1 00:00:07,507 --> 00:00:09,134 Lilingon pa ba ako o di na? 2 00:00:10,135 --> 00:00:14,055 Nagsimula ako bilang Mob reporter sa Fox 29 no'ng 1994. 3 00:00:14,139 --> 00:00:16,433 Maraming beses ko ring na-cover si Joey Merlino. 4 00:00:16,516 --> 00:00:20,603 Natapos man ang parole ni Merlino, di pa rin siya nawawala sa spotlight. 5 00:00:20,687 --> 00:00:24,399 Nasangkot sa isang nakaw na Lamborghini ang isang miyembro ng Merlino Mob. 6 00:00:24,482 --> 00:00:26,151 Merli… May truck. Teka lang. 7 00:00:27,235 --> 00:00:30,905 Madalas na nasa headline si Joey Merlino dahil para siyang action star. 8 00:00:32,574 --> 00:00:35,577 Magandang manamit. Nadadala niya ang sarili nang maayos. 9 00:00:35,660 --> 00:00:36,745 May ere. 10 00:00:37,328 --> 00:00:39,414 Joe, kumusta at tapos na ang parole mo? 11 00:00:39,497 --> 00:00:42,751 -Mabuti. Pupunta kami sa Disney World. -Pupunta kayo sa Disney World? 12 00:00:44,753 --> 00:00:47,338 Siya ang tipo na pag dumating, lahat nakatingin sa kanya. 13 00:00:50,341 --> 00:00:54,262 Sa nightclub, di na niya kailangang pumila pa. 14 00:00:54,345 --> 00:00:55,889 Makakapasok agad si Joey Merlino. 15 00:00:59,768 --> 00:01:02,395 Naging parang celebrity si Joey. 16 00:01:03,646 --> 00:01:07,400 Di takot si Joey sa camera, di rin takot sa reporter. 17 00:01:07,484 --> 00:01:11,112 Siya ang panalo sa bawat palitan ng mga salita. 18 00:01:11,196 --> 00:01:14,574 Minsan, sabi ko, "Joe, may hit ka raw." 19 00:01:14,657 --> 00:01:17,160 Kalahating milyon daw ang halaga. 20 00:01:17,243 --> 00:01:19,245 Napatigil siya at sabi niya, 21 00:01:19,329 --> 00:01:21,664 "Ako na lang ang papatay sa sarili ko." 22 00:01:23,208 --> 00:01:24,584 Wala siya talagang kupas. 23 00:01:25,168 --> 00:01:28,713 Alam niya kung paano makipaglaro sa paligid at media. 24 00:01:28,797 --> 00:01:31,841 Matalino siya talaga pagdating sa pagiging gangster. 25 00:01:31,925 --> 00:01:35,678 Kung nahulaan mo na sa araw bago mag-Thanksgiving, 26 00:01:35,762 --> 00:01:38,098 mamimigay ng 500 turkey, maniniwala ka ba sa kanila? 27 00:01:38,181 --> 00:01:39,015 Oo. 28 00:01:40,767 --> 00:01:45,271 Gusto ng media na may tumatayong don sa lugar 29 00:01:45,355 --> 00:01:47,816 na nag-aalaga sa mga tagaroon. 30 00:01:48,358 --> 00:01:51,277 Bebenta rin kasi ang kuwento para sa mga diyaryo. 31 00:01:53,822 --> 00:01:57,867 Pero sa FBI, isa siyang mobster, hindi pilantropo… 32 00:01:59,494 --> 00:02:00,662 at dapat siyang pigilan. 33 00:02:02,288 --> 00:02:04,874 'Yong mga batang palaboy, walang-wala sila. 34 00:02:06,126 --> 00:02:09,838 Palagi akong nagbibigay sa mga tao. Kaya di ako masamang tao, tama? 35 00:02:26,020 --> 00:02:28,982 Nagsimula ako bilang isang pulis 36 00:02:29,607 --> 00:02:31,151 na may partner na aso. 37 00:02:31,693 --> 00:02:32,902 Masaya, sa totoo lang. 38 00:02:32,986 --> 00:02:35,947 Tinutugis ang mga masasama sa lansangan. 39 00:02:36,614 --> 00:02:40,034 Pero sumali ako sa FBI dahil gusto kong imbestigahan ang organized crime. 40 00:02:45,874 --> 00:02:47,458 Nang makulong si Stanfa, 41 00:02:47,959 --> 00:02:50,170 matindi ang pag-aalala 42 00:02:50,253 --> 00:02:54,257 tungkol kay Merlino at sa young guns na nasa lansangan pa rin. 43 00:02:55,592 --> 00:02:58,303 Illegal bookmaking, illegal loan-sharking, 44 00:02:58,887 --> 00:03:01,055 pagbebenta ng drugs, pagpatay. 45 00:03:01,598 --> 00:03:03,933 Ako at ang team ko ang inatasan 46 00:03:04,017 --> 00:03:06,644 na arestuhin at paalisin sila sa lansangan. 47 00:03:09,939 --> 00:03:13,776 May mga asset kami na nagmamanman kay Joey palagi. 48 00:03:19,741 --> 00:03:23,620 Kumukuha ng impormasyon kung saan pumupunta si Joey, 49 00:03:23,703 --> 00:03:26,539 sino'ng mga nakakasama niya, at kung kaya pa, 50 00:03:26,623 --> 00:03:27,790 ano'ng mga ginagawa niya. 51 00:03:31,419 --> 00:03:35,882 Ang isyu ay ayaw nang bumalik ni Joey Merlino sa kulungan. 52 00:03:35,965 --> 00:03:37,508 Walang may gusto no'n. 53 00:03:37,592 --> 00:03:39,385 Kaya napakahirap niyang bantayan. 54 00:03:40,845 --> 00:03:41,888 9-5-7. 55 00:03:43,640 --> 00:03:46,935 Palagi silang nakatingin sa salamin, sa back mirror, 56 00:03:47,018 --> 00:03:48,394 lagi rin sa side mirror. 57 00:03:51,606 --> 00:03:54,442 Nagmamaneho siya ng kotse, tapos biglang kakabig. 58 00:03:55,526 --> 00:03:58,529 Pag binigla mo 'yong kabig, alam niyang sinusundan mo siya. 59 00:04:02,283 --> 00:04:06,079 Napakahirap hulihin ni Joey, ang hirap niyang mautakan. 60 00:04:06,162 --> 00:04:08,706 Parang alam na alam na niya ang gagawin mo. 61 00:04:10,416 --> 00:04:13,211 Napakamadiskarte at napakasuwerte rin. 62 00:04:13,294 --> 00:04:15,755 Pag nagsama 'yang dalawa, nakakatakot na talaga. 63 00:04:19,634 --> 00:04:22,345 Hinahanda namin ng team ko ang isang RICO case. 64 00:04:23,054 --> 00:04:25,348 Naniniwala kaming sangkot si Merlino 65 00:04:25,431 --> 00:04:28,935 sa isang racketeering-influenced corrupt organization. 66 00:04:30,353 --> 00:04:33,022 Una, kailangang mapatunayan na may organisasyon nga. 67 00:04:34,315 --> 00:04:37,068 Tapos, papatunayang may korapsiyon sa mga gawain nila. 68 00:04:42,073 --> 00:04:46,077 Wala kaming masyadong usad sa pagkuha ng impormasyon sa loob. 69 00:04:47,412 --> 00:04:50,707 Naisipan naming kunan ng video 70 00:04:51,207 --> 00:04:53,710 ang mga pumapasok at lumalabas sa Avenue Cafe. 71 00:04:57,463 --> 00:05:00,383 Tambayan ni Joey 'yong Avenue Cafe 72 00:05:00,466 --> 00:05:02,760 kung saan nagbebenta siya ng sigarilyo at iba pa. 73 00:05:04,053 --> 00:05:06,764 Naglalaro kami dati ng baraha o dice sa back room. 74 00:05:07,432 --> 00:05:10,977 Do'n din nag-aasaran at nagkakantiyawan ang tropa. 75 00:05:11,060 --> 00:05:12,437 Gano'n lang 'yon. 76 00:05:13,313 --> 00:05:16,983 Di dahil tambayan 'yon ay wala nang nangyayaring kalokohan. 77 00:05:18,651 --> 00:05:21,821 Araw-araw, labas-pasok ang associates ni Joey do'n. 78 00:05:21,904 --> 00:05:26,909 Sina Angelo Lutz, Danny D'Ambrosia, Stevie Mazzone, George Borgesi. 79 00:05:26,993 --> 00:05:28,411 Marami pa sila. 80 00:05:30,246 --> 00:05:35,376 Dahil sa camera sa Avenue Cafe, nakikita namin 81 00:05:35,460 --> 00:05:39,047 kung sino ang mga nakakasama ni Joey at kung gaano kadalas. 82 00:05:40,173 --> 00:05:42,091 Para umandar ang RICO case, 83 00:05:42,175 --> 00:05:44,385 kailangang mapatunayang may organisasyon nga. 84 00:05:44,469 --> 00:05:46,346 Pag naipakita na siya ang boss 85 00:05:46,429 --> 00:05:49,140 at maraming nakakakilala at nirerespeto 'yon, 86 00:05:49,223 --> 00:05:52,602 'yan na ang pinakaimportanteng ebidensiya. 87 00:05:55,938 --> 00:05:58,024 Pero wala kaming nakukuhang ebidensiya. 88 00:05:58,691 --> 00:06:00,234 Kaya sobrang hirap lang. 89 00:06:02,236 --> 00:06:04,280 Meron kang mga batang lumaking magkakasama, 90 00:06:04,364 --> 00:06:07,450 magkasama sa hirap, sa eskuwelahan, sa mga sayawan. 91 00:06:07,533 --> 00:06:10,828 Namatayan sila at pinagdaanan nila 'yon nang magkakasama. 92 00:06:10,912 --> 00:06:14,207 Solid 'yong samahan nila. Di 'yon masisira ng gobyerno. 93 00:06:15,666 --> 00:06:17,960 Si Joey Merlino at 'yong mga kasama niya… 94 00:06:19,962 --> 00:06:24,342 Alam nila ang dahilan sa nangyari sa mga kasamahan at kapamilya nila 95 00:06:24,425 --> 00:06:25,635 bago sila makulong dati. 96 00:06:25,718 --> 00:06:28,096 At natuto sila mula ro'n. 97 00:06:28,888 --> 00:06:32,392 Naging maingat sila sa mga usapang negosyo 98 00:06:32,475 --> 00:06:33,976 at kung sino ang kakausapin nila. 99 00:06:34,060 --> 00:06:38,064 Gusto ng FBI na meron silang witness 100 00:06:38,147 --> 00:06:40,233 na mobster dati at kaya nilang pabaligtarin. 101 00:06:41,484 --> 00:06:43,277 At do'n na lumapit… 102 00:06:44,028 --> 00:06:46,697 ang FBI kay Ron Previte. 103 00:06:49,117 --> 00:06:53,746 Nagtrabaho si Previte sa mga casino sa Atlantic City bilang security officer. 104 00:06:54,414 --> 00:06:57,333 Kalaunan, nasesante siya dahil sa pagnanakaw. 105 00:06:59,168 --> 00:07:02,463 Dahil sa pangingikil niya, inaresto siya 106 00:07:02,547 --> 00:07:04,465 ng New Jersey State Police. 107 00:07:04,966 --> 00:07:08,678 Sabi mo, halos lahat ng krimen ginagawa mo. 108 00:07:08,761 --> 00:07:10,346 Ano'ng ibig mong sabihin do'n? 109 00:07:10,930 --> 00:07:15,726 Di naman ako tumututok sa isa lang, halos lahat ng krimen nagawa ko na. 110 00:07:17,812 --> 00:07:20,898 Naisip namin na gawin siyang cooperating witness. 111 00:07:23,234 --> 00:07:25,778 Bilang nagtatrabaho sa US Attorney's Office, 112 00:07:25,862 --> 00:07:29,574 kilala ko kung sino talaga si Ron Previte. 113 00:07:30,199 --> 00:07:32,285 Isa siyang kriminal talaga. 114 00:07:33,703 --> 00:07:38,875 Pero magagamit namin siya para makakuha ng ebidensiya laban kay Joey Merlino. 115 00:07:44,213 --> 00:07:49,469 Nakipagkita ako kay Previte sa labas lang ng Hammonton sa South Jersey. 116 00:07:50,261 --> 00:07:51,596 At naalala ko, 117 00:07:51,679 --> 00:07:54,474 nang pumasok siya, na napakalaki niyang tao. 118 00:07:56,142 --> 00:07:58,769 Medyo brusko si Previte. 119 00:07:58,853 --> 00:08:01,314 Di siya basta-basta, sanay sa lansangan. 120 00:08:01,397 --> 00:08:03,191 Siya 'yong masasabi mong tuso. 121 00:08:05,568 --> 00:08:09,489 Inalok namin siya ng kontrata na tingin namin ay sapat lang, 122 00:08:09,572 --> 00:08:13,576 $2,000 kada linggo kapalit ng pagsuot niya ng wire, 123 00:08:13,659 --> 00:08:15,870 pangangalap ng ebidensiya para sa 'min 124 00:08:15,953 --> 00:08:19,040 ng iba't ibang gawain ng Philadelphia Mob. 125 00:08:21,709 --> 00:08:23,377 Malalagay siya sa alanganin. 126 00:08:24,045 --> 00:08:26,255 Alam niya 'yon. Alam namin 'yon. 127 00:08:31,636 --> 00:08:33,721 Pero, pumayag din siya. 128 00:08:34,972 --> 00:08:35,806 Bakit kamo? 129 00:08:36,516 --> 00:08:40,394 Dahil ayaw niyang makulong at 'yong pera ang habol niya. 130 00:08:43,773 --> 00:08:47,944 Ang problema lang, silang dalawa ni Merlino, 131 00:08:48,027 --> 00:08:49,779 ay di ganoong ka-close. 132 00:08:51,322 --> 00:08:54,242 Medyo duda si Merlino kay Previte. 133 00:08:56,369 --> 00:08:58,996 May mga hadlang siyang kailangang lampasan. 134 00:08:59,997 --> 00:09:03,709 Walang tiwala si Joey kay Ron Previte. Walang nagtitiwala kay Ron Previte. 135 00:09:04,293 --> 00:09:07,630 Kung may taong di ka pagkakatiwalaan, siya na 'yon. 136 00:09:08,714 --> 00:09:12,134 Pero may mga nakikipagnegosyo pa rin kay Ron Previte dahil kikita sila. 137 00:09:14,178 --> 00:09:17,932 Si Ron Previte, hustler siya. Marunong sa diskarte. 138 00:09:18,015 --> 00:09:21,644 Para naman kay Joey Merlino, pera lang ang mahalaga. 139 00:09:22,853 --> 00:09:26,023 Ang plano ay malapitan ni Previte si Merlino 140 00:09:26,607 --> 00:09:30,695 para makuha ang tiwala ni Merlino sa pamamagitan ng respeto. 141 00:09:31,904 --> 00:09:33,781 'Yon lang ang mahalaga kay Joey, 142 00:09:33,864 --> 00:09:36,826 pera lang at ang iniisip ng iba na mataas ang reputasyon niya. 143 00:09:38,578 --> 00:09:43,249 Binigyan namin si Ron ng Rolex Submariner na relo 144 00:09:43,332 --> 00:09:46,669 na may diamonds sa paligid 145 00:09:46,752 --> 00:09:49,922 para iregalo kay Merlino bilang pagpapakita ng respeto. 146 00:09:51,757 --> 00:09:54,385 Kinagat naman ni Joey ang pain. 147 00:09:57,597 --> 00:10:01,309 Inimbitahan ni Merlino si Previte para pag-usapan ang negosyo. 148 00:10:02,226 --> 00:10:04,937 Pakiramdam ko, sa wakas, umuusad na rin kami. 149 00:10:10,526 --> 00:10:14,822 Kaya, pinalaki pa ng FBI 'yong team. 150 00:10:17,533 --> 00:10:18,951 Nagpunta ako sa Philadelphia 151 00:10:19,035 --> 00:10:21,412 at in-assign nila ako sa Organized Crime Squad. 152 00:10:22,079 --> 00:10:24,624 27 years old ako no'n, unang araw ko sa FBI. 153 00:10:24,707 --> 00:10:26,751 Para akong nasa pelikula. 154 00:10:30,421 --> 00:10:33,090 Sabi ng isang agent, "Makikipagkita kami kay Previte. 155 00:10:33,174 --> 00:10:38,512 "Makikipagkita siya kay Joe Merlino. Lagyan natin ng wire si Ron." 156 00:10:39,555 --> 00:10:40,848 Bago pa lang si Titcombe. 157 00:10:40,931 --> 00:10:43,517 Naisip ko na magandang pagkakataon na i-wire si Previte 158 00:10:43,601 --> 00:10:47,521 para makita ni Titcombe na di ito mula sa librong inaaral sa Academy. 159 00:10:47,605 --> 00:10:49,273 Ito ang ginagawa namin araw-araw. 160 00:10:50,941 --> 00:10:54,070 Kaya pumasok ako sa kuwarto niya, naka-bathrobe at boxers siya. 161 00:10:55,696 --> 00:10:57,365 Naka-jockstrap siya. 162 00:10:58,366 --> 00:11:03,704 Mga nasa six feet si Ron, nasa mga 320 pounds, at kalbo. 163 00:11:04,205 --> 00:11:05,665 Nakatayo siya nang ganito, 164 00:11:05,748 --> 00:11:07,958 bukas ang bathrobe at sabi, "Sino'ng batang 'to?" 165 00:11:08,709 --> 00:11:11,379 Naglagay ako ng tape mula sa pusod papunta sa dibdib niya, 166 00:11:12,380 --> 00:11:15,174 nilagay ang recorder sa jockstrap, 167 00:11:15,257 --> 00:11:17,343 at tumingin-tingin sa paligid, "Totoo ba 'to? 168 00:11:17,426 --> 00:11:19,762 "Ganito ba? Baka naman niloloko lang ako?" 169 00:11:19,845 --> 00:11:21,347 Mukhang 'to na nga ang FBI. 170 00:11:32,316 --> 00:11:36,320 Nakipagkita si Ron kay Merlino sa Avenue Cafe. 171 00:11:37,488 --> 00:11:39,699 Nagsimula silang mag-usap tungkol sa negosyo. 172 00:11:40,866 --> 00:11:45,663 Anumang duda na meron si Merlino kay Previte, nawawala na 'yon. 173 00:11:47,498 --> 00:11:51,627 Kasama sa meeting si Previte. Nakataas ang mga paa niya sa mesa. 174 00:11:52,253 --> 00:11:53,462 Tumingin siya sa baba. 175 00:11:55,256 --> 00:11:57,967 May nakita siyang recording device 176 00:11:58,050 --> 00:12:00,678 na nakalawit sa ilalim ng pantalon niya, 177 00:12:01,637 --> 00:12:04,598 na kitang-kita ng sinumang titingin. 178 00:12:06,976 --> 00:12:09,228 Napakadelikado no'n 179 00:12:09,311 --> 00:12:11,647 dahil pag nalaman nila na nakikipagtulungan siya, 180 00:12:11,731 --> 00:12:13,607 siguradong mapapatay nila siya. 181 00:12:22,116 --> 00:12:23,534 Nang walang kaabog-abog, 182 00:12:24,034 --> 00:12:28,205 nagde-kuwatro siya at ibinaba ang mga paa sa sahig, 183 00:12:28,289 --> 00:12:29,874 para matakpan 'yon nang tuluyan. 184 00:12:34,795 --> 00:12:37,465 Matinding lakas ng loob ang kailangan para magawa 'yon. 185 00:12:41,051 --> 00:12:44,096 Sa dulo ng meeting, sinabihan siya ni Merlino 186 00:12:44,180 --> 00:12:49,518 na may mga nakaw na bisikleta at baby formula 187 00:12:49,602 --> 00:12:52,021 at tinanong niya si Previte kung mabebenta niya 'yon. 188 00:12:54,148 --> 00:12:57,693 May mga tao sila na nanloloob sa rail yard sa South Philadelphia 189 00:12:57,777 --> 00:12:59,528 at nagnanakaw ng shipping containers. 190 00:13:00,738 --> 00:13:02,865 Wala silang alam sa laman ng mga container. 191 00:13:03,365 --> 00:13:05,618 Ikakabit lang nila sa trailer 'yon at tatakas na. 192 00:13:08,579 --> 00:13:09,663 May bentahang nangyari. 193 00:13:10,164 --> 00:13:13,751 Binalikan ni Previte si Merlino na may sobre, "Ito ang parte mo." 194 00:13:15,878 --> 00:13:18,964 Ngayon, kumpiyansa na si Joey sa kanya. 195 00:13:22,802 --> 00:13:26,931 Si Merlino na ang nag-uutos kay Previte na bumili ng mga nakaw na gamit. 196 00:13:27,640 --> 00:13:31,685 Isang ebidensiya 'to para mahatulan sina Merlino at iba pa 197 00:13:31,769 --> 00:13:35,564 sa pagkakasangkot sa racketeer-influenced corrupt organization. 198 00:13:39,193 --> 00:13:40,820 Maganda ang nangyari. 199 00:13:41,403 --> 00:13:44,281 Mas pinagkakatiwalaan na ni Merlino si Previte. 200 00:13:46,116 --> 00:13:47,868 Mukhang konting panahon na lang 201 00:13:47,952 --> 00:13:51,413 at may mababanggit na si Merlino kay Previte na mas seryosong usapin. 202 00:13:58,712 --> 00:14:00,548 Isang araw, nagkita sina Ron at Merlino. 203 00:14:00,631 --> 00:14:02,091 Pagkagaling niya sa meeting, 204 00:14:02,174 --> 00:14:06,971 may ipinakilala raw si Joey sa kanya na tauhan sa Boston. 205 00:14:07,680 --> 00:14:08,639 Si Bobby Luisi. 206 00:14:10,307 --> 00:14:13,602 Si Bobby ang isa sa mga malalaking tao sa Mob. 207 00:14:16,647 --> 00:14:20,317 Konektado si Bobby sa droga. 208 00:14:21,944 --> 00:14:24,572 Kilala si Bobby Luisi sa pagbebenta ng bawal na gamot. 209 00:14:25,739 --> 00:14:27,741 Naniniwala kami na nagbebenta pa rin siya. 210 00:14:29,034 --> 00:14:32,204 Ba't gusto ni Merlino na makipag-deal si Previte kay Luisi? 211 00:14:32,288 --> 00:14:34,248 Dahil kaya ni Luisi na ibenta ang cocaine. 212 00:14:34,331 --> 00:14:37,751 Ba't importante 'yon? Dahil pagkakakitaan 'yon ni Merlino. 213 00:14:39,295 --> 00:14:42,506 Nang nabanggit 'yon ni Joey, 214 00:14:42,590 --> 00:14:46,552 sa isang matalinong banat ni Previte, 215 00:14:46,635 --> 00:14:48,679 ang isinagot niya kay Joey, 216 00:14:48,762 --> 00:14:51,265 "Maganda 'yan. May kilala rin ako sa Boston." 217 00:14:51,348 --> 00:14:55,394 Sinabi niya 'yon para makapagtanim kami ng undercover agent. 218 00:15:01,984 --> 00:15:03,235 Tumawag si John Terry. 219 00:15:04,695 --> 00:15:06,614 Sabi niya, "Pagkakataon na natin 'to. 220 00:15:08,782 --> 00:15:10,200 "Pagkakataon na para makasuhan 221 00:15:10,284 --> 00:15:13,579 "si Luisi sa Boston at si Merlino sa Philadelphia." 222 00:15:15,706 --> 00:15:19,043 Big-time talaga ang dalawang pangalan na 'yon sa FBI. 223 00:15:19,126 --> 00:15:22,963 Sumipa ang adrenaline ko at sabi ko, "Oo nga. 224 00:15:23,547 --> 00:15:25,007 "Ano'ng gagawin natin?" 225 00:15:27,426 --> 00:15:31,263 Ang setup, si Luisi ang magbebenta ng cocaine kay Mike McGowan 226 00:15:31,847 --> 00:15:35,559 at si Luisi ang magbibigay ng pera kay Merlino. 227 00:15:36,393 --> 00:15:40,189 'Yon ang magdadawit kay Merlino sa pagbebenta ng droga kay McGowan. 228 00:15:44,193 --> 00:15:48,030 Ang cover story, si Mike ay isang import-export guy, 229 00:15:48,530 --> 00:15:53,953 na code para sa "May droga ako. May mga nakaw na gamit din." 230 00:15:54,036 --> 00:15:56,747 Parang ganito 'yan, kahit ano'ng gusto mo, meron dito. 231 00:16:03,170 --> 00:16:06,298 May negosyo ako sa Logan Airport. 232 00:16:06,882 --> 00:16:08,592 'Yong Irish International Office. 233 00:16:09,969 --> 00:16:14,890 Dahil daw Irish goods ang mga hawak ko, 234 00:16:14,974 --> 00:16:18,894 pinuno namin 'yon ng bandila ng Ireland, dolls, at leprechauns. 235 00:16:18,978 --> 00:16:21,480 Nakakaumay rin 'yong Irish stuff. 236 00:16:26,193 --> 00:16:28,362 No'ng naghahanda kami para sa unang meeting, 237 00:16:28,445 --> 00:16:31,448 dumating 'yong technical squad sa opisina ko 238 00:16:31,532 --> 00:16:34,034 at nag-wire ng audio at video. 239 00:16:34,618 --> 00:16:40,165 Inilagay 'yong camera sa likod ng mesa sa loob ng orasan. 240 00:16:48,424 --> 00:16:52,386 Pwede nang makuha sa video 'yong wise guys. 241 00:16:52,928 --> 00:16:55,931 Napakalinaw at madali nang makilala ang mga tao. 242 00:16:56,015 --> 00:16:59,852 Para sa audio naman, bibihira ang mga pagkakataong tulad nito. 243 00:17:06,900 --> 00:17:09,236 Sa unang meeting, sobrang importante no'n, 244 00:17:09,319 --> 00:17:12,906 dahil parang audition ang ginawa ko sa harap nila. 245 00:17:20,330 --> 00:17:22,583 At kung pumalpak ako sa audition, 246 00:17:23,292 --> 00:17:25,085 isang araw pa lang sa Boston, uwian na. 247 00:17:28,797 --> 00:17:33,594 Pag pumalpak ang unang meeting, di lang matitigil ang operation 248 00:17:33,677 --> 00:17:36,930 kundi malalagay ang buhay nina Previte at Mike McGowan 249 00:17:37,014 --> 00:17:38,599 sa panganib. 250 00:17:43,228 --> 00:17:45,731 -Baligtad dapat 'yan… -Oo. 251 00:17:48,317 --> 00:17:50,444 Parang nasa tightrope ka at walang safety net. 252 00:17:54,448 --> 00:17:56,283 Madulas ka lang, pwede kang mamatay. 253 00:18:12,925 --> 00:18:16,011 May kompanya ako. Lehitimong import-export. 254 00:18:16,512 --> 00:18:19,014 Bumibisita si Ron dito paminsan-minsan. 255 00:18:19,890 --> 00:18:24,103 May mga deal kami nitong nakaraang buwan na nakatulong sa amin pareho. 256 00:18:25,604 --> 00:18:29,399 Kinukumbinsi ko sila na maayos kong nakatrabaho si Previte. 257 00:18:29,483 --> 00:18:33,112 Marami kaming kinita sa Philadelphia at pwede naming magawa 'yon sa Boston. 258 00:18:34,613 --> 00:18:35,614 Magsama kayo. 259 00:18:35,697 --> 00:18:38,450 Anuman ang sabihin niya, siya ang ka-deal n'yo, okay ba? 260 00:18:38,534 --> 00:18:40,577 Kahit ano man ang gawin niya, okay? 261 00:18:41,787 --> 00:18:45,666 Sa puntong 'yon, sinabihan ako nina Luisi at Previte 262 00:18:45,749 --> 00:18:48,669 na lumabas ng kuwarto para makapag-usap silang dalawa. 263 00:18:49,419 --> 00:18:50,796 -Gusto mo ng makakain? -Oo ba. 264 00:18:50,879 --> 00:18:52,548 Kakausapin ko lang ang tropa ko. 265 00:18:54,591 --> 00:18:55,843 Kabadong-kabado ako no'n. 266 00:18:57,386 --> 00:19:00,681 Ang daming tumatakbo sa isip ko. 267 00:19:12,234 --> 00:19:14,153 Paranoid siya. Takot siya. Kabado siya. 268 00:19:14,236 --> 00:19:15,112 Siya ay… 269 00:19:16,321 --> 00:19:18,365 Minsan nakakabuti ang paranoia. 270 00:19:20,701 --> 00:19:22,744 Nag-usap sila ng mga limang minuto. 271 00:19:23,245 --> 00:19:24,997 Tapos, bumalik ako. 272 00:19:38,218 --> 00:19:40,053 Sabi niya… 273 00:19:40,137 --> 00:19:42,681 Kasama mo kami. Wala kang dapat alalahanin. 274 00:19:42,764 --> 00:19:43,765 "Kasama mo kami." 275 00:19:47,728 --> 00:19:52,774 Sa Mafia, 'yong "Kasama mo kami" ay napakahalagang pahayag. 276 00:19:52,858 --> 00:19:56,612 Sinasabi niya, "Nagtatrabaho ka para sa 'kin, ako ang bahala sa 'yo." 277 00:20:00,741 --> 00:20:02,284 Sa loob-loob ko, "Boom." 278 00:20:02,784 --> 00:20:04,661 'Yon ang gusto naming mangyari. 279 00:20:06,955 --> 00:20:11,418 Oras na para simulan ang operation at magsimula nang makipag-deal. 280 00:20:19,509 --> 00:20:21,220 Nasa loob na si Mike 281 00:20:21,303 --> 00:20:24,014 at tuloy-tuloy na ang pag-abante namin. 282 00:20:25,265 --> 00:20:26,266 Kumusta ba? 283 00:20:28,101 --> 00:20:29,770 Alam mo na, gano'n pa rin. 284 00:20:32,397 --> 00:20:34,524 Ready na kami sa susunod na gagawin. 285 00:20:35,567 --> 00:20:39,196 Ipapasok na namin ang cocaine deal. 286 00:20:40,739 --> 00:20:43,200 Bobby, may mga tinawagan na ako. 287 00:20:43,700 --> 00:20:45,786 May kilala ako na may diamonds. 288 00:20:45,869 --> 00:20:46,954 A, diamonds. 289 00:20:47,037 --> 00:20:50,165 Mga 60,000 hanggang 70,000 daw ang halaga no'n. 290 00:20:53,543 --> 00:20:57,464 Sabi ko kay Luisi na gusto ng tao na nagbigay sa akin ng diamonds 291 00:20:58,173 --> 00:21:01,176 na ipagpalit 'yon hindi sa cash kundi sa cocaine. 292 00:21:02,803 --> 00:21:06,598 Ito ang unang load. Mga 16 G ito. 293 00:21:07,474 --> 00:21:10,060 Mga tatlong brick daw ang inaasahan niya. 294 00:21:11,103 --> 00:21:13,438 -Gusto niyang mag-swap? -Gusto niyang mag-swap. 295 00:21:13,522 --> 00:21:14,648 Gusto niyang mag-swap. 296 00:21:16,775 --> 00:21:20,320 Tatlong brick daw para sa diamonds. 297 00:21:20,904 --> 00:21:25,033 Slang 'yong tatlong brick para sa tatlong kilo ng cocaine. 298 00:21:32,624 --> 00:21:34,251 Pwede ba kitang makausap? 299 00:21:44,970 --> 00:21:46,096 Nagdedelikado kami. 300 00:21:51,101 --> 00:21:53,895 Sinundan ko siya sa labas pababa sa hagdanan. 301 00:21:57,691 --> 00:22:00,027 Kailangan mong intindihin na sa huling tatlong taon, 302 00:22:00,110 --> 00:22:03,196 higit isang dosena ng mga tauhan ko ang nawala dahil dito. 303 00:22:04,239 --> 00:22:06,783 Ang laki ng epekto no'n sa 'kin. Gets mo ba? 304 00:22:06,867 --> 00:22:09,494 Ayoko nang madamay pa sa ganyan. 305 00:22:11,413 --> 00:22:13,332 Mahalaga 'yong meeting na 'yon. 306 00:22:13,415 --> 00:22:16,626 Kung papalpak 'yon, malaki ang mawawala. 307 00:22:19,004 --> 00:22:20,547 -Alam ko 'yong peligro. -Mabuti. 308 00:22:20,630 --> 00:22:23,258 Grabe talaga kapag sumabit ka. 309 00:22:23,342 --> 00:22:27,262 Pero may mga puti akong kakilala sa suburbs na may gusto nito. 310 00:22:27,346 --> 00:22:30,307 Kung ano man 'yang gusto mong gawin, God bless you na lang. 311 00:22:30,390 --> 00:22:32,142 Sana kumita ka ng milyones. 312 00:22:32,225 --> 00:22:34,978 Ayoko lang na madawit d'yan. 313 00:22:41,777 --> 00:22:42,944 Sablay lang 'yon. 314 00:22:44,571 --> 00:22:46,365 Hindi natuloy 'yong deal. 315 00:22:47,783 --> 00:22:50,660 Ginawa namin ang lahat para matuloy lang 316 00:22:50,744 --> 00:22:54,915 pero kung di ko magagawa ang trabaho ko, tapos na kami. 317 00:22:59,711 --> 00:23:02,422 Hindi na natuloy 'yong cocaine deal. 318 00:23:03,673 --> 00:23:07,511 Isang malaking butas 'yon sa plano namin sa operation. 319 00:23:09,679 --> 00:23:12,933 Doon na nag-three-way call si Previte 320 00:23:13,016 --> 00:23:16,812 kasama sina Luisi sa Boston at si Merlino sa Philadelphia 321 00:23:17,813 --> 00:23:21,066 para lang matuloy ang usapan. 322 00:23:24,152 --> 00:23:28,323 All-in na kami para sa meeting na 'yon. 323 00:23:36,581 --> 00:23:37,457 Hello? 324 00:23:37,541 --> 00:23:40,085 -Uy, pare. Kumusta na? -Uy, kumusta? 325 00:23:40,669 --> 00:23:43,046 Teka lang. Tatawagan ko lang 'yong isa pa. 326 00:23:45,382 --> 00:23:46,216 Hello? 327 00:23:47,342 --> 00:23:48,802 -Uy, pare. -O, pare? 328 00:23:48,885 --> 00:23:50,762 -Kumusta na ba? -Ano'ng meron? 329 00:23:50,846 --> 00:23:52,514 May kaibigan ako sa kabilang linya. 330 00:23:53,390 --> 00:23:55,434 -Talaga? Sige, pare. -Oo. 331 00:23:56,476 --> 00:23:59,020 Magagawa mo ba ang kaya mong gawin para sa kanya? 332 00:23:59,104 --> 00:24:01,815 Oo, sige. Pwede 'yan. 333 00:24:09,239 --> 00:24:11,992 Magagawa mo ba ang kaya mong gawin para sa kanya? 334 00:24:12,534 --> 00:24:14,453 "Magagawa mo ba ang kaya mo para sa kanya?" 335 00:24:14,536 --> 00:24:17,247 Undercover agent namin 'yon, si Mike McGowan. 336 00:24:17,330 --> 00:24:19,082 Sa tanong na 'yon ni Joey Merlino, 337 00:24:19,166 --> 00:24:21,460 go signal 'yon para matuloy ang drug deal. 338 00:24:24,754 --> 00:24:26,465 Naka-code 'yong salitang ginamit 339 00:24:26,548 --> 00:24:30,010 pero napakalinaw rin no'n para sa FBI agents at mobsters. 340 00:24:30,760 --> 00:24:33,555 Nagbigay ng green light si Merlino sa drug deal. 341 00:24:34,639 --> 00:24:38,935 Dahil sa sinabing 'yon ni Joey, sangkot na siya rito. 342 00:24:49,321 --> 00:24:51,448 Nangyari 'yong phone call no'ng 28. 343 00:24:51,531 --> 00:24:53,408 No'ng April 30, 344 00:24:53,992 --> 00:24:56,077 nakaupo lang ako sa opisina ko 345 00:24:56,620 --> 00:24:58,121 nang may kumatok sa pinto. 346 00:24:59,372 --> 00:25:01,082 Di ko kilala 'yong tao. 347 00:25:02,042 --> 00:25:03,960 Ipinadala raw siya ni Luisi. 348 00:25:05,504 --> 00:25:07,672 Hay, grabe lang ang trapik. 349 00:25:10,217 --> 00:25:13,929 Nang nagpakilala siya, siya raw si Bobby Carrozza. 350 00:25:14,930 --> 00:25:18,850 Nakilala ko agad ang pangalan dahil sa tatay niya 351 00:25:19,726 --> 00:25:20,852 na nasa Mob din. 352 00:25:21,561 --> 00:25:23,647 Magkita tayo sa loob ng isang oras. 353 00:25:23,730 --> 00:25:24,564 Okay. 354 00:25:24,689 --> 00:25:25,565 -Okay? -Bye. 355 00:25:25,649 --> 00:25:26,483 Okay, bye. 356 00:25:28,693 --> 00:25:29,528 Sige. 357 00:25:31,071 --> 00:25:33,114 Sayang talaga at may bintana ka d'yan. 358 00:25:35,659 --> 00:25:37,786 Nagkomento siya tungkol sa bintana. 359 00:25:38,286 --> 00:25:39,913 Nag-iingat lang siya. 360 00:25:40,622 --> 00:25:43,208 Inilagay niya 'yong briefcase sa mesa ko 361 00:25:44,626 --> 00:25:45,544 at binuksan 'yon. 362 00:25:46,127 --> 00:25:48,046 -Pwede ko bang iabot na lang 'to? -Oo. 363 00:25:51,132 --> 00:25:52,217 Ayos ba? 364 00:25:53,218 --> 00:25:57,180 May dalawang package sa loob, dalawang kilo ng cocaine. 365 00:25:58,723 --> 00:26:01,476 Okay, 'yan siguro ang code. May ibig sabihin ba ang 215? 366 00:26:01,560 --> 00:26:02,978 215, Philadelphia. 367 00:26:04,020 --> 00:26:06,982 Parehong may 215 na nakasulat. 368 00:26:07,065 --> 00:26:09,693 215 ang area code ng Philadelphia. 369 00:26:10,443 --> 00:26:12,362 Sa pagkakaalam ko, bilang FBI agent, 370 00:26:12,445 --> 00:26:16,783 parang pinirmahan na rin ni Joey Merlino ang mga 'yon. 371 00:26:16,866 --> 00:26:19,536 Halatang di 'to ang unang beses mo. 372 00:26:19,619 --> 00:26:22,205 Ayos ang trabaho mo. Gusto ko ang ginawa mo. 373 00:26:22,289 --> 00:26:23,748 -Siyempre naman. -Ayos, a. 374 00:26:23,832 --> 00:26:26,001 Pulido ang magiging trabaho natin. 375 00:26:31,673 --> 00:26:33,091 Nasa video lahat ng 'yon. 376 00:26:33,174 --> 00:26:37,596 Nakuha na ang cocaine, tapos na 'yong deal at sarado na. 377 00:26:40,849 --> 00:26:43,810 Pero kung gano'n lang, di pa rin 'yon sapat, e. 378 00:26:46,271 --> 00:26:51,067 Pwedeng maging matibay na ebidensiya 'yong surveillance video. 379 00:26:52,319 --> 00:26:55,947 Pero hindi si Luisi ang humawak sa droga o pera. 380 00:26:57,032 --> 00:27:00,368 Kaya di pa rin sasapat para maiugnay siya rito. 381 00:27:09,878 --> 00:27:11,254 Sa Philadelphia, 382 00:27:12,047 --> 00:27:15,800 may mga hindi pa nalulutas na mabibigat na krimen 383 00:27:15,884 --> 00:27:18,386 na sinusubukan naming makakuha ng impormasyon… 384 00:27:21,598 --> 00:27:24,476 Para rin makita kung konektado si Joey Merlino sa kanila. 385 00:27:31,316 --> 00:27:36,529 May nasagap kami tungkol sa kasama niya sa Mob na si Ralph Natale, 386 00:27:38,531 --> 00:27:43,662 na nakalaya matapos makulong ng 15 taon dahil sa drug conviction. 387 00:27:44,537 --> 00:27:47,666 Naging magkasama sina Natale at Merlino sa kulungan. 388 00:27:48,458 --> 00:27:50,043 May balak sila 389 00:27:50,126 --> 00:27:53,630 na sila ang maghahari sa Philadelphia Mafia. 390 00:27:55,382 --> 00:27:59,344 Si Joey Merlino ay nasa ilalim ni Ralph Natale. 391 00:28:00,553 --> 00:28:03,807 Nakuha ni Ralph Natale ang basbas mula sa five families 392 00:28:03,890 --> 00:28:05,809 na palitan si Stanfa. 393 00:28:06,559 --> 00:28:08,103 Pero si Joey Merlino, 394 00:28:08,770 --> 00:28:10,105 ang tunay na makapangyarihan. 395 00:28:10,939 --> 00:28:12,732 Tungkol kay Joe, pwede kang tanungin? 396 00:28:12,816 --> 00:28:17,195 Mabait na bata 'yang si Joe. 'Yan lang ang masasabi ko. 397 00:28:17,278 --> 00:28:19,447 Kung nasa alanganin man ako, 398 00:28:19,531 --> 00:28:21,241 si Joe ang gusto kong makasama. 399 00:28:22,283 --> 00:28:25,954 Si Ralph Natale ang boss at si Joey Merlino ang underboss. 400 00:28:26,705 --> 00:28:28,498 Pero tulad ng ibang puppet, 401 00:28:28,581 --> 00:28:31,167 si Joey naman talaga ang may kontrol na di alam ni Ralph. 402 00:28:31,876 --> 00:28:33,920 Wala rin siyang loyalty kay Joey. 403 00:28:36,464 --> 00:28:38,466 Habang minamanmanan pa rin namin si Merlino, 404 00:28:38,550 --> 00:28:43,221 nag-author ako ng 18 na magkakasunod na affidavits 405 00:28:43,304 --> 00:28:44,889 para i-wiretap si Ralph Natale. 406 00:28:49,686 --> 00:28:50,687 Bilang tech agent, 407 00:28:52,689 --> 00:28:55,525 may lisensiya kang manloob. 408 00:28:56,234 --> 00:28:59,487 Kaya kung may makakakita man, 409 00:29:00,405 --> 00:29:01,865 di mo alam ang pwedeng mangyari. 410 00:29:06,995 --> 00:29:09,289 'Yong apartment ni Ralph Natale, 411 00:29:10,248 --> 00:29:12,083 nasa high-rise building 'yon. 412 00:29:12,584 --> 00:29:15,295 Nasa top floor siya. Penthouse ang tawag nila. 413 00:29:16,337 --> 00:29:18,339 Nasa Atlantic City si Ralph 414 00:29:18,423 --> 00:29:20,508 at inaasahan nila na magdamag siyang nando'n. 415 00:29:21,718 --> 00:29:24,179 Ang trabaho namin, palihim na pumasok 416 00:29:24,262 --> 00:29:26,431 para maglagay ng mic sa sala niya. 417 00:29:31,311 --> 00:29:34,481 'Yong lock guys, nabuksan nila 'yong pinto. 418 00:29:39,903 --> 00:29:42,322 May pusang agad-agad na tumakbo sa pinto. 419 00:29:45,033 --> 00:29:46,534 Sa huling segundo, 420 00:29:46,618 --> 00:29:49,329 nagawa ng isa sa lock guys na harangin 'yong pusa. 421 00:29:51,080 --> 00:29:53,583 Kundi, baka hinabol namin 'yon sa buong building. 422 00:29:53,666 --> 00:29:55,043 Di 'yon maganda kung sakali. 423 00:29:57,545 --> 00:30:00,006 Inilalagay na namin do'n 'yong mga mic. 424 00:30:01,549 --> 00:30:06,137 Tapos, sinabi sa amin ng surveillance agent, 425 00:30:07,972 --> 00:30:09,349 "Kailangan nang umalis. 426 00:30:10,099 --> 00:30:11,726 "Pabalik na si Natale." 427 00:30:15,688 --> 00:30:17,023 Wala na kaming oras. 428 00:30:27,408 --> 00:30:30,370 Tumigil na ang lahat at nagsimulang alisin 'yong mga bakas. 429 00:30:34,123 --> 00:30:36,292 Kailangang makaalis bago siya dumating. 430 00:30:40,296 --> 00:30:44,676 May nakuha kaming ilang snippets ng pag-uusap mula sa mga wiretap. 431 00:30:47,011 --> 00:30:49,764 Nalaman namin na si Natale at ang son-in-law niya 432 00:30:49,848 --> 00:30:52,517 ay gumagawa at nagbebenta ng methamphetamine. 433 00:30:54,227 --> 00:30:56,354 Di kaya ng audio na idawit si Merlino 434 00:30:56,437 --> 00:30:59,649 pero may development na rin kami dito. 435 00:31:00,692 --> 00:31:04,487 Nagdesisyon na kaming arestuhin si Natale. 436 00:31:05,321 --> 00:31:08,283 Ibinalita ng FBI ang pag-aresto sa Philadelphia, South Jersey, 437 00:31:08,366 --> 00:31:10,535 sa La Cosa Nostra boss na si Ralph Natale, 438 00:31:10,618 --> 00:31:13,162 para sa methamphetamine sales conspiracy 439 00:31:13,246 --> 00:31:16,291 na sangkot ang limang iba pa na kilalang mga gangster. 440 00:31:16,374 --> 00:31:19,586 'Yong pagkakasangkot ni Ralph sa methamphetamine 441 00:31:19,669 --> 00:31:21,588 ay parang death sentence sa kanya. 442 00:31:22,171 --> 00:31:24,507 Convicted drug dealer siya. 443 00:31:24,591 --> 00:31:27,093 Lalampas sa buhay niya ang sentensiya niya, 444 00:31:28,219 --> 00:31:31,264 kaya diniskartehan namin 445 00:31:31,347 --> 00:31:33,308 na iparamdam sa kanya 446 00:31:33,391 --> 00:31:38,605 na kung gusto niyang makipagtulungan sa amin, 447 00:31:38,688 --> 00:31:40,064 bukas kami sa gano'n. 448 00:31:42,066 --> 00:31:45,695 Pero Mafia ang buhay niya 449 00:31:45,778 --> 00:31:47,697 at di siya inaasahang magsalita. 450 00:31:49,991 --> 00:31:55,455 Kaya tumaas ang pressure na mahuli namin si Merlino. 451 00:31:57,123 --> 00:31:59,375 Pakiramdam namin na may kulang pa kami. 452 00:32:01,753 --> 00:32:04,088 Nakasalalay na ngayon kay Mike McGowan ang lahat. 453 00:32:11,346 --> 00:32:14,307 Hindi nasiyahan ang US Attorney's Office 454 00:32:14,390 --> 00:32:18,394 na idinawit namin si Luisi sa cocaine deal, 455 00:32:19,395 --> 00:32:22,815 kahit siya ang nag-set up no'n at may ebidensiya sa phone call. 456 00:32:23,816 --> 00:32:25,360 Pero sinabi ko rin sa kanila 457 00:32:25,443 --> 00:32:30,907 na imposibleng literal na hahawakan ni Luisi ang cocaine. 458 00:32:32,033 --> 00:32:34,327 Gano'n mag-isip talaga ang mga boss 459 00:32:34,410 --> 00:32:36,913 na kapag hindi nila hinawakan, ligtas sila. 460 00:32:37,664 --> 00:32:40,708 Ang plano namin no'n na kung makakabili pa kami ng cocaine, 461 00:32:40,792 --> 00:32:44,045 susubukan kong bayaran nang personal si Luisi. 462 00:32:58,685 --> 00:33:01,437 -Nasa phone ako. Susunod na lang ako. -Okay. 463 00:33:11,072 --> 00:33:14,993 No'ng araw na 'yon, nasa opisina ako, at gaya ni Carrozza no'ng April, 464 00:33:15,076 --> 00:33:16,744 may kumatok sa pinto ko. 465 00:33:17,370 --> 00:33:19,831 Si Tommy Wilson, tauhan ni Luisi. 466 00:33:22,250 --> 00:33:25,378 -Sumakay ako ng tren. -Musta ba? 467 00:33:25,461 --> 00:33:26,838 Ayos lang. Grabe lang. 468 00:33:26,921 --> 00:33:27,922 May problema ba? 469 00:33:28,006 --> 00:33:29,424 Wala. Wala naman, Mike. 470 00:33:31,968 --> 00:33:34,721 May dalang paper bag si Wilson. 471 00:33:36,097 --> 00:33:39,726 May isa pang kilo ng cocaine sa loob. 472 00:33:43,396 --> 00:33:45,314 -Ito 'yong magandang klase, tama? -Oo. 473 00:33:47,567 --> 00:33:51,446 Magiging masaya ang bibili. Solid 'yang coke na 'yan, e. 474 00:33:53,781 --> 00:33:57,952 Pumasok siya sa opisina, kumuha ng isang kilo ng cocaine mula sa bag, 475 00:33:58,619 --> 00:34:00,913 at inilagay sa bag na binigay ni Mike. 476 00:34:00,997 --> 00:34:03,374 Walang magiging pagdududa ro'n. 477 00:34:05,752 --> 00:34:08,004 -Darating ba si Bobby? -Hindi. 478 00:34:08,087 --> 00:34:09,464 Kakausapin ko sana, e. 479 00:34:09,964 --> 00:34:15,011 Gusto naming masiguro na si Luisi ay may kinalaman talaga sa delivery. 480 00:34:16,512 --> 00:34:18,639 Kaya nang tumawag si Luisi, 481 00:34:18,723 --> 00:34:22,060 sinabi ko sa kanya na wala akong tiwala kay Wilson pagdating sa pera. 482 00:34:22,560 --> 00:34:25,605 I-meet niya na lang ako sa labas ng opisina ko. 483 00:34:26,606 --> 00:34:29,067 Special Agent Robert Callen. 484 00:34:29,776 --> 00:34:34,739 Nandito kami sa may 171 Milk Street, 485 00:34:36,199 --> 00:34:37,784 mga 2:05 p.m. na, 486 00:34:39,035 --> 00:34:41,913 nagvi-video ng undercover agent 487 00:34:42,747 --> 00:34:46,334 sa intersection ng Milk at India Street, Boston, Massachusetts. 488 00:34:48,544 --> 00:34:51,089 Darating si Mike nang maaga bilang undercover agent. 489 00:34:51,172 --> 00:34:53,758 Gusto niyang ma-check na magiging komportable siya ro'n. 490 00:34:54,258 --> 00:34:57,637 Magandang lokasyon 'to. May mga taong naglalakad sa paligid. 491 00:34:58,346 --> 00:35:00,139 Walang makakapansin sa amin. 492 00:35:03,142 --> 00:35:07,271 Sa loob ng isang oras, dumating si Luisi, naglalakad. 493 00:35:10,399 --> 00:35:11,609 Ito na ang tsansa namin 494 00:35:12,401 --> 00:35:16,030 para mahuli si Luisi na tumatanggap ng drug money. 495 00:35:22,078 --> 00:35:24,831 Nang iaabot ko na sa kanya ang 24,000, 496 00:35:26,749 --> 00:35:29,252 may humarang na van sa surveillance post. 497 00:35:29,877 --> 00:35:31,337 Kaya di ko muna inabot ang pera. 498 00:35:32,964 --> 00:35:34,298 Pagkaalis ng van, 499 00:35:35,133 --> 00:35:36,217 saka ko siya binayaran. 500 00:35:38,761 --> 00:35:41,264 Kuhang-kuha 'yon namin 'yon. 501 00:35:42,598 --> 00:35:44,767 Mga 2:10 p.m., 502 00:35:45,268 --> 00:35:48,688 umalis na si Bobby Luisi pagkatapos ng pickup 503 00:35:48,771 --> 00:35:52,525 mula sa undercover agent namin sa isang Dodge pickup truck. 504 00:35:56,821 --> 00:35:58,948 Ayos na ayos 'yon. Home run na 'to. 505 00:35:59,031 --> 00:36:00,032 Nahuli na namin siya. 506 00:36:08,708 --> 00:36:12,753 Nakuha sa tape na tumatanggap si Luisi ng cocaine money. 507 00:36:16,841 --> 00:36:18,885 Nagpasya ang US Attorney's Office 508 00:36:18,968 --> 00:36:20,970 na may sapat nang ebidensiya para magpatuloy. 509 00:36:23,681 --> 00:36:26,142 May ebidensiya kami ng mabibigat na krimen, 510 00:36:26,642 --> 00:36:28,978 racketeering, drug trafficking, 511 00:36:29,061 --> 00:36:33,149 at ngayon, sa wakas, maaaresto na si Joey Merlino. 512 00:36:36,611 --> 00:36:37,987 Kaninang alas-siyete ng umaga, 513 00:36:38,070 --> 00:36:40,198 pumunta ang FBI sa isang second-floor apartment 514 00:36:40,281 --> 00:36:42,742 at inaresto ang 37 taong gulang na si Joey Merlino. 515 00:36:42,825 --> 00:36:46,370 Ba't di n'yo ibalita na nag-issue ng warrant na walang kalaman-laman? 516 00:36:46,454 --> 00:36:48,497 -Magkamag-anak ba kayo? -Ako ang nanay. 517 00:36:48,581 --> 00:36:50,041 -Kayo ang nanay? -Layas! 518 00:36:51,709 --> 00:36:53,044 Wala na siya sa lansangan, 519 00:36:53,920 --> 00:36:56,964 gaya ng karamihan sa mga kasamahan at miyembro 520 00:36:57,548 --> 00:37:00,635 na bumubuo sa liderato ng Philadelphia Mob. 521 00:37:02,553 --> 00:37:05,598 Narito kami para ibalita ang pag-aresto sa 11 indibidwal, 522 00:37:05,681 --> 00:37:07,475 kabilang si Joseph Merlino, 523 00:37:07,558 --> 00:37:10,353 matapos ang masusing imbestigasyon 524 00:37:10,436 --> 00:37:12,146 sa mga gawain ng La Cosa Nostra. 525 00:37:12,772 --> 00:37:15,316 Pinaniniwalaan na nagsabwatan sina Merlino at tatlo pa 526 00:37:15,399 --> 00:37:16,609 para magbenta ng cocaine. 527 00:37:17,193 --> 00:37:18,778 Nagbenta sila ng cocaine 528 00:37:19,362 --> 00:37:22,990 sa isang indibidwal na, sa katunayan, ay isang undercover agent ng FBI. 529 00:37:24,200 --> 00:37:28,746 Matagal na panahon nang nakakubli sa anino ng Mafia ang Philadelphia. 530 00:37:29,789 --> 00:37:31,874 Baka oras na para makita naman ang liwanag. 531 00:37:32,959 --> 00:37:34,168 Malaking bagay 'yon. 532 00:37:34,752 --> 00:37:37,255 Haharapin na ni Merlino ang hustisya. 533 00:37:41,634 --> 00:37:43,844 Matapos arestuhin si Merlino, 534 00:37:45,596 --> 00:37:49,809 pumunta raw ako sa Camden County courthouse. 535 00:37:52,478 --> 00:37:57,817 Dinala si Ralph Natale sa isa sa mga witness room. 536 00:38:00,987 --> 00:38:03,698 Sinabi niya sa akin na gusto niya raw makipagtulungan. 537 00:38:05,574 --> 00:38:07,410 Di ako makapaniwala ro'n. 538 00:38:08,869 --> 00:38:11,539 Si Ralph Natale ang unang Mob boss 539 00:38:11,622 --> 00:38:14,417 sa kasaysayan ng American Mafia 540 00:38:15,001 --> 00:38:17,044 na makikipagtulungan sa amin. 541 00:38:17,128 --> 00:38:19,505 Tinanggap namin 'yon. 542 00:38:20,381 --> 00:38:24,468 Naisip ni Ralph Natale na kung mahatulan siya sa drug case, 543 00:38:24,552 --> 00:38:26,095 makakatanggap siya ng sentensiya 544 00:38:26,178 --> 00:38:29,640 na magiging mahirap para sa kanya na makalabas pa ng kulungan. 545 00:38:29,724 --> 00:38:34,103 'Yong pakikipagtulungan ni Natale sa amin ang worst-kept secret sa mundo. 546 00:38:34,186 --> 00:38:37,732 Ayon sa law enforcement, marami raw ibinabahagi si Natale. 547 00:38:37,815 --> 00:38:41,485 May mga nababanggit siya tungkol sa Mob murders at gawain nila. 548 00:38:42,320 --> 00:38:44,322 Si Ralph, ahas at traydor. 549 00:38:45,031 --> 00:38:46,032 Nakakasuka lang. 550 00:38:47,450 --> 00:38:49,994 Buti na lang di siya kasama do'n sa Vietnam. 551 00:38:50,077 --> 00:38:52,413 Kundi, baka isinuko na niya ang buong United States. 552 00:38:52,997 --> 00:38:54,123 Di ko maintindihan. 553 00:38:54,206 --> 00:38:58,044 Higit sa 32 taon ako pero ni minsan di ko naisip na maging ahas. 554 00:38:58,878 --> 00:39:00,921 Ayoko sa mga ganyan. Di ko sila matiis. 555 00:39:01,005 --> 00:39:03,507 Maraming ahas ngayon, may mga podcast pa sila. 556 00:39:06,927 --> 00:39:10,139 Sa pagbaligtad ni Ralph, nadagdagan ang murder at attempted murder 557 00:39:10,222 --> 00:39:12,767 sa mga kaso laban kay Merlino at sa mga tauhan niya. 558 00:39:14,852 --> 00:39:19,023 Ngayon, kailangan naming patunayan ang mga ibinibintang namin sa kanila 559 00:39:19,106 --> 00:39:23,027 sa harap ng jury na may 12 katao na walang alam sa mga nangyari. 560 00:39:32,036 --> 00:39:33,913 -Mag-ingat ka. -Joey, kumusta? 561 00:39:34,538 --> 00:39:37,792 Kung malaki na 'yong Stanfa trial, mas malaki pa 'to. 562 00:39:37,875 --> 00:39:39,126 Ang daming media. 563 00:39:39,210 --> 00:39:40,628 Kumusta ka ngayon? 564 00:39:42,088 --> 00:39:43,714 -May gusto ka bang sabihin? -Wala. 565 00:39:44,632 --> 00:39:46,258 Ang hirap makakuha ng upuan. 566 00:39:48,761 --> 00:39:53,641 Dahil ang Mob boss na si Ralph Natale ay tetestigo 567 00:39:53,724 --> 00:39:56,560 laban kay Joey Merlino at sa mga kasamahan niya. 568 00:40:00,815 --> 00:40:03,567 Tinawag si Ralph sa witness stand. 569 00:40:06,320 --> 00:40:10,491 Ang hamon ngayon, ibahagi ang testimonya niya 570 00:40:10,574 --> 00:40:12,368 na papaniwalaan ng jury. 571 00:40:16,372 --> 00:40:18,958 Miyembro ka ba ng sindikato? 572 00:40:19,041 --> 00:40:20,126 Oo, kasali ako. 573 00:40:21,043 --> 00:40:23,963 -Ano'ng pangalan ng sindikatong 'yon? -La Cosa Nostra. 574 00:40:25,256 --> 00:40:27,216 Ano ang Cosa Nostra? 575 00:40:28,592 --> 00:40:31,220 Ticket sa impiyerno ang Cosa Nostra. 576 00:40:33,973 --> 00:40:37,893 Kahit pangingikil o pambubugbog, 577 00:40:38,727 --> 00:40:39,770 o pagpatay, 578 00:40:40,980 --> 00:40:45,776 kapag umangat ka sa posisyon ng boss, 579 00:40:46,569 --> 00:40:48,904 ikaw ang maghahari sa lahat. 580 00:40:53,576 --> 00:40:55,327 Si Joey Merlino 'yon. 581 00:40:57,496 --> 00:41:00,958 Umamin ang 65-anyos na si Natale sa pagpatay sa dalawang tao. 582 00:41:01,041 --> 00:41:05,212 Nakipagsabwatan daw siya sa kapwa mobster para pumatay ng anim pa. 583 00:41:05,796 --> 00:41:09,508 Idinetalye pa ni Natale ang kanyang Mob initiation ceremony. 584 00:41:09,592 --> 00:41:12,052 Sabi niya na walang iba kundi si Joey Merlino 585 00:41:12,136 --> 00:41:14,472 ang nag-administer ng kanyang secret oath sa Mafia. 586 00:41:16,474 --> 00:41:18,809 Si Ralph Natale ay isang piraso lang ng puzzle. 587 00:41:19,685 --> 00:41:23,564 Pero kailangang makita ang buong larawan para makapag-convict. 588 00:41:24,982 --> 00:41:26,484 Gamit ang videotape ni Mike 589 00:41:27,526 --> 00:41:29,153 at ang wire kay Previte, 590 00:41:29,236 --> 00:41:30,613 mukhang sapat na 'yon. 591 00:41:31,322 --> 00:41:34,450 Kailangan naming maghintay ngayon sa magiging hatol ng jury. 592 00:41:51,050 --> 00:41:52,426 Apat na buwang trial 'yon 593 00:41:52,510 --> 00:41:55,554 at nang bumalik na ang jury para sa kanilang hatol, 594 00:41:56,388 --> 00:41:58,307 masasabi kong nakakagulat 'yon. 595 00:41:59,391 --> 00:42:02,102 Si Joey Merlino, ang batang siga na Mob boss, 596 00:42:02,186 --> 00:42:05,064 ay makukulong ngayong gabi pero hindi habambuhay. 597 00:42:05,147 --> 00:42:06,482 Sa nakakagulat na desisyon, 598 00:42:06,565 --> 00:42:09,652 ibinasura ng jury ang mga kaso ng murder at drug-dealing 599 00:42:09,735 --> 00:42:13,030 at hinatulan si Merlino at mga kasamahan niya ng racketeering. 600 00:42:13,989 --> 00:42:17,785 Na-convict si Joey sa extortion, loan-sharking, at gambling 601 00:42:17,868 --> 00:42:21,539 pero hindi sa mga murder, attempted murder, o drugs. 602 00:42:22,122 --> 00:42:28,045 Natalo sila sa drug dealing case dahil malabo ang dating ni Joey sa tape. 603 00:42:28,546 --> 00:42:30,297 Magagawa mo ba para sa kanya? 604 00:42:30,381 --> 00:42:32,424 Di malinaw kung ano ang tinutukoy ni Joey. 605 00:42:32,508 --> 00:42:35,219 Saan sa tape ang pagbanggit niya ng cocaine? 606 00:42:35,302 --> 00:42:37,972 Nalusutan ni Joey ang drug case 607 00:42:38,472 --> 00:42:40,766 kahit ang mga kasama niya sa Boston ay na-convict. 608 00:42:41,433 --> 00:42:46,230 Ibinasura ng mga hurado ang testimonya ng Mob boss at informant, Ralph Natale, 609 00:42:46,313 --> 00:42:49,233 nang mapawalang-sala si Merlino at anim na codefendant niya 610 00:42:49,316 --> 00:42:51,986 sa 11 Mob hits o attempted murders. 611 00:42:52,861 --> 00:42:54,989 Nakaapekto kay Ralph ang kanyang mga krimen. 612 00:42:55,489 --> 00:42:56,991 Habambuhay ang hinaharap niya 613 00:42:57,074 --> 00:43:00,578 at naramdaman ng jury na gagawin niya ang kahit ano para maiwasan 'yon. 614 00:43:01,161 --> 00:43:02,746 Makikita 'yon sa naging hatol. 615 00:43:04,915 --> 00:43:08,252 Nadismaya kami na di nahatulan sa murder at drug charges. 616 00:43:08,836 --> 00:43:12,256 Pero sina Joey Merlino at iba pa ay may sentensiya 617 00:43:12,339 --> 00:43:14,800 ng aabot sa 14 na taon sa federal prison. 618 00:43:15,551 --> 00:43:19,013 Mas ligtas na ang lungsod nang nasa kulungan na si Merlino. 619 00:43:19,763 --> 00:43:22,975 Ang mga boss ay patay na o nakakulong. Gano'n lang kasimple. 620 00:43:23,058 --> 00:43:24,393 Siguradong tuloy-tuloy 'yan. 621 00:43:24,476 --> 00:43:27,271 Ipagpapatuloy namin ang imbestigasyon sa organized crime 622 00:43:27,354 --> 00:43:30,065 at papanagutin ang mga dapat managot. 623 00:43:31,108 --> 00:43:33,902 Ang tagumpay ng feds no'ng panahong 'yon 624 00:43:33,986 --> 00:43:35,988 na magkakasunod, 625 00:43:36,071 --> 00:43:39,366 ay tagumpay para sa law enforcement laban sa organized crime. 626 00:43:39,450 --> 00:43:43,203 Ang bawat conviction ay nagpapahina sa crime family. 627 00:43:45,581 --> 00:43:48,667 May Mob pa rin ba hanggang ngayon? Oo, meron pa. 628 00:43:48,751 --> 00:43:51,587 Pareho pa rin ba ang impluwensiya nito? Kumikita pa rin ba? 629 00:43:51,670 --> 00:43:54,423 Parehong karahasan at pagpatay pa rin ba ang ginagawa nila? 630 00:43:54,506 --> 00:43:55,591 Hindi, di na gano'n. 631 00:43:56,175 --> 00:43:57,843 No'ng 1990s, 632 00:43:57,926 --> 00:44:02,014 pinabagsak ng FBI ang liderato ng Philadelphia Mob 633 00:44:02,097 --> 00:44:04,975 kabilang ang ilang miyembro at associates nito. 634 00:44:06,894 --> 00:44:10,981 Nasira ang Philadelphia Mafia at di na naging gaya ng dati. 635 00:44:16,612 --> 00:44:19,406 NASENTENSIYAHAN SI RALPH NATALE NG 13 TAON SA KULUNGAN 636 00:44:19,490 --> 00:44:21,992 PARA SA DRUG DEALING, RACKETEERING, AT BRIBERY. 637 00:44:22,076 --> 00:44:26,413 NATAPOS NIYA ANG ANIM NA TAON AT NAMATAY NOONG JANUARY 2022. 638 00:44:27,748 --> 00:44:31,085 NATAPOS NI JOEY MERLINO ANG 11 TAON NG KANYANG 14-TAON NA SENTENSIYA. 639 00:44:31,168 --> 00:44:34,588 PINALAYA SIYA NOONG 2011. 640 00:44:34,672 --> 00:44:38,509 BINABANTAYAN PA RIN SIYA NG FBI NGAYON. 641 00:45:36,024 --> 00:45:41,029 Nagsalin ng Subtitle: Michael Manahan