Napaisip ako kung ano'ng nangyari sa batang nagsabi ng, 225 00:12:20,781 --> 00:12:23,826 "Ay, Teacher, nakalimutan n'yo po 'yong homework namin." 226 00:12:26,954 --> 00:12:27,872 Bumalik si Trump. 227 00:12:27,955 --> 00:12:30,624 "Oo, sabi niya nagpunta ako sa Epstein. Idedemanda ko siya. 228 00:12:30,708 --> 00:12:32,376 "Mahina siya. Loser." 229 00:12:32,960 --> 00:12:39,216 Ayun. Kaya ngayon, mukhang idedemanda ako ng Presidente ng United States. 230 00:12:39,800 --> 00:12:40,634 Ayun. 231 00:12:43,387 --> 00:12:46,766 Di ko alam kung "woo" ba 'yan, kung "ooh" ba. Ewan ko… 232 00:12:47,266 --> 00:12:48,684 Tatapatin ko na kayo. 233 00:12:48,768 --> 00:12:51,103 Di ko alam kung ano'ng mararamdaman ko 234 00:12:51,604 --> 00:12:54,523 kasi di ko alam kung ano'ng mangyayari. 235 00:12:55,608 --> 00:12:58,360 Kung normal na panahon 'to, makakampante ako. 236 00:12:58,444 --> 00:12:59,945 Idedemanda ako ni Donald Trump. 237 00:13:00,029 --> 00:13:03,324 Ibabasura 'yon ng judge dahil sa maraming kadahilanan. 238 00:13:03,407 --> 00:13:07,077 Alam n'yo na, First Amendment protections, free expression, jokes, satire. 239 00:13:07,161 --> 00:13:09,997 Sakop lahat 'yon sa ordinaryong panahon. 240 00:13:11,123 --> 00:13:13,167 Idedemanda ako ni Donald Trump. Bahala siya. 241 00:13:13,250 --> 00:13:14,585 Kaso hindi na Donald Trump. 242 00:13:14,668 --> 00:13:18,130 Ngayon, idedemanda ako ng Presidente ng United States 243 00:13:18,964 --> 00:13:19,840 na si Donald Trump. 244 00:13:19,924 --> 00:13:21,509 Di ko alam kung pa'no 'yon. 245 00:13:22,635 --> 00:13:26,096 Aapela ba ako? Pupunta kami sa Supreme Court. 246 00:13:26,806 --> 00:13:29,141 Papasok ako. Hinihintay niya ako do'n. 247 00:13:29,934 --> 00:13:32,812 Sasabihin niya, "Say hello to my little friends." 248 00:13:39,109 --> 00:13:40,528 Ewan ko ba. 249 00:13:41,821 --> 00:13:43,113 Walang nakakaalam. 250 00:13:44,281 --> 00:13:46,951 Kapag siya, di mo masasabi, e. 251 00:13:48,202 --> 00:13:49,119 Alam mo 'yon? 252 00:13:49,203 --> 00:13:51,705 Kahit tanungin n'yo si Nicolás Maduro. 253 00:13:53,582 --> 00:13:56,085 Dating presidente ng Venezuela 254 00:13:56,168 --> 00:13:59,630 at kasalukuyang preso sa New York City. 255 00:14:00,631 --> 00:14:02,967 Oo, presidente siya noon ng Venezuela. 256 00:14:04,176 --> 00:14:06,178 Tapos biglang hindi na. 257 00:14:06,262 --> 00:14:08,472 Mas malala ang kuwentong 'yon. 258 00:14:09,098 --> 00:14:11,225 Ang nangyari do'n… Pwede n'yong i-check. 259 00:14:11,308 --> 00:14:16,105 Ang nangyari, nagpa-interview sa TV si Nicolás Maduro. 260 00:14:16,188 --> 00:14:19,984 Tapos nagbiro siya na tinatakot siya. Si Donald Trump ang pinapatungkulan. 261 00:14:20,067 --> 00:14:22,528 Sabi niya, "Ayos lang ako. Ayos lang kami." 262 00:14:22,611 --> 00:14:25,364 Tapos nagpatugtog siya ng kanta, "No War, Just Peace". 263 00:14:25,447 --> 00:14:27,867 Tapos para kutyain si Trump, 264 00:14:27,950 --> 00:14:30,828 ginawa niya 'yong dance move ni Donald Trump. 265 00:14:31,996 --> 00:14:33,622 As in 'yong move, singular. 266 00:14:34,123 --> 00:14:35,332 Ginawa niya 'yong move. 267 00:14:35,416 --> 00:14:36,917 Ginawa niya 'yong… 268 00:14:39,962 --> 00:14:41,630 'Yong move na double jerk off. 269 00:14:55,477 --> 00:14:57,605 Nakita 'yon ni Trump. Sabi niya, "Hulihin siya. 270 00:14:59,982 --> 00:15:01,275 "Hulihin n'yo siya." 271 00:15:03,152 --> 00:15:05,988 Hinuli ng militar si Maduro tapos ikinulong siya. 272 00:15:06,071 --> 00:15:08,991 Di lang basta kulungan. Nilagay siya sa kulungan sa Brooklyn. 273 00:15:09,074 --> 00:15:13,245 Sa kaparehong kulungan kung nasaan si Diddy. 274 00:15:14,622 --> 00:15:15,581 Isipin n'yo 'yon. 275 00:15:16,081 --> 00:15:17,958 Akala ko, may problema ako. 276 00:15:19,418 --> 00:15:22,129 Si Nicolás Maduro, 'yong… Kasi siya… 277 00:15:24,048 --> 00:15:28,052 Isipin n'yo 'yong irony ng sitwasyon niya. Na-witness niya ang Amerika 278 00:15:28,719 --> 00:15:34,683 na nagpapatupad ng pinakabrutal na deportation campaign. 279 00:15:35,351 --> 00:15:36,852 Sa kalagitnaan no'n, 280 00:15:37,353 --> 00:15:39,772 ikaw 'yong nag-iisang imigrante na in-import nila. 281 00:15:47,488 --> 00:15:50,407 Si Maduro lang siguro ang imigrante na sumusuporta sa ICE. 282 00:15:50,908 --> 00:15:52,534 Sila 'yong pinili niyang tawagan. 283 00:15:52,618 --> 00:15:55,329 Sabi niya, "Hello, ICE, kunin n'yo ako. Kunin n'yo ako. 284 00:15:55,412 --> 00:15:58,123 "Hindi, sige na. Ako na sa flight ko. Magtulungan tayo. 285 00:15:58,207 --> 00:16:00,334 "Sige na. Kaya natin 'to, guys." 286 00:16:04,171 --> 00:16:06,006 Di mo talaga masasabi, e. 287 00:16:06,757 --> 00:16:08,133 Wala talagang may alam. 288 00:16:08,884 --> 00:16:11,261 Grabe ang kapalaran. Isipin n'yo 'yon. 289 00:16:11,345 --> 00:16:12,763 Sa loob ng ilang dekada, 290 00:16:12,846 --> 00:16:15,891 namuno ka sa imperyo mo gamit ang bakal na kamao. 291 00:16:16,392 --> 00:16:18,727 Tinakot mo 'yong mga tao sa paligid mo. 292 00:16:19,228 --> 00:16:21,855 Bayolente ka, di ka napapanagot. 293 00:16:21,939 --> 00:16:24,191 Ngayon, kinuha nila lahat ng oil mo, 294 00:16:24,274 --> 00:16:27,403 tapos kapareho mo ng kulungan si Nicolás Maduro. 295 00:16:39,581 --> 00:16:41,208 Di ba nakakaasar 'yon? 296 00:16:50,259 --> 00:16:53,429 Ang isang silver lining sa sitwasyong ito, 297 00:16:55,806 --> 00:16:57,558 ngayon na 298 00:16:58,892 --> 00:17:01,311 ang magandang oras para sa alien invasion. 299 00:17:03,856 --> 00:17:06,692 Walang tamang oras. Agree naman siguro tayo do'n. 300 00:17:07,192 --> 00:17:10,404 Pero kung pipili ako ng oras, ito na siguro 'yong best. 301 00:17:11,155 --> 00:17:11,989 Oo. 302 00:17:14,533 --> 00:17:17,661 Kasi pag nilusob tayo ng aliens, di 'yon maganda para sa 'tin. 303 00:17:17,745 --> 00:17:19,538 Alam nating wala tayong laban. 304 00:17:19,621 --> 00:17:22,916 Kung kaya nilang mag-travel sa space-time, walang silbi ang armas natin. 305 00:17:23,000 --> 00:17:25,085 Baka mainis lang sila sa baril natin. 306 00:17:27,838 --> 00:17:30,174 Dadating sila dito. Alam na natin ang mangyayari. 307 00:17:30,257 --> 00:17:33,177 Lilipad sila papasok. Papasabugin nila lahat. 308 00:17:33,260 --> 00:17:35,888 Napanood natin 'yong Independence Day. Alam na natin 'yon. 309 00:17:35,971 --> 00:17:39,767 Kahit tumulong si Will Smith, paisa-isa lang ang masasampal niya. 310 00:17:45,814 --> 00:17:46,940 Ano'ng gagawin natin? 311 00:17:48,275 --> 00:17:49,777 Lagi kong iniisip 'yon. 312 00:17:50,527 --> 00:17:53,697 Seryoso. Lagi kong iniisip 'yong alien invasion. 313 00:17:53,781 --> 00:17:56,575 Roman Empire ko 'yon. 314 00:17:57,284 --> 00:17:59,078 Ano'ng gagawin namin? 315 00:17:59,161 --> 00:18:01,038 Di ko naman 'yon iniisip dati. 316 00:18:01,538 --> 00:18:03,832 Sa South Africa, di ko naiisip 'yon. 317 00:18:03,916 --> 00:18:06,001 Pero sa Amerika, may gano'n talaga. 318 00:18:06,585 --> 00:18:10,297 Oo, kasi pag dumating ang aliens, dito sila pupunta. 319 00:18:12,674 --> 00:18:13,634 Lilipad sila dito. 320 00:18:13,717 --> 00:18:16,512 Diretso sa Washington D.C. Papasabugin nila ang White House. 321 00:18:18,972 --> 00:18:22,476 Tapos pupunta sila sa ibang bansa. Sa London, papasabugin nila ang Big Ben. 322 00:18:22,976 --> 00:18:24,937 "Alam n'yo naman kung anong oras na!" 323 00:18:27,564 --> 00:18:30,234 Pupunta sila sa ibang landmarks. Papasabugin nila lahat. 324 00:18:30,818 --> 00:18:33,487 Alam kong issue 'yon. Amerika muna. Gets ko. 325 00:18:33,570 --> 00:18:34,404 Oo. 326 00:18:36,031 --> 00:18:39,326 No'ng nasa South Africa ako, di ko 'to naiisip. 327 00:18:40,244 --> 00:18:42,621 Alam kong pag lumusob ang aliens, pupunta sila. 328 00:18:42,704 --> 00:18:45,874 Papasabugin nila ang mundo. Pero ang hindi nila pupuntahan, 329 00:18:45,958 --> 00:18:47,084 Africa. 330 00:18:48,418 --> 00:18:50,254 Napanood n'yo naman 'yong mga pelikula. 331 00:18:51,046 --> 00:18:52,548 Di nila nilulusob ang Africa. 332 00:18:53,799 --> 00:18:55,634 Nanonood ako lagi no'n. Naghihintay ako. 333 00:18:55,717 --> 00:18:58,720 Sa pelikula, sasabihin ng presidente, "Mga mamamayan ng Earth, 334 00:18:58,804 --> 00:19:00,722 "nilulusob ng mga alien ang planeta natin." 335 00:19:00,806 --> 00:19:02,558 Ipapakita 'yong paglusob ng aliens. 336 00:19:03,058 --> 00:19:06,562 Mapapasabi kang, "Teka, 'yong Africa, wala yata sa planeta? Ano'ng meron?" 337 00:19:08,021 --> 00:19:11,358 Di nila nilulusob. May pelikula ba na nilusob nila ang Africa? 338 00:19:11,441 --> 00:19:12,359 District 9! 339 00:19:12,442 --> 00:19:13,318 Hindi. Ano? 340 00:19:13,402 --> 00:19:14,653 District 9. 341 00:19:14,736 --> 00:19:16,029 District 9? 342 00:19:17,865 --> 00:19:18,782 Hindi. 343 00:19:20,325 --> 00:19:22,661 Gago, sisirain mo pa ang special ko. 344 00:19:23,829 --> 00:19:25,873 Para kang hari na nakaupo diyan sa balcony. 345 00:19:25,956 --> 00:19:28,375 "Sinasabi ko sa 'yo, District 9 nga. 346 00:19:28,458 --> 00:19:29,835 "Pugutan siya." 347 00:19:32,588 --> 00:19:35,966 Hindi. Nice try 'yong District 9, pero hindi. 348 00:19:36,717 --> 00:19:39,219 Kung natatandaan mo 'yong plot ng District 9, 349 00:19:39,303 --> 00:19:41,972 hindi nilusob ng aliens ang Africa. 350 00:19:42,055 --> 00:19:45,475 Nag-crash landing 'yong aliens sa Africa. 351 00:19:47,060 --> 00:19:49,563 Tapos sa buong pelikula, sinusubukan nilang tumakas. 352 00:19:50,814 --> 00:19:53,066 Kasi di tayo nakikipaglaro. 353 00:20:02,993 --> 00:20:04,912 Sobrang lala ng Hollywood. 354 00:20:05,871 --> 00:20:08,540 "Ano'ng pinakamasamang pwedeng mangyari sa aliens? 355 00:20:08,624 --> 00:20:11,710 "Pa'no kung ma-trap sila sa Africa?" 356 00:20:15,255 --> 00:20:18,634 Di nilusob ng aliens… Di nila nilulusob ang Africa. Hindi. 357 00:20:20,761 --> 00:20:23,138 Akala ko dati, kasi naaawa sila sa amin. 358 00:20:23,764 --> 00:20:26,141 Noong bata ako, mahilig ako sa gano'ng pelikula. 359 00:20:26,225 --> 00:20:27,643 Hanggang ngayon naman. 360 00:20:27,726 --> 00:20:31,605 Pero no'ng bata ako, gustong-gusto ko ang mga pelikulang 'yon. 361 00:20:31,688 --> 00:20:34,191 Basta may aliens, pinapanood ko. 362 00:20:34,274 --> 00:20:38,946 Tapos 'yong mama ko, ginagawan ako ng malaking bowl ng popcorn sa bahay. 363 00:20:39,029 --> 00:20:42,616 Magkatabi kami sa couch. Sinasamahan niya akong manood. 364 00:20:42,699 --> 00:20:46,119 Ayaw niya sa mga 'yon, kaso nakalagay, "parental guidance". 365 00:20:46,203 --> 00:20:48,038 Talagang seryoso siya do'n. 366 00:20:49,248 --> 00:20:51,291 Isang araw, napadaan siya tapos nakalagay, 367 00:20:51,375 --> 00:20:53,418 "Nirerekomenda ang gabay ng magulang." 368 00:20:53,502 --> 00:20:54,711 "Kailangan kong panoorin." 369 00:20:54,795 --> 00:20:57,339 Tapos ginawa niya na 'yon sa lahat ng pelikula. 370 00:20:57,422 --> 00:20:59,758 Minsan, kailangan ko siyang tawagin. 371 00:20:59,841 --> 00:21:04,888 Biglang may palabas sa TV. Nakalagay "parent…" Ako naman, "Mama!" 372 00:21:04,972 --> 00:21:08,225 Papasok siya tapos sasabihin ko, "Kailangan mo 'kong gabayan!" 373 00:21:10,435 --> 00:21:13,313 Pero pag naka-five minutes na, parang ako na ang gumagabay. 374 00:21:13,397 --> 00:21:15,399 Nakaupo siya do'n, tapos hanggang matapos, 375 00:21:15,482 --> 00:21:19,486 "Ano'ng nangyayari, Trevor? Sino sila? Ba't nila ginagawa 'yon? Ano'ng meron?" 376 00:21:19,569 --> 00:21:22,823 Sabi ko, "Mama, kasama mo ako. Sabay tayong nanood." 377 00:21:25,993 --> 00:21:28,287 Kaya ginagawan niya ako ng popcorn. 378 00:21:28,370 --> 00:21:30,497 Nakaupo kami tapos magsisimula na 'yong movie. 379 00:21:30,580 --> 00:21:34,084 'Yong alien invasion, "Nilulusob ng mga alien ang Earth." 380 00:21:34,167 --> 00:21:36,545 Makikita mong pinapasabog nila lahat. 381 00:21:36,628 --> 00:21:40,299 Tapos naka-popcorn ako no'n, sabi ko, "First world problems." 382 00:21:47,264 --> 00:21:52,144 Noong bata ako, pag tinanong mo, "Bakit di sila pumupunta sa Africa?" 383 00:21:52,227 --> 00:21:53,937 Sabi ko, "Kasi naaawa sila." 384 00:21:54,438 --> 00:21:56,815 Akala ko, naaawa ang aliens sa Africa. 385 00:21:57,316 --> 00:22:01,653 May ship na lilipad sa bawat kontinente para pasabugin 'yon. 386 00:22:02,154 --> 00:22:04,865 Tapos may isang lilipad sa African continent. 387 00:22:04,948 --> 00:22:06,867 'Yong dalawang alien sa cockpit… 388 00:22:07,492 --> 00:22:10,746 "Ihanda ang mga photon laser." 389 00:22:10,829 --> 00:22:13,332 "Ready on your command." 390 00:22:13,415 --> 00:22:15,000 "Three, two, one." 391 00:22:15,083 --> 00:22:18,503 "Teka, sandali. Tapos na yata tayo sa kontinenteng ito. 392 00:22:20,464 --> 00:22:21,506 "Galing na tayo dito." 393 00:22:21,590 --> 00:22:24,134 "Negative, di pa tayo nakakapunta dito. Pasabugin mo na." 394 00:22:24,217 --> 00:22:27,387 "Ano'ng papasabugin ko? Tingnan mo. May nangyari na dito. 395 00:22:27,471 --> 00:22:29,931 "Ano ba'ng meron? Ano'ng papasabugin ko? 396 00:22:30,015 --> 00:22:32,601 -"Sino'ng may gawa nito?" -"Ewan ko. Chine-check ko na. 397 00:22:32,684 --> 00:22:34,853 "Sabi dito, British daw." 398 00:22:40,150 --> 00:22:41,860 Yeah! 399 00:22:43,195 --> 00:22:44,613 Sapul ang Great Britain. 400 00:22:45,322 --> 00:22:46,990 #NeverForget. 401 00:22:51,828 --> 00:22:53,705 Grabe 'yong alien movies. 402 00:22:54,373 --> 00:22:56,666 Pinapasaya no'n ang araw ko, pero natatakot ako. 403 00:22:57,542 --> 00:22:59,086 Kasi pag nagkakaproblema, 404 00:22:59,586 --> 00:23:00,754 dumadating 'yong aliens, 405 00:23:01,254 --> 00:23:02,464 sinasakop ang Earth. 406 00:23:02,547 --> 00:23:06,218 Nakakatsamba lang tayo kasi pelikula 'yon. Pero sa totoong buhay, ewan ko. 407 00:23:07,469 --> 00:23:10,514 Hindi maganda 'to. Wala tayong laban. 408 00:23:11,056 --> 00:23:14,351 Pag nilusob tayo ng aliens, wala tayong pag-asa. 409 00:23:15,060 --> 00:23:17,562 O siguro, wala noon. 410 00:23:19,022 --> 00:23:20,107 Ngayon, meron na. 411 00:23:21,650 --> 00:23:23,360 Ang pangalan no'n, 412 00:23:23,860 --> 00:23:26,029 Donald J. Trump. 413 00:23:27,197 --> 00:23:28,990 Kung sino man siya. 414 00:23:36,540 --> 00:23:39,668 Di ko 'yon gusto, pero mukhang 'yon lang ang paraan. 415 00:23:40,752 --> 00:23:41,586 Oo. 416 00:23:42,295 --> 00:23:46,383 Umpisa pa lang ng alien invasion, alam na natin kung paano magsisimula 'yon. 417 00:23:46,883 --> 00:23:50,804 Lilipad sa orbit natin 'yong malaking mothership nila. 418 00:23:50,887 --> 00:23:52,806 Tatakpan no'n 'yong araw natin. 419 00:23:57,769 --> 00:24:01,481 May giant speaker sa ilalim ng ship na nagpapatugtog ng music. 420 00:24:01,565 --> 00:24:02,816 Para sa ambiance. 421 00:24:02,899 --> 00:24:04,943 May isang alien na tumutugtog ng organ. 422 00:24:05,026 --> 00:24:07,195 Sabi niya, "Di sila handa dito, B!" 423 00:24:08,780 --> 00:24:09,739 Yeah! 424 00:24:13,034 --> 00:24:14,536 Magpa-park sila sa labas. 425 00:24:14,619 --> 00:24:16,997 May scout ship na maghahatid ng masamang balita. 426 00:24:17,080 --> 00:24:18,248 'Yong lumalapag nang… 427 00:24:18,331 --> 00:24:21,168 Paglabas nila, "Dalhin n'yo ako sa lider n'yo." 428 00:24:21,668 --> 00:24:24,463 Pupuntahan nila 'yong leader, papatayin nila, tapos na. 429 00:24:24,546 --> 00:24:27,382 'Yong pinakanakakabuwisit na alien ang pinapadala nila. 430 00:24:27,466 --> 00:24:31,553 Entitled ka kung naniniwala kang makakausap mo 'yong leader. Sino ka ba? 431 00:24:31,636 --> 00:24:34,347 Sa alien ship, pinipili nila 'yong Karen na alien. 432 00:24:34,431 --> 00:24:35,974 Sabi nila, "Okay." 433 00:24:36,057 --> 00:24:39,352 Nag-uusap sila, "Sino'ng ipapadala natin sa planetang ito?" 434 00:24:39,436 --> 00:24:41,897 "Makinig kayo. Tamang-tama si Karen." 435 00:24:41,980 --> 00:24:43,273 "Karen, ikaw ang bababa." 436 00:24:43,356 --> 00:24:46,234 "Grabe, bakit laging ako? Nakakainis. 437 00:24:46,318 --> 00:24:49,738 "Laging ako ang pinapapunta n'yo. Asan 'yong manager?" 438 00:24:49,821 --> 00:24:51,114 "Saktong-sakto siya." 439 00:24:52,532 --> 00:24:55,494 Papababain nila 'yong alien para ihatid ang masamang balita. 440 00:24:58,538 --> 00:25:01,958 May pag-asa tayo kay Trump pero kailangang mabilis tayo. 441 00:25:03,335 --> 00:25:05,670 Pagkasabi pa lang nila na andito ang aliens, 442 00:25:05,754 --> 00:25:08,006 pag sinabi ng NASA na nasa orbit na natin sila, 443 00:25:08,089 --> 00:25:11,134 dapat magkaisa tayo bilang planeta. 444 00:25:11,218 --> 00:25:13,887 Ang kailangan nating gawin, iluklok si Donald Trump 445 00:25:13,970 --> 00:25:16,223 bilang hari ng mundo. 446 00:25:17,349 --> 00:25:20,727 Mukhang nalilito 'yong iba sa inyo. Ang maganda do'n, di siya magtatanong. 447 00:25:21,645 --> 00:25:23,230 Okay? Pupunta tayo sa White House. 448 00:25:23,313 --> 00:25:25,649 Sasabihin natin, "Mr. Trump, hari ka na ng mundo." 449 00:25:25,732 --> 00:25:27,192 Siya naman, "Sabi na nga ba." 450 00:25:27,275 --> 00:25:30,946 Bibigyan natin ng korona ng Burger King tapos hihintayin natin 'yong aliens. 451 00:25:31,863 --> 00:25:33,114 Lalapag sila. Lalabas. 452 00:25:33,198 --> 00:25:36,785 'Yong isang 'yon, "Dalhin n'yo ako sa lider n'yo." 453 00:25:36,868 --> 00:25:40,705 Tayo naman, "Oo, welcome sa Earth. Halika. Tara sa leader namin." 454 00:25:40,789 --> 00:25:43,291 "Ngayon na." "Oo naman. Dadalhin ka namin do'n. 455 00:25:43,375 --> 00:25:46,378 "Looking good. Nag-o-Ozempic ka ba? Ayos ang itsura mo. 456 00:25:46,461 --> 00:25:47,796 "Tara sa leader." 457 00:25:47,879 --> 00:25:49,214 Dadating tayo sa White House. 458 00:25:49,297 --> 00:25:53,218 Sasabihin natin, "Haring Trump, ito 'yong alien. 459 00:25:53,301 --> 00:25:56,638 "Alien, ito si Haring Trump." 460 00:25:58,640 --> 00:26:02,185 "Ikaw ba ang pinuno ng planetang ito?" 461 00:26:02,269 --> 00:26:04,646 Sasabihin niya, "Tama ka. 462 00:26:04,729 --> 00:26:07,941 "Ako ang pinuno ng planetang ito. 463 00:26:08,441 --> 00:26:10,402 "Planet Earth, o kung tawagin ko, 464 00:26:10,485 --> 00:26:11,570 "Big Blue. 465 00:26:12,654 --> 00:26:16,700 "Magandang Blue na palutang-lutang sa kalawakan. 466 00:26:16,783 --> 00:26:20,245 "Paikot-ikot siya do'n sa itaas. 467 00:26:20,745 --> 00:26:22,122 "Sobrang bilis ng ikot. 468 00:26:22,205 --> 00:26:24,332 "Umiikot daw kami pero di ko naramdaman 'yon. 469 00:26:24,416 --> 00:26:26,710 "Di ko ramdam, pero umiikot daw tayo. 470 00:26:27,210 --> 00:26:30,255 "Umiikot tayo, sobrang bilis ng ikot." 471 00:26:31,423 --> 00:26:32,841 "Nasa kalawakan tayo. 472 00:26:32,924 --> 00:26:36,678 "May magandang axis tayo na tumatagos sa gitna ng planeta. 