1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.MX 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.MX 3 00:00:11,219 --> 00:00:12,470 Sundan mo lang ako. 4 00:00:42,751 --> 00:00:43,710 Hi. 5 00:01:13,364 --> 00:01:17,368 SENTENSIYA: 25 TAON 6 00:01:21,998 --> 00:01:23,374 129 nga po. 7 00:01:23,458 --> 00:01:27,837 BAWAL MAGSIMULA NG PAKIKIPAG-USAP ANG MGA BILANGGO SA CONTROL ROOM STAFF. 8 00:01:32,342 --> 00:01:34,427 Walong taon na akong nakakulong 9 00:01:34,928 --> 00:01:39,224 at may 14 na taon pang natitira dahil sa kasong first degree assault. 10 00:01:45,230 --> 00:01:46,397 Itong lugar na 'to 11 00:01:46,981 --> 00:01:48,024 ay masalimuot. 12 00:01:48,525 --> 00:01:52,320 Kaya dapat medyo brusko ang dating ko. 13 00:01:52,403 --> 00:01:56,991 Maangas ako dito. Kailangan e, kundi, lalamunin ka nila nang buhay dito. 14 00:01:57,075 --> 00:01:59,702 Gano'n talaga. Pang-maximum security ang nagawa ko, e. 15 00:01:59,786 --> 00:02:02,705 Sisiga-siga ako dito, "Walang haharang." 16 00:02:05,542 --> 00:02:06,709 Kunwari lang 'yon. 17 00:02:07,877 --> 00:02:11,798 Kasi pagpasok ko sa pintuang ito, nag-iiba ang emosyon ko. 18 00:02:12,382 --> 00:02:14,676 Kumusta? Magandang umaga. 19 00:02:15,385 --> 00:02:17,595 Ilagay mo 'yang may kulay na sinulid. 20 00:02:18,388 --> 00:02:22,475 ANG MGA LALAKI SA SEWING ROOM AY BAHAGI NG QUILTING PROJECT NG PIITAN. 21 00:02:22,559 --> 00:02:25,687 ANG MISYON NILA AY GUMAWA NG QUILTS PARA SA KAARAWAN 22 00:02:25,770 --> 00:02:29,899 NG BAWAT FOSTER CHILD NA NASA MGA KARATIG BAYAN. 23 00:02:29,983 --> 00:02:31,734 Gagamit ako ng cutting table. 24 00:02:31,818 --> 00:02:33,736 Ito ang magiging centerpiece ko. 25 00:02:33,820 --> 00:02:37,699 Puti o gray ang naiisip ko. May gray kasi sa harap 'yong quilt. 26 00:02:37,782 --> 00:02:40,910 May natanggap akong gray na babagay diyan. 27 00:02:40,994 --> 00:02:42,954 Kapag may oras ka… 28 00:02:44,122 --> 00:02:46,833 Pangalanan mo 'to para madala sa quilt machine. 29 00:02:46,916 --> 00:02:48,793 -Ano'ng gusto mong ilagay? -Eto. 30 00:02:48,877 --> 00:02:51,004 -Gusto mo ng burgundy? -Hindi, pula. 31 00:02:51,087 --> 00:02:52,630 -Gusto mo ng dark red? -Oo. 32 00:02:58,595 --> 00:02:59,971 Sige. 33 00:03:00,722 --> 00:03:01,973 Hanggang dito. 34 00:03:02,682 --> 00:03:04,058 Uy, kumusta? 35 00:03:05,643 --> 00:03:09,189 Gumagawa ang mga kalalakihan sa RJO ng quilt para sa lokal na foster kids. 36 00:03:10,857 --> 00:03:15,862 Nagboboluntaryo sila mula 7:30 hanggang 3:30, limang araw bawat linggo. 37 00:03:17,739 --> 00:03:21,242 Ang iba may petsa na ng paglaya, 'yong ilan baka di na makauwi. 38 00:03:21,743 --> 00:03:26,080 Kaya paraan nila ito para makapagbigay-ganti. 39 00:03:27,916 --> 00:03:31,920 Limang buwan na ang nakakaraan, may dumating na listahan ng foster kids. 40 00:03:32,003 --> 00:03:35,215 Nakita ko, may nakalistang dalaga doon na ang birthday… 41 00:03:35,298 --> 00:03:36,674 SENTENSIYA: HABANGBUHAY 42 00:03:36,758 --> 00:03:38,051 ay kapareho ng akin. 43 00:03:38,551 --> 00:03:40,094 Tumatak sa akin 'yon. 44 00:03:40,178 --> 00:03:42,388 Kaya sinimulan kong gumawa ng quilt. 45 00:03:46,142 --> 00:03:49,062 Marami sa kanila, sinabihang wala silang kuwenta. 46 00:03:49,145 --> 00:03:50,563 Na wala silang silbi. 47 00:03:51,439 --> 00:03:54,234 Para sa kanila, pagkakataon ko 'to na sabihing, 48 00:03:54,317 --> 00:03:56,319 "Mahalaga kayo para sa amin." 49 00:03:56,402 --> 00:03:58,529 At nakikita ko na ang kalalabasan. 50 00:04:06,955 --> 00:04:09,457 Walang kapareho ng mayro'n ako. 51 00:04:09,540 --> 00:04:12,710 -Walang kasamang manual 'to. -Wala. Litrato lang. 52 00:04:12,794 --> 00:04:15,964 Ang galing nito. Ikaw na ikaw 'to. Ang ganda. 53 00:04:16,464 --> 00:04:19,384 -Gusto ko lang ng patterns at disenyo. -Ang ganda. 54 00:04:19,467 --> 00:04:21,219 -Oo nga. -Talaga. 55 00:04:21,928 --> 00:04:22,762 Ang galing. 56 00:04:24,055 --> 00:04:28,935 Para sa quilt na 'to, gusto nila '60s at hippie era. 57 00:04:30,353 --> 00:04:32,939 Pag natapos na 'tong parisukat na 'to, 58 00:04:33,439 --> 00:04:36,442 ilalagay ko 'to dito. 59 00:04:36,943 --> 00:04:38,319 Ops, maling gilid. 60 00:04:38,403 --> 00:04:40,280 Ilalagay ko 'to dito sa taas. 61 00:04:41,614 --> 00:04:45,660 At banda dito naman 'tong isang 'to. 62 00:04:47,537 --> 00:04:51,666 May siyam na tinatawag kaming blocks. 63 00:04:51,749 --> 00:04:55,878 Bawat isa sa kanila ay may 81 piraso. 64 00:04:55,962 --> 00:04:58,840 Labindalawang parihabang blocks, 65 00:04:58,923 --> 00:05:02,260 bawat isa ay may 99 na piraso. 66 00:05:02,343 --> 00:05:06,931 At saka may apat na malalaki, mga blocks lang ng buong quilt. 67 00:05:07,015 --> 00:05:10,101 May 99 na piraso kada unit. 68 00:05:10,852 --> 00:05:14,856 Sa harap pa lang, nasa mahigit sa 3,500 piraso na. 69 00:05:16,441 --> 00:05:19,986 March na ngayon. Dapat tapos ko 'to ng May 1. 70 00:05:20,069 --> 00:05:22,697 Kaya, sana matapos ko. 71 00:05:24,991 --> 00:05:25,825 PAALALA 72 00:05:25,908 --> 00:05:29,620 PAKILIGPIT ANG KALAT PAGKAKUHA NG RETASO O ANUMAN SA ESTANTE. 73 00:05:29,704 --> 00:05:31,456 Tinuturuan namin silang gumupit. 74 00:05:31,539 --> 00:05:33,583 Ang una naming ginagawa 75 00:05:33,666 --> 00:05:35,460 ay gini-grid muna 'yong quilt. 76 00:05:36,044 --> 00:05:39,047 Bago ang lahat, 'yon muna ang dapat gawin. 77 00:05:39,756 --> 00:05:43,426 Pag nagsisimula ako, buo na sa isip ko pero di ko pa ma-grid. 78 00:05:45,345 --> 00:05:49,891 Kadalasan, lagot ako kay Ricky nito, talagang naggugupit na muna agad ako. 79 00:05:50,683 --> 00:05:51,517 Pagkatapos… 80 00:05:54,228 --> 00:05:56,356 gigising ako sa hatinggabi. 81 00:05:56,439 --> 00:05:58,066 Doon pa lang maggi-grid. 82 00:05:59,359 --> 00:06:01,194 Di ako sumusunod sa pattern. 83 00:06:01,277 --> 00:06:02,445 Ayokong mangopya. 84 00:06:02,528 --> 00:06:05,698 'Yong sa akin, binabase ko sa katabing kulay. 85 00:06:05,782 --> 00:06:10,328 Gano'n ko gustong gawin. Para maangkin ko 'yong gawa ko. 86 00:06:10,411 --> 00:06:11,621 Ang ginagawa ko, 87 00:06:11,704 --> 00:06:15,083 gugupitin ko muna 'yong gagamitin ko para sa gitna. 88 00:06:15,166 --> 00:06:19,754 Karaniwang nasa 50x30 ang gitna ko. 89 00:06:19,837 --> 00:06:25,885 Pag nakuha ko 'yong 50x30, alam ko na kailangan ko pa ng 30 pataas at pababa 90 00:06:25,968 --> 00:06:27,595 para idagdag sa 50, 91 00:06:27,678 --> 00:06:29,013 at 'yon ang 80 ko. 92 00:06:29,889 --> 00:06:34,852 Bago pa lang ako kaya marami pa akong di alam. 93 00:06:34,936 --> 00:06:36,562 Ano ang isusunod mo dito? 94 00:06:36,646 --> 00:06:40,733 Tatapusin 'tong dalawang hilera at ilalagay ko naman sa ilalim 'to. 95 00:06:40,817 --> 00:06:43,486 Di ko masabi kung saan ilalagay 'tong piraso. 96 00:06:43,569 --> 00:06:47,615 Okay 'yang ginagawa mo. Kita mo na di kumakalas 'yong sulok. 97 00:06:49,784 --> 00:06:52,912 Magulo pero may sistema kung ilalarawan ko ang lugar. 98 00:06:52,995 --> 00:06:55,873 -Nakanino 'yong cutter ko? -Akin na 'yan dito. 99 00:06:55,957 --> 00:06:59,377 Parang may maliit na cartoon character 100 00:06:59,460 --> 00:07:03,548 na papasok na may mga gunting at papel na nagliliparan kung saan-saan. 101 00:07:04,257 --> 00:07:05,758 Parang may mali talaga. 102 00:07:05,842 --> 00:07:08,261 -Di ko gusto 'to. -Paano mo ginawa 'yan? 103 00:07:08,344 --> 00:07:12,515 Binubuo ng paggupit, pagtahi at pagplantsa ang proseso 104 00:07:12,598 --> 00:07:14,976 at paulit-ulit na gupit, tahi, plantsa. 105 00:07:15,059 --> 00:07:18,312 'Yong panglikod naman ang gagawin ko. 106 00:07:18,396 --> 00:07:21,524 Ito ang panglikod para sa butterfly quilt. 107 00:07:21,607 --> 00:07:25,528 Dadalhin nila 'to sa quilt room at saka niya aayusin naman doon. 108 00:07:27,405 --> 00:07:29,824 Humanda kang makakita ng tapos na quilt. 109 00:07:30,408 --> 00:07:31,784 Okay, tingnan natin. 110 00:07:33,703 --> 00:07:35,079 -Mukhang maganda. -Yo. 111 00:07:35,163 --> 00:07:36,289 Uy. 112 00:07:37,457 --> 00:07:39,250 Ayan na. Irolyo mo. 113 00:07:47,467 --> 00:07:50,344 Dito, maliit na komunidad kami sa loob ng malaking komunidad. 114 00:07:52,346 --> 00:07:54,307 -Mukhang maganda. -Mas malaki ito. 115 00:07:54,390 --> 00:07:55,808 Maaga pa para magsalita. 116 00:07:56,809 --> 00:08:00,855 Labas ng RJO, kagaya lang kami gaya ng iba. 117 00:08:00,938 --> 00:08:04,817 Pero di nila alam ang pakiramdam namin dito. 118 00:08:04,901 --> 00:08:09,071 Di lahat ay nauunawaan 'to, pero kami, nauunawaan namin. 119 00:08:13,326 --> 00:08:14,702 Silang lahat dito, 120 00:08:14,785 --> 00:08:17,455 gusto ko silang lahat na kasama. 121 00:08:18,873 --> 00:08:22,251 Magkakasundo kami at nagtutulungan din kami. 122 00:08:22,335 --> 00:08:24,128 Tapos iba-iba ang trip namin. 123 00:08:25,296 --> 00:08:26,631 Mahilig si Fred sa kulay. 124 00:08:26,714 --> 00:08:27,840 Dito ito… 125 00:08:27,924 --> 00:08:29,759 Na kay Jimmy ang stars. 126 00:08:29,842 --> 00:08:31,010 Ang ganda-ganda. 127 00:08:31,719 --> 00:08:33,888 Si Rod ang tagapili ng materyales. 128 00:08:36,516 --> 00:08:39,602 Ito naman ang trip ko. Mga paru-paro. 129 00:08:40,186 --> 00:08:42,897 Pwede ko bang ipakita sa 'yo 'tong nagawa ko? 130 00:08:42,980 --> 00:08:44,148 Oo naman. 131 00:08:44,232 --> 00:08:48,402 Ginawa ko 'to noong isang linggo para sa isang batang babae. 132 00:08:50,446 --> 00:08:51,447 Ginawa ko 'to. 133 00:08:54,617 --> 00:08:57,537 Kung gusto mo ng 7 1/2, ang gawin mo, 134 00:08:58,329 --> 00:09:02,833 kumuha ka ng 1/8 dito, at 1/8 sa banda dito, o 1/4… 135 00:09:03,334 --> 00:09:05,545 -At sasakto na 'yon? -Eksakto 'yan. 136 00:09:05,628 --> 00:09:08,506 -Di ko alam 'yon, a. Kuha ko na. -Tagal na. 137 00:09:08,589 --> 00:09:10,591 Magaling magturo si Ricky. 138 00:09:10,675 --> 00:09:13,928 Sa isang linggo, makakagawa ka ng napakagagandang quilt 139 00:09:14,011 --> 00:09:15,596 na di mo inakalang magagawa mo. 140 00:09:15,680 --> 00:09:17,473 Pag kailangan mo ng tulong 141 00:09:17,557 --> 00:09:20,560 o gusto mong matuto, kay Ricky ka dapat lumapit. 142 00:09:20,643 --> 00:09:24,438 Di pa siya nakapanahi dati. Gusto niyang matutong manahi. 143 00:09:26,524 --> 00:09:28,734 Maganda ang pagkakagawa mo dito. 144 00:09:29,235 --> 00:09:32,780 Mga retaso 'to galing sa quilt niya at iba pa. 145 00:09:33,281 --> 00:09:37,577 Kinukuha ko ang mga 'to, tapos ginugupit at pinagtatagpi-tagpi ko. 146 00:09:38,744 --> 00:09:40,037 Siya ang master. 147 00:09:41,122 --> 00:09:42,623 Natututo kami kay Sensei. 148 00:09:43,833 --> 00:09:47,587 Karamihan sa mga nandito, nagkamali talaga, alam mo 'yon? 149 00:09:47,670 --> 00:09:50,631 Naghahanap sila ng… paano ko ba sasabihin? 150 00:09:51,549 --> 00:09:52,383 Ng layunin. 151 00:09:53,050 --> 00:09:55,678 Lagyan mo ng konti para lumuwag. Pihitin mo. 152 00:09:59,265 --> 00:10:01,267 'Yan ang tinatawag na "kumpleto". 153 00:10:01,892 --> 00:10:03,769 Mahal ko ang ginagawa ko. 154 00:10:03,853 --> 00:10:07,565 Gusto kong nagmamalasakit sa foster kids. Pinakagusto ko 'yon. 155 00:10:07,648 --> 00:10:12,236 Pag sa mga batang babae, ang naiisip ko ay mga pink, purple, green. 156 00:10:12,320 --> 00:10:18,034 Para sa mga batang lalaki, ang naiisip ko ay mga itim, dilaw, blue. 157 00:10:19,827 --> 00:10:21,871 Nakatuon lang ako sa pananahi ko. 158 00:10:24,332 --> 00:10:25,541 Dito, malaya ako. 159 00:10:25,625 --> 00:10:28,961 Ito na kalayaan ko. Nakakalaya ako dahil dito. 160 00:10:29,045 --> 00:10:31,297 Malaya ako pag gumagawa ako dito. 161 00:11:08,250 --> 00:11:09,960 Di lahat ay pwede dito. 162 00:11:10,753 --> 00:11:13,255 Dapat wala silang violation o report. 163 00:11:15,216 --> 00:11:18,260 Ayokong isipin ang ginawa nila kaya sila nakulong. 164 00:11:19,261 --> 00:11:22,515 Tinatrato ko silang tao, kasi tao sila. 165 00:12:26,036 --> 00:12:31,041 Ang nanay ko ang pinakadahilan kaya ko 'to ginagawa. 166 00:12:34,253 --> 00:12:36,756 'Yong nanay niya, 'yong lola ko, 167 00:12:37,256 --> 00:12:41,469 lahat ng mga damit at quilt nila ay tahi niya lang galing sa mga retaso. 168 00:12:41,552 --> 00:12:44,805 Kaya, ito ang dala sa akin ng kabataan ko. 169 00:12:47,099 --> 00:12:49,602 Bata pa lang ako nang makulong. 170 00:12:49,685 --> 00:12:53,773 Ipatong mo ang daliri mo. Hawakan mo 'yan. Sa sulok. Tapos… 171 00:12:53,856 --> 00:12:56,317 Sisenta'y kwatro anyos na ako ngayon. 172 00:12:56,942 --> 00:12:59,361 Bente anyos ako nang makulong. 173 00:13:01,614 --> 00:13:06,285 Gago kasi ako dati e at grabe ang naging pagkakamali ko. 174 00:13:07,286 --> 00:13:11,123 Pero maayos ang kinalakihan ko, mababait ang mga magulang ko. 175 00:13:11,207 --> 00:13:13,209 Maayos ang buhay ko. 176 00:13:13,292 --> 00:13:17,963 Napabarkada ako sa mga maling tao. 'Yon ang pagkakamali ko. 177 00:13:20,758 --> 00:13:23,719 Pero wala na ako doon. 178 00:13:32,937 --> 00:13:37,566 Ngayon, ito ang unang beses na gagawa ng quilt si Jeremiah. 179 00:13:39,527 --> 00:13:41,403 Tingnan mo 'tong mga dulo dito, 180 00:13:41,946 --> 00:13:43,823 eksaktong-eksakto. 181 00:13:44,323 --> 00:13:45,324 Ang unang quilt ko. 182 00:13:46,325 --> 00:13:48,202 Nagawa ko ang trabaho ko. 183 00:13:48,786 --> 00:13:50,663 Magiging proud si Nanay. 184 00:13:50,746 --> 00:13:51,664 Oo. 185 00:13:51,747 --> 00:13:53,749 Ay, baligtad. 186 00:13:54,291 --> 00:13:56,585 Ilapat mo 'yan hanggang do'n. 187 00:13:57,336 --> 00:14:00,172 Halos 38 taon na akong nakakulong. 188 00:14:01,131 --> 00:14:05,886 Paglipas ng panahon, maiisip mo ang pamilya mo. 189 00:14:05,970 --> 00:14:10,391 Pag naiisip mo sila, lumalabas talaga ang katotohanan. 190 00:14:10,474 --> 00:14:12,852 Grabe. Lahat ng ginawa ko. 191 00:14:13,352 --> 00:14:14,603 Drug addict ako. 192 00:14:14,687 --> 00:14:17,606 Nalulong ako sa alak. 193 00:14:18,107 --> 00:14:21,026 Nasira ang lahat noong nasa mga bente anyos ako. 194 00:14:21,527 --> 00:14:25,364 Noon ako nasentensiyahan dahil sa pagpatay. 195 00:14:26,240 --> 00:14:29,451 Guilty ako sa ginawa ko. 196 00:14:29,535 --> 00:14:30,786 Talaga. 197 00:14:30,870 --> 00:14:34,164 -Kaya… -Akuin mo ang pananagutan mo. 198 00:14:34,248 --> 00:14:38,419 Sayang nga lang at di namin naramdaman at naipakita 'yon, 199 00:14:38,502 --> 00:14:40,421 bago kami nakulong. 200 00:14:40,504 --> 00:14:43,632 'Yon ang bagay na mahirap tanggapin. 201 00:14:43,716 --> 00:14:45,843 Talagang nakakapanghinayang. 202 00:14:46,385 --> 00:14:49,430 Ibig kong sabihin, pagkatapos ng 30 taon… 203 00:14:50,222 --> 00:14:51,515 Alam mo, ano lang… 204 00:14:52,433 --> 00:14:54,435 Hay. Ewan ko. 205 00:14:55,227 --> 00:14:58,439 Mahalaga kasi sa akin ang nanay ko. 206 00:14:59,523 --> 00:15:00,608 Ang hirap. 207 00:15:02,818 --> 00:15:04,904 Mahirap lang pag-usapan 'yon. 208 00:15:12,786 --> 00:15:15,039 Mga pare, may package tayong dumating. 209 00:15:15,122 --> 00:15:17,416 Sige, ano'ng laman ng kahon? 210 00:15:18,125 --> 00:15:20,920 'Yong pagkakasabi niya, "Uy, may package tayo." 211 00:15:21,003 --> 00:15:23,005 Galing sa donasyon 'tong mga 'to. 212 00:15:23,505 --> 00:15:27,927 Kung di dahil sa mga taong may malaking pusong nagdo-donate sa amin, 213 00:15:28,010 --> 00:15:29,845 hindi namin 'to magagawa. 214 00:15:31,138 --> 00:15:34,433 Puro mga pambata 'tong nasa estanteng 'to. 215 00:15:35,017 --> 00:15:37,811 May mga cartoons na donut, 216 00:15:37,895 --> 00:15:40,564 mga music, mga design ng piano. 217 00:15:40,648 --> 00:15:45,069 Puro may pagkain naman dito. May mani. May bacon din kami. 218 00:15:45,152 --> 00:15:49,657 Fillers 'to ng mga weighted blanket at vest para sa mga batang may autism. 219 00:15:50,240 --> 00:15:55,287 Bawal silang lumampas sa pintong 'to kasi nandito lahat ng mga gamit namin. 220 00:15:55,371 --> 00:15:59,750 May gunting kami, may rotary cutter. 221 00:15:59,833 --> 00:16:01,418 Ang tawag nila, matatalas. 222 00:16:01,919 --> 00:16:04,254 Kahit na anong matutulis. 223 00:16:04,338 --> 00:16:08,550 Ayaw kasi nilang may gumagala dito na may bitbit na ganito. 224 00:16:08,634 --> 00:16:12,054 Pagpasok nila sa umaga, ililista nila sa log book. 225 00:16:12,137 --> 00:16:15,432 'Yong si Potter, 'yong nakatayo doon, tool bag niya 'to. 226 00:16:15,516 --> 00:16:16,892 Nakatoka 'to sa kanya. 227 00:16:16,976 --> 00:16:20,187 Nakasulat sa master inventory ang mga laman ng bag, 228 00:16:20,270 --> 00:16:23,107 kaya pag nando'n siya, pag nawala ang bag niya, 229 00:16:23,190 --> 00:16:24,566 responsibilidad niya. 230 00:16:24,650 --> 00:16:27,194 Buti na lang, di pa kami nawawalan. 231 00:16:38,747 --> 00:16:39,999 Noong bata-bata ako, 232 00:16:40,082 --> 00:16:43,168 natuto akong manahi pero puro mga upholstery lang. 233 00:16:45,254 --> 00:16:47,631 May sarili akong upholstery shop. 234 00:16:48,549 --> 00:16:53,595 Di pa ako nakapanahi nang ganito. Laging leather at vinyl ang tinatahi ko. 235 00:16:54,513 --> 00:16:59,309 Sa vinyl at leather, kailangan mong banatin nang banatin. 236 00:16:59,393 --> 00:17:00,894 Mas malambot 'to. 237 00:17:05,649 --> 00:17:07,568 Ops. Nagkamali ako. 238 00:17:08,402 --> 00:17:09,403 Oopsy. 239 00:17:12,531 --> 00:17:14,742 Inabot ng isa't kalahating linggo 240 00:17:14,825 --> 00:17:18,495 bago nasanay ang mga kamay ko na magtahi ng mga mas magagaan. 241 00:17:19,913 --> 00:17:22,332 Ayos, paplantsahin ko na 'to. 242 00:17:31,800 --> 00:17:34,553 May ginawa pa akong isang butterfly quilt 243 00:17:34,636 --> 00:17:37,973 na talagang napakaganda. 244 00:17:38,057 --> 00:17:40,225 Tinawag naming Firefly. 245 00:17:40,309 --> 00:17:43,270 Sobrang ganda noon dahil sa mga ginamit na kulay. 246 00:17:45,814 --> 00:17:47,566 Mahilig si mama sa paru-paro. 247 00:17:48,484 --> 00:17:51,320 Nagkataon lang. Kaya mahilig ako sa paru-paro. 248 00:17:51,403 --> 00:17:54,364 Siya ang naiisip ko pag gumagawa ako ng paru-paro. 249 00:17:55,949 --> 00:18:01,455 Ang pinakaimportanteng binilin niya, wag kong balikan ang dati kong pagkatao. 250 00:18:01,538 --> 00:18:02,915 Wag magkimkim ng galit. 251 00:18:03,415 --> 00:18:04,792 Maging mas pasensiyoso, 252 00:18:04,875 --> 00:18:08,295 at maging mas maunawain at mahabagin. 253 00:18:08,378 --> 00:18:13,675 Di dahil ginawan ka ng masama ay gagantihan mo na sila ng masama. 254 00:18:15,135 --> 00:18:17,638 Medyo wirdo ang sasabihin ko, 255 00:18:17,721 --> 00:18:21,517 pero kapag tumatawag ako sa bahay, naririnig nila sa boses ko. 256 00:18:22,017 --> 00:18:24,770 Pag nag-uusap-usap kami, ang nasasabi nila, 257 00:18:24,853 --> 00:18:26,772 "Nagbago ka na nga. Nagawa mo." 258 00:18:26,855 --> 00:18:28,816 Sabi ko, "Oo, nagbago na ako." 259 00:18:31,318 --> 00:18:32,694 Puro paru-paro. 260 00:18:45,707 --> 00:18:50,462 Na-master na niya 'yan. Mga tatsulok na lang ang gagawin niya. 261 00:19:26,123 --> 00:19:27,332 Ang sakit ng ulo ko. 262 00:19:27,416 --> 00:19:29,209 May Tylenol ka? 263 00:19:30,210 --> 00:19:31,628 'Yong buong bote. 264 00:19:34,631 --> 00:19:37,467 Nahihilo ako sa mga kulay at pattern, at… 265 00:19:39,219 --> 00:19:41,513 Di ko alam ang gagawin ko ngayon. 266 00:19:41,597 --> 00:19:42,431 Ano na ako… 267 00:19:43,724 --> 00:19:44,558 Kapag… 268 00:19:44,641 --> 00:19:47,978 Matanda na ako at kailangan kong mag-focus. 269 00:19:48,937 --> 00:19:53,692 Labimpitong malalaking blocks pa ang gagawin ko. 270 00:19:54,568 --> 00:19:57,779 Magdamag akong nag-sketch. 271 00:19:58,280 --> 00:20:02,743 Pag may gumugulo sa isip ko, umuupo ako at 'yan ang ginagawa ko. 272 00:20:05,037 --> 00:20:10,751 Dalawang linggo na lang ay deadline na, kaya pinagpapawisan ako bawat minuto. 273 00:20:15,964 --> 00:20:17,966 Lintik! 274 00:20:18,634 --> 00:20:19,718 Nagkamali ako. 275 00:20:19,801 --> 00:20:22,971 Mali ang direksyon ng pagkakatahi sa lahat ng hilera. 276 00:20:23,055 --> 00:20:25,307 Kailangang tastasin ko 'yong hilera, 277 00:20:26,141 --> 00:20:30,395 babaligtarin at saka ko tatahiin uli. 278 00:20:30,479 --> 00:20:35,400 Kailangan kong baklasin 'yong dalawang malalaking parisukat, 279 00:20:35,484 --> 00:20:37,945 saka ko babaligtarin at tatahiin ulit. 280 00:20:38,028 --> 00:20:40,364 Wala 'to sa plano ngayon… 281 00:20:42,241 --> 00:20:44,868 Medyo naiinis siya paminsan-minsan. 282 00:20:45,452 --> 00:20:46,745 Ayusin ko na 'to. 283 00:20:46,828 --> 00:20:49,831 -Dapat plantsahin muna. -Mabilis ko 'tong magagawa. 284 00:20:49,915 --> 00:20:51,625 -Okay. -O gaano man katagal. 285 00:20:51,708 --> 00:20:53,710 Oo. Di siguro matatagalan. 286 00:20:54,836 --> 00:21:00,968 Noong nauubos na 'yong oras ko para sa '60s quilt, 287 00:21:02,135 --> 00:21:03,929 sinalo ako ni Potter. 288 00:21:04,596 --> 00:21:06,056 Ang galing mo. 289 00:21:06,139 --> 00:21:08,141 Tingnan mo nga. Eksakto lahat. 290 00:21:08,225 --> 00:21:09,935 Mabilis niyang nagawa. 291 00:21:10,018 --> 00:21:11,395 Gugulatin ka niya. 292 00:21:11,478 --> 00:21:14,439 Nagawa mo 'yong unang dalawa, igilid mo na muna. 293 00:21:14,523 --> 00:21:16,400 -Sige, tig-dalawa? -Mismo. 294 00:21:16,483 --> 00:21:18,902 -Okay. -Nakuha mo. 295 00:21:18,986 --> 00:21:20,028 Handa na 'ko. 296 00:21:20,737 --> 00:21:24,283 Kung makikita ko ang batang ako, sasabihin ko sa kaniya 297 00:21:24,366 --> 00:21:29,913 na dapat mas mag-focus kami sa pagtulong sa kapuwa. 298 00:21:30,539 --> 00:21:31,707 At… 299 00:21:32,749 --> 00:21:36,336 'yong pagkawala ng anak ko noong 2000 ang nagdulot niyan. 300 00:21:37,838 --> 00:21:40,215 Namatay ang anak ko sa edad na 15. 301 00:21:42,217 --> 00:21:44,511 Kailangan niya ng heart at lung transplant. 302 00:21:44,594 --> 00:21:48,015 Tapos, nandito ako sa kulungan sa edad na 40. 303 00:21:50,642 --> 00:21:54,771 Punong-puno ako ng pagsisisi. 304 00:21:57,399 --> 00:22:00,068 'Yong nandito ako at itong ginagawa namin, 305 00:22:00,694 --> 00:22:03,822 nakakatulong sa akin 'yon na makapag-focus. 306 00:22:04,323 --> 00:22:07,284 Pag focused ako, di 'yon sumasagi sa isip ko. 307 00:22:15,917 --> 00:22:20,255 -Uy, pakihasa naman 'tong gunting ko. -Naluluma at pumupurol na. 308 00:22:23,675 --> 00:22:26,345 Parang ang laki ng naibawas, a. 309 00:22:29,222 --> 00:22:32,434 -Wag mong susubukan. -Muntik na siyang maisahan. 310 00:22:32,517 --> 00:22:33,810 Buwisit. 311 00:22:33,894 --> 00:22:37,272 -Mabubutasan ka sa braso mo. -Naghahanda na si Ricky. 312 00:22:37,356 --> 00:22:38,482 Uy! 313 00:22:38,982 --> 00:22:41,068 -Oo. -Pinapasuot namin kay Ricky 'yong vest. 314 00:22:41,151 --> 00:22:43,403 Baka kumalma siya pag suot na niya. 315 00:22:43,487 --> 00:22:45,155 Basta huminahon lang siya. 316 00:22:46,239 --> 00:22:48,408 -Bagay sa 'yo, Ricky. -Salamat, Rod. 317 00:22:48,950 --> 00:22:49,785 Isang minuto. 318 00:22:51,036 --> 00:22:52,829 Bagay ka na maging mannequin. 319 00:22:53,538 --> 00:22:56,917 Nasa six pounds 'to. Sakto sa batang nasa 60 pounds. 320 00:22:57,000 --> 00:22:59,461 Ipapadala sa school ng mga may autism. 321 00:23:00,003 --> 00:23:00,921 Ito ang… 322 00:23:02,756 --> 00:23:07,260 Isa sa mga sagot na natanggap namin galing sa padala namin para sa mga bata. 323 00:23:07,344 --> 00:23:10,389 Sabi dito, "Hello po. Isa ako sa mga worker sa home, 324 00:23:10,472 --> 00:23:12,682 kasama ko ang mga bata na nakatanggap nito. 325 00:23:12,766 --> 00:23:15,685 Sabi ng pinakamatanda, best na Pasko niya daw 'to, 326 00:23:16,353 --> 00:23:17,437 sobrang saya niya. 327 00:23:17,521 --> 00:23:20,023 'Yong bunso, na may malubhang autism, 328 00:23:20,982 --> 00:23:24,986 nagustuhan niya ang nakuha niya at ginawa niyang playroom ang sala. 329 00:23:25,070 --> 00:23:28,448 Nagpapasalamat siya at sobrang na-appreciate niya. 330 00:23:28,532 --> 00:23:30,867 Ngayon lang daw niya nakita silang gano'n kasaya. 331 00:23:34,538 --> 00:23:35,622 Sapul ang puso ko. 332 00:23:41,253 --> 00:23:42,337 Mr. Potter. 333 00:23:42,421 --> 00:23:44,798 -Bakit? -Gusto mong sumama sa akin? 334 00:23:44,881 --> 00:23:47,426 Oo. Sasama ako sa 'yo, Fred. 335 00:23:50,053 --> 00:23:51,471 Inilatag ko 'to. 336 00:23:51,972 --> 00:23:52,806 Ayos. 337 00:23:52,889 --> 00:23:55,434 At banda… 338 00:23:56,810 --> 00:23:57,769 doon. 339 00:23:58,812 --> 00:23:59,646 At saka… 340 00:24:00,730 --> 00:24:02,399 -Ang angas. -Oo. 341 00:24:02,482 --> 00:24:05,819 Mukha nga. Parang pumunta 'to dito tapos bumalik. 342 00:24:06,319 --> 00:24:08,363 -Oo. -Malapit nang matapos. 343 00:24:08,447 --> 00:24:11,199 Sa di inaasahan, mukhang magiging maganda 'to. 344 00:24:11,825 --> 00:24:13,160 Oo, sa tingin ko din. 345 00:24:16,788 --> 00:24:18,623 -Pag handa ka na. -Sige. 346 00:24:19,124 --> 00:24:22,127 -Ihanda na natin ang mga 'to. -Sige. 347 00:24:25,338 --> 00:24:26,465 Okay. 348 00:24:30,635 --> 00:24:32,554 Isang buhatan mo lang 'yon, a. 349 00:24:36,933 --> 00:24:37,934 Okay. 350 00:24:39,603 --> 00:24:40,979 May susi ka na ngayon? 351 00:24:45,317 --> 00:24:46,693 Magugustuhan nila 'yan. 352 00:25:05,837 --> 00:25:06,922 Wala na si Fred. 353 00:25:08,924 --> 00:25:11,426 Noong isang araw, nai-report si Fred, 354 00:25:11,510 --> 00:25:13,887 at kinailangan nila siyang ilabas. 355 00:25:14,638 --> 00:25:16,848 Gumagawa siya sa selda niya. 356 00:25:16,932 --> 00:25:21,186 Nahulihan siya na may blade, naggugupit at nag-aayos ng mga damit. 357 00:25:21,269 --> 00:25:22,646 Medyo mahirap nga lang. 358 00:25:22,729 --> 00:25:28,109 Pag di nanatiling matino ang isip mo dito, mahuhulog ka rin katulad niya. 359 00:25:28,193 --> 00:25:31,363 Napakagaling niyang manggagawa. 360 00:25:31,446 --> 00:25:36,785 Kaya lang, minsan makakalusot ka, at minsan mag-aalsa balutan ka na. 361 00:25:36,868 --> 00:25:41,289 Kahit sino dito ay pwedeng alisin at ibaba nila doon. 362 00:25:41,373 --> 00:25:43,291 At di ka na makakabalik. 363 00:25:44,459 --> 00:25:47,337 Parang iba na pag wala si Fred. 364 00:25:49,839 --> 00:25:53,885 Tandaan mo kung nasaan kami. Di kami perpekto pero nagsisikap kami. 365 00:25:54,427 --> 00:25:56,137 Pinipilit naming magpakabuti. 366 00:25:56,221 --> 00:26:01,101 Baka may ilan pa siyang dapat gawin para bumuti siya. 'Yon lang, alam n'yo na. 367 00:26:05,355 --> 00:26:07,941 Uy, Paul. Dinala ko 'tong '60s quilt. 368 00:26:19,703 --> 00:26:20,996 Sandali. 369 00:26:21,997 --> 00:26:23,248 Pambihira. 370 00:26:23,331 --> 00:26:24,708 Ang gulo nito. 371 00:26:25,834 --> 00:26:27,252 Tigilan muna natin. 372 00:26:27,335 --> 00:26:31,256 Tanggalin natin 'to dito. Kailangan nating ibaba at tastasin. 373 00:26:33,008 --> 00:26:34,593 May problema kami. 374 00:26:38,972 --> 00:26:41,516 Dapat matapos 'to bago matapos ang linggo. 375 00:26:41,600 --> 00:26:42,809 Tingnan mo nga 'to. 376 00:26:42,892 --> 00:26:46,521 Di naiunat 'yong tela hanggang sa dulo. 377 00:26:46,605 --> 00:26:49,733 Pag di naiuunat kasi, nag-iiwan ng maliliit na umbok. 378 00:26:49,816 --> 00:26:52,360 Ayokong palampasin 'yong mga gano'n. 379 00:26:52,444 --> 00:26:55,947 Kasi may gagamit nito nang mahabang panahon. 380 00:26:56,448 --> 00:26:58,491 Dapat tastasin natin lahat. 381 00:27:00,535 --> 00:27:02,787 Grabe ang pagkakaipit nito. 382 00:27:03,622 --> 00:27:05,790 Hay, Fred. Lintik. 383 00:27:07,626 --> 00:27:09,419 Kunin mo 'ya't dalhin mo 'to. 384 00:27:10,712 --> 00:27:12,088 Napakaraming parisukat. 385 00:27:12,172 --> 00:27:14,424 May ganito ka? Isang parisukat lang. 386 00:27:14,507 --> 00:27:15,884 Parehong tela. 387 00:27:15,967 --> 00:27:18,178 -'Yong green? -Hindi. Wag green. 388 00:27:18,261 --> 00:27:20,639 -Okay. -Oo, ganiyan. Sige. 389 00:27:38,239 --> 00:27:39,616 Nakita ba 'to ni Fred? 390 00:27:40,700 --> 00:27:42,577 Di na niya nakita. 391 00:27:43,703 --> 00:27:46,122 Isalang na ulit natin 'to. 392 00:27:56,716 --> 00:27:58,009 Kita mo, wala na. 393 00:28:00,720 --> 00:28:04,265 Ayos na. Nakita mo kung gaano kadali? Maliit na bagay. 394 00:28:11,231 --> 00:28:12,190 Nakataas na! 395 00:28:12,691 --> 00:28:14,567 Pinakamataas ko na 'to. 396 00:28:17,028 --> 00:28:18,405 Pakita natin ang likod. 397 00:28:19,030 --> 00:28:20,699 May konting naging aberya. 398 00:28:21,241 --> 00:28:22,784 Ngayon, maayos na ulit. 399 00:28:29,374 --> 00:28:32,711 Malulungkot si Ricky. Masasaktan siya pag umalis ako. 400 00:28:33,628 --> 00:28:35,505 -Oo. -Lilipat ako sa baba. 401 00:28:35,588 --> 00:28:38,800 Sana, sa limang taon o mas maiksi pa ay makauwi na ako. 402 00:28:38,883 --> 00:28:40,844 Maraming taon na kami dito. 403 00:28:40,927 --> 00:28:44,180 Halos 25 taon na kaming magkasamang nakakulong. 404 00:28:44,264 --> 00:28:46,891 -Di tayo doon matatapos. -Magkakabalitaan pa rin tayo. 405 00:28:46,975 --> 00:28:50,520 Mahirap pag umalis ang taong gusto mo, di ba? 406 00:28:50,603 --> 00:28:54,607 Pagkatapos ng maraming taon, marami na akong nakitang umalis, 407 00:28:54,691 --> 00:28:57,444 sa loob ng halos 40 taon. 408 00:28:57,527 --> 00:28:59,237 Alam mo 'yon? Ang hirap. 409 00:28:59,946 --> 00:29:02,949 Baka balang araw, ako naman ang paalisin nila. 410 00:29:03,032 --> 00:29:04,117 Sana nga. 411 00:29:04,200 --> 00:29:06,286 Pero karapat-dapat ka bang… 412 00:29:06,369 --> 00:29:09,205 Ginawa ko ang ginawa ko. At sinasabi ko sa lahat. 413 00:29:09,289 --> 00:29:13,084 At di ko lubos maisip ang nararamdaman ng pamilya. 414 00:29:13,168 --> 00:29:14,252 Di ko kaya. 415 00:29:14,753 --> 00:29:17,589 Pero alam mo, ito ay isang bagay na… 416 00:29:18,131 --> 00:29:21,259 sana mapatawad nila ako gaya ng pagpapatawad ko sa sarili ko. 417 00:29:21,342 --> 00:29:23,094 Kaya, halos… 418 00:29:23,636 --> 00:29:27,432 Karamihan, di pinapatawad ang sarili kaya di sila makapagbago. 419 00:29:27,515 --> 00:29:29,392 May bigat pa rin silang dala. 420 00:29:29,476 --> 00:29:32,604 Patawarin mo muna ang sarili mo bago ang iba. 421 00:29:32,687 --> 00:29:35,565 Kagaya ng mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba. 422 00:29:35,648 --> 00:29:38,151 -Di ba? -Kailangan mong magawa 'yon. 423 00:29:38,234 --> 00:29:42,113 Dahil kaya kong tumayo at magpatunay 424 00:29:42,197 --> 00:29:45,575 na ilang beses akong nakawala sa sarili sa kulungan. 425 00:29:45,658 --> 00:29:48,161 Di ko ipinagmamalaki 'yon. 426 00:29:48,953 --> 00:29:50,955 Pero kailangan mo lang… 427 00:29:51,039 --> 00:29:55,627 Kailangan mong pakawalan. Kung hindi, lalamunin ka nito. 428 00:30:04,677 --> 00:30:06,346 SALAMAT 429 00:30:16,439 --> 00:30:17,440 Uy, White. 430 00:30:22,529 --> 00:30:24,531 Oo. Wow naman! 431 00:30:25,824 --> 00:30:26,991 Hala siya. 432 00:30:28,618 --> 00:30:29,744 Natanggap na nila. 433 00:30:33,248 --> 00:30:34,415 Wow. 434 00:30:35,124 --> 00:30:39,254 "Nagpapasalamat ako kina Mr. White (Chill) 435 00:30:39,337 --> 00:30:41,881 at mga kalalakihang gumagawa ng quilt." 436 00:30:42,799 --> 00:30:43,842 Hala siya! 437 00:30:45,718 --> 00:30:47,971 -Uy, ayos 'to. -Di ba? 438 00:30:54,936 --> 00:30:56,312 Nakakatuwa naman. 439 00:31:04,737 --> 00:31:05,572 Ang galing. 440 00:31:06,447 --> 00:31:09,492 Kukunin ko ang stapler at ipapaskil ko ito sa board. 441 00:31:16,708 --> 00:31:19,085 Na precut na 'tong mga 'to. 442 00:31:19,168 --> 00:31:20,712 -Hindi deretso… -72,16. 443 00:31:20,795 --> 00:31:22,672 Hindi talaga dapat… 444 00:31:22,755 --> 00:31:26,342 Iti-trim ko na 'to at ipapatong ko 'tong isa doon. 445 00:31:27,594 --> 00:31:30,430 MULA NANG SIMULAN ANG RESTORATIVE JUSTICE PROGRAM 446 00:31:30,513 --> 00:31:33,224 AY HALOS 2,000 QUILTS ANG NAIBIGAY SA MGA NGO, 447 00:31:33,308 --> 00:31:36,060 CHARITY AT FOSTER CHILDREN. 448 00:32:41,918 --> 00:32:45,129 PAGPAPAHALAGA'T PASASALAMAT PARA SA MGA KABAHAGI NG RJO 449 00:32:45,213 --> 00:32:49,342 SA SOUTH CENTRAL CORRECTIONAL FACILITY SA PAGBAHAGI NG KANILANG MGA KUWENTO. 450 00:32:59,686 --> 00:33:03,398 Nagsalin ng Subtitle: Sol Santos