1
00:00:09,583 --> 00:00:10,583
Nido!
2
00:00:16,041 --> 00:00:17,125
Nido!
3
00:00:23,166 --> 00:00:24,166
Nido!
4
00:00:27,416 --> 00:00:29,375
-Tingnan mo sa taas!
-Okay, titingnan ko.
5
00:00:30,083 --> 00:00:31,291
Nido!
6
00:00:35,791 --> 00:00:36,833
Ndleleni!
7
00:00:42,166 --> 00:00:43,750
Binabantayan mo siya, Sibande.
8
00:00:43,833 --> 00:00:45,458
Dapat sinabihan mo ako na papunta na siya.
9
00:00:46,791 --> 00:00:49,333
Kung alam ni Titus na ako ang impormante,
ano kaya ang magiging reaksiyon niya?
10
00:00:49,416 --> 00:00:50,541
Tututukan niya ako ng baril,
11
00:00:50,625 --> 00:00:53,458
papuputukin at hahayaan akong mamatay
na parang aso.
12
00:00:53,541 --> 00:00:58,041
Sibande, nakapatay na si Titus ng mga tao
sa mas mababaw na dahilan, mas mura.
13
00:00:58,125 --> 00:01:01,583
Hindi ko isasakripisyo ang buhay ko
at buhay namin kung di kami protektado.
14
00:01:01,666 --> 00:01:03,333
Ano ba talagang sinabi niya?
15
00:01:03,416 --> 00:01:05,541
Nakatanggap siya ng tip
na gusto siyang arestuhin ng mga pulis.
16
00:01:06,416 --> 00:01:09,291
Makinig ka, Mandla,
may posibilidad na tatakas si Titus.
17
00:01:09,375 --> 00:01:11,083
Hindi puwedeng mangyari 'yon.
18
00:01:11,166 --> 00:01:12,375
Ang lapit na natin.
19
00:01:12,458 --> 00:01:16,250
Kung tatakas si Titus,
masisira ang buong operasyon.
20
00:01:16,333 --> 00:01:17,708
Kailangan nating kumilos.
21
00:01:17,791 --> 00:01:19,083
At hangga't di natin nagagawa 'yon,
22
00:01:19,166 --> 00:01:23,708
gawin mo ang lahat
para pakalmahin siya at pasunurin.
23
00:01:23,791 --> 00:01:24,958
Okay.
24
00:01:25,541 --> 00:01:26,541
Okay.
25
00:01:26,625 --> 00:01:28,250
Kung hindi niya muna ako papatayin,
26
00:01:28,333 --> 00:01:30,166
paano ko gagawin 'yon?
27
00:01:30,250 --> 00:01:32,416
Alam mo kung paano gumalaw
ang mga kriminal.
28
00:01:32,500 --> 00:01:35,000
Gamitin mo ang utak mo
at gawan mo ng paraan.
29
00:01:35,083 --> 00:01:37,375
Pag nakatakas si Titus,
30
00:01:37,458 --> 00:01:40,458
kasama niyang mawawala
ang lahat ng pinaghirapan natin.
31
00:01:41,500 --> 00:01:43,708
Nagkakaintindihan ba tayo?
32
00:02:10,833 --> 00:02:13,250
{\an8}Sana nakita mo
kung paano niya ako tiningnan.
33
00:02:15,375 --> 00:02:16,833
{\an8}Punong-puno...
34
00:02:18,791 --> 00:02:20,208
{\an8}ng galit at pandidiri
35
00:02:21,625 --> 00:02:22,791
{\an8}ang mga mata niya.
36
00:02:29,125 --> 00:02:30,416
{\an8}Ano'ng gagawin natin?
37
00:02:33,666 --> 00:02:35,458
Wala tayong magagawa ngayon.
38
00:02:37,875 --> 00:02:41,500
Hayaan muna natin siyang mapag-isa.
39
00:02:43,666 --> 00:02:44,875
Magiging maayos din ang lahat.
40
00:03:05,000 --> 00:03:06,166
Wow.
41
00:03:06,750 --> 00:03:07,875
Salamat.
42
00:03:13,958 --> 00:03:15,708
Abogado ko 'yon.
43
00:03:19,125 --> 00:03:22,416
Sabi niya pinirmahan na ni Akin
ang mga papeles.
44
00:03:29,333 --> 00:03:31,125
Opisyal na kaming divorced.
45
00:03:32,250 --> 00:03:33,541
Pasalamatan mo si Khumalo.
46
00:03:35,333 --> 00:03:37,083
Mzilikazi kaMashobane.
47
00:03:38,916 --> 00:03:40,791
Matutuwa siya.
48
00:03:42,666 --> 00:03:46,208
Magandang balita 'to.
49
00:03:47,083 --> 00:03:48,083
Kuya.
50
00:03:49,375 --> 00:03:51,750
Puwede ba nating pag-usapan si Titus?
51
00:03:53,291 --> 00:03:54,500
Ano sa tingin mo?
52
00:03:55,500 --> 00:03:57,000
Sobra akong kinakabahan.
53
00:03:57,083 --> 00:03:58,375
'Yon ang iniisip ko.
54
00:04:00,291 --> 00:04:02,250
Alam mo, si Titus...
55
00:04:03,875 --> 00:04:05,583
hindi siya babagsak mag-isa.
56
00:04:05,666 --> 00:04:08,458
Hindi niya hahayaang mangyari 'yon.
Hindi mangyayari 'yon.
57
00:04:08,541 --> 00:04:11,833
Baka kailangan kong dumistansiya.
58
00:04:11,916 --> 00:04:14,666
Umalis muna sa probinsiya.
59
00:04:14,750 --> 00:04:16,083
Saan ka pupunta?
60
00:04:16,166 --> 00:04:17,708
Hindi mo gagawin 'yon.
61
00:04:17,791 --> 00:04:21,375
Nakipagsabwatan ka kay Titus at sa A6.
62
00:04:21,458 --> 00:04:24,500
Hindi mo puwedeng iwanan
sa pamilya mo ang problema.
63
00:04:24,583 --> 00:04:26,541
Kalat mo 'to,
at ikaw dapat ang mag-ayos nito!
64
00:04:26,625 --> 00:04:33,375
Okay, paano kung papunta na pala siya
sa airport ngayon?
65
00:04:34,666 --> 00:04:38,458
Malapit na siyang maging presidente.
66
00:04:38,541 --> 00:04:41,166
Hindi niya hahayaang masira 'yon,
67
00:04:41,250 --> 00:04:43,875
matapos ang lahat ng ginawa niya
para makuha 'yon.
68
00:04:46,625 --> 00:04:47,916
Siguro nga.
69
00:04:48,541 --> 00:04:49,750
Kuya.
70
00:04:52,791 --> 00:04:56,500
Kailangang maniwala ni Titus
na puwede ka pa niyang pagkatiwalaan,
71
00:04:56,583 --> 00:04:58,291
na hindi ka pa nababaligtad.
72
00:04:58,375 --> 00:04:59,541
Pag ginawa mo 'yon,
73
00:05:00,125 --> 00:05:02,833
maniniwala siya sa lahat
ng sasabihin mo sa kaniya.
74
00:05:07,625 --> 00:05:09,416
Paano ka nakakasiguro?
75
00:05:09,500 --> 00:05:10,750
Sibande.
76
00:05:10,833 --> 00:05:15,541
Kung tama ang hinala niya,
matatakot si Titus.
77
00:05:16,458 --> 00:05:19,750
Kilala mo ang lalaking 'yon,
sarili lang niya ang iniisip niya.
78
00:05:20,375 --> 00:05:22,375
Ikaw dapat ang maging boses ng katwiran.
79
00:05:22,458 --> 00:05:24,416
Ipaunawa mo sa kaniya
kung ano'ng nakataya rito.
80
00:05:24,500 --> 00:05:28,416
Pag nagawa mo 'yon,
mahuhuli natin siya. Katapusan na niya.
81
00:05:44,250 --> 00:05:46,541
PAYMENT - MULA KAY: ZODWA NDLOVU-MWELASE
AMOUNT: R 500 000.00 - PARA: SYLVIA TWALA
82
00:05:46,625 --> 00:05:47,625
Hlengiwe!
83
00:05:49,083 --> 00:05:50,166
Hlengiwe!
84
00:05:53,458 --> 00:05:54,750
May bisita ka.
85
00:05:56,500 --> 00:05:59,750
Hi, Sis. Pasensiya na
kung biglaan ang pagpunta ko.
86
00:06:01,166 --> 00:06:02,875
Hindi umuwi si Nido kagabi.
87
00:06:02,958 --> 00:06:05,708
Mabuti pa tumawag na tayo sa pulis.
88
00:06:05,791 --> 00:06:08,625
Hindi, Ma. Dapat tayo mismo
ang maghahanap sa kaniya.
89
00:06:11,416 --> 00:06:13,166
Di niya sinasagot ang mga tawag ko, at...
90
00:06:14,333 --> 00:06:15,916
Matindi ang naging away namin.
91
00:06:16,000 --> 00:06:17,833
Nakita ko. Nakita ng lahat.
92
00:06:19,375 --> 00:06:22,583
Alam mo, 'yong mga bata,
sinasabi nilang nasa IT ka...
93
00:06:22,666 --> 00:06:24,500
-Oo.
-Di ko alam kung matutulungan mo ako,
94
00:06:24,583 --> 00:06:26,458
-pero naisip ko na baka kaya mong...
-Sige.
95
00:06:26,541 --> 00:06:29,208
Puwede nating tingnan muna
ang social media niya.
96
00:06:29,708 --> 00:06:30,958
Sigurado akong may makikita tayo ro'n.
97
00:06:31,041 --> 00:06:32,708
-Salamat.
-Okay.
98
00:06:38,291 --> 00:06:40,916
Di pa rin ako makapaniwalang
parte ako ng pamilyang 'to.
99
00:06:41,000 --> 00:06:42,000
NIDO - MGA POST
100
00:06:42,083 --> 00:06:43,083
Gaya ng sinabi ko sa 'yo dati,
101
00:06:43,166 --> 00:06:46,458
hindi gano'n kasayang maging parte
ng pamilyang 'to.
102
00:06:47,500 --> 00:06:50,000
Ganito 'yan, pag may pinagdadaanan ka,
103
00:06:50,875 --> 00:06:52,750
pababayaan ka lang nila.
104
00:06:53,666 --> 00:06:57,250
Maniwala ka sa 'kin, sis,
pakitang-tao lang sila.
105
00:06:59,125 --> 00:07:01,416
Mukha silang matapat kahapon.
106
00:07:02,958 --> 00:07:05,250
'Yong mga yakap, 'yong interes sa 'kin.
107
00:07:05,333 --> 00:07:07,208
Sinasabi nilang lahat
na kamukha ko ang papa ko.
108
00:07:07,958 --> 00:07:10,958
At ngayon, kasali na ako sa mga grupo
sa WhatsApp kasama ng matatanda at—
109
00:07:12,291 --> 00:07:13,541
Mukhang nagbukas ng phone si Nido.
110
00:07:13,625 --> 00:07:14,458
MAY NASAGAP NA SIGNAL NG DEVICE
111
00:07:15,583 --> 00:07:18,416
Wow. Tinuturo ang phone ni Nido
sa isa sa mga hotel ng Spear.
112
00:07:18,500 --> 00:07:19,791
Okay, saan?
113
00:07:20,666 --> 00:07:22,041
-Heto.
-Diyos ko!
114
00:07:22,125 --> 00:07:23,916
Okay, ibig bang sabihin nandito siya?
115
00:07:24,000 --> 00:07:25,958
-Oo.
-Nandito na ang tsaa.
116
00:07:26,041 --> 00:07:28,250
-Maupo tayo sa patio.
-Maraming salamat.
117
00:07:29,666 --> 00:07:32,625
-Saan ka pupunta?
-Nakita na si Nido, Ma, aalis na ako!
118
00:07:43,833 --> 00:07:45,583
IBOTO ANG APP
AFRICAN PROGRESSIVE PARTY
119
00:07:54,250 --> 00:07:56,333
Malapit na ang pambansang halalan.
120
00:07:56,416 --> 00:07:57,750
Minister Titus,
121
00:07:57,833 --> 00:08:00,500
base sa mga unang poll,
magiging mahigpit ang laban.
122
00:08:00,583 --> 00:08:01,750
Ano'ng nararamdaman mo?
123
00:08:01,833 --> 00:08:03,250
Puwede bang mamaya na natin ituloy 'to?
124
00:08:04,583 --> 00:08:08,625
DUMATING NA ANG TAKDANG PANAHON
SULONG SA KALAYAAN
125
00:08:09,250 --> 00:08:10,291
Titus.
126
00:08:11,000 --> 00:08:13,208
Mr. Ndlovu, mag-usap tayo sa opisina ko.
127
00:08:24,583 --> 00:08:27,291
-Whoa! Uy, teka, sandali!
-Saan ka nanggaling?
128
00:08:28,875 --> 00:08:33,458
Sa tingin mo titigil ang buhay
dahil lang magsasalita si Quinton Titus?
129
00:08:35,791 --> 00:08:37,333
E, ano? Hahalikan mo ba ako?
130
00:08:41,000 --> 00:08:43,708
Tigilan mo ako,
hindi ako nakikipaglokohan.
131
00:08:43,791 --> 00:08:45,875
Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?
132
00:08:46,458 --> 00:08:49,083
Ayon sa source ko,
may impormante raw sa loob.
133
00:08:49,166 --> 00:08:52,208
Hindi kaya nakikipag-usap sa mga pulis
ang kaibigan mong si TJ?
134
00:08:52,791 --> 00:08:54,250
Kailan mo siya huling nakausap?
135
00:08:54,333 --> 00:08:56,500
Ewan ko. Wala akong sinusunod na schedule.
136
00:08:56,583 --> 00:08:58,125
Kontak mo siya, Mandla!
137
00:08:58,208 --> 00:08:59,250
Okay, makinig ka sa 'kin.
138
00:08:59,333 --> 00:09:02,875
Alam nating dalawa na tiwaling pulis si TJ
at nasala na nang husto.
139
00:09:02,958 --> 00:09:04,625
Hindi siya 'yon, kakampi natin siya.
140
00:09:04,708 --> 00:09:06,583
Titus, ang lapit na natin.
141
00:09:06,666 --> 00:09:08,458
Malapit ka nang maging presidente.
142
00:09:08,541 --> 00:09:11,916
Naging maingat tayo simula umpisa.
143
00:09:13,666 --> 00:09:16,875
At plantsado ang lahat
sa pagbili ng eleksiyong 'to.
144
00:09:17,875 --> 00:09:21,166
Pag nahanap ko ang traydor
na nakikipagsabwatan sa mga pulis,
145
00:09:21,250 --> 00:09:25,333
hindi lang siya ang papatayin ko,
kundi ang lahat ng mahal niya sa buhay.
146
00:09:25,416 --> 00:09:27,666
Uubusin ko ang pamilya niya,
pati ang buong angkan niya.
147
00:09:27,750 --> 00:09:29,333
At siya ang ihuhuli ko
148
00:09:29,416 --> 00:09:33,208
para lang ipakita sa kaniya
ang bawat bangkay.
149
00:09:34,375 --> 00:09:36,750
Wala pang 48 na oras, aalis na ako.
150
00:09:36,833 --> 00:09:38,416
Mag-enjoy ka sa rally.
151
00:09:39,041 --> 00:09:40,416
Dahil wala ako ro'n.
152
00:09:47,291 --> 00:09:48,291
Nkanyamba.
153
00:09:48,375 --> 00:09:53,208
Siguraduhin mong may karga ang jet.
154
00:09:55,166 --> 00:09:56,666
Baka magkagulo.
155
00:09:58,083 --> 00:09:59,500
Pag nagkandaletse-letse,
156
00:10:01,416 --> 00:10:04,750
itakas mo kami ng pamilya ko.
157
00:10:05,791 --> 00:10:06,791
Ilayo mo kami rito.
158
00:10:06,875 --> 00:10:09,583
Bahala na kung saan,
basta dalhin mo kami sa malayo.
159
00:10:09,666 --> 00:10:11,666
Sa may Panama o kung saan man.
160
00:10:12,458 --> 00:10:15,750
Masusunod, sir, at magandang ideya 'yon,
161
00:10:15,833 --> 00:10:17,500
pero Plan B 'yon.
162
00:10:17,583 --> 00:10:19,666
Ano'ng Plan A?
163
00:10:25,458 --> 00:10:26,791
Gusto kong mag-iskandalo.
164
00:10:27,958 --> 00:10:29,708
'Yong tipong mapipilitang
manatili ni Titus.
165
00:10:31,166 --> 00:10:32,750
Bigyan natin siya...
166
00:10:35,125 --> 00:10:36,416
ng hindi niya inaasahan.
167
00:10:39,416 --> 00:10:40,500
Makasarili ka.
168
00:10:40,583 --> 00:10:43,041
Alam mong nandito si Nido,
pero hindi ka nagsabi.
169
00:10:43,666 --> 00:10:45,666
Kailangan ako ni Nido.
170
00:10:45,750 --> 00:10:47,708
Ayaw kang kausapin ni Nido
ngayon, Gabisile.
171
00:10:47,791 --> 00:10:51,333
Kaya nga pupuntahan ko si Nido sa taas,
172
00:10:51,416 --> 00:10:52,750
kaya hayaan mo na ako. Kakausapin ko siya.
173
00:10:53,250 --> 00:10:57,000
Uy, kailangan mong tanggapin
na hindi ka na Ndlovu.
174
00:10:57,083 --> 00:10:59,250
Pag natanggap mo 'yon,
magiging madali ang lahat.
175
00:10:59,333 --> 00:11:00,833
Nasasaktan ako!
176
00:11:00,916 --> 00:11:05,416
Pag hinawakan mo pa ako nang ganiyan...
177
00:11:05,500 --> 00:11:07,666
-Huminahon ka.
-...pangako, ipapakulong kita!
178
00:11:08,916 --> 00:11:11,333
Pupuntahan ko na ang anak ko.
179
00:11:11,416 --> 00:11:15,250
Masuwerte ka't anak mo siya.
180
00:11:15,333 --> 00:11:16,333
Dahil kung hindi,
181
00:11:16,416 --> 00:11:19,875
ibang-iba 'to kompara sa mangyayari.
182
00:11:20,458 --> 00:11:22,125
Kaya mabuti pang umuwi ka na.
183
00:11:23,458 --> 00:11:24,541
Umuwi ka na, Gabisile.
184
00:11:39,083 --> 00:11:41,416
Aaminin ko, magaling kang magtago.
185
00:11:43,875 --> 00:11:45,583
Mukhang hindi masyado.
186
00:11:48,583 --> 00:11:51,541
Makinig ka, alam kong
masama pa rin ang loob mo,
187
00:11:51,625 --> 00:11:53,750
pero ipapangako ko sa 'yo ang isang bagay.
188
00:11:53,833 --> 00:11:58,041
Walang magbabago
kahit mag-divorce kami ng mama mo.
189
00:11:58,125 --> 00:11:59,625
Pa, nagsinungaling ka!
190
00:12:00,250 --> 00:12:01,708
Si Mama, nagsinungaling siya!
191
00:12:02,291 --> 00:12:05,083
Pa, matagal nang nasira
ang buhay ko, okay?
192
00:12:05,166 --> 00:12:07,625
At paulit-ulit mong ginagawa 'to.
193
00:12:08,250 --> 00:12:12,000
Pasensiya ka na. Di ko intensiyon
na idamay ka sa gulong 'to.
194
00:12:12,083 --> 00:12:14,291
Sa totoo lang,
humihingi ako ng tawad, anak.
195
00:12:14,375 --> 00:12:17,875
Pa, sa huli, iskandalo ko rin
ang mga iskandalo mo.
196
00:12:18,458 --> 00:12:19,666
Nagtsitsismisan ang mga tao.
197
00:12:20,333 --> 00:12:21,333
Ano'ng sinasabi nila?
198
00:12:23,416 --> 00:12:24,416
Bakla ang papa ko.
199
00:12:26,500 --> 00:12:28,625
At kung bakla ang papa ko,
di siya tunay na lalaki.
200
00:12:28,708 --> 00:12:30,541
Tapos, itatanong ko sa sarili ko, ano ako?
201
00:12:30,625 --> 00:12:31,833
Anong klaseng tao ako?
202
00:12:31,916 --> 00:12:33,666
-Anong klaseng a—
-Nido.
203
00:12:34,166 --> 00:12:35,583
Anak kita.
204
00:12:36,208 --> 00:12:39,500
Hindi mahalaga
kung bakla ako o hindi, Nido.
205
00:12:39,583 --> 00:12:42,666
At hindi 'yon magiging hadlang
para ipagmalaki mo kung sino ka.
206
00:12:42,750 --> 00:12:44,416
Isa kang Ndlovu,
207
00:12:44,500 --> 00:12:46,833
kaya walang makakatalo sa 'yo.
208
00:12:48,333 --> 00:12:50,833
Pakiusap, anak, umuwi ka na.
209
00:12:50,916 --> 00:12:52,541
Sobrang nag-aalala ang mama mo.
210
00:12:52,625 --> 00:12:54,041
Pa, di ko gagawin 'yon.
211
00:12:54,125 --> 00:12:56,791
Paano ko matitingnan si Mama
pagkatapos ng lahat ng nangyari?
212
00:12:56,875 --> 00:12:57,875
Paano?
213
00:12:57,958 --> 00:13:00,166
Nido, wag mo nang isipin 'yon.
214
00:13:00,250 --> 00:13:01,833
Pa, sinusubukan ko.
215
00:13:02,625 --> 00:13:05,416
Sinusubukan kong lumayo sa lahat.
216
00:13:05,500 --> 00:13:07,125
Pagod na ako, Pa.
217
00:13:07,708 --> 00:13:10,375
Naiintindihan kita. Sang-ayon ako.
218
00:13:12,958 --> 00:13:16,208
Kailangan ko ring magpahangin.
219
00:13:17,291 --> 00:13:18,833
Puwede ba kitang samahan dito?
220
00:13:39,875 --> 00:13:42,041
Khanyi, Mandla, sakto ang dating n'yo.
221
00:13:42,125 --> 00:13:44,750
Nagpasiya kaming arestuhin si Titus
sa araw ng rally.
222
00:13:44,833 --> 00:13:48,250
-Wala na siya no'n.
-Ano?
223
00:13:48,333 --> 00:13:52,125
Hindi pupunta sa rally si Titus.
224
00:13:52,833 --> 00:13:54,000
Sigurado ka?
225
00:13:54,916 --> 00:13:58,916
Sinabi niya sa 'kin na hindi siya pupunta.
226
00:13:59,000 --> 00:14:01,750
Sinubukan kong ipaalala sa kaniya
227
00:14:02,583 --> 00:14:08,291
ang pagiging presidente,
pero may plano na siyang tumakas.
228
00:14:08,375 --> 00:14:10,000
Kung gano'n, wala rin pala.
229
00:14:10,083 --> 00:14:11,583
Kaya nga nandito kami.
230
00:14:12,250 --> 00:14:14,125
May plano ang kapatid ko.
231
00:14:14,958 --> 00:14:16,166
Kuya.
232
00:14:16,250 --> 00:14:17,791
Ano'ng naiisip mo?
233
00:14:17,875 --> 00:14:18,833
Makikinig kami.
234
00:14:25,125 --> 00:14:26,125
Kita n'yo?
235
00:14:26,208 --> 00:14:27,500
FORECAST NG MGA USO
MGA DESKUWENTO AT LIBRE
236
00:14:27,583 --> 00:14:29,166
Hindi. Mahal,
237
00:14:29,250 --> 00:14:33,000
di ko sinasabing mas magandang magpakasal
sa beach kaysa sa probinsiya,
238
00:14:33,083 --> 00:14:36,750
pero di ibig sabihin na di maganda.
Naiintindihan mo ba ako?
239
00:14:36,833 --> 00:14:39,791
Gusto kong makitang sabihin mo 'yan
sa nanay ko at kay Tito Jabulani.
240
00:14:39,875 --> 00:14:40,916
Ayoko nga.
241
00:14:41,000 --> 00:14:44,041
Hinding-hindi ko gagawin 'yon.
Grabe 'yon. Sobra na 'yon.
242
00:14:45,000 --> 00:14:47,458
Uy, Gatsheni! Papa!
243
00:14:47,541 --> 00:14:48,750
Anak.
244
00:14:49,333 --> 00:14:50,875
Hindi ako magtatagal, iha.
245
00:14:51,833 --> 00:14:52,833
Mag-relax ka lang.
246
00:14:54,291 --> 00:14:57,458
May dala akong folder.
247
00:14:58,083 --> 00:14:59,208
Ano 'to?
248
00:14:59,958 --> 00:15:01,291
May...
249
00:15:02,666 --> 00:15:04,916
May mga binago ako sa testamento ko
250
00:15:06,000 --> 00:15:07,125
at sa mga ari-arian ko.
251
00:15:09,666 --> 00:15:15,375
Mangako ka sa 'kin, Zakhele, na itatago mo
ang folder na 'to sa ligtas na lugar.
252
00:15:16,500 --> 00:15:17,625
Oo. Sige.
253
00:15:21,500 --> 00:15:23,458
May napili na ba kayong petsa at lokasyon?
254
00:15:24,333 --> 00:15:26,666
Namimili pa kami ng lokasyon.
255
00:15:27,250 --> 00:15:29,041
Ang hirap, Pa.
256
00:15:29,125 --> 00:15:30,125
Di ko alam kung saan magsisimula.
257
00:15:30,208 --> 00:15:32,833
Ipinagkatiwala ko ang lahat sa nanay mo.
258
00:15:33,500 --> 00:15:35,000
Masaya akong nando'n ako.
259
00:15:35,833 --> 00:15:36,833
Mas madali 'yon.
260
00:15:37,458 --> 00:15:38,791
Zakhele, anak.
261
00:15:38,875 --> 00:15:39,750
Pa.
262
00:15:40,500 --> 00:15:42,916
Seryoso ako, itago mo 'to
263
00:15:43,583 --> 00:15:44,750
sa ligtas na lugar.
264
00:15:46,708 --> 00:15:47,750
Maliwanag?
265
00:15:48,666 --> 00:15:49,750
Oo, Pa.
266
00:15:53,500 --> 00:15:54,583
Mahal kita.
267
00:15:55,291 --> 00:15:56,291
Kayong dalawa.
268
00:16:00,291 --> 00:16:02,916
Kahit ano'ng mangyari,
269
00:16:03,000 --> 00:16:05,041
lagi kitang mamahalin.
270
00:16:06,666 --> 00:16:08,208
Uy, pinapakaba mo naman ako.
271
00:16:09,833 --> 00:16:11,000
Okay lang ba ang lahat?
272
00:16:16,583 --> 00:16:19,041
Oo. Magiging okay ang lahat, anak.
273
00:16:21,000 --> 00:16:22,791
Magiging okay ang lahat. Malapit na.
274
00:16:33,083 --> 00:16:34,208
Baby?
275
00:16:36,333 --> 00:16:37,791
Okay ka lang ba?
276
00:16:39,666 --> 00:16:41,666
KOPYA - HULING HABILIN AT TESTAMENTO
NI MANDLA NDLOVU
277
00:16:42,250 --> 00:16:43,541
Oo, walang problema.
278
00:16:45,916 --> 00:16:47,041
Okay lang.
279
00:16:57,375 --> 00:16:58,583
Kailangan mong kumain, mahal.
280
00:16:59,125 --> 00:17:00,291
Hindi ko kaya.
281
00:17:00,916 --> 00:17:01,916
Wala akong gana.
282
00:17:02,000 --> 00:17:05,041
Hinihintay ko lang ang hudyat ni Mandla
na ayos na ang lahat.
283
00:17:06,541 --> 00:17:09,083
Nakasalalay ang lahat sa kaniya
ngayong gabi.
284
00:17:10,083 --> 00:17:12,625
Hindi ba bukas pa ang rally ni Titus?
285
00:17:12,708 --> 00:17:15,833
Oo. Pero si Sibande ang bahala ro'n.
286
00:17:16,791 --> 00:17:18,833
Si Mandla ngayong gabi.
287
00:17:23,166 --> 00:17:24,250
Grabe.
288
00:17:37,166 --> 00:17:41,791
May importante akong ipapakita sa 'yo.
289
00:17:41,875 --> 00:17:42,875
Sa susunod na lang.
290
00:17:43,791 --> 00:17:45,708
Kailangan muna nating gawin 'to.
291
00:17:46,333 --> 00:17:50,125
Nag-iimbestiga ako para malaman
kung sino ang mga tunay kong kaibigan.
292
00:18:01,375 --> 00:18:02,541
Ano'ng ginagawa mo rito?
293
00:18:02,625 --> 00:18:04,500
Tumahimik ka, traydor. Hubad!
294
00:18:05,083 --> 00:18:06,333
Ano?
295
00:18:07,541 --> 00:18:09,541
Hindi! Titus, ano'ng ginagawa mo?
296
00:18:09,625 --> 00:18:11,458
-Ano 'to?
-Oras na para magpakatotoo.
297
00:18:11,541 --> 00:18:14,125
-Ano... pinagbibintangan mo ako?
-Sabi nang tumahimik ka, traydor.
298
00:18:15,625 --> 00:18:18,375
Pagkatapos ng lahat ng 'to? Pagkatapos ng
lahat, sa tingin mo may suot akong wire?
299
00:18:18,458 --> 00:18:20,458
Lumayo kayo. Lumayo kayo sa 'kin!
300
00:18:44,500 --> 00:18:45,541
Masaya ka na?
301
00:18:45,625 --> 00:18:47,000
Gusto ko lang siguraduhin.
302
00:18:47,500 --> 00:18:50,166
Ngayon, ano 'yong sasabihin mo sa 'kin?
303
00:18:51,833 --> 00:18:55,083
Gusto kong sabihin sa 'yo na tama ka,
may traydor nga.
304
00:18:55,666 --> 00:18:56,666
At...
305
00:18:57,416 --> 00:18:59,000
nahuli ko siya.
306
00:18:59,916 --> 00:19:01,875
Ipakita mo sa 'kin ngayon!
307
00:19:04,916 --> 00:19:06,000
Tara.
308
00:19:07,000 --> 00:19:08,208
Dito lang kayo.
309
00:19:22,458 --> 00:19:26,041
Ito ang regalo ko sa 'yo
para sa inagurasyon mo.
310
00:19:29,333 --> 00:19:30,791
Ano'ng mayroon dito?
311
00:19:48,000 --> 00:19:50,583
Gusto mo pa rin bang maging presidente?
312
00:19:50,666 --> 00:19:52,500
Mandla, puno ka talaga ng sorpresa.
313
00:19:52,583 --> 00:19:54,916
Pinagdudahan kita, pero pinatunayan mo.
314
00:19:55,458 --> 00:19:56,750
Hindi ko makakalimutan 'to.
315
00:20:04,208 --> 00:20:05,416
Magkita tayo sa rally.
316
00:20:05,500 --> 00:20:08,791
May naghihintay na puwesto sa tabi ko
para lang sa 'yo.
317
00:20:09,916 --> 00:20:11,125
Khuzwayo, tara na.
318
00:20:31,041 --> 00:20:32,791
Uy. Uy!
319
00:20:33,291 --> 00:20:34,583
Okay.
320
00:20:35,583 --> 00:20:36,791
Uy, uy.
321
00:20:37,791 --> 00:20:38,791
Lintik!
322
00:20:38,875 --> 00:20:39,875
Oo.
323
00:20:42,208 --> 00:20:43,708
Ang sakit!
324
00:20:44,875 --> 00:20:46,750
Sa tingin mo naniwala sila?
325
00:20:47,333 --> 00:20:48,541
Oo.
326
00:20:48,625 --> 00:20:51,375
-Talaga?
-Kung hindi, patay ka na.
327
00:20:51,458 --> 00:20:54,083
Oo. Halika, tayo!
328
00:20:54,166 --> 00:20:56,458
Ayan. Nagsasawa na ako sa ganito.
329
00:20:57,291 --> 00:20:58,750
Malapit na akong bumigay.
330
00:20:58,833 --> 00:21:00,000
Oo.
331
00:21:00,083 --> 00:21:02,791
Gusto ko nang matapos 'to.
332
00:21:02,875 --> 00:21:04,083
Kalma.
333
00:21:04,166 --> 00:21:06,541
-Pagkatapos ng bukas...
-Ano?
334
00:21:06,625 --> 00:21:07,958
...maaayos na ang lahat.
335
00:21:08,041 --> 00:21:10,208
-Matatapos na sa wakas.
-Oo.
336
00:21:12,250 --> 00:21:13,666
-Mandla.
-O?
337
00:21:13,750 --> 00:21:15,000
Magaling.
338
00:21:15,083 --> 00:21:16,541
Wag mo akong bitinin, pare.
339
00:21:18,708 --> 00:21:20,833
Tingnan mo ang device kung na-record.
340
00:21:32,750 --> 00:21:35,166
Mandla, puno ka talaga ng sorpresa.
341
00:21:35,250 --> 00:21:37,041
Pinagdudahan kita, pero pinatunayan mo.
342
00:21:42,791 --> 00:21:44,916
Matapos ang tatlong buwang kampanya
sa eleksiyon,
343
00:21:45,000 --> 00:21:49,500
{\an8}idaraos ng APP ang kanilang huling rally
sa Durban City Hall.
344
00:21:49,583 --> 00:21:53,041
Siyempre ihahayag ng lider ng partido
na si Quinton Titus ang huling talumpati
345
00:21:53,125 --> 00:21:57,208
para kumbinsihin ang mga botante na iboto
ang APP sa araw ng eleksiyon.
346
00:21:57,291 --> 00:22:01,041
{\an8}Kung mananalo si Titus, siya ang magiging
ikaanim na demokratikong presidente.
347
00:22:01,125 --> 00:22:02,125
{\an8}HULING RALLY NG APP SA DURBAN CITY HALL
348
00:22:07,166 --> 00:22:08,916
Espesyal ang araw na 'to. Okay ba kayo?
349
00:22:09,000 --> 00:22:10,041
Iwan mo muna kami.
350
00:22:12,875 --> 00:22:13,875
Mandla.
351
00:22:17,916 --> 00:22:19,041
Heto.
352
00:22:19,125 --> 00:22:20,250
Kompleto 'yan.
353
00:22:20,833 --> 00:22:21,833
Ayos.
354
00:22:22,541 --> 00:22:24,541
Malaki ang tiwala ko sa 'yo, sa 'tin.
355
00:22:24,625 --> 00:22:27,750
Basta gawin mo ang trabaho mo
at ihatid mo kami sa tagumpay.
356
00:22:27,833 --> 00:22:30,333
Papabor sa 'yo ang botohan.
Maniwala ka sa 'kin.
357
00:22:31,000 --> 00:22:31,916
'Yan ang gusto kong marinig.
358
00:22:32,000 --> 00:22:34,125
-Handa na kami, sir.
-Mabuti!
359
00:22:34,208 --> 00:22:35,875
Mga kasama, ipanalo natin
ang eleksiyong 'to.
360
00:22:44,250 --> 00:22:47,708
At ngayon, mga binibini't ginoo,
si Minister Quinton Titus!
361
00:22:47,791 --> 00:22:50,166
GAWING POSIBLE ANG LAHAT
362
00:22:52,666 --> 00:22:54,000
KAYO ANG PRAYORIDAD NAMIN
IBOTO ANG APP
363
00:22:55,666 --> 00:22:59,458
Mga pinakamalapit kong kaalyado,
mga pinagkakatiwalaan kong tagasuporta!
364
00:22:59,541 --> 00:23:01,125
Makasaysayan ang araw na 'to,
365
00:23:01,208 --> 00:23:03,958
isang araw na itatala sa kasaysayan.
366
00:23:04,041 --> 00:23:08,750
Ngayon, ipinapaalala natin sa bansang ito
ang kahalagahan ng dangal, kalayaan,
367
00:23:08,833 --> 00:23:12,500
at pagpupursige sa harap ng mga pagsubok.
368
00:23:13,750 --> 00:23:14,791
ISTASYON NG PULIS
369
00:23:28,083 --> 00:23:32,083
Bilang pangwakas,
uulitin ko bilang presidente n'yo,
370
00:23:32,166 --> 00:23:36,541
tungkulin kong ibalik ang tiwala
ng mamamayan...
371
00:23:36,625 --> 00:23:37,458
KHANYI ADESINA
TULOY TAYO.
372
00:23:37,541 --> 00:23:40,208
...at magtatag ng pamahalaang
maipagmamalaki n'yo!
373
00:23:43,708 --> 00:23:44,750
Tumabi kayo. Salamat.
374
00:23:45,625 --> 00:23:47,583
Mr. President, may problema tayo.
375
00:23:49,458 --> 00:23:51,458
Ano'ng nangyayari? Ano'ng—
376
00:23:51,541 --> 00:23:52,541
Ano'ng ginagawa n'yo?
377
00:23:53,250 --> 00:23:55,583
Ako ang susunod n'yong presidente!
378
00:23:57,250 --> 00:24:01,416
Ako si Detective Sibande,
hawak na namin ang suspek.
379
00:24:07,583 --> 00:24:09,000
PULIS
380
00:24:09,875 --> 00:24:12,416
Paalam, tarantado.
381
00:24:16,916 --> 00:24:18,250
Paalam.
382
00:26:10,750 --> 00:26:15,750
Nagsalin ng Subtitle: Kristine Gutierrez