1 00:00:32,365 --> 00:00:39,372 ‎FOUR HANDS, TWO SONATAS 2 00:00:52,385 --> 00:00:56,139 ‎SLOVAKIA, 5 TAON ANG NAKARAAN 3 00:00:56,222 --> 00:00:57,348 ‎Brother Luca. 4 00:01:00,560 --> 00:01:02,103 ‎Kumusta ang pakiramdam mo ngayon? 5 00:01:04,230 --> 00:01:05,648 ‎Ayos naman ako. 6 00:01:05,732 --> 00:01:08,485 ‎Salamat sa pag-aalala mo. 7 00:01:09,694 --> 00:01:10,528 ‎Ito. 8 00:01:10,612 --> 00:01:12,363 ‎Noong pumunta ako sa bayan, 9 00:01:12,447 --> 00:01:15,200 ‎nabalitaan kong may isang Asian ‎na katulad mo, Brother, 10 00:01:15,283 --> 00:01:16,618 ‎na nagpe-perform doon. 11 00:01:16,701 --> 00:01:20,121 ‎Kaya dinala ko ito, 12 00:01:20,622 --> 00:01:24,292 ‎sa pag-asang baka makatulong ito ‎para maibalik ang alaala mo. 13 00:01:26,294 --> 00:01:27,462 ‎Salamat. 14 00:01:59,661 --> 00:02:01,121 ‎Tumugtog ka nang malaya ‎tulad noong araw na 'yon. 15 00:02:01,830 --> 00:02:03,540 ‎Kasalanan mo ang lahat! 16 00:02:50,795 --> 00:02:51,796 ‎Kang Pi-o. 17 00:02:59,178 --> 00:03:03,516 ‎FOUR HANDS, TWO SONATAS 18 00:03:04,893 --> 00:03:06,686 ‎EPISODE 8 19 00:03:24,329 --> 00:03:27,749 ‎JAE-IN: ‎SORRY NA, PI-O. GALIT KA PA RIN BA? 20 00:03:31,419 --> 00:03:32,378 ‎Hindi. 21 00:03:32,962 --> 00:03:34,172 ‎Tatawagan kita mamaya. 22 00:03:43,139 --> 00:03:45,558 ‎Alam nating lahat na patuloy siyang ‎tinatawag na genius, 23 00:03:45,642 --> 00:03:47,560 ‎pero hindi ba medyo sobra naman 24 00:03:47,644 --> 00:03:50,355 ‎na kumuha ng 27-anyos na baguhan ‎bilang principal guest conductor? 25 00:03:50,438 --> 00:03:53,024 ‎Pero hindi naman basta-basta ‎kumukuha ng kahit sino si Maestro Kang. 26 00:03:53,816 --> 00:03:56,736 ‎Pinanood ko ang video ng kompetisyon ‎sa Brno, at napakahusay niya. 27 00:03:56,819 --> 00:03:57,820 ‎Mahusay siya? 28 00:03:59,197 --> 00:04:00,240 ‎Mahusay saan? 29 00:04:00,990 --> 00:04:03,326 ‎Mahusay ba siya, o mahusay ang orchestra? 30 00:04:03,409 --> 00:04:05,036 ‎Malalaman din natin agad. 31 00:04:05,536 --> 00:04:06,412 ‎Uy, Jang Seok-hwan. 32 00:04:06,955 --> 00:04:09,499 ‎Naiinggit ka ba ‎dahil kaklase mo ang bagong conductor? 33 00:04:09,582 --> 00:04:10,500 ‎Bakit ang sensitibo mo? 34 00:04:11,459 --> 00:04:12,669 ‎Hindi ako naiinggit. 35 00:04:12,752 --> 00:04:16,047 ‎Susubukan ko siya, sa measure 11 papasok ‎ako nang maaga sa kalahating kumpas. 36 00:04:16,130 --> 00:04:18,049 ‎Ipupusta ko ang lahat ng daliri ko 37 00:04:18,132 --> 00:04:19,926 ‎na hindi niya 'yon mapapansin. 38 00:04:20,009 --> 00:04:21,302 ‎Walang makakapansin no'n 39 00:04:21,386 --> 00:04:22,470 ‎maliban kay Maestro Kang. 40 00:04:47,829 --> 00:04:49,289 ‎Hello sa inyong lahat. 41 00:04:49,831 --> 00:04:52,750 ‎Gaya ng inanunsyo namin, simula ngayon, 42 00:04:52,834 --> 00:04:56,671 ‎ang bagong principal guest conductor, si ‎Luca Domenico, ang mamumuno sa rehearsals. 43 00:04:56,754 --> 00:04:59,257 ‎Hayaan n'yong ipakilala ko siya sa inyo. 44 00:04:59,966 --> 00:05:00,800 ‎Sa 'yo na ang entablado. 45 00:05:05,054 --> 00:05:06,139 ‎Hello. 46 00:05:06,723 --> 00:05:09,350 ‎Ako si Luca Domenico. ‎Ikinagagalak kong makatrabaho kayo. 47 00:05:14,439 --> 00:05:15,982 ‎Alam nating lahat ‎na si Choi Jeong-yo siya. 48 00:05:16,065 --> 00:05:18,234 ‎"Luca Domenico"? Ang baduy naman. 49 00:05:21,321 --> 00:05:22,697 ‎Para lang alam n'yo, 50 00:05:23,781 --> 00:05:27,452 ‎kung may reklamo o mungkahi kayo, ‎sabihin n'yo sa 'kin nang direkta. 51 00:05:27,952 --> 00:05:29,454 ‎Kung wala kayong lakas ng loob, 52 00:05:30,455 --> 00:05:31,289 ‎wag na kayong magsalita. 53 00:05:33,291 --> 00:05:38,004 ‎Ang tanging dapat nating pagtalunan ‎sa rehearsal room ay ang musika. 54 00:05:38,504 --> 00:05:39,505 ‎Okay, sige. 55 00:05:40,131 --> 00:05:42,425 ‎Unang galaw ng Brahms, mula sa simula. 56 00:06:45,655 --> 00:06:48,825 ‎Nahuli ang pasok ng isa sa mga cello ‎sa measure 11. 57 00:06:50,326 --> 00:06:51,202 ‎Principal cello? 58 00:06:54,664 --> 00:06:56,499 ‎Sa tingin ko, nagkamali ako. 59 00:06:56,582 --> 00:06:58,042 ‎Pasensya na talaga. 60 00:06:58,835 --> 00:07:00,002 ‎Kailangan kong sabihin, 61 00:07:00,086 --> 00:07:02,213 ‎hindi nahuli ang pasok. Nauna ito. 62 00:07:03,589 --> 00:07:06,926 ‎Mukhang hindi ka pala gano'n katumpak. 63 00:07:07,927 --> 00:07:09,428 ‎-Hindi, nahuli ito. ‎-Hindi. 64 00:07:10,346 --> 00:07:11,514 ‎Nauna ito. 65 00:07:11,597 --> 00:07:13,057 ‎Ikaw na nagsasalita ngayon. 66 00:07:13,141 --> 00:07:15,852 ‎Alam mo ba kung gaano kasama ‎ang nakasanayan mong 'yan? 67 00:07:17,019 --> 00:07:19,439 ‎May ilang musikero ‎na may ganitong nakasanayan 68 00:07:20,314 --> 00:07:22,608 ‎na pinatatagal ang unang nota ‎ng isang parirala. 69 00:07:22,692 --> 00:07:26,320 ‎Kaya kahit maunang gumalaw ang bow, ‎nahuhuli ang paglabas ng tunog. 70 00:07:27,530 --> 00:07:31,284 ‎Dahil sa nakasanayang 'yan, ‎bahagyang nahuhuli ang tunog mo. 71 00:07:32,326 --> 00:07:34,829 ‎Dahil hindi mo man lang ito napansin, ‎ibig sabihin 72 00:07:36,205 --> 00:07:39,167 ‎malinaw na kulang ka sa practice. 73 00:07:40,042 --> 00:07:42,503 ‎At nagdurusa ang ibang miyembro ‎dahil dito. 74 00:07:45,715 --> 00:07:48,050 ‎Hindi lang dahil mahusay ang instrumento ‎ay makakagawa na ng magandang musika. 75 00:07:48,885 --> 00:07:50,178 ‎Magsikap ka. 76 00:07:50,761 --> 00:07:51,721 ‎Talagang magsikap ka. 77 00:07:53,181 --> 00:07:54,724 ‎Unang galaw, mula sa simula. 78 00:08:10,281 --> 00:08:12,825 ‎Mas mahusay ka pala kaysa sa inaasahan ko. 79 00:08:14,118 --> 00:08:15,745 ‎Alam kong napakahusay ng pandinig mo, 80 00:08:15,828 --> 00:08:17,705 ‎pero bakit mahusay ka rin ‎sa pakikipagtugtugan sa orchestra? 81 00:08:18,998 --> 00:08:21,417 ‎Ay, tama. May bisitang naghihintay sa 'yo. 82 00:08:23,002 --> 00:08:24,337 ‎Sa 'kin? 83 00:08:24,420 --> 00:08:25,755 ‎Oo, sa 'yo. 84 00:08:44,815 --> 00:08:47,068 ‎Choi Jeong-yo. 85 00:08:47,151 --> 00:08:49,028 ‎Naaalala mo ba ako? 86 00:08:51,197 --> 00:08:53,449 ‎Tinuruan kita ng piano dati. 87 00:08:54,909 --> 00:08:56,327 ‎Ako si Do Hyun-soo. 88 00:09:03,668 --> 00:09:05,336 ‎Pasensya na po. 89 00:09:05,419 --> 00:09:06,629 ‎-Hindi ko– ‎-Salamat. 90 00:09:09,257 --> 00:09:10,550 ‎Maraming-maraming salamat. 