1 00:00:11,761 --> 00:00:14,806 OKTUBRE 3, 1993 2 00:00:17,851 --> 00:00:20,520 Marami kaming reaction force sa ground. 3 00:00:20,603 --> 00:00:23,314 Hindi ko sila makita kahit saan sa baba. 4 00:00:36,995 --> 00:00:39,164 Sinumang napatumba at nawalan ng malay, 5 00:00:39,247 --> 00:00:43,251 ganoon din siguro ang pakiramdam nila kapag nagkamalay na uli. 6 00:00:43,334 --> 00:00:46,546 Para kang nagising mula sa napakahimbing na tulog. 7 00:00:48,214 --> 00:00:50,175 Malilito ka sa umpisa, 8 00:00:50,258 --> 00:00:52,510 at kalaunan ay magiging malinaw 9 00:00:52,594 --> 00:00:55,346 at mapagtatanto mong ito talaga ang nangyayari. 10 00:00:56,639 --> 00:00:58,975 Sa kasamaang palad, hindi maganda ang katotohanan. 11 00:01:02,270 --> 00:01:04,189 May mga matinding sugat ako. 12 00:01:05,273 --> 00:01:10,361 Ang sakit ng likod ko, 'yong napakatinding sakit. 13 00:01:12,697 --> 00:01:14,574 Hindi ko maramdaman ang binti ko. 14 00:01:18,536 --> 00:01:20,246 Tapos nalaman ko na lang, 15 00:01:20,330 --> 00:01:23,875 nakatayo sina Randy Sugar at Gary Gordon sa tabi ng pinto ng cockpit ko. 16 00:01:24,959 --> 00:01:26,628 ‎Randy, bantayan mo ang kalye. 17 00:01:26,711 --> 00:01:28,922 Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. 18 00:01:29,005 --> 00:01:31,007 ‎Sandali lang, sandali lang. 19 00:01:31,090 --> 00:01:32,967 Mga taga-Delta Force sila. 20 00:01:33,051 --> 00:01:35,261 Kung mapapasabak ka sa matinding barilan, sila ang gusto mong kasama. 21 00:01:37,889 --> 00:01:41,351 Inilagay nila ako sa lupa at umikot sa nguso ng helicopter. 22 00:01:41,434 --> 00:01:44,437 At narinig kong sinabi ni Gary, "Puta, tinamaan ako." 23 00:01:45,647 --> 00:01:46,981 ‎May tama, may tama. 24 00:01:47,065 --> 00:01:49,734 Doon ko naisip na hindi ito rescue force, 25 00:01:49,818 --> 00:01:51,110 dalawang tao lang ito. 26 00:01:51,194 --> 00:01:53,404 Talong-talo kami sa bilang, 27 00:01:53,488 --> 00:01:56,157 at hindi namin alam kung makakatagal pa kami. 28 00:01:59,869 --> 00:02:01,996 Tapos may mga narinig akong boses. 29 00:02:02,080 --> 00:02:03,873 Mukhang hindi sila kakampi. 30 00:02:03,957 --> 00:02:06,751 Ang alam ko lang, parating na si kamatayan. 31 00:02:09,796 --> 00:02:12,048 Tumakbo kami papuntang crash site. 32 00:02:12,132 --> 00:02:16,553 At ipinagdasal naming mga Amerikano ang makikita namin. 33 00:02:16,636 --> 00:02:17,804 Galit na galit kami. 34 00:02:18,972 --> 00:02:20,890 Gusto lang naming makaganti sa kanila. 35 00:02:21,891 --> 00:02:24,310 Isa ako sa mga unang taong dumating sa crash site. 36 00:02:24,394 --> 00:02:26,020 Akala namin patay na silang lahat. 37 00:02:27,856 --> 00:02:29,440 Tapos may nakita kaming sugatan. 38 00:02:29,941 --> 00:02:34,612 Suot niya ang uniporme ng US Marines. 39 00:02:38,616 --> 00:02:40,160 Hinahablot nila lahat ng gamit ko, 40 00:02:41,327 --> 00:02:44,122 binasag nila ilong ko, pisngi ko, mata ko. 41 00:02:45,540 --> 00:02:49,335 Alam niya ginawa niya, binomba niya kami at pinatay ang mga kamag-anak ko. 42 00:02:50,628 --> 00:02:53,965 Hinablot ng lalaki ang green tag sa leeg ko. 43 00:02:54,048 --> 00:02:56,718 Sabi niya, "Ranger, Ranger, patay ka Somalia." 44 00:02:58,970 --> 00:03:01,598 Hinampas niya ako ng malambot na bagay. 45 00:03:01,681 --> 00:03:06,519 Braso iyon ng isa sa mga crew. 46 00:03:08,187 --> 00:03:09,939 At ah… Hindi ako makapaniwala. 47 00:03:11,024 --> 00:03:14,193 Sabi ko, walang paraan para makaalis dito. 48 00:03:14,277 --> 00:03:15,737 Alam mo, mamamatay ka na. 49 00:03:17,822 --> 00:03:21,159 Sumigaw siya, "Tulungan mo ako! Tulong!" 50 00:03:22,994 --> 00:03:25,788 May binatilyong Somali na lumapit para barilin siya. 51 00:03:26,956 --> 00:03:29,626 Hinawakan ko at inagaw sa kanya ang baril. 52 00:03:32,712 --> 00:03:34,088 Iniligtas ko siya! 53 00:03:37,717 --> 00:03:41,429 Binuhat nila ako, inihagis sa likod ng truck, 54 00:03:42,055 --> 00:03:44,224 ‎pero buhay ako. 55 00:03:46,142 --> 00:03:49,145 Sa pagligtas ng buhay niya, pinapakita nito na mas mabuti kami sa mga Amerikano. 56 00:04:08,248 --> 00:04:10,250 ‎…masakit ito, ha? 57 00:04:10,333 --> 00:04:12,502 Nagtitiis kami, naghihintay ng isang 58 00:04:12,585 --> 00:04:16,422 rescue force doon mismo sa kanto kung saan bumagsak ang unang Black Hawk. 59 00:04:17,131 --> 00:04:18,675 Hawak ko si Corporal Jamie Smith. 60 00:04:18,758 --> 00:04:20,969 Sugatan siya, kailangan niya agad magamot. 61 00:04:21,052 --> 00:04:22,262 ‎Kritikal na ang lagay ni Jamie. 62 00:04:22,345 --> 00:04:24,555 Naghihintay lang kaming dumating ang ground reaction force. 63 00:04:24,639 --> 00:04:27,642 Di na kailangan sabihin, kailangan namin sila rito sa lalong madaling panahon. 64 00:04:28,351 --> 00:04:29,936 Ang alam lang namin, 65 00:04:30,019 --> 00:04:31,229 bumubuo sila 66 00:04:31,312 --> 00:04:33,815 ‎ng armadong convoy ‎na makakapunta at ililigtas kami. 67 00:04:38,903 --> 00:04:41,489 ANG RESCUE CONVOY 68 00:04:42,073 --> 00:04:44,826 May sugatan kaming delikado na ang lagay sa crash site sa hilaga. 69 00:04:47,453 --> 00:04:51,082 Bumalik kami sa siyudad sa rescue operation. 70 00:04:51,958 --> 00:04:55,586 May mga team ng tao naming nagtatago sa paligid ng unang bumagsak na Black Hawk. 71 00:04:55,670 --> 00:04:57,380 ‎Hindi ako… 72 00:04:57,463 --> 00:04:59,257 Nagpunta kami sa siyudad 73 00:04:59,340 --> 00:05:01,676 at halos agad kaming pinaulanan ng bala. 74 00:05:05,138 --> 00:05:07,640 At iyon na, nagkagulo na. 75 00:05:13,980 --> 00:05:19,569 Ang unit na kasama ako ay may nakasalubong na convoy na dumadaan sa malapit. 76 00:05:20,653 --> 00:05:23,948 Nagbarilan kami. 77 00:05:28,161 --> 00:05:30,913 Tinamaan namin sila at nasira ang convoy. 78 00:05:36,419 --> 00:05:37,712 May suot akong vest noon. 79 00:05:37,795 --> 00:05:40,757 Kapag dito ako nabaril, buhay ako. 80 00:05:40,840 --> 00:05:42,258 Pipigilan ng plate ang bala. 81 00:05:42,341 --> 00:05:46,179 At kapag nabaril ako sa braso o binti, malamang na buhay ako. 82 00:05:46,262 --> 00:05:49,807 Mawalan man siguro ako ng biyas, okay lang. 83 00:05:49,891 --> 00:05:55,480 Takot na takot akong mabaril sa leeg o sa ari ko. 84 00:05:57,106 --> 00:05:59,609 At sa malayo sa kaliwa namin, 85 00:05:59,692 --> 00:06:03,446 kita mo ang liwanag ng apoy. 86 00:06:03,529 --> 00:06:06,908 At mapapaisip ka, "Wow, salamat sa Diyos, hindi kami doon papunta." 87 00:06:07,575 --> 00:06:10,995 At lumiko kami at doon nga kami nagpunta. 88 00:06:11,079 --> 00:06:14,832 At para bang, "Hayop, ano na naman itong pinapasok namin?" 89 00:06:25,426 --> 00:06:27,512 BAHAY NI SAIDO 90 00:06:29,013 --> 00:06:30,723 Nakakarinig kami ng mga sasakyan. 91 00:06:34,477 --> 00:06:37,063 Pinapadede ko ang anak ko… 92 00:06:38,397 --> 00:06:39,941 pero ayaw niyang dumede. 93 00:06:40,983 --> 00:06:43,611 Ang sama ng lagay namin. 94 00:06:45,154 --> 00:06:50,993 Nilulusob ng mga sundalong Somali ang bahay namin. 95 00:06:51,077 --> 00:06:56,332 Tinatarget nila ang mga Amerikanong nasa loob. 96 00:06:58,626 --> 00:07:01,462 Nilalabanan kami ng mga Somali sa bawat lokasyon. 97 00:07:01,546 --> 00:07:03,422 Kaya nagsimula akong magpaputok sa gitna ng mga de-kahoy na shutter. 98 00:07:07,593 --> 00:07:09,762 Ang matinding tanong ay, "Sino'ng unang makakalapit doon? 99 00:07:09,846 --> 00:07:11,472 Mauuna bang makalapit sa amin ang convoy? 100 00:07:11,556 --> 00:07:13,558 O 'yong iba bang Somali ang darating doon?" 101 00:07:15,726 --> 00:07:17,061 Nauubusan na kami ng bala. 102 00:07:17,812 --> 00:07:19,564 Walang tubig, walang gamot. 103 00:07:20,440 --> 00:07:21,649 Iniisip ko, "Ito na iyon." 104 00:07:21,732 --> 00:07:24,861 Akala ko ito na ang katapusan at natakot ako. 105 00:07:29,282 --> 00:07:31,742 Kung babatuhan nila kami ng saktong dami ng militiamen, 106 00:07:31,826 --> 00:07:34,912 darating ang puntong hindi na kami makakalaban doon. 107 00:07:34,996 --> 00:07:39,292 Kaya iniisip ko, "Sa anong punto sila magpapasyang lusubin kami?" 108 00:07:40,376 --> 00:07:43,296 Sumuko na akong isipin na makakaligtas pa ako roon. 109 00:07:44,088 --> 00:07:45,840 Para bang, wala namang dahilan para kabahan pa, tama? 110 00:07:45,923 --> 00:07:47,842 Alam mo na ang kalalabasan mo. 111 00:07:47,925 --> 00:07:50,178 Suko na akong isiping, "Mamamatay na ako ngayong gabi." 112 00:07:50,761 --> 00:07:52,346 ‎Nasaan ang tulong… 113 00:07:52,430 --> 00:07:56,142 Ginawa ko na lahat para makarating sa inyo ang mga sasakyang iyon. 114 00:07:56,225 --> 00:07:57,602 May mga radio call kami 115 00:07:57,685 --> 00:08:01,481 para subukang hanapin ang rescue force at alamin kung ano'ng nangyayari. 116 00:08:01,564 --> 00:08:03,065 Puwedeng pahingi ng status? 117 00:08:03,149 --> 00:08:05,067 Nauubusan na kami ng gamot. 118 00:08:05,151 --> 00:08:07,612 Napaisip ako, "'Wag mong sabihing papunta na sila." 119 00:08:07,695 --> 00:08:08,779 'Wag mong sabihing papunta na sila." 120 00:08:12,533 --> 00:08:15,077 At tuloy kaming nagtrabaho at ginawang komportable si Corporal Smith. 121 00:08:15,870 --> 00:08:17,622 Alam mong takot siya. 122 00:08:17,705 --> 00:08:19,248 Alam niyang nanganganib siya. 123 00:08:21,792 --> 00:08:24,045 Tuloy lang kami, alam mo 'yon, dinidiinan namin 124 00:08:24,128 --> 00:08:26,506 ang ugat sa abot ng kaya namin para mapanatili ang direct pressure. 125 00:08:29,967 --> 00:08:33,513 Pagtagal, tumawag ako sa radyo. 126 00:08:35,181 --> 00:08:37,183 Pero ang sabi ko lang, "Huli na." 127 00:08:38,017 --> 00:08:40,478 Alam mo 'yon, "Siya ay… wala na." 128 00:08:45,900 --> 00:08:47,902 Kailangan ko yatang tumigil sandali. 129 00:08:57,995 --> 00:08:59,705 May mga sugatan kami doon sa daan. 130 00:09:00,581 --> 00:09:04,627 Marami kaming bahay na tinataguan ng mga casualty. 131 00:09:05,711 --> 00:09:06,879 Namamatay ang mga tao. 132 00:09:07,421 --> 00:09:08,839 At noong pumasok ang team leader, 133 00:09:08,923 --> 00:09:10,800 sinabi ko, "Tinigin mo ba makakaligtas tayo?" 134 00:09:12,134 --> 00:09:14,345 At napatigil siya at pinag-isipan iyon. 135 00:09:14,428 --> 00:09:16,472 At tumingin siya sa 'kin at hindi matagal na patlang iyon, 136 00:09:16,556 --> 00:09:18,015 at sabi niya, "Ewan ko." 137 00:09:20,017 --> 00:09:23,145 At napagtanto kong puwedeng isa sa dalawa ang kahinatnan ng labang ito. 138 00:09:23,980 --> 00:09:26,274 Puwedeng lumaban kami para makalabas ng siyudad, 139 00:09:26,357 --> 00:09:27,650 o mayayari kami. 140 00:09:36,367 --> 00:09:38,160 Dinig kong umaatikabo ang bakbakan. 141 00:09:39,870 --> 00:09:41,372 ‎Pinapatay ninyo ang mga bata, bakit? 142 00:09:41,455 --> 00:09:43,791 Nasa loob ako ng maliit na sala, 143 00:09:43,874 --> 00:09:46,711 at wala talaga akong nakikitang anumang nangyayari sa labas. 144 00:09:46,794 --> 00:09:51,382 Tapos may interrogator doon na tinatanong ako. 145 00:09:51,465 --> 00:09:52,341 ‎Bakit ka nandito? 146 00:09:52,425 --> 00:09:55,428 Kinadena nila ako, at iniwan akong mag-isa. 147 00:09:55,511 --> 00:09:59,682 At doon ko tiningnan kung ano talaga ang lagay ko. 148 00:10:00,641 --> 00:10:04,520 Tiningnan ko uli ang binti ko at doon ko naisip kung gaano kalala iyon. 149 00:10:04,604 --> 00:10:06,480 Sobrang namamaga 150 00:10:06,564 --> 00:10:10,067 ‎na nababatak na ang tela ng pantalon ko, 151 00:10:10,151 --> 00:10:11,611 na karaniwang maluwag. 152 00:10:13,529 --> 00:10:15,781 Naririnig ko ang ground convoy. 153 00:10:16,532 --> 00:10:19,035 Mukhang diretsong papunta sa 'kin iyon. 154 00:10:19,702 --> 00:10:21,370 Sa isip ko, nag-iisip ako, 155 00:10:21,454 --> 00:10:22,747 "Okay, nahanap nila ako. 156 00:10:22,830 --> 00:10:24,582 Rescue na ito. 157 00:10:24,665 --> 00:10:26,459 May maganda talagang mangyayari." 158 00:10:27,877 --> 00:10:30,796 Palapit ito nang palapit. 159 00:10:30,880 --> 00:10:32,757 Darating na ito sa loob ng isang minuto. 160 00:10:38,220 --> 00:10:39,805 Wala akong paraan para mag-signal. 161 00:10:41,515 --> 00:10:42,642 At bigla na lang, 162 00:10:42,725 --> 00:10:48,105 dumaan lang ito at palayo na ito nang palayo, 163 00:10:48,189 --> 00:10:50,983 ‎"Hindi. Hindi nila alam kung nasaan ako." 164 00:10:55,363 --> 00:10:58,574 Paalis pa lang kami ng crash site noong panahong iyon. 165 00:11:00,785 --> 00:11:04,080 Nagmamaneho lang kami, hindi ko alam kung saan kami papunta, 166 00:11:04,163 --> 00:11:06,624 kung bakit kami kumaliwa, kung bakit kami kumanan, kung saan kami papunta. 167 00:11:06,707 --> 00:11:07,833 Wala akong alam. 168 00:11:09,919 --> 00:11:12,630 At sa wakas dumating kami sa crash site. 169 00:11:16,634 --> 00:11:18,469 Sumilip ako sa pinto at napansin kong 170 00:11:18,552 --> 00:11:20,638 ‎may mga tao sa parehong panig ng daan. 171 00:11:20,721 --> 00:11:22,264 ‎Bilis, bilis, bilis! 172 00:11:23,849 --> 00:11:25,643 "Ayos, nandito na ang tulong," tama? 173 00:11:25,726 --> 00:11:27,103 "Nandito na ang tulong." 174 00:11:27,186 --> 00:11:28,062 At ang sarap sa pakiramdam. 175 00:11:31,607 --> 00:11:33,067 'Yong malaman mo lang na, 176 00:11:33,150 --> 00:11:35,444 ‎"May ibang grupong mas malaki sa amin ‎ang nandito." 177 00:11:35,528 --> 00:11:37,863 Nakahinga talaga ako. 178 00:11:43,744 --> 00:11:48,416 Pakiramdam ko ay para sa 'kin ang rescue team na iyon. 179 00:11:50,292 --> 00:11:56,048 Masayang-masaya ako na tapos na sa wakas ang paghihirap na iyon. 180 00:11:57,466 --> 00:12:00,845 Pakiramdam ng lahat na puwedeng tapos na talaga ang lahat ng ito. 181 00:12:00,928 --> 00:12:02,930 Pero may naging antala. 182 00:12:04,432 --> 00:12:08,978 Nasa gitna sila ng pagsagip sa mga natitirang 183 00:12:09,061 --> 00:12:12,565 na-trap at napatay sa loob ng helicopter. 184 00:12:13,774 --> 00:12:18,112 Masasabi mong nagsisimulang mag-isip ang mga tao ng, 185 00:12:18,195 --> 00:12:20,614 "Gaano katagal pa ba tayo rito?" 186 00:12:20,698 --> 00:12:23,492 At, "Ano kaya itsura ng lahat kapag sumikat na ang araw?" 187 00:12:25,161 --> 00:12:26,495 Kailangan naming umalis. 188 00:12:26,579 --> 00:12:28,372 Napakahalaga ng oras. 189 00:12:31,125 --> 00:12:34,420 Isinakay namin si Corporal Smith sa armored vehicle, 190 00:12:34,503 --> 00:12:35,963 isinakay namin ang mga nasugatan sa amin. 191 00:12:37,590 --> 00:12:38,591 ‎Umalis na tayo rito. 192 00:12:38,674 --> 00:12:39,884 Parang 'yong lokohan sa militar, 193 00:12:39,967 --> 00:12:41,510 "Ilan ang maisasakay mo diyan?" 194 00:12:41,594 --> 00:12:43,012 "Ah, isa pa." Laging isa pa. 195 00:12:44,472 --> 00:12:47,766 Kinarga namin sa taas ang patay, ang sugatan sa likod, 196 00:12:47,850 --> 00:12:49,393 at oras nang umalis doon. 197 00:12:50,603 --> 00:12:55,232 Binuksan ko ang pinto, inalis ang trangka, binuksan ko, at sobrang siksikan. 