1 00:00:07,799 --> 00:00:09,342 Sa isla ng Manhattan, 2 00:00:09,426 --> 00:00:12,554 may dalawang Detective Squad na nakalaan para sa mga homicide: 3 00:00:12,637 --> 00:00:14,764 ang Manhattan North at Manhattan South. 4 00:00:14,848 --> 00:00:18,143 Iniimbestigahan nila ang mga pinakabrutal at pinakamahirap na pagpatay. 5 00:00:18,226 --> 00:00:21,396 Ito ang mga kuwento nila. 6 00:00:43,501 --> 00:00:45,754 Biyernes ng gabi bago Memorial Day, 7 00:00:46,254 --> 00:00:50,341 nakatanggap kami ng tawag na may nawawala sa 115 Central Park West. 8 00:00:51,760 --> 00:00:53,636 Majestic ang tawag sa building. 9 00:00:54,262 --> 00:00:56,222 Napakagandang building. 10 00:00:56,723 --> 00:00:59,934 Kumpleto sa amenities 'yong Majestic. 11 00:01:00,435 --> 00:01:02,187 Mga doorman, concierge, 12 00:01:02,270 --> 00:01:06,900 lahat ng kailangan para mabuhoy do'n. 13 00:01:08,193 --> 00:01:09,819 Pinuntahan namin 'to. 14 00:01:09,903 --> 00:01:11,696 Sinalubong kami ni Mr. Abdela, 15 00:01:11,780 --> 00:01:14,949 na nagsabing di pa umuuwi 'yong anak niyang si Daphne Abdela. 16 00:01:15,450 --> 00:01:19,704 Kinausap ni Lee Furman 'yong tatay para malaman 'yong nangyari. 17 00:01:19,788 --> 00:01:22,290 Sabi ng doorman, "Di siya nawawala." 18 00:01:22,373 --> 00:01:25,752 "Nasa utility room siya sa likod ng lobby." 19 00:01:26,252 --> 00:01:28,755 Itinuro ng doorman kung nasaan 'to. 20 00:01:29,506 --> 00:01:31,841 Pagbukas ni Mr. Abdela ng pinto, 21 00:01:31,925 --> 00:01:35,053 may nakita kaming batang babae, batang lalaki, 22 00:01:35,136 --> 00:01:37,931 sa bathtub, sa tubig, hinuhugasan ang isa't isa. 23 00:01:38,640 --> 00:01:41,726 Ito si Daphne Abdela at ang nobyo niyang si Chris. 24 00:01:42,393 --> 00:01:45,939 Inisip ko, "Naghaharutan sila. Nasa bathtub sila." 25 00:01:47,357 --> 00:01:50,610 Nakakailang man 'yong eksenang 'yon, 26 00:01:51,444 --> 00:01:53,363 napansin niyang may dugo. 27 00:01:54,072 --> 00:01:56,616 Kaya tinanong ko 'yong tungkol sa dugo, sabi ni Daphne, 28 00:01:56,699 --> 00:01:58,743 "Nasugatan ako habang nagro-rollerblade." 29 00:01:58,827 --> 00:02:00,787 Kaunti lang 'yong dugo kaya di masasabing, 30 00:02:00,870 --> 00:02:02,914 "May nangyayari. May nangyari." 31 00:02:02,997 --> 00:02:04,374 Puwedeng natumba siya. 32 00:02:04,457 --> 00:02:07,627 Napansin kong may sugat din si Chris sa kilay. 33 00:02:07,710 --> 00:02:10,130 Pero, maliit din. Di malala. 34 00:02:11,005 --> 00:02:13,550 Masasabi kong galit siya na nando'n kami. 35 00:02:13,633 --> 00:02:16,177 Sinigawan niya'ng tatay niya, "Ba't ka tumawag ng pulis?" 36 00:02:16,261 --> 00:02:18,096 "Ayoko ng mga pulis. Ayoko sila." 37 00:02:18,805 --> 00:02:22,350 Tapos sumigaw si Daphne, "Lumabas kayo. Isara n'yo 'yong pinto." 38 00:02:25,854 --> 00:02:27,522 Sa puntong iyon, sabi ni Mr. Abdela, 39 00:02:27,605 --> 00:02:31,192 "Okay na ako. Maayos na ang lahat. Dadalhin ko sila sa taas." 40 00:02:31,276 --> 00:02:32,402 Kaya umalis na kami. 41 00:02:33,236 --> 00:02:36,239 Bago nakalayo si Lee Furman sa Majestic, 42 00:02:36,322 --> 00:02:38,032 may narinig siya sa radyo 43 00:02:38,616 --> 00:02:42,036 tungkol sa nag-report ng bangkay sa Central Park, 44 00:02:42,120 --> 00:02:44,122 at galing ito sa Majestic. 45 00:02:46,082 --> 00:02:49,252 Sumagot ako sa radyo, sabi ko, "Galing lang kami do'n. Pupunta kami." 46 00:02:50,044 --> 00:02:51,880 At bumalik kami sa Majestic. 47 00:02:52,589 --> 00:02:55,049 Si Daphne Abdela 'yong tumawag sa pulis. 48 00:02:57,260 --> 00:02:59,387 Pinapasok niya kami. 49 00:02:59,888 --> 00:03:04,809 Pumasok ako, at sabi niya, "May bangkay sa lawa." 50 00:03:04,893 --> 00:03:07,979 "Bangkay sa lawa. Talaga? Sigurado ba 'yon?" 51 00:03:10,315 --> 00:03:13,359 Napakasama ng krimen na 'to. 52 00:03:13,443 --> 00:03:15,028 Sobra. 53 00:03:16,446 --> 00:03:19,866 Sino'ng may gustong wasakin ang isang tao nang ganito? 54 00:03:19,949 --> 00:03:21,201 At bakit? 55 00:03:26,664 --> 00:03:30,043 Bahagi ng kaluluwa mo ang nawawala sa bawat kaso. 56 00:03:32,128 --> 00:03:36,049 Di mo magagawa ang trabahong 'to maliban kung may malasakit ka. 57 00:03:38,134 --> 00:03:40,178 Gusto mong malaman ang totoo. 58 00:03:41,471 --> 00:03:43,056 Ganiyan ang mga detective. 59 00:03:43,640 --> 00:03:46,017 Gusto kong inaalam ang likod ng mga pangyayari. 60 00:03:46,601 --> 00:03:47,852 Ano ba talaga'ng nangyari? 61 00:03:48,353 --> 00:03:52,023 Importanteng malaman ng pamilya kung sino'ng pumatay sa kamag-anak nila. 62 00:03:52,106 --> 00:03:53,149 'Yan ang trabaho ko. 63 00:03:53,733 --> 00:03:58,029 Sa New York City, ang NYPD… 64 00:04:00,990 --> 00:04:02,200 Ito na 'yon. 65 00:04:22,804 --> 00:04:28,476 Mahalaga ang Central Park sa gitna ng New York City. 66 00:04:29,852 --> 00:04:32,647 Di lang ito park na maiisip mo lang ay… 67 00:04:32,730 --> 00:04:34,399 'yong may magandang damuhan, 68 00:04:34,482 --> 00:04:37,777 siguro may ball field, at playground area. 69 00:04:39,320 --> 00:04:40,613 Higit pa 'to ro'n. 70 00:04:41,906 --> 00:04:44,200 Nakatira tayo sa kongkreto. 71 00:04:45,201 --> 00:04:47,120 Naglalakad tayo sa kongkreto. 72 00:04:47,620 --> 00:04:50,707 Nakatira tayo sa taas, malayo sa kalikasan. 73 00:04:51,708 --> 00:04:55,378 Kaya, higit pa sa bakuran ang Central Park, para sa taga-New York. 74 00:04:55,461 --> 00:04:56,713 Oasis 'to. 75 00:05:00,883 --> 00:05:04,137 Pero ang Central Park ay para sa lahat ng taga-New York. 76 00:05:04,220 --> 00:05:07,223 Di lang sa mabubuting tao, pati sa masasamang tao rin. 77 00:05:08,933 --> 00:05:12,353 Delikado ang Central Park noong '70s at '80s. 78 00:05:12,437 --> 00:05:14,814 Di ako pupunta do'n pag gabi. 79 00:05:14,897 --> 00:05:20,236 'Yan 'yong may 2,500 na homicides dito kada taon. 80 00:05:20,820 --> 00:05:22,989 Marami do'n nangyari sa Central Park. 81 00:05:24,240 --> 00:05:26,451 Sa huling bahagi ng 1990s, 82 00:05:27,118 --> 00:05:29,537 nagiging mas ligtas na 'yong city. 83 00:05:29,620 --> 00:05:33,833 Bawat indikasyon ng krimen, kaligtasan ng publiko, 84 00:05:33,916 --> 00:05:36,210 ay gumaganda na. 85 00:05:37,253 --> 00:05:40,965 Nang umayos 'yong city, 86 00:05:41,049 --> 00:05:43,468 naging maayos din 'yong Central Park. 87 00:05:43,551 --> 00:05:46,596 Pero, tuwing may krimen do'n, 88 00:05:46,679 --> 00:05:48,389 lahat kasali. 89 00:05:49,057 --> 00:05:51,934 May masalubsob sa Central Park, parang, 90 00:05:52,018 --> 00:05:55,688 "Diyos ko, dapat alamin ng lahat ano'ng nangyayari." 91 00:05:55,772 --> 00:05:59,400 Kaya pag may pinatay, malaking bagay 'to. 92 00:06:06,949 --> 00:06:09,911 Noong May 23, 1997, 93 00:06:09,994 --> 00:06:13,664 nagsisimula pa lang ako sa ikalimang taon bilang assistant DA. 94 00:06:14,165 --> 00:06:20,338 Sumasama ako no'n sa mas senior na homicide assistant, 95 00:06:20,421 --> 00:06:25,343 ibig sabihin sinasanay ako para mag-imbestiga at umusig ng homicides. 96 00:06:25,426 --> 00:06:28,304 At sa pagitan ng 3:00 a.m. at 4:00 a.m., 97 00:06:29,055 --> 00:06:33,559 naalala kong nagising ako sa tunog ng beeper. 98 00:06:34,185 --> 00:06:37,313 At dahil kakalipat ko lang sa inuupahan ko, 99 00:06:37,397 --> 00:06:39,315 wala pa akong telepono do'n. 100 00:06:40,566 --> 00:06:43,820 Kaya kailangan kong lumabas. 101 00:06:43,903 --> 00:06:47,156 Nakakita ako ng pay phone at tinawagan ko 'yong numero sa beeper. 102 00:06:47,657 --> 00:06:50,952 Sumagot 'yong sa kabilang linya, 103 00:06:51,035 --> 00:06:54,038 "May nangyayaring gulo sa Central Park." 104 00:06:54,122 --> 00:06:58,000 'Yon yata ang pinakamalaking understatement na narinig ko. 105 00:07:03,339 --> 00:07:04,549 Napakaaga no'n. 106 00:07:04,632 --> 00:07:07,176 Inabisuhan kami ng nightwatch dispatcher. 