91 00:09:14,595 --> 00:09:16,097 ‎Puwede ba kitang yakapin? 92 00:09:17,682 --> 00:09:18,516 ‎Sige po. 93 00:09:29,610 --> 00:09:31,529 ‎Pasensya na at hindi ako nakapunta agad. 94 00:09:32,947 --> 00:09:35,491 ‎Alam kong busy ka sa pag-a-adjust ‎sa bagong kapaligiran. 95 00:09:36,075 --> 00:09:39,161 ‎Ayokong dagdagan pa ang iniisip mo, ‎kaya naghintay lang ako. 96 00:09:42,331 --> 00:09:43,833 ‎Matapos kang mawala, 97 00:09:45,001 --> 00:09:48,170 ‎matagal ka naming hinanap ni Ms. Yoon. 98 00:09:51,591 --> 00:09:55,469 ‎Hindi ko inakalang ‎nasa monasteryo ka pala. 99 00:09:57,221 --> 00:09:58,556 ‎Bakit n'yo po ginawa ang lahat ng 'yon? 100 00:10:00,975 --> 00:10:03,978 ‎Dahil isa kang estudyanteng ‎labis kong pinahahalagahan. 101 00:10:04,478 --> 00:10:07,356 ‎At dahil ako ang nagpadala sa 'yo roon. 102 00:10:08,316 --> 00:10:11,068 ‎Mabigat sa loob ko ‎na hindi kita pinigilan 103 00:10:12,278 --> 00:10:15,615 ‎nang una kang lumapit sa 'kin ‎tungkol sa pagsali sa kompetisyon. 104 00:10:16,198 --> 00:10:18,659 ‎Maayos naman ang buhay mo noon, 105 00:10:19,577 --> 00:10:20,870 ‎pero hinila kita sa mundong ito. 106 00:10:22,079 --> 00:10:23,414 ‎Labis kong pinagsisihan 'yon. 107 00:10:28,544 --> 00:10:29,712 ‎Pero talagang nagpapasalamat ako 108 00:10:30,296 --> 00:10:31,797 ‎na nakabalik ka. 109 00:10:32,798 --> 00:10:36,260 ‎Narinig kong sinabi mo kay Ms. Yoon ‎na gusto mong mag-perform kasama si Pi-o. 110 00:10:38,262 --> 00:10:40,306 ‎Pinanood ko po ang ilan sa ‎mga performance video niya, 111 00:10:40,389 --> 00:10:42,975 ‎at naisip kong magiging maganda ‎ang chemistry namin. 112 00:10:45,227 --> 00:10:46,562 ‎Hindi mo naman naaalala 'yon. 113 00:10:47,521 --> 00:10:50,399 ‎Pakiramdam mo lang ba 'yon, ‎o sinabi 'yon ng instinct mo? 114 00:10:52,026 --> 00:10:53,402 ‎Noong high school kayo, 115 00:10:54,153 --> 00:10:57,406 ‎magka-partner kayo ni Pi-o ‎at mahusay ang musical chemistry n'yo. 116 00:10:58,908 --> 00:11:00,493 ‎Sana talaga 117 00:11:01,285 --> 00:11:03,788 ‎mahikayat mo si Pi-o ‎na bumalik sa entablado. 118 00:11:04,914 --> 00:11:08,292 ‎Mahirap ang pinagdaanan ni Pi-o ‎matapos siyang malugmok. 119 00:11:08,376 --> 00:11:09,835 ‎Alam mo naman 'yon, di ba? 120 00:11:52,128 --> 00:11:53,546 ‎MENSAHE ‎BAGONG NOTIFICATION 121 00:12:00,052 --> 00:12:01,387 ‎Puwede ba tayong magkita sandali? 122 00:12:06,809 --> 00:12:08,894 ‎Bakit ayaw mong mag-perform kasama ako? 123 00:12:09,854 --> 00:12:11,981 ‎Natatakot ka pa rin bang ‎umakyat sa entablado, 124 00:12:12,773 --> 00:12:14,567 ‎o hindi ka komportableng ‎mag-perform kasama ako? 125 00:12:15,901 --> 00:12:18,279 ‎Sa totoo lang, pareho. 126 00:12:18,946 --> 00:12:20,739 ‎Siguro narinig mo na kay Jae-in, 127 00:12:20,823 --> 00:12:22,199 ‎pero noong nakaraan… 128 00:12:26,454 --> 00:12:29,123 ‎nakagawa ako ng malaking pagkakamali ‎habang nagpe-perform. 129 00:12:29,790 --> 00:12:31,542 ‎Hindi ko pa rin 'yon nakakalimutan. 130 00:12:32,126 --> 00:12:33,502 ‎Pinahahalagahan ko ang alok mo, 131 00:12:34,170 --> 00:12:36,338 ‎pero dapat iba ‎ang kasama mong mag-perform. 132 00:12:40,968 --> 00:12:43,262 ‎Kung gano'n, hindi ko talaga maintindihan. 133 00:12:43,345 --> 00:12:44,722 ‎Ano'ng ibig mong sabihin? 134 00:12:44,805 --> 00:12:45,848 ‎Ibig kong sabihin, 135 00:12:46,724 --> 00:12:50,728 ‎walang malulutas ‎ang pag-iwas sa pagkalugmok. 136 00:12:50,811 --> 00:12:53,731 ‎Kailangan mo rin itong harapin ‎balang araw. 137 00:12:54,315 --> 00:12:55,357 ‎Hindi ka ba sang-ayon? 138 00:12:56,192 --> 00:12:58,611 ‎Walang malulutas ‎sa pagbalewala sa problema. 139 00:12:59,361 --> 00:13:01,780 ‎Kailangan mo itong harapin balang araw. 140 00:13:09,038 --> 00:13:10,581 ‎Salamat sa payo, 141 00:13:10,664 --> 00:13:12,166 ‎pero ako ang bahala sa sarili ko. 142 00:13:12,249 --> 00:13:13,876 ‎Maghanap ka na lang ng iba. 143 00:13:36,190 --> 00:13:37,900 ‎Naku, Choi Jeong-yo. 144 00:13:38,651 --> 00:13:41,111 ‎Talagang mahilig kang manggulat. 145 00:13:41,195 --> 00:13:44,073 ‎Pero dapat sinabi mo sa 'kin, loko ka. 146 00:13:44,865 --> 00:13:47,493 ‎Muntik na akong atakihin sa puso ‎nang makita ko ang balita. 147 00:13:47,576 --> 00:13:50,204 ‎Sinabi kong wag kang mag-alala, ‎pero nag-alala ka pa rin. 148 00:13:51,830 --> 00:13:53,415 ‎Paano naman ako hindi mag-aalala? 149 00:13:54,416 --> 00:13:57,336 ‎Hindi mo ipinakita ang mukha mo, ‎pero sinabi mong buhay ka. 150 00:13:57,419 --> 00:13:59,213 ‎Hindi ko alam ‎kung ano ang paniniwalaan ko. 151 00:13:59,713 --> 00:14:00,839 ‎Kumusta ang tatay ko? 152 00:14:00,923 --> 00:14:02,341 ‎Naku. 153 00:14:05,844 --> 00:14:07,179 ‎Mabuti naman siya! 154 00:14:07,930 --> 00:14:10,558 ‎Kailangan ko nga lang siyang hanapin ‎kapag palihim siyang lumalabas ng ospital 155 00:14:10,641 --> 00:14:11,642 ‎para magpakalasing. 156 00:14:11,725 --> 00:14:14,562 ‎Kapag nakikita kitang nagsasayang ng pera ‎sa walang kuwentang 'yon, 157 00:14:14,645 --> 00:14:16,188 ‎parang ang dali mong lokohin. 158 00:14:20,276 --> 00:14:21,527 ‎Nga pala, 159 00:14:22,027 --> 00:14:23,779 ‎kailan ka natutong mag-conduct? 160 00:14:28,450 --> 00:14:29,285 ‎Oo nga pala. 161 00:14:29,910 --> 00:14:31,370 ‎Wala ka namang kailangang matutunan. 162 00:14:34,039 --> 00:14:37,501 ‎Nanalo ka sana sa kompetisyong 'yon ‎kung hindi ka dinukot. 163 00:14:38,878 --> 00:14:42,172 ‎Kaya bakit nagpapanggap kang may amnesia? 164 00:14:43,716 --> 00:14:45,551 ‎Ilantad mo sila at ipakulong, 165 00:14:45,634 --> 00:14:48,679 ‎o bugbugin mo na lang sila ‎kung galit ka pa rin. 166 00:14:48,762 --> 00:14:49,847 ‎Ayaw mo? 167 00:14:50,973 --> 00:14:53,976 ‎Gusto mo bang baliin ko ang ilang daliri ‎ng tarantadong 'yon? 168 00:14:54,059 --> 00:14:55,603 ‎O puwede ko rin siyang dukutin. 169 00:14:56,437 --> 00:14:57,563 ‎Magaling na ako do'n ngayon. 170 00:14:57,646 --> 00:14:59,106 ‎Nasaan ang thrill do'n? 171 00:15:00,024 --> 00:15:00,983 ‎Ano? 172 00:15:04,987 --> 00:15:06,238 ‎Hindi mo ba alam… 173 00:15:08,324 --> 00:15:10,576 ‎na mas masakit ang paghihintay ‎kaysa pambubugbog? 174 00:15:16,457 --> 00:15:18,667 ‎May binabalak ka, 'no? 175 00:15:18,751 --> 00:15:20,419 ‎Sige na, sabihin mo na. 176 00:15:21,670 --> 00:15:22,713 ‎KANG JI-HYE 177 00:15:22,796 --> 00:15:23,964 ‎Wag na wag mong sasabihin 'yan! 178 00:15:31,597 --> 00:15:34,850 ‎Ayokong mag-perform sina Pi-o at Jeong-yo ‎nang magkasama. 179 00:15:36,060 --> 00:15:38,562 ‎Bakit naman ayaw mo? 180 00:15:39,229 --> 00:15:42,149 ‎Ibang usapan si Pi-o, ‎pero bakit tumututol ka rin? 181 00:15:42,650 --> 00:15:45,027 ‎Itinatago namin 'to sa 'yo, 182 00:15:45,110 --> 00:15:47,696 ‎pero alam na sa buong industriya ‎na nalulugmok si Pi-o ngayon. 183 00:15:47,780 --> 00:15:49,949 ‎Kumokonti na ang mga imbitasyon, 184 00:15:50,032 --> 00:15:53,160 ‎at tinatanggihan niya pa ‎ang iilang natatanggap niya. 185 00:15:54,495 --> 00:15:56,830 ‎Paano kung tuluyan nang mawala ‎si Pi-o sa eksena? 186 00:15:56,914 --> 00:15:58,707 ‎Hindi siya maaapektuhan ‎kung magpahinga siya. 187 00:16:00,042 --> 00:16:01,835 ‎Maraming pianista ‎ang nagpapahinga nang matagal. 188 00:16:02,419 --> 00:16:03,253 ‎Hoy. 189 00:16:03,837 --> 00:16:05,172 ‎Sabihin mo sa 'kin ang totoo. 190 00:16:05,673 --> 00:16:07,758 ‎Tumututol ka ba 191 00:16:07,841 --> 00:16:10,844 ‎dahil ayaw mong ipares siya kay Jeong-yo? 192 00:16:10,928 --> 00:16:12,805 ‎O may iba ka pang dahilan? 193 00:16:13,430 --> 00:16:15,599 ‎Sino'ng nagsabing ayaw kong ‎ipares siya kay Jeong-yo? 194 00:16:16,600 --> 00:16:19,561 ‎Natatakot lang akong lalo itong lumala ‎dahil stressed na siya. 195 00:16:20,104 --> 00:16:21,105 ‎Bukod pa roon, 196 00:16:21,605 --> 00:16:23,440 ‎bakit hindi ka nagtitiwala kay Pi-o? 197 00:16:24,441 --> 00:16:27,653 ‎Makakabangon siya ‎kung bibigyan mo siya ng panahon. 198 00:16:27,736 --> 00:16:30,698 ‎Wag mo nang banggitin kay Pi-o ‎ang tungkol sa concerto. 199 00:16:31,699 --> 00:16:33,742 ‎Malalampasan din niya ‎ang pagkalugmok niya. 200 00:16:36,161 --> 00:16:36,996 ‎Grabe. 201 00:16:38,038 --> 00:16:38,872 ‎Talaga ba? 202 00:16:39,415 --> 00:16:42,251 ‎Apektado pa rin ba siya kay Choi Jeong-yo? 203 00:16:43,585 --> 00:16:45,087 ‎Dahil ba sa tsismis na 'yon? 204 00:16:50,509 --> 00:16:51,468 ‎May hindi tama. 205 00:16:52,845 --> 00:16:54,054 ‎Talagang may mali. 206 00:16:57,224 --> 00:16:59,601 ‎Talaga bang nagkataon lang ‎ang lahat ng 'to? 207 00:17:08,318 --> 00:17:09,153 ‎Hello? 208 00:17:09,653 --> 00:17:10,529 ‎Hello po. 209 00:17:10,612 --> 00:17:12,698 ‎Si Choi Jeong-yo 'to. ‎Nagkita na po tayo dati. 210 00:17:24,460 --> 00:17:25,294 ‎Jeong-yo. 211 00:17:26,128 --> 00:17:28,589 ‎So bakit gusto mo akong makita? 212 00:17:29,590 --> 00:17:31,050 ‎Gusto mo bang mag-usap nang pribado? 213 00:17:32,051 --> 00:17:33,343 ‎Hindi po, hindi sa gano'n. 214 00:17:34,344 --> 00:17:37,264 ‎Pakiramdam ko po naparusahan ‎ang Hankook Symphony dahil sa 'kin, 215 00:17:37,765 --> 00:17:39,099 ‎at hindi 'yon mawala sa isip ko. 216 00:17:39,725 --> 00:17:43,687 ‎Patutunayan ko po ang halaga ko sa ‎mga performance, kaya puwede n'yo po bang 217 00:17:44,438 --> 00:17:45,606 ‎muling isaalang-alang ang budget? 218 00:17:46,440 --> 00:17:49,068 ‎Naku, napakamaalalahanin mo. 219 00:17:49,151 --> 00:17:49,985 ‎Sige. 220 00:17:50,694 --> 00:17:53,072 ‎Ipapasuri ko ulit 'yon nang mabuti. 221 00:17:54,073 --> 00:17:54,990 ‎Salamat po. 222 00:18:02,206 --> 00:18:04,958 ‎Nga pala, tungkol sa pagkawala ‎ng alaala mo… 223 00:18:05,042 --> 00:18:07,628 ‎Ano ba talaga ang naaalala mo? 224 00:18:08,337 --> 00:18:10,798 ‎Hanggang sa panahon lang ba ng aksidente ‎ang pagkawala ng alaala mo? 225 00:18:12,091 --> 00:18:14,009 ‎O wala kang maalala simula pagkabata mo? 226 00:18:14,093 --> 00:18:16,386 ‎Wala akong naaalala bago ang aksidente. 227 00:18:17,262 --> 00:18:18,097 ‎Ibig mong sabihin, 228 00:18:19,556 --> 00:18:22,476 ‎hindi mo naaalala ang nangyari ‎sa school n'yo ni Pi-o, 229 00:18:22,559 --> 00:18:24,853 ‎o kung ano ang nangyari sa kompetisyon? 230 00:18:25,437 --> 00:18:27,397 ‎Hindi mo rin naaalala ang mga magulang mo? 231 00:18:28,774 --> 00:18:29,650 ‎Tama po. 232 00:18:32,111 --> 00:18:35,114 ‎Nagpatingin ka na ba sa doctor? 233 00:18:35,197 --> 00:18:37,825 ‎May paraan ba para maibalik ang alaala mo? 234 00:18:38,700 --> 00:18:40,202 ‎Sabi po nila, malabong mangyari 'yon. 235 00:18:40,285 --> 00:18:41,328 ‎So hindi na talaga babalik? 236 00:18:41,411 --> 00:18:42,996 ‎Kahit may mga bagay na mag-trigger nito? 237 00:18:48,418 --> 00:18:49,586 ‎Kung sakali po ba, 238 00:18:50,671 --> 00:18:52,840 ‎may alam po ba kayo ‎tungkol sa mga magulang ko? 239 00:18:54,424 --> 00:18:56,552 ‎Kung may alam po kayo, ‎sabihin n'yo po sa 'kin. 240 00:18:57,427 --> 00:18:58,428 ‎Ipagpapasalamat ko po 'yon. 241 00:18:59,429 --> 00:19:01,431 ‎Noong sampung taong gulang ka, 242 00:19:02,266 --> 00:19:05,978 ‎namatay ang nanay mo ‎dahil sa pagdurugo sa utak 243 00:19:06,061 --> 00:19:08,021 ‎sa lugar kung saan ka ‎sumali sa kompetisyon. 244 00:19:10,357 --> 00:19:12,985 ‎Ako ang tumawag ng ambulansya ‎noong nangyari 'yon. 245 00:19:13,944 --> 00:19:16,738 ‎Kaya maiisip mo ‎kung gaano kita pinahahalagahan. 246 00:19:33,213 --> 00:19:34,339 ‎Pasensya na po. 247 00:19:36,758 --> 00:19:38,093 ‎Salamat po. 248 00:19:38,177 --> 00:19:39,303 ‎Anuman ang nangyari, 249 00:19:39,928 --> 00:19:41,305 ‎hindi ako iniwan 250 00:19:42,639 --> 00:19:44,725 ‎o hindi minahal noong bata ako. 251 00:19:46,518 --> 00:19:47,519 ‎Sa totoo lang, 252 00:19:48,770 --> 00:19:50,689 ‎'yon ang pinakakinatatakutan ko. 253 00:19:56,278 --> 00:19:58,238 ‎May itatanong pa po sana ako. 254 00:19:59,406 --> 00:20:01,408 ‎Tungkol po ito sa performance ‎kasama ang anak n'yo. 255 00:20:02,201 --> 00:20:03,785 ‎Tutol rin ba kayo rito? 256 00:20:04,953 --> 00:20:05,787 ‎Hindi, ang ibig kong sabihin… 257 00:20:07,039 --> 00:20:10,250 ‎Hindi naman sa ayaw ko talaga, 258 00:20:10,334 --> 00:20:13,795 ‎pero paano kung lalo lang lumala ‎kapag pinilit natin siya? 259 00:20:14,796 --> 00:20:15,714 ‎Pero… 260 00:20:16,298 --> 00:20:17,341 ‎Bakit siya? 261 00:20:17,424 --> 00:20:18,759 ‎Bakit ka magpe-perform kasama si Pi-o, 262 00:20:19,885 --> 00:20:22,262 ‎gayong alam mong napakahalaga ‎ng debut performance mo? 263 00:20:22,346 --> 00:20:23,764 ‎Kaya siya po ang pinili ko. 264 00:20:25,057 --> 00:20:27,059 ‎Dahil ito ang pinakamahalagang ‎entablado para sa 'kin. 265 00:20:27,935 --> 00:20:30,270 ‎Pinanood ko po ang mga video ‎ng performance ng anak n'yo. 266 00:20:30,354 --> 00:20:31,772 ‎Napakahusay niya. 267 00:20:31,855 --> 00:20:33,982 ‎Ang makapag-perform kasama ‎ang isang pianista na gaya niya 268 00:20:35,192 --> 00:20:37,110 ‎ay pangarap ng bawat conductor. 