1 00:00:10,176 --> 00:00:12,512 In three, two… 2 00:00:13,888 --> 00:00:18,560 Welcome sa The Ultimatum: Queer Love Season 2 Reunion. 3 00:00:18,643 --> 00:00:20,311 Ako si JoAnna Garcia Swisher. 4 00:00:20,395 --> 00:00:22,981 Isang taon na no'ng natapos ang Ultimatum. 5 00:00:23,064 --> 00:00:26,484 At ngayon, aalamin natin kung ano'ng nangyari 6 00:00:26,568 --> 00:00:27,861 mula no'ng magdesisyon sila. 7 00:00:27,944 --> 00:00:30,155 May couple na bang nagpakasal? 8 00:00:30,238 --> 00:00:33,491 May nagbago ba ng isip? May nagsisisi? 9 00:00:33,575 --> 00:00:36,745 Bumalik silang lahat. Walang hindi pag-uusapan. 10 00:00:56,014 --> 00:00:57,557 Hi! 11 00:01:00,143 --> 00:01:01,978 Para kang sirena. 12 00:01:03,313 --> 00:01:04,230 Hello, Ashley! 13 00:01:08,693 --> 00:01:09,819 Ang gaganda n'yo. 14 00:01:10,403 --> 00:01:12,030 -Ikaw din. -Salamat. 15 00:01:12,614 --> 00:01:16,618 Ngayon lang nangyaring natapos ang season na lima sa anim na couple 16 00:01:16,701 --> 00:01:18,578 ang nangahas na maging engaged. 17 00:01:18,661 --> 00:01:23,249 -Gusto ko nang marinig ang kuwento n'yo. -Tandaan mo, isang taon na 'yon. 18 00:01:23,333 --> 00:01:27,212 Pag binabalikan namin, naiisip naming ang dami ngang nangyari. 19 00:01:27,295 --> 00:01:28,379 Ginawa namin 'yon. 20 00:01:28,463 --> 00:01:30,340 Nagkaro'n kami ng malalim na connection. 21 00:01:30,423 --> 00:01:31,257 Oo naman. 22 00:01:31,341 --> 00:01:34,803 Nagpapasalamat kami sa pag-unlad na nakuha namin sa isa't isa. 23 00:01:34,886 --> 00:01:37,722 Pumasok ako dito na iniisip kong walang makakasira sa 'min, 24 00:01:37,806 --> 00:01:41,184 pero muntik akong umalis na hindi kilala si Haley. 25 00:01:41,267 --> 00:01:43,728 Pero naisip ko, last year pa 'yon. Nakakaloka. 26 00:01:43,812 --> 00:01:46,481 Nakakabaliw 'yong sitwasyon naming lahat. 27 00:01:46,564 --> 00:01:48,900 Pero ngayon, gusto kong maging masaya lahat. 28 00:01:48,983 --> 00:01:52,070 Siguro hindi kami magiging best friends sa experience na 'to. 29 00:01:52,153 --> 00:01:55,198 Pero wala ako sa lugar na ayoko sa inyo 30 00:01:55,281 --> 00:01:58,618 o sa nangyari, kasi wala na tayo do'n. 31 00:01:58,701 --> 00:01:59,536 -Oo nga. -Tama. 32 00:01:59,619 --> 00:02:01,079 Pag-usapan na natin. 33 00:02:01,162 --> 00:02:02,413 Britney at AJ. 34 00:02:02,497 --> 00:02:03,790 -Uy. -Hi. 35 00:02:03,873 --> 00:02:06,209 Engaged na kayo no'ng huli namin kayong nakita. 36 00:02:06,292 --> 00:02:08,711 Kumusta ang pakiramdam na ma-engage? 37 00:02:08,795 --> 00:02:10,171 Sobrang saya. 38 00:02:10,255 --> 00:02:13,508 Sa tingin ko, mas lumakas ang pagmamahalan namin. 39 00:02:13,591 --> 00:02:18,138 Nagkaro'n kami ng mas matibay na relasyon sa Diyos. 40 00:02:18,221 --> 00:02:19,472 Tapos… 41 00:02:19,556 --> 00:02:21,224 Iba ba ang pakiramdam? 42 00:02:21,307 --> 00:02:22,642 Medyo, oo. 43 00:02:22,725 --> 00:02:26,771 Parang nagkaro'n kami ng pakiramdam na mas magkasundo kami, 44 00:02:26,855 --> 00:02:28,481 mas maasikaso sa isa't isa. 45 00:02:28,565 --> 00:02:33,027 Lahat ng natutunan namin sa Ultimatum experience, 46 00:02:33,111 --> 00:02:35,071 ginagamit namin sa totoong buhay. 47 00:02:35,155 --> 00:02:37,115 -Oo nga. -Natuto ako ng work-life balance. 48 00:02:37,198 --> 00:02:39,742 -Okay. -Mas maasikaso na 'ko sa baby ko. 49 00:02:39,826 --> 00:02:41,578 -Gusto ko 'yan. -Ang saya. 50 00:02:41,661 --> 00:02:47,167 Sobrang nakakataba ng puso na makitang umunlad ang love story n'yo. 51 00:02:47,250 --> 00:02:51,087 Lalo na dahil ang gaganda ng mga nasasabi n'yo. 52 00:02:51,171 --> 00:02:54,132 Nakilala n'yo ang isa't isa sa maayos na kalagayan. 53 00:02:54,215 --> 00:02:57,135 Kung magpapakatotoo ako, 54 00:02:57,218 --> 00:03:00,597 may kinalaman si Marita sa ilang parte no'n, 55 00:03:00,680 --> 00:03:04,684 kasi sinabi niya talaga sa 'kin "Kung papipiliin sa negosyo o sa 'yo, 56 00:03:04,767 --> 00:03:06,436 ikaw ang lagi niyang pipiliin." 57 00:03:06,519 --> 00:03:08,646 Minulat ni Marita 'yong mga mata ko 58 00:03:08,730 --> 00:03:12,567 na maintindihang ginagawa ni Britney ang negosyong 'to para sa 'min, 59 00:03:12,650 --> 00:03:14,110 sa kinabukasan namin. 60 00:03:14,194 --> 00:03:16,946 Marita, lagi kong sinasabi na nagpapasalamat ako sa 'yo. 61 00:03:17,030 --> 00:03:20,700 Kung hindi dahil sa 'yo, sa tingin ko, hindi ko makakatabi 62 00:03:20,783 --> 00:03:23,870 ang pinakamamahal ko sa sofa na 'to. 63 00:03:23,953 --> 00:03:25,705 Salamat sa sinabi mo. 64 00:03:25,788 --> 00:03:29,083 Masasabi ko rin na hindi lang kami naging magkaibigan, e. 65 00:03:29,167 --> 00:03:32,587 Nag-connect nang malalim 'yong emotions namin 66 00:03:32,670 --> 00:03:34,881 na tumulong sa pag-unlad namin. 67 00:03:34,964 --> 00:03:37,091 Parte ng experience 'yon. 68 00:03:37,175 --> 00:03:40,803 Gusto kong naging tungkol 'to sa pagbuo at pangangarap nang magkasama. 69 00:03:40,887 --> 00:03:43,139 'Yon ang gumagawa ng hindi masisirang samahan. 70 00:03:43,223 --> 00:03:44,057 Totoo. 71 00:03:44,140 --> 00:03:47,310 Sinigurado ko lang na tama na 'yong nakuha niya 72 00:03:47,393 --> 00:03:49,270 kesa do'n sa binigay ko dati. 73 00:03:49,354 --> 00:03:51,439 In-upgrade ko sa sobrang pasasalamat ko. 74 00:03:51,522 --> 00:03:54,525 Patingin nga. Oh my Lord. Okay. Ayos. 75 00:03:55,068 --> 00:03:57,487 -Binigyan ko siya ng upgrade. -Oo naman. 76 00:03:58,446 --> 00:04:01,115 AJ, marami kaming natutunan sa 'yo sa experience na 'to. 77 00:04:01,199 --> 00:04:03,409 Madalas, ikaw 'yong nagkukuwento. 78 00:04:03,493 --> 00:04:05,536 -Tingnan natin. -Diyos ko po. 79 00:04:05,620 --> 00:04:07,538 I-test na natin ang single AJ. 80 00:04:07,622 --> 00:04:09,874 Tingnan natin kung anong AJ ang makukuha natin. 81 00:04:11,334 --> 00:04:13,753 Lahat may binibigay kay AJ. 82 00:04:13,836 --> 00:04:15,838 Hindi ko alam ano'ng kailangan ni AJ. 83 00:04:17,006 --> 00:04:19,342 Naranasan nila si AJ. Nagustuhan naman nila. 84 00:04:19,425 --> 00:04:22,136 -Ang cute niya. -Hindi ko kilala ang AJ na 'to. 85 00:04:22,220 --> 00:04:24,806 Baka ibang AJ na 'yong kausap natin. 86 00:04:26,474 --> 00:04:28,685 Alam niyang gusto niyang pakasalan si AJ. 87 00:04:28,768 --> 00:04:30,103 Pa'no naman si AJ? 88 00:04:30,687 --> 00:04:35,149 Pagiging totoo sa ginagawa ni AJ, pag nagsasalita si AJ, 89 00:04:35,233 --> 00:04:37,277 saka pag nagtatanong si AJ. 90 00:04:37,360 --> 00:04:41,072 Maraming kailangang ayusin si AJ bago siya makaisip na magpakasal. 91 00:04:41,155 --> 00:04:41,990 Marami pa. 92 00:04:42,073 --> 00:04:45,576 Walang pahinga si AJ. Lagi na lang. 93 00:04:45,660 --> 00:04:47,495 Kaya nga ganyan si AJ, e. 94 00:04:48,121 --> 00:04:49,580 Oh my God. 95 00:04:50,123 --> 00:04:52,375 -Nakakatawa 'yon. -Gusto ko 'yon. Nakakatawa. 96 00:04:52,458 --> 00:04:55,628 May tanong ako sa inyong lahat. Ngayong napanood n'yo na, 97 00:04:55,712 --> 00:04:59,299 sa tingin n'yo, naging mapangahas si AJ no'ng dating week? 98 00:04:59,382 --> 00:05:01,217 Oo naman. Ten out of ten. 99 00:05:01,718 --> 00:05:03,261 -Ten out of ten? Okay. -Oo. 100 00:05:03,344 --> 00:05:04,804 Gusto mong ipaliwanag? 101 00:05:04,887 --> 00:05:08,349 Binalaan ako ni Marita. "Hindi mo magugustuhan ang pinag-uusapan namin." 102 00:05:08,433 --> 00:05:11,269 Tapos nakita ko pa'no siya makipag-usap sa lahat. 103 00:05:11,352 --> 00:05:13,396 Medyo kakaiba para sa 'kin, 104 00:05:13,479 --> 00:05:16,482 pero baka ako lang 'yon na hindi ko maintindihan. 105 00:05:16,566 --> 00:05:19,360 Kasi hindi gano'n 'yong habol ko dito. 106 00:05:19,444 --> 00:05:23,406 Parang lahat ng pakikipag-usap ni AJ, 107 00:05:23,489 --> 00:05:24,991 masyado siyang sexual. 108 00:05:26,242 --> 00:05:29,495 Bilang tao, nakaka-connect ni AJ lahat ng nakikilala niya. 109 00:05:29,579 --> 00:05:32,540 Mahahanap niya 'yong puso ng taong kinakausap niya. 110 00:05:32,623 --> 00:05:35,084 Kikilalanin niya nang personal, 111 00:05:35,168 --> 00:05:38,254 pero wala namang malisya. 112 00:05:38,338 --> 00:05:40,340 Gano'n lang talaga si AJ. 113 00:05:40,423 --> 00:05:41,257 Tama. 114 00:05:41,341 --> 00:05:45,762 Kahit sa pagtingin ko, nagpapakatotoo lang si AJ. 115 00:05:45,845 --> 00:05:49,932 Kilala ko ang sarili ko, alam ko ano'ng kaya kong ibigay, 116 00:05:50,725 --> 00:05:52,727 lalo na 'yong kakulangan ko. 117 00:05:52,810 --> 00:05:54,145 Siguro no'ng dating week, 118 00:05:54,228 --> 00:05:57,815 inaalam ko pa ano'ng kailangan ko no'ng mga panahong 'yon. 119 00:05:57,899 --> 00:06:01,486 Maraming pinag-usapan, maraming malalalim na pag-uusap, 120 00:06:01,569 --> 00:06:03,988 maraming romantic na usapan. Ang dami talaga. 121 00:06:04,072 --> 00:06:06,866 Inaalam ko lang 'yon sa paraang alam ni AJ. 122 00:06:06,949 --> 00:06:09,327 Sa paraang alam ko. 123 00:06:09,827 --> 00:06:11,788 -Ayan na naman. -Na naman, 'no? 124 00:06:11,871 --> 00:06:13,206 Aayusin ko nga 'yon. 125 00:06:13,915 --> 00:06:14,749 Pero ayun. 126 00:06:15,917 --> 00:06:17,877 Marie, no'ng trial marriage mo, 127 00:06:17,960 --> 00:06:20,421 sabi mo, damang-dama mo na mag-isa ka. 128 00:06:20,505 --> 00:06:23,883 Sa tingin mo, nagkulang sa 'yo si AJ bilang trial wife? 129 00:06:26,969 --> 00:06:28,971 Ginawa ni AJ 'yong makakaya niya. 130 00:06:30,098 --> 00:06:32,016 Wala nang iba pa? 131 00:06:32,100 --> 00:06:32,934 Wala na. 132 00:06:36,479 --> 00:06:39,190 Naging close ba kayo ni AJ pagkatapos ng experience? 133 00:06:39,273 --> 00:06:40,316 Hindi. 134 00:06:40,400 --> 00:06:42,235 Hindi ako nakipag-close. 135 00:06:42,819 --> 00:06:44,320 Medyo nakakalungkot. 136 00:06:44,404 --> 00:06:46,114 Hindi. Wag kang malungkot. 137 00:06:46,197 --> 00:06:49,117 Nakakalungkot na wala tayong relasyon sa labas 138 00:06:49,200 --> 00:06:51,702 kasi akala ko, binibigyan kita ng space. 139 00:06:51,786 --> 00:06:53,955 Gusto mo ba ng relasyon sa labas? 140 00:06:54,038 --> 00:06:57,166 -Pareho lang tayo ng street. -Maging friends tayo? Ano'ng mukha 'yan? 141 00:06:57,250 --> 00:06:58,668 Wala, sabi ko lang, oo. 142 00:06:58,751 --> 00:07:01,129 Sinabi ko 'yan sa 'yo no'ng nagkita tayo. 143 00:07:01,796 --> 00:07:05,466 May gusto ka bang sabihin kay Marie sa trial marriage nila? 144 00:07:06,175 --> 00:07:08,094 Maganda ang simula ng trial marriage n'yo. 145 00:07:08,177 --> 00:07:10,638 Naiintindihan ko ba't pinili n'yo ang isa't isa. 146 00:07:10,721 --> 00:07:13,349 Alam ko saan nagbago lahat para sa 'yo. 147 00:07:13,433 --> 00:07:15,143 No'ng sinabi ni AJ na nagkita kami, 148 00:07:15,226 --> 00:07:17,687 kasi nawawala na ako sa sarili ko. 149 00:07:17,770 --> 00:07:21,566 Pagkatapos siguro no'n, saka na naging mahirap para sa 'yo. 150 00:07:21,649 --> 00:07:24,444 Sinabi mo sa 'kin sa ilang cocktail party 151 00:07:24,527 --> 00:07:27,613 na pakiramdam mo, wala do'n si AJ para sa 'yo. 152 00:07:28,489 --> 00:07:31,868 Kahit na tanungin ko pa, alamin ko pa kung bakit, 153 00:07:31,951 --> 00:07:34,328 parang ang dating lang talaga, 154 00:07:34,412 --> 00:07:38,541 sinisisi mo si AJ para sa mga bagay na hindi naman sa kanya nanggagaling. 155 00:07:39,959 --> 00:07:43,421 Britney, napanood ko ang episodes one hanggang nine. 156 00:07:43,504 --> 00:07:45,923 Nakita ko kung ano'ng naramdaman mo 157 00:07:47,133 --> 00:07:50,470 sa buong sitwasyon na 'yon 158 00:07:50,970 --> 00:07:53,848 na hindi siya romantic. 159 00:07:54,474 --> 00:07:56,726 Iba 'yong naging dating sa akin 160 00:07:56,809 --> 00:07:59,479 kasi pinili mong mahirapan, 161 00:07:59,562 --> 00:08:02,607 pero may best friend kang tumulong na lampasan 'yon. 162 00:08:04,108 --> 00:08:07,612 Nakita n'yo, hindi traditional 'yong pagsasama namin ni Marita. 163 00:08:07,695 --> 00:08:10,448 Di gano'n 'yong naisip namin, saka hindi gano'n ang show. 164 00:08:10,531 --> 00:08:13,493 -Masaya 'ko na naging maayos 'yon. -Sinisisi mo ba 'ko do'n? 165 00:08:13,576 --> 00:08:16,162 -Hindi naman. Hindi talaga. -Parang gano'n, e. 166 00:08:16,245 --> 00:08:17,788 Kung nagkasama kami ni Marita, 167 00:08:17,872 --> 00:08:19,957 tapos sinulit namin 'yong trial marriage, 168 00:08:20,041 --> 00:08:22,752 ano'ng kinalaman no'n sa trial marriage n'yo? 169 00:08:22,835 --> 00:08:25,796 Sinasabi ko lang na ibang-iba ang experience na 'yon. 170 00:08:25,880 --> 00:08:30,051 Nakita ko sina Mel at Dayna, tapos nakita ni AJ kayo ni Marita, 171 00:08:30,134 --> 00:08:31,969 hindi mo alam ang pagkakaiba? 172 00:08:32,053 --> 00:08:34,055 -Alam kong magkaiba 'yon. -Okay. 173 00:08:34,138 --> 00:08:35,097 Nakita namin 'yon. 174 00:08:35,181 --> 00:08:37,141 Pero dahil magkaiba 'yon, hindi ko… 175 00:08:37,225 --> 00:08:38,935 Kunwari naging baligtad. 176 00:08:39,018 --> 00:08:41,145 Hindi ako magagalit sa iba. 177 00:08:41,229 --> 00:08:43,940 -Wala namang galit. -E, ba't pinag-uusapan 'to? 178 00:08:44,023 --> 00:08:47,068 Nag-uusap tayo, e. Reunion 'to. Ganito 'yon, di ba? 179 00:08:47,568 --> 00:08:49,904 Lagi kong nilalakad sa labas 'yong aso ko. 180 00:08:49,987 --> 00:08:53,533 Siguro, naramdaman niya lang na mag-isa siya at walang makausap, 181 00:08:53,616 --> 00:08:56,619 kasi lagi kayong tumatakas para magsama. 182 00:08:56,702 --> 00:08:59,622 -Lagi kayong nasa labas. -Hala, time out. 183 00:08:59,705 --> 00:09:01,958 -Hindi kayo… -Inamin n'yo naman, e. 184 00:09:02,041 --> 00:09:05,253 Sa tingin ko, ang sinasabi ni Marie, itama mo ako kung mali. 185 00:09:05,336 --> 00:09:07,880 -Ayokong magsalita para sa 'yo. -Itatama talaga kita. 186 00:09:07,964 --> 00:09:11,884 Sa tingin ko, sinasabi niya lang na nagkikita pa rin kayo. 187 00:09:11,968 --> 00:09:16,055 Andun kayo bilang support system ng isa't isa. 188 00:09:16,138 --> 00:09:19,559 Naging tapat ako kay Marie tungkol sa lahat, 189 00:09:19,642 --> 00:09:22,478 tungkol sa nangyayari at sa ginagawa namin ni Britney. 190 00:09:22,562 --> 00:09:24,522 Na nagkikita kaming dalawa. 191 00:09:24,605 --> 00:09:27,775 Kasi priority ko siya no'n bilang trial marriage wife, 192 00:09:27,858 --> 00:09:30,111 sabi ko sa kanya, "Okay ka lang ba dito?" 193 00:09:30,194 --> 00:09:31,487 Pinakamahalaga ang respeto. 194 00:09:31,571 --> 00:09:34,991 Kung may malasakit kayong dalawa, 195 00:09:35,074 --> 00:09:37,577 bilang magkarelasyon, unit, Mrs. at Mrs., 196 00:09:37,660 --> 00:09:39,870 kung may pakialam talaga kayo sa nangyayari, 197 00:09:39,954 --> 00:09:43,624 buong-buo, 100% n'yong makikita kung saan ako nanggagaling. 198 00:09:43,708 --> 00:09:46,752 Sa tingin ko, naghihinanakit ka o meron kang malaking galit. 199 00:09:46,836 --> 00:09:48,754 Hindi ko alam ang tawag do'n. 200 00:09:48,838 --> 00:09:52,925 Kasi nakita ako ni AJ sa panahong pinanghihinaan ako at kailangan ko siya. 201 00:09:53,009 --> 00:09:55,303 Nakita mo rin si Mel. 202 00:09:57,555 --> 00:10:01,517 -Oo, pero hindi siya nag-hi sa 'kin. -Hindi namin problema 'yon. 203 00:10:01,601 --> 00:10:05,271 Oo nga, pero nagmalasakit ba kayo? Tao sa tao? 204 00:10:05,354 --> 00:10:06,188 Oo naman. 205 00:10:06,272 --> 00:10:08,482 Hindi ako nagtanim ng galit. 206 00:10:08,566 --> 00:10:09,817 Ayoko 'yon para sa 'yo. 207 00:10:09,900 --> 00:10:11,944 Totoo. Hindi okay 'yon. 208 00:10:12,028 --> 00:10:13,863 Sinabi ko kay Mel na hindi okay 'yon. 209 00:10:13,946 --> 00:10:18,034 Sinasabi ko lang na kakaibang experience 'yon. 210 00:10:18,117 --> 00:10:21,996 Hindi ako nang-aaway. Sinasabi ko lang nang malinaw, mabilis, 211 00:10:22,079 --> 00:10:23,497 may awa kung kailangan. 212 00:10:23,581 --> 00:10:25,625 Sinusubukan kong maging mabait, 213 00:10:25,708 --> 00:10:27,835 kasi ang dami kong nararamdaman. 214 00:10:27,918 --> 00:10:30,880 Maiintindihan 'yon ng mga nakapanood ng episode one to nine. 215 00:10:30,963 --> 00:10:32,256 Oo. 216 00:10:32,340 --> 00:10:35,468 Sa tingin ko, sobrang hirap ng pinagdaanan mo. 217 00:10:35,551 --> 00:10:38,596 Kung meron akong dapat ginawa, sana sinabi mo, 218 00:10:38,679 --> 00:10:40,848 kasi do'n ako totoong uunlad. 219 00:10:40,931 --> 00:10:43,351 Ginawa mo 'yong… Hindi. 220 00:10:44,352 --> 00:10:46,437 Nagpapasalamat ako sa nangyari. 221 00:10:46,520 --> 00:10:51,525 Marami akong natutunan sa buong panahong 'yon. 222 00:10:51,609 --> 00:10:55,196 Pero totoo, buong puso akong masaya na makita kayong masaya. 223 00:10:56,113 --> 00:10:57,490 Okay, sige. 224 00:10:58,074 --> 00:10:59,825 May wedding date na ba kayo? 225 00:11:00,493 --> 00:11:02,370 Wala pa. Wala pang date ng kasal. 226 00:11:03,954 --> 00:11:06,082 -May naiisip kaming city. -Oo nga. 227 00:11:06,165 --> 00:11:08,000 -Destination. Okay. -Oo. 228 00:11:08,084 --> 00:11:09,502 Lilipad papunta do'n. 229 00:11:09,585 --> 00:11:11,879 May oxtail ba do'n sa pupuntahan n'yo? 230 00:11:11,962 --> 00:11:13,005 Naku po. 231 00:11:14,090 --> 00:11:15,132 Wala siguro. 232 00:11:15,216 --> 00:11:16,967 Nag-iisip na kami ng ideas, 233 00:11:17,051 --> 00:11:19,178 pero wala pa talaga kaming plano. 234 00:11:19,261 --> 00:11:23,057 I-enjoy n'yo lang 'yan kasi magical time 'yan sa relasyon n'yo. 235 00:11:23,140 --> 00:11:25,184 -Masaya 'yan. Binabati ko kayo. -Salamat. 236 00:11:25,851 --> 00:11:29,146 Okay, lumipat naman tayo sa nagdesisyong maghiwalay. 237 00:11:29,230 --> 00:11:31,148 Sa kakaibang pangyayari, 238 00:11:31,232 --> 00:11:35,528 'yong nagbigay ng ultimatum ang ayaw nang ma-engage sa huli. 239 00:11:35,611 --> 00:11:37,279 Ashley at Marita. 240 00:11:37,863 --> 00:11:39,699 Marita, kuwentuhan mo kami. 241 00:11:39,782 --> 00:11:42,410 Nag-usap na ba kayo ni Ashley mula no'ng experience? 242 00:11:42,493 --> 00:11:43,494 Oo. 243 00:11:43,577 --> 00:11:47,248 No'ng naghiwalay kami ni Ashley sa araw ng desisyon, 244 00:11:47,957 --> 00:11:51,001 nasaktan ako, hindi ko alam ang iisipin. 245 00:11:51,085 --> 00:11:52,753 Hindi ko alam ang mararamdaman. 246 00:11:52,837 --> 00:11:58,801 Pag-uwi namin, ginagamit niya pa rin ako. 247 00:11:58,884 --> 00:12:03,222 Pinalayas ko siya. Sabi ko, bumalik na siya sa Indiana. 248 00:12:03,723 --> 00:12:06,809 Nakipaghiwalay ako sa kanya. May 'yon. 249 00:12:07,393 --> 00:12:10,855 Para alam n'yo, di kami nagkabalikan pagkatapos ng show. 250 00:12:10,938 --> 00:12:13,023 Galit siya kasi hindi kami na-engage. 251 00:12:13,774 --> 00:12:16,736 Pumunta kami sa Key West pagkatapos. Ang saya namin no'n. 252 00:12:16,819 --> 00:12:18,195 Alam n'yo ang nangyari? 253 00:12:18,279 --> 00:12:21,031 -Kinabukasan… -Patapusin mo akong magsalita. 254 00:12:21,115 --> 00:12:24,869 …nagpakuha ako sa mga producer ng kuwarto kasi heartbroken ako. 255 00:12:24,952 --> 00:12:29,665 Humingi ka ng blessing sa papa ko, tapos no'ng makita kita, 256 00:12:29,749 --> 00:12:30,833 hindi ka nag-propose. 257 00:12:30,916 --> 00:12:33,127 Heartbroken ako. Mahal kita, e. 258 00:12:33,210 --> 00:12:34,420 Ako rin naman. 259 00:12:34,503 --> 00:12:39,091 -Nagmakaawa akong magbalikan tayo. -Hinanda mo ang kotse ko papunta sa Keys. 260 00:12:39,175 --> 00:12:41,427 "Kasi hindi mahalaga 'yong show." 261 00:12:41,510 --> 00:12:42,928 "Palabas lang 'yon." 262 00:12:43,012 --> 00:12:45,055 "Walang kuwenta 'yon. Mahal pa rin kita." 263 00:12:45,139 --> 00:12:46,932 Alam mo? Gaslighting 'yon. 264 00:12:47,016 --> 00:12:49,935 Hindi, a. Hindi lang ako nagpakatotoo 265 00:12:50,019 --> 00:12:51,729 kasi may camera sa paligid. 266 00:12:51,812 --> 00:12:53,147 Gano'n lang ako. 267 00:12:53,230 --> 00:12:56,358 -Wala akong personalidad na— -Alam ko ang totoo sa 'yo. 268 00:12:57,526 --> 00:13:01,614 Pag-usapan natin 'yong mamamatay na ang lolo ko. 269 00:13:03,073 --> 00:13:04,867 Nasa amin ako sa California, 270 00:13:06,368 --> 00:13:07,745 tapos itong isang 'to, 271 00:13:08,412 --> 00:13:09,622 niloloko ako. 272 00:13:09,705 --> 00:13:11,248 -Kayo no'n? -Hindi. 273 00:13:11,332 --> 00:13:13,250 -Tayo no'n. -Pwede siyang makipag-date. 274 00:13:13,334 --> 00:13:16,212 Kung hindi kayo, pwede niyang gawin ang gusto niya. 275 00:13:16,295 --> 00:13:17,630 Kayo ba no'n? 276 00:13:17,713 --> 00:13:20,883 Uupo lang ako dito hangga't di mo 'ko pinagsasalita. 277 00:13:20,966 --> 00:13:23,886 Hindi ko alam ba't nangunguna ka sa usapang 'to. 278 00:13:23,969 --> 00:13:25,346 Hindi ka naman kasali dito. 279 00:13:25,429 --> 00:13:27,598 Kayo ba ni Ashley no'n o hindi? 280 00:13:28,182 --> 00:13:29,016 Kami. 281 00:13:29,099 --> 00:13:32,269 Ilang beses mo 'kong niloko? Magsasabi ako ng lima ngayon. 282 00:13:32,353 --> 00:13:33,187 Wala akong ginawa… 283 00:13:33,270 --> 00:13:36,106 Galit na galit ako sa 'yo. Sana alam mo 'yan. 284 00:13:36,190 --> 00:13:37,024 -Wow. -Teka lang. 285 00:13:37,107 --> 00:13:38,943 -Hindi kita kinakaya. -Time out. 286 00:13:39,026 --> 00:13:41,695 Para lang alam mo, mamamatay na 'yong lola ko. 287 00:13:41,779 --> 00:13:44,740 Wala akong pakialam. Bakit? Kasi wala ka ring pakialam. 288 00:13:44,824 --> 00:13:46,659 -Niloko mo 'ko. -Di ka seryoso diyan. 289 00:13:46,742 --> 00:13:48,702 Sige. Kumalma muna tayong lahat. 290 00:13:48,786 --> 00:13:50,079 -Sorry. -Pasensiya na. 291 00:13:50,162 --> 00:13:51,247 Sige, umalis ka. 292 00:13:51,330 --> 00:13:53,123 -Marita. -Ang sama mo… 293 00:14:00,714 --> 00:14:01,799 Tara na. 294 00:14:02,633 --> 00:14:07,471 Parang… Totoo namang… Hindi ako makakapagpaalam sa kanya. 295 00:14:07,555 --> 00:14:08,681 Check ko lang siya. 296 00:14:09,849 --> 00:14:12,059 -Pwede ba kitang yakapin? -Oo. 297 00:14:12,142 --> 00:14:14,228 -Salamat. -Love na love kita. 298 00:14:15,646 --> 00:14:16,480 Love kita. 299 00:14:16,564 --> 00:14:18,858 Parang pressure cooker 'to. Sensitive kayo. 300 00:14:18,941 --> 00:14:21,652 Matataas ang emosyon n'yo. Iba-iba ang pagtingin. 301 00:14:21,735 --> 00:14:25,197 Kahit hindi kayo magkasundo, gusto kitang bigyan 302 00:14:25,281 --> 00:14:27,449 ng pagkakataong magkuwento. 303 00:14:27,533 --> 00:14:30,369 Gusto ko ring ibigay kay Ashley 'yon 304 00:14:30,452 --> 00:14:32,705 pag bumalik siya at pag handa na siya. 305 00:14:34,164 --> 00:14:35,291 Hindi ka masama. 306 00:14:36,709 --> 00:14:39,295 -Minahal ko siya nang sobra. -Alam ko. 307 00:14:39,378 --> 00:14:41,797 Alam ko. Mabigat ang pinagdaraanan mo ngayon. 308 00:14:42,298 --> 00:14:43,799 Madami kang pinagdadaanan. 309 00:14:44,300 --> 00:14:47,094 Malungkot ako para sa lola at lolo n'yo. 310 00:14:47,177 --> 00:14:48,012 Pareho. 311 00:14:48,095 --> 00:14:49,096 Salamat. 312 00:14:49,179 --> 00:14:53,183 Pero nalulungkot din ako para sa parents niya. Ang sama no'n. 313 00:14:54,476 --> 00:14:57,062 Hindi ako ang nagloko habang namamatay 'yong lolo niya. 314 00:14:57,146 --> 00:14:59,398 Wala rin akong niloko, beh. 315 00:14:59,481 --> 00:15:01,483 Naiintindihan kita. Andun na tayo. 316 00:15:02,318 --> 00:15:03,319 Huminga tayo. 317 00:15:03,986 --> 00:15:05,112 Okay. 318 00:15:11,452 --> 00:15:13,537 -Hindi mo deserve 'yon. -Tol, grabe… 319 00:15:14,163 --> 00:15:16,040 Sobrang… 320 00:15:16,582 --> 00:15:17,416 Alam ko. 321 00:15:17,499 --> 00:15:20,336 Alam kong gagawin niya 'to. Hindi ko ginawa 'yon. 322 00:15:21,670 --> 00:15:24,673 Sobrang emotional at tindi ng moment na 'to. 323 00:15:24,757 --> 00:15:28,594 Sana lang, makatulong ako sa inyong lahat dito. 324 00:15:28,677 --> 00:15:31,055 Importante sa 'kin ang nararamdaman at iniisip n'yo. 325 00:15:36,560 --> 00:15:37,686 Pasensiya na. 326 00:15:38,729 --> 00:15:42,358 Hindi ko inaasahang mangyari 'yon. Kaya pasensiya na. 327 00:15:44,026 --> 00:15:47,363 Masaya 'ko, nakabalik na kayo. Ashley, kumusta ka? 328 00:15:48,948 --> 00:15:50,324 Hindi mabuti. 329 00:15:53,786 --> 00:15:57,206 Ang sakit na marinig kay Marita 'yon, 330 00:15:57,289 --> 00:16:00,167 kasi nag-usap naman kami. 331 00:16:01,460 --> 00:16:05,297 Umamin ako sa mga kasalanang 332 00:16:05,381 --> 00:16:08,300 hindi maayos 'yong pagharap ko sa mga sitwasyon noon. 333 00:16:08,384 --> 00:16:12,012 Pero nagulat lang ako, kasi hindi ko kayang 334 00:16:12,096 --> 00:16:13,806 isigaw na galit ako sa kanya. 335 00:16:17,685 --> 00:16:18,602 Kasi hindi, e. 336 00:16:19,853 --> 00:16:23,065 No'ng mga buwan na hindi ko siya makausap, kasi binlock niya 'ko, 337 00:16:23,148 --> 00:16:26,652 umiyak lang ako nang umiyak, pero umabot ako sa puntong 338 00:16:26,735 --> 00:16:29,488 nagsimula akong mabuo at nakita ko ang halaga ko. 339 00:16:29,571 --> 00:16:31,657 Kaya nga andito ako ngayon. 340 00:16:31,740 --> 00:16:34,827 Kinakabahan ako na mangyayari 'to, 341 00:16:34,910 --> 00:16:37,246 kasi hindi namin 'to napag-usapan nang maayos. 342 00:16:38,747 --> 00:16:40,749 Marami kayong nararamdaman ngayon, 343 00:16:40,833 --> 00:16:44,461 pero balikan natin ang nangyari sa Miami. 344 00:16:45,254 --> 00:16:50,217 Marita, gusto kong malaman ano'ng iniisip mo no'ng marinig mo 345 00:16:50,300 --> 00:16:53,679 na binabawi ni Ashley 'yong pagbibigay ng ultimatum. 346 00:16:53,762 --> 00:16:55,806 Ano'ng naramdaman mo no'n? 347 00:16:56,432 --> 00:17:00,227 Hindi ko alam na nag-usap sina Bridget, Ashley, at Kyle tungkol do'n. 348 00:17:00,310 --> 00:17:01,228 Masakit. 349 00:17:01,311 --> 00:17:06,525 Hindi ko alam na kinumbinsi n'yo si Ashley na bawiin 'yong ultimatum sa 'kin. 350 00:17:07,568 --> 00:17:09,236 Hindi ako natuwa do'n. 351 00:17:09,737 --> 00:17:12,573 Sa lahat ng episode, 352 00:17:12,656 --> 00:17:16,035 parang hindi ka naman masyadong nag-effort, 353 00:17:18,537 --> 00:17:20,164 tapos sinabi mo pa 'yan. 354 00:17:22,207 --> 00:17:23,751 Walang kakulangan sa pagmamahal. 355 00:17:23,834 --> 00:17:26,295 Mahal na mahal ka ni Ashley. 356 00:17:26,378 --> 00:17:29,214 Sigurado akong mahal ka pa rin niya, gaya ng sinasabi niya. 357 00:17:29,298 --> 00:17:32,760 Hindi namin siya kinumbinsi na bawiin 'yong ultimatum. 358 00:17:32,843 --> 00:17:35,846 Hindi 'yon ang nangyari. Lagi kaming nag-uusap 359 00:17:35,929 --> 00:17:39,016 tungkol sa pag-unlad ni Ashley, kung ano'ng gusto niyang mabago. 360 00:17:39,099 --> 00:17:40,851 Kung ano'ng inaayos niya. 361 00:17:40,934 --> 00:17:43,645 Kaya ko sinabing bawiin na lang 'yong ultimatum, 362 00:17:43,729 --> 00:17:46,023 kasi ang hirap ng unang linggo natin, 363 00:17:46,106 --> 00:17:47,566 lagi tayong nag-aaway. 364 00:17:47,649 --> 00:17:50,778 Maraming beses akong umiyak na baka mawala ka sa 'kin. 365 00:17:50,861 --> 00:17:52,821 Ang ganda ng relasyon natin. 366 00:17:53,822 --> 00:17:55,324 Emotional pa rin ako. 367 00:17:56,909 --> 00:17:58,660 Ang hirap kasi, e. 368 00:17:59,161 --> 00:18:01,080 Para 'kong nawalan ng best friend. 369 00:18:04,666 --> 00:18:05,793 Sorry. 370 00:18:06,293 --> 00:18:08,128 Ano'ng pakiramdam marinig 'yon? 371 00:18:08,837 --> 00:18:10,714 Tama naman 'yon. 372 00:18:10,798 --> 00:18:13,967 Hindi ko makakalimutan 'yong naging relasyon namin. 373 00:18:14,051 --> 00:18:18,347 Sa tingin ko, maraming naging highlight. 374 00:18:18,430 --> 00:18:23,102 Sobrang minahal talaga kita. 375 00:18:27,314 --> 00:18:31,193 Sa tingin n'yo, meron pa kayong pagkakataon na magkabalikan? 376 00:18:31,902 --> 00:18:36,240 Siyempre, umaasa ako na gano'n. Umaasa din ako na makapag-usap kami. 377 00:18:38,158 --> 00:18:40,661 Magpapakatotoo ako. Lagi ko siyang naiisip. 378 00:18:40,744 --> 00:18:45,791 Siya 'yong taong laging magiging mahalaga sa 'kin. 379 00:18:46,291 --> 00:18:50,420 Sa tingin ko, para sa 'kin, magiging matagal 'yon 380 00:18:50,504 --> 00:18:53,215 lalo na dahil sa pagtatapos namin. 381 00:18:54,216 --> 00:18:56,969 Kasi nasaktan talaga ako 382 00:18:57,052 --> 00:18:59,513 sa ginawa mo sa 'kin. 383 00:19:00,514 --> 00:19:02,558 Maraming salamat sa pagbabahagi. 384 00:19:02,641 --> 00:19:05,686 Masaya ako na may mga nasabi kayo ngayon 385 00:19:05,769 --> 00:19:08,730 na sana umabot sa pag-heal n'yo. 386 00:19:09,439 --> 00:19:11,733 Kahit man lang sa pag-unawa sa isa't isa. 387 00:19:13,110 --> 00:19:13,944 Okay. 388 00:19:14,945 --> 00:19:17,406 Lumipat naman tayo kina Mel at Marie. 389 00:19:18,240 --> 00:19:20,534 Sasabihin ko lang 'yong nakikita ko. 390 00:19:20,617 --> 00:19:23,495 Nasa magkabilang parte kayo ng kuwartong 'to. 391 00:19:23,579 --> 00:19:24,872 Hindi kayo magkatabi. 392 00:19:24,955 --> 00:19:27,457 Malaking pagbabago 'yon sa huling kita namin sa inyo. 393 00:19:27,541 --> 00:19:30,836 Mel, ano'ng kalagayan ng relasyon n'yo ni Marie? 394 00:19:31,336 --> 00:19:33,672 Wala na 'yong "relasyon n'yo ni Marie." 395 00:19:35,883 --> 00:19:36,717 Period. 396 00:19:36,800 --> 00:19:37,885 Ano'ng nangyari? 397 00:19:38,468 --> 00:19:40,554 Bago 'yan, may tanong ako. 398 00:19:41,138 --> 00:19:41,972 Dayna, 399 00:19:43,849 --> 00:19:45,934 ang haba ng mga pag-uusap natin 400 00:19:46,018 --> 00:19:48,770 kung bakit sa tingin mo, mahalaga si Mel sa 'yo. 401 00:19:48,854 --> 00:19:51,273 Nag-sex ba kayo ni Mel 402 00:19:52,900 --> 00:19:55,360 bago n'yo ako tabihan at kausapin? 403 00:19:57,988 --> 00:20:01,033 Nag-kiss kami bago 'yong cocktail party. 404 00:20:01,116 --> 00:20:02,242 Higit pa do'n? 405 00:20:02,743 --> 00:20:06,163 Saka lang may nangyari pagkatapos ng unang cocktail party. 406 00:20:06,246 --> 00:20:07,456 Pagkatapos ng party. 407 00:20:07,539 --> 00:20:09,708 Ang hirap panoorin ng sarili ko. 408 00:20:10,375 --> 00:20:14,755 Ang hirap makita na nasasaktan ka, 409 00:20:14,838 --> 00:20:18,926 naramdaman ko… nakonsensiya ako 410 00:20:19,009 --> 00:20:22,137 na hindi ko sinabi sa 'yo 'yon. 411 00:20:22,221 --> 00:20:24,973 No'ng panahong 'yon, nagpalusot ako. 412 00:20:26,016 --> 00:20:29,228 Nangatuwiran ako na wala ako sa lugar. 413 00:20:29,311 --> 00:20:33,065 Mali 'yong pag-aakala ko no'ng panahon na 'yon 414 00:20:33,148 --> 00:20:35,025 na sa kabila ng mga nangyari, 415 00:20:35,108 --> 00:20:40,197 darating pa sa puntong magiging magkaibigan tayo. 416 00:20:40,280 --> 00:20:41,823 Unfair 'yon sa 'yo. 417 00:20:41,907 --> 00:20:43,700 Pasensiya ka na talaga. 418 00:20:44,284 --> 00:20:45,118 Okay. 419 00:20:46,161 --> 00:20:47,412 Sige, tuloy mo na. 420 00:20:48,080 --> 00:20:50,082 Di ko na alam ang pinag-uusapan. 421 00:20:50,165 --> 00:20:52,292 Tinanong 'yong nangyari sa 'tin. 422 00:20:52,376 --> 00:20:54,419 Ayaw mo na sa 'kin. 423 00:20:56,171 --> 00:20:57,047 Totoo ba 'yon? 424 00:20:58,215 --> 00:20:59,925 Hiniwalayan ko siya. 425 00:21:00,008 --> 00:21:02,844 Ang nakakatawa, bago pa ipalabas 'yong mga episode. 426 00:21:04,012 --> 00:21:06,056 Nakakahiya 'yon kung hindi, di ba? 427 00:21:06,139 --> 00:21:07,391 Kailan kayo naghiwalay? 428 00:21:07,474 --> 00:21:11,311 Mga ilang buwan pagkauwi namin. 429 00:21:11,979 --> 00:21:15,691 Sinubukan kong gumawa ng mga bagay na pansarili lang. 430 00:21:16,275 --> 00:21:18,402 Naglagay ako ng mga hangganan. 431 00:21:18,485 --> 00:21:20,612 Hindi na 'ko madalas sa food truck 432 00:21:21,446 --> 00:21:24,032 hangga't hindi kailangan. 433 00:21:25,325 --> 00:21:28,495 Alam ko na 'yong taong inoohan ko, 434 00:21:28,578 --> 00:21:30,455 nag-aalangan sa maraming bagay. 435 00:21:30,539 --> 00:21:32,916 Akala mo, hindi ko alam na hindi ka magkakaanak? 436 00:21:34,126 --> 00:21:35,794 Talaga ba? 437 00:21:35,877 --> 00:21:37,087 Okay. 438 00:21:37,879 --> 00:21:40,507 Kilala na kita sa halos buong buhay mo. 439 00:21:40,590 --> 00:21:41,425 Ano pa? 440 00:21:41,508 --> 00:21:45,470 No'ng nalaman mong may lupus ka, akala mo ba hindi ako nag-research? 441 00:21:45,554 --> 00:21:47,764 -Para saan 'yong mga libro sa lupus? -Sige pa. 442 00:21:47,848 --> 00:21:49,308 Ano pa'ng alam mo? 443 00:21:50,267 --> 00:21:52,311 Hindi asaran 'to, Mel. Nag-uusap tayo. 444 00:21:52,394 --> 00:21:53,520 Nakikipag-usap ako. 445 00:21:54,187 --> 00:21:56,148 Talaga? Kasi parang nang-iinis ka lang. 446 00:21:56,815 --> 00:21:57,941 Ano pa'ng alam mo? 447 00:21:58,025 --> 00:22:00,152 Hindi pwedeng tanong ang sagot mo sa tanong. 448 00:22:00,235 --> 00:22:01,153 Okay. 449 00:22:01,236 --> 00:22:02,612 Nainis na rin ako, e. 450 00:22:02,696 --> 00:22:06,116 Ano'ng meron sa Brussels sprouts? Ba't ka nagluto no'n? 451 00:22:06,199 --> 00:22:08,327 Bakit ka nagagalit tungkol do'n? 452 00:22:08,410 --> 00:22:09,953 Gusto mo 'yong Brussels sprouts? 453 00:22:10,954 --> 00:22:13,915 Marie, hindi ko naiintindihan ang kaugnayan no'n. 454 00:22:13,999 --> 00:22:15,834 -Napanood mo ba 'yong episodes? -Oo. 455 00:22:15,917 --> 00:22:17,961 Ginawan ka niya ng Brussels sprouts, di ba? 456 00:22:18,045 --> 00:22:19,880 -Oo. -Hindi mo naaalala. 457 00:22:19,963 --> 00:22:21,006 Ipapaliwanag ko. 458 00:22:21,089 --> 00:22:21,965 Nagustuhan mo ba? 459 00:22:22,549 --> 00:22:23,383 Oo. 460 00:22:24,343 --> 00:22:26,219 Marie, ano ba? Tama na 'yan. 461 00:22:26,303 --> 00:22:29,056 Sobrang babaw ng mga sinasabi mo… 462 00:22:29,139 --> 00:22:30,265 Hindi mababaw 'yon. 463 00:22:30,349 --> 00:22:33,226 -Mababaw? Seryoso ka ba? -Brussels sprouts, tol. 464 00:22:33,310 --> 00:22:35,020 Sino'ng nagturo sa 'yo no'n? 465 00:22:35,103 --> 00:22:37,481 -Wala kang tinuro sa 'kin. -Nakakaloka. 466 00:22:37,564 --> 00:22:39,483 -Nakakatawa 'yon. -Ang cute. 467 00:22:41,735 --> 00:22:43,779 Sino na'ng nagpapatakbo ng food truck? 468 00:22:45,364 --> 00:22:46,323 'Tong taong 'to. 469 00:22:47,657 --> 00:22:49,534 Kikita 'yon. 470 00:22:50,869 --> 00:22:52,371 -Salamat. -Di mo 'ko kailangan. 471 00:22:52,454 --> 00:22:54,664 May gusto akong itanong kay Haley. 472 00:22:54,748 --> 00:22:58,710 Nakausap mo si Marie sa isa sa mga cocktail party, 473 00:22:58,794 --> 00:23:02,089 sinabi mo sa kanyang medyo nagiging romantic na 474 00:23:02,172 --> 00:23:04,466 sina Dayna at Mel. 475 00:23:04,549 --> 00:23:06,259 Meron kang mga resibo. 476 00:23:06,343 --> 00:23:10,555 Gusto ko lang malaman, 'yong Spotify playlist ba 'yong resibo? 477 00:23:10,639 --> 00:23:11,681 Oo. 'Yon nga. 478 00:23:11,765 --> 00:23:12,599 Okay. 479 00:23:12,682 --> 00:23:16,645 Tingnan natin 'yong imbestigasyon sa sinasabing pruweba na 'yon. 480 00:23:18,897 --> 00:23:23,026 Nagbukas 'yong mga account n'yo. Puro sex playlist ang laman. 481 00:23:23,819 --> 00:23:25,404 Sex playlist? 482 00:23:25,487 --> 00:23:30,158 -Hindi ko alam kung anong pruweba 'yon. -Pa'no lumabas 'yong Spotify sa TV nila? 483 00:23:30,826 --> 00:23:35,580 Shared private playlist 'yon na para kina Mel at Dayna lang. 484 00:23:35,664 --> 00:23:41,336 Three Weeks ang pangalan na may rainbow emoji at ring emoji. 485 00:23:41,420 --> 00:23:44,714 Parang hindi naman pruweba 'yon. Baka may magagandang kanta do'n. 486 00:23:44,798 --> 00:23:46,800 Baka gusto lang nilang pakinggan. 487 00:23:46,883 --> 00:23:51,388 May mga malilibog na kanta sa playlist, tapos pinakikinggan nila 488 00:23:51,471 --> 00:23:54,182 sa kahina-hinalang oras sa gabi. 489 00:23:54,266 --> 00:23:57,894 Hindi ka siguro naglilinis ng bahay habang nakikinig ng boom boom music. 490 00:23:57,978 --> 00:24:00,480 Ano'ng kinalaman no'n? Playlist lang 'yon. Ano ba? 491 00:24:00,564 --> 00:24:05,235 Playlist lang 'yong pinag-iinitan mo. Kumalma ka nga. Seryoso. 492 00:24:05,318 --> 00:24:06,820 May sex playlist ka ba? 493 00:24:08,488 --> 00:24:11,241 -Meron ka? -Oo naman. Kailangan ng sex playlist. 494 00:24:11,825 --> 00:24:14,661 Sabi ni Dayna, "Pinagagawa ako ni Magan ng Spotify. 495 00:24:14,744 --> 00:24:17,080 Ayoko nga," pero gumawa siya para sa 'kin. 496 00:24:17,164 --> 00:24:19,082 -Kaya sabi ko, sorry. -Grabe. 497 00:24:21,418 --> 00:24:23,086 -Ayos lang. -Diyos ko. 498 00:24:23,628 --> 00:24:27,424 -Ikuwento n'yo ang playlist na 'to. -Buti single ako. Sasabihin ko lang. 499 00:24:27,507 --> 00:24:28,425 Gusto kong marinig. 500 00:24:28,508 --> 00:24:30,552 Wala nga ni isang sex song. 501 00:24:30,635 --> 00:24:33,221 Oo. 'Yon ang pinakamalungkot na sex playlist. 502 00:24:33,305 --> 00:24:34,473 Sobrang lungkot. 503 00:24:34,556 --> 00:24:36,516 Kung sex playlist 'yon, ang lungkot no'n. 504 00:24:36,600 --> 00:24:38,977 Kasi puro pang-heartbreak, saka love songs 'yon. 505 00:24:39,060 --> 00:24:40,520 Hindi siya… 506 00:24:40,604 --> 00:24:43,523 Walang kahit isang kanta do'n na para sa gano'n. 507 00:24:43,607 --> 00:24:46,151 Para sabihin mong pruweba 'yong playlist 508 00:24:46,234 --> 00:24:48,320 na may ginagawa 'yong dalawang tao. 509 00:24:48,403 --> 00:24:50,989 Una, wala ka sa lugar. Pangalawa, baliw ka. 510 00:24:51,072 --> 00:24:54,117 Dapat hindi ka nakisawsaw kung hindi ka kasali. 511 00:24:54,201 --> 00:24:57,037 Pero may ginagawa ba kayo o wala? 512 00:24:57,120 --> 00:24:59,623 Si Magan 'yong unang nagsabing pruweba 'yon. 513 00:24:59,706 --> 00:25:01,374 Maling salita lang siguro. 514 00:25:01,458 --> 00:25:05,837 Hindi ko na dapat inulit 'yong mga salitang pruweba at resibo. 515 00:25:05,921 --> 00:25:07,964 Wala… Hindi gano'n 'yon. 516 00:25:08,048 --> 00:25:11,218 Wala kang binanggit sa cocktail party tungkol sa ginagawa n'yo. 517 00:25:11,301 --> 00:25:13,678 Kahit alam ng lahat, wala kang sinabi. 518 00:25:13,762 --> 00:25:15,805 -Ikaw rin, wala. -Sinabi ko kay Pilar. 519 00:25:15,889 --> 00:25:18,975 Mabuti 'yon para sa 'yo, pero hindi namin pakikialaman 'yon. 520 00:25:19,726 --> 00:25:21,811 Pero kung may hinala ako, 521 00:25:21,895 --> 00:25:26,274 nasa lugar akong sabihin sa kaibigan ko 'yong mga hinala ko. 522 00:25:26,983 --> 00:25:29,110 Unfair 'yon para kay Haley. 523 00:25:29,194 --> 00:25:31,154 Kasi kahit ano pa 'yon, 524 00:25:32,322 --> 00:25:33,573 merong nangyari. 525 00:25:33,657 --> 00:25:34,866 -Tama naman. -Period. 526 00:25:36,326 --> 00:25:38,703 Nakita natin ulit 'yong cocktail party. 527 00:25:38,787 --> 00:25:42,332 Hindi naman tuwirang sinabi ni Haley na nag-sex sina Mel at Dayna. 528 00:25:44,125 --> 00:25:46,753 Alam kong iba-iba ang kahulugan natin sa sex. 529 00:25:46,836 --> 00:25:51,424 Tingnan natin ang tingin ng ilan sa inyo kung ano ang sex. 530 00:25:51,508 --> 00:25:52,717 -Oh God. -Oh Jesus. 531 00:25:53,677 --> 00:25:57,013 Magkakaiba ang kahulugan ng mga tao pagdating sa sex. 532 00:25:57,097 --> 00:25:59,349 Sexual na yakapan. 533 00:25:59,432 --> 00:26:00,600 Pwedeng sex 'yon. 534 00:26:00,684 --> 00:26:04,688 Pag hetero couple ang tinanong, siyempre, alam n'yo na 'yon, di ba? 535 00:26:04,771 --> 00:26:05,897 Gano'n. 536 00:26:07,607 --> 00:26:12,362 Pero pagdating sa mga lesbian at queer, mas malawak pag sinabing sex. 537 00:26:12,445 --> 00:26:13,655 Sasabihin ko sa 'yo. 538 00:26:14,406 --> 00:26:17,701 Pag kinalikot mo 'yong puki niya, sex na 'yon sa ibang grupo, di ba? 539 00:26:18,493 --> 00:26:20,287 Kainin mo 'ko, kakainin kita. 540 00:26:20,787 --> 00:26:22,247 Tapos. Good night. 541 00:26:22,330 --> 00:26:24,249 Kahit anong pagpasok. 542 00:26:24,749 --> 00:26:28,086 Pag may pinasok kang kahit ano sa kanya, pwedeng sex na 'yon. 543 00:26:28,169 --> 00:26:30,714 Gusto mo ng five-dollar Footlong o ten-inch na titi? 544 00:26:30,797 --> 00:26:31,840 -Ewan ko. -Tama na. 545 00:26:32,465 --> 00:26:34,593 Dapat gamitin ang bibig at daliri. 546 00:26:34,676 --> 00:26:38,138 Kahit anong pwede mong magamit. 547 00:26:38,221 --> 00:26:40,557 Sinusubukan kong wag masyadong maging graphic. 548 00:26:40,640 --> 00:26:45,020 Ang sex para sa 'kin, ginamit 'yong bibig. 549 00:26:48,064 --> 00:26:50,817 Hindi kami nag-sex ni Mel nang gano'n. 550 00:26:50,900 --> 00:26:53,069 Hindi namin fininger ang isa't isa. Wala. 551 00:26:55,864 --> 00:26:58,283 Iba-iba ang dating ng sex sa lahat. 552 00:26:58,825 --> 00:27:01,911 'Yong tinuturing mong sex, pwedeng hindi sex sa 'kin. 553 00:27:02,412 --> 00:27:03,997 Wag mong sabihin 'yan. 554 00:27:04,497 --> 00:27:05,332 'Yong hawakan. 555 00:27:05,415 --> 00:27:06,541 Intimacy 'yon. 556 00:27:06,625 --> 00:27:07,626 Period. 557 00:27:07,709 --> 00:27:12,005 Baka malaman ko na lang, lulusot na siya sa ibig sabihin ng sex. 558 00:27:17,135 --> 00:27:20,555 Mel, ayon sa kahulugan, nag-sex ba kayo ni Dayna? 559 00:27:23,683 --> 00:27:25,143 Kahulugan nino? 560 00:27:25,226 --> 00:27:26,519 Kahulugan mo. 561 00:27:30,690 --> 00:27:32,525 Walang pakialam kahit sino. 562 00:27:32,609 --> 00:27:36,738 Pagod na 'ko sa mga taong iniisip na dapat malaman nila. 563 00:27:36,821 --> 00:27:38,114 Sa 'min lang 'yon ni Mel 564 00:27:38,198 --> 00:27:41,409 at ng mga taong kasama namin nang personal. 565 00:27:41,493 --> 00:27:43,286 Hindi kami nag-sex. 566 00:27:43,370 --> 00:27:44,663 May nangyari sa 'min. 567 00:27:44,746 --> 00:27:47,040 Kung gusto nilang manghimasok, bahala sila. 568 00:27:47,123 --> 00:27:49,125 Nag-usap na kami ni Magan. 569 00:27:49,209 --> 00:27:51,044 'Yong iba, wag kayong makialam. 570 00:27:52,629 --> 00:27:53,463 Okay. 571 00:27:53,963 --> 00:27:56,216 Mel, no'ng trial marriage n'yo ni Dayna, 572 00:27:56,299 --> 00:28:00,595 kinausap ka ni Marie sa kotse para tanungin kung nag-sex kayo ni Dayna. 573 00:28:00,679 --> 00:28:02,389 Linawin lang natin dito. 574 00:28:02,472 --> 00:28:05,892 Pakiramdam mo ba, nagsinungaling ka sa kanya no'n? 575 00:28:07,477 --> 00:28:10,939 Sa hindi ko pagsasabi na may nangyaring intimate, 576 00:28:11,022 --> 00:28:12,524 nagsinungaling ako do'n. 577 00:28:12,607 --> 00:28:16,152 Pero kung ang panggagalingan natin 578 00:28:16,236 --> 00:28:20,198 'yong mismong pinag-usapan natin tungkol sa teknikalidad, 579 00:28:20,281 --> 00:28:21,157 hindi. 580 00:28:21,241 --> 00:28:25,036 Hindi ko sasabihing gumagamit ako ng butas, 581 00:28:25,120 --> 00:28:29,374 kasi hindi kami nag-sex. Hindi kami umabot sa gano'n. 582 00:28:29,958 --> 00:28:34,713 Pero para sabihing walang nangyari na meron naman talaga, 583 00:28:34,796 --> 00:28:35,714 oo naman. 584 00:28:38,299 --> 00:28:40,510 Magan, nakita naming nahirapan kang iproseso 585 00:28:40,593 --> 00:28:43,722 'yong nangyayari sa trial marriage nina Dayna at Mel. 586 00:28:44,472 --> 00:28:46,766 Pagkatapos mong mapanood, ano'ng pakiramdam mo? 587 00:28:47,767 --> 00:28:50,228 Kung magpapakatotoo lang ako, 588 00:28:50,729 --> 00:28:52,522 pag magkasama kami ni Dayna, 589 00:28:52,605 --> 00:28:55,483 meron kaming kakaibang klase ng energy. 590 00:28:55,567 --> 00:28:58,778 No'ng magkasama sila ni Mel, 591 00:28:58,862 --> 00:29:00,697 may sariling energy din sila. 592 00:29:01,573 --> 00:29:03,742 Nagkaro'n din ako ng ibang energy 593 00:29:03,825 --> 00:29:05,994 no'ng magkasama kami ni Haley. 594 00:29:06,828 --> 00:29:09,038 Niyakap namin 'yon. 595 00:29:09,122 --> 00:29:11,416 Iniintindi namin pa'no maging mabuting partner. 596 00:29:11,499 --> 00:29:14,586 Inaalam namin ang kailangan namin bilang indibidwal. 597 00:29:14,669 --> 00:29:15,920 Gusto ko 'yan. 598 00:29:17,756 --> 00:29:21,634 Mel, nakausap mo ba si Dayna mula no'ng Ultimatum Day? 599 00:29:22,761 --> 00:29:24,763 Hindi. 600 00:29:26,181 --> 00:29:27,682 Sinubukan niya 'kong kausapin. 601 00:29:28,558 --> 00:29:30,518 Dayna, bakit mo tinawagan si Mel? 602 00:29:30,602 --> 00:29:33,229 Nag-FaceTime ako sa kanya, kasi FaceTimer ako, e. 603 00:29:33,313 --> 00:29:35,482 Nag-FaceTime ako, pero hindi siya sumagot. 604 00:29:35,565 --> 00:29:37,734 Nag-send na lang ako ng message. 605 00:29:37,817 --> 00:29:40,069 Two months niya 'kong ghinost. 606 00:29:40,987 --> 00:29:43,281 After two months, sumagot siya, 607 00:29:43,364 --> 00:29:45,909 "Nakuha ko ang message mo. Salamat." 608 00:29:45,992 --> 00:29:46,868 "Ayos lang tayo." 609 00:29:46,951 --> 00:29:50,288 Ayun na talaga 'yon. 610 00:29:50,371 --> 00:29:52,791 Nagpa-matching tattoo kayo no'n. 611 00:29:52,874 --> 00:29:53,708 Oo. 612 00:29:53,792 --> 00:29:56,419 Ano na'ng ibig sabihin no'n sa inyo? 613 00:29:56,503 --> 00:29:58,963 Ang naisip namin kaya kami nagpa-tattoo, 614 00:29:59,047 --> 00:30:02,592 kasi may malaking posibilidad 615 00:30:02,675 --> 00:30:05,011 na wala na kami sa buhay ng isa't isa pagkatapos. 616 00:30:05,094 --> 00:30:08,556 Kaya pagdating sa tattoo, 617 00:30:08,640 --> 00:30:10,809 kahit pa'no, meron kami nito. 618 00:30:10,892 --> 00:30:12,852 Maiintindihan ng kahit sino dito 619 00:30:12,936 --> 00:30:16,523 na nag-connect sa trial partner nila. Sobrang lalim ng connection na 'yon. 620 00:30:17,357 --> 00:30:20,151 Para sa 'kin, 'yon ang halaga ng tattoo. 621 00:30:20,735 --> 00:30:23,363 Hindi kailangang tattoo. Pwede namang henna lang. 622 00:30:23,446 --> 00:30:24,531 Oo. 623 00:30:24,614 --> 00:30:27,116 Pero hindi ko pinagsisisihan 'yong intensiyon. 624 00:30:27,200 --> 00:30:30,870 Hindi ko rin babawiin 'yong idea 625 00:30:30,954 --> 00:30:35,959 ng pagkakaro'n ng makabuluhan at simbolikong representasyon. 626 00:30:36,042 --> 00:30:38,795 Parang may mga punto no'ng magkasama kami ni Dayna, 627 00:30:38,878 --> 00:30:40,255 sino'ng mas tanga? 628 00:30:40,338 --> 00:30:42,090 Sino'ng gagawa ng maling desisyon? 629 00:30:42,173 --> 00:30:44,968 Tapos sasabihin namin, "Okay, gawin na natin." 630 00:30:45,051 --> 00:30:48,972 May puntong gagawa kami ng katangahan, tapos pagsisisihan namin. 631 00:30:49,055 --> 00:30:52,350 Tapos sasabihin namin, pa'no natin naisip na maganda 'yon? 632 00:30:52,433 --> 00:30:53,810 Kaya ewan ko. 633 00:30:53,893 --> 00:30:55,770 Sinabi naming parehong-pareho kami. 634 00:30:55,854 --> 00:30:59,148 Sa tingin ko, 'yon ang halimbawa 635 00:30:59,232 --> 00:31:01,901 ng pagiging iresponsable namin, hindi pagiging masama. 636 00:31:01,985 --> 00:31:04,612 Pinapaypayan namin ang isa't isa. 637 00:31:06,114 --> 00:31:08,700 Marie, may gusto ka pa bang sabihin kay Mel? 638 00:31:08,783 --> 00:31:09,659 Wala na. 639 00:31:11,995 --> 00:31:14,080 Mel, may sasabihin ka kay Marie? 640 00:31:16,291 --> 00:31:17,333 Wala. 641 00:31:17,417 --> 00:31:18,376 Okay. 642 00:31:18,459 --> 00:31:21,546 Salamat sa pagse-share sa 'min. 643 00:31:22,630 --> 00:31:25,383 Walang duda na totoong pagsubok 'yong Ultimatum. 644 00:31:25,466 --> 00:31:28,303 Sa season na 'to, habang humaharap kayo sa pagsubok, 645 00:31:28,386 --> 00:31:32,056 may pagkakapareho kayong nagbigay sa inyo ng ginhawa. 646 00:31:33,099 --> 00:31:36,769 'Yong pagmamahal n'yo sa mga fur baby n'yo. 647 00:31:37,353 --> 00:31:38,730 Panoorin natin. 648 00:31:38,813 --> 00:31:40,732 -Bading ba si Bentley? -Oo yata. 649 00:31:41,900 --> 00:31:43,234 Like mother, like son. 650 00:31:43,985 --> 00:31:48,990 Kung sino mang makakatuluyan ko, dapat tanggapin na anak ko na 'to. 651 00:31:49,073 --> 00:31:51,576 Mas binibigyan pa siya ng atensiyon. 652 00:31:51,659 --> 00:31:53,494 Ako, "Andito rin ako." 653 00:31:53,578 --> 00:31:57,123 Kinukuha niya 'yong kumot ko, tapos ibibigay sa kanya. 654 00:31:57,707 --> 00:31:59,125 E, di giginawin ako. 655 00:32:00,585 --> 00:32:02,962 Ang anak ko, si Bello. 'Yong bunny ko. 656 00:32:03,046 --> 00:32:04,422 Bello! 657 00:32:04,505 --> 00:32:05,715 Package deal kami. 658 00:32:05,798 --> 00:32:08,092 Nagpapa-manicure ka, a. 659 00:32:08,760 --> 00:32:10,720 Talagang lover bunny siya. 660 00:32:11,846 --> 00:32:13,681 Importante sa 'kin ang mga pusa ko. 661 00:32:13,765 --> 00:32:14,807 Beth! 662 00:32:15,808 --> 00:32:17,769 Naiinis ako pag sinasabi mo 'yan. 663 00:32:17,852 --> 00:32:19,771 Baliw siya sa mga pusa niya. 664 00:32:19,854 --> 00:32:21,981 Pero ang cute din, sa totoo lang. 665 00:32:22,065 --> 00:32:24,067 Wag kang magselos sa pagmamahalan namin. 666 00:32:24,776 --> 00:32:25,860 Duke, fist bump tayo. 667 00:32:25,944 --> 00:32:27,612 Bukod sa papa at kapatid ko, 668 00:32:27,695 --> 00:32:30,490 siya 'yong pangatlong lalaking minahal ko sa buhay ko. 669 00:32:31,282 --> 00:32:32,742 Ang pogi niya, di ba? 670 00:32:32,825 --> 00:32:33,952 Hello. 671 00:32:34,035 --> 00:32:37,664 May mga pusa ako. Alam kong wala lang 'yon para sa iba, 672 00:32:37,747 --> 00:32:39,123 pero may pamilya ako. 673 00:32:39,207 --> 00:32:42,585 Siguro, hindi pareho, pero ikaw ang bubuo ng pamilya mo. 674 00:32:42,669 --> 00:32:45,129 Magiging iba 'yong dynamic ni Duke 675 00:32:45,213 --> 00:32:46,923 na may makakasama siyang mga pusa. 676 00:32:47,006 --> 00:32:48,216 Hi! 677 00:32:50,468 --> 00:32:52,887 -Okay, tama na. -Ano'ng iniisip mo? 678 00:32:52,971 --> 00:32:57,558 Ang numero unong batas ng mga bakla, pussy ang laging nananalo. 679 00:32:59,894 --> 00:33:03,022 Doon naman tayo sa magkarelasyong may ibang timpla 680 00:33:03,106 --> 00:33:06,025 sa lahat ng ginagawa nila, lalo na sa love story nila. 681 00:33:06,109 --> 00:33:08,444 Kyle at Bridget. Balitaan n'yo kami. 682 00:33:08,528 --> 00:33:10,655 -Kumusta na kayo? -Buntis ako. 683 00:33:11,990 --> 00:33:13,992 Biro lang. Hindi namin afford 'yon. 684 00:33:14,075 --> 00:33:15,827 -Ayos naman. -Engaged na kami. 685 00:33:15,910 --> 00:33:17,286 Nagsasama na kami. 686 00:33:17,370 --> 00:33:18,663 Kumusta naman 'yon? 687 00:33:18,746 --> 00:33:19,664 Sobrang saya. 688 00:33:19,747 --> 00:33:24,460 Siguro, nag-alangan lang ako, kasi maayos ang lahat, e. 689 00:33:24,544 --> 00:33:26,587 Ayokong masira ang magandang bagay na 'yon. 690 00:33:26,671 --> 00:33:32,468 Masyado akong nagmadali noon, kaya 'yong relasyon namin… 691 00:33:32,552 --> 00:33:34,595 Mabilis naging kami, 692 00:33:34,679 --> 00:33:38,016 pero parang naghintay kami kung kelan desperado na kaming magsama. 693 00:33:38,099 --> 00:33:39,976 -Tingin ko, dapat gano'n. -Oo. 694 00:33:40,059 --> 00:33:42,311 Ano'ng mga natutunan n'yo sa isa't isa 695 00:33:42,395 --> 00:33:45,523 ngayong magka-live in na kayo na gusto o hindi n'yo gusto? 696 00:33:45,606 --> 00:33:46,899 Ano ba 'yon? 697 00:33:46,983 --> 00:33:49,652 Parang pareho kaming type B. 698 00:33:49,736 --> 00:33:51,195 Magkapareho kami, e. 699 00:33:51,279 --> 00:33:52,864 Tapos parang… 700 00:33:52,947 --> 00:33:54,782 -Medyo magulo. -Ang gulo talaga. 701 00:33:54,866 --> 00:33:56,451 Si Bridget, hindi masyado… 702 00:33:56,534 --> 00:33:58,453 Iniiwan niya lahat sa labas, kaya… 703 00:33:58,536 --> 00:34:01,539 Ang hirap pag wala sa inyong nagsasabing 704 00:34:01,622 --> 00:34:02,498 "Maglinis tayo." 705 00:34:02,582 --> 00:34:04,876 Magpaplano kaming maglinis, pero hindi gagawin. 706 00:34:04,959 --> 00:34:07,837 Makikita ko na lang si Bridget, nakahiga sa kama. 707 00:34:07,920 --> 00:34:09,756 Sasabihin ko, "Di ba, dapat…" 708 00:34:09,839 --> 00:34:11,299 Dapat maglilinis ako. 709 00:34:11,382 --> 00:34:12,216 Oo. 710 00:34:13,009 --> 00:34:16,012 -Pinagluluto ko siya. -Ayan. Pinag-usapan natin 'yan. 711 00:34:16,095 --> 00:34:18,431 -Sinabi ni Pilar 'yon. -Magkasama sa buhay. 712 00:34:18,514 --> 00:34:20,475 -Oo. -Tuwing Linggo, magpapahinga kami. 713 00:34:20,558 --> 00:34:23,603 May magluluto, magre-reconnect, pag-uusapan 'yong buong week. 714 00:34:23,686 --> 00:34:26,898 Mas lalo akong napamahal at nagpapasalamat kay Bridget. 715 00:34:26,981 --> 00:34:29,233 Kakaibang tao siya. 716 00:34:29,317 --> 00:34:30,318 Parang… 717 00:34:31,027 --> 00:34:35,198 May dumadapong uwak sa 'min, tapos inaakit niya papunta sa piano. 718 00:34:35,281 --> 00:34:36,157 Mahilig sa kasoy. 719 00:34:36,240 --> 00:34:39,994 Papanoorin ko siya sa labas na hinahanap 'yong mga ibon. 720 00:34:40,078 --> 00:34:41,204 Babaeng uwak. 721 00:34:41,287 --> 00:34:43,748 Ito na siguro 'yong favorite ko sa 'yo. 722 00:34:43,831 --> 00:34:45,958 Ang sayang kasama sa bahay si Bridget. 723 00:34:46,042 --> 00:34:47,376 Nakakatawa si Bridget. 724 00:34:47,460 --> 00:34:48,628 Sobrang nakakatawa. 725 00:34:48,711 --> 00:34:51,422 -Walang inip. Ayos 'yon. -Ang laking bagay no'n. 726 00:34:51,506 --> 00:34:55,134 Sabi mo, naisip mong hindi magbabago 'yong pakiramdam. 727 00:34:55,218 --> 00:34:57,720 Iba ba ang pakiramdam na ma-engage? 728 00:34:57,804 --> 00:35:01,140 Nagbago 'yong relasyon namin dahil nalampasan namin ang show. 729 00:35:01,224 --> 00:35:04,310 Naging mas malalim ang pagmamahalan namin, 730 00:35:04,393 --> 00:35:07,730 kasi may kinaharap kaming mga bagong pagsubok. 731 00:35:07,814 --> 00:35:08,815 Oo nga. 732 00:35:08,898 --> 00:35:13,820 Ano'ng nagtulak sa inyo para gawin na 'yong susunod na hakbang? 733 00:35:13,903 --> 00:35:16,280 Para sa 'kin, 'yong pagpapakasal kasi, 734 00:35:16,364 --> 00:35:18,783 hindi ko naiintindihan bakit big deal siya. 735 00:35:18,866 --> 00:35:21,202 Bakit kailangang gawin ng mga tao 'yon. 736 00:35:21,285 --> 00:35:22,745 Kaya gusto ko pag kinasal ako, 737 00:35:22,829 --> 00:35:25,331 malaman ko ang pakiramdam ng mga tao sa pag-aasawa. 738 00:35:25,414 --> 00:35:27,083 Baka sakaling maintindihan ko na. 739 00:35:27,166 --> 00:35:29,585 Nakatulong naman, pero higit sa lahat, 740 00:35:30,169 --> 00:35:33,297 malaking bagay 'to para sa taong pinakamamahal ko 741 00:35:33,381 --> 00:35:35,758 na gusto kong makasama habangbuhay. 742 00:35:35,842 --> 00:35:40,096 Bakit hindi ko tatanggapin 'yon? 743 00:35:40,179 --> 00:35:43,432 Nagsisisi ka bang tinulak mo si Pilar papunta kay Kyle? 744 00:35:45,601 --> 00:35:49,981 Hindi. Sobrang special na tao ni Kyle. 745 00:35:50,064 --> 00:35:53,734 Gusto kong magkaro'n siya ng trial marriage sa isang tao 746 00:35:54,610 --> 00:35:58,322 na sa tingin ko, maiintindihan at pahahalagahan kung sino siya. 747 00:35:58,406 --> 00:36:02,326 Ito 'yong unang siguradong relasyon namin, e. 748 00:36:02,410 --> 00:36:05,371 Gusto kong maranasan ni Kyle 'yon sa ibang tao 749 00:36:05,454 --> 00:36:07,957 para lumakas ang loob ko na ako talaga dapat. 750 00:36:08,040 --> 00:36:10,710 Di ako ang nag-set up. Pipiliin talaga nila ang isa't isa. 751 00:36:10,793 --> 00:36:12,587 Pinag-usapan namin 'yon. 752 00:36:12,670 --> 00:36:16,257 -Hindi mo kailangang pumili para sa 'kin. -Hindi 'yon ang nangyari. 753 00:36:16,340 --> 00:36:19,594 Kyle, nakakatuwang panoorin 'yong parents mo, lalo na ang mama mo. 754 00:36:19,677 --> 00:36:22,263 Nagbibigay sila ng maraming lambing at pagmamahal. 755 00:36:22,346 --> 00:36:26,517 Pa'no nahubog ng mama mo ang pananaw mo sa pag-ibig at pag-aasawa? 756 00:36:26,601 --> 00:36:29,979 Sobrang nirerespeto ng parents ko ang isa't isa. 757 00:36:30,062 --> 00:36:32,648 'Yong nanay ko 'yong mas napapansin, 758 00:36:32,732 --> 00:36:34,901 pero 'yong tatay ko, parang… 759 00:36:34,984 --> 00:36:36,777 Ramdam ko na proud siya sa mama ko. 760 00:36:36,861 --> 00:36:39,238 Masaya siya na kasama si Mama. 761 00:36:39,322 --> 00:36:40,615 Saka nakakatawa sila. 762 00:36:40,698 --> 00:36:43,492 Pareho silang nakakatawa. Masaya silang magkasama. 763 00:36:43,576 --> 00:36:47,121 Hindi sila masyadong seryoso. 764 00:36:47,747 --> 00:36:50,791 Panoorin natin 'yong iba pang words of wisdom 765 00:36:50,875 --> 00:36:52,668 galing sa mama ni Kyle. 766 00:36:52,752 --> 00:36:56,505 Malaki ang pagpapasalamat ko kay Bridget 767 00:36:56,589 --> 00:36:59,133 na napunta siya sa buhay ni Kyle. 768 00:36:59,759 --> 00:37:05,348 Alam naming mas mabuting magkasama sila kesa magkahiwalay. 769 00:37:11,687 --> 00:37:14,273 Gaya ng kanta sa Wicked, 770 00:37:15,024 --> 00:37:20,071 "Dahil nakilala kita, naging mas mabuti ako." 771 00:37:21,822 --> 00:37:23,449 Mahalin n'yo ang isa't isa. 772 00:37:23,532 --> 00:37:28,454 Pansinin n'yo lahat ng magagandang bagay tungkol sa isa't isa. 773 00:37:28,537 --> 00:37:29,997 Maging mabuti sa isa't isa. 774 00:37:30,081 --> 00:37:34,335 At gawin n'yong mas maganda ang mundong ito. 775 00:37:36,128 --> 00:37:38,005 Cliché na 'yon. 776 00:37:38,089 --> 00:37:41,592 'Yon ang pinakamalaking payo ko. 777 00:37:41,676 --> 00:37:43,844 -Ang cute niya. -Go, Ma. 778 00:37:43,928 --> 00:37:45,596 Sweetheart siya. Ang sweet. 779 00:37:45,680 --> 00:37:46,847 Mahal na natin siya. 780 00:37:46,931 --> 00:37:50,184 Laging nakatago sa puso ko 'yong pag-uusap namin. 781 00:37:50,268 --> 00:37:53,437 Sa parents ko, parang lagi akong may iniisip 782 00:37:53,521 --> 00:37:57,775 na partikular na pag-uusap, may matututunan, hihingi ng tawad, iiyak. 783 00:37:57,858 --> 00:38:01,195 Natutunan ko na ako lang ang kaya kong i-control. 784 00:38:01,279 --> 00:38:03,572 Baka hindi mangyari 'yon o pwede ring mangyari, 785 00:38:03,656 --> 00:38:05,616 pero kaya kong magpatawad at magpatuloy. 786 00:38:05,700 --> 00:38:08,703 Sabi ko, "Grabe, ang simple pag ikaw ang nagsabi." 787 00:38:08,786 --> 00:38:11,622 Mahalaga at malaking pagbabago talaga 'yon para sa 'kin. 788 00:38:11,706 --> 00:38:15,376 Malaking inspirasyon na panoorin ang pinagdaanan n'yo. 789 00:38:15,459 --> 00:38:16,836 Alam kong hindi madali, 790 00:38:16,919 --> 00:38:18,754 pero nakakatuwang makita asan na kayo. 791 00:38:18,838 --> 00:38:20,214 May nakikita akong singsing. 792 00:38:20,298 --> 00:38:21,841 Sobrang ganda. 793 00:38:21,924 --> 00:38:23,134 Balitaan n'yo kami. 794 00:38:23,217 --> 00:38:26,595 -Ano na'ng lagay n'yong dalawa? -Sobrang saya. 795 00:38:26,679 --> 00:38:31,100 May sinabi ako kay Pilar pag-alis namin, kasi gusto niya na rin ng singsing. 796 00:38:31,183 --> 00:38:33,561 Sabi ko, sa susunod na taon, 797 00:38:33,644 --> 00:38:36,981 sisiguraduhin kong maging priority na lumuhod sa harap mo. 798 00:38:37,064 --> 00:38:38,774 Ginawa ko wala pang isang buwan. 799 00:38:40,151 --> 00:38:41,777 May wedding date na ba? 800 00:38:41,861 --> 00:38:43,904 Wala pa kaming wedding date. 801 00:38:43,988 --> 00:38:47,408 Pero nagsimula na kaming magplano ng pagtatanan. 802 00:38:47,491 --> 00:38:51,120 Mauuwi 'yon sa lugar at mundong 803 00:38:51,203 --> 00:38:53,080 tinitirhan namin ngayon. 804 00:38:53,748 --> 00:38:57,084 Hindi na 'ko makapaghintay sa gano'ng seguridad. 805 00:38:57,168 --> 00:39:00,004 Sana kahit saan kami mapunta, hindi siguro sa lahat, 806 00:39:00,087 --> 00:39:02,381 pero ligtas kaming mag-partner. 807 00:39:03,090 --> 00:39:06,427 Sinimulan na namin 'yong guest list. Naloka na kami. 808 00:39:06,510 --> 00:39:09,180 "Pause muna tayo dito." Sobrang excited namin. 809 00:39:09,263 --> 00:39:10,723 Dapat andun ako, a. 810 00:39:10,806 --> 00:39:12,224 -Oo naman. -Siyempre. 811 00:39:12,308 --> 00:39:15,061 Mahalaga para sa 'yo ang pamilya, Pilar. 812 00:39:15,603 --> 00:39:18,105 Naibalita mo na ba sa kanila 'yong engagement mo? 813 00:39:18,189 --> 00:39:19,148 Oo. 814 00:39:19,231 --> 00:39:20,358 Medyo mahirap, 815 00:39:20,441 --> 00:39:23,611 pero ang pinakamalaking natutunan ko sa experience na 'to, 816 00:39:23,694 --> 00:39:26,655 pakawalan 'yong pagkakabit ko 817 00:39:26,739 --> 00:39:29,200 ng halaga ko sa pagtanggap nila. 818 00:39:29,283 --> 00:39:32,161 Kahit hindi siya happy ending 819 00:39:32,244 --> 00:39:34,830 o malaking pagbabago na sana naibigay ko, 820 00:39:34,914 --> 00:39:40,086 parang dahil pinanindigan ko ang sarili ko at kinausap ko ang parents ko, 821 00:39:40,169 --> 00:39:44,131 may mga nagbukas na pinto na akala ko, hindi na magbubukas. 822 00:39:44,215 --> 00:39:46,634 Hindi ko alam ang mangyayari sa kasal, 823 00:39:46,717 --> 00:39:49,845 pero sa unang pagkakataon, naging malaya at masaya ako. 824 00:39:49,929 --> 00:39:54,058 Sapat na kami at ang pagmamahalan namin. Wala na akong ibang hihilingin pa. 825 00:39:54,141 --> 00:39:57,186 Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo sa pamilya mo. 826 00:39:57,269 --> 00:39:59,980 Kahit medyo naiintindihan na 'ko ng pamilya ko, 827 00:40:00,064 --> 00:40:03,401 inabot nang maraming taon bago nila… 828 00:40:05,027 --> 00:40:08,364 tinanggap sa utak nila na tibo ako. 829 00:40:08,447 --> 00:40:10,032 Saka babae ang gusto ko. 830 00:40:10,116 --> 00:40:13,244 Ilang taon kaming urong-sulong, 831 00:40:13,327 --> 00:40:15,121 na parang ayaw nila sa 'kin. 832 00:40:15,204 --> 00:40:18,916 Pero pinili ko 'yong sarili ko at nabuhay ako nang totoo. 833 00:40:19,500 --> 00:40:21,335 Magtiwala ka lang. Magpakatotoo ka. 834 00:40:21,419 --> 00:40:24,839 Kahit sino, masuwerteng makasama ka. 835 00:40:24,922 --> 00:40:26,590 Salamat sa sinabi mo. 836 00:40:26,674 --> 00:40:30,511 Malaking elemento 'yong paggamit ng natutunan natin sa experience na 'to. 837 00:40:30,594 --> 00:40:32,304 Sabi mo nga, mabuhay nang totoo. 838 00:40:32,388 --> 00:40:35,516 Pa'no ka igagalang ng mga tao kung sarili mo, di mo iginagalang? 839 00:40:35,599 --> 00:40:37,518 Pumunta kami sa kasal ng pinsan ko. 840 00:40:37,601 --> 00:40:40,938 Unang beses 'yon na kasama ko si Haley sa mga kamag-anak ko. 841 00:40:41,021 --> 00:40:43,774 Naalala kong sinabi ko na, "Ito si Haley." 842 00:40:43,858 --> 00:40:46,819 Ginawa ko 'yon, tapos inulit ko pa nang dalawang beses. 843 00:40:46,902 --> 00:40:49,113 Sabi ko, parang mali 'to, e. 844 00:40:49,196 --> 00:40:52,324 Kabaliktaran 'to ng lahat ng naging pag-unlad ko. 845 00:40:52,408 --> 00:40:53,742 Ayokong bumalik sa dati. 846 00:40:53,826 --> 00:40:56,203 Tapos sabi ko, "Fiancée ko, si Haley." 847 00:40:56,287 --> 00:40:59,748 Sinabi ko 'yon nang nakatingin sa mata nila… 848 00:41:00,332 --> 00:41:01,834 Pag sinabi kong "Si Haley," 849 00:41:01,917 --> 00:41:04,420 parang nahihiya sila, tapos aalis na lang. 850 00:41:04,503 --> 00:41:06,672 Pero no'ng sinabi kong "Fiancée ko, si Haley." 851 00:41:06,755 --> 00:41:08,382 Titingnan nila 'ko sa mata, 852 00:41:08,466 --> 00:41:10,509 "Nice to meet you. Ang ganda mo." 853 00:41:10,593 --> 00:41:14,346 No'ng hiningi ko 'yong space na 'yon, hindi sila makaatras. 854 00:41:14,430 --> 00:41:17,516 Malaking pagbabago sa 'kin 'yon. Ito na talaga 'yon. 855 00:41:17,600 --> 00:41:20,769 Kung may sasabihin ka, o hindi mo 'ko igagalang, sige. 856 00:41:20,853 --> 00:41:22,480 Problema mo 'yan. 857 00:41:22,563 --> 00:41:24,273 -Pag-unlad 'yan. -Gano'n nga. 858 00:41:24,356 --> 00:41:26,025 Problema nila 'yon, hindi sa 'yo. 859 00:41:26,108 --> 00:41:26,942 -Oo. -Tama. 860 00:41:27,026 --> 00:41:27,860 Gusto ko 'yan. 861 00:41:28,402 --> 00:41:30,529 Pilar, sa pananaw mo, 862 00:41:30,613 --> 00:41:33,616 ano talagang nangyari sa inyo ni Kyle 863 00:41:33,699 --> 00:41:35,159 no'ng gabing 'yon sa club? 864 00:41:38,370 --> 00:41:40,998 Parang naghalikan kami no'n sa club. 865 00:41:41,081 --> 00:41:44,001 Tapos pakiramdam ko no'n, totoo 'yon. 866 00:41:44,084 --> 00:41:47,588 Kung pa'no namin nakita ang isa't isa, kung ano'ng pinaramdam mo sa 'kin, 867 00:41:47,671 --> 00:41:49,673 saka 'yong naging pag-unlad namin… 868 00:41:49,757 --> 00:41:53,677 Nabahiran 'yong buong experience at nawala 'yon dahil sa nagawa namin. 869 00:41:53,761 --> 00:41:55,804 Naging magkaibigan sana kami. 870 00:41:55,888 --> 00:41:59,266 Sana naging mas maayos ako 871 00:41:59,350 --> 00:42:01,852 sa pagsasabi sa 'yo ng nararamdaman ko, 872 00:42:01,936 --> 00:42:04,355 kasi naging close talaga ako sa 'yo. 873 00:42:04,438 --> 00:42:08,442 Buti na lang, nalampasan natin 'yon at naging masaya tayo, pero… 874 00:42:08,526 --> 00:42:12,196 Siguro nalito lang ako sa naging connection natin. 875 00:42:12,780 --> 00:42:16,742 Naging makasarili ako. Sa totoo lang, hindi ko alam ang iniisip ko. 876 00:42:16,825 --> 00:42:19,036 Nakalimutan ko ang dahilan ba't andun ako. 877 00:42:19,119 --> 00:42:21,539 Sana lang talaga napag-usapan natin 878 00:42:21,622 --> 00:42:23,123 na may chemistry tayo, 879 00:42:23,207 --> 00:42:26,252 pero andito tayo para maging mas mabuti para sa mga partner natin. 880 00:42:26,335 --> 00:42:29,880 Kung sinabi mo lang mismo 'yang sinabi mo, sasabihin ko, "Girl, yeah!" 881 00:42:29,964 --> 00:42:31,090 'Yan ang gusto ko. 882 00:42:31,173 --> 00:42:33,926 Feeling ko, 'yon ang gusto kong makuha sa 'yo. 883 00:42:34,009 --> 00:42:36,929 No'ng mangyari 'yon… malalim ang pag-uusap na 'yon. 884 00:42:37,012 --> 00:42:39,515 Sabi ko, 'yan mismo ang dahilan ba't kami andito. 885 00:42:39,598 --> 00:42:42,393 Marami tayong matututunan mula dito. 886 00:42:43,143 --> 00:42:45,646 Nakakalungkot na nawala lahat dahil sa bagay na 'yon. 887 00:42:45,729 --> 00:42:47,481 Pag may bago kang ka-date, 888 00:42:47,565 --> 00:42:50,276 normal lang namang mangyari 'yong nangyari, 889 00:42:50,359 --> 00:42:54,446 pero may dagdag na layer kasing "Aalis ako dito na kasama 890 00:42:54,530 --> 00:42:56,407 'yong mahal ko at mahalaga sa 'kin." 891 00:42:56,490 --> 00:42:59,451 'Yong aspeto na "May chemistry tayo," 892 00:42:59,535 --> 00:43:03,747 saka 'yong interes at 'yong "Wala pa 'kong nakilalang tulad mo," 893 00:43:03,831 --> 00:43:08,335 na-challenge tayong mag-isip… "Pa'no natin haharapin 'to, 894 00:43:08,419 --> 00:43:11,964 ano'ng ibig sabihin nito sa 'tin, sa partners natin, pa'no tayo matututo?" 895 00:43:12,047 --> 00:43:15,301 -Kaya nga tayo andito, e. -Oo, mismo. 896 00:43:15,384 --> 00:43:17,928 Nagulat lang ako no'ng… 897 00:43:18,012 --> 00:43:20,806 Pagkatapos nating huminga, saka pagkatapos ng pickleball… 898 00:43:20,889 --> 00:43:24,143 Hindi ka umalis, andun ka pa rin. 899 00:43:24,226 --> 00:43:26,979 Alam ko, umiyak ako no'n sa episode, 900 00:43:27,062 --> 00:43:29,648 pero hindi ako sanay sa gano'n. 901 00:43:29,732 --> 00:43:32,860 Tapos sumabog ako, pero sinabi mo pa rin, 902 00:43:32,943 --> 00:43:35,988 "Aayusin natin 'to." Sobrang… Sorry. 903 00:43:36,488 --> 00:43:38,324 -Kyle. -Pwede ba kitang yakapin? 904 00:43:39,658 --> 00:43:40,618 Ako rin. 905 00:43:44,496 --> 00:43:45,456 Ako rin. 906 00:43:45,539 --> 00:43:48,584 Sorry kasi may mga bagay… 907 00:43:48,667 --> 00:43:51,337 Lahat naman maayos na natapos ang trial marriage. 908 00:43:51,420 --> 00:43:53,922 Pagkatapos ng experience na 'yon, 909 00:43:54,006 --> 00:43:55,716 wala nang nag-uusap, 910 00:43:57,301 --> 00:43:58,636 sobrang nakakalungkot. 911 00:43:58,719 --> 00:44:01,430 Pilar, sinabi mong ang pinakakinakatakot mo, 912 00:44:01,513 --> 00:44:03,682 ma-in love si Haley. 913 00:44:03,766 --> 00:44:07,603 Ano'ng pinakamahirap na napanood mong nangyayari lahat 914 00:44:07,686 --> 00:44:09,021 kina Haley at Magan? 915 00:44:09,104 --> 00:44:12,524 Medyo nakakalito lang lahat ng nangyayari. 916 00:44:12,608 --> 00:44:14,777 Hindi dahil nagmahalan sila, 917 00:44:14,860 --> 00:44:16,862 kasi posible naman talaga 'yon. 918 00:44:16,945 --> 00:44:20,157 Pero naisip ko, kung gusto mo talaga si Magan 919 00:44:20,240 --> 00:44:22,201 o kung may nabuo sa inyong 920 00:44:22,284 --> 00:44:24,912 higit pa sa relasyon natin, gusto kong ituloy mo 'yon. 921 00:44:24,995 --> 00:44:27,539 Gawin mo 'yon. Wag mo 'kong gawing tanga. 922 00:44:27,623 --> 00:44:30,125 Pero sigurado talaga siya na kaming dalawa. 923 00:44:30,209 --> 00:44:32,795 Kaya sabi ko, okay. Tinanggap ko 'yon na pagkakataon 924 00:44:32,878 --> 00:44:37,132 na meron akong hindi ginagawa o may nabuo akong kakulangan. 925 00:44:37,216 --> 00:44:39,843 Hindi ko naging priority si Haley, 926 00:44:39,927 --> 00:44:42,721 isinantabi ko siya sa relasyon namin. 927 00:44:42,805 --> 00:44:45,224 Ginamit ko 'yon para maging mas mabuti sa kanya, 928 00:44:45,307 --> 00:44:46,934 maintindihan kung asan na siya, 929 00:44:47,017 --> 00:44:49,603 at ano 'yong binigay ni Magan na hindi ko naibibigay. 930 00:44:49,687 --> 00:44:52,690 'Yong work-life balance saka unahin ang isa't isa, 931 00:44:52,773 --> 00:44:55,317 'yon ang malaking natutunan namin 932 00:44:55,401 --> 00:44:57,194 para sa relasyon at pag-unlad namin. 933 00:44:57,277 --> 00:44:59,405 Okay. Itatanong ko lang. 934 00:44:59,988 --> 00:45:02,658 Haley, ano'ng pakiramdam ma-in love sa dalawang tao? 935 00:45:02,741 --> 00:45:04,702 Nilarawan mo 'yong pag-ibig mo, 936 00:45:04,785 --> 00:45:07,037 pero nahahati ka. 937 00:45:07,705 --> 00:45:11,041 Makokonsensiya ka sa kanila, 938 00:45:11,125 --> 00:45:13,252 kasi sa isang banda, 939 00:45:13,335 --> 00:45:16,171 kailangan kong sabihin sa partner ko nang ten years 940 00:45:16,255 --> 00:45:19,550 na "Oo, may nararamdaman ako para sa iba." 941 00:45:19,633 --> 00:45:21,677 Pero paano mo sasabihin 942 00:45:22,261 --> 00:45:24,555 na magkaiba 'yong pakiramdam na 'yon? 943 00:45:24,638 --> 00:45:28,267 Siguro naging mas mahirap dahil may physical na nangyari. 944 00:45:29,309 --> 00:45:32,980 Hindi naman kailangang magkasama 'yong dalawang 'yon. 945 00:45:33,063 --> 00:45:33,981 Saka hindi na… 946 00:45:35,149 --> 00:45:36,525 hindi na mababawi 'yon. 947 00:45:36,608 --> 00:45:39,778 Hindi ko na ipapaliwanag kung may pagsisisi o wala. 948 00:45:39,862 --> 00:45:41,572 Hindi na mahalaga 'yon. 949 00:45:41,655 --> 00:45:43,782 Pero ang mas mahalaga sa 'kin, 950 00:45:43,866 --> 00:45:48,328 iparamdam kay Pilar na sigurado ako sa kanya pagkatapos ng moment na 'yon… 951 00:45:49,246 --> 00:45:53,625 kasi 'yong gusto kong future kung papayag siya, 952 00:45:53,709 --> 00:45:54,668 kasama si Pilar. 953 00:45:54,752 --> 00:45:55,753 Ayun. 954 00:45:55,836 --> 00:45:59,423 Nakakalungkot, kasi may malaking epekto 'yon sa maraming tao. 955 00:45:59,506 --> 00:46:03,469 Hindi ako nagsusunog ng tulay, pero mahirap talagang iwan lahat 956 00:46:03,552 --> 00:46:06,805 na parang "Grabe, importante 'to dati, e." 957 00:46:06,889 --> 00:46:08,223 Tapos ngayon, wala na. 958 00:46:08,307 --> 00:46:09,641 Tapos andito ulit tayo. 959 00:46:10,684 --> 00:46:13,228 Sige. Dayna at Magan. 960 00:46:13,312 --> 00:46:16,648 No'ng huling makita namin kayo, lumuhod ka, Magan. 961 00:46:16,732 --> 00:46:19,943 Ginulat tayo ni Dayna sa double proposal. 962 00:46:20,027 --> 00:46:21,612 Girl, puputok 'yong damit. 963 00:46:21,695 --> 00:46:24,490 -Luluhod sana ako. -Hindi na kailangan. 964 00:46:24,573 --> 00:46:27,075 Tinahi pa nila 'yon bago ako pumunta do'n. 965 00:46:27,159 --> 00:46:28,577 Magkatuwaan tayo. 966 00:46:28,660 --> 00:46:30,496 Panoorin natin kung pa'no binuo 967 00:46:30,579 --> 00:46:32,873 nina Dayna at Magan ang buhay nila last year 968 00:46:32,956 --> 00:46:34,458 bilang bagong engaged. 969 00:46:34,541 --> 00:46:35,375 Natatakot ako. 970 00:46:35,459 --> 00:46:36,794 -Tingnan natin. -Maganda 'to. 971 00:46:36,877 --> 00:46:38,378 -Maganda ba 'to? -Oo. 972 00:46:47,679 --> 00:46:49,848 Nakadikit sa mukha ko. 973 00:46:51,558 --> 00:46:54,770 -Shake it. -Hey! 974 00:46:56,063 --> 00:46:57,940 Happy birthday. 975 00:47:11,203 --> 00:47:12,246 Pucha. 976 00:47:12,329 --> 00:47:14,790 Magpapakasal pa rin ba kayo? 977 00:47:14,873 --> 00:47:17,167 Oo, hindi pa lang namin alam kailan. 978 00:47:17,251 --> 00:47:19,962 Gusto lang naming siguraduhin 979 00:47:20,045 --> 00:47:22,005 na komportable lahat ng nasa buhay namin. 980 00:47:22,089 --> 00:47:23,048 Kumusta 'yon? 981 00:47:23,131 --> 00:47:25,384 Alam kong malaking bagay 'yon para sa 'yo. 982 00:47:25,467 --> 00:47:29,596 No'ng nasa Miami ako, sobrang hirap. 983 00:47:29,680 --> 00:47:31,890 Kausap ko sa phone ang mama at papa ko 984 00:47:31,974 --> 00:47:33,809 halos buong linggo. 985 00:47:33,892 --> 00:47:36,520 Sinasabi ko sa kanilang "Kailangan ko kayo." 986 00:47:36,603 --> 00:47:37,980 Andun sila para sa 'kin. 987 00:47:38,063 --> 00:47:41,149 Pagbalik namin, alam naming may magbabago. 988 00:47:41,233 --> 00:47:42,776 Alam naming magbabago lahat. 989 00:47:42,860 --> 00:47:45,779 'Yong mama ko… Ilang beses sinubukan 990 00:47:45,863 --> 00:47:49,199 ni Dayna at ng mama ko na maintindihan ang isa't isa. 991 00:47:49,283 --> 00:47:50,200 Pero nangyari 'yon. 992 00:47:50,784 --> 00:47:53,287 Pinaplano naming magkita 'yong parents namin soon. 993 00:47:54,746 --> 00:47:58,250 Malalaman mo na pag hindi ka seryoso, hindi ka rin seseryosohin. 994 00:47:58,333 --> 00:47:59,710 Kung hindi ka sigurado, 995 00:47:59,793 --> 00:48:02,212 iisipin nilang hindi ka sigurado sa ibang bagay. 996 00:48:02,296 --> 00:48:05,340 Dahil sa pinagdaanan namin ni Dayna sa show, 997 00:48:06,258 --> 00:48:08,468 naipakita ko sa kanila 'yon nang seryoso. 998 00:48:08,552 --> 00:48:11,179 Parang "Mahal ko talaga ang taong 'to." 999 00:48:11,263 --> 00:48:15,183 Saka "Walang dahilan para hindi n'yo siya bigyan ng pagkakataon." 1000 00:48:15,267 --> 00:48:18,437 Pumunta siya sa Thanksgiving last year, 1001 00:48:18,520 --> 00:48:20,105 nakakatuwa talaga 'yon. 1002 00:48:20,188 --> 00:48:23,317 Wala pa 'kong sinasama sa Thanksgiving dati. 1003 00:48:23,400 --> 00:48:24,401 Kaya ang ganda no'n. 1004 00:48:24,484 --> 00:48:25,527 Sobrang cool. 1005 00:48:26,153 --> 00:48:27,112 Okay ka lang ba? 1006 00:48:27,195 --> 00:48:28,614 Oo. Ayos lang ako. 1007 00:48:30,157 --> 00:48:32,993 Parang… Ayan, maiiyak na 'ko. 1008 00:48:33,076 --> 00:48:34,369 Ayos lang 'yan. 1009 00:48:35,913 --> 00:48:36,872 Parang… 1010 00:48:37,623 --> 00:48:42,628 Nakita ko siyang maniwala sa sarili niya… 1011 00:48:43,545 --> 00:48:46,173 'yon lang talaga ang gusto ko para sa kanya. 1012 00:48:47,591 --> 00:48:51,053 Nahanap niya 'yon times ten pa. 1013 00:48:51,970 --> 00:48:56,975 Tapos naisip ko, bukod do'n, bigla na lang siyang naging… 1014 00:48:57,059 --> 00:48:58,310 Masigasig na siya. 1015 00:48:58,393 --> 00:49:00,687 "Punta ka kina Mama." Sabi ko, "Shit." 1016 00:49:00,771 --> 00:49:04,191 Ngayon kailangan ko… Dapat maging matapang ako. 1017 00:49:04,274 --> 00:49:07,194 Sabi ko, oh my gosh. Takot na 'ko. 1018 00:49:07,277 --> 00:49:10,364 Ang hirap pumunta sa lugar na ayaw sa 'yo 1019 00:49:10,447 --> 00:49:11,949 o baka paalisin ka. 1020 00:49:12,032 --> 00:49:14,159 -O hindi maintindihan. -Lahat 'yon. 1021 00:49:14,242 --> 00:49:17,579 Alam ko na ang pakiramdam kung pa'no maging siya. 1022 00:49:17,663 --> 00:49:19,331 Ang hirap no'n, di ba? 1023 00:49:19,414 --> 00:49:22,501 Hindi ko naiintindihan 'yon dati, e… 1024 00:49:22,584 --> 00:49:25,003 Kailangan nilang maging matapang. Katapangan 'yon. 1025 00:49:25,087 --> 00:49:28,215 Hindi sila komportable. Takot sila. Kabado sila. 1026 00:49:28,298 --> 00:49:29,758 Hindi nila alam ang gagawin. 1027 00:49:29,841 --> 00:49:32,678 Hindi komportable para sa lahat, pero tinatapangan na lang. 1028 00:49:32,761 --> 00:49:34,262 Sinusubukan talaga nila. 1029 00:49:34,346 --> 00:49:37,140 Mahirap para sa kanilang basagin 'yong paniniwala nila 1030 00:49:37,224 --> 00:49:39,851 at maging bukas ang pag-iisip. 1031 00:49:39,935 --> 00:49:42,270 Kaya maganda na 'yong kalagayan namin. 1032 00:49:42,771 --> 00:49:45,774 Medyo nakakatakot panoorin ulit 'yong show, 1033 00:49:45,857 --> 00:49:48,819 kasi parang wow, para dapat sa 'tin 'to 1034 00:49:48,902 --> 00:49:52,572 na ipakitang "Maging proud kayo sa 'min." 1035 00:49:52,656 --> 00:49:54,241 "Normal lang kami." 1036 00:49:54,783 --> 00:49:58,328 Wala kaming maipapakitang gano'n, kaya nalungkot ako para sa kanya. 1037 00:49:58,412 --> 00:50:01,790 Ipapakita sana naming "Pwedeng maging lesbian at normal. 1038 00:50:01,873 --> 00:50:05,043 Pwedeng magkaro'n ng magandang relasyon. Mahal namin ang isa't isa." 1039 00:50:05,127 --> 00:50:08,797 Hindi namin inakalang magiging madrama ang sitwasyon namin. 1040 00:50:08,880 --> 00:50:13,885 Gusto lang naming ipakita, bigyan sila ng platform 1041 00:50:13,969 --> 00:50:17,431 para makita kami sa ibang paraan na hindi nila nakikita. 1042 00:50:17,514 --> 00:50:21,476 Kaya nakakalungkot na kabaliktaran 'yong haharapin nila. 1043 00:50:21,560 --> 00:50:24,229 Na epekto ng ikinilos ko. 1044 00:50:24,312 --> 00:50:25,230 Okay lang 'yon. 1045 00:50:25,313 --> 00:50:29,317 Alam ko, hindi 'yon 'yong "fairy tale" na gusto n'yong makita nila, 1046 00:50:29,401 --> 00:50:33,321 pero pinakita n'yo na kinaya n'yo sa kabila ng pinagdaanan n'yo. 1047 00:50:33,405 --> 00:50:34,990 -Oo nga. -Magan. 1048 00:50:35,073 --> 00:50:40,954 Ano'ng naging papel ni Haley sa pagkakaro'n mo ng lakas ng loob 1049 00:50:41,038 --> 00:50:42,956 at paglalagay ng boundaries? 1050 00:50:43,623 --> 00:50:48,587 Hindi ako gumagawa ng lugar na ako mismo 'yong nangunguna. 1051 00:50:48,670 --> 00:50:53,133 Sa tingin ko, no'ng nakasama ko si Haley, magaling talaga siyang makinig. 1052 00:50:53,216 --> 00:50:55,677 Binigyan niya 'ko ng lugar, pinakinggan niya 'ko. 1053 00:50:55,761 --> 00:50:57,804 Tinulungan niya 'kong mag-isip, 1054 00:50:57,888 --> 00:51:00,766 kasi pareho kami ng mga pamamaraan. 1055 00:51:01,349 --> 00:51:03,769 Nalinawan ako sa pakikipag-usap sa kanya. 1056 00:51:03,852 --> 00:51:06,188 Siguro hindi lang kami nagkaintindihan, 1057 00:51:06,271 --> 00:51:09,316 kasi lagi kong sinasabi kay Haley na love ko siya. 1058 00:51:09,900 --> 00:51:14,279 Gusto kong maging parte si Haley ng buhay ko, kahit pa'no. 1059 00:51:14,362 --> 00:51:17,616 Sa totoo lang, sana hindi kami umabot sa gano'n, 1060 00:51:17,699 --> 00:51:22,370 kasi magiging mabuting kaibigan sana sa 'kin si Haley. 1061 00:51:22,454 --> 00:51:25,624 Nakakalungkot 'yon, pero gano'n na talaga, e. 1062 00:51:25,707 --> 00:51:27,125 Di na mababago ang nakaraan. 1063 00:51:27,209 --> 00:51:29,711 Sinabi kong hindi ako in love sa 'yo, 1064 00:51:29,795 --> 00:51:34,174 pero ayokong alisin no'n 'yong lahat ng love na naramdaman ko. 1065 00:51:34,966 --> 00:51:37,302 Saka sorry. Sorry dahil do'n. 1066 00:51:38,386 --> 00:51:41,598 Masyadong nalito 'yong damdamin, pero kung babalikan… 1067 00:51:41,681 --> 00:51:42,891 Mukhang nasaktan ka. 1068 00:51:42,974 --> 00:51:44,518 Siyempre, nasaktan ako. 1069 00:51:44,601 --> 00:51:47,979 Akala ko, magiging magkaibigan kami pagkatapos nito, e. 1070 00:51:48,063 --> 00:51:50,565 -Oo nga. -Pero hindi gano'n 'yon. 1071 00:51:50,649 --> 00:51:53,944 Parang napilipit ang lahat at naging magulo 1072 00:51:54,027 --> 00:51:56,321 na hindi na namin alam ang nangyari. 1073 00:51:56,822 --> 00:51:59,157 Nangyari na 'yon. Nakakalungkot man. 1074 00:51:59,241 --> 00:52:00,951 Natatakot akong pumunta dito, 1075 00:52:01,034 --> 00:52:04,579 kasi akala ko masyadong matindi 'yong galit at sama ng loob. 1076 00:52:04,663 --> 00:52:07,999 Di ako proud sa lahat ng nangyari, pero proud ako sa pagbabalikan namin. 1077 00:52:08,083 --> 00:52:11,586 Pa'no namin suportahan ang isa't isa. Ano na kami at 'yong nagawa namin. 1078 00:52:11,670 --> 00:52:14,714 Hindi madali 'yong taong 'yon at itong nakaraang taon… 1079 00:52:14,798 --> 00:52:17,008 kasi maraming pagsubok at paghihirap. 1080 00:52:17,092 --> 00:52:21,847 Pero masasabi kong malakas at masaya na kami ni Haley. 1081 00:52:23,014 --> 00:52:25,559 Masaya lang ako sa naging resulta. 1082 00:52:25,642 --> 00:52:27,352 Ang hirap panoorin ulit 'yon. 1083 00:52:27,435 --> 00:52:32,732 May karapatang magalit ang lahat para sa kahit isang dahilan. 1084 00:52:32,816 --> 00:52:36,027 Lahat ng nasa kuwartong 'to may kahit isang dahilan para magalit. 1085 00:52:36,111 --> 00:52:39,656 Nagpapasalamat ako na nakakapag-usap tayo nang ganito. 1086 00:52:39,739 --> 00:52:42,492 Kaya nating pag-usapan ang mga bagay na 'to 1087 00:52:42,576 --> 00:52:44,828 nang hindi nag-aaway. 1088 00:52:44,911 --> 00:52:47,706 Mahirap para sa 'min ni Britney, kasi mahal namin kayo. 1089 00:52:47,789 --> 00:52:49,875 Mahal na mahal namin kayo. 1090 00:52:49,958 --> 00:52:52,627 Gusto naming pumunta kayo sa kasal namin. 1091 00:52:52,711 --> 00:52:55,005 Tapos iniisip namin, saan sila uupo? 1092 00:52:55,088 --> 00:52:56,381 Oo nga. Ang hirap no'n. 1093 00:52:56,464 --> 00:52:57,674 Ang hirap para sa inyo. 1094 00:52:57,757 --> 00:53:00,844 -Nakakainis, nalagay pa kayo… -Di n'yo kami nilagay sa kung saan. 1095 00:53:00,927 --> 00:53:02,971 Pero ang galing n'yong magdala. 1096 00:53:03,054 --> 00:53:05,432 Naging mabuti kayong kaibigan. 1097 00:53:05,515 --> 00:53:07,517 Di namin naramdamang may kinakampihan kayo. 1098 00:53:07,601 --> 00:53:09,686 Di namin naramdamang kinampihan n'yo kami. 1099 00:53:09,769 --> 00:53:12,397 Pakiramdam namin, kaibigan lang namin kayo. 1100 00:53:12,480 --> 00:53:15,525 May relasyon kayo sa ibang tao. 1101 00:53:15,609 --> 00:53:17,944 Parang kinikilig na ako, e. 1102 00:53:18,028 --> 00:53:20,280 "Oh my God, ayos na ba tayong lahat?" 1103 00:53:20,947 --> 00:53:22,657 Lalabas na ba tayo mamaya? 1104 00:53:23,450 --> 00:53:25,076 Lalabas ba tayo pagkatapos? 1105 00:53:25,160 --> 00:53:27,954 Tinext n'yo ako no'ng isang araw. 1106 00:53:28,038 --> 00:53:29,539 "Ano'ng gagawin mo pagkatapos?" 1107 00:53:29,623 --> 00:53:33,960 Sabi ko, "Sana pwede lang tayong maghawak-kamay pagkatapos." 1108 00:53:34,044 --> 00:53:36,838 Sa nangyayari, parang gano'n na nga. 1109 00:53:36,922 --> 00:53:37,964 Sa 'yo ako, Marita. 1110 00:53:38,048 --> 00:53:39,090 Sasama ka, JoAnna? 1111 00:53:39,174 --> 00:53:40,884 -Hindi ko kaya. -Sasama ka? 1112 00:53:40,967 --> 00:53:41,801 Hawak-kamay tayo. 1113 00:53:42,677 --> 00:53:43,803 Shots on me. 1114 00:53:45,722 --> 00:53:46,640 Sige. 1115 00:53:46,723 --> 00:53:50,018 Mukhang ayos naman kayong lahat. 1116 00:53:50,101 --> 00:53:53,104 Sino'ng pinakaumunlad sa experience na 'to? 1117 00:53:53,188 --> 00:53:56,191 Sino pa'ng maraming dapat ayusin? 1118 00:53:56,775 --> 00:54:00,612 Iboboto ko 'yong sarili ko sa marami pang dapat ayusin. 1119 00:54:00,695 --> 00:54:03,323 Sobrang hirap panoorin ng sarili ko. 1120 00:54:04,157 --> 00:54:07,077 Akala ko, alam ko ang ginagawa ko, 1121 00:54:07,160 --> 00:54:09,287 pero hindi ko pala alam. 1122 00:54:09,371 --> 00:54:11,248 Salamat sa pagbabatayan ko 1123 00:54:11,331 --> 00:54:13,083 na okay, ito ang nakikita ko. 1124 00:54:13,166 --> 00:54:14,626 Ito na 'yong kaya kong gawin. 1125 00:54:14,709 --> 00:54:17,837 Hindi mo mararanasang makita ang sarili mong gano'n. 1126 00:54:17,921 --> 00:54:19,965 Ikaw ang pinakanag-improve. 1127 00:54:20,048 --> 00:54:24,261 Pag pinanood mo 'yong video, ibang-iba ka na. 1128 00:54:24,344 --> 00:54:25,845 Hindi mo napapansin 'yon. 1129 00:54:25,929 --> 00:54:27,806 Sa tingin ko, mahalaga 'yon. 1130 00:54:27,889 --> 00:54:29,849 Dapat maging proud ka sa sarili mo. 1131 00:54:29,933 --> 00:54:31,268 -Love you. -Proud ako sa 'yo. 1132 00:54:31,351 --> 00:54:34,271 Lahat pwedeng tuloy-tuloy na umunlad at magbago. 1133 00:54:34,354 --> 00:54:39,317 Hindi naman 'to dapat kung sino'ng nagbago o hindi. 1134 00:54:39,401 --> 00:54:42,737 Ang pinakamahalaga sa lahat, sino'ng kayang magbago? 1135 00:54:42,821 --> 00:54:43,655 Lahat tayo. 1136 00:54:44,447 --> 00:54:47,701 Malaking pasasalamat sa inyo sa pagpunta dito ngayon. 1137 00:54:47,784 --> 00:54:49,995 Masaya 'kong marinig ang kuwento n'yo 1138 00:54:50,078 --> 00:54:52,789 at makita ang pinagbago n'yo mula no'ng magkakilala tayo. 1139 00:54:52,872 --> 00:54:54,541 Ayos. 1140 00:54:54,624 --> 00:54:58,211 Sasabihin ko lang, JoAnna, na hindi ka masyadong napapasalamatan. 1141 00:54:58,295 --> 00:55:01,047 Lahat ng andito makakapagsabi niyan. 1142 00:55:01,131 --> 00:55:04,426 Hindi ka masyadong napapasalamatan sa pagiging magaling na host. 1143 00:55:04,509 --> 00:55:05,927 Pa'no mo kami sinuportahan. 1144 00:55:06,011 --> 00:55:09,597 Kahit na straight na babae ka, 1145 00:55:09,681 --> 00:55:13,518 inilalapit mo 'yong experience namin 1146 00:55:13,601 --> 00:55:16,688 sa mga taong hindi kami nakikita kung pa'no mo kami nakikita. 1147 00:55:17,272 --> 00:55:21,151 Dahil sa pagmamahal at malasakit mo, pakiramdam namin, nakikita kami. 1148 00:55:21,234 --> 00:55:24,195 Di ko makakalimutan 'yong sinabi mo kay Pilar no'ng unang gabi. 1149 00:55:24,279 --> 00:55:25,322 Malaking bagay 'yon. 1150 00:55:25,405 --> 00:55:27,240 Mahalaga 'yon sa kanya at sa akin. 1151 00:55:27,324 --> 00:55:32,162 Naliwanagan nang mabuti 'yong parents ko, sabi nila, "Straight siya." 1152 00:55:32,245 --> 00:55:33,580 Sabi ko, oo. 1153 00:55:33,663 --> 00:55:36,791 Kung kaya niyang tumayo do'n at tanggapin kami, 1154 00:55:36,875 --> 00:55:39,210 di namin kailangan 'yong pagtanggap at pag-unawa, 1155 00:55:39,294 --> 00:55:42,339 pero nakatayo ka diyan at ginagawa mo 'yon, 1156 00:55:42,422 --> 00:55:47,218 naniniwala kaming kailangan ng tulay para sa puwang na 'yon. 1157 00:55:47,302 --> 00:55:49,679 Ikaw 'yong nagiging tulay namin. Kaya salamat. 1158 00:55:50,930 --> 00:55:52,515 Malaking bagay 'yon sa 'kin. 1159 00:55:53,433 --> 00:55:57,354 Pakiramdam ko talaga, kakampi ako. Naniniwala ako sa pag-ibig. 1160 00:55:57,437 --> 00:56:01,566 Naniniwala akong importanteng ipagdiwang ang pag-ibig sa lahat ng anyo. 1161 00:56:01,649 --> 00:56:02,484 Maraming salamat. 1162 00:56:02,567 --> 00:56:05,737 Hindi n'yo alam kung ga'no kahalaga 'yan para sa 'kin. 1163 00:56:06,363 --> 00:56:07,489 Love ka namin, Jo. 1164 00:56:07,572 --> 00:56:10,742 Pagkatapos ng lahat, mahalaga 'yong experience n'yo. 1165 00:56:10,825 --> 00:56:14,120 Alam kong hindi 'yon perfect. Marami kayong naramdaman. 1166 00:56:14,204 --> 00:56:18,458 Pero palibutan n'yo lang ang sarili n'yo ng mga taong ipinagbubunyi kayo, 1167 00:56:18,541 --> 00:56:20,752 kasi ipagbubunyi ko kayong lahat. 1168 00:56:21,544 --> 00:56:23,797 -Ikasal mo kami. -Ikakasal ko kayo. 1169 00:56:25,298 --> 00:56:28,385 Meron din kaming nakakatuwang ibabahagi sa inyo 1170 00:56:28,468 --> 00:56:29,761 at sa mga nasa bahay. 1171 00:56:29,844 --> 00:56:32,138 MAGPAPAKASAL KA BA O MAGMO-MOVE ON? 1172 00:56:32,222 --> 00:56:35,266 Mararanasan n'yo na rin ang mabigat na desisyon at drama 1173 00:56:35,350 --> 00:56:37,185 na susubok sa pagmamahalan n'yo. 1174 00:56:37,268 --> 00:56:43,400 Nasa Netflix Games na sa iOS at Android, laruin na ang The Ultimatum: Choices. 1175 00:56:45,443 --> 00:56:49,489 Sa ngayon, salamat sa tiwala n'yo sa The Ultimatum. Para sa pag-ibig. 1176 00:56:50,824 --> 00:56:52,200 Sino'ng gusto ng yakap? 1177 00:56:52,283 --> 00:56:53,743 Sige! 1178 00:56:56,913 --> 00:56:59,207 -Yayakapin lahat. -Yayakapin kita. 1179 00:56:59,290 --> 00:57:00,667 Hindi ako touchy. 1180 00:57:00,750 --> 00:57:01,876 Kyle, payakap naman. 1181 00:57:02,710 --> 00:57:04,379 Ang babait n'yo. 1182 00:57:31,322 --> 00:57:33,241 Nagsalin ng Subtitle: EI Columna