1
00:00:37,501 --> 00:00:39,209
Hatinggabi na nang umuwi ako.
2
00:00:40,168 --> 00:00:43,043
Nang malapit na ako sa bahay,
pinatay ko ang ilaw
3
00:00:43,126 --> 00:00:46,168
para di masilaw
at maalimpungatan si Harry Pope.
4
00:00:46,251 --> 00:00:48,626
Ayos lang pala. Bukas pa ang ilaw niya.
5
00:00:48,709 --> 00:00:50,459
Pumarada ako, pumasok,
6
00:00:50,543 --> 00:00:53,126
binilang ko ang hakbang ko
para di sumobra,
7
00:00:53,209 --> 00:00:55,959
wala na pala sa taas.
Isa, dalawa, tatlo, apat.
8
00:01:00,876 --> 00:01:03,751
Pumunta ako sa kuwarto ni Harry,
at sumilip.
9
00:01:03,834 --> 00:01:07,043
Nakahiga siya pero gising.
Di man lang siya gumalaw.
10
00:01:07,126 --> 00:01:09,334
Pero bumubulong siya, halos di rinig…
11
00:01:09,418 --> 00:01:10,293
Tulong.
12
00:01:10,376 --> 00:01:11,209
"Tulong"?
13
00:01:14,168 --> 00:01:16,418
Tinulak ko ang pinto at pumasok.
14
00:01:16,501 --> 00:01:17,334
Tigil.
15
00:01:17,418 --> 00:01:19,209
"Tigil"? Halos di ko marinig.
16
00:01:19,293 --> 00:01:22,168
Pinipigilan niya ang sarili na mag-ingay.
17
00:01:22,251 --> 00:01:24,001
- Tulong.
- "Tulong"?
18
00:01:24,084 --> 00:01:25,501
Ano'ng problema, Harry?
19
00:01:25,584 --> 00:01:27,584
Bawal ang sapatos.
20
00:01:28,459 --> 00:01:30,334
"Bawal ang sapatos"?
21
00:01:30,418 --> 00:01:35,126
Naalala ko si George Barling na binaril
sa tiyan nang sumandal siya sa tiklis,
22
00:01:35,209 --> 00:01:37,918
pinipisil ang sarili
at nirereklamo ang piloto,
23
00:01:38,001 --> 00:01:41,001
tulad ng pagpipigil ni Harry na mag-ingay.
24
00:01:41,084 --> 00:01:43,334
Pero yumuko si George Barling…
25
00:01:43,418 --> 00:01:44,251
at namatay.
26
00:01:45,043 --> 00:01:46,043
Bawal sapatos.
27
00:01:46,751 --> 00:01:47,834
"Bawal sapatos."
28
00:01:49,918 --> 00:01:52,501
Di ko maintindihan,
pero di na ako tumutol.
29
00:01:59,418 --> 00:02:01,043
- Bakit?
- Wag akong hawakan.
30
00:02:03,459 --> 00:02:06,834
Nakatihaya siya't
bahagyang nakatalukbong ang katawan,
31
00:02:06,918 --> 00:02:09,209
naka-striped pajama at pawis na pawis.
32
00:02:09,293 --> 00:02:13,834
Mainit. Pawis ako, pero di gaya ni Harry.
Basa ang mukha niya, pati ang punda.
33
00:02:13,918 --> 00:02:15,376
Tingin ko malaria ito.
34
00:02:15,459 --> 00:02:16,793
- Bakit, Harry?
- Krait.
35
00:02:16,876 --> 00:02:17,751
- Ano?
- Krait.
36
00:02:17,834 --> 00:02:19,168
- "Krait"?
- Ahas.
37
00:02:20,376 --> 00:02:22,126
Nakagat ka. Kailan pa?
38
00:02:22,209 --> 00:02:23,043
Hindi.
39
00:02:23,126 --> 00:02:23,959
Ano?
40
00:02:27,584 --> 00:02:28,793
Di pa ako nakakagat.
41
00:02:30,834 --> 00:02:33,084
Nalito ako. Nakatingin ako kay Harry.
42
00:02:34,959 --> 00:02:37,793
Krait sa tiyan. Natutulog.
43
00:02:40,376 --> 00:02:42,376
Napaatras ako. Di ko napigilan.
44
00:02:42,459 --> 00:02:45,126
Tinitigan ko ang tiyan niya,
'yong natatakpan.
45
00:02:45,209 --> 00:02:48,168
Di ko masabi kung merong
kung ano sa ilalim.
46
00:02:48,251 --> 00:02:51,376
Sinasabi mo bang
may ahas sa tiyan mo? Na tulog?
47
00:02:51,459 --> 00:02:52,293
Oo.
48
00:02:59,834 --> 00:03:01,376
Paano 'yan napunta riyan?
49
00:03:01,459 --> 00:03:05,168
Di na ako dapat nagtanong.
Pinatahimik ko na lang sana siya.
50
00:03:06,168 --> 00:03:12,501
Nakahiga. Nagbabasa. May naramdaman
sa dibdib, sa likod ng libro.
51
00:03:12,584 --> 00:03:13,501
Kumikibot.
52
00:03:15,834 --> 00:03:21,293
Napansin ko,
may krait na lumabas sa pajama.
53
00:03:22,126 --> 00:03:24,501
Maliit. Mga sampung pulgada.
54
00:03:25,793 --> 00:03:30,084
Di pwedeng gumalaw.
Nanigas ako, nakatitig lang.
55
00:03:30,168 --> 00:03:33,709
Akala ko lalabas 'yon sa kumot.
56
00:03:33,793 --> 00:03:35,293
Natahimik si Harry.
57
00:03:35,376 --> 00:03:39,084
Tinitiyak niyang di mabubulabog
ng bulong niya 'yong nandoon.
58
00:03:40,501 --> 00:03:42,001
Umilalim 'yon.
59
00:03:43,501 --> 00:03:47,543
Pumasok sa pajama.
Gumapang papunta sa tiyan.
60
00:03:48,668 --> 00:03:52,876
Tapos tumigil na.
Natutulog na roon ngayon.
61
00:03:56,751 --> 00:03:57,918
Naghihintay ako.
62
00:03:58,834 --> 00:04:00,168
- Gaano katagal?
- Oras.
63
00:04:01,293 --> 00:04:04,126
Oras at oras at napakaraming oras.
64
00:04:04,209 --> 00:04:07,001
Di ko na matiis. Mauubo na ako.
65
00:04:10,418 --> 00:04:11,418
Sa totoo lang,
66
00:04:11,501 --> 00:04:13,918
di nakakagulat na ginawa 'yon ng krait.
67
00:04:14,001 --> 00:04:17,584
Pumapasok 'yon sa mga bahay
at pumupunta sa maiinit na lugar.
68
00:04:17,668 --> 00:04:20,751
Ang nakakagulat,
di pa nito kinakagat si Harry.
69
00:04:20,834 --> 00:04:23,793
Nakakamatay ang kagat no'n,
puwera kung makita agad
70
00:04:23,876 --> 00:04:26,168
at nabigyan ka agad ng antivenom.
71
00:04:27,001 --> 00:04:29,084
Maliliit 'yon. Mukha silang ganito.
72
00:04:31,376 --> 00:04:33,043
Makakapasok nang di pansin,
73
00:04:33,126 --> 00:04:37,126
sa awang ng pinto
ng kuwarto ng bata, halimbawa.
74
00:04:38,709 --> 00:04:42,918
Naikuwento sa akin ng manager
ng tea estate 'yong tupang nakagat sa paa.
75
00:04:43,001 --> 00:04:47,293
Noong hiniwa niya ang bangkay,
nangitim nang sobra ang dugo nito.
76
00:04:51,459 --> 00:04:54,751
"Sige, Harry," sabi ko.
Bumubulong na rin ako.
77
00:04:54,834 --> 00:04:57,168
"Pumirmi ka't magsalita pag kailangan."
78
00:04:57,251 --> 00:04:59,876
"Di 'yan mangangagat kung di mabubulabog."
79
00:05:02,543 --> 00:05:04,251
Tahimik akong lumabas,
80
00:05:04,334 --> 00:05:06,751
kumuha ng maliit na kutsilyo sa kusina.
81
00:05:06,834 --> 00:05:11,043
Binulsa ko 'yon at gagamitin ko
kung sakaling makagat si Harry.
82
00:05:11,126 --> 00:05:13,501
Hihiwaan ko siya
at sisipsipin ang kamandag.
83
00:05:14,501 --> 00:05:17,126
"Harry," sabi ko,
"ang pinakamagandang gawin
84
00:05:17,209 --> 00:05:20,293
ay hawiin 'yong kumot nang mabagal
at tingnan 'yon."
85
00:05:20,918 --> 00:05:22,918
Gunggong ka.
86
00:05:24,376 --> 00:05:28,251
Walang reaksyon ang boses niya.
Sobrang malumanay ang pagkakasabi.
87
00:05:28,334 --> 00:05:31,668
Nasa mata at paligid ng bibig niya lang
ang reaksyon.
88
00:05:32,293 --> 00:05:36,126
Mambubulabog ang liwanag.
Papatayin ako ng ahas.
89
00:05:38,126 --> 00:05:39,168
Oo nga.
90
00:05:39,751 --> 00:05:42,959
E, kung hilain ko ang kumot
at alisin nang mabilis…
91
00:05:43,043 --> 00:05:44,126
Tumawag ng doktor.
92
00:05:45,918 --> 00:05:48,876
Sa titig niya,
parang dapat naisip ko na 'yon.
93
00:05:48,959 --> 00:05:51,668
Doktor. Oo nga.
Tatawagin ko si Dr. Ganderbai.
94
00:05:51,751 --> 00:05:54,209
Hinanap ko ang numero ni Dr. Ganderbai,
95
00:05:54,293 --> 00:05:56,668
at minadali ko ang operator sa telepono.
96
00:06:01,626 --> 00:06:05,001
- Ito si Supervisor Woods.
- Hello, Mr. Woods. Gising ka pa?
97
00:06:05,084 --> 00:06:07,209
Magdala ka ng serum. Para sa krait.
98
00:06:07,293 --> 00:06:08,918
Serum? Sino'ng nakagat?
99
00:06:09,001 --> 00:06:11,543
Nagpantig ang tainga ko sa tanong na 'yon.
100
00:06:11,626 --> 00:06:12,751
Wala pa, sa ngayon.
101
00:06:12,834 --> 00:06:15,709
May krait na tulog sa kumot,
sa tiyan ni Harry.
102
00:06:15,793 --> 00:06:18,459
Saglit na tumahimik sa linya.
103
00:06:19,834 --> 00:06:23,543
Dahan-dahan, di na nakakapantig,
sinabi ni Dr. Ganderbai…
104
00:06:23,626 --> 00:06:26,501
Bawal siyang gumalaw o magsalita. Kuha mo?
105
00:06:26,584 --> 00:06:28,501
- Oo, Dok.
- Papunta na ako.
106
00:06:28,584 --> 00:06:30,751
Binaba niya, at bumalik ako sa kuwarto.
107
00:06:33,043 --> 00:06:34,751
Pinapanood ako ni Harry.
108
00:06:34,834 --> 00:06:36,709
Papunta na siya. Higa ka lang daw.
109
00:06:37,293 --> 00:06:39,084
Ano ba itong ginagawa ko?
110
00:06:39,168 --> 00:06:40,668
Bawal tayong magsalita.
111
00:06:40,751 --> 00:06:41,876
E, di tumahimik ka.
112
00:06:42,876 --> 00:06:46,126
Ang isang banda ng bibig niya,
na ginagamit sa pagngiti,
113
00:06:46,209 --> 00:06:50,793
kumikibot at nagpapatuloy lang
pagkatapos niyang magsalita.
114
00:06:50,876 --> 00:06:53,709
Ayoko no'n, o 'yong pagsasalita niya.
115
00:06:54,626 --> 00:06:56,709
Pumarada na si Dr. Ganderbai.
116
00:06:58,709 --> 00:06:59,876
Lumabas ako.
117
00:07:03,126 --> 00:07:05,918
- Nasaan siya?
- Dumiretso lang si Dr. Ganderbai.
118
00:07:06,001 --> 00:07:09,334
Nilagpasan niya ako.
Binaba ang bag sa upuan.
119
00:07:09,418 --> 00:07:14,334
Malambot na tsinelas ang suot niya.
Tahimik siyang naglakad na parang pusa.
120
00:07:14,418 --> 00:07:16,418
Sa gilid lang nakatingin si Harry.
121
00:07:16,501 --> 00:07:19,168
Paglapit sa kama, nginitian niya si Harry,
122
00:07:19,251 --> 00:07:21,376
naniniguro, tumatango na parang…
123
00:07:21,459 --> 00:07:24,626
Kalma, maliit na bagay.
Si Dr. Ganderbai ang bahala.
124
00:07:24,709 --> 00:07:26,959
Pumunta siya sa kusina at sinundan ko.
125
00:07:28,668 --> 00:07:29,668
Binuksan ang bag.
126
00:07:29,751 --> 00:07:33,709
Una, bibigyan ko siya ng serum,
pero dapat swabe lang ako.
127
00:07:33,793 --> 00:07:36,043
May hawak siyang hypodermic at bote.
128
00:07:36,126 --> 00:07:38,876
Nagturok siya ng karayom
at kumuha ng likido.
129
00:07:38,959 --> 00:07:41,418
- Binigay sa akin.
- Iabot mo ito mamaya.
130
00:07:41,501 --> 00:07:42,709
Bumalik na kami.
131
00:07:47,834 --> 00:07:49,959
Nakadilat na ang mata ni Harry.
132
00:07:50,043 --> 00:07:54,376
Tinaas ni Dr. Ganderbai ang manggas
ni Harry nang di ginagalaw ang kamay.
133
00:07:54,459 --> 00:07:56,751
Dumistansiya siya sa kama at bumulong…
134
00:07:56,834 --> 00:07:59,959
Tuturukan kita. Parang kurot lang.
Wag kang gagalaw.
135
00:08:00,043 --> 00:08:02,709
Ikalma mo ang tiyan mo. Walang tensyon.
136
00:08:02,793 --> 00:08:06,251
Tiningnan ni Harry ang heringgilya.
Kumibot ang mukha niya.
137
00:08:07,251 --> 00:08:10,834
Nilagyan ni Dr. Ganderbai
ng tubo ang braso ni Harry.
138
00:08:10,918 --> 00:08:13,501
Pinahiran niya ito ng alcohol.
139
00:08:13,584 --> 00:08:16,376
Hinawakan niya ang heringgilya, sinipat,
140
00:08:16,459 --> 00:08:17,834
at naglabas ng konti.
141
00:08:17,918 --> 00:08:19,793
Matindi ang pawis ni Harry,
142
00:08:19,876 --> 00:08:22,251
parang may cream na natutunaw,
143
00:08:22,334 --> 00:08:23,376
umaagos sa unan.
144
00:08:23,459 --> 00:08:27,001
Kita ko ang ugat sa braso niya,
namamaga sa tourniquet.
145
00:08:27,084 --> 00:08:30,376
Tutok ang karayom sa ugat,
diniin ni Ganderbai sa braso,
146
00:08:30,459 --> 00:08:32,793
nilusot ang karayom sa ugat,
147
00:08:32,876 --> 00:08:35,709
banayad at marahan kaya suwabe ang pasok.
148
00:08:35,793 --> 00:08:38,751
Pumikit at dumilat si Harry
pero di gumagalaw.
149
00:08:38,834 --> 00:08:41,126
Lumapit si Ganderbai sa tainga niya.
150
00:08:41,209 --> 00:08:45,334
Walang problema kahit kagatin ka,
wag kang gagalaw. Babalik ako.
151
00:08:46,043 --> 00:08:49,084
- "Ligtas na ba siya?" tanong ko.
- Di tayo sigurado.
152
00:08:49,168 --> 00:08:51,959
Pinunasan ni Ganderbai ang noo niya.
153
00:08:52,043 --> 00:08:55,001
May paraan dito.
154
00:08:55,084 --> 00:08:58,001
Marahan siyang nagsasalita
habang nag-iisip.
155
00:08:59,751 --> 00:09:03,834
Bibigyan natin ng anestisya
156
00:09:03,918 --> 00:09:06,543
'yong hayop na natutulog sa kanya.
157
00:09:08,418 --> 00:09:09,876
Magandang ideya.
158
00:09:09,959 --> 00:09:14,668
Di pa ligtas. Cold-blooded ang ahas.
Matagal umepekto sa ganoon ang anestisya.
159
00:09:14,751 --> 00:09:17,543
Pero wala na akong maisip.
Ether o chloroform?
160
00:09:17,626 --> 00:09:18,668
Tumango ako.
161
00:09:18,751 --> 00:09:21,126
- Alin doon?
- Tinatanong ba niya ako?
162
00:09:21,209 --> 00:09:22,043
Chloroform!
163
00:09:22,626 --> 00:09:24,709
Hinila niya ako papunta sa pasilyo.
164
00:09:26,001 --> 00:09:26,918
Sa bahay ko.
165
00:09:27,001 --> 00:09:28,834
Naghihintay na sa 'yo ang bata.
166
00:09:28,918 --> 00:09:30,834
Susi ito sa lagayan ng lason.
167
00:09:30,918 --> 00:09:32,918
Orange ang tatak ng chloroform.
168
00:09:33,001 --> 00:09:36,084
May pangalan.
Dito lang ako sakaling may mangyari.
169
00:09:36,168 --> 00:09:37,376
Bilisan mo!
170
00:09:37,459 --> 00:09:39,084
- 'Yong sapatos ko…
- Wag na.
171
00:09:41,793 --> 00:09:44,709
Binilisan ko. Dala ko na ang bote
sa loob ng 15 minuto.
172
00:09:47,793 --> 00:09:51,459
Alam niya kung ano'ng gagawin,
pero pinanghihinaan na siya.
173
00:09:51,543 --> 00:09:53,626
Ewan kung gaano pa siya tatagal.
174
00:09:57,334 --> 00:10:00,209
Pareho ang pwesto ni Harry
sa kama mula kanina.
175
00:10:00,293 --> 00:10:03,584
Basa at namumuti ang mukha niya.
Tumingin siya sa akin.
176
00:10:03,668 --> 00:10:05,376
Ngumiti at tumango ako.
177
00:10:05,459 --> 00:10:08,209
Kinuha ng doktor
ang tubong ginawang tourniquet,
178
00:10:08,293 --> 00:10:10,501
at nilagyan ng papel na embudo.
179
00:10:10,584 --> 00:10:13,293
Hinatak niya ang kumot sa ilalim ng sapin,
180
00:10:13,376 --> 00:10:15,084
pinasok doon ang tubo,
181
00:10:15,168 --> 00:10:17,584
sa kumot, papunta sa katawan ni Harry.
182
00:10:17,668 --> 00:10:20,084
Matagal bago naidaan sa ilalim ang tubo.
183
00:10:20,168 --> 00:10:23,251
Mga 20 o 40 minuto.
Di ko nakitang gumalaw ang tubo,
184
00:10:23,334 --> 00:10:25,834
pero lumiliit
ang nakikita kong parte no'n.
185
00:10:25,918 --> 00:10:27,876
Pawisan na rin si Dr. Ganderbai,
186
00:10:27,959 --> 00:10:30,418
nagbubutil-butil na sa noo at nguso niya,
187
00:10:30,501 --> 00:10:31,834
pero diretso ang kamay
188
00:10:31,918 --> 00:10:34,834
at nakatuon ang mata
sa kumot sa tiyan ni Harry.
189
00:10:34,918 --> 00:10:36,918
Hiningi niya ang chloroform.
190
00:10:37,001 --> 00:10:39,918
Tinanggal ko ang stopper
at binigay sa kanya,
191
00:10:40,001 --> 00:10:42,543
siniguro kong hawak na niya nang maayos.
192
00:10:43,209 --> 00:10:47,501
Mr. Pope, babasain ko ang kutson.
Lalamig ang ilalim ng katawan mo.
193
00:10:47,584 --> 00:10:50,168
- Maghanda ka't wag kang gagalaw.
- Bilis na!
194
00:10:50,834 --> 00:10:52,543
Tumaas ang boses si Harry.
195
00:10:52,626 --> 00:10:55,751
Tiningnan siya ng doktor,
at tinuloy ang gagawin.
196
00:10:55,834 --> 00:10:59,084
Sinalinan niya ang embudo
hanggang dumaloy sa tubo.
197
00:10:59,168 --> 00:11:01,043
Sinalinan pa at naghintay ulit.
198
00:11:09,084 --> 00:11:12,209
Kumalat ang mabahong amoy
ng chloroform sa kuwarto
199
00:11:12,293 --> 00:11:14,043
na dala ang pangit na alaala
200
00:11:14,126 --> 00:11:17,251
ng mga nurse at surgeon
sa puting kuwartong may mesa.
201
00:11:17,334 --> 00:11:18,918
Maingat si Ganderbai,
202
00:11:19,001 --> 00:11:23,043
at nakikita kong namumuo
ang makapal na usok sa taas ng embudo.
203
00:11:23,626 --> 00:11:26,709
Huminto siya,
nagsalin pa at binalik ang bote.
204
00:11:26,793 --> 00:11:29,126
Hinila niya ang tubo at tumayo.
205
00:11:29,209 --> 00:11:31,793
Napakahirap siguro ng prosesong ito
206
00:11:31,876 --> 00:11:34,126
dahil naging ganito ang boses niya…
207
00:11:34,209 --> 00:11:36,334
Labinlimang minuto para sigurado.
208
00:11:36,418 --> 00:11:37,834
Ibinulong ko kay Harry.
209
00:11:37,918 --> 00:11:39,834
- Maghihintay ng 15…
- Narinig ko!
210
00:11:39,918 --> 00:11:43,209
Tumalikod si Dr. Ganderbai,
at bigla siyang nagalit.
211
00:11:43,293 --> 00:11:46,668
Tinitigan niya si Harry.
Kumibot uli ang mukha ni Harry.
212
00:11:46,751 --> 00:11:48,376
Naghintay ng 15 minuto.
213
00:11:48,459 --> 00:11:53,084
Tinitigan ni Dr. Ganderbai si Harry
nang masinsin, madiin at may tensyon,
214
00:11:53,168 --> 00:11:54,793
tinutuon ang atensyon nito
215
00:11:54,876 --> 00:11:57,418
para tumahimik at di gumalaw si Harry.
216
00:11:57,501 --> 00:12:00,126
Nakatitig siya, at kahit di nag-iingay,
217
00:12:00,209 --> 00:12:02,084
para bang sinisigawan niya 'to.
218
00:12:02,168 --> 00:12:04,543
- Parang…
- Wag kang gagalaw o magsasalita!
219
00:12:04,626 --> 00:12:06,918
Wag mong sisirain ito! Narinig mo?
220
00:12:07,959 --> 00:12:10,126
Kumikibot ulit ang bibig ni Harry,
221
00:12:10,209 --> 00:12:12,293
nagpapawis, pipikit, didilat,
222
00:12:12,376 --> 00:12:14,418
titingin sa akin, kumot, kisame,
223
00:12:14,501 --> 00:12:16,084
pero di kay Dr. Ganderbai.
224
00:12:16,168 --> 00:12:18,293
Pero hawak siya ni Dr. Ganderbai.
225
00:12:19,918 --> 00:12:24,668
Parang may umiihip ng lobong puputok na,
pero di ko maalis ang tingin ko.
226
00:12:24,751 --> 00:12:28,293
Tumango na si Dr. Ganderbai,
at alam kong itutuloy na namin.
227
00:12:28,376 --> 00:12:29,459
Doon ka sa kabila.
228
00:12:29,543 --> 00:12:32,334
Hahawakan natin at hihilain nang sabay.
229
00:12:32,418 --> 00:12:34,543
Dahan-dahan. Pirmi lang, Mr. Pope.
230
00:12:45,793 --> 00:12:48,084
Nakikita na ang buong dibdib ni Harry.
231
00:12:48,168 --> 00:12:50,334
Nakita ko ang tali ng pajama niya,
232
00:12:50,418 --> 00:12:51,626
maayos na naka-bow.
233
00:12:51,709 --> 00:12:54,418
Sa ibaba, may butones na mother-of-pearl,
234
00:12:54,501 --> 00:12:56,334
wala akong butones sa pajama,
235
00:12:56,418 --> 00:12:58,543
lalo na ang mother-of-pearl.
236
00:12:58,626 --> 00:13:02,043
Minsan walang kuwenta
ang maiisip mo sa ganitong sitwasyon.
237
00:13:02,126 --> 00:13:03,918
Walang kung ano sa tiyan niya.
238
00:13:06,584 --> 00:13:07,751
Pirmi, Mr. Pope.
239
00:13:07,834 --> 00:13:10,793
Sinuri ni Ganderbai
ang katawan at hita ni Harry.
240
00:13:10,876 --> 00:13:13,668
Ingat. Nandiyan 'yan,
sa may hita ng pajama.
241
00:13:13,751 --> 00:13:15,168
Umupo si Harry.
242
00:13:16,793 --> 00:13:18,168
Ngayon lang siya gumalaw.
243
00:13:19,626 --> 00:13:22,459
Bumalikwas siya,
tumayo sa kama, nagtatadyak.
244
00:13:22,543 --> 00:13:24,001
Akala namin nakagat na.
245
00:13:24,084 --> 00:13:25,793
May scalpel na si Ganderbai,
246
00:13:25,876 --> 00:13:27,751
pero tumigil si Harry, tumayo,
247
00:13:27,834 --> 00:13:29,543
tumingin sa kutson, sumigaw…
248
00:13:29,626 --> 00:13:30,459
Wala roon!
249
00:13:30,543 --> 00:13:33,126
Tumayo si Dr. Ganderbai.
Tiningnan si Harry.
250
00:13:33,209 --> 00:13:35,334
Ayos lang si Harry. Di siya nakagat.
251
00:13:35,418 --> 00:13:37,459
Hindi siya makakagat o mamamatay.
252
00:13:37,543 --> 00:13:39,168
At walang problema.
253
00:13:39,251 --> 00:13:40,126
Parang.
254
00:13:41,168 --> 00:13:42,876
Baka nanaginip ka, Mr. Pope.
255
00:13:51,959 --> 00:13:55,668
Sa pagkakasabi niya,
alam kong di sadya ang pang-aasar niya.
256
00:13:55,751 --> 00:13:57,834
Pinagaan niya lang ang sitwasyon.
257
00:13:57,918 --> 00:14:00,626
Iba ang inisip ni Harry. Tumayo siya,
258
00:14:00,709 --> 00:14:03,501
tinitigan si Ganderbai. Namula ang pisngi.
259
00:14:03,584 --> 00:14:05,834
Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?
260
00:14:08,626 --> 00:14:11,043
Nakatayo lang si Dr. Ganderbai.
261
00:14:11,126 --> 00:14:14,334
Lumakad si Harry sa kama.
Maliwanag ang mata.
262
00:14:15,501 --> 00:14:19,001
- Ikaw, dagang kanal ng Bengali.
- "Tama na, Harry," sabi ko.
263
00:14:19,084 --> 00:14:21,334
- Marumi, mabaho kang…
- Tumahimik ka!
264
00:14:21,418 --> 00:14:22,876
- Walang kuwenta…
- Tahimik!
265
00:14:22,959 --> 00:14:23,834
Tumigil ka!
266
00:14:27,251 --> 00:14:30,001
Lumabas si Ganderbai. Sinundan ko siya.
267
00:14:30,084 --> 00:14:32,209
Hibang siya, kalokohan lang 'yon.
268
00:14:32,293 --> 00:14:35,584
Lumapit kami sa lumang Morris Motor
na kotse ng doktor.
269
00:14:36,084 --> 00:14:39,168
Sumakay siya. "Naghimala ka," sabi ko.
270
00:14:39,251 --> 00:14:41,459
- Niligtas mo siya.
- Parang hindi.
271
00:14:41,543 --> 00:14:44,293
Pwede mong…
Utang niya sa 'yo ang buhay niya.
272
00:14:44,376 --> 00:14:47,168
- Utang niya sa 'yo 'yon, Dok.
- Hindi rin.
273
00:14:49,751 --> 00:14:50,709
Pasensiya ka na.
274
00:14:52,126 --> 00:14:53,126
Di totoo 'yan.
275
00:15:00,418 --> 00:15:03,126
Pinaandar ni Dr. Ganderbai
ang kotse at umalis.
276
00:15:16,043 --> 00:15:19,459
ISINULAT NI DAHL ANG "POISON"
NOONG ENERO 1950.
277
00:15:19,543 --> 00:15:22,376
IPINANGALAN NIYA ANG KARAKTER NI WOODS
278
00:15:22,459 --> 00:15:26,626
SA KASAMANG RAF SQUADRON, PILOT
NA NAMATAY SA DIGMAAN NG ATHENS.
279
00:16:28,668 --> 00:16:33,668
{\an8}Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Dawn Rosello