1
00:00:24,150 --> 00:00:31,115
PAGBABAGO NG PUSO
2
00:00:35,912 --> 00:00:37,622
Uy, Lisa, si Dr. Langer ito.
3
00:00:39,415 --> 00:00:40,708
Lisa, dumilat ka na.
4
00:00:45,463 --> 00:00:46,464
Uy, Lisa.
5
00:00:48,800 --> 00:00:51,010
Bakit 'di na natin siya
dalhin para i-scan?
6
00:00:51,010 --> 00:00:54,222
Ayaw kong maghintay
at titigan siya nang ganito. Okay?
7
00:00:55,139 --> 00:00:56,390
I-scan na natin siya.
8
00:01:01,813 --> 00:01:03,773
Noong nangisay siya, parang...
9
00:01:06,150 --> 00:01:07,318
Minalas lang.
10
00:01:08,903 --> 00:01:10,988
Binigyang kulay ang buong pagsusuri,
11
00:01:10,988 --> 00:01:14,784
kung may grand mal seizure ka,
postictal ka, siguradong postictal,
12
00:01:14,784 --> 00:01:17,954
ibig sabihin, matamlay nang 12 o 24 oras.
13
00:01:17,954 --> 00:01:19,580
Para kang gulay.
14
00:01:20,081 --> 00:01:22,416
- Nandito dati ang tumor.
- Oo nga.
15
00:01:23,334 --> 00:01:27,213
Walang senyales ng stroke.
Walang senyales.
16
00:01:28,339 --> 00:01:31,884
{\an8}Itong operasyon at hangin lang sa ulo,
17
00:01:31,884 --> 00:01:33,469
ang maaaring nagdulot noon.
18
00:01:33,469 --> 00:01:35,596
May hangin siya, nangingisay siya.
19
00:01:35,596 --> 00:01:38,641
- 'Di nasorpresa. 'Di nagulat.
- Wala talagang gulat.
20
00:01:39,976 --> 00:01:43,146
Sige, tingnan natin ang lagay niya bukas.
21
00:01:43,146 --> 00:01:45,565
- Masaya akong makabalik. Kasama n'yo.
- Oo nga.
22
00:01:45,565 --> 00:01:47,108
Babalik ako sa Vice Chair ko.
23
00:01:48,609 --> 00:01:49,777
Mahirap na trabaho ito.
24
00:01:57,076 --> 00:01:58,953
Gaano pa katagal kay Tyler?
25
00:01:59,829 --> 00:02:01,622
- Katagal saan?
- Para kay Tyler.
26
00:02:02,123 --> 00:02:04,125
Para kay Tyler, na kailangang suriin.
27
00:02:05,918 --> 00:02:08,087
Nakita mo 'yan? Kita mo kung gaano kayupi?
28
00:02:09,505 --> 00:02:11,924
Grabe, tingnan mo ang posterior wall.
29
00:02:12,425 --> 00:02:14,552
Napakaliit ng artery para ilagay ito.
30
00:02:14,552 --> 00:02:15,761
Kaya ang tanong,
31
00:02:16,304 --> 00:02:20,349
- kaya mong ulitin mula sa orifice na ito?
- Oo, o tapalan ko na ito?
32
00:02:20,349 --> 00:02:23,060
Para kay Tyler, kailangan kong
gumawa ng apat na koneksyon.
33
00:02:23,060 --> 00:02:25,771
Dalawang artery, isang ugat,
at isang ureter.
34
00:02:25,771 --> 00:02:27,982
Nababahala ako, baka magka-tagas.
35
00:02:27,982 --> 00:02:31,277
Kung nasa blood vessel ang tagas,
magdudulot 'yon ng pagdurugo.
36
00:02:31,277 --> 00:02:32,528
Paabot isa pang clamp?
37
00:02:33,154 --> 00:02:34,989
Nangyayari ang pamumuo ng dugo.
38
00:02:35,990 --> 00:02:39,660
At kailangan kong tiyakin
na maayos ang pagkalantad
39
00:02:39,660 --> 00:02:41,954
at maging maayos ang operasyon
40
00:02:41,954 --> 00:02:46,417
dahil isa siyang ama
na nagbibigay sa anak niya,
41
00:02:46,417 --> 00:02:48,169
at 'di pwedeng magkamali.
42
00:02:52,340 --> 00:02:54,800
Kailangan nating tapalan
at tahiin para ikabit ito,
43
00:02:54,800 --> 00:02:58,179
kasi palagay ko, 'yan ang problema.
Binuksan talaga ng arteriotomy.
44
00:02:58,679 --> 00:03:01,474
Patingin ng iba. Irigasyon.
45
00:03:01,474 --> 00:03:06,020
Ayaw ko magbara ang interior artery na ito
kasi walang daloy ng dugo.
46
00:03:06,979 --> 00:03:10,608
May dalawang artery ang bato na ito,
at napakaliit na native vessel nito,
47
00:03:10,608 --> 00:03:13,236
kaya nagbara ang pangunahing artery.
48
00:03:13,236 --> 00:03:18,241
Susi na laging pansinin ang problema,
at kung 'di ka komportable,
49
00:03:18,241 --> 00:03:21,118
uulitin mo ulit, dahil 'di ka pwedeng
umalis sa operating room
50
00:03:21,118 --> 00:03:23,829
at umasang magiging maayos ang lahat.
51
00:03:23,829 --> 00:03:27,833
{\an8}Kailangan mong umalis ng operating room
na may tiwalang magiging ayos ang lahat
52
00:03:27,833 --> 00:03:30,294
{\an8}at maaayos ang daloy ng dugo
papunta sa bato.
53
00:03:38,886 --> 00:03:43,391
{\an8}Kumusta? Ako si MacKenzie.
Ako ang nars na sasama sa'yo sa likod.
54
00:03:43,391 --> 00:03:45,226
Nahulog ka, ha?
55
00:03:45,226 --> 00:03:47,645
Nahulog lang ako.
56
00:03:47,645 --> 00:03:51,315
Dumaan ako sa damuhan,
at bumagsak ako sa daanan.
57
00:03:51,315 --> 00:03:54,110
Sige, okay, baka natisod ka?
58
00:03:54,110 --> 00:03:55,361
- Siguro.
- Okay.
59
00:03:55,945 --> 00:03:57,321
Nahihilo ka ba?
60
00:03:57,321 --> 00:03:58,572
- Hindi.
- Okay.
61
00:03:58,572 --> 00:04:02,118
Kung may magbago man,
sabihin mo sa'kin, okay?
62
00:04:02,118 --> 00:04:06,080
- Asawa mo?
- Oo. Asawa ko siya nang 55 taon.
63
00:04:06,080 --> 00:04:09,292
Grabe, nakakatuwa naman.
64
00:04:09,292 --> 00:04:10,376
Isa, dalawa, tatlo.
65
00:04:11,711 --> 00:04:12,962
Sige, ayos.
66
00:04:12,962 --> 00:04:15,464
Nahulog ka lang, hindi ka...
67
00:04:15,464 --> 00:04:17,717
Kaya mo bang ilagay ang kamay sa harap mo?
68
00:04:17,717 --> 00:04:20,094
- Hindi.
- Hindi. Alam kong hindi.
69
00:04:20,094 --> 00:04:21,804
Kukunin ko lang ang sulat.
70
00:04:21,804 --> 00:04:24,932
Pagdating ko sa daanan, bumagsak na ako.
71
00:04:24,932 --> 00:04:28,269
- Ingat ka sa biyahe. Sana magkita tayo.
- Oo, sana nga.
72
00:04:29,020 --> 00:04:30,271
Limampu't limang taon.
73
00:04:30,271 --> 00:04:33,691
- Akalain mo 'yon? Ang galing, 'di ba?
- Alam ko. Nakakatuwa sila.
74
00:04:33,691 --> 00:04:37,611
- Grabe, layunin 'yan. Layunin sila.
- Sinasabi ko sa'yo.
75
00:04:38,195 --> 00:04:40,990
Pangako, aalagaan ko siya, okay? Pangako.
76
00:04:40,990 --> 00:04:43,743
Sige, tatawag ako paglapag namin, okay?
77
00:04:43,743 --> 00:04:44,869
Maraming salamat.
78
00:04:44,869 --> 00:04:46,537
- Sige.
- Ingat kayo.
79
00:04:47,496 --> 00:04:50,374
Kung nahihilo ka,
o may kailangan ka para sa sakit,
80
00:04:50,374 --> 00:04:52,335
- sabihin mo sa'kin, okay?
- Okay.
81
00:04:57,882 --> 00:04:58,716
Tyler.
82
00:04:58,716 --> 00:05:02,511
Tyler? Naririnig mo ba ako, Tyler?
Tyler, dumilat ka.
83
00:05:03,387 --> 00:05:06,098
Naririnig mo ba ako?
Huminga ka nang malalim, okay?
84
00:05:06,098 --> 00:05:08,851
Pupuntahan na natin sina Mama at Papa.
Ayos ba 'yon?
85
00:05:08,851 --> 00:05:11,187
Naririnig mo ako nang ayos?
Dumilat ka. Ayan.
86
00:05:11,187 --> 00:05:14,190
Nakikita mong mapusyaw na
ang kulay ng ihi?
87
00:05:14,190 --> 00:05:17,693
Mabuti 'yan. Maganda 'yan.
88
00:05:17,693 --> 00:05:21,822
Para 'yang luma at magandang ihi.
89
00:05:21,822 --> 00:05:24,492
- Ang Bordeaux?
- Maraming tannin diyan.
90
00:05:26,118 --> 00:05:27,620
Okay. Sa taas.
91
00:05:28,788 --> 00:05:30,164
Sige, guys. Salamat.
92
00:05:38,506 --> 00:05:40,508
Nay, pwede kang lumapit dito.
93
00:05:42,510 --> 00:05:44,887
- Nagpapagaling na ang anak mo.
- Salamat.
94
00:05:45,971 --> 00:05:47,014
Uy, buddy.
95
00:05:48,516 --> 00:05:49,683
Hi, mahal ko.
96
00:05:50,851 --> 00:05:53,312
Naririnig mo ba ako, anak?
Nandito si Mama.
97
00:05:57,400 --> 00:05:58,234
Hi.
98
00:05:58,734 --> 00:06:00,945
Ayan na siya. Ano'ng nangyayari, Tyler?
99
00:06:00,945 --> 00:06:02,988
Titingnan ko lang ang tahi rito, okay?
100
00:06:02,988 --> 00:06:04,156
Ay, wow.
101
00:06:08,285 --> 00:06:11,038
Palalagyan natin ng tattoo 'yan, okay ba?
102
00:06:11,914 --> 00:06:15,084
Apakan mo ang gas, sige. Gas.
103
00:06:15,084 --> 00:06:16,544
Uy, wala kang lisensya.
104
00:06:17,962 --> 00:06:20,631
Ito ang pinakamalaking
sandali ng buhay nila.
105
00:06:20,631 --> 00:06:23,843
Makakapagdiwang ng kaarawan si Tyler,
sana maikasal siya,
106
00:06:23,843 --> 00:06:28,264
magkakaroon si Tyler ng sariling pamilya
at lahat ng mga sandaling 'yon
107
00:06:28,264 --> 00:06:30,307
magiging kapantay ng araw
108
00:06:30,307 --> 00:06:32,768
na na-transplant si Tyler
mula sa papa niya.
109
00:06:33,269 --> 00:06:34,812
Ay, balot na balot siya.
110
00:06:37,064 --> 00:06:39,316
Uy, bata, pinangalanan mo ba ang bato?
111
00:06:40,818 --> 00:06:41,986
Mag-isip ka ng pangalan.
112
00:06:42,820 --> 00:06:44,905
- Parang ang sabi, "Okay."
113
00:06:44,905 --> 00:06:46,574
- Okay.
- Mahal kita, anak.
114
00:06:48,159 --> 00:06:49,577
Mahal ka rin daw niya.
115
00:06:55,166 --> 00:06:58,085
Medic 66 para sa walong taong gulang
na batang lalaki sa Queens.
116
00:06:58,085 --> 00:07:00,838
Nasagasaan ng SUV ang pasyente
sa tapat ng bahay nito.
117
00:07:00,838 --> 00:07:04,884
Tama sa ulo at maaaring pinsala sa leeg.
Labis na nasaktan ang pasyente.
118
00:07:04,884 --> 00:07:08,387
May isa pang traumang parating.
Sa kabila siya. Galing dito.
119
00:07:15,436 --> 00:07:16,437
Ang tainga ko!
120
00:07:19,690 --> 00:07:23,277
Kinatatakutan kong pumasok sa trauma room
at nandoon ang isang anak ko.
121
00:07:23,903 --> 00:07:27,531
Makakatanggap ka ng tawag, at sa lugar
na alam mong nakatambay ang anak mo
122
00:07:27,531 --> 00:07:29,158
o kung saan sila nakatira.
123
00:07:29,825 --> 00:07:35,414
Sa ilang taon, nagkaroon ako ng mekanismo
na kumilos sa panahon ng kagipitan.
124
00:07:36,916 --> 00:07:38,250
Gusto kong magpahinga.
125
00:07:38,250 --> 00:07:41,253
Nagpapahinga ka, nakahiga ka na.
126
00:07:41,921 --> 00:07:42,880
Inaantok ka ba?
127
00:07:49,386 --> 00:07:51,764
Walang mas malala pa
sa pangangailangan ng anak mo,
128
00:07:51,764 --> 00:07:54,558
at walang makakilos para iligtas sila.
129
00:07:54,558 --> 00:07:57,061
Nay, magka-CAT scan lang tayo sa kabila.
130
00:07:57,061 --> 00:07:58,479
Sasamahan mo ako, Mama?
131
00:07:58,479 --> 00:08:00,731
- Sasamahan ka ni Mama.
- Susunod si Mama.
132
00:08:00,731 --> 00:08:02,900
Kukunan natin ng larawan
ang loob ng ulo mo.
133
00:08:03,484 --> 00:08:07,238
Labinsiyam na taon na akong nars,
at sa nakikita ko araw-araw,
134
00:08:07,238 --> 00:08:12,493
lumalalim para sa'kin kung ano
ang totoo at mahalaga.
135
00:08:15,746 --> 00:08:18,374
Parang, ito ang alam ko.
136
00:08:18,374 --> 00:08:21,085
{\an8}Kaya wala akong alinlangan sa ginagawa ko
137
00:08:21,085 --> 00:08:24,004
{\an8}kung nararapat ba,
o dapat bang ipagpatuloy?
138
00:08:24,505 --> 00:08:25,839
'Di problema sa'kin 'yon.
139
00:08:26,799 --> 00:08:30,344
- Dito ka lang, Mama.
- Andito lang ako, Christian, andito lang.
140
00:08:30,344 --> 00:08:31,512
Isa, dalawa, tatlo.
141
00:08:36,850 --> 00:08:39,228
Pababa na. Sa bandang Timog.
142
00:08:40,312 --> 00:08:42,231
Okay, nandito na tayo, Bb. Margaret.
143
00:08:47,695 --> 00:08:50,823
Ihahanda ka lang namin,
minsan kapag pumapasok kami rito,
144
00:08:50,823 --> 00:08:55,578
maraming taong may iba't ibang
tanong sa'yo,
145
00:08:55,578 --> 00:08:58,831
at may trauma team na magsusuri sa'yo
146
00:08:58,831 --> 00:09:01,333
para matiyak na makukuha mo
lahat ng kailangan mo.
147
00:09:01,834 --> 00:09:04,545
Sige, dadalhin ka na namin
sa trauma bay, okay?
148
00:09:07,339 --> 00:09:10,884
Ito si Bb. Margaret.
Babaeng 78 taong gulang.
149
00:09:10,884 --> 00:09:14,722
Bumagsak siya sa daanan nila,
na sementado.
150
00:09:15,723 --> 00:09:18,642
'Di niya naprotektahan ang sarili niya
gamit ang kamay,
151
00:09:18,642 --> 00:09:24,023
kaya wala siyang masyadong pinasala rito,
pero napadapa siya sa daan nila.
152
00:09:24,023 --> 00:09:29,486
Mayroon siyang septal hematoma sa ilong,
at may subdural hematoma.
153
00:09:30,613 --> 00:09:32,781
Pero wala sa ikalawang pagsusuri.
154
00:09:32,781 --> 00:09:35,951
Walang step-off, walang na-deform.
Walang ganoon.
155
00:09:35,951 --> 00:09:40,289
Bb. Margaret, kakausapin ko ang asawa mo.
156
00:09:40,289 --> 00:09:43,667
- Ipapaalam kong nakarating ka nang maayos.
- Okay, salamat.
157
00:09:43,667 --> 00:09:46,837
Sige, walang anuman. Sana maging ayos na
ang pakiramdam mo. Okay?
158
00:09:49,340 --> 00:09:50,299
Ginoong...
159
00:09:50,299 --> 00:09:53,677
Oo, tatawagan ko na si G. Bernard ngayon.
160
00:09:53,677 --> 00:09:55,346
- Sino si G. Bernard?
- Asawa niya.
161
00:09:55,346 --> 00:09:58,349
Para lang ipaalam
na ligtas siyang nakarating.
162
00:10:00,142 --> 00:10:03,646
Hi, G. Bernard,
si MacKenzie ito ng SkyHealth.
163
00:10:03,646 --> 00:10:08,025
Ipapaalam ko lang na ligtas kaming
nakarating kasama ang asawa mo,
164
00:10:08,025 --> 00:10:10,527
at inaalagaan siya sa emergency room,
165
00:10:10,527 --> 00:10:12,488
at sinusuri siya ngayon ng trauma team.
166
00:10:14,281 --> 00:10:16,075
Ay, wala pong anuman.
167
00:10:18,243 --> 00:10:20,037
Napakabait n'yo. Salamat.
168
00:10:20,037 --> 00:10:21,372
Sige po, paalam.
169
00:10:31,048 --> 00:10:38,013
Noong 2015, na-diagnose ang nanay ko
ng adenocarcinoma sa baga.
170
00:10:38,889 --> 00:10:43,560
Sa simula, benign lang
ang mga sintomas niya,
171
00:10:43,560 --> 00:10:47,231
at hindi halata ang iniinda niya.
172
00:10:49,108 --> 00:10:54,446
Sinuri siya, at na-diagnose siya
ng stage 4 kanser sa emergency room,
173
00:10:54,446 --> 00:10:56,407
na hindi karaniwan.
174
00:10:56,407 --> 00:10:58,534
Kadalasang hindi 'yon halata.
175
00:11:02,663 --> 00:11:04,123
Pinakamasamang araw ng buhay ko.
176
00:11:07,918 --> 00:11:09,753
Siya ang puso at kaluluwa ko.
177
00:11:12,381 --> 00:11:17,010
Alam mo, pinanood ko ang soulmate niya
habang nagdurusa siya.
178
00:11:18,887 --> 00:11:22,391
Mahirap ding makita 'yon,
pero napakaganda rin
179
00:11:22,391 --> 00:11:27,354
dahil sa tindi ng pinagsamahan nila
at gaano nila kamahal ang isa't isa.
180
00:11:36,405 --> 00:11:38,282
- Pasok.
- Hi.
181
00:11:38,282 --> 00:11:40,451
Ako si Dr. Macri. Kumusta?
182
00:11:40,951 --> 00:11:42,453
Paumanhin, kasama ko ang anak ko.
183
00:11:42,453 --> 00:11:44,955
Ayos lang, wala kang dapat ipagpaumanhin.
184
00:11:44,955 --> 00:11:48,751
Ikaw ang papa niya! Bakit ka nandito?
Ano'ng nangyari?
185
00:11:49,752 --> 00:11:54,548
Nawalan po ako ng malay.
Unang beses na nangyari 'yon sa akin.
186
00:11:55,924 --> 00:12:00,929
At tingin ko, dahil sa iniinom kong gamot...
187
00:12:03,307 --> 00:12:04,725
- Lorazepam.
- Oo.
188
00:12:04,725 --> 00:12:06,894
{\an8}Okay. Bakit ka umiinom noon?
189
00:12:08,270 --> 00:12:09,313
{\an8}Para sa anxiety.
190
00:12:10,063 --> 00:12:12,608
Nahihirapan siyang matulog, at pagod siya.
191
00:12:12,608 --> 00:12:14,735
Lagi siyang balisa.
192
00:12:14,735 --> 00:12:17,821
Okay. Susuriin lang kita.
Gusto kong pakinggan ang puso mo.
193
00:12:17,821 --> 00:12:19,448
Mas relaks ka na ngayon.
194
00:12:19,448 --> 00:12:22,868
Pinatay ko ang monitor
para 'di ka na lalong mabahala.
195
00:12:25,996 --> 00:12:28,123
Okay. Ayos naman ang tunog.
196
00:12:28,624 --> 00:12:31,668
Marami akong napapasukang shift
nitong nakaraan at nakikita ko
197
00:12:32,544 --> 00:12:36,465
ang bilang ng pagkabalisa,
depresyon, pagkataranta.
198
00:12:37,299 --> 00:12:40,969
Palagay ko talaga,
maraming dumaranas ng mga ito.
199
00:12:40,969 --> 00:12:43,514
Gusto mong tumawag ako ng psychiatrist?
200
00:12:44,348 --> 00:12:47,142
Gusto mo bang may makausap tungkol diyan?
201
00:12:48,727 --> 00:12:52,397
Gusto mo ba 'yong harapan ang usapan?
202
00:12:52,397 --> 00:12:53,440
Siguro.
203
00:12:53,440 --> 00:12:57,444
Oo, palagay ko minsan, lalo na
sa psychiatry, mas maigi kung personal.
204
00:12:57,444 --> 00:13:00,989
Alam ko, dahil sa pandemya,
maraming lumipat sa telemedisina,
205
00:13:01,949 --> 00:13:06,662
pero mas maganda pa ring humarap
sa isang tao at makausap sila.
206
00:13:06,662 --> 00:13:08,038
Kapag may ganitong pasyente,
207
00:13:08,038 --> 00:13:12,042
gusto kong tiyaking 'di sila nawawalan
ng pag-asa kaya haharap sa Psychiatry,
208
00:13:12,042 --> 00:13:15,504
bukas naman ang serbisyong 'yon
para sa lahat dito.
209
00:13:16,421 --> 00:13:21,426
Palagay ko, mabigat ang tama sa atin
ng pandemya. Napagod tayo.
210
00:13:23,303 --> 00:13:24,429
Sige, mahusay.
211
00:13:24,429 --> 00:13:26,056
- Salamat, Doktor.
- Oo naman.
212
00:13:26,557 --> 00:13:28,642
Sige. Kawawang naman.
213
00:13:29,142 --> 00:13:30,310
Ang mga batang ito.
214
00:13:38,610 --> 00:13:39,736
Test sa covid?
215
00:13:39,736 --> 00:13:40,821
- Oo.
- Sige.
216
00:13:40,821 --> 00:13:44,032
Pakiusap. Sige na naman. Wala ako noon.
217
00:13:47,035 --> 00:13:47,953
Ang cute niya.
218
00:13:50,122 --> 00:13:52,416
Christian, may sumasakit ba sa'yo?
219
00:13:52,416 --> 00:13:53,584
Ang mukha ko.
220
00:13:53,584 --> 00:13:55,794
- Mukha mo?
- Mukha at binti ko.
221
00:13:55,794 --> 00:13:57,254
Okay, sobra o kaunti lang?
222
00:13:57,254 --> 00:14:00,173
Sampu kung malala,
isa kung halos wala lang.
223
00:14:00,173 --> 00:14:01,091
Walo siguro?
224
00:14:01,592 --> 00:14:03,802
Mukha kang komportable para sa walo.
225
00:14:04,469 --> 00:14:06,221
Matapang kang bata.
226
00:14:08,599 --> 00:14:10,767
Gusto ko lang sabihing mahal kita.
227
00:14:10,767 --> 00:14:12,144
Mahal din kita, bunso.
228
00:14:13,061 --> 00:14:16,607
Anumang mangyari sa akin,
basta alam mong mahal kita.
229
00:14:16,607 --> 00:14:17,608
Mahal kita, Mommy.
230
00:14:17,608 --> 00:14:20,068
- Mahal din kita, bunso.
- Mahal na mahal kita.
231
00:14:20,068 --> 00:14:23,780
Nilalagyan ko lang ng tubig ang mukha mo.
May tinatanggal akong buhok.
232
00:14:24,781 --> 00:14:26,950
Malamig lang naman, 'di ba? Malamig lang.
233
00:14:26,950 --> 00:14:29,328
- Tubig lang 'yan?
- Tubig lang.
234
00:14:31,788 --> 00:14:35,292
Ikaw ang pinakamatapang na batang
nakita namin ngayon.
235
00:14:36,335 --> 00:14:38,253
Tapos na. Wala na.
236
00:14:41,381 --> 00:14:43,717
- Ayos ka na?
- Oo.
237
00:14:43,717 --> 00:14:44,843
Sige, mabuti.
238
00:14:44,843 --> 00:14:49,640
Sinabi niya na 8 o 10 ang sakit,
pero iisang bata ang nakikita natin,
239
00:14:49,640 --> 00:14:53,644
at tingin mo komportable ang sakit niya,
mas maayos kaysa sa noong dumating siya?
240
00:14:53,644 --> 00:14:55,187
- Mommy.
- Ano 'yon?
241
00:14:56,605 --> 00:14:59,483
Mommy, 'wag kang iiyak,
kasi maiiyak din ako.
242
00:14:59,483 --> 00:15:02,277
- 'Di ako umiiyak.
- 'Wag kang umiyak, pakiusap.
243
00:15:02,277 --> 00:15:04,571
Alam kong umiiyak ka, pero okay lang.
244
00:15:04,571 --> 00:15:06,990
Okay lang, Ma. Magiging ayos din ako.
245
00:15:09,534 --> 00:15:10,994
- Mahal kita.
- Mahal din kita.
246
00:15:12,120 --> 00:15:16,792
Lagi ko siyang pinaaalalahanang
dapat manatili siya rito.
247
00:15:16,792 --> 00:15:18,418
{\an8}Magaling talaga siya,
248
00:15:18,418 --> 00:15:23,090
{\an8}at marami siyang naibibigay
sa mga bata at pamilyang ito.
249
00:15:23,090 --> 00:15:26,009
'Yon ang talagang
pinahahalagahan ko sa kanya.
250
00:15:27,928 --> 00:15:31,640
Mahirap para sa mga anak ko
ang proseso ng diborsyo.
251
00:15:31,640 --> 00:15:36,728
Nailayo ako sa pamilya ko
ng kaguluhang dulot ng pandemya
252
00:15:36,728 --> 00:15:40,065
at naisip ko, paano ako magkakaroon
ng oras para sa kanila
253
00:15:40,065 --> 00:15:43,068
at maranasan pa ring makita silang lumaki?
254
00:15:48,156 --> 00:15:51,118
Metikuloso ang pagiging nars.
255
00:15:51,118 --> 00:15:56,289
At kung kaya mong maging metikuloso,
madadala mo 'yon sa kahit anong negosyo.
256
00:15:56,790 --> 00:16:00,252
Kaya nagbukas ako ng negosyo,
ang kumpanya sa trucking.
257
00:16:00,252 --> 00:16:03,588
Mabibigyan nito ng kinabukasan
ang mga anak ko, mga anak namin.
258
00:16:04,423 --> 00:16:07,050
At mauuwi lahat sa oras para sa kanila.
259
00:16:07,050 --> 00:16:11,304
Tungkol ito sa pagbawi ng oras
at pagkakaroon ng oras sa pamilya.
260
00:16:12,389 --> 00:16:15,475
Bago at pagkatapos ng lahat,
isa akong tatay.
261
00:16:16,309 --> 00:16:20,063
Medyo nakakalungkot
kasi matagal na akong ganito.
262
00:16:32,909 --> 00:16:35,245
- Ano'ng gagawin mo ngayon? Mamaya?
- Takdang aralin.
263
00:16:35,245 --> 00:16:36,288
{\an8}Takdang aralin?
264
00:16:36,288 --> 00:16:38,331
{\an8}Gaya ngayon, may psych kami.
265
00:16:38,832 --> 00:16:44,796
{\an8}Itinalaga sa akin ang PTSD.
Kung ano'ng nagbago sa paggamot sa PTSD.
266
00:16:44,796 --> 00:16:46,590
Kasi, alam mo, dati,
267
00:16:46,590 --> 00:16:51,386
puro mga militar na bumabalik
galing sa giyera ang may PTSD.
268
00:16:51,386 --> 00:16:55,182
At 'di pa PTSD ang tawag doon noon,
shell shock syndrome. Parang ganoon.
269
00:16:55,182 --> 00:16:58,602
Uuwi sila at maririnig pa rin nila
ang putok ng baril at mga bomba.
270
00:16:59,352 --> 00:17:04,274
At sa mga lalaki sa giyera lang 'yon,
pero ngayon, meron na pati mga bata,
271
00:17:04,274 --> 00:17:06,568
at sinumang dumaan
sa nakababahalang insidente.
272
00:17:06,568 --> 00:17:09,946
Lalo na ngayon, pagkatapos ng virus...
273
00:17:09,946 --> 00:17:12,491
Oo, totoo. Syempre, buong panahon
tayong nagtrabaho,
274
00:17:12,491 --> 00:17:15,285
at 'di karaniwang makakita
ng ganoon karaming kamatayan,
275
00:17:15,285 --> 00:17:17,662
kaya lahat tayo magkakaroon ng PTSD.
276
00:17:21,833 --> 00:17:24,461
Hindi pinag-uusapan ng lahat
277
00:17:25,170 --> 00:17:28,381
kung paano makakaapekto ito
sa mental health natin.
278
00:17:29,382 --> 00:17:32,010
Kailangang gawing normal
ang pagiging hindi okay.
279
00:17:37,015 --> 00:17:42,104
May pasyente ako sa West Village
na namatay dahil sa overdose.
280
00:17:42,104 --> 00:17:47,359
May isa pang nagkaroon ng COVID,
at namatay silang mag-asawa.
281
00:17:47,859 --> 00:17:49,736
Natagpuan namin silang magkasama.
282
00:17:50,320 --> 00:17:55,242
Meron ding lalaking nabaril.
Napakabata pa. Namatay siya.
283
00:17:56,868 --> 00:18:00,789
Alam mo 'yon, araw-araw akong
nakakakita ng nakakakilabot na bagay.
284
00:18:05,293 --> 00:18:09,631
Pero ngayong may maliit na bata na
sa pamilya ko,
285
00:18:09,631 --> 00:18:14,094
pakiramdam ko, nagkaroon ng ibang
kahulugan ngayon ang trabaho ko.
286
00:18:15,220 --> 00:18:19,933
Nagpapasalamat lang ako na
nakakauwi ako sa pamilya ko, kasi,
287
00:18:19,933 --> 00:18:25,021
palaging may pagkakataong
maaaring 'di ka na makauwi.
288
00:18:30,777 --> 00:18:34,698
Dati buong buhay ko ang karera ko,
alam mo 'yon, sa ulo ko.
289
00:18:34,698 --> 00:18:38,368
Trabaho ko ang pagkatao ko...
290
00:18:40,704 --> 00:18:43,748
at pakiramdam ko noon, 'yon ako.
291
00:18:44,791 --> 00:18:48,044
Ngayon, 'di na ganoon ang pakiramdam ko.
292
00:18:48,044 --> 00:18:52,215
Pakiramdam ko, bahagi ko ito,
pero hindi ako ito.
293
00:18:52,215 --> 00:18:57,220
Alam mo, parang marami akong
iba't ibang bahagi at aspeto.
294
00:19:09,316 --> 00:19:12,819
- Uy, mahal ko. Kumusta siya?
- Katatapos ko lang pakainin.
295
00:19:12,819 --> 00:19:16,531
Kailangan niya ba ulit i-suction?
Parang noong bago matulog?
296
00:19:16,531 --> 00:19:19,201
Gusto ko lang siyang
makatulog nang matagal...
297
00:19:19,201 --> 00:19:24,039
Sige, gusto ko lang tumawag at mangumusta
at sabihing mahal kita.
298
00:19:24,039 --> 00:19:25,790
- Mahal din kita.
- Sige, paalam.
299
00:19:27,292 --> 00:19:28,877
Ayaw ko kapag may sakit siya.
300
00:19:29,920 --> 00:19:33,590
Sumasama ang pakiramdam ko, sa totoo lang.
301
00:19:33,590 --> 00:19:38,011
Pero, alam mo na,
nagpapatibay siya ng katawan...
302
00:19:41,389 --> 00:19:43,725
Alam kong okay lang siya, pero kasi...
303
00:19:46,645 --> 00:19:48,897
ang hirap na wala ako roon.
304
00:19:51,483 --> 00:19:56,446
Lagi kong gustong maging
mas mabuting asawa o ina.
305
00:19:56,446 --> 00:19:59,908
Gusto ko lang gumawa ng dagdag na oras
kahit wala naman talaga,
306
00:20:00,492 --> 00:20:02,202
ganoon ang pagbibigay ng sarili.
307
00:20:05,747 --> 00:20:12,087
Nagpapasalamat lang akong
may malusog akong pangangatawan at isip.
308
00:20:12,087 --> 00:20:16,007
Alam mo, malaking bagay roon
ang asawa at anak ko.
309
00:20:17,926 --> 00:20:20,845
Namamangha siguro ako
sa ipinararamdam niya sa akin,
310
00:20:20,845 --> 00:20:24,474
sa diwa na parang
konektado ako sa mama ko.
311
00:20:25,642 --> 00:20:30,981
Nandiyan ang mama ko ngayon,
higit kailanman.
312
00:20:34,192 --> 00:20:35,151
Naku.
313
00:20:36,486 --> 00:20:37,904
Kumusta, mahal ko?
314
00:20:40,156 --> 00:20:41,992
Pahalik naman si papa.
315
00:20:45,704 --> 00:20:47,706
Nasaan si Mauricio?
316
00:20:47,706 --> 00:20:49,791
Ayun siya!
317
00:21:00,593 --> 00:21:02,012
Kulang ako sa tulog.
318
00:21:05,181 --> 00:21:07,767
Sinisingil na ako ngayon
pagkatapos ng ikalawang anak ko.
319
00:21:07,767 --> 00:21:10,103
Nasa 40s na ako,
320
00:21:10,103 --> 00:21:13,565
kaya mahigit 10 taon ko nang ginagawa ito,
nagtatrabaho sa gabi.
321
00:21:14,065 --> 00:21:19,154
Sinisingil na ako ng kalusugan ko,
at ng katawan ko.
322
00:21:21,990 --> 00:21:23,950
Ewan kung hanggang kailan ko gagawin ito.
323
00:21:28,538 --> 00:21:31,750
- Magandang umaga. Stacy?
- Magandang umaga. Ako 'yon.
324
00:21:31,750 --> 00:21:33,043
- Hi.
- Hi.
325
00:21:33,043 --> 00:21:34,294
At ikaw?
326
00:21:34,294 --> 00:21:36,629
- Si Zaire 'yan, kapatid ko.
- Hi.
327
00:21:36,629 --> 00:21:39,424
Maiksi lang ang triage note.
328
00:21:39,424 --> 00:21:43,094
- Sabi nagpa-fasting ka para sa Ramadan.
- Tama.
329
00:21:43,094 --> 00:21:44,512
Nagpa-fasting ka pa rin ba o...
330
00:21:44,512 --> 00:21:46,348
- Walong araw pa.
- Walong araw pa.
331
00:21:46,348 --> 00:21:48,767
- Sino bang nagbibilang?
- Naku naman.
332
00:21:48,767 --> 00:21:49,851
At ang ulo ko.
333
00:21:50,769 --> 00:21:53,938
May mabigat sa likod ng ulo ko
at sa mga mata ko,
334
00:21:53,938 --> 00:21:58,151
lagi akong nananalamin at sinasabing,
"Okay ka lang, relaks."
335
00:21:58,151 --> 00:21:59,903
Pero bumibilis ang tibok ng puso ko.
336
00:21:59,903 --> 00:22:03,406
Kaya kami tumawag ng ambulansya,
dahil 'di na ako maayos, nanghihina ako.
337
00:22:03,406 --> 00:22:07,243
Titingnan namin ang ilang lab sa puso,
electrolytes, magnesium mo,
338
00:22:07,243 --> 00:22:10,663
titiyakin na walang 'di balanse
na maaaring nagdudulot ng mga sintomas.
339
00:22:10,663 --> 00:22:12,582
- Naninigarilyo ka ba?
- Hindi.
340
00:22:12,582 --> 00:22:13,792
At wala ring alak, ano?
341
00:22:13,792 --> 00:22:14,959
- Wala.
- Okay.
342
00:22:14,959 --> 00:22:17,087
Dati akong adik, kung nakakatulong 'yon.
343
00:22:17,087 --> 00:22:21,591
Ay, sige. Kung 'di mo mamasamain,
dati kang adik saan?
344
00:22:21,591 --> 00:22:22,550
Crack cocaine.
345
00:22:22,550 --> 00:22:24,719
Okay. Ilang taon ka nang malinis?
346
00:22:26,346 --> 00:22:29,974
- Apat na buwan. Nagbalik ako dati.
- Apat na buwan! Mahusay 'yan.
347
00:22:30,475 --> 00:22:35,063
Kahanga-hanga 'yon! Kasi tapos na ako.
348
00:22:35,063 --> 00:22:36,064
Mabuti 'yan.
349
00:22:38,858 --> 00:22:41,694
Paiiyakin mo lang ako lalo.
Pinunasan mo, mapapaltan lang.
350
00:22:41,694 --> 00:22:45,281
Susuriin namin ang cardiac enzymes
at ang puso mo, lahat,
351
00:22:45,281 --> 00:22:48,159
para lang matiyak na hindi ito
kung anumang nagtatago.
352
00:22:48,159 --> 00:22:51,079
Kung mukha namang mahina lang
at okay ang mga lab mo,
353
00:22:51,079 --> 00:22:55,125
palagay ko pwede ka nang umuwi
mag-ice chips at magpagaling sa bahay.
354
00:22:55,125 --> 00:22:57,001
- Okay.
- Sige, babalikan kita.
355
00:22:57,001 --> 00:22:58,002
- Okay.
- Okay.
356
00:22:58,670 --> 00:23:03,049
'Di ko talaga maiisip na dati siyang adik.
357
00:23:04,134 --> 00:23:06,302
Napakalambing at bait niya.
358
00:23:07,887 --> 00:23:09,806
Lagi akong ginugulat ng mga tao.
359
00:23:13,017 --> 00:23:14,936
Hindi ako mapag-duda.
360
00:23:14,936 --> 00:23:17,647
Sinisikap kong maging positibo lagi
361
00:23:17,647 --> 00:23:21,234
at magkaroon ng positibong pananaw
kapag pumapasok sa trabaho.
362
00:23:22,360 --> 00:23:26,948
Pero nitong nakaraan, 'di nangyayari 'yon,
at umaabot na kami sa pagkapagod.
363
00:23:27,991 --> 00:23:32,078
Nagtrabaho kami nang matindi,
marami kaming isinakripisyo.
364
00:23:32,662 --> 00:23:35,874
Ayaw naming maabot ang pagkaupos
kung saan hindi mo na maibigay
365
00:23:35,874 --> 00:23:38,793
ang buong puso at kaluluwa mo.
366
00:23:40,044 --> 00:23:41,921
Sinubok talaga nito ang katatagan namin.
367
00:23:41,921 --> 00:23:43,089
Ano'ng kwento?
368
00:23:51,306 --> 00:23:55,643
Ito si Joshua, 17 taong gulang na lalaki.
Maraming tama ng bala...
369
00:23:56,603 --> 00:23:58,646
- Makakayanan niya ito.
- Malakas siya.
370
00:23:58,646 --> 00:23:59,564
Oo.
371
00:24:00,148 --> 00:24:00,982
Oo.
372
00:24:02,442 --> 00:24:04,569
Lumabas si Josh sa ospital.
373
00:24:04,569 --> 00:24:06,696
Aalis na rin sa bayan ang pamilya niya.
374
00:24:07,530 --> 00:24:11,534
Nag-aalala ako sa mga batang ito
sa pagsabak nila sa mundo.
375
00:24:13,244 --> 00:24:15,830
Mahirap silang subaybayan.
376
00:24:17,081 --> 00:24:21,377
Nabubuhay ka sa makapangyarihan,
nakababago ng buhay na sandali,
377
00:24:21,961 --> 00:24:24,255
at maiisip mo kung ano nang
nangyari sa kanila.
378
00:24:33,223 --> 00:24:35,767
Kapag may nangyari sa'yong nakaka-trauma,
379
00:24:35,767 --> 00:24:39,145
nagbabago nang malaki ang kemikal
na paraan ng pagsala ng impormasyon
380
00:24:39,854 --> 00:24:42,815
ng utak mo, dahil iba na
ang nararamdaman ko.
381
00:24:44,317 --> 00:24:45,568
Hinga nang malalim.
382
00:24:46,069 --> 00:24:47,403
Wala akong anxiety.
383
00:24:47,403 --> 00:24:51,407
Malinaw kong nahanap ang pilosopiya
na nagpapaliwanag sa akin
384
00:24:51,407 --> 00:24:53,826
ng maraming dahilan
kung bakit ako nasa mundo.
385
00:24:54,744 --> 00:24:56,162
'Yon ang maging mabuting tao.
386
00:24:57,205 --> 00:24:59,707
Maging mabait. Maging mapagpakumbaba.
387
00:24:59,707 --> 00:25:02,752
At alam mo, may mga pagkakataong
nahihirapan ako roon.
388
00:25:03,378 --> 00:25:06,589
Nagamot na 'yan. Ayos na tayo.
Salamat sa inyo.
389
00:25:08,716 --> 00:25:11,261
Dahil sa totoo lang, palagay ko,
bilang isang pinuno,
390
00:25:11,261 --> 00:25:14,305
kapag nagpakita ka ng kahinaan,
mas magiging mahusay ka.
391
00:25:18,142 --> 00:25:21,646
Posibleng mayroon din siyang long COVID,
392
00:25:21,646 --> 00:25:24,440
at may mga pinsalang dulot ng COVID.
393
00:25:25,984 --> 00:25:28,611
Medyo maingat ako sa paglabas.
394
00:25:28,611 --> 00:25:31,406
Isa't kalahating taon na akong
'di kumakain sa labas.
395
00:25:31,406 --> 00:25:33,157
Sige, babalik ako.
396
00:25:33,825 --> 00:25:35,618
- Stacy. Hi.
- Hi.
397
00:25:37,120 --> 00:25:38,663
Ayos naman ang mga lab mo.
398
00:25:38,663 --> 00:25:42,625
Normal ang magnesium.
Normal ang lab sa puso.
399
00:25:43,209 --> 00:25:46,087
Kung maaari, ubusin muna natin
ang fluids na ito,
400
00:25:46,087 --> 00:25:48,798
dahil makakatulong ito sa'yo
kung magtutuloy ka sa fasting.
401
00:25:48,798 --> 00:25:51,426
Pwede ka nang umuwi kung ayos na
ang pakiramdam mo.
402
00:25:51,426 --> 00:25:54,762
Ayos na ako, pero gusto ko ang fluids,
kasi naiisip kong...
403
00:25:54,762 --> 00:25:57,599
Oo naman. Palagay ko, dapat mong
ubusin ang litrong 'yan.
404
00:25:57,599 --> 00:26:00,935
Bakit 'di natin gawin 'yon? Paalis na ako.
405
00:26:00,935 --> 00:26:02,395
{\an8}- Ano'ng klase ka?
- Alam ko.
406
00:26:02,895 --> 00:26:05,064
{\an8}Sampung minuto, para matulog.
Hindi naman agad.
407
00:26:05,064 --> 00:26:08,234
{\an8}At bakit, sa awa ng Diyos,
gagawin mo 'yon?
408
00:26:08,901 --> 00:26:10,737
Para makabalik ako mamayang gabi.
409
00:26:10,737 --> 00:26:12,697
Ewan kung paano mo nagagawa, pagpalain ka.
410
00:26:12,697 --> 00:26:16,034
Gusto ko lang sabihing
pinahahalagahan ko ang mga doktor.
411
00:26:16,034 --> 00:26:20,246
Iniisip ko ang mga nars at doktor
at lahat ng nangyayari,
412
00:26:20,246 --> 00:26:23,499
at puso mo 'yan,
'di lang dahil trabaho mo.
413
00:26:24,000 --> 00:26:27,337
Ewan ko, kapag talagang may malasakit
414
00:26:27,337 --> 00:26:29,797
sa mga taong nagdurusa,
malaking bagay 'yon.
415
00:26:30,381 --> 00:26:34,802
Salamat. Magandang pagtatapos ng gabi ko.
Ikinagagalak kong makilala kayo.
416
00:26:34,802 --> 00:26:37,388
- Ako rin, magpahinga ka na.
- Ikaw rin.
417
00:26:37,388 --> 00:26:38,556
Oo.
418
00:26:40,892 --> 00:26:43,353
Sa ganitong uri ng trabaho,
419
00:26:43,353 --> 00:26:48,566
pinahahalagahan namin ang buhay
at kung ano'ng meron kami, ganoon ako.
420
00:26:48,566 --> 00:26:53,488
Nagpapasalamat ako sa ano'ng meron ako
at tuwing papasok at makakakita ng tao.
421
00:26:53,488 --> 00:26:55,698
Pero ngayon, mas higit pa.
422
00:26:58,117 --> 00:26:59,369
Kakukuha ko lang ng balita.
423
00:26:59,369 --> 00:27:00,787
Gumising na siya.
424
00:27:01,329 --> 00:27:02,997
- Bulag siya.
- Alam ko.
425
00:27:02,997 --> 00:27:05,708
- Dadalhin siya sa rehab ngayon.
- Mahusay.
426
00:27:06,668 --> 00:27:08,127
- Sabihin mo na.
- Dalawa.
427
00:27:08,127 --> 00:27:10,672
- 'Di niya nakikita ang daliri niya noon.
- Panoorin mo.
428
00:27:12,006 --> 00:27:15,843
Hindi. Dilaw ito.
429
00:27:15,843 --> 00:27:18,513
- Wow. May kulay na siya.
- Nakakakita na siya ng kulay.
430
00:27:18,513 --> 00:27:21,099
- Diyos ko.
- Nakikita na niya ang guwantes mo.
431
00:27:21,099 --> 00:27:23,810
- Oo. Nakikita ko na.
- At nirolyo niya ang manggas niya.
432
00:27:23,810 --> 00:27:25,478
- Kaya kong hawakan.
- Ang galing mo.
433
00:27:25,478 --> 00:27:26,979
Hala, inabot niya.
434
00:27:27,522 --> 00:27:29,565
May relo ka sa kanang kamay.
435
00:27:29,565 --> 00:27:32,026
Sabi ko sa'yo. Sabi sa'yo, babalik 'yon.
436
00:27:32,026 --> 00:27:34,028
Babalik? Mas mabuti pa kaysa dati.
437
00:27:34,529 --> 00:27:35,655
Pambihira.
438
00:27:38,700 --> 00:27:40,034
- Nandito siya?
- Uy.
439
00:27:40,034 --> 00:27:42,412
- Hi.
- May narinig akong magandang balita.
440
00:27:42,412 --> 00:27:44,455
- Diyos ko.
- Totoo ba?
441
00:27:45,415 --> 00:27:47,583
- Uy, kumusta ka?
- Totoo ba talaga?
442
00:27:49,585 --> 00:27:50,545
Kaya ko,
443
00:27:51,087 --> 00:27:53,214
- nakikita kong naka-asul ka.
- Oo nga.
444
00:27:53,840 --> 00:27:55,925
Nakikita mo na ang mukha ko ngayon?
445
00:27:56,467 --> 00:27:57,385
May salamin ka.
446
00:27:57,385 --> 00:27:58,720
- Oo.
- Diyos ko.
447
00:27:59,220 --> 00:28:02,765
Hindi ito, nakikita ko ang labi mo, oo.
448
00:28:02,765 --> 00:28:03,808
Oo.
449
00:28:03,808 --> 00:28:05,727
- Ilang daliri?
- Dalawa.
450
00:28:05,727 --> 00:28:06,811
Ilang daliri?
451
00:28:06,811 --> 00:28:08,229
- Isa.
- Magaling.
452
00:28:08,229 --> 00:28:09,772
Sabihin mo kapag may ilaw.
453
00:28:10,940 --> 00:28:12,650
- Meron.
- Babalik din ang kanang mata.
454
00:28:12,650 --> 00:28:14,110
Oo, sigurado.
455
00:28:14,610 --> 00:28:19,031
Magandang balita talaga 'yon,
ganito pa lang kaaga may kulay ka na,
456
00:28:19,657 --> 00:28:22,118
at nakatutok na paningin sa kaliwang mata.
457
00:28:22,118 --> 00:28:23,745
Babalik din ang kanang mata.
458
00:28:23,745 --> 00:28:28,416
Mas naipit ng tumor ang kanang mata
kaysa sa kaliwang mata.
459
00:28:28,416 --> 00:28:30,918
Inaasahan kong babalik 'yon,
pero medyo matatagalan.
460
00:28:30,918 --> 00:28:33,963
- Gumagaling isang milimetro kada araw.
- Okay.
461
00:28:33,963 --> 00:28:35,548
Maraming araw 'yon.
462
00:28:35,548 --> 00:28:40,011
- Okay. Mahusay ang ginawa niya.
- Mabuti siyang tao. Magaling ding doktor.
463
00:28:40,011 --> 00:28:42,638
Nagsisimula pa lang gumana ulit
ng mga mata mo, ang ugat,
464
00:28:42,638 --> 00:28:46,642
hindi pa lang sagad,
pero magiging maayos din naman.
465
00:28:46,642 --> 00:28:50,271
Nainis ako noong
makita ka naming gumising,
466
00:28:50,271 --> 00:28:53,357
at alam kong maghihintay ka pa,
pero 'di na kami makapaghintay.
467
00:28:53,357 --> 00:28:56,903
Si John ang nagsasabing,
hintay lang, aayos din 'yan.
468
00:28:56,903 --> 00:28:58,154
At tama siya.
469
00:28:58,154 --> 00:29:00,531
Tingin ko 'di na magiging
perpekto ang paningin mo,
470
00:29:00,531 --> 00:29:02,366
pero babalik naman ang paningin mo...
471
00:29:02,366 --> 00:29:05,495
Basta nakikita ko ang cute mong mukha,
okay na tayo.
472
00:29:05,495 --> 00:29:07,497
Ang galing niya. Nakikita niya talaga ako.
473
00:29:07,497 --> 00:29:09,707
- Oo.
- Mas nagagwapuhan ka pa kaysa sa asawa ko.
474
00:29:11,709 --> 00:29:13,711
Sabihin mo, kawalan niya 'yon.
475
00:29:13,711 --> 00:29:16,380
'Di niya alam kung ano'ng meron ka.
476
00:29:17,215 --> 00:29:19,050
Naku. Ikaw ang pinakamagaling.
477
00:29:19,050 --> 00:29:23,179
{\an8}Nawawalan na ako ng pag-asa,
akala ko mabubulag na talaga ako.
478
00:29:24,096 --> 00:29:28,351
{\an8}Pero kahapon, kailangang maging positibo,
479
00:29:28,351 --> 00:29:32,230
{\an8}at magtiwala sa mga tao
kahit 'di mo mapaniwalaan ang sarili mo.
480
00:29:32,230 --> 00:29:34,899
Biniyayaan ka ng Diyos
na makapagligtas ng buhay.
481
00:29:35,566 --> 00:29:36,859
At araw-araw paggising mo,
482
00:29:36,859 --> 00:29:40,363
dapat maramdaman mong
nagawa mo ang tungkulin mo.
483
00:29:40,363 --> 00:29:41,864
Pinagsisikapan namin.
484
00:29:41,864 --> 00:29:43,115
Oo naman.
485
00:29:43,741 --> 00:29:47,286
'Di tayo pwedeng mawalan ng pag-asa.
Mabuti pa rin ang mundo.
486
00:29:48,830 --> 00:29:50,581
Magre-rehab ka nang 3 linggo,
487
00:29:50,581 --> 00:29:53,501
at babalik ka para makipagkita sa amin
at makakita pa ng iba.
488
00:29:53,501 --> 00:29:56,170
Ang galing mo. Masaya kami.
489
00:29:56,170 --> 00:29:57,129
Mahal ko kayo.
490
00:29:57,129 --> 00:29:59,882
Mahal ka rin namin. Galingan mo pa, ha?
491
00:29:59,882 --> 00:30:01,008
Nakikita kita.
492
00:30:01,008 --> 00:30:03,427
Ikaw rin. Maraming salamat
sa magagandang salita.
493
00:30:03,427 --> 00:30:04,762
Maraming salamat.
494
00:30:04,762 --> 00:30:08,099
Isa 'yon sa pinakamagagandang bagay
na narinig ko sa pasyente.
495
00:30:08,099 --> 00:30:09,100
Kahanga-hanga siya.
496
00:30:12,562 --> 00:30:18,609
Pinapasok ng mga baril ang komunidad natin
at binabawi ang kabataan natin.
497
00:30:18,609 --> 00:30:23,656
{\an8}Sinasabi ko sa inyo,
ayaw ko nang maglibing ng isa pang bata.
498
00:30:24,240 --> 00:30:28,202
Ang kawalan ng pag-asa sa mga komunidad,
499
00:30:28,202 --> 00:30:30,788
kadalasang nagdudulot ng karahasan,
500
00:30:30,788 --> 00:30:33,791
{\an8}kaya kailangan nating tugunan
ang problema sa baril,
501
00:30:34,584 --> 00:30:36,794
{\an8}pero tugunan din ang kawalan ng pag-asa.
502
00:30:41,215 --> 00:30:44,760
Ang pangakong inilaan namin ni Che
503
00:30:44,760 --> 00:30:47,722
sa pagpigil sa karahasan sa baril
504
00:30:47,722 --> 00:30:51,517
ay nagdala sa akin sa iba't ibang lugar
'di ko naisip bilang mag-aaral sa medisina
505
00:30:51,517 --> 00:30:53,811
na dito aabot ang buhay ko bilang doktor.
506
00:30:54,395 --> 00:30:57,064
Mapanghamong usapan talaga ito.
507
00:30:57,064 --> 00:30:59,984
Natagpuan ko ang sarili ko sa White House,
508
00:31:00,484 --> 00:31:05,114
{\an8}sa Kongreso, nagtataguyod at sinusubukang
aksyunan ito ng batas.
509
00:31:05,114 --> 00:31:07,617
- Magtatanghalian daw tayo bukas.
- Oo.
510
00:31:08,117 --> 00:31:11,746
Sana 'di namatay ang anak ko
sa harapan ko.
511
00:31:11,746 --> 00:31:14,540
- Natatakot akong mangyari ulit ito.
- Oo.
512
00:31:15,041 --> 00:31:18,920
May tatlong anak ako, dalawang teenager,
at nag-aalala akong tuwing lalabas sila,
513
00:31:18,920 --> 00:31:20,963
natatakot akong mangyari ulit ito.
514
00:31:20,963 --> 00:31:24,175
Ibibigay ko ang numero ko sa'yo
para makapag-ugnayan tayo sa gawain.
515
00:31:24,175 --> 00:31:28,012
Nagkakaroon ako ng ahensya,
ng kapangyarihan, ng pag-asa.
516
00:31:29,347 --> 00:31:31,807
Bahagi ng ginagawa namin,
hindi lang maging doktor,
517
00:31:31,807 --> 00:31:35,019
na nagtatanggal ng bala sa mga tao
at ibabalik sila sa kalye,
518
00:31:35,019 --> 00:31:37,939
pero ang manaliksik, at talagang unawain,
519
00:31:37,939 --> 00:31:39,941
paano tayo kikilos para sa pagbabago?
520
00:31:41,859 --> 00:31:44,737
May mga tao akong naaalala
sa mga bulaklak na ito.
521
00:31:44,737 --> 00:31:47,281
Kapag naiisip kong doktor ako ng bata,
522
00:31:47,281 --> 00:31:49,367
ibig sabihin, may batang namatay.
523
00:31:51,619 --> 00:31:53,371
At ang totoo, masakit para sa lahat.
524
00:31:53,829 --> 00:31:56,415
Nagiging mahalaga sa akin
kung paano ako nasasaktan,
525
00:31:56,415 --> 00:31:58,960
kung paano nababago
ang tingin mo sa buhay.
526
00:32:01,671 --> 00:32:06,008
{\an8}Nararamdaman ko ang pangangailangan
at ang bigat ng panahon sa kasaysayan,
527
00:32:06,008 --> 00:32:08,052
{\an8}na pinapatay ang mga anak natin.
528
00:32:08,844 --> 00:32:13,474
Ito ang unang pagkakataong
ang unang dahilan ng pagkamatay ng bata
529
00:32:13,474 --> 00:32:16,102
sa Estados Unidos ay karahasan sa baril.
530
00:32:17,436 --> 00:32:19,021
At kahit mahal ko ang bansang ito,
531
00:32:19,021 --> 00:32:23,150
at nagpapasalamat ako sa lahat
ng ibinigay nito sa akin
532
00:32:23,150 --> 00:32:26,988
at sa pamilya ko, 'di ito ang bansang
gusto kong pag-iwanan sa mga anak ko.
533
00:32:27,571 --> 00:32:31,200
May teenager na nabaril,
pero pagkauwi ko galing doon kagabi,
534
00:32:31,200 --> 00:32:33,077
halos oras-oras may tumatawag sa akin.
535
00:32:33,077 --> 00:32:35,871
- 'Di mo kailangang pumasok?
- Maliban kung may malala.
536
00:32:42,128 --> 00:32:43,587
Anak ko!
537
00:32:47,758 --> 00:32:49,510
Masaya akong makita siya.
538
00:32:53,097 --> 00:32:54,515
Mahal na mahal kita.
539
00:33:16,245 --> 00:33:17,747
Ayan na siya.
540
00:33:20,541 --> 00:33:22,626
Ano, anak? Kumusta ka na?
541
00:33:25,880 --> 00:33:27,840
- Kumusta ang pakiramdam mo?
- Mabuti.
542
00:33:27,840 --> 00:33:28,883
Mas mabuti?
543
00:33:29,633 --> 00:33:32,595
- 'Di ako makagalaw.
- Ayos lang. Ako na ang lalapit.
544
00:33:33,679 --> 00:33:35,222
Nahihirapan din akong gumalaw.
545
00:33:40,853 --> 00:33:42,605
Ano sa tingin mo, ayos ba si Grod?
546
00:33:46,317 --> 00:33:48,027
Pinangalanan naming Grod ang bato.
547
00:33:50,988 --> 00:33:52,323
Perpekto ang pangalang 'yan.
548
00:33:53,491 --> 00:33:54,658
Dr. Grodstein.
549
00:33:56,827 --> 00:33:57,745
Mahal kita.
550
00:33:58,287 --> 00:33:59,205
Mahal din kita.
551
00:34:04,752 --> 00:34:06,754
Araw-araw, gumigising ako,
552
00:34:06,754 --> 00:34:09,715
at habang naghahanda sa pagpasok,
nakikinig ako sa balita.
553
00:34:09,715 --> 00:34:15,679
Naririnig ko ang mga nakakalungkot
na kwento tungkol sa krimen, giyera.
554
00:34:16,263 --> 00:34:19,642
Pero papasok ako sa trabaho
at makikita ko ang mga taong
555
00:34:19,642 --> 00:34:25,064
inilalagay sa panganib ang sarili nila
para lang makatulong sa nangangailangan.
556
00:34:26,315 --> 00:34:28,234
'Wag kang mag-alala,
kami ang bahala sa'yo.
557
00:34:28,234 --> 00:34:31,028
At pinasisigla ulit noon
ang tiwala ko sa sangkatauhan.
558
00:34:31,028 --> 00:34:33,489
Parang mukhang dehydrated ka rin.
559
00:34:33,489 --> 00:34:37,118
Ganito kasi, 'di ako pwedeng
ma-admit ngayon...
560
00:34:37,118 --> 00:34:40,329
- 'Di dahilan 'yan para 'di gawin 'yon.
- Alam ko.
561
00:34:43,249 --> 00:34:44,917
Isa, dalawa, tatlo.
562
00:34:45,668 --> 00:34:46,710
Matatapos na.
563
00:34:50,422 --> 00:34:53,300
Regalo ng Biyernes, alam mo 'yon?
564
00:34:59,431 --> 00:35:02,852
Sabi ni Margaret Mead, isang antropologo,
565
00:35:02,852 --> 00:35:07,398
ang unang senyales ng sibilisasyon
ay makakita ng gumaling na sugat sa binti.
566
00:35:07,398 --> 00:35:10,401
Nangangahulugan ang gumaling na sugat
na may gumamot sa pasyente,
567
00:35:10,401 --> 00:35:12,403
binuhat, pinakain, at prinotektahan siya.
568
00:35:12,403 --> 00:35:14,238
Tinulungan silang gumaling.
569
00:35:14,822 --> 00:35:19,493
At sa sibilisadong mundo, pinoprotektahan
at inaalagaan natin ang sugatan.
570
00:35:20,244 --> 00:35:23,247
Kaya tayo nasa Daigdig,
para alagaan ang isa't isa.
571
00:35:25,207 --> 00:35:28,085
Medic 99, ulat ng pamamaril
sa Vinegar Hill, Brooklyn.
572
00:35:28,085 --> 00:35:30,171
Dalawang tao ang tinamaan, inuulit ko.
573
00:35:30,671 --> 00:35:31,797
Diyos ko, na naman?
574
00:36:11,837 --> 00:36:14,506
{\an8}PUSO - IDINONATE NA BAHAGI O TISSUE
NG TAO PARA SA TRANSPLANT
575
00:36:21,430 --> 00:36:24,183
TRANSPLANT SA PUSO
BABALA - HUWAG PAPASOK
576
00:37:20,114 --> 00:37:25,077
INIAALAY NAMIN ANG SERYENG ITO
SA LAHAT NG PASYENTE, PAMILYA NILA,
577
00:37:25,077 --> 00:37:28,664
AT MGA TAGAPAG-ALAGA NA NAGBAHAGI
NG MAGIGITING NILANG KWENTO SA AMIN.
578
00:39:41,296 --> 00:39:46,301
Pagsasalin ng subtitle ni:
Erika Ivene Verder Columna