1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.LT
2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.LT
3
00:00:23,250 --> 00:00:25,583
Sa isang maliit na nayon sa tabi ng dagat,
4
00:00:26,083 --> 00:00:28,875
may ganitong lumang kasabihan,
5
00:00:29,375 --> 00:00:32,083
"Sinuman ang magmakaawa
para sa nararapat sa kanila,
6
00:00:32,583 --> 00:00:35,125
hihimukin ang mundo
na ibigay 'yon sa kanila."
7
00:05:08,541 --> 00:05:10,916
Alam mo na ngayon
kung nasaan 'yong mga isda.
8
00:05:24,625 --> 00:05:25,500
Ito, o.
9
00:05:41,708 --> 00:05:44,208
Isang lalaking umabot sa edad na 40
10
00:05:44,291 --> 00:05:47,708
ang nakakaramdam ng kalungkutan
sa hindi pagkakaroon ng anak.
11
00:05:53,416 --> 00:05:56,041
May malaking puwang sa kalooban ng lalaki,
12
00:05:57,166 --> 00:06:00,916
at iilan lang o walang kahit anong
nakakapagpasaya sa kanya.
13
00:06:05,125 --> 00:06:08,125
Patuloy na lumalalim
ang kalungkutan ng lalaki.
14
00:06:12,375 --> 00:06:15,666
Napakataas ng pangarap ng lalaki
na ang bawat balakid,
15
00:06:15,750 --> 00:06:19,875
maliit na pagkaantala lang ang mga 'yon,
hindi dahilan para sumuko.
16
00:06:20,708 --> 00:06:21,875
KABANATA I
17
00:06:21,958 --> 00:06:24,458
KUNG MATAAS ANG PANGARAP
18
00:06:24,541 --> 00:06:28,791
POSIBLE ITONG MATUPAD
19
00:08:56,583 --> 00:09:01,333
AMANG WALANG ANAK
NAGHAHANAP NG ANAK NA WALANG AMA
20
00:11:45,666 --> 00:11:49,291
Wala pa 'kong nakitang ganyang kakaiba.
Di siya nakikipag-usap sa 'tin, ano, Pa?
21
00:11:49,375 --> 00:11:52,541
- Tayo ang hindi nakikipag-usap sa kanya.
- Lagi siyang mag-isa.
22
00:11:53,708 --> 00:11:55,250
Ayan na, parang narinig ka niya.
23
00:12:07,083 --> 00:12:08,041
Good luck sa 'yo.
24
00:12:20,416 --> 00:12:22,125
Hindi ka palaimik, ano?
25
00:12:27,583 --> 00:12:28,416
Bakit?
26
00:12:33,000 --> 00:12:34,875
Tadhana ang tawag dito ng iba.
27
00:12:35,375 --> 00:12:37,083
Pagkakataon naman para sa iba.
28
00:12:37,583 --> 00:12:40,083
Ang totoo,
nilagay ito ng mundo sa mga kamay ko.
29
00:12:44,458 --> 00:12:49,125
Nabuhay ang bata sa de-latang tuna.
Hindi siya umalis sa tabi ng matanda.
30
00:15:29,125 --> 00:15:31,291
Pwede mo siyang hawakan.
Gawin mo kahit ano.
31
00:15:32,208 --> 00:15:33,833
Lagi lang siyang nakangiti.
32
00:15:41,291 --> 00:15:42,375
Nagugutom ka ba?
33
00:15:45,583 --> 00:15:46,708
Ano pong meron kayo?
34
00:15:55,375 --> 00:15:57,125
May jaboticaba jelly po ba?
35
00:16:00,708 --> 00:16:01,541
May puno ako.
36
00:16:01,625 --> 00:16:03,791
- Puno?
- Puno ng jaboticaba.
37
00:16:05,375 --> 00:16:06,208
Mamitas ka.
38
00:16:07,000 --> 00:16:08,291
Ipagluluto kita.
39
00:16:09,541 --> 00:16:11,375
Bakit di na lang kayo bumili?
40
00:16:11,458 --> 00:16:13,000
Kasi marunong akong magluto nito.
41
00:17:04,000 --> 00:17:05,166
Ano po'ng pangalan n'yo?
42
00:17:07,250 --> 00:17:08,250
Crisóstomo.
43
00:17:09,791 --> 00:17:10,791
Kakaiba.
44
00:17:16,458 --> 00:17:17,333
Camilo.
45
00:17:26,333 --> 00:17:27,291
Wag na po.
46
00:17:38,125 --> 00:17:40,000
Mas masarap kesa sa de-latang isda.
47
00:19:17,666 --> 00:19:18,666
Camilo?
48
00:19:32,000 --> 00:19:34,250
Ganyan. Ang galing.
49
00:19:36,416 --> 00:19:37,666
'Yan, ganyan.
50
00:19:41,458 --> 00:19:43,250
Kailan po ako mag-aaral ulit?
51
00:19:53,000 --> 00:19:54,250
Sobrang lamig!
52
00:20:06,916 --> 00:20:08,791
Kailangan kong lakarin 'yon araw-araw?
53
00:20:55,750 --> 00:20:57,958
Crisóstomo.
54
00:21:00,125 --> 00:21:02,041
Araw ng simba ngayon. Gising na po.
55
00:21:25,916 --> 00:21:27,750
Alam n'yo ba kung ano ang pinto?
56
00:21:27,833 --> 00:21:28,666
Oo.
57
00:21:29,833 --> 00:21:30,708
Bakit?
58
00:21:31,208 --> 00:21:32,250
Wala naman.
59
00:21:48,833 --> 00:21:49,666
Halika na po.
60
00:21:51,375 --> 00:21:52,583
Dito na ako maghihintay.
61
00:22:56,000 --> 00:22:57,583
Hindi ko nakilala 'yong nanay ko.
62
00:22:58,083 --> 00:22:59,916
Wala akong alam tungkol sa kanya.
63
00:23:03,750 --> 00:23:07,250
Marami akong alam tungkol sa lola ko,
pero di ko rin siya nakilala.
64
00:23:15,333 --> 00:23:16,791
Sana may nanay ako.
65
00:23:24,833 --> 00:23:26,208
Pwede kayong makahanap.
66
00:23:26,875 --> 00:23:27,708
Ako?
67
00:23:28,375 --> 00:23:29,291
Opo.
68
00:23:31,750 --> 00:23:34,083
Wala akong alam sa ganyan.
69
00:23:35,500 --> 00:23:37,125
Wala pa kayong nakaka-date?
70
00:23:39,750 --> 00:23:41,375
Di ba ayos naman 'to, ikaw at ako?
71
00:23:43,666 --> 00:23:44,791
Kulang pa ba 'yon?
72
00:23:46,500 --> 00:23:47,416
Opo, pero...
73
00:23:48,916 --> 00:23:50,250
pwedeng mas masaya.
74
00:23:51,125 --> 00:23:52,416
Dobleng saya.
75
00:25:50,375 --> 00:25:51,666
May daisies ka ba?
76
00:25:52,458 --> 00:25:56,041
Meron ako nito.
Sariwa ang petals, payat pa ang tangkay.
77
00:25:56,125 --> 00:25:57,708
At di pa 'to nagagalaw.
78
00:26:00,541 --> 00:26:01,500
Excuse me.
79
00:26:02,625 --> 00:26:03,458
Excuse me.
80
00:26:06,500 --> 00:26:07,333
Excuse me.
81
00:26:27,333 --> 00:26:29,916
Mataas lang nang konti sa 80cm,
82
00:26:30,000 --> 00:26:33,125
ni hindi siya makadungaw
sa pinakamababang bakod.
83
00:26:35,541 --> 00:26:38,541
Gano'n ang tingin ng mga tao
sa maliit na babae.
84
00:26:40,666 --> 00:26:41,500
Good morning.
85
00:26:44,416 --> 00:26:45,250
Good morning.
86
00:26:45,333 --> 00:26:48,166
Taong bulaklak
ang tingin sa kanya ng mga tao.
87
00:26:48,250 --> 00:26:49,458
Good morning.
88
00:26:49,541 --> 00:26:53,500
Na kailangan niyang diligan at alagaan.
89
00:26:54,166 --> 00:26:55,000
Palagi.
90
00:26:57,833 --> 00:27:00,458
Wala naman masyadong hinihingi
'yong babae.
91
00:27:01,166 --> 00:27:04,541
Masaya na siya
sa anumang pagmamahal na makuha niya.
92
00:27:06,083 --> 00:27:07,291
KABANATA II
93
00:27:07,375 --> 00:27:11,250
ANG PAGMAMAHAL NG MGA HINDI MASAYA
94
00:27:14,791 --> 00:27:16,750
- Nakahanda ka na ba?
