1 00:00:06,110 --> 00:00:09,488 ANG ARCHIVAL FOOTAGE SA SERYENG ITO AY TOTOO AT KINUNAN NOONG WORLD WAR II. 2 00:00:09,572 --> 00:00:12,533 NI-RESTORE ITO AT NILAGYAN NG KULAY GAMIT ANG DIGITAL IMAGE TECHNOLOGIES. 3 00:00:19,665 --> 00:00:22,376 SUMUKO ANG FRANCE 4 00:00:23,502 --> 00:00:26,756 NAGSIMULA ANG LONDON BLITZ 5 00:00:28,215 --> 00:00:29,800 BINOMBA ANG LONDON 6 00:00:30,843 --> 00:00:33,637 INATAKE ANG PEARL HARBOR 7 00:00:34,221 --> 00:00:35,681 INATAKE TAYO NG MGA HAPON PEARL HARBOR AT MANILA, TINAMAAN 8 00:00:50,279 --> 00:00:52,656 Kayo ay laman… 9 00:00:52,740 --> 00:00:54,617 Nasa baybayin na ba kayo? Over. 10 00:01:03,209 --> 00:01:04,085 Winston? 11 00:01:09,799 --> 00:01:10,674 Winston? 12 00:01:11,884 --> 00:01:13,219 Hindi ka ba matutulog? 13 00:01:17,515 --> 00:01:18,390 Winston? 14 00:01:25,689 --> 00:01:26,524 Alam mo ba 15 00:01:27,817 --> 00:01:29,360 na sa oras na magising ka, 16 00:01:31,862 --> 00:01:34,198 20,000 sa ating mga binata… 17 00:01:36,200 --> 00:01:37,743 nasawi na? 18 00:01:50,714 --> 00:01:52,091 Hindi tayo susuko. 19 00:01:58,806 --> 00:02:01,058 Ang paghahanda para sa Operation Overlord 20 00:02:01,142 --> 00:02:04,186 ang pinakamalaking kaganapan at tungkulin sa mundo. 21 00:02:06,730 --> 00:02:10,151 Ang nakatatakot na kabayaran na buhay at dugo ng tao 22 00:02:10,234 --> 00:02:13,863 para sa matitinding salpukan noong Unang Digmaang Pandaigdig 23 00:02:13,946 --> 00:02:15,948 ay nakaukit sa aking isipan. 24 00:02:18,492 --> 00:02:20,619 Hindi makalimutan ni Churchill ang Gallipoli. 25 00:02:21,328 --> 00:02:23,038 Ang laking kapalpakan no'n. 26 00:02:24,206 --> 00:02:26,458 Habang papalapit nang papalapit 27 00:02:26,542 --> 00:02:29,044 'yong Operation Overlord, 'yong D-Day landings, 28 00:02:29,628 --> 00:02:32,548 natakot siya na dadanak ang dugo, 29 00:02:32,631 --> 00:02:36,802 na inilaan niya ang sarili niya sa isang bagay na mauuwi sa disaster. 30 00:02:37,845 --> 00:02:39,847 Kung isasagawa ang Overlord, 31 00:02:40,389 --> 00:02:43,142 kailangang gumamit ng nakasisirang puwersa. 32 00:02:45,144 --> 00:02:50,357 BAYBAYIN NG FRANCE 33 00:02:51,650 --> 00:02:55,571 Ngunit kahit gaano pa kalakas ang hampas ng bagyo sa ating kuta, 34 00:02:56,071 --> 00:02:57,948 itong laban, sa huli, 35 00:02:58,032 --> 00:03:00,201 sa kabila ng kademonyohan ng ating mga kaaway, 36 00:03:00,284 --> 00:03:02,912 ay magdadala ng pinakadakilang tagumpay sa German Reich. 37 00:03:03,871 --> 00:03:07,458 Germany pa rin ang nangingibabaw sa kontinente ng Europe. 38 00:03:07,541 --> 00:03:09,752 Ang Britain, Amerika, at ang mga kaalyado nila, 39 00:03:09,835 --> 00:03:12,963 kailangan nilang magkaroon ng balwarte sa baybayin banda roon 40 00:03:13,047 --> 00:03:14,798 at palayain na ang Western Europe. 41 00:03:19,261 --> 00:03:22,223 Ang buong southern England ay naging malawak na kampo ng militar 42 00:03:22,932 --> 00:03:25,893 na puno ng mga sundalo na sinanay, tinuruan, 43 00:03:25,976 --> 00:03:30,272 at sabik na sumagupa sa mga German sa kabilang dagat. 44 00:03:31,982 --> 00:03:35,027 Noon pa gusto ni Churchill na bumalik sa kontinente 45 00:03:35,110 --> 00:03:37,238 na may kasamang malaking puwersa, 46 00:03:37,321 --> 00:03:39,531 pero ayaw niyang madaliin 'yon. 47 00:03:39,615 --> 00:03:41,200 Mas gusto niyang gawin 'yon 48 00:03:41,283 --> 00:03:44,912 kapag siguradong-sigurado na siya na magtatagumpay siya. 49 00:03:45,579 --> 00:03:51,293 Hindi puwedeng magpadalos-dalos dahil posibleng manalo ang mga German. 50 00:03:52,127 --> 00:03:56,840 Ang tanong, sapat ba ang dahilan para magsakripisyo ng buhay? 51 00:03:56,924 --> 00:04:00,094 Sa tingin ko, naisip ni Churchill na sapat nga. 52 00:04:01,929 --> 00:04:06,308 Malalaman din ng kalaban na may malaking paglusob na inihahanda. 53 00:04:07,142 --> 00:04:11,188 Kinailangan naming ilihim ang lugar at oras ng pagsalakay 54 00:04:11,272 --> 00:04:17,152 para isipin nilang sa ibang lugar at oras kami dadaong. 55 00:04:18,487 --> 00:04:21,907 Kaunti lang ang mapupuntahan nila. Magandang choice ang Calais. 56 00:04:21,991 --> 00:04:24,410 Malapit 'yon sa England. 57 00:04:24,493 --> 00:04:27,955 Inakala talaga ng mga German na doon aatake ang Allies, 58 00:04:28,038 --> 00:04:30,040 pero sa huli, Normandy ang napili. 59 00:04:30,874 --> 00:04:32,751 Mas malaki ang tsansang makadaong doon 60 00:04:32,835 --> 00:04:35,254 dahil napakatibay ng depensa sa Calais. 61 00:04:36,088 --> 00:04:39,300 Sa panahon ng digmaan, napakahalaga ng katotohanan 62 00:04:39,383 --> 00:04:43,595 kaya dapat palaging may bodyguard siya na mga kasinungalingan. 63 00:04:44,763 --> 00:04:48,434 Lilinlangin nila ang kalaban, at tinawag nila 'yong Operation Bodyguard. 64 00:04:49,268 --> 00:04:51,562 Dapat malito sila tungkol sa kung saan tayo pupunta 65 00:04:51,645 --> 00:04:53,439 para hindi sila makapagbuo ng depensa. 66 00:04:55,107 --> 00:04:57,192 Napakaaktibo ng isipan ni Churchill. 67 00:04:57,276 --> 00:05:02,239 Sobrang natuwa siya sa mga intriga na kasama ng mga planong 'yon. 68 00:05:02,323 --> 00:05:04,199 May mga British double agent 69 00:05:04,283 --> 00:05:06,785 na nagpapakalat ng kasinungalingan sa mga German 70 00:05:06,869 --> 00:05:10,080 at gumagawa-gawa ng kuwento tungkol sa oras at lugar ng pagsalakay. 71 00:05:10,581 --> 00:05:13,834 Nasa southeast England pa si Patton, ang pinakamagaling na US general. 72 00:05:13,917 --> 00:05:16,128 May kasama pa siyang pekeng hukbo. 73 00:05:19,757 --> 00:05:24,511 Puro lang 'yon inflatable na tangke at aircraft na gawa sa kahoy na balsa. 74 00:05:27,014 --> 00:05:29,350 Gumamit sila ng huwad na mga hukbo, 75 00:05:30,351 --> 00:05:32,353 mga eskuwadron ng mga dummy na barko, 76 00:05:32,936 --> 00:05:35,981 at dinagdagan ang wireless activity. 77 00:05:42,071 --> 00:05:45,032 Si General Eisenhower ang mamumuno sa pasalakay sa Normandy. 78 00:05:46,033 --> 00:05:48,994 Siya din ang namuno sa pagdaong sa North Africa. 79 00:05:49,078 --> 00:05:52,206 Siya din ang senior commander sa pagsalakay sa Sicily. 80 00:05:52,289 --> 00:05:54,500 Dalawang beses na siyang nagtagumpay sa pagdaong. 81 00:05:57,169 --> 00:05:59,088 Sa pananaw ni Eisenhower, 82 00:05:59,171 --> 00:06:01,465 kailangan nila ang Britain bilang springboard 83 00:06:01,548 --> 00:06:04,051 sa pagpapalaya ng kontinente, 84 00:06:04,134 --> 00:06:06,512 kaya kailangang makasundo ni Churchill si Eisenhower, 85 00:06:06,595 --> 00:06:08,514 ni Eisenhower si Churchill. 86 00:06:08,597 --> 00:06:11,100 Pulitiko at militar ang nag-uusap. 87 00:06:11,183 --> 00:06:13,477 Siguradong may tension sa pagitan nila. 88 00:06:13,560 --> 00:06:16,397 Itinuturing ni Churchill ang sarili niya na military leader 89 00:06:16,480 --> 00:06:18,232 pero hindi siya ang mamumuno ngayon. 90 00:06:18,315 --> 00:06:22,152 Sa puntong 'to, parang nabigay na niya ang kontribusyon niya. 91 00:06:22,736 --> 00:06:26,156 Parang sinusubukan ni Eisenhower na kontrolin si Churchill. 92 00:06:26,240 --> 00:06:29,076 At walang sinuman ang makakagawa noon. 93 00:06:29,159 --> 00:06:34,456 Hindi madaling kontrolin ang taong katulad ni Churchill. 94 00:06:35,874 --> 00:06:39,628 "Nakapagdesisyon na, Prime Minister. Pabayaan mo na kaming magplano." 95 00:06:40,838 --> 00:06:44,383 Ramdam ko na nasa isa tayo sa mga pinakamahalagang bahagi ng digmaan. 96 00:06:44,883 --> 00:06:47,970 Habang papalapit ang D-Day, mas tumindi ang tensiyon. 97 00:06:48,887 --> 00:06:51,932 Magbabanta si Eisenhower na magbibitiw 98 00:06:52,015 --> 00:06:55,227 para makasiguradong kakampihan siya ni President Roosevelt 99 00:06:55,310 --> 00:06:58,647 at hindi sumuporta sa isa sa mga plano ni Churchill. 100 00:07:00,065 --> 00:07:02,693 Susunod si Roosevelt kay Eisenhower, 101 00:07:02,776 --> 00:07:06,697 at kailangang sumunod ni Winston Churchill kay Franklin Delano Roosevelt. 102 00:07:07,489 --> 00:07:11,994 Sa puntong 'yon, mga Amerikano na ang may control sa lahat. 103 00:07:12,077 --> 00:07:13,370 Hindi na ang Britain 104 00:07:13,454 --> 00:07:15,831 ang senior strategic partner sa Second World War. 105 00:07:15,914 --> 00:07:18,625 Unti-unti nang ang Amerika ang gumagawa ng mga desisyon. 106 00:07:18,709 --> 00:07:21,003 Sa simula noong giyera, masasabi mo siguro 107 00:07:21,086 --> 00:07:23,672 na parang tinitingala ni Roosevelt kay Churchill. 108 00:07:23,755 --> 00:07:26,341 Heto 'yong taong lumalaban kay Hitler 109 00:07:26,425 --> 00:07:28,635 at naging sikat. 110 00:07:30,345 --> 00:07:34,433 Pero dahil sa sobrang lakas ng American military, 111 00:07:34,516 --> 00:07:37,811 unti-unting naging junior partner na lang si Churchill. 112 00:07:39,855 --> 00:07:43,525 Noong maingat at palihim nilang pinaplano ang D-Day, 113 00:07:43,609 --> 00:07:46,862 Sinabi ni Churchill na gusto niyang nandoon siya. 114 00:07:47,488 --> 00:07:49,823 Ang taong may mahalagang gagampanan 115 00:07:49,907 --> 00:07:53,660 sa paggawa ng mabibigat at matitinding desisyon sa digmaan 116 00:07:53,744 --> 00:07:56,580 ay maaaring mangailangan ng tuwang dala ng pakikipagsapalaran. 117 00:07:57,289 --> 00:07:59,041 Baka kailanganin niya rin ang ginhawa, 118 00:07:59,124 --> 00:08:02,377 na sa tuwing pinapadala niya ang iba tungo sa kamatayan nila, 119 00:08:02,878 --> 00:08:06,131 ay madama niya rin, kahit kaunti, ang panganib na haharapin nila. 120 00:08:07,257 --> 00:08:11,094 'Yong ugali niya na lagi niyang gusto na nasa gitna siya ng aksiyon, 121 00:08:11,178 --> 00:08:13,305 bitbit niya 'yon buong buhay niya. 122 00:08:14,515 --> 00:08:17,518 Nagsimula 'yon noong bata pa siya. Gustong-gusto niya ang labanan. 123 00:08:17,601 --> 00:08:20,062 Ayoko mang sabihin, pero gusto niya ang mga labanan. 124 00:08:22,689 --> 00:08:27,736 'Yong adrenaline rush na nadama niya sa mga ginawa niya sa South Africa, 125 00:08:28,695 --> 00:08:30,239 hindi na yata nawala sa kanya. 126 00:08:31,281 --> 00:08:34,868 ARAW NG D-DAY 127 00:08:34,952 --> 00:08:35,911 Dapat nandoon ako. 128 00:08:35,994 --> 00:08:39,790 Dapat nasa barko ako. Dapat nandoon ako sa sandaling magsimula na ang bombahan. 129 00:08:39,873 --> 00:08:43,001 Magaganap na ang pinakamalaking pagsalakay sa kasaysayan ng mundo, 130 00:08:43,085 --> 00:08:44,836 pero hindi ako makaalis dito. 131 00:08:44,920 --> 00:08:46,463 Kasalanan ito ng Hari. 132 00:08:46,964 --> 00:08:49,383 Sa totoo lang, sumasang-ayon ako sa Hari. 133 00:08:49,967 --> 00:08:51,969 Hindi kakayanin ng bansa na mawalan ka ng ulo 134 00:08:52,052 --> 00:08:54,096 dahil sa ligaw na shell sa labanan. 135 00:08:54,596 --> 00:08:57,724 -Tama nang nawawala ka sa sarili mo. -Dapat hindi siya makialam. 136 00:08:57,808 --> 00:09:01,061 Hindi lang naman siya. Pati si Eisenhower, ayaw na nandoon ka. 137 00:09:01,144 --> 00:09:03,313 Pero ang Hari ang nagdesisyon, hindi ba? 138 00:09:03,397 --> 00:09:05,691 May karapatan akong pumunta kung gusto ko, 139 00:09:05,774 --> 00:09:09,361 pero alam niyang wala akong lakas ng loob na tanggihan ang hiling ng isang hari. 140 00:09:09,444 --> 00:09:11,446 Hindi ko alam kung mahalaga ito sa 'yo, 141 00:09:11,530 --> 00:09:14,491 pero masaya ako na wala ka sa cruiser na binobomba. 142 00:09:15,117 --> 00:09:16,618 Paano kung pumalpak? 143 00:09:17,327 --> 00:09:20,414 Paano kung mali ang kalkulasyon? Paano kung hindi tayo makadaong? 144 00:09:20,497 --> 00:09:24,084 Paano kung abutin na naman tayo ng buwan sa baybayin katulad ng sa Gallipoli? 145 00:09:24,167 --> 00:09:27,504 -Kailangang nandoon ako. -Talaga, Winston? Para ano? 146 00:09:28,297 --> 00:09:29,965 Manonood ka lang naman doon. 147 00:09:30,048 --> 00:09:32,426 Kailangan ka rito, kasama ng mga tao. 148 00:09:32,926 --> 00:09:36,263 Mga anak, asawa, at ama nila ang nandoon. 149 00:09:36,346 --> 00:09:38,765 Sino ang kakausap sa kanila kung hindi ikaw? 150 00:09:38,849 --> 00:09:40,809 May sagot ka talaga sa lahat, ha? 151 00:09:42,811 --> 00:09:46,440 Hindi ka naman mamumuno ng barko papuntang France na ganyan ang suot? 152 00:09:49,234 --> 00:09:50,611 Puwede kung gugustuhin ko. 153 00:09:55,699 --> 00:09:56,533 Salamat. 154 00:09:59,411 --> 00:10:02,497 Pupunta ako sa Map Room. Baka may alam sila kahit papaano. 155 00:10:03,665 --> 00:10:06,501 Maiisip mong sasabihin ni Eisenhower na, 156 00:10:06,585 --> 00:10:09,588 "Ang huling bagay na gusto namin ay ilagay sa peligro 157 00:10:09,671 --> 00:10:12,341 ang Prime Minister ng England habang nanonood siya." 158 00:10:12,424 --> 00:10:17,346 May matinding palitan sila ni King George VI. 159 00:10:17,429 --> 00:10:20,015 Kinailangan ng Hari na gamitin ang awtoridad niya 160 00:10:20,098 --> 00:10:23,143 kaya napilitan si Churchill na sumunod. 161 00:10:47,000 --> 00:10:51,463 June 6, 1944, ang pinakamahalagang araw sa 20th century. 162 00:10:51,546 --> 00:10:55,384 Nakabitin na lang sa isang hibla ang demokrasya. 163 00:10:56,301 --> 00:10:58,970 Makakahanap sila ng ilang mga Catskill bakers… 164 00:10:59,554 --> 00:11:03,016 May karanasan si Churchill sa mga ganitong operasyon. 165 00:11:03,100 --> 00:11:06,728 Kung pumalpak 'yon, matatagalan bago nila subukan ulit. 166 00:11:08,021 --> 00:11:09,606 Puwedeng mangyari ang kahit ano. 167 00:11:12,693 --> 00:11:17,656 Nag-aalala siya na ang tinatawag niyang bulaklak ng kabataang British at Amerikano 168 00:11:17,739 --> 00:11:21,201 ay malunod at mamatay sa mababaw na baybayin ng France, 169 00:11:21,284 --> 00:11:23,995 habang namumula ang tubig dahil sa dugo ng mga batang 'yon. 170 00:11:25,497 --> 00:11:28,041 Ang labanang nagsimula na 171 00:11:28,125 --> 00:11:33,755 ay patuloy na lalaki ang lawak at mas titindi sa darating na mga linggo, 172 00:11:34,381 --> 00:11:38,176 at hindi ko susubukang hulaan kung ano ang kahihinatnan nito. 173 00:11:38,260 --> 00:11:39,344 NAGSIMULA NA ANG PAGSALAKAY SA EUROPE 174 00:11:39,428 --> 00:11:42,931 Matindi ang pananabik para sa mga pagdaong sa France. 175 00:11:43,014 --> 00:11:46,143 Alam ng lahat na nangyayari iyon sa mga sandaling iyon. 176 00:11:56,153 --> 00:11:57,863 Malawakan ang mga airstrike. 177 00:11:57,946 --> 00:12:01,575 May malaking konsentrasyon ng naval firepower. 178 00:12:02,159 --> 00:12:03,577 Sinanay na ang mga hukbo. 179 00:12:03,660 --> 00:12:05,912 Ginawa ang lahat para maging malaki ang tsansa 180 00:12:05,996 --> 00:12:07,497 na magtagumpay ang D-Day. 181 00:12:08,623 --> 00:12:10,125 Dahil sa nangyaring panlilinlang, 182 00:12:10,208 --> 00:12:13,587 di alam ng mga German kung saan at kailan sila aatakihin, nalito sila. 183 00:12:25,557 --> 00:12:31,062 Natatag na ng Alies 'yong beachhead bago pa tuluyang makatugon ang mga Nazi. 184 00:12:33,857 --> 00:12:37,319 Inasahan nilang marami ang mamamatay sa mga baybayin. 185 00:12:37,402 --> 00:12:40,489 Sa katunayan, sa kabila ng napakatinding laban, 186 00:12:40,572 --> 00:12:42,616 lalo na sa "Omaha Beach" ng mga Amerikano, 187 00:12:42,699 --> 00:12:44,451 naging maayos ang mga pagdaong nila. 188 00:12:46,119 --> 00:12:50,874 Magpapalakas ang Allies ng puwersa doon, at pagdating ng oras, sasalakay sila. 189 00:12:55,879 --> 00:12:59,549 Ang D-Day ay kamangha-manghang tagumpay. 190 00:13:03,887 --> 00:13:06,014 Hindi na natin pinapahalagahan ang D-Day 191 00:13:06,097 --> 00:13:09,017 pati ang tagumpay na natamo natin noong D-Day. 192 00:13:10,560 --> 00:13:16,358 Posibleng humaba pa ang giyera kung natalo tayo sa Normandy noong 1944. 193 00:13:16,441 --> 00:13:17,859 Baka pa nga naging dahilan 'yon 194 00:13:17,943 --> 00:13:20,612 ng pagtatapos ng pamamahalaang Churchill at Roosevelt. 195 00:13:24,241 --> 00:13:28,119 Pagkatapos ng pagsalakay sa Normandy, personal na pupunta si Churchill. 196 00:13:28,995 --> 00:13:32,958 Gusto ni Churchill na malapit siya sa aksiyon, gaya ng dati. 197 00:13:33,041 --> 00:13:34,751 Hindi niya talaga kayang lumayo. 198 00:13:36,419 --> 00:13:39,464 Nagpunta siya para batiin ang lahat ng lumaban sa pagsalakay. 199 00:13:39,548 --> 00:13:43,593 kabilang na si General Montgomery, 'yong principal British commander. 200 00:13:43,677 --> 00:13:46,137 Si Montgomery, hindi siya 'yong taong walang ego, 201 00:13:46,221 --> 00:13:49,391 at sa tingin ko, di gumugugol ng maraming oras si Churchill 202 00:13:49,474 --> 00:13:51,935 sa pag-aalala sa mga ego ng mga nasa ilalim niya. 203 00:13:52,978 --> 00:13:56,314 May magandang kuwento kung saan inalok ni Churchill si Montgomery ng alak, 204 00:13:56,398 --> 00:13:58,191 pero di umiinom si Montgomery. 205 00:13:58,275 --> 00:14:01,111 Sabi niya, "Hindi ako umiinom o naninigarilyo. 100% fit ako." 206 00:14:01,611 --> 00:14:03,280 Sabi ni Churchill na ayaw magpatalo, 207 00:14:03,363 --> 00:14:06,283 "Umiinom ako at naninigarilyo. 200% fit." 208 00:14:06,366 --> 00:14:07,993 May banatan silang dalawa 209 00:14:08,076 --> 00:14:11,079 na nagpapakita ng palaban at competitive na ugali ni Churchill. 210 00:14:13,248 --> 00:14:16,209 ALLIES PUMAPASOK NA MULA SA MGA BASE NILA SA FRANCE 211 00:14:16,751 --> 00:14:18,837 HUMAHARUROT NA PAPASOK SA MGA SUBURBIA NG PARIS 212 00:14:18,920 --> 00:14:19,754 ANG MGA YANK ARMOR 213 00:14:26,553 --> 00:14:28,138 Malaya na ang Paris. 214 00:14:28,221 --> 00:14:31,641 Sinalubong ng mga taga-Paris ang mga nagpalaya sa kanila. 215 00:14:32,225 --> 00:14:33,101 Mabilis na dumami 216 00:14:33,184 --> 00:14:36,313 ang mga Amerikanong nakikipaglaban sa Western Europe kumpara sa Brits. 217 00:14:36,396 --> 00:14:39,941 Dahil doon, naramdaman ni Churchill na medyo hindi na siya pinapansin. 218 00:14:40,984 --> 00:14:43,820 Nakikipag-away lamang ako sa mga Amerikano… 219 00:14:44,571 --> 00:14:49,326 kapag hindi nila tayo binibigyan ng pagkakataon na makamit ang karangalan. 220 00:14:50,118 --> 00:14:52,996 Pinapangarap ko na manatili tayong magkapantay 221 00:14:53,663 --> 00:14:56,875 pero paano mo magagawa iyon laban sa napakalakas na bansa 222 00:14:56,958 --> 00:15:00,211 na may populasyong halos tatlong beses ang laki sa atin? 223 00:15:01,963 --> 00:15:05,383 Ang pinakamalakas talaga ang mamumumo. 224 00:15:06,301 --> 00:15:09,262 Si Dwight Eisenhower ang heneral 225 00:15:09,346 --> 00:15:12,307 na namuno sa pagpapalaya ng Europe mula kay Hitler. 226 00:15:12,390 --> 00:15:16,227 Malamang kasi, alam mo na, kami ang pinakamalakas. 227 00:15:20,774 --> 00:15:25,111 Habang pinapalaya ng Allies ang kontinente noong 1944, 228 00:15:26,446 --> 00:15:29,324 napag-alaman ni Winston Churchill ang tungkol sa Auschwitz. 229 00:15:34,204 --> 00:15:36,122 Nalaman niya 'yon sa Foreign Office 230 00:15:36,206 --> 00:15:42,837 at sa ilang Polish na nakawala at nagdala ng balita sa West. 231 00:15:45,048 --> 00:15:47,258 Mula sa Prime Minister para sa Foreign Secretary. 232 00:15:47,342 --> 00:15:48,635 SULAT PARA KAY ANTHONY EDEN, 1944 233 00:15:48,718 --> 00:15:51,304 Walang duda na iyon na siguro 234 00:15:51,388 --> 00:15:54,975 ang pinakamalaki at pinakanakakakilabot na krimen 235 00:15:55,058 --> 00:15:57,477 sa buong kasaysayan ng mundo. 236 00:15:58,812 --> 00:16:02,232 At ginawa 'yon gamit ang scientific machinery. 237 00:16:05,902 --> 00:16:08,279 Dapat ilabas ito sa madla 238 00:16:08,863 --> 00:16:14,869 para ang lahat ng may kinalaman dito ay matugis at mahatulan ng kamatayan. 239 00:16:17,956 --> 00:16:20,125 Marami ang pumuna kay Churchill 240 00:16:20,208 --> 00:16:23,420 dahil kulang ang ginawa niya noong naging malinaw na 241 00:16:23,503 --> 00:16:26,673 na 'yong mga concentration camp, hindi lang lugar ng pang-aalipusta 242 00:16:26,756 --> 00:16:29,175 ng pamamahiya, pang-aalipin, 243 00:16:29,259 --> 00:16:31,761 pero lugar din kung saan pumapatay gamit ang mga makina. 244 00:16:32,554 --> 00:16:35,432 Kumakalat na ang balita simula noong early 1940s. 245 00:16:36,016 --> 00:16:37,642 Ang problema, kung ano ang gagawin. 246 00:16:38,852 --> 00:16:42,230 Maraming tao ang nagsabi na bombahin ang mga concentration camp 247 00:16:42,313 --> 00:16:43,773 para subukang palayain sila. 248 00:16:46,151 --> 00:16:49,404 Sabi ni Churchill kay Anthony Eden, 'yong foreign secretary niya, 249 00:16:49,487 --> 00:16:52,741 "Alamin mo ang lahat ng kaya mo mula sa Air Force. Banggitin mo ako 250 00:16:52,824 --> 00:16:53,825 kung kinakailangan." 251 00:16:53,908 --> 00:16:55,118 Mahalaga 'to sa kanya. 252 00:16:55,994 --> 00:16:59,497 Pero tinitingnan kung magkakakproblema ba. Matatamaan ba ang mga gas chamber? 253 00:16:59,581 --> 00:17:01,499 Posible bang barracks ang tamaan 254 00:17:01,583 --> 00:17:03,960 at mamatay pa rin ang mga Jewish na nakakulong? 255 00:17:04,669 --> 00:17:07,422 Para matapos na ang Holocaust, 256 00:17:07,505 --> 00:17:10,008 dapat tapusin na ang giyera sa lalong madaling panahon. 257 00:17:10,592 --> 00:17:11,509 'Yon ang sabi. 258 00:17:12,635 --> 00:17:15,430 Isa 'yon sa mga mahihirap na mga moral decision 259 00:17:15,513 --> 00:17:19,476 na ginawa nila noong giyera at puwede pa rin kuwestiyunin 'yon ngayon. 260 00:17:22,562 --> 00:17:23,688 2 LINGGO MATAPOS ANG D-DAY 261 00:17:23,772 --> 00:17:25,857 Lagi nating pinag-uusapan ang D-Day noong 1944. 262 00:17:25,940 --> 00:17:28,359 Pero hindi naaalala ng mga tao na 'yong Soviet Union 263 00:17:28,443 --> 00:17:31,905 ang nagsimula ng pinakamalaking pagsalakay sa kasaysayan ng pakikipagdigmaan 264 00:17:31,988 --> 00:17:33,531 sa Eastern Front sa panahong 'yon. 265 00:17:37,202 --> 00:17:38,369 Sa loob ng isang buwan, 266 00:17:38,453 --> 00:17:41,706 kalahating milyon ang naging casualty sa German army dahil sa kanila. 267 00:17:44,959 --> 00:17:47,837 Sila ang sumasalakay mula sa east, ang Allies naman ang sa west. 268 00:17:48,880 --> 00:17:52,133 Malaking progreso ang ginagawa ng Soviet Union sa east. 269 00:17:52,717 --> 00:17:58,848 Ang Eastern Europe, Poland, ang Balkans, puwedeng mapasailalim ng sa control nila. 270 00:17:58,932 --> 00:18:02,477 Kung sino ang mauuna sa Berlin at kung gaano karami ang masasakop nila, 271 00:18:02,560 --> 00:18:04,646 ang huhubog sa mundo pagkatapos ng digmaan. 272 00:18:05,688 --> 00:18:09,859 Para sa akin, napakahalaga na makipagtulungan tayo sa mga Russian 273 00:18:09,943 --> 00:18:12,570 pasilangan hangga't maaari. 274 00:18:13,279 --> 00:18:15,406 Wala nang mas bibigat pa 275 00:18:15,490 --> 00:18:19,244 kaysa sa pasanin na ibinigay sa akin ng giyerang ito. 276 00:18:21,621 --> 00:18:23,915 Ayaw ni Churchill na maging siya ang prime minister 277 00:18:23,998 --> 00:18:26,459 na responsable sa pagkawasak ng British Empire 278 00:18:26,543 --> 00:18:30,839 kaya kinailangan niyang isangla ang empire para magtagal ito 279 00:18:30,922 --> 00:18:33,174 habang mag-isang nitong nilalabanan ang mga Nazi 280 00:18:33,258 --> 00:18:35,760 at naghihintay ng tulong mula sa ibang bahagi ng mundo. 281 00:18:35,844 --> 00:18:37,470 Nagiging pangalawa na ang Britain. 282 00:18:37,554 --> 00:18:41,015 Ang dating pinakamakapangyarihang imperyo sa mundo 283 00:18:41,307 --> 00:18:43,434 ay nagiging hamak na isla na lang. 284 00:18:44,269 --> 00:18:45,687 Sa bagong mundo ba, 285 00:18:45,770 --> 00:18:48,523 ang Soviet Union at United States na ang maghaharap 286 00:18:48,606 --> 00:18:49,983 at magiging extra lang tayo? 287 00:18:50,066 --> 00:18:54,988 Mahirap para sa Victorian imperialist na gaya niya na tanggapin 'yon. 288 00:18:55,738 --> 00:18:58,741 Ang relasyon sa pagitan nina Churchill at Roosevelt 289 00:18:58,825 --> 00:19:02,203 ay nagsimulang magkalabuan noong taglagas ng 1944. 290 00:19:03,246 --> 00:19:07,500 Pakiramdam ni Churchill na nasa pagitan na ng dalawang superpower ang mga desisyon, 291 00:19:07,584 --> 00:19:09,127 na kina Stalin at Roosevelt. 292 00:19:09,210 --> 00:19:11,296 Si Churchill parang, "Uy, nandito pa ako." 293 00:19:11,379 --> 00:19:14,465 Kaya sa natitirang parte ng digmaan, sinikap talaga niya 294 00:19:14,549 --> 00:19:17,886 na itulak ang pananaw ng Britain, pati na ang pananaw niya 295 00:19:17,969 --> 00:19:20,597 na kung maging ano dapat ang mundo pagkatapos ng giyera. 296 00:19:27,437 --> 00:19:31,774 Sa taglagas ng '44, doon sa Moscow, nakipagkita si Churchill kay Stalin. 297 00:19:32,442 --> 00:19:36,821 'Yong idea ng "spheres of influence", nakatanim na 'yon sa utak ni Churchill. 298 00:19:36,905 --> 00:19:40,408 Saan ba may malinaw na sphere of influence ang British, 299 00:19:40,491 --> 00:19:43,203 at saan naman ang sphere of influence ng mga Soviet? 300 00:19:43,286 --> 00:19:46,539 Ako ang pinuno ng malakas na bansang hindi pa natatalo. 301 00:19:47,373 --> 00:19:50,043 Pero kapag nagigising ako tuwing umaga, 302 00:19:50,126 --> 00:19:54,380 ang una kong naiisip ay kung paano ko mapapasaya si President Roosevelt. 303 00:19:54,464 --> 00:19:58,760 Ang pangalawa, kung paano ko malulubag ang loob ni Marshal Stalin. 304 00:20:00,762 --> 00:20:03,139 Nakipagnegosasyon si Churchill nang wala si Roosevelt 305 00:20:03,223 --> 00:20:06,809 o anumang opisyal na kinatawan ng Amerika. 306 00:20:07,352 --> 00:20:11,439 Naniniwala siyang binuo ng mga dakilang tao ang kasaysayan, 307 00:20:11,522 --> 00:20:16,194 at sa tingin niya, sila 'yong mga lalaking nakaupo sa mesa 308 00:20:16,277 --> 00:20:18,488 at gumuguhit ng mga border. 309 00:20:20,740 --> 00:20:25,370 Mukhang tama naman at makatuwiran ang mga porsyentong 'yan. 310 00:20:25,453 --> 00:20:26,412 Ano ang sa tingin mo? 311 00:20:31,167 --> 00:20:33,211 Ayos na ito. 312 00:20:34,379 --> 00:20:35,588 Salamat, Joseph. 313 00:20:36,506 --> 00:20:40,593 Tinawag ni Churchill na "naughty document" 'yong papel na may mga percentage. 314 00:20:40,677 --> 00:20:44,514 "Ito ang kokontrolin ng Britain, at 'yon ang kokontrolin ninyo." 