1 00:00:06,000 --> 00:00:07,560 BASE SA MGA TUNAY NA PANGYAYARI 2 00:00:07,640 --> 00:00:09,280 ANG ILANG MGA TAUHAN AT KUWENTO 3 00:00:09,360 --> 00:00:11,400 AY BINAGO PARA MAGING MAS KAPANA-PANABIK 4 00:00:31,400 --> 00:00:33,400 Ang pangalan ng suspek ay Robert Napper. 5 00:00:33,480 --> 00:00:37,040 Nakakulong siya sa Broadmoor Secure Hospital mula 1995. 6 00:00:37,640 --> 00:00:40,440 Nahatulan siya ng double murder at ilang rape, 7 00:00:41,040 --> 00:00:42,800 pero hinihinalang marami pang iba. 8 00:00:46,240 --> 00:00:48,960 Pinatay ni Napper si Rachel, André. 9 00:00:49,480 --> 00:00:51,560 At patutunayan ito ng team na ito. 10 00:00:55,040 --> 00:00:57,240 Basta na lang ako maniniwala sa inyo? 11 00:00:59,680 --> 00:01:00,760 Bakit naman? 12 00:01:01,680 --> 00:01:04,800 Kasi mataas ang posibilidad na tugma 'yong DNA— 13 00:01:04,880 --> 00:01:07,840 Kung patunay 'yan, di ba dapat nakasuhan na siya, 14 00:01:07,920 --> 00:01:09,960 pero hindi naman, di ba? 15 00:01:10,680 --> 00:01:12,800 Di pa pasok ang sample sa standard. 16 00:01:12,880 --> 00:01:14,040 E, kung di na papasa? 17 00:01:14,120 --> 00:01:17,560 Kung gano'n, kailangan nating umasa sa ibang ebidensiya. 18 00:01:17,640 --> 00:01:20,600 Pero may pangunahing suspek na, mas pokus na ang search. 19 00:01:20,680 --> 00:01:22,000 Hindi pa siya umaamin? 20 00:01:23,480 --> 00:01:25,080 Kakausapin pa namin siya. 21 00:01:25,160 --> 00:01:27,400 Pero alam namin sa ibang krimen ni Napper 22 00:01:27,480 --> 00:01:30,760 na aamin lang siya pag wala na siyang ibang pagpipilian. 23 00:01:30,840 --> 00:01:34,320 -Nakatutok ang Stagg team sa pag-amin. -Alam ko ang ginawa nila. 24 00:01:34,920 --> 00:01:38,560 Ang pokus natin ay maghanap ng matibay na ebidensiya para wala nang duda 25 00:01:38,640 --> 00:01:40,160 na si Robert Napper ang may sala. 26 00:01:42,160 --> 00:01:43,000 Alam mo, 27 00:01:45,120 --> 00:01:47,600 naiintindihan kong gusto mo ng katiyakan. 28 00:01:47,680 --> 00:01:48,880 Gusto ko ng katotohanan. 29 00:01:49,840 --> 00:01:54,080 Tungkol sa araw na iyon at sa mga sumunod na araw nang walang nakasuhan. 30 00:01:55,280 --> 00:01:56,400 Pag meron ka niyan, 31 00:01:57,600 --> 00:01:58,680 makikinig ako. 32 00:02:01,120 --> 00:02:02,120 Okay. 33 00:02:20,080 --> 00:02:23,080 Isang di pa nalulutas na kaso ang umabot na sa 14 na taon. 34 00:02:23,160 --> 00:02:25,720 Ito ay imbestigasyon sa loob ng higit isang dekada, 35 00:02:25,800 --> 00:02:29,800 nahinto, sinuri ulit, at ngayon ay may mga bagong ebidensiya. 36 00:02:29,880 --> 00:02:32,800 Pero sa ngayon, wala pang bagong nakakasuhan. 37 00:03:03,280 --> 00:03:05,120 Ano'ng ginagawa ng Papa mo ngayong gabi? 38 00:03:07,040 --> 00:03:08,040 Wala akong pakialam. 39 00:03:19,880 --> 00:03:22,000 André? Nandiyan ka ba? 40 00:03:22,520 --> 00:03:23,480 Si Francisco 'to. 41 00:03:24,160 --> 00:03:27,320 Ilang buwan na kitang di nakikita. Nasaan ka? 42 00:03:28,040 --> 00:03:32,920 Nag-aalala na kami sa 'yo. 43 00:03:37,000 --> 00:03:40,360 Paano natin ilalagay si Robert Napper sa Wimbledon Common 44 00:03:40,440 --> 00:03:43,760 noong umaga ng July 15, 1992? 45 00:03:44,440 --> 00:03:47,360 Patunayan muna nating wala siya sa sinasabi niyang kinaroroonan. 46 00:03:48,840 --> 00:03:50,080 Ayos. Saan daw 'yon? 47 00:03:50,600 --> 00:03:54,200 Sa trabaho. Serco sa Greenwich. Nandoon daw siya buong araw. 48 00:03:54,920 --> 00:03:57,640 May mga kasamahan pa ba siya do'n? 49 00:03:57,720 --> 00:04:00,520 'Yong foreman. Nakapanayam na siya noon. 50 00:04:00,600 --> 00:04:04,000 May mga year planner siya, para sa oras ng pasok ng mga empleyado. 51 00:04:04,080 --> 00:04:05,360 Pero wala 'yong 1992. 52 00:04:05,440 --> 00:04:08,080 Tingin mo, maganda kayang makausap siya ulit? 53 00:04:08,160 --> 00:04:10,680 -Hindi, duda ako diyan. -Oo, ako rin. 54 00:04:10,760 --> 00:04:13,600 Pero kailangan nating tingnan ang lahat. 55 00:04:13,680 --> 00:04:17,760 Tingnan lahat at sinuman na parang hindi pa ito tiningnan dati. 56 00:04:17,840 --> 00:04:20,800 -Okay na ba 'yong print ng sapatos? -Oo, ayan. 57 00:04:20,880 --> 00:04:23,800 Tone, ito 'yong print ng sapatos. 58 00:04:25,160 --> 00:04:27,080 Nag-iisang pisikal na ebidensiya 59 00:04:27,160 --> 00:04:29,560 mula sa pinangyarihan ng krimen. Di ba? 60 00:04:29,640 --> 00:04:34,240 Ngayon, tinitingnan na ni Benno ang logs para itugma ito sa sapatos ni Napper, 61 00:04:34,320 --> 00:04:35,240 pero… 62 00:04:38,920 --> 00:04:42,720 walang nakitang sapatos sa kuwarto ni Napper noong naaresto siya. 63 00:04:42,800 --> 00:04:44,520 -Wala talaga. -Kaya…? 64 00:04:46,520 --> 00:04:48,080 Kaya nagtataka kami 65 00:04:48,960 --> 00:04:51,960 kung ano'ng suot niya sa paa niya noong nahuli siya? 66 00:04:52,040 --> 00:04:55,560 -Di na siya nawala sa kustodiya, di ba? -Hindi na. 67 00:04:56,080 --> 00:04:59,160 Kaya nando'n pa 'yon sa mga gamit niyang nasa awtoridad? 68 00:04:59,240 --> 00:05:02,280 Nakatago sa Broadmoor sa nakalipas na sampung taon. 69 00:05:03,840 --> 00:05:05,080 Dapat tingnan. 70 00:05:06,040 --> 00:05:08,120 Mag-ingat, baka matulad sa huli. 71 00:05:08,200 --> 00:05:10,560 Wag magsalita hangga't walang warrant. 72 00:05:11,080 --> 00:05:13,120 -Oo. -Ano? 73 00:05:14,400 --> 00:05:16,640 Nasubukan mo nang kumuha ng warrant pangkulungan? 74 00:05:28,720 --> 00:05:29,680 Alex? 75 00:05:32,640 --> 00:05:34,400 -Ayos ka lang? -Oo. 76 00:05:36,080 --> 00:05:37,320 Kumusta ang linggo mo? 77 00:05:38,400 --> 00:05:39,320 Ayos. 78 00:05:39,880 --> 00:05:42,160 Oo. Kumusta ang trabaho? 79 00:05:42,880 --> 00:05:43,880 Oo, ayos lang. 80 00:05:46,880 --> 00:05:47,880 Ikaw, kumusta? 81 00:05:49,320 --> 00:05:50,240 Eto. 82 00:05:50,840 --> 00:05:52,640 Gusto mo nang kumain o mamaya pa? 83 00:05:54,920 --> 00:05:56,640 Kakain ako kina Anna mamaya. 84 00:05:57,720 --> 00:05:59,560 Kukuha lang ako ng ilang gamit. 85 00:06:02,080 --> 00:06:02,920 Sige. 86 00:06:05,200 --> 00:06:06,760 Ba't di mo sinabi sa 'kin? 87 00:06:07,800 --> 00:06:10,720 -Sinabihan kita. -Kailan, Alex? 88 00:06:11,240 --> 00:06:12,320 Lagi kang wala. 89 00:06:15,480 --> 00:06:17,480 Nandito na ako kung gusto mong makipag-usap. 90 00:06:18,440 --> 00:06:20,200 Walang gaanong pag-uusapan. 91 00:06:21,720 --> 00:06:25,200 Baka lang interesado ka kung tumawag na ang mga pulis, pero… 92 00:06:26,760 --> 00:06:27,800 hindi pa. 93 00:06:29,000 --> 00:06:31,480 Wala din silang napala sa bagong suspek. 94 00:06:34,840 --> 00:06:35,920 Maliligo na ako. 95 00:06:50,680 --> 00:06:53,480 Higit sampung taon na ang nakalipas no'ng nagtrabaho ako do'n. 96 00:06:54,240 --> 00:06:56,920 Tapos hindi mo masigurado 97 00:06:57,000 --> 00:07:00,080 kung nasa trabaho o hindi si Napper sa araw na iyon? 98 00:07:00,960 --> 00:07:02,760 Maganda ang memorya ko, pero… 99 00:07:03,280 --> 00:07:05,000 May iba kayang makakaalala? 100 00:07:05,520 --> 00:07:08,120 Sabi ko nga, di nagtagal si Napper doon. 101 00:07:08,200 --> 00:07:10,880 Ang tanging taong kausap niya ay sarili niya. 102 00:07:10,960 --> 00:07:13,000 Iniiwasan siya ng mga babae. 103 00:07:13,600 --> 00:07:17,120 -Alam mo bang nasabi ko na ito dati? -Oo. 104 00:07:19,960 --> 00:07:22,400 Nagtabi ka ng ilang year planner? Tama? 105 00:07:22,480 --> 00:07:25,720 Sa garahe, oo. Di ko alam kung bakit ko sila itinago. 106 00:07:26,240 --> 00:07:28,480 Nandoon lahat ng oras ng pasok ng mga empleyado. 107 00:07:28,560 --> 00:07:32,920 Binigay ko ang '91 at '93 sa ibang pulis. At natapon na 'yong iba. 108 00:07:33,960 --> 00:07:35,320 Di pa nakita 'yong '92? 109 00:07:36,480 --> 00:07:37,320 Hindi. 110 00:07:38,280 --> 00:07:39,880 Pwedeng huling tingin na lang? 111 00:07:41,120 --> 00:07:42,560 Ayaw mong pumasok diyan. 112 00:07:43,120 --> 00:07:45,920 Hindi, tama ka. Ayaw ko. 113 00:07:50,760 --> 00:07:53,080 -Malalaki sila. -Oo. 114 00:07:53,160 --> 00:07:55,720 -'Yong nilalagay sa pader. -Oo. 115 00:08:02,240 --> 00:08:03,680 Ang gulo. 116 00:08:08,680 --> 00:08:09,760 Dito, sir. 117 00:08:18,920 --> 00:08:21,040 -Maligayang Pasko. -Oo. 118 00:08:21,600 --> 00:08:23,360 Tama. Eto na siya. 119 00:08:23,880 --> 00:08:24,880 Si Robert Napper. 120 00:08:26,040 --> 00:08:30,560 Miyerkules, ika-15 ng Hulyo. Buong araw siyang wala sa trabaho. 121 00:08:31,240 --> 00:08:32,320 Sigurado ka? 122 00:08:32,400 --> 00:08:34,280 Mabusisi si George. Sigurista siya. 123 00:08:34,360 --> 00:08:37,240 Kaya wala sa trabaho si Robert Napper buong araw. 124 00:08:37,800 --> 00:08:40,520 Mapapatunayan na natin kung saan siya wala. 125 00:08:41,040 --> 00:08:43,320 Baka sabihin niya kung asan siya no'n. 126 00:08:55,520 --> 00:08:56,520 Salamat ulit. 127 00:09:00,360 --> 00:09:02,000 Kayo ba ang abogado niya? 128 00:09:02,080 --> 00:09:03,400 Tama. 129 00:09:03,480 --> 00:09:07,320 Kung makita ng medical team ng kliyente ko na may stress sa panayam, 130 00:09:07,400 --> 00:09:09,000 ipapahinto ko agad. 131 00:09:09,520 --> 00:09:12,920 Si Bob ay maselan. Sa pag-iisip. 132 00:09:14,280 --> 00:09:17,000 Si Bob ay isa ding preso. 133 00:09:17,080 --> 00:09:18,880 At suspek sa pagpatay. 134 00:09:18,960 --> 00:09:20,760 Ang totoo, hindi siya preso. 135 00:09:20,840 --> 00:09:22,000 Pasyente siya. 136 00:09:22,800 --> 00:09:25,280 Nasa ospital kayo, hindi sa kulungan. 137 00:09:29,760 --> 00:09:33,280 Bob. Halika, may upuan ka dito. 138 00:09:35,280 --> 00:09:37,040 -Ayan na. -Hello, Robert. 139 00:09:41,720 --> 00:09:43,440 Ayan na. Sige. 140 00:09:44,160 --> 00:09:45,240 Ayan na. 141 00:09:45,880 --> 00:09:46,920 Okay. 142 00:09:49,320 --> 00:09:52,120 Kakausapin ka namin tungkol kay Rachel Nickell. 143 00:09:53,920 --> 00:09:55,760 Alam mo 'yong pangalan, 'no, Robert? 144 00:09:58,280 --> 00:10:00,760 Natanong ka na tungkol kay Rachel dati, di ba? 145 00:10:02,760 --> 00:10:07,600 Ginahasa si Rachel at pinatay noong 1992. 146 00:10:07,680 --> 00:10:09,440 Dahil sa pag-unlad ng siyensiya, 147 00:10:09,520 --> 00:10:13,440 nakilala na namin ang dating di kilalang DNA ng lalaki 148 00:10:13,960 --> 00:10:15,920 na nasa katawan ni Rachel. 149 00:10:17,880 --> 00:10:19,400 At sa iyo ito, Robert. 150 00:10:21,120 --> 00:10:22,800 Alam mo kung ano ang DNA? 151 00:10:22,880 --> 00:10:26,360 Natatangi ito sa 'yo, parang fingerprint. 152 00:10:26,440 --> 00:10:31,480 Kaya alam naming may physical contact ka kay Rachel noong araw na iyon. 153 00:10:32,720 --> 00:10:33,640 Hindi ba? 154 00:10:36,360 --> 00:10:40,400 Kung maipapaliwanag mo sa amin, Robert, pagkakataon mo na ito. 155 00:10:40,480 --> 00:10:42,480 Sabihin mo sa amin ang nangyari. 