- Hindi pa.
95
00:27:16,833 --> 00:27:19,583
- Ayos lang, maghihintay kami.
- Wag kang magmadali.
96
00:27:21,791 --> 00:27:24,666
Nagdala ako ng pang-itaas ng anak ko.
Kasya siguro sa 'yo 'to.
97
00:27:24,750 --> 00:27:27,625
Nagdala ako ng kumot. Mahangin sa labas.
98
00:27:27,708 --> 00:27:31,333
Salamat, pero sabi ko naman sa inyo,
di n'yo 'ko kailangang alalahanin.
99
00:27:31,416 --> 00:27:35,166
Oo nga, pero tingin ko,
hindi ka dapat lumalabas.
100
00:27:35,250 --> 00:27:36,083
Totoo 'yon.
101
00:27:36,166 --> 00:27:39,000
Laging maulan ngayon,
tapos grabe 'yong hangin do'n.
102
00:27:39,083 --> 00:27:40,750
Di kakayanin ng buto mo 'yon.
103
00:27:40,833 --> 00:27:42,166
- Hindi nga.
- Mag-ingat ka.
104
00:27:42,666 --> 00:27:44,500
Gumagana 'yong gamot na bigay ng doktor.
105
00:27:44,583 --> 00:27:46,083
- Ayos na ako.
- Mabuti naman.
106
00:27:46,166 --> 00:27:48,333
Alam n'yong hindi rin madali ang buhay ko.
107
00:27:48,416 --> 00:27:50,666
Grabe magtrabaho ang asawa ko,
bihira kong makita.
108
00:27:50,750 --> 00:27:52,083
Madalas nasa biyahe ang akin.
109
00:27:52,166 --> 00:27:54,416
Pero pag nasa bahay siya,
inaalagaan ko siya.
110
00:27:54,500 --> 00:27:56,041
At inaalagaan niya ako.
111
00:27:56,125 --> 00:27:59,666
Mula nang mawala 'yong asawa ko,
naghahanap na ako para sa anak ko.
112
00:27:59,750 --> 00:28:02,791
- Di pa sinusuwerte.
- Ipinagdarasal ko 'yong anak mo araw-araw.
113
00:28:02,875 --> 00:28:05,916
Na makahanap siya ng matinong lalaki.
Ang daming gago diyan.
114
00:28:06,000 --> 00:28:08,208
- Tama.
- Kailangan pa nating magdasal.
115
00:28:08,291 --> 00:28:11,708
Dahil walang nag-aasikaso sa 'yo, kami na.
116
00:28:12,625 --> 00:28:13,791
Di na kailangan.
117
00:28:14,625 --> 00:28:18,416
Naghahanap pa rin ako ng lalaki
para sa 'kin. 'Yong may malaking puso.
118
00:28:21,791 --> 00:28:23,291
Pero delikado 'yon!
119
00:28:23,791 --> 00:28:26,208
Magugulo ng lalaki
'yong puwesto organs mo.
120
00:28:26,916 --> 00:28:28,166
Lalo na...
121
00:28:29,750 --> 00:28:30,958
'yong lalaking may...
122
00:28:31,833 --> 00:28:33,291
malaking puso.
123
00:29:37,875 --> 00:29:39,875
Pag may lalaking gumalaw sa kanya,
124
00:29:39,958 --> 00:29:42,416
hahatiin no'n ang baga niya,
mababarahan ang lalamunan.
125
00:29:42,500 --> 00:29:43,958
Hahatiin siya sa dalawa.
126
00:29:44,041 --> 00:29:47,291
Mahina 'yong katawan niya,
pero iniingatan niya 'yong utak niya.
127
00:29:47,375 --> 00:29:49,666
Iniisip niya 'yong gusto niya.
128
00:29:49,750 --> 00:29:52,416
Sa totoo lang, dok,
para saan 'yong gano'n kalaking kama?
129
00:29:52,500 --> 00:29:53,333
Sobrang laki.
130
00:29:53,416 --> 00:29:56,416
Dok, pag naiisip mo 'yong unano
na nangangarap ng lalaki...
131
00:29:56,500 --> 00:29:58,208
Francisca ang pangalan niya.
132
00:29:58,708 --> 00:30:02,041
Sorry, ha, pero ang normal na tao nga
hirap makahanap ng pagmamahal.
133
00:30:02,125 --> 00:30:03,250
Normal na tao?
134
00:30:03,333 --> 00:30:07,083
Marami akong nakakasalamuhang tao dito,
pero wala pa akong nakitang gano'n.
135
00:30:07,166 --> 00:30:11,166
- Baliw 'tong dalawang 'to, pero ako...
- Kailangan niya ang tulong namin.
136
00:30:11,250 --> 00:30:13,333
- Nasusuka siya, kawawa naman.
- Totoo 'yon.
137
00:30:13,416 --> 00:30:16,250
Pero normal 'yon sa ganitong stage
ng pagbubuntis, mga misis.
138
00:30:18,166 --> 00:30:21,291
Pwede bang umalis na kayo?
Kailangan ko nang bumalik sa trabaho.
139
00:30:21,375 --> 00:30:24,583
At kung gusto n'yo
ng totoong medical advice...
140
00:30:26,583 --> 00:30:28,416
wag kayong makialam sa iba.
141
00:30:41,250 --> 00:30:43,333
Sabi sa 'kin ng doktor, maayos ang bata.
142
00:30:44,208 --> 00:30:47,500
At lalaki siya gaya ng iba.
143
00:30:48,333 --> 00:30:50,500
Naiwan mong bukas
'yong pinto ng kuwarto mo
144
00:30:50,583 --> 00:30:51,875
no'ng isang araw, at...
145
00:30:52,375 --> 00:30:54,125
Nakita namin 'yong bago mong kama.
146
00:30:54,791 --> 00:30:55,916
Ang laki, 'no?
147
00:30:56,583 --> 00:30:59,208
Hindi 'yon para sa mahimbing na tulog.
148
00:31:08,166 --> 00:31:10,416
Oo, buntis ako.
149
00:31:10,500 --> 00:31:12,750
Pero walang kinalaman ang pagmamahal dito.
150
00:31:14,541 --> 00:31:18,041
Laging may mga lalaking pumupunta,
sinusubukang maikama ako.
151
00:31:21,250 --> 00:31:23,500
Pag ayoko, di ko binubuksan 'yong pinto.
152
00:31:24,958 --> 00:31:27,333
Pag gusto ng katawan ko, ginagawa ko.
153
00:31:28,541 --> 00:31:30,708
Nakikipag-sex kaagad ako,
154
00:31:32,083 --> 00:31:35,458
kasi kahit papa'no,
medyo parang pagmamahal din 'yon.
155
00:31:40,125 --> 00:31:42,208
Pag hinipo ako ng isa sa kanila...
156
00:31:44,458 --> 00:31:47,041
kahit sarili niya lang 'yong iniisip niya...
157
00:31:48,958 --> 00:31:49,875
o ibang babae...
158
00:31:52,416 --> 00:31:54,916
napapaniwala na no'n ang puso ko.
159
00:32:00,083 --> 00:32:01,958
Sabik sa atensiyon ang puso.
160
00:32:03,708 --> 00:32:05,666
Pinapahalagahan nito ang bawat...
161
00:32:07,416 --> 00:32:08,541
yakap.
162
00:32:11,541 --> 00:32:12,875
Bawat haplos.
163
00:32:15,416 --> 00:32:16,666
Bawat halik.
164
00:32:20,166 --> 00:32:21,083
E di...
165
00:32:23,500 --> 00:32:24,458
lalaki 'yon...
166
00:32:28,625 --> 00:32:30,125
Na may maliit na puso.
167
00:32:33,000 --> 00:32:35,833
Alam mo naman siguro
na di ka mabubuntis nang basta lang.
168
00:32:35,916 --> 00:32:38,500
Maliit akong tao, hindi makitid ang utak.
169
00:32:39,000 --> 00:32:40,541
Ginahasa ka ba?
170
00:32:40,625 --> 00:32:41,708
Walang nanakit sa 'kin.
171
00:32:43,625 --> 00:32:44,666
Ito, o.
172
00:32:49,583 --> 00:32:52,500
Sinulat ko 'yong pangalan
ng mga lalaking naaalala ko.
173
00:32:52,583 --> 00:32:54,166
Baka isa sa kanila ang ama.
174
00:32:55,416 --> 00:32:59,250
Di ko alam kung ipapaaresto mo sila
o ipapa-test sila.
175
00:33:00,083 --> 00:33:02,750
Wala akong gusto
kundi konting tulong pinansiyal.
176
00:33:03,375 --> 00:33:05,333
Papalakihin ko nang mag-isa itong bata.
177
00:33:07,250 --> 00:33:09,250
Pero halos lahat ng lalaki 'to sa nayon.
178
00:33:12,083 --> 00:33:13,708
Pati pangalan ng tatay ko, nandito.
179
00:33:30,375 --> 00:33:33,750
"Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma
na kaloob ng Diyos,
180
00:33:34,250 --> 00:33:38,916
upang mapaglabanan ninyo
ang mga pakana ng diyablo."
181
00:33:39,000 --> 00:33:41,166
Efeso 6:11.
182
00:33:41,250 --> 00:33:43,500
Pinoprotektahan tayo
at tinutulungang manalo
183
00:33:43,583 --> 00:33:45,625
ng kasuotang pandigma ng Diyos.
184
00:33:46,250 --> 00:33:48,750
Ang tagumpay na nakikita natin dito,
185
00:33:49,416 --> 00:33:52,416
kasama ng Ama, sa bahay ng Diyos.
186
00:33:53,000 --> 00:33:54,416
Ang bahay na inyo.
187
00:33:54,916 --> 00:33:55,750
Sa 'yo 'yon,
188
00:33:56,375 --> 00:33:57,458
atin 'yon.
189
00:33:58,333 --> 00:33:59,250
Dahil ang Diyos
190
00:34:00,083 --> 00:34:01,666
ay walang hanggang pagmamahal.
191
00:34:05,875 --> 00:34:09,833
Doc, pa'no kung hindi pa handa
'yong anak ko?
192
00:34:10,458 --> 00:34:13,375
Magiging maayos din ito, anak.
Kasama mo ako.
193
00:34:14,041 --> 00:34:15,166
Kung hindi,
194
00:34:15,250 --> 00:34:18,125
gusto kong Camilo ang ipangalan sa kanya.
195
00:34:19,166 --> 00:34:21,666
- Dinudugo siya, doc.
- Camilo. Halika na.
196
00:34:24,666 --> 00:34:25,666
Putulin mo na.
197
00:34:26,583 --> 00:34:28,041
Di siya humihinga.
198
00:34:32,500 --> 00:34:34,208
Sisimulan na ang resuscitation.
199
00:34:36,083 --> 00:34:37,208
Isa. Dalawa. Tatlo.
200
00:34:37,958 --> 00:34:40,791
- Isa. Dalawa.
- Isa. Dalawa. Tatlo.
201
00:34:40,875 --> 00:34:41,833
Tibok ng puso?
202
00:34:43,000 --> 00:34:44,000
Isa.
203
00:34:44,583 --> 00:34:46,291
- Dalawa.
- Wala pa rin.
204
00:34:46,833 --> 00:34:48,583
Isa. Dalawa.
205
00:34:48,666 --> 00:34:50,125
Isa. Dalawa. Tatlo.
206
00:34:50,208 --> 00:34:52,666
Isa. Dalawa.
207
00:34:52,750 --> 00:34:54,708
- Isa. Dalawa. Tatlo.
- Tibok ng puso?
208
00:34:57,625 --> 00:34:58,583
Wala.
209
00:36:22,875 --> 00:36:26,541
Noong bata pa,
humihiga siya sa kandungan ng nanay niya
210
00:36:26,625 --> 00:36:28,791
habang hinahaplos ng nanay ang buhok niya.
211
00:36:32,458 --> 00:36:36,583
Naniniwala siyang tungkol ang buhay
sa pagpapalaki ng anak para maging lalaki,
212
00:36:36,666 --> 00:36:38,875
tapos maghihintay ng apo,
213
00:36:38,958 --> 00:36:41,583
kumpiyansang natupad ang mga batas.
214
00:36:49,500 --> 00:36:50,583
Pero 'yong bata...
215
00:36:51,208 --> 00:36:53,000
Lumaking mahina 'yong bata.
216
00:36:54,208 --> 00:36:58,083
At nawala ang mainit na kandungan
ng kanyang ina.
217
00:37:00,250 --> 00:37:01,416
KABANATA III
218
00:37:01,500 --> 00:37:07,666
{\an8}INAAKALANG PARA SIYANG BULAKLAK
NA MAHINA AT WALANG-SILBI
219
00:37:35,416 --> 00:37:37,250
Mama, pwede ba akong magbanyo?
220
00:38:38,583 --> 00:38:40,375
Magaling na ba 'yong mukha mo?
221
00:38:56,125 --> 00:38:59,416
Mahahawaan ka ng sakit
pag hinawakan mo 'yang galling sa kanya.
222
00:38:59,500 --> 00:39:01,416
Mahina ang katawan siya. Di ito sexual.
223
00:39:01,500 --> 00:39:04,875
'Yan ang akala mo.
Pipilitin kang umamin ng mga tao rito.
224
00:39:05,375 --> 00:39:09,208
Isang beses, ipinasok nila 'yong tubo
sa babaeng gusto ang kapuwa babae.
225
00:39:09,291 --> 00:39:13,166
Isinabit siya sa plasa,
sa tabi ng simbahan, para makita ng lahat.
226
00:39:13,250 --> 00:39:14,458
Walang ginawa 'yong pulis.
227
00:39:14,541 --> 00:39:17,458
Walang ginawa para sa kanya,
o para sa ibang nabulok do'n.
228
00:39:17,541 --> 00:39:20,916
Kasi, kahit ano pa'ng sabihin ng batas,
alam ng mga tao kung ano ang tama.
229
00:39:21,541 --> 00:39:23,000
Pa'no kung palayasin ko siya?
230
00:39:23,500 --> 00:39:25,708
May mga batang ipinanganak
na salbahe, Matilde.
231
00:39:25,791 --> 00:39:28,416
Ga'no katagal ka pang magkukuskos
ng duguang tuwalya?
232
00:39:30,750 --> 00:39:34,041
Gusto ng Diyos na maging anak mo siya.
Pa'no kung nagbago ang isip Niya?
233
00:39:34,125 --> 00:39:36,250
Kumuha ka ng kutsilyo
at tapusin mo na 'to.
234
00:39:37,583 --> 00:39:39,916
Kung hindi,
ibang tao sa nayon ang gagawa no'n.
235
00:39:41,041 --> 00:39:43,458
Hindi mo maiintindihan
ang puso ng isang ina.
236
00:39:45,375 --> 00:39:47,291
Pa'no kung ito 'yong kalooban ng Diyos?
237
00:43:45,625 --> 00:43:47,833
Ayoko na pong biguin ka ulit.
238
00:44:22,333 --> 00:44:23,500
Bumalik ang lagnat.
239
00:44:25,333 --> 00:44:26,458
Uminom ka ng gamot.
240
00:44:30,125 --> 00:44:32,125
Natutuyo ang luha ng mga lalaki.
241
00:45:43,333 --> 00:45:45,583
Malamig. Ayaw mo ba ng jacket?
242
00:46:03,125 --> 00:46:05,833
Hi. Alam mo ba
kung pa'no pumunta sa palengke?
243
00:46:09,458 --> 00:46:10,833
Dumeretso ka lang.
244
00:46:11,875 --> 00:46:12,791
Gusto mong sumabay?
245
00:46:34,416 --> 00:46:35,500
Nagmamadali ka ba?
246
00:48:05,458 --> 00:48:06,625
Late ka na.
247
00:48:07,166 --> 00:48:08,875
Maraming babae sa nayon.
248
00:48:09,416 --> 00:48:10,541
Pumili ka ng isa.
249
00:48:10,625 --> 00:48:12,583
Mag-asawa ka, magkaanak.
250
00:48:13,708 --> 00:48:15,208
Kailangan ko ng apo.
251
00:48:19,916 --> 00:48:21,416
Gano'n ang buhay.
252
00:48:27,041 --> 00:48:30,166
Tinatanggap mo ba si Antonino
bilang asawa mo,
253
00:48:30,250 --> 00:48:34,666
para mahalin at pahalagahan,
sa hirap at ginhawa, may sakit man...
254
00:48:34,750 --> 00:48:35,583
Opo.
255
00:48:38,416 --> 00:48:39,375
Antonino.
256
00:48:41,791 --> 00:48:42,666
Antonino?
257
00:48:44,708 --> 00:48:45,958
- Tinatanggap mo—
- Opo.
258
00:48:48,416 --> 00:48:49,708
Halikan mo na ang bride.
259
00:49:22,541 --> 00:49:25,708
Mula nang ipinagkasundo siyang
ipakasal sa kapitbahay,
260
00:49:26,458 --> 00:49:31,625
nalaman ng babae
na ang kalayaan, nasa pag-aasawa
261
00:49:31,708 --> 00:49:33,333
at sa pagitan ng hita niya.
262
00:49:35,791 --> 00:49:38,458
Akala niya, sa pagitan ng mga hita niya,
263
00:49:38,541 --> 00:49:41,625
may hook na kakapit sa ari ng lalaki.
264
00:49:43,125 --> 00:49:49,958
Isang imaginary hook na sisiguraduhin
ang matapat at habambuhay na pagsasama.
265
00:49:50,041 --> 00:49:51,250
KABANATA IV
266
00:49:51,333 --> 00:49:53,666
{\an8}PARE-PAREHO ANG MGA LALAKI
267
00:49:53,750 --> 00:49:58,083
{\an8}MGA BABAE LANG ANG MAGKAKAIBA
268
00:50:02,166 --> 00:50:06,083
LUMIPAD ANG MGA BITUIN
NA PARANG MGA ALITAPTAP.
269
00:50:10,208 --> 00:50:13,250
Sabi ko, wag kang mag-aksaya ng oras
sa mga walang-kuwentang bagay.
270
00:50:18,375 --> 00:50:22,875
Baka makaranas ka ng konting kaligayahan
bago ka mamatay, 'nak.
271
00:50:23,958 --> 00:50:28,125
- Konti, kung masuwerte ka.
- Hindi. Gusto kong nakalugay ang buhok ko.
272
00:50:28,208 --> 00:50:31,125
No'ng kaedad mo ako,
wala akong ganyang kalayaan.
273
00:50:31,208 --> 00:50:33,291
Kilala mo na siya mula pa pagkabata.
274
00:50:33,375 --> 00:50:36,708
- Pero kailangan mo pa ring mag-ingat.
- Mag-ingat po sa ano?
275
00:50:36,791 --> 00:50:38,875
Masyadong nagmamadali
ang mga kabataan ngayon.
276
00:50:38,958 --> 00:50:42,416
Ipinanganak ang mga babae
na may sugat sa pagitan ng hita nila.
277
00:50:42,916 --> 00:50:46,416
At inaasam ng mga lalaki
ang sugat na 'yon sa malupit na paraan.
278
00:50:47,833 --> 00:50:50,250
At di magandang maging pakawala ka.
279
00:50:50,750 --> 00:50:52,958
Pag nakuha niya agad 'yong sugat na 'yon,
280
00:50:53,041 --> 00:50:55,416
tatanda ka at magiging malungkot.
281
00:50:58,625 --> 00:51:01,875
- Parang mas kinakabahan kayo kesa sa 'kin.
- Kinakabahan?
282
00:51:03,416 --> 00:51:04,875
Tumingin ka sa salamin.
283
00:51:07,458 --> 00:51:08,458
Mga babae tayo.
284
00:51:09,666 --> 00:51:13,166
Tsismosa ang mga tao dito. Isipin mo
ang sasabihin nila kung magmamadali ka.
285
00:51:14,250 --> 00:51:16,583
Gusto ko lang
kung ano ang makakabuti sa 'yo, 'nak.
286
00:51:17,833 --> 00:51:19,083
Ang ganda mo.
287
00:51:19,791 --> 00:51:20,958
Magugustuhan ka niya.
288
00:51:30,750 --> 00:51:32,333
Dito ka ba maghahapunan?
289
00:51:32,416 --> 00:51:35,083
Hindi po. Sabi ni Mama,
sa bahay ako kumain ngayong gabi.
290
00:51:35,166 --> 00:51:37,083
- Pero salamat po.
- Sayang naman.
291
00:51:37,166 --> 00:51:38,375
Nagluto ako ng meatballs.
292
00:51:38,916 --> 00:51:41,333
Tinuruan ko si Isaura magluto ng gano'n.
293
00:51:44,250 --> 00:51:48,333
Mrs. Maria, madalas lutang ang isip ko.
Di ko napansin na French kayo.
294
00:51:48,416 --> 00:51:52,083
Hindi, 'no. Nagising siyang ganyan na
no'ng araw na na-engage tayo.
295
00:51:52,666 --> 00:51:53,541
Di po ba?
296
00:51:55,625 --> 00:51:57,583
Sabi ng doktor, bihira ang ganitong sakit.
297
00:51:57,666 --> 00:51:59,916
Foreign accent syndrome,
'yon ang tawag niya.
298
00:52:00,000 --> 00:52:01,875
Pero ginagawan ko na ng paraan.
299
00:52:03,541 --> 00:52:05,875
May ginagawa akong magaling na orasyon.
300
00:52:05,958 --> 00:52:08,375
Mas magaling kesa sa reseta ng doktor.
301
00:52:10,166 --> 00:52:11,666
Malapit nang gumaling 'to.
302
00:52:19,875 --> 00:52:23,083
Sige, babalik na ako sa workshop.
303
00:52:23,875 --> 00:52:25,000
Maiwan ko muna kayo.
304
00:52:25,500 --> 00:52:26,333
Aalis na rin ako.
305
00:52:28,500 --> 00:52:32,250
Para makapag-usap kayo sandali.
306
00:52:39,375 --> 00:52:40,833
Wag. Papatayin ako ng nanay ko,
307
00:52:40,916 --> 00:52:43,250
papatayin ako ng tatay ko,
tapos papatayin ka niya.
308
00:52:44,958 --> 00:52:48,708
Wag. Mag-iiwan ng marka 'yang halik mo.
Mapapansin 'yon ng tatay ko.
309
00:52:49,333 --> 00:52:51,291
Hindi 'yan, sigurado ako.
310
00:52:52,791 --> 00:52:56,166
Gustong-gusto kita.
Imposibleng di mo rin ako gusto.
311
00:52:56,750 --> 00:52:58,333
Gusto rin kita.
312
00:52:59,375 --> 00:53:00,833
Pero di ako nagmamadali.
313
00:53:01,583 --> 00:53:02,666
Umalis ka na.
314
00:53:58,958 --> 00:54:01,583
Buksan mo 'to.
Ayokong nakakandado 'tong pinto.
315
00:54:05,166 --> 00:54:06,666
Bakit nagmamadali siyang umalis?
316
00:54:07,958 --> 00:54:10,083
Late na po siya sa dinner.
317
00:54:11,000 --> 00:54:13,416
Sinisira ng pag-ibig ang lahat, Isaura.
318
00:54:13,500 --> 00:54:16,000
- Nag-usap lang po kami—
- Seryoso ako.
319
00:54:18,041 --> 00:54:19,833
Sinisira ng pag-ibig ang lahat.
320
00:54:24,333 --> 00:54:26,125
Uminom na naman po kayo ng pabango?
321
00:54:28,000 --> 00:54:29,833
Di umuubra 'yong orasyon, Ma.
322
00:54:30,416 --> 00:54:31,583
Uminom kayo ng gamot.
323
00:54:48,875 --> 00:54:51,166
Sinisira ng pag-ibig ang lahat.
324
00:54:57,875 --> 00:54:59,875
No'ng tinuro ng lolo mo
ang ganitong trabaho,
325
00:54:59,958 --> 00:55:03,666
di ko alam kung ga'no katagal
bago ko makuha 'yong magkasukat.
326
00:55:09,666 --> 00:55:11,833
Sinisira ba ng pag-ibig ang lahat, Pa?
327
00:55:13,416 --> 00:55:15,583
Sino'ng nagsabi n'yan? Nanay mo ba?
328
00:55:21,833 --> 00:55:24,750
Mas gusto kong maniwala,
na tungkol sa paghihintay ang pag-ibig.
329
00:55:30,416 --> 00:55:32,416
Sulit ba 'yong paghintay kay Mama?
330
00:55:38,791 --> 00:55:39,750
Nakahain na!
331
00:55:47,250 --> 00:55:48,250
Di ka ba sasama?
332
00:55:49,291 --> 00:55:50,416
Susunod na po.
333
00:56:21,625 --> 00:56:22,500
Di ka ba kakain?
334
00:56:57,833 --> 00:56:59,166
Baliw ka ba?
335
00:57:05,125 --> 00:57:06,416
Magiging asawa mo na 'ko.
336
00:57:06,500 --> 00:57:09,750
- Papatayin ako ng nanay ko.
- Di nga siya makapagsalita nang maayos.
337
00:57:09,833 --> 00:57:12,166
Sinasabi ng lahat na nababaliw na siya.
338
00:58:26,166 --> 00:58:27,541
Hindi gumana, ano?
339
00:58:35,833 --> 00:58:37,000
Tama 'yong tatay mo.
340
00:58:40,208 --> 00:58:41,583
Masunuring bata ka nga.
341
01:00:05,291 --> 01:00:08,750
- Pagkatapos ng lahat na sinabi ko sa 'yo?
- Ayos lang ba kayo d'yan?
342
01:00:10,875 --> 01:00:11,791
Oo.
343
01:00:30,750 --> 01:00:32,916
Ipasok mo 'yong gitnang daliri mo.
344
01:00:34,458 --> 01:00:35,750
Kapain mo 'yong...
345
01:00:37,708 --> 01:00:39,208
parang harang.
346
01:00:44,125 --> 01:00:45,833
Gawin mo ang sinasabi ko, Isaura.
347
01:00:59,750 --> 01:01:01,500
Iunat mo 'yong daliri mo.
348
01:01:03,541 --> 01:01:06,666
Ingat. Wag mong gawin
'yong di nagawa ng lokong 'yon.
349
01:01:08,208 --> 01:01:11,541
Kung magiging malinis ka lang at tahimik,
350
01:01:11,625 --> 01:01:13,666
makakahanap ka ng ibang lalaki,
351
01:01:13,750 --> 01:01:16,083
kasi di mo na papakasalan
'yong buwisit na 'yon.
352
01:01:16,166 --> 01:01:18,583
Maghahanap tayo ng ibang mapapangasawa mo.
353
01:01:19,291 --> 01:01:20,416
Tapos,
354
01:01:21,041 --> 01:01:26,458
ang gagawin mo lang, magluto nang masarap
at ipaghain siya araw-araw,
355
01:01:26,541 --> 01:01:28,416
at tuloy pa rin ang buhay.
356
01:01:31,875 --> 01:01:33,583
May nararamdaman ka ba?
357
01:01:36,958 --> 01:01:40,000
Ni hindi mo magawa 'yon, Isaura?
358
01:02:25,958 --> 01:02:29,583
Bulaklak ng lotus, carnation...
Nasubukan ko na lahat.
359
01:02:30,875 --> 01:02:32,708
Wala ka bang daisies?
360
01:02:32,791 --> 01:02:37,000
Wala, pero meron ako nito.
Sariwa ang petals, payat pa ang tangkay.
361
01:02:38,166 --> 01:02:39,666
At di pa 'to nagagalaw.
362
01:02:46,833 --> 01:02:47,666
Excuse me.
363
01:04:51,958 --> 01:04:52,875
Thank you.
364
01:04:53,458 --> 01:04:55,916
Pero sinabi ko na sa 'yo
na di mo kailangang mag-alala.
365
01:05:05,333 --> 01:05:09,541
Pag naghintay ka pa,
kahit ang isang 'yan, di ka na susuyuin.
366
01:05:10,208 --> 01:05:13,416
Kahit lampa, asawa pa rin 'yon.
Mas mabuti na 'yon kesa wala.
367
01:05:15,708 --> 01:05:17,958
At di kailangan ng hipuan.
368
01:05:20,500 --> 01:05:22,583
Makikinig ka na ba sa 'kin ngayon?
369
01:05:23,791 --> 01:05:24,625
Opo.
370
01:05:28,291 --> 01:05:29,291
Antonino?
371
01:05:31,291 --> 01:05:32,541
- Tinatanggap mo—
- Opo.
372
01:05:35,541 --> 01:05:36,833
Halikan mo na ang bride.
373
01:08:33,416 --> 01:08:35,625
Nabibigatan sa kawalan at katahimikan,
374
01:08:36,541 --> 01:08:40,666
pakiramdam ng babae, isa siyang
maliit na atom sa di nakikitang hangin.
375
01:08:46,291 --> 01:08:48,875
May malaking puwang sa kalooban ng babae,
376
01:08:49,666 --> 01:08:53,500
at iilan lang o walang kahit anong
nakakapagpasaya sa kanya.
377
01:08:59,916 --> 01:09:03,458
Patuloy na lumalalim
ang kalungkutan ng babae.
378
01:09:21,416 --> 01:09:26,250
Baka isa na naman 'yong mangingisda
sa lalaking tatangay ng kasiyahan niya.
379
01:09:30,041 --> 01:09:33,125
At paubos na 'yong saya niya.
380
01:09:38,291 --> 01:09:39,791
KABANATA V
381
01:09:39,875 --> 01:09:46,208
ANG MGA HALOS SUMAYA
382
01:09:48,083 --> 01:09:49,875
Sinisira ng pag-ibig ang lahat.
383
01:09:54,708 --> 01:09:57,250
Sinisira no'n ang lahat.
384
01:09:57,916 --> 01:10:00,708
Minsan, kinakausap ko rin 'yong sarili ko.
385
01:10:01,625 --> 01:10:02,708
Kapag masakit...
386
01:10:04,041 --> 01:10:06,291
pumupunta ako dito
at sumisigaw nang malakas.
387
01:10:09,250 --> 01:10:10,750
'Yong pinakamalakas na kaya ko.
388
01:10:16,833 --> 01:10:18,250
Di nanghuhusga ang dagat—
389
01:10:29,333 --> 01:10:30,291
Nakatulong ba?
390
01:10:38,666 --> 01:10:40,125
Kailangan ko nang umuwi.
391
01:10:52,666 --> 01:10:54,041
Do'n ako nakatira, kita mo?
392
01:10:58,958 --> 01:11:00,083
Kung gusto mong...
393
01:11:02,583 --> 01:11:03,958
sumigaw ulit bukas...
394
01:12:48,333 --> 01:12:50,000
May pangalan ba 'yang manika?
395
01:12:52,375 --> 01:12:53,208
Wala.
396
01:12:55,916 --> 01:12:58,416
Kaya ba ang saya niya?
397
01:13:31,000 --> 01:13:33,166
- Gusto mo?
- Ayoko.
398
01:13:43,208 --> 01:13:45,333
- Di ako gutom.
- Ako ang gumawa nito.
399
01:14:33,916 --> 01:14:35,041
Siya si...
400
01:14:37,083 --> 01:14:38,166
Siya si Camilo.
401
01:14:40,833 --> 01:14:41,916
Siya si Isaura.
402
01:14:46,250 --> 01:14:47,583
Inubos n'yo lahat ng jelly?
403
01:14:50,250 --> 01:14:51,250
Gagawa pa ako.
404
01:14:53,875 --> 01:14:55,000
Para sa inyong dalawa.
405
01:15:00,625 --> 01:15:02,000
Nagde-date po ba kayo?
406
01:15:05,583 --> 01:15:06,750
Mukhang gano'n, e.
407
01:15:10,666 --> 01:15:11,833
May mga anak ba kayo?
408
01:15:16,208 --> 01:15:17,208
Gusto n'yo ba?
409
01:15:20,333 --> 01:15:21,916
Di ko inisip 'yong gano'n.
410
01:15:22,416 --> 01:15:24,333
Pero babae kayo.
411
01:15:24,416 --> 01:15:25,583
At batang lalaki ka.
412
01:15:27,250 --> 01:15:28,375
Oras na para maligo.
413
01:15:28,875 --> 01:15:30,000
- Halika na.
- Okay po.
414
01:15:58,958 --> 01:16:02,166
Kumain siya ng tinik ng rosas
at dumi ng hayop.
415
01:16:02,250 --> 01:16:04,750
Uminom siya ng maputik na tubig
at dugo ng tandang.
416
01:16:04,833 --> 01:16:07,583
Nagpahid pa siya ng nettle
sa lalamunan niya.
417
01:16:08,083 --> 01:16:09,833
Pero nando'n pa rin 'yong punto.
418
01:16:11,208 --> 01:16:12,625
Magiging maayos ba siya?
419
01:16:38,708 --> 01:16:40,625
Sa tingin ko, dapat itago mo 'yan.
420
01:16:43,166 --> 01:16:45,125
Mas gusto kong ibigay 'yan sa mahihirap.
421
01:16:46,500 --> 01:16:49,916
Para sa gano'n, mapawalang-bisa
'yong di dapat nangyari.
422
01:17:03,625 --> 01:17:06,916
Paulit-ulit n'yong gawin.
Tapos, saka n'yo lang siya pakainin.
423
01:17:07,000 --> 01:17:08,750
- Tapos, masunurin na siya.
- Gutom siya.
424
01:17:08,833 --> 01:17:11,916
Kung tuturuan muna siya,
tapos saka papakainin, matatandaan niya.
425
01:17:12,000 --> 01:17:13,250
Gusto n'yong makita?
426
01:17:13,333 --> 01:17:14,166
Paa.
427
01:17:14,916 --> 01:17:15,750
Paa.
428
01:17:15,833 --> 01:17:18,250
- Hoy, paa.
- Ayan. Pakainin mo na siya.
429
01:17:18,750 --> 01:17:20,416
Di niya ginamit 'yong dalawang paa.
430
01:17:21,250 --> 01:17:24,458
- Mas matututo ka kapag busog.
- Kayo 'yon, hindi ang aso.
431
01:17:24,541 --> 01:17:27,250
Pero kung gutom na siya,
bakit di ko siya pwedeng pakainin?
432
01:17:31,041 --> 01:17:32,666
Bumili na kayo ng singsing.
433
01:17:34,500 --> 01:17:36,375
Para maging sa 'yo na siya habambuhay.
434
01:17:36,875 --> 01:17:39,166
Ipapakita ng singsing
kung ga'no n'yo siya kamahal.
435
01:17:40,208 --> 01:17:42,708
- Alam ng singsing?
- Alam po 'yong ano?
436
01:17:42,791 --> 01:17:44,583
Kung ga'no katindi 'yong pagmamahal.
437
01:17:45,875 --> 01:17:47,416
Gano'n kasi ginagawa 'yon.
438
01:17:49,708 --> 01:17:51,250
Gano'n ginagawa 'yon?
439
01:17:54,125 --> 01:17:55,750
Pambawi no'ng isang araw.
440
01:18:03,875 --> 01:18:06,375
Masarap po.
Pero mas masarap 'yong sa tatay ko.
441
01:20:50,750 --> 01:20:52,166
Mahal mo ba si Isaura?
442
01:20:55,875 --> 01:20:57,000
Parang gano'n.
443
01:21:00,000 --> 01:21:00,916
Maganda 'yan.
444
01:21:01,583 --> 01:21:03,583
Nasa daliri niya pa 'yong singsing.
445
01:21:04,833 --> 01:21:06,500
Pero sa 'kin, wala na.
446
01:21:06,583 --> 01:21:08,166
Singsing lang 'yan.
447
01:21:08,250 --> 01:21:11,625
- Di n'yo pwedeng i-date 'yong may asawa.
- Di tayo ganyan magsalita dito.
448
01:21:11,708 --> 01:21:14,666
Di niya siguro mahal si Isaura.
Di ganyan ang pag-ibig. Malamya.
449
01:21:14,750 --> 01:21:16,833
Ano ba dapat? Alam mo ba?
450
01:21:16,916 --> 01:21:20,083
Hindi po, pero alam kong
'yong galing sa puwit, di kayang magmahal.
451
01:21:21,250 --> 01:21:22,250
Sino'ng nagsabi n'yan?
452
01:21:22,875 --> 01:21:25,500
- 'Yong lolo ko.
- Buti na lang wala siya dito.
453
01:21:28,500 --> 01:21:30,166
Kailangan kong alagaan ang nanay ko.
454
01:22:08,416 --> 01:22:09,250
Uy.
455
01:22:13,166 --> 01:22:14,541
Galit ka po ba sa 'kin?
456
01:22:17,875 --> 01:22:18,958
Hindi ako galit.
457
01:22:22,083 --> 01:22:23,583
Paparusahan n'yo ako?
458
01:22:25,875 --> 01:22:26,708
Bakit?
459
01:22:28,041 --> 01:22:29,666
Kasi gano'n 'yong ginagawa.
460
01:22:49,583 --> 01:22:51,583
Sa'n ka pumunta no'ng gabing 'yon?
461
01:25:16,833 --> 01:25:18,791
Pagkamatay ng asawa niya,
462
01:25:19,416 --> 01:25:22,041
patuloy na pinalaki ng matanda 'yong bata.
463
01:25:24,500 --> 01:25:27,500
Tingin niya,
parang paghihiganti ang mga bata
464
01:25:27,583 --> 01:25:29,916
laban sa kasiguruhan ng kamatayan.
465
01:25:32,083 --> 01:25:37,208
Na sa pamamagitan ng mga batang pinalaki,
mabubuhay ka nang mas matagal.
466
01:25:39,000 --> 01:25:42,583
Naniwala siyang 'yong inampong bata
ang magiging legacy niya.
467
01:25:43,208 --> 01:25:44,625
KABANATA VI
468
01:25:44,708 --> 01:25:50,000
ANG BATANG NADUNGISAN NG ALAALA
469
01:25:54,291 --> 01:25:55,791
Tingnan mo kung sino'ng nandito.
470
01:25:56,333 --> 01:25:58,416
Dumating si Carminda para mangumusta.
471
01:25:59,625 --> 01:26:01,666
Makinig ka sa sasabihin ko, anak.
472
01:26:01,750 --> 01:26:04,666
Laging nandito si Carminda,
malapit sa 'tin.
473
01:26:04,750 --> 01:26:07,083
Kaya lagi kong pinapatugtog
ang record na 'to.
474
01:26:07,166 --> 01:26:09,041
Paboritong kanta niya 'to.
475
01:26:09,125 --> 01:26:12,041
Sa gano'ng paraan,
lagi siyang malapit sa 'tin.
476
01:26:15,583 --> 01:26:17,875
Special recipe 'to ng lola mo.
477
01:26:18,541 --> 01:26:20,375
Sariwang tuna 'yong ginamit niya.
478
01:26:21,458 --> 01:26:23,916
Pero pwede na rin ang de-latang tuna.
479
01:26:30,833 --> 01:26:32,750
Malapit nang maluto ang hapunan.
480
01:26:41,500 --> 01:26:43,416
Kainin mo lahat para lumakas ka.
481
01:26:45,958 --> 01:26:48,125
Kasi balang araw, mawawala na ako,
482
01:26:48,208 --> 01:26:49,291
at ikaw, anak,
483
01:26:49,375 --> 01:26:51,083
ikukuwento mo sa bawat nayon
484
01:26:51,166 --> 01:26:53,250
'yong mag-asawang
mahal na mahal ang isa't isa.
485
01:26:53,333 --> 01:26:55,500
Ikaw 'yong magiging messenger
ng pagmamahalan
486
01:26:55,583 --> 01:26:57,583
na magiging inspirasyon ng marami.
487
01:26:57,666 --> 01:27:00,250
Lalo na 'yong nangangailangan no'n.
488
01:27:04,875 --> 01:27:07,583
Ngayon, maglalagay ako
ng dalawang kutsarang jelly.
489
01:27:07,666 --> 01:27:09,083
Gaya ng hiningi mo.
490
01:27:14,125 --> 01:27:15,250
Masarap 'to.
491
01:27:17,458 --> 01:27:18,291
Ayan.
492
01:27:22,333 --> 01:27:24,333
Makinig ka sa 'kin, anak.
493
01:27:24,833 --> 01:27:28,375
Ang pagmamahal ang trono ng pamilya.
At ng mga lalaki at babaeng magkasama.
494
01:27:28,458 --> 01:27:29,875
Dapat maintindihan mo 'yon.
495
01:27:29,958 --> 01:27:32,750
Makinig ka sa lolo mo. At sa lola mo rin.
496
01:27:32,833 --> 01:27:35,750
Pag tapos ka na, magbihis ka na.
Magsisimba na tayo.
497
01:27:40,416 --> 01:27:41,291
Hi po, Lola.
498
01:27:41,875 --> 01:27:44,041
May binabasa akong bagong libro.
Ang ganda po.
499
01:27:44,541 --> 01:27:46,416
Di ako mamamatay sa loob ng isang linggo.
500
01:27:48,833 --> 01:27:52,166
- Ga'no nga po ulit katagal 'yon?
- Di ka ba nagsasawa sa kuwentong 'yon?
501
01:27:52,250 --> 01:27:53,458
- Hindi po.
- Maupo ka.
502
01:27:55,416 --> 01:27:59,250
Tuwing may pasyenteng pumupunta
sa clinic ng lola mo at nagrereklamo,
503
01:27:59,333 --> 01:28:01,958
lagi niya muna silang tinatanong
kung may binabasa sila.
504
01:28:02,041 --> 01:28:04,458
Kung "wala" ang sagot, sasabihin niya,
505
01:28:05,000 --> 01:28:06,791
"Kailangan mo kaagad ng libro.
506
01:28:06,875 --> 01:28:10,083
Kung hindi, magkita tayo sa libing mo.
Dalawang linggo, pinakamatagal."
507
01:28:10,166 --> 01:28:13,375
Pupunta kaagad 'yong pasyente sa bookstore
pagkagaling sa opisina niya.
508
01:28:14,625 --> 01:28:16,333
Parehong-pareho kayong dalawa.
509
01:28:18,166 --> 01:28:21,000
'Yong nanay ko po,
ano'ng masasabi n'yo tungkol sa kanya?
510
01:28:24,416 --> 01:28:26,166
Di n'yo po ba sasabihin sa 'kin?
511
01:28:40,958 --> 01:28:42,666
Nahulog ka galing sa langit, Camilo.
512
01:28:43,375 --> 01:28:44,541
Hulog ka ng langit.
513
01:28:51,708 --> 01:28:52,541
Salamat.
514
01:28:53,291 --> 01:28:55,750
Ito 'yong paboritong libro ng lola mo.
515
01:28:55,833 --> 01:28:57,916
Di na 'ko mamamatay
sa loob ng dalawang linggo.
516
01:28:58,625 --> 01:29:01,250
Nakakatuwang makita
na marami kang natututunan.
517
01:29:01,750 --> 01:29:03,500
- Pwede ba, Lolo?
- Sige.
518
01:29:03,583 --> 01:29:04,750
Thank you po.
519
01:29:04,833 --> 01:29:06,833
- Dalawang churros.
- Sige po.
520
01:29:09,041 --> 01:29:10,041
Eto, o.
521
01:29:11,250 --> 01:29:12,250
Eto.
522
01:29:12,333 --> 01:29:13,333
Thank you po.
523
01:29:14,416 --> 01:29:15,250
Halika rito.
524
01:29:17,666 --> 01:29:20,708
- Di kita pwedeng i-expose sa ganyan.
- Pero mukhang ang bait po niya.
525
01:29:20,791 --> 01:29:22,333
- Maupo ka do'n.
- Okay po.
526
01:29:22,833 --> 01:29:24,750
Maraming kuwento ang tatay ko dati.
527
01:29:26,125 --> 01:29:30,166
Ikukuwento ko 'yong nakita kong nangyari
sa isang nayon sa tabi ng dagat.
528
01:29:30,250 --> 01:29:31,791
Kuwento 'yon ng queer.
529
01:29:31,875 --> 01:29:35,000
'Yon ang tawag ng mga tao
sa babaeng nagkakagusto sa kapuwa babae.
530
01:29:37,333 --> 01:29:39,291
Pero di lang babae 'yong gusto niya.
531
01:29:39,958 --> 01:29:42,000
Nagkaanak siya sa lalaking may asawa.
532
01:29:42,083 --> 01:29:44,583
Tapos tumira sila no'ng bata sa kuweba.
533
01:29:44,666 --> 01:29:48,125
Akala ng mga taganayon,
umayos na siya pagkatapos ng lahat.
534
01:29:48,625 --> 01:29:51,000
Pero hindi,
di nagbabago ang mga gano'ng tao.
535
01:29:51,500 --> 01:29:52,583
Matapos ang ilang taon,
536
01:29:52,666 --> 01:29:54,000
nakita ng ama 'yong queer
537
01:29:54,083 --> 01:29:55,958
kasama sa kama 'yong anak niyang babae.
538
01:29:56,041 --> 01:29:58,333
Hinila niya sa buhok 'yong anak
hanggang dito,
539
01:29:58,416 --> 01:30:00,666
kung saan naghihintay ang buong nayon.
540
01:30:00,750 --> 01:30:02,416
Matapos siyang turuan ng leksiyon,
541
01:30:02,500 --> 01:30:06,791
ibinitin nila 'yong katawan niya doon,
malapit sa puno, kung saan kita ng lahat.
542
01:30:08,541 --> 01:30:12,916
At lumaki nang mag-isa sa kuweba
'yong kawawa niyang anak.
543
01:30:14,125 --> 01:30:16,250
Makinig ka sa sinasabi ko.
544
01:30:17,333 --> 01:30:20,416
Walang-kuwenta ang mga lamya at queer.
545
01:30:20,500 --> 01:30:24,041
Gano'n din ang mga adik,
mga prostitute, surfers, at singers.
546
01:30:25,666 --> 01:30:28,916
Ayokong makihalubilo ka
sa mga gano'ng klaseng tao.
547
01:30:29,958 --> 01:30:32,625
Baka ituro nila kung pa'no
ipanganak ang mga tao sa puwit.
548
01:31:16,666 --> 01:31:18,125
Nakatira ako sa mainit na lugar.
549
01:31:18,208 --> 01:31:22,000
Maraming lamok dito at makakakita ka
ng paruparo sa mga bulaklak.
550
01:32:06,541 --> 01:32:07,500
Ano'ng problema?
551
01:32:15,916 --> 01:32:17,166
Pwede mong sabihin sa 'kin.
552
01:32:21,333 --> 01:32:23,666
Marami pong kinuwento sa 'kin
'yong lolo ko.
553
01:32:25,375 --> 01:32:29,958
Isang beses, kinuwento niya
'yong batang lumaki mag-isa sa kuweba.
554
01:32:38,875 --> 01:32:40,833
Wala po akong alam tungkol sa 'yo.
555
01:32:46,916 --> 01:32:49,250
Sino'ng nagturo sa inyo ng tama at mali?
556
01:33:39,708 --> 01:33:41,250
KABANATA VII
557
01:33:41,333 --> 01:33:43,500
{\an8}NAGBABAGO ANG MUNDO
558
01:33:43,583 --> 01:33:47,125
{\an8}DAHIL SA KAKAIBA NIYANG SIGASIG
559
01:35:54,000 --> 01:35:56,500
Nakita ko 'tong makeup
sa kuwarto ng mama mo.
560
01:35:56,583 --> 01:35:58,875
Luma na, pero tingin ko, gaganda ka.
561
01:36:00,708 --> 01:36:02,375
Ano'ng gusto mong ayos ng buhok mo?
562
01:36:04,500 --> 01:36:05,333
Nakalugay.
563
01:36:31,208 --> 01:36:32,041
Pwede ba?
564
01:36:41,583 --> 01:36:42,541
Pumikit ka.
565
01:36:43,041 --> 01:36:43,916
'Yan.
566
01:36:56,625 --> 01:36:57,458
Tingin sa taas.
567
01:40:49,583 --> 01:40:50,416
Sorry.
568
01:40:52,833 --> 01:40:53,958
Ituloy mo lang yan.
569
01:40:54,041 --> 01:40:55,000
Ang pag-ibig ba...
570
01:40:56,208 --> 01:40:58,375
tungkol sa paghintay,
o sinisira nito ang lahat?
571
01:41:03,250 --> 01:41:04,208
Hindi ko alam.
572
01:41:09,666 --> 01:41:12,291
Pero gusto kong basahin
kung anuman 'yang sinulat mo.
573
01:44:15,416 --> 01:44:17,291
Ang bait niyang bata, ano?
574
01:44:18,750 --> 01:44:22,125
Kailangan ni Matilde
ng makakatulong sa bahay pag-alis mo.
575
01:44:22,208 --> 01:44:26,541
Kasinlakas ng toro 'yong babae,
pero di siya nagtagal.
576
01:44:26,625 --> 01:44:28,875
Iniwan niyang mag-isa na lang
'yang kawawang bata.
577
01:44:29,500 --> 01:44:31,625
Ang dami na ngang
pinalaking hayop ni Matilde—
578
01:44:31,708 --> 01:44:33,041
Hindi ako hayop.
579
01:44:34,333 --> 01:44:35,375
Hindi. Hindi nga.
580
01:47:15,083 --> 01:47:16,000
Uy, Crisóstomo.
581
01:47:17,458 --> 01:47:19,958
Totoo bang dine-date mo
'yong asawa no'ng malamya?
582
01:47:22,000 --> 01:47:24,708
Naiintindihan ko
kung bakit may iba siyang lalaki.
583
01:47:25,208 --> 01:47:27,625
'Yong gano'ng asawa,
ni di kayang gawin 'yong basic.
584
01:47:28,375 --> 01:47:31,583
Queer lang ang papayag
na magpakawala ang asawa niya.
585
01:47:31,666 --> 01:47:34,583
Wag mo siyang pakialaman.
Wala naman siyang ginugulo.
586
01:47:36,458 --> 01:47:38,208
'Yong asawa ng girlfriend mo,
587
01:47:39,625 --> 01:47:41,875
doblekara siya.
588
01:47:41,958 --> 01:47:43,458
Pumapatol sa pareho.
589
01:47:43,541 --> 01:47:46,958
Mag-ingat ka, ha?
Baka gulatin ka na lang niya.
590
01:47:47,041 --> 01:47:50,041
Baka nasa kama kayo ng babae,
tapos may papasok bigla sa puwit mo.
591
01:47:56,541 --> 01:47:58,208
Hindi ba siya nagsasalita?
592
01:48:09,291 --> 01:48:10,458
Kukunin ko pareho.
593
01:48:16,833 --> 01:48:18,791
Di ba fish na may jelly ang ulam natin?
594
01:48:20,958 --> 01:48:25,000
Oo, pero baka may bisita tayo ngayon.
595
01:48:26,000 --> 01:48:30,625
Gusto kong imbitahan
'yong nanay ni Antonino at 'yong bata.
596
01:48:30,708 --> 01:48:31,875
Wag si Antonino.
597
01:48:40,833 --> 01:48:42,166
Wag po sa tindahan na 'to.
598
01:48:42,666 --> 01:48:44,458
- Bakit hindi?
- Basura 'yan.
599
01:48:48,416 --> 01:48:50,125
- Dalawa nga.
- Sige.
600
01:48:52,708 --> 01:48:53,875
Ayoko po n'yan.
601
01:48:58,458 --> 01:49:01,125
- E di, sa 'kin na pareho.
- Sige.
602
01:49:04,416 --> 01:49:05,416
Eto po.
603
01:49:07,625 --> 01:49:10,375
- Eto.
- Hindi, bayad na 'yan.
604
01:49:11,666 --> 01:49:13,916
Nagbayad 'yong lolo niya tapos umalis.
605
01:49:15,291 --> 01:49:17,833
Buti na lang di ka nagmamadali.
606
01:49:21,416 --> 01:49:22,791
Salamat.
607
01:49:23,541 --> 01:49:24,458
Walang anuman.
608
01:49:27,541 --> 01:49:28,375
Tara na.
609
01:49:35,000 --> 01:49:36,583
'Yon ba ang tinatawag mong basura?
610
01:50:08,041 --> 01:50:09,916
Nakikita mo lahat ng taong 'to?
611
01:50:12,916 --> 01:50:15,416
Lahat sila
anak ng magkakaibang nanay at tatay.
612
01:50:15,500 --> 01:50:17,833
Galing tayo sa napakaraming tao.
613
01:50:17,916 --> 01:50:18,875
Para na rin tayong...
614
01:50:19,958 --> 01:50:20,875
magkakapatid.
615
01:50:22,916 --> 01:50:25,791
Maraming pangarap
ang ipinasa ng isa sa susunod,
616
01:50:26,666 --> 01:50:28,500
kaya wala talagang nag-iisa.
617
01:50:32,833 --> 01:50:34,541
Sino po'ng nagturo sa 'yo n'yan?
618
01:50:38,750 --> 01:50:39,666
Ikaw.
619
01:50:46,041 --> 01:50:46,875
Eto, o.
620
01:50:48,916 --> 01:50:50,541
Di ko kayang kainin pareho.
621
01:51:28,750 --> 01:51:29,875
Di mo dapat ginawa 'to.
622
01:51:31,958 --> 01:51:32,833
Pasok po kayo.
623
01:51:35,458 --> 01:51:37,500
- Ano'ng pangalan mo?
- Mininha po.
624
01:51:37,583 --> 01:51:40,291
- Napakaganda mo, alam mo ba 'yon?
- Thank you po.
625
01:51:40,791 --> 01:51:42,958
Matilde, buti pumunta ka.
626
01:51:43,458 --> 01:51:45,083
Ang ganda mo, Isaura.
627
01:51:45,791 --> 01:51:49,250
Anak n'yo ang may gawa nito.
Artist siya. Siya ang nag-makeup sa 'kin.
628
01:51:49,333 --> 01:51:50,875
Marunong kayong mag-makeup?
629
01:52:07,791 --> 01:52:08,875
Hi, Ma.
630
01:52:09,666 --> 01:52:10,500
Hello.
631
01:52:20,625 --> 01:52:22,000
Anak ko po, si Camilo.
632
01:52:25,458 --> 01:52:27,208
Kamukha mo ang tatay mo.
633
01:52:27,708 --> 01:52:29,500
Mana po ako sa kanya sa lahat ng bagay.
634
01:52:31,083 --> 01:52:32,458
Grabe naman kung lahat.
635
01:52:49,833 --> 01:52:51,333
Masaya siyang makita ka.
636
01:52:53,041 --> 01:52:54,416
Ano pong pangalan niya?
637
01:52:58,583 --> 01:52:59,458
Pumili ka.
638
01:53:10,500 --> 01:53:12,208
Pwedeng alagaan mo siya para sa 'kin?
639
01:53:28,875 --> 01:53:30,625
Hindi na. Salamat.
640
01:53:32,583 --> 01:53:34,333
Mag-toast tayo.
641
01:53:34,416 --> 01:53:37,208
Masaya akong makasama kayong kumain.
642
01:53:37,291 --> 01:53:39,583
- Pwede na po akong uminom?
- Hindi.
643
01:53:42,833 --> 01:53:44,583
Ang bango.
644
01:53:45,625 --> 01:53:49,000
Lagi ka bang ganito kasarap magluto
sa bahay n'yo, Isaura?
645
01:53:50,291 --> 01:53:52,000
Di ko kayang magluto nang ganito.
646
01:53:52,083 --> 01:53:53,791
Si Camilo ang naghanda ng lahat,
647
01:53:53,875 --> 01:53:55,958
at pinatuloy kami ni Crisóstomo
sa bahay niya.
648
01:53:56,041 --> 01:53:57,541
- Natin.
- Ano?
649
01:53:58,166 --> 01:53:59,000
Bahay natin.
650
01:54:08,375 --> 01:54:11,208
Uy, Camilo,
ie-enroll ko na si Mininha sa school.
651
01:54:11,291 --> 01:54:12,125
Ayos po 'yan.
652
01:54:12,208 --> 01:54:14,458
Naihanda ko na 'yong mga libro niya.
653
01:54:15,041 --> 01:54:16,750
Ikuwento mo sa kanya kung pa'no do'n.
654
01:54:16,833 --> 01:54:18,375
Napakabait ng math teacher.
655
01:54:18,458 --> 01:54:20,166
- Mabuti 'yan.
- May book class ba?
656
01:54:20,250 --> 01:54:23,708
Tingin ko, magugustuhan ko 'yon.
Pero hindi pa 'ko marunong magbasa.
657
01:54:24,291 --> 01:54:26,791
Sinabi ko sa kanya
kung ga'no kaimportante ang pag-aral.
658
01:54:26,875 --> 01:54:28,708
- May makilalang mga bagong tao.
- Opo.
659
01:54:28,791 --> 01:54:31,125
Kaya gusto kong ipakilala mo siya
660
01:54:31,791 --> 01:54:34,166
sa mga mas batang lalaki.
661
01:54:34,875 --> 01:54:38,541
Importanteng makita niya
kung ga'no sila kaguwapo.
662
01:55:10,625 --> 01:55:12,416
Isaura, pinakasalan mo si Antonino.
663
01:55:12,500 --> 01:55:15,083
Sa tingin ko,
dapat umuwi ka na sa asawa mo.
664
01:55:15,166 --> 01:55:16,583
Pamilya mo na siya ngayon.
665
01:55:18,041 --> 01:55:21,958
Maraming paraan
para maging kapamilya, Mrs. Matilde.
666
01:55:31,333 --> 01:55:32,166
Antonino.
667
01:55:33,291 --> 01:55:35,583
Hindi ka bagay dito. Tara na.
668
01:55:38,291 --> 01:55:39,666
Masaya ako dito, Ma.
669
01:55:52,541 --> 01:55:54,708
Halika na. Alis na tayo.
670
01:56:08,791 --> 01:56:09,666
Mininha.
671
01:56:15,166 --> 01:56:18,000
Kahit ano'ng gawin mo,
lagi ka niyang ngingitian.
672
01:56:19,750 --> 01:56:23,250
Natuwa ako na mahilig ka sa libro.
May isinusulat akong libro.
673
01:56:23,333 --> 01:56:25,875
Kung gusto mo,
babasahin ko sa 'yo 'yon balang araw.
674
01:56:25,958 --> 01:56:27,083
Gusto ko po 'yan.
675
01:56:33,083 --> 01:56:34,583
Alagaan mo ang anak ko.
676
01:56:48,000 --> 01:56:49,083
Sorry po.
677
01:58:15,458 --> 01:58:20,333
Pakiramdam nila, mas nabubuo na sila.
At hindi na sila nalulungkot.
678
01:58:21,500 --> 01:58:23,625
Di na nila kailangan ng mga salita.
679
01:58:24,375 --> 01:58:28,333
Gamit nila sa pag-uusap
ang sidhi ng nararamdaman.
680
02:00:31,958 --> 02:00:37,958
THE SON OF A THOUSAND MEN
681
02:00:58,208 --> 02:01:01,000
HANGO SA LIBRONG
"THE SON OF A THOUSAND MEN"
682
02:01:01,083 --> 02:01:02,541
NI VALTER HUGO MÃE
683
02:01:03,708 --> 02:01:07,541
{\an8}PARA KINA HENRIQUE, IVETTE JAIRO
684
02:05:54,041 --> 02:05:58,916
Nagsalin ng Subtitle: Joan Cabato