107 00:07:07,260 --> 00:07:10,221 Sabi niya, "May bangkay na lumulutang sa Central Park Lake." 108 00:07:11,055 --> 00:07:14,559 Commanding officer ako ng Manhattan Detective Nightwatch. 109 00:07:14,642 --> 00:07:17,186 Trabaho namin ang alamin 'yong crime scene 110 00:07:17,270 --> 00:07:21,065 tapos ipasa 'to sa nakatalagang detective sa kaso. 111 00:07:21,149 --> 00:07:22,442 Dumating ako sa crime scene 112 00:07:22,525 --> 00:07:26,946 na nasa kanlurang bahagi ng Central Park, katabi ng Strawberry Fields. 113 00:07:28,406 --> 00:07:33,119 May bakas ng dugo papunta sa gazebo mga 40 hanggang 50 talampakan. 114 00:07:33,202 --> 00:07:34,829 Sinundan namin 'yong bakas ng dugo. 115 00:07:34,912 --> 00:07:37,206 At naglakad ako papunta sa lawa. 116 00:07:37,290 --> 00:07:38,624 At do'n sa lawa 117 00:07:40,001 --> 00:07:43,921 may katawan ng tao na lumulutang nang nakatihaya. 118 00:07:46,340 --> 00:07:47,967 No'ng makita ko 'yong crime scene, 119 00:07:48,050 --> 00:07:54,056 di ko maiwasang makaramdam ng matinding pagkalito. 120 00:07:54,765 --> 00:07:58,478 Nasa gitna ng magandang park 'yong lawa. 121 00:07:58,561 --> 00:08:03,191 Pero isa sa pinakabrutal 122 00:08:05,109 --> 00:08:08,946 ang nakikita ko sa crime scene na 'to. 123 00:08:13,075 --> 00:08:18,414 Pumunta ako sa death scene para imbestigahan 'yong katawan do'n, 124 00:08:18,498 --> 00:08:20,416 sa kinalalagyan nito. 125 00:08:21,167 --> 00:08:24,212 Karamihan sa mga crime scene nasa iisang lugar lang. 126 00:08:24,795 --> 00:08:27,715 Sa kasong ito, may daan papunta sa park 127 00:08:27,798 --> 00:08:29,509 kung saan may mga patak ng dugo, 128 00:08:30,009 --> 00:08:33,804 sa may gazebo kung saan puno ng dugo, 129 00:08:34,514 --> 00:08:36,015 at 'yong katawan sa lawa. 130 00:08:37,141 --> 00:08:40,269 At tumingin ako sa gilid ng tubig, 131 00:08:40,353 --> 00:08:43,523 at lumulutang sa gitna ng mga tambo 132 00:08:44,815 --> 00:08:48,736 'yong maputlang lalaki, 133 00:08:49,612 --> 00:08:51,364 anumang natira sa kaniya. 134 00:08:52,532 --> 00:08:54,659 Lumapit ako nang kaunti 135 00:08:56,118 --> 00:08:59,956 at nakita kong wakwak 'yong tiyan niya, 136 00:09:00,039 --> 00:09:02,708 at lumulutang sa tubig 'yong bituka niya. 137 00:09:03,584 --> 00:09:08,422 Marami na akong nakitang bangkay sa pagtatrabaho ko sa NYPD. 138 00:09:09,090 --> 00:09:12,593 Ito lang ang katawang nakita ko na lumulutang 'yong bituka. 139 00:09:13,094 --> 00:09:14,428 Di ko 'to makalimutan. 140 00:09:15,471 --> 00:09:17,682 Nilaslas 'yong pulso niya. 141 00:09:18,266 --> 00:09:21,519 'Yong kanang kamay, nakabitin, halos matanggal na. 142 00:09:22,103 --> 00:09:26,524 'Yong napakaraming hiwa, mga saksak. 143 00:09:27,316 --> 00:09:28,693 Maiisip mong "overkill" 'to. 144 00:09:29,318 --> 00:09:33,698 Ibig sabihin ng overkill bugso ng damdamin, poot, galit. 145 00:09:35,283 --> 00:09:39,245 Bawat pagpatay ay kakila-kilabot, at bawat crime scene ng pagpatay 146 00:09:39,328 --> 00:09:44,417 ay nakakagalit, at emosyonal, at mahirap unawain. 147 00:09:44,959 --> 00:09:46,711 Pero may pagkakaiba. 148 00:09:46,794 --> 00:09:49,922 At 'yong mga pagpatay na ginamitan ng patalim 149 00:09:50,006 --> 00:09:53,426 ang pinakamalupit. 150 00:09:54,427 --> 00:09:56,137 Sa puntong 'to ng career ko, 151 00:09:56,220 --> 00:09:59,098 ito'ng pangalawang homicide crime scene na napuntahan ko. 152 00:09:59,181 --> 00:10:04,020 Ang malantad sa gano'n nang gano'n kabilis, 153 00:10:04,103 --> 00:10:07,982 para kang hinagis sa dagat nang di ka marunong lumangoy. 154 00:10:15,364 --> 00:10:19,577 Third-grade detective investigator ako sa Manhattan North Homicide Squad. 155 00:10:19,660 --> 00:10:22,204 At halos apat na taon na ako do'n. 156 00:10:23,331 --> 00:10:27,710 Biyernes, May 23, 1997, di ako naka-schedule sa day shift. 157 00:10:27,793 --> 00:10:32,506 Maaga akong pumasok para pumunta sa korte sa bayan. 158 00:10:32,590 --> 00:10:35,343 Dumating ako sa opisina ng mga alas-otso ng umaga. 159 00:10:35,426 --> 00:10:39,805 Tumingin sa 'kin 'yong tenyente at sinabing, "May pinatay sa park." 160 00:10:39,889 --> 00:10:42,975 "Tumawag ka, i-cancel mo 'yong kaso mo, at sumama ka sa amin." 161 00:10:44,268 --> 00:10:48,648 Sinabi sa akin na mula sa Manhattan North Homicide 162 00:10:48,731 --> 00:10:49,982 ang ia-assign. 163 00:10:50,691 --> 00:10:54,236 At dumating si Rob Mooney. 164 00:10:54,320 --> 00:10:56,906 No'ng magsalita na siya, 165 00:10:57,698 --> 00:10:59,241 alam ko na kung sino'ng in charge. 166 00:11:01,077 --> 00:11:04,413 6'5" 'tong lalaking 'to. 167 00:11:04,497 --> 00:11:06,916 Malaki 'yong ulo niya. 168 00:11:07,500 --> 00:11:13,756 Pang-'70s rock star 'yong buhok at bigote niya. 169 00:11:14,548 --> 00:11:18,594 Para siyang isa nawawalang miyembro ng The Allman Brothers Band. 170 00:11:19,470 --> 00:11:22,765 At lagi siyang may suot na Grateful Dead pin sa kuwelyo niya. 171 00:11:23,766 --> 00:11:26,018 Deadhead siya. Gusto niya 'yong Grateful Dead. 172 00:11:29,105 --> 00:11:32,858 Halos 300 beses ko na yatang nakita 'yong Grateful Dead sa buong buhay ko. 173 00:11:33,567 --> 00:11:38,739 Malaking advantage para sa 'kin 'yong pagkakaiba-iba sa komunidad na 'yon 174 00:11:38,823 --> 00:11:41,826 sa pagiging di mapanghusga sa mga tao. 175 00:11:42,368 --> 00:11:44,620 Di ka dapat humuhusga sa panlabas na anyo. 176 00:11:45,204 --> 00:11:47,456 At totoo 'yon sa kasong 'to. 177 00:11:52,044 --> 00:11:54,797 NATAGPUAN 'YONG BANGKAY 178 00:11:54,880 --> 00:11:58,926 DUMATING SI DET. MOONEY SA PINANGYARIHAN 179 00:12:03,305 --> 00:12:05,182 Walang pitaka 'yong biktima, 180 00:12:05,766 --> 00:12:09,019 pero may mga papeles kaming nakita. 181 00:12:09,562 --> 00:12:12,314 At may pangalan, Michael McMorrow. 182 00:12:13,566 --> 00:12:17,820 Nalaman namin na 44 na taong gulang si Michael. 183 00:12:17,903 --> 00:12:21,157 Nakatira siya sa Manhattan kasama ang nanay niya, 184 00:12:21,240 --> 00:12:25,077 at nagtrabaho siya sa isang real estate company. 185 00:12:25,161 --> 00:12:29,123 Misteryo ang malagim na pagpatay sa lalaki sa Central Park ng New York. 186 00:12:29,206 --> 00:12:32,752 Higit 50 beses na nilaslas si McMorrow, nilaslas 'yong lalamunan niya. 187 00:12:32,835 --> 00:12:37,214 Maririnig mo 'yong dagundong ng media, 188 00:12:37,298 --> 00:12:38,799 dahil sa New York City, 189 00:12:38,883 --> 00:12:41,677 binibigyang halaga lahat ng nangyayari sa Central Park. 190 00:12:47,349 --> 00:12:51,896 Nang makita ko 'yong laki ng biktima, higit anim na talampakan siya. 191 00:12:51,979 --> 00:12:54,523 Mukhang higit siya sa 200 pounds. 192 00:12:54,607 --> 00:12:59,528 Kaya para magawa ng isang tao na luray-lurayin, 193 00:13:00,404 --> 00:13:02,072 putol-putulin ang tao nang gano'n, 194 00:13:02,948 --> 00:13:05,826 may di pa tayo alam. Di ko talaga maintindihan. 195 00:13:06,660 --> 00:13:08,662 'Yong kondisyon ng katawan ng biktima 196 00:13:08,746 --> 00:13:12,041 at tindi ng karahasan na nagdulot ng mga pinsalang 'to, 197 00:13:12,625 --> 00:13:15,628 malinaw na indikasyon na di ito basta karahasan lang. 198 00:13:16,212 --> 00:13:19,965 Di 'to nakawan na naging marahas. 199 00:13:20,049 --> 00:13:25,012 Kaya 'yong misteryo ang magiging mekanismo ng nangyari. 200 00:13:28,808 --> 00:13:31,268 DUMATING SI DET. MOONEY SA PINANGYARIHAN 201 00:13:31,936 --> 00:13:35,940 BUMALIK SI OFFICER FURMAN SA MAJESTIC 202 00:13:36,023 --> 00:13:37,858 Nasa loob ako ng apartment. 203 00:13:37,942 --> 00:13:39,819 Alas-dos na ng madaling araw. 204 00:13:40,319 --> 00:13:43,948 Pagkaalis ni Chris, tinawagan kami ni Daphne. 205 00:13:44,031 --> 00:13:46,283 At sabi niya, "Natakot ako kay Chris." 206 00:13:46,367 --> 00:13:48,828 "Ayokong magsalita habang nandito siya." 207 00:13:49,620 --> 00:13:52,498 Sabi ni Daphne, kasama niya sa park 'yong nobyo niyang si Chris. 208 00:13:52,581 --> 00:13:54,667 Magkasama sila, naglakad-lakad, 209 00:13:54,750 --> 00:13:58,337 tapos bigla na lang nabaliw si Chris. May pinatay siyang lalaki. 210 00:13:58,838 --> 00:14:02,883 Habang nagsasalita si Daphne, umalis lang si Mr. Abdela na parang… 211 00:14:02,967 --> 00:14:05,886 Nakatingin ako sa kaniya. Umalis siya. Inisip ko, "Anak mo 'to." 212 00:14:05,970 --> 00:14:09,139 "Wala kang sinasabi. Di mo siya pinipigilang sabihin 'to." 213 00:14:09,223 --> 00:14:11,642 Muli, baka sanay na lang siya sa ganito. 214 00:14:12,476 --> 00:14:15,187 Kaya sa isip ko, "Niloloko niya ako." 215 00:14:15,271 --> 00:14:17,523 "15 years old ka. Bata ka pa." 216 00:14:18,023 --> 00:14:21,485 Baka nasangkot siya sa gulo, kaya gusto niyang mamroblema 'yong tatay niya. 217 00:14:22,528 --> 00:14:25,990 Di ko siya tinatanong. Sinasabi lang niya 'tong impormasyong 'to. 218 00:14:27,616 --> 00:14:30,286 Tapos sabi niya, "Sinubukan ko siyang i-CPR." 219 00:14:30,369 --> 00:14:33,455 Na sinubukan niyang tumulong imbes na maging bahagi ng krimen. 220 00:14:33,539 --> 00:14:36,250 Sinasabi niya, "Ginawa 'to ni Chris. Ginawa 'yon ni Chris." 221 00:14:36,333 --> 00:14:38,335 Walang "ako," walang "ginawa ko." 222 00:14:39,336 --> 00:14:43,632 Hanggang sa, habang sinusubukang itapon ni Chris 'yong bangkay, 223 00:14:44,216 --> 00:14:47,428 sinabi niya, "Chris, hiwain mo 'yong tiyan niya tapos lunurin mo." 224 00:14:47,928 --> 00:14:49,305 "Subukan mong itago." 225 00:14:50,264 --> 00:14:53,058 Gulat ka dapat pag napunta ka sa gano'ng sitwasyon. 226 00:14:53,642 --> 00:14:57,271 Pero normal lang 'yong kilos niya, sobrang kalmado. 227 00:14:58,606 --> 00:15:02,776 May mga pulis mula Central Park precinct na pinapunta si Lee Furman 228 00:15:02,860 --> 00:15:08,782 sa park, na nakatuklas ng bangkay na lumulutang sa lawa. 229 00:15:10,743 --> 00:15:14,288 Binago nito 'yong nangyayari sa apartment. 230 00:15:14,371 --> 00:15:15,831 NATAGPUAN ANG BANGKAY 231 00:15:15,915 --> 00:15:18,292 BUMALIK SI OFFICER FURMAN SA MAJESTIC 232 00:15:27,551 --> 00:15:31,722 Nang rumesponde si Lee Furman sa tawag sa 911 sa apartment ni Daphne, 233 00:15:31,805 --> 00:15:36,518 malinaw na may dahilan para maniwalang sangkot si Christopher dito. 234 00:15:37,519 --> 00:15:41,106 Kaya no'ng umagang 'yon, dahil sa impormasyong 'yon, 235 00:15:41,190 --> 00:15:43,692 pinuntahan ng mga detective si Christopher Vasquez, 236 00:15:43,776 --> 00:15:49,323 at inaresto siya sa pagpatay kay Michael McMorrow. 237 00:15:50,282 --> 00:15:52,368 Kailangan niyang pumunta sa central booking. 238 00:15:52,451 --> 00:15:55,496 At sabi ng tenyente no'n sa 'kin, 239 00:15:56,205 --> 00:15:59,249 "Ayusin mo 'yong kurbata mo. Ihahatid mo siya sa kotse." 240 00:16:00,042 --> 00:16:02,461 Noong una kong tingnan si Chris Vasquez, 241 00:16:02,544 --> 00:16:07,675 medyo nagulat ako, kasi para lang siyang batang paslit. 242 00:16:07,758 --> 00:16:10,886 Alam kong 15 siya, pero mukha siyang 12. 243 00:16:11,512 --> 00:16:15,975 Malinaw na may sugat siya sa gilid ng mukha niya at sa kamay. 244 00:16:16,475 --> 00:16:21,605 Sa nakita ko, lalo akong napaisip 245 00:16:21,689 --> 00:16:24,066 kung paano talaga 'to nangyari, 246 00:16:24,149 --> 00:16:30,864 kasi para sa 'kin, parang di lang siya 'yong nag-iisang responsable 247 00:16:30,948 --> 00:16:33,409 sa lahat ng kaguluhang nangyari sa eksenang ito. 248 00:16:33,909 --> 00:16:38,038 Ang di namin alam ay kung ano'ng meron kay Daphne. 249 00:16:38,122 --> 00:16:44,086 Nagpresenta siya bilang witness. 250 00:16:44,169 --> 00:16:49,633 Pero di sasabihin ng karamihan sa mga witness sa mararahas na krimen 251 00:16:49,717 --> 00:16:53,971 na iminungkahi nilang magandang ideya na hiwain 'yong biktima 252 00:16:54,054 --> 00:16:55,848 para lumubog 'yong bangkay sa lawa. 253 00:16:56,348 --> 00:16:59,768 Kaya inaresto si Daphne Abdela 254 00:16:59,852 --> 00:17:02,521 no'ng 12:30 ng hapon noong May 23. 255 00:17:03,564 --> 00:17:07,151 Pumunta kami para humingi ng pahayag mula sa kaniya. 256 00:17:07,234 --> 00:17:08,610 Gusto namin siyang makausap, 257 00:17:08,694 --> 00:17:11,822 at 'yong tatay, sa ngalan ni Daphne, 258 00:17:12,740 --> 00:17:15,200 tumanggi siyang makipag-usap sa 'min. 259 00:17:16,660 --> 00:17:20,748 Noong una kong nakita si Daphne Abdela, bata siya. 260 00:17:20,831 --> 00:17:21,915 Maliit siya. 261 00:17:22,958 --> 00:17:28,255 Sa utak ko, nahihirapan akong ikonekta 'yong taong 'to sa krimeng ito. 262 00:17:33,969 --> 00:17:36,263 Sinabihan kaming pareho silang humingi ng abogado. 263 00:17:36,346 --> 00:17:40,017 Kaya walang pagkakataon para ma-interrogate namin sila. 264 00:17:40,100 --> 00:17:41,435 Malaking kawalan 'yon. 265 00:17:41,518 --> 00:17:45,689 Pag di ka nakakuha ng gano'ng pagkakataon, problema 'yon. 266 00:17:46,356 --> 00:17:49,193 May dalawa tayong 15-year-old at si Michael, 267 00:17:49,276 --> 00:17:51,862 na 30 taong mas matanda sa kanila. 268 00:17:52,613 --> 00:17:55,824 Paano nagkasama ang mga taong 'to? 269 00:17:55,908 --> 00:17:58,535 Pa'no 'to naging murder? 270 00:18:02,081 --> 00:18:05,292 Tiningnan ng mga detective 'yong pamilya ni Daphne 271 00:18:05,375 --> 00:18:09,463 at nalamang mayamang negosyante 'yong tatay niya, 272 00:18:09,546 --> 00:18:11,507 at French model 'yong nanay niya. 273 00:18:12,007 --> 00:18:14,051 Inampon nila siya no'ng sanggol pa siya. 274 00:18:14,134 --> 00:18:17,262 At namuhay siya nang masagana. 275 00:18:17,846 --> 00:18:19,431 Nasa kaniya na ang lahat. 276 00:18:21,100 --> 00:18:25,270 No'ng late '80s, dinadala ng mga nanay 'yong mga anak nila sa park. 277 00:18:25,354 --> 00:18:27,481 Maglalaro kami sa Strawberry Fields. 278 00:18:27,981 --> 00:18:30,109 Tapos fast-forward ng 13 taon. 279 00:18:30,192 --> 00:18:34,822 At isang araw nabalitaan naming may inaresto sa pagpatay. 280 00:18:34,905 --> 00:18:37,491 At ito'y isang babaeng nagngangalang Daphne. 281 00:18:38,575 --> 00:18:40,369 Habang inaalam namin 'to, 282 00:18:40,452 --> 00:18:44,206 na-realize ng mga kaibigan namin na 'yong batang nagngangalang Daphne, 283 00:18:44,289 --> 00:18:48,502 isa siya sa mga batang nakikipaglaro halos tuwing hapon sa mga anak namin. 284 00:18:49,378 --> 00:18:53,006 Nang marinig ko 'yong tungkol sa pagpatay, nahumaling ako do'n. 285 00:18:53,090 --> 00:18:54,967 Lagi ko 'tong iniisip. 286 00:18:55,050 --> 00:18:58,095 No'n ako nag-propose na gumawa ng libro tungkol dito. 287 00:18:58,971 --> 00:19:02,808 Sa pagsulat nito, gusto kong makausap lahat 288 00:19:02,891 --> 00:19:05,185 ng nakakakilala kay Daphne, at kay Christopher. 289 00:19:05,978 --> 00:19:09,273 Sa Columbia Grammar nagsimulang mag-aral si Daphne. 290 00:19:09,356 --> 00:19:11,775 No'ng una, nag-fit in siya, 291 00:19:12,359 --> 00:19:16,613 pero paglipas ng mga taon, mas naging palaaway siya. 292 00:19:16,697 --> 00:19:20,993 At sa huli, no'ng grade eight, pinaalis siya sa Columbia Grammar, 293 00:19:21,535 --> 00:19:24,705 na di karaniwan para sa isang private school sa city. 294 00:19:24,788 --> 00:19:28,292 Nasangkot sa maraming self-destructive behavior si Daphne, 295 00:19:28,375 --> 00:19:31,086 gaya ng alak at droga. 296 00:19:31,170 --> 00:19:35,048 At binayaran ng pamilya niya 'yong pagpasok niya sa mahal na rehab, 297 00:19:35,132 --> 00:19:37,384 dalawang beses yata 'yon bago 'to nangyari. 298 00:19:37,467 --> 00:19:40,137 Nagsimula ng high school si Daphne sa Loyola 299 00:19:40,220 --> 00:19:43,223 matapos siyang paalisin sa Columbia Grammar. 300 00:19:43,307 --> 00:19:46,560 Malakas siya. Matapang siya. Mayabang siya. 301 00:19:46,643 --> 00:19:48,937 Lumala nang lumala 'yong ugali niya. 302 00:19:49,021 --> 00:19:54,943 Ayaw niyang sumunod sa anumang patakaran, curfew, o disenteng pag-uugali. 303 00:19:57,738 --> 00:20:01,283 Isa pang suspek sa pagpatay ang 15-year-old na si Christopher Vasquez. 304 00:20:01,366 --> 00:20:04,453 Inilarawan siya bilang dating sakristan at Boy Scout 305 00:20:04,536 --> 00:20:07,456 na lumaki sa Spanish Harlem sa isang limang palapag na building. 306 00:20:07,539 --> 00:20:10,876 Nalaman kong mula sa mabuting pamilya si Chris Vasquez. 307 00:20:11,501 --> 00:20:13,128 Sakristan siya. 308 00:20:13,212 --> 00:20:16,173 Nakatira siya sa tabi ng simbahan sa 97th Street. 309 00:20:16,256 --> 00:20:19,343 Mabait siyang bata, matulungin, masunurin. 310 00:20:20,135 --> 00:20:22,304 Nakatira siya sa East Harlem. 311 00:20:22,804 --> 00:20:23,847 Simple lang. 312 00:20:23,931 --> 00:20:26,225 Napakabait na bata, maayos manamit. 313 00:20:26,850 --> 00:20:28,894 Di siya tumatambay. Di siya nanggugulo. 314 00:20:28,977 --> 00:20:31,313 Malungkot lahat dahil dito. Di kami makapaniwala. 315 00:20:32,022 --> 00:20:34,316 Hiwalay ang mga magulang ni Christopher. 316 00:20:35,442 --> 00:20:37,611 Nanay niya'ng nagpapalaki sa kaniya. 317 00:20:38,237 --> 00:20:41,073 At ipinasok siya sa private school, na may kamahalan. 318 00:20:41,573 --> 00:20:46,119 Kaya pinaghirapan ng mga magulang niya na mabigyan siya ng magandang buhay. 319 00:20:46,787 --> 00:20:50,582 Mabait siyang bata, pero napaka-introverted niya 320 00:20:50,666 --> 00:20:54,962 at madalas inaasar siya sa school dahil sa liit niya 321 00:20:55,045 --> 00:20:57,381 at dahil sa pagiging introvert niya. 322 00:20:57,464 --> 00:20:59,675 Laging inaasar ng mga bata si Chris. 323 00:20:59,758 --> 00:21:03,679 Tinawag siyang "damo," slang para sa talunan, sa lampa. 324 00:21:03,762 --> 00:21:05,973 -Ewan ko ba't niya ginawa 'yon. -Kasi damo siya. 325 00:21:06,056 --> 00:21:07,307 Damo talaga siya. 326 00:21:08,267 --> 00:21:11,478 Parehong mahusay mag-rollerblade sina Christopher at Daphne. 327 00:21:11,561 --> 00:21:15,357 Pumupunta sila sa park tuwing hapon. Doon sila nagkikita. 328 00:21:15,440 --> 00:21:18,652 Parehong walang kaibigan sina Daphne at Christopher. 329 00:21:18,735 --> 00:21:21,238 Si Daphne dahil nakakainis siya, 330 00:21:21,321 --> 00:21:23,865 at si Christopher dahil mahiyain siya. 331 00:21:24,908 --> 00:21:28,078 No'ng nagkakilala sila, medyo naging magkasundo sila, 332 00:21:28,161 --> 00:21:29,705 at lagi na silang magkasama no'n. 333 00:21:29,788 --> 00:21:33,709 Dalawa o tatlong buwan silang lumalabas bago 'yong pagpatay. 334 00:21:34,501 --> 00:21:38,505 Dalawang 15-taong-gulang na mula sa mga private school, 335 00:21:39,006 --> 00:21:42,801 kaya grabe 'yong coverage dito. 336 00:21:42,884 --> 00:21:46,221 Isang nakakagulat na krimen kung saan inaresto ang dalawang teenager… 337 00:21:46,305 --> 00:21:49,224 …para sa pagsaksak sa isang ahente at pagtapon sa bangkay nito. 338 00:21:49,308 --> 00:21:51,435 Isa sa kanila ay anak ng milyonaryo. 339 00:21:53,645 --> 00:21:56,732 Nang malaman ko 'yong nangyari sa tito ko, 340 00:21:56,815 --> 00:21:58,859 nabigla ako. 341 00:22:00,068 --> 00:22:03,113 Lalo na, para sa 'min ng kapatid ko, 342 00:22:03,196 --> 00:22:07,034 madalas namin siyang kasama sa Central Park. 343 00:22:07,117 --> 00:22:09,494 Espesyal na lugar 'yon para sa 'ming lahat. 344 00:22:09,578 --> 00:22:11,538 Alam naming espesyal 'yon para sa kaniya, 345 00:22:11,621 --> 00:22:15,959 kaya 'yong malagim siyang mawalan ng buhay 346 00:22:16,752 --> 00:22:20,756 sa lugar na napakaespesyal, napakasakit nito. 347 00:22:22,132 --> 00:22:26,011 Ang hirap makita 'yong nanay ko 348 00:22:26,511 --> 00:22:28,347 at 'yong pagdadalamhati niya. 349 00:22:28,430 --> 00:22:30,432 At dahil magkasama sila sa bahay, 350 00:22:30,515 --> 00:22:33,852 tingin ko higit sa kahit kanino 'yong lungkot na nararamdaman niya, 351 00:22:33,935 --> 00:22:38,398 at palagay ko iniisip pa rin niyang dapat naprotektahan niya 'to. 352 00:22:40,817 --> 00:22:44,863 Lumaki kami sa West Side ng Manhattan, isang block mula sa Central Park. 353 00:22:45,614 --> 00:22:47,324 Madaling magustuhan si Michael. 354 00:22:47,407 --> 00:22:50,118 Nakipagkaibigan siya at marami siyang naging kaibigan. 355 00:22:51,870 --> 00:22:55,332 Di ko siya tinawag na "Michael" o "Mike." 356 00:22:55,415 --> 00:22:59,169 "Irish" ang tawag ko sa kaniya. 'Yan ang palayaw niya sa neighborhood. 357 00:22:59,753 --> 00:23:01,088 Madali siyang patawanin. 358 00:23:01,171 --> 00:23:04,257 'Yan ang una mong makikita kay Irish, 359 00:23:04,341 --> 00:23:07,844 madalas siyang tumatawa, nagbibiro. 360 00:23:07,928 --> 00:23:09,596 Karaniwang lalaki lang siya. 361 00:23:10,722 --> 00:23:11,807 Karaniwang lalaki lang. 362 00:23:12,307 --> 00:23:18,021 Bakit may gustong wasakin siya nang ganito? 363 00:23:19,231 --> 00:23:20,482 'Yon ang misteryo. 364 00:23:23,110 --> 00:23:25,862 Sabi ng mga teenager na akusado sa pananaksak sa Central Park 365 00:23:25,946 --> 00:23:28,615 ng isang real estate agent ng Manhattan, inosente sila. 366 00:23:28,698 --> 00:23:30,200 Si Christopher Vasquez 367 00:23:30,283 --> 00:23:33,662 at ang 15-year-old niyang nobya ay haharap sa arraignment mamaya. 368 00:23:41,086 --> 00:23:44,840 Di pa katapusan ng kuwento 'yong pag-aresto. Simula pa lang 'to. 369 00:23:44,923 --> 00:23:47,050 Medyo nakakalito 'yong sitwasyon. 370 00:23:47,134 --> 00:23:50,637 Pakiramdam namin di namin alam kung ano talagang nangyari sa puntong 'to. 371 00:23:51,221 --> 00:23:54,891 Kinasuhan ang defendant ng 125.25. 372 00:23:56,059 --> 00:23:57,060 First degree. 373 00:23:57,561 --> 00:23:59,896 Ang defendant na 'to, kasama si Chris, 374 00:23:59,980 --> 00:24:01,815 'yong co-defendant ang tinutukoy, 375 00:24:01,898 --> 00:24:05,485 sinubukan niyang itago 'yong pagkakakilanlan ng biktima. 376 00:24:06,069 --> 00:24:09,614 Ang 15-year-old na si Daphne Abdela at nobyo niyang si Christopher Vasquez, 377 00:24:09,698 --> 00:24:12,242 ay nagbigay ng "not guilty" plea sa arraignment kahapon. 378 00:24:13,994 --> 00:24:17,539 Sa ilalim ng batas ng New York State, sa sandaling ma-arraign ang isang tao, 379 00:24:17,622 --> 00:24:23,962 may 144 na oras ka para magsampa ng indictment. 380 00:24:24,045 --> 00:24:27,883 Kung di ka maghahain ng indictment sa loob ng palugit na 'yon, 381 00:24:27,966 --> 00:24:32,137 dapat palayain 'yong mga defendant sa kustodiya. 382 00:24:32,721 --> 00:24:37,017 Kaya kailangan naming masuri nang mabilis kung may sapat kaming ebidensiya 383 00:24:37,100 --> 00:24:42,522 para magkaro'n ng reasonable cause na magdadala sa amin sa indictment. 384 00:24:43,732 --> 00:24:45,192 Ngayon, umandar na 'yong orasan. 385 00:24:51,323 --> 00:24:55,035 Naging malawakang imbestigasyon 'to. 386 00:24:55,577 --> 00:24:58,288 Nangailangan 'to ng maraming crime scene team 387 00:24:58,371 --> 00:25:01,833 para mangolekta ng ebidensiya sa bawat lokasyon. 388 00:25:01,917 --> 00:25:07,339 Tapos may grupo ng mga detective na nag-interview sa pamilya, mga witness. 389 00:25:07,422 --> 00:25:11,384 Hinihintay nila 'yong ebidensiya. Ganiyan binubuo 'yong kaso. 390 00:25:12,802 --> 00:25:16,389 Dahil sa naobserbahan ni Lee Furman sa apartment ni Daphne, 391 00:25:16,973 --> 00:25:19,059 may ebidensiyang kailangang kolektahin. 392 00:25:19,643 --> 00:25:22,646 'Yong dugo sa damit, dugo sa Rollerblade niya, 393 00:25:22,729 --> 00:25:25,273 at may dugo sa relong suot niya. 394 00:25:25,899 --> 00:25:29,194 Di biro 'yong pagkalap ng ebidensiya ng NYPD. 395 00:25:29,694 --> 00:25:33,031 Di lang ito litrato ng dugo sa bathtub. 396 00:25:33,114 --> 00:25:34,908 Kinukuha nila 'yong buong bathtub, 397 00:25:36,535 --> 00:25:39,746 dahil may dugo 'to ng mga salarin, 398 00:25:39,829 --> 00:25:41,498 puwedeng may dugo ng mga biktima. 399 00:25:41,581 --> 00:25:43,542 Hinalughog namin 'yong kuwarto ni Daphne. 400 00:25:43,625 --> 00:25:44,626 Sa isa sa mga drawer, 401 00:25:44,709 --> 00:25:47,963 nakita ko 'yong pitaka ni Michael McMorrow na may ID at pera. 402 00:25:48,505 --> 00:25:52,259 Isa pang ebidensiya 'yon na patunay na kasama niya si Michael, 403 00:25:52,342 --> 00:25:53,802 at si Chris sa pinangyarihan. 404 00:25:55,095 --> 00:25:58,348 Ang problema, nakakakilabot man 'yong crime scene, 405 00:25:58,431 --> 00:26:02,310 di krimen ang pagiging naroon habang ginagawa 'yong krimen. 406 00:26:03,311 --> 00:26:06,481 Kung sa moral at etikal na usapan, maaaring di 'to maipagtatanggol, 407 00:26:06,565 --> 00:26:07,691 pero di 'to krimen. 408 00:26:07,774 --> 00:26:10,986 Kailangan mong patunayan 'yong mga elemento ng krimen 409 00:26:11,069 --> 00:26:13,154 nang walang pagdududa, bawat elemento. 410 00:26:14,114 --> 00:26:17,409 Nalaman namin mula sa pamilya ni Michael McMorrow 411 00:26:17,909 --> 00:26:21,246 'yong tungkol sa ugali niya 412 00:26:21,329 --> 00:26:24,374 at ilan sa mga taong nakakasama niya sa park. 413 00:26:24,457 --> 00:26:27,377 May isang grupo ng mga kakilala si Michael sa park. 414 00:26:27,460 --> 00:26:32,048 Pagkatapos ng trabaho, pupunta siya doon na may dalang beer. 415 00:26:32,674 --> 00:26:35,093 May mga kainuman siya. 416 00:26:36,094 --> 00:26:38,138 May problema si Michael sa alak. 417 00:26:38,638 --> 00:26:43,018 Karaniwang lalaki lang siya na may karaniwang problema. 418 00:26:43,101 --> 00:26:44,978 Sinusubukang magbago ni Irish. 419 00:26:45,854 --> 00:26:47,397 Pumupunta siya sa AA. 420 00:26:48,148 --> 00:26:53,528 Sa Y sa Central Park West pumupunta si Irish, 421 00:26:54,195 --> 00:26:56,156 at doon niya nakilala si Daphne. 422 00:27:00,744 --> 00:27:03,622 Umuusad na 'yong imbestigasyon. 423 00:27:03,705 --> 00:27:05,749 May mga taong ini-interview 424 00:27:05,832 --> 00:27:09,294 na natuklasan naming nando'n bago 'yong pagpatay sa park. 425 00:27:10,170 --> 00:27:13,465 Nalaman namin, sa araw ng pagpatay kay Michael McMorrow, 426 00:27:13,548 --> 00:27:18,011 nagkasundo sina Daphne at Chris na maging mag-boyfriend na sila. 427 00:27:19,554 --> 00:27:24,476 Nag-rollerblading sila, at may mga gulong kinasangkutan si Daphne. 428 00:27:25,393 --> 00:27:27,937 Nakikipag-away siya sa mas matatandang lalaki sa park. 429 00:27:28,021 --> 00:27:29,814 Kung ano-anong ginagawa niya. 430 00:27:29,898 --> 00:27:33,526 At diumano'y sinabihan niya 'yong isa, "May papatayin ako ngayong gabi." 431 00:27:35,403 --> 00:27:40,033 Bago 'yong pagpatay, nag-inuman sina Daphne at Chris, 432 00:27:40,116 --> 00:27:43,620 tapos nakasalubong nila 'yong isang grupo sa Strawberry Fields, 433 00:27:43,703 --> 00:27:45,497 kasama do'n si Michael McMorrow. 434 00:27:47,582 --> 00:27:51,294 Ngayon, si Chris 'yong masunurin. Sumusunod lang siya. 435 00:27:51,378 --> 00:27:56,966 Masasabi nating mas "bihasa" si Daphne, na kaedad niya. 436 00:27:57,467 --> 00:28:00,095 Siya 'yong genie sa bote. 437 00:28:00,178 --> 00:28:03,848 Nang makita ni Christopher 'yong bote, at buksan 'to, 438 00:28:03,932 --> 00:28:07,602 at lumabas siya, kinontrol na niya lahat kay Chris. 439 00:28:12,148 --> 00:28:15,068 Sa paghahalughog sa apartment ni Chris Vasquez, 440 00:28:15,151 --> 00:28:19,364 may dugo sa damit niya, at may nakuhang kutsilyo. 441 00:28:20,573 --> 00:28:23,076 Di pa namin alam kung 'yon nga 'yong kutsilyo o hindi. 442 00:28:23,868 --> 00:28:26,579 Kaya nagsagawa kami ng DNA test. 443 00:28:35,964 --> 00:28:39,259 Dinala si Mr. McMorrow para sa autopsy. 444 00:28:40,677 --> 00:28:45,223 'Yong alcohol level niya sa dugo ay .31 sa autopsy, 445 00:28:45,306 --> 00:28:48,476 na higit sa tatlong beses ng legal na limit. 446 00:28:49,936 --> 00:28:52,105 Wala ba siya sa sarili niya? 447 00:28:52,188 --> 00:28:53,815 Malamang, oo. 448 00:28:53,898 --> 00:28:58,528 Pero nakapaglakad siya mula sa Strawberry Fields 449 00:28:58,611 --> 00:29:01,823 papunta sa lawa nang mag-isa. 450 00:29:02,782 --> 00:29:05,785 Kaya inaalam namin ang nangyari. 451 00:29:06,369 --> 00:29:08,872 May pasa sa likod ng binti niya. 452 00:29:08,955 --> 00:29:10,832 Pasa na gawa ng isang bagay. 453 00:29:11,624 --> 00:29:13,501 Makikita sa pagkawasak ng mukha niya 454 00:29:14,544 --> 00:29:19,674 na isa 'tong napakapersonal, at may matinding galit na pag-atake. 455 00:29:21,050 --> 00:29:27,223 Sa isang bahagi ng dibdib niya may walo, siyam, o sampung saksak, 456 00:29:27,807 --> 00:29:31,686 na magkakasama, na nagpapahiwatig na di siya gumalaw. 457 00:29:32,604 --> 00:29:35,857 Ngayon, makikita mo 'yong lalaking nakatayo 458 00:29:36,900 --> 00:29:42,280 at sinasaksak 'yong mukha at kamay niya habang lumalaban para sa buhay niya. 459 00:29:42,363 --> 00:29:44,949 Tapos natumba siya. 460 00:29:45,033 --> 00:29:50,580 Ngayon, nasa ibabaw na niya 'yong umatake sa kaniya at pinagsasaksak siya. 461 00:29:50,663 --> 00:29:54,584 Sinaksak siya nang maraming beses, paulit-ulit, at paulit-ulit. 462 00:29:58,004 --> 00:30:00,840 Ang pinakamalaking tanong, sa palagay ko, 463 00:30:00,924 --> 00:30:04,093 tungkol sa kung ano talagang nangyari… 464 00:30:04,177 --> 00:30:05,261 Malaking tao 'to. 465 00:30:05,345 --> 00:30:09,349 Pa'no siya bumagsak sa lupa, sa kabila ng kalasingan niya, 466 00:30:09,849 --> 00:30:15,522 na nagawa ng payat na si Chris Vasquez 'yong gano'ng pinsala? 467 00:30:15,605 --> 00:30:18,983 At ang sagot, di 'to ginawa ni Chris nang mag-isa. 468 00:30:19,734 --> 00:30:21,653 'Yon ang ipinapalagay. 469 00:30:30,203 --> 00:30:34,249 Nang malaman ko 'yong ginawa nila sa katawan, nagalit ako. 470 00:30:34,332 --> 00:30:37,752 Wala akong pakialam kung 15 sila. Dapat may hustisya rito. 471 00:30:39,587 --> 00:30:41,840 'Yong kapatid ko, 15 years old. 472 00:30:41,923 --> 00:30:43,633 Ako, 17 years old. 473 00:30:44,217 --> 00:30:49,013 Di namin maisip kung pa'no nagawa ng kaedad namin 'yong ganito. 474 00:30:50,974 --> 00:30:54,352 Mananatiling nakakulong si Daphne hanggang Miyerkules. 475 00:30:54,435 --> 00:30:56,437 Kung kailan nakatakda ang isang court date. 476 00:30:56,521 --> 00:30:59,774 Sa oras na 'yon, dapat may aksiyon 'yong grand jury, 477 00:30:59,858 --> 00:31:01,526 o makakalaya ang 15 taong gulang. 478 00:31:06,072 --> 00:31:08,032 Lumabas 'yong resulta ng DNA analysis. 479 00:31:08,867 --> 00:31:12,245 May magkahalong dugo 'yong kutsilyo 480 00:31:12,829 --> 00:31:14,831 sa talim at sa may hawakan. 481 00:31:14,914 --> 00:31:19,419 'Yong magkahalong dugo ay dugo niya at ni Michael McMorrow. 482 00:31:21,713 --> 00:31:26,009 Ito 'yong ginamit sa pagpatay. Matibay na ebidensiya 'yan. 483 00:31:26,843 --> 00:31:32,640 Mahirap intindihing kaya nilang gumawa ng gano'n katinding karahasan. 484 00:31:32,724 --> 00:31:35,894 Pero kasabay nito, alam naming kaya nila. 485 00:31:36,978 --> 00:31:38,980 Alam naming ginawa nila 'to. 486 00:31:40,565 --> 00:31:42,066 Naramdaman namin sa puntong 'yon 487 00:31:42,150 --> 00:31:46,154 na sa kabuuan ng impormasyong meron kami sa sandaling 'yon, 488 00:31:46,237 --> 00:31:51,367 na may sapat kaming dahilan para kasuhan silang dalawa. 489 00:31:51,451 --> 00:31:55,038 Mahalagang ebidensiya para kay Chris 'yong kutsilyo. 490 00:31:55,121 --> 00:31:57,206 Para kay Daphne, 'yong mga pahayag niya. 491 00:31:58,124 --> 00:32:01,794 Malinaw na nilagay niya 'yong sarili niya sa mahalagang papel 492 00:32:01,878 --> 00:32:04,464 ng pagtatangkang itapon 'yong bangkay. 493 00:32:05,423 --> 00:32:07,467 Pinakita namin 'yong ebidensiya sa grand jury. 494 00:32:08,051 --> 00:32:09,677 Kumbinsido 'yong grand jury. 495 00:32:10,178 --> 00:32:12,805 Kinasuhan silang dalawa ng second degree murder. 496 00:32:13,306 --> 00:32:17,644 SECOND DEGREE MURDER - SINADYANG PAGPATAY NANG WALANG PLANO. 497 00:32:19,520 --> 00:32:23,358 Sa mga unang araw ng imbestigasyong 'to, 498 00:32:23,441 --> 00:32:28,529 nalaman namin kung sino'ng abogado ng dalawang defendant. 499 00:32:29,572 --> 00:32:33,201 Si Arnold Kriss ang abogado ni Christopher Vasquez, 500 00:32:33,284 --> 00:32:35,328 dati siyang assistant DA. 501 00:32:35,411 --> 00:32:37,705 Malinaw na mabigat na kalaban. 502 00:32:38,706 --> 00:32:41,834 Abogado ni Daphne at ng pamilya niya si Ben Brafman. 503 00:32:42,335 --> 00:32:46,214 Isa si Ben sa mga pinakasikat na defense attorney sa New York 504 00:32:46,297 --> 00:32:47,548 at marahil sa buong bansa. 505 00:32:48,049 --> 00:32:53,972 Kinatawan niya lahat mula sa mga mafia hanggang sa mga taga-Wall Street. 506 00:32:54,055 --> 00:32:55,306 PAMBATO NI PUFFY 507 00:32:55,390 --> 00:32:57,600 Malawak 'yong portfolio si Ben 508 00:32:57,684 --> 00:33:01,479 na may magandang resulta para sa kaniya at sa mga kliyente niya. 509 00:33:01,562 --> 00:33:05,608 Isa 'tong paalala 510 00:33:05,692 --> 00:33:09,570 kung gaano kalaki 'yong nakataya dito at kung gaano kahirap 'to. 511 00:33:10,196 --> 00:33:13,116 May ilang detective na medyo takot 512 00:33:13,199 --> 00:33:15,660 sa isang tulad ni Ben Brafman. 513 00:33:15,743 --> 00:33:18,538 Ang opinyon ko, "May law degree ka, 514 00:33:19,038 --> 00:33:21,958 at mas maganda ang suot mo kaysa sa 'kin, 515 00:33:22,041 --> 00:33:24,877 pero pareho 'yong pagsuot natin ng pantalon kaninang umaga, 516 00:33:24,961 --> 00:33:26,879 at handa ako kung handa ka." 517 00:33:26,963 --> 00:33:28,423 "Kaya gawin natin 'to." 518 00:33:29,882 --> 00:33:32,385 Sa puntong ito, mas marami akong tanong kaysa sagot. 519 00:33:32,468 --> 00:33:33,553 Sino si Mr. McMorrow, 520 00:33:33,636 --> 00:33:36,305 at bakit siya nakikipag-inuman sa park kasama ang mga bata? 521 00:33:36,389 --> 00:33:40,727 Gumagawa ng salaysay 'yong media para magmukhang manyakis si Irish. 522 00:33:40,810 --> 00:33:44,063 Gumagawa sila ng di totoong imahe ni Michael. 523 00:33:44,147 --> 00:33:47,233 Kung bakit siya mahilig uminom hanggang gabi sa park 524 00:33:47,316 --> 00:33:50,445 na karamihan sa kasama niya ay kabataan ay di pa rin malinaw. 525 00:33:50,528 --> 00:33:53,114 Ang malinaw, buhay niya ang naging kapalit nito. 526 00:33:53,197 --> 00:33:54,866 'Yong pinaka-obvious na paliwanag 527 00:33:54,949 --> 00:33:57,577 pag nakakita ka ng 44-year-old na lalaking 528 00:33:57,660 --> 00:34:01,956 nakikipag-inuman sa dalawang 15-year-old sa Central Park sa gabi, 529 00:34:02,040 --> 00:34:05,585 di malayong 'yon ang isipin sa gano'ng sitwasyon. 530 00:34:05,668 --> 00:34:08,671 Nakipagkita si McMorrow sa dalawang teenager malapit sa lawa 531 00:34:08,755 --> 00:34:10,673 at maaaring hinipuan si Abdela, 532 00:34:10,757 --> 00:34:14,927 na diumano'y dahilan ng matinding galit ng nobyo niyang si Vasquez. 533 00:34:15,720 --> 00:34:19,724 Tingin ko masakit 'yong haka-hakang 'yon sa lola ko 534 00:34:19,807 --> 00:34:23,978 at sa iba kong kapamilya dahil di totoo 'yon. 535 00:34:24,604 --> 00:34:25,688 Gusto naming tiyaking 536 00:34:25,772 --> 00:34:29,901 maaalala siya nang may paggalang at may dignidad, 537 00:34:29,984 --> 00:34:31,569 dahil 'yon ang nararapat sa kaniya. 538 00:34:31,652 --> 00:34:34,489 SA LIBING NG BIKTIMA, KINATATAKUTAN DIN PAGKASIRA NG PANGALAN 539 00:34:34,572 --> 00:34:37,158 Wala sa nalaman namin tungkol sa kaniya ang nagpahiwatig 540 00:34:37,241 --> 00:34:39,285 na kaya niyang gumawa ng masama sa kahit sino. 541 00:34:39,368 --> 00:34:44,332 Katunayan, mabait siyang tao at mabuti sa lahat ng nakilala niya, 542 00:34:44,415 --> 00:34:45,374 walang pinipili. 543 00:34:45,458 --> 00:34:47,835 At sa pagkakataong ito, 544 00:34:47,919 --> 00:34:52,882 tama lang na ilarawan siya na nasa maling lugar sa maling oras. 545 00:34:58,221 --> 00:35:03,309 Malakas 'yong kaso laban kay Chris dahil sa kutsilyo. 546 00:35:03,392 --> 00:35:05,978 'Yon ang pinakamahusay na ebidensiya namin sa kaso. 547 00:35:06,479 --> 00:35:08,940 Alam naming 'yong kutsilyo ang ginamit sa pagpatay. 548 00:35:09,023 --> 00:35:11,359 Tingin namin, mapapatunayan namin nang walang duda, 549 00:35:12,610 --> 00:35:14,487 si Christopher ang may hawak ng kutsilyo. 550 00:35:15,905 --> 00:35:20,034 Mababa naman ang kumpiyansa namin sa mga ebidensiya para kay Daphne. 551 00:35:20,118 --> 00:35:23,371 Marami man 'yong circumstantial evidence 552 00:35:23,454 --> 00:35:25,748 na malinaw na naglalagay sa kaniya sa crime scene, 553 00:35:26,499 --> 00:35:30,878 kailangang maging matibay 'yong paniniwala ng jury dito. 554 00:35:30,962 --> 00:35:35,258 Mas mahirap ang kasong 'to kaysa sa kaso laban kay Christopher. 555 00:35:35,967 --> 00:35:39,262 Tapos nakatanggap kami ng malaking sorpresa. 556 00:35:42,265 --> 00:35:47,436 Tumawag si Mr. Brafman sa opisina ng DA bilang abogado ni Daphne 557 00:35:47,520 --> 00:35:49,647 at sinabing, "Kinausap ko 'yong kliyente ko, 558 00:35:49,730 --> 00:35:53,609 at gusto niyang sumailalim sa Queen for a Day." 559 00:35:53,693 --> 00:35:57,446 Katwiran ni Ben dito, "Sa palagay ko, nagkakamali kayo." 560 00:35:57,530 --> 00:36:00,992 "Witness talaga siya rito. Di siya defendant." 561 00:36:01,075 --> 00:36:03,369 "Dadalhin ko siya sa ilalim ng Queen for a Day." 562 00:36:03,452 --> 00:36:05,163 Kasunduan 'yon 563 00:36:05,246 --> 00:36:08,249 kung saan maaaring dalhin ng defense attorney 'yong kliyente niya, 564 00:36:08,332 --> 00:36:11,544 at malaya siyang makakapagsalita. 565 00:36:11,627 --> 00:36:14,463 Anumang sasabihin mo ay di magagamit laban sa 'yo 566 00:36:14,547 --> 00:36:16,883 maliban kung tumestigo ka sa korte 567 00:36:16,966 --> 00:36:19,969 at tumestigo nang iba sa sinabi mo dito. 568 00:36:21,971 --> 00:36:24,223 Dinala namin siya sa opisina ng DA. 569 00:36:25,850 --> 00:36:27,977 Ipinaliwanag ni Daphne na no'ng gabing 'yon, 570 00:36:28,060 --> 00:36:31,480 nakita nila ni Vasquez habang nagsi-skate sila, 'yong grupo 571 00:36:31,564 --> 00:36:35,026 na kasama ni Michael na nag-iinuman sa park sa gabi. 572 00:36:36,110 --> 00:36:41,115 Di nagtagal, may dumating na pulis na naka-scooter at pinaalis sila. 573 00:36:41,199 --> 00:36:44,410 Kaya nagkalat sila sa iba't ibang direksyon. 574 00:36:46,245 --> 00:36:51,834 Dala nina Daphne at Chris 'yong beer, kaya sinundan ni Michael 'yong beer. 575 00:36:52,877 --> 00:36:57,298 Tapos pumunta sila sa maliit na gazebo sa gilid ng lawa. 576 00:36:58,466 --> 00:37:01,469 Doon sila umupo at ininom 'yong natitirang beer. 577 00:37:02,053 --> 00:37:03,888 Kalaunan, 578 00:37:03,971 --> 00:37:06,390 nagdesisyon sina Daphne at Chris 579 00:37:09,227 --> 00:37:13,189 na maligo nang hubo't hubad sa lawa. 580 00:37:16,651 --> 00:37:19,362 Pag-ahon nila, pareho silang giniginaw. 581 00:37:20,738 --> 00:37:23,616 Ang paliwanag niya… 582 00:37:26,202 --> 00:37:28,496 nakita ni Michael na nanginginig siya. 583 00:37:29,038 --> 00:37:32,875 Inakbayan siya para painitin siya, 584 00:37:32,959 --> 00:37:34,210 at do'n nagwala si Chris. 585 00:37:38,923 --> 00:37:44,470 Dahil akala niya, pinagsasamantalahan ni Michael si Daphne. 586 00:37:45,596 --> 00:37:49,058 Inilabas niya 'yong kutsilyo niya at pinagsasaksak siya. 587 00:37:57,066 --> 00:38:00,778 Sinasabi niya, "Si Christopher ang gumawa. Siya'ng gumawa ng lahat." 588 00:38:00,861 --> 00:38:01,904 "Witness ako." 589 00:38:02,655 --> 00:38:06,742 Kung totoo 'to, witness siya sa pagpatay. 590 00:38:06,826 --> 00:38:09,161 Malamang na-dismiss 'yong indictment niya. 591 00:38:10,496 --> 00:38:12,915 Absuwelto na siya. 592 00:38:13,541 --> 00:38:16,002 Pero di ako nasiyahan. 593 00:38:18,337 --> 00:38:21,257 Mula pagkabata ni Daphne, 594 00:38:21,841 --> 00:38:24,677 iniisip niyang mas superior siya sa lahat, 595 00:38:25,177 --> 00:38:28,806 at siya ang pinakamahalagang tao sa anumang silid na pasukin niya. 596 00:38:28,889 --> 00:38:33,561 Kaya sigurado akong inisip niyang kayang-kaya niya 'tong lusutan. 597 00:38:33,644 --> 00:38:36,856 Ganiyan sila. Iniisip nilang malulusutan nila lahat sa pagsasalita. 598 00:38:36,939 --> 00:38:38,816 'Yan ang pinakagusto namin. 599 00:38:38,899 --> 00:38:40,818 "Magsalita ka nang magsalita. Sige lang." 600 00:38:40,901 --> 00:38:44,363 Gusto ko siyang mamanipula. 601 00:38:44,447 --> 00:38:47,616 Sabi ko may pisikal na ebidensiya para patunayan 'yong sinabi niya. 602 00:38:47,700 --> 00:38:51,871 At sabi ko, "Ayos lang ba 603 00:38:51,954 --> 00:38:55,458 na hayaan n'yo kaming makausap siya nang ilang beses." 604 00:38:55,541 --> 00:38:57,376 "May mga gusto lang akong linawin." 605 00:38:57,460 --> 00:38:59,587 Sabi ni Brafman, "Oo, walang problema." 606 00:38:59,670 --> 00:39:01,589 Inisip niyang tapos na ang kasong 'to. 607 00:39:01,672 --> 00:39:04,759 Nag-follow-up interview kami sa kaniya. 608 00:39:04,842 --> 00:39:07,678 Nagpadala siya ng junior associate mula sa opisina niya. 609 00:39:08,679 --> 00:39:10,598 May katangian si Rob. 610 00:39:11,390 --> 00:39:12,725 Para siyang tatay. 611 00:39:13,851 --> 00:39:17,563 Mapagkakatiwalaan siya, at kinakausap siya ng mga tao. 612 00:39:17,646 --> 00:39:21,734 Nang kinausap ni Rob Mooney si Daphne Abdela, 613 00:39:22,401 --> 00:39:24,070 nagkaroon sila ng ugnayan. 614 00:39:24,153 --> 00:39:25,529 Magaling siya do'n. 615 00:39:28,032 --> 00:39:30,785 Tinanong ko siya, "May tanong ako." 616 00:39:31,410 --> 00:39:33,537 "Iniisip ko 'yong mga pasa." 617 00:39:33,621 --> 00:39:35,915 Tapos naglabas ako ng litrato sa file 618 00:39:35,998 --> 00:39:39,627 na malinaw na nagpapakita nito at mga bilog na pasa 619 00:39:39,710 --> 00:39:41,796 sa likod ng binti niya, at sabi ko, 620 00:39:42,713 --> 00:39:44,799 "Ano sa tingin mo ang mga 'to?" 621 00:39:45,299 --> 00:39:48,552 Medyo nahiya siya saglit tapos sabi niya, "Hmm." 622 00:39:48,636 --> 00:39:52,890 Inikot-ikot niya 'yong litrato, tiningnan, nag-aalangan. 623 00:39:52,973 --> 00:39:55,851 Inabot siya ng lalaki, tinapik 'yong balikat niya, at sinabing, 624 00:39:55,935 --> 00:40:00,356 "Ayos lang. Sabihin mo sa kaniya." Inisip ko, "Ay, salamat, pare." 625 00:40:00,439 --> 00:40:02,566 "Laking tulong mo." 626 00:40:04,652 --> 00:40:08,656 Tapos kinuha ko sa kahon 'yong Rollerblade, at sabi ko, 627 00:40:09,824 --> 00:40:13,160 "Makakatulong ba 'to para maalala mo?" 628 00:40:15,287 --> 00:40:19,208 Do'n siya nagsimulang magpakita 629 00:40:19,291 --> 00:40:23,629 nang kaunti sa tunay niyang ugali. 630 00:40:26,590 --> 00:40:30,177 Sabi niya, "Akala ko sasaktan niya 'yong kaibigan ko, kaya sinipa ko siya." 631 00:40:30,886 --> 00:40:34,849 Sabi ko, "Okay, naiintindihan ko, pero ipaliwanag mo sa 'kin." 632 00:40:36,976 --> 00:40:40,062 "Sinipa ko siya, tapos natumba siya." 633 00:40:40,146 --> 00:40:42,731 "Tapos sinunggaban siya ni Chris at pinagsasaksak niya." 634 00:40:42,815 --> 00:40:44,733 At sabi ko lang, "Okay." 635 00:40:44,817 --> 00:40:47,570 Tapos sabi ng abogado, "Okay, tapos na tayo." 636 00:40:50,573 --> 00:40:55,119 Di na niya maitatanggi na may kinalaman siya. 637 00:40:55,661 --> 00:40:59,123 Sinaktan niya si Michael McMorrow. 638 00:40:59,206 --> 00:41:01,459 Sinipa niya si Michael McMorrow. 639 00:41:01,542 --> 00:41:04,170 Ginawa niya siyang walang kalaban-laban. 640 00:41:05,421 --> 00:41:07,214 At ngayon may pruweba na tayo. 641 00:41:08,007 --> 00:41:10,551 Salarin, hindi witness. 642 00:41:10,634 --> 00:41:11,802 Mamamatay-tao. 643 00:41:19,477 --> 00:41:23,105 Alam namin mula sa kabuuan ng mga pangyayari 644 00:41:23,189 --> 00:41:25,274 na tinulungan niya si Chris. 645 00:41:26,859 --> 00:41:29,737 At ngayon, sa unang pagkakataon, sinabi niya sa amin. 646 00:41:29,820 --> 00:41:31,572 Matapos lumabas 'yon, 647 00:41:32,281 --> 00:41:35,409 gumawa kami ng plea deal para kay Daphne Abdela. 648 00:41:35,493 --> 00:41:38,954 Isang teenager na kinasuhan ng brutal na pananaksak sa Central Park 649 00:41:39,038 --> 00:41:42,208 ay nakipagkasundo sa mga prosecutor at umaming guilty sa manslaughter. 650 00:41:42,291 --> 00:41:45,419 Humingi ng tawad ang 16-year-old na si Daphne Abdela sa papel niya 651 00:41:45,503 --> 00:41:48,422 sa pagpatay at pagkatay kay Michael McMorrow sa nakaraang taon. 652 00:41:48,506 --> 00:41:49,882 Di niya kailangang 653 00:41:49,965 --> 00:41:52,885 tumestigo laban sa dati niyang nobyong si Christopher Vasquez. 654 00:41:52,968 --> 00:41:54,887 Kinasuhan siya ng aktuwal na pananaksak. 655 00:41:54,970 --> 00:41:57,556 HABANG UMIIYAK ANG NANAY, UMAMING NAGKASALA ANG TEENAGER 656 00:42:00,226 --> 00:42:01,602 Aamin si Daphne, 657 00:42:01,685 --> 00:42:05,856 at tatanggapin 'yong pinakamataas na sentensiya para sa kaso, 658 00:42:06,482 --> 00:42:09,985 pero di siya tetestigo sa korte laban kay Chris Vasquez. 659 00:42:11,820 --> 00:42:15,699 Nakipagtulungan kami sa opisina ng DA, at sabi niya, 660 00:42:15,783 --> 00:42:19,370 "Ito ang pinakamahusay na makukuha natin." May ebidensiya tayo laban sa kaniya. 661 00:42:19,453 --> 00:42:21,539 Matibay 'yong kaso namin. 662 00:42:21,622 --> 00:42:23,999 Pero kay Daphne, huli na. 663 00:42:24,083 --> 00:42:25,626 Kung dadalhin namin 'to sa korte, 664 00:42:25,709 --> 00:42:28,504 di kami nakakasigurong magkakaro'n ng anumang paghatol. 665 00:42:28,587 --> 00:42:30,297 Gusto ko ring hilingin… 666 00:42:30,381 --> 00:42:34,260 Noong March 1998, pumunta si Daphne sa korte, 667 00:42:34,843 --> 00:42:39,014 at umaming guilty sa krimen na "manslaughter sa first degree." 668 00:42:39,098 --> 00:42:43,185 Iba 'yong manslaughter sa first degree sa murder sa second degree, 669 00:42:43,269 --> 00:42:46,105 na unang isinampa laban sa kaniya, 670 00:42:46,188 --> 00:42:49,066 dahil di ito nangangailangan ng intensiyon para pumatay. 671 00:42:49,650 --> 00:42:53,404 'Yong inamin niya ay 'yong intensiyong magdulot ng matinding pinsala 672 00:42:53,904 --> 00:42:55,364 kay Michael McMorrow. 673 00:42:58,784 --> 00:43:01,620 Umamin siya sa manslaughter sa first degree. 674 00:43:02,121 --> 00:43:05,332 Inihayag niya sa korte 'yong ginawa niya 675 00:43:05,916 --> 00:43:08,669 kaya siya guilty sa krimen na 'yon, 676 00:43:08,752 --> 00:43:12,339 at tinanggap niya 'yong sentensiyang tatlo hanggang siyam na taon. 677 00:43:19,597 --> 00:43:22,558 November 1998, sinimulan 'yong paglilitis. 678 00:43:23,434 --> 00:43:26,520 Ito 'yong unang karanasan ko na tetestigo si Rob. 679 00:43:26,604 --> 00:43:28,647 At dumating si Rob sa korte. 680 00:43:28,731 --> 00:43:33,068 Nakasuot siya ng sport jacket at may Grateful Dead na pin sa kuwelyo. 681 00:43:33,861 --> 00:43:37,865 At dahil bata ako at masungit na assistant DA, 682 00:43:37,948 --> 00:43:39,950 sabi ko, "Rob, di puwede 'yan." 683 00:43:40,034 --> 00:43:42,161 "Alisin mo 'yong Grateful Dead pin." 684 00:43:42,244 --> 00:43:44,496 Sabi ko, "Di puwede." 685 00:43:44,580 --> 00:43:48,125 Tapos sabi ko, "Paki-alis mo 'yan. Di 'yan puwede sa korte." 686 00:43:48,208 --> 00:43:51,503 "Di ka dapat nagsusuot ng bungo na may kidlat sa stand." 687 00:43:51,587 --> 00:43:54,423 Sabi ko, "Kalokohan 'yan. Di ko tatanggalin 'yong pin." 688 00:43:54,506 --> 00:43:57,593 Sabi ni Rob, "May dalawa kang pagpipilian." 689 00:43:59,053 --> 00:44:01,805 "Puwede akong tumestigo nang may pin 690 00:44:02,306 --> 00:44:04,892 o di ako tetestigo nang may pin." 691 00:44:05,392 --> 00:44:08,812 "Pero anumang mangyari, sa huli, suot ko pa rin 'yong pin." 692 00:44:10,230 --> 00:44:13,651 Napaisip ako saglit, tapos sabi ko, "Puwede ka na bang sumalang?" 693 00:44:20,074 --> 00:44:22,743 Ang depensang inihain ay, 694 00:44:22,826 --> 00:44:26,413 "Tatlong tao 'yong pumunta sa lawa. Dalawang tao 'yong bumalik." 695 00:44:27,289 --> 00:44:31,752 "Wala ni isang magsasalita sa kanila. Di mo alam ano'ng nangyari sa lawa." 696 00:44:32,252 --> 00:44:33,837 Dahil kung di ka sigurado 697 00:44:33,921 --> 00:44:39,927 kung sino talaga 'yong nanaksak, 'yong nakipag-away, 698 00:44:40,010 --> 00:44:44,223 pagdududahan mo 'yong kasalanan ng binatang 'to. 699 00:44:45,099 --> 00:44:49,019 Laging may pag-aalala pag nagtuturuan 'yong mga akusado 700 00:44:49,103 --> 00:44:52,147 na darating sa puntong wala nang pag-usad, 701 00:44:52,231 --> 00:44:55,401 at baka di rin makumbinsi 'yong jury. 702 00:44:55,484 --> 00:44:58,195 Sinisi ng depensa si Daphne 703 00:44:58,904 --> 00:45:02,408 na maaaring siya 'yong may gawa nito, 704 00:45:02,491 --> 00:45:06,745 pero tingin ko 'yong diskarte nila ay, "Di namin alam." 705 00:45:06,829 --> 00:45:11,208 "At kung di mo alam, kailangan mong ipawalang-sala 'yong kliyente ko." 706 00:45:13,335 --> 00:45:17,297 Sa bawat kaso, may sandali 707 00:45:17,381 --> 00:45:20,968 kung saan nakikita ng jury 708 00:45:21,051 --> 00:45:25,264 na ginagawa ng taong nakaupo sa harap nila 'yong bagay na inaakusa sa kaniya. 709 00:45:25,347 --> 00:45:30,227 Nahirapan lang akong paniwalaan na makikita ng lahat ng 12 nasa jury 710 00:45:30,310 --> 00:45:34,648 na ginagawa ni Chris Vasquez 'yong kakila-kilabot na krimen na 'yon. 711 00:45:37,860 --> 00:45:40,362 Nang lumabas 'yong jury para mag-deliberate, 712 00:45:40,446 --> 00:45:42,030 halos isa't kalahating taon 713 00:45:42,698 --> 00:45:47,035 na kaming naghihintay para sa hustisya. 714 00:45:48,078 --> 00:45:51,248 Kinakabahan 'yong pamilya namin. 715 00:45:51,874 --> 00:45:52,958 Habang tumatagal, 716 00:45:53,041 --> 00:45:56,462 mas lalo silang nagdududa sa pagkakasala ni Christopher. 717 00:45:57,921 --> 00:46:01,341 Dalawang araw silang nag-deliberate. 718 00:46:01,967 --> 00:46:06,221 At naging hatol nila ay "not guilty" sa murder two, 719 00:46:06,305 --> 00:46:08,307 at "guilty" sa manslaughter one. 720 00:46:10,684 --> 00:46:16,356 Katulad ng hatol at sentensiya kay Daphne Abdela. 721 00:46:18,025 --> 00:46:21,862 Para sa 'kin, parang kompromiso 'to. 722 00:46:25,741 --> 00:46:26,992 Umiiyak 'yong jury. 723 00:46:28,243 --> 00:46:29,244 Umiiyak. 724 00:46:29,328 --> 00:46:32,664 Kasi tinitingnan nila 'yong pamilya ni Irish. 725 00:46:33,499 --> 00:46:38,045 Nasaktan ang mga McMorrow dahil alam nila 'yong paghihirap niya, 726 00:46:38,128 --> 00:46:41,423 at sa tingin nila di nila nakamit ang hustisya. 727 00:46:43,175 --> 00:46:45,010 Galit na galit ako sa hatol na 'yon. 728 00:46:47,554 --> 00:46:50,015 Di manslaughter 'yong 38 saksak. 729 00:46:58,774 --> 00:47:01,777 Sa palagay ko, inisip ng jury na di dapat markahan 730 00:47:01,860 --> 00:47:06,698 ng pagiging mamamatay-tao ang batang gaya niya buong buhay niya. 731 00:47:06,782 --> 00:47:09,201 Naniniwala ako sa pagsunod sa batas, 732 00:47:10,118 --> 00:47:14,540 pero komplikado ang batas dahil sangkot ang mga tao. 733 00:47:14,623 --> 00:47:17,417 At pag sangkot ang tao, sangkot ang emosyon. 734 00:47:18,794 --> 00:47:22,673 Karamihan sa mga kasong tumatatak sa isip namin ay misteryo. 735 00:47:23,257 --> 00:47:24,675 "Sino'ng gumawa nito?" 736 00:47:25,884 --> 00:47:28,887 Sa kasong 'to, di lang 'yon. 737 00:47:28,971 --> 00:47:32,599 Alam natin kung sino'ng gumawa, pero bakit? 738 00:47:32,683 --> 00:47:34,726 Tawagin nating "folie à deux," 739 00:47:35,227 --> 00:47:39,398 kung saan pinagsama 'yong kabaliwan nilang dalawa 740 00:47:39,481 --> 00:47:41,984 para bumuo ng isang killing machine… 741 00:47:43,235 --> 00:47:46,446 o katuwaan lang. 742 00:47:47,865 --> 00:47:50,325 Bakit? 743 00:47:51,285 --> 00:47:53,662 Ganiyang bagay 'yong nakakabaliw. 744 00:47:54,580 --> 00:47:56,582 Walang paraan para malaman 'yong nangyari, 745 00:47:56,665 --> 00:47:58,625 dahil may tatlong tao, 'yong isa patay. 746 00:47:59,126 --> 00:48:02,129 Gano'n 'yon. Kaya pag sinabi nilang, "Nalutas mo 'yong kaso," 747 00:48:02,212 --> 00:48:03,630 "Hindi, di gano'n 'yon." 748 00:48:03,714 --> 00:48:07,134 Nalutas mo 'yong kaso pag alam mo ano'ng nangyari, 749 00:48:07,217 --> 00:48:09,177 at madalas, di mo 'yon alam. 750 00:48:09,261 --> 00:48:11,388 Puwede mong ipagpalagay ano'ng nangyari. 751 00:48:11,471 --> 00:48:13,432 Puwede mong tingnan ano'ng iisipin mong 752 00:48:13,515 --> 00:48:16,476 logical conclusion batay sa ilang ebidensiya 753 00:48:16,560 --> 00:48:19,396 pero kung wala 'yong salaysay na 'yon, walang paraan. 754 00:48:31,742 --> 00:48:34,119 Ang "Baby-faced Killers ng Central Park" 755 00:48:34,202 --> 00:48:36,747 ay laya na matapos ang halos pitong taon. 756 00:48:36,830 --> 00:48:39,207 Si Abdela, 21 na ngayon, ay pinalaya noong Biyernes. 757 00:48:39,291 --> 00:48:42,753 'Yong dati niyang nobyo, ang 22-year-old na si Vasquez, lumaya ngayong umaga. 758 00:48:42,836 --> 00:48:46,256 Bilang bahagi ng kanilang parole, pinagbawalan silang magkita. 759 00:48:50,802 --> 00:48:54,890 Higit pa sa anim na taong pagkakakulong ang halaga ng buhay ng kapatid ko. 760 00:48:57,100 --> 00:48:59,770 Pakiramdam ko di namin nakamit 'yong hustisya. 761 00:49:00,812 --> 00:49:03,815 Alam ko, 'yon ang sistema, 'yon ang batas, mga bata sila, 762 00:49:03,899 --> 00:49:05,317 at gano'n ang nangyayari… 763 00:49:06,818 --> 00:49:09,112 pero parang di patas. 764 00:49:11,949 --> 00:49:13,158 Di talaga patas. 765 00:49:16,745 --> 00:49:20,832 Makalipas ang ilang taon, lumabag si Daphne sa parole niya. 766 00:49:22,084 --> 00:49:23,835 Nasa halfway house siya 767 00:49:23,919 --> 00:49:27,923 at sinaktan 'yong isa sa mga residente sa bahay na 'yon. 768 00:49:28,006 --> 00:49:32,803 At nakulong siya ulit at nagsilbi nang buong termino, siyam na taon. 769 00:49:33,303 --> 00:49:36,431 Nakalabas si Chris matapos ang anim na taon. 770 00:49:37,182 --> 00:49:41,478 Wala akong alam na ginawa niya para makasakit ulit sa anumang paraan 771 00:49:41,561 --> 00:49:43,230 mula noon. 772 00:49:49,611 --> 00:49:53,824 Napakahirap na karanasan no'n sa personal at propesyonal na level. 773 00:49:54,408 --> 00:49:58,662 Di 'to pangkaraniwang kaso, emosyonal na kaso 'to. 774 00:49:58,745 --> 00:50:00,205 Nananatili 'yong pakiramdam. 775 00:50:03,250 --> 00:50:05,627 Isa sa pinakamagandang nangyari sa kasong 'yon 776 00:50:05,711 --> 00:50:07,838 ay nakilala ko si Rob Mooney. 777 00:50:07,921 --> 00:50:12,676 At di ko pa alam no'n, pero nagsisimula pa lang kami. 778 00:50:33,697 --> 00:50:36,867 Alas-otso ng umaga, walang tigil 'yong tunog ng mga telepono. 779 00:50:36,950 --> 00:50:41,121 Pinag-uusapan ng lahat 'yong nawawalang tagalinis 780 00:50:41,204 --> 00:50:44,249 sa financial district na nagngangalang Eridania. 781 00:50:44,332 --> 00:50:48,420 Sabi ng mga katrabaho niya, lagi nila siyang kasamang mag-dinner pag shift niya, 782 00:50:48,503 --> 00:50:51,506 pero huling beses siyang nakita mga bandang alas-otso, 783 00:50:51,590 --> 00:50:53,133 at di na siya nakita mula noon. 784 00:50:54,426 --> 00:50:58,013 Nakakapagod maghanap sa building na 'yon 785 00:50:58,096 --> 00:51:02,434 para sa sinuman o anuman dahil umaabot 'to ng 26 floors. 786 00:51:03,477 --> 00:51:04,978 Di na siya nakita sa camera. 787 00:51:05,062 --> 00:51:08,023 Di siya nakitang bumababa sa elevator. 788 00:51:08,106 --> 00:51:09,816 Di siya nakitang umalis sa building. 789 00:51:12,319 --> 00:51:13,320 Nasa'n siya? 790 00:51:13,904 --> 00:51:17,282 Naghanap kami sa bawat sulok ng building mula taas hanggang baba, 791 00:51:17,365 --> 00:51:19,159 at di namin siya mahanap. 792 00:51:19,951 --> 00:51:24,206 Ibig sabihin, sa halip na sa 2 Rector Street lang 793 00:51:24,289 --> 00:51:27,501 gagawin lahat ng imbestigasyon, 794 00:51:27,584 --> 00:51:29,377 naging New York City na. 795 00:52:10,585 --> 00:52:15,590 Tagapagsalin ng Subtitle: Ivy Grace Quinto