1 00:00:11,541 --> 00:00:13,500 Ninety-eight na araw na lang! 2 00:02:09,833 --> 00:02:12,375 Halughugin n'yo 'yong lahat. Patayin 'yong lahat! 3 00:02:55,333 --> 00:02:58,083 Ngayon, tapusin n'yo 'yong inumpisahan niya. 4 00:02:58,166 --> 00:02:59,875 Mag-computer kayo. 5 00:03:02,375 --> 00:03:03,708 -Sige na, buwisit! -Hindi! 6 00:03:06,083 --> 00:03:10,208 Ano'ng sinasabi mo, Semavi? Ire-raid nila tayo dito. 7 00:03:11,541 --> 00:03:14,250 Walang kikilos hangga't sinasabi ko. 8 00:03:23,541 --> 00:03:30,458 -Semavi! -Semavi! 9 00:03:30,541 --> 00:03:35,125 -Semavi! -Semavi! 10 00:03:35,208 --> 00:03:39,666 -Semavi! -Semavi! 11 00:03:42,041 --> 00:03:44,333 -Tumigil na kayo! -Semavi! 12 00:03:44,416 --> 00:03:46,541 -Tumigil na kayo! Wag! -Semavi! 13 00:03:46,625 --> 00:03:48,916 -Tumigil na kayo! Wag! -Semavi! 14 00:03:49,000 --> 00:03:51,083 -Wag! -Semavi! 15 00:03:51,791 --> 00:03:53,833 Tumigil na kayo! 16 00:03:53,916 --> 00:03:56,166 Wag! 17 00:03:56,250 --> 00:03:58,416 Tumigil na kayo! Wag! 18 00:03:58,500 --> 00:04:00,916 Tumigil na kayo! 19 00:04:01,750 --> 00:04:02,750 Tumigil na kayo! 20 00:04:04,125 --> 00:04:05,125 Tumigil na kayo! 21 00:04:09,500 --> 00:04:10,708 Chief! 22 00:04:14,083 --> 00:04:15,583 Chief! 23 00:04:19,083 --> 00:04:19,916 Wag. 24 00:04:22,125 --> 00:04:23,125 Magsalita ka. 25 00:04:27,375 --> 00:04:31,708 Ang daming tao na 'yong nasaktan. Ang daming tao na 'yong namatay, Chief. 26 00:04:35,208 --> 00:04:37,166 Wag nating hayaang may masaktan pa. 27 00:04:40,250 --> 00:04:42,041 So? Sumusuko ka na ba? 28 00:04:45,458 --> 00:04:47,875 KÜBRA 29 00:04:47,958 --> 00:04:50,208 MALAKAS - MAYABANG - DAKILA - MALALA 30 00:04:50,291 --> 00:04:54,291 KÜBRA 31 00:04:54,375 --> 00:04:55,250 Semavi! 32 00:04:57,291 --> 00:04:59,250 Semavi. 33 00:05:01,375 --> 00:05:03,208 Susuko na ba talaga tayo? 34 00:05:03,958 --> 00:05:07,583 Tama na. Wala nang masasaktan pa, kahit isa. 35 00:05:07,666 --> 00:05:08,916 Ano'ng sinasabi mo? 36 00:05:09,458 --> 00:05:14,583 Lahat no'ng ginawa natin, mga taong naniwala sa atin, pinagdusahan natin… 37 00:05:14,666 --> 00:05:16,375 Para lang ba sa wala? 38 00:05:16,458 --> 00:05:17,416 Oo, wala! 39 00:05:19,000 --> 00:05:20,000 Wala. 40 00:05:21,583 --> 00:05:22,958 Di ko na Siya kasama! 41 00:05:23,833 --> 00:05:25,416 Di kailanman. 42 00:05:26,416 --> 00:05:28,291 Di natin kasama si Allah! 43 00:05:35,583 --> 00:05:36,416 Gökhan! 44 00:05:40,666 --> 00:05:41,500 Gökhan! 45 00:06:07,750 --> 00:06:08,583 Tapos na. 46 00:06:09,500 --> 00:06:11,041 Makakaalis na kayo. 47 00:06:12,291 --> 00:06:13,500 Umalis na nga kayo. 48 00:06:16,208 --> 00:06:17,625 Dito lang sila. 49 00:06:18,750 --> 00:06:19,916 Dito lang din ako. 50 00:06:21,375 --> 00:06:23,250 Di ako tatakas gaya mo. 51 00:06:25,416 --> 00:06:26,250 Commander… 52 00:06:27,583 --> 00:06:28,666 Sabi ko, tapos na. 53 00:06:29,541 --> 00:06:33,041 -Di tayo makakaligtas dito. -Laging may paraan. 54 00:06:33,833 --> 00:06:37,125 Alamin mo 'yon, o ikaw mismo 'yong gumawa ng paraan. 55 00:06:37,708 --> 00:06:40,958 Kahit pa walang paraan, kahit na humantong sa kamatayan, 56 00:06:41,458 --> 00:06:42,583 di ako susuko. 57 00:06:44,250 --> 00:06:46,875 Tatapusin ko 'to gaya na'ng tunay na mandirigma. 58 00:06:47,791 --> 00:06:49,583 Mamamatay akong lumalaban, Semavi! 59 00:06:51,041 --> 00:06:51,875 Ali Cemal… 60 00:06:54,791 --> 00:06:55,791 Hindi 'to digmaan. 61 00:06:57,041 --> 00:06:58,625 Hindi tayo mga mandirigma. 62 00:07:00,541 --> 00:07:03,666 Sinasabi ko sa 'yo, kasinungalingan 'yong lahat. Tapos na. 63 00:07:04,458 --> 00:07:07,458 Wag mong hayaang mas marami pang mamatay. Tama na. 64 00:07:08,083 --> 00:07:10,333 Pwedeng di digmaan 'to sa 'yo, Gökhan. 65 00:07:11,000 --> 00:07:12,625 Pero digmaan 'to para kay Semavi. 66 00:07:12,708 --> 00:07:17,666 Lalaban ako hanggang sa huling hininga ko para kay Semavi na pinaniniwalaan ko. 67 00:07:18,708 --> 00:07:19,833 Ngayon… 68 00:07:20,833 --> 00:07:23,708 Paganahin agad 'yong Kübra! 69 00:07:23,791 --> 00:07:25,583 Mag-computer kayo, lintik! 70 00:07:27,125 --> 00:07:28,125 Gökhan! 71 00:07:47,750 --> 00:07:48,583 Semavi. 72 00:07:49,458 --> 00:07:50,833 Semavi. 73 00:07:51,833 --> 00:07:53,750 Iiwan mo na talaga kami? 74 00:08:33,666 --> 00:08:35,541 Pa'no kung pakana 'to? 75 00:08:35,625 --> 00:08:36,625 Hindi. 76 00:08:39,083 --> 00:08:42,208 Ano'ng gagawin niya? Sumuko na lang kasama ng mga tao niya? 77 00:08:42,708 --> 00:08:46,041 Malay natin kung tatakas siya? Dapat i-raid na natin 'yong lugar. 78 00:08:46,125 --> 00:08:48,375 Sabi niya, wala nang mamamatay. Maghihintay tayo. 79 00:08:50,375 --> 00:08:53,625 Kara, niloko niya 'yong buong bansa. Tingin mo, di niya tayo lolokohin? 80 00:08:57,333 --> 00:08:59,333 Di niya iiwan 'tong mga taong 'to. 81 00:09:18,583 --> 00:09:22,416 Alam n'yo ba kung kanino 'tong sistema at kaayusang 'to di naaawa? 82 00:09:22,916 --> 00:09:25,916 Di naaawa 'to sa mga nagrerebelde, sa tumitindig, 83 00:09:26,000 --> 00:09:28,083 na dumidiskaril sa mga kaayusan. 84 00:09:28,833 --> 00:09:33,083 Pinapatawad nito 'yong mamamatay-tao, 'yong magnanakaw, 'yong mahalay, 85 00:09:33,166 --> 00:09:36,208 pero di kailanman 'yong rebelde, 'yong naghihimagsik. 86 00:09:36,291 --> 00:09:37,291 Tayo 'yon! 87 00:09:38,875 --> 00:09:42,958 Kung ikukulong lang nila tayo o papatayin agad, 88 00:09:43,041 --> 00:09:44,833 sige, tayo na. 89 00:09:44,916 --> 00:09:47,416 Sabihin na nating tapos na. Sumuko na tayo. 90 00:09:47,500 --> 00:09:49,375 Pero di nila gagawin 'yon. 91 00:09:49,458 --> 00:09:53,000 Para maging halimbawa, para matakot 'yong mga tao, 92 00:09:53,083 --> 00:09:54,458 sisirain nila tayo. 93 00:09:55,291 --> 00:09:59,041 Sisiraan nila tayo. Tatapakan nila 'yong dangal natin. 94 00:09:59,708 --> 00:10:03,958 Bubugbugin nila tayo para maging mga taga-amin, traydor, katawa-tawa. 95 00:10:04,458 --> 00:10:07,291 Tapos ilalantad nila tayo sa buong mundo. 96 00:10:07,958 --> 00:10:11,000 Bago nila tayo patayin, gagawin nila tayong walang kuwenta. 97 00:10:13,041 --> 00:10:14,541 Wala na si Semavi! 98 00:10:15,583 --> 00:10:17,875 Pinili niya na magpakawalang kuwenta. 99 00:10:18,541 --> 00:10:21,000 Iniwan niya tayo kasama no'ng mga paniniwala natin. 100 00:10:21,500 --> 00:10:22,791 Tayo na lang 'to! 101 00:10:23,791 --> 00:10:26,166 'Yong mga gustong sumunod sa kanya, 102 00:10:26,250 --> 00:10:30,750 na gustong mabuhay na parang mga duwag na alipin, 103 00:10:30,833 --> 00:10:35,291 bumalik kayo sa mga nanay n'yo, sa mga siyota niyo! 104 00:10:35,958 --> 00:10:41,750 Sa mga gustong maalala bilang lumalaban sa kalayaan, samahan n'yo ako dito! 105 00:10:42,333 --> 00:10:43,708 Sige na, mga matatapang! 106 00:10:44,375 --> 00:10:49,625 Ipakita sa mga kaibigan at saka sa kaaway kung pa'no magpaka-Semavite! 107 00:10:55,291 --> 00:11:00,291 -Kailangan natin ng computer. -Susundin ba natin 'yong baliw na 'yon? 108 00:11:00,375 --> 00:11:02,958 Deniz, walang makakaligtas dito. 109 00:11:03,041 --> 00:11:06,916 -Malabo man, pag-asa lang natin ang Kübra. -Sa mga bahay, tingnan natin. 110 00:11:07,750 --> 00:11:09,583 -Hindi, saglit Selim. -Adem, tara na. 111 00:11:09,666 --> 00:11:11,958 -Selim, saglit. -Deniz, please, makinig ka. 112 00:11:12,041 --> 00:11:14,916 Anu't anuman, pananagutan din natin 'tong lahat ng 'to. 113 00:11:15,500 --> 00:11:18,125 Ibig kong sabihin, sa pagkamatay din ni Berk, sa lahat. 114 00:11:18,208 --> 00:11:21,666 So kailangan nating tapusin 'yong inumpisahan natin. Please. Okay? 115 00:11:21,750 --> 00:11:22,583 Adem, tara na. 116 00:12:35,750 --> 00:12:38,916 Kailangan namin ng oras. Pigilan mo sila. 117 00:12:39,000 --> 00:12:41,208 Pagpalain ni Allah ang layunin natin. Kilos na. 118 00:12:49,416 --> 00:12:51,875 Kara, putulin na natin 'yong kuryente at saka internet. 119 00:12:51,958 --> 00:12:54,208 Hindi. Di natin magagawa 'yon. 120 00:12:54,291 --> 00:12:57,833 May matatanda, may sakit, mga bata, mga inosente dito. 121 00:12:57,916 --> 00:13:00,583 Pinapatagal nila tayo. Ia-activate nila 'yong software. 122 00:13:09,041 --> 00:13:10,041 Sige, putulin n'yo na. 123 00:13:10,541 --> 00:13:11,375 Chief! 124 00:13:19,791 --> 00:13:20,708 Chief! 125 00:13:20,791 --> 00:13:24,833 -Asan si Gökhan? -Mula ngayon, makikipag-usap ka sa 'kin. 126 00:13:25,333 --> 00:13:28,458 Kakausapin mo 'ko gaya no'ng pakikipag-usap mo kay Semavi. 127 00:13:29,166 --> 00:13:30,291 Gano'n ba? 128 00:13:30,375 --> 00:13:31,458 Dalhin n'yo sila! 129 00:13:44,875 --> 00:13:46,166 Lintik. 130 00:13:48,000 --> 00:13:51,583 Kung magpapaputok ka dito mula ngayon, 131 00:13:52,208 --> 00:13:55,291 kung susubukan mo na putulin 'yong kuryente o internet, 132 00:13:55,375 --> 00:13:58,166 sa madaling sabi, anumang maling gagawin mo, 133 00:13:58,250 --> 00:14:00,625 isa-isang mamamatay sila. 134 00:14:01,458 --> 00:14:04,208 Ila-live para makita no'ng lahat. 135 00:14:05,041 --> 00:14:08,333 Baka may iba pang hostages din. Nasa 13 na tao. 136 00:14:09,083 --> 00:14:12,916 Ano, Chief? Ipapahamak mo ba 'yong mga kaibigan mo? 137 00:14:13,000 --> 00:14:17,458 Pag nasaktan sila, ni kuko nila, ibabaon ko sa hukay 'tong lugar na 'to. 138 00:14:18,041 --> 00:14:22,208 Nasa hukay na kami, Chief. Ga'no kalalim 'yong kaya mong hukayin pa para sa amin? 139 00:14:47,958 --> 00:14:50,208 DİLEK ŞAHİNOĞLU B. 02/23/1974 - D. 07/12/2024 140 00:14:53,791 --> 00:14:56,416 MERVE ŞAHİNOĞLU B. 11/18/1999 - D. 07/13/2024 141 00:15:33,083 --> 00:15:35,291 Aalis na tayo. Tara na. 142 00:16:35,375 --> 00:16:37,708 Naniwala akong itinakda Mo 'ko, Allah. 143 00:16:39,916 --> 00:16:41,583 Naniwala akong may layunin ako. 144 00:16:43,458 --> 00:16:45,416 Kung wala akong totoong layunin… 145 00:16:48,666 --> 00:16:50,125 ba't Mo 'ko iniligtas? 146 00:16:52,708 --> 00:16:55,041 Ba't di Mo 'ko kinuha no'ng gabing 'yon? 147 00:16:55,125 --> 00:16:57,416 Bakit Mo 'ko iniwan, Allah? 148 00:17:01,333 --> 00:17:02,166 Bakit? 149 00:19:15,500 --> 00:19:17,833 Ready na kami, sir. Hinihintay 'yong orders mo. 150 00:19:32,833 --> 00:19:33,833 Chief. 151 00:20:09,750 --> 00:20:11,708 May huling ipapasuyo ako sa inyo. 152 00:20:17,333 --> 00:20:19,833 Ano? Maghihintay na lang ba tayo nang ganito? 153 00:20:22,500 --> 00:20:25,291 -Saan pumunta si Chief? -Ewan ko. 154 00:20:25,375 --> 00:20:26,458 May mali dito. 155 00:20:28,958 --> 00:20:30,250 -Kuya Ali Cemal. -Ha? 156 00:20:30,333 --> 00:20:32,708 -Wala na 'yong computer nerds. -Ano'ng sinasabi mo? 157 00:20:32,791 --> 00:20:36,458 -Mukhang tumakas sila. -Halughugin lahat. Hanapin sila. Sige na! 158 00:20:47,000 --> 00:20:48,250 Buwisit, ano'ng nangyayari? 159 00:20:54,333 --> 00:20:55,541 Ako si Gökhan Şahinoğlu. 160 00:20:56,958 --> 00:20:59,833 Kilala n'yo ako bilang Semavi, 161 00:21:00,333 --> 00:21:03,583 bilang itinakda ni Allah. 162 00:21:04,583 --> 00:21:05,916 Gano'n n'yo ako nakilala. 163 00:21:06,833 --> 00:21:08,375 Dederetsuhin ko na kayo. 164 00:21:09,958 --> 00:21:12,125 Di ako kailanman kinausap ni Allah. 165 00:21:16,125 --> 00:21:17,375 Di Niya ako itinakda. 166 00:21:18,791 --> 00:21:19,958 Ngayon, 167 00:21:20,541 --> 00:21:27,375 kinakausap ko kayo bilang si Gökhan lang, gaya n'yo, dugo't laman ako. 168 00:21:27,916 --> 00:21:29,208 Sa huling pagkakataon. 169 00:21:31,750 --> 00:21:33,625 Wala akong banal na tungkulin. 170 00:21:33,708 --> 00:21:39,416 Walang kahit isang utos o sulat na ipinadala sa 'kin ni Allah. 171 00:21:40,416 --> 00:21:43,708 Kaya sinungaling talaga ako. 172 00:21:46,875 --> 00:21:48,083 Naniwala kayo sa 'kin. 173 00:21:48,166 --> 00:21:51,458 Sinunod n'yo 'yong pinagawa ko, 'yong sinabi ko. 174 00:21:51,958 --> 00:21:54,625 No'ng sinunod n'yo, marami sa inyo 'yong nagdusa. 175 00:21:56,333 --> 00:21:59,250 Alam kong galit kayo sa 'kin sa sinasabi ko. 176 00:22:00,583 --> 00:22:01,416 Tama kayo. 177 00:22:02,666 --> 00:22:04,333 Malala 'yong mga pagkakamali ko. 178 00:22:05,041 --> 00:22:08,791 Maraming tao 'yong nagdusa dahil sa 'kin. Maraming namatay. 179 00:22:09,750 --> 00:22:11,083 Alam n'yo kung bakit? 180 00:22:12,416 --> 00:22:16,083 Dahil ang lala ng pagkakasala ko. 181 00:22:16,166 --> 00:22:18,666 Di sa pagsisinungaling o panloloko 'yong sinasabi ko. 182 00:22:18,750 --> 00:22:23,291 Mas malala pa do'n, yumabang ako. 183 00:22:24,916 --> 00:22:30,166 Malalang kasalanan 'yon. Nakalimutan ko 'yong kahulugan no'ng sinabi ko sa inyo. 184 00:22:30,250 --> 00:22:33,958 Nakalimutan ko 'yong sinabi ko, 'yong pinaniniwalaan ko. 185 00:22:34,041 --> 00:22:35,958 Nangaral ako ng kabutihan pero sumama ako. 186 00:22:36,750 --> 00:22:39,416 Sinabi ko 'yong pagkakaisa pero naging makasarili ako. 187 00:22:39,500 --> 00:22:41,833 Nahumaling ako sa kapangyarihan. 188 00:22:42,375 --> 00:22:44,625 Sa kapangyarihan, nalihis ako ng landas. 189 00:22:45,625 --> 00:22:47,291 "Kadena 'yong materialism." 190 00:22:47,375 --> 00:22:50,291 "Walang kuwenta 'yong makamundong pag-aari," sabi ko. 191 00:22:50,375 --> 00:22:55,375 habang kinulong ko 'yong sarili ko sa kasakiman, ambisyon, at kapangyarihan! 192 00:23:03,916 --> 00:23:05,000 Naging malupit ako. 193 00:23:06,708 --> 00:23:08,583 Kasama no'n 'yong kalungkutan. 194 00:23:09,250 --> 00:23:11,166 Nagsawalang-bahala ako. 195 00:23:11,791 --> 00:23:14,500 Pinalaki ko 'yong karahasan laban sa karahasan. 196 00:23:14,583 --> 00:23:17,625 Pinuri ko 'yong kamatayan, hindi 'yong buhay. 197 00:23:18,125 --> 00:23:24,208 Kaya ako napahamak ko 'yong mga taong naniwala sa 'kin, na nagmahal sa 'kin. 198 00:23:24,875 --> 00:23:26,916 Pinatay ko sila. 199 00:23:27,000 --> 00:23:28,166 Ngayon, 200 00:23:29,208 --> 00:23:34,500 hinihiling ko sa lahat no'ng pumunta sa mga kalye para at dahil sa 'kin, 201 00:23:35,125 --> 00:23:38,625 mula sa Ormancılar hanggang sa buong bansa, 202 00:23:38,708 --> 00:23:41,583 saanman may paglaban at paghihimagsik, 203 00:23:42,083 --> 00:23:43,666 tama na, please. 204 00:23:44,458 --> 00:23:46,000 Magdes-arma kayo. 205 00:23:46,791 --> 00:23:48,916 Wag na magpahamak ng iba pa. 206 00:24:19,125 --> 00:24:21,625 Maniwala kayo, di pagkatalo 'to. 207 00:24:25,500 --> 00:24:29,583 Tandaan n'yo na kapayapaan ang talagang tagumpay sa mundong 'to. 208 00:24:32,416 --> 00:24:36,625 Sinabi ko na sa inyo, "Nabubuhay 'yong Demonyo sa takot." 209 00:24:41,333 --> 00:24:42,333 Nagkamali yata ako. 210 00:24:49,000 --> 00:24:51,083 Nabubuhay ang Demonyo sa kasakiman sa tagumpay, 211 00:24:51,166 --> 00:24:54,875 sa pagnanais sa kapangyarihan, sa di makuntento na ego, 212 00:24:54,958 --> 00:24:57,666 lalo na sa kayabangan. 213 00:24:59,583 --> 00:25:00,583 Kuya? 214 00:25:06,916 --> 00:25:08,083 Allah… 215 00:25:08,166 --> 00:25:10,500 Allah, salamat sa 'Yo, iniligtas Mo siya. 216 00:25:10,583 --> 00:25:11,750 Salamat sa 'Yo. 217 00:25:12,666 --> 00:25:14,791 Di ko kakayaning mawala ka. 218 00:25:18,250 --> 00:25:21,750 Natatakot ako, Gökhan. Natatakot talaga ako, 'nak. 219 00:26:03,791 --> 00:26:06,666 May isang paraan lang para talunin ang Demonyo, mga kapatid. 220 00:26:07,791 --> 00:26:08,625 Sa pagmamahal. 221 00:26:13,041 --> 00:26:17,208 Kung may langit sa kabila no'ng mapanlokong mundong 'to, 222 00:26:17,291 --> 00:26:21,000 walang dudang nasa mga lubos na nagmamahal 'yon. 223 00:26:24,625 --> 00:26:26,375 Buhay bilang tugon sa kamatayan. 224 00:26:27,583 --> 00:26:29,583 Pagmamahal bilang tugon sa galit. 225 00:26:31,416 --> 00:26:36,083 Kapayapaan bilang tugon sa digmaan. Landas sa kaligtasan 'yon! 226 00:26:37,583 --> 00:26:39,500 Sa gano'ng paraan lang 227 00:26:40,208 --> 00:26:43,541 di mawawalan nang saysay 'yong mga namatay sa atin. 228 00:26:56,375 --> 00:26:57,333 Magmahalan kayo. 229 00:26:59,083 --> 00:27:01,458 Mag… magmahalan lang kayo. 230 00:27:40,208 --> 00:27:42,541 Hakan, diyan muna kayo. Kakausapin ko muna siya. 231 00:27:49,750 --> 00:27:50,583 Semavi? 232 00:27:54,000 --> 00:27:55,000 Boss Chief! 233 00:27:57,375 --> 00:27:58,291 Napansin mo ba? 234 00:28:00,208 --> 00:28:06,166 Unang beses na seryoso mo 'kong tinawag na "Semavi". 235 00:28:06,250 --> 00:28:07,583 Napansin mo ba? 236 00:28:07,666 --> 00:28:11,875 Unang beses mo 'kong tinawag na "Boss Chief", di na lang basta "chief"? 237 00:28:14,458 --> 00:28:15,458 Gano'n naman talaga. 238 00:28:16,916 --> 00:28:18,583 Matagal na tayong magkakilala. 239 00:28:20,083 --> 00:28:21,708 Naipaliwanag mo na 'yong sarili mo. 240 00:28:22,750 --> 00:28:26,625 Narinig na no'ng lahat. Inilibing mo na din 'yong kapatid mo. 241 00:28:26,708 --> 00:28:29,583 Tinupad ko 'yong pangako ko. Ikaw naman ngayon. 242 00:28:32,125 --> 00:28:33,125 Okay, Boss Chief. 243 00:28:35,333 --> 00:28:38,458 Ano sa tingin mo? Sa lahat no'ng sinabi ko. 244 00:28:39,833 --> 00:28:42,041 Tingin mo pa din ba na manloloko ako? 245 00:28:43,958 --> 00:28:44,958 Hindi. 246 00:28:45,041 --> 00:28:50,083 Ang daming kabataan 'yong iniligtaas mo sa kamatayan. 247 00:28:51,041 --> 00:28:51,875 Totoo. 248 00:28:54,333 --> 00:28:58,291 Nailigtas sila. Pero maraming iba pa 'yong namatay. 249 00:29:00,750 --> 00:29:05,041 Oo, may mga kasinungalingan do'n. Pero hustisya, pagkakapantay-pantay… 250 00:29:06,416 --> 00:29:08,458 May sinasabi 'yong mga 'yon. 251 00:29:08,541 --> 00:29:13,375 Kung may sinasabi 'yong hustisya, at pagkakapantay-pantay, 252 00:29:13,958 --> 00:29:16,583 ba't mo pinapahirapan 'yong buhay ng mga nagtatanggol no'n? 253 00:29:17,666 --> 00:29:21,916 Ba't nasa kabila ka ng barikada at saka wala dito? 254 00:29:23,583 --> 00:29:24,416 Bakit? 255 00:29:25,833 --> 00:29:27,708 Naiintindihan kita, Boss Chief. 256 00:29:28,625 --> 00:29:32,625 'Yong pinaghirapan mo. 'Yong pinagdaanan mo. 257 00:29:34,208 --> 00:29:38,458 Dahil 'yong makasira ng minamahal, 258 00:29:38,958 --> 00:29:41,875 tatapusin 'yon habang inililigtas sila… 259 00:29:43,125 --> 00:29:45,125 Ang sakit no'n sa mundong 'to. 260 00:29:46,791 --> 00:29:47,791 Naiintindihan ko. 261 00:29:48,333 --> 00:29:49,166 Oo nga. 262 00:29:51,000 --> 00:29:53,208 -Pero… -Walang pero pero, Boss Chief. 263 00:29:53,291 --> 00:29:55,000 Duwag lang ako. 264 00:29:56,750 --> 00:30:00,708 No'ng gabing 'yon, kung dinala ko 'yong baril at saka nagpaputok, 265 00:30:00,791 --> 00:30:02,458 marangal sana akong namatay! 266 00:30:03,458 --> 00:30:05,500 Di ko kaya. Natakot ako. 267 00:30:08,833 --> 00:30:10,666 Natakot ako, kaya nagtago ako. 268 00:30:11,625 --> 00:30:13,125 Gano'n ako nakaligtas. 269 00:30:14,291 --> 00:30:19,208 Alam mo ba 'yong sinabi ko sa sarili ko dahil di ko maamin na natakot ako? 270 00:30:21,083 --> 00:30:22,083 "Siya 'yon." 271 00:30:22,708 --> 00:30:24,708 Sabi ko, "Iniligtas Niya ako." 272 00:30:26,125 --> 00:30:27,916 Sabi ko, "Itinakda Niya ako." 273 00:30:32,458 --> 00:30:33,583 Dahil sa takot, 274 00:30:34,291 --> 00:30:37,791 gumawa ako ng pekeng Allah para sa sarili ko. 275 00:30:37,875 --> 00:30:39,458 Naniwala ako sa Kanya. 276 00:30:39,541 --> 00:30:40,375 Boss Chief… 277 00:30:42,458 --> 00:30:46,208 Walang kuwenta pala ako. Walang kuwenta ako, Boss Chief, wala! 278 00:30:47,333 --> 00:30:51,750 Iba-iba 'yong bawat tao, Gökhan. Special na nilikha tayo ni Allah. 279 00:30:53,375 --> 00:30:54,416 Ano ba, Boss Chief. 280 00:30:56,083 --> 00:30:58,333 Kahit ikaw di naniniwala sa sinasabi mo. 281 00:30:59,666 --> 00:31:01,208 Kung ano tayo, 'yon tayo, 282 00:31:01,791 --> 00:31:05,875 gumagawa tayo ng sarili nating langit at saka impyerno sa mundong 'to. 283 00:31:07,500 --> 00:31:08,333 Dito mismo. 284 00:31:09,958 --> 00:31:11,541 Pinatay ko siya dito. 285 00:31:12,125 --> 00:31:13,041 'Yong asawa ko, 286 00:31:14,125 --> 00:31:17,416 'yong mahal ko, 'yong Merve ko, pinatay ko siya dito, Boss Chief. 287 00:31:18,791 --> 00:31:23,750 Nang walang pag-aalinlangan, Boss Chief. Pinatay ko siya gamit 'yong mga kamay ko. 288 00:31:25,416 --> 00:31:28,625 -Wag mong gawin 'to, Gökhan. -Nagawa ko na, Boss Chief. 289 00:31:29,791 --> 00:31:30,708 Nagawa ko na. 290 00:31:33,208 --> 00:31:37,500 Ang dami kong ginawa, Boss Chief. Ni isa, walang tama sa mga 'yon. 291 00:31:40,291 --> 00:31:41,291 Tingnan mo. 292 00:31:42,916 --> 00:31:48,500 May bahid ng dugo 'yong mga kamay ko, ng mga kaibigan, ng kapatid, ng mahal ko, 293 00:31:49,833 --> 00:31:52,125 at saka ng nanay ko, Boss Chief. 294 00:31:54,625 --> 00:31:55,458 Wag. 295 00:32:06,250 --> 00:32:07,250 Wag! 296 00:32:19,166 --> 00:32:21,500 Ano'ng ginawa n'yo? 297 00:32:29,916 --> 00:32:32,916 Na… nanalo ka, Boss Chief. 298 00:32:39,625 --> 00:32:42,041 Ako na 'yong bahala sa anak mo. 299 00:32:46,125 --> 00:32:48,000 Hindi! Hindi… 300 00:33:58,375 --> 00:34:02,958 1 NEW MESSAGE FROM KÜBRA IBA KA 301 00:37:05,666 --> 00:37:10,666 Tagapagsalin ng Subtitle: Erick Lorica Reambillo