473 00:26:36,761 --> 00:26:40,724 "Malaki, maganda, at mahabang axis. Wala nang gumagawa no'n ngayon. 474 00:26:40,807 --> 00:26:42,642 "Talagang wala na. 475 00:26:42,726 --> 00:26:46,521 "Meron kami no'ng axis, nakatigilid. Alam mo 'yon, nakatagilid. 476 00:26:46,605 --> 00:26:49,733 "Kung ako ang in-charge, itutuwid ko agad 'yon. 477 00:26:50,358 --> 00:26:51,484 "Agad-agad. 478 00:26:51,568 --> 00:26:53,236 "Pero ayos lang 'yon. 479 00:26:53,320 --> 00:26:54,988 "Salamat, Obama. 480 00:26:56,489 --> 00:26:58,783 "Palutang-lutang 'yon sa kalawakan. 481 00:26:58,867 --> 00:27:00,535 "Magandang planeta, magandang Blue. 482 00:27:00,619 --> 00:27:03,913 "May maliit na buwan kami. Nakita mo? Ang gandang buwan. 483 00:27:03,997 --> 00:27:06,374 "Magandang buwan. Parang utong ng dede. 484 00:27:06,458 --> 00:27:09,336 "Gano'n ang itsura. Parang dede na lumulutang sa kalawakan. 485 00:27:09,419 --> 00:27:11,338 "Dalawa dapat. Sabi ko lagi, dalawang dede. 486 00:27:11,421 --> 00:27:12,547 "Mas okay kesa isa. 487 00:27:13,048 --> 00:27:14,883 "Pero mas okay ang isa kesa wala. 488 00:27:14,966 --> 00:27:17,969 "Pwede ko bang sabihing dede? Sinabi ko na, dede. 489 00:27:18,053 --> 00:27:19,763 "Ako ang pinuno ng planetang ito. 490 00:27:19,846 --> 00:27:22,766 "Ano'ng gusto mo? Ano'ng kailangan? Ano'ng maipaglilingkod ko?" 491 00:27:23,350 --> 00:27:27,437 Sasabihin nila, "Sorry, di namin alam na nalusob na pala kayo." 492 00:27:40,325 --> 00:27:41,785 Gano'n tayo makakaligtas. 493 00:27:47,957 --> 00:27:50,627 Di na nakakagulat kung malaman nating alien siya. 494 00:27:51,461 --> 00:27:53,588 Baka nga makahinga pa tayo nang maluwag, e. 495 00:27:54,089 --> 00:27:57,425 Sasabihin ng mga tao, "Grabe, kaya pala." 496 00:27:58,301 --> 00:28:00,595 Pag may dalawang alien na kamukhang-kamukha niya, 497 00:28:00,679 --> 00:28:02,931 na parang mom at dad version niya, 498 00:28:03,014 --> 00:28:06,226 na nag-landing tapos sinabing, "Tulong, naiwan namin ang anak namin 499 00:28:06,309 --> 00:28:08,061 "ilang dekada na ang nakakalipas. 500 00:28:08,144 --> 00:28:10,271 "Nasaan ang baby namin?" 501 00:28:10,355 --> 00:28:12,065 Sasabihin natin, "Tara. 502 00:28:12,565 --> 00:28:14,359 "Kunin n'yo 'yong baby n'yo." 503 00:28:17,946 --> 00:28:19,739 Kasi seryoso, out of this world siya. 504 00:28:24,953 --> 00:28:26,413 Ngayon, 505 00:28:27,080 --> 00:28:29,374 saksi tayo sa kasaysayan. 506 00:28:30,709 --> 00:28:32,419 Naiisip n'yo ba 'yon? 507 00:28:33,128 --> 00:28:39,300 Saksi tayong lahat sa kasaysayan. 508 00:28:39,926 --> 00:28:42,762 Hindi lang history na tipong paglipas ng panahon. 509 00:28:42,846 --> 00:28:46,474 Kasi may boring na history na, "At nanirahan ang mga tao rito." 510 00:28:46,975 --> 00:28:48,017 A, basta. 511 00:28:48,101 --> 00:28:50,437 Ang sinasabi ko, 'yong history na may nangyayari. 512 00:28:50,520 --> 00:28:53,148 Pag nagbabasa ka tapos sabi mo, "Pa'no ba noon?" 513 00:28:53,231 --> 00:28:54,649 Andun tayo sa noon. 514 00:28:56,192 --> 00:28:57,152 Tayong lahat. 515 00:28:57,235 --> 00:28:59,446 Na-realize kong mahina na ako sa history. 516 00:29:00,363 --> 00:29:03,658 Kasi nire-record nila lahat ng sinasabi sa White House. 517 00:29:03,742 --> 00:29:05,076 Para sa next generation. 518 00:29:05,869 --> 00:29:08,121 Ibig sabihin, pagkalipas ng 300 taon, 519 00:29:08,204 --> 00:29:12,208 aaralin ng mga scholar ang mga presidente at ang White House. 520 00:29:12,292 --> 00:29:14,919 Sasabihin nila, "Pa'no sila 300 years ago?" 521 00:29:15,003 --> 00:29:18,089 Ikaw naman, "Ewan ko, pero walang kuwenta 'yong host ng Grammys. 522 00:29:19,007 --> 00:29:22,051 "Oo, sobrang loser daw. 523 00:29:28,057 --> 00:29:31,144 "Saka may bunny na nag-perform sa Super Bowl, wala ring kuwenta. 524 00:29:31,811 --> 00:29:34,689 "Sobrang lala. Grabe naman noon." 525 00:29:40,570 --> 00:29:43,656 Alam n'yo, ang weird pag nasasaksihan mo ang kasaysayan 526 00:29:45,158 --> 00:29:48,953 kasi mas mahirap hulaan pag ikaw ang gumagawa. 527 00:29:49,496 --> 00:29:52,332 Pag nagbabasa ka ng history o tinuturuan tayo ng history, 528 00:29:52,415 --> 00:29:56,419 pine-present 'yon na parang sigurado nang mangyayari. 529 00:29:57,420 --> 00:29:58,421 Binabasa mo, 530 00:29:58,505 --> 00:30:02,342 ina-assume mo na gano'n lagi matatapos kasi gano'n natapos, e. 531 00:30:02,425 --> 00:30:03,760 Pag tinanong ko ang mga tao, 532 00:30:03,843 --> 00:30:05,887 "Tingin n'yo, matatalo sa giyera ang mga Nazi? 533 00:30:05,970 --> 00:30:07,847 Sasabihin nila, "Oo, siyempre." 534 00:30:07,931 --> 00:30:09,307 Pero no'ng panahong 'yon, 535 00:30:09,390 --> 00:30:12,602 akala no'ng mga lumalaban sa giyera, mananalo ang mga Nazi. 536 00:30:12,685 --> 00:30:15,522 May sandali noon na parang pabor sa kanila ang lahat. 537 00:30:17,357 --> 00:30:20,109 Pag nasa kasaysayan ka, ibang usapan 'yon. 538 00:30:23,404 --> 00:30:25,824 Tuwing nasa Washington, D.C. ako, 539 00:30:26,491 --> 00:30:30,453 mahilig akong pumunta sa National Museum of African American History and Culture. 540 00:30:31,496 --> 00:30:32,539 At… 541 00:30:34,249 --> 00:30:35,458 kung di pa kayo nakapunta, 542 00:30:35,542 --> 00:30:39,420 ang masasabi ko, isa 'yon sa pinakamakabuluhan 543 00:30:39,504 --> 00:30:41,548 na mararanasan n'yo sa buong buhay n'yo. 544 00:30:41,631 --> 00:30:46,094 May mga dahilan kung bakit natatangi 'yon kumpara sa ibang museum na napuntahan ko. 545 00:30:46,177 --> 00:30:47,178 Alam n'yo 'yon? 546 00:30:47,262 --> 00:30:52,183 Una, 'yon ang pinakakumpletong paglalahad 547 00:30:52,267 --> 00:30:54,894 ng Black history sa Amerika, 548 00:30:54,978 --> 00:30:56,396 na history din. 549 00:30:56,479 --> 00:30:58,439 Pero di 'yon madalas kinukuwento. 550 00:30:58,523 --> 00:30:59,816 Pupunta ka sa building, 551 00:30:59,899 --> 00:31:02,819 pero di gaya ng ibang museum, di ka makakapili ng adventure. 552 00:31:02,902 --> 00:31:05,989 Madalas pagpasok mo sa museum, "Dinosaurs o space? 553 00:31:06,072 --> 00:31:07,240 "Pili ka." 554 00:31:07,323 --> 00:31:09,993 Sila ang magku-curate ng makikita mo. 555 00:31:10,493 --> 00:31:11,953 Pagdating mo sa museum, 556 00:31:12,036 --> 00:31:14,873 magsisimula ka sa pinakaumpisa ng mga Black people sa Amerika, 557 00:31:14,956 --> 00:31:18,084 tapos tuloy-tuloy na 'yon hanggang sa kasalukuyan. 558 00:31:18,167 --> 00:31:20,920 Magsisimula 'yon sa underground. Literal na underground. 559 00:31:21,004 --> 00:31:23,590 Tapos magsisimula 'yon sa slavery, spoiler alert. 560 00:31:24,674 --> 00:31:26,551 Tapos dadalhin ka sa iba't ibang panahon. 561 00:31:26,634 --> 00:31:29,220 Tapos sa dulo, andun si Oprah. 562 00:31:35,643 --> 00:31:37,353 'Yong museum na 'yon talaga, 563 00:31:38,104 --> 00:31:40,523 mapapatanong ka tungkol sa sarili mo. 564 00:31:40,607 --> 00:31:42,483 Andun ako no'ng huling trip ko, 565 00:31:42,567 --> 00:31:47,447 tapos naglalakad ako sa panimulang level. 566 00:31:48,197 --> 00:31:51,826 Underground 'yon, chattel slavery, 567 00:31:51,910 --> 00:31:55,747 transatlantic slave trade, tapos Underground Railroad. 568 00:31:55,830 --> 00:31:57,957 Kaya emosyonal din 'yon. 569 00:31:58,458 --> 00:32:00,126 Masakit 'yon, oppression. 570 00:32:00,209 --> 00:32:03,379 Tapos may time na makikita mo 571 00:32:03,463 --> 00:32:07,425 na nag-aalsa at lumalaban ang mga tao para sa paniniwala nila, nananaig sila. 572 00:32:08,635 --> 00:32:09,969 Dahil sobrang engaging, 573 00:32:10,053 --> 00:32:12,972 makakakita ka ng mga tao na iba ang karanasan do'n. 574 00:32:13,056 --> 00:32:15,475 May dalawang bata sa tabi ko, 575 00:32:15,558 --> 00:32:17,226 mga 14 years old siguro, 576 00:32:17,727 --> 00:32:20,396 tapos naririnig ko 'yong usapan nila. 577 00:32:20,480 --> 00:32:22,231 Sabi no'ng isa sa kasama niya, 578 00:32:22,315 --> 00:32:25,443 "Uy, pare, ano kaya'ng gagawin mo kung buhay ka noon? 579 00:32:25,526 --> 00:32:27,528 "Magiging alipin ka kaya?" Sabi niya, "Ano? 580 00:32:27,612 --> 00:32:30,740 "Hindi, maling tao ang makukuha nila no'n, pare. 581 00:32:31,240 --> 00:32:34,494 "Lagot sila sa 'kin. Ako, gagawin n'yong alipin?" 582 00:32:34,577 --> 00:32:38,039 Sabi niya, "Sinungaling." Tapos siya, "Lagot talaga sila sa 'kin." 583 00:32:38,122 --> 00:32:39,499 Nagtatawanan sila. 584 00:32:39,582 --> 00:32:41,918 Naisip ko, baka delusyon 'yon ng kabataan, 585 00:32:42,001 --> 00:32:45,338 na kailangan para sa rebolusyon, o baka magiging gano'n sila. 586 00:32:45,421 --> 00:32:47,048 Pero di na 'yon importante. 587 00:32:47,131 --> 00:32:50,218 Ang nagustuhan ko, 'yong tanong nila. 588 00:32:51,427 --> 00:32:54,681 Sino ka pag tinawag ka ng kasaysayan? 589 00:32:57,225 --> 00:33:00,520 Dahil sa kanila, napatanong din ako sa sarili ko. 590 00:33:02,772 --> 00:33:05,108 Ang totoo, kailangan kong ayusin ang self-esteem ko 591 00:33:05,191 --> 00:33:09,278 kasi hindi kasing-heroic no'n 'yong naisip ko. 592 00:33:10,571 --> 00:33:13,408 Pag tinanong ako, "Ano'ng gagawin mo sa panahon ng slavery?" 593 00:33:13,491 --> 00:33:16,494 Sasabihin ko, "Magtatrabaho ako nang mabuti 594 00:33:17,870 --> 00:33:20,206 "tapos titingnan ko kung ano'ng mangyayari." 595 00:33:20,873 --> 00:33:23,584 Di siguro ako magiging bayani. Di ko kaya 'yon. 596 00:33:23,668 --> 00:33:25,128 Bilib ako sa mga nagsasabi na, 597 00:33:25,211 --> 00:33:28,798 "Kung andun ako no'ng ninakawan 'yong tindahan, baka…" 598 00:33:28,881 --> 00:33:31,009 Di ako gano'n, e. 599 00:33:31,092 --> 00:33:33,886 Nasa taniman siguro ako at nagtatrabaho nang mabuti. 600 00:33:33,970 --> 00:33:35,638 Mananahimik lang ako. 601 00:33:35,722 --> 00:33:39,142 Sasabihin no'ng nakasakay sa kabayo, "Mamitas ka diyan ng bulak." 602 00:33:39,225 --> 00:33:41,686 Sasabihin ko, "Opo, master. Pinipitas ko ang bulak. 603 00:33:41,769 --> 00:33:43,187 "Namimitas ako, master." 604 00:33:43,271 --> 00:33:45,606 Pero pag-alis niya, sunog siya sa 'kin. 605 00:33:45,690 --> 00:33:47,817 Lalaitin ko siya nang husto. 606 00:33:47,900 --> 00:33:49,193 Sasabihin ko, "Tangang 'yon. 607 00:33:51,654 --> 00:33:52,905 "Andiyan ulit? Wala." 608 00:33:56,367 --> 00:33:58,578 Pero di siguro ako magiging bayani. 609 00:33:59,954 --> 00:34:01,831 May susulpot sigurong totoong bayani. 610 00:34:01,914 --> 00:34:03,458 Susulpot si Harriet Tubman. 611 00:34:03,541 --> 00:34:06,669 Sasabihin niya, "Psst, yo, Trev." 612 00:34:06,753 --> 00:34:09,422 Ako naman, "Uy, hi, Harriet. 613 00:34:09,964 --> 00:34:11,132 "Kumusta ka?" 614 00:34:11,632 --> 00:34:13,217 "Malala." 615 00:34:14,552 --> 00:34:16,137 "Naku, ano'ng nangyari?" 616 00:34:16,220 --> 00:34:18,931 "Slavery. Ano'ng sinasabi mo diyan? 617 00:34:19,015 --> 00:34:19,974 "Tanga ka ba?" 618 00:34:20,058 --> 00:34:23,478 "Oo nga, di na dapat ako nagtanong. Teka, ano'ng meron, Harriet?" 619 00:34:23,561 --> 00:34:25,396 "Andito lang ako para sabihin sa 'yo 620 00:34:25,897 --> 00:34:28,441 "na aalis tayo ngayong gabi." 621 00:34:30,026 --> 00:34:31,402 "Sinong 'tayo'?" 622 00:34:33,696 --> 00:34:37,033 "Lahat tayo, Trevor. Aalis tayo rito. 623 00:34:37,116 --> 00:34:38,785 "Aalis tayo, anak." 624 00:34:38,868 --> 00:34:42,246 "Harriet, sabi no'ng nangangabayo, huwag tayong aalis. 625 00:34:43,122 --> 00:34:45,374 "Ayaw talaga niyang umalis tayo. 626 00:34:45,875 --> 00:34:49,587 "May separation anxiety yata siya. Kailangan niyang magpatingin. 627 00:34:49,670 --> 00:34:52,090 "Pero sabi niya—" "Wala akong pake sa sinabi niya. 628 00:34:52,173 --> 00:34:53,674 "Aalis tayo rito. 629 00:34:54,175 --> 00:34:55,510 "Ano, dito ka lang?" 630 00:34:55,593 --> 00:34:59,305 "Oo, dito na lang siguro ako. Titingnan ko kung ano'ng mangyayari." 631 00:34:59,388 --> 00:35:01,599 "Titingnan? Ano'ng problema mo? 632 00:35:01,682 --> 00:35:03,726 "Di ka sasama?" "Oo, di ako sasama." 633 00:35:03,810 --> 00:35:05,561 "Di ako makapaniwala sa 'yo. 634 00:35:05,645 --> 00:35:08,022 "Pare-pareho kayong mapuputi ang balat." 635 00:35:09,398 --> 00:35:10,983 "Ano?" "Oo. 636 00:35:11,484 --> 00:35:13,277 "Takot ka, 'no? 637 00:35:13,361 --> 00:35:15,404 "Duwag kang gago ka." 638 00:35:16,405 --> 00:35:20,243 "Gago nga ako, Harriet. Di ko itatanggi. Duwag na gago ako." 639 00:35:20,326 --> 00:35:22,954 "Tingnan mo nga 'yang sarili mo, duwag. 640 00:35:23,037 --> 00:35:25,873 "Halos kasinglala ka ni Jimmy Kimmel." 641 00:35:43,182 --> 00:35:45,643 Sorry, minsan para sa 'kin lang 'yong jokes ko. Sorry. 642 00:35:48,104 --> 00:35:49,313 Grabe. 643 00:35:53,442 --> 00:35:55,903 Tinatanong ng lahat ang sarili nila. 644 00:35:55,987 --> 00:35:57,029 Lahat. 645 00:35:57,113 --> 00:36:00,741 Isa sa mga pinaka-unique na encounter na naranasan ko, 646 00:36:00,825 --> 00:36:03,119 no'ng may grupo ng mga puti 647 00:36:03,202 --> 00:36:05,371 na nakatayo sa exhibit. 648 00:36:05,454 --> 00:36:10,084 Mga puti sila na sobrang liberal. 649 00:36:10,168 --> 00:36:13,713 Mga puti na talagang liberal… 650 00:36:13,796 --> 00:36:19,010 As in, sobra-sobrang liberal na mga puti. 651 00:36:19,093 --> 00:36:22,680 Mas damang-dama nila kesa sa mga Black na andun. Ano sila… 652 00:36:25,558 --> 00:36:28,269 Para ipakitang damang-dama nila, may moment na… 653 00:36:28,853 --> 00:36:32,148 Bale, may mga Black na lumilibot sa exhibit. 654 00:36:32,231 --> 00:36:34,859 May mga naglalakad na Black, tapos may mga puti. 655 00:36:34,942 --> 00:36:38,196 Kasi pwede naman do'n lahat. Tapos… 656 00:36:40,948 --> 00:36:43,451 Isinasabuhay ng mga Black na nando'n 'yong tinuturing ko 657 00:36:43,534 --> 00:36:46,078 na full experience ng mga Black, na pagiging tao. 658 00:36:46,162 --> 00:36:49,081 May mga umiiyak, tapos makikipag-usap sa kaibigan, 659 00:36:49,165 --> 00:36:52,084 magkukuwento, magbabalik-tanaw, tatawa, et cetera. 660 00:36:52,168 --> 00:36:53,502 May isang tumawa, 661 00:36:53,586 --> 00:36:55,922 kausap 'yong mga kaibigan niya na, "Haha. Oo." 662 00:36:56,005 --> 00:36:58,716 Tapos 'yong babae, may puting babae dito 663 00:36:58,799 --> 00:37:01,093 na leader ng grupo, napalingon siya do'n sa tawa. 664 00:37:01,177 --> 00:37:03,930 'Yong isa, "Haha." Tapos siya, "Shh." 665 00:37:15,608 --> 00:37:17,235 Gano'n sila ka-liberal. 666 00:37:19,695 --> 00:37:23,491 Akala ko di na niya mahihigitan 'yon, pero may tinitingnan siyang picture. 667 00:37:23,991 --> 00:37:26,953 Isa sa mga kauna-unahang picture na nakuha. 668 00:37:27,036 --> 00:37:30,873 Picture 'yon ng puting lalaki sa plantation, 669 00:37:30,957 --> 00:37:33,751 nakatayo do'n, nakangiti, nakatayo sa taniman. 670 00:37:33,834 --> 00:37:35,795 Parang nakangiti lang sa picture. 671 00:37:36,379 --> 00:37:39,215 Nakatayo 'yong babae, nakatingin sa picture, tapos sabi, 672 00:37:39,298 --> 00:37:40,466 "A… 673 00:37:43,302 --> 00:37:45,221 "Kung naroon ako 674 00:37:46,597 --> 00:37:48,516 "no'ng nangyari 'to… 675 00:37:48,599 --> 00:37:53,229 "Seryoso, kung naroon ako no'ng nangyari 'to, 676 00:37:55,106 --> 00:37:57,275 "hindi ako ngingiti!" 677 00:38:04,865 --> 00:38:08,536 Alam n'yo 'yong pag di n'yo inaasahan 'yong ending ng sentence? 678 00:38:08,619 --> 00:38:12,248 'Yon… Akala kong sasabihin niya, "Kung andun ako, lalaban ako. 679 00:38:12,331 --> 00:38:14,500 "Papalayain ko sila. Gagawin ko…" Hindi. 680 00:38:14,583 --> 00:38:18,546 Parang siya, "Magkakaalipin ako, pero hindi ako mag-eenjoy do'n." 681 00:38:19,338 --> 00:38:22,633 Iiyak na lang ng, "Sorry, nangyayari sa inyo ito. 682 00:38:22,717 --> 00:38:24,885 "Sorry talaga. Punasan mo 'yong likod ng couch. 683 00:38:24,969 --> 00:38:27,888 "Pero ayun, sorry talaga. Di ko kaya." 684 00:38:31,642 --> 00:38:33,728 Ibang klase talaga 'yon. 685 00:38:33,811 --> 00:38:36,605 Naglalakad ka sa level na 'yon. Mahigit isang oras ako do'n. 686 00:38:37,606 --> 00:38:41,152 Sa huli, tumatak sa 'kin 'yong tanong ko sa sarili ko na, 687 00:38:41,235 --> 00:38:43,821 "Sino ka pag tinawag ka ng kasaysayan? 688 00:38:43,904 --> 00:38:47,742 Kaya tinext ko 'yong isa kong best friend, si David Meyer. 689 00:38:47,825 --> 00:38:50,619 Siya talaga 'yong unang Amerikano na naging kaibigan ko. 690 00:38:50,703 --> 00:38:53,497 Napadpad siya sa South Africa 20 years ago. 691 00:38:53,581 --> 00:38:55,416 Dahil yata sa school project. 692 00:38:55,499 --> 00:38:57,543 Nagkataong nagkita kami, naging magkaibigan, 693 00:38:57,626 --> 00:39:00,671 tapos kinumbinsi niya akong mag-comedy sa Amerika. 694 00:39:00,755 --> 00:39:03,841 Tapos ayun na. Mula noon, naging magkaibigan na kami. 695 00:39:03,924 --> 00:39:06,302 Ayun, magandang kuwento 'yon. 696 00:39:06,802 --> 00:39:08,929 Saka magkaibang-magkaiba ang mga buhay namin. 697 00:39:09,013 --> 00:39:13,893 Payat na white boy siya na 6'5" na taga-North Carolina. 698 00:39:13,976 --> 00:39:16,228 Napakabait na tao, sobrang sincere. 699 00:39:16,312 --> 00:39:19,231 At dahil do'n, gustong-gusto ko siyang pina-prank. 700 00:39:19,315 --> 00:39:22,818 Pag-alis namin sa exhibit, tinext ko siya. 701 00:39:22,902 --> 00:39:25,946 Sabi ko, "Yo, Dave, may hihingin akong pabor." 702 00:39:26,447 --> 00:39:28,991 Ang sagot niya, "Yo, dude, ano'ng meron?" 703 00:39:29,075 --> 00:39:30,409 Sabi ko, 704 00:39:30,493 --> 00:39:32,661 "Pag bumalik ang slavery, 705 00:39:33,329 --> 00:39:37,750 nangangako ka bang magiging alipin mo ako at tatratuhin mo ako nang maayos? 706 00:39:40,044 --> 00:39:43,923 Tapos sumagot siya. Sabi niya, "Dude, ano daw?" 707 00:39:45,925 --> 00:39:48,469 Tapos sabi ko, "Nangangako ka bang magiging alipin mo ako 708 00:39:48,552 --> 00:39:50,346 at tatratuhin mo ako nang maayos? 709 00:39:50,429 --> 00:39:52,807 Siya naman, "Ano'ng sinasabi mo?" 710 00:39:52,890 --> 00:39:54,558 Sabi ko, "Oo o hindi?" 711 00:39:55,810 --> 00:39:59,105 Nakita ko 'yong maliliit na tuldok na parang typing… 712 00:39:59,605 --> 00:40:00,564 Typing… 713 00:40:01,565 --> 00:40:03,526 Typing, typing… 714 00:40:04,318 --> 00:40:05,444 Typing… 715 00:40:06,195 --> 00:40:07,113 Typing… 716 00:40:07,196 --> 00:40:08,739 Typing, typing… 717 00:40:08,823 --> 00:40:10,116 Tapos tumawag siya. 718 00:40:12,952 --> 00:40:15,830 Sabi ko, "Kumusta?" Sabi niya, "Ano'ng sinasabi mo? 719 00:40:15,913 --> 00:40:18,707 "Ano ba'ng nangyayari? Anong meron sa slavery?" 720 00:40:18,791 --> 00:40:20,167 Sabi ko, "Gusto kong malaman. 721 00:40:20,251 --> 00:40:24,588 "Pag bumalik ang slavery, nangangako ka bang magiging alipin mo ako? 722 00:40:24,672 --> 00:40:28,968 Sabi niya, "Hindi. Ano'ng sinasabi mo? Hindi na babalik ang slavery." 723 00:40:29,051 --> 00:40:32,054 Sabi ko, "Ganyan din sila sa Ghostbusters. Sagutin mo na. 724 00:40:32,638 --> 00:40:34,473 "Pwede mo ba akong maging…" 725 00:40:34,557 --> 00:40:36,475 Sabi niya, "Hindi, dude. Ayoko. 726 00:40:36,559 --> 00:40:38,811 "Hindi kita gagawing alipin. 727 00:40:38,894 --> 00:40:43,065 "Dude, hindi ako kukuha ng alipin. 'Yong talagang mang-aalipin. 728 00:40:43,149 --> 00:40:46,277 "Hindi ako mang-aalipin ng tao. Hindi tama 'yon." 729 00:40:46,360 --> 00:40:48,279 Sabi ko, "Tama na 'yang bait-baitan mo. 730 00:40:48,362 --> 00:40:50,906 "Gusto kong malaman kung gagawin mo akong alipin mo." 731 00:40:50,990 --> 00:40:52,450 Sabi niya, "Di ko gagawin 'yon." 732 00:40:52,533 --> 00:40:54,243 Sabi ko, "Ay, okay, sige. 733 00:40:54,326 --> 00:40:57,663 "Hahayaan mo lang pala akong maging alipin ng ibang tao. 734 00:40:57,746 --> 00:41:00,833 "Pag bumalik ang slavery, huhulihin ako, tapos ilalatigo nila ako. 735 00:41:00,916 --> 00:41:03,252 "Magiging Django pala ako sa kalsada. 736 00:41:03,335 --> 00:41:07,465 "Malalatigo ako kasi 'yong best friend ko, ayaw gamitin 'yong white privilege niya 737 00:41:07,548 --> 00:41:10,885 "at gawin akong alipin para makapag-hang out kami. 738 00:41:10,968 --> 00:41:14,221 "Nasa taniman ako kahit pwede sanang nagpe-PlayStation tayo sa bahay mo. 739 00:41:14,305 --> 00:41:17,266 "Nagko-Call of Duty sana tayo sa Verdansk gaya ng dati. 740 00:41:17,349 --> 00:41:19,226 "Pero hindi. Gusto mong magpaka-woke 741 00:41:19,310 --> 00:41:21,520 "kaya malalatigo ako ng ibang puti." 742 00:41:21,604 --> 00:41:24,273 Sabi niya, "Hindi." Sabi ko, "Gusto mong maging alipin ako? 743 00:41:24,356 --> 00:41:27,151 "Gusto mong malatigo ako, 'no?" Sabi niya, "Hindi, sige. 744 00:41:27,234 --> 00:41:28,277 "Oo na, dude. 745 00:41:28,360 --> 00:41:31,447 "Pag bumalik ang slavery, gagawin kitang alipin. 746 00:41:31,530 --> 00:41:34,950 "Tatratuhin kita nang tama." Sabi ko, "Aha! Mang-aalipin ka nga." 747 00:41:39,872 --> 00:41:42,333 Sabi ko, "Okay, ibababa ko na." Sabi niya, "Hindi!" 748 00:41:45,836 --> 00:41:47,338 Di pa niya ako napapatawad. 749 00:41:54,512 --> 00:41:56,764 Sino ka pag tinawag ka ng kasaysayan? 750 00:41:58,641 --> 00:42:00,601 Mas madali kapag hypothetical. 751 00:42:04,897 --> 00:42:08,776 Habang palipat-lipat ka ng exhibit, 752 00:42:09,276 --> 00:42:11,362 dadaan ka sa Reconstruction, 753 00:42:11,862 --> 00:42:13,113 Jim Crow, 754 00:42:13,197 --> 00:42:15,199 tapos sa Civil Rights Movement. 755 00:42:16,033 --> 00:42:19,245 Nakakabilib din ang isang 'yon. 756 00:42:19,328 --> 00:42:22,373 Pero dahil 60 years na mula no'n, 757 00:42:22,456 --> 00:42:24,667 mula no'ng talumpating "I Have a Dream", 758 00:42:25,167 --> 00:42:27,211 pinalawak nila 'yong parte ng exhibit 759 00:42:27,294 --> 00:42:30,631 na tungkol sa buhay ni Dr. Martin Luther King. 760 00:42:32,841 --> 00:42:36,053 Makikita mo 'yong mga sinulat niya, 761 00:42:36,136 --> 00:42:38,264 mga naisip niya, mga journal niya, 762 00:42:38,347 --> 00:42:40,975 mga sulat niya sa ibang tao, sa publiko, 763 00:42:41,058 --> 00:42:44,937 mga sulat niya sa mga kaibigan niya, mga interview, lahat. 764 00:42:45,020 --> 00:42:50,401 Detalyado mong makikita 'yong buhay niya na iilan lang ang makakaranas. 765 00:42:51,527 --> 00:42:54,572 Ayokong magsalita para sa ibang tao, 766 00:42:54,655 --> 00:42:57,700 pero feeling ko, 'yong itinuro sa atin tungkol kay MLK, 767 00:42:58,200 --> 00:43:03,372 sobrang sanitized at mababaw na version ng buhay niya. 768 00:43:03,914 --> 00:43:07,501 Gets n'yo ba? Parang sobrang simple at sigurado na. 769 00:43:08,002 --> 00:43:11,630 Pag tinuturo sa 'yo 'yong kuwento, "May lalaking nagngangalang MLK. 770 00:43:11,714 --> 00:43:14,758 "Di niya gusto ang nangyayari noon kaya nagmartsa siya sa tulay, 771 00:43:14,842 --> 00:43:17,595 "nanaginip siya, at naging maligaya habambuhay. 772 00:43:17,678 --> 00:43:20,264 "Happy MLK Day, may 50% off ang mattress." 773 00:43:21,932 --> 00:43:26,520 Pero pag nakita mo 'yong buhay niya, hindi gano'n 'yon. 774 00:43:26,604 --> 00:43:30,399 Seryoso, pag pinag-uusapan ng mga tao, andun 'yong "Happy MLK Day!" 775 00:43:30,482 --> 00:43:34,903 Para tuloy Disney movie. Kapareho ng plot ng Disney movie. 776 00:43:34,987 --> 00:43:37,865 Parang, "Ngayong summer, isang lalaki, 777 00:43:37,948 --> 00:43:40,659 "isang pangarap, ang bumago sa mundo. 778 00:43:40,743 --> 00:43:42,077 "May pangarap ako. 779 00:43:42,578 --> 00:43:45,247 "Si Timothée Chalamet si Martin Luther King. 780 00:43:45,331 --> 00:43:47,541 "Napapanood lang sa Disney+." 781 00:43:50,002 --> 00:43:51,545 Gano'n ang pakiramdam. 782 00:43:56,008 --> 00:43:59,637 Pero pag nakita mong nakalatag 'yong buhay niya, 783 00:43:59,720 --> 00:44:02,556 'yong maliliit na detalye ng buhay niya. 784 00:44:02,640 --> 00:44:06,226 'Yong mga naranasan niya at ng mga tao sa paligid niya. 785 00:44:07,936 --> 00:44:11,398 Mga 29 times siyang nahuli 786 00:44:11,899 --> 00:44:14,276 sa loob ng halos apat na taon. 787 00:44:14,360 --> 00:44:15,527 Mga gawa-gawang kaso. 788 00:44:15,611 --> 00:44:18,238 Minsan, iniiwan siyang mag-isa sa selda. 789 00:44:18,322 --> 00:44:21,075 Wala siyang pagkain, di siya makatawag, wala. 790 00:44:21,575 --> 00:44:23,869 Minsan, binubugbog siya. Minsan… 791 00:44:23,952 --> 00:44:26,955 Makikita mo 'yong mga detalye ng buhay niya. 792 00:44:27,039 --> 00:44:28,957 Pinalayas siya sa mga bayan. 793 00:44:29,833 --> 00:44:31,835 Hinabol siya ng federal government. 794 00:44:31,919 --> 00:44:34,838 Mismong si J. Edgar Hoover na head ng FBI 795 00:44:34,922 --> 00:44:40,010 ang nagpangalan kay Martin Luther King bilang pinakamapanganib na tao sa Amerika. 796 00:44:40,511 --> 00:44:44,807 Tapos nagkaroon ng kampanya ang FBI para wasakin siya. 797 00:44:44,890 --> 00:44:47,559 Sinubukan nilang sirain ang mga relasyon niya. 798 00:44:47,643 --> 00:44:50,646 Ang pinakamalalang ginawa nila, tinap nila ang mga phone niya, 799 00:44:50,729 --> 00:44:53,691 tapos nalaman nilang nangangaliwa siya. 800 00:44:53,774 --> 00:44:57,027 Tinawagan nila ang asawa niyang si Coretta Scott King para ilaglag siya, 801 00:44:57,111 --> 00:45:00,364 kasi akala nila, magkakasira 'yong mag-asawa 802 00:45:00,447 --> 00:45:01,990 at masisira 'yong kilusan. 803 00:45:02,491 --> 00:45:03,325 Ayun. 804 00:45:03,409 --> 00:45:05,160 Sinubukan ng FBI 805 00:45:05,911 --> 00:45:08,414 na magpakalat ng tsismis tungkol kay Martin Luther King. 806 00:45:08,497 --> 00:45:11,166 Magbabago talaga ang tingin mo sa organisasyong 'yon. 807 00:45:11,834 --> 00:45:13,961 Di ba? Parang ang seryoso ng FBI. 808 00:45:14,044 --> 00:45:15,879 Ngayon, alam n'yo na ang totoo. 809 00:45:16,422 --> 00:45:19,967 Andun sila sa J. Edgar Hoover building pag umaga. 810 00:45:20,050 --> 00:45:22,803 "Ano'ng tinatrabaho mo, Kowalski?" "Drug enforcement, sir." 811 00:45:22,886 --> 00:45:24,263 "E, ikaw?" 812 00:45:24,346 --> 00:45:27,057 "Sir, criminal crimes. 'Yong financial po." 813 00:45:27,141 --> 00:45:29,393 "E, ikaw?" "Drama!" 814 00:45:35,023 --> 00:45:37,901 Makikita mo lahat ng nangyari kay MLK, lahat. 815 00:45:37,985 --> 00:45:41,780 May internal kasi sinusulat niya, saka may external kasi observation ng iba. 816 00:45:44,116 --> 00:45:48,245 Isa sa mga section na naglatag no'n, 'yong four-year stretch 817 00:45:48,954 --> 00:45:54,001 kung saan sinusubukang kumain nina Dr. King at ng ibang mga Black 818 00:45:54,084 --> 00:45:57,838 sa mga restaurant na nagse-segregate ng mga Black 819 00:45:57,921 --> 00:46:00,174 at ayaw silang pagsilbihan ng pagkain. 820 00:46:00,257 --> 00:46:04,094 Papasok sila sa mga restaurant, uupo sila, magagara ang suot, 821 00:46:04,178 --> 00:46:05,596 tapos tatanggihan sila. 822 00:46:05,679 --> 00:46:08,891 Pinapalayas sila, minumura, dinuduraan. 823 00:46:09,433 --> 00:46:10,934 Madalas, binubugbog sila. 824 00:46:11,560 --> 00:46:13,604 Aalis silang may bukol, duguan. 825 00:46:13,687 --> 00:46:15,814 Uuwi sila, maliligo, tapos uulitin nila. 826 00:46:15,898 --> 00:46:18,692 Uwi, ligo, tapos gano'n ulit. 827 00:46:18,776 --> 00:46:20,402 Ngayon, pag pinag-uusapan natin, 828 00:46:20,486 --> 00:46:22,654 "Tama 'yong ginawa nila. Tingnan n'yo naman." 829 00:46:22,738 --> 00:46:26,492 Oo, pero pag binasa mo 'yong buhay niya, mapapasabi kang, "Hindi sigurado 'yon." 830 00:46:27,242 --> 00:46:29,661 Walang kasiguraduhang uubra 'yon. 831 00:46:29,745 --> 00:46:32,080 Walang palatandaan na umuubra 'yon. 832 00:46:32,164 --> 00:46:34,792 Pero pinagpatuloy nila. 833 00:46:35,918 --> 00:46:38,796 No'ng tinitingnan ko 'yong buhay niya at 'yong mga gawa niya, 834 00:46:38,879 --> 00:46:43,217 napatanong ako, "May pagkakataon kaya na nagsisi siya?" 835 00:46:44,301 --> 00:46:47,429 May pagkakataon kayang pinagsisihan niya 'yong pinagdaanan niya 836 00:46:47,513 --> 00:46:48,889 at 'yong ginawa niya? 837 00:46:49,973 --> 00:46:52,851 Gaya no'ng unang beses siyang tumikim ng pagkain ng mga puti. 838 00:47:00,192 --> 00:47:03,070 Hanggang sa puntong 'yon, theoretical lang 'yon, di ba? 839 00:47:04,196 --> 00:47:06,156 Hindi napapagsilbihan noon ang mga Black. 840 00:47:06,240 --> 00:47:09,785 Hiling lang nila noon na makakain sa mga establishment na 'yon. 841 00:47:10,327 --> 00:47:12,204 Pero di pa sila nakakain do'n. 842 00:47:12,830 --> 00:47:16,208 Uupo sila sa counter tapos sasabihin ng may-ari, "Lintik! 843 00:47:16,291 --> 00:47:19,086 "Ayoko ng mga katulad mo rito! Lumayas ka dito!" 844 00:47:19,169 --> 00:47:21,839 Tapos sasabihin niya, "Kapatid, may pangarap ako. 845 00:47:21,922 --> 00:47:25,384 "Pangarap ko na balang araw, anuman ang kulay ng balat natin, 846 00:47:25,467 --> 00:47:27,469 "makakaupo ang lahat ng tao rito, 847 00:47:27,553 --> 00:47:30,013 "ang mga kapatid natin, itim man o puti, 848 00:47:30,097 --> 00:47:34,268 "at tutuparin ng Amerika ang pangako nito na pantay-pantay ang mga tao. 849 00:47:34,351 --> 00:47:37,479 "Pangarap ko na balang araw—" "Hay, tumahimik ka nga! 850 00:47:37,563 --> 00:47:41,024 "Panalo ka na. Binago na ang batas. Tumingin ka sa TV. 851 00:47:41,108 --> 00:47:42,484 "Eto ang pagkain mo." 852 00:47:44,945 --> 00:47:46,738 "Maraming salamat." 853 00:47:56,957 --> 00:47:58,375 "Ay, lintik. 854 00:48:03,964 --> 00:48:05,883 "May bago na akong pangarap. 855 00:48:08,468 --> 00:48:12,723 "Pangarap ko na ngayon na madiskubre ng mga puti ang seasoning. 856 00:48:14,933 --> 00:48:19,229 "Pangarap ko na hindi na nila ituring na spice ang paminta. 857 00:48:22,024 --> 00:48:26,320 "Pangarap kong magkaisa tayong lahat para magapi ang totoong puting demonyo, 858 00:48:26,403 --> 00:48:27,905 "ang mayonnaise." 859 00:48:35,787 --> 00:48:38,123 Ang awkward siguro no'n. 860 00:48:39,333 --> 00:48:42,336 'Yong first walk pagkatapos no'ng unang meal. 861 00:48:43,670 --> 00:48:46,673 Naglalakad papuntang parking lot sina Martin at mga kasama niya. 862 00:48:47,758 --> 00:48:48,926 Walang nagsasalita. 863 00:48:58,894 --> 00:49:00,395 "Para sa basurang 'to, Martin? 864 00:49:03,732 --> 00:49:05,317 "Para sa basurang 'to, Martin?" 865 00:49:05,400 --> 00:49:07,569 "Paumanhin, mga kaibigan. Hindi ko alam." 866 00:49:07,653 --> 00:49:10,781 "Lintik na 'yan, Martin! Hinayaan mong malatigo tayo para dito? 867 00:49:10,864 --> 00:49:13,283 "Natikman mo ba?" "Akala ko masarap, e. 868 00:49:13,367 --> 00:49:16,286 "Akala ko kaya hinaharangan tayo. Patawad. 869 00:49:16,370 --> 00:49:18,288 "Talagang paumanhin, mga kaibigan." 870 00:49:18,372 --> 00:49:21,083 "Lintik naman, Martin. Lasang depression 'to, e. 871 00:49:21,166 --> 00:49:22,918 "Ito ba 'yong pinaglalaban natin?" 872 00:49:23,001 --> 00:49:25,379 "Pasensiya na talaga. Babawi ako. 873 00:49:25,462 --> 00:49:28,256 "Ibibili ko kayong lahat ng Popeyes sa madadaanan." 874 00:49:37,432 --> 00:49:41,395 Sino ka pag tinawag ka ng kasaysayan? 875 00:49:48,902 --> 00:49:49,736 Salamat. 876 00:50:00,664 --> 00:50:01,540 Alam n'yo, 877 00:50:02,874 --> 00:50:05,002 ang malaking palaisipan sa buhay, 878 00:50:06,336 --> 00:50:10,382 hindi porke't may malaking nangyayari, 879 00:50:11,425 --> 00:50:13,719 hihinto na 'yong maliliit. 880 00:50:16,805 --> 00:50:21,893 Hindi porke't may malaking nangyayari, hihinto na 'yong maliit. 881 00:50:22,894 --> 00:50:23,812 Alam mo 'yon? 882 00:50:25,480 --> 00:50:28,525 Isa 'yon sa malalaking palaisipan sa buhay. 883 00:50:29,026 --> 00:50:31,069 Gaano ka magfo-focus sa malaking bagay 884 00:50:31,153 --> 00:50:34,448 at ga'no kalaking atensiyon ang ibibigay mo sa maliit? 885 00:50:37,117 --> 00:50:38,618 May sumakto do'n, e. 886 00:50:38,702 --> 00:50:41,580 May nakita ako online na usapan ng dalawang tao. 887 00:50:41,663 --> 00:50:46,293 May nag-post, "Kaka-graduate ko lang, sobrang excited ako, puro A ang grades ko. 888 00:50:46,376 --> 00:50:49,004 "Party sa bahay ko, invited lahat." 889 00:50:49,087 --> 00:50:52,257 Siyempre, joke 'yon. Internet 'yon, hindi invited lahat. 890 00:50:52,883 --> 00:50:54,301 Nag-post 'yong mga tao. 891 00:50:54,384 --> 00:50:56,970 Tapos may nag-comment. Ang sabi, "Talaga ba? 892 00:50:57,054 --> 00:50:59,514 "Magpapa-party ka sa panahon ngayon? 893 00:50:59,598 --> 00:51:03,268 "Tumingin ka nga sa paligid mo. Tama bang mag-celebrate ngayon? 894 00:51:03,351 --> 00:51:05,562 "Hindi ito ang oras para mag-party." 895 00:51:05,645 --> 00:51:07,481 Tapos lumaki na 'yong away. 896 00:51:07,564 --> 00:51:08,899 Tatapatin ko kayo. 897 00:51:08,982 --> 00:51:11,401 Naiintindihan ko pareho 'yong pinaghuhugutan nila. 898 00:51:11,485 --> 00:51:12,861 Emotionally, gets ko. 899 00:51:12,944 --> 00:51:17,074 Sabi no'ng isa, "Pa'no ka magse-celebrate 900 00:51:17,157 --> 00:51:20,911 "ngayong gumuguho ang mundong alam natin? 901 00:51:20,994 --> 00:51:22,913 "Pa'no ka magsasaya 902 00:51:22,996 --> 00:51:26,333 "kung lahat ng nakagawian at institusyon na naiintindihan natin 903 00:51:26,416 --> 00:51:29,628 "na bumubuo sa lipunan natin, e nasisira? 904 00:51:29,711 --> 00:51:33,715 "Nasisira na 'yong public trust natin. Pa'no ka magpapa-party no'n?" 905 00:51:33,799 --> 00:51:36,802 Pero sabi naman no'ng isa, "Bakit naman hindi? 906 00:51:37,302 --> 00:51:40,430 "Buong buhay ko, nagtrabaho ako para makarating dito. 907 00:51:40,514 --> 00:51:43,725 "Sa wakas, nagawa ko na sa kabila ng lahat. 908 00:51:43,809 --> 00:51:46,978 "Kaya para sa sandaling ito, gusto kong mag-enjoy." 909 00:51:47,687 --> 00:51:50,148 Tama naman sila pareho. Di ba? 910 00:51:50,774 --> 00:51:52,192 Pareho silang tama. 911 00:51:55,237 --> 00:51:58,740 Bawat ospital, may ward na may kapapanganak pa lang na baby 912 00:51:58,824 --> 00:52:00,951 at may ward na may kakamatay lang. 913 00:52:02,744 --> 00:52:05,413 Nagdidiwang ka para sa bagong buhay. 914 00:52:06,414 --> 00:52:08,708 Nagdadalamhati ka sa pagkawala ng taong mahal mo. 915 00:52:09,209 --> 00:52:10,794 Walang mali sa kanila. 916 00:52:12,379 --> 00:52:14,881 Pero saan ka magfo-focus? 917 00:52:19,469 --> 00:52:23,348 Nakuha ko ang sagot ko sa isa sa mga pinaka-random na lugar. 918 00:52:23,431 --> 00:52:25,684 Nagbabasa ako ng libro. 919 00:52:25,767 --> 00:52:32,065 May mga kuwento ng mga sundalo na nagsilbi noong World War I. 920 00:52:32,149 --> 00:52:34,943 Kausap nila 'yong mga beterano na andun no'ng panahong 'yon. 921 00:52:35,026 --> 00:52:38,113 Sinasalaysay no'ng libro 'yong mga karanasan nila. 922 00:52:39,322 --> 00:52:41,783 Maraming nagkukuwento tungkol sa trench warfare, 923 00:52:41,867 --> 00:52:45,328 na isa sa pinakamalalang warfare na naimbento ng tao. 924 00:52:45,412 --> 00:52:47,539 Tumagal 'yon nang maraming taon. 925 00:52:47,622 --> 00:52:49,666 Papalit-palit 'yong mga sundalo. 926 00:52:49,749 --> 00:52:52,085 Araw-araw, posibleng katapusan na nila. 927 00:52:52,669 --> 00:52:54,754 Sa gitna ng lahat ng hirap na 'yon, 928 00:52:54,838 --> 00:52:58,633 may makikita kang isang pagkakapare-pareho sa bawat sundalong nakausap nila. 929 00:52:58,717 --> 00:53:00,135 Halos lahat sila. 930 00:53:00,635 --> 00:53:04,472 Nakatagpo sila ng kaligayahan sa trenches. 931 00:53:05,182 --> 00:53:09,102 May mga pagkakataong nagpapa-card games sila. 932 00:53:09,186 --> 00:53:10,187 Naglalaro sila. 933 00:53:10,270 --> 00:53:13,899 May sinimulan silang satirical na diyaryo. 934 00:53:13,982 --> 00:53:16,151 May mga biruan sila tungkol sa mga officer, 935 00:53:16,234 --> 00:53:18,862 saka sa nangyayari sa giyera at sa isa't isa. 936 00:53:18,945 --> 00:53:21,448 Isa sa mga pinakanakakagulat na nabasa ko, 937 00:53:21,531 --> 00:53:25,035 no'ng may bakang pumunta sa battlefield. 938 00:53:25,118 --> 00:53:26,203 No man's land 'yon. 939 00:53:26,286 --> 00:53:29,331 Talagang gitnang-gitna ng Allies at ng Axis. 940 00:53:29,414 --> 00:53:32,918 Gusto ng parehong panig 'yong baka. 941 00:53:33,418 --> 00:53:35,629 Tapos sumigaw sila sa mga German. 942 00:53:35,712 --> 00:53:39,591 Sabi nila, "Gusto namin 'yong baka." 'Yong mga German, "Gusto din namin." 943 00:53:40,091 --> 00:53:41,968 Nagkasundo sila. Sabi nila, "Laro tayo. 944 00:53:42,052 --> 00:53:45,805 "Maghahagis tayo ng mga barya sa ere tapos babarilin natin. 945 00:53:45,889 --> 00:53:49,226 "Kung sino'ng makakatama sa barya, kanila 'yong baka." 946 00:53:49,309 --> 00:53:52,229 Binaril ng English soldiers 'yong barya. 947 00:53:52,312 --> 00:53:55,774 Tapos sabi ng mga German, "Okay, sa inyo na 'yong baka. 948 00:53:55,857 --> 00:53:57,817 "Pero ibalik n'yo 'yong mga barya namin." 949 00:53:58,693 --> 00:54:01,696 Kinuha no'ng English soldier 'yong barya. "Papatayin nila ako." 950 00:54:01,780 --> 00:54:05,408 Binigay niya sa mga German, tapos tumakbo siya pabalik sa trenches. 951 00:54:05,492 --> 00:54:07,327 Tapos sabi ng lahat, "Ang saya ng laro." 952 00:54:09,120 --> 00:54:10,538 Punong-puno 'yon ng kuwento. 953 00:54:10,622 --> 00:54:15,001 May mga kuwento ng mga sundalo na biglang nagkakantahan sa gabi. 954 00:54:15,085 --> 00:54:19,714 Kinakantahan nila sa kabila 'yong mga kalabang sundalo. 955 00:54:20,590 --> 00:54:22,592 Kakanta din 'yong mga sundalong 'yon. 956 00:54:23,176 --> 00:54:25,303 Isipin n'yo 'yon. Nasa trench ka. 957 00:54:26,012 --> 00:54:28,848 Nabubulok 'yong mga paa mo. Pagod lahat, takot. 958 00:54:28,932 --> 00:54:32,686 Habang nangyayari 'yon, bigla na lang may, "Say you…" 959 00:54:41,820 --> 00:54:44,239 Nakahanap sila ng kaligayahan sa trenches. 960 00:54:46,866 --> 00:54:50,578 Na-realize ko na naalala nila kung ano'ng pinaglalaban nila. 961 00:54:50,662 --> 00:54:53,748 Lumalaban sila para mabuhay, hindi para lumaban. 962 00:54:53,832 --> 00:54:57,043 Pag nakalimutan mo ang pinaglalaban mo, wala nang point makipaglaban. 963 00:54:57,585 --> 00:55:00,338 Lumalaban ka para maging masaya, para i-explore ang sarili. 964 00:55:00,422 --> 00:55:03,758 Lumalaban ka para sa mga adventure. Lumalaban ka para makatawa. 965 00:55:03,842 --> 00:55:06,177 Di ka lumalaban para lang makipaglaban. 966 00:55:06,261 --> 00:55:07,721 Lumalaban ka para mabuhay. 967 00:55:08,221 --> 00:55:11,182 Hindi porke't may nangyayaring malaki, 968 00:55:11,266 --> 00:55:14,561 hihinto na 'yong maliit. 969 00:55:23,820 --> 00:55:26,656 Sabi ng therapist ko, mahirap kang i-date. 970 00:55:32,412 --> 00:55:33,413 Oo. 971 00:55:35,373 --> 00:55:40,420 Sabi niya sa 'kin, "Trevor, tingin ko, mahirap kang i-date." 972 00:55:40,920 --> 00:55:44,174 Sabi ko, "Mukhang di mo rin nagustuhan 'yong Grammys." 973 00:55:48,011 --> 00:55:52,265 Sinabi niya 'yon sa dulo ng session. Feeling ko, dapat ilegal 'yon. 974 00:55:53,016 --> 00:55:57,354 Di ba? Magbibitaw sila ng pasabog sa dulo ng session, 975 00:55:57,437 --> 00:55:58,480 tapos paghihintayin ka. 976 00:55:58,563 --> 00:56:00,899 Parang, "Kaya di ka magawang mahalin ng tatay mo." 977 00:56:00,982 --> 00:56:02,942 Tapos ikaw, "Ano?" "Tapos na ang oras. 978 00:56:03,026 --> 00:56:04,486 "Next time ulit." "Hindi! 979 00:56:04,569 --> 00:56:06,488 "Hindi, next video! 980 00:56:06,571 --> 00:56:11,159 "Ayokong maghintay ng isang linggo. Gusto ko ng Netfliix therapy, hindi HBO!" 981 00:56:13,036 --> 00:56:15,288 Naghintay ako ng two weeks. Sa sunod kong session, 982 00:56:15,372 --> 00:56:16,956 sabi ko, "Asan na nga tayo?" 983 00:56:17,040 --> 00:56:19,709 Parang ako, "Okay, skip recap. Let's go." 984 00:56:19,793 --> 00:56:23,838 Sabi niya, "Trevor, naisip kita saka 'yong tungkol sa mga relasyon." 985 00:56:23,922 --> 00:56:27,550 Pinag-usapan natin 'yong inability ko na tumagal sa relasyon. 986 00:56:27,634 --> 00:56:30,053 Sinusubukan kong intindihin kung bakit. 987 00:56:30,136 --> 00:56:32,597 Sabi niya, "Tingin ko kasi, mahirap kang i-date." 988 00:56:32,680 --> 00:56:35,683 Tapos inisa-isa niya. Sabi niya, "May ilang dahilan. 989 00:56:36,559 --> 00:56:38,061 "Masyado kang workaholic. 990 00:56:38,144 --> 00:56:42,023 "Mahal mo ang trabaho mo, pero sobra na. Nawawalan ng balanse." 991 00:56:42,565 --> 00:56:46,820 Sabi niya, "Masyado ring madalas 'yong pagta-travel mo. 992 00:56:46,903 --> 00:56:50,907 "Importante na nasa iisang lugar kayo para tumibay 'yong relasyon. 993 00:56:51,574 --> 00:56:55,495 Pero tatapatin ko na kayo. Side dish lang 'yong mga 'yon. 994 00:56:56,413 --> 00:56:59,249 Di ba? 'Yong main course at 'yong totoong problema sa 'kin, 995 00:56:59,749 --> 00:57:02,085 sabi nga ng therapist ko, 996 00:57:02,585 --> 00:57:04,587 hindi ko kaya 997 00:57:05,338 --> 00:57:09,759 na hindi sabihin kung ano'ng nasa isip ko. 998 00:57:13,388 --> 00:57:16,015 At itinuro niya sa 'kin na isa sa mga importanteng bagay 999 00:57:16,099 --> 00:57:18,643 para magtagal at magtagumpay ang isang relasyon 1000 00:57:19,602 --> 00:57:22,105 'yong dapat alam mo kung kelan ka mag-iisip 1001 00:57:22,188 --> 00:57:24,107 at kelan ka magsasalita. 1002 00:57:25,108 --> 00:57:25,942 Oo. 1003 00:57:27,735 --> 00:57:30,029 Sabi ko, "Di 'yon problema sa 'kin." 1004 00:57:30,113 --> 00:57:33,241 Sabi niya, "Hindi, Trevor. Madalas may naiisip ka 1005 00:57:33,324 --> 00:57:35,076 "tapos sinasabi mo agad. 1006 00:57:35,160 --> 00:57:37,370 Pag may naisip ka, lumalabas sa bibig mo." 1007 00:57:37,454 --> 00:57:39,622 Sabi ni Trump, "Pagsabihan mo." 1008 00:57:48,673 --> 00:57:51,759 Sabi ko, "Ewan. Parang wala naman akong gano'ng problema." 1009 00:57:51,843 --> 00:57:54,596 Sabi niya, "Hindi, may notes ako. Teka, may notes ako." 1010 00:57:55,096 --> 00:57:57,515 Sabi niya, "Tingnan natin 'yong mga halimbawa." 1011 00:57:57,599 --> 00:58:00,185 Tapos may isang halimbawa do'n na talagang… 1012 00:58:00,727 --> 00:58:01,895 Tama siya. 1013 00:58:03,813 --> 00:58:05,732 Nangyari 'yon sa isang ex-girlfriend ko. 1014 00:58:05,815 --> 00:58:09,527 'Yon talaga 'yong lamat na tumapos sa relasyon namin. 1015 00:58:09,611 --> 00:58:13,656 Hindi 'yong moment na 'yon, pero 'yong lamat ang naging dahilan. 1016 00:58:14,866 --> 00:58:17,494 Nag-aayos na kami para matulog. 1017 00:58:18,828 --> 00:58:20,205 Walang kakaiba sa gabing 'yon. 1018 00:58:20,705 --> 00:58:23,500 Nag-toothbrush kami, humiga sa ilalim ng kumot. 1019 00:58:23,583 --> 00:58:27,921 Bago namin patayin 'yong ilaw, nag-usap kami tapos sobrang cozy namin. 1020 00:58:28,004 --> 00:58:30,131 Kumabaga kasama mo 'yong mahal mo, 1021 00:58:30,215 --> 00:58:34,594 tapos mapapakuwento kayo ng mga bagay na di n'yo pa naikukuwento, 1022 00:58:34,677 --> 00:58:36,763 'yong mga nararamdaman n'yo, tumatawa kayo. 1023 00:58:36,846 --> 00:58:38,723 Ramdam mong mas nai-in love kayo. 1024 00:58:39,265 --> 00:58:42,185 Nakahiga kami sa unan, nakatingin sa isa't isa, 1025 00:58:42,268 --> 00:58:44,103 tapos nakatitig siya sa 'kin. 1026 00:58:45,313 --> 00:58:48,024 Tapos biglang sabi niya, "Uy. 1027 00:58:49,150 --> 00:58:50,777 "Pwede ba akong magtanong?" 1028 00:58:51,861 --> 00:58:53,029 Sabi ko, "Oo. 1029 00:58:53,905 --> 00:58:55,031 "Oo naman." 1030 00:58:55,532 --> 00:58:56,491 Sabi niya, 1031 00:58:57,242 --> 00:59:00,370 "Kung may isang bagay kang babaguhin sa 'kin, 1032 00:59:01,996 --> 00:59:03,498 "ano 'yon?" 1033 00:59:07,210 --> 00:59:08,878 Ngayon, natutunan ko na… 1034 00:59:12,048 --> 00:59:15,426 na may tamang sagot sa tanong na 'yon. 1035 00:59:17,262 --> 00:59:19,639 Saka oo, may isang tamang sagot. 1036 00:59:19,722 --> 00:59:22,350 Kahit ga'no pa ka-unique 'yong relasyon n'yo, 1037 00:59:22,433 --> 00:59:25,645 kung gusto n'yong manalo sa game show question na 'yon, 1038 00:59:26,521 --> 00:59:28,606 'yong sagot niya pag sinabi niyang… 1039 00:59:28,690 --> 00:59:33,361 May babae sa buhay n'yo tapos sabi niya, "Kung may babaguhin ka sa 'kin, ano 'yon?" 1040 00:59:33,444 --> 00:59:36,197 Ang tamang sagot, "Wala." 1041 00:59:37,532 --> 00:59:40,034 Sana kasama ko kayo no'ng gabing 'yon. 1042 00:59:41,160 --> 00:59:41,995 Oo. 1043 00:59:42,954 --> 00:59:45,748 Ang tamang sagot, "Wala." 1044 00:59:45,832 --> 00:59:47,000 Sabihin mo, "Wala, babe. 1045 00:59:47,083 --> 00:59:51,045 "Wala akong babaguhin sa 'yo 1046 00:59:51,546 --> 00:59:55,550 "kasi perfect para sa 'kin ang lahat sa 'yo. 1047 00:59:57,093 --> 00:59:59,596 "Kung meron man… Pwede ba kitang tapatin? 1048 01:00:00,847 --> 01:00:02,473 "Babaguhin ko ang sarili ko. 1049 01:00:04,892 --> 01:00:06,728 "Babaguhin ko ang sarili ko 1050 01:00:07,562 --> 01:00:11,899 "para mas buo kong matanggap 'yong pagmamahal na ibinibigay mo. 1051 01:00:12,859 --> 01:00:14,652 "'Yon ang babaguhin ko." 1052 01:00:16,904 --> 01:00:19,949 'Yon ang unabridged na sagot kung gusto n'yong gamitin. 1053 01:00:20,450 --> 01:00:21,284 Ayun. 1054 01:00:22,452 --> 01:00:24,287 Hindi 'yon ang isinagot ko. 1055 01:00:25,788 --> 01:00:28,458 Hindi. Sinabi ko kung ano'ng nasa isip ko. 1056 01:00:29,417 --> 01:00:30,793 Tiningnan niya ako. Sabi niya, 1057 01:00:30,877 --> 01:00:34,130 "Kung may isang bagay kang babaguhin sa 'kin, 1058 01:00:34,631 --> 01:00:36,007 "ano 'yon?" 1059 01:00:36,799 --> 01:00:39,969 Tapos sabi ko, "A, isang bagay." 1060 01:00:43,181 --> 01:00:45,058 "Isang bagay. 1061 01:00:46,517 --> 01:00:48,311 "A, isang bagay. 1062 01:00:48,394 --> 01:00:50,730 "Grabe, ang hirap no'n. Isang bagay. 1063 01:00:51,356 --> 01:00:52,649 "Isa lang. 1064 01:00:52,732 --> 01:00:55,026 "Okay, iisipin ko. Teka. Iisipin ko. 1065 01:00:55,109 --> 01:00:57,737 "Kung isa lang, ano 'yong babaguhin ko? 1066 01:00:57,820 --> 01:01:00,865 "Ano'ng babaguhin ko? Okay. May naisip na ako. 1067 01:01:00,948 --> 01:01:03,576 "Kung isa lang ang pwede kong baguhin sa 'yo, 1068 01:01:04,077 --> 01:01:07,747 "babaguhin ko ang paraan mo ng pakikipag-communicate 1069 01:01:08,498 --> 01:01:09,874 "pag nagse-sex." 1070 01:01:11,250 --> 01:01:13,503 Tapos sabi niya, "Ano?" 1071 01:01:15,505 --> 01:01:18,091 Ayun, tapos lumala na. 1072 01:01:19,550 --> 01:01:21,969 Alam kong mali ako kaya huwag n'yo akong husgahan. 1073 01:01:22,053 --> 01:01:23,930 Mali ako. Inaayos ko naman, e. 1074 01:01:24,013 --> 01:01:26,557 Ipapaliwanag ko 'yong nasa isip ko no'n. 1075 01:01:26,641 --> 01:01:31,771 Ang nangyari kasi no'n, una sa lahat, akala ko totoong tanong 'yon. Okay? 1076 01:01:32,605 --> 01:01:37,902 Pangalawa, sinusubukan kong i-express 'yong naramdaman ko noon. 1077 01:01:37,985 --> 01:01:41,739 'Yong feeling na madalas akong malito saka nafu-frustrate ako minsan 1078 01:01:41,823 --> 01:01:43,950 pag nagiging intimate kami ng girlfriend ko. 1079 01:01:44,033 --> 01:01:46,744 Nasa intimate setting kami, tapos sasabihin niya… 1080 01:01:46,828 --> 01:01:48,204 Di 'to kabastusan, ha? 1081 01:01:48,287 --> 01:01:51,791 Sasabihin niya, "A, ayan na." 1082 01:01:51,874 --> 01:01:56,212 Ladies, 'yon ang pinakamaganda na pwede n'yong sabihin sa isang lalaki. 1083 01:01:56,295 --> 01:02:00,049 Wala nang ibang mas gugustuhin ang lalaki na marinig sa buong buhay niya. 1084 01:02:00,133 --> 01:02:03,594 Pag sinabi n'yo 'yon, naabot na namin ang rurok ng pagkalalaki. 1085 01:02:03,678 --> 01:02:05,680 Naabot na namin. Narating na namin. 1086 01:02:05,763 --> 01:02:08,057 Pag sinabi n'yo 'yon, para kaming, "Ako Tarzan." 1087 01:02:08,141 --> 01:02:09,517 Tapos na. 1088 01:02:10,017 --> 01:02:10,852 Tapos na. 1089 01:02:10,935 --> 01:02:12,812 Sa sobrang lakas ng epekto no'n sa 'min, 1090 01:02:12,895 --> 01:02:15,773 may maaabot kaming antas ng pagkalalaki namin 1091 01:02:15,857 --> 01:02:18,234 na hindi namin alam na meron kami. 1092 01:02:18,317 --> 01:02:20,862 Pag sinabi n'yo 'yon, lumalakas kami. 1093 01:02:20,945 --> 01:02:24,532 Nalalampasan namin lahat. Nawawala ang pagod namin. 1094 01:02:24,615 --> 01:02:26,617 Nakakalimutan namin 'yong pulikat. 1095 01:02:26,701 --> 01:02:29,245 Kami, kahit anong sitwasyon, 1096 01:02:29,328 --> 01:02:31,622 minsan di kami makahinga, e. 1097 01:02:31,706 --> 01:02:33,374 Minsan di kami makahinga. 1098 01:02:33,458 --> 01:02:36,377 Minsan barado 'yong ilong namin, tapos… 1099 01:02:36,461 --> 01:02:41,007 Tapos ang ginagawa namin no'n, gumagalaw kami kada isang hinga. 1100 01:02:41,090 --> 01:02:43,050 Bale ginagawa namin, 1101 01:02:43,134 --> 01:02:47,430 tapos pag kinapos kami sa hangin, para kaming balyenang umaahon. 1102 01:02:47,930 --> 01:02:49,474 Aangat kami. 1103 01:02:50,808 --> 01:02:55,188 Tapos sisisid ulit kami sa kailaliman ng kaligayahan n'yo. 1104 01:02:55,271 --> 01:02:56,189 Ayos lang 'yon. 1105 01:02:56,272 --> 01:02:59,484 Rhythm 'yon na kusang natututunan ng mga lalaki. 1106 01:02:59,567 --> 01:03:02,528 Pero ladies, isipin n'yo naman na paisa-isa lang ang hinga namin. 1107 01:03:02,612 --> 01:03:05,281 Pag sinabi n'yong, "Ayan na," 1108 01:03:05,364 --> 01:03:08,367 iisipin naming, "Hindi ito ang oras para huminga. 1109 01:03:10,286 --> 01:03:11,496 "Calling ko 'to. 1110 01:03:11,579 --> 01:03:14,791 "Isa lang ang hininga ko. Gagamitin ko 'yon nang tama." 1111 01:03:16,584 --> 01:03:19,754 Kaya pinipigilan namin, tuloy-tuloy kami. 1112 01:03:19,837 --> 01:03:22,215 Tuloy-tuloy lang kami, 1113 01:03:22,298 --> 01:03:24,383 tapos sinusubukan naming ibigay sa inyo 'yon. 1114 01:03:24,467 --> 01:03:28,805 Ang hindi ko alam noon, pag pala sinasabi ng ex ko na, 1115 01:03:28,888 --> 01:03:30,473 "Ayan na," 1116 01:03:30,556 --> 01:03:33,351 ang ibig sabihin pala talaga niya, 1117 01:03:33,851 --> 01:03:37,563 "Naliligayahan ako sa ginagawa mo sa 'kin, 1118 01:03:37,647 --> 01:03:39,774 "at gusto kong ituloy mo lang 'yan. 1119 01:03:40,316 --> 01:03:44,028 "Ituloy mo lang mismo 'yang ginagawa mo ngayon 1120 01:03:44,904 --> 01:03:47,949 "nang hindi binabago 'yong cadence saka pati 'yong diin sana. 1121 01:03:48,449 --> 01:03:50,576 "Huwag kang mae-excite sa sinabi ko. 1122 01:03:50,660 --> 01:03:52,119 "Wala kang babaguhin. 1123 01:03:52,203 --> 01:03:55,623 "Gawin mo lang mismo 'yang ginagawa mo ngayon 1124 01:03:55,706 --> 01:03:57,708 "kasi nasa tamang landas ka. 1125 01:03:58,751 --> 01:04:01,212 "Kaya mo 'yan, champ. Sige lang. 1126 01:04:01,921 --> 01:04:04,715 "Sabog ka kanina, pero ito na 'yon. 1127 01:04:05,216 --> 01:04:07,468 "Pag ginawa mo 'yan, malaki ang chance 1128 01:04:07,552 --> 01:04:10,054 "na maaabot ko 'yong climax ko. 1129 01:04:10,137 --> 01:04:12,473 "Kaya sige lang. Kaya mo 'yan. 1130 01:04:12,557 --> 01:04:15,685 "Naniniwala ako sa 'yo. Mas umiinit ka na." 1131 01:04:16,435 --> 01:04:18,145 'Yon ang ibig niyang sabihin. 1132 01:04:19,981 --> 01:04:21,983 Pero nakakalito kasi 'yon. 1133 01:04:22,066 --> 01:04:25,152 Nakakalito 'yon, ladies, dahil sa sinasabi n'yong, 1134 01:04:25,236 --> 01:04:26,654 "Ayan na." 1135 01:04:26,737 --> 01:04:29,949 Naiintindihan ko na ngayon na pag sinabi ng mga babae na, "Ayan na," 1136 01:04:30,032 --> 01:04:32,618 parang 'yong tao lang na nasa bus stop. 1137 01:04:32,702 --> 01:04:35,413 "Andiyan na 'yong bus." Di ba? 1138 01:04:35,955 --> 01:04:40,793 Ibig sabihin, nasa tamang lugar kayo para makatagpo n'yo 'yong bus. 1139 01:04:42,712 --> 01:04:45,172 Dito pupunta 'yong bus. 1140 01:04:45,673 --> 01:04:48,009 Pero ang issue, kung kelan. 1141 01:04:48,634 --> 01:04:50,803 Do'n tayo hindi magkaintindihan. 1142 01:04:51,304 --> 01:04:53,973 Kasi ladies, medyo literal kami pagdating do'n. 1143 01:04:54,056 --> 01:04:55,933 Pag sinabi ng babae, theoretical 'yon. 1144 01:04:56,017 --> 01:04:57,268 "Ayan na." 1145 01:04:57,351 --> 01:05:00,771 Ibig sabihin lang, ito 'yong tamang direksiyon. 1146 01:05:00,855 --> 01:05:03,190 Pwedeng umabot pa ng tatlong minuto. 1147 01:05:03,691 --> 01:05:06,861 Pwedeng 15 minutes pa. 1148 01:05:06,944 --> 01:05:09,238 Pwedeng sa sunod na niyang relasyon. 1149 01:05:10,948 --> 01:05:12,366 Walang nakakaalam. 1150 01:05:14,619 --> 01:05:16,954 Ladies, isipin n'yo naman na hindi kami humihinga. 1151 01:05:18,080 --> 01:05:18,998 Di kami humihinga. 1152 01:05:19,081 --> 01:05:21,375 Pinipigilan namin. Di na namin kaya. 1153 01:05:21,459 --> 01:05:23,377 Kailangang huminga para mabuhay. 1154 01:05:23,461 --> 01:05:26,172 Kaya siguro mas maikli nang ten years ang buhay ng lalaki. 1155 01:05:26,255 --> 01:05:29,759 Dahil sa mga hiningang na-miss namin sa paghihintay do'n. 1156 01:05:29,842 --> 01:05:32,219 Wala namang masama kung hindi mangyari 'yon. 1157 01:05:32,303 --> 01:05:34,639 Di namin alam kasi mas literal kami. 1158 01:05:34,722 --> 01:05:36,766 Simple lang ang mga lalaki. Gano'n talaga. 1159 01:05:36,849 --> 01:05:39,226 Parang aso. "Asan ang bola? Ayun ang bola." 1160 01:05:39,310 --> 01:05:41,604 Pag sinabi ng lalaking, "Ayan na," 1161 01:05:41,687 --> 01:05:43,981 ibig sabihin no'n, ayan na nga. 1162 01:05:47,443 --> 01:05:50,947 Malapit nang mangyari, ladies. 'Yon ang sinasabi ko. 1163 01:05:51,030 --> 01:05:53,324 Pag sinabi ng lalaking, "Ayan na," 1164 01:05:53,407 --> 01:05:54,784 ito na 'yon. 1165 01:05:54,867 --> 01:05:56,327 Wala nang iba. 1166 01:05:56,410 --> 01:05:59,705 Wala nang ad break. Di ka na makakatigil. 1167 01:05:59,789 --> 01:06:02,792 Nangyayari na sa sandaling 'to. 1168 01:06:02,875 --> 01:06:04,168 Di ka na makakakurap. 1169 01:06:04,251 --> 01:06:06,128 Pag tumawid ka, masasagasaan ka ng bus. 1170 01:06:06,212 --> 01:06:07,296 Andiyan na 'yong bus. 1171 01:06:07,380 --> 01:06:08,714 Andiyan na ngayon 'yong bus. 1172 01:06:09,215 --> 01:06:11,509 Sasabihin mo, "Asan 'yong bus?" Ayun 'yong bus. 1173 01:06:11,592 --> 01:06:14,178 Pag sinabi niyang, "Ayan na," ayun na 'yon. 1174 01:06:14,261 --> 01:06:17,682 Ano… Minsan meron na talaga. 'Yon ang totoo. 1175 01:06:17,765 --> 01:06:20,351 Minsan nangyari na. Tatapatin ko kayo. 1176 01:06:20,434 --> 01:06:23,020 Minsan nangyari na, tapos pinipigilan namin. 1177 01:06:23,104 --> 01:06:25,356 Para kaming mga batang isinusumbong ang sarili. 1178 01:06:25,439 --> 01:06:26,816 Mali lang 'yong tense namin. 1179 01:06:26,899 --> 01:06:29,527 "Mommy, may babasagin lang ako sa kusina." 1180 01:06:29,610 --> 01:06:30,987 Basag na. 1181 01:06:31,070 --> 01:06:32,446 Basag na talaga 'yon. 1182 01:06:32,530 --> 01:06:36,075 Kaya ang pinakamalalang masasabi n'yo, ladies, 'yong, "Huwag muna." 1183 01:06:36,158 --> 01:06:38,035 Hindi, nangyari na! 1184 01:06:38,577 --> 01:06:39,912 Tapos na 'yong huwag muna. 1185 01:06:39,996 --> 01:06:43,124 Durog tuloy ang pagkalalaki namin sa sinabi n'yong 'yon. 1186 01:06:43,207 --> 01:06:44,333 Sabi n'yo, "Huwag muna." 1187 01:06:44,417 --> 01:06:47,336 Susubukan namin, pero wala. Tapos na. 1188 01:06:47,420 --> 01:06:49,422 Pawala na. Alam namin. 1189 01:06:49,505 --> 01:06:51,924 Sasabihin namin, "Gagawin ko pa rin." "Ano?" 1190 01:06:52,008 --> 01:06:54,719 "Gagawin ko pa rin." "Di mo man lang mahintay." 1191 01:06:54,802 --> 01:06:57,888 "Lalaki ako. Ginagawa ko ang gusto ko. Di mo 'ko madidiktahan." 1192 01:06:57,972 --> 01:07:00,391 "Wala kang pake sa 'kin?" "Wala akong pake sa…" 1193 01:07:00,891 --> 01:07:02,685 Kaya single pa rin ako. 1194 01:07:04,061 --> 01:07:06,105 Yo, D.C., sobrang solid n'yo. 1195 01:07:06,188 --> 01:07:07,857 Salamat sa pagpunta n'yo. 1196 01:07:11,610 --> 01:07:12,862 Salamat sa pagpunta. 1197 01:07:13,362 --> 01:07:14,947 Magandang gabi sa inyo. 1198 01:07:15,573 --> 01:07:16,782 Good night. 1199 01:08:31,565 --> 01:08:33,567 Nagsalin ng Subtitle: Moonnette Maranan