198 00:12:55,316 --> 00:12:56,775 Sardinas na siya. 199 00:12:56,859 --> 00:12:58,194 Wala nang lugar para sa amin. 200 00:12:59,487 --> 00:13:00,946 Wala nang makakasakay pa doon. 201 00:13:01,030 --> 00:13:02,031 Sinara nila ang pinto. 202 00:13:02,114 --> 00:13:03,574 Sumara iyon, at nasabi ko, "Naku…" 203 00:13:04,658 --> 00:13:08,329 Sinabihan ako na kailangan naming tumakbo pabalik, limang milya. 204 00:13:09,163 --> 00:13:10,331 Niloloko mo ako. 205 00:13:10,414 --> 00:13:11,749 Peste! Heto na naman tayo. 206 00:13:11,832 --> 00:13:13,125 Niyari na naman kami. 207 00:13:13,792 --> 00:13:14,752 Talaga ba? 208 00:13:16,170 --> 00:13:18,506 Lumalakas uli ang barilan. 209 00:13:18,589 --> 00:13:19,423 ‎Nang-aasar ka ba?! 210 00:13:20,674 --> 00:13:24,094 Ang naiisip ko lang noon ay, "Hayop, 211 00:13:24,887 --> 00:13:26,472 kailangan kong tumakbo doon." 212 00:13:27,014 --> 00:13:28,265 ‎Hayop! 213 00:13:28,349 --> 00:13:32,019 Sinumang nasa kalsadang iyon ay gusto nang mamatay. 214 00:13:40,110 --> 00:13:42,571 Tumatakbo ako palayo ng paaralan dahil sa labanan. 215 00:13:43,989 --> 00:13:48,577 Nang umalis ako sa paaralan, nakayapak ako. 216 00:13:50,120 --> 00:13:51,747 May helicopter na lumilipad palapit sa 'kin. 217 00:13:54,875 --> 00:13:57,962 Sandali lang nawala ang helicopter, 218 00:13:58,045 --> 00:14:02,132 panay ang lipad nito sa taas namin, isang banda tapos isa pa. 219 00:14:02,216 --> 00:14:04,885 Bababa iyon nang sobrang baba sa lupa. 220 00:14:06,345 --> 00:14:10,558 Basta sila namamaril, hindi alam kung ano ang tinatamaan nila. 221 00:14:14,520 --> 00:14:18,357 Kapag sobrang baba na ng helicopter magtatago ako, 222 00:14:18,440 --> 00:14:21,235 sa isip ko paniwala ko ay sinusundan ako. 223 00:14:22,903 --> 00:14:27,116 Tapos ay lilipad iyon palayo at babalik para mamaril. 224 00:14:41,046 --> 00:14:46,969 Pumasok ako sa bahay at tiningnan ang bawat silid. 225 00:14:48,679 --> 00:14:51,849 Nakita kong walang tao sa bahay… 226 00:14:59,899 --> 00:15:02,568 Tiyak ko noong patay na ang pamilya ko. 227 00:15:12,870 --> 00:15:15,873 Nang umalis ako sa bahay, nawalan ako ng pag-asa, 228 00:15:18,250 --> 00:15:20,169 kasi hindi ko makita ang nanay ko. 229 00:15:26,592 --> 00:15:32,514 Nang lumabas ako, hindi ako naghahanap ng pag-asa o buhay. 230 00:15:34,183 --> 00:15:39,521 Gusto kong maupo sa labas at umiyak hanggang patayin ako ng helicopter, 231 00:15:39,605 --> 00:15:40,773 gaya ng pagpatay nito sa iba. 232 00:15:43,776 --> 00:15:46,946 Nawalan ako ng pag-asa sa buhay. 233 00:15:47,029 --> 00:15:50,783 Sinabi ko sa sarili kong mamamatay ako ngayon. 234 00:16:04,713 --> 00:16:06,090 Magdamag silang namamaril 235 00:16:06,173 --> 00:16:09,677 at sumisikat na ang araw at alam mo, sa lahat ng iyon sabi ko, 236 00:16:09,760 --> 00:16:11,637 "Ah hayop, heto na naman tayo. 237 00:16:11,720 --> 00:16:14,390 Ito ay magiging… magiging interesante uli ito." 238 00:16:18,686 --> 00:16:19,979 Ginawa ang tawag, 239 00:16:20,062 --> 00:16:22,773 "Hoy, puno na ang mga armored vehicle." 240 00:16:22,856 --> 00:16:24,566 At ang plano ay samahan namin 241 00:16:24,650 --> 00:16:28,070 ‎at tabihan namin ang mga armored vehicle. 242 00:16:28,779 --> 00:16:31,240 ‎Bilis, bilis, bilis! 243 00:16:32,116 --> 00:16:33,617 Ang gagawin mo ay, 244 00:16:33,701 --> 00:16:35,369 uusad kayo sa tabi ng daan 245 00:16:35,452 --> 00:16:37,538 habang ang mga armored vehicle na ito 246 00:16:37,621 --> 00:16:38,747 ay aandar sa tabi ninyo. 247 00:16:42,668 --> 00:16:46,338 Gamitin ninyong takip ito sa mga kalaban. 248 00:16:52,886 --> 00:16:54,346 ‎Kilos, kilos! 249 00:16:54,430 --> 00:16:57,141 At pagdating sa unang intersection, 250 00:16:57,224 --> 00:17:01,437 hindi huminto ang mga convoy, tuloy-tuloy lang sila. 251 00:17:07,026 --> 00:17:09,445 Dire-diretso lang ang mga armored vehicle na iyon, 252 00:17:09,528 --> 00:17:11,030 "Hindi ninyo kailangang alalahanin ang bala. 253 00:17:11,113 --> 00:17:12,489 Kailangan naming mag-ingat sa bala." Umalis na lang sila. 254 00:17:14,783 --> 00:17:15,743 Isa iyon sa mga bagay na, 255 00:17:15,826 --> 00:17:17,703 "Aba, ang bilis madisgrasya ng planong ito." 256 00:17:21,081 --> 00:17:23,542 Doon uli sa parehong daan kung nasaan ako kahapon lang, 257 00:17:23,625 --> 00:17:26,462 babalik sa parehong direksyon, na hindi mo ginagawa, 258 00:17:26,545 --> 00:17:29,131 sinusundan ang mga sasakyang nagsasabi sa lahat na parating kami. 259 00:17:29,214 --> 00:17:30,382 "Oh, may naririnig akong sasakyan, tingnan ko nga sa bintana. 260 00:17:30,466 --> 00:17:33,093 Oh, may mga taong naglalakad, barilin na lang natin sila." 261 00:17:35,095 --> 00:17:37,347 Isa iyon sa mga, "Grabe, di na talaga ito matatapos, 'no?" 262 00:17:38,348 --> 00:17:42,102 Nasa gitna ako ng buong labanan. 263 00:17:42,186 --> 00:17:43,979 Hindi na napahinga ang baril ko. 264 00:17:46,315 --> 00:17:49,068 Tuwing nagpapaputok kami 265 00:17:49,693 --> 00:17:52,321 o may pinatutumba na sinuman sa mga sundalo, 266 00:17:52,404 --> 00:17:53,697 lumalakas ang pagkapanalo namin. 267 00:17:56,658 --> 00:17:58,285 Nakalusot kami sa isang intersection. 268 00:17:58,368 --> 00:18:01,580 Habang umuusad ako sa may pader, 269 00:18:02,414 --> 00:18:04,500 pakiramdam ko may taong lumapit at hinampas ako sa likod 270 00:18:06,418 --> 00:18:07,753 ‎gamit ang baseball bat. 271 00:18:11,507 --> 00:18:13,550 ‎Nakarinig ako ng, "Hayop naman!" 272 00:18:13,634 --> 00:18:15,594 At tumingin ako sa tapat ng kalye. Nandoon si Randy Ramaglia… 273 00:18:15,677 --> 00:18:16,595 ‎Bilis! 274 00:18:16,678 --> 00:18:18,138 ‎…sabi niya, "Tinamaan ako." 275 00:18:19,807 --> 00:18:24,937 Kinapa ko ang vest ko at inaasahan kong may exit hole na mahahanap. 276 00:18:25,938 --> 00:18:27,564 Walang exit hole. 277 00:18:28,232 --> 00:18:30,901 At anumang oras inaasahan ko habang humihinga ako 278 00:18:30,984 --> 00:18:32,152 ‎na makarinig ng tunog ng bumubulwak. 279 00:18:32,236 --> 00:18:36,156 Sumigaw mula sa kabilang daan ang unit medic, "Hoy, ayos ka lang?" 280 00:18:36,949 --> 00:18:38,283 At sinabi ko sa kanya, 281 00:18:38,367 --> 00:18:41,662 "Oo, ayos lang," kahit hindi ko alam kung ayos nga ako o hindi. 282 00:18:41,745 --> 00:18:44,915 Pero ang tanging alam ko lang ay makakatakbo ako. 283 00:18:46,625 --> 00:18:49,253 Sugatan o hindi, kailangan mong tumuloy, patuloy ka dapat lumaban. 284 00:18:53,090 --> 00:18:57,052 Di ka na makakabalik kapag namatay ka. 285 00:18:57,136 --> 00:18:59,721 Pero kung sugatan, may pag-asa pa. 286 00:19:00,597 --> 00:19:01,974 Buhay ka pa! 287 00:19:04,935 --> 00:19:07,271 Nabaril ako rito. 288 00:19:07,354 --> 00:19:09,022 Ipapakita ko sa 'yo. 289 00:19:09,106 --> 00:19:10,941 ‎May butas na ngayon. 290 00:19:11,608 --> 00:19:18,490 Hindi na mahalaga ang mabaril at ang sakit, hindi mahalaga iyon. 291 00:19:18,574 --> 00:19:23,745 Nabuhay kami para bumaril o kaya mabaril. 292 00:19:25,414 --> 00:19:27,457 At patuloy kaming tumakbo. 293 00:19:31,295 --> 00:19:32,212 Sa wakas, 294 00:19:32,963 --> 00:19:36,341 ‎inabutan namin ang mga sasakyang ‎pinadala para ialis kami roon. 295 00:19:36,425 --> 00:19:39,595 Tumalon pababa ang lalaki, hinatak ako, at basta ako ipinasok sa Humvee. 296 00:19:42,222 --> 00:19:43,307 At basta sila umalis. 297 00:19:44,099 --> 00:19:47,853 Alam mo 'yon, kaya literal na kami ang isa sa mga huling umalis ng kalye. 298 00:19:49,021 --> 00:19:51,356 Isa sa pinakanakakatakot sa panahon ng labanan 299 00:19:51,440 --> 00:19:52,983 ay noong nasa loob kami ng armored vehicle na iyon. 300 00:19:55,110 --> 00:19:57,571 Nandoon lang ako sa likod, binabaril ang lahat ng namamaril sa amin. 301 00:19:58,614 --> 00:20:01,450 At pabalik na kami sa base. 302 00:20:10,626 --> 00:20:14,004 Sobrang iba ng dating sa 'kin ng biyahe paalis ng lungsod 303 00:20:14,087 --> 00:20:16,089 ngayon kaysa sa kahapon. 304 00:20:17,049 --> 00:20:19,051 Ang tanging nag-iba lang 305 00:20:19,134 --> 00:20:21,845 sa nakaraang araw ay ang pananaw ko. 306 00:20:21,929 --> 00:20:25,933 At ang ngayon ay ang pangit lang talaga. 307 00:20:43,242 --> 00:20:46,495 Nabagsakan ako ng mga labi ng bahay ko. 308 00:20:47,412 --> 00:20:50,874 Nasa ilalim ako ng mga durog na bato. 309 00:20:50,958 --> 00:20:52,668 Bumuga ako ng dugo mula sa bibig ko. 310 00:21:00,133 --> 00:21:01,969 Sabi ng anak kong si Ifrah, 311 00:21:02,052 --> 00:21:04,763 "Mama, wala po akong makita at dumudugo ang mga mata ko. 312 00:21:05,597 --> 00:21:09,393 Hindi sumasagot ang kapatid ko." 313 00:21:12,312 --> 00:21:14,189 Nagdurugo ang mata niya. 314 00:21:14,815 --> 00:21:17,442 Sabi ko, "Wala ka na bang mata?" 315 00:21:17,985 --> 00:21:19,486 "Wala na," sabi niya at umiyak talaga ako. 316 00:21:22,698 --> 00:21:25,409 Tanong ko, "Nasaan ang mga bata?" at sabi sa 'kin ay patay na sila. 317 00:21:27,452 --> 00:21:33,125 Ang panganay ko, ang sumunod sa kanya at ang asawa ko, ay namatay lahat. 318 00:21:34,084 --> 00:21:38,130 Sugatan ang natitirang apat. 319 00:21:42,509 --> 00:21:44,052 Tanong ni Ifrah, "Nasaan ang papa ko?" 320 00:21:45,637 --> 00:21:47,180 Sabi sa kanya, "Patay na siya. 321 00:21:48,473 --> 00:21:49,891 Pinatay siya ng mga Amerikano." 322 00:21:51,310 --> 00:21:55,480 Sabi niya, "Dapat patayin ang Amerikano at dapat din silang tanggalan ng mata." 323 00:22:10,454 --> 00:22:14,416 Alam mo, maaga akong gumigising. 324 00:22:14,499 --> 00:22:17,127 Natatakot ako para sa buhay ko. 325 00:22:17,919 --> 00:22:21,840 Pero alam kong kailangan kong bumalik doon. 326 00:22:27,804 --> 00:22:31,016 Pero patuloy pa ba ang labanan 327 00:22:31,099 --> 00:22:32,851 o ligtas na sa lugar na iyon? 328 00:22:32,934 --> 00:22:34,436 Kailangan kong malaman. 329 00:22:43,737 --> 00:22:46,406 Bumaba ako sa motor ko. 330 00:22:46,490 --> 00:22:47,866 Kinuha ko ang camera ko 331 00:22:47,949 --> 00:22:49,576 at pinindot ko ang record. 332 00:22:58,126 --> 00:23:00,170 Dakila ang Diyos! Dakila ang Diyos! 333 00:23:00,879 --> 00:23:05,342 Lumalapit ang lahat sa camera para magsalita… 334 00:23:08,512 --> 00:23:09,846 kung ano'ng nangyari. 335 00:23:10,806 --> 00:23:12,349 At masaya sila! 336 00:23:18,313 --> 00:23:19,731 Dakila ang Diyos! 337 00:23:21,233 --> 00:23:24,444 Tumatalon-talon sila sa bumagsak na helicopter. 338 00:23:25,570 --> 00:23:27,739 Lahat ng tao, nagsasaya sila at sinasabing, 339 00:23:27,823 --> 00:23:29,658 "Natalo namin ang mga Amerikano." 340 00:23:29,741 --> 00:23:31,743 Amerika, layas! 341 00:23:31,827 --> 00:23:33,036 ‎Tingin ka rito. 342 00:23:33,120 --> 00:23:34,079 ‎May dalawang lalaki pa. 343 00:23:35,163 --> 00:23:38,416 Kita mo? Kita mo mga bala ko? 344 00:23:39,126 --> 00:23:41,169 ‎Sumpain ang America! 345 00:23:42,379 --> 00:23:43,880 Sabi nila, "Nanalo kami. 346 00:23:43,964 --> 00:23:45,799 Nanalo kami at nagtagumpay." 347 00:23:45,882 --> 00:23:47,300 Oo. 348 00:23:57,644 --> 00:24:00,063 ‎Kung Ranger kayo, tatalunin namin kayo! 349 00:24:00,438 --> 00:24:02,566 Kung Ranger kayo, tatalunin namin kayo! 350 00:24:02,858 --> 00:24:06,903 Alis mga Amerikano, alis. 351 00:24:15,412 --> 00:24:16,538 Noong kumukuha ako, 352 00:24:17,122 --> 00:24:19,749 narinig kong sinabi ng isang babae, 353 00:24:20,876 --> 00:24:21,877 "Tingnan mo!" 354 00:24:28,133 --> 00:24:31,511 At noong makita ko, nakita kong 355 00:24:31,595 --> 00:24:33,430 bangkay iyon ng isang Amerikano. 356 00:24:34,848 --> 00:24:36,224 Sundalong Amerikano. 357 00:24:44,024 --> 00:24:46,985 Nang makita ko ang bangkay, nagulat ako. 358 00:24:53,408 --> 00:24:56,328 Galit na galit sila 359 00:24:56,411 --> 00:24:59,414 tapos minsan ay tinatapakan nila. 360 00:25:01,958 --> 00:25:05,170 Wala kang masasabing kahit ano tungkol dito. 361 00:25:05,253 --> 00:25:08,673 Gusto ko lang umalis na doon, 362 00:25:08,757 --> 00:25:11,051 pero kailangan kong gawin ang trabaho ko. 363 00:25:15,889 --> 00:25:17,682 Hindi iyon tama. 364 00:25:17,766 --> 00:25:22,145 Dapat mong igalang ang patay, kahit kaaway mo pa. 365 00:25:31,154 --> 00:25:32,864 Alam mo, ang layon ko 366 00:25:32,948 --> 00:25:36,034 ‎ay makita ng buong mundo ‎ang nangyayari sa Somalia. 367 00:25:37,494 --> 00:25:39,955 Noong umaga, nagpunta ako sa paliparan. 368 00:25:41,873 --> 00:25:45,835 Tuwing umaga, may flight papuntang Nairobi. 369 00:25:46,795 --> 00:25:48,380 Nagpadala ako ng tatlong tape, 370 00:25:49,339 --> 00:25:51,258 at noong araw na iyon mismo, pinalabas nila. 371 00:25:52,634 --> 00:25:55,804 Alam kong iibahin ng footage na ito ang lahat! 372 00:26:01,685 --> 00:26:03,520 Sa wakas ay nakabalik kami sa hangar. 373 00:26:04,479 --> 00:26:08,441 Ibinaba namin ang gamit namin at biglang tumakbo ang lahat 374 00:26:08,525 --> 00:26:12,487 ng nasa hangar sa sulok sa likod kung saan may telebisyon. 375 00:26:15,365 --> 00:26:17,117 Magandang gabi, salamat sa pagsama sa amin. Ako si Angela Robinson. 376 00:26:17,200 --> 00:26:18,785 At ako si Morris Jones. 377 00:26:18,868 --> 00:26:20,829 Ang kapalit ng pagkakasangkot ng US 378 00:26:20,912 --> 00:26:23,415 sa Somalian relief efforts ay mabilis na lumalala. 379 00:26:23,498 --> 00:26:26,251 May pulutong ng parang 50, 75 katao. 380 00:26:27,002 --> 00:26:29,587 At nagpunta kami roon para makita kung ano'ng nangyayari. 381 00:26:29,671 --> 00:26:31,006 Paalala lamang po, 382 00:26:31,089 --> 00:26:34,009 lubhang maselan ang ilan sa mga kuha sa ulat na ito. 383 00:26:34,092 --> 00:26:39,097 At sa TV ay isang sundalong Amerikano na hinihila sa daan. 384 00:26:44,102 --> 00:26:47,188 Hila siya ng lubid at tumigil sila para tadyakan siya. 385 00:26:51,318 --> 00:26:53,153 Hindi makapaniwala ang lahat doon, 386 00:26:53,236 --> 00:26:54,904 at may mga taong sumisigaw sa TV. 387 00:26:55,488 --> 00:26:56,740 Alam mo 'yon, "Ano iyan?" 388 00:26:56,823 --> 00:26:59,951 Halos parang circus siya. 389 00:27:00,035 --> 00:27:01,786 Hindi talaga ako makapaniwala. 390 00:27:04,414 --> 00:27:09,252 Tumalon din ang mga Somali para magdiwang sa isang napabagsak na helicopter ng US. 391 00:27:09,336 --> 00:27:11,379 Hindi lamang ito ang nakikita ng mundo… 392 00:27:12,255 --> 00:27:17,135 pati ang mga taong nagdiriwang sa ibabaw ng bangkay ng tao. 393 00:27:17,802 --> 00:27:20,138 At ang matindi pa, isa siya… sa amin. 394 00:27:20,221 --> 00:27:21,556 Kasamahan namin. 395 00:27:25,060 --> 00:27:27,604 Nakakadiri talaga. 396 00:27:28,229 --> 00:27:32,150 At naisip ko na, alam mo, nakikita ito ng mga pamilya. 397 00:27:38,490 --> 00:27:40,158 Noong pinakasalan ko si Gary, 398 00:27:40,241 --> 00:27:42,202 ‎wala talaga akong ideya ‎kung ano ba ang The Unit. 399 00:27:42,285 --> 00:27:45,747 Ang alam ko lang ay nasa Special Forces iyon. 400 00:27:47,499 --> 00:27:50,835 Hindi ipinapaalam iyon sa mga asawa. 401 00:27:51,544 --> 00:27:54,255 Bago siya nagpunta sa Somalia, 402 00:27:54,339 --> 00:27:56,508 ‎wala akong alam na may pupuntahan siya. 403 00:27:57,801 --> 00:28:00,053 Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta o kung iyon ba, 404 00:28:00,136 --> 00:28:01,596 ah, isang mission o kahit ano pang ganoon. 405 00:28:01,679 --> 00:28:04,516 Para lang siyang, "Kailangan kong bumiyahe." 406 00:28:07,560 --> 00:28:09,479 Ilang buwan ang lumipas, 407 00:28:10,397 --> 00:28:13,525 ‎at sinabihan akong MIA siya sa Somalia. 408 00:28:14,818 --> 00:28:17,195 Sinusubukan kong isipin kung ano itsura ng Somalia. 409 00:28:18,113 --> 00:28:22,242 Alam mo, ang salitang "MIA", naririnig mo iyon noong Vietnam. 410 00:28:22,867 --> 00:28:24,327 Hindi ko maintindihan iyon. 411 00:28:24,411 --> 00:28:26,121 Napakalabo niya. 412 00:28:29,791 --> 00:28:33,837 At binuksan ko ang TV, at may ulat, 413 00:28:34,462 --> 00:28:37,632 nakita ko ang mga bangkay na hinihila sa daan. 414 00:28:39,592 --> 00:28:44,013 Hindi ko mawari kung paano, 415 00:28:44,889 --> 00:28:47,726 kung paanong ang tao ay napaka… 416 00:28:48,893 --> 00:28:49,811 ‎lupit. 417 00:28:53,565 --> 00:28:57,861 Noon lang, habang nanonood ng TV para makita, 418 00:28:58,611 --> 00:29:00,989 at para sa 'kin, ito ay naging… 419 00:29:02,782 --> 00:29:06,870 misyon ko kung makikilala ko siya. 420 00:29:12,208 --> 00:29:14,753 Tipong hindi ko maunawaan kung paanong hindi mahanap ang tao 421 00:29:15,712 --> 00:29:17,046 noong panahong iyon. 422 00:29:17,130 --> 00:29:19,841 Alam ko kung sino mula sa sasakyan ko ang nandito. 423 00:29:19,924 --> 00:29:22,135 May nawawala ba tayong tao? Sino sila? 424 00:29:22,218 --> 00:29:24,137 Nagsimula ang mga tanong, "Nasaan si ganito? 425 00:29:24,220 --> 00:29:25,722 Nasaan si…?" Alam mo 'yon, "Nasaan si…?" 426 00:29:25,805 --> 00:29:26,848 "Nagpunta sila sa target na ito. 427 00:29:26,931 --> 00:29:27,807 May balita ka ba sa kanila?" 428 00:29:28,892 --> 00:29:29,726 "Ah, wala na si Griz." 429 00:29:29,809 --> 00:29:30,685 "Ah, okay." 430 00:29:30,769 --> 00:29:32,228 "Nakita kong nasugatan si Earl, kumusta na siya?" 431 00:29:32,312 --> 00:29:33,396 "Hindi, patay na si Earl. 432 00:29:33,480 --> 00:29:34,355 Agad siyang namatay. 433 00:29:34,439 --> 00:29:36,357 Nabaril siya sa ulo at agad namatay." 434 00:29:36,441 --> 00:29:37,317 Wala akong alam. 435 00:29:38,860 --> 00:29:41,613 Napakaraming nasa ospital, ginagamot. 436 00:29:42,572 --> 00:29:44,115 Abot sa 100 ang sugatan. 437 00:29:44,949 --> 00:29:46,201 Nakakapanlumong pakiramdam na, 438 00:29:46,284 --> 00:29:48,870 "Mas malala ito sa inaasahan ko." 439 00:29:48,953 --> 00:29:52,081 Tapos naroon ang lahat ng sasakyang puno ng dugo at buhangin, at amoy ng clorox. 440 00:29:58,379 --> 00:30:00,215 Puno ng mga butas ng bala. 441 00:30:02,717 --> 00:30:06,429 Tapos narinig ko, may mga trash bag na may lamang parte ng katawang binalik sa amin. 442 00:30:09,182 --> 00:30:10,266 Ginagalit ka. 443 00:30:10,850 --> 00:30:14,187 Nakakagalit talaga, at iniisip mo kung paano nagagawa iyon ng mga tao. 444 00:30:15,271 --> 00:30:16,314 Ang tindi ng galit ko. 445 00:30:19,192 --> 00:30:23,404 Tingin ko, nasa punto na kami na halos di na makapagtimpi ang mga tao. 446 00:30:26,407 --> 00:30:27,283 Doon uli sa hangar, 447 00:30:27,367 --> 00:30:30,411 tinipon nila ang mga bihag na nakuha namin sa orihinal na mission. 448 00:30:31,579 --> 00:30:34,958 At tinipon sila, inilagay sa CONEX, 449 00:30:35,041 --> 00:30:37,335 kinuha itong isang high-value target, 450 00:30:38,044 --> 00:30:42,590 at inilagay siya sa hiwalay na silid, at sinabi sa aking bantayan ko iyon. 451 00:30:44,884 --> 00:30:48,513 Kita ko pa rin ang mukha ng lalaking iyon, puting balbas, puting buhok. 452 00:30:49,138 --> 00:30:50,265 Mas matandang lalaki. 453 00:30:51,140 --> 00:30:52,350 Ang hina talaga. 454 00:30:55,854 --> 00:30:57,021 Nakatingin lang ako sa lalaking ito. 455 00:30:57,105 --> 00:30:59,190 Pinaka-kakaibang paghaharap iyon na maiisip mo. 456 00:30:59,274 --> 00:31:02,193 Wala siyang masabi sa 'kin, wala akong masabi sa kanya. 457 00:31:02,277 --> 00:31:03,319 Nagtitigan lang kami. 458 00:31:03,403 --> 00:31:04,779 Alam naming ayaw namin sa isa't isa. 459 00:31:04,863 --> 00:31:06,656 Napapaisip siya kung papatayin ko siya, 460 00:31:07,407 --> 00:31:08,616 at iniisip ko kung papatayin ko siya. 461 00:31:10,368 --> 00:31:12,412 Inisip ko noong una na saksakin siya. 462 00:31:12,996 --> 00:31:15,290 Panay pasok lang sa isip ko, "Saksakin siya." 463 00:31:16,040 --> 00:31:18,376 Alam mo, bale pinaplano ko ang pagpatay sa taong ito. 464 00:31:20,628 --> 00:31:22,171 Gusto ko talagang gawin iyon. 465 00:31:31,598 --> 00:31:35,226 Ang lalaking iyon sa silid ay suwerteng sira ulo noong araw na iyon, 466 00:31:36,144 --> 00:31:37,395 kasi pinatay ko siya dapat. 467 00:31:42,734 --> 00:31:45,153 Nalulula kaming lahat sa balitang natatanggap namin. 468 00:31:47,113 --> 00:31:49,324 At sinimulan nilang tukuyin kung sino ang nawawala, 469 00:31:49,407 --> 00:31:50,909 at sila ay sina Gary, Randy, at Durant. 470 00:31:51,910 --> 00:31:53,286 Gusto lang namin lahat malaman, 471 00:31:53,369 --> 00:31:54,913 "Mayroon pa ba sa kanilang naroon pa?" 472 00:32:02,712 --> 00:32:04,672 Nandoon ako sa opisina ko. 473 00:32:05,715 --> 00:32:07,926 May ginagawa akong editing. 474 00:32:09,302 --> 00:32:13,640 May kilala akong may contact kay Aidid, lumitaw siya sa pinto ko. 475 00:32:14,557 --> 00:32:19,103 Sabi niya, "Ahmed, may Amerikano, sundalo. 476 00:32:19,687 --> 00:32:21,397 Buhay siya at nakakulong. 477 00:32:22,482 --> 00:32:25,902 Puwede ka bang sumama sa 'kin at mag-record?" 478 00:32:26,653 --> 00:32:28,237 Sabi ko, "Oo!" 479 00:32:30,490 --> 00:32:34,702 Ang mga international journalist, wala silang kapit para pumunta. 480 00:32:34,786 --> 00:32:36,287 Pero ako, kaya ko. 481 00:32:37,330 --> 00:32:38,414 Ginagawa ko iyon. 482 00:32:39,040 --> 00:32:41,709 Kinuha ko ang camera ko, sumama ako sa kanya. 483 00:32:48,466 --> 00:32:50,718 Natatakot ako para sa buhay ko. 484 00:32:54,555 --> 00:32:57,141 Pumasok kami sa bahay. 485 00:32:57,225 --> 00:33:04,065 Pagkatapos may nakita akong isang lalaking Puti… nakaupo. 486 00:33:04,148 --> 00:33:07,360 Ang mukha niya, parang takot siya. 487 00:33:10,905 --> 00:33:12,073 Sa anong army? 488 00:33:12,156 --> 00:33:13,574 US Army. 489 00:33:15,076 --> 00:33:17,453 -Ranger ka? -Hindi. 490 00:33:18,955 --> 00:33:20,415 Hindi ako Ranger. 491 00:33:21,499 --> 00:33:24,043 Nakasuot siya ng medyo berdeng t-shirt. 492 00:33:24,669 --> 00:33:26,504 Namumugto ang mata niya. 493 00:33:27,797 --> 00:33:31,175 CW3, Mike Durant. 494 00:33:33,678 --> 00:33:35,096 Inayos nila ang upo ko, 495 00:33:35,179 --> 00:33:38,808 kung saan iniiwas ko ang bigat ko sa gulugod ko, 496 00:33:38,891 --> 00:33:42,020 pero nahihirapan pa rin ako sa iba't ibang tindi ng sakit. 497 00:33:46,649 --> 00:33:49,485 'Yong kasama kong lalaki ang nagtatanong. 498 00:33:51,446 --> 00:33:52,864 Saan ka nagmula? 499 00:33:53,614 --> 00:33:54,949 United States. 500 00:33:57,326 --> 00:33:59,120 Naipit ako sa patibong na ito. 501 00:33:59,203 --> 00:34:00,288 Ano'ng masasabi mo? 502 00:34:00,371 --> 00:34:01,956 May kahit ano ka bang sasagutin? 503 00:34:02,540 --> 00:34:06,544 Hindi sulit ikamatay iyan… ang iwasang sabihing, 504 00:34:06,627 --> 00:34:07,754 "Piloto ako ng Black Hawk." 505 00:34:09,630 --> 00:34:10,882 Piloto ako ng Black Hawk. 506 00:34:12,258 --> 00:34:15,303 "Saang army ka, saan ka ipinanganak?" 507 00:34:15,386 --> 00:34:16,637 Sa US. 508 00:34:16,721 --> 00:34:22,769 Isa itong grupo ng taong malinaw na may pakay 509 00:34:23,352 --> 00:34:27,648 na pilitin akong magsabi ng may pulitikal na pakinabang sa kanila. 510 00:34:29,317 --> 00:34:32,111 At sinusubukan nila akong utuin 511 00:34:32,195 --> 00:34:34,739 at ipasabi sa 'kin ang bagay na ayokong sabihin. 512 00:34:35,865 --> 00:34:40,411 Sa tingin mo, ano'ng lagay ng operation na ito? 513 00:34:42,080 --> 00:34:43,247 ‎Ang operation na ito'y… 514 00:34:44,457 --> 00:34:45,750 Gaya ng sinabi ko, 515 00:34:45,833 --> 00:34:48,169 sundalo ako, ginagawa ko lang ang iniuutos sa 'kin. 516 00:34:48,252 --> 00:34:50,046 Nagpatuloy sila sa isa pang tanong, 517 00:34:50,129 --> 00:34:52,465 at tuloy lang nang tuloy, tuloy lang nang tuloy, tuloy lang nang tuloy, 518 00:34:52,548 --> 00:34:54,133 at sinabi nila, 519 00:34:54,217 --> 00:34:56,594 "Pumapatay ka ba ng inosenteng tao?" 520 00:34:58,846 --> 00:35:01,557 Halata ko kung ano'ng gusto nilang sabihin ko. 521 00:35:01,641 --> 00:35:02,850 Gusto nilang sabihin ko, 522 00:35:02,934 --> 00:35:04,435 "Oo, nandito ang mga Amerikano. 523 00:35:04,519 --> 00:35:06,479 Pumapatay kami ng mga inosenteng Somali, 524 00:35:06,562 --> 00:35:08,064 at narito kami para sakupin ang bansa." 525 00:35:08,147 --> 00:35:09,357 Wala doon ang totoo. 526 00:35:09,982 --> 00:35:11,901 Kaya hindi ko sasabihin iyon. 527 00:35:11,984 --> 00:35:17,573 Pero paano ako magsasabi ng bagay para matapos ito? 528 00:35:19,117 --> 00:35:21,369 Hindi mabuti ang pumatay ng mga inosenteng tao. 529 00:35:23,037 --> 00:35:26,082 Nang namutawi sa bibig ko ang mga huling salita, 530 00:35:26,916 --> 00:35:29,085 pinatay nila ang camera at lumabas. 531 00:35:32,588 --> 00:35:35,007 Ginagawa ko lang ang trabaho ko. 532 00:35:35,758 --> 00:35:36,926 Para i-broadcast, kuha mo? 533 00:35:37,635 --> 00:35:42,140 Pero binago ng tape ko ang buong mundo. 534 00:35:42,223 --> 00:35:43,182 Magandang gabi. 535 00:35:43,266 --> 00:35:45,977 Sa isang dako ng Somalia ngayong gabi, isang Amerikanong sundalo, 536 00:35:46,060 --> 00:35:48,604 marahil ay marami, ay binihag. 537 00:35:48,688 --> 00:35:50,648 Isang takot at duguang bihag, 538 00:35:50,731 --> 00:35:53,359 kung saan ang mga dumukot sa kanya ay na-video ang pagtatanong sa kanya. 539 00:35:54,026 --> 00:35:55,528 Isa akong piloto ng Black Hawk. 540 00:35:55,611 --> 00:35:58,531 Ibinigay namin ang pinakamahigpit na puwedeng babala 541 00:35:58,614 --> 00:36:00,408 na pag may anumang nangyari sa kanila, 542 00:36:01,242 --> 00:36:04,745 lubhang seseryosohin ito ng United States, 543 00:36:04,829 --> 00:36:06,497 at gagawa ng angkop na hakbang. 544 00:36:07,540 --> 00:36:10,084 Natatandaan kong nakita ko si Michael, 545 00:36:10,168 --> 00:36:12,420 ‎at ang una kong naisip ay asawa niya… 546 00:36:14,797 --> 00:36:17,216 at kung ano ang pinagdaraanan niya. 547 00:36:19,093 --> 00:36:22,805 Binibigay ko ang mensaheng ito sa pag-asang makakarating sa asawa ko. 548 00:36:22,889 --> 00:36:25,933 Gusto kong malaman niya na ayos lang kami ni Joey. 549 00:36:27,143 --> 00:36:30,396 Hinihintay ka ni Joey na umuwi bago siya matutong maglakad. 550 00:36:30,479 --> 00:36:33,107 Gusto niyang makita ng papa niya ang mga unang hakbang niya. 551 00:36:34,275 --> 00:36:35,735 Ingatan mo ang sarilli mo. 552 00:36:35,818 --> 00:36:37,069 Huwag mo kaming alalahanin. 553 00:36:37,737 --> 00:36:38,988 Ayos lang kami. 554 00:36:40,656 --> 00:36:44,160 Sobra siguro siyang nag-alala 555 00:36:44,744 --> 00:36:47,788 sa kung ano'ng mangyayari sa kanya, ang trauma, 556 00:36:47,872 --> 00:36:50,082 o anumang ginagawa nila sa kanya. 557 00:36:50,166 --> 00:36:55,254 At ang, ah… iniisip ko na, "Siguro… 558 00:36:58,216 --> 00:37:01,510 baka buhay siya, baka buhay pa si Gary." 559 00:37:07,934 --> 00:37:10,895 OKTUBRE 10 560 00:37:11,604 --> 00:37:14,482 Nasa bahay ako, at may narinig akong pumaradang kotse, 561 00:37:14,565 --> 00:37:17,360 at naalala kong pumihit ako, 562 00:37:17,443 --> 00:37:21,239 at may nakita akong dalawang lalaking naka-uniporme. 563 00:37:21,322 --> 00:37:25,493 At alam kong ibig sabihin no'n ay may balitang darating. 564 00:37:26,077 --> 00:37:28,204 At tanda ko na agad kong ibinaling palayo ang ulo ko, 565 00:37:28,287 --> 00:37:30,248 tipo bang pag hindi ko iyon pinansin, 566 00:37:30,331 --> 00:37:32,750 hindi siya mangyayari, hindi siya totoo. 567 00:37:32,833 --> 00:37:34,377 Hindi ito totoo. 568 00:37:38,923 --> 00:37:41,634 Naupo kami ng mga sundalo at sinabi nila sa 'kin… 569 00:37:43,302 --> 00:37:45,429 na narekober na ang bangkay ni Gary. 570 00:37:47,682 --> 00:37:51,894 Ako ay… Hinampas ko siya 571 00:37:51,978 --> 00:37:54,563 ‎nang ilang ulit sa dibdib niya. 572 00:37:54,647 --> 00:37:57,608 Nagmamakaawang hindi iyon totoo. 573 00:38:00,069 --> 00:38:02,989 Heto, tingnan mo si Ma, mag-hi ka. 574 00:38:03,072 --> 00:38:05,408 Ian, maglalagay ka ba ng bulate sa pamingwit? 575 00:38:06,033 --> 00:38:07,118 Opo. 576 00:38:08,202 --> 00:38:09,745 ‎Ayan. 577 00:38:10,496 --> 00:38:11,664 ‎Tatay at anak. 578 00:38:12,456 --> 00:38:13,749 Ayos. 579 00:38:13,833 --> 00:38:15,084 Heto na naman sila. 580 00:38:17,586 --> 00:38:21,841 Ano ang sasabihin mo sa isang batang kaka-anim na taon lang? 581 00:38:22,842 --> 00:38:25,886 Paano mo ipapaliwanag ang ganoong bagay? 582 00:38:25,970 --> 00:38:27,138 Hilahin mo, Ian! 583 00:38:27,221 --> 00:38:29,307 Dali, nakahuli ka ng isda! 584 00:38:30,641 --> 00:38:34,478 Ang galing, lapit ka rito at ipakita mo kay Mama! 585 00:38:36,105 --> 00:38:37,315 ‎Wow! 586 00:38:37,398 --> 00:38:39,859 Walang bagay, bilang ina, 587 00:38:40,735 --> 00:38:44,697 na magagawa ka para alisin ang sakit. 588 00:38:50,578 --> 00:38:52,538 Siguro masasabi ko na konsuwelo ko 589 00:38:53,873 --> 00:38:58,252 na sinagip ng pagkamatay ni Gary ang buhay ni Michael Durant. 590 00:39:00,921 --> 00:39:05,176 Noong nalaman naming buhay pa si Mike at nabihag, 591 00:39:06,093 --> 00:39:08,637 ang tanging nasa isip ko lang, "Kung may gagawin tayo, 592 00:39:08,721 --> 00:39:11,891 hindi ang kunin si Aidid, kundi para sagipin si Mike Durant, 593 00:39:11,974 --> 00:39:13,809 sa anumang posibleng paraan." 594 00:39:13,893 --> 00:39:15,478 Nagsisimula na kaming, tipo na, 595 00:39:15,561 --> 00:39:17,021 "Okay, gagawin ba natin ito?" 596 00:39:17,104 --> 00:39:18,939 At handa ang mga tropa na sumakay sa sasakyan 597 00:39:19,023 --> 00:39:21,984 at magmaneho pabalik doon para umikot at hanapin siya. 598 00:39:22,860 --> 00:39:25,237 Ang sinabi lang sa amin ay, "Pumirmi kayo. 599 00:39:25,321 --> 00:39:26,572 Wala kayong gagawin." 600 00:39:26,655 --> 00:39:27,615 Magandang gabi sa inyong lahat. 601 00:39:27,698 --> 00:39:30,785 May posibleng alok na tigil-putukan sa Somalia. 602 00:39:30,868 --> 00:39:32,703 Sinabi umano ng warlord na si Mohamed Farrah Aidid 603 00:39:32,787 --> 00:39:35,664 na tatanggap siya ng balangkas ng kapayapaan mula sa US. 604 00:39:37,708 --> 00:39:40,711 Halos isang buong araw ang ginugol ng US special envoy na si Robert Oakley 605 00:39:40,795 --> 00:39:42,880 sa compound ng United Nations sa Mogadishu 606 00:39:42,963 --> 00:39:46,217 habang naghahanap ng pulitikal na solusyon sa krisis sa Somalia. 607 00:39:46,759 --> 00:39:50,763 Ayon sa source, nakipag-usap si Oakley sa pinuno ng clan ni Mohamed Farrah Aidid, 608 00:39:50,846 --> 00:39:53,307 at maaaring pasimula ito ng isang kasunduan 609 00:39:53,391 --> 00:39:56,227 kung saan titigilan ng US ang mga pagsisikap nitong dakpin si Aidid 610 00:39:56,310 --> 00:40:00,022 bilang kapalit ng kalayaan ng dinukot na piloto ng helicopter na si Michael Durant. 611 00:40:02,400 --> 00:40:03,609 OKTUBRE 14 612 00:40:03,692 --> 00:40:05,486 Kaya gumising ako noong araw na iyon, 613 00:40:05,569 --> 00:40:08,697 at dama mong parang may bago. 614 00:40:08,781 --> 00:40:11,492 Para bang may nag-iba. 615 00:40:12,159 --> 00:40:14,745 Tapos ay may doktor ng Red Cross na pumasok, 616 00:40:14,829 --> 00:40:18,124 at binigyan niya ako ng morphine, at doon 617 00:40:18,207 --> 00:40:21,168 bumigay na ako, at nagsimula akong maniwala na, 618 00:40:21,252 --> 00:40:22,753 "Okay, totoo na siguro ito." 619 00:40:26,340 --> 00:40:28,467 At inihiga nila ako sa stretcher… 620 00:40:30,428 --> 00:40:33,097 lumabas kami sa kalye, puro camera kahit saan. 621 00:40:34,557 --> 00:40:36,559 Isinakay nila ako sa likod ng sasakyan. 622 00:40:38,644 --> 00:40:41,105 Umandar kami, muntik na akong nalaglag palabas ng sasakyan, 623 00:40:41,188 --> 00:40:42,898 kasi sobrang bilis ng andar. 624 00:40:42,982 --> 00:40:44,692 Pinakawalan na si Army Warrant Officer Michael Durant 625 00:40:44,775 --> 00:40:47,528 matapos maging bihag sa loob ng 11 araw. 626 00:40:47,611 --> 00:40:49,363 Maraming nabaling buto ang pilotong Amerikano, 627 00:40:49,447 --> 00:40:51,615 pero hindi nagapi ng mga sigang Somali ang loob niya. 628 00:40:52,533 --> 00:40:54,702 Sa wakas ay dumating kami sa UN compound. 629 00:40:59,290 --> 00:41:01,625 Walang kasing-sarap ang kalayaan. 630 00:41:01,709 --> 00:41:02,710 Tagay, tagay! 631 00:41:04,670 --> 00:41:06,881 At oras na nasa loob ka na ng compound 632 00:41:06,964 --> 00:41:09,175 at nakita mo ang mukha ng mga taong kilala mo, 633 00:41:09,258 --> 00:41:13,971 alam mo 'yon, "Hindi ito guni-guni. Totoo ito, uuwi na ako." 634 00:41:14,680 --> 00:41:18,684 Isang hero's welcome para kay army helicopter pilot Mike Durant. 635 00:41:19,685 --> 00:41:22,062 Ngayong gabi, pauwi na si Michael Durant. 636 00:41:22,855 --> 00:41:25,316 Lubusan kaming nagpapasalamat na si Chief Warrant Officer Durant 637 00:41:25,399 --> 00:41:27,026 ay muli nang makakasama ng kanyang pamilya, 638 00:41:27,109 --> 00:41:28,986 at magpapagaling siya ng kanyang mga sugat. 639 00:41:32,239 --> 00:41:34,742 Tapos huminto sa Washington DC, 640 00:41:35,409 --> 00:41:37,828 at kinabitan ako ng Purple Heart doon. 641 00:41:40,080 --> 00:41:41,415 Medyo nakakaantig makita, 642 00:41:41,499 --> 00:41:42,500 na maraming tao ang lumabas 643 00:41:42,583 --> 00:41:44,919 at ipinagdiwang ang paglaya ko. 644 00:41:47,421 --> 00:41:50,841 May malaking kaluwagan sa dibdib na alam mong 645 00:41:50,925 --> 00:41:53,844 tapos na ang matinding pagsubok na ito sa 'kin at sa pamilya ko. 646 00:41:53,928 --> 00:41:57,973 Ang tanging tanong na lang sa isip ko, "Ano na ang nangyayari sa mission?" 647 00:42:02,228 --> 00:42:04,104 Nakaupo kaming lahat kung saan-saan, nanghuhula 648 00:42:04,188 --> 00:42:06,106 sa susunod na mangyayari. 649 00:42:06,190 --> 00:42:07,399 "Ano ba'ng ginagawa natin? 650 00:42:07,483 --> 00:42:08,609 Gagawa pa ba tayo ng mission?" 651 00:42:09,401 --> 00:42:11,862 Doon kami sinabihan na pinahinto 652 00:42:11,946 --> 00:42:13,405 ni President Clinton ang mission. 653 00:42:14,448 --> 00:42:18,536 Mahalagang tapusin natin ang mission sa Somalia, 654 00:42:18,619 --> 00:42:21,705 pero gagawin natin iyon nang tiyak at walang alinlangan. 655 00:42:23,832 --> 00:42:26,168 Nagpasya si Bill Clinton 656 00:42:26,252 --> 00:42:31,048 na alisin ang mga sundalo sa Somalia 657 00:42:31,131 --> 00:42:33,884 at humingi ng tigil-putukan kay General Aidid. 658 00:42:37,137 --> 00:42:41,141 Nagliligpit na ang mga tropang Amerikano sa Somalia at pauwi na. 659 00:42:41,225 --> 00:42:44,478 Umalis na sa Somalia ngayong araw ang mga natitirang sundalong US. 660 00:42:44,562 --> 00:42:46,814 Halos 16 na buwan matapos nilang lusubin ang mga dalampasigan, 661 00:42:46,897 --> 00:42:50,568 ang huling eroplano ng 120 sundalo ay lumipad pa-Delaware. 662 00:42:53,487 --> 00:42:58,409 Para sa aming nakakagalaw pa, ayaw naming umalis. 663 00:42:59,159 --> 00:43:00,619 Gusto naming manatili. 664 00:43:03,664 --> 00:43:06,584 Namatay ang kaibigan ko, at ngayon gusto mong umalis kami. 665 00:43:06,667 --> 00:43:08,043 Sinayang lang ang mga buhay. 666 00:43:08,919 --> 00:43:11,880 Nagsayang lang kami ng oras, sinayang lang ang mga buhay na iyon. 667 00:43:11,964 --> 00:43:12,965 Galit na galit ako. 668 00:43:13,882 --> 00:43:15,175 Asar na asar. 669 00:43:15,259 --> 00:43:16,719 Asar na asar na asar. 670 00:43:20,431 --> 00:43:23,309 'Yong nangyari sa mga tao natin ang bumagabag sa 'kin. 671 00:43:23,392 --> 00:43:24,977 Naituloy sana namin ang laban. 672 00:43:45,247 --> 00:43:48,876 Pero hindi, iba ang pasya ng mga nasa puwesto kaya 673 00:43:50,586 --> 00:43:52,546 iyon ang aming… iyon ang ginawa namin. 674 00:43:55,174 --> 00:43:56,342 Oo. 675 00:43:58,761 --> 00:43:59,803 Pasensya na. 676 00:44:07,478 --> 00:44:09,188 Oo, medyo nababagabag pa rin ako no'n, 677 00:44:09,271 --> 00:44:10,522 kung paano kami umalis nang ganoon lang, 678 00:44:10,606 --> 00:44:14,151 pero, 'yon nga… tuloy lang ang buhay. 679 00:44:14,234 --> 00:44:16,320 Kailangan mo lang ituloy ang buhay. 680 00:44:18,989 --> 00:44:19,990 Tuloy lang. 681 00:44:22,993 --> 00:44:27,164 NOONG OKTUBRE 3, 1993, NAPATAY ANG 18 SUNDALONG AMERIKANO 682 00:44:27,247 --> 00:44:29,416 HABANG 84 ANG NASUGATAN. 683 00:44:30,793 --> 00:44:32,795 PINAGTATALUNAN ANG BILANG NG MGA SOMALI NA NAMATAY. 684 00:44:32,878 --> 00:44:35,047 TINATAYANG 300 HANGGANG 500 ANG PATAY 685 00:44:35,130 --> 00:44:37,883 AT MAY 1,000 PANG SUGATAN. 686 00:44:42,930 --> 00:44:46,850 Ang United States, na nagpapakilalang super power, 687 00:44:47,976 --> 00:44:50,771 ay dapat mahiya 688 00:44:51,522 --> 00:44:56,026 sa pagmamalaki na namatayan sila ng 20 sundalo, 689 00:44:56,777 --> 00:45:00,948 samantalang noong Oktubre 3 ay pinapatay nila ang lahat ng makitang Somali. 690 00:45:06,870 --> 00:45:10,749 Para sa mga Amerikano, trahedya ang Oktubre 3, 691 00:45:10,833 --> 00:45:12,584 pero para sa amin, isa itong madilim na sandali. 692 00:45:14,128 --> 00:45:18,006 Kapag naiisip ko ang nangyari, sumasakit ang ulo ko. 693 00:45:18,090 --> 00:45:22,761 Nag-iwan ito sa 'kin ng sama ng loob at masasakit na alaala. 694 00:45:22,845 --> 00:45:25,055 Ayokong makakita ng mga Amerikano. 695 00:45:30,936 --> 00:45:33,772 Nakakadurog ng puso ang nakita ko. 696 00:45:34,523 --> 00:45:36,442 Talagang apektado ako nito. 697 00:45:37,734 --> 00:45:44,533 Noong nakita ko ang mga kakila-kilabot na ginawa noong Oktubre 3, 698 00:45:45,117 --> 00:45:46,660 Oktubre 4… 699 00:45:47,411 --> 00:45:51,039 ang nakita ng sarili kong mga mata at ng camera ko… 700 00:45:52,249 --> 00:45:55,794 pagkatapos no'n, tumigil uli ako sa pagkuha ng video. 701 00:45:57,087 --> 00:45:59,089 Sobrang nakakakilabot… oo. 702 00:46:11,185 --> 00:46:15,689 Isang bagay ang mamatay, pero ang pagiging bulag ng anak ko ang masakit sa dibdib. 703 00:46:18,901 --> 00:46:22,112 Wala na ang mga patay, pero wala nang sasama pa sa mawalan ng paningin. 704 00:46:25,115 --> 00:46:28,160 Pero kapag nakikita ko si Ifrah, naiiyak ako. 705 00:46:29,077 --> 00:46:31,705 Matitisod siya, dito at doon. 706 00:46:33,165 --> 00:46:34,249 Papuri sa Diyos. 707 00:46:37,377 --> 00:46:38,504 Bata lang siya noon. 708 00:46:46,136 --> 00:46:49,139 Oh, hawakan natin ito nang tuwid! 709 00:46:49,223 --> 00:46:53,393 Oh, anong klaseng isda iyan? Ha? 710 00:46:55,854 --> 00:46:59,191 Ang anak kong si Ian, sobrang kahawig niya si Gary. 711 00:47:00,526 --> 00:47:02,319 Alam mo, 'yong lambing sa mata niya. 712 00:47:03,237 --> 00:47:07,491 Isang araw tumawag siya at sabi niya, "Mama," 713 00:47:07,574 --> 00:47:10,327 sabi niya, "Mukhang sasali po ako sa mga Ranger." 714 00:47:10,827 --> 00:47:13,413 Ako naman tipong, "Ah, alam kong mangyayari ito." 715 00:47:15,207 --> 00:47:17,709 Ayon, sumunod siya sa mga yapak ng ama niya. 716 00:47:24,675 --> 00:47:25,509 Mahirap iyon. 717 00:47:25,592 --> 00:47:27,219 Noong una siyang sumama, 718 00:47:27,302 --> 00:47:28,762 para aliwin ang sarili ko, lagi kong sinasabi, 719 00:47:28,845 --> 00:47:31,098 "Hindi ito mangyayari sa 'kin nang dalawang beses. 720 00:47:31,848 --> 00:47:32,933 Hindi puwede." 721 00:47:33,725 --> 00:47:37,521 At mayroon siyang mga… 722 00:47:37,604 --> 00:47:41,400 may ilang beses na muntikan na siya talaga, 723 00:47:42,025 --> 00:47:43,443 at kailangan ko lang maniwala 724 00:47:43,527 --> 00:47:47,281 na ang papa niya ang guardian angel niya, sigurado iyon. 725 00:47:53,912 --> 00:47:55,330 Ang ganda niyang sanggol. 726 00:47:56,832 --> 00:48:02,212 Nalanghap niya ang alikabok at usok dala ng mga rocket at bumagsak na helicopter. 727 00:48:02,296 --> 00:48:05,924 Lahat ng ito ay hindi kayang tiisin ng bagong silang na sanggol. 728 00:48:06,008 --> 00:48:09,970 Ang tindi ng naging sakit niya, akala ko mamamatay siya. 729 00:48:12,639 --> 00:48:18,228 Pero salamat sa Diyos, iniligtas Niya siya para sa 'kin at ngayon ang ganda niya. 730 00:48:21,189 --> 00:48:22,941 Ang Amina ay pangalan ng lola niya. 731 00:48:25,152 --> 00:48:28,155 At isinilang siya noong araw ng pakikipaglaban sa mga Ranger. 732 00:48:31,116 --> 00:48:33,452 Kaya tinawag namin siyang Amina Rangers. 733 00:48:46,214 --> 00:48:49,843 Nang makita kong walang tao sa bahay namin, natakot ako. 734 00:48:53,680 --> 00:48:56,600 Akala ko, ako na lang ang buhay. 735 00:49:02,731 --> 00:49:08,195 Nang makita ko ang mama ko, hindi ako makapaniwalang siya nga iyon. 736 00:49:11,406 --> 00:49:15,077 Pero nakilala ko siya, at nagyakapan kami. 737 00:49:16,370 --> 00:49:18,413 Masaya ang puso ko, 738 00:49:19,039 --> 00:49:21,833 sobrang saya ko nang lumapit sa 'kin ang mama ko 739 00:49:21,917 --> 00:49:23,669 at sinabi niyang ligtas ang lahat. 740 00:49:27,047 --> 00:49:32,678 Napakahalaga sa aking makasamang muli ang mama ko. 741 00:49:40,727 --> 00:49:43,313 Gusto nilang pumunta ka sa digmaan, kaya tuturuan ka nila kung paano makidigma. 742 00:49:44,106 --> 00:49:46,525 Pero hindi ka nila tuturuan kung paano harapin iyon pagkatapos. 743 00:49:47,734 --> 00:49:50,153 At talagang hindi nila ako tinuruan kung paano harapin iyon ngayon. 744 00:49:51,321 --> 00:49:54,616 Hindi siya normal, hindi siya tama, at nasa iyo na iyon habambuhay. 745 00:49:59,162 --> 00:50:00,455 "Huwag kang papatay." 746 00:50:01,081 --> 00:50:01,998 Kaso, nakapatay ako. 747 00:50:02,833 --> 00:50:05,001 Hindi ka hihinto para isipin ang mga tao hanggang sa paglaon, 748 00:50:05,752 --> 00:50:07,087 at doon ka nito papatayin. 749 00:50:13,176 --> 00:50:15,679 Naipadala na ako nang ilang ulit, 750 00:50:15,762 --> 00:50:17,305 at wala sa mga nakita ko 751 00:50:18,306 --> 00:50:20,976 sa kabuuan ng pagiging militar ko 752 00:50:21,059 --> 00:50:24,187 ang malapit sa mga bagay na nakita ko 753 00:50:24,271 --> 00:50:26,398 sa Mogadishu noong 1993. 754 00:50:32,738 --> 00:50:36,116 ‎May ilang nakilala ako ‎na nagsasabing ipinadala sila sa Somalia 755 00:50:36,199 --> 00:50:38,368 matapos silang kausapin ng dalawang segundo, masasabi kong 756 00:50:38,452 --> 00:50:40,162 malabo pa sa putik na ipinadala sila sa Somalia. 757 00:50:40,245 --> 00:50:41,621 ‎Malabong kasama namin. 758 00:50:41,705 --> 00:50:43,915 Tipong, maliit na grupo ng mga lalaki iyan, 759 00:50:43,999 --> 00:50:47,294 maliit na grupo, at napaka… 760 00:50:48,295 --> 00:50:51,673 iilang tao ang kayang ikuwento ang nangyari noong araw na iyon. 761 00:50:59,681 --> 00:51:02,434 Labanan lang iyon para sa kanila, tahanan ito para sa 'kin. 762 00:51:08,398 --> 00:51:10,609 Ang layon at prayoridad ko 763 00:51:12,027 --> 00:51:14,529 ay ang itala ang kasaysayan, 764 00:51:14,613 --> 00:51:17,365 kailangan nating ipakita sa mga anak natin kung ano ang nangyari. 765 00:51:21,787 --> 00:51:24,790 Ang mga Amerikano ang nagpunta para makipaglaban dito 766 00:51:25,707 --> 00:51:29,085 at sila mismo ay naging biktima pa ng digmaan. 767 00:51:29,836 --> 00:51:32,047 Makikita mo, sila rin. 768 00:51:34,883 --> 00:51:36,802 Kailangang maihiwalay mo iyon sa isip mo, 769 00:51:36,885 --> 00:51:39,638 at ewan ko, siguro balang araw ay mababaliw na lang ako. 770 00:51:39,721 --> 00:51:44,100 Ewan ko lang, pero 'yon nga… trabaho ko iyon. 771 00:51:46,645 --> 00:51:48,522 Gusto kong isipin uli ang araw na iyon. 772 00:51:48,605 --> 00:51:50,941 Poprotektahan ko lang ang mga kaibigan ko. 773 00:51:52,234 --> 00:51:54,820 Alam mo, mapait na pangyayari iyon sa buhay ko. 774 00:51:55,570 --> 00:51:57,948 May mga bagay na ipinagmamalaki kong talaga, 775 00:51:58,740 --> 00:52:02,619 at may antas ng, 'yon nga, kalungkutan. 776 00:52:04,830 --> 00:52:09,918 At napagtanto kong may mga bagay sa buhay na hindi talaga maaayos. 777 00:52:11,127 --> 00:52:13,505 Matututo ka na lang na dalhin ito habambuhay. 778 00:52:22,097 --> 00:52:26,852 NOONG 1995, IDINEKLARA NI MOHAMED FARRAH AIDID ANG SARILI BILANG PANGULO NG SOMALIA 779 00:52:28,937 --> 00:52:33,525 INAYAWAN NG MGA KALABANG ANGKAN ANG KANYANG PAGKAPANGULO 780 00:52:34,317 --> 00:52:39,072 SA SUMUNOD NA TAON, NAMATAY SIYA MATAPOS MABARIL SA ENGKWENTRO NA AWAY-PULITIKA 781 00:52:40,073 --> 00:52:44,828 PATULOY HANGGANG NGAYON ANG DIGMAANG SIBIL SA SOMALIA 782 00:52:45,495 --> 00:52:47,205 ‎HANGO ANG SERYENG ITO SA ALAALA ‎NG ISANG PANGKAT NG MGA AMERIKANO 783 00:52:47,289 --> 00:52:48,456 ‎AT MGA INDIBIDWAL NA SOMALI. 784 00:52:48,540 --> 00:52:50,292 ‎MARAMI PANG KUWENTO ‎ANG ILALAHAD NG MAGKABILANG PANIG, 785 00:52:50,375 --> 00:52:52,794 ‎MAGING NG MGA HUKBO NG IBANG BANSA ‎NA IPINADALA NG UN SA SOMALIA. 786 00:54:30,100 --> 00:54:32,978 ‎Nagsalin ng Subtitle: Gertrudes Sapitan