269 00:20:38,612 --> 00:20:42,491 ‎Parang nakatagpo ka ng kayamanang ‎karapat-dapat makita. 270 00:20:43,700 --> 00:20:46,411 ‎Narinig ko pong nalulugmok siya ‎dahil nagkamali siya sa isang recital. 271 00:20:47,287 --> 00:20:50,999 ‎Kung gano'n, mahirap malampasan ‎ang takot sa pagpe-perform nang solo. 272 00:20:51,583 --> 00:20:54,002 ‎Pero sa isang concerto, may makakatulong ‎sa kanya na malampasan 'yon. 273 00:20:55,754 --> 00:20:58,882 ‎Ipagpapasalamat ko po ‎kung kakausapin n'yo ulit ang anak n'yo. 274 00:20:59,633 --> 00:21:00,467 ‎Kumpiyansa po akong 275 00:21:01,343 --> 00:21:03,887 ‎matutulungan ko siyang ‎makabangon mula sa pagkalugmok niya. 276 00:21:08,809 --> 00:21:10,602 ‎Masaya akong nakita kita. 277 00:21:10,686 --> 00:21:11,937 ‎Gawin ulit natin 'to. 278 00:21:12,562 --> 00:21:13,397 ‎Salamat po. 279 00:21:13,480 --> 00:21:14,773 ‎Mag-ingat ka. 280 00:21:15,399 --> 00:21:16,275 ‎Kayo rin po. 281 00:21:30,289 --> 00:21:32,499 ‎Pi-o, ako 'to. 282 00:21:33,542 --> 00:21:34,418 ‎Puwede ba akong pumasok? 283 00:21:35,669 --> 00:21:36,503 ‎Oo. 284 00:21:48,098 --> 00:21:49,266 ‎Ano'ng ginagawa mo? 285 00:21:49,349 --> 00:21:51,268 ‎Ano'ng kailangan mo? 286 00:21:52,144 --> 00:21:53,061 ‎Hulaan mo? 287 00:21:55,230 --> 00:21:56,690 ‎Nagkita kami ni Jeong-yo kanina. 288 00:21:59,484 --> 00:22:00,527 ‎Para saan? 289 00:22:00,610 --> 00:22:02,571 ‎Gusto niyang kumbinsihin kita 290 00:22:02,654 --> 00:22:04,197 ‎na gawin ang concerto kasama niya. 291 00:22:04,906 --> 00:22:06,408 ‎Sinabi niya sa 'kin 292 00:22:06,491 --> 00:22:08,785 ‎na humanga siya nang husto ‎sa mga performance video mo. 293 00:22:08,869 --> 00:22:11,705 ‎Nag-aalala siyang mawalan ‎ng isang mahusay na musikero. 294 00:22:11,788 --> 00:22:14,291 ‎Hindi ba ang sweet niya? 295 00:22:15,834 --> 00:22:16,793 ‎Siyempre, 296 00:22:17,586 --> 00:22:19,796 ‎alam kong hati ‎ang nararamdaman mo sa kanya. 297 00:22:20,297 --> 00:22:21,965 ‎Pero sa tingin ko, 298 00:22:22,049 --> 00:22:23,842 ‎magandang pagkakataon 'to. 299 00:22:23,925 --> 00:22:27,179 ‎Mas hindi stressful ang concerto ‎kaysa sa solo recital, 300 00:22:27,262 --> 00:22:30,974 ‎at mahusay ang chemistry n'yo ni ‎Jeong-yo noong magkasama kayong tumugtog. 301 00:22:31,058 --> 00:22:33,351 ‎Ano ba ang gusto mong sabihin? 302 00:22:33,435 --> 00:22:35,562 ‎Hindi kita pipilitin ‎kung talagang tutol ka. 303 00:22:35,645 --> 00:22:37,898 ‎Hinihiling ko lang na maging bukas ka. 304 00:22:39,024 --> 00:22:41,151 ‎Wala na akong karapatang ‎magdesisyon para sa 'yo, 305 00:22:41,860 --> 00:22:43,403 ‎kaya nasa 'yo ang desisyon. 306 00:22:55,290 --> 00:22:56,958 ‎MARTIN VOGEL 307 00:22:57,542 --> 00:22:59,169 ‎Gaano pa katagal? 308 00:22:59,252 --> 00:23:01,797 ‎Matatagalan pa 'to. Maghintay ka lang. 309 00:23:03,381 --> 00:23:06,760 ‎Pi-o. Alam mo ang tungkol sa piano trio ‎performance ni Hye-jeong, di ba? 310 00:23:07,427 --> 00:23:08,303 ‎Gusto mo bang panoorin natin? 311 00:23:20,565 --> 00:23:21,399 ‎Uy. 312 00:23:28,073 --> 00:23:28,907 ‎Nandito ka na pala. 313 00:23:33,703 --> 00:23:36,414 ‎Inimbitahan din ni Hye-jeong si Jeong-yo. 314 00:24:17,622 --> 00:24:19,374 ‎Salamat, Pi-o. 315 00:24:19,457 --> 00:24:20,792 ‎Masaya akong pumunta ka. 316 00:24:21,376 --> 00:24:22,252 ‎Walang anuman. 317 00:24:23,295 --> 00:24:25,505 ‎Naisipan ko lang manood ng performance. 318 00:24:26,089 --> 00:24:26,965 ‎Sabi mo, e. 319 00:24:27,632 --> 00:24:28,800 ‎Hindi ka naman karaniwang pumupunta 320 00:24:29,301 --> 00:24:31,761 ‎sa performance na kasama si Yoon Han-rim. 321 00:24:32,679 --> 00:24:35,473 ‎Pumunta ka dahil sa 'kin, di ba? 322 00:24:41,521 --> 00:24:42,480 ‎Jeong-yo. 323 00:24:43,857 --> 00:24:44,900 ‎O? 324 00:24:47,903 --> 00:24:49,070 ‎Kumusta ang performance? 325 00:24:49,154 --> 00:24:50,488 ‎Nagustuhan mo ba? 326 00:24:50,572 --> 00:24:51,907 ‎-Maganda. ‎-Oo. 327 00:24:51,990 --> 00:24:55,118 ‎Magaling silang tatlo. ‎Maganda rin ang chemistry nila. 328 00:24:55,202 --> 00:24:57,704 ‎Kaklase natin silang tatlo noon. 329 00:24:58,246 --> 00:25:00,957 ‎Pareho tayo ng grade at music class. 330 00:25:02,375 --> 00:25:03,376 ‎Nga pala, 331 00:25:04,377 --> 00:25:06,213 ‎sino 'yong lalaking tumutugtog ng piano? 332 00:25:07,172 --> 00:25:08,256 ‎Magaling siya. 333 00:25:09,674 --> 00:25:11,134 ‎Ano ang nagustuhan mo sa pagtugtog niya? 334 00:25:12,219 --> 00:25:13,803 ‎Sa tingin ko, sobra siyang tumugtog. 335 00:25:14,679 --> 00:25:15,764 ‎Talaga? 336 00:25:15,847 --> 00:25:16,932 ‎Jeong-yo! 337 00:25:17,432 --> 00:25:19,601 ‎Uy, Jeong-yo! 338 00:25:19,684 --> 00:25:21,478 ‎Naku, pare. 339 00:25:22,103 --> 00:25:23,855 ‎Alam mo ba kung gaano kami nag-alala 340 00:25:23,939 --> 00:25:26,066 ‎nang bigla kang mawala? 341 00:25:27,859 --> 00:25:29,861 ‎Narinig kong hindi mo naaalala ‎ang high school. 342 00:25:29,945 --> 00:25:33,698 ‎Ibig sabihin, hindi mo rin naaalala ‎ang pag-aaway natin noon sa school. 343 00:25:34,366 --> 00:25:35,367 ‎Nakipag-away ako sa 'yo? 344 00:25:35,450 --> 00:25:36,618 ‎Oo. 345 00:25:36,701 --> 00:25:40,205 ‎Pero noon, mataas ang adrenaline natin. 346 00:25:40,288 --> 00:25:41,957 ‎Hindi lang natin mapigilan ‎ang sarili natin. 347 00:25:42,624 --> 00:25:45,919 ‎Ayos lang. Gano'n naman ‎nagbo-bonding ang mga bata, di ba? 348 00:25:47,671 --> 00:25:52,050 ‎Narinig kong sumali ka sa Hankook Symphony ‎bilang principal guest conductor. 349 00:25:52,133 --> 00:25:53,510 ‎Magsisimula ako sa susunod na buwan. 350 00:25:53,593 --> 00:25:55,470 ‎Sino ang makakasama mo sa concerto? 351 00:25:55,553 --> 00:25:56,763 ‎Hindi pa ako nakapagpasya. 352 00:25:57,806 --> 00:25:59,975 ‎Kung ako na lang kaya? 353 00:26:00,058 --> 00:26:03,061 ‎Mas bagay ako sa mas malaking entablado ‎kaysa sa kuwartong ito. 354 00:26:03,645 --> 00:26:05,355 ‎Sasabihin ko sa 'yo ang totoo. 355 00:26:06,147 --> 00:26:08,984 ‎Labis akong humanga nang napanood ko ‎ang pag-conduct mo. 356 00:26:10,485 --> 00:26:13,446 ‎Sa tingin ko, makakagawa tayo ‎ng magandang musika. 357 00:26:13,530 --> 00:26:15,282 ‎So, kung mag-perform kaya tayo ‎nang magkasama? 358 00:26:16,700 --> 00:26:17,784 ‎Pag-iisipan ko. 359 00:26:18,410 --> 00:26:19,244 ‎Sige, salamat. 360 00:26:20,620 --> 00:26:22,706 ‎Jeong-yo, pag-usapan pa natin ‎ang tungkol sa soloista 361 00:26:22,789 --> 00:26:25,166 ‎-nang kaunti pa– ‎-Hoy, Hong Jae-in. 362 00:26:26,084 --> 00:26:28,378 ‎Minamaliit mo ba ako? 363 00:26:28,461 --> 00:26:29,587 ‎Ha? 364 00:26:29,671 --> 00:26:32,716 ‎Kung nagkasundo na ‎ang pianista at conductor, 'yon na. 365 00:26:35,051 --> 00:26:37,053 ‎Pupunta kayo sa after-party, di ba? 366 00:26:37,137 --> 00:26:38,346 ‎-Siyempre. ‎-Pupunta kami. 367 00:26:38,430 --> 00:26:40,557 ‎Sa Luce Beers sa Hadam-dong. ‎Kita tayo roon, okay? 368 00:26:40,640 --> 00:26:41,599 ‎Jeong-yo! 369 00:26:43,184 --> 00:26:45,603 ‎Nagpa-reserve ako sa Luce Beers ‎para sa after-party. 370 00:26:45,687 --> 00:26:46,604 ‎Wag ka munang umuwi. 371 00:26:46,688 --> 00:26:49,983 ‎Uminom tayo at pag-usapan ‎ang tungkol sa concerto. 372 00:26:50,692 --> 00:26:51,776 ‎-Sige. ‎-Ayos. 373 00:26:52,360 --> 00:26:53,528 ‎Kita tayo mamaya. 374 00:26:55,989 --> 00:26:57,699 ‎Pumunta kayo, okay? 375 00:26:57,782 --> 00:26:59,451 ‎-Pupunta kami. ‎-Kita tayo roon. 376 00:26:59,951 --> 00:27:01,703 ‎Talagang pinag-iisipan mong ‎mag-perform kasama siya? 377 00:27:02,912 --> 00:27:04,581 ‎Alam kong hindi ako dapat makialam, 378 00:27:04,664 --> 00:27:05,915 ‎pero hindi siya magaling. 379 00:27:07,709 --> 00:27:09,836 ‎Mababaw siya, pati ang musika niya. 380 00:27:10,337 --> 00:27:13,006 ‎Hindi mo dapat makasama ang gano'ng ‎partner sa debut performance mo. 381 00:27:14,299 --> 00:27:15,884 ‎Sa tingin ko, pag-isipan mo pa. 382 00:27:16,468 --> 00:27:17,552 ‎Sa tingin mo? 383 00:27:18,470 --> 00:27:20,889 ‎Kung gano'n, iligtas mo ako ‎sa pagpe-perform kasama ang gaya niya 384 00:27:20,972 --> 00:27:22,057 ‎at mag-perform ka kasama ako. 385 00:27:23,767 --> 00:27:26,644 ‎Gustong-gusto ko talagang ‎mag-perform kasama ka. 386 00:27:27,354 --> 00:27:28,480 ‎Napanood ko ang mga video mo, 387 00:27:29,939 --> 00:27:31,107 ‎at nagustuhan ko talaga ang nakita ko. 388 00:27:32,359 --> 00:27:33,735 ‎Humihiling ako sa 'yo 389 00:27:34,861 --> 00:27:37,530 ‎dahil makakabuti rin sa 'kin ‎ang mag-perform kasama ka. 390 00:27:39,491 --> 00:27:40,700 ‎Ano'ng ibig mong sabihin? 391 00:27:41,284 --> 00:27:44,371 ‎Kilala ang Hankook Symphony ‎na hindi welcoming sa mga bagong dating. 392 00:27:45,455 --> 00:27:47,123 ‎Kinuha lang ako mula sa labas, 393 00:27:48,541 --> 00:27:51,002 ‎kaya kailangan kong patunayan ‎ang sarili ko sa lahat ng aspekto. 394 00:27:52,879 --> 00:27:55,340 ‎Kung mag-perform ka kasama ako, ‎malaking tulong 'yon. 395 00:27:56,174 --> 00:27:58,218 ‎Naiintindihan ko ang sinasabi mo, ‎pero sinabi ko na sa 'yo. 396 00:27:59,177 --> 00:28:01,137 ‎Nalulugmok pa rin ako at– 397 00:28:01,221 --> 00:28:03,598 ‎Pero kailangan mo rin itong harapin. 398 00:28:06,976 --> 00:28:07,811 ‎Mr. Kang. 399 00:28:11,356 --> 00:28:12,982 ‎Malakas ang kumpiyansa ko rito. 400 00:28:22,283 --> 00:28:24,536 ‎Gustong-gusto ko talagang ‎mag-perform kasama ka. 401 00:28:28,665 --> 00:28:31,501 ‎Malaking tulong ‎kung magpe-perform ka kasama ako. 402 00:28:32,085 --> 00:28:34,671 ‎Pero kailangan mo rin itong harapin. 403 00:28:50,729 --> 00:28:51,771 ‎KANG PI-O 404 00:28:51,855 --> 00:28:53,648 ‎Mag-perform tayo nang magkasama. 405 00:29:00,905 --> 00:29:02,699 ‎Nakuha mo ang gusto mo, 406 00:29:03,783 --> 00:29:06,077 ‎kahit sinabi kong malaking panganib ito. 407 00:29:06,161 --> 00:29:08,621 ‎Hindi ko po itinuturing ‎na panganib ito. 408 00:29:08,705 --> 00:29:10,999 ‎Naniniwala po akong si Mr. Kang ‎ang perpektong partner 409 00:29:11,082 --> 00:29:13,501 ‎para maging matagumpay ang debut ko. 410 00:29:15,128 --> 00:29:16,421 ‎Pa'no naman ang program? 411 00:29:17,172 --> 00:29:19,674 ‎Sa ikalawang bahagi, tutugtugin n'yo ‎ang unang symphony ni Brahms 412 00:29:19,758 --> 00:29:21,843 ‎na nagpanalo sa 'yo ‎sa conducting competition. 413 00:29:22,427 --> 00:29:23,303 ‎Pa'no naman ang unang bahagi? 414 00:29:23,803 --> 00:29:25,597 ‎Napag-usapan n'yo na ba ‎kung ano ang tutugtugin? 415 00:29:27,390 --> 00:29:28,600 ‎Hindi pa po, sir. 416 00:29:30,769 --> 00:29:31,978 ‎Ano ang gusto mong tugtugin? 417 00:29:32,812 --> 00:29:33,897 ‎Napag-isipan mo na ba? 418 00:29:36,024 --> 00:29:38,485 ‎Iniisip ko po ang Ravel. 419 00:29:38,568 --> 00:29:41,237 ‎Kung gano'n, ‎mawawala ang focus ng program. 420 00:29:43,740 --> 00:29:46,326 ‎Bakit hindi na lang ‎ang Piano Concerto No. 20 ni Mozart? 421 00:29:47,243 --> 00:29:51,790 ‎Pareho kayong may kuwentong ‎mula dilim tungo sa liwanag, 422 00:29:52,332 --> 00:29:55,460 ‎kaya kung Mozart No. 20 piano concerto at ‎Brahms First Symphony ang tugtugin n'yo, 423 00:29:56,127 --> 00:29:58,046 ‎magiging magkakaugnay ‎ang buong program. 424 00:29:58,129 --> 00:29:59,464 ‎Mr. Kang. 425 00:29:59,547 --> 00:30:02,634 ‎Hindi pa kailanman tinugtog ni Pi-o ‎ang Piano Concerto No. 20 ni Mozart, 426 00:30:02,717 --> 00:30:04,594 ‎at hindi 'yon madaling piyesa– 427 00:30:04,677 --> 00:30:05,553 ‎So ano naman? 428 00:30:06,805 --> 00:30:09,766 ‎Anong klaseng propesyonal ‎ang laging ligtas ang pinipiling gawin? 429 00:30:10,975 --> 00:30:14,729 ‎Kung sa tingin mo hindi mo kaya, puwede ‎tayong pumili ng pamilyar na piyesa– 430 00:30:14,813 --> 00:30:16,105 ‎Hindi. 431 00:30:16,898 --> 00:30:17,857 ‎Kaya ko. 432 00:30:19,651 --> 00:30:21,069 ‎Gagawin ko. 433 00:30:26,282 --> 00:30:27,575 ‎Sigurado ka ba rito? 434 00:30:30,036 --> 00:30:32,914 ‎-Kung sa tingin mo hindi mo kaya– ‎-Bakit mo nasabi 'yon? 435 00:30:32,997 --> 00:30:34,707 ‎Sinabi kong kaya ko. 436 00:30:43,967 --> 00:30:45,927 ‎Ano ba'ng pumasok sa isip mo ‎at pumayag ka? 437 00:30:46,719 --> 00:30:48,596 ‎Sumang-ayon ako dahil makulit siya, 438 00:30:48,680 --> 00:30:50,807 ‎pero kung masisira nito ‎ang debut performance ni Jeong-yo– 439 00:30:50,890 --> 00:30:53,685 ‎Sa tingin mo, saan nagmumula ‎ang galing ni Choi Jeong-yo? 440 00:30:55,061 --> 00:30:57,397 ‎Sa tapang niyang sumabak ‎sa imposibleng hamon 441 00:30:58,731 --> 00:31:01,860 ‎at sa matinding determinasyon ‎na magtagumpay. 442 00:31:02,777 --> 00:31:04,153 ‎At kung mabigo siya? 443 00:31:05,613 --> 00:31:07,115 ‎Haharapin natin 'yon kapag dumating na. 444 00:31:11,369 --> 00:31:13,246 ‎Malapit na ang 80th anniversary ‎ng orchestra. 445 00:31:15,415 --> 00:31:18,126 ‎Kailangan natin ng conductor ‎na magiging kahalili ko. 446 00:31:19,043 --> 00:31:20,295 ‎Kaya ituring natin ito… 447 00:31:22,297 --> 00:31:25,341 ‎bilang pagkakataon para subukan ‎ang kakayahan ni Jeong-yo. 448 00:32:32,575 --> 00:32:33,451 ‎Excuse me. 449 00:32:35,078 --> 00:32:36,871 ‎Nagpa-reserve ako ng practice room. 450 00:32:41,417 --> 00:32:42,835 ‎Handa na ang Room Three para sa 'yo. 451 00:32:42,919 --> 00:32:43,753 ‎Salamat. 452 00:32:53,471 --> 00:32:54,305 ‎Uy. 453 00:32:55,306 --> 00:32:56,891 ‎Hindi ka maniniwala kung sino ‎ang pumunta sa practice. 454 00:32:58,893 --> 00:33:00,103 ‎Si Kang Pi-o. 455 00:33:06,067 --> 00:33:06,901 ‎MAY REHEARSAL 456 00:33:14,993 --> 00:33:16,369 ‎Grabe. 457 00:33:16,452 --> 00:33:17,870 ‎Hulaan mo kung ano ‎ang tinutugtog ni Kang Pi-o. 458 00:33:19,122 --> 00:33:20,123 ‎Hanon number one. 459 00:33:22,125 --> 00:33:23,918 ‎TALAGA? BATA BA SIYA O ANO? 460 00:35:54,277 --> 00:35:55,528 ‎Ano'ng ginagawa mo rito? 461 00:36:02,326 --> 00:36:03,244 ‎Jeong-yo. 462 00:36:04,328 --> 00:36:05,329 ‎Pasensya na, 463 00:36:06,164 --> 00:36:07,248 ‎pero kailangan ko ng tulong mo. 464 00:36:08,875 --> 00:36:11,002 ‎Sinubukan kong malampasan ito, ‎pero hindi madali. 465 00:36:13,004 --> 00:36:14,881 ‎Naisaulo ko na ang piyesa, 466 00:36:15,756 --> 00:36:19,302 ‎pero natatakot pa rin akong ‎tumugtog sa harap ng mga tao. 467 00:36:20,094 --> 00:36:22,889 ‎Pero hindi ko alam 468 00:36:24,557 --> 00:36:25,725 ‎kung paano ko ito malalampasan. 469 00:36:26,976 --> 00:36:28,519 ‎Wala akong pakialam kung mabigo ako, 470 00:36:29,353 --> 00:36:30,813 ‎pero ayokong madamay ka. 471 00:36:32,648 --> 00:36:34,108 ‎Kung sa tingin mo hindi ko kaya… 472 00:36:36,152 --> 00:36:37,028 ‎humanap ka na lang ng iba. 473 00:36:41,616 --> 00:36:43,618 ‎Kung may oras ka, 474 00:36:44,410 --> 00:36:45,620 ‎may pupuntahan tayo. 475 00:37:10,853 --> 00:37:13,773 ‎Nakita ko siyang tumutugtog ‎habang papunta ako sa subway. 476 00:37:14,941 --> 00:37:17,193 ‎Tumutugtog siya rito ‎tuwing weekend sa ganitong oras. 477 00:37:17,693 --> 00:37:18,611 ‎Ang ganda, di ba? 478 00:37:19,237 --> 00:37:20,863 ‎Ang tumugtog dito nang ganito… 479 00:37:23,115 --> 00:37:25,576 ‎Sa tingin mo, bakit nakikinig ‎ang mga tao sa musika? 480 00:37:28,788 --> 00:37:31,707 ‎Para makahanap ng kaunting kaaliwan ‎kapag mahirap ang buhay. 481 00:37:32,792 --> 00:37:35,169 ‎Sa tingin mo ba ang mga taong ‎nakikinig ngayon 482 00:37:36,462 --> 00:37:38,464 ‎ay hinuhusgahan ang violinist? 483 00:37:39,048 --> 00:37:39,924 ‎Hindi. 484 00:37:41,300 --> 00:37:42,677 ‎Naghahanap lang sila ng kaaliwan. 485 00:37:44,553 --> 00:37:46,847 ‎Pero ang dapat mong pansinin 486 00:37:47,807 --> 00:37:49,100 ‎ay ang expression ng violinist. 487 00:37:49,892 --> 00:37:52,979 ‎Sa tingin mo, natatakot siyang ‎husgahan ng mga manonood? 488 00:37:53,980 --> 00:37:54,897 ‎Hindi. 489 00:37:55,773 --> 00:37:57,024 ‎Hindi talaga. 490 00:37:57,108 --> 00:37:58,109 ‎Ang violinist na 'yon 491 00:37:58,651 --> 00:38:01,362 ‎ay masayang nalulunod ‎sa sarili niyang musika. 492 00:38:01,445 --> 00:38:02,530 ‎Dahil siya ang taong 493 00:38:02,613 --> 00:38:05,283 ‎pinakanaaaliw dito. 494 00:38:07,159 --> 00:38:10,621 ‎May nangyari ba kamakailan ‎na gumugulo sa isip mo? 495 00:38:13,374 --> 00:38:16,460 ‎Sa tingin ko, nasaktan ka at nalugmok. 496 00:38:18,296 --> 00:38:21,090 ‎Ikaw ang una mong audience, ‎hindi ang iba. 497 00:38:22,591 --> 00:38:24,427 ‎Bago mo aliwin ang iba, 498 00:38:25,094 --> 00:38:28,431 ‎kailangan mo munang maghilom ‎at aliwin ang sarili mo. 499 00:38:29,765 --> 00:38:33,436 ‎Tumugtog ka para sa sarili mo ‎ng musikang nagbibigay-aliw. 500 00:38:58,419 --> 00:38:59,837 ‎Sabihin mo sa 'kin ang totoo. 501 00:38:59,920 --> 00:39:01,088 ‎Sino ang ama niya? 502 00:39:01,172 --> 00:39:03,090 ‎Ipadala mo siya ‎sa walanghiyang 'yon ngayon din! 503 00:39:03,174 --> 00:39:05,051 ‎Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo? 504 00:39:06,177 --> 00:39:07,136 ‎Wala siyang ama. 505 00:39:07,219 --> 00:39:08,304 ‎Si Pi-o ay 506 00:39:08,804 --> 00:39:11,349 ‎regalong ipinadala sa 'kin ng Diyos. 507 00:39:11,432 --> 00:39:13,184 ‎Tuluyan ka nang nabaliw. 508 00:39:13,768 --> 00:39:15,061 ‎Nababaliw ka na ba? 509 00:39:15,144 --> 00:39:16,812 ‎Tuluyan ka na bang nasiraan ng bait? 510 00:39:43,255 --> 00:39:46,258 ‎Sa tingin ko, nasaktan ka at nalugmok. 511 00:39:47,676 --> 00:39:51,597 ‎Nakatugtog ka na ba ‎at naaliw dahil dito? 512 00:40:31,637 --> 00:40:34,598 ‎Ikaw ang una mong audience, ‎hindi ang iba. 513 00:40:35,224 --> 00:40:37,017 ‎Bago mo aliwin ang iba, 514 00:40:37,518 --> 00:40:40,312 ‎kailangan mo munang maghilom ‎at aliwin ang sarili mo. 515 00:42:03,979 --> 00:42:07,149 ‎2026 GRAND PRIZE OF LUCENA, KOREA 516 00:42:26,460 --> 00:42:27,294 ‎Hello, sir. 517 00:42:27,378 --> 00:42:28,420 ‎Hello. 518 00:42:28,504 --> 00:42:29,630 ‎-Kumusta po kayo? ‎-Hello. 519 00:42:29,713 --> 00:42:30,965 ‎Ang tagal na nating hindi nagkita. 520 00:42:32,508 --> 00:42:33,384 ‎Parang hindi naman. 521 00:42:33,467 --> 00:42:34,885 ‎ROW 11, SEAT 5 522 00:42:35,761 --> 00:42:37,471 ‎-Booming ba ang negosyo? ‎-Jeong-yo. 523 00:42:38,055 --> 00:42:39,390 ‎Nandito ka rin pala. 524 00:42:39,473 --> 00:42:40,516 ‎A, hello po. 525 00:42:42,893 --> 00:42:45,396 ‎Ms. Yoon, dapat sinabi mo sa 'kin 526 00:42:45,479 --> 00:42:47,439 ‎na pupunta ka kasama si Jeong-yo. 527 00:42:49,483 --> 00:42:51,569 ‎Dahil hindi n'yo kami binigyan ng grant, 528 00:42:51,652 --> 00:42:54,947 ‎kinailangan kong isama ang bida ‎at ako na mismo ang kumilos. 529 00:42:55,030 --> 00:42:56,949 ‎Kahit ayaw ko siyang abalahin. 530 00:42:57,032 --> 00:42:59,702 ‎Binibigyan mo si Jeong-yo ng maling akala. 531 00:42:59,785 --> 00:43:02,955 ‎Sobrang dami kong ginagawa ‎para sa Hankook Symphony nitong nakaraan. 532 00:43:03,038 --> 00:43:03,872 ‎Ms. Yoon? 533 00:43:04,498 --> 00:43:06,667 ‎Naku, Director. 534 00:43:09,962 --> 00:43:11,088 ‎Ano ang sinabi mo sa kanya? 535 00:43:11,171 --> 00:43:13,173 ‎Iba na talaga ang tunog ‎ng pagtugtog ni Pi-o. 536 00:43:13,924 --> 00:43:16,135 ‎Sobrang naka-focus siya sa pagpa-practice, 537 00:43:16,218 --> 00:43:17,970 ‎at ibang-iba na ‎ang tunog ng pagtugtog niya. 538 00:43:18,053 --> 00:43:20,014 ‎Halatang nag-e-enjoy siya sa pagtugtog. 539 00:43:20,097 --> 00:43:21,390 ‎Ano ba ang ginawa mo? 540 00:43:22,433 --> 00:43:24,518 ‎Lahat 'yon ay dahil sa pagsisikap niya. 541 00:43:33,319 --> 00:43:34,820 ‎Mga mararangal na panauhin 542 00:43:35,487 --> 00:43:38,032 ‎at mga pinarangalan ngayong araw. 543 00:43:38,949 --> 00:43:42,745 ‎Ikinararangal kong magsalita ‎sa napakahalagang okasyong ito. 544 00:43:43,370 --> 00:43:44,204 ‎Ang "Lucena" ay nangangahulugang 545 00:43:44,288 --> 00:43:47,916 ‎"isang maningning na kasama ng sining." 546 00:43:48,542 --> 00:43:52,880 ‎Ang sining ay bulaklak na namumukadkad ‎mula sa kaibuturan ng kaluluwa, 547 00:43:52,963 --> 00:43:56,050 ‎-ngunit para mabuhay ito sa lipunan, ‎-Excuse me po. 548 00:43:56,133 --> 00:43:59,386 ‎kailangan nito ng pag-aaruga at atensyon. 549 00:44:07,561 --> 00:44:09,813 ‎Sobrang naka-focus siya sa pagpa-practice, 550 00:44:09,897 --> 00:44:11,607 ‎at ibang-iba na ‎ang tunog ng pagtugtog niya. 551 00:44:11,690 --> 00:44:13,567 ‎Halatang nag-e-enjoy siya sa pagtugtog. 552 00:44:13,651 --> 00:44:14,902 ‎Ano ba ang ginawa mo? 553 00:44:31,543 --> 00:44:33,003 ‎…kahit tapos na ang kompetisyon. 554 00:44:33,504 --> 00:44:34,338 ‎Okay. 555 00:44:35,422 --> 00:44:37,800 ‎Pangako, wag kang magtampo ‎kung ako ang manalo. 556 00:44:37,883 --> 00:44:39,426 ‎Mag-enjoy pa rin tayo pag magkasama tayo. 557 00:44:40,511 --> 00:44:42,054 ‎Pero ako ang mananalo. 558 00:44:43,055 --> 00:44:44,098 ‎Wag ka ring magtampo. 559 00:44:47,810 --> 00:44:51,105 ‎WAITING ROOM NG MGA PERFORMER ‎SEODAM ART CENTER 560 00:45:15,087 --> 00:45:17,256 ‎Malinaw na ako ang mananalo. 561 00:45:17,339 --> 00:45:18,549 ‎Naku. 562 00:45:19,133 --> 00:45:19,967 ‎Ano? 563 00:45:21,176 --> 00:45:22,428 ‎Mangarap ka. 564 00:45:51,999 --> 00:45:53,083 ‎Jeong-yo. 565 00:45:54,209 --> 00:45:55,043 ‎Ano'ng ginagawa mo rito? 566 00:45:59,465 --> 00:46:01,633 ‎Naligaw po ako pabalik mula sa banyo. 567 00:46:01,717 --> 00:46:03,510 ‎Tapos nakita ko po ang piano 568 00:46:03,594 --> 00:46:05,220 ‎at pumasok muna ako. 569 00:46:05,721 --> 00:46:06,597 ‎Ang lugar na 'to… 570 00:46:08,223 --> 00:46:09,141 ‎pamilyar sa 'yo, di ba? 571 00:46:10,309 --> 00:46:11,977 ‎Halos walang nagbago mula noon. 572 00:46:13,103 --> 00:46:13,937 ‎So… 573 00:46:14,980 --> 00:46:16,064 ‎May naaalala ka ba? 574 00:46:17,733 --> 00:46:18,901 ‎Wala po. 575 00:46:19,485 --> 00:46:20,402 ‎Bakit po? 576 00:46:21,945 --> 00:46:23,155 ‎Wala lang. 577 00:46:24,823 --> 00:46:25,657 ‎Bumalik na po tayo. 578 00:46:45,219 --> 00:46:47,888 ‎W. A. MOZART ‎CONCERTO NO. 20 D MINOR PARA SA PIANOFORTE 579 00:46:56,104 --> 00:46:56,980 ‎Pi-o. 580 00:46:59,608 --> 00:47:00,484 ‎Kumusta ka na? 581 00:47:03,987 --> 00:47:04,905 ‎Wala ka pa ring pinagbago. 582 00:47:07,950 --> 00:47:11,745 ‎Nagulat kami ni Han-rim nang marinig namin ‎ang tungkol sa concerto. 583 00:47:13,413 --> 00:47:14,581 ‎Ano'ng ibig mong sabihin? 584 00:47:17,501 --> 00:47:18,418 ‎Alam mo na. 585 00:47:19,545 --> 00:47:20,462 ‎Ang tinutukoy ko ay 586 00:47:20,963 --> 00:47:25,175 ‎ang masamang tsismis na sangkot ka ‎sa pagdukot kay Jeong-yo. 587 00:47:26,343 --> 00:47:29,513 ‎Kaya nang marinig naming ‎magko-concerto kayong dalawa, 588 00:47:30,305 --> 00:47:31,348 ‎nagulat kami. 589 00:47:32,307 --> 00:47:33,934 ‎Sino ang nagpakalat ng kalokohang 'yan? 590 00:47:34,893 --> 00:47:35,769 ‎Tinatakot mo naman ako. 591 00:47:36,728 --> 00:47:37,813 ‎Kung hindi naman ikaw, hayaan mo na. 592 00:47:39,147 --> 00:47:40,649 ‎Hindi ko akalaing ang isang ‎napakatinong taong gaya mo 593 00:47:41,233 --> 00:47:42,818 ‎ay gagamit ng gano'n kababang pananalita. 594 00:47:44,736 --> 00:47:45,737 ‎Magkaroon tayo ng 595 00:47:46,613 --> 00:47:47,823 ‎magandang rehearsal ngayon. 596 00:47:50,284 --> 00:47:51,159 ‎Good luck. 597 00:48:08,844 --> 00:48:10,262 ‎Si Kang Pi-o ba 'yan? 598 00:48:10,345 --> 00:48:11,930 ‎Talaga bang tutugtog si Kang Pi-o? 599 00:48:12,014 --> 00:48:14,308 ‎-Di ba nalulugmok siya? ‎-Ano'ng nangyari sa pagkalugmok niya? 600 00:48:19,938 --> 00:48:21,231 ‎Ang sama nito. 601 00:48:21,857 --> 00:48:23,734 ‎Hindi ko talaga maintindihan. 602 00:48:24,359 --> 00:48:26,069 ‎Kahit si Kang Pi-o pa 'yan. 603 00:48:26,153 --> 00:48:28,655 ‎Bakit pipili ng soloistang nalulugmok? 604 00:48:29,323 --> 00:48:30,407 ‎Hindi ko talaga maintindihan. 605 00:48:30,490 --> 00:48:32,951 ‎-Ako rin. ‎-Binayaran ba niya ang puwesto niya? 606 00:48:33,910 --> 00:48:35,037 ‎Hello. 607 00:48:35,120 --> 00:48:36,163 ‎-Hello. ‎-Hello. 608 00:49:33,053 --> 00:49:34,763 ‎Mga cello, bahagyang nauuna kayo. 609 00:49:35,472 --> 00:49:37,724 ‎Pantayan n'yo ang dulo ng piano. 610 00:49:38,433 --> 00:49:39,267 ‎Opo, sir. 611 00:49:39,935 --> 00:49:42,813 ‎Ano ba ang inaasahan niya? ‎Palpak ang piano. 612 00:49:45,774 --> 00:49:46,858 ‎Pianist Kang Pi-o. 613 00:49:48,026 --> 00:49:51,113 ‎Sa dulo ng parirala, panatilihing ‎solid ang susunod na downbeat. 614 00:49:53,824 --> 00:49:54,658 ‎Naiintindihan ko. 615 00:49:55,492 --> 00:49:56,326 ‎Ulitin natin. 616 00:49:56,910 --> 00:49:58,120 ‎Magsimula sa piano solo. 617 00:50:17,889 --> 00:50:19,975 ‎Hindi ko sinasabing pangit ‎ang pagtugtog niya, 618 00:50:20,058 --> 00:50:21,643 ‎pero hindi ba medyo alangan ‎ang pagtugtog niya? 619 00:50:22,561 --> 00:50:24,396 ‎Iba ang pagtugtog niya sa bawat ulit. 620 00:50:24,980 --> 00:50:27,482 ‎Baka hindi pa siya tuluyang ‎nakakaalis sa pagkalugmok niya. 621 00:50:29,276 --> 00:50:31,027 ‎Baka nasa transition pa siya. 622 00:50:31,111 --> 00:50:34,197 ‎Pero bakit kailangan natin siyang ‎saluhin habang nasa gano'n siya? 623 00:50:34,281 --> 00:50:36,324 ‎Hindi ko talaga maintindihan. 624 00:50:36,408 --> 00:50:37,784 ‎Parehong malaking abala ‎sina Choi Jeong-yo at Kang Pi-o 625 00:50:38,493 --> 00:50:43,039 ‎kahit noon sa school, ‎at hindi pa rin sila nagbago. 626 00:50:50,005 --> 00:50:50,922 ‎Ano'ng ginagawa mo rito? 627 00:50:52,007 --> 00:50:53,842 ‎Kanina pa tapos ang rehearsal. 628 00:50:55,051 --> 00:50:56,052 ‎Uy. 629 00:51:01,224 --> 00:51:03,101 ‎Bakit gusto mo akong kasama mag-perform? 630 00:51:07,939 --> 00:51:09,357 ‎Lahat ng tao roon 631 00:51:10,692 --> 00:51:13,570 ‎ay naghihintay na mapahiya ako. 632 00:51:15,614 --> 00:51:18,283 ‎Kung hirap akong magtiwala sa sarili ko… 633 00:51:20,827 --> 00:51:22,078 ‎bakit ka… 634 00:51:25,749 --> 00:51:27,667 ‎nagtiwalang kaya ko 'to? 635 00:51:40,263 --> 00:51:41,181 ‎Ewan ko. 636 00:51:43,141 --> 00:51:47,813 ‎Pero baka gano'n sila ‎dahil sa 'kin, hindi sa 'yo. 637 00:51:49,272 --> 00:51:52,150 ‎Kaya mukhang ang isa't isa lang ‎ang mapagkakatiwalaan natin. 638 00:51:57,614 --> 00:51:59,074 ‎Noong nasa monasteryo ako… 639 00:52:01,243 --> 00:52:03,245 ‎matindi ang social anxiety ko. 640 00:52:04,579 --> 00:52:08,291 ‎Hindi ko kayang humarap sa mga tao, ‎pero gustong-gusto kong tumugtog. 641 00:52:10,669 --> 00:52:11,545 ‎Kaya… 642 00:52:12,212 --> 00:52:15,131 ‎tumutugtog ako kasama ‎ang imaginary orchestra ko. 643 00:52:16,466 --> 00:52:19,261 ‎Nag-uusap kami at nagtatalo. 644 00:52:22,389 --> 00:52:23,348 ‎Pero alam mo ba? 645 00:52:24,933 --> 00:52:27,894 ‎'Yon ang pinakamalaking sandata ‎para sa isang conductor. 646 00:52:28,520 --> 00:52:30,605 ‎Dahil ang trabaho ng conductor 647 00:52:32,107 --> 00:52:35,819 ‎ay dapat lubusang tapos na ‎bago humarap sa orchestra. 648 00:52:42,075 --> 00:52:43,994 ‎Kung nagbabantang manaig ang takot, 649 00:52:44,744 --> 00:52:47,122 ‎mag-imagine ka ‎ng mga performance sa isip mo. 650 00:52:48,331 --> 00:52:49,416 ‎Pagdating ng panahon, 651 00:52:50,584 --> 00:52:53,086 ‎unti-unting mawawala ang takot mo. 652 00:52:53,879 --> 00:52:55,380 ‎At alam kong magiging mahirap… 653 00:52:57,215 --> 00:52:59,217 ‎pero subukan mong lubos ‎na magtiwala sa 'kin. 654 00:53:00,010 --> 00:53:02,178 ‎Dahil ako ang kumokontrol sa orchestra. 655 00:53:03,221 --> 00:53:05,390 ‎Gusto mo bang marinig ‎ang imaginary music ko? 656 00:53:08,059 --> 00:53:10,020 ‎At kung maaari… 657 00:53:11,897 --> 00:53:13,356 ‎mas maganda kung tutugtog ka ng piano. 658 00:53:40,967 --> 00:53:41,843 ‎Violin. 659 00:53:42,802 --> 00:53:43,720 ‎Pianissimo. 660 00:53:55,732 --> 00:53:56,691 ‎Mga cello at bass. 661 00:54:06,326 --> 00:54:08,078 ‎Mga oboe at flute, espressivo. 662 00:54:33,186 --> 00:54:34,354 ‎Timpani, forte! 663 00:54:56,334 --> 00:54:57,335 ‎Piano. 664 00:54:58,920 --> 00:55:00,046 ‎Con dolore. 665 00:57:29,195 --> 00:57:30,321 ‎Uy, hello po. 666 00:57:31,698 --> 00:57:34,492 ‎Salamat po sa pagsuporta ‎sa performance ngayong araw. 667 00:57:34,576 --> 00:57:36,578 ‎Sana maganda ang maisulat ‎n'yong article tungkol dito. 668 00:57:37,245 --> 00:57:38,788 ‎Naku, wala po 'yon. 669 00:57:39,581 --> 00:57:41,124 ‎Opo, kontakin n'yo lang po ako. 670 00:57:47,630 --> 00:57:48,590 ‎Grabe. 671 00:57:49,424 --> 00:57:52,677 ‎Kinailangan kong pigilan ‎ang luha ko sa huli. 672 00:57:53,386 --> 00:57:56,097 ‎Hindi ako makapaniwalang ‎napaiyak n'yo 'ko. 673 00:57:56,723 --> 00:58:00,143 ‎Salamat sa inyong dalawa ‎sa pagsuporta sa 'kin. 674 00:58:00,226 --> 00:58:01,978 ‎Walang anuman. 675 00:58:02,645 --> 00:58:04,230 ‎Kinabahan din talaga ako, 676 00:58:05,482 --> 00:58:08,151 ‎pero nagulat ako sa napakaganda ‎mong performance. 677 00:58:09,194 --> 00:58:12,572 ‎Hoy, bakit hindi kayo ‎mag-perform ng kamangha-mangha 678 00:58:12,655 --> 00:58:15,033 ‎sa 80th anniversary festival? 679 00:58:15,116 --> 00:58:17,744 ‎Gagawin ko kayong isang brand. ‎Ano sa tingin n'yo? 680 00:58:18,620 --> 00:58:19,579 ‎Well… 681 00:58:22,707 --> 00:58:26,127 ‎Grabe, halos hindi na ako makapagsalita ‎sa dami ng tawag na natatanggap ko. 682 00:58:26,628 --> 00:58:27,587 ‎Sandali lang. 683 00:58:30,131 --> 00:58:31,090 ‎Hello, salamat po sa pagtawag. 684 00:58:34,010 --> 00:58:34,844 ‎Mr. Kang. 685 00:58:36,304 --> 00:58:37,138 ‎Ano 'yon? 686 00:58:38,598 --> 00:58:40,183 ‎Ngayong tapos na ang performance natin, 687 00:58:41,226 --> 00:58:43,144 ‎may gusto sana akong sabihin sa 'yo. 688 00:58:47,815 --> 00:58:50,276 ‎Kung sakali… 689 00:58:58,618 --> 00:59:01,037 ‎Nalaman ko na kung sino ang nag-utos ‎na dukutin si Choi Jeong-yo. 690 00:59:05,667 --> 00:59:06,543 ‎Ano 'yon? 691 00:59:07,460 --> 00:59:08,461 ‎May problema ba? 692 00:59:09,629 --> 00:59:10,588 ‎Wala. 693 00:59:11,965 --> 00:59:12,840 ‎Sandali lang. 694 00:59:28,481 --> 00:59:31,109 ‎NALAMAN KO NA KUNG SINO ‎ANG NAG-UTOS NA DUKUTIN SI CHOI JEONG-YO. 695 01:00:32,378 --> 01:00:34,505 ‎FOUR HANDS, TWO SONATAS 696 01:00:35,590 --> 01:00:36,758 ‎Bakit mo ginawa 'yon, Ma? 697 01:00:36,841 --> 01:00:38,468 ‎Aaminin natin kay Jeong-yo ‎at hihingi tayo ng tawad. 698 01:00:38,551 --> 01:00:39,969 ‎Hindi, ayoko! 699 01:00:40,053 --> 01:00:41,429 ‎Kapag lumabas ang katotohanan, 700 01:00:41,512 --> 01:00:44,140 ‎tapos na ang buhay nating dalawa. 701 01:00:44,223 --> 01:00:45,391 ‎Mukhang hindi ka okay. 702 01:00:45,475 --> 01:00:46,893 ‎May itinatago ka ba sa 'kin? 703 01:00:46,976 --> 01:00:49,479 ‎Wala akong lakas ng loob ‎na sabihin sa 'yo ang totoo noon. 704 01:00:49,562 --> 01:00:51,272 ‎Paano kung may binabalak siya? 705 01:00:51,356 --> 01:00:54,108 ‎Natatakot akong sinasadya niyang ‎hadlangan ka. 706 01:00:54,192 --> 01:00:55,193 ‎May itinatago siya. 707 01:00:56,569 --> 01:00:57,862 ‎Nandito ako para humingi ng tawad. 708 01:00:58,905 --> 01:01:00,782 ‎Siyam na taon na ang nakalipas ‎sa Harmonie International Competition… 709 01:01:03,034 --> 01:01:08,039 ‎Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann