1
00:00:06,208 --> 00:00:08,208
{\an8}KASALUKUYAN
2
00:00:23,125 --> 00:00:25,708
May listahan tayong lahat
sa mga buhay natin.
3
00:00:25,792 --> 00:00:28,250
Listahan ng mga pangarap
at simpleng kaligayahan.
4
00:00:28,333 --> 00:00:32,000
Ang akin, puno ng mga bagong paglalakbay
at bagong lugar.
5
00:00:32,083 --> 00:00:36,083
Ako si Preeti, at dinala ako
ng isang paglalakbay ko sa Musafir Cafe.
6
00:00:37,000 --> 00:00:38,417
Ano ang Musafir Cafe?
7
00:00:38,500 --> 00:00:41,542
Magtanong kayo,
at laging ibang sagot ang maririnig n'yo.
8
00:00:41,625 --> 00:00:45,083
Para sa 'kin, tahanan.
Tahanan ko at ni Chander.
9
00:00:47,125 --> 00:00:50,792
Ang maitim at maganda mong mga mata
10
00:00:51,667 --> 00:00:54,042
Nasilayan ang akin sa 'yong pagtingala
11
00:00:54,625 --> 00:00:59,333
Ang pag-ihip ng hangin
Ang paggalaw ng mundo
12
00:01:00,125 --> 00:01:01,750
Lahat ay huminto
13
00:01:02,542 --> 00:01:03,792
Uy! Hi!
14
00:01:03,875 --> 00:01:05,792
Teka, sandali lang.
15
00:01:06,500 --> 00:01:08,500
- Hi!
- Pupunta kayo mamayang gabi, tama?
16
00:01:08,583 --> 00:01:10,083
Hindi.
17
00:01:10,167 --> 00:01:13,917
Itong si Rajvir kasi, may trek pala sila
ng mga kaibigan niya ngayon,
18
00:01:14,000 --> 00:01:16,708
kaya di ako makakapunta sa party mamaya.
19
00:01:16,792 --> 00:01:20,000
Well, may kutob ako
na matutuwa ka sa trek na 'to!
20
00:01:20,083 --> 00:01:22,500
- Talaga?
- Oo! Enjoy kayong dalawa!
21
00:01:23,000 --> 00:01:24,042
Okay. Bye.
22
00:01:24,125 --> 00:01:25,208
Bye!
23
00:01:27,000 --> 00:01:30,458
O, anong mahika
24
00:01:30,542 --> 00:01:33,125
Ang ginamit mo sa 'kin, sinta?
25
00:01:33,208 --> 00:01:34,750
Mayroon, di ba?
26
00:01:38,875 --> 00:01:43,833
Mga tala'y nahulog sa 'king bubungan
Na tila mga talulot ng sampaguita...
27
00:01:43,917 --> 00:01:47,083
Para sa bawat manlalakbay,
ang tunay na simula ng paglalakbay
28
00:01:47,167 --> 00:01:49,875
ay pag nahanap na nila
ang tunay nilang kapareha.
29
00:01:50,958 --> 00:01:53,250
Minsan, nananatili
ang kapareha sa tabi nila.
30
00:01:53,333 --> 00:01:56,208
Minsan, lumilisan
matapos kang baguhin nang tuluyan.
31
00:02:06,125 --> 00:02:09,625
O, anong mahika
32
00:02:09,708 --> 00:02:12,292
Ang ginamit mo sa 'kin, sinta?
33
00:02:12,375 --> 00:02:14,250
Mayroon, di ba?
34
00:02:14,333 --> 00:02:17,833
Parang gano'n ang nangyari
nang nakilala ko si Chander.
35
00:02:17,917 --> 00:02:21,458
At marahil, gano'n din
ang ipinagbago ng buhay niya
36
00:02:21,958 --> 00:02:23,208
nang nakilala si Sudha.
37
00:02:27,833 --> 00:02:29,875
HANGO SA 'MUSAFIR CAFE'
NI DIVYA PRAKASH DUBEY
38
00:02:53,292 --> 00:02:56,292
Ma, ihilig n'yo nang konti 'yong phone.
Wala kayo sa frame, e.
39
00:02:56,375 --> 00:02:57,792
- Okay na?
- 'Yan, kita na kayo.
40
00:02:57,875 --> 00:03:00,083
{\an8}-Nandiyan ka na?
- Opo, nandito na 'ko.
41
00:03:00,167 --> 00:03:01,375
{\an8}Maaga, as usual.
42
00:03:01,458 --> 00:03:02,750
{\an8}Maganda diyan sa napili mo?
43
00:03:02,833 --> 00:03:06,333
{\an8}- Siya po'ng pumili. Ang ganda, o.
- Ang ganda nga.
44
00:03:06,417 --> 00:03:08,167
{\an8}Ngayon ko lang nalaman 'to.
45
00:03:08,250 --> 00:03:09,875
{\an8}E, paano mo malalaman?
46
00:03:09,958 --> 00:03:12,125
{\an8}-Lagi kang busy sa trabaho!
- Ma...
47
00:03:12,708 --> 00:03:15,583
{\an8}- Ibababa ko na ba?
- Teka, sandali lang.
48
00:03:16,208 --> 00:03:17,375
{\an8}Thank you.
49
00:03:17,458 --> 00:03:20,208
{\an8}-Alam ko na sa puso mo, gano'n pa rin—
- Ma.
50
00:03:21,000 --> 00:03:22,917
Ayan na naman kayo, e.
51
00:03:23,625 --> 00:03:25,125
- Okay, hindi na.
- Baba ko na 'to.
52
00:03:25,208 --> 00:03:26,708
Parating na siya. Bye.
53
00:03:31,000 --> 00:03:34,792
8 TAON ANG NAKALIPAS
54
00:03:34,875 --> 00:03:37,083
- Saan galing 'yong kape n'yo?
- Sa South, sir.
55
00:03:37,167 --> 00:03:41,167
Okay, saang South? Tamil Nadu?
Karnataka? Kerala? Saan mismo?
56
00:03:41,792 --> 00:03:44,833
- Sir, ano po kasi...
- Blended ba o single origin?
57
00:03:44,917 --> 00:03:48,792
- Sir...
- 'Yong grind, medium ba o medium-fine?
58
00:03:49,583 --> 00:03:50,458
Medium-fine, sir.
59
00:03:50,542 --> 00:03:52,042
Sigurado ako do'n.
60
00:03:52,125 --> 00:03:53,167
- Sigurado ka?
- Yes, sir.
61
00:03:53,250 --> 00:03:54,958
Ganito'ng gawin mo, Mohan.
62
00:03:55,042 --> 00:03:56,250
Coffee grounds,
63
00:03:56,333 --> 00:03:59,750
mainit na tubig between
90 at 95 degrees Celsius,
64
00:03:59,833 --> 00:04:03,417
empty pot, at Americano cup.
Dalhan mo 'ko no'n.
65
00:04:04,208 --> 00:04:07,583
- Sir, kaya naman ng machine gawin—
- Ay, di uubra sa 'kin.
66
00:04:07,667 --> 00:04:11,833
Wag kang mag-alala, babayaran ko lahat,
saka bibigyan kita ng tip.
67
00:04:11,917 --> 00:04:13,917
Okay, sir. Dadalhin ko 'yon lahat.
68
00:04:18,000 --> 00:04:20,917
Excuse me! Ano ba'ng iniisip n'yong
mga software engineer?
69
00:04:21,000 --> 00:04:23,000
Career na ba'ng pagpunta sa America?
70
00:04:23,083 --> 00:04:25,833
Hindi. Two years lang naman, e.
71
00:04:25,917 --> 00:04:27,750
So, nasa America ka for two years,
72
00:04:27,833 --> 00:04:30,292
tapos, iiwan ko 'yong practice ko
para sundan ka?
73
00:04:30,375 --> 00:04:32,583
- Di ko kayang mag-isa.
- Di mo kaya?
74
00:04:32,667 --> 00:04:34,750
Isama mo'ng mama mo para maasikaso ka!
75
00:04:34,833 --> 00:04:36,917
Bakit kailangan mo pang magpakasal?
76
00:04:37,542 --> 00:04:39,208
Grabe talaga'ng mga tao!
77
00:04:42,417 --> 00:04:45,917
Hello. Sasabihin ko lang
na nandito na 'ko.
78
00:04:46,000 --> 00:04:47,250
Oo, heto na!
79
00:04:48,125 --> 00:04:49,125
Ano 'yang tingin mo?
80
00:04:49,208 --> 00:04:52,417
Aalis ka ba, o kailangan mo rin
ng green card para ro'n?
81
00:04:52,500 --> 00:04:55,500
Lalatagan ba kita ng red carpet?
Umalis ka na nga!
82
00:05:06,875 --> 00:05:07,792
Hi.
83
00:05:08,542 --> 00:05:09,958
Sorry, pinaghintay kita.
84
00:05:11,042 --> 00:05:12,167
Sudha nga pala.
85
00:05:15,292 --> 00:05:16,833
Ang galing mong magsalita.
86
00:05:17,833 --> 00:05:18,833
Ako si Chander.
87
00:05:19,458 --> 00:05:20,750
Nakikinig ka?
88
00:05:20,833 --> 00:05:23,750
Hindi. Dinig lang talaga kita.
89
00:05:23,833 --> 00:05:25,042
Lahat, dinig ka.
90
00:05:26,917 --> 00:05:28,708
- Maupo na tayo?
- Please.
91
00:05:35,333 --> 00:05:37,917
- Isa pa ngang tasa ng tsaa, Mohan.
- Sige.
92
00:05:38,000 --> 00:05:39,000
'Yong usual.
93
00:05:44,042 --> 00:05:46,083
Sorry, sandali lang, ha.
94
00:06:03,292 --> 00:06:07,292
Nandito ka para magtimpla
ng sarili mong kape?
95
00:06:09,167 --> 00:06:11,042
Medyo maselan ako sa kape ko, e.
96
00:06:12,708 --> 00:06:15,708
Pero ang ganda nitong cafe.
Madalas ka ba rito?
97
00:06:15,792 --> 00:06:17,125
Pero di ako nagkakape.
98
00:06:17,208 --> 00:06:18,292
Chai lover ako.
99
00:06:18,375 --> 00:06:19,417
Chai.
100
00:06:20,417 --> 00:06:22,750
Bukod sa Sunday tea ko,
101
00:06:22,833 --> 00:06:26,417
may nakukuha rin akong samples
sa matrimonial sites. Libre lang!
102
00:06:29,792 --> 00:06:33,042
Sino'ng gumawa ng profile mo?
Mama mo o papa mo?
103
00:06:35,208 --> 00:06:37,208
Excuse me. Ano ba 'yan.
104
00:06:37,292 --> 00:06:38,792
{\an8}NANDIYAN NA? ANO'NG TINGIN MO?
105
00:06:43,625 --> 00:06:45,750
Kung okay lang sa 'yo,
may itatanong sana 'ko.
106
00:06:46,917 --> 00:06:49,083
May nakapila pa bang candidate
pagkatapos ko?
107
00:06:49,167 --> 00:06:52,917
Kung meron, aalis agad ako.
108
00:06:53,917 --> 00:06:55,667
Para di na kami magkasabay.
109
00:06:56,792 --> 00:06:59,250
So, lawyer ka?
110
00:07:00,000 --> 00:07:00,875
Oo.
111
00:07:02,083 --> 00:07:03,000
Divorce lawyer.
112
00:07:04,667 --> 00:07:06,417
Pero "lawyer" lang madalas.
113
00:07:06,500 --> 00:07:07,750
Para walang matakot.
114
00:07:09,083 --> 00:07:10,750
Pero gusto ko 'yong work ko.
115
00:07:11,917 --> 00:07:14,167
Masayang paghiwalayin 'yong mga tao?
116
00:07:14,958 --> 00:07:15,917
Hindi.
117
00:07:16,625 --> 00:07:17,833
Totoo niyan,
118
00:07:17,917 --> 00:07:21,167
nangyayari 'yong divorce
bago pa umabot sa courtroom.
119
00:07:21,250 --> 00:07:22,458
Tumutulong lang kami
120
00:07:23,000 --> 00:07:25,167
sa pagkuha ng official stamp saka...
121
00:07:25,958 --> 00:07:27,792
sa pagse-settle ng accounts.
122
00:07:30,667 --> 00:07:31,625
Ma'am.
123
00:07:32,292 --> 00:07:33,458
Thanks, Mohan.
124
00:07:37,125 --> 00:07:40,583
Nagha-handle ka ng divorce cases,
pero gusto mo pa ring ikasal?
125
00:07:42,208 --> 00:07:44,250
Well, tungkol do'n...
126
00:07:46,000 --> 00:07:48,250
Di ako atat magpakasal.
127
00:07:49,042 --> 00:07:52,458
Puro meet up lang para di na guluhin
si Mama ng mga kamag-anak namin.
128
00:07:52,542 --> 00:07:55,292
Lagi akong nakakahanap
ng dahilan para i-reject sila.
129
00:07:58,208 --> 00:08:00,875
Pag software engineer,
i-reject mo na bago mo pa i-meet.
130
00:08:00,958 --> 00:08:03,750
- Software engineer ka rin, di ba?
- Dati.
131
00:08:04,500 --> 00:08:05,500
Na-bore ako.
132
00:08:06,125 --> 00:08:08,458
Sa DWD Logistics na 'ko ngayon.
133
00:08:08,542 --> 00:08:10,500
Nagse-set up ng MP operations nila.
134
00:08:11,375 --> 00:08:14,292
- Bakit 'yong trabahong 'yon?
- Malayo sa pamilya ko, e.
135
00:08:14,375 --> 00:08:15,625
Taga-Delhi kasi ako.
136
00:08:16,250 --> 00:08:17,833
At malayo rin sa ex mo.
137
00:08:20,250 --> 00:08:22,625
- Hindi.
- Hindi?
138
00:08:23,125 --> 00:08:25,167
Hindi, walang gano'n.
139
00:08:25,833 --> 00:08:27,292
Assumption mo lang 'yon.
140
00:08:28,458 --> 00:08:30,875
Isang maliit na advantage lang
ng pagiging lawyer.
141
00:08:30,958 --> 00:08:33,625
Nakakabasa ako ng mukha ng tao.
142
00:08:34,917 --> 00:08:36,958
Di ka ba nabo-bore sa logistics?
143
00:08:38,500 --> 00:08:41,000
Kompara sa mismong buhay ko, di masyado.
144
00:08:46,250 --> 00:08:49,750
So, ano pa'ng ibang gagawin mo
ngayong Linggo?
145
00:08:49,833 --> 00:08:53,583
Plano ko lang i-meet ka,
tapos, manood ng sine.
146
00:08:53,667 --> 00:08:55,792
Ang daming puwedeng gawin sa Bhopal,
147
00:08:56,333 --> 00:08:59,333
tapos, uupo ka sa dilim
para manood ng kuwento ng iba?
148
00:09:00,625 --> 00:09:03,083
Okay, sige, ano'ng mare-recommend mo?
149
00:09:03,667 --> 00:09:07,458
Bisitahin mo 'yong Manav Sangrahalaya.
Maglakad ka sa Van Vihar.
150
00:09:07,542 --> 00:09:12,000
O kaya pinakamaganda, uminom ka
ng malamig na lemon soda sa may lawa.
151
00:09:12,083 --> 00:09:14,083
Damhin mo ang puso ng Bhopal.
152
00:09:47,750 --> 00:09:49,458
- Tara?
- Saan?
153
00:09:49,958 --> 00:09:53,000
Ikaw 'tong nagsabi
na maraming puwedeng gawin sa Bhopal.
154
00:09:56,750 --> 00:09:58,625
Bakit ka umalis sa America?
155
00:09:58,708 --> 00:09:59,917
Hindi na 'ko masaya.
156
00:10:00,875 --> 00:10:04,917
Kahit ang daming tao,
pakiramdam mo pa rin na mag-isa ka.
157
00:10:07,167 --> 00:10:09,625
May mga naging kaibigan ako sa university.
158
00:10:10,375 --> 00:10:13,958
Medyo nakilala ko'ng sarili ko,
'yong iba, oras na'ng nagturo.
159
00:10:15,167 --> 00:10:17,667
Ano 'yong isang bagay
na natutuhan mo ro'n?
160
00:10:22,500 --> 00:10:27,500
Kahit ano'ng mangyari sa buhay,
wag mong kakalimutan ang pinagmulan mo.
161
00:10:28,500 --> 00:10:30,458
- At...
- At?
162
00:10:33,042 --> 00:10:37,250
At kahit gaano kaganda 'yong cafe,
ikaw pa rin ang magtimpla ng kape mo.
163
00:10:39,417 --> 00:10:41,375
Pag na-bore ka na sa logistics,
164
00:10:41,458 --> 00:10:43,917
magtayo ka ng sarili mong cafe.
165
00:10:52,042 --> 00:10:54,583
Bumibisita si Mama from Ratlam
once every two months.
166
00:10:54,667 --> 00:10:58,167
Hindi ko lang roommate si Gargi.
Para na rin siyang undercover reporter.
167
00:10:58,250 --> 00:10:59,333
Ibig sabihin?
168
00:10:59,417 --> 00:11:01,167
Spy siya ni Mama.
169
00:11:04,167 --> 00:11:08,417
By the way, magaling 'yong strategy mo
sa pag-extend nitong date.
170
00:11:08,500 --> 00:11:11,542
Thank you. Pero di 'yon strategy.
171
00:11:11,625 --> 00:11:12,542
- Hindi?
- Hindi.
172
00:11:12,625 --> 00:11:14,583
Sinunod ko lang 'yong intuition ko.
173
00:11:14,667 --> 00:11:16,083
Well, cheers.
174
00:11:16,625 --> 00:11:17,708
Cheers.
175
00:11:26,042 --> 00:11:26,917
Shit.
176
00:11:27,000 --> 00:11:30,125
Chander, kailangan kong bumalik sa cafe.
177
00:11:30,208 --> 00:11:32,708
Bakit? Ano'ng nangyari?
May nakalimutan ka ba?
178
00:11:32,792 --> 00:11:34,417
Candidate number three!
179
00:11:34,500 --> 00:11:35,625
- Ano?
- Chander.
180
00:11:35,708 --> 00:11:38,000
Gumawa ka ng dahilan
para i-reject ako, okay?
181
00:11:38,083 --> 00:11:39,250
- Uy!
- Thank you.
182
00:11:39,333 --> 00:11:40,208
Bakit ako?
183
00:11:41,000 --> 00:11:45,583
Pag babae 'yong nang-reject sa lalaki,
mas dinadamdam ng nanay nila, di ba?
184
00:11:45,667 --> 00:11:46,542
Uy!
185
00:11:48,333 --> 00:11:49,667
Ikaw ba, ano ka?
186
00:12:09,333 --> 00:12:10,875
- Hi.
- Hello.
187
00:12:23,000 --> 00:12:25,417
Gusto mong malaman
'yong sinulat ko sa promise note?
188
00:12:25,500 --> 00:12:26,375
Sige.
189
00:12:27,625 --> 00:12:29,042
Di mo kailangang sabihin.
190
00:12:29,125 --> 00:12:31,792
Pero kung gusto mo pa rin,
walang ibang makakaalam.
191
00:12:33,417 --> 00:12:37,833
"Anumang mangyari, ngayong taon,
magiging matapang at susugal ako."
192
00:12:38,458 --> 00:12:41,167
First note ko 'yon sa promise wall.
193
00:12:41,250 --> 00:12:43,167
Sigurado akong di 'yon ang huli.
194
00:12:44,542 --> 00:12:48,583
{\an8}Bawat manlalakbay ay kailangan ng lugar
kung saan puwedeng panandaliang huminto,
195
00:12:48,667 --> 00:12:51,542
kung saan maaalala nila
ang mga pangako sa sarili.
196
00:12:51,625 --> 00:12:54,542
Sa maraming manlalakbay,
ang Musafir Cafe 'yon.
197
00:12:54,625 --> 00:12:58,750
Siguro kaya dala-dala nila
ang bahagi nito sa kanilang pag-alis,
198
00:12:59,333 --> 00:13:01,542
habang nag-iiwan ng bahagi nila rito.
199
00:13:02,417 --> 00:13:03,375
Uy.
200
00:13:04,208 --> 00:13:05,625
Uy! Hi!
201
00:13:08,833 --> 00:13:09,833
Hi.
202
00:13:10,458 --> 00:13:12,625
May nakita 'ko sa Mall Road kahapon.
203
00:13:12,708 --> 00:13:15,792
At... naisip kong sakto sa 'yo.
204
00:13:16,417 --> 00:13:18,208
- Rahil.
- Hindi, wala 'to.
205
00:13:18,292 --> 00:13:20,458
Pero buksan mo lang
206
00:13:21,333 --> 00:13:22,292
pag handa ka na.
207
00:13:23,042 --> 00:13:24,375
Pag handa na 'ko saan?
208
00:13:24,917 --> 00:13:30,667
Pag handa ka nang makita'ng sarili mo
sa mga mata ko.
209
00:13:31,292 --> 00:13:32,167
Rahil.
210
00:13:32,667 --> 00:13:34,417
Seryoso. Sige, aalis na 'ko.
211
00:14:02,708 --> 00:14:04,250
Preeti Kaushik's special sourdough
212
00:14:04,333 --> 00:14:07,000
- with poached eggs and avocado—
- Ano ba, ha? Halika nga!
213
00:14:07,083 --> 00:14:09,208
- Uy, ano'ng nangyari?
- Halika rito.
214
00:14:09,292 --> 00:14:10,250
Ano'ng nangyari?
215
00:14:10,333 --> 00:14:12,042
Inii-spoil mo 'ko.
216
00:14:12,125 --> 00:14:14,667
Iisipin ng regular customers
na 'yong may-ari ng cafe,
217
00:14:14,750 --> 00:14:16,750
ako lang ang binibigyan ng pansin!
218
00:14:18,417 --> 00:14:21,542
Alam na ng lahat ng tao
na ikaw ang dahilan
219
00:14:22,250 --> 00:14:25,000
kung bakit napaka-special ng cafe na 'to.
220
00:14:27,333 --> 00:14:28,625
Halika nga rito.
221
00:14:59,417 --> 00:15:01,750
"Ilang araw ko nang pinanonood
ang isang babaeng
222
00:15:01,833 --> 00:15:05,250
{\an8}"nalilimutan ang sarili
habang inaalala ang puso ng iba
223
00:15:06,708 --> 00:15:09,167
"Para sa kaniya itong munting regalo
224
00:15:09,250 --> 00:15:14,625
"nang sa saglit niyang paghinto
ay makita rin niya ang sarili niya."
225
00:15:17,083 --> 00:15:19,458
Pag nakilala natin
ang tamang tao sa maling oras,
226
00:15:19,542 --> 00:15:21,708
madalas nating isisi sa pagkakataon.
227
00:15:22,333 --> 00:15:24,750
Pero marahil di tungkol
sa pagkakataon ang tanong,
228
00:15:24,833 --> 00:15:26,167
kundi sa tama ba tayo
229
00:15:26,250 --> 00:15:28,167
para sa sarili natin sa oras na 'yon.
230
00:15:30,875 --> 00:15:32,750
Ang tahimik mo diyan.
231
00:15:32,833 --> 00:15:34,792
So, ano'ng hobbies mo?
232
00:15:34,875 --> 00:15:38,250
Ang dapat mo lang malaman sa 'kin,
233
00:15:38,333 --> 00:15:40,125
ayaw na ayaw ko sa trabaho ko.
234
00:15:40,792 --> 00:15:42,625
Boring 'yong logistics.
235
00:15:42,708 --> 00:15:46,333
Pero ang sabi ng mama ko, engineer ka raw.
236
00:15:46,958 --> 00:15:49,292
- Oo, noon, sa America.
- America!
237
00:15:49,958 --> 00:15:53,375
Totoo niyan, gusto ko talagang
mag-settle sa America!
238
00:15:53,458 --> 00:15:57,667
Puwede tayong mag-settle do'n
pagkatapos nating ikasal, tama?
239
00:15:58,417 --> 00:15:59,292
Hindi.
240
00:16:00,417 --> 00:16:02,542
Bakit? Ayaw mo ro'n?
241
00:16:03,292 --> 00:16:04,292
Ayoko.
242
00:16:04,375 --> 00:16:06,083
- Ano'ng—
- Uy.
243
00:16:06,167 --> 00:16:07,958
- Sudha?
- May sasabihin ako sa 'yo.
244
00:16:08,042 --> 00:16:11,792
Malaking gago 'tong lalaking kasama mo.
245
00:16:11,875 --> 00:16:14,750
- Ay, hindi. Hindi naman—
- Wag kang paloko sa itsura niya.
246
00:16:14,833 --> 00:16:16,292
Sex addict siya.
247
00:16:16,375 --> 00:16:17,292
- Seryoso?
- Oo.
248
00:16:17,375 --> 00:16:18,250
Ano?
249
00:16:18,333 --> 00:16:20,833
Tatlong bagay lang
ang gusto niya sa babae.
250
00:16:21,458 --> 00:16:24,250
Libog, libog, at libog.
251
00:16:24,333 --> 00:16:26,417
- Hindi, nagbibiro lang siya.
- Nagbibiro?
252
00:16:26,500 --> 00:16:28,125
- Hindi...
- At naging biro pa ako?
253
00:16:28,208 --> 00:16:29,792
- Sige, ano pa?
- Alam mo,
254
00:16:29,875 --> 00:16:32,958
dalawang beses na 'kong
muntik maging ina ng anak niya.
255
00:16:33,042 --> 00:16:36,750
- Ano?
- Ang magagawa ko lang, balaan ka.
256
00:16:37,292 --> 00:16:40,958
Pero sa huli, buhay mo 'yan
at desisyon mo. Anumang desisyon mo—
257
00:16:43,125 --> 00:16:44,458
- Nakakasuka!
- Hindi.
258
00:16:44,542 --> 00:16:45,417
Kadiri!
259
00:16:47,292 --> 00:16:49,167
Boring pala, ha!
260
00:16:50,500 --> 00:16:51,750
Mama!
261
00:16:52,750 --> 00:16:53,875
Wala na siya.
262
00:16:55,708 --> 00:16:57,542
Siraulo ka rin e, Sudha!
263
00:16:58,333 --> 00:17:00,917
Ganito kasi, Chander Mohan Sharma.
264
00:17:01,667 --> 00:17:06,333
Di mo matatagalan 'tong mundong 'to
kung masyado kang matino.
265
00:17:07,750 --> 00:17:11,333
Best friend ng tita ko 'yong mama niya.
266
00:17:11,958 --> 00:17:12,875
Ay.
267
00:17:13,917 --> 00:17:15,792
Pero ire-reject mo siya, di ba?
268
00:17:16,500 --> 00:17:18,375
Sabihin mo na lang sa tita mo.
269
00:17:19,625 --> 00:17:21,375
Kumusta 'yong acting ko?
270
00:17:21,458 --> 00:17:22,708
Ang sagwa.
271
00:17:32,667 --> 00:17:33,958
Ano ba 'yan...
272
00:17:37,292 --> 00:17:40,083
Sudha, hinihintay ka niya.
273
00:17:40,167 --> 00:17:42,792
Si Kushal 'to! Tumatawag ako!
274
00:17:42,875 --> 00:17:43,917
Hi.
275
00:17:48,125 --> 00:17:49,208
Bye.
276
00:17:53,875 --> 00:17:56,833
Kailangan kong sabihin
sa kawawang si Kushal Pandit
277
00:17:57,333 --> 00:18:00,042
na ama ka ng mga magiging anak ko.
278
00:18:05,292 --> 00:18:07,125
Gusto mong manood ng play bukas?
279
00:18:08,417 --> 00:18:10,208
- Monday bukas.
- So?
280
00:18:11,167 --> 00:18:13,167
Tinitipid mo ba'ng buhay mo pag Monday?
281
00:18:16,250 --> 00:18:17,250
Bye.
282
00:19:05,333 --> 00:19:06,292
Hi.
283
00:19:07,208 --> 00:19:08,083
Wow.
284
00:19:10,500 --> 00:19:12,667
I mean, masyado kang...
285
00:19:13,708 --> 00:19:14,875
Masyadong...?
286
00:19:18,167 --> 00:19:19,792
Masyado kang on time.
287
00:19:22,708 --> 00:19:26,292
Ano, nood na tayo
ng kuwento ng iba sa dilim?
288
00:19:29,125 --> 00:19:30,167
Tara.
289
00:19:31,042 --> 00:19:32,083
Tara.
290
00:19:34,167 --> 00:19:38,125
{\an8}So, noon, mula Delhi
papunta kina Lolo't Lola,
291
00:19:38,208 --> 00:19:39,375
tapos, deretso uwi.
292
00:19:40,000 --> 00:19:41,333
Hindi namin 'to nakita.
293
00:19:43,333 --> 00:19:45,708
Nakakatawa, na no'ng mga bata pa tayo,
294
00:19:45,792 --> 00:19:48,583
ang saya-saya na natin
sa mga simpleng routine.
295
00:19:51,333 --> 00:19:55,083
Anyway, namatay si Lola 20 years ago.
296
00:19:55,167 --> 00:19:57,167
Pagkatapos no'n, wala na 'yong bahay niya.
297
00:19:57,250 --> 00:19:59,708
Unti-unti,
tumigil na kami sa pagpunta rito.
298
00:20:01,125 --> 00:20:03,625
Kuha ko na kung bakit pinili mo'ng Bhopal.
299
00:20:05,125 --> 00:20:06,125
Bakit?
300
00:20:07,292 --> 00:20:11,208
"Kahit ano'ng mangyari sa buhay,
wag mong kakalimutan ang pinagmulan mo."
301
00:20:13,750 --> 00:20:15,458
Totoo 'yon.
302
00:20:18,167 --> 00:20:20,083
Gustong-gusto mo'ng Bhopal, 'no?
303
00:20:20,750 --> 00:20:22,083
Gusto mong mag-settle dito?
304
00:20:22,167 --> 00:20:23,083
Ayoko.
305
00:20:23,833 --> 00:20:24,833
E, saan?
306
00:20:26,625 --> 00:20:29,583
- Nakapunta ka na sa Bombay?
- Sa Mumbai, oo.
307
00:20:31,375 --> 00:20:35,875
So, no'ng namatay 'yong papa ko,
nasa 10th grade ako.
308
00:20:37,333 --> 00:20:40,167
Lawyer siya dito sa Bhopal District Court.
309
00:20:40,250 --> 00:20:42,667
Bombay High Court 'yong pangarap niya.
310
00:20:43,958 --> 00:20:45,542
At ngayon, pangarap mo na rin.
311
00:20:46,250 --> 00:20:48,000
Mas mataas nang konti do'n.
312
00:20:48,083 --> 00:20:50,250
Magtatayo ako ng sarili kong law firm.
313
00:20:50,333 --> 00:20:51,375
Sa Mumbai!
314
00:20:52,667 --> 00:20:56,000
Ibibigay ko kay Mama
ang kaligayahang hindi niya naranasan.
315
00:20:58,000 --> 00:21:00,667
Alam mo, nangako sa 'min si Papa
316
00:21:01,417 --> 00:21:03,708
na magkakaroon kami ng sariling bahay.
317
00:21:03,792 --> 00:21:05,250
Malayo sa Ratlam,
318
00:21:05,833 --> 00:21:07,917
malayo sa problema sa mga kamag-anak,
319
00:21:08,875 --> 00:21:10,833
'yong kami lang tatlo.
320
00:21:11,625 --> 00:21:13,083
Tapos, namatay na siya.
321
00:21:14,167 --> 00:21:16,542
Tapos, sa 'kin na lang tumutok si Mama.
322
00:21:18,125 --> 00:21:19,708
Pinag-aral niya 'ko,
323
00:21:20,417 --> 00:21:23,458
binigyan ng lakas ng loob
para maging independent.
324
00:21:23,542 --> 00:21:25,708
Sigurado akong mabuti siyang tao.
325
00:21:28,375 --> 00:21:30,875
Oo. Gano'n na nga.
326
00:21:30,958 --> 00:21:32,542
Nakikita ko nga.
327
00:21:35,833 --> 00:21:40,000
So ayun, ngayon, tutuparin ko
'yong mga pangarap ko at ni Mama.
328
00:21:41,750 --> 00:21:46,708
Anyway, di naman inaasahan ng lipunan
ang mga babae na mag-aruga ng nanay nila.
329
00:21:49,083 --> 00:21:51,042
Binibigyan lang kami ng permiso, tama?
330
00:21:52,458 --> 00:21:53,583
Aray.
331
00:21:54,583 --> 00:21:56,708
Kaya sa ngayon,
332
00:21:57,542 --> 00:22:01,000
ni wala akong oras
333
00:22:01,083 --> 00:22:04,042
- o interes na ikasal, saka—
- Naiintindihan ko.
334
00:22:20,667 --> 00:22:21,792
Wow.
335
00:22:26,708 --> 00:22:29,208
Salamat sa isang Monday na di malilimutan.
336
00:22:35,208 --> 00:22:36,542
Makinig ka, Chander.
337
00:22:37,167 --> 00:22:39,333
Kung lagi tayong magkikita, maiinlove ka.
338
00:22:40,833 --> 00:22:42,500
Siguro, ako rin.
339
00:22:44,333 --> 00:22:46,917
At kung lagi mo 'kong makikita,
340
00:22:47,458 --> 00:22:49,167
paano ka lalagay sa tahimik?
341
00:22:53,375 --> 00:22:54,375
Ano?
342
00:22:54,458 --> 00:22:57,583
Madam, saan ka na napunta?
343
00:22:58,333 --> 00:22:59,333
Sa lugar...
344
00:23:00,625 --> 00:23:02,958
na mukhang di ko dapat puntahan.
345
00:23:06,083 --> 00:23:07,375
Okay.
346
00:23:08,833 --> 00:23:12,583
Kung gano'n... di natin pupuntahan 'yon.
347
00:23:14,250 --> 00:23:15,667
Promise.
348
00:23:34,583 --> 00:23:35,667
Uy!
349
00:24:05,125 --> 00:24:06,542
Lumipas na 'yong moment.
350
00:24:27,583 --> 00:24:28,583
Hello?
351
00:24:30,583 --> 00:24:31,625
Sudha?
352
00:24:35,667 --> 00:24:36,917
Ganitong oras?
353
00:24:38,917 --> 00:24:39,833
Ngayon na?
354
00:24:41,542 --> 00:24:43,500
Hindi, pupunta 'ko. Pupunta 'ko.
355
00:24:59,958 --> 00:25:01,500
{\an8}NAKAALIS KA NA BA?
356
00:25:21,208 --> 00:25:22,167
Uy!
357
00:25:23,417 --> 00:25:25,167
Ano'ng nangyari? Akala ko—
358
00:25:25,250 --> 00:25:26,708
Galit ako kay Gargi!
359
00:25:34,250 --> 00:25:36,708
Kuya, puwedeng patulong?
360
00:25:36,792 --> 00:25:37,667
Sige.
361
00:25:38,583 --> 00:25:40,500
- Itong isa.
- Ano'ng pinag-awayan n'yo?
362
00:25:40,583 --> 00:25:42,667
Ang cliché naman ng tanong mo!
363
00:25:43,208 --> 00:25:45,083
Kailangan ba ng dahilan para mag-away?
364
00:25:45,167 --> 00:25:47,708
Pero malamang may nangyari.
365
00:25:50,417 --> 00:25:52,708
Ilang araw na 'yong cold war namin.
366
00:25:53,583 --> 00:25:56,375
Ngayon, sumobra na 'yong murahan...
367
00:25:56,458 --> 00:25:57,667
Murahan?
368
00:26:00,583 --> 00:26:02,000
Bakit ka tumatawa, Kuya?
369
00:26:02,500 --> 00:26:03,458
Tara na.
370
00:26:06,458 --> 00:26:07,375
Tara ba!
371
00:26:11,125 --> 00:26:12,708
Saan tayo pupunta?
372
00:26:12,792 --> 00:26:15,125
Kung saan ka nanggaling. Sa bahay niya.
373
00:26:17,000 --> 00:26:18,000
Okay.
374
00:26:19,583 --> 00:26:22,042
May pelikula bang
nagpe-play rito? Patayin mo!
375
00:26:23,708 --> 00:26:24,792
Okay.
376
00:29:10,125 --> 00:29:12,125
Nagsalin ng Subtitle: Nikka Flores