156 00:10:48,480 --> 00:10:49,320 Nakikinig ka ba? 157 00:10:55,760 --> 00:10:57,080 Di namin ginawa 'yon. 158 00:11:01,280 --> 00:11:04,440 Alam kong nagtrabaho ka dati sa Serco sa Greenwich, Robert. 159 00:11:06,400 --> 00:11:08,080 May year planner sila. 160 00:11:09,280 --> 00:11:12,400 Pinatutunayan ng year planner na wala ka sa trabaho no'n, Robert. 161 00:11:13,640 --> 00:11:18,320 Patunay din na nagsinungaling ka sa pulis tungkol kay Rachel noong 1995. 162 00:11:20,280 --> 00:11:21,560 Ba't ka nagsinungaling? 163 00:11:23,280 --> 00:11:25,600 Nasaan ka talaga noong ika-15 ng Hulyo? 164 00:11:30,120 --> 00:11:31,160 Robert. 165 00:11:31,240 --> 00:11:33,360 Walang komento. Salamat. 166 00:11:34,760 --> 00:11:36,480 Ano pang pinasisinungalingan mo? 167 00:11:38,680 --> 00:11:41,080 Nasa Wimbledon Common ka no'n, di ba? 168 00:11:41,160 --> 00:11:43,240 Pinatay mo si Rachel Nickell, di ba? 169 00:11:43,320 --> 00:11:46,080 -Detective Nash. -Ba't mo hinayaang mabuhay 'yong bata? 170 00:11:47,040 --> 00:11:48,960 Kapos sa oras pagkapatay mo kay Rachel? 171 00:11:49,040 --> 00:11:50,640 Base sa pahayag na binasa ko, 172 00:11:50,720 --> 00:11:53,600 ayaw nang sumagot ng kliyente ko sa mga tanong. 173 00:11:53,680 --> 00:11:57,240 Ano'ng meron sa mga ina? Pinalayas ka ng nanay mo noong nag-18 ka— 174 00:11:57,320 --> 00:11:59,560 -Detective Nash. -Tama na. 175 00:12:10,840 --> 00:12:12,880 -Salamat. -Salamat. 176 00:12:27,600 --> 00:12:28,600 Ayos ka lang? 177 00:12:29,720 --> 00:12:30,720 Oo. 178 00:12:32,880 --> 00:12:36,000 Nasa ospital ka, hindi sa kulungan. 179 00:12:36,840 --> 00:12:38,840 Na makakakuha tayo ng warrant. 180 00:12:42,040 --> 00:12:42,920 Sige. 181 00:12:47,640 --> 00:12:51,520 Tinatanong ng pulisya ang 40-anyos na lalaki sa pagpatay kay Rachel Nickell. 182 00:12:51,600 --> 00:12:55,280 Isang makabagong kaalaman sa DNA ang tumukoy sa suspek na ito. 183 00:12:55,360 --> 00:12:59,360 Sinasabing nandito ngayon ang lalaki sa Broadmoor Secure Hospital 184 00:12:59,440 --> 00:13:00,760 para sa ibang krimen. 185 00:13:00,840 --> 00:13:02,680 Walang pinangalanan ang Scotland Yard, 186 00:13:02,760 --> 00:13:05,560 at sinasabi lang na may kausap silang 40-anyos 187 00:13:05,640 --> 00:13:08,320 at ang panayam ay parte ng imbestigasyon 188 00:13:08,400 --> 00:13:10,000 sa pagpatay kay Rachel Nickell. 189 00:13:23,880 --> 00:13:25,480 Tinupad mo ang pangako mo. 190 00:13:27,600 --> 00:13:29,920 Napaabot mo ako ng 18, buong-buo. 191 00:13:33,080 --> 00:13:33,920 Gano'n ka ba? 192 00:13:37,000 --> 00:13:37,840 Ano ako? 193 00:13:38,360 --> 00:13:39,400 'Yong totoo, 194 00:13:40,560 --> 00:13:43,640 ikaw nga ba ay… buong-buo? 195 00:13:46,840 --> 00:13:48,720 -Oo, sa tingin ko. -Oo? 196 00:13:49,240 --> 00:13:53,160 Okay. Sa tingin mo nalagpasan mo na ang lahat ng 'yon? 197 00:13:55,600 --> 00:13:56,840 Ngayon talaga 'to? 198 00:13:56,920 --> 00:13:59,440 Unang sinabi nila sa akin, "Dapat tapatin siya." 199 00:14:00,440 --> 00:14:02,640 At sinubukan kong gawin 'yon. Oo. 200 00:14:02,720 --> 00:14:04,640 At sa totoo lang, Alex, 201 00:14:05,160 --> 00:14:06,520 usapang matanda… 202 00:14:09,080 --> 00:14:10,480 sa tingin ko, hindi pa. 203 00:14:11,400 --> 00:14:12,240 Hindi talaga. 204 00:14:12,760 --> 00:14:15,240 -Gusto ko lang magpatuloy sa buhay. -Alam ko. 205 00:14:15,320 --> 00:14:17,160 Wag ka nang mabuhay sa nakaraan. 206 00:14:17,240 --> 00:14:18,480 Ano'ng ibig sabihin, Alex? 207 00:14:18,560 --> 00:14:22,600 Magpapanggap lang ba ako na parang walang nangyari, tulad mo? 208 00:14:24,480 --> 00:14:26,440 Alam ko ang nangyari. Andoon ako. 209 00:14:26,520 --> 00:14:28,520 Oo, pero di mo kilala ang salarin. 210 00:14:29,120 --> 00:14:30,800 O kung bakit malaya pa siya. 211 00:14:32,040 --> 00:14:33,840 Di natin alam ang totoo, Alex. 212 00:14:33,920 --> 00:14:37,680 Hangga't di natin 'yon nakukuha, wala tayong kapanatagan. 213 00:14:37,760 --> 00:14:39,840 -Kapanatagan? -Para sa ating dalawa. 214 00:14:41,120 --> 00:14:42,320 Di mo makukuha 'yan. 215 00:14:42,920 --> 00:14:44,400 Nagsasayang ka ng oras. 216 00:14:45,240 --> 00:14:46,880 Dapat tanggapin mo na lang. 217 00:14:47,520 --> 00:14:50,400 At ipagpatuloy na lang ang buhay ko? 218 00:14:52,120 --> 00:14:55,520 Iyon ba ang ginagawa mo? Paghahanap ng sagot sa relihiyon? 219 00:14:55,600 --> 00:14:58,200 Hindi ito relihiyon. Pananampalataya ito. 220 00:14:59,800 --> 00:15:01,720 Paghahanap ng sarili mong daan. 221 00:15:04,360 --> 00:15:05,440 O baka… 222 00:15:06,280 --> 00:15:08,080 inaaliw mo lang ang sarili mo. 223 00:15:10,200 --> 00:15:14,600 Kung ano man ang ginagawa ko, hindi mo na problema 'yon ngayon. 224 00:15:20,360 --> 00:15:21,360 Okay. 225 00:15:38,480 --> 00:15:40,520 -Sir? -Ano 'yan? 226 00:15:43,280 --> 00:15:44,200 Brown. 227 00:15:45,200 --> 00:15:47,200 Gaya ng inilarawan ng saksi. Okay. 228 00:15:47,840 --> 00:15:50,160 Okay. Dalhin natin 'to sa eksperto. 229 00:15:53,920 --> 00:15:55,000 Hindi nga. 230 00:15:57,280 --> 00:15:58,640 Sige, kunin mo 'yan. 231 00:16:01,800 --> 00:16:03,960 Aba, siguradong may nahalukay ka. 232 00:16:04,880 --> 00:16:07,680 Nang suriin si Alex noon, sinuklay nila ang buhok niya 233 00:16:07,760 --> 00:16:10,840 at may nakitang maliliit na piraso ng metallic paint. 234 00:16:11,320 --> 00:16:12,240 Pulang pintura. 235 00:16:13,120 --> 00:16:14,880 Paano kaya nalipat 'yon? 236 00:16:14,960 --> 00:16:18,520 Di pa natin alam, pero ito ang murder box ni Napper, di ba? 237 00:16:18,600 --> 00:16:21,920 At saka nandiyan pa ang mga sample mula sa buhok ni Alex. 238 00:16:22,600 --> 00:16:25,080 O, ano'ng bad news? Laging may bad news, e. 239 00:16:25,160 --> 00:16:28,360 Ang mahirap dito, kapag ite-test ang mga pirasong 'to, 240 00:16:28,440 --> 00:16:32,080 masisira din sila, kaya may isang tsansa lang tayo. 241 00:16:32,160 --> 00:16:34,920 Kung sumablay ang test, mawawala na ang ebidensiya. 242 00:16:35,000 --> 00:16:38,360 Kailangan ng match doon at sa sapatos para makasuhan si Napper. 243 00:16:38,440 --> 00:16:41,080 Oo. Ay, tungkol pala sa sapatos. 244 00:16:41,160 --> 00:16:44,920 Di pa nila sinusuri, pero mali ang sukat sa unang tingin. 245 00:16:45,520 --> 00:16:46,560 Pambihira. 246 00:16:46,640 --> 00:16:49,240 Pero dadalhin nila ito sa common 247 00:16:49,320 --> 00:16:54,120 para masuri sa parehong kondisyon. Kaya umasa tayo. 248 00:16:54,200 --> 00:16:56,760 Oo, napaka-scientific niyan. 249 00:17:13,640 --> 00:17:14,480 Sir? 250 00:17:16,000 --> 00:17:17,080 Tawag para sa 'yo. 251 00:17:17,840 --> 00:17:20,560 -Forensics. -Ikaw lang daw ang kakausapin niya. 252 00:17:31,800 --> 00:17:33,520 Patawag ito ng korte, Robert. 253 00:17:34,280 --> 00:17:37,320 Kinakasuhan ka ng pulis sa pagpatay kay Rachel Nickell. 254 00:17:49,040 --> 00:17:50,120 Di namin ginawa 'yon. 255 00:17:52,520 --> 00:17:53,400 Okay. 256 00:17:59,320 --> 00:18:00,560 Sino'ng kausap mo? 257 00:18:04,760 --> 00:18:05,600 Papa? 258 00:18:08,160 --> 00:18:09,120 Pulis 'yon. 259 00:18:12,160 --> 00:18:13,080 Kinasuhan na siya? 260 00:18:17,240 --> 00:18:18,080 Tinatanong… 261 00:18:19,280 --> 00:18:21,280 kung makakapunta tayo sa trial. 262 00:18:22,520 --> 00:18:25,000 Pupunta ka ba talaga matapos 'yong huli? 263 00:18:25,520 --> 00:18:27,760 Ayoko nang maniwala sa salita ng iba. 264 00:18:30,120 --> 00:18:31,400 Gusto kong makita mismo. 265 00:18:31,480 --> 00:18:33,960 -Tayong dalawa. -Walang kinalaman 'yong trial sa atin. 266 00:18:34,040 --> 00:18:36,960 Ang posibilidad daw ng DNA profile na ito 267 00:18:37,040 --> 00:18:39,840 na tutugma sa ibang tao ay isa sa 12 million. 268 00:18:39,920 --> 00:18:40,880 Di ako sasama, Pa. 269 00:18:42,120 --> 00:18:44,000 Final na 'yan, at di ka dapat pumunta. 270 00:18:49,720 --> 00:18:52,640 Ang 41-anyos na lalaking kinasuhan sa pagpatay kay Rachel Nickell 271 00:18:52,720 --> 00:18:54,040 ay nasa kustodiya na. 272 00:18:54,120 --> 00:18:58,240 Humarap si Robert Napper sa video link mula sa Broadmoor Psychiatric Hospital. 273 00:18:58,320 --> 00:19:01,320 Nakapiyansa siya hanggang sa pagdinig sa huling bahagi ng buwan. 274 00:19:24,600 --> 00:19:26,440 Papa? 275 00:19:28,960 --> 00:19:30,000 -Papa. -Alam ko. 276 00:19:30,080 --> 00:19:34,280 Alam talaga nila kung nasaan tayo. Naghihintay sila ng dahilan. 277 00:19:34,360 --> 00:19:36,720 Sinubukan ko silang itaboy pero di umuubra. Tigil. 278 00:19:36,800 --> 00:19:40,040 André, kausapin mo lang ako at hahayaan ka na ng iba. 279 00:19:40,120 --> 00:19:41,680 Nasabi na namin ang lahat. 280 00:19:41,760 --> 00:19:44,080 -Wala kayong mapapala. -Usapang pera. 281 00:19:44,160 --> 00:19:45,760 -Tangina mo! -Alex! 282 00:19:45,840 --> 00:19:46,680 Ikaw 'yan, Alex? 283 00:19:46,760 --> 00:19:50,360 Tumawag na ako ng pulis. Trespassing kayo. Alis na. Alis na! 284 00:19:50,440 --> 00:19:53,760 Kinakausap na nila ang mga kapitbahay. Malalaman na ng buong bayan. 285 00:19:53,840 --> 00:19:55,640 -Tapos? -Alex, paano si Anna? 286 00:19:55,720 --> 00:19:58,040 -Paano siya? -Di pa niya alam, di ba? 287 00:19:58,120 --> 00:20:00,760 Okay, di ba dapat sa 'yo niya nalaman? 288 00:20:13,920 --> 00:20:14,800 Alex! 289 00:20:14,880 --> 00:20:17,960 Alex, kumusta ka? Ako si Pete Collier sa The Sun. 290 00:20:18,040 --> 00:20:20,120 Kahit dalawang minuto lang. 291 00:20:57,760 --> 00:20:59,880 Parang ang bait ng mama mo. 292 00:21:04,880 --> 00:21:06,960 Naaalala ko ang mukha niya, pero 293 00:21:07,560 --> 00:21:10,120 higit sa lahat, naaalala ko ang pakiramdam… 294 00:21:11,880 --> 00:21:14,600 na mahal na mahal niya ako 295 00:21:16,120 --> 00:21:17,480 at mahal ko siya. 296 00:21:18,040 --> 00:21:20,280 At naaamoy ko pa rin siya. 297 00:21:20,920 --> 00:21:22,920 Itinago ko 'yong pabango niya. 298 00:21:24,960 --> 00:21:26,440 Bakit di mo agad sinabi? 299 00:21:28,360 --> 00:21:30,080 Ibang buhay na 'yon, e. 300 00:21:31,240 --> 00:21:33,640 At di ako sanay na pinag-uusapan 'yon. 301 00:21:35,480 --> 00:21:37,360 'Yong tatay ko, palaging… 302 00:21:40,280 --> 00:21:41,960 'Yong bag sa harap ng pinto… 303 00:21:42,560 --> 00:21:45,040 Handa kaming tumakbo kung sakaling… 304 00:21:45,720 --> 00:21:47,360 Ngayon, nahanap na nila kayo. 305 00:21:47,960 --> 00:21:49,320 Ano na'ng mangyayari? 306 00:21:52,240 --> 00:21:54,160 Ngayon, hindi na ako tatakbo. 307 00:22:03,000 --> 00:22:05,840 Alam kong maraming taong nagtatanong. 308 00:22:07,240 --> 00:22:08,920 Naiintindihan mo kung bakit? 309 00:22:11,360 --> 00:22:12,960 Alam nilang milyonaryo siya. 310 00:22:13,040 --> 00:22:15,920 Kaya pabalik-balik sila. Alam nila ang tungkol sa pamilya niya. 311 00:22:16,440 --> 00:22:18,400 Paano naman ang pamilya mo, Bob? 312 00:22:19,240 --> 00:22:21,120 Gusto ko silang makilala. 313 00:22:24,520 --> 00:22:27,320 Nasa librong Who's Who sila. 314 00:22:28,720 --> 00:22:31,640 Alam kong napakahalaga ng tatay mo sa 'yo. 315 00:22:32,160 --> 00:22:33,480 Iniidolo mo siya. 316 00:22:36,240 --> 00:22:37,840 Hindi sila naniniwala na… 317 00:22:37,920 --> 00:22:41,960 na ako… na siya ay… nanalo ng Nobel Peace Prize. 318 00:22:42,040 --> 00:22:44,400 Kasi di niya sinabi sa kanila ang lahat. 319 00:22:45,640 --> 00:22:47,720 Iniwan ka ng ama mo, di ba? 320 00:22:47,800 --> 00:22:49,520 Nadoble 'yong ilang numero. 321 00:22:50,040 --> 00:22:54,240 Kaya ang mga taon na iyon, parang doble sa haba kaysa sa dapat. 322 00:22:54,320 --> 00:22:58,160 Napansin kong masyado mong iniisip ang mga numero kamakailan 323 00:22:58,240 --> 00:23:01,520 at iba pang bagay. Pero bakit kaya sa tingin mo? 324 00:23:02,480 --> 00:23:04,520 Ano'ng kinatatakutan mo, Bob? 325 00:23:07,320 --> 00:23:10,280 Nasa bangko lahat ng pera. Sa Sidcup. 326 00:23:11,720 --> 00:23:13,560 Lahat ay galing sa Star Wars. 327 00:23:16,440 --> 00:23:18,240 Pag-usapan natin si Rachel. 328 00:23:19,600 --> 00:23:20,960 Baka makatulong. 329 00:23:22,000 --> 00:23:26,880 Di ko tatanungin kung pinatay mo siya. Di ko trabaho 'yon bilang psychiatrist mo. 330 00:23:26,960 --> 00:23:30,480 Ang trabaho ko ay tulungan ka na harapin ang katotohanan. 331 00:23:31,960 --> 00:23:35,960 Baka iniisip mo na kapag nagsalita ka, mas magtatagal ka pa dito. 332 00:23:37,000 --> 00:23:38,520 O kaya habambuhay. 333 00:23:39,040 --> 00:23:40,440 Pero sa ibang paraan, 334 00:23:41,760 --> 00:23:42,920 mapapalaya ka nito. 335 00:23:44,080 --> 00:23:47,760 Tingin ko, pagkakataon mo na ito, Bob. 336 00:23:48,440 --> 00:23:50,560 Para makapagsimula kang umusad. 337 00:23:53,400 --> 00:23:54,760 E, 'yong pamilya ni Rachel? 338 00:23:55,840 --> 00:23:59,640 Siguradong malaking bagay ito kapag nalaman nila ang totoo. 339 00:24:03,040 --> 00:24:04,600 At paano ang batang iyon? 340 00:24:06,840 --> 00:24:09,360 Di ba karapatan niyang malaman ang nangyari sa ina niya? 341 00:24:12,440 --> 00:24:14,800 Paano naman 'yong bata sa loob mo, Bob? 342 00:24:18,920 --> 00:24:20,520 Nandiyan pa siya, di ba? 343 00:24:26,440 --> 00:24:27,840 Ano'ng deserve niya? 344 00:24:51,400 --> 00:24:56,120 Nasaan si Alex? Bumalik na ba siya sa London? Dumalo ba siya sa paglilitis? 345 00:24:56,640 --> 00:24:58,920 Makakamit n'yo na kaya ang hustisya ngayon? 346 00:25:00,120 --> 00:25:04,280 -Nasaan si Alex? Nasaan siya? -Gusto lang naming makipag-usap! André! 347 00:25:05,520 --> 00:25:07,560 André, lilinawin lang namin ito. 348 00:25:24,880 --> 00:25:26,040 Mr. Hanscombe. 349 00:25:27,080 --> 00:25:31,960 André. Ako si Commander Campbell. Pasensiya na kung pinaghintay kita. 350 00:25:33,160 --> 00:25:35,000 Kanina pa 'yong napagkasunduan. 351 00:25:35,080 --> 00:25:36,360 May abala lang. 352 00:25:36,960 --> 00:25:38,240 Sige, maupo ka. 353 00:25:42,400 --> 00:25:44,000 -Natatandaan kita. -Talaga? 354 00:25:45,240 --> 00:25:49,240 Siguro. Pero bihira lang akong makita sa orihinal na imbestigasyon. 355 00:25:50,000 --> 00:25:54,800 Pinatawag kita kasi gusto kong malaman mo muna ang ilang katotohanan 356 00:25:54,880 --> 00:25:56,680 bago natin sabihin sa media. 357 00:25:57,560 --> 00:26:00,360 -Katotohanan? -Tungkol kay Mr. Napper. 358 00:26:01,400 --> 00:26:05,360 Mukhang may contact siya sa iba't ibang awtoridad noong bata pa siya 359 00:26:05,440 --> 00:26:08,040 at kalaunan, bago niya gawin ang mga seryosong krimen. 360 00:26:08,120 --> 00:26:10,280 Gusto kong tiyakin sa 'yo 361 00:26:10,360 --> 00:26:14,480 na nakilala lang siya ng pulis dahil sa mga maliliit na pagkakasala. 362 00:26:14,560 --> 00:26:15,600 'Yong nga lang, 363 00:26:16,720 --> 00:26:20,320 mukhang ang gagawin lang ng mga kaibigan natin sa media, 364 00:26:20,400 --> 00:26:22,120 at naranasan mo na 'yan, 365 00:26:22,600 --> 00:26:25,320 palakihin ang isang bagay na napakaliit. 366 00:26:26,480 --> 00:26:30,560 Sinasabi mo bang kilala n'yo na siya bago 'yong mga pagpatay? 367 00:26:31,160 --> 00:26:33,520 Madaling magsalita pagkatapos ng lahat, André. 368 00:26:34,320 --> 00:26:39,160 Pero ang totoo, walang makakaisip sa totoong bigat ng mga atraso ni Napper. 369 00:26:39,800 --> 00:26:41,320 Ngayon, ang payo ko, 370 00:26:41,960 --> 00:26:45,200 wag kang makipag-usap sa media para sa kapakanan mo. 371 00:26:46,120 --> 00:26:48,960 Alam mo naman sila. Ang pinakamahalaga ngayon, 372 00:26:49,040 --> 00:26:51,760 makuha n'yo ng anak mo ang hustisyang dapat sa inyo. 373 00:26:52,360 --> 00:26:53,960 'Yon dapat ang tutukan. 374 00:26:54,520 --> 00:26:55,760 Para sa ating lahat. 375 00:26:58,160 --> 00:26:59,320 Salamat sa paunlak. 376 00:27:31,880 --> 00:27:32,720 Hi. 377 00:28:04,360 --> 00:28:06,160 Katahimikan sa korte. 378 00:28:06,240 --> 00:28:07,160 Tumayo tayo. 379 00:28:12,440 --> 00:28:13,920 Magsiupo na. 380 00:28:18,760 --> 00:28:20,360 Tumayo ang nasasakdal. 381 00:28:27,840 --> 00:28:29,320 Robert Clive Napper, 382 00:28:29,840 --> 00:28:33,720 inakusahan ka na noong ika-15 ng Hulyo, 1992, 383 00:28:34,440 --> 00:28:36,720 sa Wimbledon Common, London, 384 00:28:36,800 --> 00:28:39,720 pinatay mo si Rachel Nickell. 385 00:28:40,240 --> 00:28:41,360 Ano'ng sagot mo? 386 00:28:44,680 --> 00:28:45,880 Hindi ako guilty 387 00:28:46,720 --> 00:28:47,760 sa pagpatay. 388 00:28:50,320 --> 00:28:51,160 Pero… 389 00:28:53,120 --> 00:28:54,520 guilty ako sa 390 00:28:55,360 --> 00:28:57,360 problema sa pag-iisip. 391 00:28:59,720 --> 00:29:01,880 Sorry. Nagkasala sa 392 00:29:02,920 --> 00:29:06,200 pagpatay dahil sa problema sa pag-iisip. 393 00:29:12,720 --> 00:29:17,280 Si Mr. Napper ay may Asperger's syndrome simula pagkabata 394 00:29:17,360 --> 00:29:20,000 at kalaunan, nagka-paranoid schizophrenia. 395 00:29:21,240 --> 00:29:26,280 Pero ang psychosis niya ay makikita na simula pa noong 1989, 396 00:29:26,360 --> 00:29:31,360 noong na-admit siya sa ospital kasunod ng tangkang pagpapakamatay. 397 00:29:32,520 --> 00:29:35,120 Naniniwala siyang nakakabasa siya ng isip. 398 00:29:35,840 --> 00:29:39,760 Kinukuwento rin niya na binaril siya sa tuhod ng IRA 399 00:29:39,840 --> 00:29:43,000 at naputol ang mga daliri niya habang nagde-defuse ng bomba. 400 00:29:43,520 --> 00:29:48,000 Tumubo raw ulit ang mga daliri niya dahil nakalanghap siya ng sparkle fumes. 401 00:29:49,680 --> 00:29:51,360 Mr. Napper, tumayo po kayo. 402 00:29:55,120 --> 00:29:57,760 Sinaksak mo si Rachel ng 49 na beses. 403 00:29:57,840 --> 00:30:00,120 Sa buong pangyayari, nandoon si Alex. 404 00:30:00,640 --> 00:30:03,720 Ang mga marka sa mukha niya ang patunay na 405 00:30:03,800 --> 00:30:05,840 kinaladkad mo siya palayo sa nanay niya. 406 00:30:06,360 --> 00:30:09,800 Di mo siya pinatay, gaya ng pagpatay mo kay Jazmine Bisset, 407 00:30:09,880 --> 00:30:14,200 na tiyak na dahil sa pag-aalala mo na baka mahuli ka 408 00:30:14,280 --> 00:30:15,960 kapag nagtagal ka pa doon. 409 00:30:17,000 --> 00:30:19,120 Ngayong binata na siya, 410 00:30:19,200 --> 00:30:21,680 alam na ni Alex na ang pumatay sa kanyang ina 411 00:30:21,760 --> 00:30:25,920 ay nahuli na, kahit natagalan, para sa hustisya. 412 00:30:27,600 --> 00:30:34,360 Baka maaari na niyang isara ang isang mahabang yugto ng kanyang buhay. 413 00:30:36,800 --> 00:30:39,920 Ikaw, sa aking pananaw, isa kang mapanganib na tao. 414 00:30:40,880 --> 00:30:43,240 Dapat kang maibalik agad sa Broadmoor, 415 00:30:43,320 --> 00:30:45,000 at hindi ka na makakalaya 416 00:30:45,080 --> 00:30:48,240 maliban na lang kung di ka na panganib sa publiko. 417 00:30:49,320 --> 00:30:52,080 Pero malabong mangyari 'yon. 418 00:30:53,480 --> 00:30:55,440 May sasabihin ka pa ba? 419 00:30:57,520 --> 00:31:02,000 Humihingi ng tawad ang kliyente ko sa mga kaibigan at pamilya ni Rachel Nickell 420 00:31:02,080 --> 00:31:03,720 sa kahindik-hindik na ginawa niya, 421 00:31:03,800 --> 00:31:07,480 at kay Colin Stagg, na maling inakusahan sa pagpatay. 422 00:31:08,760 --> 00:31:09,920 Kunin n'yo na siya. 423 00:31:19,160 --> 00:31:22,680 Pwede bang pakisabing sorry doon sa bata? 424 00:31:41,840 --> 00:31:43,320 André. 425 00:31:45,360 --> 00:31:47,040 Masaya ka ba sa hatol? 426 00:31:48,280 --> 00:31:50,520 Sa wakas, makaka-move on na kayo, 'no? 427 00:31:52,160 --> 00:31:56,080 Si Assistant Commissioner Yates ay magsasalita sa media. 428 00:31:57,760 --> 00:32:00,360 Baka lang may gusto ka pang idagdag. 429 00:32:01,600 --> 00:32:04,560 Pagkatapos ng maraming taon, ito lang ang sasabihin mo? 430 00:32:06,080 --> 00:32:06,960 Ano 'yon? 431 00:32:07,480 --> 00:32:09,360 Ba't natagalan ito, Commander? 432 00:32:11,160 --> 00:32:14,600 Napigilan mo sana siya bago siya pumatay. Hindi ba? 433 00:32:15,680 --> 00:32:16,880 -Tingin ko— -Di ba? 434 00:32:19,400 --> 00:32:21,480 Kaya wala, wala na akong sasabihin. 435 00:32:22,000 --> 00:32:24,720 Wala akong sasabihin sa kanila lalo na sa 'yo. 436 00:32:29,800 --> 00:32:33,840 Umamin na ang isang lalaki sa pagpatay kay Rachel Nickell. 437 00:32:33,920 --> 00:32:37,240 Ang nakakagulat, sabi ng pulis na napigilan sana si Napper. 438 00:32:37,320 --> 00:32:39,320 Nasayang ang mga tsansa na maaresto siya. 439 00:32:39,400 --> 00:32:42,640 Sa wakas, masasabi na natin 440 00:32:42,720 --> 00:32:46,680 na nakamit na natin ang hustisya para kay Rachel at pamilya niya. 441 00:32:46,760 --> 00:32:49,080 Balikan naman natin si Mr. Colin Stagg. 442 00:32:49,160 --> 00:32:53,960 Noong August, 1993, inakusahan siya ng pagpatay kay Rachel, 443 00:32:54,040 --> 00:32:56,680 at humihingi ako ng tawad sa kanya, 444 00:32:56,760 --> 00:33:01,680 at kinikilala rin namin ang malaki at pangmatagalang epekto nito 445 00:33:01,760 --> 00:33:03,080 sa kanyang buhay. 446 00:33:03,640 --> 00:33:06,520 Nararapat din na makilala 447 00:33:06,600 --> 00:33:10,320 ang dedikado at propesyonal na trabaho ng kasalukuyang investigation team 448 00:33:10,400 --> 00:33:12,560 na nagdala sa atin sa puntong ito. 449 00:33:12,640 --> 00:33:15,920 Nagpakita sila ng walang-sawang pagtutok sa detalye 450 00:33:16,000 --> 00:33:19,040 at determinasyon sa loob ng ilang taon 451 00:33:19,120 --> 00:33:23,080 para mahanap ang ebidensiya na naghatid kay Robert Napper sa hustisya. 452 00:33:23,960 --> 00:33:27,800 Ang lumabas ngayon ay kung paano nakalusot si Napper, 453 00:33:27,880 --> 00:33:32,760 dahil sa kakulangan ng kakayahan ng Metropolitan Police 454 00:33:32,840 --> 00:33:34,680 at di dahil mautak ang salarin. 455 00:33:37,000 --> 00:33:40,440 Bakit magso-sorry 'yong killer kung wala namang mababago sa hatol niya? 456 00:33:40,520 --> 00:33:42,880 Hindi maayos ang pag-iisip niya, Alex. 457 00:33:43,400 --> 00:33:45,080 Matagal na nating alam 'yon. 458 00:33:46,120 --> 00:33:48,160 Baka di niya alam ba't niya nasabi 'yon. 459 00:33:54,040 --> 00:33:56,680 May hinahanap ka pa rin, di ba? 460 00:33:57,680 --> 00:33:59,600 Hindi ko na kailangan ng payo. 461 00:34:00,320 --> 00:34:01,320 'Yong trial ba…? 462 00:34:01,400 --> 00:34:03,640 Walang kuwenta 'yong trial sa akin. 463 00:34:04,960 --> 00:34:06,760 Paano si Robert Napper? 464 00:34:09,720 --> 00:34:12,320 Kung ako 'yan, ang itatanong ko ay, "Bakit?" 465 00:34:13,000 --> 00:34:14,360 Anong "bakit"? 466 00:34:14,880 --> 00:34:16,440 Bakit niya ginawa 'yon? 467 00:34:16,960 --> 00:34:18,200 Kasi may sakit siya? 468 00:34:20,400 --> 00:34:22,480 Desisyon pa rin niya 'yon. 469 00:34:23,560 --> 00:34:24,680 Pero bakit? 470 00:34:25,840 --> 00:34:27,720 Deserve mong malaman 'yon. 471 00:35:46,640 --> 00:35:47,720 Dr. Monroe. 472 00:35:48,600 --> 00:35:51,560 -Pwede ka bang makausap saglit? -Male-late na ako. 473 00:35:51,640 --> 00:35:55,800 Ginagamot mo dati si Robert Napper, di ba? Isa ka sa mga doctor niya. 474 00:35:55,880 --> 00:35:58,400 Sinabi ko na ang lahat sa media. 475 00:35:58,480 --> 00:35:59,600 Di ako taga-media. 476 00:35:59,680 --> 00:36:03,760 Ako si Alex Hanscombe. Anak ni Rachel Nickell. 477 00:36:04,840 --> 00:36:07,320 Kailangan ko lang ng 15 minutes mo. 478 00:36:09,960 --> 00:36:13,920 Wala na akong masasabi sa 'yo na hindi pa alam ng publiko. 479 00:36:14,600 --> 00:36:18,280 Pwede mong sabihin kung sino siya at kung ano'ng pagkatao niya. 480 00:36:19,120 --> 00:36:20,800 Wala ako masyadong masasabi. 481 00:36:21,560 --> 00:36:25,520 Na-bully daw siya sa school. Madalas mag-away ang mama at papa niya. 482 00:36:25,600 --> 00:36:27,440 Di sapat na paglalarawan 'yan. 483 00:36:28,160 --> 00:36:30,640 Si Robert ang panganay, at… 484 00:36:31,680 --> 00:36:35,400 nagdusa sila ng nanay niya sa kalupitan ng ama niyang lasenggo. 485 00:36:36,360 --> 00:36:40,040 Di agad na-diagnose ang Asperger's ni Robert no'ng bata siya, 486 00:36:40,120 --> 00:36:42,640 at nakadagdag 'yon sa pag-iisa niya. 487 00:36:43,280 --> 00:36:47,080 At sa edad na 12, malubha siyang sinaktan. 488 00:36:47,160 --> 00:36:49,040 Nasa record ito. 489 00:36:49,560 --> 00:36:51,200 Kinasuhan 'yong lalaki. 490 00:36:51,280 --> 00:36:55,120 Ginahasa si Robert sa kakahuyan ng kaibigan ng pamilya. 491 00:36:56,840 --> 00:36:58,400 Ba't niya inatake ang mga babae? 492 00:36:59,080 --> 00:37:03,800 Bakit niya pinuntirya ang mga ina na may anak? Di ko masabi kasi di ko alam. 493 00:37:04,560 --> 00:37:06,680 Alam kong wala kang mga sagot. 494 00:37:06,760 --> 00:37:10,320 Ang punto ko, di nakuwento ni Robert ang mga krimen niya. 495 00:37:10,840 --> 00:37:12,320 Kahit kanino, sa pagkakaalam ko. 496 00:37:14,120 --> 00:37:17,800 Tingin ko, posibleng galit na galit siya sa nanay niya 497 00:37:17,880 --> 00:37:19,440 sa pag-alis ng tatay niya. 498 00:37:20,880 --> 00:37:23,720 At paulit-ulit niyang pinaparusahan ang ina niya 499 00:37:24,320 --> 00:37:27,200 sa katauhan ng mga babae na mapagmahal sa anak 500 00:37:27,880 --> 00:37:31,600 na di niya kailanman naranasan. 501 00:37:33,240 --> 00:37:34,720 Kaya ang sinasabi mo… 502 00:37:36,920 --> 00:37:38,760 ang nanay ko, iniisip niyang nanay niya? 503 00:37:39,920 --> 00:37:40,920 Posible. 504 00:37:42,040 --> 00:37:44,520 Baka ito rin ang dahilan kaya hinayaan kang mabuhay. 505 00:37:46,320 --> 00:37:47,480 Dahil ikaw siya. 506 00:37:49,720 --> 00:37:50,920 Naaalala niya ba? 507 00:37:53,320 --> 00:37:54,920 'Yong nangyari sa kanya? 508 00:37:56,800 --> 00:37:57,920 Sa tingin ko, oo. 509 00:37:58,440 --> 00:38:00,760 Pero kaunti lang ang childhood memory niya. 510 00:38:03,640 --> 00:38:08,080 Ang mga na-trauma at napabayaang bata, mahina ang memorya tungkol sa sarili, 511 00:38:08,160 --> 00:38:10,800 at mga pangyayaring naaalala ng iba, 512 00:38:10,880 --> 00:38:12,720 tulad ng kaarawan, 513 00:38:12,800 --> 00:38:13,840 Pasko, 514 00:38:14,360 --> 00:38:15,960 halos hindi nangyari. 515 00:38:17,040 --> 00:38:18,600 Kaya parang may kulang. 516 00:38:21,040 --> 00:38:22,840 Marami akong alaala 517 00:38:23,360 --> 00:38:25,200 bago at pagkatapos ng araw na 'yon. 518 00:38:26,520 --> 00:38:27,360 Kung gano'n, 519 00:38:28,160 --> 00:38:32,040 baka pinaramdam sa 'yo na ligtas ka at minamahal ka. 520 00:38:50,360 --> 00:38:51,320 Alex. 521 00:38:52,400 --> 00:38:53,480 Uy. 522 00:38:54,760 --> 00:38:55,600 Ano 'yan? 523 00:38:57,440 --> 00:38:59,920 Di ako sigurado kung ipapakita ko sa 'yo, 524 00:39:00,000 --> 00:39:01,800 pero para sa ating dalawa 'to. 525 00:39:02,400 --> 00:39:05,840 Galing sa di nagpakilala mula sa Crown Prosecution Service. 526 00:39:06,480 --> 00:39:08,680 Mukhang di sinabi ng pulis ang lahat. 527 00:39:10,680 --> 00:39:15,120 Ito 'yong kabuoang detalye ng bawat pagkakataong pinalampas nila. 528 00:39:15,200 --> 00:39:16,040 Maupo ka. 529 00:39:16,880 --> 00:39:19,360 Mga tsansang nakalusot para mapigilan 'yong killer 530 00:39:19,440 --> 00:39:22,960 bago kayo atakehin ng nanay mo at iba pang sandaang babae. 531 00:39:23,640 --> 00:39:26,120 Marami pang nangyari na di nabalita ng press. 532 00:39:26,200 --> 00:39:29,880 Halimbawa, noong 1989, tumawag sa pulis ang nanay niya 533 00:39:29,960 --> 00:39:33,440 at sinabing umamin si Bob na nang-rape pero di inimbestigahan. 534 00:39:34,600 --> 00:39:36,560 Isang taon pagkapatay niya sa mama mo, 535 00:39:36,640 --> 00:39:39,160 nahuli siya ng pulis sa garden ng isang babae, 536 00:39:39,240 --> 00:39:41,440 at hinatid lang siya sa apartment niya. 537 00:39:41,520 --> 00:39:44,800 Matapos ang tatlong buwan, pinatay niya si Jazmine at Samantha Bisset. 538 00:39:44,880 --> 00:39:47,880 Tuloy-tuloy lang, sunod-sunod na pagkakamali. 539 00:39:47,960 --> 00:39:49,960 Puro nasayang na pagkakataon— 540 00:39:50,040 --> 00:39:54,280 Ito na ba 'yong inaasam mo? Mapapayapa na ba nito ang isip mo? 541 00:39:54,360 --> 00:39:55,560 Hindi, Alex, kasi… 542 00:39:56,200 --> 00:39:58,280 Binigo nila tayo, kitang-kita dito. 543 00:39:58,360 --> 00:40:01,080 Responsable din sila at di lang 'yong killer. 544 00:40:01,160 --> 00:40:02,560 Baka nabigo rin siya. 545 00:40:03,720 --> 00:40:04,560 Ano? 546 00:40:05,360 --> 00:40:07,360 Di ko sinabi bakit ako pumunta sa London. 547 00:40:07,440 --> 00:40:10,080 -Nakipagkita ako sa naging doctor niya. -Doctor? 548 00:40:10,160 --> 00:40:12,640 Nakipagkita ka sa psychiatrist niya. Bakit? Alex… 549 00:40:12,720 --> 00:40:15,080 Marami ding pinagdaanan 'yong killer. 550 00:40:15,160 --> 00:40:18,120 -Di pa rin ito tama. -Mas malala pa sa nangyari— 551 00:40:18,200 --> 00:40:21,200 Wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya. Magkaiba kayo. 552 00:40:21,280 --> 00:40:22,440 Iyon nga ang punto. 553 00:40:23,320 --> 00:40:24,960 Mahirap pumili ng tama 554 00:40:25,040 --> 00:40:28,800 kapag wala kang kasama na nagmamalasakit sa 'yo. Meron ako no'n. 555 00:40:30,640 --> 00:40:33,440 May nanay ako, at sa lahat ng ito, nandiyan ka. 556 00:40:34,920 --> 00:40:38,240 Sinabi ko sa 'yo na di kita nirerespeto, at seryoso 'yon. 557 00:40:39,800 --> 00:40:41,200 Di na gano'n ngayon. 558 00:40:43,280 --> 00:40:46,040 Nirerespeto kita sa mga ginawa mo para sa akin. 559 00:40:47,280 --> 00:40:48,520 Niligtas mo ako. 560 00:40:50,560 --> 00:40:51,760 Hindi, Alex, ikaw… 561 00:40:53,280 --> 00:40:54,640 niligtas mo ako. 562 00:40:56,440 --> 00:40:58,360 Mag-focus na tayo sa meron tayo. 563 00:41:00,360 --> 00:41:01,880 Ganyan lang tayo makakausad. 564 00:41:10,440 --> 00:41:12,640 Magiging proud sa 'yo ang mama mo. 565 00:41:18,440 --> 00:41:19,600 Siguro… 566 00:41:20,800 --> 00:41:22,400 baka ganito ang gawin natin. 567 00:41:23,360 --> 00:41:24,360 Ginawa ang ano? 568 00:41:25,960 --> 00:41:29,400 Baka ganito natin gawing positibo ang negatibong bagay. 569 00:41:31,080 --> 00:41:31,920 Paano? 570 00:41:32,520 --> 00:41:35,800 Hindi ko pa alam, Alex, pero… 571 00:41:37,960 --> 00:41:40,840 kung ano man ito, hindi ko magagawa kung wala ka. 572 00:41:54,720 --> 00:41:57,880 Lagi nilang sinasabi na binuhay ako ng pumatay sa nanay ko, 573 00:41:58,560 --> 00:42:00,160 binigyan daw ako ng second chance. 574 00:42:01,840 --> 00:42:04,160 Pero di ako naniniwalang binuhay niya ako. 575 00:42:07,640 --> 00:42:08,920 Dahil sa pagmamahal iyon. 576 00:42:11,920 --> 00:42:13,800 Nakakatuwang makita, 'no? 577 00:42:13,880 --> 00:42:17,120 Sige, sakay ka lang diyan sa fire engine mo, okay? 578 00:42:18,200 --> 00:42:19,360 Ano 'yan? 579 00:42:20,320 --> 00:42:22,280 -Ano'ng hawak mo? -Ano'ng nasa likod? 580 00:42:22,920 --> 00:42:24,360 -Martilyo. -Martilyo? 581 00:42:25,840 --> 00:42:26,800 Oo. 582 00:42:29,960 --> 00:42:33,880 Halika na, Sam, bilisan na nating pumunta sa bandstand. 583 00:42:35,240 --> 00:42:37,520 Alis na kami. Bye! 584 00:42:41,080 --> 00:42:42,760 Nandito ako sa likod mo. 585 00:42:43,880 --> 00:42:48,040 -Parang wala ka diyan. -Mahal kita. 586 00:42:50,320 --> 00:42:53,920 GAMIT ANG DOSSIER NA NA-LEAK MULA SA LOOB NG CROWN PROSECUTION SERVICE, 587 00:42:54,000 --> 00:42:58,000 NAGSAMPA NG KASO SINA ANDRÉ AT ALEX LABAN SA METROPOLITAN POLICE. 588 00:42:58,600 --> 00:43:03,080 HUMANTONG ITO SA NAKAKABAHALANG ULAT NG INDEPENDENT POLICE COMPLAINTS COMMISSION. 589 00:43:03,160 --> 00:43:05,640 NAKATALANG '…MGA MALING DESISYON AT PAGKAKAMALI NG MPS. 590 00:43:05,720 --> 00:43:08,560 KUNG WALANG MGA PAGKAKAMALI, MALAMANG NAHULI SI ROBERT NAPPER 591 00:43:08,640 --> 00:43:10,760 BAGO PA NIYA MAPATAY SI RACHEL AT MGA BISSET, 592 00:43:10,840 --> 00:43:13,640 AT BAGO PA SIYA MAKAPANGMOLESTIYA NG MARAMING KABABAIHAN.' 593 00:43:14,240 --> 00:43:17,240 LUMABAS SA IMBESTIGASYON SA MPS ANG MGA MALALAKING KAPALPAKAN, 594 00:43:17,320 --> 00:43:21,080 PERO WALANG OPISYAL NA NAHARAP SA PORMAL NA PAGDIDISIPLINA. 595 00:43:21,680 --> 00:43:23,040 ANG DNA ENHANCEMENT TECHNIQUE 596 00:43:23,120 --> 00:43:26,200 NA GINAWA PARA SA MULING PAG-IMBESTIGA SA PAGPATAY KAY RACHEL NICKELL 597 00:43:26,280 --> 00:43:28,520 AY GINAMIT DIN SA PAGLUTAS NG IBANG KASO. 598 00:43:29,000 --> 00:43:32,600 SINA ANDRÉ AT ALEX AY NAKATIRA SA SPAIN AT NANATILING BUO ANG PANINIWALA 599 00:43:32,680 --> 00:43:35,440 SA KAPANGYARIHAN NG PANANALIG PAG-ASA, AT PAG-IBIG. 600 00:43:35,520 --> 00:43:39,240 NAGING MAS MALAPIT SILA SA ISA'T ISA HIGIT PA SA DATI. 601 00:44:01,760 --> 00:44:03,680 BASE SA MEMOIR NA "LETTING GO" NI ALEX HANSCOMBE 602 00:45:26,320 --> 00:45:28,720 Nagsalin ng Subtitle: Jewel T