1 00:00:15,200 --> 00:00:18,440 Isa ang ayahuasca sa mga imbensiyon ng Amazon. 2 00:00:20,040 --> 00:00:21,960 Malakas na inumin ito, 3 00:00:23,440 --> 00:00:27,760 na mahalaga sa katutubong paniniwala at legal dito sa Peru. 4 00:00:29,160 --> 00:00:34,160 Marami na rin akong naging karanasan sa ayahuasca na ginabayan ng isang shaman. 5 00:00:35,880 --> 00:00:39,960 At naniniwala ako na mas matagal na itong ginagamit kaysa sa inaakala, 6 00:00:39,960 --> 00:00:42,720 lalo na dahil sa mga artwork na makikita sa kanila. 7 00:00:45,720 --> 00:00:47,640 May mga pambihirang pangitain. 8 00:00:47,640 --> 00:00:49,280 Siyam na beses sa sampu, 9 00:00:49,280 --> 00:00:51,880 mga geometric pattern ang unang makikita. 10 00:00:53,360 --> 00:00:55,360 Pagkatapos ng mga unang pangitain, 11 00:00:55,360 --> 00:00:59,240 maraming nagsasabi na nakakakita sila ng mga mahiwagang nilalang. 12 00:01:00,360 --> 00:01:05,560 Minsan, magkahalong hayop at tao ang mga nilalang na 'yon, 13 00:01:05,560 --> 00:01:08,320 na tinatawag na therianthrope mula sa Greek 14 00:01:08,320 --> 00:01:11,160 na therion, "mabangis na hayop," at anthropos, "tao." 15 00:01:11,160 --> 00:01:13,440 Ito 'yong mga nilalang na karaniwang nakikita. 16 00:01:14,880 --> 00:01:18,240 Ang nakapagtataka ay 'yong ebidensiya ng paggamit ng ayahuasca 17 00:01:18,240 --> 00:01:20,560 at mga nakikitang pangitain dito 18 00:01:20,560 --> 00:01:22,640 ay hindi lang makikita sa Amazon, 19 00:01:22,640 --> 00:01:26,680 kundi sa iba pang sinaunang lugar na pinuntahan ko sa South America. 20 00:01:29,280 --> 00:01:33,400 {\an8}Sa Cusco, ginamit ng mga Inca ang inumin sa mga inaalay na tao 21 00:01:34,080 --> 00:01:36,960 para tulungan ang biktima sa kabilang buhay. 22 00:01:38,360 --> 00:01:41,080 At 'yong mga artwork nila na may mga pattern at pigura 23 00:01:41,080 --> 00:01:44,960 ay hawig na hawig sa kasalukuyang art na ginamitan ng ayahuasca. 24 00:01:46,920 --> 00:01:49,360 {\an8}Sa isang pre-Inca site sa Tiwanaku sa Bolivia, 25 00:01:49,360 --> 00:01:53,800 nalaman na ang mga bagay na nasa 1,500 taong gulang na rebultong ito 26 00:01:54,720 --> 00:01:57,720 ay mga snuff tray para sa mga hallucinogenic powder, 27 00:01:59,120 --> 00:02:02,600 habang karamihan sa mga Tiwanaku pottery ay may mga geometric design 28 00:02:02,600 --> 00:02:06,680 at mahihiwagang nilalang, na malamang ay nagmula sa mga pangitain. 29 00:02:08,600 --> 00:02:13,000 Makikita rin ang mga pangitaing 'yon sa mga tradisyonal na art ng Amazon. 30 00:02:15,880 --> 00:02:18,400 Ang naiisip ko ay 'yong gawa ng mga Tucano, 31 00:02:18,920 --> 00:02:21,880 na nagpinta sa mga di pangmatagalang medium. 32 00:02:23,080 --> 00:02:26,880 'Yong painting, 'yong malocas, alam mo na, 'yong mga bahay. 33 00:02:26,880 --> 00:02:28,840 {\an8}Halatang ipinagpapatuloy ito. 34 00:02:31,000 --> 00:02:35,360 Tanda n'yo 'yong alamat ng mga Tucano tungkol sa mga guro nila, 35 00:02:35,360 --> 00:02:37,800 'yong anak ng araw at mga kasama niya? 36 00:02:39,480 --> 00:02:42,200 Ang kagulat-gulat, hindi nagtatapos ang kuwento 37 00:02:42,200 --> 00:02:45,760 sa pag-alis ng mga mahiwagang bayani. 38 00:02:47,800 --> 00:02:49,040 Ayon sa alamat, 39 00:02:49,040 --> 00:02:52,240 matapos masigurong masusuportahan na ng lupa ang mga bagong salta, 40 00:02:52,240 --> 00:02:55,720 nag-iwan ng tulay ng komunikasyon ang mga nilalang 41 00:02:55,720 --> 00:02:58,360 para magamit ng mga tao kapag may kailangan. 42 00:02:58,920 --> 00:03:03,040 Ang tulay na 'yon ay ang inumin na kilala natin ngayon na ayahuasca. 43 00:03:05,560 --> 00:03:08,880 Ang ibig sabihin ng ayahuasca sa Quechua ay "tangkay ng mga kaluluwa," 44 00:03:08,880 --> 00:03:10,200 ang wika ng mga Inca. 45 00:03:11,120 --> 00:03:14,240 Pero naniniwala ako na mas nauna pa sa mga Inca ang paggamit nito. 46 00:03:14,760 --> 00:03:19,600 Dito nagiging interesante 'yong usapin sa sinaunang rock art na 'to. 47 00:03:22,040 --> 00:03:26,600 {\an8}Itong mga painting mula sa parte ng Amazon kung saan nakatira ang mga Tucano ngayon 48 00:03:26,600 --> 00:03:31,200 ay may kaparehong tema sa lahat ng art na dulot ng ayahuasca. 49 00:03:32,360 --> 00:03:38,240 Di ko maiwasang mapansin na may mga pagkakapareho at koneksiyon 'yong pattern. 50 00:03:38,240 --> 00:03:40,400 May mga therianthropic na nilalang, 51 00:03:40,400 --> 00:03:42,920 mga kalahating hayop at kalahating tao. 52 00:03:42,920 --> 00:03:43,880 Parang ito? 53 00:03:45,080 --> 00:03:47,560 May mga geometric pattern. 54 00:03:47,560 --> 00:03:48,960 May mga ahas. 55 00:03:48,960 --> 00:03:50,800 Isa 'tong malaking misteryo 56 00:03:50,800 --> 00:03:54,520 na paulit-ulit na lumalabas 'yong mga parehong tema. 57 00:03:56,600 --> 00:04:01,480 Pero ang mga imaheng ito, di maikakaila, ay ginawa noong huling Ice Age. 58 00:04:05,600 --> 00:04:10,520 Ipinahihiwatig nito na halos 13,000 taon nang ginagamit ang ayahuasca. 59 00:04:10,520 --> 00:04:12,920 Sapat nang ebidensiya 'yong makita 'yong art. 60 00:04:12,920 --> 00:04:14,200 Tama. 61 00:04:17,080 --> 00:04:20,400 Kung totoo 'yon, malaki ang magiging epekto nito. 62 00:04:23,560 --> 00:04:26,840 Ibig sabihin ay maaaring bihasa na ang mga sinaunang Amazonian 63 00:04:26,840 --> 00:04:29,080 sa komplikadong paggawa ng ayahuasca 64 00:04:30,960 --> 00:04:32,560 mula pa noong Ice Age. 65 00:04:55,000 --> 00:04:58,080 'Yong geometry, 'yong mga paikot na pattern, 66 00:04:58,920 --> 00:05:02,400 isa ito sa mga parte ng pagkakaroon ng mga pangitain. 67 00:05:04,280 --> 00:05:08,080 Maipaliliwanag ng mga pangitaing iyon ang isa pang misteryong naranasan namin 68 00:05:08,080 --> 00:05:11,360 sa umpisa pa lang ng pananaliksik namin sa Americas. 69 00:05:13,880 --> 00:05:16,640 {\an8}'Yong malalaking geoglyph na lumalabas sa gubat 70 00:05:16,640 --> 00:05:19,160 {\an8}sa timog-kanlurang dulo ng Amazon. 71 00:05:20,880 --> 00:05:24,600 Nagulat ako sa pagkakapareho ng mga geometric idea, 72 00:05:24,600 --> 00:05:27,680 na paulit-ulit nakikita, moderno man 'yong art, 73 00:05:27,680 --> 00:05:30,320 o 13,000 taon na, nakikita natin dito. 74 00:05:30,320 --> 00:05:34,080 At hindi ko maiwasang isipin kung ang mga gawang ito 75 00:05:34,080 --> 00:05:36,240 ay maaaring dulot din ng ayahuasca. 76 00:05:36,240 --> 00:05:40,400 Oo. Dulot ng ayahuasca o ng iba pang mga halaman. 77 00:05:40,400 --> 00:05:42,280 Dahil napakaraming halaman. 78 00:05:42,280 --> 00:05:48,120 Sa bawat kultura, merong halaman na nakapagbibigay ng mga pangitain. 79 00:05:50,560 --> 00:05:57,360 Tila three-dimension na manipestasyon ang mga geoglyph, 80 00:05:57,360 --> 00:06:01,800 sa napakalawak na sukat, ng mismong uri ng mga pangitain 81 00:06:01,800 --> 00:06:06,280 na idinudulot ng pag-inom ng mga bagay na tulad ng ayahuasca, 82 00:06:06,280 --> 00:06:10,040 kung saan ang mga unang makikita ay mga geometrical pattern. 83 00:06:12,640 --> 00:06:17,200 Tingin ko nakikita natin ang manipestasyon ng parehong plano sa ibang medium. 84 00:06:19,960 --> 00:06:23,920 At kung ang mga geoglyph sa Amazon ay dulot ng mga pangitain, 85 00:06:24,640 --> 00:06:28,920 dapat nating itanong kung saan pa ba may idinulot ang mga pangitaing ito 86 00:06:29,520 --> 00:06:31,560 sa isang makabuluhang dahilan. 87 00:06:32,360 --> 00:06:37,200 Kahawig na kahawig ng mga earthwork na ito ang mga geometrical earthwork 88 00:06:37,200 --> 00:06:40,840 {\an8}na nasa North America, sa state ng Ohio. 89 00:06:43,160 --> 00:06:46,160 Tinatawag silang Hopewell Ceremonial Earthworks, 90 00:06:46,160 --> 00:06:50,240 iniuugnay sa isang sibilisasyon na kilala ngayong Hopewell culture 91 00:06:51,040 --> 00:06:55,000 na lumaganap sa Great Lakes region 2,000 taon na ang nakakaraan. 92 00:06:55,000 --> 00:06:59,480 Malalaking kanal at pilapil na mahusay na pinagplanuhan. 93 00:07:00,560 --> 00:07:03,960 Pwede mong ilipat 'yong mga earthwork ng Amazon 94 00:07:03,960 --> 00:07:07,440 sa mga earthwork ng Ohio o vice versa. 95 00:07:09,200 --> 00:07:13,640 Pero ginawa sila ng mga kultura na walang koneksiyon sa isa't isa. 96 00:07:14,520 --> 00:07:20,000 Dito ko hindi matanggap ang paliwanag na nagkataon lang ito. 97 00:07:20,000 --> 00:07:23,640 Tingin ko pag paulit-ulit tayong nakakakita ng mga paniniwala 98 00:07:23,640 --> 00:07:26,720 na nasa malayo at magkahiwalay na lokasyon, 99 00:07:28,600 --> 00:07:31,440 {\an8}nakikita natin ang isang pamana ng mga kaalaman 100 00:07:31,440 --> 00:07:35,800 {\an8}na ipinasa at patuloy na lumalabas sa iba't ibang yugto ng panahon. 101 00:07:35,800 --> 00:07:39,160 {\an8}Pero ang tunay na sinauna ay 'yong kaalaman, 102 00:07:39,160 --> 00:07:42,360 hindi 'yong estruktura na nakikita natin. 103 00:07:44,760 --> 00:07:48,960 Hindi tulad no'ng mga nasa Amazon, na sinisimulan pa lang suriin, 104 00:07:51,280 --> 00:07:55,080 higit isang siglo nang pinag-aaralan 'yong mga earthwork sa Ohio. 105 00:07:56,000 --> 00:08:00,280 At alam naming higit pa sila sa mga kataka-takang geometrical shape. 106 00:08:02,840 --> 00:08:06,640 Marami sa mga earthwork sa Ohio, kasama ang effigy ng Serpent Mound, 107 00:08:07,240 --> 00:08:11,880 ay eksaktong nakaposisyon sa mga solstice at equinox. 108 00:08:13,920 --> 00:08:16,160 Pero ang kagulat-gulat, sa ilang kaso, 109 00:08:16,160 --> 00:08:18,120 itinayo sila alinsunod 110 00:08:18,120 --> 00:08:21,000 sa mga mas komplikadong lunar cycle. 111 00:08:22,600 --> 00:08:26,280 Isa 'yon sa mga hiwaga ng sinaunang mundo, 112 00:08:26,280 --> 00:08:33,200 na meron silang masidhing interes sa mga nangyayari sa kalawakan. 113 00:08:35,360 --> 00:08:38,320 Itong mga kamangha-manghang likha mula sa pagmamasid sa kalawakan 114 00:08:38,320 --> 00:08:41,680 ay ginawa ng mga sinaunang American 2,000 taon na, 115 00:08:43,040 --> 00:08:44,400 o mas matagal pa ro'n, 116 00:08:45,960 --> 00:08:49,560 at matatagpuan din sa iba pang mga burol sa North America. 117 00:08:51,080 --> 00:08:54,040 {\an8}Sa mga lugar tulad ng 1,000 taong gulang na Cahokia 118 00:08:55,400 --> 00:08:58,000 {\an8}at sa 3,000 taong gulang na Poverty Point, 119 00:08:58,640 --> 00:09:02,800 na nakaposisyon sa mismong hilaga ng isa pang lugar, 120 00:09:03,920 --> 00:09:07,800 {\an8}sa Lower Jackson Mound, na nasa 5,000 taon na. 121 00:09:10,040 --> 00:09:12,720 Sino'ng nakakaalam kung ano pang lihim ng astronomy 122 00:09:12,720 --> 00:09:14,520 ang naghihintay na matuklasan 123 00:09:14,520 --> 00:09:17,800 sa mga bagong tuklas na geoglyph ng Amazon? 124 00:09:18,760 --> 00:09:22,000 Alam nating may mga tao na sa America libo-libong taon na. 125 00:09:22,000 --> 00:09:25,680 Dapat bukas din tayo sa posibilidad na nagkaroon ng panahon 126 00:09:25,680 --> 00:09:29,200 para bumuo ng kultura at malalim na kaalaman sa kalawakan, 127 00:09:29,200 --> 00:09:31,480 at maipakita 'yon sa mga estruktura. 128 00:09:33,280 --> 00:09:36,600 Isa kayang ebidensiya itong kaalaman sa astronomy 129 00:09:36,600 --> 00:09:39,640 na ang hinahanap kong nawawalang sibilisasyon noong Ice Age 130 00:09:39,640 --> 00:09:44,040 ay nag-iwan din ng mga kaalaman sa iba pang parte ng North America? 131 00:09:53,960 --> 00:09:56,320 Dalawang libong kilometro mula sa Ohio... 132 00:10:02,200 --> 00:10:04,760 sa hilagang-kanlurang sulok ng New Mexico, 133 00:10:05,320 --> 00:10:08,320 pumunta ako sa isang mataas at malamig na disyerto 134 00:10:08,920 --> 00:10:11,760 na puno ng mga gulod at burol. 135 00:10:13,840 --> 00:10:16,600 Ang Badlands ng Southwestern United States 136 00:10:16,600 --> 00:10:20,240 ay lugar ng matitinding klima at magagandang tanawin, 137 00:10:20,840 --> 00:10:22,920 na pinaghihiwalay ng mga canyon 138 00:10:22,920 --> 00:10:26,480 na may matataas na sandstone cliff sa magkabilang gilid. 139 00:10:30,520 --> 00:10:34,280 Maiisip n'yo na ang abondonadong paligid nitong Badlands 140 00:10:34,280 --> 00:10:38,200 ay hindi angkop para sa anumang malakihang construction project, 141 00:10:38,200 --> 00:10:40,480 ngayon man o noong sinaunang panahon. 142 00:10:41,360 --> 00:10:42,720 Pero magkakamali kayo. 143 00:10:44,280 --> 00:10:48,320 Nasa canyon na ito ang ilang pinakamahahalagang archeological site 144 00:10:48,320 --> 00:10:49,280 sa North America. 145 00:10:52,320 --> 00:10:56,200 Dose-dosenang mga sinaunang estruktura na gawa ng tao ang nagkalat 146 00:10:56,200 --> 00:10:57,920 sa buong lambak, 147 00:10:59,080 --> 00:11:01,280 mula sa maliliit na solong silid 148 00:11:02,440 --> 00:11:05,440 hanggang sa mga malamansiyon na bahay. 149 00:11:07,440 --> 00:11:09,960 Ito ang Chaco Canyon. 150 00:11:17,280 --> 00:11:20,360 Sa kabila ng mahigit isang siglong pananaliksik, 151 00:11:21,080 --> 00:11:25,880 nananatiling palaisipan ang mga sinaunang estruktura na nakikita sa Chaco Canyon. 152 00:11:26,880 --> 00:11:31,200 Tinatalakay pa rin ang kanilang pinagmulan at kanilang naging silbi. 153 00:11:36,680 --> 00:11:40,520 Sa gitna ng misteryo sa gitna ng canyon 154 00:11:44,200 --> 00:11:47,480 ay ang pinakanangingibabaw na bahay sa kanilang lahat. 155 00:11:52,360 --> 00:11:56,600 Pueblo Bonito ang pangalan nitong lugar, ibig sabihin, "magandang bayan." 156 00:11:59,760 --> 00:12:02,040 Mayroon itong ilang palapag 157 00:12:03,080 --> 00:12:07,280 na binubuo ng mga silid, mga pasilyo, 158 00:12:09,000 --> 00:12:12,720 at malalawak, pabilog, at semi-subterranean na mga silid. 159 00:12:14,760 --> 00:12:18,120 Kahit ngayon, ilang siglo matapos matigil ang lahat ng paggawa rito, 160 00:12:18,120 --> 00:12:20,000 litaw pa rin ang ganda nito. 161 00:12:22,080 --> 00:12:25,600 Isang malaking construction project ang Pueblo Bonito. 162 00:12:27,520 --> 00:12:29,840 Daan-daang mga silid na ang nasuri, 163 00:12:32,160 --> 00:12:37,000 marami ang misteryosong itinayo nang walang daan papasok o palabas. 164 00:12:39,880 --> 00:12:44,560 Ilang dekada itong sinuri at maraming mahahalagang natuklasan. 165 00:12:45,720 --> 00:12:48,160 Pero isa pa rin itong palaisipan. 166 00:12:52,160 --> 00:12:54,680 Pero ang isang bagay na sigurado kami 167 00:12:54,680 --> 00:12:57,880 ay ang itsura ng Pueblo Bonito noong kasagsagan nito. 168 00:13:01,040 --> 00:13:03,680 Isang malaking semicircle ang compound 169 00:13:04,320 --> 00:13:07,520 na may mga tuwid na pader na nakaharap sa ibaba ng canyon. 170 00:13:08,640 --> 00:13:13,360 Ipinuwesto ang mga parihabang gusali sa mga kurbada, apat na palapag ang taas, 171 00:13:15,760 --> 00:13:18,600 na mayroong nasa 800 silid, 172 00:13:18,600 --> 00:13:22,400 nakapalibot sa isang plaza na pinaggigitnaan ng isang pader 173 00:13:23,000 --> 00:13:27,400 na may mga pabilog at semi-subterranean na estruktura sa magkabilang gilid. 174 00:13:30,880 --> 00:13:33,000 Sino ang mga gumawa nito? 175 00:13:33,000 --> 00:13:36,360 At bakit sila nagpakahirap 176 00:13:36,360 --> 00:13:39,200 na gawin itong pambihirang gusaling ito? 177 00:13:43,440 --> 00:13:48,920 {\an8}Si Nathan Hatfield, ang itinalagang Chief of Interpretation ng Chaco Canyon, 178 00:13:49,480 --> 00:13:52,160 ay halos isang dekadang pinag-aralan ang mga estruktura. 179 00:13:56,240 --> 00:13:58,440 Magkuwento ka tungkol dito sa lugar. 180 00:13:59,120 --> 00:14:03,200 Ang estrukturang ito ang pinakamalaking gusali sa North America 181 00:14:03,200 --> 00:14:06,800 hanggang sa kalagitnaan ng 19th century. 182 00:14:09,440 --> 00:14:12,840 Hindi ma-carbon date ng mga archeologist ang mismong bato. 183 00:14:13,840 --> 00:14:16,920 Pero gamit ang tree-ring method ng pagtukoy ng petsa 184 00:14:16,920 --> 00:14:18,560 sa mga kahoy na biga nito, 185 00:14:18,560 --> 00:14:21,960 nalaman nila na may iba't ibang pahahon ng konstruksiyon. 186 00:14:24,080 --> 00:14:26,520 Hindi ito ginawa nang isang panahon lang. 187 00:14:26,520 --> 00:14:29,800 Ginawa ito sa loob ng ilang siglo. 188 00:14:29,800 --> 00:14:34,880 Base sa pinakalumang materyales, ilang taon 'yong pinag-uusapan natin? 189 00:14:34,880 --> 00:14:37,240 Sinimulan itong gawin mga bandang 850. 190 00:14:37,840 --> 00:14:39,720 - 850 AD? - 850 AD. 191 00:14:39,720 --> 00:14:40,640 Oo. 192 00:14:41,320 --> 00:14:47,360 At nagpatuloy 'yong konstruksiyon nang 200 taon, o mas mahaba pa. 193 00:14:48,000 --> 00:14:52,000 Ito ay bago tirhan ang lugar ng mga kasalukuyang Puebloan 194 00:14:53,920 --> 00:14:56,680 tulad ng mga Hopi, mga Zuni, at mga Acoma. 195 00:14:56,680 --> 00:14:58,760 NAKALIPAS NA 850-1,150 TAON 196 00:14:59,880 --> 00:15:05,040 Ginawa ang Pueblo Bonito ng mga tinatawag nating mga ninunong Puebloan. 197 00:15:05,040 --> 00:15:06,880 - Sa di natin malamang dahilan... - Oo. 198 00:15:06,880 --> 00:15:12,240 ...pinili nila ang Chaco Canyon para maging sentro ng kanilang kultura. 199 00:15:12,840 --> 00:15:17,520 At ang Pueblo Bonito ang magiging pinakamalaking gusali 200 00:15:17,520 --> 00:15:19,520 sa cultural center na ito. 201 00:15:21,280 --> 00:15:24,600 Isang cultural center na, katulad ng Pueblo Bonito, 202 00:15:24,600 --> 00:15:27,360 may higit isang dosena pang malalaking bahay. 203 00:15:29,400 --> 00:15:34,080 Bakit nila ginawa ang mga estrukturang ito dito sa Chaco Canyon? 204 00:15:35,760 --> 00:15:39,720 Nagkaroon ba ng permanenteng populasyon ng mga residente rito? 205 00:15:40,280 --> 00:15:46,920 Wala. Walang nakitang ebidensiya para masuportahan ang malaking populasyon. 206 00:15:49,080 --> 00:15:54,160 Kung hindi ginawa para tirhan ng mga tao ang mga naglalakihang bahay na ito, 207 00:15:54,720 --> 00:15:56,120 para saan sila? 208 00:15:59,600 --> 00:16:04,440 Sa loob, natagpuan ng mga archeologist ang higit sa 100 bagay para sa paglilibing 209 00:16:08,440 --> 00:16:12,680 na may kasamang mga pottery na may naggagandahang geometric pattern 210 00:16:13,800 --> 00:16:19,000 {\an8}at mga artifact na kumpirmadong nanggaling sa napakalayong mga lugar. 211 00:16:20,360 --> 00:16:23,960 {\an8}Nalaman namin na lubos itong pinagsikapan 212 00:16:24,800 --> 00:16:27,880 para gawing tila sentro ng mundo. 213 00:16:31,120 --> 00:16:36,680 Sa paglitaw ng ebidensiya, naging malinaw na tila naging sentro ito ng pilgrimage, 214 00:16:36,680 --> 00:16:39,720 na pupuntahan ng mga tao mula sa iba't ibang lugar, 215 00:16:39,720 --> 00:16:42,000 at nahahatak sa ganda ng lugar. 216 00:16:42,920 --> 00:16:45,720 Malinaw na isa itong sagradong lugar. 217 00:16:48,880 --> 00:16:51,760 Dahil doon, ang mga nakita naming pabilog na estruktura 218 00:16:51,760 --> 00:16:55,640 sa halos lahat ng gusali sa Chaco ay may kabuluhan na. 219 00:16:56,800 --> 00:17:00,160 Ang mga Hopi, na mula sa mga ninunong Puebloan, 220 00:17:00,160 --> 00:17:02,720 ay tinawag itong mga kiva. 221 00:17:04,040 --> 00:17:08,320 Magkuwento ka sa mga kiva. Sa palagay mo, ano ba sila noon at ngayon? 222 00:17:08,920 --> 00:17:12,320 Napagkasunduan na ang kiva ay silid para sa mga ritwal. 223 00:17:12,320 --> 00:17:15,200 - Oo. - Meron itong mga karaniwang bagay. 224 00:17:15,720 --> 00:17:17,200 May bangko. 225 00:17:17,200 --> 00:17:20,760 Sa loob ng mas malalaking kiva, may mga floor vault. 226 00:17:20,760 --> 00:17:25,040 Merong parang mga fireplace 'yong karamihan sa kanila. 227 00:17:26,360 --> 00:17:28,880 Para sa mga Hopi at mga Puebloan ngayon, 228 00:17:28,880 --> 00:17:32,720 isang espiritwal at pampolitikang silid ang kiva 229 00:17:32,720 --> 00:17:35,760 kung saan sila nagtitipon para magsagawa ng mga sagradong ritwal. 230 00:17:35,760 --> 00:17:37,800 Patuloy na tradisyon ito? 231 00:17:37,800 --> 00:17:40,200 - Ginagamit sila para sa mga ritwal? - Oo. 232 00:17:41,120 --> 00:17:43,640 Mga ritwal na, noon at ngayon, 233 00:17:43,640 --> 00:17:47,000 may kasamang paggamit ng espesyal na klase ng tabako. 234 00:17:49,000 --> 00:17:51,000 {\an8}Sa hilaga ng Chaco sa Utah, 235 00:17:51,000 --> 00:17:54,960 ang mga archeologist na sumusuri sa sinaunang man-made fireplace 236 00:17:54,960 --> 00:17:58,200 ay nakakita ng mga buto mula sa hallucinogenic species 237 00:17:58,200 --> 00:17:59,520 na coyote tobacco. 238 00:18:00,520 --> 00:18:04,360 Ayon sa carbon-dating, ang mga buto ay 12,300 taon na, 239 00:18:04,920 --> 00:18:09,280 ipinahihiwatig na gumagamit na ng tabako ang mga tao rito mula pa noong Ice Age. 240 00:18:09,800 --> 00:18:12,600 Malamang na ang mga hallucinogenic na halaman 241 00:18:12,600 --> 00:18:17,280 ay ginagamit pa rin sa mga ritwal dito sa Chaco makalipas ang libong taon, 242 00:18:19,520 --> 00:18:22,640 gaya ng paggamit ng ayahuasca ng mga shaman ng Amazon. 243 00:18:26,000 --> 00:18:29,000 Posible kayang ang mga tradisyong shaman na ito, 244 00:18:29,000 --> 00:18:30,960 na libo-libong milya ang layo, 245 00:18:31,600 --> 00:18:34,840 ay pamana mula sa iisang mas sinaunang kaalaman 246 00:18:34,840 --> 00:18:37,760 na nag-iwan ng mga bakas sa buong Americas? 247 00:18:39,440 --> 00:18:42,640 Para tuklasin pa ang mga misteryo nitong mga kiva, 248 00:18:42,640 --> 00:18:44,640 papunta ako sa tuktok ng canyon, 249 00:18:45,160 --> 00:18:48,000 halos kalahating milya sa timog ng Pueblo Bonito, 250 00:18:49,000 --> 00:18:50,920 sa pinakamalaking kiva sa lahat, 251 00:18:52,840 --> 00:18:54,080 ang Casa Rinconada. 252 00:18:57,840 --> 00:19:00,480 Di tulad ng karamihan ng mga kiva ng Chaco, 253 00:19:00,480 --> 00:19:03,880 naiiba ang Casa Rinconada sa ibang malalaking gusali. 254 00:19:06,080 --> 00:19:08,040 Sa loob ng nakalubog na palapag, 255 00:19:08,040 --> 00:19:11,160 may mga pintuang hugis letrang T sa mga pader, 256 00:19:11,880 --> 00:19:15,280 na ang mga butas ay halos eksakto sa hilaga at timog. 257 00:19:17,640 --> 00:19:21,720 Gaya ng ipinapakita ng time-lapse photos, sa mismong ibabaw ng pinto, 258 00:19:21,720 --> 00:19:25,600 umiikot ang kalawakan sa north star na Polaris. 259 00:19:27,920 --> 00:19:31,400 May pamilyar sa Casa Rinconada. 260 00:19:33,560 --> 00:19:37,120 {\an8}Naaalala ko 'yong Ice Age megalithic site ng Göbekli Tepe 261 00:19:37,120 --> 00:19:38,440 {\an8}sa malayong Türkiye. 262 00:19:40,680 --> 00:19:44,600 Doon, may mga silid na parehong nakalubog at pabilog na parang kiva 263 00:19:45,120 --> 00:19:46,800 na may mga haliging hugis T, 264 00:19:47,360 --> 00:19:50,760 na nakaposisyon din alinsunod sa ilang bagay sa kalawakan. 265 00:19:53,200 --> 00:19:58,880 Pero paanong ang mga estrukturang ito, na pinaghihiwalay ng lokasyon at panahon, 266 00:19:59,400 --> 00:20:00,920 ay magkakaroon ng koneksiyon? 267 00:20:01,520 --> 00:20:03,360 Nakakatuksong mag-espekula. 268 00:20:04,400 --> 00:20:07,760 At may posibleng senyales ang alamat ng pinagmulan ng mga Hopi. 269 00:20:09,200 --> 00:20:12,320 Naniniwala ang mga Hopi na nasa pang-apat na mundo na tayo, 270 00:20:12,320 --> 00:20:15,560 na nagkaroon ng unang tatlo 271 00:20:15,560 --> 00:20:18,080 sa isang mundo na nasa ilalim ng lupa. 272 00:20:22,920 --> 00:20:27,360 Ayon sa alamat ng mga Hopi, matapos likhain ang mga unang buhay na nilalang, 273 00:20:27,360 --> 00:20:30,840 inatasan ng espiritu ng araw ang sugo niyang si Spider Grandmother, 274 00:20:31,440 --> 00:20:35,760 na gabayan ang mga nagbabagong-anyong nilalang sa unang dalawang mundo. 275 00:20:38,720 --> 00:20:39,920 Sa pangatlong mundo, 276 00:20:39,920 --> 00:20:43,240 tinuruan niya ang mga unang tao na maghabi at gumawa ng pottery 277 00:20:43,760 --> 00:20:45,800 at itinuro ang mabuti sa masama. 278 00:20:49,440 --> 00:20:52,000 Pero naging makasalanan pa rin ang iba. 279 00:20:54,840 --> 00:20:59,400 Dismayado, inatasan ng espiritu ng araw ang may mabubuting puso na lumikas. 280 00:21:00,960 --> 00:21:04,280 Umakyat sila papunta sa isang butas sa kalawakan. 281 00:21:05,560 --> 00:21:09,040 Tinulungan sila ni Spider Grandmother na makapunta sa bago nilang tahanan, 282 00:21:09,640 --> 00:21:13,440 sa pang-apat na mundo, kung saan namumuhay ang lahi nila ngayon. 283 00:21:16,840 --> 00:21:20,280 Itinuturing na sagrado ng mga Hopi ang isang kakaibang geological feature 284 00:21:20,280 --> 00:21:21,640 sa Grand Canyon, 285 00:21:22,160 --> 00:21:25,360 sa paniniwalang doon mismo nagmula ang alamat. 286 00:21:26,640 --> 00:21:28,320 Tinatawag nila itong Sipapu. 287 00:21:29,960 --> 00:21:31,360 Bawal itong lapitan, 288 00:21:31,360 --> 00:21:34,920 pero bilang simbolo, kinopya ito sa buong mundo ng mga Hopi. 289 00:21:38,080 --> 00:21:39,840 Sa kultura ng mga Puebloan, 290 00:21:39,840 --> 00:21:43,880 ang butas sa lapag ng isang kiva ay tinatawag ding sipapu, 291 00:21:43,880 --> 00:21:49,000 at ito raw ang lugar kung saan lumabas ang mga sinaunang tao mula sa dating mundo 292 00:21:49,000 --> 00:21:53,120 na winasak para sa mundong ginagalawan natin ngayon. 293 00:21:54,280 --> 00:21:57,040 At dito ko gustong gumawa ng pagkukumpara 294 00:21:57,040 --> 00:21:59,440 na maaaring medyo isang kalabisan. 295 00:21:59,440 --> 00:22:04,040 Iniisip ko lang kung nagsimula ba ito sa isang panahon 296 00:22:04,040 --> 00:22:08,000 kung saan kailangang tumira ng mga tao sa ilalim ng lupa. 297 00:22:08,640 --> 00:22:13,360 At alam natin na may gano'ng panahon mga 12,800 taon na ang nakalilipas 298 00:22:13,360 --> 00:22:15,400 sa simula ng Younger Dryas. 299 00:22:17,520 --> 00:22:19,240 Kahit tinatalakay pa, 300 00:22:19,240 --> 00:22:22,560 maraming scientist ang naniniwala na ang mga kalamidad 301 00:22:22,560 --> 00:22:27,800 at mga pagbaha noon ay dulot ng pagtama ng mga bagay mula sa space 302 00:22:28,440 --> 00:22:32,680 nang dumaan ang Earth sa landas ng isang nababasag na comet. 303 00:22:35,680 --> 00:22:38,440 Kung ang kalaban ay panganib mula sa kalawakan, 304 00:22:38,440 --> 00:22:42,000 kung titingnan ang tindi ng mga tama mula sa nababasag na higanteng comet, 305 00:22:42,520 --> 00:22:45,760 nararapat lang ang pagkakaroon ng mga estruktura sa ilalim ng lupa. 306 00:22:45,760 --> 00:22:48,840 Ang malalim na sinaunang koneksiyon ay hindi direktang koneksiyon. 307 00:22:48,840 --> 00:22:51,640 Nakaimbak na alaala ito sa mga kuwentong-bayan 308 00:22:52,160 --> 00:22:55,640 na may isang panahon na kinailangang lumabas ng ating mga ninuno 309 00:22:55,640 --> 00:22:58,760 mula sa ilalim ng lupa papunta sa bagong mundo 310 00:22:58,760 --> 00:23:03,160 na sinalanta ng kalamidad at para muling punan ang bagong mundo. 311 00:23:06,040 --> 00:23:07,240 Lilinawin ko lang. 312 00:23:07,240 --> 00:23:12,000 Hindi ko pinagdududahan na nasa 1,000 taon na itong mga kiva, 313 00:23:12,000 --> 00:23:14,960 pero sa palagay ko isinama ng mga gumawa nito 314 00:23:14,960 --> 00:23:19,200 ang isang pamana ng mga kaalaman at paniniwala na mas nauna pa. 315 00:23:20,480 --> 00:23:24,120 Parang 'yong kaalaman na paulit-ulit nating nakikita 316 00:23:24,120 --> 00:23:26,760 sa lahat ng sinaunang lugar sa America, 317 00:23:27,320 --> 00:23:31,000 ang kahalagahan ng kaalaman sa astronomy at geometry. 318 00:23:34,320 --> 00:23:38,680 Sa Pueblo Bonito, nakasunod ang buong estruktura 319 00:23:38,680 --> 00:23:43,000 sa mga pangunahing direksiyon, sa hilaga, timog, silangan, at kanluran, 320 00:23:43,600 --> 00:23:47,520 na nagpapakitang alam ng mga gumawa nito ang lugar nila sa planeta. 321 00:23:48,200 --> 00:23:52,640 At tuwing equinox, may mahiwagang nangyayari. 322 00:23:53,280 --> 00:23:58,280 Eksaktong sumisikat at lumulubog ang araw sa kanlurang panig ng pader sa timog. 323 00:24:00,480 --> 00:24:02,920 Hindi ito nagkataon lang. 324 00:24:03,480 --> 00:24:05,080 Pinag-isipan itong mabuti. 325 00:24:05,680 --> 00:24:08,800 At kaya siguro naaakit dito 'yong mga tao 326 00:24:08,800 --> 00:24:11,680 ay dahil ito rin 'yong langit na nakikita natin ngayon. 327 00:24:11,680 --> 00:24:13,680 - Oo. - Nakikita pa rin 'yong pagkakahanay. 328 00:24:16,160 --> 00:24:20,320 Nabalitaan ko na may mga tao rito noon na tinatawag na mga sun priest. 329 00:24:20,320 --> 00:24:21,400 Totoo ba 'yon? 330 00:24:21,400 --> 00:24:24,880 Mga tagaobserba sila ng araw, 'yong mga sun priest. 331 00:24:24,880 --> 00:24:27,640 Sila 'yong mga nakatutok sa arkitektura. 332 00:24:27,640 --> 00:24:30,760 Sila 'yong mga nakatutok sa pagmamasid sa langit. 333 00:24:30,760 --> 00:24:31,680 Oo. 334 00:24:33,360 --> 00:24:36,960 Ano 'yong mga pangyayari sa kalawakan na inoobserbahan nila? 335 00:24:36,960 --> 00:24:41,400 Summer at winter solstice, mga equinox, pagsikat ng araw sa silangan? 336 00:24:41,400 --> 00:24:43,920 May kaugnayan 'yon sa agrikultura. 337 00:24:43,920 --> 00:24:45,000 Oo. 338 00:24:45,000 --> 00:24:50,720 Ang pagkakaro'n ng gano'ng kalendaryo sa lugar ay mahalaga para mabuhay. 339 00:24:50,720 --> 00:24:53,640 At dahil nagawa nila 'yon 340 00:24:53,640 --> 00:24:56,360 sa mahahalagang estrukturang ito, 341 00:24:56,960 --> 00:25:02,240 tingin ko mula 'yon sa kakayahan nila na magtagumpay sa pagsasaka. 342 00:25:03,720 --> 00:25:07,600 Narinig ko na dati ang argumentong iyon, pero may problema sa kongklusyon 343 00:25:07,600 --> 00:25:10,800 na para lang sa pagsasaka ang mga pagsisikap na ito. 344 00:25:13,640 --> 00:25:16,240 Mga 144 kilometro sa hilaga ng Chaco Canyon, 345 00:25:16,240 --> 00:25:19,080 isang natatanging sandstone na gulod 346 00:25:19,080 --> 00:25:24,240 ang may dalawang tore na kilala bilang ang Chimney Rock at Companion Rock. 347 00:25:25,960 --> 00:25:30,640 Malapit sa kanila ay isang malaking bahay na Chacoan na may dalawang kiva. 348 00:25:31,760 --> 00:25:37,120 Lumalabas na inilagay doon ang buong estruktura 349 00:25:37,120 --> 00:25:39,280 sa isang eksaktong posisyon 350 00:25:39,280 --> 00:25:42,000 para obserbahan ang isang lunar event 351 00:25:42,000 --> 00:25:45,880 na isang beses lamang nangyayari kada 18.6 na taon. 352 00:25:45,880 --> 00:25:48,920 Ito ang extreme northern standstill ng buwan. 353 00:25:50,320 --> 00:25:55,520 Ang sumisikat at lumulubog na buwan ay nasa pinakamalayong hilaga nito sa langit 354 00:25:56,080 --> 00:25:58,920 bago sumikat at lumubog sa bandang timog 355 00:25:58,920 --> 00:26:01,040 bilang parte ng paulit-ulit na pangyayari. 356 00:26:02,520 --> 00:26:07,000 Sisikat ang buwan sa pagitan ng Chimney Rock at Companion Rock 357 00:26:07,000 --> 00:26:09,720 sa oras lamang na 'yon at wala nang iba pa. 358 00:26:11,480 --> 00:26:14,480 Ito ang uri ng kaalaman na siguradong ipinasa 359 00:26:14,480 --> 00:26:16,080 mula sa ilang salinlahi. 360 00:26:16,920 --> 00:26:21,640 Di mo ito makikita nang isang beses at gagawan ng estruktura para gunitain ito. 361 00:26:23,880 --> 00:26:27,080 Ipinahihiwatig nito ang sinaunang pagsisikap na matuto 362 00:26:27,080 --> 00:26:30,280 para maunawaan ang cosmos na nakapalibot sa atin, 363 00:26:30,280 --> 00:26:35,040 at puno ang cosmos na 'yon ng mga paggalaw at pagbabago, 364 00:26:35,600 --> 00:26:38,720 at ang matagalang obserbasyon sa mga paggalaw at pagbabago na 'yon 365 00:26:38,720 --> 00:26:41,360 ay nangangailangan ng matinding pagsisikap, 366 00:26:41,360 --> 00:26:43,520 sa loob ng libo-libong taon. 367 00:26:46,360 --> 00:26:49,200 Nang mag-obserba ang mga mananaliksik ng mga lunar alignment 368 00:26:49,200 --> 00:26:51,400 sa mga gusali sa Chaco Canyon, 369 00:26:51,400 --> 00:26:54,280 nakita ang lahat ng mga pambihirang pangyayari. 370 00:26:56,640 --> 00:27:00,960 Kapag naabot ng buwan ang extreme southern standstill sa winter, 371 00:27:00,960 --> 00:27:03,840 na isang beses lang din kada 18.6 na taon, 372 00:27:04,600 --> 00:27:09,000 sisikatan nito ang tatlong bahay na tig-9.6 kilometro ang pagitan 373 00:27:09,000 --> 00:27:11,160 at nasa gitna ang Pueblo Bonito. 374 00:27:12,160 --> 00:27:16,040 At makalipas ang 9.3 na taon, sa kalagitnaan ng cycle nito, 375 00:27:16,560 --> 00:27:20,000 sisikatan ng buwan ng summer ang isang malaking estruktura 376 00:27:20,000 --> 00:27:22,120 {\an8}na nasa silangan ng Pueblo Bonito 377 00:27:22,120 --> 00:27:25,400 {\an8}papunta sa isa pa na 17.7 kilometro sa timog-kanluran, 378 00:27:27,640 --> 00:27:31,760 habang ang palubog na buwan na 'yon ay sisikatan ang isang malaking bahay, 379 00:27:31,760 --> 00:27:33,880 dadaanang muli ang Pueblo Bonito, 380 00:27:33,880 --> 00:27:38,560 mahigit 27 kilometro sa kabilang canyon papunta sa isa pang malaking bahay. 381 00:27:40,200 --> 00:27:41,800 At isa lang ang sigurado. 382 00:27:42,320 --> 00:27:47,480 Walang kinalaman ang 18.6 na taong lunar cycle 383 00:27:47,480 --> 00:27:49,160 sa pagsasaka. 384 00:27:49,160 --> 00:27:53,440 Samakatwid, bakit nagpakahirap ang mga sinaunang Puebloan 385 00:27:53,440 --> 00:27:55,560 na isama ito sa kanilang arkitektura? 386 00:27:56,960 --> 00:28:01,000 Malinaw na wala itong kinalaman sa ekonomiya, 387 00:28:01,000 --> 00:28:03,160 na para ito sa pagdiriwang 388 00:28:03,160 --> 00:28:05,200 ng kaugnayan ng langit at lupa. 389 00:28:07,400 --> 00:28:11,520 Ang malinaw ngayon ay pinagsama-sama ang mga estrukturang ito 390 00:28:11,520 --> 00:28:15,080 para bumuo ng ritwal na kalendaryo na itinayo sa lupa 391 00:28:18,480 --> 00:28:22,280 sa isang canyon na maaaring napili para sa hangaring ito 392 00:28:22,280 --> 00:28:25,120 bilang representasyon sa lupa ng Milky Way. 393 00:28:27,760 --> 00:28:32,560 Pero ang koneksiyon sa cosmos, sa kalawakan at lupa, sa itaas, sa ibaba, 394 00:28:33,200 --> 00:28:35,320 na mahalaga sa kultura ng mga Chaco 395 00:28:35,320 --> 00:28:38,520 ay hindi lamang limitado sa malalaki nitong gusali. 396 00:28:42,000 --> 00:28:45,000 Mga 8 kilometro sa timog-silangan ng Central Chaco, 397 00:28:47,280 --> 00:28:49,320 aakyat ako mula sa ibaba ng canyon 398 00:28:51,080 --> 00:28:55,800 para hanapin ang isang bagay na nagpapalamuti sa mga pader ng canyon. 399 00:28:59,360 --> 00:29:04,240 Mga sinaunang art na inukit sa dambuhalang bato. 400 00:29:09,800 --> 00:29:13,000 Mahahalagang record ito, mga kuwento na nasa bato 401 00:29:13,000 --> 00:29:16,480 na patuloy na nirerebisa, binabago, at idinadagdag 402 00:29:16,480 --> 00:29:19,440 sa walang nakakaalam kung ilang libong taon na. 403 00:29:21,720 --> 00:29:24,480 May mga imahe ng tao na tila sumasayaw 404 00:29:24,480 --> 00:29:26,560 at tumutugtog ng mga instrumento. 405 00:29:29,080 --> 00:29:32,840 Mga spiral at mga ahas na nagkalat sa mga pader ng canyon, 406 00:29:33,400 --> 00:29:37,640 na nagpapakita rin ng mga kakaibang nilalang at mga geometric pattern, 407 00:29:37,640 --> 00:29:40,360 katulad ng mga makikita sa artwork ng Amazon, 408 00:29:40,880 --> 00:29:43,000 na posibleng dulot ng mga psychedelic. 409 00:29:44,880 --> 00:29:48,320 Nasaan ka man sa mundo at sa anumang panahon sa kasaysayan, 410 00:29:48,320 --> 00:29:51,880 pagdating sa cave art at mga petroglyph at rock art, 411 00:29:51,880 --> 00:29:55,200 lagi mong makikita 'yong mga parehong imahe 412 00:29:55,200 --> 00:29:59,440 na makikita mo sa pag-inom ng ayahuasca at iba pang psychedelics na umuulit-ulit. 413 00:30:02,840 --> 00:30:05,200 Gaya ng mga bagay sa pangitain, 414 00:30:05,200 --> 00:30:08,560 ipinapakita rin ng Chacoan rock art ang pagtutok sa astronomy 415 00:30:08,560 --> 00:30:10,560 na makikita sa arkitektura nito. 416 00:30:13,320 --> 00:30:16,480 Binigyang-kahulugan ang imaheng ito na isang eclipse, 417 00:30:17,240 --> 00:30:21,440 pinadilim ng buwan ang araw, habang tumatalsik ang mga alab nito. 418 00:30:23,600 --> 00:30:25,840 At ito, isang supernova, 419 00:30:25,840 --> 00:30:28,920 na nakumpirmang tanaw sa kalawakan habang may araw 420 00:30:29,440 --> 00:30:33,680 noong kapanahunan ng mga ninunong Puebloan noong AD 1054. 421 00:30:34,680 --> 00:30:39,000 Bakit kailangang magpinta ng imahe sa isang lugar na mahirap puntahan 422 00:30:39,000 --> 00:30:41,680 maliban na lang kung may malalim na dahilan? 423 00:30:43,160 --> 00:30:48,600 Sa kawalan ng anumang malinaw na motibong pang-ekonomiya o pampolitika, 424 00:30:48,600 --> 00:30:52,720 ipinahihiwatig nito na may mas malalim pang dahilan. 425 00:30:53,560 --> 00:30:56,000 Nagiging mas malinaw sa akin 426 00:30:56,000 --> 00:30:59,440 na ang Chaco Canyon ay isang lugar para sa mga ritwal 427 00:30:59,440 --> 00:31:03,880 at hindi lamang nagsimula isang libong taon sa nakaraan, 428 00:31:03,880 --> 00:31:05,880 kundi mas matagal pa, 429 00:31:05,880 --> 00:31:08,360 marahil mula pa noong huling Ice Age. 430 00:31:14,000 --> 00:31:18,560 Sa pagkakaalam mo, gaano na katagal sa nakaraan 431 00:31:18,560 --> 00:31:21,280 ang presensiya ng tao dito sa Chaco Canyon? 432 00:31:21,280 --> 00:31:25,800 Malamang nabalitaan mo kamakailan lang na sa White Sands National Monument... 433 00:31:25,800 --> 00:31:28,280 May mga bakas ng paa na 23,000 taon na. 434 00:31:28,280 --> 00:31:30,800 - At hindi 'yon gano'n kalayo rito. - Hindi. 435 00:31:30,800 --> 00:31:35,120 Kaya malamang na may mga tao na sa Chaco Canyon 436 00:31:35,800 --> 00:31:40,680 siguro mga 10,000 taon bago pa may maitayong anumang gusali. 437 00:31:43,120 --> 00:31:45,080 Sa palagay ko 438 00:31:45,080 --> 00:31:50,280 ilang henerasyon na nilang inoobserbahan 'yong lugar at 'yong kalawakan 439 00:31:50,280 --> 00:31:52,880 - bago sila nagpasyang magtayo. - Oo. 440 00:31:57,440 --> 00:31:59,480 May mga bakas ang Chaco Canyon 441 00:31:59,480 --> 00:32:02,960 ng isang kultura ng mga mahuhusay na astronomer. 442 00:32:03,720 --> 00:32:09,000 Ang matinding pagtutok nila sa mga cycle ng araw, buwan, at mga bituin 443 00:32:09,960 --> 00:32:12,400 at sa napakalawak na kagandahan ng cosmos 444 00:32:12,400 --> 00:32:15,320 ay hindi isang misteryo na sila lang ang mayroon. 445 00:32:15,320 --> 00:32:17,480 Meron nito sa parehong paraan, 446 00:32:17,480 --> 00:32:22,440 gamit ang kaparehong mga simbolismo, art, at pagkakahanay ng mga arkitektura 447 00:32:22,440 --> 00:32:26,000 ang iba pang mga sinaunang kultura sa buong mundo. 448 00:32:27,680 --> 00:32:31,760 {\an8}Gaya ng eksaktong pagkakaposisyon ng Temple of Mnajdra ng Malta 449 00:32:31,760 --> 00:32:34,640 {\an8}para masilayan ang mga equinox at mga solstice. 450 00:32:36,480 --> 00:32:39,680 {\an8}O kung paanong ang axis ng Temple of Karnak sa Egypt 451 00:32:39,680 --> 00:32:42,360 {\an8}ay natumbok ang pagsikat ng araw ng winter solstice. 452 00:32:44,400 --> 00:32:47,480 {\an8}O 'yong eksaktong posisyon kung saan ang gitnang tore 453 00:32:47,480 --> 00:32:49,520 {\an8}ng Angkor Wat sa Cambodia 454 00:32:49,520 --> 00:32:52,800 ay nakahanay sa sumisikat na araw kada may mga equinox. 455 00:32:53,440 --> 00:32:57,040 Parang nagkaroon ng isang pandaigdigang proyektong arkitektura 456 00:32:57,040 --> 00:33:01,360 para gayahin ang pagkakaisa at mga posisyon ng kalawakan 457 00:33:01,360 --> 00:33:05,280 gamit ang mga bantayog sa lupa para ibaba ang langit sa lupa. 458 00:33:08,240 --> 00:33:12,680 Pero gaano na katagal sa nakaraan itong pandaigdigang proyektong ito? 459 00:33:19,400 --> 00:33:24,160 May mga bakas sa isa sa pinakamatagumpay na sibilisasyon ng sinaunang America 460 00:33:26,280 --> 00:33:30,400 na dating naghari sa kasalukuyang Southern Mexico at Central America. 461 00:33:31,520 --> 00:33:32,520 Ang mga Maya. 462 00:33:35,000 --> 00:33:39,080 Para sa akin, ang mga Maya ang isa sa mga nakamamanghang kultura 463 00:33:39,080 --> 00:33:40,480 ng sinaunang mundo 464 00:33:41,240 --> 00:33:45,360 at isang kulturang puno ng misteryo at kontradiksiyon. 465 00:33:48,000 --> 00:33:50,640 Marami sa mga Maya ang naninirahan pa rin ngayon dito 466 00:33:52,400 --> 00:33:56,280 sa napakagandang mga lugar ng Chiapas at ng Yucatán Peninsula. 467 00:34:00,040 --> 00:34:03,560 Dito, bago pa ang mga Inca at kulturang Pueblo ng Chaco, 468 00:34:05,160 --> 00:34:07,600 umunlad ang sibilisasyon ng mga Maya. 469 00:34:09,240 --> 00:34:12,840 Isang kultura na ipinakita ang katalinuhan sa maraming paraan, 470 00:34:14,520 --> 00:34:17,960 lalo na sa mga kahanga-hangang gawang arkitektura. 471 00:34:20,640 --> 00:34:23,520 Napalilibutan ng masukal na kagubatan, 472 00:34:23,520 --> 00:34:27,600 ito ang sagradong kaharian ng mga Maya na Palenque. 473 00:34:40,040 --> 00:34:43,640 Isang napakagandang lugar ng Palenque. 474 00:34:43,640 --> 00:34:46,520 Sa magaganda nitong architecture at engineering, 475 00:34:46,520 --> 00:34:49,360 taglay nito ang mga katangian ng isang lugar ng mga Maya. 476 00:34:52,560 --> 00:34:54,160 Nagtataasang mga pyramid, 477 00:34:55,600 --> 00:34:57,640 isang patyo para sa mga ritwal, 478 00:34:58,240 --> 00:34:59,640 isang malaking palasyo, 479 00:35:00,840 --> 00:35:04,240 at mga templo na puno na mga kamangha-manghang imahe. 480 00:35:06,760 --> 00:35:10,000 Tanyag ang mga Maya sa kanilang pambihirang arkitektura, 481 00:35:10,000 --> 00:35:14,040 sa ginawa nilang mga kahanga-hangang grupo ng mga pyramid, 482 00:35:14,040 --> 00:35:18,800 mga hagdang pyramid, at magaganda nitong disenyo 483 00:35:18,800 --> 00:35:21,480 at mataas na kalidad ng pagkakagawa. 484 00:35:21,480 --> 00:35:24,880 Ipinahihiwatig agad nito ang isang modernong kultura. 485 00:35:29,720 --> 00:35:34,880 {\an8}Gumugol ng higit isang dekada ang eksperto at gabay na si Mildred Lucas Garcia 486 00:35:34,880 --> 00:35:37,040 para mas maunawaan pa ang Palenque. 487 00:35:38,800 --> 00:35:41,440 Kailan sinimulan ang paggawa rito? 488 00:35:41,440 --> 00:35:44,120 Gaano katagal tinirhan ang lugar na 'to? 489 00:35:44,120 --> 00:35:47,600 Unang tinirhan ang lungsod noong taong 200 BC, 490 00:35:47,600 --> 00:35:50,640 at inabandona noong bandang 900 AD. 491 00:35:50,640 --> 00:35:51,560 Oo. 492 00:35:51,560 --> 00:35:55,080 Pag tinitingnan ko itong lugar, itong malalaking pyramid, 493 00:35:55,080 --> 00:35:58,040 maganda ang pagkakagawa, maganda ang disenyo, 494 00:35:58,040 --> 00:36:01,360 malinaw na gawa ito ng mga dalubhasang tao, 495 00:36:01,360 --> 00:36:04,600 at siguradong meron silang plano sa simula pa lang. 496 00:36:04,600 --> 00:36:06,400 Pero paano nila ito nagawa? 497 00:36:06,400 --> 00:36:09,480 Alam namin na may malalapit na quarry dito. 498 00:36:09,480 --> 00:36:12,760 Kaya nagpasya sila na dito itayo 'yong lungsod 499 00:36:12,760 --> 00:36:15,240 dahil nandito 'yong mga kailangan nila, 500 00:36:15,240 --> 00:36:17,360 nandito 'yong mga limestone, 501 00:36:17,360 --> 00:36:19,440 nandito 'yong tubig, 502 00:36:19,440 --> 00:36:23,000 at magandang lugar ito para pagtayuan ng lungsod. 503 00:36:23,000 --> 00:36:26,720 Pero kung paano nila 'yon itinayo, walang nakakaalam. 504 00:36:26,720 --> 00:36:28,720 - Di namin alam. - Misteryo pa rin. 505 00:36:28,720 --> 00:36:30,480 - Misteryo pa rin. - Oo. 506 00:36:31,320 --> 00:36:33,800 Bakit gumawa ng mga pyramid ang mga Maya? 507 00:36:33,800 --> 00:36:37,160 Maraming makikitang pyramid dito sa Palenque. 508 00:36:37,680 --> 00:36:42,600 Ang mga pyramid, di lang para sa mga Maya, kundi sa mga sinaunang kultura, 509 00:36:42,600 --> 00:36:45,240 representasyon sila ng mga sagradong bundok. 510 00:36:45,240 --> 00:36:48,440 Dito sa Palenque, nagtayo sila ng malalaking pyramid 511 00:36:48,440 --> 00:36:50,320 bilang mga sagradong bundok. 512 00:36:53,680 --> 00:36:57,640 Malaki ang papel ng mga bundok sa paniniwala ng mga Maya 513 00:36:57,640 --> 00:37:00,200 bilang simbolo ng pinagmulan ng paglikha. 514 00:37:02,800 --> 00:37:07,160 Pero mukhang may iba pang rason sa malawakang konstruksiyon ng mga Maya, 515 00:37:07,160 --> 00:37:09,120 lalo na rito sa Palenque. 516 00:37:11,480 --> 00:37:14,760 Sa Palenque, idinisenyo ang ilan sa mga gusali 517 00:37:14,760 --> 00:37:17,640 alinsunod sa mga obserbasyon sa kalawakan. 518 00:37:17,640 --> 00:37:18,600 Wow. 519 00:37:19,720 --> 00:37:22,760 May tatlong gusali na kilalang Group of the Crosses 520 00:37:22,760 --> 00:37:26,600 na ginamit bilang mga obserbatoryo para sa astronomy. 521 00:37:26,600 --> 00:37:27,560 Oo. 522 00:37:28,560 --> 00:37:32,920 Ang mga gusaling ito ay eksaktong nakasunod sa summer solstice 523 00:37:32,920 --> 00:37:35,360 at sa spring equinox. 524 00:37:37,720 --> 00:37:42,440 Malinaw na may mahuhusay na astronomer ang kasama sa paggawa sa buong complex. 525 00:37:42,440 --> 00:37:43,440 Oo, totoo 'yan. 526 00:37:47,320 --> 00:37:51,360 Pero bakit sila magpapakahirap na isunod ang malalaking estruktura 527 00:37:51,360 --> 00:37:53,040 sa mga solstice at equinox? 528 00:37:57,360 --> 00:38:01,360 Sa mga pagkakaposisyon na ito, isa lang ang malinaw. 529 00:38:03,360 --> 00:38:06,600 Kung gusto mong malaman kung ano talaga ang Palenque, 530 00:38:06,600 --> 00:38:09,040 kailangang tingnan hindi lang ang arkitektura nito, 531 00:38:09,040 --> 00:38:11,520 kundi pati ang kalawakan. 532 00:38:20,720 --> 00:38:22,840 Pumunta ako sa Temple of the Sun 533 00:38:23,400 --> 00:38:26,600 sa isang espesyal na sandali sa isang espesyal na araw, 534 00:38:28,240 --> 00:38:30,240 bukang-liwayway ng spring equinox, 535 00:38:31,120 --> 00:38:36,520 kung kailan eksaktong sisikat ang araw sa silangan at lulubog sa kanluran 536 00:38:37,080 --> 00:38:39,680 na isang pagpapakita ng pagkakaisa ng cosmos. 537 00:38:41,160 --> 00:38:42,800 Dito sa Temple of the Sun, 538 00:38:42,800 --> 00:38:46,640 gagawa ng natatanging palabas ang pagsikat ng araw, 539 00:38:46,640 --> 00:38:49,920 na ipinagdiriwang pa rin ngayon ng lokal na komunidad. 540 00:38:50,880 --> 00:38:56,120 {\an8}Mahalaga ang spring equinox sa espiritwalidad ng mga Maya. 541 00:38:56,720 --> 00:39:00,560 Narito tayo sa mismong pinakamahalagang lugar. 542 00:39:02,760 --> 00:39:05,240 At masasaksihan ko ito nang personal. 543 00:39:36,600 --> 00:39:38,920 Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz