1
00:00:51,468 --> 00:00:52,802
'Wag!
2
00:01:03,772 --> 00:01:04,773
Do-hee.
3
00:01:16,951 --> 00:01:18,036
Do-hee.
4
00:01:18,912 --> 00:01:20,038
Do-hee!
5
00:01:20,580 --> 00:01:21,414
Hindi!
6
00:01:47,065 --> 00:01:49,108
"Ang lahat ng ito ay magagawa ko…
7
00:01:51,945 --> 00:01:53,363
dahil sa lakas…
8
00:01:55,990 --> 00:01:57,325
na kaloob Niya sa akin."
9
00:02:18,179 --> 00:02:19,139
Gu-won.
10
00:02:21,891 --> 00:02:22,934
Do-hee.
11
00:02:24,936 --> 00:02:26,187
Ayos na ang lahat ngayon.
12
00:02:37,448 --> 00:02:38,324
Gu-won.
13
00:02:40,243 --> 00:02:41,536
Iniligtas…
14
00:02:42,537 --> 00:02:43,913
mo ba 'ko?
15
00:02:47,917 --> 00:02:49,335
Iniligtas ko ang sarili ko.
16
00:02:53,506 --> 00:02:54,507
Hindi.
17
00:02:56,467 --> 00:02:57,343
Bakit?
18
00:03:09,063 --> 00:03:10,857
Gu-won.
19
00:03:11,441 --> 00:03:13,484
Hindi, 'wag.
20
00:03:14,402 --> 00:03:16,487
'Wag, Gu-won.
21
00:03:16,571 --> 00:03:18,865
Marami pa akong gustong sabihin sa 'yo.
22
00:03:19,657 --> 00:03:21,492
Gu-won, alam ko na.
23
00:03:21,576 --> 00:03:22,702
Naaalala ko na ang lahat.
24
00:03:23,244 --> 00:03:24,996
Ako si Wolsim, di ba?
25
00:03:26,164 --> 00:03:27,707
Magpapakamatay na dapat ako
26
00:03:27,790 --> 00:03:29,584
no'ng araw na una tayong nagkita,
27
00:03:30,418 --> 00:03:32,754
pero pinili kong mabuhay
mula no'ng nakilala kita.
28
00:03:34,339 --> 00:03:37,592
Wala akong pakialam kung ano ka.
29
00:03:37,675 --> 00:03:40,178
Basta dito ka lang sa tabi ko.
30
00:03:40,261 --> 00:03:41,262
Dito ka lang.
31
00:03:41,346 --> 00:03:43,640
Pakiusap, 'wag mo akong iwan.
32
00:03:44,265 --> 00:03:46,100
Dito ka lang.
33
00:04:17,048 --> 00:04:18,341
Gu-won.
34
00:04:19,008 --> 00:04:20,426
Gu-won!
35
00:04:25,306 --> 00:04:26,683
Gu-won!
36
00:04:28,601 --> 00:04:30,645
'Wag mo akong iwan!
37
00:04:50,456 --> 00:04:51,499
'Yon pala…
38
00:04:54,168 --> 00:04:56,170
ang naging pasiya mo.
39
00:05:23,406 --> 00:05:25,533
HINDI PUWEDENG PUMATAY O BUMUHAY
NG TAO ANG MGA DEMONYO
40
00:05:25,616 --> 00:05:28,619
PAG SINUWAY NILA ANG BATAS NA 'TO,
MAMAMATAY SILA SA BIGLAANG PAGKASUNOG
41
00:05:54,979 --> 00:06:00,443
FINALE
OUR PERSONAL HEAVEN
42
00:06:01,444 --> 00:06:03,738
{\an8}Mukhang hindi pa ito tuluyang matatapos.
43
00:06:05,656 --> 00:06:07,241
{\an8}Nawawala pa rin ba si Mr. Jeong?
44
00:06:07,325 --> 00:06:10,203
{\an8}Oo. Tiyak na nandoon siya
sa pinangyarihan ng krimen,
45
00:06:10,286 --> 00:06:12,038
{\an8}pero lagpas isang linggo
na siyang nawawala.
46
00:06:12,747 --> 00:06:15,333
{\an8}Tulala pa rin si Ms. Do at hindi makausap.
47
00:06:16,834 --> 00:06:18,044
{\an8}At ito namang si Noh Suk-min,
48
00:06:19,045 --> 00:06:21,297
{\an8}kung ano-ano ang sinasabi,
49
00:06:22,090 --> 00:06:24,133
{\an8}mukhang tumakas mula sa impiyerno
dahil sa hitsura niya.
50
00:06:26,928 --> 00:06:28,262
{\an8}Nanalo ako.
51
00:06:31,891 --> 00:06:34,435
{\an8}Ako mismo ang sumira
sa buhay n'yong dalawa.
52
00:07:26,112 --> 00:07:27,363
Do-hee, buksan mo 'to!
53
00:07:29,449 --> 00:07:31,701
Mukhang kailangan na nating
sirain ang pinto.
54
00:07:33,327 --> 00:07:34,287
Simulan n'yo na.
55
00:07:42,837 --> 00:07:43,671
Ms. Do!
56
00:07:52,680 --> 00:07:54,015
Baka sipunin ka niyan.
57
00:07:56,350 --> 00:07:58,436
Magpalit ka muna ng damit.
58
00:07:59,020 --> 00:08:01,522
Kailangan n'yong magpaaraw
at magpahangin sa labas,
59
00:08:01,606 --> 00:08:03,065
kung hindi, magkakasakit kayo niyan.
60
00:08:17,038 --> 00:08:18,164
Hindi ko na…
61
00:08:21,083 --> 00:08:22,877
kayang tiisin ang mundong ito.
62
00:08:29,258 --> 00:08:32,094
Wala na si Gu-won sa mundong ito.
63
00:08:37,725 --> 00:08:39,352
Dati-rati, nararamdaman ko…
64
00:08:41,854 --> 00:08:44,524
kapag umaaligid siya sa 'kin
kahit hindi ko siya nakikita.
65
00:08:49,570 --> 00:08:50,947
Pero ngayon…
66
00:08:53,115 --> 00:08:55,076
di ko na siya maramdaman kahit saan.
67
00:08:58,204 --> 00:08:59,497
Do-hee.
68
00:08:59,580 --> 00:09:01,582
Di puwedeng habambuhay kang ganiyan.
69
00:09:03,543 --> 00:09:04,877
Kapag ipinagpatuloy mo 'to,
70
00:09:05,586 --> 00:09:07,380
baka ikaw naman ang mamatay.
71
00:09:11,467 --> 00:09:12,843
Hindi ako mamamatay.
72
00:09:14,637 --> 00:09:15,972
Hindi puwede.
73
00:09:18,891 --> 00:09:21,394
Dahil inialay ni Gu-won
ang buhay niya para iligtas ako.
74
00:09:23,396 --> 00:09:25,773
Habambuhay kong titiisin
ang impiyernong 'to.
75
00:09:28,859 --> 00:09:30,528
'Yon ang parusa ko.
76
00:09:31,362 --> 00:09:33,656
Bakit mo kailangang maparusahan?
77
00:09:34,490 --> 00:09:36,617
Wala ka namang kasalanan.
78
00:09:37,702 --> 00:09:39,370
Namatay siya dahil sa 'kin.
79
00:09:41,372 --> 00:09:42,623
Kasalanan ko 'yon.
80
00:09:44,834 --> 00:09:46,627
Sana di na lang niya ako nakilala.
81
00:09:50,548 --> 00:09:51,841
Ako ang pumatay sa kaniya.
82
00:09:55,636 --> 00:09:56,846
Kasalanan ko ang lahat.
83
00:09:58,931 --> 00:10:00,349
Pinatay ko siya.
84
00:10:13,571 --> 00:10:15,323
KARD NG PASYENTE
DO DO-HEE
85
00:10:25,708 --> 00:10:28,836
Ito na ang pangalawang pagkakataon
na nakita kong ganiyan si Ms. Do.
86
00:10:31,172 --> 00:10:33,507
Ganito rin siya no'ng inilibing
ang mga magulang niya.
87
00:10:36,218 --> 00:10:39,013
Para bang kinalimutan niya ang mundo.
88
00:10:48,898 --> 00:10:49,899
Hirap na hirap…
89
00:10:52,360 --> 00:10:54,528
na nga siya noon,
90
00:11:00,242 --> 00:11:01,827
tapos ngayon, tuluyan na siyang nadurog.
91
00:11:25,476 --> 00:11:28,938
- Silent night
- Silent night
92
00:11:29,021 --> 00:11:32,483
- Holy night
- Holy night
93
00:11:33,025 --> 00:11:36,695
- All is calm
- All is calm
94
00:11:36,779 --> 00:11:40,408
- All is bright
- All is bright
95
00:11:40,908 --> 00:11:47,832
- Round yon virgin, mother and child
- Round yon virgin, mother and child
96
00:11:48,332 --> 00:11:55,339
- Holy infant, so tender and mild
- Holy infant, so tender and mild
97
00:11:56,382 --> 00:12:03,305
- Sleep in heavenly peace
- Sleep in heavenly peace
98
00:12:03,931 --> 00:12:09,770
- Sleep in heavenly peace
- Sleep in heavenly peace
99
00:12:21,532 --> 00:12:24,452
{\an8}MALIGAYANG PASKO
D-01
100
00:13:39,693 --> 00:13:42,780
Maligayang Pasko, Gu-won.
101
00:13:49,870 --> 00:13:51,914
Akala ko magkasama tayong magpa-Pasko,
102
00:13:53,374 --> 00:13:54,625
pero wala ka na.
103
00:14:02,132 --> 00:14:03,551
Pakiramdam ko, no'ng namatay ka,
104
00:14:07,012 --> 00:14:08,806
may parte sa akin
105
00:14:10,140 --> 00:14:11,850
na namatay rin.
106
00:14:21,402 --> 00:14:22,903
Makipagkasundo ka sa 'kin.
107
00:14:27,283 --> 00:14:28,367
Gu-won.
108
00:14:29,451 --> 00:14:30,578
Hinihiling kong…
109
00:14:34,623 --> 00:14:36,083
bumalik ka sa 'kin.
110
00:16:27,152 --> 00:16:28,362
Gu-won.
111
00:16:58,684 --> 00:17:01,895
Nasa impiyerno ba tayo?
112
00:17:32,718 --> 00:17:34,053
Patay na ba 'ko?
113
00:17:35,304 --> 00:17:36,430
O nananaginip lang ako?
114
00:17:45,355 --> 00:17:46,565
Hindi ka nananaginip
115
00:17:47,608 --> 00:17:48,859
o patay.
116
00:17:52,988 --> 00:17:55,491
Maligayang Pasko, Do-hee.
117
00:18:02,539 --> 00:18:03,665
Nagbalik na 'ko.
118
00:18:53,257 --> 00:18:55,259
Hindi pa rin ako makapaniwala.
119
00:18:58,887 --> 00:19:02,432
Miserable ang mundo ko kapag wala ka.
120
00:19:09,982 --> 00:19:11,066
Ako rin.
121
00:19:13,360 --> 00:19:15,070
Parang impiyerno ang buhay ko
122
00:19:16,864 --> 00:19:18,282
kapag hindi kita kasama.
123
00:19:21,910 --> 00:19:23,078
Akin na ang kamay mo.
124
00:19:38,468 --> 00:19:39,469
Kailangan kong mag-charge.
125
00:19:41,930 --> 00:19:43,056
Sige lang.
126
00:19:43,140 --> 00:19:44,057
Mag-charge ka lang.
127
00:19:52,941 --> 00:19:53,775
Salamat.
128
00:19:53,859 --> 00:19:55,152
Maraming salamat!
129
00:19:57,821 --> 00:20:01,325
Totoo ngang may himala ang Pasko.
130
00:20:03,702 --> 00:20:04,828
Pero bakit n'yo ginawa 'yon?
131
00:20:04,912 --> 00:20:07,456
Ang sabi n'yo noon,
kasama lang kayo sa paglalakbay.
132
00:20:08,957 --> 00:20:10,792
Gumawa siya ng kasunduan.
133
00:20:11,960 --> 00:20:14,838
Dahil wala ka, ako na ang umasikaso.
134
00:20:14,922 --> 00:20:16,173
Kasunduan?
135
00:20:18,300 --> 00:20:20,302
Ibig n'yong sabihin,
mapupunta siya sa impiyerno?
136
00:20:21,845 --> 00:20:23,222
Huwag n'yo na kaming gawing…
137
00:20:23,305 --> 00:20:24,640
'Wag kang mag-alala.
138
00:20:24,723 --> 00:20:26,225
Bayad na
139
00:20:27,059 --> 00:20:28,518
ang kasunduang 'yon.
140
00:20:30,395 --> 00:20:32,022
Magpustahan tayo.
141
00:20:32,606 --> 00:20:34,191
Kapag bumalik sa 'kin ang kapangyarihan ko
142
00:20:34,274 --> 00:20:35,817
at nabuhay si Do Do-hee,
143
00:20:35,901 --> 00:20:36,985
talo kayo.
144
00:20:37,069 --> 00:20:38,153
Sinabi ko na sa 'yo.
145
00:20:38,987 --> 00:20:40,364
Hinding-hindi mangyayari 'yon.
146
00:20:40,948 --> 00:20:42,282
May bisa pa ba?
147
00:20:43,283 --> 00:20:44,743
'Yong ipinanalo kong pusta?
148
00:20:45,869 --> 00:20:48,997
Kung sakali bang humiling ako,
149
00:20:50,791 --> 00:20:51,959
tutuparin n'yo?
150
00:20:53,460 --> 00:20:55,128
Humihingi ka ba ng tulong sa 'kin?
151
00:20:56,713 --> 00:20:57,714
Oo.
152
00:21:01,551 --> 00:21:04,763
Kailangan ko ang lahat ng tulong
na makukuha ko,
153
00:21:06,390 --> 00:21:08,558
kahit pa galing sa inyo,
na hindi ko pinagkakatiwalaan.
154
00:21:19,861 --> 00:21:23,824
Kung wala siguro akong simpatya,
baka nabaliw na ako.
155
00:21:24,449 --> 00:21:28,578
Napakaraming nakakaawang buhay sa mundo.
156
00:21:28,662 --> 00:21:32,165
Kaya hindi ko inakala na
157
00:21:33,041 --> 00:21:35,085
may damdamin din pala ako
na parang sa tao.
158
00:21:39,506 --> 00:21:40,882
Tama ka.
159
00:21:41,925 --> 00:21:43,135
Hindi ka dapat
160
00:21:43,927 --> 00:21:45,971
nagsasalita ng tapos.
161
00:21:46,471 --> 00:21:48,307
Tama rin kayo.
162
00:21:48,390 --> 00:21:50,726
Walang silbi ang kasiyahan
kung walang sakuna.
163
00:21:51,643 --> 00:21:52,936
Naiintindihan ko na ngayon.
164
00:21:54,646 --> 00:21:57,607
Paano ba 'yan? Patas na tayo.
165
00:21:58,191 --> 00:21:59,484
Kung tutuusin,
166
00:22:00,944 --> 00:22:02,571
masuwerte lang ako
167
00:22:02,654 --> 00:22:05,949
dahil hindi pala kayo
gano'n kagaling magsugal.
168
00:22:08,660 --> 00:22:10,287
- Hindi?
- Oo.
169
00:22:10,370 --> 00:22:12,873
- Hindi ako magaling magsugal?
- Hindi talaga.
170
00:22:12,956 --> 00:22:14,916
Isang beses lang ako natalo!
Magpustahan ulit tayo!
171
00:22:15,000 --> 00:22:17,711
Kapag nanalo ako,
tuluyan ka nang maglalaho!
172
00:22:17,794 --> 00:22:18,837
Hindi!
173
00:22:18,920 --> 00:22:20,213
Hinding-hindi ako papayag.
174
00:22:20,297 --> 00:22:23,759
Masaya na akong namumuhay
kasama ang mga tao.
175
00:22:24,259 --> 00:22:26,845
Isa pa, kailangan n'yo ng trabahador.
176
00:22:27,387 --> 00:22:30,974
Wala na kayong mahahanap
na kasingguwapo at kasing-sipag ko.
177
00:22:32,392 --> 00:22:33,393
Ang kapal!
178
00:22:35,312 --> 00:22:36,438
Oo nga…
179
00:22:39,066 --> 00:22:40,650
nag-iisa ka lang.
180
00:22:41,610 --> 00:22:42,527
Oo naman.
181
00:22:43,653 --> 00:22:44,529
Pambihira.
182
00:22:51,661 --> 00:22:53,747
{\an8}SUNWOL FOUNDATION
183
00:22:53,830 --> 00:22:57,292
"Pag walang kapangyarihan,
wala ring pinagkaiba ang demonyo sa tao…"
184
00:22:57,375 --> 00:22:58,210
Director Jeong!
185
00:22:58,710 --> 00:23:00,670
Diyos ko. Director Jeong!
186
00:23:03,715 --> 00:23:06,718
Tinakot mo ako. Ano ka ba, kalabaw?
187
00:23:06,802 --> 00:23:07,928
Director Jeong.
188
00:23:08,011 --> 00:23:09,596
Ga-young. 'Wag mo akong lapitan.
189
00:23:12,099 --> 00:23:14,851
Nakaligtas na ako sa kamatayan.
Balak n'yo ba akong patayin ulit?
190
00:23:16,353 --> 00:23:18,730
Akala talaga namin
tuluyan na kayong nawala.
191
00:23:18,814 --> 00:23:20,357
Ano'ng sinasabi mo? Demonyo ako.
192
00:23:20,440 --> 00:23:22,109
Bakit ako mamamatay?
193
00:23:29,449 --> 00:23:32,077
Tapos na ang Pasko.
Bakit pa tayo mag-aayos ng puno?
194
00:23:32,160 --> 00:23:33,370
Paki nila.
195
00:23:33,995 --> 00:23:35,914
Ngayon pa lang magsisimula
ang Pasko natin.
196
00:23:39,376 --> 00:23:42,629
Unti-unti ko nang nauunawaan
ang sinabi mo noon tungkol sa Pasko.
197
00:23:42,712 --> 00:23:43,755
Ano'ng ibig mong sabihin?
198
00:23:43,839 --> 00:23:45,257
Na iba ang saya tuwing Pasko.
199
00:23:46,133 --> 00:23:46,967
Gano'n din ako.
200
00:23:47,843 --> 00:23:50,595
Iba ang saya ko pag kasama kita.
201
00:23:54,015 --> 00:23:55,725
Ikaw siguro ang Pasko ko.
202
00:23:58,186 --> 00:23:59,604
Pakiramdam mo ba parang bata ka ulit?
203
00:24:00,188 --> 00:24:01,731
Gano'n na nga.
204
00:24:06,319 --> 00:24:07,487
Ito ang pinakamahalaga sa lahat.
205
00:24:37,517 --> 00:24:39,186
Puwede mo bang sabihin sa 'kin…
206
00:24:43,940 --> 00:24:46,026
kung ano ang naging
kasunduan n'yo ni Papa?
207
00:24:52,657 --> 00:24:54,242
Gusto kong malaman,
208
00:24:54,326 --> 00:24:55,994
kahit alam kong masasaktan ako.
209
00:25:04,836 --> 00:25:05,879
No'ng araw na 'yon…
210
00:25:08,840 --> 00:25:10,550
umuulan nang malakas.
211
00:25:11,843 --> 00:25:13,053
Balitang trapiko muna.
212
00:25:13,553 --> 00:25:15,013
Labindalawang sasakyan ang nagkabanggaan
213
00:25:15,096 --> 00:25:17,265
sa intersection sa katimugang bahagi
ng Seongsu Bridge
214
00:25:17,349 --> 00:25:19,434
dahil sa malakas na ulan.
215
00:25:25,941 --> 00:25:27,067
Honey.
216
00:25:28,401 --> 00:25:29,527
Ayos ka lang ba?
217
00:25:30,445 --> 00:25:32,405
Dok!
218
00:25:34,449 --> 00:25:36,576
EMERGENCY MEDICAL CENTER
219
00:25:36,660 --> 00:25:37,994
Malapit na tayo.
220
00:25:38,078 --> 00:25:39,246
Kaunting tiis na lang, honey.
221
00:25:43,583 --> 00:25:45,085
Sandali lang, dok!
222
00:25:45,168 --> 00:25:47,087
Pakitingnan po ang asawa ko.
Naaksidente kasi kami.
223
00:25:47,170 --> 00:25:49,923
Pasensiya na, pero puno na kami
kahit sa emergency room.
224
00:25:50,006 --> 00:25:52,133
Humanap na lang kayo
ng ibang ospital. Pasensiya na.
225
00:26:03,645 --> 00:26:05,730
Honey!
226
00:26:07,857 --> 00:26:10,193
Parang may mali.
227
00:26:13,029 --> 00:26:15,532
Hindi. Hindi puwedeng mangyari 'to.
228
00:26:17,033 --> 00:26:18,243
Tulong!
229
00:26:18,326 --> 00:26:19,995
Tulungan n'yo kami!
230
00:26:21,413 --> 00:26:25,208
Pakiusap, iligtas n'yo ang asawa ko.
231
00:26:27,002 --> 00:26:28,712
Hindi, honey.
232
00:26:39,139 --> 00:26:40,515
Tulungan mo kami.
233
00:26:40,598 --> 00:26:43,143
Mamamatay ang asawa ko
kapag hindi siya agad natingnan ng doktor.
234
00:26:45,812 --> 00:26:49,107
Dalawang buhay ang maililigtas
sa pagtupad ng isang hiling.
235
00:26:49,190 --> 00:26:50,775
Puwede na.
236
00:26:50,859 --> 00:26:52,360
Tutuparin ko ang kahilingan mo.
237
00:26:53,570 --> 00:26:54,904
Sa isang kondisyon.
238
00:26:54,988 --> 00:26:56,573
Kahit ano pa 'yan.
239
00:26:56,656 --> 00:26:57,657
Gagawin ko ang lahat.
240
00:26:57,741 --> 00:26:59,075
Ayaw mo ba munang marinig?
241
00:26:59,909 --> 00:27:01,036
Baka pagsisihan mo.
242
00:27:01,119 --> 00:27:02,454
Hindi.
243
00:27:02,537 --> 00:27:04,372
Hinding-hindi ko pagsisisihan 'yon.
244
00:27:05,540 --> 00:27:07,334
O, sige. Bahala ka.
245
00:27:25,101 --> 00:27:28,355
Iniligtas mo rin pala ako noon.
246
00:27:30,607 --> 00:27:32,067
Hindi ako.
247
00:27:32,984 --> 00:27:34,402
Kundi ang papa mo.
248
00:27:35,528 --> 00:27:36,613
Nailigtas ka…
249
00:27:38,615 --> 00:27:39,699
dahil sa sakripisyo niya.
250
00:27:43,953 --> 00:27:45,538
Bakit hindi mo sinabi sa 'kin kaagad?
251
00:27:47,332 --> 00:27:49,834
Ayaw ko nang guluhin pa ang isip mo.
252
00:27:52,087 --> 00:27:53,838
Dahil totoo naman, e.
253
00:27:54,714 --> 00:27:55,965
Naging miserable ka dahil sa 'kin.
254
00:27:57,842 --> 00:27:59,844
Hindi mo ako ginawang miserable.
255
00:28:00,678 --> 00:28:04,224
Sampung masasayang taon akong namuhay
kasama ang mga magulang ko.
256
00:28:05,558 --> 00:28:08,520
Ginawa nila ang lahat para masulit
257
00:28:09,312 --> 00:28:11,523
ang bawat sandali,
258
00:28:13,274 --> 00:28:16,152
siguro dahil alam nilang kakaunti lang
ang oras nila na kasama ako.
259
00:28:25,412 --> 00:28:26,830
Iniligtas mo 'ko.
260
00:28:29,290 --> 00:28:30,458
Sa dati kong buhay
261
00:28:31,793 --> 00:28:32,877
at sa buhay ko ngayon.
262
00:28:37,674 --> 00:28:39,092
Iniligtas mo rin ako.
263
00:28:40,969 --> 00:28:42,512
Iniligtas mo 'ko…
264
00:28:46,391 --> 00:28:47,684
mula sa walang-hanggang pagkawasak.
265
00:29:29,642 --> 00:29:31,728
MIRAE F&B
266
00:29:38,610 --> 00:29:40,195
Magandang umaga po.
267
00:29:40,278 --> 00:29:42,071
Magandang umaga rin sa inyo.
268
00:29:42,864 --> 00:29:43,865
Kumusta kayo?
269
00:29:43,948 --> 00:29:45,575
Magandang umaga po.
270
00:29:51,790 --> 00:29:53,416
Salamat, Ms. Shin.
271
00:29:53,500 --> 00:29:55,293
Hindi, ako nga ang dapat magpasalamat.
272
00:29:57,545 --> 00:29:59,547
Masaya akong makita kayo ulit.
273
00:30:00,632 --> 00:30:02,717
Ako rin.
274
00:30:04,010 --> 00:30:05,553
Hinihintay na kayo ni Mr. Ju Seok-hoon.
275
00:30:11,976 --> 00:30:15,063
Ang tagal nilang nawala, ha,
276
00:30:15,146 --> 00:30:16,523
pero parang mas masaya sila ngayon.
277
00:30:16,606 --> 00:30:18,858
Matagal na silang ganiyan.
278
00:30:18,942 --> 00:30:21,402
Silang dalawa ni Ms. Do at Mr. Jeong.
279
00:30:21,986 --> 00:30:22,987
Malamang nagbakasyon sila.
280
00:30:23,613 --> 00:30:27,075
Hindi. Pakiramdam ko may iba pang dahilan.
281
00:30:27,158 --> 00:30:28,076
Tulad ng?
282
00:30:28,910 --> 00:30:29,744
Ewan ko.
283
00:30:29,828 --> 00:30:32,789
Pero ang lakas ng kapit nila sa isa't isa,
284
00:30:32,872 --> 00:30:34,833
na parang may nalagpasan silang
matinding problema.
285
00:30:34,916 --> 00:30:37,627
Matapos kong marinig
ang walang-katuturang sinabi mo,
286
00:30:37,710 --> 00:30:39,379
kumbinsido na akong nagbakasyon nga sila.
287
00:30:39,462 --> 00:30:41,589
Maniwala ka, hindi 'yon dahil do'n.
288
00:30:43,675 --> 00:30:44,717
Mr. Jeong.
289
00:30:45,885 --> 00:30:49,097
Di ba sabi ko sa 'yo hindi ako papayag
na saktan mo si Do-hee?
290
00:30:49,180 --> 00:30:50,431
Ano'ng problema nito?
291
00:30:53,518 --> 00:30:56,646
'Wag na 'wag ka nang mawawala ulit,
kung hindi, pagsisisihan mo.
292
00:30:58,356 --> 00:30:59,858
Patay na patay ka talaga sa 'kin.
293
00:30:59,941 --> 00:31:01,150
Oo na, bitawan mo na 'ko.
294
00:31:02,694 --> 00:31:04,195
Masaya akong nagbalik ka na.
295
00:31:05,280 --> 00:31:06,281
Sabing oo na, e.
296
00:31:06,865 --> 00:31:09,242
Ano ba! Nagdidikit ang mga tainga natin.
297
00:31:09,325 --> 00:31:11,327
Do-hee, tulong.
298
00:31:11,411 --> 00:31:12,620
Tingnan mo 'ko.
299
00:31:12,704 --> 00:31:14,581
- Ingatan mo ang sarili mo.
- Do-hee.
300
00:31:15,248 --> 00:31:16,291
Do-hee.
301
00:31:17,458 --> 00:31:18,668
Oo na nga.
302
00:31:18,751 --> 00:31:21,504
- Dalawang sabaw sa table seven.
- Ito na ang dalawang mangkok ng kanin.
303
00:31:21,588 --> 00:31:24,090
- Nabusog ba kayo?
- Oo, napakasarap.
304
00:31:24,674 --> 00:31:25,550
Salamat.
305
00:31:30,096 --> 00:31:32,765
Pag nakaipon kayo ng sampung tatak,
may libre kayong rice soup.
306
00:31:33,600 --> 00:31:34,434
Salamat.
307
00:31:35,101 --> 00:31:38,229
Pagsisilbihan ulit namin kayo sa susunod!
308
00:31:38,313 --> 00:31:40,273
- Pagsisilbihan namin kayo!
- Pagsisilbihan namin kayo!
309
00:31:43,651 --> 00:31:45,570
Buti pa ang iba pinagsisilbihan n'yo.
310
00:31:47,155 --> 00:31:49,782
{\an8}CONGRATS SA PAGBUBUKAS N'YO
PAALAM, UNDERWORLD, HELLO, SUNNY SPOT
311
00:32:04,172 --> 00:32:05,715
Maligayang pagdating po, boss.
312
00:32:05,798 --> 00:32:07,759
- Maligayang pagdating po!
- Maligayang pagdating po!
313
00:32:10,094 --> 00:32:11,804
Nag-abala pa kayo.
314
00:32:11,888 --> 00:32:13,514
Balita ko sikat daw ang rice soup n'yo.
315
00:32:13,598 --> 00:32:14,891
Bigyan mo nga ako ng isa.
316
00:32:14,974 --> 00:32:17,185
Gusto ko 'yong may iba't ibang sahog.
317
00:32:18,645 --> 00:32:22,941
Isa ngang napakasarap na rice soup
na may iba't ibang sahog!
318
00:32:23,024 --> 00:32:25,276
- Rice soup na maraming sahog!
- Rice soup na maraming sahog!
319
00:32:25,902 --> 00:32:28,488
Libre ba 'yong kakainin ko?
320
00:32:29,113 --> 00:32:31,783
- Nakasulat po "9,000 won", di ba?
- Sige, aalis na ako.
321
00:32:31,866 --> 00:32:33,493
Biro lang. Siyempre libre na.
322
00:32:34,702 --> 00:32:36,579
Kumusta na?
323
00:32:36,663 --> 00:32:40,375
- Parang namayat kayo.
- Hindi ako nakakakain nang maayos, e.
324
00:32:40,458 --> 00:32:41,793
Ano?
325
00:32:41,876 --> 00:32:44,128
Higit sa kalahati ng board
ang kumakampi kay Do Do-hee?
326
00:32:45,672 --> 00:32:49,092
Pambihira naman talaga!
327
00:32:50,885 --> 00:32:53,680
Talaga bang magiging chairman
ang buwisit na Do-hee na 'yon?
328
00:32:58,518 --> 00:32:59,936
Hindi ako puwedeng sumuko.
329
00:33:00,561 --> 00:33:02,605
May huli pa akong alas.
330
00:33:19,539 --> 00:33:20,790
Ano'ng ginagawa n'yo rito?
331
00:33:20,873 --> 00:33:21,958
Mayroon kaming…
332
00:33:23,793 --> 00:33:24,877
mahalagang pag-uusapan.
333
00:33:28,840 --> 00:33:31,342
Nandito po si Ms. Noh Su-ahn,
ang nagpapanggap na kapamilya n'yo.
334
00:33:38,641 --> 00:33:39,726
Bumati kayo.
335
00:33:39,809 --> 00:33:41,811
- Hello po, chairman.
- Hello po, chairman.
336
00:33:45,356 --> 00:33:47,859
Ano'ng ginagawa n'yo rito ng mga anak mo?
337
00:34:00,371 --> 00:34:02,123
Patawad sa lahat, Do-hee.
338
00:34:02,206 --> 00:34:03,875
Taos-puso akong humihingi ng tawad.
339
00:34:05,710 --> 00:34:07,211
Naaalala mo ba?
340
00:34:07,295 --> 00:34:09,797
Tuwang-tuwa sa 'yo si Austin noon.
341
00:34:09,881 --> 00:34:11,174
Si Justin po ako.
342
00:34:12,467 --> 00:34:15,011
Este, tuwang-tuwa lagi si Justin sa 'yo.
343
00:34:15,094 --> 00:34:17,263
'Wag mong alalahanin
ang kinabukasan ng Mirae Group.
344
00:34:17,346 --> 00:34:20,391
Sumasailalim na
sina Austin at Justin sa training.
345
00:34:20,475 --> 00:34:23,811
Maaasahan mo ang pinagsamang
suporta nila sa hinaharap.
346
00:34:23,895 --> 00:34:26,689
Si Justin sa kaliwa mo
at si Austin naman sa kanan.
347
00:34:26,773 --> 00:34:28,232
Ang galing, di ba?
348
00:34:28,316 --> 00:34:30,318
Puwede ring si Justin sa kaliwa
at si Austin sa kanan.
349
00:34:30,401 --> 00:34:33,112
Si Justin sa kaliwa,
si Austin sa kanan mo.
350
00:34:33,196 --> 00:34:34,113
Silang dalawa.
351
00:34:34,197 --> 00:34:36,199
Do-hee!
352
00:34:37,158 --> 00:34:38,326
Do-hee!
353
00:34:38,409 --> 00:34:40,328
Mas gagalingan ko pa sa susunod.
354
00:34:40,912 --> 00:34:43,831
Balang araw,
makikita mo rin na sinsero ako.
355
00:34:43,915 --> 00:34:46,751
Pamilya tayo, di ba? Do-hee!
356
00:34:49,796 --> 00:34:50,630
Justin?
357
00:34:52,632 --> 00:34:53,508
Austin?
358
00:34:57,470 --> 00:34:58,554
Tara na.
359
00:35:18,491 --> 00:35:19,492
Pamilya?
360
00:35:21,244 --> 00:35:23,454
CIVIL AFFAIRS OFFICE
361
00:35:25,289 --> 00:35:26,874
{\an8}BISITA
PANGALAN: DO DO-HEE
362
00:35:28,543 --> 00:35:31,295
RELASYON: KAPAMILYA
363
00:35:49,063 --> 00:35:50,439
Parang walang nangyari, a.
364
00:35:51,816 --> 00:35:53,317
Bato nga talaga ang puso mo.
365
00:35:54,026 --> 00:35:57,029
Namatay na ang lahat nang nasa paligid mo
nang dahil sa 'yo,
366
00:35:57,113 --> 00:35:58,573
pero di ka man lang nababahala.
367
00:35:59,615 --> 00:36:00,867
Ikinalulungkot kong sabihin 'to,
368
00:36:01,826 --> 00:36:03,703
pero nabigo ang plano mong
manira ng buhay.
369
00:36:05,329 --> 00:36:06,873
Nagbalik na si Gu-won,
370
00:36:07,874 --> 00:36:09,750
at kita mo naman, wala akong galos.
371
00:36:13,838 --> 00:36:16,174
At akala mo ba maniniwala ako?
372
00:36:17,717 --> 00:36:18,843
Tingnan mo 'ko.
373
00:36:20,344 --> 00:36:23,222
Hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi mo.
374
00:36:25,349 --> 00:36:27,018
Imposibleng nagpapanggap lang ako, di ba?
375
00:36:37,820 --> 00:36:39,530
Ang kaisa-isang bagay na nasira mo
376
00:36:41,365 --> 00:36:43,117
ay ang sarili mo.
377
00:36:57,965 --> 00:36:59,175
Tumahimik ka!
378
00:37:00,676 --> 00:37:01,719
Noh Suk-min!
379
00:37:02,553 --> 00:37:03,596
Huminahon ka, Noh Suk-min!
380
00:37:05,181 --> 00:37:08,267
Kapag nakalabas ako rito,
381
00:37:08,351 --> 00:37:10,061
ako mismo ang papatay sa kanila.
382
00:37:10,144 --> 00:37:11,562
Kahit gaano pa katagal ang abutin,
383
00:37:11,646 --> 00:37:12,939
papatayin ko sila.
384
00:37:25,743 --> 00:37:26,953
Mama.
385
00:37:32,708 --> 00:37:34,794
Bakit ganiyan kayo makatingin sa 'kin?
386
00:37:36,128 --> 00:37:37,546
'Wag n'yo akong tingnan nang ganiyan!
387
00:37:37,630 --> 00:37:38,965
Tama na!
388
00:37:40,299 --> 00:37:42,760
Tulong! Tulungan n'yo 'ko!
389
00:37:42,843 --> 00:37:44,011
Hoy!
390
00:37:44,887 --> 00:37:47,098
Sabing tama na!
391
00:37:47,640 --> 00:37:48,808
Umalis na kayo!
392
00:37:56,857 --> 00:38:00,403
Ma'am, ipapakuha ko na po ba
ang mga gamit?
393
00:38:00,486 --> 00:38:01,696
Oo, sige.
394
00:38:04,865 --> 00:38:06,325
Ma'am…
395
00:38:06,409 --> 00:38:08,577
Ano po ang gusto n'yong gawin dito?
396
00:38:08,661 --> 00:38:09,954
DAN CERTIFICATE
JIU-JITSU 2 DAN, NOH DO-GYEONG
397
00:38:11,289 --> 00:38:13,874
- Pakitapon na lang.
- Sige po.
398
00:38:20,798 --> 00:38:23,175
Ano ba 'yan. Di ka kasi nag-iingat, e.
399
00:38:23,259 --> 00:38:24,093
Pasensiya na po.
400
00:38:53,039 --> 00:38:55,708
{\an8}10 TAON ANG NAKARARAAN
401
00:38:56,459 --> 00:38:58,461
Pupunta ka ulit sa gym?
402
00:38:58,544 --> 00:39:00,671
Alam mo ba kung anong oras na?
403
00:39:03,215 --> 00:39:05,343
Bakit mo ba ginagawa 'to?
404
00:39:07,094 --> 00:39:08,554
Kailangan ko pong protektahan…
405
00:39:10,264 --> 00:39:11,265
ang sarili ko…
406
00:39:13,017 --> 00:39:13,934
at kayo.
407
00:39:18,606 --> 00:39:19,440
Do…
408
00:39:21,192 --> 00:39:22,276
Do-gyeong!
409
00:39:35,289 --> 00:39:36,332
Pero para sa…
410
00:39:36,415 --> 00:39:37,792
PANTANGGAL NG TAGHIYAWAT
411
00:39:40,211 --> 00:39:41,045
Naku.
412
00:39:41,629 --> 00:39:43,631
Pasensiya na.
413
00:39:43,714 --> 00:39:45,633
Ayos lang po.
Mayroon na ako n'ong para sa sugat.
414
00:39:46,926 --> 00:39:48,469
- Mama.
- O?
415
00:39:50,221 --> 00:39:51,222
Aalis po muna ako.
416
00:40:17,415 --> 00:40:19,458
Araw-araw tayong magvi-video chat.
417
00:40:21,752 --> 00:40:24,672
Nakakalungkot isiping
mag-isa ka lang sa ibang bansa.
418
00:40:25,673 --> 00:40:27,299
Gusto kong masaya ang paghihiwalay natin.
419
00:40:28,634 --> 00:40:30,386
Ingatan mo ang sarili mo sa England.
420
00:40:30,886 --> 00:40:33,097
Kahit ayaw mo n'ong pagkain,
'wag kang magpapalipas ng gutom.
421
00:40:33,180 --> 00:40:35,641
- Oo.
- Hinay-hinay lang sa pag-eensayo.
422
00:40:35,724 --> 00:40:37,518
At bago matulog…
423
00:40:38,769 --> 00:40:39,603
Tama na.
424
00:40:42,773 --> 00:40:43,816
Jin Ga-young.
425
00:40:43,899 --> 00:40:45,901
Aalis ka na lang ba
nang hindi nagpapaalam?
426
00:40:52,408 --> 00:40:54,243
Baka kasi magbago pa ang isip ko
pag nakita ko kayo.
427
00:40:55,369 --> 00:40:56,203
Ito.
428
00:40:57,037 --> 00:41:00,458
Nabasa ko na
madalas daw umulan sa England.
429
00:41:00,541 --> 00:41:01,750
Dalhin mo 'to.
430
00:41:03,794 --> 00:41:05,337
Puwede naman akong bumili roon.
431
00:41:05,421 --> 00:41:07,381
Gusto niyang maalala mo siya
tuwing umuulan.
432
00:41:08,299 --> 00:41:11,010
'Yan ang magsisilbing alaala niya sa 'yo.
433
00:41:12,344 --> 00:41:14,513
Sobra naman 'yon. Payong lang 'to.
434
00:41:17,600 --> 00:41:18,809
O sige.
435
00:41:19,518 --> 00:41:20,478
Kung…
436
00:41:22,146 --> 00:41:23,522
Kung sakaling babalik ka,
437
00:41:26,150 --> 00:41:27,401
tatanggapin ka namin dito…
438
00:41:29,487 --> 00:41:30,446
anumang oras.
439
00:41:33,240 --> 00:41:34,992
Kita mo na? Ginugulo n'yo ang isip ko, e.
440
00:41:37,745 --> 00:41:39,330
Sana maging masaya ka, Director Jeong.
441
00:41:41,290 --> 00:41:43,250
Ikaw din, Mr. Park.
442
00:42:00,643 --> 00:42:01,936
Sir, sandali lang.
443
00:42:09,109 --> 00:42:10,277
Sabi na, e.
444
00:42:11,904 --> 00:42:14,532
Wala akong mapapala sa pagpunta ko rito.
445
00:42:20,120 --> 00:42:21,163
Ayos ka lang ba?
446
00:42:22,915 --> 00:42:24,124
Uy.
447
00:42:24,208 --> 00:42:25,543
Ano'ng nangyari sa mukha mo?
448
00:42:31,507 --> 00:42:32,341
Halika rito.
449
00:42:35,302 --> 00:42:36,262
Sabing halika rito.
450
00:42:40,849 --> 00:42:42,184
Ikaw ba ang tatay niya?
451
00:42:42,268 --> 00:42:43,185
Ano ngayon?
452
00:42:43,769 --> 00:42:45,271
Wala kang karapatang saktan siya.
453
00:42:45,354 --> 00:42:47,940
Hindi ko siya sinaktan.
Nadapa siya habang naglalaro.
454
00:42:51,026 --> 00:42:52,152
Sino ka ba?
455
00:42:52,778 --> 00:42:54,071
Bakit ka ba nangingialam…
456
00:42:54,154 --> 00:42:55,114
Ito po ba 'yong presinto?
457
00:42:55,197 --> 00:42:57,366
May isusumbong lang akong
pang-aabuso ng bata.
458
00:42:57,449 --> 00:42:58,617
Hoy, ibaba mo 'yan.
459
00:42:58,701 --> 00:43:00,327
- Oo, nandito ako sa…
- Aba, loko 'tong…
460
00:43:09,169 --> 00:43:12,089
Hindi n'yo ba alam
kung ano ang isang tagabantay?
461
00:43:12,172 --> 00:43:13,340
Ako ang magulang niya.
462
00:43:13,424 --> 00:43:16,552
Hindi ko ba puwedeng disiplinahin
ang sarili kong anak?
463
00:43:16,635 --> 00:43:18,554
Anong kalokohan 'to?
464
00:43:18,637 --> 00:43:20,264
Mukha n'yo, pang-aabuso sa bata.
465
00:43:20,347 --> 00:43:22,474
Nadapa siya habang naglalaro, 'yon lang.
466
00:43:22,558 --> 00:43:25,894
Maiiwan na ako ng eroplano
kapag hindi pa ako umalis.
467
00:43:27,438 --> 00:43:28,272
Hindi pa ba tayo aalis?
468
00:44:02,514 --> 00:44:03,682
Ta-da.
469
00:44:04,433 --> 00:44:05,476
Para sa 'yo 'to.
470
00:44:18,739 --> 00:44:19,823
Bagay sa 'yo.
471
00:44:20,741 --> 00:44:23,577
Anghel po ba kayo?
472
00:44:27,206 --> 00:44:30,125
Anghel ba kayo?
473
00:44:30,834 --> 00:44:32,753
Ako? Paano mo naisip 'yon?
474
00:44:33,337 --> 00:44:35,547
Iniligtas n'yo ko.
475
00:44:45,099 --> 00:44:47,351
Oo, anghel ako.
476
00:44:54,483 --> 00:44:56,568
Tawagan mo 'ko pag may nangyari ulit.
477
00:44:58,237 --> 00:44:59,196
'Wag mong kalimutan.
478
00:44:59,988 --> 00:45:01,323
Ang mga anghel…
479
00:45:03,409 --> 00:45:04,785
Ang mga anghel…
480
00:45:06,286 --> 00:45:07,704
hinding-hindi ka nila ililigtas.
481
00:45:09,415 --> 00:45:11,041
…palagi ka nilang ililigtas.
482
00:45:14,545 --> 00:45:16,713
Sige po, anghel.
483
00:45:20,300 --> 00:45:22,094
Aalis pa ba tayo o ano?
484
00:45:27,599 --> 00:45:28,767
Hindi na.
485
00:45:28,851 --> 00:45:30,352
May kailangan pa akong gawin dito.
486
00:45:49,121 --> 00:45:50,038
Uminom ka.
487
00:45:58,714 --> 00:46:02,009
Nabalitaan kong aalis ka na raw sa board.
488
00:46:02,634 --> 00:46:07,014
Balak akong magtayo ng institusyon
para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
489
00:46:08,390 --> 00:46:11,602
Alam kong hindi sapat 'yon
para makabawi ako
490
00:46:11,685 --> 00:46:13,395
sa lahat ng kasalanang nagawa ko.
491
00:46:14,271 --> 00:46:15,314
Pero…
492
00:46:16,356 --> 00:46:18,609
Ayoko nang magbulag-bulagan.
493
00:46:23,906 --> 00:46:25,032
Patawad
494
00:46:25,782 --> 00:46:27,784
dahil nagbulag-bulagan ako
nang mahabang panahon.
495
00:46:29,411 --> 00:46:31,788
Salamat at nakahanap ka rin
ng lakas ng loob.
496
00:46:34,833 --> 00:46:37,169
Sabihan mo lang ako
kung kailangan mo ng tulong
497
00:46:37,252 --> 00:46:39,004
sa itatayo mong institusyon.
498
00:46:40,088 --> 00:46:40,923
Sige,
499
00:46:41,632 --> 00:46:42,758
makakaasa ka.
500
00:46:48,847 --> 00:46:51,808
Sabi ng mga baraha ko,
magkaka-boyfriend ako ngayong taon,
501
00:46:51,892 --> 00:46:53,977
pero buong taon na akong single.
502
00:46:56,688 --> 00:46:58,398
'Wag ka nang malungkot, Ms. Choi.
503
00:46:58,482 --> 00:47:01,235
May isang araw pa naman
bago matapos ang taon.
504
00:47:01,318 --> 00:47:03,153
Tama. Masyado pang maaga para sumuko.
505
00:47:03,737 --> 00:47:05,697
Mas pinapasama n'yo lang ang loob ko.
506
00:47:05,781 --> 00:47:07,324
Gayumpaman,
507
00:47:07,407 --> 00:47:08,742
gusto n'yo bang mag-team dinner tayo?
508
00:47:14,039 --> 00:47:15,582
Sige!
509
00:47:15,666 --> 00:47:17,417
Ituloy natin ang team dinner na 'yan.
510
00:47:18,126 --> 00:47:20,254
Mukhang tumatanda na rin ang isang 'to.
511
00:47:20,337 --> 00:47:22,548
Mahilig ka na rin ba
sa team dinner ngayon?
512
00:47:24,174 --> 00:47:25,384
Kayo na lang.
513
00:47:25,968 --> 00:47:28,512
Gusto kong magbagong taon
kasama ang pamilya ko.
514
00:47:28,595 --> 00:47:29,888
Pamilya mo rin naman kami, di ba?
515
00:47:29,972 --> 00:47:32,307
Hay, naku.
Wala ba kayong mga personal na buhay?
516
00:47:33,850 --> 00:47:37,229
Ako wala, maski sa bahay.
517
00:47:41,024 --> 00:47:42,901
Sige, ituloy natin ang team dinner.
518
00:48:15,934 --> 00:48:17,561
Ms. Shin!
519
00:48:21,898 --> 00:48:22,816
Saan tayo pupunta?
520
00:48:25,235 --> 00:48:27,613
Makinig kayo, may sasabihin ako.
521
00:48:27,696 --> 00:48:29,698
Bakit mo ginagawa 'to?
522
00:48:32,909 --> 00:48:35,787
May relasyon kaming dalawa.
523
00:48:41,418 --> 00:48:45,339
Ang lalaking ito,
si Mr. Park Bok-gyu, ang boyfriend ko.
524
00:48:47,049 --> 00:48:50,927
Siya ang pinaka-inosente
at pinakamabuting tao sa buong mundo.
525
00:48:53,138 --> 00:48:54,514
Ms. Shin.
526
00:48:58,435 --> 00:49:00,479
- Gano'n ba?
- Gano'n ba?
527
00:49:00,562 --> 00:49:01,647
Gano'n ba?
528
00:49:01,730 --> 00:49:03,148
Buti naman at umamin na kayo.
529
00:49:03,231 --> 00:49:04,650
Sa wakas.
530
00:49:04,733 --> 00:49:07,110
Ang hirap kayang magkunwaring walang alam.
531
00:49:07,194 --> 00:49:10,238
Ibig sabihin,
matagal na kayong naghihinala?
532
00:49:10,322 --> 00:49:13,241
Hindi naman sa naghihinala kami.
533
00:49:18,038 --> 00:49:19,873
Magpakuha lang tayo ng isa.
534
00:49:19,956 --> 00:49:21,750
Oo nga. Isa lang, tapos alis na tayo.
535
00:49:24,711 --> 00:49:27,005
Basta aalis na tayo pagkatapos ng isa, ha?
536
00:49:27,089 --> 00:49:29,466
Oo nga, isa lang.
537
00:49:29,549 --> 00:49:30,676
Ang cute mo.
538
00:49:33,053 --> 00:49:34,054
Ayos.
539
00:49:34,846 --> 00:49:36,139
Ang ganda ko ba?
540
00:49:36,223 --> 00:49:38,350
- Hindi.
- Sa ngalan ng pag-ibig at hustisya…
541
00:49:42,771 --> 00:49:44,064
- Hindi ba si…
- Miss…
542
00:49:44,648 --> 00:49:45,482
Shin?
543
00:49:57,285 --> 00:49:58,495
Hindi ba parang
544
00:49:58,578 --> 00:50:01,415
umamin na rin kayo sa buong mundo n'on?
545
00:50:18,306 --> 00:50:21,351
MAKALIPAS ANG APAT NA BUWAN
546
00:50:41,872 --> 00:50:43,165
Paano mo nagagawa 'yan?
547
00:50:47,586 --> 00:50:48,962
Sir.
548
00:50:49,629 --> 00:50:51,256
Tama na ang pag-eehersisyo. Tayo na.
549
00:50:51,339 --> 00:50:53,133
Hindi ako puwedeng mamatay nang ganito.
550
00:50:53,717 --> 00:50:55,135
Kamakailan lang,
551
00:50:55,218 --> 00:50:58,138
nalaman kong may malubhang sakit si Mama.
552
00:50:59,055 --> 00:51:03,059
Kapag namatay na siya,
553
00:51:03,143 --> 00:51:05,979
saka ako sasama sa 'yo.
554
00:51:07,189 --> 00:51:09,858
Tumigil ka na nga.
Baka maawa pa ako sa 'yo, e.
555
00:51:09,941 --> 00:51:12,235
Si Mama…
556
00:51:12,319 --> 00:51:15,113
malulungkot siya nang husto
pag nawala ako.
557
00:51:15,197 --> 00:51:17,491
Maawa ka sa 'kin.
558
00:51:21,495 --> 00:51:22,913
Sandali lang.
559
00:51:22,996 --> 00:51:24,790
Magpahinga ka muna.
560
00:51:25,373 --> 00:51:26,625
Ano 'yon, Mr. Park?
561
00:51:26,708 --> 00:51:29,419
{\an8}Nagbasa ako tungkol kay Oh Jin-sang,
'yong may kontratang matatapos ngayon.
562
00:51:29,503 --> 00:51:33,048
Basura pala talaga ang isang 'yon.
563
00:51:33,131 --> 00:51:35,675
Madalas niyang bugbugin ang mama niya,
564
00:51:35,759 --> 00:51:39,262
at higit sa sampung beses
na siyang inireklamo.
565
00:51:39,346 --> 00:51:42,349
Humiling lang sa 'yo ang gagong 'yon
na palakasin mo siya
566
00:51:42,432 --> 00:51:44,309
para makapanakot ng tao.
567
00:51:44,392 --> 00:51:45,811
At hindi lang 'yon, ha.
568
00:51:45,894 --> 00:51:47,687
Hindi, sapat na 'yon.
569
00:51:53,193 --> 00:51:54,027
Salamat.
570
00:51:54,694 --> 00:51:55,695
Para saan?
571
00:51:56,279 --> 00:51:57,155
Dahil sa pagiging…
572
00:51:58,031 --> 00:51:59,407
gago mo.
573
00:52:07,374 --> 00:52:08,583
Naintindihan ko.
574
00:52:09,376 --> 00:52:11,419
Parating na ang chairperson.
575
00:52:31,356 --> 00:52:34,442
{\an8}MIRAE GROUP
CHAIRPERSON
576
00:52:36,194 --> 00:52:37,320
Nakaabot pa ako.
577
00:52:41,449 --> 00:52:42,951
"Maging Zero sa Tulong
ng Banal na Espiritu"?
578
00:52:43,034 --> 00:52:45,287
Nagsisi na ako at ngayon Katoliko na 'ko,
gaya ni Mama.
579
00:52:45,370 --> 00:52:48,582
Para itong hybrid ng pananampalataya ko
at pagbabawas ng timbang.
580
00:52:48,665 --> 00:52:51,293
MABUSOG SA PANANAMPALATAYA
581
00:52:51,376 --> 00:52:53,128
- Ano'ng ibig sabihin ng "zero"?
- Zero ang laki.
582
00:52:54,337 --> 00:52:58,133
Hindi lang dapat kaluluwa ang inaalagaan,
kundi pati ang katawan.
583
00:53:15,859 --> 00:53:17,819
Pasensiya na, nahuli ako.
584
00:53:17,903 --> 00:53:21,489
{\an8}Marami lang akong inaral na dokumento
bago ang unang miting ko bilang chairman.
585
00:53:21,573 --> 00:53:22,490
Magsimula na tayo.
586
00:53:22,574 --> 00:53:25,118
Bago natin simulan ang miting,
magre-report ang bawat subsidiary
587
00:53:25,201 --> 00:53:27,495
ng performance nila
sa unang bahagi ng taon.
588
00:53:27,579 --> 00:53:29,539
Nabasa ko na ang mga report.
589
00:53:30,332 --> 00:53:33,543
Tumaas ang operating margin natin
ngayon kumpara sa nakaraang taon.
590
00:53:34,669 --> 00:53:37,047
Gayumpaman, ayon sa pananaliksik ko,
591
00:53:37,130 --> 00:53:40,592
nagbunga ang resultang ito
mula sa malaking kabawasan
592
00:53:40,675 --> 00:53:43,261
sa mga gastos ng empleado
at mga benepisyo nila,
593
00:53:44,137 --> 00:53:46,306
na siyang pinakamadaling paraan
para pataasin ang numero.
594
00:53:47,140 --> 00:53:50,185
Kahit mahalaga ang resulta,
mas mahalaga ang proseso
595
00:53:50,268 --> 00:53:53,313
ng pagkakaroon ng magandang performance
na pangmatagalan.
596
00:53:54,022 --> 00:53:55,815
Simula ngayon,
597
00:53:55,899 --> 00:53:58,610
hindi na gagamit ng madaling paraan
ang Mirae Group
598
00:53:58,693 --> 00:54:00,111
para makakuha ng gano'ng resulta.
599
00:54:09,704 --> 00:54:10,914
Ang galing n'yo po, sir.
600
00:54:12,374 --> 00:54:14,709
- Salamat sa pagsisikap n'yo.
- Salamat.
601
00:54:15,961 --> 00:54:17,253
Talagang pinaghandaan mo, a.
602
00:54:17,921 --> 00:54:19,714
Magaling kasi akong manaliksik.
603
00:54:21,508 --> 00:54:23,134
Siyanga pala, Do-hee,
604
00:54:24,469 --> 00:54:27,389
sigurado ka bang ayos lang sa 'yo
na ako ang umupong chairman?
605
00:54:28,223 --> 00:54:31,226
Ayaw na ayaw kong humihingi
ng kahit anong tulong kay Madam Ju.
606
00:54:31,935 --> 00:54:33,645
Kung ako ang naging chairman,
607
00:54:33,728 --> 00:54:35,855
dahil 'yon sa kagustuhan ni Madam Ju.
608
00:54:36,982 --> 00:54:39,150
Isa pa, nakakahiyang humingi
ng tulong sa kaniya ngayon.
609
00:54:39,234 --> 00:54:40,694
Ganiyan ka nga.
610
00:54:40,777 --> 00:54:43,154
Matagal ko nang alam
kung gaano ka kahusay.
611
00:54:44,239 --> 00:54:45,448
'Wag kang makampante.
612
00:54:45,532 --> 00:54:49,119
Baka kapag lumaki ang kompanya ko,
maagaw ko sa 'yo ang Mirae Group.
613
00:54:50,245 --> 00:54:51,871
- Seok-hoon.
- Uy, Su-ahn.
614
00:54:53,206 --> 00:54:54,624
Ang husay mo.
615
00:54:54,708 --> 00:54:56,668
Iba talaga kapag bata ang namamahala.
616
00:54:56,751 --> 00:54:57,711
Salamat.
617
00:54:58,336 --> 00:55:00,672
Naaalala mo ba?
618
00:55:00,755 --> 00:55:04,009
Tuwang-tuwa sa 'yo si Austin noon.
619
00:55:04,092 --> 00:55:06,302
'Wag mong alalahanin
ang kinabukasan ng Mirae Group.
620
00:55:06,386 --> 00:55:08,888
Sumasailalim na
sina Austin at Justin sa training.
621
00:55:08,972 --> 00:55:11,349
Si Justin sa kaliwa mo
at si Austin naman sa kanan.
622
00:55:11,433 --> 00:55:13,435
At maaasahan mo rin ang suporta ko.
623
00:55:14,144 --> 00:55:15,103
- Su-ahn.
- Ano?
624
00:55:15,186 --> 00:55:17,063
- Baguhin mo ang linyahan mo.
- Nasa likod mo lang ako.
625
00:55:17,147 --> 00:55:18,273
Alagaan mo ang sarili mo.
626
00:55:18,356 --> 00:55:21,109
Kumain ng masustansiya at mag-ehersisyo.
627
00:55:21,192 --> 00:55:22,986
Tandaan mo, nasa likod mo lang ako.
628
00:55:23,737 --> 00:55:24,738
CHIEF PROSECUTOR CHOI WOO-SUN
629
00:55:24,821 --> 00:55:27,490
Oo. Sige, sige.
630
00:55:30,285 --> 00:55:32,662
Pinagtibay ng Korte Suprema
ang parusang kamatayan.
631
00:55:35,582 --> 00:55:39,669
Ang ibig sabihin,
imposible na siyang mabigyan ng parol.
632
00:55:40,211 --> 00:55:44,299
Habambuhay nang mabubulok
sa bilangguan si Noh Suk-min.
633
00:55:45,341 --> 00:55:46,259
Salamat naman.
634
00:55:46,801 --> 00:55:48,970
Hindi na siya makakapanakit pa ng iba.
635
00:55:49,054 --> 00:55:50,680
Nga pala,
636
00:55:50,764 --> 00:55:53,391
may natuklasan ako
habang nag-iimbestiga ako,
637
00:55:53,475 --> 00:55:55,769
at sa tingin ko, dapat mong malaman 'to.
638
00:55:56,394 --> 00:55:58,897
Nagpatingin pala sa doktor
si Chairwoman Ju Cheon-suk
639
00:55:58,980 --> 00:56:00,940
bago siya namatay.
640
00:56:01,024 --> 00:56:02,358
A, oo.
641
00:56:03,318 --> 00:56:05,612
'Yon 'yong kondisyon ko
642
00:56:05,695 --> 00:56:07,864
para pumayag akong
makipag-blind date sa 'yo.
643
00:56:07,947 --> 00:56:10,658
Pero lumabas sa pagsusuri
644
00:56:11,576 --> 00:56:14,120
na mayroon pala siyang
malubhang kaso ng pancreatic cancer.
645
00:56:16,164 --> 00:56:17,123
Ano?
646
00:56:18,541 --> 00:56:20,460
Ano'ng ibig mong sabihin?
647
00:56:20,543 --> 00:56:21,669
Ayon sa doktor,
648
00:56:21,753 --> 00:56:25,131
alam daw niya kung gaano kalala
ang kondisyon niya.
649
00:56:40,355 --> 00:56:41,356
Madam Ju.
650
00:56:43,024 --> 00:56:45,693
Kaya n'yo ba ako kinukulit noon
na magpakasal?
651
00:56:45,777 --> 00:56:47,570
Para hindi ulit ako maiwan mag-isa?
652
00:56:50,657 --> 00:56:52,158
Bakit di n'yo sinabi sa 'kin?
653
00:56:53,118 --> 00:56:55,120
E di sana mas nagpakabait ako sa inyo
654
00:56:55,203 --> 00:56:57,122
at minahal ko pa kayo nang husto.
655
00:57:01,501 --> 00:57:03,128
Siguradong nahirapan kayo nang husto.
656
00:57:08,049 --> 00:57:10,802
{\an8}Sabi n'yo, kasinungalingan ang dumadaloy
sa mga ugat n'yo imbes na dugo,
657
00:57:11,386 --> 00:57:12,428
at totoo nga.
658
00:57:28,069 --> 00:57:29,320
'Wag na kayong mag-alala.
659
00:57:30,822 --> 00:57:33,116
May kasama na ako ngayon.
660
00:57:47,839 --> 00:57:49,507
Puwede nang mabuhay ang tao
hanggang 130 taon?
661
00:57:50,300 --> 00:57:52,760
Dadaan lang ang 130 taon
662
00:57:53,470 --> 00:57:54,929
sa isang kisapmata, e.
663
00:57:56,848 --> 00:57:58,266
Napakaiksi n'on.
664
00:57:59,809 --> 00:58:00,643
Gu-won!
665
00:58:01,478 --> 00:58:03,021
Oras na para sa paborito mong cake.
666
00:58:05,273 --> 00:58:06,232
Hindi!
667
00:58:07,108 --> 00:58:08,401
- Di ka puwedeng kumain niyan.
- Bakit?
668
00:58:08,485 --> 00:58:10,528
Alam mo ba kung gaano kasama
ang asukal sa tao?
669
00:58:10,612 --> 00:58:13,281
Tigilan mo ang pagkain ng mga 'to
para humaba ang buhay mo.
670
00:58:13,948 --> 00:58:15,074
Kaunti lang naman, e.
671
00:58:15,158 --> 00:58:16,659
Hindi! 'Wag.
672
00:58:16,743 --> 00:58:17,577
Hindi puwede.
673
00:58:18,161 --> 00:58:19,621
Kompanya ng dessert ang pinatatakbo ko.
674
00:58:19,704 --> 00:58:21,706
Simula ngayon,
masusustansiyang pagkain ang ibebenta mo.
675
00:58:22,665 --> 00:58:24,417
Ako na ang kakain ng lahat ng 'to.
676
00:58:25,335 --> 00:58:27,045
- Mamigay ka.
- Hindi.
677
00:58:27,712 --> 00:58:29,756
Masama 'to sa 'yo. Ako na ang uubos.
678
00:58:29,839 --> 00:58:31,216
- Bakit?
- Iba na lang ang kainin mo.
679
00:58:31,299 --> 00:58:33,343
Uminom ka na lang doon
ng red ginseng o ano man.
680
00:58:33,426 --> 00:58:34,594
Ako ang bumili nito.
681
00:58:43,645 --> 00:58:44,896
Tingnan mo ang tanawin sa gabi.
682
00:58:44,979 --> 00:58:46,731
Hindi mo makikita kung gaano kaganda 'yon.
683
00:58:47,315 --> 00:58:49,817
Pero hindi ko maalis
ang mga mata ko sa 'yo, e.
684
00:58:52,111 --> 00:58:53,613
Hindi ko mapigilan.
685
00:58:59,035 --> 00:58:59,994
Do-hee.
686
00:59:01,079 --> 00:59:02,497
Masyadong mabilis
687
00:59:04,165 --> 00:59:05,542
ang takbo ng oras mo.
688
00:59:11,756 --> 00:59:13,174
'Yon ang dahilan
689
00:59:13,258 --> 00:59:16,177
kaya nagiging mahalaga ang sandaling ito.
690
00:59:50,545 --> 00:59:53,131
- Mr. Park.
- Director Jeong.
691
00:59:53,214 --> 00:59:55,967
Makinig ka.
'Wag na 'wag kang magpapakasal.
692
00:59:56,551 --> 00:59:58,386
- Ha?
- Nag-away kami ni Do-hee,
693
00:59:58,469 --> 01:00:00,763
at buong araw siyang
nagpapatugtog ng mga himno
694
01:00:00,847 --> 01:00:02,557
mula sa iba't ibang mga relihiyon.
695
01:00:02,640 --> 01:00:05,602
Ibebenta pa raw niya ang kaluluwa niya
para lang inisin ako.
696
01:00:06,185 --> 01:00:07,103
Ito pa!
697
01:00:07,186 --> 01:00:08,563
Hindi ba't masyado itong pambata?
698
01:00:08,646 --> 01:00:10,189
Tingin ba niya isa 'tong talaarawan?
699
01:00:10,273 --> 01:00:12,150
Ginagawa niya kahit ano'ng gusto niya.
700
01:00:13,276 --> 01:00:14,527
Director Jeong.
701
01:00:14,611 --> 01:00:16,070
Bakit hindi mo ako kinakampihan?
702
01:00:16,779 --> 01:00:19,032
Bakit di mo ako matingnan
nang maayos? Ano ba 'yon?
703
01:00:19,616 --> 01:00:20,992
Ano?
704
01:00:24,829 --> 01:00:25,913
Ano?
705
01:00:32,920 --> 01:00:34,005
Asawa ko.
706
01:00:35,089 --> 01:00:36,466
Puwede ba tayong mag-usap?
707
01:00:38,676 --> 01:00:40,136
Akala ko tapos na tayong mag-usap.
708
01:00:40,219 --> 01:00:41,179
Hindi pa.
709
01:00:43,473 --> 01:00:45,808
Aasikasuhin ko muna 'yong pagtatanghal.
710
01:00:45,892 --> 01:00:48,519
- Hoy, kalabaw, 'wag kang umalis.
- Paalam, Mr. Park.
711
01:00:48,603 --> 01:00:50,313
Maiwan ko muna kayong dalawa.
712
01:00:51,356 --> 01:00:53,483
Ano 'to? Palaka?
713
01:00:53,566 --> 01:00:54,609
Ang cute naman.
714
01:00:54,692 --> 01:00:56,277
May palaka, may bulaklak,
715
01:00:56,361 --> 01:00:57,570
- may sisiw…
- Asawa ko.
716
01:00:57,654 --> 01:00:59,906
Kinakabahan ako pag tinatawag mo 'ko
nang ganiyan, e.
717
01:00:59,989 --> 01:01:02,116
- Ano 'yon?
- Wala.
718
01:01:02,200 --> 01:01:05,870
Mahirap bang magsabi
na gagabihin ka ng uwi?
719
01:01:05,953 --> 01:01:07,914
Nakakalimutan ko lang
kasi ang dami kong ginagawa.
720
01:01:07,997 --> 01:01:10,708
Ginagabi ka rin sa paggawa
ng mga kasunduan pero di ka nagsasabi.
721
01:01:11,292 --> 01:01:13,336
Ibang usapan 'yon.
722
01:01:14,879 --> 01:01:15,797
Paano naging iba?
723
01:01:17,173 --> 01:01:20,134
Sa tingin mo, mas mahalaga ang trabaho
ng mga tao kaysa sa ginagawa ko?
724
01:01:20,218 --> 01:01:23,554
Alam mo ba kung gaano kahirap
na makipagkasundo lang sa mga gago?
725
01:01:25,348 --> 01:01:26,724
Sinasabi mo bang
726
01:01:26,808 --> 01:01:30,186
mahalaga ang ginagawa mo
at walang kuwenta ang trabaho ko?
727
01:01:32,021 --> 01:01:33,773
- Di 'yon ang ibig kong sabihin.
- Ewan ko sa 'yo.
728
01:01:41,531 --> 01:01:43,991
Naiipit sa gitna ng galit at kamalasan,
729
01:01:44,575 --> 01:01:45,910
walang tigil nating
730
01:01:46,869 --> 01:01:50,373
sinasaktan at winawasak
ang kaluluwa ng isa't isa.
731
01:01:54,460 --> 01:01:55,461
Gayumpaman,
732
01:01:56,129 --> 01:01:57,505
sa kabila ng lahat ng 'yon,
733
01:01:58,798 --> 01:02:00,007
patuloy ang takbo ng buhay natin
734
01:02:01,008 --> 01:02:02,802
at ang pag-ikot ng mundo.
735
01:02:04,721 --> 01:02:07,223
Siguro dahil mas maraming tao
736
01:02:08,224 --> 01:02:09,600
ang pinipiling iligtas ang iba
737
01:02:11,102 --> 01:02:12,311
gamit ang pag-ibig at tiwala.
738
01:02:17,358 --> 01:02:18,317
Bitawan mo 'ko.
739
01:02:18,401 --> 01:02:19,777
Inis na inis ako sa 'yo.
740
01:02:23,114 --> 01:02:24,157
Mahal kita.
741
01:02:25,825 --> 01:02:26,826
Sobra.
742
01:02:31,622 --> 01:02:33,249
Inis na inis ako sa 'yo,
743
01:02:34,542 --> 01:02:36,294
pero mahal na mahal din kita.
744
01:02:39,130 --> 01:02:40,173
Do-hee.
745
01:02:41,841 --> 01:02:43,634
Ikaw ang lahat sa akin.
746
01:03:10,703 --> 01:03:12,497
Ang babaw talaga ng mga tao.
747
01:03:24,592 --> 01:03:26,594
- Maganda 'to.
- Ito kaya?
748
01:03:26,677 --> 01:03:27,762
Medyo…
749
01:03:28,513 --> 01:03:30,223
Kung gusto mo ng matingkad,
ano kaya kung asul?
750
01:03:30,306 --> 01:03:31,557
- Puwede rin.
- Ano sa tingin mo?
751
01:03:31,641 --> 01:03:33,184
- Walang dating, e.
- Walang dating?
752
01:03:33,267 --> 01:03:34,310
E kung pink kaya?
753
01:03:34,393 --> 01:03:35,686
- Cute 'yan.
- Di ba?
754
01:03:35,770 --> 01:03:37,230
- Gusto mo?
- Oo.
755
01:03:40,983 --> 01:03:42,985
Alam n'yo ba kung bakit naglaho
ang mga dinosaur?
756
01:03:44,237 --> 01:03:46,906
- May sumalpok na kometa sa…
- Dahil sa pamumuhay nila.
757
01:03:46,989 --> 01:03:48,866
Dahil hindi umayon
ang pamumuhay nila sa laki nila.
758
01:03:49,992 --> 01:03:51,118
Mali.
759
01:03:52,537 --> 01:03:54,455
Dahil hindi nila nabalanse
ang buhay at trabaho.
760
01:03:55,456 --> 01:03:56,749
Umuwi na tayo.
761
01:03:56,833 --> 01:03:59,168
- Umuwi na tayo!
- Ayos!
762
01:03:59,252 --> 01:04:00,628
- 'Yon ang sinasabi ko!
- Ayos!
763
01:04:00,711 --> 01:04:02,713
- Ayos!
- Umuwi na tayo!
764
01:04:02,797 --> 01:04:04,006
Tayo na!
765
01:04:07,677 --> 01:04:09,136
Umuwi na tayo!
766
01:04:17,937 --> 01:04:19,105
Isa pa?
767
01:04:28,948 --> 01:04:30,283
Gu-won!
768
01:04:42,753 --> 01:04:44,005
Mahal kita.
769
01:04:54,849 --> 01:04:58,227
Kahit mawasak natin
ang isa't isa paminsan-minsan,
770
01:04:59,061 --> 01:05:02,106
tayo rin ang magsasalba sa isa't isa.
771
01:05:03,399 --> 01:05:04,400
Kung gayon,
772
01:05:05,192 --> 01:05:07,403
tayo ang kasiraan
773
01:05:09,238 --> 01:05:10,406
at kaligtasan ng isa't isa.
774
01:07:03,352 --> 01:07:08,274
Tagapagsalin ng subtitle: Alfred Brian