1
00:00:14,764 --> 00:00:16,265
{\an8}Sila 'yong pumatay sa kanya?
2
00:00:16,266 --> 00:00:17,684
Tumutugma naman.
3
00:00:19,102 --> 00:00:21,603
- Ano'ng nangyari?
- Di ko kilala 'tong mga taong 'to.
4
00:00:21,604 --> 00:00:23,981
- Di ko alam kung sila nga ang pumatay.
- Ano?
5
00:00:23,982 --> 00:00:26,609
Hawak ko 'yan dati.
Kidnapping ni Lucy Cook.
6
00:00:27,485 --> 00:00:28,319
Caleb?
7
00:00:28,903 --> 00:00:31,822
Anak nila. May dumukot sa kanya
nang walang nakakapansin.
8
00:00:31,823 --> 00:00:34,491
- Patawarin mo 'ko.
- Wag mo nang isipin 'yon.
9
00:00:34,492 --> 00:00:37,786
Itong paulit-ulit n'yong
pagdadalamhati ni Jill,
10
00:00:37,787 --> 00:00:40,456
di na maganda 'to para sa inyo.
11
00:00:40,457 --> 00:00:42,374
DNA results ni Lucy Cook.
12
00:00:42,375 --> 00:00:45,335
Walang Rory Cook?
Pwera na lang kung di siya 'yong tatay.
13
00:00:45,336 --> 00:00:50,425
Sigurado 'ko, tumira siya malapit sa 'min.
Si Grace kasi siya no'ng nakilala ko siya.
14
00:00:51,843 --> 00:00:54,804
- Tinanggihan mo dapat siya.
- Asawa mo siya no'n, Kyle.
15
00:00:56,306 --> 00:00:58,891
Pero pagdating sa park, tapos ka na dito.
16
00:00:58,892 --> 00:01:01,519
Kung sangkot ka man dito,
malalaman ko rin.
17
00:01:02,103 --> 00:01:03,771
Tapos ano, Kyle?
18
00:01:03,772 --> 00:01:07,108
Ano naman ang gagawin mo?
19
00:01:10,028 --> 00:01:11,404
Parating na siya.
20
00:02:53,923 --> 00:02:55,967
Si Turner 'to.
Mag-iwan ka na lang ng message.
21
00:06:04,822 --> 00:06:06,449
Mainit pa 'yong dugo, Kyle.
22
00:06:07,784 --> 00:06:08,993
Bumabagal ka na.
23
00:06:09,827 --> 00:06:12,080
Parang usang may sakit.
24
00:06:14,832 --> 00:06:17,126
Di naman dapat ganito ang nangyari, e.
25
00:06:18,628 --> 00:06:21,464
Ang usapan, hahayaan mo 'ko,
hahayaan din kita.
26
00:06:23,049 --> 00:06:24,634
Para walang masaktan.
27
00:06:25,885 --> 00:06:28,805
Ako, ikaw, si Jill.
28
00:06:30,473 --> 00:06:32,558
Ang kailangan mo lang namang gawin...
29
00:06:34,519 --> 00:06:36,646
sumunod sa tanginang usapan.
30
00:06:54,997 --> 00:06:57,041
Mag-iwan ka lagi ng isa, Kyle.
31
00:07:03,089 --> 00:07:04,882
Ba't ba di mo na lang pinabayaan?
32
00:07:05,383 --> 00:07:06,801
Nag-move on ka na lang sana.
33
00:07:18,479 --> 00:07:21,399
Wala nang natitira para sa 'yo
dito sa park, Kyle.
34
00:07:27,155 --> 00:07:28,573
Samahan mo na 'yong anak mo.
35
00:07:40,835 --> 00:07:42,211
Ibaba mo 'yang baril.
36
00:07:48,384 --> 00:07:49,719
Nakita ko na si Turner.
37
00:07:53,973 --> 00:07:56,892
Uy. Turner! Turner, nandito na kami.
38
00:07:56,893 --> 00:07:59,103
Huy. Wag kang matutulog.
39
00:08:00,980 --> 00:08:01,856
Turner?
40
00:08:02,773 --> 00:08:03,649
Turner!
41
00:08:22,418 --> 00:08:24,003
Welcome back.
42
00:08:25,922 --> 00:08:28,508
Wala kang malay
no'ng dinala ka dito kagabi.
43
00:08:29,258 --> 00:08:34,013
Natanggal na ng mga doctor 'yong bala.
Konting pahinga lang ang kailangan.
44
00:08:35,181 --> 00:08:36,139
Si Maguire?
45
00:08:36,140 --> 00:08:37,474
Patay na.
46
00:08:37,475 --> 00:08:39,268
Napakasama niya.
47
00:08:39,769 --> 00:08:41,436
Pero dati mo pang alam 'yon.
48
00:08:41,437 --> 00:08:43,564
Sinabi sa 'kin ni Vasquez 'yong nangyari.
49
00:08:44,065 --> 00:08:45,941
Pinakita niya 'yong phone ni Lucy.
50
00:08:45,942 --> 00:08:47,109
Magaling siya.
51
00:08:48,319 --> 00:08:49,612
Oo nga.
52
00:08:51,364 --> 00:08:52,822
O, ayan na pala siya.
53
00:08:52,823 --> 00:08:56,160
- Kumusta ka?
- Mas mabuti kesa no'ng huli kitang nakita.
54
00:08:56,744 --> 00:08:58,412
Ang baba namang standard no'n.
55
00:08:59,038 --> 00:09:00,873
Kukuhanan kita ng tubig.
56
00:09:10,424 --> 00:09:13,761
Di ko maalala
kung nakapagpasalamat na ba 'ko sa 'yo.
57
00:09:14,345 --> 00:09:15,720
Di pa, pero ayos lang.
58
00:09:15,721 --> 00:09:18,641
Nag-iikot lang ako no'n.
Alam mo naman, mahilig ako mangabayo.
59
00:09:20,560 --> 00:09:23,103
Maswerte ako
dahil pinasa ni Milch sa 'yo 'to.
60
00:09:23,104 --> 00:09:25,940
Parang ako nga 'yong pampaswerte mo, 'no?
61
00:09:26,524 --> 00:09:27,692
Ewan ko, ha.
62
00:09:28,192 --> 00:09:33,697
Pero mula no'ng dumating ka, nabaril ako,
pinasabugan sa minahan, na-suspend—
63
00:09:33,698 --> 00:09:35,699
Walang perfect na pampaswerte.
64
00:09:35,700 --> 00:09:38,034
At least tinapos mo na si Maguire.
65
00:09:38,035 --> 00:09:38,953
Oo.
66
00:09:40,663 --> 00:09:43,332
'Yong nagpasok kay Lucy sa lahat ng 'to.
67
00:09:43,916 --> 00:09:46,251
Baka naging problema na si Lucy.
68
00:09:46,252 --> 00:09:49,462
Baka naging pabaya
o dumidiskarte na nang solo.
69
00:09:49,463 --> 00:09:52,799
Pumunta 'ko kanina sa tent ni Maguire
kasama si Agent Dixon.
70
00:09:52,800 --> 00:09:54,968
Ang dami naming nakitang droga at pera.
71
00:09:54,969 --> 00:09:57,637
May nahukay din kaming mga baril
malapit sa tent niya.
72
00:09:57,638 --> 00:10:00,558
Rifles, handguns.
Pwede na siyang magsimula ng giyera.
73
00:10:02,727 --> 00:10:05,729
Nabanggit ko kay Agent Dixon
na ipa-ballistics 'yon
74
00:10:05,730 --> 00:10:07,440
kung may match kay Lucy.
75
00:10:10,067 --> 00:10:10,901
Ano?
76
00:10:13,571 --> 00:10:17,866
Parang tapos na 'yong trabaho kong
gawin kang komportableng ranger
77
00:10:17,867 --> 00:10:20,118
mula sa pagiging pulis sa LA.
78
00:10:20,119 --> 00:10:22,705
Di ako sigurado d'yan sa komportable.
79
00:10:23,706 --> 00:10:27,335
Siguro di na mamamatay
sa aksidente sa kagubatan.
80
00:10:30,963 --> 00:10:32,089
Pero aaminin ko,
81
00:10:33,215 --> 00:10:34,675
nagugustuhan ko na dito.
82
00:10:36,594 --> 00:10:37,970
Oo, gano'n nga 'yon.
83
00:10:40,473 --> 00:10:43,476
May trail malapit sa Harper's Ridge.
84
00:10:44,310 --> 00:10:47,813
Ilang beses na 'kong nakapunta do'n,
at lagi kong napapansin 'yong...
85
00:10:48,397 --> 00:10:49,522
parang matamis na amoy.
86
00:10:49,523 --> 00:10:51,983
Tapos na-realize ko na—
87
00:10:51,984 --> 00:10:53,693
- Dahon ng aspen.
- Oo.
88
00:10:53,694 --> 00:10:55,987
'Yong mga nalaglag na.
89
00:10:55,988 --> 00:10:58,449
Natatapakan ng kabayo, nadidikdik.
90
00:10:58,949 --> 00:11:00,201
Kaya gano'n 'yong amoy.
91
00:11:03,996 --> 00:11:07,124
Mukhang maayos naman siya
pagkatapos ng mga nangyari.
92
00:11:07,708 --> 00:11:09,376
Matutuwa siyang makita ka.
93
00:11:09,377 --> 00:11:13,254
Ang problema kasi
pag lumaklak ka ng sangkatutak na gamot,
94
00:11:13,255 --> 00:11:16,634
iba 'yong tingin sa 'yo ng mga tao
pag di ka natuluyan.
95
00:11:19,804 --> 00:11:22,222
Tiningnan na 'ko nang gano'n ni Kyle dati.
96
00:11:22,223 --> 00:11:24,642
Di pa yata ako ready ulit para do'n.
97
00:11:26,644 --> 00:11:28,729
Pero pakisabi na masaya 'kong ligtas siya.
98
00:11:31,941 --> 00:11:34,985
May problema ba?
99
00:11:40,449 --> 00:11:42,034
May aaminin ako sa 'yo.
100
00:11:45,621 --> 00:11:52,044
Baka mabago nito
lahat ng nararamdaman mo para sa 'kin,
101
00:11:53,754 --> 00:11:56,382
at pagkatapos ng lahat
ng pinagdaanan mo dahil sa 'kin,
102
00:11:57,383 --> 00:11:59,467
maiintindihan ko pag nangyari 'yon.
103
00:11:59,468 --> 00:12:00,594
Kung...
104
00:12:03,222 --> 00:12:05,891
aalis ka at iiwan ako.
105
00:12:11,105 --> 00:12:15,317
May isang lalaki, si Sean Sanderson...
106
00:12:17,153 --> 00:12:18,779
Pinatay niya si Caleb.
107
00:12:20,698 --> 00:12:22,032
Si Kyle...
108
00:12:22,616 --> 00:12:24,033
Di niya maisip 'yon no'ng una.
109
00:12:24,034 --> 00:12:27,997
Nagawa niya lang
dahil naglagay si Shane Maguire
110
00:12:28,622 --> 00:12:32,668
ng motion cameras sa park
para i-track 'yong migration patterns.
111
00:12:35,838 --> 00:12:39,675
Tinitingnan niya 'yong mga footage
tapos nakita niya...
112
00:12:46,056 --> 00:12:47,600
si Sanderson na kasama si...
113
00:12:49,727 --> 00:12:50,728
Caleb.
114
00:12:55,441 --> 00:12:57,901
Pinakita sa 'min ni Shane 'yon tapos...
115
00:12:57,902 --> 00:13:00,780
sinabi niya kay Kyle
na papatayin niya si Sean.
116
00:13:02,698 --> 00:13:06,659
Kilala mo naman si Kyle,
gusto niyang makasigurado.
117
00:13:06,660 --> 00:13:10,790
Gusto niyang makasigurado
bago niya arestuhin si Sean.
118
00:13:12,792 --> 00:13:19,006
Pero alam mo, ang arestuhin siya
pagkatapos ng ginawa niya...
119
00:13:22,468 --> 00:13:23,552
sa anak namin.
120
00:13:26,013 --> 00:13:30,141
Ang maupo sa korte, makinig sa kanya,
121
00:13:30,142 --> 00:13:33,437
at umasang mahatulan siya.
122
00:13:38,442 --> 00:13:39,652
Kaya ang ginawa ko...
123
00:13:41,028 --> 00:13:42,863
di ko sinabi kay Kyle.
124
00:13:44,615 --> 00:13:49,411
Binayaran ko si Shane para...
125
00:13:51,914 --> 00:13:53,415
kontakin si Sanderson.
126
00:13:56,418 --> 00:13:57,419
I-blackmail siya.
127
00:13:58,295 --> 00:14:02,383
I-meet siya sa park at patayin siya
dahil sa pagpatay sa anak ko.
128
00:14:06,554 --> 00:14:07,638
Si Kyle...
129
00:14:09,181 --> 00:14:12,142
Nalaman niya lang
no'ng nawawala na si Sanderson.
130
00:14:14,645 --> 00:14:20,400
Sa tingin ko, higit sa lahat,
higit pa sa pagkamatay ni Caleb,
131
00:14:20,401 --> 00:14:24,697
'yong pagtatraydor ko kay Kyle
ang tumapos sa 'min.
132
00:14:28,993 --> 00:14:30,661
Di niya makalimutan 'yon.
133
00:14:34,164 --> 00:14:36,792
At natatakot ako na baka gano'n ka rin.
134
00:14:41,380 --> 00:14:42,214
Pero...
135
00:14:43,966 --> 00:14:47,553
naisip kong hindi tama
kung di kita bibigyan ng pagkakataon.
136
00:14:58,063 --> 00:14:59,647
- Congrats!
- Ang galing mo.
137
00:14:59,648 --> 00:15:01,399
- Go, Vasquez.
- Uy, nice work.
138
00:15:01,400 --> 00:15:02,443
Salamat.
139
00:15:07,823 --> 00:15:10,492
Dear Hero Ranger, blah, blah, blah.
140
00:15:12,328 --> 00:15:14,246
Pinagmumukha mo talaga kaming bano.
141
00:15:18,876 --> 00:15:21,712
Kasi okay 'yong ginawa mo,
at saka di ka namatay.
142
00:15:23,339 --> 00:15:24,173
Salamat.
143
00:15:25,966 --> 00:15:28,927
- Ganyan dapat ang cake pag para sa lahat.
- Kailangan kong i-share?
144
00:15:28,928 --> 00:15:31,763
Ranger Vasquez,
paki-log 'yong mga baril ni Maguire
145
00:15:31,764 --> 00:15:33,182
para sa ballistics.
146
00:15:42,107 --> 00:15:43,317
Gusto mong tumulong?
147
00:15:43,901 --> 00:15:46,111
Papadalhan din kaya 'ko ng sulat
para do'n?
148
00:15:47,112 --> 00:15:47,947
Siguro.
149
00:15:49,490 --> 00:15:51,742
Pucha, ayos.
Wala din naman akong ibang gagawin.
150
00:16:36,120 --> 00:16:38,122
Wag mo na 'kong alalahanin.
151
00:16:43,252 --> 00:16:44,837
Kaya ko 'to.
152
00:16:50,801 --> 00:16:51,802
Promise.
153
00:16:59,977 --> 00:17:01,145
Ngayon ikaw naman.
154
00:17:04,398 --> 00:17:06,025
Mangako ka sa 'kin, Kyle.
155
00:17:13,407 --> 00:17:15,534
Naririnig ko pa rin 'yong tawa niya.
156
00:17:17,327 --> 00:17:20,039
'Yong pagtili niya sa dulo.
157
00:17:21,957 --> 00:17:24,543
Nakikita ko ang paggalaw ng ulo niya
pag tumatakbo siya.
158
00:17:28,338 --> 00:17:30,466
'Yong amoy ng damo sa buhok niya.
159
00:17:32,801 --> 00:17:33,844
Nakikita ko siya.
160
00:17:37,306 --> 00:17:38,390
Nag-uusap kami.
161
00:17:39,475 --> 00:17:40,809
Naglalaro.
162
00:17:42,895 --> 00:17:45,105
Alam kong nababaliw na 'ko, pero...
163
00:17:46,190 --> 00:17:47,483
wala akong pakialam.
164
00:17:48,442 --> 00:17:49,610
Masaya 'ko.
165
00:18:04,416 --> 00:18:05,501
Nangangako ako.
166
00:18:59,304 --> 00:19:00,222
Agent Turner.
167
00:19:02,015 --> 00:19:02,891
Miss Avalos.
168
00:19:04,434 --> 00:19:05,644
Kumusta ka?
169
00:19:06,770 --> 00:19:08,146
Mas mabuti araw-araw, salamat.
170
00:19:08,147 --> 00:19:12,151
Gusto kong ituloy 'yong pag-uusap natin
tungkol kay Sean Sanderson.
171
00:19:13,193 --> 00:19:14,235
Naisip ko nga.
172
00:19:14,236 --> 00:19:19,240
Dahil sa criminal activities
na nangyari sa nasasakupan mo—
173
00:19:19,241 --> 00:19:22,076
- Di ko na nasasakupan ngayon.
- Pero di pa rin mababago—
174
00:19:22,077 --> 00:19:24,997
- Di rin dapat sa 'kin 'yon dati.
- Ibig sabihin?
175
00:19:29,418 --> 00:19:33,297
No'ng panahong nawala si Sanderson,
wala ako sa sarili ko.
176
00:19:35,299 --> 00:19:37,551
Di ko dapat hinawakan 'yong search.
177
00:19:40,429 --> 00:19:43,514
Kung hinayaan ko 'yong iba,
baka nahanap pa siya.
178
00:19:43,515 --> 00:19:46,517
Kung may pagkakamali ka nga,
pwede kang makasuhan ng—
179
00:19:46,518 --> 00:19:50,105
Pipirma 'ko ng statement
o kahit anong form na kailangan mo.
180
00:19:50,689 --> 00:19:52,858
Ano sa tingin mo ang nangyari
kay Mr. Sanderson?
181
00:19:59,740 --> 00:20:01,575
Kung alam ko lang sana ang sagot.
182
00:20:02,534 --> 00:20:05,412
Minsan may mga nangyayari lang talaga
na walang paliwanag.
183
00:20:26,141 --> 00:20:26,975
Uy.
184
00:20:28,268 --> 00:20:30,229
Dumaan ako sa cabin mo.
185
00:20:35,943 --> 00:20:37,486
Nakuha ko sa drawer mo.
186
00:20:38,362 --> 00:20:40,989
Sa 'yo na lang. Pahinga muna 'ko diyan.
187
00:20:49,831 --> 00:20:51,917
Nakausap ko 'yong iba.
188
00:20:53,377 --> 00:20:55,170
Ngayong tapos na lahat ng ito,
189
00:20:56,672 --> 00:20:59,383
gusto sana naming makuha
'yong bangkay ni Lucy sa morge.
190
00:21:00,384 --> 00:21:02,344
Para mapadala siya sa El-o'-win
191
00:21:03,095 --> 00:21:04,429
at makasama niya si Maggie.
192
00:21:06,181 --> 00:21:07,724
Pa'no 'yong tatay ni Lucy?
193
00:21:08,475 --> 00:21:10,602
Sigurado 'ko, wala si Rory do'n.
194
00:21:11,311 --> 00:21:13,105
Hindi si Rory ang tatay niya.
195
00:21:13,897 --> 00:21:15,064
Ano?
196
00:21:15,065 --> 00:21:16,942
'Yong DNA results ni Lucy.
197
00:21:17,693 --> 00:21:18,902
Hindi match si Rory.
198
00:21:19,903 --> 00:21:20,946
Tangina.
199
00:21:23,282 --> 00:21:24,616
Sinabi ba kung sino?
200
00:21:25,742 --> 00:21:29,203
Akala ko alam mo
dahil nga close ka sa kanila.
201
00:21:29,204 --> 00:21:31,623
Di gano'n ka-close,
kung 'yon ang ibig mong sabihin.
202
00:21:35,210 --> 00:21:39,505
Tingin mo siya 'yong kasama ni Lucy
bago siya bumalik dito?
203
00:21:39,506 --> 00:21:40,798
Di ko alam.
204
00:21:40,799 --> 00:21:45,052
No'ng nawala siya,
sigurado 'kong pinatay siya ni Rory.
205
00:21:45,053 --> 00:21:47,139
Di ko siya hinanap nang mabuti.
206
00:21:48,223 --> 00:21:49,933
Nandiyan lang pala siya. Ako...
207
00:21:51,560 --> 00:21:53,060
Dapat nahanap ko siya.
208
00:21:53,061 --> 00:21:54,855
Madaling sabihin 'yan ngayon.
209
00:21:55,897 --> 00:21:57,899
Naaalala ko, pinapanood kita dati.
210
00:21:58,608 --> 00:21:59,943
Di ka nagkulang.
211
00:22:04,531 --> 00:22:06,533
Ipapa-release ko sa 'yo
'yong bangkay niya.
212
00:22:08,994 --> 00:22:10,120
Salamat, Marshal.
213
00:22:12,080 --> 00:22:12,956
Sigurado ka?
214
00:22:16,001 --> 00:22:18,003
Kita na lang tayo.
215
00:22:18,837 --> 00:22:21,255
Kung ako sa 'yo,
babantayan ko 'yang mga binti mo.
216
00:22:21,256 --> 00:22:24,134
Baka kunin ka ng Wuyi
at dalhin ka sa ilalim.
217
00:22:25,510 --> 00:22:30,057
Pero di nangunguha ang multong 'yon
pwera na lang kung gusto mong magpakuha.
218
00:22:31,141 --> 00:22:33,518
Di mo pa naman naririnig
'yong mga sigaw niya, di ba?
219
00:22:51,787 --> 00:22:54,831
Titingnan ko lang kung mahahanap ko siya.
Utang ko sa kanya 'yon.
220
00:22:55,582 --> 00:22:59,920
- Di na nawawala si Lucy, Kyle.
- May bahagi pa rin ng buhay niya na oo.
221
00:23:00,587 --> 00:23:04,216
Kung mapupunan ko 'yong kulang,
kung may nakaligtaan ako dati...
222
00:23:05,092 --> 00:23:07,301
Nakausap ko ulit 'yong taga-Foot Locker.
223
00:23:07,302 --> 00:23:08,886
'Yong sinasabi niyang si Lucy,
224
00:23:08,887 --> 00:23:11,515
tumira daw sa foster home
sa Yelton, Nevada.
225
00:23:12,057 --> 00:23:16,269
Dapat pa bang habulin 'to?
Di nga 'ko sigurado kung siya 'to, e.
226
00:23:19,022 --> 00:23:20,524
Ito na lang ang meron ako.
227
00:24:44,483 --> 00:24:46,443
Tao po? Federal agent ako.
228
00:24:55,702 --> 00:24:56,536
Tao po?
229
00:25:22,562 --> 00:25:26,233
Ngayon, lahat ng nagnanais na mailigtas,
tumayo po kayo.
230
00:25:27,567 --> 00:25:30,236
Tayo. Mararamdaman n'yo ang kapangyarihan—
231
00:25:30,237 --> 00:25:31,905
Kayo ba si Mrs. Gibbs?
232
00:25:35,575 --> 00:25:36,451
Hello?
233
00:25:40,038 --> 00:25:41,122
Federal agent ako.
234
00:25:41,748 --> 00:25:45,043
May mga gusto lang akong itanong
kung ayos lang.
235
00:25:52,384 --> 00:25:53,885
Saglit lang 'to.
236
00:25:58,515 --> 00:26:02,602
Naghahanap ako ng impormasyon
tungkol sa babaeng tumira dito dati.
237
00:26:03,812 --> 00:26:05,230
Lucy Cook ang pangalan niya.
238
00:26:06,064 --> 00:26:07,148
O si Grace McRay.
239
00:26:10,610 --> 00:26:11,653
Ito ang litrato.
240
00:26:12,654 --> 00:26:14,698
'Yan si Lucy.
241
00:26:15,782 --> 00:26:16,950
O si Grace.
242
00:26:17,659 --> 00:26:20,954
Kuha 'yan sa simbahan n'yo
mga 15 years ago.
243
00:26:21,955 --> 00:26:23,706
Naaalala mo ba 'yong nagdala sa kanya?
244
00:26:23,707 --> 00:26:26,835
Pabalik na si Grace
kasama 'yong ibang mga bata.
245
00:26:32,882 --> 00:26:34,174
Nandito ba ang asawa mo?
246
00:26:34,175 --> 00:26:37,804
Sabi ni Lester
wag daw akong kumausap ng kahit na sino.
247
00:26:45,687 --> 00:26:47,355
Kwarto ni Faith 'yan.
248
00:26:48,440 --> 00:26:49,858
Para sa kanya lang.
249
00:26:54,738 --> 00:26:55,655
Anak mo si Faith?
250
00:26:58,742 --> 00:26:59,743
Nasa'n na siya?
251
00:27:00,660 --> 00:27:01,870
Nandito siya.
252
00:27:03,496 --> 00:27:06,207
Nilutuan ko siya ng pancakes.
253
00:27:18,637 --> 00:27:19,554
Sino ka ba?
254
00:28:14,109 --> 00:28:15,026
'Yong mga bata.
255
00:28:15,985 --> 00:28:18,196
Nandito lang sila?
Di nila kasama 'yong pamilya?
256
00:28:47,267 --> 00:28:48,977
Hinahanap mo raw ako?
257
00:28:50,812 --> 00:28:51,938
Ako si Faith Gibbs.
258
00:28:53,523 --> 00:28:54,815
Natatandaan ko siya.
259
00:28:54,816 --> 00:28:57,318
Iba 'yong buhok niya, pero si Grace 'yan.
260
00:28:58,403 --> 00:29:01,156
Di ko alam kung sa'n siya galing,
basta dumating lang siya.
261
00:29:01,740 --> 00:29:02,949
Gano'n ba lagi?
262
00:29:03,533 --> 00:29:04,491
Oo.
263
00:29:04,492 --> 00:29:07,370
Raket kasi 'yon ng tatay ko.
264
00:29:08,955 --> 00:29:12,332
- Di niya dinukot 'tong mga batang 'to?
- Di na kailangan.
265
00:29:12,333 --> 00:29:17,672
Akala ng mga tao, hulog siya ng langit.
266
00:29:18,631 --> 00:29:20,633
Binabayaran pa siya para sa serbisyo niya.
267
00:29:21,634 --> 00:29:23,553
Isang malaking foster home kuno.
268
00:29:24,554 --> 00:29:28,683
Kukubra ng pera sa gobyerno
mula sa mga single mother, adik na tatay...
269
00:29:29,809 --> 00:29:32,353
Akala ng lahat, masayang pamilya kami.
270
00:29:32,937 --> 00:29:35,315
- Pero di totoo 'yon.
- Hindi, tangina.
271
00:29:36,399 --> 00:29:38,317
Halos di niya pinapakain 'yong mga bata.
272
00:29:38,318 --> 00:29:40,361
Sapat lang para mabuhay sila.
273
00:29:41,154 --> 00:29:43,489
Madalas nakakulong sa basement.
274
00:29:43,490 --> 00:29:46,950
Binubuksan ko 'yong bintana nila
para may sariwang hangin sila.
275
00:29:46,951 --> 00:29:48,828
May masasabi ka pa ba tungkol kay Lucy?
276
00:29:52,248 --> 00:29:53,166
Di na, salamat.
277
00:29:55,543 --> 00:29:56,753
Iyak siya nang iyak.
278
00:29:58,379 --> 00:30:02,007
Marami siyang dahilan para umiyak,
pero mas lagi siyang umiiyak kesa sa iba.
279
00:30:02,008 --> 00:30:05,261
Laging niyang sinasabi
na kukunin siya ng tatay niya.
280
00:30:06,429 --> 00:30:08,514
May nabanggit ba siya
tungkol sa tatay niya?
281
00:30:08,515 --> 00:30:10,599
Lahat sila, binabanggit
'yong magulang nila.
282
00:30:10,600 --> 00:30:14,312
'Yong dadating balang araw
at iuuwi sila sa bahay nila.
283
00:30:15,355 --> 00:30:18,106
Pero puro kwento lang 'yon.
Wala namang dumating.
284
00:30:18,107 --> 00:30:20,985
Ilang taon lang si Grace sa bahay,
tapos lumayas siya.
285
00:30:23,071 --> 00:30:25,405
Tuwing may nagtatanong kung nasa'n siya,
286
00:30:25,406 --> 00:30:28,492
sasabihin ng mga magulang ko
na sinundo siya ng pamilya niya.
287
00:30:28,493 --> 00:30:30,495
Isang malaking happy ending.
288
00:30:33,331 --> 00:30:34,707
Tungkol sa tatay mo...
289
00:30:37,001 --> 00:30:40,129
Sana patay na siya at sana nagdusa siya.
290
00:30:40,630 --> 00:30:42,340
Faith, ready na 'yong drinks.
291
00:30:45,844 --> 00:30:47,846
Salamat sa pakikipag-usap sa 'kin.
292
00:30:48,721 --> 00:30:50,889
- May gusto ka?
- Sa susunod na lang.
293
00:30:50,890 --> 00:30:52,517
- Sige.
- Uy.
294
00:30:53,351 --> 00:30:54,561
Ito 'yong number ko.
295
00:30:55,311 --> 00:30:57,105
Pag may naalala ka pa, pakitawagan ako.
296
00:30:58,189 --> 00:31:00,024
Sige. Salamat.
297
00:31:03,903 --> 00:31:04,737
Uy.
298
00:31:06,114 --> 00:31:07,490
Pag nakita mo si Grace,
299
00:31:08,783 --> 00:31:10,326
pakisabi sorry.
300
00:31:18,293 --> 00:31:19,126
Sandali!
301
00:31:19,127 --> 00:31:21,921
Parang pulis 'yong tatay ni Grace.
302
00:31:23,381 --> 00:31:25,717
Naalala ko bigla. Lagi niyang sinasabi...
303
00:31:26,509 --> 00:31:29,178
na dadating 'yon
at aarestuhin 'yong tatay ko.
304
00:31:30,388 --> 00:31:34,475
Alam ko nangangarap lang siya,
pero, pucha, tuwing sinasabi niya 'yon...
305
00:31:35,143 --> 00:31:37,145
umaasa 'kong magkatotoo 'yon.
306
00:31:39,606 --> 00:31:40,481
Kaya ayun...
307
00:31:51,743 --> 00:31:54,746
Uy. Kailangan ko ng pabor. Off-book.
308
00:32:31,908 --> 00:32:34,701
Nitong mga nakaraan,
lagi kaming nakahilata ni Roscoe,
309
00:32:34,702 --> 00:32:39,040
kaya naisip kong
maglakad-lakad muna ang matatanda.
310
00:32:40,249 --> 00:32:41,918
Gusto ko 'tong lugar na 'to.
311
00:32:44,045 --> 00:32:45,588
Pa'no ka nakaakyat?
312
00:32:48,716 --> 00:32:49,801
Tama 'yong binata.
313
00:32:50,677 --> 00:32:51,719
Tumira si Lucy do'n.
314
00:32:55,139 --> 00:32:57,475
May nalaman ka ba na pwedeng makatulong?
315
00:32:58,434 --> 00:33:01,396
Sinabi ko sa lab na ipadala ulit
'yong DNA results ni Lucy.
316
00:33:03,982 --> 00:33:05,608
Pinadala ko na sa 'yo 'yon, a.
317
00:33:06,985 --> 00:33:07,819
Oo nga.
318
00:33:09,278 --> 00:33:11,656
Pero inalis mo sa listahan
'yong anak mong si Kate.
319
00:33:14,242 --> 00:33:17,537
Nasa system na siya
dahil sa pagkakaaresto sa kanya last year.
320
00:33:23,584 --> 00:33:24,961
Mahal ko si Kate, pero...
321
00:33:26,295 --> 00:33:31,341
laging may nakadikit na problema sa kanya
na parang tae ng kabayo sa sapatos.
322
00:33:31,342 --> 00:33:33,761
Kinakalat niya lang kung saan-saan.
323
00:34:12,717 --> 00:34:14,093
Sixth birthday ni Lucy.
324
00:34:20,016 --> 00:34:21,100
Alam ba ni Mary?
325
00:34:24,645 --> 00:34:25,521
Hindi.
326
00:34:26,314 --> 00:34:28,816
Hindi niya kakayanin 'yon.
327
00:34:30,651 --> 00:34:36,449
At ang totoo, ni hindi alam ni Lucy
hanggang sa mga huling araw ni Maggie.
328
00:34:37,617 --> 00:34:38,743
Tingin ko, si Lucy...
329
00:34:39,952 --> 00:34:42,705
takot siyang mag-isa,
kaya sinabi ni Maggie...
330
00:34:43,831 --> 00:34:44,832
na...
331
00:34:46,626 --> 00:34:47,877
ako 'yong tatay niya.
332
00:34:53,341 --> 00:34:55,760
At nakiusap siyang
ilayo mo si Lucy kay Rory?
333
00:34:57,512 --> 00:35:00,139
Huling sinabi niya sa 'kin
bago siya mamatay.
334
00:35:03,017 --> 00:35:04,476
Madali ko siyang nakuha.
335
00:35:04,477 --> 00:35:08,230
Alam ng lahat na binubugbog ni Rory
si Maggie at si Lucy,
336
00:35:08,231 --> 00:35:13,194
kaya di mahirap idiin sa kanya
'yong pagkawala ni Lucy.
337
00:35:19,325 --> 00:35:22,495
Ano? Dinala mo siya do'n
para mailabas siya ng state?
338
00:35:23,037 --> 00:35:23,871
Oo.
339
00:35:24,997 --> 00:35:28,209
Ang balita ko, mabubuting tao
ang mga Gibbs, at...
340
00:35:29,544 --> 00:35:32,421
magaling magtago ng sikreto
pag binayaran mo nang tama.
341
00:35:32,922 --> 00:35:33,840
Akala ko...
342
00:35:34,966 --> 00:35:39,220
Kyle, akala ko ligtas si Lucy do'n.
Sumpa man, akala ko talaga.
343
00:35:42,265 --> 00:35:44,225
At sinabi mong babalikan mo siya.
344
00:35:44,809 --> 00:35:46,226
Mawawala ka lang sandali.
345
00:35:46,227 --> 00:35:48,563
Di ko alam. Siguro.
346
00:35:49,397 --> 00:35:53,526
Sinubukan kong maging patas
kay Lucy at kay Maggie, pero...
347
00:35:54,527 --> 00:35:58,072
pero may asawa at pamilya ako
na kailangang alagaan at protektahan.
348
00:36:00,825 --> 00:36:04,662
Tapos no'ng pinatay si Rory dahil do'n,
wala na 'kong magawa para itama 'yon.
349
00:36:05,246 --> 00:36:07,957
Kahit no'ng tumakas siya
at bumalik dito sa 'yo?
350
00:36:10,042 --> 00:36:13,003
Mawawala sa 'kin lahat,
'yong trabaho ko, pamilya...
351
00:36:13,004 --> 00:36:17,300
Sinabi ko kay Lucy na tutulong akong
hanapan siya ng mas maayos na tirahan.
352
00:36:18,259 --> 00:36:19,385
Pero lumayas siya.
353
00:36:20,261 --> 00:36:23,598
Di mo siya masisisi
pagkatapos ng nangyari no'ng una.
354
00:36:24,640 --> 00:36:25,850
Binigo ko siya.
355
00:36:27,435 --> 00:36:28,269
Totoo.
356
00:36:29,353 --> 00:36:32,565
Di ko na ulit siya nakita pagkatapos no'n.
Hindi na.
357
00:36:35,610 --> 00:36:38,529
Masakit sa 'kin
na nasangkot siya kay Maguire.
358
00:36:53,294 --> 00:36:55,296
Kailangan ko 'yong mga hunting rifle mo.
359
00:36:56,631 --> 00:36:57,840
Ipapa-ballistics ko.
360
00:36:59,342 --> 00:37:00,425
Diyos ko, Kyle.
361
00:37:00,426 --> 00:37:06,349
Sinabi ko 'yong pinakamalaking sikreto ko
tapos iisipin mo, pinatay ko ang anak ko?
362
00:37:07,808 --> 00:37:11,311
Papapuntahin ko si Dixon sa inyo
para kunin 'yong mga 'yon.
363
00:37:11,312 --> 00:37:13,647
Sabihan mo si Mary na dadating siya.
364
00:37:13,648 --> 00:37:18,527
Di ko alam pa'no ko ipapaliwanag sa kanya,
pero kung sa ikalilinaw naman nito, sige.
365
00:37:24,825 --> 00:37:27,453
Kyle! Sandali.
366
00:37:35,544 --> 00:37:39,548
Pinahiram ko 'yong mga baril ko
sa mga kaibigan kong nangangaso.
367
00:37:40,132 --> 00:37:43,385
Madalas nasa 'kin 'yong mga 'yon,
pero di lagi, at...
368
00:37:43,386 --> 00:37:45,972
Di ko alam kung sino'ng...
369
00:37:47,473 --> 00:37:48,516
sino'ng...
370
00:37:53,604 --> 00:37:54,647
Hay, tangina.
371
00:38:01,028 --> 00:38:03,571
Hindi ko alam na nasa park pa rin si Lucy.
372
00:38:03,572 --> 00:38:06,367
No'ng isang taon ko lang nalaman.
373
00:38:08,244 --> 00:38:09,704
Pumunta siya sa bahay.
374
00:38:11,080 --> 00:38:13,249
Nanghihingi siya ng pera.
Binigyan ko siya.
375
00:38:13,749 --> 00:38:17,545
Naging regular na 'yon,
lumalaki 'yong hingi niya kada punta,
376
00:38:18,587 --> 00:38:23,383
binabantaan niya rin ako ng gagawin niya
pag di ako nagbigay.
377
00:38:23,384 --> 00:38:25,635
Lahat ng paraan para saktan niya 'ko.
378
00:38:25,636 --> 00:38:28,847
Humingi ako ng tawad
pero tapos na siya sa lahat ng 'yon.
379
00:38:28,848 --> 00:38:33,477
Gusto niya lang na maramdaman ko rin
'yong sakit na pinaranas ko sa kanya.
380
00:38:34,228 --> 00:38:38,815
At no'ng huling beses
na binabantayan ko si Sadie,
381
00:38:38,816 --> 00:38:42,278
akala ko nasa kwarto siya,
pero pagpasok ko, may...
382
00:38:43,154 --> 00:38:44,571
May sulat sa may unan.
383
00:38:44,572 --> 00:38:49,327
Sabi do'n,
"Bibisitahin namin ni Sadie si Lester."
384
00:38:50,077 --> 00:38:51,454
Diyos ko!
385
00:38:52,830 --> 00:38:56,666
Kaya tumakbo 'ko sa kakahuyan,
hinanap ko sila, tapos...
386
00:38:56,667 --> 00:38:58,460
may tumawag sa 'kin.
387
00:38:58,461 --> 00:39:02,465
May nakakita kay Sadie sa bundok
sa taas ng dating bahay ni Maggie.
388
00:39:03,215 --> 00:39:06,926
No'ng naiuwi ko na nang ligtas si Sadie,
binalikan ko si Lucy.
389
00:39:06,927 --> 00:39:08,095
Gusto ko lang...
390
00:39:09,930 --> 00:39:11,639
na pakinggan niya 'ko,
391
00:39:11,640 --> 00:39:13,809
sabihin sa kanyang di pwedeng ganito.
392
00:39:16,437 --> 00:39:18,105
Tapos, no'ng nakita ko siya,
393
00:39:19,607 --> 00:39:23,235
gusto ko lang siyang tumigil
para makausap ko siya.
394
00:39:24,111 --> 00:39:27,573
Kyle, mamatay man ako,
di ko ginustong saktan siya.
395
00:39:31,619 --> 00:39:36,082
No'ng bumagsak siya,
alam kong inisip niyang papatayin ko siya.
396
00:39:37,208 --> 00:39:40,377
Alam kong kailangan niya ng tulong,
pero nawala siya,
397
00:39:40,378 --> 00:39:44,590
hanggang sa nasundan ko ulit siya
papuntang El Capitan.
398
00:40:39,228 --> 00:40:41,563
Gusto ko lang malaman niya
399
00:40:41,564 --> 00:40:44,524
na kailangan kong protektahan
ang pamilya ko.
400
00:40:44,525 --> 00:40:46,026
Pamilya rin siya, Paul.
401
00:40:46,569 --> 00:40:47,403
Diyos ko!
402
00:40:48,487 --> 00:40:49,696
Pamilya rin si Lucy.
403
00:40:49,697 --> 00:40:53,700
Tangina, nagkamali ako,
pero di dapat nangyari lahat ng 'to.
404
00:40:53,701 --> 00:40:55,286
Kailangan mong itama 'to.
405
00:40:56,412 --> 00:40:58,080
Kailangan mong itama 'to.
406
00:40:59,582 --> 00:41:00,583
Di ko kaya.
407
00:41:03,836 --> 00:41:04,670
Tangina!
408
00:41:05,588 --> 00:41:06,422
Kyle?
409
00:41:07,256 --> 00:41:08,090
Kyle.
410
00:41:15,681 --> 00:41:18,600
Gagawan ko ng paraan 'yong suspension mo.
411
00:41:18,601 --> 00:41:22,521
Sisiguraduhin kong
nasa park ka pa rin kasama si Caleb.
412
00:41:24,148 --> 00:41:25,899
Ano'ng sasabihin ko tungkol kay Lucy?
413
00:41:25,900 --> 00:41:27,485
Diyos ko naman.
414
00:41:32,907 --> 00:41:33,782
Kyle!
415
00:41:35,284 --> 00:41:36,660
Kyle, huminto ka!
416
00:41:38,871 --> 00:41:39,747
Tigil!
417
00:41:42,750 --> 00:41:43,709
Patawarin mo 'ko!
418
00:41:59,308 --> 00:42:00,351
Diyos ko.
419
00:43:33,360 --> 00:43:34,236
Tara!
420
00:44:26,747 --> 00:44:27,748
Patawarin mo 'ko.
421
00:44:31,585 --> 00:44:33,253
Di pa yata ako handa.
422
00:44:34,963 --> 00:44:36,215
Ayos lang.
423
00:44:44,181 --> 00:44:45,766
Kahit nasa'n ako...
424
00:44:47,893 --> 00:44:49,269
o sa'n man ako pumunta...
425
00:44:51,772 --> 00:44:53,399
lagi kitang kasama.
426
00:44:56,652 --> 00:44:58,070
Alam ko, Papa.
427
00:45:38,360 --> 00:45:42,865
INIWAN KO 'YONG KABAYO PARA SA 'YO.
WAG MO KALIMUTANG PAKAININ!
428
00:47:34,434 --> 00:47:36,353
{\an8}PAALIS KA NA NG YOSEMITE NATIONAL PARK
429
00:48:49,217 --> 00:48:52,638
Nagsalin ng Subtitle:
Patricia Claudia Albano