315 00:20:45,265 --> 00:20:48,476 Paraan 'yon para ipakita ni Churchill 316 00:20:48,559 --> 00:20:52,563 na hindi siya magiging mahina pagkatapos ng giyera 317 00:20:52,647 --> 00:20:55,191 at magiging sunud-sunuran na lang sa United States 318 00:20:55,275 --> 00:21:00,738 o isusuko ang mga pangarap niyang panatilihing malakas ang British Empire. 319 00:21:00,822 --> 00:21:03,783 Dapat siguro ay sunugin natin ito. 320 00:21:03,866 --> 00:21:10,039 Tayo rin naman ang magdedesiyon ng kapalaran ng milyon-milyong tao. 321 00:21:12,208 --> 00:21:14,127 Huwag. Itago mo iyan. 322 00:21:16,462 --> 00:21:18,381 "Naughty document" siguro ang tawag 323 00:21:18,464 --> 00:21:21,426 dahil alam ni Churchill na hindi niya dapat ginagawa iyon. 324 00:21:22,302 --> 00:21:24,053 Parang napaka-cynical, 325 00:21:24,137 --> 00:21:28,808 at ang 80% ng mga lugar gaya ng Romania at Bulgaria ang pamumunuan ng Russia. 326 00:21:29,392 --> 00:21:31,227 Naisipan niyang iligtas ang Greece. 327 00:21:32,228 --> 00:21:35,481 "Kahoy na isinalba ko sa pagkakasunog," 'ika niya tungkol sa Greece 328 00:21:35,565 --> 00:21:37,692 na parang inalis niya 'yong sanga sa apoy. 329 00:21:38,693 --> 00:21:41,362 Pero maraming bagay na, malinaw naman, 330 00:21:41,446 --> 00:21:44,115 gaya no'ng sa Balkans at ilang parte ng Eastern Europe, 331 00:21:44,198 --> 00:21:46,617 na napilitan siyang tanggapin na lang. 332 00:21:48,619 --> 00:21:51,039 Naiintindihan niya na ang pinakamabuting magagawa niya 333 00:21:51,122 --> 00:21:54,751 ang siguraduhing protektado ang interes ng Britain sa abot ng makakaya niya. 334 00:21:55,376 --> 00:21:58,713 May mga magaganda kaming napag-usapan ni Stalin. 335 00:21:58,796 --> 00:22:01,090 Mas nagugustuhan ko siya tuwing nagkikita kami. 336 00:22:01,174 --> 00:22:03,551 Siguradong gusto nila na makipagtulungan sa atin. 337 00:22:04,135 --> 00:22:07,430 Dapat regular ang komunikasyon namin ng Pangulo, 338 00:22:07,513 --> 00:22:09,640 at 'yon ang maselang parte. 339 00:22:13,519 --> 00:22:15,021 MGA YANK, NILABANAN ANG ATAKE NG MGA NAZI 340 00:22:17,523 --> 00:22:19,942 Paatras na ang Germany sa kanluran. 341 00:22:23,112 --> 00:22:26,699 Papalapit na ang Red Army mula sa silangan. 342 00:22:27,283 --> 00:22:31,996 Mararamdaman na baka malapit na nga ang katapusan. 343 00:22:35,208 --> 00:22:36,709 Sa pagtatapos ng 1944, 344 00:22:36,793 --> 00:22:39,754 naisip ng tatlong magkaalyado na kailangan nilang pag-usapan 345 00:22:39,837 --> 00:22:42,757 nang personal at sama-sama, ang katapusan ng giyera. 346 00:22:42,840 --> 00:22:45,468 Tumanggi si Stalin na umalis sa teritoryo niya. 347 00:22:45,551 --> 00:22:48,805 Takot na takot siyang lumipad, sobrang takot na iwan ang seguridad niya, 348 00:22:48,888 --> 00:22:52,058 kaya sa Soviet Union lang niya gustong makipagkita. 349 00:22:53,476 --> 00:22:57,563 Pumayag sina Churchill at Roosevelt. Makikipagkita sila sa Soviet Union. 350 00:22:58,815 --> 00:23:01,025 Malaki ang pagkasira ng Soviet Union 351 00:23:01,109 --> 00:23:03,820 pagkatapos ng matinding labanan sa Eastern Front, 352 00:23:03,903 --> 00:23:09,117 kaya isa lang sa mga lugar na puwede, ang Yalta sa Black Sea. 353 00:23:09,992 --> 00:23:13,246 Parang kinakatawan noon ang Soviet Union. 354 00:23:13,329 --> 00:23:16,374 Ayos lang ang lahat sa unang tingin, pero kung titingnan nang mabuti 355 00:23:16,457 --> 00:23:20,044 makikita mo na iba ang nasa loob kumpara sa nasa labas, 356 00:23:20,128 --> 00:23:22,046 at disaster talaga 'yon. 357 00:23:22,130 --> 00:23:25,341 Pinepeste ng bedbugs ang palasyo. 358 00:23:25,425 --> 00:23:30,179 May bedbugs sa kama ni Winston Churchill, kinakakagat ang mga paa niya tuwing gabi. 359 00:23:30,263 --> 00:23:33,558 Sabi ni Churchill, kahit abutin ng sampung taon ang paghahanap nila, 360 00:23:33,641 --> 00:23:35,601 wala nang mas lalala pa sa Yalta. 361 00:23:35,685 --> 00:23:39,188 Tinawag pa niya 'yong ang "Riviera ni Hades". 362 00:23:40,189 --> 00:23:43,317 Papasok na tayo sa mundo kung saan hindi tiyak ang mga bagay, 363 00:23:43,401 --> 00:23:47,864 kung saan mamaya't maya mong pagdududahan ang sarili mo sa bawat yugto. 364 00:23:52,160 --> 00:23:54,454 Gumagabi na sa Yalta. 365 00:23:55,830 --> 00:24:01,002 Sinabi ni Churchill na naniniwala siya na humihina na si Roosevelt. 366 00:24:02,044 --> 00:24:06,549 Napanalunan ni FDR ang ikaapat na termino niya 367 00:24:07,758 --> 00:24:10,720 sa 1994 elections, pero di maayos ang kalusugan niya. 368 00:24:11,554 --> 00:24:14,307 May congestive heart failure siya. 369 00:24:16,684 --> 00:24:18,728 May sinulat si Churchill. 370 00:24:18,811 --> 00:24:22,648 "Ang pagkakaibigan namin ay bato kung saan itinatayo ko ang mga pangarap ng mundo." 371 00:24:23,357 --> 00:24:27,945 Sa tingin ko, parang malapit na ang katapusan, 372 00:24:28,029 --> 00:24:32,909 parang matatapos na ang mahabang drama. 373 00:24:35,703 --> 00:24:40,166 Gusto ni Roosevelt na masalba ang maraming buhay ng Amerikano 374 00:24:40,249 --> 00:24:43,169 sa pamamagitan ng pagpasok sa Soviet Union sa laban kontra Japan. 375 00:24:43,252 --> 00:24:46,422 Hindi pa niya alam kung magagamit ba 'yong atomic bomb. 376 00:24:46,506 --> 00:24:48,966 Tinatrabaho pa 'yon at hindi pa nate-test. 377 00:24:49,842 --> 00:24:54,764 Sobrang importante rin kay Roosevelt ang pagbuo sa United Nations. 378 00:24:55,681 --> 00:25:01,020 Gustong-gusto ni FDR na magtagumpay 'yon na napaniwala na niya ang sarili niya 379 00:25:01,103 --> 00:25:05,942 na tutupad si Stalin sa mga pangako niya dahil sa tindi ng pagnanais niya. 380 00:25:06,609 --> 00:25:09,529 Naniniwala si Churchill na siya lang ang may sapat na talino 381 00:25:09,612 --> 00:25:11,531 na ayusin ang mundo pagkatapos ng giyera. 382 00:25:11,614 --> 00:25:14,408 Inisip niya na nakakabahala ang pagka-naive at liberal ni FDR. 383 00:25:14,492 --> 00:25:17,078 Alam niyang ayaw ni FDR sa British Empire, 384 00:25:17,161 --> 00:25:18,538 kaya di puwedeng si FDR 385 00:25:18,621 --> 00:25:21,123 ang maging architect ng mundo pagkatapos ng giyera. 386 00:25:21,958 --> 00:25:25,878 Gusto ni Churchill na maging mas mahigpit si Roosevelt kay Stalin 387 00:25:25,962 --> 00:25:28,631 pero hindi niya magawan ng paraan. 388 00:25:31,259 --> 00:25:34,262 Nagdesisyon ang Soviet Union na sasali sila sa UN. 389 00:25:34,804 --> 00:25:37,515 Nagdesisyon din ang Soviet Union na lalabanan nila ang Japan 390 00:25:37,598 --> 00:25:39,058 pagkatapos ng digmaan sa Europe. 391 00:25:40,518 --> 00:25:43,563 Umalis sila na may pangako mula kay Stalin 392 00:25:43,646 --> 00:25:46,566 para sa kalayaan at independence ng Poland. 393 00:25:47,858 --> 00:25:51,195 Pero ang totoo, nagsinungaling si Stalin nang deretso ang mukha. 394 00:25:52,238 --> 00:25:54,782 Nakipagdigma ang Britain noong 1939 395 00:25:54,865 --> 00:25:57,618 para protektahan ang Poland mula sa pananakop ng mga banyaga. 396 00:25:58,452 --> 00:26:01,539 'Yon ang dahilan kung bakit kasali sa digmaan ang Britain, 397 00:26:02,123 --> 00:26:05,459 Kaya noong matapos ang giyera at sinakop ni Stalin ang Poland? 398 00:26:06,210 --> 00:26:08,212 Bangungot 'yon para kay Churchill. 399 00:26:09,880 --> 00:26:12,967 Nanlulumo ako dahil sa labis na pagdurusa ng mundo 400 00:26:13,050 --> 00:26:14,719 at lalo akong natatakot 401 00:26:14,802 --> 00:26:19,557 na may lumitaw na mga bagong problema mula sa mga sinisikap nating tapusin. 402 00:26:24,770 --> 00:26:31,402 Libo-libong sulat at telegrama ang ipinadala ni Churchill kay FDR 403 00:26:31,485 --> 00:26:35,531 at mga halos 800 ang sinulat ni Franklin Roosevelt. 404 00:26:36,324 --> 00:26:39,243 Si Churchill ang manliligaw sa relasyon nilang dalawa. 405 00:26:39,827 --> 00:26:44,332 G. Pangulo, ang kapayapaan sa Germany at Japan sa ilalim ng ating mga kondisyon 406 00:26:44,415 --> 00:26:46,834 ay hindi magpapapanatag sa ating dalawa. 407 00:26:47,418 --> 00:26:51,672 Mayroong wasak, sira-sira, at gutom na mundo na kailangang tulungan. 408 00:26:52,506 --> 00:26:55,551 Ano kaya ang sasabihin ni Uncle Joe o ng magiging kapalit niya 409 00:26:55,635 --> 00:26:58,054 tungkol sa paraan na gusto nating gawin ito? 410 00:26:59,347 --> 00:27:02,725 Nagkakalabuan, nanlalamig. 411 00:27:03,934 --> 00:27:05,978 Parang silang matandang mag-asawa 412 00:27:06,062 --> 00:27:09,106 na kabisado na nila ang mga kapintasan ng isa’t isa 413 00:27:09,190 --> 00:27:11,317 pero di mabubuhay nang wala ang isa't isa. 414 00:27:16,072 --> 00:27:19,617 PINASOK NA NG ALLIES ANG GERMANY SA MAGKABILANG BAHAGI 415 00:27:20,409 --> 00:27:23,663 RED ARMY, SINIMULAN NA ANG "HULING" LABAN PARA SA BERLIN 416 00:27:29,794 --> 00:27:31,921 Sa lahat ng dako ng malayang mundo 417 00:27:32,004 --> 00:27:35,383 dumating ang nakagugulat na balita na pumanaw na si Franklin Roosevelt. 418 00:27:38,219 --> 00:27:42,723 Nang maaga kong natanggap ang balitang ito noong umaga ng Friday the 13th 419 00:27:43,724 --> 00:27:47,228 pakiramdam ko, para akong pinalo. 420 00:27:48,521 --> 00:27:51,607 Nang dumating ang balita na namatay na si FDR 421 00:27:52,525 --> 00:27:54,985 nagbigay si Churchill ng kahanga-hangang eulogy 422 00:27:55,069 --> 00:27:56,487 sa House of Commons. 423 00:27:56,570 --> 00:28:01,367 Sinabi niyang hindi perpekto ang pagkakaibigan nila, 424 00:28:01,951 --> 00:28:04,370 na personal 'yon at politikal. 425 00:28:05,913 --> 00:28:09,333 Ang aking relasyon sa nagniningning na personalidad na ito 426 00:28:09,417 --> 00:28:14,755 ay naging malaking bahagi ng mga mahahaba at mahihirap na taong magkatrabaho kami. 427 00:28:15,506 --> 00:28:17,800 Ngayon ay nagwakas na ito 428 00:28:18,634 --> 00:28:23,848 at ako'y labis na nakakaramdam ng matindi at di-mapapawing kalungkutan. 429 00:28:25,015 --> 00:28:26,475 Minsan sinabi ni Churchill, 430 00:28:26,559 --> 00:28:30,271 "Para sa akin, si Franklin Roosevelt, parang nabubukas ka ng bote ng champagne." 431 00:28:31,105 --> 00:28:33,357 At isinulat ni Roosevelt kay Churchill, 432 00:28:33,441 --> 00:28:35,568 "Masayang nakasama kita sa dekadang ito." 433 00:28:37,278 --> 00:28:39,739 Masuwerte tayong naroon sila kung saan sila naroon 434 00:28:39,822 --> 00:28:41,282 noong dumating ang krisis. 435 00:28:45,661 --> 00:28:48,789 Ginawa na ni Hitler ang kanyang huli at pinakamahalagang desisyon 436 00:28:48,873 --> 00:28:51,208 na manatili sa Berlin hanggang sa huli. 437 00:28:52,209 --> 00:28:56,130 Napalibutan agad ng mga Russian ang kabisera 438 00:28:56,213 --> 00:28:59,800 at nawalan na ng kapangyarihan ang Führer para kontrolin ang mga nangyayari. 439 00:29:02,052 --> 00:29:03,929 Ang magagawa na lamang niya 440 00:29:04,013 --> 00:29:06,766 ang kitilin ang kanyang buhay sa gitna ng wasak na lungsod. 441 00:29:09,643 --> 00:29:12,271 Pinasok niya ang baril sa bibig niya at pinaputok. 442 00:29:13,230 --> 00:29:17,109 Ang masasabi ko lang, tama lang na namatay siya sa ganoong paraan. 443 00:29:19,570 --> 00:29:25,910 Wala akong espesyal na pahayag na ilalabas tungkol sa kalagayan ng digmaan sa Europa, 444 00:29:26,869 --> 00:29:31,999 maliban sa siguradong mas nakakatuwa iyon 445 00:29:32,082 --> 00:29:35,169 kumpara limang taon na ang nakalipas. 446 00:29:50,601 --> 00:29:54,271 Kahapon ng umaga, 2:41 a.m., 447 00:29:55,439 --> 00:29:58,067 ang kinatawan ng German High Command 448 00:29:58,901 --> 00:30:02,446 ay lumagda sa act of unconditional surrender. 449 00:30:03,697 --> 00:30:06,158 Ibig sabihin, nagtapos na ang German War. 450 00:30:07,743 --> 00:30:10,412 Mabuhay ang laban para sa kalayaan. 451 00:30:10,496 --> 00:30:12,081 Pagpalain ng Diyos ang Hari. 452 00:30:39,400 --> 00:30:46,407 Sa oras ng napakalaking tagumpay, alam kong maraming hirap at panganib 453 00:30:46,490 --> 00:30:47,992 na naghihintay sa hinaharap. 454 00:30:52,037 --> 00:30:56,417 Pero kahit dito man lang, maaari tayong magsaya kahit saglit lamang. 455 00:31:00,462 --> 00:31:03,132 Noong gabi ng VE Day, 456 00:31:03,215 --> 00:31:06,635 mag-isa lang siya sa No. 10 Downing Street 457 00:31:07,678 --> 00:31:11,682 kasi nasa Russia si Clementine para sa state visit. 458 00:31:12,558 --> 00:31:13,976 Naghapunan siya, 459 00:31:14,059 --> 00:31:18,314 tapos naglakad siya sa garden kasama si Smokey, 'yong pusa. 460 00:31:19,440 --> 00:31:22,985 Sa tingin ko, sobrang nakakabilib na mag-isa lang siya noong gabing 'yon, 461 00:31:23,068 --> 00:31:25,654 kung kailan nagbunga ang lahat ng pinaghirapan niya. 462 00:31:29,658 --> 00:31:31,118 SUMUKO ANG GERMANY 463 00:31:31,201 --> 00:31:34,872 Kung kumbinsido ang mga Russian na takot tayo sa kanila 464 00:31:34,955 --> 00:31:40,169 at na matatakot nila ako para sumunod, talagang nalulungkot ako 465 00:31:40,252 --> 00:31:42,796 para sa relasyon natin sa kanila sa hinaharap. 466 00:31:42,880 --> 00:31:48,344 Malinaw na magkaiba ang pagkakaintindi ng UK at ng US 467 00:31:48,427 --> 00:31:50,346 sa kaayusan pagkatapos ng giyera. 468 00:31:50,429 --> 00:31:54,058 Hindi pa natatalo ng mga Amerikano ang Japan. 469 00:31:54,141 --> 00:31:56,977 Malalaki ang mga plano nila doon. 470 00:31:57,686 --> 00:32:00,773 Hindi nila nararamdaman ang takot ni Churchill 471 00:32:01,440 --> 00:32:05,277 sa pamumuno ng mga komunista sa Eastern Europe. 472 00:32:07,821 --> 00:32:09,198 Takot na takot si Churchill 473 00:32:09,281 --> 00:32:12,910 na balewalain ni Stalin ang mga demarcation line 474 00:32:12,993 --> 00:32:14,995 na napagkasunduan kasama ang mga Russian 475 00:32:15,079 --> 00:32:16,997 at baka ituloy nila ang paglusob 476 00:32:17,081 --> 00:32:20,084 dahil napakaraming tropa ng Red Army. 477 00:32:22,419 --> 00:32:24,338 Matindi ang bahala niya kay Stalin. 478 00:32:24,421 --> 00:32:26,674 Nakikita niya ang dystopian post-war world 479 00:32:26,757 --> 00:32:29,551 kung saan maaaring naisip niya na magpapatuloy ang giyera 480 00:32:29,635 --> 00:32:30,719 at maaaring magkagiyera 481 00:32:30,803 --> 00:32:33,138 sa pagitan ng Western Allies at ng Soviet Union. 482 00:32:34,181 --> 00:32:37,935 Gusto ko ng plano na magpapatupad ng Yalta Agreement. 483 00:32:38,018 --> 00:32:41,063 para may pagkakataon ang Poland na magkaroon ng sariling pamahalaan. 484 00:32:41,146 --> 00:32:44,733 Hindi natin kakayanin ang mga Russian kung tayo lang. Mas marami sila. 485 00:32:44,817 --> 00:32:48,445 Bago umalis ang America, dapat magkusa na tayo. 486 00:32:49,071 --> 00:32:50,781 Gusto mong atakihin ang mga Soviet? 487 00:32:51,865 --> 00:32:55,369 -Walang makakaisip niyan. -Pero naisip ko. 488 00:32:56,036 --> 00:32:58,580 Gusto kong may plano para sa lahat ng puwedeng mangyari. 489 00:33:00,916 --> 00:33:03,252 Bago pa mahuli ang lahat. 490 00:33:03,877 --> 00:33:06,296 Inalok si Churchill ng nakakabaliw na plano. 491 00:33:06,380 --> 00:33:07,715 Ang Operation Unthinkable, 492 00:33:08,424 --> 00:33:11,593 kung saan ang Wehrmacht, ang German Army, 493 00:33:11,677 --> 00:33:14,930 ibabalik sa kanila ang mga armas nila, kahit na natalo na sila, 494 00:33:15,014 --> 00:33:18,267 at gagamitin sila para umatake sa mga Soviet army. 495 00:33:18,350 --> 00:33:23,480 Nakakabaliw talaga ang planong 'yon, at hindi 'yon natuloy. 496 00:33:23,564 --> 00:33:27,860 Pero ipinakita no'n kung ano ang lagay ng isip at damdamin niya. 497 00:33:30,112 --> 00:33:31,530 Kailangan pa nating tiyakin 498 00:33:31,613 --> 00:33:35,117 na ang marangal na mga layunin kung bakit tayo pumasok sa giyera 499 00:33:35,200 --> 00:33:36,910 ay hindi isinasantabi 500 00:33:37,619 --> 00:33:41,623 at na ang mga salitang "kalayaan", "demokrasya", at "pagpapalaya" 501 00:33:41,707 --> 00:33:44,877 ay hindi nababaluktot mula sa kanilang tunay na kahulugan. 502 00:33:46,628 --> 00:33:49,673 Walang masyadong magagawa ang pagpaparusa sa mga Hitlerites 503 00:33:49,757 --> 00:33:51,008 para sa kanilang mga krimen 504 00:33:51,091 --> 00:33:54,136 kung mga totalitarian o ang pamahalaang pulisya 505 00:33:54,219 --> 00:33:56,889 ang papalit sa mga German na mananakop. 506 00:34:00,434 --> 00:34:02,144 Habang papatapos na ang giyera, 507 00:34:02,227 --> 00:34:05,064 maraming iniisip at idea si Churchill 508 00:34:05,147 --> 00:34:07,775 tungkol sa magiging itsura ng mundo pagkatapos ng giyera. 509 00:34:08,859 --> 00:34:11,111 Pero kailangan niyang sumabak sa general election. 510 00:34:11,195 --> 00:34:13,906 Sabi ng coalition partners ni Churchill, ang Labour Party, 511 00:34:13,989 --> 00:34:16,867 "Ayaw na namin ng coalition government na kasama ka. 512 00:34:16,950 --> 00:34:18,452 Gusto namin ng kapangyarihan." 513 00:34:18,535 --> 00:34:21,663 Nagtagumpay na tayo, magaling ka, malaki ang naging ambag mo 514 00:34:21,747 --> 00:34:24,583 pero may plano kami para sa hinaharap at hindi ka kasama doon." 515 00:34:25,459 --> 00:34:28,003 Kung sawa na kayo sa akin 516 00:34:28,087 --> 00:34:30,506 at dapat magretiro na ako, 517 00:34:30,589 --> 00:34:34,676 ang masasabi ko, tatanggapin ko iyon nang may dignidad. 518 00:34:35,302 --> 00:34:37,429 Pero bibigyan ko kayo ng babala. 519 00:34:37,513 --> 00:34:42,518 Dapat maging handa kayong magsakripisyo pa para sa mahahalagang layunin. 520 00:34:47,898 --> 00:34:49,441 Bakit hindi ka nagpipinta? 521 00:34:50,984 --> 00:34:53,320 Dapat makapagpahinga ka. 522 00:34:53,403 --> 00:34:54,822 Nagpapahinga naman ako. 523 00:34:55,906 --> 00:34:59,785 Pero binabagabag ako ng mga naiisip ko. 524 00:35:00,577 --> 00:35:02,037 Naipanalo mo na ang giyera. 525 00:35:02,579 --> 00:35:03,455 Tama ka. 526 00:35:04,998 --> 00:35:07,251 Pero ngayong tapos na ang lahat sa Europa, 527 00:35:08,293 --> 00:35:11,588 tungkulin kong magpatawag ng general elections, 528 00:35:11,672 --> 00:35:13,173 at baka hindi ako manalo. 529 00:35:14,091 --> 00:35:16,343 Nakita mo naman kung gaano ka kamahal ng mga tao. 530 00:35:17,261 --> 00:35:19,680 Hindi mo ba gagamitin ang pagkapanalo mo sa giyera? 531 00:35:19,763 --> 00:35:21,014 Ganoon nga dapat. 532 00:35:21,098 --> 00:35:23,350 Kung ganoon, 533 00:35:24,226 --> 00:35:25,060 magpinta ka na. 534 00:35:37,364 --> 00:35:41,034 Na-postpone ang election noong 1945 535 00:35:41,118 --> 00:35:43,745 dahil sa giyera, 536 00:35:43,829 --> 00:35:46,331 at matatagalan bago pa makapagsagawa ng election 537 00:35:46,415 --> 00:35:49,501 dahil maraming pang naglingkod sa bayan ang kalat pa sa buong mundo. 538 00:35:54,506 --> 00:35:58,135 Hindi ito ang oras para magpaligoy-ligoy, para magpatumik-tumpik, 539 00:35:58,218 --> 00:36:01,430 at makipaglaro sa mahihinang pamahalaan. 540 00:36:02,264 --> 00:36:05,434 Ang Labour Party ang may isa sa pinakamagandang slogan sa lahat. 541 00:36:05,517 --> 00:36:06,393 Ang nakalagay lang, 542 00:36:06,476 --> 00:36:09,605 "Batiin si Churchill, iboto ang Labour." 543 00:36:10,314 --> 00:36:12,858 Ipagdiwang si Churchill, ipagdiwang ang tagumpay, 544 00:36:12,941 --> 00:36:15,444 ang paglaya, ang pagkakaligtas sa bayang ito, 545 00:36:15,527 --> 00:36:17,946 pero kami na ang mamumuno. 546 00:36:18,030 --> 00:36:20,490 Puwede sana siyang lumayo sa mga awayan sa politika. 547 00:36:20,574 --> 00:36:24,953 Puwede niyang ipresenta ang sarili niya bilang kandidato ng pambansang pagkakaisa 548 00:36:25,037 --> 00:36:27,289 na namuno ng isang coalition government. 549 00:36:27,372 --> 00:36:32,544 Pero imbes na gano'n, sumali siya sa matindi at galit na kampanya 550 00:36:32,628 --> 00:36:33,795 laban sa Labour Party. 551 00:36:33,879 --> 00:36:34,796 Ang foreign policy… 552 00:36:34,880 --> 00:36:36,340 Kalokohan ang mga sinabi niya. 553 00:36:36,423 --> 00:36:37,925 Electioneering. 554 00:36:38,008 --> 00:36:41,678 Sabi pa niyang magdadala ang Labour Party ng parang Gestapo, 'yong secret police. 555 00:36:41,762 --> 00:36:43,347 Bumalik sa pagiging trapo. 556 00:36:43,430 --> 00:36:44,932 Partisan politics na naman. 557 00:36:45,015 --> 00:36:47,184 Hindi gusto ng mga Briton 'yong nakikita nila. 558 00:36:49,519 --> 00:36:53,857 CHURCHILL KINAKANTIYAWAN AT INAASAR HABANG PAPALAPIT ANG KATAPUSAN NG KAMPANYA 559 00:36:53,941 --> 00:36:56,318 Pagkatapos ng botohan, nagpunta si G. Churchill 560 00:36:56,401 --> 00:36:58,445 sa south ng France para magpinta. 561 00:36:58,528 --> 00:37:00,405 Matindi ang naging kampanya niya, 562 00:37:00,489 --> 00:37:02,324 at nagbakasyon siya gaya ng nararapat 563 00:37:02,407 --> 00:37:05,953 bago makipagkita kay Pangulong Truman at Marshal Stalin sa conference. 564 00:37:07,371 --> 00:37:10,624 Habang papasok ang mga balota mula sa iba't ibang sulok ng mundo, 565 00:37:10,707 --> 00:37:12,167 nagpunta si Churchill sa Potsdam 566 00:37:12,251 --> 00:37:15,295 para sa huling conference para sa Second World War. 567 00:37:17,464 --> 00:37:21,385 Pormal na magbubukas ang Potsdam Conference sa July 17. 568 00:37:21,468 --> 00:37:24,763 Pero noong July 16, sa malalayong lugar ng New Mexico, 569 00:37:24,846 --> 00:37:27,641 narating na ng mundo ang nuclear age 570 00:37:27,724 --> 00:37:32,271 nang matagumpay na na-test ng US ang isang plutonium device 571 00:37:32,354 --> 00:37:38,318 na may napakalakas at mapanirang kapangyarihan. 572 00:37:41,571 --> 00:37:45,158 Nasa Potsdam si President Truman, naghihintay ng pagsisimula ng conference. 573 00:37:45,242 --> 00:37:48,120 Tapos ipinarating sa kanya ang balitang 'yon. 574 00:37:48,203 --> 00:37:50,247 Ilang buwan pa lang siyang presidente noon. 575 00:37:53,208 --> 00:37:57,004 Sinabi ni Churchill kay Truman, "Sabihin mo sa akin kung flop o plop." 576 00:37:57,629 --> 00:38:00,799 'Yong mensahe ni Truman sa kanya, "Plop." 577 00:38:08,640 --> 00:38:13,103 Alam ni Churchill na babaguhin no'n ang takbo ng giyera. 578 00:38:14,438 --> 00:38:16,189 Patuloy pa rin ang giyera sa Pacific. 579 00:38:16,273 --> 00:38:18,191 Naiisip na ng lahat 580 00:38:18,275 --> 00:38:21,903 na malaki ang mawawala dahil sa pagsalakay sa mainland Japan. 581 00:38:24,031 --> 00:38:26,867 Naniniwala si Churchill na 1.5 million ang magiging casualty, 582 00:38:26,950 --> 00:38:30,412 isang milyon sa United States, kalahating milyon sa Commonwealth. 583 00:38:33,123 --> 00:38:35,751 Nagbunga na ang Manhattan Project. 584 00:38:35,834 --> 00:38:38,879 May iba't ibang uri ng moral na desisyon ang dapat gawin, 585 00:38:38,962 --> 00:38:41,173 at ngayon, mayroon na tayong atomic bomb. 586 00:38:41,673 --> 00:38:43,258 Ayon sa nuclear deal, 587 00:38:43,342 --> 00:38:46,053 bago magamit ang kahit anong nuclear weapon, 588 00:38:46,136 --> 00:38:48,847 Dapat magbigay muna ng permiso si Churchill. 589 00:38:49,681 --> 00:38:52,934 Sabi ni Churchill kalaunan, 590 00:38:53,018 --> 00:38:55,979 unanimous, walang kondisyon, at automatic ang pagpayag niya. 591 00:38:56,063 --> 00:38:57,064 Naniniwala talaga siya 592 00:38:57,147 --> 00:38:59,608 sa paggamit ng nuclear weapon para mapabilis ang giyera 593 00:38:59,691 --> 00:39:02,778 at maiwasan ang labis na pagsakripisyo sa pagsalakay sa Japan. 594 00:39:03,487 --> 00:39:06,615 Tingin ko, mahalaga para kay Churchill, sa maraming dahilan, 595 00:39:06,698 --> 00:39:08,867 na maging parte siya no'n. 596 00:39:08,950 --> 00:39:12,371 Ang bombang 'yon, pinapagana mismo ang enerhiya 597 00:39:12,454 --> 00:39:15,374 na nagpapakislap sa mga bituin sa gabi. 598 00:39:16,041 --> 00:39:17,376 Gusto niya, parte siya no'n. 599 00:39:17,459 --> 00:39:22,422 Di puwedeng mga Amerikano ang makinabang, kaya masaya siyang pumayag. 600 00:39:27,052 --> 00:39:28,887 Kailangan umalis ni Churchill sa Potsdam 601 00:39:28,970 --> 00:39:32,015 kasi handa na ang huling bilang sa halalan. 602 00:39:32,099 --> 00:39:35,435 Umuwi siya para malaman ang resulta ng election. 603 00:39:36,061 --> 00:39:37,104 Bigla akong nagising 604 00:39:37,187 --> 00:39:40,690 dahil sa naramdaman kong kirot na halos naging pisikal na. 605 00:39:40,774 --> 00:39:44,486 Ang takot sa pagkatalo na aking ikinulong sa malalim na bahagi ng aking utak 606 00:39:44,569 --> 00:39:46,947 ay nakawala at namayani sa aking isipan. 607 00:39:47,823 --> 00:39:51,451 Lahat ng mabigat na epekto ng malalaking pangyayari 608 00:39:51,535 --> 00:39:57,082 na matagal nang nasa isip ko, na balang araw ang bilis ko'y titigil, 609 00:39:57,165 --> 00:39:58,500 at ako'y babagsak. 610 00:39:59,584 --> 00:40:02,546 Conservatives, 180. 611 00:40:02,629 --> 00:40:05,340 Labour, 364. 612 00:40:07,050 --> 00:40:12,222 Sa huli, mga tao ang nagdedesisyon kung sino ang mamamahala sa kanila. 613 00:40:12,973 --> 00:40:14,933 At talagang pinatunayan niya 'yon. 614 00:40:15,016 --> 00:40:16,643 Tingnan mo naman siya. 615 00:40:16,726 --> 00:40:21,189 Nagdala siya ng tagumpay at kaligtasan sa bansa niya 616 00:40:21,273 --> 00:40:22,941 noong Second World War. 617 00:40:23,024 --> 00:40:28,572 Pagkatapos boom, 1945, inalis nila siya. Grabe. 618 00:40:30,031 --> 00:40:34,077 Ang pakiramdam siguro, parang sinampal-sampal siya sa mukha 619 00:40:34,161 --> 00:40:36,288 noong lumabas ang mga resulta. 620 00:40:36,371 --> 00:40:39,124 Grabe ang pag-iyak ng nanay ko, 621 00:40:39,207 --> 00:40:43,837 at 'yong di umiyak, sa unang beses, si Churchill, 622 00:40:43,920 --> 00:40:46,965 ang sabi niya, "Nagsalita na ang mga mamamayan." 623 00:40:47,799 --> 00:40:50,635 Ipinapakita ng malaking tagumpay ng Labour Party 624 00:40:50,719 --> 00:40:53,388 na handa na ang bansa 625 00:40:53,930 --> 00:40:58,101 sa isang bagong polisiya para harapin ang bagong mundo. 626 00:40:58,185 --> 00:41:02,063 Pagkatapos ng lima at kalahating taon ng giyera at paghihirap, 627 00:41:02,147 --> 00:41:04,774 gusto ng mga tao ng national health service, 628 00:41:04,858 --> 00:41:07,235 gusto nila ng rebuilding, ng reconstruction. 629 00:41:07,319 --> 00:41:11,239 Pero, siyempre, magaling pa rin siyang magsalita 630 00:41:11,323 --> 00:41:13,200 kahit pa natalo na siya. 631 00:41:13,283 --> 00:41:16,995 Sabi ni Clementine sa kanya, baka blessing in disguise 'yon. 632 00:41:17,078 --> 00:41:19,873 Tapos sabi niya, "Ang galing naman ng disguise." 633 00:41:23,293 --> 00:41:26,588 Ibang iba ang pananaw ng publiko sa kanya noong panahon ng giyera, 634 00:41:26,671 --> 00:41:30,884 kasi 'yong tinitingala siyang statesman, na focused at determinado siya, 635 00:41:30,967 --> 00:41:34,638 sobrang napakinabangan 'yon sa pagpapakilos at pag-inspire sa mga tao 636 00:41:34,721 --> 00:41:37,682 noong panahon ng matinding hamon at kadiliman, 637 00:41:37,766 --> 00:41:38,934 kumpara kung payapa. 638 00:41:40,310 --> 00:41:42,896 Kung kasing popular siya noon 639 00:41:42,979 --> 00:41:46,233 katulad ng pagkakakilala sa kanya ngayon ng buong bansa, 640 00:41:46,316 --> 00:41:50,320 mahirap isipin na matatalo sa election ang anumang partido na pinamunuan niya 641 00:41:50,403 --> 00:41:54,908 dahil grabe 'yong pag-angat natin sa kanya bilang icon 642 00:41:54,991 --> 00:41:57,452 at ginawa natin siyang bayaning di mapapantayan. 643 00:42:01,289 --> 00:42:04,167 Na ipagkakait sa akin ang kapangyarihang hubugin ang hinaharap. 644 00:42:05,418 --> 00:42:08,171 Ang kaalaman at karanasan na naipon ko, 645 00:42:08,255 --> 00:42:13,385 ang kapangyarihan at tiwala na binigay sa akin ng iba't ibang bansa 646 00:42:13,468 --> 00:42:14,386 ay maglalaho. 647 00:42:17,138 --> 00:42:18,807 Nawalan siya ng impluwensiya, 648 00:42:18,890 --> 00:42:22,269 pero bago nakabalik si Churchill sa London para malaman ang resulta, 649 00:42:22,352 --> 00:42:24,646 inilabas ang Potsdam Proclamation. 650 00:42:24,729 --> 00:42:28,567 Hinikayat no'n ang Japan na sumuko nang walang kondisyon, dahil kung hindi… 651 00:42:37,826 --> 00:42:40,745 Pulbura ba iyon ng bala? Walang silbi. 652 00:42:42,872 --> 00:42:45,959 Kuryente ba? Walang kuwenta. 653 00:42:46,042 --> 00:42:47,836 AYON SA SINABI KAY HENRY SIMON, 1945 654 00:42:47,919 --> 00:42:49,379 Ang atomic bomb 655 00:42:49,462 --> 00:42:52,132 ay parang ang Second Coming ngunit pagkawasak ang dala. 656 00:43:22,704 --> 00:43:25,624 TAGUMPAY! JAPAN SUMUKO 657 00:43:25,707 --> 00:43:27,667 Nagdala ng kapayapaan ang bomba, 658 00:43:28,543 --> 00:43:31,171 pero mga tao lamang ang makakapagpapanatili ng kapayapaan. 659 00:43:32,797 --> 00:43:34,049 At magmula ngayon, 660 00:43:34,758 --> 00:43:37,010 bibigyan nila ng parusa 661 00:43:37,093 --> 00:43:40,764 ang mga nagbabanta sa kaligtasan, hindi lamang ng sibilisasyon, 662 00:43:41,973 --> 00:43:43,933 kundi ng sangkatauhan mismo. 663 00:43:47,729 --> 00:43:51,149 Mula sa mahaba at iba't ibang karanasan ko sa buhay, 664 00:43:51,232 --> 00:43:55,320 ang pinakamahalagang payo na maibibigay ko sa inyo 665 00:43:55,403 --> 00:43:58,782 ay ang alamin ninyo kung paano pahalagahan ang kung ano ang mayroon kayo. 666 00:43:59,699 --> 00:44:04,204 Ang katulad ni Churchill, hindi puwedeng maging sentro ng lahat, 667 00:44:04,287 --> 00:44:06,373 tapos biglang magpipinta na lang sa tabi… 668 00:44:06,456 --> 00:44:08,083 Parte lang 'yon ng buhay niya. 669 00:44:08,166 --> 00:44:10,877 Ayaw niyang maging gano'n ang buhay niya, 670 00:44:10,960 --> 00:44:15,006 kaya hindi siya magre-retire na lang. 671 00:44:15,799 --> 00:44:21,096 Hindi siya pumipirme sa isang lugar. Siya 'yong tipong laging may lakad. 672 00:44:22,597 --> 00:44:24,140 Inimbitahan siyang maging speaker 673 00:44:24,224 --> 00:44:26,601 sa Westminster College sa Fulton, Missouri, 674 00:44:26,685 --> 00:44:29,354 sa home state ng American president na si Harry Truman. 675 00:44:29,938 --> 00:44:33,108 Mamaya-maya, puwede na kayong sumakay sa tren papuntang Jefferson, sir. 676 00:44:33,191 --> 00:44:36,653 Sapat na oras na 'yon para kastiguhin ang mga taga-press dito, 677 00:44:36,736 --> 00:44:38,029 Tatlo ang kukunin ko. 678 00:44:38,113 --> 00:44:39,030 Isa sa akin. 679 00:44:40,782 --> 00:44:44,035 Alam ninyo, mga ginoo, kung ipapanganak akong muli, 680 00:44:44,119 --> 00:44:46,996 may bansa kung saan gusto kong maging mamamayan. 681 00:44:47,080 --> 00:44:50,166 'Yong lugar kung saan walang hanggan ang pangarap. 682 00:44:50,250 --> 00:44:52,085 Saan naman 'yon, G. Churchill? 683 00:44:52,168 --> 00:44:56,423 Sa USA. Kahit na ayaw na ayaw ko sa ilang kaugalian ninyo. 684 00:44:57,340 --> 00:44:58,925 At aling kaugalian naman 'yon? 685 00:44:59,008 --> 00:45:02,512 Halimbawa, hindi kayo umiinom ng alak kapag kumakain. 686 00:45:05,807 --> 00:45:06,766 Call. 687 00:45:08,017 --> 00:45:09,811 Flush. Clubs. 688 00:45:12,480 --> 00:45:14,649 Tungkol saan ang talumpati mo, sir? 689 00:45:15,817 --> 00:45:18,737 Di ko naisip na may kinalaman sa trabaho itong laro natin. 690 00:45:21,865 --> 00:45:26,369 Magsasalita ako tungkol sa kasuklam-suklam na impluwensiya ng Soviet Union. 691 00:45:27,412 --> 00:45:30,498 Kung paano ito naging hindi mapapasok na harang 692 00:45:31,082 --> 00:45:33,293 na milyon-milyon ang hindi makawala sa pang-aapi. 693 00:45:33,376 --> 00:45:35,462 Pero naging kakampi natin ang mga Russian. 694 00:45:36,045 --> 00:45:38,047 Sasabihin nila, nagsisimula ka ng giyera. 695 00:45:38,631 --> 00:45:40,508 Nagawa na nila 'yon. 696 00:45:41,384 --> 00:45:42,802 Pero, nakikita ninyo mga ginoo, 697 00:45:43,887 --> 00:45:45,597 nagawa ko na ito dati. 698 00:45:46,681 --> 00:45:48,391 Tama ako noong 1938… 699 00:45:52,228 --> 00:45:53,605 at tama din ako ngayon. 700 00:45:56,274 --> 00:45:59,527 Mula sa Stettin hanggang sa Baltic, 701 00:45:59,611 --> 00:46:01,654 hanggang sa Trieste sa Atlantic, 702 00:46:02,363 --> 00:46:05,492 may kurtinang bakal na humahati sa buong kontinente. 703 00:46:06,117 --> 00:46:07,827 Mula noon, anti-communist na siya. 704 00:46:08,369 --> 00:46:10,330 Palagi niyang pinapaalala sa audience niya 705 00:46:10,413 --> 00:46:13,041 ang mga bahay na iniisip niyang magbubuklod sa atin. 706 00:46:13,124 --> 00:46:15,502 Kalayaan, demokrasya, free speech, at kung ano pa, 707 00:46:15,585 --> 00:46:19,631 na nanganganib sa lugar na kontrolado ng mga Soviet. 708 00:46:19,714 --> 00:46:21,800 Ang dapat nating isaalang-alang ngayon, 709 00:46:22,383 --> 00:46:23,802 habang may panahon pa, 710 00:46:23,885 --> 00:46:28,056 ay ang agad-agad na pagtatakda ng mga kondisyon ng kalayaan at demokrasya 711 00:46:28,139 --> 00:46:30,809 sa iba't ibang mga bansa. 712 00:46:30,892 --> 00:46:33,436 Binigay ni Churchill ng makasaysayang Iron Curtain Speech 713 00:46:33,520 --> 00:46:35,563 na ang pinaparating, "Mabuti laban sa masama." 714 00:46:35,647 --> 00:46:38,983 At naiinis ang mga tao sa ganoong kalinaw na moralidad. 715 00:46:39,067 --> 00:46:42,278 At, siyempre, tinuligsa na naman siya dahil sa pagiging warmonger niya, 716 00:46:42,362 --> 00:46:44,781 katulad noong 1930s. 717 00:46:44,864 --> 00:46:48,034 Hindi mawawala ang ating paghihirap at ang mga panganib 718 00:46:48,117 --> 00:46:49,828 kung magbubulag-bulagan tayo. 719 00:46:50,411 --> 00:46:54,624 Sinasabi ng talumpating 'yon kung ano ang mangayayari, 720 00:46:54,707 --> 00:46:57,919 na may Iron Curtain na hahati sa Europe, 721 00:46:58,002 --> 00:47:00,463 pati na ang simula ng Cold War. 722 00:47:02,340 --> 00:47:05,218 ITINATAG ANG UNITED NATIONS 723 00:47:06,094 --> 00:47:07,303 BANTANG IRON CURTAIN 724 00:47:08,638 --> 00:47:10,640 MAY ATOMIC BOMB ANG SOVIET RUSSIA 725 00:47:11,766 --> 00:47:15,812 MGA SOVIET SINUBUKAN ANG BISA NG ATOMIC BOMB 726 00:47:16,479 --> 00:47:19,858 Kahit maraming beses nang napatunayang nagkamali siya dati niyang karera, 727 00:47:19,941 --> 00:47:22,110 dalawang beses siyang naging tama 728 00:47:22,193 --> 00:47:26,197 tungkol sa paniniil ng Nazism at tungkol sa komunismo ng mga Soviet. 729 00:47:28,241 --> 00:47:29,242 Marami ang nagsabi 730 00:47:29,325 --> 00:47:31,494 na dapat nagretiro na ako pagkatapos ng giyera 731 00:47:31,578 --> 00:47:34,372 at dapat tumanda na lang ako bilang respetadong lider. 732 00:47:34,455 --> 00:47:35,498 AYON SA SINABI KAY R.V. JONES, 1946 733 00:47:35,582 --> 00:47:37,000 Pero paano ko magagawa iyon? 734 00:47:37,083 --> 00:47:41,963 Buong buhay ko, lumaban ako. HIndi puwedeng ngayon pa ako susuko. 735 00:47:44,215 --> 00:47:49,178 'Yong kagustuhan niyang mamuno sa international stage, nandoon pa rin. 736 00:47:50,096 --> 00:47:52,098 Ayaw niya talagang bumitaw. 737 00:47:52,181 --> 00:47:54,267 G. Churchill, ikalawang eksena, unang kuha. 738 00:47:56,769 --> 00:47:58,146 Mga binibini't ginoo… 739 00:47:59,689 --> 00:48:04,777 ang boto ninyo sa ika-23 ng Pebrero 740 00:48:04,861 --> 00:48:08,072 ay napakahalaga para sa kinabukasan ninyo. 741 00:48:11,451 --> 00:48:13,286 -Cut. -Hindi ba mas maganda 'yon? 742 00:48:17,040 --> 00:48:18,750 Iilan lang kaming napili. 743 00:48:20,460 --> 00:48:22,211 Hindi ko maalala. 744 00:48:22,295 --> 00:48:24,380 Isa ako sa may pinakamagandang memorya. 745 00:48:24,464 --> 00:48:26,341 Alam ko po, sir. Ayos lang 'yon. 746 00:48:26,424 --> 00:48:28,968 Ayos lang. Tingin lang sa camera tapos ulitin natin, sir. 747 00:48:30,261 --> 00:48:31,930 Iilan lang kaming napili. 748 00:48:35,266 --> 00:48:37,352 Kayong natitira, mapaparusahan. 749 00:48:38,937 --> 00:48:41,606 Walang lugar para sa inyo sa langit. 750 00:48:43,149 --> 00:48:45,068 Hindi puwedeng magsiksikan tayo doon. 751 00:48:46,069 --> 00:48:49,238 Akala ko hindi na importante ang mga quote na nabasa ko kaninang umaga. 752 00:48:49,322 --> 00:48:51,240 Gawin mo na ang magagawa mo. 753 00:48:52,700 --> 00:48:55,745 Ang isa sa mga problema ng demokrasya, nagsasawa ang mga tao sa 'yo. 754 00:48:55,828 --> 00:49:00,917 Heto 'yong lalaking pinamunuan ang England para malagpasan ang brutal na panahon, 755 00:49:01,000 --> 00:49:02,627 tapos hindi binigyan ng puwesto, 756 00:49:03,211 --> 00:49:05,713 tapos naging Prime Minister ulit. 757 00:49:06,297 --> 00:49:08,591 Matinding kuwento 'yon. 758 00:49:08,675 --> 00:49:09,968 Conservative na ang mamumuno 759 00:49:10,051 --> 00:49:12,345 matapos ang anim na taon na paninilbihan ng Labour. 760 00:49:12,428 --> 00:49:13,930 Si Winston Spencer Churchill, 761 00:49:14,013 --> 00:49:16,307 world statesman, ay bumalik na sa kapangyarihan. 762 00:49:17,266 --> 00:49:20,687 Sa member's lobby ng British House of Commons, 763 00:49:20,770 --> 00:49:23,773 may malaking bronze statue si Churchill 764 00:49:23,856 --> 00:49:28,611 at nakagawian na ng maraming miyembro ng Parliament 765 00:49:28,695 --> 00:49:31,948 na hawakan ang sapatos niya para suwertehin. 766 00:49:32,031 --> 00:49:36,369 Ipinapaalala sa amin araw-araw ang presensiya niya. 767 00:49:37,286 --> 00:49:40,999 Sa pananaw niya, ang paraan para magkaroon ng kasaysayan 768 00:49:41,082 --> 00:49:42,667 ay isulat ito mismo. 769 00:49:42,750 --> 00:49:44,544 Kaya ginawa niya. 770 00:49:45,294 --> 00:49:46,546 Patay na si FDR. 771 00:49:46,629 --> 00:49:49,465 Hindi naman sumusulat ng journal si Stalin. 772 00:49:50,341 --> 00:49:51,634 Patay na din si Hitler. 773 00:49:51,718 --> 00:49:54,512 Sinunggaban agad ni Churchill ang pagkakataong makapagkuwento 774 00:49:55,096 --> 00:49:58,766 at siya din ang nagtakda kung paano natin makikita ang World War II 775 00:49:59,642 --> 00:50:02,478 na siyang posisyon ng napakalaking kapangyarihan. 776 00:50:02,562 --> 00:50:04,772 Sa paggamit ng kapangyarihang 'yon, 777 00:50:04,856 --> 00:50:08,609 ilang henerasyon ng historyador, at kasunod na noon, ang publiko, 778 00:50:08,693 --> 00:50:12,613 ang naging basehan nila ng World War II at ng lahat ng nangyari noon 779 00:50:12,697 --> 00:50:14,115 ay ang mga isinulat niya. 780 00:50:14,991 --> 00:50:16,617 Ang Second World War 781 00:50:17,160 --> 00:50:19,495 ang nagdala sa Empire sa kasalukuyang katayuan nito. 782 00:50:19,579 --> 00:50:21,497 INDEPENDENT NA ANG INDIA 783 00:50:21,581 --> 00:50:24,208 Hiningi ng mga tao kanilang kalayaan at nasyonalismo. 784 00:50:25,126 --> 00:50:27,962 Naniniwala si Churchill na Britain at Amerika ang magpapasya 785 00:50:28,046 --> 00:50:29,338 ng direksiyon ng mundo. 786 00:50:29,422 --> 00:50:32,592 Ang ginagawa talaga ng America, gumagawa sila ng ibang klase ng empire, 787 00:50:32,675 --> 00:50:35,386 na mas panghahawakan ang economic control kaysa sa pulitika. 788 00:50:35,470 --> 00:50:37,221 At hindi 'yon tanggap ni Churchill. 789 00:50:38,014 --> 00:50:39,474 Dahil sa pagka-imperialist niya, 790 00:50:39,557 --> 00:50:42,560 hindi niya talaga natanggap ang katotohanang tapos na ang Empire. 791 00:50:44,437 --> 00:50:46,647 Importante ang papel ni Churchill 792 00:50:46,731 --> 00:50:50,610 sa pag-intindi ng pinapalabas tungkol sa pagiging British na ginawa 793 00:50:50,693 --> 00:50:54,363 para iparamdam sa mga Briton na dapat maging proud sila sa sarili nila. 794 00:50:54,864 --> 00:50:58,326 Hindi bilang tao na komplikado at may kapintasan 795 00:50:58,409 --> 00:51:03,456 pero bilang simbolo ng tagumpay, pagpapanatili ng status quo, 796 00:51:03,539 --> 00:51:06,292 continuity, tradisyon, at mga class system. 797 00:51:07,668 --> 00:51:11,005 Ang mundo, minsan, nagkukulang ng malalakas na leader. 798 00:51:11,089 --> 00:51:13,591 Malakas si Churchill 799 00:51:13,674 --> 00:51:16,385 at hindi niya nakalimutan ang kagandahan ng kalayaan 800 00:51:16,469 --> 00:51:18,471 at kahalagahan ng demokrasya. 801 00:51:19,055 --> 00:51:20,932 Ang sinabi ni Walt Whitman sa salita ko, 802 00:51:21,015 --> 00:51:23,768 "Katulad ng America, maraming katauhan si Churchill." 803 00:51:23,851 --> 00:51:28,272 Sa tingin ko, ang isang leader puwedeng gumawa ng kahanga-hangang bagay 804 00:51:28,856 --> 00:51:35,404 na talagang nakakatulong sa pagligtas ng mundo mula sa tunay na kasamaan, 805 00:51:37,073 --> 00:51:40,201 at puwede ring makagawa siya ng mga masasahol na desisyon 806 00:51:40,284 --> 00:51:43,079 at may mga pananaw siya na talagang kasuklam-suklam. 807 00:51:43,162 --> 00:51:45,915 Puwedeng gano'n tayong lahat. Puwedeng totoo lahat 'yon. 808 00:51:45,998 --> 00:51:50,002 Di ibig sabihin na sisirain na natin ang mga estatwa niya 809 00:51:50,086 --> 00:51:54,006 Baka ibig sabihin, magdagdag pa tayo para mas kompleto ang kuwento. 810 00:51:55,258 --> 00:51:58,511 Ang katatgan, ang determinasyon, 811 00:51:58,594 --> 00:52:03,850 ang husay sa pagsasalita, ang talino, ang sigasig, ang adhikain. 812 00:52:04,559 --> 00:52:05,852 Kung 'yon ang iisipin, 813 00:52:05,935 --> 00:52:10,273 nakikita ng mga Briton sa kanya 814 00:52:11,315 --> 00:52:13,985 ang imahen ng pinakamahusay sa kanila. 815 00:52:14,735 --> 00:52:15,903 Pisikal na matapang, 816 00:52:16,529 --> 00:52:18,072 matibay ang moral, 817 00:52:19,282 --> 00:52:22,160 napakahusay umunawa at napakahusay maghanda para sa hinaharap. 818 00:52:23,119 --> 00:52:25,037 Nakakatawa sa punto 819 00:52:25,121 --> 00:52:29,167 na napapatawa niya pa ang mga tao 60 taon pagkatapos niyang mamatay. 820 00:52:32,378 --> 00:52:37,175 Kahanga-hangang halimbawa ng makabagong sining ang portrait na iyan. 821 00:52:41,387 --> 00:52:44,932 Isa rin iyang halimbawa ng matatag na loob 822 00:52:45,016 --> 00:52:47,643 na bihira lamang makita sa kasaysayan ng tao. 823 00:52:50,521 --> 00:52:53,482 Dapat magbigay sa atin ng inspirasyon si Churchill, 824 00:52:53,566 --> 00:52:56,611 hindi dahil bayani siya, pero dahil tao siya. 825 00:53:00,531 --> 00:53:03,784 Marahil dumating ang araw kung kailan ang patas na laban, 826 00:53:03,868 --> 00:53:08,581 ang pagmamahal sa kapwa tao, ang paggalang sa hustisya at kalayaan 827 00:53:08,664 --> 00:53:11,209 ang magbibigay daan sa mga pinahirapang henerasyon 828 00:53:11,292 --> 00:53:14,003 na makalabas nang payapa at matagumpay 829 00:53:14,086 --> 00:53:17,381 mula sa kakila-kilabot na panahon na kinailangan ating pinagdaanan. 830 00:53:22,637 --> 00:53:25,848 Noong maliit ako, nakatira kami sa Chartwell. 831 00:53:25,932 --> 00:53:28,976 'Yong kapatid ko, tumakbo sa corridor 832 00:53:29,060 --> 00:53:32,939 papunta sa loob ng opisina ng lolo niya, 833 00:53:33,022 --> 00:53:35,233 at pinagbawalan kaming pumasok doon. 834 00:53:35,316 --> 00:53:40,363 Sabi niya,"Grandpapa, totoo ba na ikaw ang pinakadakilang buhay na Englishman?" 835 00:53:40,446 --> 00:53:42,657 At sabi niya, "Oo, alis na." 836 00:53:45,451 --> 00:53:48,871 Kahit patriotic siya, 837 00:53:48,955 --> 00:53:52,750 na minsan parang sobra-sobra na ang bilib niya sa British Empire, 838 00:53:52,833 --> 00:53:54,627 liberal din siya. 839 00:53:55,503 --> 00:53:56,796 Naniniwala siya sa progreso. 840 00:53:57,380 --> 00:54:00,216 Naniniwala siya sa kalayaan at oportunidad. 841 00:54:00,299 --> 00:54:03,302 Tingin ko mas importante siya ngayon 842 00:54:03,386 --> 00:54:09,141 dahil nanganganib ang mga pinaniniwalaan niya 843 00:54:09,725 --> 00:54:11,102 at dapat manaig ng mga iyon. 844 00:54:13,354 --> 00:54:16,315 Sa giyera, katatagan. 845 00:54:17,066 --> 00:54:19,652 Sa pagkatalo, paglaban. 846 00:54:21,028 --> 00:54:23,906 Sa tagumpay, pagiging dakila. 847 00:54:25,908 --> 00:54:27,034 Sa kapayapaan, 848 00:54:28,202 --> 00:54:29,161 kabutihang loob. 849 00:57:06,277 --> 00:57:09,113 Nagsalin ng Subtitle: JD