1 00:00:13,160 --> 00:00:15,360 Sa pagpasok mo sa Temple of the Moon, 2 00:00:17,920 --> 00:00:20,680 bubungad sa 'yo sa entrada ang isang ahas. 3 00:00:23,720 --> 00:00:25,320 Nakaukit sa batong pader, 4 00:00:26,280 --> 00:00:30,280 ang kumikinang nitong katawan ay parang halos buhay kapag hinawakan. 5 00:00:32,120 --> 00:00:33,080 Mahirap 'yon 6 00:00:33,160 --> 00:00:36,600 dahil ibig sabihin, inukit 'yong bato, 7 00:00:36,680 --> 00:00:40,640 at naiwang nakaumbok 'yong inukit na ahas sa gilid. 8 00:00:44,080 --> 00:00:48,520 Habang pumapasok, mas marami pang misteryosong hugis ang makikita, 9 00:00:48,600 --> 00:00:50,600 na inukit mula sa buhay na bato. 10 00:00:53,320 --> 00:00:56,080 May kakaibang pakiramdam dito. 11 00:00:56,920 --> 00:01:01,120 Ang mga butil ng alikabok na nagliliwanag habang nasisinagan ito 12 00:01:01,200 --> 00:01:03,200 mula sa butas sa kisame 13 00:01:04,120 --> 00:01:09,000 papunta sa isang patag na estruktura, na malinaw na gawa ng mga tao. 14 00:01:11,080 --> 00:01:15,600 Ang batong pedestal, tulad ng ahas, ay inukit mula sa mismong bato nito, 15 00:01:16,280 --> 00:01:18,400 iniilawan ng butas sa itaas 16 00:01:18,480 --> 00:01:21,960 na pinapapasok ang sikat ng araw at liwanag ng buwan. 17 00:01:24,360 --> 00:01:26,760 Kilala bilang ang Temple of the Moon, 18 00:01:26,840 --> 00:01:29,200 at marahil sa tunay nitong pangalan, 19 00:01:29,280 --> 00:01:32,760 ang Amaru Markawasi, ang Bahay ng Ahas, 20 00:01:34,040 --> 00:01:36,720 itong inukit mula sa batong lugar na ito 21 00:01:36,800 --> 00:01:38,840 ay may napakalakas na presensiya. 22 00:01:41,560 --> 00:01:45,360 Pinaniniwalaang ginamit ito ng mga Inca sa mga ritwal ng mga gustong magkaanak, 23 00:01:45,440 --> 00:01:48,720 kung saan mag-aalay sila sa diyosa ng buwan 24 00:01:48,800 --> 00:01:51,440 na si Mama Quilla, anak ni Viracocha. 25 00:01:56,360 --> 00:02:00,080 Ang katahimikan ng lugar, ang lamig at katahimikan sa loob nito, 26 00:02:00,600 --> 00:02:04,160 itinutuon nito ang isip sa paraan, na para sa akin, 27 00:02:04,240 --> 00:02:07,960 ay sadya itong ginawa, at hindi aksidenteng nakamit. 28 00:02:11,160 --> 00:02:15,440 Sinumang gumawa sa silid na ito, tila hindi sila 'yong mga parehong tao 29 00:02:15,520 --> 00:02:18,760 na gumawa sa mas magagarang gold-plated na mga templo 30 00:02:18,840 --> 00:02:20,840 kung saan tanyag ang mga Inca. 31 00:02:24,200 --> 00:02:28,120 Para bang 'yong mga Inca na pinupuri ito ay pinaderan ang labas para markahan 32 00:02:28,200 --> 00:02:32,520 at igalang 'yong natuklasan nila, at hindi nila nilikha. 33 00:02:33,720 --> 00:02:36,320 Likha ba ito ng iba, 34 00:02:36,840 --> 00:02:41,840 isang sinaunang kultura na may kaalaman sa paghulma ng bato sa iba't ibang paraan? 35 00:03:04,840 --> 00:03:07,560 Nasa gilid ako ng isang burol sa Cusco sa Peru, 36 00:03:07,640 --> 00:03:11,720 sinusuri ang isang posibleng sinaunang pamamaraan ng paghulma ng bato 37 00:03:11,800 --> 00:03:13,520 na kilala bilang Hanan Pacha. 38 00:03:16,040 --> 00:03:22,400 Meron tayong patong-patong na misteryo, at para malutas ang misteryong 'yon, 39 00:03:22,480 --> 00:03:26,160 kailangan nating suriin ang iba't ibang istilo ng arkitektura 40 00:03:26,240 --> 00:03:28,840 na minsan, magkakasama sa iisang kalye. 41 00:03:28,920 --> 00:03:30,360 Saanman sa mundo, 42 00:03:30,440 --> 00:03:33,840 ituturing itong ebidensiya na gawa ng iba't ibang kultura. 43 00:03:35,120 --> 00:03:39,600 Sa pagitan ng Temple of the Moon at mga dambuhalang bato ng Sacsayhuaman 44 00:03:40,160 --> 00:03:43,280 ay isa pa sa pinakamahalagang lugar sa Sacred Valley 45 00:03:43,360 --> 00:03:47,480 na tila ginamitan ng parehong sinaunang pamamaraan ng paghulma ng bato. 46 00:03:49,040 --> 00:03:49,920 Ang Q'enqo. 47 00:03:54,120 --> 00:03:57,120 Ang ibig sabihin nito sa Quechua ay "laberinto," 48 00:03:58,280 --> 00:04:01,840 at habang naglilibot ako, naiintindihan ko na kung bakit. 49 00:04:03,480 --> 00:04:06,440 Kapag may nagtangkang pumasok sa loob nito, 50 00:04:06,520 --> 00:04:09,680 isang paliko-likong landas ang dadaanan mo 51 00:04:09,760 --> 00:04:11,960 at mapapaisip ka. 52 00:04:15,280 --> 00:04:20,560 Ang Q'enqo ay isang lugar kung saan mararamdaman ng tao na nag-iisa siya, 53 00:04:21,440 --> 00:04:24,400 napalilibutan ng misteryosong kapaligiran, 54 00:04:25,000 --> 00:04:27,000 napalilibutan ng katahimikan. 55 00:04:33,520 --> 00:04:36,480 Binubuo ito ng mga inukit na lagusan, 56 00:04:39,240 --> 00:04:41,040 mga nakatagong silid, 57 00:04:44,080 --> 00:04:49,120 at waring mga altar na inukit mula sa bato. 58 00:04:50,480 --> 00:04:53,880 At tila patungo ang lahat sa isang amphitheater sa gitna, 59 00:04:56,160 --> 00:04:59,920 kung saan makakasama ko ulit si Jesus Gamarra para magbahagi ng kaalaman. 60 00:05:02,120 --> 00:05:05,640 Ang mga Inca ba ang responsable sa anumang pagkakagawa 61 00:05:05,720 --> 00:05:07,480 na makikita sa Q'enqo Chico? 62 00:05:08,400 --> 00:05:10,320 Hindi. 63 00:05:10,400 --> 00:05:16,600 Meron mang mga konting indikasyon ng presensiya ng mga Inca 64 00:05:17,240 --> 00:05:19,840 tulad ng maliliit na bato at mga putik, 65 00:05:19,920 --> 00:05:26,320 pero ginawa ang mga ito bilang parangal sa Hanan Pacha. 66 00:05:26,400 --> 00:05:30,720 Lubos itong iginagalang, 67 00:05:30,800 --> 00:05:33,280 at ipinapakita 'yon sa paraang pinalilibutan ito 68 00:05:33,360 --> 00:05:39,320 ng mga estruktura na ginawa nang tama at may pag-iingat. 69 00:05:41,440 --> 00:05:46,000 Sinaunang inukit na bato na napalilibutan ng mga simpleng pader 70 00:05:46,080 --> 00:05:48,480 gaya ng nakita ko sa labas ng Temple of the Moon. 71 00:05:50,200 --> 00:05:52,120 Paghahalo ito ng mga istilo 72 00:05:52,720 --> 00:05:55,720 na makikita sa maraming sagradong lugar sa Peru. 73 00:05:57,320 --> 00:05:59,080 Gaya sa Machu Picchu, 74 00:05:59,160 --> 00:06:02,960 ang makinis na pagkalilok sa seremonyal na bato na Intihuatana, 75 00:06:04,800 --> 00:06:08,480 na tila napalilibutan na naman ng mga gawa ng mga Inca, 76 00:06:09,480 --> 00:06:12,560 marahil para parangalan at igalang ang lugar na ito bilang sagrado. 77 00:06:15,040 --> 00:06:18,040 Maipaliliwanag nito ang pagsasama-sama ng mga gawang nakikita natin 78 00:06:18,120 --> 00:06:21,200 sa mga pader sa Cusco at sa Sacsayhuaman, 79 00:06:22,040 --> 00:06:26,800 na ayon kay Jesus ay mga batong idinagdag sa ibabaw at paligid 80 00:06:26,880 --> 00:06:30,640 ng mga posibleng mas sinaunang makikinis na bato. 81 00:06:33,640 --> 00:06:36,040 Di na mahalaga kung kailan hinulma ang mga bato, 82 00:06:36,120 --> 00:06:38,120 ang tanong ay paano? 83 00:06:38,760 --> 00:06:42,440 Mga bakas kaya ito ng nawawalang teknolohiya ng prehistory? 84 00:06:46,480 --> 00:06:51,200 Iniisip ng kasamahan ni Jesus na si Jan Peter de Jong na may mga palatandaan 85 00:06:51,280 --> 00:06:55,280 sa Sacsayhuaman kung paano napakahusay na hinulma ang mga bato. 86 00:07:03,960 --> 00:07:06,800 Jan, dinala mo 'ko rito sa napakakitid na tunnel 87 00:07:06,880 --> 00:07:09,640 na may makikintab na gilid. Ano'ng pangalan nitong lugar? 88 00:07:09,720 --> 00:07:12,120 Tinatawag nila itong Chincana Chica. 89 00:07:13,200 --> 00:07:16,200 Ibig sabihin, "ang lugar kung saan naliligaw." 90 00:07:17,960 --> 00:07:23,240 Isa itong natural bedrock, pero malinaw na gawa ng tao itong tunnel. 91 00:07:23,320 --> 00:07:26,760 Katangian ba ito ng napakalumang istilo ng paggawa rito, 92 00:07:26,840 --> 00:07:29,560 na natural bedrock 'yong ginagamit nila at hinuhulma ito? 93 00:07:29,640 --> 00:07:32,440 Isa sa mga katangian ng istilo ng Hanan Pacha 94 00:07:32,520 --> 00:07:36,000 ay baguhin ang bato na parang hinuhulma ito. 95 00:07:36,600 --> 00:07:41,080 Mapapansin mong hinuhulma nila 'yong mga bato na parang malalambot ito… 96 00:07:41,160 --> 00:07:44,520 -Oo. -…dahil binakat sa bato lahat ng bagay. 97 00:07:44,600 --> 00:07:47,880 Pag sinabi mong hinulma, palalambutin 'yong bato 98 00:07:47,960 --> 00:07:50,280 at ibabakat 'yong hugis sa bato? 99 00:07:50,360 --> 00:07:54,120 Tingin namin malambot 'yong mga bato habang hinuhulma sila. 100 00:07:56,320 --> 00:07:58,440 Pero paano sila pinalambot? 101 00:07:59,160 --> 00:08:03,000 Naniniwala si Jan na ang mga pader ng tunnel ang susi sa misteryo. 102 00:08:05,120 --> 00:08:09,080 Sa loob nitong tunnel, marami tayong makikitang repleksiyon. 103 00:08:09,680 --> 00:08:12,480 Kumikinang ito na parang makintab na metal. 104 00:08:12,560 --> 00:08:14,840 Kapag hinawakan mo, napakakinis. 105 00:08:16,720 --> 00:08:19,040 Iniisip namin na pinainitan ito, 106 00:08:19,120 --> 00:08:22,240 at nagkaro'n ng layer 'yong bato dahil sa init na 'to, 107 00:08:22,760 --> 00:08:24,960 kaya ganito ito kakintab. 108 00:08:27,080 --> 00:08:30,280 Vitrification ang tawag dito ng mga geologist. 109 00:08:31,440 --> 00:08:33,480 Alam mo kung gaano dapat kainit? 110 00:08:33,560 --> 00:08:36,680 Vitrification, ibig sabihin "gawing kristal," 111 00:08:37,240 --> 00:08:40,440 at nangangailangan 'yon ng 1,400 degrees Celsius. 112 00:08:41,080 --> 00:08:43,880 Na talagang ubod ng init. 113 00:08:43,960 --> 00:08:47,560 Oo. Di natin alam kung paano nila ginawa, pero nagawa nila. 114 00:08:52,720 --> 00:08:55,400 Pag tiningnan nang malapitan, tanungin mo ang sarili, 115 00:08:55,920 --> 00:09:00,680 "Ang init na 'yon ba ang paliwanag sa kakaibang itsura ng pagkakadikit 116 00:09:00,760 --> 00:09:03,280 ng mga dambuhalang bato ng Sacsayhuaman?" 117 00:09:09,080 --> 00:09:12,720 Ang unang sasabihin ng mga nagdududa ay 'yong kinang sa loob ng tunnel 118 00:09:12,800 --> 00:09:16,160 ay dahil sa paghawak ng mga tao sa gilid ng tunnel. 119 00:09:16,240 --> 00:09:17,440 Ano'ng reaksiyon mo? 120 00:09:17,520 --> 00:09:19,840 Maraming magsasabi ng, "Oo, siyempre. 121 00:09:19,920 --> 00:09:25,400 Kikinang 'yon dahil sa mga kamay na humahawak sa tunnel, nahahawakan lagi." 122 00:09:25,480 --> 00:09:29,080 Pero makikita rin 'yon sa bubong at sa buong pader ng tunnel. 123 00:09:29,160 --> 00:09:31,920 Kaya hindi tamang sabihin 124 00:09:32,000 --> 00:09:34,560 na sabay-sabay nilang hinahawakan 'yong kabuoan ng lugar. 125 00:09:34,640 --> 00:09:38,280 E, 'yong isa pang argumento na dahil daw ito sa bulkan? 126 00:09:38,360 --> 00:09:40,280 Wala namang mga bulkan dito. 127 00:09:40,360 --> 00:09:43,320 -Okay. -Kaya walang basehan 'yon. 128 00:09:45,480 --> 00:09:48,040 Para kay Jan, ang tanging paliwanag ay 129 00:09:48,120 --> 00:09:52,520 narito ang mga resulta ng isang uri ng sinaunang siyentipikong proseso, 130 00:09:52,600 --> 00:09:56,400 na napaghusay ng isang sibilisasyon na nauna pa sa mga Inca. 131 00:09:59,000 --> 00:10:02,840 Nagawa ito noon ng mga sinaunang tao. 132 00:10:02,920 --> 00:10:05,840 At di natin alam 'yong teknolohiyang ginamit nila. 133 00:10:07,800 --> 00:10:09,880 Pag minamasdan ko ang Sacsayhuaman, 134 00:10:09,960 --> 00:10:12,760 parang tinitingnan ko ang mga bakas ng nawawalang teknolohiya, 135 00:10:12,840 --> 00:10:15,200 ng nawawalang siyensiya ng pagmamason, 136 00:10:15,280 --> 00:10:18,280 isang siyensiya na hindi tayo bihasa, 137 00:10:18,360 --> 00:10:21,080 na wala tayong teknolohiya para matularan ito. 138 00:10:26,400 --> 00:10:29,720 Palaisipan pa rin ang mismong proseso ng teknolohiya. 139 00:10:30,760 --> 00:10:33,160 Pero naniniwala si Jesus Gamarra na ang sobrang init 140 00:10:33,240 --> 00:10:37,080 na nagpalambot sa bato para mahulma ito habang ginagawa 141 00:10:37,600 --> 00:10:40,320 ang nagpatibay at nagpatigas din dito kalaunan. 142 00:10:43,280 --> 00:10:46,000 Pag nagmamasid ako, kahit napakatagal na nila, 143 00:10:46,080 --> 00:10:48,560 mukhang moderno 'yong itsura ng mga bato. 144 00:10:48,640 --> 00:10:51,920 Pa'no mo inuunawa 'yong nakikita natin sa paligid natin? 145 00:10:52,480 --> 00:10:57,760 'Yong mga bato lang na isinalang sa init at hinulma 146 00:10:57,840 --> 00:11:01,080 ang napreserba nang hindi nasisira. 147 00:11:01,160 --> 00:11:05,920 Mukhang magaspang 'yong ibang mga bato. 148 00:11:06,000 --> 00:11:11,320 Natitibag sila dahil sa mga pagbabago ng panahon. 149 00:11:14,720 --> 00:11:18,040 Ano ang paliwanag mo sa nakikita natin dito? 150 00:11:18,120 --> 00:11:21,880 Maraming misteryo ang hindi natin maipaliwanag 151 00:11:21,960 --> 00:11:26,360 dahil bahagi ito ng napakalalim na makasaysayang nakaraan 152 00:11:26,440 --> 00:11:29,000 na nangyari libo-libong taon na. 153 00:11:33,080 --> 00:11:36,080 Minsan, kailangan na lang nating tanggapin 154 00:11:36,160 --> 00:11:41,000 na isang imposibleng gawang engineering ang nasa harapan natin. 155 00:11:41,080 --> 00:11:42,960 Imposible sa kakayahan natin. 156 00:11:44,560 --> 00:11:48,280 Kailangang maging mas bukas pa ang isip natin 157 00:11:48,360 --> 00:11:52,000 sa ating pananaw tungkol sa mga sinaunang tao. 158 00:11:54,080 --> 00:11:58,040 Ayon sa lokal na tradisyon na naitala ng mga mananakop na Espanyol, 159 00:11:58,560 --> 00:12:01,360 ang mga makabagong pamamaraan ng paggawa sa bato 160 00:12:01,440 --> 00:12:03,560 ay bahagi ng ipinamanang kaalaman 161 00:12:03,640 --> 00:12:07,080 na itinuro ng diyos na lumikha sa Andes, si Viracocha, 162 00:12:11,000 --> 00:12:14,400 na isinalang ang mga bato sa apoy, 163 00:12:14,480 --> 00:12:19,760 para pagaangin ang malalaking bloke na maaaring ilipat-lipat, 164 00:12:22,680 --> 00:12:25,480 na katulad ng teorya tungkol sa matinding init. 165 00:12:28,440 --> 00:12:31,960 Kaya interesado ako sa mga katutubong tradisyon 166 00:12:32,040 --> 00:12:36,000 na sinasabing tinutunaw ang mga bato o ipinagdidikit. 167 00:12:36,080 --> 00:12:39,440 Buksan natin ang ating mga tenga at mata sa mga ganitong posibilidad. 168 00:12:41,360 --> 00:12:44,680 Itong ebidensiya ng hindi maipaliwanag na mga teknolohiya 169 00:12:44,760 --> 00:12:47,960 ay makikita sa buong kabundukan ng sinaunang Peru. 170 00:12:49,800 --> 00:12:52,840 Pero may ebidensiya kaya ng mga sinaunang siyentipikong obra 171 00:12:52,920 --> 00:12:55,040 sa kabilang panig ng Andes Mountains 172 00:12:56,800 --> 00:13:01,600 na hindi rin namin napansin sa kagubatan ng Amazon? 173 00:13:11,720 --> 00:13:13,760 Dahil lang di kaaya-aya ang mga lugar na 'yon 174 00:13:13,840 --> 00:13:15,840 para pamuhayan ng mga tao ngayon, 175 00:13:17,000 --> 00:13:20,560 hindi ibig sabihin na hindi sila kaaya-aya noon. 176 00:13:21,360 --> 00:13:23,600 Ang mga isinasagawang imbestigasyon 177 00:13:23,680 --> 00:13:27,280 ay nagpapakita ng ebidensiya na may mga lihim sa Amazon. 178 00:13:29,680 --> 00:13:33,280 Alam na natin na ang ebidensiya ng paninirahan ng tao sa sinaunang Amazonia 179 00:13:34,040 --> 00:13:37,320 ay nasa 25,000 taon na. 180 00:13:37,880 --> 00:13:39,560 NAKALIPAS NA 25,000 TAON 181 00:13:39,640 --> 00:13:45,080 Nagbukas 'yon ng mas malawak na timeframe para sa isang nawawalang sibilisasyon. 182 00:13:46,200 --> 00:13:49,200 Ang mga posibilidad na kailangan nating imbestigahan 183 00:13:49,280 --> 00:13:53,560 sa paglikha ng mga sibilisasyon ay mas lumalim at mas humaba. 184 00:13:59,800 --> 00:14:06,320 Sa katunayan, ang mga unang European na naglayag sa buong Amazon noong 1542 185 00:14:07,520 --> 00:14:09,920 ay maaaring nasulyapan ang mga apo 186 00:14:10,000 --> 00:14:13,400 ng sibilisasyong 'yon nang dumaan sila malapit dito. 187 00:14:16,800 --> 00:14:20,400 Pinangunahan ang ekspedisyon ni Francisco de Orellana 188 00:14:20,480 --> 00:14:23,800 at idinokumento ng isang prayle na si Gaspar de Carvajal. 189 00:14:26,960 --> 00:14:29,160 Hindi nabanggit sa journal ni de Carvajal 190 00:14:29,240 --> 00:14:32,920 ang napakalaking kagubatan na tila walang naninirahan na makikita ngayon. 191 00:14:35,960 --> 00:14:39,600 Inilarawan ng pari ang Amazon basin na puno ng mga lungsod 192 00:14:39,680 --> 00:14:42,280 na tinitirhan ng mga taong may kasanayan. 193 00:14:44,440 --> 00:14:49,320 "May isang pamayanan," isinulat niya, "na walang patid sa habang 21 kilometro." 194 00:14:49,920 --> 00:14:52,120 Kasinghaba 'yon ng Manhattan Island. 195 00:14:55,000 --> 00:14:57,720 Pero nang dumating ang mga misyonerong European 196 00:14:57,800 --> 00:14:59,360 makalipas ang isang siglo, 197 00:14:59,440 --> 00:15:01,520 wala silang nakitang mga lungsod. 198 00:15:03,000 --> 00:15:06,760 Itinuring na kathang-isip ang mga isinulat ni de Carvajal, 199 00:15:06,840 --> 00:15:09,280 na ginawa para pabilibin ang hari ng Espanya 200 00:15:09,360 --> 00:15:11,960 para mapondohan ang mas maraming ekspedisyon. 201 00:15:14,360 --> 00:15:17,760 Pero nang isisiwalat na ng kagubatan ang mga lihim nito, 202 00:15:18,520 --> 00:15:22,200 nagsisimula nang magmukhang totoo ang mga ulat na iyon. 203 00:15:23,960 --> 00:15:25,880 Ipinahihiwatig ng mga natuklasan sa Amazon 204 00:15:25,960 --> 00:15:28,760 na nagkaroon nga ng sinaunang sibilisasyon dito. 205 00:15:32,200 --> 00:15:37,880 Gamit ang LiDAR para makita ang ilalim ng kagubatan sa Bolivia noong 2019, 206 00:15:40,240 --> 00:15:42,360 namangha ang mga archeologist nang makita 207 00:15:42,440 --> 00:15:44,920 ang napakaraming estruktura at mga kalsada. 208 00:15:47,160 --> 00:15:50,800 Sa bagong pananaliksik, natutuklasan na na meron ngang malalaking pamayanan. 209 00:15:52,160 --> 00:15:56,240 Gaya ng alam natin, may tradisyon ng mga nawawalang lungsod sa Amazon. 210 00:15:56,920 --> 00:16:00,840 Mga lungsod ang tamang salita para ilarawan 'tong mga pamayanan. 211 00:16:02,560 --> 00:16:06,480 Base sa datos at nalalaman natin tungkol sa mga baryo sa Amazon, 212 00:16:07,200 --> 00:16:10,120 may magandang palagay ang mga mananaliksik sa maaaring itsura 213 00:16:10,200 --> 00:16:13,520 ng isa sa mga pamayanang iyon na kilala bilang Cotoca. 214 00:16:18,000 --> 00:16:20,320 Halos isang milya ang lawak ng lungsod, 215 00:16:21,480 --> 00:16:26,280 isang buong bayan na pinalilibutan ng mga daluyan ng tubig at mga kalsada. 216 00:16:28,440 --> 00:16:33,280 Papunta ang ilan sa mga nakaangat na terasa, marahil para sa bawat tahanan. 217 00:16:36,440 --> 00:16:40,400 At sa gitna ng lungsod ay isang mataas na pyramid na burol, 218 00:16:40,480 --> 00:16:42,480 marahil para sa mga pagdiriwang. 219 00:16:46,160 --> 00:16:48,760 At mukhang konektado ang lungsod na ito 220 00:16:48,840 --> 00:16:53,600 sa tatlo pang kaparehong pamayanan gamit ang kalsada na milya-milya ang haba. 221 00:16:56,160 --> 00:16:59,280 Wala tayong masyadong alam tungkol sa mga taong nanirahan dito. 222 00:16:59,360 --> 00:17:02,280 Ang alam natin, nakakubli sa ilalim ng kagubatan, 223 00:17:02,360 --> 00:17:05,640 ay marami pang lungsod. Maraming-marami. 224 00:17:07,560 --> 00:17:09,960 Pinagsama-sama ng mga archeologist ang mga ebidensiya 225 00:17:10,040 --> 00:17:13,680 na nagpapakita sa tinatawag nilang nawawalang lambak ng mga sinaunang lungsod 226 00:17:13,760 --> 00:17:15,560 na nakakubli sa Ecuadorian Amazon. 227 00:17:17,360 --> 00:17:20,840 Sa Western Amazon, natuklasan kamakailan ng mga archeologist 228 00:17:20,920 --> 00:17:23,760 ang tila isang malaking kumpol ng mga pamayanan 229 00:17:24,320 --> 00:17:29,480 na pinagdudugtong ng mga kalsada, mula pa sa nakalipas na 2,500 taon, 230 00:17:30,440 --> 00:17:32,840 katulad ng mga geoglyph na nasa Brazil. 231 00:17:34,280 --> 00:17:38,280 Paglikha ng malalaking lungsod, paglikha sa mga geoglyph sa Acre, 232 00:17:38,360 --> 00:17:41,560 hindi ito itinuturing na kasama sa kakayahan 233 00:17:41,640 --> 00:17:44,160 ng mga mangangasong nanirahan sa Amazon, 234 00:17:44,240 --> 00:17:46,000 pero malinaw na kaya nila. 235 00:17:47,840 --> 00:17:50,120 Parami nang parami sa mga sinaunang pamayanang ito 236 00:17:50,200 --> 00:17:52,000 ang patuloy na natutuklasan, 237 00:17:52,760 --> 00:17:56,000 na nagpapahiwatig ng malawakang sibilisasyon sa Amazon, 238 00:17:57,120 --> 00:18:01,120 na maaaring naging tahanan ng nasa 20 milyong tao. 239 00:18:03,920 --> 00:18:07,720 Natutuklasan natin ngayon na ang kuwento ng Amazon 240 00:18:07,800 --> 00:18:09,880 ay hindi pala tulad ng ikinuwento. 241 00:18:11,640 --> 00:18:15,760 Marahil nakita nga ni de Carvajal ang malalaking pamayanan noong 1542. 242 00:18:18,320 --> 00:18:21,600 Pero kung gano'n nga, bakit 'yong mga dumaan sa ilog 243 00:18:21,680 --> 00:18:24,720 makalipas ang isang siglo ay hindi sila nakita? 244 00:18:28,000 --> 00:18:30,280 May isang malagim na paliwanag. 245 00:18:31,720 --> 00:18:34,640 Noong dumating sa Americas 'yong mga Espanyol at mga Portuguese, 246 00:18:34,720 --> 00:18:37,640 may bitbit silang napakaraming sakit 247 00:18:37,720 --> 00:18:40,600 kung saan immune na ang mga European, 248 00:18:40,680 --> 00:18:42,640 pero hindi ang mga tao sa Amazon. 249 00:18:45,280 --> 00:18:48,400 Mauubos ang anumang populasyon na mayroon dito, 250 00:18:49,160 --> 00:18:52,520 habang kinamkam naman ng kagubatan ang mga pamayanan nila. 251 00:18:53,560 --> 00:18:56,080 Pero maraming natutuklasang bakas ng sibilisasyong iyon 252 00:18:56,680 --> 00:19:00,280 sa alamat ng Western Amazon mula sa mga Tucano. 253 00:19:02,040 --> 00:19:05,600 May kuwento ng pinagmulan ang mga Tucano kung paanong ang mga ninuno nila 254 00:19:05,680 --> 00:19:09,360 ay unang dinala sa lugar na iyon para sa misyong magpaunlad 255 00:19:09,440 --> 00:19:14,040 sakay ng isang malaahas na bangka na naglakbay sa kahabaan ng Amazon. 256 00:19:16,680 --> 00:19:18,440 Ayon sa alamat, 257 00:19:18,520 --> 00:19:22,040 ang mahabang bangkang ito ay pinamumunuan ng isang espiritu 258 00:19:22,560 --> 00:19:24,960 at may lulang mga tao. 259 00:19:28,880 --> 00:19:32,880 Hindi nagtagal, ang dakilang anak ng araw ay dumating sa Earth 260 00:19:33,880 --> 00:19:40,080 na may dalang apoy at mga kagamitan, pati na kaalaman sa arts and crafts. 261 00:19:43,320 --> 00:19:47,920 Binungkal niya at ng mga kasama niya ang lupa para mabuhay ang mga tao 262 00:19:48,880 --> 00:19:51,600 bago bumalik sa kanilang mahiwagang mundo. 263 00:19:55,720 --> 00:20:00,360 Para sa akin, para itong mga kuwento ng pagmumulat sa kabihasnan 264 00:20:00,440 --> 00:20:01,840 na kalat sa buong mundo 265 00:20:01,920 --> 00:20:05,120 na pakiramdam ko ay parte ng iisang pinagmulan. 266 00:20:05,200 --> 00:20:07,120 Patuloy na lumalabas ang mga kuwentong ito. 267 00:20:08,320 --> 00:20:10,800 Isang espiritu na dumating sakay ng bangka, 268 00:20:12,680 --> 00:20:15,360 gaya ni Quetzalcoatl sa alamat ng mga Aztec. 269 00:20:16,920 --> 00:20:19,760 O ni Hotu Matu'a noong dumating siya sa Rapa Nui. 270 00:20:22,400 --> 00:20:25,360 O ni Viracocha, na lumitaw mula sa Lake Titicaca 271 00:20:25,440 --> 00:20:27,440 matapos ang isang kalamidad. 272 00:20:30,760 --> 00:20:32,600 Itong anak ng araw kaya na ito 273 00:20:32,680 --> 00:20:35,680 at ang misyon niyang hikayatin ang mga tao na manirahan sa Amazon 274 00:20:36,360 --> 00:20:40,040 ay may kaugnayan sa nawawalang sibilisasyong hinahanap ko? 275 00:20:45,280 --> 00:20:46,800 Sa Peruvian Andes, 276 00:20:46,880 --> 00:20:50,000 lumikha diumano si Viracocha ng mga pambihirang bagay mula sa bato. 277 00:20:51,240 --> 00:20:55,120 Pero dito sa Amazon, kung saan bihira ang malalaking bato, 278 00:20:55,200 --> 00:20:57,760 mga estrukturang gawa sa di gano'n katibay na materyales 279 00:20:57,840 --> 00:21:00,400 gaya ng mga kahoy at lupa ang nangingibabaw. 280 00:21:04,160 --> 00:21:07,040 Ang di malinaw ay kung paano nila napagtagumpayan 281 00:21:07,120 --> 00:21:11,040 na maging tahanan itong hindi kaaya-ayang lugar. 282 00:21:13,600 --> 00:21:16,680 Paano nila nasuportahan ang malalaking populasyon 283 00:21:17,720 --> 00:21:21,200 sa matagal na nating itinuring na patay na lupa? 284 00:21:23,520 --> 00:21:27,560 Pag hindi natin naunawaan 'yong kakayahan ng mga tao sa Amazon 285 00:21:27,640 --> 00:21:30,120 na pakainin ang milyun-milyong populasyon, 286 00:21:30,200 --> 00:21:33,240 hinding-hindi natin mauunawaan ang katotohanan 287 00:21:33,320 --> 00:21:35,320 tungkol sa buong kuwento ng tao. 288 00:21:36,800 --> 00:21:43,520 Matatagpuan ang isang paliwanag sa puso ng Brazilian Amazon, malapit sa Manaus. 289 00:21:45,120 --> 00:21:48,280 Umuusbong mula sa lupa ng mismong Amazon, 290 00:21:48,360 --> 00:21:51,920 nalantad kamakailan ang isang matagal nang nakabaong lihim. 291 00:21:52,560 --> 00:21:56,120 Isang ebidensiya ng sinaunang siyensiya na makatutulong maipaliwanag 292 00:21:56,200 --> 00:21:59,920 kung paano sinuportahan ng kagubatan ang malalaking populasyon. 293 00:22:03,640 --> 00:22:06,480 Si Angela Araujo ay isang archeologist 294 00:22:06,560 --> 00:22:10,160 na dalubhasa sa relasyon ng sangkatauhan at mga halaman. 295 00:22:14,040 --> 00:22:18,080 Nakatuon ang pag-aaral niya ngayon sa isang misteryosong phenomenon. 296 00:22:21,400 --> 00:22:26,440 Karaniwan, hindi kagandahan 'yong mga lupa sa kagubatan 297 00:22:26,520 --> 00:22:28,520 o angkop para sa agrikultura. 298 00:22:30,840 --> 00:22:33,720 Pero sa mga pamayanan, sinauna man o moderno, 299 00:22:33,800 --> 00:22:36,400 may natuklasang nakamamangha ang mga scientist, 300 00:22:36,920 --> 00:22:39,640 mga patse-patseng self-regenerating soil 301 00:22:40,160 --> 00:22:43,560 na tinatawag nilang terra preta o itim na lupa ng Amazon. 302 00:22:44,960 --> 00:22:50,360 Meron tayo ritong lupa na mas maitim kumpara sa mga lupa sa paligid. 303 00:22:50,440 --> 00:22:53,520 Misteryoso at kataka-taka, meron itong bacteria, 304 00:22:53,600 --> 00:22:56,600 na patuloy na nagpaparami at binubuhay ang sarili 305 00:22:56,680 --> 00:22:58,640 at binubuhay 'yong lupa. 306 00:22:58,720 --> 00:23:00,520 Para itong mahiwagang lupa. 307 00:23:02,040 --> 00:23:06,200 At itong masaganang lupa ay natagpuan sa buong Amazon 308 00:23:06,840 --> 00:23:08,960 kung saan may ebidensiya ng mga tao. 309 00:23:11,400 --> 00:23:14,600 Magkikita kami ni Angela sa katutuklas lang na sinaunang pamayanan 310 00:23:15,200 --> 00:23:17,560 para makita ko ang itim na lupang ito. 311 00:23:19,280 --> 00:23:24,760 Kailan ka unang naging interesado sa itim na lupa ng Amazon? 312 00:23:24,840 --> 00:23:31,680 Sa kasalukuyan, ginagamit din namin ang lupang ito para sa agrikultura. 313 00:23:31,760 --> 00:23:36,000 At bigla akong may nakitang koneksiyon 314 00:23:36,080 --> 00:23:39,680 sa pagitan ng nakaraan at mga populasyon. 315 00:23:39,760 --> 00:23:42,760 Gusto kong maintindihan kung bakit at paano 316 00:23:42,840 --> 00:23:48,000 nagkaroon ng koneksiyon ang mga populasyon sa itim na lupa. 317 00:23:48,720 --> 00:23:51,960 Natuklasan ng mga mananaliksik na nakahalo sa mga organikong elemento 318 00:23:52,040 --> 00:23:55,760 ng bawat patse ng itim na lupa, gaano pa man ito katagal, 319 00:23:55,840 --> 00:23:57,960 ang maliliit na tipak ng seramiko, 320 00:23:58,480 --> 00:24:01,880 isang di maikakailang ebidensiya na may partisipasyon ang populasyon ng tao 321 00:24:01,960 --> 00:24:04,280 sa pagkakalikha sa lupang ito. 322 00:24:05,320 --> 00:24:09,920 At napag-alaman na ang mga sample ay mula pa sa hindi bababa sa 7,000 taon. 323 00:24:13,200 --> 00:24:15,200 Gaano karami 'yong mga populasyon? 324 00:24:15,280 --> 00:24:19,240 Hindi ako sigurado, pero may mga record na nagpapahiwatig 325 00:24:19,320 --> 00:24:23,480 na hindi bababa sa tatlong milyong tao 326 00:24:23,560 --> 00:24:26,640 ang nakatira sa rehiyon pa lang ng Alto Rio Negro. 327 00:24:27,240 --> 00:24:32,040 Tingin mo ba sinadyang likhain ng mga sinaunang tao ang lupang ito? 328 00:24:32,120 --> 00:24:36,560 O natuklasan nila nang di sinasadya 'yong mga pambihirang katangian nito? 329 00:24:36,640 --> 00:24:38,880 Hindi ako naniniwala na sinadya ito. 330 00:24:38,960 --> 00:24:43,720 Naniniwala ako na dahil sa napakaraming naninirahan sa lugar, 331 00:24:43,800 --> 00:24:49,360 maraming nabubulok na bagay ang lumikha sa mga katangiang ito. 332 00:24:50,880 --> 00:24:53,440 Pero para itong argumento ng manok at itlog. 333 00:24:55,000 --> 00:24:56,960 Di ko maiwasang makakita ng paradox. 334 00:24:57,040 --> 00:24:59,520 Sa isang banda, sinasabi natin 335 00:25:00,040 --> 00:25:03,360 na nagkaroon ng napakalaking populasyon sa Amazon 336 00:25:03,440 --> 00:25:06,640 at dahil sa aksidenteng produkto ng presensiya nila, 337 00:25:06,720 --> 00:25:08,720 nalikha nila 'yong itim na lupa. 338 00:25:09,600 --> 00:25:12,840 Pero sa kabila naman, sinasabi natin na 'yong natural na lupa ng Amazon 339 00:25:12,920 --> 00:25:17,400 ay hindi sapat para suportahan 'yong napalaking populasyon. 340 00:25:18,160 --> 00:25:22,840 Hindi ba parang naging posible na magkaroon ng malalaking populasyon 341 00:25:22,920 --> 00:25:24,600 dahil sa itim na lupa? 342 00:25:24,680 --> 00:25:28,240 Naniniwala akong posible 343 00:25:28,320 --> 00:25:32,800 na nalaman nila na masagana pala 'yong lugar, 344 00:25:33,520 --> 00:25:38,400 pero hindi nila intensiyon na, 345 00:25:38,480 --> 00:25:43,240 "Magtatapon ako ng basura para patabain 'yong lupa at lumago 'yong pananim." 346 00:25:46,760 --> 00:25:48,280 Patuloy ang pananaliksik. 347 00:25:48,960 --> 00:25:51,960 Pero para sa akin, ang rason kaya parang sinadya ito 348 00:25:52,480 --> 00:25:55,880 ay dahil matatagpuan ang terra preta sa buong Amazon, 349 00:25:56,480 --> 00:25:59,400 na malapit sa mga sinaunang pamayanan. 350 00:26:01,480 --> 00:26:03,960 Kailangang mas bukas pa ang isip natin 351 00:26:04,040 --> 00:26:08,440 tungkol sa ating pananaw sa mga kakayahan ng mga sinaunang tao. 352 00:26:08,520 --> 00:26:12,040 Kailangan natin silang ituring na dalubhasa ng kanilang kapaligiran 353 00:26:12,120 --> 00:26:17,840 na pinakinabangan ang kapaligirang iyon sa loob ng libo-libong taon. 354 00:26:20,480 --> 00:26:22,840 At dahil sa lawak ng gubat, 355 00:26:22,920 --> 00:26:27,360 walang nakakaalam kung gaano pa karaming terra preta ang di pa natutuklasan 356 00:26:27,920 --> 00:26:30,240 na maaaring mag-atras sa pinagmulan ng lupang ito 357 00:26:30,320 --> 00:26:32,680 sa mas malalim pang nakaraan. 358 00:26:34,600 --> 00:26:36,320 Ang iminumungkahi ko, 359 00:26:36,400 --> 00:26:39,360 na mariing tinututulan ng maraming archeologist, 360 00:26:39,920 --> 00:26:43,520 ay 'yong paninirahan at pagdami ng populasyon ng tao sa Amazon 361 00:26:43,600 --> 00:26:45,400 ay isang planadong pangyayari. 362 00:26:47,920 --> 00:26:51,280 Pero ang paglikha at pagsuporta sa malalaking pamayanan 363 00:26:51,360 --> 00:26:54,680 ay nangangailangan na napakaraming likas na yaman. 364 00:26:56,240 --> 00:26:59,280 Hindi lang mga pananim, kundi isang bagay na maiisip natin 365 00:26:59,360 --> 00:27:01,840 na hindi kailanman mauubos sa Amazon. 366 00:27:02,880 --> 00:27:03,800 Troso. 367 00:27:08,520 --> 00:27:12,080 Tunay na sagana sa samu't saring likas na yaman ang Amazon. 368 00:27:14,440 --> 00:27:19,520 Sa kasalukuyan, may nasa 390 bilyong puno rito, 369 00:27:20,080 --> 00:27:22,680 na binubuo ng nasa 16,000 species. 370 00:27:26,280 --> 00:27:29,200 Paano kung sabihin ko na halos ang buong kagubatan 371 00:27:29,280 --> 00:27:32,160 ay resulta ng planadong kampanya 372 00:27:32,240 --> 00:27:35,800 na ginawa ng mga tao libo-libong taon na? 373 00:27:37,880 --> 00:27:41,200 Paano kung sabihin ko na maaaring itinanim ang Amazon? 374 00:27:50,480 --> 00:27:53,680 Kinumpirma ng mga mananaliksik na noong Ice Age, 375 00:27:53,760 --> 00:27:56,160 hindi isang masukal na gubat ang Amazon, 376 00:27:57,200 --> 00:28:00,000 kundi damuhan na may kalat-kalat na mga puno. 377 00:28:01,080 --> 00:28:03,360 Inakala nila na pinalago ng umiinit na planeta 378 00:28:03,440 --> 00:28:05,920 ang malawak na kagubatang nakikita natin ngayon. 379 00:28:06,520 --> 00:28:07,800 Pero kamakailan lang, 380 00:28:07,880 --> 00:28:11,080 may natuklasang di inaasahan ang mga archaeobotanist. 381 00:28:11,160 --> 00:28:14,400 Ang kalahati ng gubat ay binubuo lamang ng 1.4% 382 00:28:14,480 --> 00:28:17,080 ng mga kilalang species ng puno sa Amazon, 383 00:28:17,760 --> 00:28:22,760 ang mismong species na naging kapaki-pakinabang sa mga tao. 384 00:28:24,680 --> 00:28:29,880 Resulta ba ito ng pangmatagalang proyekto na nagsimula libo-libong taon na, 385 00:28:29,960 --> 00:28:32,480 isang proyekto na kalaunan ay lalago 386 00:28:32,560 --> 00:28:36,520 sa isang malawakang katutubong sibilisasyon sa Amazon? 387 00:28:38,160 --> 00:28:39,680 At may iba pa. 388 00:28:40,200 --> 00:28:43,720 Gaya ng terra preta, matatagpuan ang karamihan sa mga punong ito 389 00:28:43,800 --> 00:28:47,280 malapit sa bagong tuklas na mga sinaunang lungsod ng Amazon. 390 00:28:49,000 --> 00:28:53,480 Sa halip na isang mapanganib na gubat na madalas tingin nating mga Western, 391 00:28:53,560 --> 00:28:55,920 ginagawa nila itong tahanan para sa milyong tao, 392 00:28:56,000 --> 00:29:00,560 ginagawang hardin ang Amazon na nagtustos sa pangangailangan ng tao. 393 00:29:02,120 --> 00:29:03,400 Noong 20th century, 394 00:29:03,480 --> 00:29:08,720 ipinagpalagay na ang kagubatan ng Amazon ay di pa nagagalaw. 395 00:29:09,720 --> 00:29:11,560 Na di ito ginalaw ng mga tao. 396 00:29:11,640 --> 00:29:14,840 At ngayon, alam na natin na marami sa mga puno rito, 397 00:29:14,920 --> 00:29:19,680 mga Brazil nut, mga palmera, ay medyo nalinang na, 398 00:29:19,760 --> 00:29:22,360 o nalinang at naalagaan na, 399 00:29:22,440 --> 00:29:26,240 kaya nagbago na 'yong pagkakaunawa namin sa gubat. 400 00:29:28,080 --> 00:29:33,360 Isa itong tunay na scientific project na matagal nang nangyayari sa Amazon. 401 00:29:36,600 --> 00:29:38,120 Gaano na ba katagal? 402 00:29:40,320 --> 00:29:41,760 Ang nakapagtataka, 403 00:29:41,840 --> 00:29:44,800 ang pinakamatagal na petsa ng pag-aalaga ng puno 404 00:29:44,880 --> 00:29:48,440 na natagpuan sa Amazon ay nasa 10,800 taon na. 405 00:29:50,480 --> 00:29:52,440 Nasa katapusan 'yon ng Ice Age, 406 00:29:52,520 --> 00:29:56,320 sa mismong panahon na nakikita natin 'yong parehong pag-unlad 407 00:29:56,400 --> 00:30:00,160 sa sibilisasyon at pagbabago ng mga tao sa buong mundo. 408 00:30:03,200 --> 00:30:06,360 Mapapatanong tayo kung ano pa kaya ang matatagpuan 409 00:30:06,440 --> 00:30:09,000 sa malawak na kagubatan ng Amazon 410 00:30:09,080 --> 00:30:13,240 na hindi naman talaga dapat naroon pero malinaw na naroon. 411 00:30:17,880 --> 00:30:21,360 Gaya ng nakita natin sa mga gawang bato ng sinaunang Peru, 412 00:30:21,440 --> 00:30:25,720 itong mauunlad na proyektong pang-agrikultura at pamayanan sa Amazon 413 00:30:26,240 --> 00:30:28,360 na nagsimula libo-libong taon na 414 00:30:28,440 --> 00:30:30,760 ay tila nagpapakita ng mga siyentipikong obra 415 00:30:30,840 --> 00:30:34,480 na, sa totoo lang, di inasahan sa loob ng matagal na panahon. 416 00:30:37,840 --> 00:30:41,920 Kailangan nating baguhin ang pagkakaunawa natin sa Amazon. 417 00:30:42,000 --> 00:30:46,480 Kailangan natin itong tingnan bilang produkto ng katalinuhan, inisyatiba, 418 00:30:46,560 --> 00:30:49,240 kakayahan, at hangarin ng mga tao. 419 00:30:50,560 --> 00:30:53,720 Ang pinakamagandang halimbawa ng Amazonian technology 420 00:30:53,800 --> 00:30:58,200 ay maaaring nagmula rin sa isang di inaasahang bagay para sa kaalamang ito. 421 00:31:05,040 --> 00:31:08,040 Bumalik ako sa Peruvian Amazon para malaman pa. 422 00:31:09,600 --> 00:31:12,960 Ito ang Iquitos, isang daungang lungsod na nasa sangandaan 423 00:31:13,040 --> 00:31:15,760 kung saan dumadaloy sa malaking ilog ang iba pang sapa. 424 00:31:17,040 --> 00:31:18,920 Maaaring bago lang ang daungan, 425 00:31:19,000 --> 00:31:21,960 pero ang rehiyong ito ay, sa libo-libong taon, 426 00:31:23,160 --> 00:31:26,160 ang sentro ng isang malalim na tradisyon, 427 00:31:26,240 --> 00:31:28,000 ang paggamit ng ayahuasca. 428 00:31:33,240 --> 00:31:36,760 Si Dr. Luis Eduardo Luna ay isang Indigenous anthropologist 429 00:31:36,840 --> 00:31:40,320 at nangungunang eksperto sa sinaunang halamang gamot na ito. 430 00:31:41,880 --> 00:31:44,720 Marami na akong nakita na umiinom ng ayahuasca, 431 00:31:44,800 --> 00:31:47,280 at nagulat ako sa mga nararanasan nila, 432 00:31:47,360 --> 00:31:50,160 minsan, naglalakbay sila sa ibang mundo, 433 00:31:50,240 --> 00:31:52,400 minsan, nagninilay-nilay lang sila, 434 00:31:52,480 --> 00:31:55,440 naghahanap ng solusyon sa mga problema nila. 435 00:31:55,520 --> 00:31:58,920 Ano'ng nangyayari? May mga pagbabago ba sa buhay nila? 436 00:31:59,000 --> 00:32:01,200 Maraming tao ang sumusulat sa 'kin 437 00:32:01,280 --> 00:32:04,400 na nakakapagpabago ng buhay 'yong mga karanasang 'yon, 438 00:32:04,480 --> 00:32:06,600 binago 'yong pananaw nila. 439 00:32:08,440 --> 00:32:11,240 Ang paggamit ng ayahuasca ay sumikat kamakailan 440 00:32:11,320 --> 00:32:13,320 sa ating kasalukuyang lipunan. 441 00:32:14,880 --> 00:32:17,200 Pero para sa mga katutubo sa Amazon, 442 00:32:17,280 --> 00:32:20,280 matagal nang may sagradong kapangyarihan ang inumin. 443 00:32:22,040 --> 00:32:24,440 Maraming katutubo ang nagsasabing 444 00:32:24,520 --> 00:32:27,800 umiinom sila ng ayahuasca para maintindihan ang tuntunin ng lipunan, 445 00:32:27,880 --> 00:32:30,160 maging mas mabuting mga tao. 446 00:32:34,200 --> 00:32:39,360 Ang paghahanda ng ayahuasca ay tungkulin ng mga manggagamot na shaman o curanderos. 447 00:32:42,720 --> 00:32:46,840 Gaya ni Don Francisco Montes Shuna na mula sa mga katutubong Capanahua, 448 00:32:47,760 --> 00:32:51,360 na dapat magbuga ng usok mula sa sinaunang species ng tabako 449 00:32:51,440 --> 00:32:54,640 na tinatawag na mapacho para linisin ang ritwal. 450 00:32:57,320 --> 00:33:02,960 Sa wikang Capanahua, ang pangalan ko ay Shamorin Kyashi Piary, 451 00:33:03,880 --> 00:33:07,720 na ang ibig sabihin ay "Anghel ng Kagubatan." 452 00:33:19,440 --> 00:33:22,120 Mula ako sa angkan ng mga manggagamot. 453 00:33:23,000 --> 00:33:27,120 Nararamdaman ko ang koneksiyon sa lahat ng mga ninuno ko, 454 00:33:27,640 --> 00:33:32,440 sa lola ko, sa lola ko sa tuhod, sa buong pamilya. 455 00:33:32,520 --> 00:33:38,880 Konektado kami at ramdam ko 'yon sa mga bagay na may kinalaman sa Amazonia. 456 00:33:41,120 --> 00:33:43,840 Habang umuusad ang pananaliksik, nabubuo ang ebidensiya 457 00:33:43,920 --> 00:33:46,280 na mainam sa kalusugan ang ayahuasca. 458 00:33:49,400 --> 00:33:53,440 Kapag pinakuluan, ang tangkay pa lang nito ay nakapagpapagaling na 459 00:33:53,520 --> 00:33:57,360 dahil sa molecule nito na kilala sa siyensiya na harmine. 460 00:34:00,320 --> 00:34:03,040 May mga pag-aaral na nagsasabi ng neurogenesis, 461 00:34:03,600 --> 00:34:06,840 na makakagawa ng mga bagong neuron 'yong harmine, 462 00:34:06,920 --> 00:34:09,960 pati mga bagong beta cell para sa pancreas. 463 00:34:10,040 --> 00:34:14,440 At siguro mga bagong cell para sa mga litid at iba pa. 464 00:34:16,800 --> 00:34:19,880 Maaaring mabisang gamot ang harmine na nasa tangkay, 465 00:34:21,600 --> 00:34:24,040 pero hindi ito nakalilikha ng pangitain. 466 00:34:24,680 --> 00:34:28,520 Mangyayari lang 'yon pag inihalo ito sa dahon ng iba pang halaman 467 00:34:28,600 --> 00:34:32,800 na likas sa Amazon gaya nitong tinatawag na chaliponga, 468 00:34:35,240 --> 00:34:39,120 na merong psychoactive chemical na nasa ayahuasca, 469 00:34:39,640 --> 00:34:42,440 ang DMT, pinaiksing dimethyltryptamine. 470 00:34:46,200 --> 00:34:49,920 Itinuturing ang DMT na isa sa mga pinakamabisang psychedelic. 471 00:34:50,520 --> 00:34:54,080 Pero kinumpirma ngayon ng pananaliksik na hindi ito addictive 472 00:34:54,880 --> 00:34:57,360 at may mga nakagagaling na katangian 473 00:34:57,440 --> 00:35:00,280 kapag ininom sa wastong dami at kondisyon. 474 00:35:03,840 --> 00:35:07,840 Natutuklasan namin na kapag may kasamang talking therapy, 475 00:35:07,920 --> 00:35:10,480 malaki ang maitutulong nito para mapagaling 476 00:35:10,560 --> 00:35:12,520 ang mga malalang karamdaman. 477 00:35:16,280 --> 00:35:18,120 Pero may isang problema. 478 00:35:18,720 --> 00:35:21,200 Hindi iniinom ang DMT 479 00:35:21,280 --> 00:35:25,160 dahil sinisira ito ng mga enzyme na nasa bituka. 480 00:35:27,240 --> 00:35:31,240 Dito papasok ang kaalaman ng shaman ng Amazon 481 00:35:31,960 --> 00:35:33,600 na may mahusay na solusyon. 482 00:35:35,320 --> 00:35:38,480 Ang mangyayari, 'yong harmine na nasa tangkay, 483 00:35:38,560 --> 00:35:42,720 pipigilan nito 'yong pagkasira ng DMT sa bituka, 484 00:35:43,240 --> 00:35:46,080 para makapunta 'yong DMT sa blood-brain barrier, 485 00:35:46,160 --> 00:35:49,520 papasok sa mga receptor sa utak. 486 00:35:50,080 --> 00:35:52,920 'Yon ang nagbibigay ng mga pangitain, 'yong DMT. 487 00:35:54,280 --> 00:35:55,240 Ang resulta? 488 00:35:55,800 --> 00:35:59,280 Sa libo-libong species ng mga halaman sa Amazon, 489 00:36:00,200 --> 00:36:05,480 ang kombinasyon ng tangkay ng ayahuasca at mga dahon ng halamang may DMT lang 490 00:36:05,560 --> 00:36:08,880 ang makapagbibigay ng pinakaaasam na pangitain. 491 00:36:12,040 --> 00:36:17,560 Mayroong dalawang halaman, na hindi psychoactive kung sila lang, 492 00:36:17,640 --> 00:36:20,240 pero psychoactive kapag isinamang iniluto 493 00:36:20,320 --> 00:36:22,280 para makagawa ng ayahuasca. 494 00:36:22,800 --> 00:36:28,400 Ilang siglo o milenyo ang lumipas bago nagtagumpay ang experimentong ito. 495 00:36:30,160 --> 00:36:33,560 Tingin ko may palaisipan dito. Paano nila ito natuklasan? 496 00:36:33,640 --> 00:36:36,760 Para sa 'kin, parang isang scientific project 'yon. 497 00:36:36,840 --> 00:36:38,400 Oo, tama. 498 00:36:38,480 --> 00:36:41,200 Base 'yon sa karanasan. Base sa obserbasyon. 499 00:36:41,280 --> 00:36:44,760 Base sa pag-eeksperimento, tuloy-tuloy na pag-eeksperimento. 500 00:36:44,840 --> 00:36:46,760 -Sa loob ng libong taon? -Tama. 501 00:36:49,240 --> 00:36:53,720 Libo-libong taon na ang tradisyong ito. 502 00:36:55,240 --> 00:36:59,200 Hindi natin masasabi. Dalawang libo, tatlong libong taon… 503 00:37:01,560 --> 00:37:04,480 Nakakakuha tayo sa Amazon ng ebidensiya ng siyensiya, 504 00:37:04,560 --> 00:37:08,480 'yong mga kaalaman na natutunan at ipinasa ng mga katutubong shaman 505 00:37:08,560 --> 00:37:10,520 sa loob ng maraming henerasyon, 506 00:37:11,120 --> 00:37:14,680 libo-libong taon na, tungkol sa mga halaman at katangian nito 507 00:37:14,760 --> 00:37:18,640 at kung paano sila paghahaluin para makuha ang inaasam na resulta. 508 00:37:29,080 --> 00:37:33,320 Sa seremonya ng ayahuasca, tatawagin ng shaman ang mga pangitain 509 00:37:33,400 --> 00:37:36,560 sa pagkanta ng ikaro, isang mahiwagang kanta. 510 00:37:43,400 --> 00:37:46,400 Pero pinangangasiwaan lang ng shaman ang seremonya. 511 00:37:48,080 --> 00:37:51,280 Ang mismong halaman ang itinuturing na guro. 512 00:37:53,120 --> 00:37:54,720 Pag uminom ka ng ayahuasca, 513 00:37:56,120 --> 00:37:59,640 kailangan mong maghanda ng tanong. 514 00:38:00,160 --> 00:38:01,800 Magbibigay siya ng sagot. 515 00:38:07,600 --> 00:38:10,720 Ang kapangyarihan ng psychedelics na makapagkamit ng karunungan 516 00:38:10,800 --> 00:38:12,480 ay hindi lamang sa Amazon. 517 00:38:14,040 --> 00:38:18,840 Makikita ito sa mga pinakasinauna at pinakaiginagalang na mga kultura. 518 00:38:20,600 --> 00:38:24,240 Malinaw na 'yong mga tinatawag nating psychedelics ngayon 519 00:38:24,320 --> 00:38:26,800 ay tinanggap sa buong sinaunang mundo. 520 00:38:30,040 --> 00:38:31,280 Sa Sinaunang Greece, 521 00:38:31,360 --> 00:38:35,280 isinulat nina Socrates at Plato ang nakamit na karunungan 522 00:38:35,360 --> 00:38:38,760 matapos uminom ng inuming nakapagbibigay ng mga pangitain. 523 00:38:39,760 --> 00:38:43,160 Ipinahihiwatig ng mga hieroglyph sa Egypt na kumain sila ng petals 524 00:38:43,240 --> 00:38:47,560 mula sa psychoactive na blue water lily para makipag-ugnayan sa mga diyos. 525 00:38:48,520 --> 00:38:51,320 At sa mga pag-aalay ng Vedic ng sinaunang India, 526 00:38:51,400 --> 00:38:54,280 ang mga pari na nais makipag-ugnayan sa mga diyos 527 00:38:54,360 --> 00:38:57,200 ay umiinom ng inumin na kilala bilang soma. 528 00:38:59,360 --> 00:39:03,640 Ang katotohanang tinanggap itong pagkakaroon ng naiibang kamalayan 529 00:39:03,720 --> 00:39:05,680 sa buong prehistory at kasaysayan 530 00:39:05,760 --> 00:39:09,160 ay nagsasabi na mahalaga sila sa karanasan ng tao. 531 00:39:09,680 --> 00:39:13,160 Tingin ko imposible na maunawaan ang sinaunang mundo 532 00:39:13,240 --> 00:39:15,160 kung di isasama 'yong mga psychedelic. 533 00:39:17,080 --> 00:39:19,760 Sa pananaw mo, gaano na katagal ang ayahuasca? 534 00:39:19,840 --> 00:39:23,920 Pinag-eksperimentuhan 'yon ng libo-libong taon. Baka mas matagal pa. 535 00:39:24,880 --> 00:39:28,000 -Pakiramdam ko napakatagal na nito. -Oo. 536 00:39:28,080 --> 00:39:29,960 Isa itong malaking misteryo. 537 00:39:32,280 --> 00:39:35,280 Naniniwala ako na ang siyensiya ng ayahuasca 538 00:39:35,360 --> 00:39:37,880 ay mas matagal pa kaysa sa iniisip ninuman. 539 00:39:38,720 --> 00:39:40,280 At may ebidensiyang magpapatunay. 540 00:40:14,120 --> 00:40:16,680 Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz