1 00:00:22,141 --> 00:00:24,701 THOMAS EDWARD BRENT NAMATAY ABRIL 22, 1915 - EDAD 18 2 00:01:10,781 --> 00:01:11,621 Buhay siya. 3 00:01:12,901 --> 00:01:16,061 Jimmy. Akala ko ay patay ka na. 4 00:01:16,141 --> 00:01:17,781 Sino ang bumaril sa iyo? 5 00:01:17,861 --> 00:01:20,461 Kung ipahihintulot mo, Lady Eileen. Salamat. 6 00:01:22,621 --> 00:01:24,421 - Nahuli mo ba siya? - Sino? 7 00:01:25,781 --> 00:01:26,981 Ang lalaking nakamaskara. 8 00:01:28,541 --> 00:01:31,061 Nakarinig ako ng ingay kaya bumaba ako 9 00:01:31,141 --> 00:01:33,901 at nakita ko siyang tumatakas sa bintana. 10 00:01:33,981 --> 00:01:35,901 Kasinlakas siya ng baka. 11 00:01:36,421 --> 00:01:37,821 Nasaan si Dr. Matip? 12 00:01:39,941 --> 00:01:42,221 Mukhang hindi siya bumaba. 13 00:01:44,621 --> 00:01:47,301 Lady Eileen, sandali. 14 00:01:54,661 --> 00:01:55,661 Patay na ba siya? 15 00:01:55,741 --> 00:01:56,781 Hindi. 16 00:01:59,181 --> 00:02:04,061 Nakatulog lang siya sa halip na mamatay. 17 00:02:05,141 --> 00:02:07,581 Parehong pampatulog na pumatay kay Gerry. 18 00:02:08,301 --> 00:02:09,981 Ang ibinigay ni Lady Coote kay Emily. 19 00:02:11,661 --> 00:02:12,661 Hindi mo ba nakikita? 20 00:02:13,581 --> 00:02:16,021 Isa pang paglason at tangkang pagpatay. 21 00:02:17,021 --> 00:02:20,141 - Hindi ba malinaw ang nangyayari? - Hindi malinaw, hindi. 22 00:02:20,221 --> 00:02:23,261 Naniniwala akong may mga bagay na taliwas sa kung ano ang nakikita, 23 00:02:23,341 --> 00:02:25,941 at may mga bagay 24 00:02:26,581 --> 00:02:28,261 na eksakto sa kung ano ang nakikita. 25 00:02:29,101 --> 00:02:30,741 Ano ang ibig sabihin noon? 26 00:02:30,821 --> 00:02:32,861 Ang mga gamit ni Dr. Matip. 27 00:02:34,061 --> 00:02:35,301 Ninakaw ang mga iyon. 28 00:02:48,581 --> 00:02:52,181 Mga binibini at ginoo, ang lugar ay ligtas na. 29 00:02:52,261 --> 00:02:55,581 Walang maaaring umalis nang walang pahintulot ko. 30 00:02:55,661 --> 00:02:59,701 Inasikaso na ng doktor si Mr. Thesiger at ngayon naman ay si Dr. Matip. 31 00:02:59,781 --> 00:03:02,741 Battle, hindi maaaring magpatuloy nang ganito. 32 00:03:02,821 --> 00:03:07,101 Tiniyak ko kay Dr. Matip na ito ang pinakaligtas na lugar sa lahat. 33 00:03:07,181 --> 00:03:09,901 Tiyak na pagagalitan ako ng punong ministro. 34 00:03:09,981 --> 00:03:12,581 - Gumawa ka ng paraan. - Nakagawa na ako, Mr. Lomax. 35 00:03:12,661 --> 00:03:15,221 Nahuli ng mga tauhan ko ang kawatan. 36 00:03:15,301 --> 00:03:17,181 - Mga kasama, ipasok siya. - Opo. 37 00:03:24,501 --> 00:03:25,981 - Loraine? - Loraine? 38 00:03:26,661 --> 00:03:29,261 Kumusta, Jimmy? Parang wala ako sa sarili ko. 39 00:03:29,341 --> 00:03:31,101 - Kilala mo siya? - Kilala namin. 40 00:03:31,181 --> 00:03:32,741 Dahil kay Jimmy kaya ako narito. 41 00:03:33,581 --> 00:03:36,941 Ikaw lang ang naging mabuti sa akin mula nang namatay si Gerry. 42 00:03:38,061 --> 00:03:41,221 Ang akala ko kasi'y nanganganib ka. Hindi ko napigilan ang sarili ko. 43 00:03:41,301 --> 00:03:43,141 Loraine, hindi ko alam. 44 00:03:43,221 --> 00:03:45,821 Sandali lang, siya ba ay nakapkapan na? 45 00:03:45,901 --> 00:03:47,581 Oo. Walang nakita sa kanya. 46 00:03:47,661 --> 00:03:49,941 - Ano ang dapat kong ginawa? - Ako ang magpapatotoo. 47 00:03:50,021 --> 00:03:51,861 Matipunong lalaki ang nagtangka sa akin. 48 00:03:53,661 --> 00:03:54,661 Nasaan si Sir Oswald? 49 00:03:55,821 --> 00:03:58,501 Napakagandang tanong niyan, Lady Eileen. 50 00:03:58,581 --> 00:04:00,501 - Naisip ko nga. - Tiyak kong nakita ko siya. 51 00:04:01,021 --> 00:04:04,381 Hindi, hindi pa siya bumababa sa kabila ng kaguluhang ito. 52 00:04:04,461 --> 00:04:07,621 Hindi siya ganyan. Laging siya ang unang nagrereklamo. 53 00:04:18,261 --> 00:04:20,581 Ano ang ginagawa n'yo at gising pa kayo? 54 00:04:20,661 --> 00:04:22,661 Saan ka nanggaling, Oswald? 55 00:04:22,741 --> 00:04:26,421 A, naglakad-lakad ako. Nakita ko ito. 56 00:04:34,101 --> 00:04:36,181 Binaril siya roon. 57 00:04:36,261 --> 00:04:37,221 Oo. 58 00:04:37,861 --> 00:04:39,861 Oo, nakita ko ito sa damuhan. 59 00:04:39,941 --> 00:04:42,301 Oo. Salamat. Kukunin ko iyan. 60 00:04:43,461 --> 00:04:44,741 Mukhang Mauser ito. 61 00:04:45,461 --> 00:04:47,981 Kung maaari, mas mabuti sana 62 00:04:48,061 --> 00:04:50,101 kung iniwan mo ito kung paano mo ito nakita. 63 00:04:51,181 --> 00:04:52,661 Patawad kung ganoon. 64 00:04:53,261 --> 00:04:55,461 Bakit ka nasa damuhan? 65 00:04:56,781 --> 00:05:00,101 Hindi ako makatulog, naglakad-lakad ako. Nakita ko iyan. 66 00:05:01,661 --> 00:05:02,861 - Ganoon ba? - Oo. 67 00:05:03,661 --> 00:05:05,981 Maaaring nahulog ng nagtangka kay Jimmy 68 00:05:07,181 --> 00:05:09,381 habang tumatakas. 69 00:05:11,021 --> 00:05:13,181 Wari ko ay nahuli ako sa kaguluhan dito. 70 00:05:15,101 --> 00:05:17,181 May bisitang babae rin. Sino iyan? 71 00:05:17,261 --> 00:05:20,341 Maaari na kayong bumalik sa inyong mga kuwarto 72 00:05:20,421 --> 00:05:24,021 habang ginagawa namin ng mga tauhan ko ang aming trabaho. 73 00:05:25,181 --> 00:05:29,341 Mr. Lomax, pansamantala kong ilalagay ang bagong dating sa isa sa mga kuwarto. 74 00:05:29,421 --> 00:05:31,501 Patuloy siyang babantayan. 75 00:05:31,581 --> 00:05:36,181 Mahigpit na binabantayan ang bakuran. Walang puwedeng pumasok o lumabas. 76 00:05:36,261 --> 00:05:39,541 Umaasa akong mas marami akong maibabalita sa inyo pagsapit ng umaga. 77 00:05:39,621 --> 00:05:42,941 Ngunit sa ngayon, pumasok na kayo sa inyong mga kuwarto. 78 00:06:24,341 --> 00:06:25,181 Mr. Lomax. 79 00:06:25,261 --> 00:06:29,141 Huwag kang mabahala. Nakabantay pa rin ang mga pulis. 80 00:06:31,781 --> 00:06:33,741 Mukhang hindi ka rin makatulog. 81 00:06:33,821 --> 00:06:35,581 Pareho tayong masyadong, 82 00:06:36,621 --> 00:06:39,381 paumanhin sa aking Pranses, sympa. 83 00:06:40,701 --> 00:06:43,181 - Ganoon ba? - Huwag kang matakot. Hindi ako papasok. 84 00:06:43,261 --> 00:06:47,181 Hindi ko na iisiping lumampas pa. Pero siyempre, puwedeng mangarap. 85 00:06:47,261 --> 00:06:49,981 - May kailangan ka ba? - Nararamdaman mo. 86 00:06:50,061 --> 00:06:51,421 Alam kong mararamdaman mo. 87 00:06:51,501 --> 00:06:55,621 Likas sa iyo iyan, bagama't magaspang at hindi pa sanay. 88 00:06:58,901 --> 00:07:00,861 Bakit ka nasa aking pintuan? 89 00:07:00,941 --> 00:07:02,501 Dapat kong sabihin nang tuwiran. 90 00:07:02,581 --> 00:07:05,941 Iyan ang gusto mo. Iyon ang iyong tunay na pagkatao. 91 00:07:07,221 --> 00:07:10,101 Linawin mo, Lomax, kung hindi'y mag-aalab ang mundo mo. 92 00:07:10,701 --> 00:07:12,141 Ayos ka lang ba? 93 00:07:14,501 --> 00:07:15,741 Sana nga. 94 00:07:16,421 --> 00:07:17,581 Sana nga. 95 00:07:18,861 --> 00:07:21,021 Maaari ko bang kunin ang iyong... 96 00:07:22,821 --> 00:07:24,181 Ay, susmaryosep. 97 00:07:25,861 --> 00:07:27,421 Hindi mo naman sinasabi na... 98 00:07:27,501 --> 00:07:29,661 Nauunawaan mo. At ikaw na ikaw iyan. 99 00:07:30,941 --> 00:07:32,901 Mr. Lomax, hinihiling mong pakasalan kita? 100 00:07:32,981 --> 00:07:33,981 Oo. 101 00:07:35,781 --> 00:07:37,581 Ang hinihiling ko lang bilang kapalit 102 00:07:37,661 --> 00:07:42,781 ay munting pagkilala sa aking pag-ibig at pagmamahal sa iyo. 103 00:07:45,461 --> 00:07:46,421 Lady Eileen? 104 00:07:50,061 --> 00:07:51,341 Lady Eileen? 105 00:08:09,301 --> 00:08:11,381 Magandang umaga, Lady Eileen. 106 00:08:11,461 --> 00:08:13,781 Umaasa akong maayos ang lahat? 107 00:08:13,861 --> 00:08:15,461 Hindi lubos, hindi. 108 00:08:16,181 --> 00:08:18,741 Buti't nakatakas ako sa alok na kasal. 109 00:08:19,421 --> 00:08:20,741 Mula kay George Lomax. 110 00:08:21,501 --> 00:08:22,941 Ano ang palagay mo roon? 111 00:08:23,021 --> 00:08:26,621 Ang mas magandang tanong, ano ang palagay mo roon? 112 00:08:26,701 --> 00:08:29,581 Ayaw ko talagang isipin. Hindi ko gusto ni katiting. 113 00:08:29,661 --> 00:08:30,981 Ano ang tinitingnan natin? 114 00:08:32,381 --> 00:08:34,661 Wala tayong tinitingnan na kahit ano. 115 00:08:34,741 --> 00:08:37,101 Nagkakamali ka, Superintendent. 116 00:08:37,781 --> 00:08:40,581 Puwede mo bang ipaliwanag kung bakit abala ka sa damuhang ito? 117 00:08:40,661 --> 00:08:44,581 Inaalala ko ang tungkol sa mga bakas ng paa. 118 00:08:44,661 --> 00:08:47,901 Kay Sir Oswald? O sa nagtangka kay Jimmy? 119 00:08:50,101 --> 00:08:51,261 Hindi, sandali. 120 00:08:52,621 --> 00:08:53,861 Iisa lang ang bakas. 121 00:08:55,701 --> 00:08:56,581 Oo. 122 00:08:57,261 --> 00:08:58,941 May uka. 123 00:09:02,781 --> 00:09:04,221 Diyan nakita ang baril? 124 00:09:05,261 --> 00:09:06,821 Dapat nating isipin na ganoon. 125 00:09:07,461 --> 00:09:09,941 Nahulog ng nagtangka kay Jimmy habang tumatakas. 126 00:09:12,741 --> 00:09:16,221 Pero kung isa lang ang bakas ng paa, imposible iyon. 127 00:09:18,181 --> 00:09:21,261 Ngunit ayon kay Sir Oswald, natagpuan niya ang baril sa damuhan. 128 00:09:22,621 --> 00:09:24,301 Nakikita kong malalim ang iniisip mo. 129 00:09:25,421 --> 00:09:27,021 Isa lang ang mga bakas ng paa, 130 00:09:27,101 --> 00:09:29,901 pero tayo ay napaniwala na dalawa ang tao rito. 131 00:09:32,981 --> 00:09:34,061 Hindi tugma, hindi ba? 132 00:09:36,141 --> 00:09:37,741 Maraming bagay ang hindi. 133 00:09:40,221 --> 00:09:42,581 Malalim ang nagawang uka ng baril. 134 00:09:43,981 --> 00:09:45,741 Nasira ang magandang damo. 135 00:09:46,341 --> 00:09:49,661 Na parang nakapagtataka kung nalaglag iyon ng isang tumatakas. 136 00:09:50,461 --> 00:09:52,741 Ang palagay ko ay... 137 00:09:53,981 --> 00:09:55,541 itinapon iyon. 138 00:09:56,461 --> 00:09:58,421 Mula sa may kalayuan. 139 00:09:59,941 --> 00:10:01,581 Na may kabigatan. 140 00:10:07,941 --> 00:10:09,541 Ano ang palagay mo kay Sir Oswald? 141 00:10:10,901 --> 00:10:12,981 Marami akong naiisip, Lady Eileen, 142 00:10:13,061 --> 00:10:15,101 pero hangga't iniisip pa lang at di pa tiyak, 143 00:10:15,181 --> 00:10:17,501 mas gusto kong huwag munang sabihin. 144 00:10:18,541 --> 00:10:20,101 Sadyang kakaiba iyan. 145 00:10:22,701 --> 00:10:24,421 Sana ay matutunan din ng iba. 146 00:10:28,101 --> 00:10:33,621 Iniutos ko sa mga tauhan ko na tawagin ang lahat sa loob. 147 00:10:34,141 --> 00:10:35,821 Kay laking tulong mo. 148 00:10:37,301 --> 00:10:40,181 Ako? Sa paanong paraan? 149 00:10:40,261 --> 00:10:42,341 Dalawang bala. 150 00:10:43,021 --> 00:10:45,781 Isa, natagpuan sa kuwartong ito, 151 00:10:46,301 --> 00:10:49,141 ang isa naman ay sa labas. 152 00:10:49,221 --> 00:10:50,181 Ngayon... 153 00:10:50,261 --> 00:10:51,101 Miss Wade. 154 00:10:51,741 --> 00:10:53,581 - Ang balang ito... - Miss Wade. 155 00:10:53,661 --> 00:10:54,901 ...ay pinaputok mula sa— 156 00:10:54,981 --> 00:10:56,781 Lady Coote, may problema ba? 157 00:10:56,861 --> 00:10:57,701 Oo. 158 00:10:58,501 --> 00:11:00,821 - Nawawala ang isang hikaw mo. - Talaga? 159 00:11:00,901 --> 00:11:03,021 - Ituon natin ang... - Oo nga. 160 00:11:03,101 --> 00:11:05,581 Regalo iyon ng kapatid ko. Babalikan ko sa kuwarto. 161 00:11:05,661 --> 00:11:07,901 May isa ba sa mga pulis mo na sasama sa akin? 162 00:11:07,981 --> 00:11:09,661 Sandali lang ito. 163 00:11:11,101 --> 00:11:13,861 Turner, alis na. Bilisan mo. 164 00:11:19,741 --> 00:11:21,501 Kumusta ang pakiramdam mo, Dr. Matip? 165 00:11:22,341 --> 00:11:23,621 Parang niloko ako. 166 00:11:23,701 --> 00:11:26,261 Pumunta ako rito sa pangakong ligtas ako. 167 00:11:27,461 --> 00:11:30,941 Pinatulog ako. Ninakaw ang aking pinaghirapan. 168 00:11:31,021 --> 00:11:33,661 At may isa ritong higit pa ang alam kaysa sa sinasabi nila. 169 00:11:33,741 --> 00:11:35,981 Na sasabihin ko sana, Dr. Matip. 170 00:11:36,821 --> 00:11:39,621 Imposibleng makalabas ang pormula sa lugar na ito. 171 00:11:39,701 --> 00:11:42,301 Buo ang tiwala ko sa Superintendent. 172 00:11:42,381 --> 00:11:45,181 Nababahala pa rin ako kung sino ang bumaril sa akin kagabi. 173 00:11:45,261 --> 00:11:47,421 - Buweno... - At babalik ba siya? 174 00:11:47,501 --> 00:11:49,061 O nandito ba siya ngayon? 175 00:11:51,261 --> 00:11:54,701 Kasama natin, nagtatago kahit lantad sa paningin. 176 00:11:55,221 --> 00:11:56,261 Ano? 177 00:11:56,901 --> 00:11:59,461 Ano ang ipinahihiwatig mo, Thesiger? 178 00:11:59,541 --> 00:12:01,661 Mga ginoo, mga binibini, pakiusap. 179 00:12:01,741 --> 00:12:06,261 Maayos ang lahat. Gaya ng sinasabi ko, dalawang bala— 180 00:12:06,341 --> 00:12:08,061 Ano ito, Superintendent? 181 00:12:08,901 --> 00:12:11,061 Lady Eileen, nais kong— 182 00:12:11,141 --> 00:12:12,541 O siya, sige. 183 00:12:16,341 --> 00:12:17,581 Katibayan Z. 184 00:12:18,101 --> 00:12:21,061 Ito ay, o dating guwantes. 185 00:12:21,141 --> 00:12:26,301 Natagpuan sa parilya sa pugon. Halos abo na, pero may natira pa. 186 00:12:26,901 --> 00:12:29,581 May gusto bang magsuot nito? 187 00:12:36,861 --> 00:12:38,261 Ako na, kung gusto mo. 188 00:12:38,341 --> 00:12:40,141 Salamat. Napakabuti mo. 189 00:12:42,021 --> 00:12:43,061 Hayan. 190 00:12:44,781 --> 00:12:46,061 Punit-punit ang mga gilid. 191 00:12:49,021 --> 00:12:52,341 Marka ba iyan ng ngipin? Bakit may mga marka ng ngipin? 192 00:12:56,381 --> 00:12:58,501 Nakikita ninyo? Napakalaki. 193 00:12:58,581 --> 00:13:01,341 Napakalaki para sa iyo. 194 00:13:01,421 --> 00:13:02,341 Salamat. 195 00:13:02,421 --> 00:13:03,661 Tama. 196 00:13:04,861 --> 00:13:08,341 Ngayon, kung maaari, bumalik tayo sa usapin ng dalawang bala. 197 00:13:08,421 --> 00:13:11,781 Ang isa ay nasa kuwartong ito, ang isa ay nasa labas. 198 00:13:11,861 --> 00:13:16,701 Pinaputok ang bala mula sa Colt 11 ni Mr. Thesiger. 199 00:13:16,781 --> 00:13:17,901 Leopold. 200 00:13:17,981 --> 00:13:18,981 Salamat. Leop— 201 00:13:20,381 --> 00:13:22,421 Nadaplisan ang gilid ng bintana, 202 00:13:22,501 --> 00:13:25,861 at nakita kong nakabaon ito sa punong yew na iyon. 203 00:13:25,941 --> 00:13:26,901 Samantalang ito... 204 00:13:28,501 --> 00:13:32,021 ay pinaputok mula sa Mauser 32 semiautomatic, 205 00:13:32,541 --> 00:13:35,781 tumama sa braso ni Mr. Thesiger at... 206 00:13:35,861 --> 00:13:37,781 Biyas na nakakapit sa akin. 207 00:13:37,861 --> 00:13:40,261 - Salamat, Mr. Thesiger. - Pasensiya na. 208 00:13:40,781 --> 00:13:45,861 ...bumaon ito sa upuang ito. 209 00:13:45,941 --> 00:13:49,901 Pinaputok mula sa baril na natagpuan ni Sir Oswald sa damuhan, 210 00:13:49,981 --> 00:13:52,861 at tanging bakas ng daliri lang niya ang nasa baril. 211 00:13:52,941 --> 00:13:56,461 Maliban kung ang humawak ay nagsuot ng guwantes. 212 00:13:57,421 --> 00:14:00,501 Hindi ko pa rin maunawaan ang mga marka ng ngipin. Bakit... 213 00:14:01,101 --> 00:14:02,861 - Pasensiya na. Ituloy mo. - Salamat. 214 00:14:05,141 --> 00:14:09,741 Maaari bang isa sa mga kalalakihan dito 215 00:14:10,541 --> 00:14:11,541 ang... 216 00:14:12,501 --> 00:14:13,421 magbato nito? 217 00:14:13,501 --> 00:14:14,901 Si Sir Oswald, marahil? 218 00:14:16,421 --> 00:14:18,341 - Ako? - Napakabuti mo. 219 00:14:18,941 --> 00:14:21,861 Pumunta ka rito sa bintana. 220 00:14:22,621 --> 00:14:23,461 Halika. 221 00:14:25,981 --> 00:14:28,581 At ihagis mo sa gitna ng damuhan. 222 00:14:29,261 --> 00:14:30,421 Ihahagis? 223 00:14:30,501 --> 00:14:35,141 Kung maaari. Ihagis mo nang todo habang ako'y lalabas sandali. 224 00:14:39,181 --> 00:14:40,941 Tiyak ba tayo sa pulis na iyan? 225 00:14:41,621 --> 00:14:44,621 Puwede ba siyang mag-utos kay Oswald na maghagis nang ganito? 226 00:14:44,701 --> 00:14:47,221 Inaalam natin ang nangyari, Lady Coote. 227 00:14:47,301 --> 00:14:48,341 Sige. 228 00:14:57,701 --> 00:14:58,861 Ihagis mo na. 229 00:15:09,701 --> 00:15:10,901 Mahusay ang pagkakahagis. 230 00:15:11,941 --> 00:15:15,101 - Hindi ko kailangan ng papuri mo. - Hindi po. Tama. 231 00:15:15,181 --> 00:15:17,101 Hindi pangkaraniwang sitwasyon ito. 232 00:15:17,181 --> 00:15:20,581 Naghahagis ng baril bago pa man makapag-almusal ang tao. 233 00:15:24,941 --> 00:15:27,061 Ayos na ba, Superintendent? 234 00:15:27,141 --> 00:15:30,021 Oo. Salamat, Sir Oswald. 235 00:15:30,821 --> 00:15:35,221 Parehong uka ang iniwan ng baril gaya ng nauna. 236 00:15:36,101 --> 00:15:39,941 Naihagis mo pa nga ito na siyam na metro pa ang layo, 237 00:15:40,021 --> 00:15:43,901 ngunit ikaw nga nama'y matipuno, hindi ba? 238 00:15:43,981 --> 00:15:46,221 Hindi ko alam ang ipinahihiwatig mo. 239 00:15:46,301 --> 00:15:48,341 Wala naman. Nanunuri lang para sa katotohanan. 240 00:15:48,421 --> 00:15:50,941 Mukhang malinaw na sa akin. 241 00:15:51,701 --> 00:15:54,381 Matapos patulugin ng salarin si Matip, 242 00:15:54,461 --> 00:15:56,861 ninakaw niya ang mga dokumento, dumaan sa galamay-amo, 243 00:15:56,941 --> 00:15:58,621 nakaharap si Thesiger, 244 00:15:58,701 --> 00:16:02,541 nagpaputok, bang, natumba si Thesiger, 245 00:16:02,621 --> 00:16:04,461 pagkatapos ay inihagis ang baril, 246 00:16:04,541 --> 00:16:06,781 tumakbo sa terasa patungo sa daanan sa labas. 247 00:16:06,861 --> 00:16:11,021 Kung saan siya mahuhuli ng mga tauhan ko, gaya ni Miss Wade. 248 00:16:11,101 --> 00:16:13,581 Wala pa rin si Miss Wade. 249 00:16:15,701 --> 00:16:18,301 Ako na ang pupunta para sunduin si Miss Wade. 250 00:16:19,141 --> 00:16:21,381 Manatili kayong lahat dito, pakiusap. 251 00:16:21,461 --> 00:16:24,501 - Opisyal. Walang ibang aalis. - Wala po, sir. 252 00:16:25,421 --> 00:16:26,941 Hindi ako ang tinutukoy niya. 253 00:16:28,541 --> 00:16:29,781 Turner. 254 00:16:29,861 --> 00:16:31,821 Naku, hindi. 255 00:16:33,261 --> 00:16:36,461 Diyos ko, matindi ang pinsalang tinamo niya. 256 00:16:36,541 --> 00:16:37,901 Wala si Loraine. 257 00:16:49,181 --> 00:16:52,501 Ano ang nangyayari, Superintendent? May narinig kaming kotse. 258 00:16:52,581 --> 00:16:54,581 Kotse mo iyon, tinangay ni Loraine Wade. 259 00:16:54,661 --> 00:16:56,061 - Ano? - Mga lalaki, sumama kayo. 260 00:16:56,141 --> 00:16:57,221 - Ano? - Ano? 261 00:16:57,301 --> 00:16:59,341 Ibig sabihin, si Loraine ang nagtangka sa iyo? 262 00:16:59,421 --> 00:17:01,381 Alam ko ang pagkakaiba ng lalaki at babae. 263 00:17:01,461 --> 00:17:04,061 - Lady Eileen, imbestigasyon ko ito. - Bilisan mo. 264 00:17:04,141 --> 00:17:07,061 - Hindi. Superintendent, hindi riyan. - Ano? 265 00:17:07,141 --> 00:17:10,101 Pinalipat ko ang kotse mo sa likod. Medyo masakit sa mata. 266 00:17:11,261 --> 00:17:12,221 Ganoon ba? 267 00:17:17,621 --> 00:17:19,981 Sa pangunahing kalsada ako. Mukhang mabilis siya. 268 00:17:20,061 --> 00:17:22,901 Kung dumaan tayo sa istasyon ng tren? Baka lumipat siya. 269 00:17:22,981 --> 00:17:25,581 Parang tunay na utak-kriminal ang pagkakasabi mo, Jimmy. 270 00:17:25,661 --> 00:17:27,061 Salamat, William. 271 00:17:27,861 --> 00:17:30,061 Hinay-hinay. Gusto naming makaligtas sa biyahe. 272 00:17:30,141 --> 00:17:32,341 Huwag mong punahin ang pagmamaneho ko, Jimmy. 273 00:17:32,421 --> 00:17:34,461 Napakahirap na araw na nito, 274 00:17:34,541 --> 00:17:37,701 dahil kay Loraine at sa... kakila-kilabot na alok ng kasal. 275 00:17:37,781 --> 00:17:40,941 - Ano? Sino ang nag-alok ng kasal sa iyo? - Si Lomax. Kakila-kilabot. 276 00:17:41,541 --> 00:17:44,541 - Hindi mo siya puwedeng pakasalan. - Sang-ayon ako riyan. 277 00:17:44,621 --> 00:17:47,781 - Mabubuhay ka ng napakaginhawa. - Ayaw ko ng maginhawang buhay. 278 00:17:47,861 --> 00:17:49,501 Malinaw naman sa iyong pagmamaneho. 279 00:17:55,061 --> 00:17:56,901 Bundle, tigil! 280 00:18:01,021 --> 00:18:02,421 Kita ninyo? Ano ang sinabi ko? 281 00:18:02,501 --> 00:18:04,101 ISTASYON NG MARKET BASING 282 00:18:06,301 --> 00:18:07,541 Doon kayo sa mga pasukan. 283 00:18:09,821 --> 00:18:13,781 - Tabi. Panganib sa bansa. - Sa dalawa kayo! Akin ang tatlo at apat! 284 00:18:14,981 --> 00:18:17,181 Sumakay na lahat! Huling tawag na. 285 00:18:17,261 --> 00:18:18,541 Hindi. Pasensiya na. 286 00:18:20,461 --> 00:18:23,101 Bundle, sa una. Pasakay na sa tren. Halika! 287 00:18:23,781 --> 00:18:24,821 - Bundle. - Hindi. Tabi! 288 00:18:24,901 --> 00:18:25,901 - Pasensiya na. - Tabi! 289 00:18:25,981 --> 00:18:27,501 - Makikiraan! - Huwag! 290 00:18:28,621 --> 00:18:30,621 - Jimmy. - Heto na. Itigil ang tren! 291 00:18:30,701 --> 00:18:33,101 - Bilisan mo. - Salamat. Salamat. 292 00:18:46,301 --> 00:18:49,461 May nakita kayong babaeng may manila envelope? 293 00:18:49,541 --> 00:18:50,861 Mukhang may kasalanan. 294 00:18:50,941 --> 00:18:53,261 - Wala? - Kahit sino? Wala? 295 00:18:54,021 --> 00:18:54,981 Napakaganda niya. 296 00:18:55,061 --> 00:18:58,781 Tingnan ko kaya ang mga bagon habang iniisa-isa ninyo ang mga upuan? 297 00:18:58,861 --> 00:19:01,621 - Walang mangyayari kung magkakasama tayo. - Tama ba 'yan? 298 00:19:01,701 --> 00:19:04,141 Natakasan nga niya ang pulis kanina. 299 00:19:04,221 --> 00:19:06,101 Hindi ako natatakot sa kanya, Jimmy. 300 00:19:07,061 --> 00:19:08,621 Bill, saan mo nakuha iyan? 301 00:19:08,701 --> 00:19:11,101 Kinuha ko noong narinig kong nagkakagulo sa Wyvern. 302 00:19:11,181 --> 00:19:12,221 Ebidensiya iyan. 303 00:19:12,301 --> 00:19:14,141 Kailangan mo ng proteksiyon, Bundle. 304 00:19:18,981 --> 00:19:23,701 Ako lang ba, o medyo nakapagtataka ang ikinikilos ni William? 305 00:19:23,781 --> 00:19:26,061 Bakit gustong-gusto niyang mauna? 306 00:19:26,141 --> 00:19:27,821 Ano ang sinasabi mo? 307 00:19:29,421 --> 00:19:33,181 Paano kung pinatulog ni Bill si Matip at kinuha ang pormula 308 00:19:33,261 --> 00:19:37,301 at ipinasa niya kay Loraine na nagtatago sa paligid, 309 00:19:37,381 --> 00:19:40,781 sinugod ako upang ilihis ang atensiyon habang tumatakas? 310 00:19:41,501 --> 00:19:43,141 Walang tao sa kuwarto pagpasok ko. 311 00:19:43,221 --> 00:19:46,181 Alam ni Bill ang plano nating magbantay, alam niya ang puwesto ko, 312 00:19:46,261 --> 00:19:48,141 at alam niyang walang sagabal sa kanya. 313 00:19:50,221 --> 00:19:52,621 Kasama ko siya noong unang pumunta ako sa Seven Dials, 314 00:19:53,141 --> 00:19:54,501 noong nakulong ako sa kuwarto. 315 00:19:56,141 --> 00:19:58,941 Palagay mo ba'y magkasabwat sila ni Loraine? 316 00:19:59,661 --> 00:20:02,461 Sa palagay ko, dapat tayong mag-ingat. 317 00:20:04,621 --> 00:20:05,501 Pasensiya na. 318 00:20:21,701 --> 00:20:23,261 - Bill? - Bundle? 319 00:20:24,021 --> 00:20:26,461 Dito. Hawak ko siya. 320 00:20:26,541 --> 00:20:29,461 Parang ang bilis naman. Mag-ingat ka, Bundle. 321 00:20:29,541 --> 00:20:32,501 Nasa kanya ang modelo at pormula. Patunay na siya ang gumawa. 322 00:20:32,581 --> 00:20:35,981 Sinasabi ko sa kanyang nagkakamali siya. Magpapaliwanag ako. 323 00:20:36,061 --> 00:20:37,461 Dapat lang talaga. 324 00:20:40,141 --> 00:20:42,741 Bakit mo kinuha ang pormula? 325 00:20:42,821 --> 00:20:43,821 Para kay Gerry. 326 00:20:44,661 --> 00:20:45,781 Pinatay siya dahil dito. 327 00:20:45,861 --> 00:20:48,501 - Ginagawa ko ito para sa kanya. - Hindi ako naniniwala. 328 00:20:51,821 --> 00:20:54,701 May tiwala ka sa mga iyan? Si Gerry, hindi nagtiwala. 329 00:20:54,781 --> 00:20:56,701 Huwag mong banggitin si Gerry. 330 00:20:57,301 --> 00:20:59,701 Akala mo ba magagamit mo siya para makatakas dito? 331 00:21:05,141 --> 00:21:08,781 Pinainom mo ng pampatulog si Matip gamit ang lasong pumatay kay Gerry. 332 00:21:09,541 --> 00:21:12,661 Akala ko ay si Lady Coote, pero ngayon alam ko nang ikaw iyon. 333 00:21:14,421 --> 00:21:16,581 Kasama ka sa pagtitipon sa Chimneys. 334 00:21:18,261 --> 00:21:19,661 Nilason mo si Gerry. 335 00:21:21,261 --> 00:21:22,381 Nagkakamali ka. 336 00:21:23,741 --> 00:21:25,821 Hindi ko pa naiintindihan ang buong kuwento. 337 00:21:27,141 --> 00:21:29,741 - Malabong pagtangkaan mo si Jimmy. - Ako na rito. 338 00:21:29,821 --> 00:21:31,061 Bill, tumahimik ka. 339 00:21:33,461 --> 00:21:35,581 - Patingin ng tiket mo. - Ano? 340 00:21:35,661 --> 00:21:36,621 Pakiulit? 341 00:21:36,701 --> 00:21:37,821 Patingin ng tiket. 342 00:21:41,301 --> 00:21:43,381 O babarilin ka ni Bill. Hindi ba, Bill? 343 00:21:43,981 --> 00:21:45,181 Oo. 344 00:21:51,381 --> 00:21:54,101 Nakapagtataka ka. 345 00:21:54,181 --> 00:21:56,341 May oras para sa inspeksiyon ng tiket. 346 00:21:56,421 --> 00:21:57,781 - Di ko makita— - Sumabay ka. 347 00:22:02,661 --> 00:22:04,101 Planado itong lahat. 348 00:22:06,461 --> 00:22:09,661 May oras siya sa Abbey para planuhin ang pagtakas niya. 349 00:22:11,141 --> 00:22:13,341 Sumakay siya sa mismong tren na ito. 350 00:22:16,381 --> 00:22:18,461 Akala ko'y may katatagpuin ka sa kabilang dulo 351 00:22:18,541 --> 00:22:22,301 pero ang tiket na ito ay hanggang sa susunod na istasyon lang. 352 00:22:25,741 --> 00:22:27,781 Doon mo ba ibibigay ang pormula? 353 00:22:42,101 --> 00:22:43,581 Tulungan mo ako, Jimmy. 354 00:22:46,981 --> 00:22:48,461 Jimmy, ibaba mo ang baril. 355 00:22:51,221 --> 00:22:52,461 Jimmy, huwag. 356 00:22:52,541 --> 00:22:53,781 Loraine. 357 00:22:56,781 --> 00:23:00,341 Ako ang natitirang bahagi ng kuwento. 358 00:23:02,421 --> 00:23:03,981 Ang guwantes sa parilya. 359 00:23:06,541 --> 00:23:09,381 Kaya interesadong-interesado ang Superintendent. 360 00:23:10,941 --> 00:23:12,541 At ang mga marka ng ngipin. 361 00:23:14,901 --> 00:23:16,261 Naiintindihan ko na lahat. 362 00:23:16,341 --> 00:23:17,421 Pakiulit? 363 00:23:18,101 --> 00:23:19,941 Sa kaliwang kamay ka humahawak ng baril. 364 00:23:21,341 --> 00:23:22,461 O, ngayon? 365 00:23:24,901 --> 00:23:26,861 Walang nanloob sa Wyvern Abbey. 366 00:23:28,181 --> 00:23:29,461 Gawa-gawa mo lahat. 367 00:23:31,341 --> 00:23:33,061 Binaril mo ang sarili mong braso 368 00:23:34,021 --> 00:23:35,341 para marinig namin. 369 00:23:36,821 --> 00:23:38,981 Isinuot mo ang guwantes sa kaliwang kamay. 370 00:23:39,621 --> 00:23:41,581 Guwantes na napakalaki sa iyo. 371 00:23:41,661 --> 00:23:43,421 At para walang mga bakas ng daliri, 372 00:23:43,501 --> 00:23:45,181 tinanggal mo gamit ang mga ngipin mo. 373 00:23:47,181 --> 00:23:48,341 At itinapon sa apoy. 374 00:23:50,021 --> 00:23:53,421 Inihagis mo ang baril mula sa aklatan patungo sa damuhan. 375 00:23:55,141 --> 00:23:57,621 Ikaw ang gumawa, hindi si Sir Oswald. 376 00:24:00,581 --> 00:24:01,861 Malapit ko na sanang makuha. 377 00:24:02,501 --> 00:24:05,661 Hindi ako makapaniwalang mas mahusay maghagis si Sir Oswald. 378 00:24:06,261 --> 00:24:09,101 At kung naglagay ng panggatong sa apoy si Lomax, 379 00:24:09,181 --> 00:24:10,341 wala na sanang natira. 380 00:24:10,421 --> 00:24:12,461 Ginawa mo lahat ng iyon para guluhin kami 381 00:24:13,341 --> 00:24:17,261 para mapatulog ni Loraine si Matip at manakaw ang pormula. 382 00:24:18,941 --> 00:24:20,821 Matalas ka pala talaga. 383 00:24:21,581 --> 00:24:22,581 Tapos na ang laro. 384 00:24:24,501 --> 00:24:27,221 Ibaba mo ang baril, Jimmy. 385 00:24:27,941 --> 00:24:29,821 - Bill! - Bundle, diyan ka lang. 386 00:24:31,821 --> 00:24:33,021 Salamat. 387 00:24:39,821 --> 00:24:41,501 Nilason ni Loraine si Gerry. 388 00:24:44,661 --> 00:24:45,981 Binaril mo si Ronny. 389 00:24:48,301 --> 00:24:50,181 Mabuting tao ka, Bundle. 390 00:24:51,021 --> 00:24:55,181 Ngunit masyado kang matalino. At nagiging sagabal ka na. 391 00:24:56,941 --> 00:25:01,421 At kung maibibigay namin ang pormula at higit sa lahat, para mabayaran kami, 392 00:25:02,141 --> 00:25:06,301 wala na dapat karagdagang sagabal. 393 00:25:06,381 --> 00:25:07,301 Jimmy. 394 00:25:09,021 --> 00:25:10,501 May gusto akong sabihin. 395 00:25:10,581 --> 00:25:12,021 - Ano na naman? - Saluhin mo. 396 00:25:19,581 --> 00:25:22,461 Bill. Bill, naririnig mo ba ako? Bill. 397 00:25:25,261 --> 00:25:27,261 A, binaril niya ako. 398 00:25:30,701 --> 00:25:33,101 Tumama ang bala sa kaha ni Matip. 399 00:25:33,181 --> 00:25:35,061 Mahusay na imbensiyon ito. 400 00:25:37,061 --> 00:25:38,381 Iniligtas nito ang buhay ko. 401 00:25:38,461 --> 00:25:40,541 Hahabulin ko si Jimmy. Nasa kanya ang pormula. 402 00:25:40,621 --> 00:25:43,661 - Hindi, ako na lang ang susunod sa kanya. - Pahintuin mo ang tren. 403 00:25:43,741 --> 00:25:45,781 Hindi ito dapat makarating sa tagpuan nila. 404 00:25:45,861 --> 00:25:47,021 Paano ko gagawin iyon? 405 00:25:47,101 --> 00:25:48,861 Taga-Foreign Office ka 'ka mo. 406 00:25:48,941 --> 00:25:52,021 Nasa Inglatera tayo. Saklaw ito ng Home Office. 407 00:25:58,901 --> 00:25:59,821 Pasensiya na. 408 00:26:20,421 --> 00:26:22,421 Ihinto mo ang tren, Bill. 409 00:26:30,261 --> 00:26:31,901 {\an8}MULTA SA MALING PAGGAMIT £5 410 00:27:02,741 --> 00:27:04,301 Tapos na ang laro, Jimmy. 411 00:27:05,781 --> 00:27:07,341 Lumabas kayong lahat, ngayon din! 412 00:27:07,421 --> 00:27:10,101 Lumabas lahat, ngayon din, kundi ay babarilin ko kayo! 413 00:27:10,181 --> 00:27:11,421 Bilisan ninyo, labas! 414 00:27:11,501 --> 00:27:12,741 - Labas. - Deretso lang. 415 00:27:13,741 --> 00:27:15,661 Lumabas na kayo. Labas! 416 00:27:18,301 --> 00:27:19,861 Babarilin mo ako? 417 00:27:20,981 --> 00:27:22,421 Gaya ng pagbaril mo kay Ronny? 418 00:27:23,301 --> 00:27:25,141 Oo na. Oo. 419 00:27:26,941 --> 00:27:27,981 Ako nga iyon. 420 00:27:29,421 --> 00:27:30,981 Pero wala na akong magawa. 421 00:27:31,981 --> 00:27:33,301 Masyado siyang nagtrabaho. 422 00:27:34,581 --> 00:27:36,141 Nakipag-usap siya sa akin. 423 00:27:36,661 --> 00:27:39,381 Napakasipag ng kaibigan nating si Ronald. 424 00:27:39,461 --> 00:27:40,901 Wala rin naman siyang napala. 425 00:27:43,061 --> 00:27:46,701 Pero sa totoo lang, Bundle, kailangang maintindihan mo. 426 00:27:46,781 --> 00:27:48,621 Wala akong ginawa kay Gerry. 427 00:27:48,701 --> 00:27:49,941 Gusto ko si Gerry. 428 00:27:50,461 --> 00:27:53,741 Si Loraine iyon. Nilagyan niya ng halo ang champagne ni Gerry 429 00:27:53,821 --> 00:27:55,581 habang matamis na nakangiti sa kanya. 430 00:27:57,861 --> 00:28:00,541 Iniwan niya ang bote sa lamesita para magmukhang... 431 00:28:02,021 --> 00:28:04,021 iba kaysa sa tunay na nangyari. 432 00:28:04,101 --> 00:28:05,741 Kaibigan mo si Gerry. 433 00:28:08,101 --> 00:28:10,341 Ang mga orasan na nakapatong sa ibabaw? 434 00:28:10,421 --> 00:28:11,781 Ako iyon. 435 00:28:12,421 --> 00:28:13,981 Kailangang linlangin ang mga tao. 436 00:28:14,061 --> 00:28:16,941 Alam kong nagbibiruan sina Ronny at Bill gamit ang mga orasan, 437 00:28:17,021 --> 00:28:20,261 at nabanggit ni Gerry ang Seven Dials pagkatapos ay pinagsisihan niya. 438 00:28:20,341 --> 00:28:22,021 Kaya parang biyaya ang dating. 439 00:28:22,101 --> 00:28:23,941 Sinabi ni Ronny sa akin na ikaw iyon. 440 00:28:24,701 --> 00:28:25,741 Noong agaw-buhay siya. 441 00:28:26,501 --> 00:28:27,381 Sabihin mo... 442 00:28:27,941 --> 00:28:28,981 Jimmy... 443 00:28:29,621 --> 00:28:30,821 Thesiger... 444 00:28:31,341 --> 00:28:32,301 Seven... 445 00:28:33,581 --> 00:28:34,741 Dials. 446 00:28:35,341 --> 00:28:37,061 Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. 447 00:28:40,141 --> 00:28:42,581 Nakalulungkot na naiintindihan mo na. 448 00:28:42,661 --> 00:28:43,981 Kung kailan malapit na kami. 449 00:28:47,061 --> 00:28:49,261 Kung hahatian kita, wala rin bang mangyayari? 450 00:28:50,261 --> 00:28:52,221 Iyan ba ang dahilan ng lahat ng ito? 451 00:28:53,221 --> 00:28:54,061 Pera? 452 00:28:54,141 --> 00:28:56,941 Ano pa ba? Medyo kinakapos ako ngayon. 453 00:28:57,021 --> 00:29:00,941 Ang totoo, mas malaki ang utang ko kaysa sa mayroon ako, at lalong lumalaki. 454 00:29:01,021 --> 00:29:03,061 Huwag mong bigyang-katuwiran ang ginawa ninyo. 455 00:29:03,141 --> 00:29:04,541 Hindi mo naman ako babarilin. 456 00:29:04,621 --> 00:29:06,341 Walang magluluksa para sa iyo. 457 00:29:06,421 --> 00:29:08,701 Medyo masakit iyon. Ang nanay ko siguro. 458 00:29:08,781 --> 00:29:10,221 Bakit hindi kita dapat barilin? 459 00:29:11,701 --> 00:29:12,621 Para kay Ronny? 460 00:29:13,661 --> 00:29:14,981 At para kay Gerry? 461 00:29:15,901 --> 00:29:18,781 At para sa lahat ng taong niloko mo sa plano mo? 462 00:29:18,861 --> 00:29:20,661 Akala mo ba ako ang nakaisip nito? 463 00:29:20,741 --> 00:29:21,621 Bundle. 464 00:29:22,621 --> 00:29:26,141 Alam nating pareho na wala akong talino o mga koneksiyon. 465 00:29:27,341 --> 00:29:28,621 Ano ang sinasabi mo? 466 00:29:28,701 --> 00:29:30,581 Ibaba mo ang baril at sasabihin ko lahat. 467 00:29:31,341 --> 00:29:34,021 - Huwag kang magsinungaling, Jimmy. - Totoo ito. 468 00:29:34,101 --> 00:29:37,341 Ibaba mo iyan. Kung babarilin mo ako, utusan lang ang pinatay mo. 469 00:29:37,421 --> 00:29:39,101 Ano ang sinasabi mo? 470 00:29:40,141 --> 00:29:41,181 Sabihin mo. 471 00:29:43,741 --> 00:29:45,981 Walang katagpo si Loraine sa susunod na istasyon. 472 00:29:47,861 --> 00:29:49,261 Hindi iyon ang plano. 473 00:29:50,541 --> 00:29:52,861 Hindi sa susunod na istasyon iaabot ang pormula. 474 00:29:54,381 --> 00:29:55,461 Kundi sa tren na ito. 475 00:29:58,421 --> 00:30:01,821 Ang nagplano ng lahat ng ito ay nasa unahan ng tren. 476 00:30:04,941 --> 00:30:05,781 Sinungaling. 477 00:30:05,861 --> 00:30:07,941 Pinakamahal na upuan, pinakamalapit sa makina. 478 00:30:09,061 --> 00:30:11,501 Doon kami magkikita ng utak nito. 479 00:30:11,581 --> 00:30:14,741 Sila ang nag-ayos. May koneksiyon sila rito at sa ibang bansa. 480 00:30:15,901 --> 00:30:19,021 Hindi mo ako puwedeng barilin ngayong sinabi ko na. Di na tama iyan. 481 00:30:24,181 --> 00:30:26,501 Huwag mong sabihin sa akin kung ano ang tama. 482 00:30:29,661 --> 00:30:32,421 Huwag kang pumunta sa unahan, Bundle! 483 00:30:32,501 --> 00:30:33,781 Huwag! 484 00:30:34,381 --> 00:30:35,221 Tabi. 485 00:30:42,621 --> 00:30:44,061 May pinaghahanap na tao roon. 486 00:30:44,141 --> 00:30:46,421 May magbantay sana hanggang sa dumating ang pulis. 487 00:31:11,941 --> 00:31:16,181 Ay, hindi, Miss Wade. Diyan ka lang hanggang sa dumating ang mga pulis. 488 00:31:16,741 --> 00:31:18,941 Halos kasinlaki ito ng selda. 489 00:31:19,021 --> 00:31:22,261 Kaya sanayin mo na ang sarili mo. 490 00:31:22,341 --> 00:31:23,381 Hindi. 491 00:31:29,021 --> 00:31:31,501 Bundle. Hindi ka maniniwala sa nangyari. 492 00:31:31,581 --> 00:31:34,301 - Diyan ka lang, Bill. - Bundle? 493 00:32:10,861 --> 00:32:11,741 Bundle. 494 00:32:12,781 --> 00:32:14,661 - Ano ang ginagawa mo rito? - Ma? 495 00:32:16,221 --> 00:32:17,381 Ano ang ginagawa mo rito? 496 00:32:20,421 --> 00:32:22,301 Mukhang huminto tayo. 497 00:32:22,901 --> 00:32:24,341 May mga baka sa riles? 498 00:32:25,461 --> 00:32:28,141 Panginoon, ilayo mo kami sa abala ng mga baka. 499 00:32:30,621 --> 00:32:32,861 Nakasosorpresa ito. Halika, maupo ka. 500 00:32:46,941 --> 00:32:48,101 Nasa tren ka. 501 00:32:49,541 --> 00:32:50,381 Oo nga. 502 00:32:52,421 --> 00:32:54,061 Hindi ka sumasakay sa tren, Ma. 503 00:32:56,661 --> 00:32:58,101 Galit ka sa mundo. 504 00:33:00,541 --> 00:33:02,061 Galit ka sa mga tao. 505 00:33:03,781 --> 00:33:06,101 Lagi mong sinasabi na dalasan ko ang paglabas ko. 506 00:33:06,661 --> 00:33:08,461 Heto ako. Nasa labas. 507 00:33:09,421 --> 00:33:11,341 Hinarap ko ang dagsa ng mga tao. 508 00:33:12,781 --> 00:33:14,901 Sasabihin ko lang, hindi ko gusto iyon. 509 00:33:15,621 --> 00:33:16,941 Ni katiting. 510 00:33:17,781 --> 00:33:18,821 Ikaw iyon. 511 00:33:22,741 --> 00:33:23,781 Mula't sapul. 512 00:33:25,981 --> 00:33:27,061 Ikaw iyon. 513 00:33:28,501 --> 00:33:31,741 - Hindi ko maintindihan, iha. - Huwag mo akong insultuhin. 514 00:33:35,341 --> 00:33:36,741 Dadalhin nina Jimmy at Loraine 515 00:33:36,821 --> 00:33:39,821 ang pormula sa lugar na ito. 516 00:33:40,981 --> 00:33:44,541 Ipapasa nila sa taong magbebenta nito. 517 00:33:48,181 --> 00:33:49,701 Ang nasa likod ng lahat. 518 00:33:53,941 --> 00:33:56,701 Mukhang ngayon na ang oras 519 00:33:57,741 --> 00:34:01,221 para magkaroon tayo ng isang seryosong usapan. 520 00:34:03,141 --> 00:34:05,821 Hindi ako umaasang mauunawaan mo. Hindi sa simula. 521 00:34:05,901 --> 00:34:07,101 Pinatay mo si Gerry. 522 00:34:07,181 --> 00:34:09,301 Hindi ako iyon. Ang dalaga iyon. 523 00:34:11,061 --> 00:34:12,501 Masyadong pabigla-bigla. 524 00:34:13,701 --> 00:34:18,061 Naniniwala siyang natuklasan ni Gerry ang aming plano. 525 00:34:18,141 --> 00:34:22,581 Gumawa siya ng marahas na aksiyon, mas marahas kaysa sa ipapayo ko. 526 00:34:23,421 --> 00:34:26,261 Ang pagtitipon sa Chimneys, pinlano mo iyon 527 00:34:28,101 --> 00:34:30,741 para mangalap ng impormasyon tungkol sa pormula. 528 00:34:31,981 --> 00:34:33,021 At tapos ay ano? 529 00:34:34,861 --> 00:34:36,621 Kinuha mo sina Jimmy at Loraine 530 00:34:37,301 --> 00:34:38,861 para tulungan kang nakawin iyon? 531 00:34:38,941 --> 00:34:41,781 Mabilis kang mag-isip gaya ng ama mo. 532 00:34:41,861 --> 00:34:44,981 Ma, makatutulong ang pormulang iyon para protektahan ang bansang ito. 533 00:34:46,341 --> 00:34:48,461 At gusto mong ibenta sa iba? 534 00:34:49,781 --> 00:34:51,541 Sa mga maaaring maminsala sa atin? 535 00:34:53,701 --> 00:34:57,181 - Nagtataksil ka sa bansa mo. - Pinagtaksilan na ako ng bansa ko. 536 00:34:57,261 --> 00:34:58,461 Pinagtaksilan tayo. 537 00:34:58,541 --> 00:35:00,501 Ang ama mo, ang kapatid mo, tayong lahat. 538 00:35:01,901 --> 00:35:05,821 Higit pa sa paglilingkod ang nagawa ng pamilyang ito sa bansang ito 539 00:35:05,901 --> 00:35:07,781 nang higit pa sa iyong nalalaman. 540 00:35:07,861 --> 00:35:12,901 Kaya't batid ko nang lubusan kung paano ito kumikilos. 541 00:35:13,581 --> 00:35:17,461 Hinayaan nito ang iyong kapatid, ang aking anak, 542 00:35:18,941 --> 00:35:20,981 na maging kasangkapan ng digmaan. 543 00:35:22,061 --> 00:35:24,261 Ipinadala siya sa kamatayan 544 00:35:24,341 --> 00:35:28,621 ng isang lasing na heneral na wala sa katinuan. 545 00:35:29,501 --> 00:35:34,301 Akala mo ba ay may karangalan sa kanyang pagsasakripisyo? 546 00:35:34,381 --> 00:35:37,221 Ito ang sasabihin ko sa iyo, wala. 547 00:35:41,301 --> 00:35:44,101 Hindi siya pinrotektahan ng bansa niya. 548 00:35:45,061 --> 00:35:48,101 Itinapon siya sa katayan... 549 00:35:50,021 --> 00:35:54,621 na hindi man lang nakaapekto sa takbo ng digmaan. 550 00:35:56,781 --> 00:35:58,141 Dahil wala itong nagawa 551 00:35:59,261 --> 00:36:01,181 para protektahan ang iyong ama. 552 00:36:04,621 --> 00:36:06,741 Dahil sa aking bansa, 553 00:36:08,341 --> 00:36:11,941 nawala ang lahat ng minahal ko. 554 00:36:20,701 --> 00:36:21,781 Hindi ako. 555 00:36:28,261 --> 00:36:29,781 Hindi, hindi ikaw. 556 00:36:34,261 --> 00:36:35,421 Ngunit ang aking... 557 00:36:36,501 --> 00:36:37,501 anak na lalaki. 558 00:36:39,301 --> 00:36:40,541 Ang panganay kong... 559 00:36:41,901 --> 00:36:42,821 anak. 560 00:36:45,981 --> 00:36:48,421 Walang kapantay ang sakit niyon, Bundle. 561 00:36:51,461 --> 00:36:53,061 Nandito pa ako, Ma. 562 00:36:58,141 --> 00:36:59,301 Hindi ba ako sapat? 563 00:37:04,141 --> 00:37:08,421 Ngayon, paano tayo mabubuhay? 564 00:37:08,501 --> 00:37:11,301 Paano tayo, paano ako, mabubuhay? 565 00:37:12,101 --> 00:37:15,901 Sino ang mag-aalaga sa atin ngayong wala na ang ama at kuya mo? 566 00:37:15,981 --> 00:37:17,221 Lahat ng ito. 567 00:37:19,141 --> 00:37:20,741 Lahat ng kamatayang ito... 568 00:37:23,621 --> 00:37:24,541 para lang sa pera? 569 00:37:24,621 --> 00:37:26,461 Dahil wala tayong kahit na ano! 570 00:37:26,541 --> 00:37:28,621 Hindi mo ba nauunawaan, anak? 571 00:37:30,781 --> 00:37:32,581 Ano ang mayroon ako? Chimneys? 572 00:37:32,661 --> 00:37:34,461 Ipinamana sa akin. Walang halaga. 573 00:37:34,541 --> 00:37:36,421 Napakagastos tustusan ang pangangalaga. 574 00:37:37,821 --> 00:37:40,741 At kapag nawala iyon, wala na tayo. 575 00:37:40,821 --> 00:37:42,381 Walang tahanan, walang katayuan. 576 00:37:42,461 --> 00:37:46,181 Magbibigay sana ito ng solusyon 577 00:37:46,701 --> 00:37:48,861 sa isang iglap. 578 00:37:48,941 --> 00:37:51,221 - Hindi na kita nakikilala, Ma. - Hindi. 579 00:37:52,781 --> 00:37:54,621 Hindi ako mabuting magulang. 580 00:37:55,981 --> 00:37:56,861 Hindi ko... 581 00:37:58,381 --> 00:38:01,621 mapanghawakan ang pag-asa na inilagay mo sa akin. 582 00:38:02,621 --> 00:38:03,941 Kaya ng ama mo. 583 00:38:05,341 --> 00:38:07,941 Kung wala siya, wala akong direksiyon. 584 00:38:16,141 --> 00:38:19,141 Itinago ko ang sarili ko sa iyo 585 00:38:20,261 --> 00:38:21,661 at sa mundo 586 00:38:22,381 --> 00:38:24,101 dahil may mabigat na dahilan. 587 00:38:29,381 --> 00:38:30,221 Hay. 588 00:38:33,141 --> 00:38:34,101 Aking... 589 00:38:35,181 --> 00:38:36,701 mahal na Bundle. 590 00:38:37,221 --> 00:38:38,941 Alam mo, inisip ko 591 00:38:39,701 --> 00:38:41,621 na sa tulong ni Thesiger at ng dalaga, 592 00:38:42,261 --> 00:38:48,141 may sapat nang distansiya upang walang makaalam. 593 00:38:48,861 --> 00:38:52,061 Ang inisip ko, wala namang magmamalasakit. 594 00:38:54,821 --> 00:38:59,221 Ngunit hindi ko naisip ang lakas na taglay mo. 595 00:39:02,141 --> 00:39:04,301 Ngayon ko lang nakita ang aking kahangalan. 596 00:39:06,701 --> 00:39:08,421 Minaliit mo ang kakayahan ko. 597 00:39:11,301 --> 00:39:14,661 Gaya ng mataas na pagtingin mo sa akin 598 00:39:15,501 --> 00:39:16,781 buong buhay mo. 599 00:39:20,021 --> 00:39:22,381 Ngayon, mahal kong anak, 600 00:39:23,741 --> 00:39:27,141 maaari ba akong magtanong sa iyo? 601 00:39:29,061 --> 00:39:32,821 Hahayaan mo ba akong makatakas bago dumating ang mga awtoridad? 602 00:39:40,821 --> 00:39:41,821 Hindi mo naman— 603 00:39:42,341 --> 00:39:44,821 magagawang barilin ang sarili mong ina, hindi ba? 604 00:39:47,541 --> 00:39:48,901 Hindi sa puso. 605 00:39:51,781 --> 00:39:53,221 Marahil sa bukong-bukong 606 00:39:54,101 --> 00:39:55,341 para bumagal ka. 607 00:39:59,341 --> 00:40:00,501 Gagawin mo? 608 00:40:01,701 --> 00:40:02,861 Totoo? 609 00:40:02,941 --> 00:40:04,501 Subukan mo ako, Ma. 610 00:40:15,221 --> 00:40:17,381 Magaling, anak. 611 00:40:18,781 --> 00:40:19,941 Magaling. 612 00:40:25,341 --> 00:40:27,501 Susmaryosep. Lady Eileen. 613 00:40:28,541 --> 00:40:30,861 Lady... Caterham. 614 00:40:33,741 --> 00:40:34,981 Oo. 615 00:40:36,941 --> 00:40:38,501 Naiintindihan ko na. 616 00:40:41,661 --> 00:40:42,861 Patawad. 617 00:40:47,541 --> 00:40:48,821 Kilala ba kita? 618 00:43:51,541 --> 00:43:52,461 Cyril? 619 00:44:26,261 --> 00:44:27,101 Alfred. 620 00:44:29,181 --> 00:44:30,341 Ano ang ginagawa mo rito? 621 00:44:31,461 --> 00:44:34,341 Pinapunta ako para sunduin ka, Lady Eileen. 622 00:44:36,781 --> 00:44:37,661 Nino? 623 00:44:38,661 --> 00:44:43,581 Hiniling ng aking mga amo ang iyong presensiya sa Seven Dials. 624 00:44:44,301 --> 00:44:48,341 Pakihatid ang aking taos-pusong paumanhin na hindi ako makadadalo. 625 00:44:48,861 --> 00:44:50,861 Mapilit nila. 626 00:44:50,941 --> 00:44:53,741 Pakiusap, huwag kang gumawa ng gulo o humingi ng tulong. 627 00:44:56,581 --> 00:44:59,221 Sumakay ka sa kotse, pakiusap, Lady Eileen. 628 00:45:02,221 --> 00:45:05,301 Maaapektuhan nito ang anumang rekomendasyon sa trabaho sa hinaharap. 629 00:45:57,301 --> 00:45:58,501 Maupo ka. 630 00:46:22,461 --> 00:46:23,541 Ano ang susunod? 631 00:46:25,781 --> 00:46:27,821 Papatayin ninyo ako gaya ng iba? 632 00:46:30,821 --> 00:46:33,701 Magpakita ka man lang ng mukha mo, Number Seven. 633 00:46:50,941 --> 00:46:53,581 May nais akong ibahagi sa iyo, Lady Eileen. 634 00:46:53,661 --> 00:46:55,501 Aba't nararapat lang. 635 00:46:57,621 --> 00:47:00,741 Akala ko ikaw ang may kagagawan ng mga pagkamatay. 636 00:47:00,821 --> 00:47:02,221 Taliwas sa katotohanan. 637 00:47:02,741 --> 00:47:06,861 Ang Kapisanan ng Seven Dials ay hindi masamang organisasyon. 638 00:47:06,941 --> 00:47:10,741 Superintendent, pakiusap. Lubhang nakapapagod na ang araw na ito. 639 00:47:14,421 --> 00:47:19,061 Ang grupong ito ay isang simpleng samahan 640 00:47:19,141 --> 00:47:21,901 na nagsisikap na panatilihing ligtas ang ating mundo 641 00:47:22,541 --> 00:47:24,701 sa panahon ng kaguluhan. 642 00:47:28,141 --> 00:47:30,781 Lumalaganap ang madidilim na puwersa 643 00:47:31,621 --> 00:47:32,581 sa buong mundo. 644 00:47:33,581 --> 00:47:36,621 Ginagawa namin ang lahat upang pigilan silang maghari, 645 00:47:36,701 --> 00:47:39,301 kaya't naroon ako sa Wyvern 646 00:47:39,381 --> 00:47:42,741 upang protektahan si Dr. Matip at ang kanyang pormula, 647 00:47:42,821 --> 00:47:48,261 sa kabila ng buong pagsisikap ni Mr. Thesiger at Miss Wade. 648 00:47:49,221 --> 00:47:50,821 Bakit mo sinasabi lahat ng ito? 649 00:47:51,861 --> 00:47:55,141 At bakit mo ako dinala rito habang may nakatutok na baril? 650 00:47:55,221 --> 00:47:59,261 Naisip ko na baka hindi ka dumalo upang marinig ang aming alok. 651 00:48:00,421 --> 00:48:01,501 Marinig ang ano? 652 00:48:04,221 --> 00:48:06,181 Gusto naming sumama ka sa amin. 653 00:48:13,261 --> 00:48:14,741 Gusto ninyo akong ano? 654 00:48:15,261 --> 00:48:17,141 Binabantayan at pinag-aaralan kita. 655 00:48:17,741 --> 00:48:18,581 Pinag-aaralan? 656 00:48:18,661 --> 00:48:19,941 Napag-isip-isip namin 657 00:48:20,021 --> 00:48:23,301 na magiging malaking tulong ka sa samahan namin. 658 00:48:23,381 --> 00:48:25,621 Iyan ba ang ginagawa mo simula umpisa? 659 00:48:26,341 --> 00:48:27,421 Ang makuha ako? 660 00:48:29,861 --> 00:48:34,581 Kailangan namin ng matinding tapang, Lady Eileen, 661 00:48:34,661 --> 00:48:36,541 na lubos mong taglay. 662 00:48:38,261 --> 00:48:39,381 Mga ilang taon na, 663 00:48:39,461 --> 00:48:45,581 nawalan kami ng isa sa aming pinakamahalagang kinatawan. 664 00:48:47,141 --> 00:48:47,981 Ang ama mo. 665 00:48:50,941 --> 00:48:53,741 Diyan sa mismong upuan mo ang puwesto niya. 666 00:48:56,541 --> 00:48:57,861 Hindi ko maunawaan. 667 00:49:03,741 --> 00:49:06,261 Kasama ko siya noong namatay siya. 668 00:49:07,141 --> 00:49:08,141 Nasa... 669 00:49:08,221 --> 00:49:10,781 isang misyon siya para sa Seven Dials, 670 00:49:11,501 --> 00:49:13,901 at makikipagkita kay Dr. Matip. 671 00:49:27,821 --> 00:49:28,861 Hindi. 672 00:49:30,101 --> 00:49:32,501 Namatay siya sa pandemiya ng trangkaso sa ibang bansa. 673 00:49:32,581 --> 00:49:33,621 Hindi. 674 00:49:33,701 --> 00:49:35,421 Tinambangan siya ng mga kalaban. 675 00:49:35,501 --> 00:49:39,061 Natuklasan nila kami at ang mga plano namin. 676 00:49:39,581 --> 00:49:40,661 Kasama mo siya? 677 00:49:41,901 --> 00:49:43,261 Hindi agad. 678 00:49:45,421 --> 00:49:47,741 Pinoprotektahan ko ang lahat ng tumutulong sa amin. 679 00:49:48,661 --> 00:49:51,621 Ikinalulungkot kong hindi ako laging matagumpay. 680 00:49:59,701 --> 00:50:01,301 Alam ba iyan ng aking ina? 681 00:50:01,381 --> 00:50:03,581 Hindi ang tungkol sa pagkamatay niya. 682 00:50:04,901 --> 00:50:07,861 Alam niyang sangkot ang ama mo sa lihim na gawain. 683 00:50:07,941 --> 00:50:10,461 Palagay ko, nalaman niya ang tungkol sa pormula 684 00:50:10,541 --> 00:50:13,141 sa mga salusalo nitong mga nakaraang taon 685 00:50:13,221 --> 00:50:15,781 kasama ang mga nakakakilala sa iyong ama. 686 00:50:16,301 --> 00:50:20,981 Makapangyarihan ang tsismis kapag tama ang pagkakaintindi. 687 00:50:21,061 --> 00:50:22,341 Natural. 688 00:50:23,821 --> 00:50:25,221 Lady Eileen, 689 00:50:25,301 --> 00:50:28,501 ang ama mo ang pinakamahusay naming kinatawan, 690 00:50:29,261 --> 00:50:34,941 ngunit naniniwala ako na may potensyal kang mahigitan siya. 691 00:50:39,301 --> 00:50:41,341 Wala pang nagsabi nang ganyan sa akin. 692 00:50:41,421 --> 00:50:43,221 Bukal sa kalooban ang bawat salita ko. 693 00:50:47,901 --> 00:50:49,661 Mahirap ang tinatahak mo ngayon. 694 00:50:50,381 --> 00:50:53,061 Medyo kulang pa iyan, Superintendent. 695 00:50:53,861 --> 00:50:54,861 Gaya ng dati. 696 00:50:59,421 --> 00:51:01,741 Mapanganib ang trabahong ito. 697 00:51:02,261 --> 00:51:06,621 Kakailanganin mong maglakbay sa malalayong lugar, 698 00:51:06,701 --> 00:51:10,701 mag-espiya, at sumuong sa matinding peligro. 699 00:51:11,701 --> 00:51:15,341 Kailangan ka namin, Lady Eileen. 700 00:51:16,101 --> 00:51:20,701 May misyon kami na lubhang delikado at kailangang madaliin 701 00:51:20,781 --> 00:51:24,021 at kailangan mong magsimula agad. 702 00:51:24,821 --> 00:51:25,781 Kaya... 703 00:51:27,621 --> 00:51:28,781 ano ang iyong masasabi? 704 00:52:02,661 --> 00:52:04,501 Sabihin mo sa akin ang lahat. 705 00:53:54,741 --> 00:53:57,661 {\an8}Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan