1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.MX 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.MX 3 00:01:07,984 --> 00:01:10,028 -Musta, Stutz? -Hi, Jonah. 4 00:01:12,113 --> 00:01:13,615 Okay, aliwin mo ako. 5 00:01:14,949 --> 00:01:17,452 'Yan ang sinasabi mo pagkaupo ko. 6 00:01:17,952 --> 00:01:19,287 Gano'n naman ako sa lahat. 7 00:01:19,370 --> 00:01:23,083 Oo, kung therapy session 'to na 'di kinukunan para sa pelikula. 8 00:01:23,583 --> 00:01:27,545 Ang isa pang sinasabi mo sa 'kin na natatawa ako lagi, na maganda naman, 9 00:01:27,629 --> 00:01:30,632 ay, "'Wag ka na ngang pumunta rito para lang magmaktol sa 'kin." 10 00:01:30,715 --> 00:01:35,011 Oo nga, ilang taon ka nang nagmamaktol sa 'kin, nakakapagod na nga. 11 00:01:36,513 --> 00:01:37,597 Heto na nga tayo. 12 00:01:38,223 --> 00:01:40,975 Sa tingin mo, bakit kita ginagawan ng pelikula? 13 00:01:41,476 --> 00:01:43,144 Siguro dahil sa mga ideya ko. 14 00:01:43,228 --> 00:01:46,481 Siguro may epekto sa 'yo ang mga ideya ko, 15 00:01:46,564 --> 00:01:50,360 at siguro gusto mong maipakilala sa ibang tao ang mga ideyang 'yon. 16 00:01:50,443 --> 00:01:51,277 At siguro… 17 00:01:51,861 --> 00:01:55,698 Ewan ko, baka gusto mo lang na makontrol ako, o… 18 00:01:57,367 --> 00:01:58,910 'Di ako sigurado. Bakit ba? 19 00:01:58,993 --> 00:02:05,041 Nagpasya akong gawin 'to kasi gusto kong ipakilala ang tools mo, 20 00:02:06,459 --> 00:02:12,757 at ang mga turo mo, Phil Stutz, ang therapist ko, 21 00:02:13,675 --> 00:02:17,679 sa paraang maa-access ang mga 'to ng mga tao 22 00:02:17,762 --> 00:02:20,723 at gamitin para mapabuti nila ang kanilang buhay. 23 00:02:21,391 --> 00:02:24,853 Kaya naisip kong kunan natin ang isang session sa isang araw 24 00:02:24,936 --> 00:02:28,565 at i-cover ang ilang tools mo na pinakanakatulong sa buhay ko. 25 00:02:29,065 --> 00:02:30,275 Sa tingin ko maganda 'yon. 26 00:02:30,775 --> 00:02:31,776 At… 27 00:02:32,861 --> 00:02:35,029 gawin 'to sa paraang pararangalan 28 00:02:36,531 --> 00:02:41,578 ang buhay ng isang tao na inaalala ko at iginagalang. 29 00:02:44,372 --> 00:02:45,206 Okay. 30 00:02:46,291 --> 00:02:48,793 Pero magpatawa ka naman paminsan-minsan? Kung pwede… 31 00:02:55,842 --> 00:02:58,386 Ano kadalasan ang unang tanong mo sa sinumang pasyente? 32 00:02:58,469 --> 00:03:01,556 Ang unang itatanong ay, "Ano'ng gusto mo? Bakit ka nandito?" 33 00:03:01,639 --> 00:03:05,435 Sasabihin ng karaniwang therapist, "'Wag sasabad sa proseso ng pasyente." 34 00:03:05,518 --> 00:03:08,229 "Magkakasagot na sila kung handa na sila." 35 00:03:08,313 --> 00:03:10,315 Pangit 'yon. 'Di katanggap-tanggap 'yon. 36 00:03:10,398 --> 00:03:13,067 No'ng nag-psychiatry ako, ang modelo ay, "Nyutral ako." 37 00:03:13,151 --> 00:03:16,112 "Manonood lang ako. 'Di ako dapat magpapaapekto." 38 00:03:16,196 --> 00:03:19,574 Napakabagal ng gano'ng proseso, at napakaraming pagdurusa. 39 00:03:19,657 --> 00:03:21,159 Kilala mo ako, ang reaksiyon ko, 40 00:03:21,242 --> 00:03:23,453 "Bahala ka sa buhay mo. Niloloko mo ba ako?" 41 00:03:24,746 --> 00:03:27,999 Sa harap ng may depression, na nababahalang 'di sila makaka-recover, 42 00:03:28,082 --> 00:03:31,336 'ka ko, "Gawin mo'ng sasabihin ko. Ang mismong ipapagawa ko sa 'yo." 43 00:03:31,419 --> 00:03:35,256 "Ginagarantiya kong bubuti ang pakiramdam mo. Ako'ng bahala." 44 00:03:35,340 --> 00:03:38,259 Pagpasok ko sa opisina mo, umupo tayo, 45 00:03:38,343 --> 00:03:41,262 at sabi mo lang, "Heto ang gagawin mo." 46 00:03:41,346 --> 00:03:44,641 Binigyan mo ako ng dapat gawin. Binigyan mo ako ng tool. 47 00:03:44,724 --> 00:03:46,392 Oo, dapat lang 'yon. 48 00:03:46,476 --> 00:03:47,894 Gusto ko mabilis sa ganito. 49 00:03:47,977 --> 00:03:52,106 'Di 'yong bilis na magamot ang isang tao sa isang linggo, imposible 'yon, 50 00:03:52,190 --> 00:03:55,193 pero gusto kong maramdaman nilang may nagbabago, 51 00:03:55,276 --> 00:03:56,569 sumusulong sila. 52 00:03:56,653 --> 00:04:00,156 Nabibigyan sila ng pag-asa. Parang, "Oh, grabe, pwede pala talaga 'yon." 53 00:04:00,240 --> 00:04:02,242 Kung gano'n, ano ang tools? 54 00:04:02,325 --> 00:04:05,620 Ang tool ay isang bagay na babago sa kalagayan mo, panloob na kalagayan, 55 00:04:05,703 --> 00:04:07,497 na agad-agad, sa mismong oras na 'yon. 56 00:04:07,580 --> 00:04:11,292 Gagamitin nito ang karanasang kadalasa'y 'di maganda, 57 00:04:11,376 --> 00:04:13,711 tapos gagawin itong oportunidad. 58 00:04:13,795 --> 00:04:15,463 Babaguhin ng tools ang mood mo, 59 00:04:15,546 --> 00:04:19,467 pagkatapos bibigyan ka ng pag-asang 'di 'yon ang mood mo habambuhay. 60 00:04:19,550 --> 00:04:20,468 Tama. 61 00:04:20,551 --> 00:04:24,055 Kaya aktwal itong visualization exercise 62 00:04:24,138 --> 00:04:25,932 na gagawin mo sa isip sa oras na 'yon. 63 00:04:26,015 --> 00:04:27,767 Tama. Kaya sa esensiya, titser ako. 64 00:04:27,850 --> 00:04:32,063 Tinuturuan ko ang tao kung paano gagamitin 'yon at kailan gagawin 'yon. 65 00:04:32,146 --> 00:04:35,984 Lahat ng pasyente mo, kahit ako, mayro'n kami nitong mga note card. 66 00:04:36,943 --> 00:04:39,904 Mga drowing ng tools na ginagawa mo sa mga session natin 67 00:04:39,988 --> 00:04:41,614 na inuuwi at itinatago namin. 68 00:04:42,115 --> 00:04:44,409 Hilig kong gawing biswal ang iniisip ko. 69 00:04:44,492 --> 00:04:46,995 Para sa sarili ko talaga ang pagdrowing ng mga card, 70 00:04:47,078 --> 00:04:49,289 pero malaki ang tulong sa mga pasyente. 71 00:04:49,372 --> 00:04:52,125 Ang kapangyarihan ng cards ay ginagawa ang malalaking ideya 72 00:04:52,208 --> 00:04:54,127 bilang mga simpleng imahe. 73 00:04:54,210 --> 00:04:56,462 Paraan 'to ng pakikipag-usap sa pasyente 74 00:04:56,546 --> 00:04:59,841 na nararamdaman ko talagang mas epektibo kaysa gumamit ng mga salita. 75 00:05:00,341 --> 00:05:02,051 Oras na kunin nila ang card, 76 00:05:02,135 --> 00:05:04,679 may koneksiyon na kami, isang ugnayan. 77 00:05:04,762 --> 00:05:07,849 Tama, may natatangi tayong personal na relasyon. 78 00:05:07,932 --> 00:05:10,768 Sobrang higpit na pumapayag kang isapelikula kita. 79 00:05:10,852 --> 00:05:14,522 'Yan ang bagay na 'di ko naranasan sa mundo ng therapy. 80 00:05:14,605 --> 00:05:19,902 At sa huli, grabeng bumuti ang buhay ko na resulta ng pakikipag-ugnayan ko sa 'yo, 81 00:05:19,986 --> 00:05:23,781 kung kaya, kung gumana sa 'kin, baka gumana rin sa ibang mga tao. 82 00:05:26,743 --> 00:05:28,619 Oo nga pala. Oras na para sa gamot mo. 83 00:05:28,703 --> 00:05:31,289 -Oras na para sa? -Para sa gamot mo. 84 00:05:31,372 --> 00:05:32,832 -Salamat. -Namatay na ang alarm. 85 00:05:33,499 --> 00:05:34,375 Oh, naku. 86 00:05:38,713 --> 00:05:41,507 Jonah, gamot pang-Parkinson's, gusto mo? 87 00:05:42,967 --> 00:05:44,844 Matagal ko nang itinigil 'yan. 88 00:05:44,927 --> 00:05:47,930 Alam mo, no'ng bata ako, 'pag umiinom ako ng gamot, 89 00:05:48,014 --> 00:05:50,475 kung nasabi mo lang sa 'kin, "pagkalipas ng 50 taon 90 00:05:50,558 --> 00:05:53,353 ay iinumin ko 'tong lahat ng gamot…" 91 00:05:53,853 --> 00:05:56,522 Kaya pang-Parkinson's lahat ng mga gamot na 'yan? 92 00:05:56,606 --> 00:05:57,565 Oo. 93 00:05:57,648 --> 00:06:01,402 'Pag may Parkinson's, ang pinakamalaking bagay ay, na maganda naman, 94 00:06:01,486 --> 00:06:05,198 kailangang planuhin ang maraming maliliit na bagay. 95 00:06:05,698 --> 00:06:07,408 'Pag babangon ako sa umaga, 96 00:06:07,909 --> 00:06:10,995 bumabaluktot ako para lang makabangon. 97 00:06:11,496 --> 00:06:14,749 Ang bumangon sa umaga ang pinakamahirap sa buhay ko. 98 00:06:14,832 --> 00:06:17,251 -Pero sa ibang mga dahilan naman. -Siyempre, ibang… 99 00:06:17,752 --> 00:06:18,586 Oo nga. 100 00:06:19,087 --> 00:06:23,633 Bago kita nakilala, napaka-tradisyunal ng karanasan ko sa therapy 101 00:06:23,716 --> 00:06:25,551 kasi magsasalita ako 102 00:06:25,635 --> 00:06:29,472 at sasabihin ng therapist, "Ano'ng pakiramdam mo do'n?" o, "interesting," 103 00:06:30,181 --> 00:06:32,225 Ramdam ko lang ang napakalayong distansya. 104 00:06:32,308 --> 00:06:35,812 At iniisip ko kung paano, sa tradisyunal na therapy, 105 00:06:36,437 --> 00:06:40,733 babayaran mo siya, at magbubukas ka ng lahat ng problema mo sa kaniya, 106 00:06:40,817 --> 00:06:42,235 at makikinig lang sila, 107 00:06:43,486 --> 00:06:46,030 at 'yong mga kaibigan mo, na walang alam, 108 00:06:47,490 --> 00:06:48,533 ay magpapayo. 109 00:06:48,616 --> 00:06:49,742 -Oo. -Walang pasubali. 110 00:06:49,826 --> 00:06:50,660 -Oo. 111 00:06:50,743 --> 00:06:52,620 Makinig lang sana ang mga kaibigan mo. 112 00:06:53,413 --> 00:06:56,249 At gusto mong magpayo ang therapist mo. 113 00:06:56,332 --> 00:07:00,461 Pero ganito. Sa esensiya, 'di sa ayaw nilang tulungan ka. 114 00:07:00,545 --> 00:07:01,379 'Di naman gano'n. 115 00:07:01,462 --> 00:07:04,757 Pero para sa 'kin, lagi kong nararamdamang may kulang. 116 00:07:04,841 --> 00:07:06,926 Kaya ang tool ay isang tulay 117 00:07:07,009 --> 00:07:11,097 sa pagitan ng kung ano ang napagtanto mo sa problema at sa dahilan ng problema 118 00:07:11,180 --> 00:07:12,223 patungo rito, 119 00:07:12,306 --> 00:07:14,934 na makakakuha ka ng kaunting kontrol man lang sa sintomas. 120 00:07:15,768 --> 00:07:17,645 Tungkol lahat 'to sa posibilidad. 121 00:07:17,728 --> 00:07:20,523 At 'di 'yong walang kwentang kahulugan ng posibilidad. 122 00:07:21,232 --> 00:07:23,568 Ang kahulugan ng posibilidad ay ramdam mong 123 00:07:23,651 --> 00:07:25,945 tumutugon sa ibang paraan ang sarili mo. 124 00:07:26,028 --> 00:07:26,946 Parang… 125 00:07:28,281 --> 00:07:31,409 Ano ngang tawag dito? Pangkaraniwan. Pero 'yon talaga ang totoo. 126 00:07:32,869 --> 00:07:36,372 Isa sa pinakaunang pinaasikaso mo sa 'kin ay ang pwersa ng buhay. 127 00:07:36,456 --> 00:07:39,917 Agarang bagay 'yon na magpapabago ng buhay mo, 128 00:07:40,001 --> 00:07:44,005 at bagay na tingin ko madaling maunawaan ninuman. 129 00:07:44,088 --> 00:07:46,174 At 'yon ang unang hakbang para sa 'kin 130 00:07:46,257 --> 00:07:48,301 sa pagsisimula ng proseso na bumuti. 131 00:07:48,384 --> 00:07:51,220 Oo, tama 'yan. Heto'ng madalas mangyari. 132 00:07:51,304 --> 00:07:54,599 Depressed ang isang tao, pupunta sa opisina ko at sasabihing, 133 00:07:54,682 --> 00:07:59,187 "Alam kong masama ang gawi ko. Na wala akong disiplina. Na tamad ako." 134 00:07:59,270 --> 00:08:01,981 "Pero kung alam ko lang kung ano'ng dapat kong gawin, 135 00:08:02,482 --> 00:08:06,944 ano talaga'ng misyon ko sa buhay, masigla sana akong magtatarabaho." 136 00:08:07,028 --> 00:08:09,197 "Pero 'di ko alam kung ano'ng dapat kong gawin. 137 00:08:09,280 --> 00:08:11,908 kaya magpapakatamad na lang ako at walang gagawin." 138 00:08:11,991 --> 00:08:14,160 Tapos, mula do'n, siyempre magkaka-depression. 139 00:08:14,744 --> 00:08:17,788 May pwedeng mag-apply sa 'yo, 140 00:08:17,872 --> 00:08:21,501 at sa sinuman na walang direksiyon 141 00:08:21,584 --> 00:08:23,753 o 'di alam ang susunod nilang gagawin, 142 00:08:23,836 --> 00:08:27,465 at ang sagot ay, pwede mong ayusin ang pwersa ng buhay mo. 143 00:08:28,049 --> 00:08:31,469 PWERSA NG BUHAY 144 00:08:31,552 --> 00:08:33,971 Ang tanging paraan para alamin ang dapat mong gawin, 145 00:08:34,055 --> 00:08:35,097 at kung sino ka, 146 00:08:35,181 --> 00:08:37,225 ay paganahin ang pwersa ng buhay mo, 147 00:08:37,975 --> 00:08:40,186 dahil ang pwersa ng buhay mo ang tanging parte 148 00:08:40,269 --> 00:08:43,564 ng pagkatao mo na kayang gabayan ka 'pag naliligaw ka. 149 00:08:44,482 --> 00:08:48,277 Kung iisipin mo 'to bilang pyramid, may tatlong lebel ang pwersa ng buhay. 150 00:08:48,361 --> 00:08:52,448 Ang lebel sa ilalim ang relasyon mo sa pisikal mong katawan. 151 00:08:52,949 --> 00:08:56,035 Ang ikalawang lebel ang relasyon mo sa ibang mga tao. 152 00:08:56,953 --> 00:09:00,957 Ang pinakamataas na lebel ang relasyon mo sa sarili mo. 153 00:09:01,040 --> 00:09:04,335 Ang pinakamababang baitang ay relasyon mo sa pisikal mong katawan. 154 00:09:04,418 --> 00:09:06,796 Ang tanging gagawin mo ay paganahin ang katawan mo 155 00:09:06,879 --> 00:09:08,839 nang mabuti, at epektibo lagi 'yan. 156 00:09:08,923 --> 00:09:11,300 Ang pinakakaraniwan ay walang ehersisyo. 157 00:09:11,384 --> 00:09:13,010 Isa pa ang diet, 158 00:09:13,094 --> 00:09:14,220 at pagtulog. 159 00:09:14,303 --> 00:09:17,473 Kaya ilang porsiyento niyan 160 00:09:17,557 --> 00:09:19,767 ang talagang magpapabuti sa pakiramdam mo? 161 00:09:19,850 --> 00:09:21,852 'Pag nagsimula na, 162 00:09:21,936 --> 00:09:23,437 siguro 85 porsiyento. 163 00:09:24,146 --> 00:09:25,106 Napakataas no'n. 164 00:09:25,189 --> 00:09:26,941 Napakataas. 165 00:09:27,024 --> 00:09:28,818 No'ng bata pa ako, 166 00:09:28,901 --> 00:09:31,779 nakatatak sa isip ko ang ehersisyo at diet na, 167 00:09:31,862 --> 00:09:33,823 "May mali sa hitsura mo." 168 00:09:33,906 --> 00:09:37,034 Pero ni minsan, ang ehersisyo at diet 169 00:09:37,118 --> 00:09:40,037 ay 'di pinanukala para sa mental health ko. 170 00:09:40,121 --> 00:09:43,833 Sana lang naihahapag 'yan sa mga tao sa ibang paraan. 171 00:09:43,916 --> 00:09:45,042 Oo nga. 172 00:09:45,126 --> 00:09:46,586 Kasi, sa 'kin, 173 00:09:46,669 --> 00:09:49,297 nagdulot 'yon ng maraming problema, 174 00:09:49,380 --> 00:09:52,550 at maging mga problema sa 'min ng mom ko. 175 00:09:52,633 --> 00:09:55,803 Lagi ko siyang sinasalubong ng ugaling "'Langhiya ka." 176 00:09:55,886 --> 00:09:59,181 "Ayaw ko, kasi sinasabi mong may mali sa 'kin." 177 00:09:59,265 --> 00:10:00,391 Talaga? Ipaliwanag mo. 178 00:10:01,934 --> 00:10:07,398 Pwede, pero 'di bale na, tungkol sa 'yo ang pelikulang 'to, 'di sa 'kin. 179 00:10:08,065 --> 00:10:10,318 E, kung sabihin kong kung mas palalalimin mo, 180 00:10:10,401 --> 00:10:13,821 mas madali sa 'kin para subukan. 181 00:10:13,904 --> 00:10:15,364 Naisip mo bang gano'n? 182 00:10:15,865 --> 00:10:18,117 Gumawa ka na lang ng pelikula tungkol sa 'kin, 183 00:10:18,200 --> 00:10:20,536 kaysa ako ang gumagawa ng pelikula tungkol sa 'yo. 184 00:10:24,123 --> 00:10:25,374 Sige, galing no'n. 185 00:10:25,458 --> 00:10:27,793 Okay. Kaya 'yon ang unang lebel. 186 00:10:27,877 --> 00:10:30,838 Ang susunod ang relasyon mo sa ibang mga tao. 187 00:10:30,921 --> 00:10:34,467 'Pag depressed ang mga tao, 'di sa tinatapos nila ang relasyon nila. 188 00:10:34,550 --> 00:10:37,261 Parang barko na nawawala sa horizon. 189 00:10:37,345 --> 00:10:39,847 Nagsisimula silang umatras, palayo sa mga buhay nila, 190 00:10:39,930 --> 00:10:41,974 at ang mga relasyon ay parang… 191 00:10:42,058 --> 00:10:45,436 Alam mo 'yong mga bagay 'pag umaakyat ka sa bundok, umaapak ka sa mga uka, 192 00:10:45,519 --> 00:10:46,979 parang kapitan. 193 00:10:47,063 --> 00:10:52,485 Kaya parang mga kapitan ang mga relasyon para maiwasang umatras ka sa buhay. 194 00:10:52,568 --> 00:10:55,237 Ang susi rito ay magkusa kang manguna. 195 00:10:55,321 --> 00:10:58,032 'Pag hinintay mo sila, 'di mo naiintindihan 'to. 196 00:10:58,115 --> 00:11:01,827 Pwedeng yayain mong mag-lunch ang isang tao na 'di ka interesado, 197 00:11:01,911 --> 00:11:05,331 'di bale, maaapektuhan ka rin naman, sa positibong paraan. 198 00:11:05,414 --> 00:11:09,210 Simbolikong kinakatawan ng taong 'yon ang sangkatauhan. 199 00:11:10,002 --> 00:11:12,463 'Yon ang panggitnang lebel, ang pinakamataas na lebel 200 00:11:12,546 --> 00:11:14,548 ay ang relasyon mo sa sarili mo. 201 00:11:14,632 --> 00:11:15,675 SARILI MO 202 00:11:15,758 --> 00:11:17,593 Pinakamabuting paraang sabihin 'to ay 203 00:11:17,677 --> 00:11:19,470 makipag-ugnayan ka sa unconsious mo, 204 00:11:19,553 --> 00:11:22,139 kasi walang nakakaalam kung ano'ng nasa unconscious nila 205 00:11:22,223 --> 00:11:23,808 hangga't 'di nila napapagana. 206 00:11:23,891 --> 00:11:26,310 Ang isang mahika rito ay pagsusulat. 207 00:11:26,394 --> 00:11:28,062 Mahiwaga talaga 'yan. 208 00:11:28,145 --> 00:11:30,981 Napapabuti mo ang relasyo mo sa sarili mo sa pagsusulat. 209 00:11:31,065 --> 00:11:33,109 Sabi ng ibang tao, "Magsulat ng ano?" 210 00:11:33,192 --> 00:11:36,320 "'Di ako interesante. 'Di ako manunulat." 'Di bale. 211 00:11:36,404 --> 00:11:38,906 'Pag nagsulat ka na, parang salamin ang pagsusulat. 212 00:11:38,989 --> 00:11:41,784 Sinasalamin nito ang nangyayari sa unconsious mo, 213 00:11:41,867 --> 00:11:44,912 at lalabas ang mga bagay-bagay kung magsusulat ka na parang journal 214 00:11:44,995 --> 00:11:47,206 na 'di mo alam na alam mo pala. 215 00:11:47,957 --> 00:11:50,376 Ito ang tatlong lebel ng pwersa ng buhay. 216 00:11:50,459 --> 00:11:53,087 'Pag naliligaw ka, 'wag mong pag-isipan. 217 00:11:53,170 --> 00:11:55,840 Hayaan mo lang at ayusin mo muna ang pwersa ng buhay mo. 218 00:11:56,382 --> 00:11:57,633 Tungkol ito sa passion. 219 00:11:57,717 --> 00:11:59,176 Palakasin ang pwersa ng buhay mo 220 00:11:59,260 --> 00:12:02,930 para mahanap mo kung saan ka passionate. 221 00:12:03,013 --> 00:12:05,474 Pero unang hakbang ang maging passionate 222 00:12:05,558 --> 00:12:07,560 sa pag-ugnay sa sarili mong pwersa ng buhay, 223 00:12:07,643 --> 00:12:09,353 at magagawa 'yan ninuman. 224 00:12:09,437 --> 00:12:12,732 At 'pag ginawa ko 'yang pyramid, maaayos ang lahat? 225 00:12:12,815 --> 00:12:14,650 Maaayos ang lahat. 226 00:12:17,695 --> 00:12:19,989 Pa'no mo nagawa ang mga ganiyan? 227 00:12:20,489 --> 00:12:23,909 May supervisor ako dati… Batang-bata pa ako. 228 00:12:23,993 --> 00:12:25,911 Wala pa akong sariling practice no'n. 229 00:12:25,995 --> 00:12:29,123 Kinakausap ko ang mga tao tungkol sa buhay nila sa nakaraang 30 taon, 230 00:12:29,206 --> 00:12:31,625 o anong sanhi ng problema nila. 231 00:12:31,709 --> 00:12:33,669 Umaalis sila na kagaya no'ng pumasok sila, 232 00:12:33,753 --> 00:12:36,130 masama ang loob, at talagang walang pag-asa. 233 00:12:36,630 --> 00:12:37,673 Sabi ko sa kaniya, 234 00:12:37,757 --> 00:12:41,844 "May magagawa ba tayo para mapabuti ang pakiramdam nila, 235 00:12:41,927 --> 00:12:43,471 'yong agaran man lang sana?" 236 00:12:43,554 --> 00:12:46,307 At sabi niya sa 'kin… 237 00:12:46,974 --> 00:12:48,809 "'Wag mong susubukan," sabi niya. 238 00:12:48,893 --> 00:12:52,521 Para bang 'di niya nauunawaan ang pinagdadaanan ng tao. 239 00:12:53,773 --> 00:12:56,692 'Ka ko, "Teka, dapat may gawin tayo sa puntong 'to." 240 00:12:56,776 --> 00:12:59,320 'Di kailangang lulutas sa lahat ng problema nila, 241 00:12:59,403 --> 00:13:04,658 pero maski man lang 'yong pakiramdam na kaya nilang magbago ngayon din. 242 00:13:04,742 --> 00:13:07,077 Ayaw kong umaalis sila na walang napapala. 243 00:13:07,161 --> 00:13:10,873 'Di ka nag-aalala, sa estratehiyang 'yan, baka maling pagkilos ang maibigay mo? 244 00:13:10,956 --> 00:13:11,791 Hindi. 245 00:13:12,583 --> 00:13:15,878 Sa larangang 'to, tulad ng lagi kong sinasabi, 246 00:13:15,961 --> 00:13:19,089 karaniwang tao lang ako, walang kakaiba, liban dito. 247 00:13:19,173 --> 00:13:22,384 Sinusuri kita, at itinatago ko na ang iba pa. 248 00:13:22,468 --> 00:13:25,679 Mula bata ako, nilalapitan ako ng iba at sinasabihan ng problema nila. 249 00:13:25,763 --> 00:13:29,642 Maliit na bata. Parang sampung taon tapos lalapitan ako ng matanda. 250 00:13:29,725 --> 00:13:32,978 'Di ko nga kilala ang karamihan. Naglalabas lang sila ng emosyon nila. 251 00:13:33,854 --> 00:13:35,564 Saan nga ba galing 'yon. 252 00:13:39,944 --> 00:13:42,196 nasa Bronx ako hanggang maglimang taon ako. 253 00:13:42,279 --> 00:13:43,906 Tapos lumipat kami sa Manhattan. 254 00:13:43,989 --> 00:13:45,199 Saan sa Manhattan? 255 00:13:45,282 --> 00:13:49,286 Sa 78th at Broadway 'yong unang lugar. 215 West 78th Street. 256 00:13:49,870 --> 00:13:52,164 Karaniwang nakakaluwag sa buhay at nagtatrabaho. 257 00:13:52,665 --> 00:13:55,125 Napakabait ng tatay ko. 258 00:13:55,209 --> 00:13:57,169 Malakas siya at maraming opinyon. 259 00:13:57,253 --> 00:13:59,129 Gustung-gusto niyang nang-aaliw. 260 00:13:59,797 --> 00:14:03,384 Kung siya ang masusunod, gusto niyang nagsasama ng tao sa bahay gabi-gabi, 261 00:14:04,134 --> 00:14:05,636 naiinis ang nanay ko do'n. 262 00:14:06,428 --> 00:14:10,474 Sabi ng nanay ko sa 'kin, sa isang magandang araw sa Bronx, 263 00:14:10,558 --> 00:14:13,394 napakaraming bata ang naglalaro sa mga kalsada, 264 00:14:13,477 --> 00:14:17,690 ang paborito raw niyang gawin ay magbasa ng libro sa loob ng bahay. 265 00:14:18,357 --> 00:14:21,110 Ang sa kaniya, "'Wag niyo akong pakialaman. Layuan niyo ako." 266 00:14:21,193 --> 00:14:24,822 "Gusto kong madala nitong libro dahil napakasakit mabuhay." 267 00:14:24,905 --> 00:14:27,616 "Ayaw kong intindihin ang buhay. Kundi 'tong libro lang." 268 00:14:27,700 --> 00:14:31,078 'Pag nakikita mo ang dalawang taong 'to, may malalaking problema. 269 00:14:31,161 --> 00:14:32,997 Ano'ng mga taon 'to? No'ng '50s ba? 270 00:14:33,080 --> 00:14:39,253 Oo. Nasa '56, parang gano'n. 271 00:14:40,087 --> 00:14:41,964 Teka, siya'y… Kailan siya namatay? 272 00:14:47,678 --> 00:14:49,680 Ano'ng pangalan ng kapatid mong pumanaw? 273 00:14:49,763 --> 00:14:52,308 Eddie ang pangalan niya. 'Yong pumanaw na. 274 00:14:53,601 --> 00:14:54,852 Alam na nila agad. 275 00:14:54,935 --> 00:14:59,481 isang tipo ng tumor na may pantal yata. 276 00:14:59,565 --> 00:15:02,902 Sabi sa 'kin ng doktor pagkalipas ng ilang taon, 277 00:15:02,985 --> 00:15:06,614 alam na raw niya pagpasok pa lang sa ospital kung ano 'yon. 278 00:15:07,114 --> 00:15:10,618 Pero 'di sinabi sa 'min ng mga magulang namin. Mali 'yon. 279 00:15:10,701 --> 00:15:13,329 Ilang taon ka no'ng pumanaw siya? Siyam na taon? 280 00:15:13,412 --> 00:15:14,914 Oo, siyam ako. 281 00:15:14,997 --> 00:15:16,206 At siya ay tatlo? 282 00:15:17,458 --> 00:15:18,584 Tatlong taon nga siya. 283 00:15:20,920 --> 00:15:22,546 Pupunta ako sa banyo. 284 00:15:22,630 --> 00:15:25,424 Naaalala ko, itatapak ko ang isang paa ko sa inidoro, 285 00:15:25,507 --> 00:15:28,719 para akong sinaunang kabalyero, 286 00:15:28,802 --> 00:15:31,263 at kakausapin ko ang Diyos, sabi ko, 287 00:15:31,347 --> 00:15:35,184 "Kung hahayaan mo siyang mabuhay, maniniwala ako sa 'yo." 288 00:15:36,060 --> 00:15:38,479 "Kung hindi, 'di ako maniniwala." Piangdaanan ko 'yon. 289 00:15:39,271 --> 00:15:42,024 Tuwing nasa New York ako, dadaan ako sa gusaling 'yon. 290 00:15:42,107 --> 00:15:44,234 Gusto kong tumayo sa mismong lugar 291 00:15:44,318 --> 00:15:46,695 kung saan kami nakatayo pagpunta sa 'min ng tatay ko. 292 00:15:46,779 --> 00:15:49,740 Bumaba ng taksi ang nanay ko, 293 00:15:49,823 --> 00:15:52,993 dumeretso sa gusali at sumakay ng elevator paakyat. 294 00:15:53,077 --> 00:15:54,703 'Di man lang kami nilingon. 295 00:15:55,454 --> 00:15:57,957 Tinanong ko ang nanay ko, "Pwede akong mag-aral ulit?" 296 00:15:58,040 --> 00:16:00,501 Sabi niya, "Oo, magagawa mo lahat ng gusto mo." 297 00:16:01,001 --> 00:16:01,835 Nag-aral nga ako. 298 00:16:02,461 --> 00:16:04,797 At tingin ko parte 'yon ng pagsasawalang-bahala ko. 299 00:16:05,381 --> 00:16:09,009 Mabilis na binabalewala ng lahat ang nangyayari. 300 00:16:11,220 --> 00:16:14,723 'Di talaga tinatanggap ng lahat ang nangyayari. 301 00:16:15,641 --> 00:16:21,689 Part X ko 'yon. nasa isip ko ang Part X bago ko naunawaan ang alinman sa mga 'to. 302 00:16:24,900 --> 00:16:28,988 Mahalagang parte ang Part X sa pag-unawa paano gumagana ang tools mo, 303 00:16:29,071 --> 00:16:31,490 kaya gusto kong pag-usapan 'to. 304 00:16:31,573 --> 00:16:34,076 'pag dumating ang kahirapan, 305 00:16:34,159 --> 00:16:36,412 oportunidad sa 'yo para… 306 00:16:36,495 --> 00:16:39,415 Sa oras na 'yon, direkta mong makakaharap ang Part X. 307 00:16:39,498 --> 00:16:41,959 Ang Part X ang mapanghusagang parte ng sarili mo, 308 00:16:42,042 --> 00:16:44,461 ang antisosyal na parte ng sarili mo. 309 00:16:44,545 --> 00:16:47,047 Isa 'tong pwersang 'di nakikita 310 00:16:47,631 --> 00:16:50,843 na pinipigilan kang magbago at lumago. 311 00:16:50,926 --> 00:16:53,262 Gusto nitong harangan ang pag-unlad mo. 312 00:16:53,345 --> 00:16:55,723 Gusto nitong harangan ang potensyal mo. 313 00:16:56,223 --> 00:16:58,017 Gusto nitong guluhin ang problema mo. 314 00:16:58,100 --> 00:17:01,311 Kaya kalaban ang Part X 315 00:17:01,395 --> 00:17:03,647 sa kwento ng pagiging tao. 316 00:17:03,731 --> 00:17:05,524 Ang tools 317 00:17:05,607 --> 00:17:08,110 ay mga bayani na magagamit para labanan ang kontrabida. 318 00:17:08,193 --> 00:17:11,613 Tama. Ang Part X ang boses ng kawalang posibilidad. 319 00:17:12,114 --> 00:17:15,784 Anumang tingin mong dapat mong gawin, sasabihin nitong imposible. 320 00:17:16,493 --> 00:17:17,369 "Suko na." 321 00:17:17,453 --> 00:17:20,539 Bibigyan ka niya ng napakaespesipikong pagkatao kung sino ka, 322 00:17:21,123 --> 00:17:22,583 ng kaya mong gawin. 323 00:17:22,666 --> 00:17:25,878 At nililikha nito ang, parang, sinaunang takot ng mga tao. 324 00:17:26,628 --> 00:17:28,589 Ano'ng sinasabi sa 'yo ng Part X mo? 325 00:17:28,672 --> 00:17:30,966 Pinaparamdam nitong nagsasayang lang ako ng oras. 326 00:17:31,050 --> 00:17:32,968 Sinasabi nitong inimbento ko 'tong mga 'to, 327 00:17:33,052 --> 00:17:36,638 at mahusay naman, napakataas ng kumpiyansa ko, pero 'di nito… 328 00:17:36,722 --> 00:17:39,141 'di nito palalaganapin sa kultura. 329 00:17:39,224 --> 00:17:42,102 Kaya paano maiiwasan ng mga tao ang Part X? 330 00:17:42,186 --> 00:17:43,145 'Di mo maiiwasan. 331 00:17:43,228 --> 00:17:47,107 Madadaig mo siya pansamantala, pero lagi siyang babalik. 332 00:17:47,191 --> 00:17:52,279 Kaya may tatlong aspeto ng realidad na walang sinumang makakaiwas. 333 00:17:52,780 --> 00:17:55,491 Sakit, kawalang katiyakan, 334 00:17:56,241 --> 00:17:57,534 at palagiang paggawa. 335 00:17:58,202 --> 00:18:01,371 'Yon ang mga bagay na dapat taglay mo lang, kahit ano'ng mangyari. 336 00:18:01,872 --> 00:18:04,958 Kung gano'n ang mangyayari, kung maaalis mo ang Part X, 337 00:18:05,042 --> 00:18:06,835 wala nang pag-unlad pa. 338 00:18:07,336 --> 00:18:13,133 Kaya kung kwento 'to, kailangan ng bida ang Part X, ang kontrabida, 339 00:18:13,217 --> 00:18:17,513 kasi kung 'di madadaig ng bida ang kontrabida 340 00:18:17,596 --> 00:18:18,472 walang kwento. 341 00:18:18,555 --> 00:18:19,807 -Tama. -Walang pag-unlad. 342 00:18:19,890 --> 00:18:23,227 Walang pagbabago, walang katapangan, walang kagitingan. 343 00:18:23,727 --> 00:18:27,106 Kailangan natin ang pagiging negatibo ng Part X, kundi 'di tayo uunlad. 344 00:18:27,189 --> 00:18:28,273 Tama 'yan. 345 00:18:28,357 --> 00:18:31,777 'Di ibig sabihin 'di ka na magsisikap nang mabuti para sa isang layunin, 346 00:18:31,860 --> 00:18:32,945 'di ka magtatagumpay. 347 00:18:33,529 --> 00:18:36,365 Pero kung gusto mong sumaya… Kasi 'di ka no'n mapapasaya. 348 00:18:36,865 --> 00:18:39,243 Ang proseso ang magpapasaya sa 'yo. 349 00:18:39,743 --> 00:18:43,497 Dapat matutunan mong mahalin ang proseso sa pagharap sa tatlong bagay na 'yon. 350 00:18:44,414 --> 00:18:45,874 Do'n papasok ang tools. 351 00:18:46,375 --> 00:18:50,003 'Pag lumilitaw 'to, makikilala mo, 352 00:18:50,087 --> 00:18:53,549 pagkatapos, makakagamit ka ng tool para mapawalambisa 'to. 353 00:18:53,632 --> 00:18:55,092 SAKIT, KAWALANG KATIYAKAN, PALAGIANG PAGGAWA - TOOLS 354 00:18:55,175 --> 00:18:58,345 Kung may matuturuan kang gawin 'yan, mababago nila ng buhay nila. 355 00:18:58,428 --> 00:19:01,974 Kasi ang pinakamatataas na mapanlikhang ekspresyon ng tao 356 00:19:02,057 --> 00:19:05,936 ay ang makalikha ng bago sa harap mismo ng kahirapan, 357 00:19:06,019 --> 00:19:09,606 at kung mas malala ang kahirapan, mas malaki ang oportunidad. 358 00:19:19,825 --> 00:19:25,122 Ang malamang pumanaw na siya ay parang… parang pagtuklas ng bagong mundo. 359 00:19:25,998 --> 00:19:29,585 'Ka ko, "Wow, pwede palang mangyari sa 'kin 'to? Bata lang ako." 360 00:19:29,668 --> 00:19:31,879 'Yon ang pinakamalaking epekto sa 'kin, 361 00:19:31,962 --> 00:19:34,131 liban sa 'di na kinaya ng mga magulang ko. 362 00:19:34,798 --> 00:19:37,342 'Di na nila madala ang emosyon nila bilang mga magulang. 363 00:19:37,426 --> 00:19:38,927 'Di na lang nila kinaya. 364 00:19:39,428 --> 00:19:40,262 Ikaw ba ay… 365 00:19:40,929 --> 00:19:41,972 Masisisi mo ba sila? 366 00:19:42,472 --> 00:19:44,600 Hindi, 'di ko sila kailanman sinisi dahil do'n. 367 00:19:45,142 --> 00:19:45,976 Buti na lang. 368 00:19:47,311 --> 00:19:48,312 Oo nga. 369 00:19:49,396 --> 00:19:52,357 Binago no'n ang buong buhay ko, kasi doble ang kahulugan ng lahat. 370 00:19:52,441 --> 00:19:56,945 Kung magso-softball ako at makakabalik ako para sa hapunan, 371 00:19:57,029 --> 00:19:57,863 kung ako ay… 372 00:19:57,946 --> 00:20:01,742 promise, kung mahuli ako kahit isang minuto, mababaliw na sila. 373 00:20:01,825 --> 00:20:03,452 Tapos na ang pagkabata. 374 00:20:03,952 --> 00:20:06,496 Seryoso na lahat. 'Di ka pwedeng pumalpak. 375 00:20:08,207 --> 00:20:12,794 Naging higanteng pasanin ang pagpanaw niya na kailangan kong dala-dalhin, 376 00:20:12,878 --> 00:20:15,881 pero walang umaaming naro'n ang pasanin. 377 00:20:15,964 --> 00:20:17,424 TOTOO NGA - PHILIP 378 00:20:17,507 --> 00:20:18,592 'Di ko makalimutan 'to. 379 00:20:18,675 --> 00:20:21,303 May kaibigan ako, malala ang lagay niya. 380 00:20:21,386 --> 00:20:23,680 Dinalaw namin ng tatay ko sa ospital, 381 00:20:23,764 --> 00:20:27,142 at paglabas namin, lumingon ang tatay ko at sabi niya, 382 00:20:27,226 --> 00:20:29,228 "'Yan ang tanging propesyon." 383 00:20:29,311 --> 00:20:32,231 Ibig sabihin, "Kung may iba kang gagawin liban sa pagdodoktor, 384 00:20:32,314 --> 00:20:34,191 'di ka katanggap-tanggap dito." 385 00:20:34,274 --> 00:20:38,403 "Mahal kita, pero kung 'di ka magiging doktor, 'di kita mairerespeto." 386 00:20:39,154 --> 00:20:43,408 Pareho silang atheist ng nanay ko, kaya wala na silang aasahan. 387 00:20:43,492 --> 00:20:46,578 Laban 'yon sa kamatayan, at kung 'di ako sasali sa laban, 388 00:20:47,079 --> 00:20:49,164 guguho ang buong pamilya. 389 00:20:49,248 --> 00:20:54,002 Kaya may responsibilidad kang punuan ang pasensiya at pagkabalisa nila. 390 00:20:54,586 --> 00:20:56,213 Naging therapist ka nila. 391 00:20:57,631 --> 00:20:59,716 Tama. Mismo. 392 00:21:01,718 --> 00:21:04,388 Kaya wala silang anumang… 393 00:21:05,597 --> 00:21:06,473 Pananampalataya? 394 00:21:06,556 --> 00:21:09,726 Oo. Anumang susuporta sa kanila para manampalataya. 395 00:21:10,227 --> 00:21:14,273 May isang bagay lang para manampalataya sila, 396 00:21:14,773 --> 00:21:15,732 at ako 'yon. 397 00:21:17,442 --> 00:21:19,861 Kita mo kung paano 'yon naipapasa. 398 00:21:20,487 --> 00:21:22,656 Sinubukan ko ang makakaya ko. 399 00:21:22,739 --> 00:21:24,825 Bigon-bigo talaga, siyempre. 400 00:21:25,659 --> 00:21:28,412 Pero tingin ko, may nagawa akong isang bagay. 401 00:21:28,495 --> 00:21:29,663 Naging doktor ako. 402 00:21:31,581 --> 00:21:32,416 Kaya… 403 00:21:37,045 --> 00:21:40,299 Kaya kahit paano may nabuo naman mula ro'n. 404 00:21:41,300 --> 00:21:44,136 Natatawa ako nang magsimula na akong magkaro'n ng pasyente. 405 00:21:45,262 --> 00:21:48,724 Bagong sitwasyon lang. Maraming beses ko naman nang nagawa. 406 00:21:51,518 --> 00:21:54,563 At 'di na rin masama, kahit no'ng 12 anyos ako. 407 00:21:58,400 --> 00:21:59,234 Gano'n nga. 408 00:22:02,195 --> 00:22:04,740 Magkakaganitong mga session pa ba tayo kada linggo 409 00:22:04,823 --> 00:22:06,199 na ako ang pasyente? 410 00:22:08,160 --> 00:22:10,579 Maganda rin kung nasasagot mo ang ganitong mga tanong. 411 00:22:10,662 --> 00:22:13,957 Maganda ring masagot mo kahit isa lang no'n. 412 00:22:16,668 --> 00:22:19,671 Pinag-usapan natin ang kapatid ko. Ang kapatid mo ba? 413 00:22:20,172 --> 00:22:22,257 Malamang may napukaw sa 'yo. 414 00:22:23,008 --> 00:22:23,842 Kasi… 415 00:22:32,059 --> 00:22:34,478 Hindi… Hindi, 'di tayo pupunta diyan. 416 00:22:36,355 --> 00:22:37,189 Okay. 417 00:22:38,899 --> 00:22:41,485 Mag-break muna siguro ako. Ano'ng oras na… Oh, grabe. 418 00:22:41,985 --> 00:22:42,819 Oo nga. 419 00:22:43,487 --> 00:22:44,446 Sige. 420 00:22:45,238 --> 00:22:46,656 P're, nakakabilib 'yon. 421 00:22:46,740 --> 00:22:48,700 Napagod ako. 422 00:22:48,784 --> 00:22:52,496 Sabi ko naman sa 'yong magtanong ka nang mas madadali. Bahala ka. 423 00:22:53,413 --> 00:22:55,999 Gusto mo ng mga note ko sa pagdidirektor at pag-arte mo? 424 00:22:56,833 --> 00:22:58,043 Sa session ko na lang. 425 00:23:07,803 --> 00:23:10,972 HUWEBES, 7:00 A.M., 11:00 A.M. 3:00 P.M., 7:00 P.M., 10:00 P.M., 426 00:23:11,056 --> 00:23:12,265 BANGKO - KOBREN 427 00:23:12,349 --> 00:23:15,102 MGA PAGGAMOT - PARKINSON'S 428 00:23:15,185 --> 00:23:18,313 AYUSIN ANG UCLA 429 00:23:18,397 --> 00:23:19,689 IBINUBUNYAG NG KASAMAAN ANG SARILI NITO 430 00:23:19,773 --> 00:23:21,733 ANG PAGKAKAIBA NG PART X AT NG ANINO 431 00:23:21,817 --> 00:23:25,278 POOT AT SIGALOT 432 00:24:02,649 --> 00:24:05,277 Bakit nagtatagal, p're? 433 00:24:16,246 --> 00:24:17,247 Ingat sa mga track. 434 00:24:18,665 --> 00:24:19,833 Nandito ka rin? 435 00:24:19,916 --> 00:24:20,876 -Oo. -Oh, naku. 436 00:24:24,754 --> 00:24:26,465 -Kumusta? -Natutuwa akong makita ka. 437 00:24:30,427 --> 00:24:33,638 Gagamit muna ako ng tool. Ayos lang? 438 00:24:33,722 --> 00:24:34,723 Sige lang. 439 00:24:52,574 --> 00:24:53,408 Okay. 440 00:24:59,247 --> 00:25:01,625 Pakiramdam ko sa paggawa ng pelikulang 'to 441 00:25:01,708 --> 00:25:04,252 ay napakakumplikado dahil sa maraming dahilan. 442 00:25:04,753 --> 00:25:09,341 Therapist kita, at 'pag problemado ako, 443 00:25:10,300 --> 00:25:13,011 ikaw ang kakausapin ko tungkol dito. 444 00:25:14,012 --> 00:25:17,849 Pero no'ng naramdaman ko 'yon tungkol sa pelikulang 'to, 445 00:25:18,600 --> 00:25:21,394 nag-aatubili ako, at itinigil ko, 446 00:25:22,312 --> 00:25:24,773 kasi tungkol sa 'yo ang pelikulang 'to, 447 00:25:25,357 --> 00:25:30,737 at pakiramdam ko dapat akong magkunwaring ayos lang ang lahat, 448 00:25:30,820 --> 00:25:33,823 kahit hindi. 449 00:25:35,116 --> 00:25:35,951 Ako kasi ay 450 00:25:37,827 --> 00:25:42,082 nagsisinungaling sa 'yo sa mga pribadong therapy session natin 451 00:25:43,333 --> 00:25:45,210 kung kumusta ang pelikula. 452 00:25:45,293 --> 00:25:46,545 Kaya sa esensiya ako ay 453 00:25:48,004 --> 00:25:50,840 nagbabayad sa 'yo para magsinungaling sa 'yo, 454 00:25:50,924 --> 00:25:54,219 at lalo akong nalulungkot do'n. 455 00:25:56,054 --> 00:25:58,682 Gusto kong ipahayag ang mabibigat na ideyang 'to. 456 00:25:58,765 --> 00:25:59,975 -Tama. -At ang mga ito ay… 457 00:26:00,058 --> 00:26:05,146 At ikwento rin ang buhay mo, pero natitigilan ako. 458 00:26:05,647 --> 00:26:07,983 At lagi kong tinatanong ang sarili ko, 459 00:26:08,066 --> 00:26:10,402 "'Di ba kalokohan ang ideyang 'to 460 00:26:10,485 --> 00:26:14,698 para sa isang pasyente na gumawa ng pelikula tungkol sa therapist niya? 461 00:26:14,781 --> 00:26:17,117 Tinatawanan ko nga 'yon, 'di ba? 462 00:26:17,742 --> 00:26:21,037 Pero ang punto ko, bakit ako magtatago 463 00:26:22,414 --> 00:26:24,583 sa likod ng pagiging perpekto? 464 00:26:24,666 --> 00:26:29,045 Bakit ako nagtatago sa likod ng pader sa halip na papasukin kita rito? 465 00:26:29,796 --> 00:26:32,173 Kaya pakiramdam ko 'yon lang ang pagpipilian ko. 466 00:26:32,674 --> 00:26:33,508 Gano'n nga. 467 00:26:34,217 --> 00:26:37,012 Paano ko sasabihin sa pelikula ang bulnerabilidad ng mga tao, 468 00:26:37,095 --> 00:26:39,848 at ayusin ang problema nila, pero ako mismo 'di bulnerable? 469 00:26:40,348 --> 00:26:41,933 'Di patas. 470 00:26:42,017 --> 00:26:47,105 Kaya kung pagiging patas at tapat ang pipiliin, 471 00:26:47,188 --> 00:26:49,899 dapat kong amining 472 00:26:51,151 --> 00:26:53,570 nagsu-shoot na tayo ng dalawang taon, 473 00:26:53,653 --> 00:26:57,699 at suot natin ang parehong damit araw-araw, 474 00:26:57,782 --> 00:27:00,577 nagkukunwaring isang session lang, 475 00:27:00,660 --> 00:27:03,788 pero ilang taon na, at 476 00:27:04,414 --> 00:27:07,208 naka-green screen tayo. Wala tayo sa opisina mo. 477 00:27:08,126 --> 00:27:11,421 At nakasuot nga ako ng wig ngayon 478 00:27:11,504 --> 00:27:14,758 para magmukhang noong nakaraang walong buwan pa 'to 479 00:27:14,841 --> 00:27:16,635 no'ng ganito pa ang buhok ko, 480 00:27:16,718 --> 00:27:18,386 pero ngayon ay 481 00:27:19,763 --> 00:27:20,597 kalbo na ako. 482 00:27:20,680 --> 00:27:21,514 Ako ay… 483 00:27:22,057 --> 00:27:23,433 Ewan ko. 484 00:27:23,933 --> 00:27:26,978 Weirdo lang at 'di totoo ang pakiramdam. 485 00:27:28,521 --> 00:27:31,941 Gusto kong papasukin ang manonood sa proseso ng paggawa ng pelikula, 486 00:27:32,025 --> 00:27:35,904 at ikaw, para 'di ko maramdamang nagsisinungaling tayo sa kanila. 487 00:27:35,987 --> 00:27:40,617 Nagsisinungaling ako sa 'yo, at sa lahat na maayos ang takbo nito, at pangit 'yon. 488 00:27:40,700 --> 00:27:42,619 Malamang pinapanood natin ang eksenang 'to 489 00:27:42,702 --> 00:27:46,498 at may mga kuha walong buwan na ang nakaraan, 14 buwan ang nakaraan. 490 00:27:46,581 --> 00:27:47,457 Parang… 491 00:27:47,540 --> 00:27:51,127 Mahirap lang alamin kung ano ang dapat sa oras na 'to. 492 00:27:51,628 --> 00:27:55,507 Pero sa huli, sa katotohanan pa rin ako, 'yon ay papasukin ka rito. 493 00:27:56,341 --> 00:27:58,093 Magulo ba 'yon? 494 00:27:59,260 --> 00:28:02,013 Mukhang 'yon lang ang pagpipilian mo, sa totoo lang. 495 00:28:02,097 --> 00:28:06,101 Kung gusto mong malaman ang tunay na ako at kung ano ang gusto nating gawin, 496 00:28:06,184 --> 00:28:08,353 hayaan mong maguluhan ka. 497 00:28:08,436 --> 00:28:09,979 Kung mapeperpekto mo 'to, 498 00:28:10,063 --> 00:28:12,399 sasalungatin no'n ang lahat ng ginagawa natin dito. 499 00:28:12,482 --> 00:28:13,983 Kaya natutuwa ako sa 'yo na… 500 00:28:14,067 --> 00:28:17,112 Parang naghinala na ako sa ganito, kasi tayo ay… 501 00:28:17,612 --> 00:28:20,615 Una sa lahat, nakakailang araw na rin tayo. Kaya 'ka ko… 502 00:28:21,950 --> 00:28:25,578 'Ka ko, "Alinman 'to sa pinakamagandang documentary na nagawa, o pinakapangit," 503 00:28:25,662 --> 00:28:26,913 at baka pareho. 504 00:28:29,249 --> 00:28:32,544 Pero makinig ka, kailangang maging malapit kalaunan, 505 00:28:32,627 --> 00:28:36,423 at 'pag naging malapit na, 'di mo alam kung ano'ng mangyayari. 506 00:28:36,506 --> 00:28:41,052 Kung maayos kitang sinanay, makikita mo lang na 'di mo 'yon maiiwasan. 507 00:28:41,803 --> 00:28:48,101 Ang kabiguan ay 'di ito tanggapin, at 'di ito gamitin para lumalim pa. 508 00:28:48,184 --> 00:28:51,396 Ang mag-uudyok sa lahat ng 'to, para sa 'kin, ay ang bulnerabilidad mo. 509 00:28:51,479 --> 00:28:52,939 Walang duda riyan. 510 00:28:53,690 --> 00:28:58,111 Kung totoo tayo sa ideyang 'yon at ayos sa 'yo 'yon, 511 00:28:58,194 --> 00:28:59,863 'di tayo magkakamali, kasi… 512 00:28:59,946 --> 00:29:01,823 Pero tungkol sa 'yo ang pelikulang 'to. 513 00:29:01,906 --> 00:29:02,949 Hindi, 'di talaga. 514 00:29:03,032 --> 00:29:05,118 Sa 'kin, isa pang bagay lang 'to. 515 00:29:05,910 --> 00:29:07,746 'Di nakadepende ang buhay ko rito. 516 00:29:07,829 --> 00:29:10,665 Ang buhay mo… Okay, siguro nakadepende ang buhay mo rito. 517 00:29:10,749 --> 00:29:11,708 Biro lang. 518 00:29:12,500 --> 00:29:18,631 Sinasabi ng isip ko, gusto kong agresibo at tapat na pag-usapan ang dalawang bagay. 519 00:29:18,715 --> 00:29:20,633 Una ay ang relasyon ko sa 'yo, 520 00:29:21,301 --> 00:29:24,387 at pangalawa, ang aktwal na kapangyarihan nitong tools. 521 00:29:24,471 --> 00:29:27,015 Paano ako magpapalalim? Paano ko… 522 00:29:27,766 --> 00:29:29,017 May isang paraan lang. 523 00:29:29,976 --> 00:29:30,852 Ikaw. 524 00:29:35,774 --> 00:29:38,151 Ganito kasi, kung gusto mong magpatuloy, 525 00:29:38,818 --> 00:29:42,864 'di ka makakapagpatuloy nang hindi nagiging bulnerable. 526 00:29:42,947 --> 00:29:47,035 At ang dahilan ay kailangan ng lahat na magpatuloy. 527 00:29:48,119 --> 00:29:52,624 Kabiguan, kahinaan, bulnerabilidad ay parang… 528 00:29:53,208 --> 00:29:56,211 Parang tagaugnay. Inuugnay ka sa buong mundo. 529 00:29:56,294 --> 00:29:58,296 Dahil ang ginagawa mo, 530 00:29:58,379 --> 00:30:00,298 binibigay mo ang signal na 'to sa mundo, 531 00:30:00,381 --> 00:30:03,468 "Kailangan ko kayo, kasi 'di ko kaya 'to nang mag-isa." 532 00:30:08,765 --> 00:30:10,892 Oo nga, sobrang tama nga 'yon. 533 00:30:13,895 --> 00:30:16,022 Magandang ideya siguro kung… 534 00:30:16,523 --> 00:30:18,900 Siguro ipakita ko sa 'yo 'yong ilang kuha, 535 00:30:18,983 --> 00:30:23,279 at mapag-isipan natin paano tatapusin 'to. 536 00:30:24,781 --> 00:30:28,576 At para magkasama tayo sa proseso kung ayos ka lang sa gano'n? 537 00:30:29,077 --> 00:30:31,329 Oo naman. Natutuwa ako. 538 00:30:32,288 --> 00:30:33,915 Sa totoo lang, nakahinga rin ako. 539 00:30:35,333 --> 00:30:38,628 Kaya oo, maganda 'yon. Maganda 'yon. Parang eksperimento. 540 00:30:40,171 --> 00:30:41,297 Sige. Ayos. 541 00:30:42,549 --> 00:30:43,466 Sige, handa na ako. 542 00:30:47,345 --> 00:30:48,346 Mahal kita, p're. 543 00:30:48,888 --> 00:30:49,722 Cut. 544 00:30:51,182 --> 00:30:52,725 Oh, kinukuhanan niyo pala kami? 545 00:30:55,812 --> 00:30:57,981 Sa tingin mo, bakit kita ginagawan ng pelikula? 546 00:30:58,064 --> 00:30:59,774 Siguro dahil sa mga ideya ko. 547 00:30:59,858 --> 00:31:02,986 Siguro may epekto sa 'yo ang mga ideya ko, 548 00:31:03,069 --> 00:31:06,614 at siguro gusto mong maipakilala sa ibang tao ang mga ideyang 'yon. 549 00:31:06,698 --> 00:31:08,575 Gamot pang-Parkinson's, gusto mo? 550 00:31:10,451 --> 00:31:12,537 Matagal ko nang itinigil 'yan. 551 00:31:19,043 --> 00:31:22,630 Gumawa tayo ng pekeng set ng opisina mo sa green screen 552 00:31:22,714 --> 00:31:25,133 para magmukhang nandito tayo sa buong panahon. 553 00:31:25,216 --> 00:31:27,719 -Mas maganda sa tunay kong opisina. -Oo nga. 554 00:31:27,802 --> 00:31:30,889 Part X. Pagkatapos, 'pag pinapanood mo ang pelikula… 555 00:31:32,348 --> 00:31:35,310 -Parang, view ng… -'Di tayo nagka-insurance para diyan. 556 00:31:35,393 --> 00:31:37,228 Nasabi ko na sa 'yo ang masakit sa 'kin. 557 00:31:37,312 --> 00:31:40,565 Sinabi na namin sa 'yo kung nasaan ako, at ang katotohanan nito. 558 00:31:40,648 --> 00:31:42,150 Saan na tayo pupunta mula rito? 559 00:31:42,233 --> 00:31:45,445 Sa tingin ko, manatili tayong nakatapak sa lupa, 560 00:31:45,528 --> 00:31:48,364 pero kasabay no'n, abutin ang mga bituin. 561 00:31:48,448 --> 00:31:51,618 'Di ako sigurado kung paano gagawin pareho 'yon. 562 00:31:51,701 --> 00:31:55,288 Pero anumang tunay at malalim 563 00:31:55,371 --> 00:31:59,292 ay dapat mayro'n ng dalawa, 'di lang isa, dahil nagtutuwangan 'yon. 564 00:32:00,043 --> 00:32:03,838 Makakalikha ng espasyo ang dalawang tao. 'Di nakikita ang espasyo, 565 00:32:03,922 --> 00:32:06,674 pero 'yon ang pwersa sa universse na nakakagawa ng mga bagay. 566 00:32:06,758 --> 00:32:09,093 Makikita mo 'yon sa mga personal mong relasyon. 567 00:32:09,177 --> 00:32:12,597 Makikita mo sa pandaigdigang kaganapang nangyayari ngayon. 568 00:32:12,680 --> 00:32:15,016 Ang ginagawa natin dito ay pagsuko ng sarili natin 569 00:32:15,099 --> 00:32:17,477 sa bagay na 'di natin ganap na nauunawaan. 570 00:32:17,560 --> 00:32:20,229 Pero anumang nandiyan, anumang mayro'n diyan, 571 00:32:20,313 --> 00:32:22,523 gusto nitong makaugnayan ang lahat. 572 00:32:24,359 --> 00:32:29,489 Ang hiya, kahihiyan, ay ang pandikit na nagbubuklod sa universe. 573 00:32:29,572 --> 00:32:33,868 Sa karanasang 'yon ka napupwersa na makipag-ugnayan sa iba. 574 00:32:34,869 --> 00:32:36,788 'Di bale 'di naman 'to magiging perpekto. 575 00:32:36,871 --> 00:32:41,125 Sa usapin ng pagpepelikula o sining, pwedeng may 'di maayos, 576 00:32:41,209 --> 00:32:44,295 pero sa imposibilidad, may mangyayari. 577 00:32:44,921 --> 00:32:47,006 Ito nga pala ang tunay kong buhok. 578 00:32:48,466 --> 00:32:51,094 Ano? Ano'ng problema? Teka, ano'ng problema? 579 00:32:51,177 --> 00:32:54,389 Ang sasabihin mo ay, "Gagawin ko ang best ko ngayon." 580 00:32:54,472 --> 00:32:57,141 "Sa susunod naman at gagawin ko ang best ko do'n." 581 00:32:57,225 --> 00:33:01,020 Parang karaniwan na at mababaw, pero maniwala ka sa 'kin, hindi. 582 00:33:02,563 --> 00:33:06,943 Ayos, kaya sinasabi mong mas malala, mas mabuti ang nagawa natin? 583 00:33:07,026 --> 00:33:08,111 -Oo. -Ayos. 584 00:33:08,194 --> 00:33:10,488 'Di ba gano'n naman sa Hollywood sa pangkalahatan? 585 00:33:11,698 --> 00:33:12,949 Gano'n ang naiisip ko lagi. 586 00:33:16,494 --> 00:33:18,329 Sige, ituloy na natin. 587 00:33:19,789 --> 00:33:23,209 LUBID NG MGA PERLAS 588 00:33:23,292 --> 00:33:26,379 Kung may tools ka na, mababaliktad natin 'to. 589 00:33:26,963 --> 00:33:29,716 Kaya kailangang nating magpatuloy. 590 00:33:30,216 --> 00:33:31,050 Tuloy lang. 591 00:33:31,134 --> 00:33:33,469 Parang nakakagago. 'Di ba napapasimple naman? 592 00:33:33,553 --> 00:33:35,096 Oo, pero gusto nating sabihing, 593 00:33:35,179 --> 00:33:38,182 "ako ang maglalagay ng susunod na perlas sa lubid." 594 00:33:38,266 --> 00:33:39,976 'Yon na. Wala nang iba. 595 00:33:40,059 --> 00:33:42,103 Lubid ng mga Perlas ang tawag do'n. 596 00:33:42,186 --> 00:33:46,816 Malamang na 'yon ang pinakamahalagang bagay na maituturo mo sa sarili mo. 597 00:33:47,400 --> 00:33:49,444 Magdrowing ka ng lubid ng mga perlas. 598 00:33:49,527 --> 00:33:52,572 May linya, tapos bilog, linya, tapos bilog. 599 00:33:52,655 --> 00:33:55,908 Bawat isa sa mga bilog na 'yan ay katumbas ng isang aksiyon. 600 00:33:56,409 --> 00:33:57,744 Pero ganito. 601 00:33:57,827 --> 00:34:00,038 Bawat aksiyon ay may parehong halaga. 602 00:34:00,830 --> 00:34:02,999 Tungkol ito sa pagkakakilanlan. "Sino ako?" 603 00:34:03,499 --> 00:34:06,961 "'Di ako mahusay, 'di ako gago. Ayaw kong tingnan ang sarili ko o sa anuman." 604 00:34:07,045 --> 00:34:10,882 Titingnan ko lang ang sarili batay sa mga gawi ko na ginagawa ko. 605 00:34:10,965 --> 00:34:14,385 'Pag may kabiguan, o malaking tagumpay, alinman diyan, 606 00:34:14,469 --> 00:34:15,887 tuluy-tuloy ka lang. 607 00:34:16,596 --> 00:34:21,059 Ako ang maglalagay ng susunod na perlas sa lubid. 'Yon na 'yon. 608 00:34:21,559 --> 00:34:24,896 Kaya sa esensiya ang pagbangon sa umaga ay lubid ng mga perlas. 609 00:34:24,979 --> 00:34:28,357 Kahit pagbangon at gawin ang dapat mong gawin sa araw na 'yon, 610 00:34:28,441 --> 00:34:31,486 at hindi lalagyan ng halaga sa sukat ang pagsisikap. 611 00:34:31,569 --> 00:34:33,154 Pare-pareho lang sila ng sukat. 612 00:34:33,237 --> 00:34:36,783 Ang maganda sa 'yo, kahit na gago ka, 613 00:34:36,866 --> 00:34:38,367 ay 'di ka tumitigil. 614 00:34:38,451 --> 00:34:40,870 May gano'n ka. Gusto mo ng walang katiyakan. 615 00:34:42,038 --> 00:34:45,249 Sa unang session natin, sabi mo na ang tunay na kumpiyansa 616 00:34:45,333 --> 00:34:47,085 ay nabubuhay sa kawalang kasiguruhan. 617 00:34:47,752 --> 00:34:49,045 Oo, at sa pagpapatuloy. 618 00:34:49,128 --> 00:34:52,965 Ang panalo ay 'di 'yong laging tama ang mga desisyon o maganda ang hitsura. 619 00:34:53,049 --> 00:34:56,052 Ang panalo ay ang kumikilos sa siklo. 620 00:34:56,135 --> 00:34:58,846 Sa ibang salita, 'yong handang humarap sa risgo, 621 00:34:58,930 --> 00:35:02,934 makikipag-ugnayan na may pananampalataya, at kakainin ang mga kahihinatnan. 622 00:35:03,017 --> 00:35:06,062 Kung masama ang mga kahihinatnan, kikilos ka ulit sa siklo. 623 00:35:06,145 --> 00:35:07,355 Gano'n na siya. 624 00:35:08,022 --> 00:35:09,482 Ngayon, ganito. 625 00:35:09,565 --> 00:35:13,027 Sa bawat isa sa maliliit na bilog na 'to, may maliit na itim na bilog, 626 00:35:13,111 --> 00:35:17,031 mas maliit, dumi ang itim na bilog. 627 00:35:17,615 --> 00:35:21,119 Medyo nakakatawa, pero ang sinasabi nito ay bawat pagsisikap mo… 628 00:35:21,202 --> 00:35:23,371 Halimbawa ngayon. Ginagawa natin 'tong pelikula. 629 00:35:23,454 --> 00:35:25,873 Anumang kalabasan, 'di ito perpekto. 630 00:35:25,957 --> 00:35:27,416 Laging may dumi dito. 631 00:35:27,500 --> 00:35:31,504 'Di ko talaga alam kung mabuti 'to o hindi, kaya 'di na ako mag-aalala. 632 00:35:31,587 --> 00:35:34,966 Mag-aalala ako sa pagsulong, paglalagay ng susunod na perlas sa lubid. 633 00:35:35,049 --> 00:35:38,678 Kabaliktaran niyan ang pilosopiya ko sa buhay. 634 00:35:38,761 --> 00:35:42,557 Sa halip na dumi sa loob ng perlas, 635 00:35:43,432 --> 00:35:45,101 may perlas sa paligid ng bawat dumi. 636 00:35:45,685 --> 00:35:48,938 Kasi 'pag may masamang nagyayari, 'ka ko, "Maraming matututunan, 637 00:35:49,021 --> 00:35:51,482 at maraming mabubuti sa paligid ng pangyayaring 'yon. 638 00:35:51,566 --> 00:35:54,110 Galing no'n. Nanakawin ko 'yan. 639 00:35:54,735 --> 00:35:55,862 Kakasuhan kita. 640 00:35:57,572 --> 00:36:00,491 -Mahal kita. Wala akong pakialam. -Sige magkita tayo sa korte. 641 00:36:05,079 --> 00:36:08,374 Kung matatapos ang pelikulang 'to sa sampung taong 642 00:36:08,457 --> 00:36:10,376 kasuhan sa pagitan nating dalawa… 643 00:36:10,459 --> 00:36:12,003 Malapit na malapit talaga. Astig. 644 00:36:20,636 --> 00:36:23,472 Ang pagpunta ko sa 'yo at pagsisimula ng pinagsamahan natin 645 00:36:24,098 --> 00:36:29,020 ay dahil sa pagiging desperado na maging mas masaya. 646 00:36:29,103 --> 00:36:34,942 Mahirap sabihin. Wala lang akong malusog na tiwala sa sarili. 647 00:36:35,026 --> 00:36:35,860 Tama. 648 00:36:36,360 --> 00:36:39,363 Ang lumaking overweight 649 00:36:40,323 --> 00:36:45,995 parang 'di naman malaking usapin 650 00:36:46,078 --> 00:36:48,247 o parang, "Kawawa ka," o anuman. 651 00:36:49,040 --> 00:36:50,791 Pero personal sa 'kin, 652 00:36:50,875 --> 00:36:52,627 ginulo talaga ako no'n. 653 00:36:53,419 --> 00:36:56,172 Ipinaliwanag mo sa 'kin ang ideya ng Anino. 654 00:36:56,255 --> 00:37:00,635 Bersiyon yan ng sarili mo na pinakatatago mo sa mundo. 655 00:37:01,135 --> 00:37:06,474 At ito ang naisip ko no'ng araw na 'yon. Ako noong 14 anyos ako. 656 00:37:10,102 --> 00:37:13,147 No'ng nakilala kita, 33 anyos ako no'n, parang gano'n nga. 657 00:37:13,231 --> 00:37:15,566 Napakamatagumpay ko, 658 00:37:15,650 --> 00:37:18,319 napakaganda ng hitsura ko. 659 00:37:18,402 --> 00:37:24,283 'Di totoo lahat ng ganitong magagandang ideya tungkol sa sarili ko. 660 00:37:24,992 --> 00:37:29,830 Pero ang ipinaliwanag mo sa 'kin ay tulad ng pagtingin ko sa sarili ko, 661 00:37:29,914 --> 00:37:32,166 at itinatanggi ko sa sarili ko 662 00:37:32,250 --> 00:37:35,878 kasi sobrang nahihiya akong ito ako. 663 00:37:36,921 --> 00:37:40,925 Akala ko kung magiging matagumpay ka, 'di na nila makikita 'yon. 664 00:37:41,008 --> 00:37:46,597 at no'ng naging matagumpay na ako, higit pa ro'n ang sinabi ng mga tao, 665 00:37:46,681 --> 00:37:48,266 at masakit sa 'kin. 666 00:37:49,183 --> 00:37:52,812 Tapos laging pakiramdam ko ako ang taong ito, 667 00:37:53,312 --> 00:37:59,527 at laging nandito 'yon sa 'kin kasi laging lumalabas. 668 00:37:59,610 --> 00:38:03,531 Kaya sa loob ko, ako pa rin 'tong 'di kanais-nais na tao. 669 00:38:03,614 --> 00:38:06,701 pero ang punto, patungo sa 670 00:38:08,035 --> 00:38:10,579 'di lang sa pagtanggap, kundi paglapit sa… 671 00:38:10,663 --> 00:38:13,207 -Na ayos lang ang maging ganitong tao. -Oo. 672 00:38:13,708 --> 00:38:15,334 Pero napakahirap pa rin no'n. 673 00:38:16,210 --> 00:38:18,045 Magiging mahirap sa buong buhay mo. 674 00:38:21,132 --> 00:38:25,094 ANG ANINO 675 00:38:25,177 --> 00:38:26,262 May Anino ang lahat. 676 00:38:26,345 --> 00:38:28,222 Medyo magkakaiba ang Anino ng bawat isa, 677 00:38:28,306 --> 00:38:31,600 pero sa isang banda, magkakapareho ang Anino ng bawat isa, 678 00:38:31,684 --> 00:38:35,229 kasi parte 'yon ng sarili nilang kinahihiya nila. 679 00:38:35,313 --> 00:38:37,440 Hanapin ang Anino mo ang unang dapat gawin. 680 00:38:37,523 --> 00:38:41,027 Dapat mo 'tong makita para mapagtuunan mo 'to, 681 00:38:41,110 --> 00:38:42,862 at malaman kung paano pakikitunguhan. 682 00:38:42,945 --> 00:38:44,405 Oo, kailangan mo ng visual. 683 00:38:44,488 --> 00:38:46,115 Kaya pikit ka. 684 00:38:47,575 --> 00:38:51,162 Ngayon isipin mo ang panahon sa buhay mo 685 00:38:51,245 --> 00:38:57,001 na nanliit ka, napahiya, napuwera, nasiraan ng loob, 686 00:38:57,084 --> 00:38:58,461 na ikinahihiya mo. 687 00:38:58,961 --> 00:39:02,590 'Yon ang parte ng sarili mo na sana 'di naging ikaw, 688 00:39:03,090 --> 00:39:06,344 pero ikaw 'yon, at 'di lang 'yon, 'di mo maiiwasan 'yon. 689 00:39:06,427 --> 00:39:07,511 IKAW 690 00:39:07,595 --> 00:39:08,554 ANINO 691 00:39:09,180 --> 00:39:14,643 Sa 'kin, isang 14-anyos na batang lalaki na overweight, at may tagihawat, 692 00:39:14,727 --> 00:39:18,856 at 'di kanais-nais sa mundo. 693 00:39:19,357 --> 00:39:23,194 Ang tanong ay ano'ng ginagawa mo sa imaheng 'yan ngayon? 694 00:39:23,277 --> 00:39:25,529 'Yan ay nasa nakaraan, 'di ba? 695 00:39:26,489 --> 00:39:31,452 Kausapin mo ang Anino mo, at tanungin mo siya kung ano'ng pakiramdam niya sa 'yo? 696 00:39:31,535 --> 00:39:33,788 Paano mo siya hinarap, paano mo siya trinato. 697 00:39:34,288 --> 00:39:35,498 Ano ang sagot niya. 698 00:39:35,581 --> 00:39:36,874 PAKINGGAN MO ANG ANINO MO 699 00:39:36,957 --> 00:39:40,419 Sabi niya, "Itinanggi mo ang pag-iral ko, 700 00:39:40,503 --> 00:39:43,923 at ikinahiya mo ang pag-iral ko." 701 00:39:44,006 --> 00:39:45,925 Tanungin mo siya ng pakiramdam niya ro'n. 702 00:39:47,051 --> 00:39:50,429 Sobrang nasaktan, nagalit, at masama ang loob. 703 00:39:51,680 --> 00:39:53,349 Ngayon, pakinggan mo nang mabuti. 704 00:39:53,933 --> 00:39:56,685 Kailangan ng atensyon ng Anino, 705 00:39:56,769 --> 00:39:59,105 pero atensyon hindi ng mundo. 706 00:39:59,188 --> 00:40:01,065 'Di niya kailangan ng Academy Award. 707 00:40:01,148 --> 00:40:05,653 Ang atensyong mahalaga sa Anino mo ay ikaw. 708 00:40:06,862 --> 00:40:09,740 Gusto kong tanungin mo ang Anino mo ng pwede mong gawin, 709 00:40:09,824 --> 00:40:15,079 para makabawi sa katotohanang 'di mo siya pinansin ng napakahabang panahon? 710 00:40:21,085 --> 00:40:25,381 Sabi niya ay isama ko siya sa buhay ko, 711 00:40:25,464 --> 00:40:29,301 at ibahagi sa kaniya ang buhay ko, at ipagdiwang siya. 712 00:40:30,678 --> 00:40:32,054 At maging proud sa sarili. 713 00:40:32,555 --> 00:40:36,350 Ibig sabihin sa lipunan, sa trabaho, o sa relasyon, 714 00:40:36,434 --> 00:40:38,436 'pag 'di mo kinikilala ang taong 'to, 715 00:40:38,519 --> 00:40:42,690 at 'di lang sa umiiral siya, kundi magandang parte siya ng buhay mo. 716 00:40:42,773 --> 00:40:44,316 Sige. Dumilat ka na. 717 00:40:45,234 --> 00:40:49,697 Ito ang tool na sana gawing mas maganda ang relasyon mo sa Anino mo. 718 00:40:49,780 --> 00:40:51,574 Maganda 'to sa pagkamahiyain. 719 00:40:51,657 --> 00:40:54,118 Mabuting magkaro'n ka ng presentasyon sa publiko. 720 00:40:54,201 --> 00:40:57,663 Mabuti rin kung sasabihin mo sa asawa mo. Bahala ka na. 721 00:40:57,746 --> 00:40:59,665 O makipag-date. 722 00:40:59,748 --> 00:41:02,668 O kahit na anong mahalaga o nakaka-pressure, 723 00:41:02,751 --> 00:41:06,714 basta nararamdaman mong maging walang bahid na pinakamahusay na ikaw. 724 00:41:06,797 --> 00:41:09,633 Oo. Layunin nating 'di makapagbigay ng mabuting performance. 725 00:41:09,717 --> 00:41:14,013 Layunin nating gamitin 'tong tool, tapos hayaan ang mangyayari. 726 00:41:14,096 --> 00:41:18,517 Oo, kasi kung kuntento ka sa totoong ikaw, 727 00:41:19,310 --> 00:41:23,564 'di ka na masyadong maaapektuhan sa opinyon ng iba sa 'yo. 728 00:41:24,356 --> 00:41:28,861 Para maunawaan mo lang, 'di sa hitsura nito, kung mabuti o masama. 729 00:41:28,944 --> 00:41:32,740 'Yong patuloy na pakikipag-ugnayan sa kaniya ang mahalaga. 730 00:41:32,823 --> 00:41:36,368 Kung 'di mo siya igagalang, o pinapansin ang pinakamabuting salita, 731 00:41:36,452 --> 00:41:38,537 hahayaan ka niyang gumawa ng nakasisira. 732 00:41:38,621 --> 00:41:42,416 Kaya tool 'to para mapabuti ngayon ang pakiramdam mo, 733 00:41:42,917 --> 00:41:46,754 at paniniwala din 'to sa, "Saan ako papunta bilang isang tao?" 734 00:41:46,837 --> 00:41:50,049 At ang ideya na magkasabay kayo ng Anino mo, 735 00:41:50,132 --> 00:41:51,509 pagtingin ito ng pagiging buo. 736 00:41:51,592 --> 00:41:53,636 Ibig sabihin no'n ay wala ka nang kailangan. 737 00:41:53,719 --> 00:41:56,889 "Buo ako sa kung ano ako." At mapagpalaya 'yon. 738 00:41:56,972 --> 00:41:58,724 Whoops. Sorry. 739 00:41:58,807 --> 00:42:00,893 'Wag mo namang sipain ang Anino ko. 740 00:42:01,977 --> 00:42:03,437 Napakagaling. Sorry. 741 00:42:03,521 --> 00:42:04,730 Nasaktan ka ba niya? 742 00:42:05,606 --> 00:42:07,233 Nasaktan ka ba ng baliw na 'to? 743 00:42:07,733 --> 00:42:09,652 Mahal ko na siya ngayon. Aalagaan ko siya. 744 00:42:09,735 --> 00:42:11,278 Sumama ka sa 'kin pauwi. 745 00:42:21,330 --> 00:42:27,586 Nakilala kita limang taon na ang nakaraan, at wala akong kumpiyansang tao no'n. 746 00:42:27,670 --> 00:42:31,882 -'Di ako nag-invest sa sarili ko. -Tama. 747 00:42:31,966 --> 00:42:34,134 At unawain kung paano magugustuhan ang sarili. 748 00:42:34,218 --> 00:42:38,222 Nagsikap lang akong makamit ang bagay na 'to, 749 00:42:38,305 --> 00:42:40,933 na ideya mo ng snapshot. 750 00:42:41,433 --> 00:42:42,476 Tama 'yan. 751 00:42:43,143 --> 00:42:46,689 Tinatawag din itong Kaharian ng Ilusyon. 752 00:42:46,772 --> 00:42:48,691 Ulit, Part X pa rin 'to. 753 00:42:48,774 --> 00:42:53,779 ibig sabihin niyan, naghahanap ka ng perpektong pag-iral. 754 00:42:53,862 --> 00:42:55,823 Pwedeng perpektong asawa, 755 00:42:56,574 --> 00:42:59,076 perpektong halaga ng pera, perpektong pelikula. 756 00:42:59,159 --> 00:43:01,787 'Di na mahalaga. Anuman 'yon, 'di 'yon umiiral. 757 00:43:01,870 --> 00:43:06,375 Imahe lang sa isip mo. Isipin mo 'yon. 758 00:43:06,458 --> 00:43:08,419 Ano'ng kalikasan ng snapshot? 759 00:43:08,919 --> 00:43:11,171 Wala 'tong pagkilos, 'di ba? Tigil 'to. 760 00:43:11,839 --> 00:43:13,048 Wala 'tong lalim. 761 00:43:13,132 --> 00:43:16,260 Pero sa kasong 'to, kinuha mo 'tong snapshot. 762 00:43:16,343 --> 00:43:18,429 ibinuhos mo ang sarili mo rito. 763 00:43:18,512 --> 00:43:19,388 Pinagnasaan mo 'to. 764 00:43:19,471 --> 00:43:20,931 Sinasabi ng mga tao, 765 00:43:21,015 --> 00:43:23,851 kung makakapasok sila sa perpektong mundong 'yon, 766 00:43:23,934 --> 00:43:25,561 may hiwagang mangyayari. 767 00:43:25,644 --> 00:43:27,271 Pero 'di mo makakalimutan 768 00:43:27,980 --> 00:43:31,025 na may tatlong aspeto ng realidad. 769 00:43:31,108 --> 00:43:34,820 'Di mawawala ang sakit. 'Di mawawala ang kawalang katiyakan. 770 00:43:34,903 --> 00:43:38,157 At walang paraang maiwasan ang palagiang paggawa. 771 00:43:38,240 --> 00:43:41,035 Gano'n mabuhay ang sinuman, anumang mangyari. 772 00:43:41,785 --> 00:43:47,791 Bago kita makilala, ako 'tong grabeng insecure na bata, 773 00:43:47,875 --> 00:43:54,840 pagkatapos, maaabswelto ako ng tagumpay sa sakit ng buhay. 774 00:43:54,923 --> 00:43:57,635 Kaya sobrang nagsikap ako para marating ang Snapshot, 775 00:43:57,718 --> 00:44:00,262 at dahil sa pribilehiyo at swerte ko, 776 00:44:01,430 --> 00:44:04,850 relatibong maaga akong nakarating sa Snapshot, 777 00:44:04,933 --> 00:44:08,687 at no'ng walang nalutas sa bagay na 'yon, 778 00:44:08,771 --> 00:44:12,066 sobra-sobrang na-depress ako. 779 00:44:12,149 --> 00:44:12,983 Oo. 780 00:44:13,067 --> 00:44:14,068 Kasabay no'n, 781 00:44:14,151 --> 00:44:20,199 sobrang brutal ng midya sa timbang ko. 782 00:44:20,282 --> 00:44:23,410 Parang walang pasubali ang sinuman para 783 00:44:24,411 --> 00:44:25,954 tirahin ako sa sensitibong ako. 784 00:44:26,038 --> 00:44:28,040 Naging defensive ako. 785 00:44:28,123 --> 00:44:31,460 Na inaasahang ko nang sinuman ay may sasabihing masama sa 'kin. 786 00:44:31,543 --> 00:44:33,295 At sobrang magagalit ako. 787 00:44:34,505 --> 00:44:40,135 Inilayo ako sa pakiramdam na, parang, 788 00:44:40,219 --> 00:44:43,389 malampasan ang mga nakaraang negatibong pakiramdam sa sarili ko, 789 00:44:44,014 --> 00:44:45,599 lalo kong ikinahiya ang Anino ko. 790 00:44:46,266 --> 00:44:50,229 At nito na lang nakaraan, nasa 30s na ako, no'ng nakilala kita, 791 00:44:50,312 --> 00:44:54,316 na natutunan kong gumawa ng mga hakbang para lutasin 'yon, 792 00:44:54,400 --> 00:44:56,652 o gumawa ng sariling opinyon ng sarili ko. 793 00:44:57,236 --> 00:44:58,362 Klaro ba 'yon? 794 00:44:59,321 --> 00:45:00,155 'Di ba? 795 00:45:00,823 --> 00:45:02,991 Teka… Ano'ng nginunguya mo? 796 00:45:03,075 --> 00:45:03,992 Tama. 797 00:45:08,997 --> 00:45:10,874 Gumagawa tayo ng pelikula, p're! 798 00:45:13,001 --> 00:45:15,295 Dapat sinabi mo sa 'kin bago mo ako inimbitahan. 799 00:45:15,379 --> 00:45:18,632 Kumakain siya ng tsokolate! May gusto ka bang saguting tawag? 800 00:45:19,299 --> 00:45:20,884 Meron, tingnan natin paano na. 801 00:45:24,346 --> 00:45:26,432 Tingnan ko lang nang mabilis ang notes ko. 802 00:45:26,515 --> 00:45:27,349 'Yon lang ay… 803 00:45:27,433 --> 00:45:31,228 Nilagay kong naka-sex ko ang nanay mo. Alisin mo na lang. 804 00:45:34,022 --> 00:45:39,069 Ang nakakatawa sa biro mong naka-sex ko ang nanay mo ay pupunta siya dito bukas 805 00:45:39,153 --> 00:45:42,281 at magkaka-session tayo kasama ka, ako, at ang mom ko. 806 00:45:43,907 --> 00:45:45,993 -Tumigil ka nga. -Pwera biro. 807 00:45:46,827 --> 00:45:48,120 'Wag mong sabihin sa kaniya… 808 00:45:48,912 --> 00:45:50,080 Hindi, sasabihin ko. 809 00:45:54,251 --> 00:45:55,419 -Okay. -Hi. 810 00:45:55,502 --> 00:45:57,296 -Hi, guys. -Bagay mo ang kulay na 'yan. 811 00:45:57,379 --> 00:45:59,548 -Salamat. -Maganda ka. 812 00:45:59,631 --> 00:46:00,466 Salamat. 813 00:46:01,258 --> 00:46:02,676 Ito ang mom ko, si Sharon. 814 00:46:02,760 --> 00:46:04,428 -Ako si Phil. -Nice to meet you. 815 00:46:04,511 --> 00:46:05,554 Great to meet you. 816 00:46:05,637 --> 00:46:06,722 Great to meet you. 817 00:46:07,306 --> 00:46:09,016 'Di ko alam. 818 00:46:09,099 --> 00:46:13,312 Iniisip ko ang unang karanasan ko sa therapy. 819 00:46:13,395 --> 00:46:15,647 Nasa opisina kami ng nutritionist, 820 00:46:15,731 --> 00:46:18,567 Nagtatalo kami hanggang sabi ng nutritionist… 821 00:46:18,650 --> 00:46:20,652 -Tama. -"Dapat kayong pumunta sa therapist." 822 00:46:20,736 --> 00:46:22,696 Sabi ng doktor, "Dapat magpapayat si Jonah." 823 00:46:22,780 --> 00:46:26,700 at sabi niya, bilang nanay, "Grabe, dapat nakinig ako sa doktor 824 00:46:26,784 --> 00:46:28,410 at dinala ka sa nutritionist." 825 00:46:28,494 --> 00:46:32,164 Sa totoo lang, 'di ko siya kailangan para sabihan ako. 826 00:46:32,247 --> 00:46:35,292 Na isipin kong dapat magpapayat ka. 827 00:46:36,001 --> 00:46:39,505 Ayaw kong balikan ang nakaraan, pero kailangan mong gawin minsan, 828 00:46:39,588 --> 00:46:44,301 kasi napakaliit ng nanay ko, gano'n din ang kapatid ko, 829 00:46:44,384 --> 00:46:47,763 at lagi kong nasasabing, "'Singlaki mo ang tatay mo." 830 00:46:47,846 --> 00:46:50,057 "Mas malaki ka. Dapat magpapayat ka." 831 00:46:50,140 --> 00:46:52,726 At sa tingin ko sobrang naligalig ako no'n 832 00:46:52,810 --> 00:46:56,188 na 'di ganiyan ang hitsura ko, o 'di ganiyan ang hitsura ng mga anak ko, 833 00:46:56,271 --> 00:47:01,026 na naramdaman kong, sa halip na isipin kung ano'ng ginagawa ko, 834 00:47:01,109 --> 00:47:04,822 ginagawa ko lang ang tingin kong tama, kung klaro ba 'yon. 835 00:47:04,905 --> 00:47:07,866 'Di naman sa inaatake kita o anuman. 836 00:47:07,950 --> 00:47:10,702 Tinitingnan mo akong batang overweight, 837 00:47:11,203 --> 00:47:13,288 ramdam ko 'yon, at gano'n din ang doktor, 838 00:47:13,372 --> 00:47:17,543 at may mga dahilan ang lipunan kung bakit depektibo o mali 'yon. 839 00:47:17,626 --> 00:47:21,755 Kaya ang tingin ko, "'Di ako mabuti." 840 00:47:22,756 --> 00:47:24,800 "Masama ako." 841 00:47:24,883 --> 00:47:28,136 'Di ako mukhang tama sa mundo. 842 00:47:28,220 --> 00:47:31,306 At kailangang ikaw ay maging tao 843 00:47:31,390 --> 00:47:36,687 na sinusubukang itama 'yon, para sa anumang dahilang 'yon. 844 00:47:36,770 --> 00:47:37,604 Tama. 845 00:47:38,105 --> 00:47:41,692 Inilagay ako agad no'n sa posisyong nagiging palaban. 846 00:47:41,775 --> 00:47:44,194 Sa, "Ito ang taong ayaw akong 847 00:47:45,529 --> 00:47:46,613 tanggapin." 848 00:47:46,697 --> 00:47:52,870 'Yong ideya na 'di matatanggap ng babae ang hitsura ko. 849 00:47:53,579 --> 00:47:55,330 'Di kita sinisisi, 850 00:47:55,414 --> 00:47:59,543 kasi naunawaan ko na ngayon, at medyo matagal ko nang naunawaan, 851 00:48:00,127 --> 00:48:04,506 gaano mo naramdamang ikaw ako sa pamilya mo. 852 00:48:05,549 --> 00:48:09,136 -Gusto kong sabihin gaano ako naapektuhan. -Sige. 853 00:48:09,219 --> 00:48:11,013 Para sa 'kin, minsan mas madaling 854 00:48:11,096 --> 00:48:15,434 magkaroon ng ganitong pag-uusap sa anumang dahilan kaysa… 855 00:48:15,517 --> 00:48:17,936 Salamat, Jonah. Na-appreciate ko 'yan. 856 00:48:19,730 --> 00:48:23,066 Gusto kong magpasalamat sa 'yo, kasi 'di mo nasabi 'yan 857 00:48:23,150 --> 00:48:28,280 bilang ang babae sa buhay mo na 'di tanggap ang hitsura mo, 858 00:48:28,363 --> 00:48:30,574 at 'di ko naisip ng gano'n 'yon. 859 00:48:30,657 --> 00:48:32,618 Sinubukan ko lang na ayusin 'yan 860 00:48:32,701 --> 00:48:35,203 nang 'di man lang iniisip kung pa'no kita 861 00:48:35,287 --> 00:48:38,498 naaapektuhan sa pagsasabi sa 'yo na gawin 'yon. 862 00:48:39,458 --> 00:48:42,544 Kaya linawin lang natin, 'di ito 'yan o 'yon. 863 00:48:42,628 --> 00:48:43,629 'Di 'yon ang punto. 864 00:48:43,712 --> 00:48:47,424 Gaano man kalinaw ang nakaraan para sa 'yo, o sa 'yo, 865 00:48:48,050 --> 00:48:52,971 para sa inyo, ang tanong ay kumusta ba kayo, 866 00:48:53,055 --> 00:48:54,806 at ano'ng kailangan niyo? 867 00:48:54,890 --> 00:48:58,477 -Naisip niyo ba 'yon? -Oo, minsan. 868 00:48:59,436 --> 00:49:01,480 Pwedeng sabihin mo sa 'min ang naiisip mo? 869 00:49:03,398 --> 00:49:05,609 -Magpakatotoo ka lang. -Sige. Iniisip ko. 870 00:49:06,610 --> 00:49:09,363 Gusto ko ng medyo consistency pa. 871 00:49:09,446 --> 00:49:12,115 Minsan, pakiramdam ko lumalapit sa 'kin si Jonah, 872 00:49:12,199 --> 00:49:14,868 pero nanay niya ako, 'pag kailangan niya akong kausapin. 873 00:49:14,952 --> 00:49:19,873 Tapos 'pag sobrang saya niya, parang wala lang ako. 874 00:49:19,957 --> 00:49:22,626 Wala ako sa isip niya o 'di ako mahalaga. Ewan ko lang. 875 00:49:22,709 --> 00:49:24,586 Gusto ko lang ng oras kasama si Jonah, 876 00:49:24,670 --> 00:49:26,755 kasi tingin ko totoo ang relasyon namin. 877 00:49:26,838 --> 00:49:29,758 Marami na kaming pinagdaanan, at malalim ang relasyon namin, 878 00:49:30,425 --> 00:49:32,177 pero minsan nababalisa ako. 879 00:49:33,053 --> 00:49:37,683 Kapag ako ay… Alinman sa ayaw niya ng sasabihin ko o… 880 00:49:37,766 --> 00:49:39,267 Ang hirap sabihin. 881 00:49:39,851 --> 00:49:40,978 Sabihin mo lang. 882 00:49:41,061 --> 00:49:41,979 Sinusubukan ko. 883 00:49:42,062 --> 00:49:45,232 Nagpipigil ako sa pagiging mismong ako 884 00:49:45,315 --> 00:49:48,610 kasi ayaw kong tingnan niya ako sa isang espesipikong paraan. 885 00:49:50,195 --> 00:49:51,113 Alam mo ba 'yon? 886 00:49:54,700 --> 00:49:55,993 'Di ko alam 'yon. 887 00:49:57,035 --> 00:50:00,706 Pero minsan 'di maganda ang reaksyon ko 888 00:50:00,789 --> 00:50:06,336 'pag pakiramdam kong 'di ka nakikinig sa iba at ikaw lang ang nagsasalita. 889 00:50:06,420 --> 00:50:07,254 Oo nga, alam ko. 890 00:50:07,337 --> 00:50:09,506 Pero ayos sa 'king marinig 891 00:50:09,589 --> 00:50:12,551 ang ilang paalala kung pa'no ako mas bubuti, 892 00:50:13,635 --> 00:50:16,555 o ano ang kailangan niya para mapabuti ang relasyon, 893 00:50:17,514 --> 00:50:20,892 sa kontekstong 'to, sa totoo lang, kasi 'di ako defensive. 894 00:50:20,976 --> 00:50:23,729 -Ibig sabihin 'pag may namamagitan? -Oo. 895 00:50:24,229 --> 00:50:27,149 Nga pala, may sinabi si Phil kahapon. 896 00:50:27,232 --> 00:50:29,818 Malapit daw kayo sa isa't isa. 897 00:50:31,737 --> 00:50:33,405 -Ano'ng masasabi mo? -Nagbibiro siya. 898 00:50:33,488 --> 00:50:35,407 Sinabi niya 'yon. Nakuhanan 'yon. 899 00:50:35,490 --> 00:50:37,367 'Di niya makakalimutan, maniwala ka. 900 00:50:38,035 --> 00:50:38,869 'Yan na nga. 901 00:50:38,952 --> 00:50:40,495 -'Yan na nga. -P're, grabe. 902 00:50:40,579 --> 00:50:43,248 Oras na sigurong tapusin 'to ngayon. 903 00:50:44,249 --> 00:50:46,251 -Oras na. -Sige. 904 00:50:47,419 --> 00:50:50,047 Isa pa bago natin tapusin. Pwera biro. 905 00:50:50,714 --> 00:50:53,717 Nagkaro'n ka ba… 'Di naman literal na ganito, pero nagkaro'n ka ba 906 00:50:53,800 --> 00:50:57,554 ng bukas na pakikipag-usap sa nanay mo? 907 00:50:57,637 --> 00:50:59,681 Hindi, 'di man lang. 908 00:50:59,765 --> 00:51:02,059 Kung nandito siya ngayon, gusto mo? 909 00:51:03,226 --> 00:51:04,478 Ngayon? Oo. 910 00:51:05,937 --> 00:51:06,772 Oo. 911 00:51:13,528 --> 00:51:16,573 Dapat maunawaan mo, galing sa ibang planeta ang nanay ko. 912 00:51:17,157 --> 00:51:20,077 Ang tatay niya, psychopath siya. 913 00:51:20,160 --> 00:51:22,746 Binubugbog niya ang asawa niya 914 00:51:22,829 --> 00:51:24,247 at 'yong bunso niya, 915 00:51:24,331 --> 00:51:25,874 pero 'di ginagalaw ang nanay ko, 916 00:51:25,957 --> 00:51:28,085 at 'yon ang pinakamalalang tortyur sa kaniya. 917 00:51:28,168 --> 00:51:30,921 Kaya tingin ko, no'ng walo, siyam na taong gulang siya, 918 00:51:31,004 --> 00:51:32,839 'di niya kinakausap ang tatay niya. 919 00:51:32,923 --> 00:51:37,094 Noong 1932, kasagsagan ng Depression, umalis na lang siya. 920 00:51:37,177 --> 00:51:39,554 Walang sinabi, 'di sinabing aalis siya. 921 00:51:39,638 --> 00:51:42,140 Sa gitna ng gabi, lumayas siya. Wala na. 922 00:51:42,224 --> 00:51:46,770 Pagkalipas ng 40 taon, kinontak niya ang nanay ko, 923 00:51:46,853 --> 00:51:50,982 pero matigas ang nanay ko. Kalimutan na. 'Di niya yata sinagot ang sulat. 924 00:51:52,776 --> 00:51:55,612 may isyu siya sa mga lalaki, na halata naman kung bakit. 925 00:51:56,113 --> 00:51:59,533 Tuwing gabi sa hapunan, binabatikos niya ang mga lalaki. 926 00:51:59,616 --> 00:52:02,702 "Ang mga lalaki ay ganito, ganiyan." 'Di naman ako makapalag. 927 00:52:02,786 --> 00:52:05,288 Cheerleader naman ang tatay ko sa usaping 'yon. 928 00:52:05,372 --> 00:52:08,333 -Ano'ng ginagawa niya? -Sasabihin niya, "Oo nga, tama siya." 929 00:52:09,709 --> 00:52:11,002 "Nakakainis ang mga lalaki." 930 00:52:11,503 --> 00:52:14,631 'Di ko naunawaan hanggang nag-13, 14 ako. "Grabe lalaki ako." 931 00:52:15,215 --> 00:52:17,551 Pero 'di siya matunawaan do'n, kahit 50 taon na. 932 00:52:17,634 --> 00:52:19,803 -'Di matunawan. -Ipit siya sa Palaisipang Daan. 933 00:52:19,886 --> 00:52:22,722 Ipit siya sa Palaisipang Daan sa loob ng 40 taon, 50 taon. 934 00:52:23,306 --> 00:52:27,519 ANG PALAISIPANG DAAN 935 00:52:27,602 --> 00:52:29,855 Kaugnay lagi ang ibang tao sa Palaisipang Daan. 936 00:52:30,689 --> 00:52:32,566 Produkto 'to ng Part X, 937 00:52:32,649 --> 00:52:35,277 kasi gusto ng Part X ang pagkapatas. 938 00:52:35,360 --> 00:52:36,403 Isang lumang halimbawa 939 00:52:36,486 --> 00:52:41,241 ay 'pag gusto lang ng isang tao na pag-isipan at pag-usapan ang ibang tao. 940 00:52:41,324 --> 00:52:43,118 Ang sinasabi mo sa sarili mo ay, 941 00:52:43,201 --> 00:52:46,872 "Makaka-move on lang ako 'pagnakipag-ayos na sila sa kung anuman, 942 00:52:46,955 --> 00:52:49,249 galit sa 'kin, nagtaksil." 943 00:52:49,332 --> 00:52:50,584 Anuman 'yon. 944 00:52:50,667 --> 00:52:54,045 Pakiramdam mo minaltrato ka nila, at 'yong kagustuhan mo ng pagkapatas 945 00:52:54,129 --> 00:52:55,881 ay pinigil ang buhay mo. 946 00:52:55,964 --> 00:52:57,174 BUHAY MO 947 00:52:57,257 --> 00:53:00,927 Sandali lang ang oras, at wala tayong oras sa gano'ng kalokohan. 948 00:53:01,011 --> 00:53:02,429 ANG PALAISIPANG DAAN 949 00:53:02,512 --> 00:53:05,307 PASULONG NA PAGKILOS - NAIPIT SA NAKARAAN 950 00:53:05,390 --> 00:53:08,268 Pakiramdam ko nagugol ko ang buong buhay ko sa Palaisipang Daan. 951 00:53:08,351 --> 00:53:15,025 Naipit sa 'di ako kinilala, o tiningnan ako ng 'di patas. 952 00:53:15,108 --> 00:53:20,739 Nasayang na mga oras, araw, buwan, taon ng buhay ko na 'di ko na mababalikan. 953 00:53:21,740 --> 00:53:23,950 Kaya pa'no siya nakaalpas sa Palaisipang Daan? 954 00:53:24,034 --> 00:53:27,621 Ganito. Gusto ng karaniwang tao na kinikilala. 955 00:53:27,704 --> 00:53:31,374 Gusto niyang maging patas lahat. Gusto niyang balanse lahat. 956 00:53:31,458 --> 00:53:33,126 'Di mo 'yon makukuha sa kanila. 957 00:53:33,210 --> 00:53:35,462 Ang paraan para maramdaman mong kinikilala ka, 958 00:53:35,545 --> 00:53:38,048 at ang paraan para maramdaman mong nababalanse, 959 00:53:38,131 --> 00:53:42,052 ay makuha ang kasiyahan sa mismong ehersisyo. 960 00:53:42,135 --> 00:53:43,470 Aktibong Pag-ibig ang tawag. 961 00:53:44,054 --> 00:53:47,349 AKTIBONG PAG-IBIG 962 00:53:47,432 --> 00:53:48,683 Kaya pikit ka 963 00:53:48,767 --> 00:53:53,438 at isipin mong napapaligiran ka ng punung-puno ng pag-ibig. 964 00:53:54,147 --> 00:53:58,068 Parang kalokohan, pero manahimik ka lang. Gawin mo ang sinasabi ko. 965 00:53:58,944 --> 00:54:01,404 'Wag mong husgahan agad, at tingnan mo ang mangyayari. 966 00:54:01,905 --> 00:54:03,156 Hayaan mo akong detalyehin. 967 00:54:03,240 --> 00:54:08,119 Isa lang na… Isang mundo na punung-puno ng pag-ibig. 968 00:54:08,912 --> 00:54:12,540 Kunwari kinukuha mo ang lahat ng pag-ibig sa universe, 969 00:54:12,624 --> 00:54:16,628 at dahan-dahan, pero buo ang loob, ilagay mo lahat 'yon sa puso mo. 970 00:54:17,879 --> 00:54:21,549 Sa oras na 'yon, ikaw ang pangunahing lider ng pag-ibig 971 00:54:21,633 --> 00:54:23,009 sa buong universe. 972 00:54:23,593 --> 00:54:26,513 Ang gusto mong gawin ay makita ang taong kinagagalitan mo, 973 00:54:26,596 --> 00:54:28,515 na kinaiinisan mo, na kinabubwisitan mo, 974 00:54:28,598 --> 00:54:31,643 at ibibigay mo ang lahat ng pag-ibig na kinuha mo 975 00:54:32,310 --> 00:54:33,812 papunta sa taong 'to. 976 00:54:42,028 --> 00:54:44,656 Wala kang tinitira. Binibigay mo lahat. 977 00:54:45,156 --> 00:54:46,616 Ramdam mo… 'Di lang nakikita. 978 00:54:46,700 --> 00:54:51,121 Ramdam mong pumasok sa katawan ng taong 'yon ang pag-ibig. 979 00:54:51,204 --> 00:54:52,163 Napakahalaga niyan. 980 00:54:52,247 --> 00:54:54,082 At bigla na lang, naging iisa kayo. 981 00:54:54,666 --> 00:54:59,170 Sa puntong 'yon, pakiramdam mo, "Kung magiging isa kami ng gagong 'to, 982 00:54:59,254 --> 00:55:01,339 kaya kong makipagsanib sa kanit sino." 983 00:55:01,423 --> 00:55:05,093 'Yan ang saysay ng kapangyarihan, halos ng pagpapakadalubhasa. 984 00:55:05,176 --> 00:55:08,722 Sabi ng mga tao, "Gusto niyong mahalin ko ang kinaiinisan ko." 985 00:55:08,805 --> 00:55:12,600 'Di 'yon para patawarin mo siya. 'Di para sa ibang tao. 986 00:55:12,684 --> 00:55:15,895 Para 'yon maramdaman mong buo ka, at makalaya sa Palaisipang Daan. 987 00:55:15,979 --> 00:55:17,397 Tapos makakasulong ka na. 988 00:55:17,480 --> 00:55:20,150 Gusto mong maging tama, o gusto mong may malikha? 989 00:55:20,233 --> 00:55:21,901 'Yon ang katanungan sa huli. 990 00:55:21,985 --> 00:55:23,862 Sumusulong ang buhay. 991 00:55:23,945 --> 00:55:26,364 Gusto mong magwaldas ng oras sa pakikipaglaro, sige, 992 00:55:26,448 --> 00:55:29,367 pero 'di mo na mababawi ang mga araw o oras na 'yon. 993 00:55:31,911 --> 00:55:35,457 Pagtanda niya, naging community organizer siya, 994 00:55:35,540 --> 00:55:37,125 at magaling siya. 995 00:55:37,625 --> 00:55:40,253 Kung matatanong siya, "Ano'ng trabaho mo?" Sasabihin niya, 996 00:55:40,337 --> 00:55:43,131 "Nag-oorganisa ng welga sa pagrerenta. 'Yon ang trabaho ko." 997 00:55:43,214 --> 00:55:44,924 'Di siya takot sa sinuman. 998 00:55:45,759 --> 00:55:49,554 Katunayan, nakita ng Mayor ng New York ang nanay ko at sabi niya, "Teka lang." 999 00:55:49,637 --> 00:55:54,225 "'Di ako tutuloy sa negosasyon hangga't 'di umaalis si Rosalie Stutz." 1000 00:55:54,726 --> 00:55:58,855 At pinaalis nila siya. Takot siya sa nanay ko. 1001 00:55:59,731 --> 00:56:02,233 Ginawa niyang superpower ang trahedya sa mga lalaki 1002 00:56:02,317 --> 00:56:04,944 sa 'di pagiging takot sa kanila at gumawa ng mabuti. 1003 00:56:05,028 --> 00:56:05,987 Oo gano'n nga. 1004 00:56:06,071 --> 00:56:07,697 Pa'no ka kaya naapektuhan no'n, 1005 00:56:07,781 --> 00:56:10,408 na galit sa mga lalaki ang nanay mo, at lalaki ka? 1006 00:56:19,959 --> 00:56:22,170 Ramdam kong naghihintay ang lahat sa sagot, 1007 00:56:22,253 --> 00:56:24,547 pero ewan ko kung alam ko mismo ang sagot. 1008 00:56:25,340 --> 00:56:27,217 Isa lang ang sigurado ako. 1009 00:56:27,300 --> 00:56:31,096 Naging insecure ako sa mga babae. Halata naman 'yon. 1010 00:56:36,309 --> 00:56:39,479 Parang walang paraan sa loob ko 1011 00:56:39,562 --> 00:56:42,816 para makasama ang babae at mapanatag dito. 1012 00:56:42,899 --> 00:56:45,068 Gano'n ko na yata pinakamagandang masasabi 'yon. 1013 00:56:45,777 --> 00:56:49,030 Kasi ang reaksiyon mo sa nanay mo ay minamaliit ka, 1014 00:56:49,114 --> 00:56:52,617 kaya 'di ka makalapit sa mga babae kung saan makakaramdam ka ng kapanatagan? 1015 00:56:52,700 --> 00:56:56,788 Oo. 'Di nga kasama 'yon sa listahan ng mga inaasahan ko. 1016 00:56:56,871 --> 00:57:00,333 Napaparamdam niya sa 'king "Wala kang karapatang gawin 'yon." 1017 00:57:00,417 --> 00:57:02,460 Nadaig ko naman nang kaunti, pero hindi… 1018 00:57:02,544 --> 00:57:06,381 'Di ko nadaig sa puso ko 'di tulad ng nadaig ko sa kilos. 1019 00:57:06,464 --> 00:57:10,718 Naisip mo bang mahirap magtiwala sa mga babae, sa kalahatan? 1020 00:57:12,178 --> 00:57:14,806 Hindi… Ngayon ba? 1021 00:57:18,435 --> 00:57:20,520 'Di na ga'nong isyu ngayon. 1022 00:57:20,603 --> 00:57:25,233 Ganito, mas mahusay akong karelasyon ngayon kaysa ilang taon ang nakaraan. 1023 00:57:26,109 --> 00:57:27,944 Kahit na 'di mahirap abutin 'yon. 1024 00:57:29,112 --> 00:57:30,488 Napakababang pamantayan no'n. 1025 00:57:30,572 --> 00:57:33,825 Ano ba ang personal mong tindig sa mga romatikong relasyon? 1026 00:57:34,826 --> 00:57:36,077 Kung nasa gano'n ba ako? 1027 00:57:37,036 --> 00:57:38,121 Oo, nasa relasyon ka? 1028 00:57:39,122 --> 00:57:40,373 Hindi, wala. 1029 00:57:41,374 --> 00:57:44,586 Nalampasan mo ba ang pader na ginawa ng nanay mo 1030 00:57:44,669 --> 00:57:47,964 para mapalapit sa babae nang 'di na sila kinatatakutan? 1031 00:57:51,676 --> 00:57:52,886 Masasabi kong, 1032 00:57:54,387 --> 00:57:56,389 oo, minsan. 1033 00:57:57,599 --> 00:58:02,896 Pero, sa iba't ibang dahilan, 'di ko na madetalye pa 'yon. 1034 00:58:02,979 --> 00:58:08,026 Matagal na ba 'to? Nitong nakaraan lang ba? 1035 00:58:11,196 --> 00:58:13,865 Patay-sindi sa 40 taon na. 1036 00:58:16,534 --> 00:58:18,244 Parang 'di kapani-paniwala. 1037 00:58:19,996 --> 00:58:23,082 At ano'ng pumipigil para maging pamalagian? 1038 00:58:25,710 --> 00:58:27,420 Masasabi ko lang sa pangkalahatan. 1039 00:58:27,921 --> 00:58:29,923 May iba siyang usaping pampamilya na… 1040 00:58:32,759 --> 00:58:35,637 Buung-buo siyang nadadala no'n sa kabilang direksiyon. 1041 00:58:35,720 --> 00:58:37,680 At dahil sa kalusugan ko rin. 1042 00:58:37,764 --> 00:58:39,015 No'ng nagkaro'n ako… 1043 00:58:40,808 --> 00:58:44,229 No'ng nagka-Parkinson's ako, may dobleng epekto sa 'kin. 1044 00:58:44,896 --> 00:58:47,106 Nakakatawa. Ngayon ay halos… 1045 00:58:47,774 --> 00:58:52,070 -Wow, galing no'n. -Oo nga, 'di ka nga nanginginig ngayon. 1046 00:58:52,153 --> 00:58:56,533 Payag ka bang samahan ako? Kasi mukhang nakakatulong ka. 1047 00:58:58,910 --> 00:58:59,786 Bibigyan kita ng… 1048 00:58:59,869 --> 00:59:02,539 Samahan mo lang ako araw-araw hanggang 7:00, 1049 00:59:02,622 --> 00:59:03,831 8:00 p.m., at okay ka na… 1050 00:59:03,915 --> 00:59:07,418 'Wag mo akong pinipilosopo ngayon. 1051 00:59:07,502 --> 00:59:09,462 -Mag-focus ka, p're. -Salamat. 1052 00:59:09,546 --> 00:59:11,756 -Alam ko'ng ginagawa mo. -Salamat. 1053 00:59:13,550 --> 00:59:16,344 Kaya 'yong sakit at usaping pampamilya niya. 1054 00:59:19,180 --> 00:59:20,014 Oo. 1055 00:59:22,433 --> 00:59:24,727 'Di ako maka-relate sa pagkakaro'n ng Parkinson's, 1056 00:59:25,228 --> 00:59:28,690 pero naisip mo bang nakadagdag na dahilan 'yon 1057 00:59:28,773 --> 00:59:32,610 para 'di ka magpasya na katatakutan ng damdamin mo? 1058 00:59:34,279 --> 00:59:35,697 Oo, sigurado. 1059 00:59:36,447 --> 00:59:38,449 'Yon yatang baliw na parte ko… 1060 00:59:38,533 --> 00:59:41,661 Dinadala no'n anumang nangyayari at pinatutunayan ang punto nito. 1061 00:59:42,161 --> 00:59:45,498 Pero 'yan ang Part X mo na pinipigilan kang magpasya. 1062 00:59:45,582 --> 00:59:47,208 Oo. 1063 00:59:48,459 --> 00:59:53,881 Alam mo, siguro ang malaki kong takot sa romantikong relasyon… 1064 00:59:53,965 --> 00:59:57,385 Ang natutunan ko ay, ang tanging paraan 1065 00:59:58,219 --> 01:00:02,140 para magtagumpay sila ay maging buung-buong bulnerable. 1066 01:00:02,223 --> 01:00:03,141 Oo. 1067 01:00:03,224 --> 01:00:08,354 Wasak na wasak lang ang mga tao na puro kasiyahan ang bukambibig natin 1068 01:00:08,438 --> 01:00:12,525 na siguro dapat lang na subukang itulak ang sarili na pag-isipan 'yon. 1069 01:00:14,569 --> 01:00:16,529 Nagawa mo nga talaga. 1070 01:00:22,452 --> 01:00:25,747 Kung alam mo lang, sa nakalipas na tatlong minuto, 1071 01:00:26,414 --> 01:00:28,499 ilang biro ang pinigilan ko. 1072 01:00:29,667 --> 01:00:30,501 Naunawaan kita. 1073 01:00:31,586 --> 01:00:35,548 Ganiyan din ang sakit ko, iwasan ang emosyon sa pagbibiro. 1074 01:00:35,632 --> 01:00:36,466 Oo. 1075 01:00:40,887 --> 01:00:44,682 Pwede ba kitang tanungin ng kahit ano at paalisin mo na lang ako pagkatapos? 1076 01:00:45,224 --> 01:00:46,100 Sige. 1077 01:00:46,184 --> 01:00:47,143 Sa tingin mo… 1078 01:00:49,437 --> 01:00:52,106 tatawagan mo siya, 1079 01:00:52,190 --> 01:00:56,319 o magkakaro'n ka ng bagong pananaw sa relasyong 'yon? 1080 01:01:00,073 --> 01:01:01,783 Tingin ko nga, oo. 1081 01:01:03,826 --> 01:01:06,746 Seryoso ka ba diyan, o gusto mo lang akong manahimik? 1082 01:01:11,125 --> 01:01:12,585 Hindi. Kasi… 1083 01:01:13,670 --> 01:01:19,467 parang enerhiya 'yan na pwedeng makatulong sa aking magpasya nang ganito. 1084 01:01:24,097 --> 01:01:28,893 Wala kasi akong ibang nararamdaman para sa 'yo kundi pagmamahal. 1085 01:01:30,478 --> 01:01:31,354 Gusto ko lang… 1086 01:01:32,355 --> 01:01:34,607 Gusto lang kitang 1087 01:01:36,150 --> 01:01:36,984 maging masaya. 1088 01:01:45,284 --> 01:01:46,953 Ramdam ko naman 'yon. 1089 01:01:54,752 --> 01:01:58,589 Kita mo, 'yong sakit ang mayro'n akong 'di karaniwan. 1090 01:01:59,924 --> 01:02:02,802 Kaya sa tingin ko, ngayong sinasabi ko na 'to, 1091 01:02:02,885 --> 01:02:04,387 sa tingin ko, 'di ko namamalayan, 1092 01:02:04,887 --> 01:02:09,100 pinag-uugnay ko ang babae, ang relasyon, at ang paggaling. 1093 01:02:10,143 --> 01:02:12,353 Pero walang lunas ang Parkinson's. 1094 01:02:12,437 --> 01:02:14,647 Oo. Tama 'yan. 1095 01:02:15,940 --> 01:02:18,109 Pero maraming walang ganiyang sakit. 1096 01:02:19,944 --> 01:02:22,530 At matagal na akong may sakit. 1097 01:02:25,825 --> 01:02:28,911 Lumaki ako sa Manhattan, kaya sanay akong gumigimik sa gabi. 1098 01:02:29,412 --> 01:02:34,167 No'ng 21, 22 na ako, gumigimik kami tuwing makalawa. 1099 01:02:34,834 --> 01:02:36,043 Biyernes 'yon. 1100 01:02:36,127 --> 01:02:38,838 Makikipagkita sana ako sa dalawang babae sa bar sa downtown. 1101 01:02:38,921 --> 01:02:41,132 'Ka ko, "Sige, diyan na ako ng isang oras." 1102 01:02:41,215 --> 01:02:42,884 Umiidlip ako no'n. 1103 01:02:42,967 --> 01:02:44,135 Natulog ulit ako. 1104 01:02:44,218 --> 01:02:46,596 'Ka ko, "Tuloy ko lang ang idlip ko ng 20 minuto, 1105 01:02:46,679 --> 01:02:48,514 tapos magtataksi na ako pa-downtown." 1106 01:02:48,598 --> 01:02:50,475 Nagising ako umaga ng Lunes. 1107 01:02:51,934 --> 01:02:55,313 'Ka ko, "Patay ako. May malaking problema." 1108 01:02:55,396 --> 01:02:58,232 Pagod na pagod ako. Parang napakalalim na pagod… 1109 01:02:58,316 --> 01:02:59,609 Ganito ko sasabihin. 1110 01:02:59,692 --> 01:03:03,279 Kung pupunta ako sa laundry, sa kalye sa tapat ng bahay ko, 1111 01:03:03,362 --> 01:03:06,699 iisipin ko pa, "Okay, kaya ko ba o hindi?" 1112 01:03:06,783 --> 01:03:09,035 "May lakas ba akong gawin 'yon?" 1113 01:03:09,118 --> 01:03:12,371 Pero 'di ako 'yon. Napakaaktibo kong tao. 1114 01:03:12,455 --> 01:03:15,249 Kaya pumunta ako sa neurologist. 1115 01:03:15,333 --> 01:03:18,503 Sa isang pagkikita sinabi niya sa 'kin, "May cervical stenosis ka, 1116 01:03:18,586 --> 01:03:22,131 dapat maoperahan ka agad, at may Parkinson's disease ka." 1117 01:03:22,215 --> 01:03:24,008 Ano'ng pakiramdam no'ng araw na 'yon? 1118 01:03:45,404 --> 01:03:47,365 Kita mo, lumalabas na ang tunay kong Anino 1119 01:03:47,448 --> 01:03:49,826 'pag nakita mo ang hitsura ng sulat ko. 1120 01:03:50,493 --> 01:03:51,327 Bakit? 1121 01:03:52,620 --> 01:03:54,288 Kasi halos 'di na maintindihan. 1122 01:03:58,042 --> 01:03:59,752 Ni ayaw ko ngang tingnan. 1123 01:04:01,671 --> 01:04:03,673 Napakaganda ng sulat ko dati. 1124 01:04:03,756 --> 01:04:07,301 Napakahusay ko sa basketball, kahit ano, matalino ako. 1125 01:04:07,385 --> 01:04:08,219 Ngayon, 1126 01:04:09,428 --> 01:04:11,597 heto, halata naman. 1127 01:04:11,681 --> 01:04:13,850 Pero ang ginagawa ko 'pag natatakot ako, 1128 01:04:13,933 --> 01:04:17,436 tinitingnan ko ang Anino ko sa oras na 'yon. 1129 01:04:17,520 --> 01:04:19,939 parang naaagnas siya. Alam mo'ng ibig sabihin no'n? 1130 01:04:20,022 --> 01:04:21,482 -Sobrang payat? -Sobrang payat. 1131 01:04:21,566 --> 01:04:23,860 -Okay. -Gano'n ang hitsura ng Anino ko ngayon. 1132 01:04:23,943 --> 01:04:25,486 Parang guguho na ako. 1133 01:04:27,572 --> 01:04:32,243 Sa tingin mo magiging dahilan ang isyung medikal sa mas malungkot na buhay? 1134 01:04:33,578 --> 01:04:35,997 -Oo. -Bakit? 1135 01:04:37,456 --> 01:04:41,878 Kasi… Literal na sa isang saglit, takot akong lumabas. 1136 01:04:42,628 --> 01:04:44,630 Naisip mo bang magkaanak? 1137 01:04:44,714 --> 01:04:47,216 Oo, lagi, pero huli na ngayon. 1138 01:04:47,300 --> 01:04:49,427 'Di ko na gugustuhing magkaanak ngayon. 1139 01:04:50,177 --> 01:04:51,012 Bakit hindi? 1140 01:04:51,095 --> 01:04:52,805 Napakahina ko pa rin. 1141 01:04:52,889 --> 01:04:56,434 Kung tatayo ako sa upuang 'to, pag-iisipan ko pa. 1142 01:04:56,517 --> 01:04:57,768 Napakaraming pagkakataon 1143 01:04:57,852 --> 01:05:01,647 kung saan 'di ko talaga kayang maging parte ng gano'n. 1144 01:05:02,148 --> 01:05:03,858 'Di yata magandang ideya 'yon. 1145 01:05:04,358 --> 01:05:05,818 Ang sama no'n, p're. 1146 01:05:06,694 --> 01:05:07,528 Oo nga. 1147 01:05:08,362 --> 01:05:09,280 Oo nga. 1148 01:05:09,363 --> 01:05:11,824 Pero kung 'di nangyari 'yon, 1149 01:05:12,325 --> 01:05:16,203 ang huling impormasyong naiisip ko, 'di ko makukuha. 1150 01:05:16,287 --> 01:05:19,248 Parang tuwing bumabagsak ako at napapahiya, 1151 01:05:19,332 --> 01:05:21,334 mas nakakakuha ako ng impormasyon. 1152 01:05:24,962 --> 01:05:28,341 Mas nabigyang-pansin ko ang oras dahil sa Parkinson's. Talagang-talaga. 1153 01:05:28,966 --> 01:05:32,303 'Yong pananaw ko sa misyon, 'yong pananaw na ito dapat ang gawin ko, 1154 01:05:32,386 --> 01:05:34,180 lalong lumakas 'yon sa 'kin. 1155 01:05:34,931 --> 01:05:39,143 Kung 'di ko 'yon gagawin, iisipin ko na naman, "Naku, nangyari 'to sa 'kin." 1156 01:05:39,644 --> 01:05:41,812 "Nakakalungkot." Lalong humihirap ang buhay. 1157 01:05:41,896 --> 01:05:44,231 Tapos maaawa na lang ako sa sarili ko. 1158 01:05:44,315 --> 01:05:45,733 Nasasayang lang ang oras. 1159 01:05:46,734 --> 01:05:49,362 Naranasan mo na 'yon? Maawa sa sarili? 1160 01:05:49,987 --> 01:05:51,781 Oo, lagi kong nararanasan, 1161 01:05:53,032 --> 01:05:56,035 pero mabilis din akong nakakaalpas do'n. 1162 01:05:58,412 --> 01:06:00,081 No'ng inaayos ko na ang pelikula, 1163 01:06:00,164 --> 01:06:04,752 ginagamit ko ang mga drowing mo para ipakita ang tools, 1164 01:06:04,835 --> 01:06:06,963 at medyo liku-liko, 1165 01:06:07,463 --> 01:06:11,342 at gusto kong malaman kung ayos lang sa 'yong gawin ko 'yon? 1166 01:06:12,134 --> 01:06:14,512 Oo naman. Gawin mo lang. 1167 01:06:14,595 --> 01:06:16,555 Kung liku-liko, mas maganda nga. 1168 01:06:17,056 --> 01:06:20,267 Kasi ang tunay na ideya nito ay 'di tayo magtatagumpay lagi, 1169 01:06:20,351 --> 01:06:22,228 'di talaga tayo magiging perpekto, 1170 01:06:22,311 --> 01:06:23,688 'di natin makokontrol 'yon, 1171 01:06:23,771 --> 01:06:26,482 pero 'di mapipigil ang kagustuhan nating sumulong. 1172 01:06:26,565 --> 01:06:28,734 at nagpapaaala ito sa 'yo. 1173 01:06:28,818 --> 01:06:33,531 Bawat card ay medyo nagkakaiba-iba sa pamamaraan sa parehong layunin, 1174 01:06:34,240 --> 01:06:38,285 'yon ay, "gago, kumilos ka, ga'no ka man katakot." 1175 01:06:38,369 --> 01:06:41,330 RADIKAL NA PAGTANGGAP 1176 01:06:41,414 --> 01:06:44,041 naalala ko ro'n ang Radikal na Pagtanggap, na malaki, 1177 01:06:44,125 --> 01:06:46,210 na nakatulong talaga sa 'king magpatuloy. 1178 01:06:46,711 --> 01:06:48,504 Tama. Tama talaga 'yan. 1179 01:06:48,587 --> 01:06:52,717 Ganito. May matututunan ka talaga sa bawat pangyayari. 1180 01:06:52,800 --> 01:06:54,176 'Pag may pangit na nangyari, 1181 01:06:54,260 --> 01:06:58,639 kahit sino sasabihin, "'Di naman gano'n kasama. Makakaahon ako bukas." 1182 01:06:58,723 --> 01:06:59,890 'Di sapat 'yon. 1183 01:06:59,974 --> 01:07:03,519 Dapat lumikha ka ng gawi na pigain ang katas. 1184 01:07:03,602 --> 01:07:06,814 Ibig sabihin ng pigain ang katas ay humanap ng makabuluhan. 1185 01:07:06,897 --> 01:07:10,985 Sinusubukan nitong hanapin ang kalagayang 'di ka malunod sa negatibong mga bagay, 1186 01:07:11,068 --> 01:07:14,822 kundi sanayin ang sariling sabihing, "Ano nang gagawin ko rito ngayon?" 1187 01:07:14,905 --> 01:07:16,699 Kailangan kong mag-push-up. 1188 01:07:17,199 --> 01:07:20,786 Mayro'n bang matibay-tibay na kayang suportahan ang bigat ko? 1189 01:07:20,870 --> 01:07:23,247 -Magpu-push-up ka? -Oo. Naninigas na ako. 1190 01:07:23,330 --> 01:07:26,292 Pwede mong gawin sa dolly kung gusto mo. 'Yong push-up. 1191 01:07:26,375 --> 01:07:27,668 Ingat, Phil. 1192 01:07:28,961 --> 01:07:31,505 'Di ko pa nagagawa 'to sa harap ng ganito karaming tao. 1193 01:07:32,965 --> 01:07:36,010 Kahit sampu pa gawin ko. Kayang-kaya ako. 1194 01:07:36,093 --> 01:07:37,344 Pwede ko bang iuwi 'to? 1195 01:07:38,387 --> 01:07:39,680 Pinakamahal na push-up… 1196 01:07:39,764 --> 01:07:41,515 Una, 'di ka pwedeng maghusga. 1197 01:07:41,599 --> 01:07:44,560 'Di ka pwedeng magsabi ng anumang negatibo sa sarili mo. 1198 01:07:44,643 --> 01:07:48,064 'Di ibig sabihin estupido ka, o walang negatibo do'n. 1199 01:07:48,147 --> 01:07:51,817 'Di mo pwedeng pagdaanan 'yon. Labag 'yon sa ginagawa natin. 1200 01:07:51,901 --> 01:07:56,280 Pangalawa, halata naman, gusto mong humanap ng positibo do'n. 1201 01:07:56,363 --> 01:07:57,865 P're, galing mo diyan. 1202 01:07:58,699 --> 01:08:01,452 Kung makaka-100 ka kada araw, lalakas ka. 1203 01:08:01,535 --> 01:08:03,454 -Nakaka-100 ka niyan kada araw? -Parang. 1204 01:08:03,537 --> 01:08:07,333 Kasi tuwing naninigas ako, 'di ako makagalaw nang maayos. 1205 01:08:07,416 --> 01:08:11,962 Mas maluwag na ngayon, 'pag nangyayari 'to sa 'kin, 'di ko maigalaw alinman dito. 1206 01:08:12,046 --> 01:08:13,422 Kaya natuklasan ko 'to. 1207 01:08:13,506 --> 01:08:16,717 Siguro lalaganap 'to kung 'di niyo aalisin sa pelikula. 1208 01:08:17,218 --> 01:08:19,386 Kaya pigain ang katas sa lemon 1209 01:08:19,887 --> 01:08:22,723 ay ibig sabihin, 'di lang 'yong kagustuhang gawin 'to, 1210 01:08:22,807 --> 01:08:24,433 pero may pananampalataya ka rito. 1211 01:08:24,517 --> 01:08:26,727 May bagay do'n na mahalaga. 1212 01:08:26,811 --> 01:08:30,606 At ang mangyayari ay lahat magsisimulang maging makabuluhan. 1213 01:08:31,107 --> 01:08:33,901 'Di mo makukuha ang kahulugan sa malalaking bagay. 1214 01:08:33,984 --> 01:08:35,694 Makukuha 'yon sa maliliit na bagay. 1215 01:08:35,778 --> 01:08:36,946 Mas mabuti na ako. 1216 01:08:37,029 --> 01:08:39,156 -Maluwag na. -Gagawin ko 'yan para sa mom ko. 1217 01:08:39,782 --> 01:08:40,866 Sorry. 1218 01:08:40,950 --> 01:08:44,703 Dapat mong tingnang may halaga ang lahat ng pangyayari. 1219 01:08:44,787 --> 01:08:48,791 Kung magagawa mo 'yon, nasa lugar ka na maraming oportunidad. 1220 01:08:49,667 --> 01:08:51,544 'Yan lang ang masasabi ko diyan. 1221 01:08:54,588 --> 01:08:56,757 Sobrang husay mo diyan. Nakakabilib 'yon. 1222 01:08:56,841 --> 01:08:59,426 Isa sa pinakamahusay. Pinakamahusay mula kay Stutz. 1223 01:08:59,510 --> 01:09:02,304 -Isa sa mga pinakamahusay. -Ginamit ko 'yan kagabi. 1224 01:09:02,805 --> 01:09:04,515 Talaga? Kumusta naman? 1225 01:09:04,598 --> 01:09:07,726 Nagka-anxiety attack ako, at 'di makatulog. 1226 01:09:07,810 --> 01:09:09,854 At sa halip na lalong mabalisa 1227 01:09:09,937 --> 01:09:12,565 pagpuyat sa susunod na araw ng trabaho, 1228 01:09:12,648 --> 01:09:16,443 ginamit ko ang Radikal na Pagtanggap at nagamit ko talaga ang oras na 'yon 1229 01:09:16,944 --> 01:09:19,905 para makapag-isip ng mga bagong ideya para sa shoot ngayong araw. 1230 01:09:20,531 --> 01:09:22,366 Kung gayon, magaling ka. 1231 01:09:22,449 --> 01:09:23,868 'Wag ka nang pumalpak ngayon. 1232 01:09:26,036 --> 01:09:28,164 May sinabi ba ako tungkol kay Cain at Abel? 1233 01:09:28,873 --> 01:09:31,584 -Wala yata. -Kasabay mo silang naghayskul? 1234 01:09:47,433 --> 01:09:49,435 Naaalala ko pa… Siyam na taon yata ako. 1235 01:09:49,518 --> 01:09:52,980 'Di gaya ngayon na makakapag-eroplano ka basta. Malaking bagay 'yon noon. 1236 01:09:53,063 --> 01:09:56,692 At noon… Wala kang makita. Napakakapal ng ulap. 1237 01:09:56,775 --> 01:10:00,529 Pinapayuhan ako dati ng tatay ko at sabi niya, 1238 01:10:00,613 --> 01:10:04,283 "'Wag kang mag-alala. Malalampasan natin 'to at sisikat ang araw." 1239 01:10:04,366 --> 01:10:06,577 'Di ako basta naniniwala. 1240 01:10:06,660 --> 01:10:08,662 'Ka ko, "Ano, baliw ka ba?" 1241 01:10:08,746 --> 01:10:11,207 Itong… Pa'nong nandiyan pa ang araw 1242 01:10:11,290 --> 01:10:14,043 e, napakakapal, at puro ulap lang ang nakikita ko? 1243 01:10:14,126 --> 01:10:16,378 Pagkatapos, naalala ko 'yong mismong pagkakataon 1244 01:10:16,462 --> 01:10:20,799 tumagos ang araw sa ulap, at nabilib ako. 1245 01:10:20,883 --> 01:10:25,262 Parang nagbago ang buong modelo ng universe kasi… 1246 01:10:25,346 --> 01:10:29,600 Ang kahalagahan no'n ay 'di ko na hinuhusgahan ang kalikasan ng realidad 1247 01:10:29,683 --> 01:10:32,228 batay sa mga karanasan ko sa nakaraang limang minuto. 1248 01:10:32,895 --> 01:10:34,146 Laging nasa taas ang araw. 1249 01:10:34,230 --> 01:10:37,149 Nandito ang ulap, hinaharangan ang araw. 1250 01:10:37,233 --> 01:10:40,819 Kung 'di ka makalampas, akala mo napakasamang araw. 1251 01:10:40,903 --> 01:10:43,197 Katunayan, akala mo napakasamang buhay. 1252 01:10:43,280 --> 01:10:44,448 PART X - ITIM NA ULAP 1253 01:10:44,531 --> 01:10:48,285 Nakakaapekto ng mood mo ang bawat iniisip mo. 1254 01:10:48,369 --> 01:10:51,413 Alinman sa positibo o negatibo ang bawat iniisip mo. 1255 01:10:51,497 --> 01:10:55,584 Pinipili ng Mapagpasalamat na Agos ang mga positibo. 1256 01:10:56,335 --> 01:11:02,299 ANG MAPAGPASALAMAT NA AGOS 1257 01:11:02,383 --> 01:11:06,553 Gusto ng Part X ang negatibong agos para sa 'yo kaya nilikha niya ang ulap, 1258 01:11:06,637 --> 01:11:08,472 para 'di mo makita ang araw. 1259 01:11:08,555 --> 01:11:11,350 Nakalimutan mong maaraw pala. 1260 01:11:11,433 --> 01:11:14,770 Ang tanong, pa'no ka tatagos sa ulap? 1261 01:11:14,853 --> 01:11:17,314 At ang sagot ay ng may pagpapahalaga. 1262 01:11:17,398 --> 01:11:19,775 Bibigyan ka ng pandama, ng pakiramdam, 1263 01:11:19,858 --> 01:11:24,488 na laging may positibo, kahit 'di mo pa nakikita. 1264 01:11:24,571 --> 01:11:27,199 Pero kailangan mo ng pamamaraan. Do'n papasok ang tool. 1265 01:11:27,283 --> 01:11:30,995 'Di ang mga bagay na pinahahalagahan mo ang Mapagpasalamat na Agos. 1266 01:11:31,078 --> 01:11:34,707 Ang Mapagpasalamat na Agos ang proseso para malikha ang mga bagay na 'yon. 1267 01:11:34,790 --> 01:11:36,250 Kaya pumikit ka. 1268 01:11:36,959 --> 01:11:40,963 Ngayon, ang gagawin mo ay magsabi ka ng dalawa o tatlo, kataasan ay apat, 1269 01:11:41,046 --> 01:11:42,673 na ipinagpapasalamat mo. 1270 01:11:42,756 --> 01:11:44,341 Mas maliit na bagay, mas maganda, 1271 01:11:44,425 --> 01:11:46,927 kasi pipilitin kang tutukan ang pagiging mapagpasalamat. 1272 01:11:47,011 --> 01:11:51,557 Gawin mo nang dahan-dahan. Damhin mo ang pagiging mapagpasalamat. 1273 01:11:53,976 --> 01:11:57,187 Nagpapasalamat ako sa mga pamangkin ko. 1274 01:12:00,733 --> 01:12:04,361 Nagpapasalamat ako sa surfing. 1275 01:12:05,362 --> 01:12:06,655 Nagpapasalamat ako… 1276 01:12:09,033 --> 01:12:10,117 sa aso ko. 1277 01:12:11,660 --> 01:12:13,078 Nagpapasalamat ako sa 'yo. 1278 01:12:14,371 --> 01:12:18,125 Okay, ngayon, mag-isip ka lang ng mga bagay, kahit 'di mo na sabihin. 1279 01:12:18,667 --> 01:12:21,295 Lumikha ka lang ng agos ng pagiging mapagpasalamat. 1280 01:12:24,465 --> 01:12:25,299 Mabuti. 1281 01:12:25,883 --> 01:12:26,884 Ang susunod naman 1282 01:12:26,967 --> 01:12:31,805 lilikha ka ng isa pang mapagpasalamat na bagay, pero ayaw mo na. 1283 01:12:31,889 --> 01:12:34,600 Hinarangan mo. Ang tanging nararamdaman mo ay ang pwersa 1284 01:12:34,683 --> 01:12:36,310 na lilikha ng ipagpapasalamat mo 1285 01:12:36,393 --> 01:12:40,606 at habang lumalakas ito, nakokontrol ka na nito. 1286 01:12:45,944 --> 01:12:49,782 'Yan ang Mapagpasalamat na Agos. Napakahusay niyan. May nararamdaman ka ba? 1287 01:12:50,824 --> 01:12:52,910 Pakiramdam ko lang ay 1288 01:12:54,620 --> 01:12:55,954 mabagal. 1289 01:12:56,038 --> 01:12:57,873 At ramdam ko ang init. 1290 01:12:58,457 --> 01:12:59,917 Parang kaginhawaan. 1291 01:13:00,501 --> 01:13:01,627 Galing niyan. 1292 01:13:02,169 --> 01:13:06,423 Ang susi ay 'wag sabihing nang paulit-ulit ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo. 1293 01:13:06,507 --> 01:13:08,509 Gagawin mo 'tong malikhaing eksena. 1294 01:13:08,592 --> 01:13:12,137 'Pag nagpalalim ka at sinikap mong hanapin ang mga bagay na 'to, 1295 01:13:12,888 --> 01:13:16,350 babaguhin mismo ng proseosng 'yan ang mood mo. 1296 01:13:17,559 --> 01:13:20,854 Magandang gamitin 'to 'pag 'di mo makontrol ang mga iniisip mo. 1297 01:13:20,938 --> 01:13:22,898 Ang makipagtalo sa mga 'to ang pinakamasama. 1298 01:13:22,981 --> 01:13:25,609 Nakakatakot ang mga epekto sa 'yo, 1299 01:13:25,692 --> 01:13:27,528 at walang magagawang mabuti sa 'yo. 1300 01:13:27,611 --> 01:13:31,990 Ang pagiging mapagpasalamat ay 'di lang, "Swerte ko, may tumulong sa 'kin." 1301 01:13:32,074 --> 01:13:34,493 Gusto mong nasa mapagpasalamat kang estado hangga't 1302 01:13:34,576 --> 01:13:36,620 kayang mong manatili ro'n. 1303 01:13:36,703 --> 01:13:38,622 kasi 'yon ang kalagayang nag-uugnay sa 'yo… 1304 01:13:38,705 --> 01:13:40,416 Tumatagos 'yon sa ulap. 1305 01:13:40,499 --> 01:13:43,419 Oras na nando'n ka na, nasa ibang mundo ka na. 1306 01:13:44,044 --> 01:13:49,049 Sasabihin naman sa 'yo ng Part X na 'di ka dapat mapagpasalamat at "naloko ka." 1307 01:13:50,217 --> 01:13:52,136 'Biktima ka. 'Di sapat ang nakuha mo." 1308 01:13:52,636 --> 01:13:54,930 "Bakit mapagpasalamat ka sa kung anong meron ka?" 1309 01:13:55,013 --> 01:13:57,641 Kasamaan 'yan. Ganiyang-ganiyan ang Part X. 1310 01:14:02,688 --> 01:14:06,900 'Di natin madalas napapag-usapan ang Parkinson's mo. 1311 01:14:06,984 --> 01:14:12,030 Naiisip ko tuloy kung aling parte no'n ang takot ko na ayaw ko lang kilalanin 1312 01:14:12,948 --> 01:14:15,909 ang sarili kong mga takot tungkol do'n. 1313 01:14:16,493 --> 01:14:23,083 Ang payo ko sa 'yo ay ipagpalagay mong kunwari minamaliit mo ako, 1314 01:14:24,626 --> 01:14:28,338 kasi lagi akong umaangkop araw-araw, 1315 01:14:28,422 --> 01:14:30,048 at marami ro'n ay nakakatulong. 1316 01:14:30,132 --> 01:14:31,884 Ewan ko. Nakakatawa ako, 'di ba? 1317 01:14:31,967 --> 01:14:36,138 'Di 'yon ang mga bagay na pinag-iisipan ko. 1318 01:14:36,221 --> 01:14:37,806 Iniisip ko ang hinaharap, 1319 01:14:37,890 --> 01:14:44,354 pero madalas, ang pinakakinatatakot ko ay walang masyadong magawa bago mamatay. 1320 01:14:45,147 --> 01:14:46,106 Kasi marami akong… 1321 01:14:46,190 --> 01:14:50,903 Siguro nasa sampung porsiyento lang no'n ang mga pinag-usapan natin dito. 1322 01:14:50,986 --> 01:14:52,237 Kapiraso lang. 1323 01:14:53,655 --> 01:14:57,743 Sa tingin ko ang kamatayan mismo ay talagang… 1324 01:15:00,329 --> 01:15:02,331 Kumplikado 'tong bagay sa kahit kanino. 1325 01:15:03,248 --> 01:15:07,252 Para sa 'kin, ako ay… 1326 01:15:10,214 --> 01:15:15,886 sobrang natatakot na mawala ka sa 'kin. 1327 01:15:15,969 --> 01:15:17,846 'Di naman sa lagi kong iniisip 'yon, 1328 01:15:17,930 --> 01:15:22,351 pero, ikaw ang taong tinatakbuhan ko para sa mga payo sa buhay, 1329 01:15:22,434 --> 01:15:29,233 at para sa kapanatagan na may mga paraan para makalagpas sa mga bagay-bagay. 1330 01:15:29,316 --> 01:15:31,360 At kasabay no'n, 1331 01:15:33,028 --> 01:15:36,281 ang tanging pagkakataon na may mabigat akong karanasan sa kamatayan, 1332 01:15:36,365 --> 01:15:40,160 ikaw rin ang taong tumulong sa 'king malampasan 'yon. 1333 01:15:40,244 --> 01:15:41,495 'Yong sa kapatid mo ba? 1334 01:15:42,079 --> 01:15:47,960 Oo. No'ng bigla siyang namatay ilang taon na ang nakaraan, 1335 01:15:48,669 --> 01:15:54,758 at bago ko gawin ang pelikulang 'to, 'di ko alam na namatayan ka ng kapatid. 1336 01:15:54,841 --> 01:15:57,511 Nagkwento ka kung nasaan ka no'ng araw na 'yon. 1337 01:15:57,594 --> 01:15:59,846 -Oo nga. -Alam mo kung nasaan ka mismo. 1338 01:15:59,930 --> 01:16:02,224 Pumasok ka sa eskwela no'n, 'yong mga 'yon. 1339 01:16:02,724 --> 01:16:07,437 Sobrang iniwasan ko talagang pag-isipan ang araw na 'yon, 1340 01:16:08,021 --> 01:16:10,899 at pumunta ako sa opisina mo nang araw na 'yon, 1341 01:16:11,817 --> 01:16:14,278 Talagang 'yon ang pinakamatinding araw sa buhay ko. 1342 01:16:14,361 --> 01:16:18,907 Talagang ito ang pinakanakakabagabag na sitwasyong kinaroonan ko. 1343 01:16:19,408 --> 01:16:23,453 Ang isa sa mga naaalala ko no'ng araw na 'yon, 1344 01:16:23,537 --> 01:16:25,789 sabi mo, "Akin nang phone mo." 1345 01:16:26,957 --> 01:16:28,375 at nilitratuhan mo ako. 1346 01:16:28,458 --> 01:16:33,922 At napaisip naman ako bakit mo ginawa 'yon? 1347 01:16:34,715 --> 01:16:36,341 Napakadalang sa buhay 1348 01:16:36,425 --> 01:16:38,635 na magkatsansa kang mai-rekord ang isang bagay 1349 01:16:38,719 --> 01:16:42,222 sa pinakasukduklan at pinakamahalagang pagkakataon. 1350 01:16:42,306 --> 01:16:43,932 Pagkatapos ay babalikan mo 'yon. 1351 01:16:44,016 --> 01:16:46,685 Sa isang linggo man o isang taon, 'di na mahalaga. 1352 01:16:46,768 --> 01:16:49,605 Mayro'n kang… May pagitan ng oras. 1353 01:16:50,355 --> 01:16:51,773 At sa pagitan ng oras na 'yon, 1354 01:16:52,733 --> 01:16:56,778 aktwal mong nararanasan ang mga pwersa ng paghilom, ng pagbangon. 1355 01:16:58,238 --> 01:17:00,866 'Di ko pa natitingnan ang litratong 'to 1356 01:17:01,575 --> 01:17:02,993 sa nakalipas na apat na taon. 1357 01:17:04,286 --> 01:17:09,458 Pero na-print ko na, kasi gusto kong makita mo at makita ko. 1358 01:17:20,302 --> 01:17:22,971 -'Di mo pa nakita sa apat na taon na? -'Di pa. 1359 01:17:34,775 --> 01:17:35,776 Sa mabuting paraan… 1360 01:17:41,448 --> 01:17:45,494 parang nahubaran ako sa anumang peke. 1361 01:17:47,287 --> 01:17:50,374 -May kakaibang kapanatagan sa mukha ko. -Oo nga. 1362 01:17:50,457 --> 01:17:52,084 Na 'di karaniwan. 1363 01:17:52,959 --> 01:17:57,172 Pero siguro kasi naalis nito… 1364 01:18:00,425 --> 01:18:02,219 ang anumang 'di mahalaga. 1365 01:18:02,302 --> 01:18:05,639 Inalis nito ang anumang akala mo kailangan mo pero 'di naman talaga. 1366 01:18:05,722 --> 01:18:09,643 'Yan ang larawan ng taong dumanas ng hirap, 1367 01:18:09,726 --> 01:18:13,230 at nakarating sa kabilang ibayo, at talagang maayos, 1368 01:18:13,313 --> 01:18:16,233 sa isang paraang 'di talaga madrama, na gusto ko. 1369 01:18:17,234 --> 01:18:20,362 'Yan ang larawan ng tagumpay kahit na 'di mukhang gano'n. 1370 01:18:34,084 --> 01:18:39,131 PAGPOPROSESO NG PAGPANAW 1371 01:18:39,214 --> 01:18:45,011 Isang tool ang pagpoproseso ng pagpanaw para maproseso mo ang pagpanaw, tama? 1372 01:18:45,512 --> 01:18:47,472 At maraming 'di magaling sa ganiyan. 1373 01:18:47,556 --> 01:18:51,309 'Di lang sa 'di magaling 'pag may pumanaw kundi nade-depress sila o nalulungkot, 1374 01:18:51,810 --> 01:18:55,605 pero bago pa may pumanaw, nag-aalala na sila sa pagpanaw. 1375 01:18:55,689 --> 01:18:59,568 Ang layunin nito ay makuha ang tinatawag na kakayanan sa 'di-pag-ugnay. 1376 01:18:59,651 --> 01:19:02,070 Ibig sabihin no'n may gusto akong abutin, 1377 01:19:02,154 --> 01:19:03,697 pero okay lang na 'di ko makuha. 1378 01:19:03,780 --> 01:19:06,366 Gusto ko pa ring maabot 'yon. Gustong-gusto ko talaga. 1379 01:19:06,450 --> 01:19:08,118 Pero okay lang na mawala sa 'kin. 1380 01:19:08,201 --> 01:19:13,373 Una, pumili ka ng isang bagay na pakiramdam mo ay sobrang nakaugnay ka. 1381 01:19:13,457 --> 01:19:17,377 Pwedeng tao, trabaho, o anumang maliit. Kahit ano. 1382 01:19:17,461 --> 01:19:20,881 Pero isang bagay na ayaw mong mawala sa 'yo. 1383 01:19:20,964 --> 01:19:24,426 Takot ka na pag nawala 'yon sa 'yo, nakakatakot ang pwedeng mangyari. 1384 01:19:25,260 --> 01:19:26,094 Meron na? 1385 01:19:27,012 --> 01:19:28,013 Okay. 1386 01:19:30,849 --> 01:19:33,393 Isipin mong hinahawakan mo ang bagy na 'yan. 1387 01:19:33,477 --> 01:19:36,271 Kung 'di materyal na bagay, 'di na mahalaga. 1388 01:19:36,354 --> 01:19:38,315 Isipin mo lang na hawak mo 'to, 1389 01:19:38,398 --> 01:19:41,026 parang nakakapit ka sa isang sanga ng puno. 1390 01:19:43,028 --> 01:19:45,781 Nakakatakot. Takot kang bumitaw. 1391 01:19:47,324 --> 01:19:48,742 Pero bumitaw ka pa rin. 1392 01:19:49,242 --> 01:19:51,369 Pagbitaw mo, nahulog ka. 1393 01:19:51,453 --> 01:19:54,456 Pero 'di masakit sa pakiramdam. 1394 01:19:54,539 --> 01:19:58,710 Nagulat kang dahan-dahan at malumanay ang pagkahulog mo, 1395 01:19:59,294 --> 01:20:00,837 pero bumabagsak ka pa rin. 1396 01:20:01,338 --> 01:20:06,134 At 'ka mo, "Payag akong mawala ang lahat sa 'kin." 1397 01:20:07,052 --> 01:20:09,596 At tahimik mo 'yong sasabihin. 1398 01:20:09,679 --> 01:20:12,933 Dadamhin mo ang intensyon no'n. 1399 01:20:13,016 --> 01:20:14,518 Pagkasabi mo no'n, 1400 01:20:14,601 --> 01:20:17,687 bumagsak ka sa araw na nasa ilalim mo, 1401 01:20:17,771 --> 01:20:19,648 at nasunog ang katawan mo. 1402 01:20:20,148 --> 01:20:22,108 Sa puntong 'yon, nawala na ang lahat sa 'yo, 1403 01:20:22,192 --> 01:20:26,696 dahil ang pisikal mong katawan ang instrumento ng pagmamay-ari. 1404 01:20:26,780 --> 01:20:29,699 Kaya kung masusunog ang katawan mo, isa ka na lang sinag ng araw 1405 01:20:29,783 --> 01:20:32,118 sa maraming sinag ng araw. 1406 01:20:32,619 --> 01:20:35,288 Sumisikat ka sa lahat ng direksiyon, 1407 01:20:35,372 --> 01:20:41,461 at ang sikat mo ay napakamapagmahal, mapagbigay, at umaagos na damdamin. 1408 01:20:42,462 --> 01:20:43,922 At tumingin ka sa paligid 1409 01:20:44,005 --> 01:20:47,968 at nakita mo sa paligid mo ang walang hanggang iba pang araw, 1410 01:20:48,051 --> 01:20:51,555 tulad ng kinapapalooban mo, na lahat ay sumisikat. 1411 01:20:52,055 --> 01:20:54,975 Pagkatapos narinig mo ang mga araw, sabay-sabay na sinasabi, 1412 01:20:55,475 --> 01:20:57,394 "Kahit saan, naroon kami." 1413 01:20:58,436 --> 01:21:00,397 Tinatawag ang mundo na mundo ng araw. 1414 01:21:00,480 --> 01:21:02,983 Ang tanging magagawa mo ay magbigay. 'Di ka makakakuha. 1415 01:21:03,066 --> 01:21:06,152 'Di ka makakapit o makahawak sa kahit ano, imposible 'yon. 1416 01:21:07,362 --> 01:21:08,989 Ngayon dumilat ka na. 1417 01:21:10,448 --> 01:21:11,449 Ano'ng pakiramdam? 1418 01:21:12,409 --> 01:21:13,243 Galing. 1419 01:21:13,910 --> 01:21:16,246 -Ayaw mong magbahagi pa? -Gusto ko. 1420 01:21:16,830 --> 01:21:20,584 Magaling talaga ako sa 'di-pakikipag-ugnay 1421 01:21:20,667 --> 01:21:25,338 sa trabaho, o pagkatao, o galit sa iba. 1422 01:21:25,422 --> 01:21:28,091 Kaya ko 'yon, at gamitin ang tool para kayanin 'yon. 1423 01:21:28,592 --> 01:21:32,804 Pagdating sa mga bagay tulad ng romantikong relasyon, 1424 01:21:32,888 --> 01:21:35,724 o kapamilyang mahal ko, 1425 01:21:35,807 --> 01:21:38,602 'yong ideya na mawawala ang mga 'yon sa 'kin, 1426 01:21:38,685 --> 01:21:40,729 nahihirapan ako sa konseptong 'yon. 1427 01:21:40,812 --> 01:21:44,691 Isipin mo 'yon sa ganitong paraan. Ayaw mong 'di-nakaugnay do'n. 1428 01:21:44,774 --> 01:21:48,236 Sinusubukan mong tumungo sa 'di-pakikipag-ugnay 1429 01:21:48,320 --> 01:21:50,655 tuwing natatakot ka sa pagpanaw. 1430 01:21:50,739 --> 01:21:51,907 Para sa karamihan, 1431 01:21:51,990 --> 01:21:55,243 'di sila nakahiwalay ni minsan sa buong buhay nila. 1432 01:21:55,327 --> 01:21:59,998 Kaya kahit 'yong pagpunta do'n ay nakakatulong sa kanila. 1433 01:22:00,081 --> 01:22:01,666 Kung tao ka, 'di 'yon posible. 1434 01:22:01,750 --> 01:22:04,336 'Di makakabuti kung tuluyan kang nakahiwalay. 1435 01:22:04,419 --> 01:22:06,129 Sobrang makahulugan no'n. 1436 01:22:06,212 --> 01:22:09,507 Kaya ang layunin ay 'di tuluyang humiwalay. 1437 01:22:09,591 --> 01:22:14,054 Ang pakinabang nito sa kahit sinong tao, lugar, o bagay na iiwan ka 1438 01:22:14,137 --> 01:22:16,431 ay buung-buong aalisin ang buong pag-iral mo, 1439 01:22:16,514 --> 01:22:17,807 at ang pagiging buo mo. 1440 01:22:17,891 --> 01:22:18,808 Tama 'yan. 1441 01:22:22,354 --> 01:22:24,064 Ayaw kong iwan ang anuman, 1442 01:22:24,147 --> 01:22:27,943 kasi ayaw kong lamunin ako nito. 1443 01:22:28,026 --> 01:22:29,986 kahit ang mga takot mo, 'pag sinabi mo 'yon, 1444 01:22:30,070 --> 01:22:34,115 o ang mga problema, 'pag sinabi mo, palalayain ka sa maraming paraan. 1445 01:22:34,824 --> 01:22:37,702 At ginagamit ko ang Pagpoproseso ng Pagpanaw, at nakakatulong. 1446 01:22:38,411 --> 01:22:39,871 Magiging monghe ako at sabihing, 1447 01:22:39,955 --> 01:22:42,082 "Nakakatulong itong tools para maglaho lahat," 1448 01:22:42,165 --> 01:22:44,125 pero ramdam ko pa rin ang sakit araw-araw. 1449 01:22:44,209 --> 01:22:45,585 -Alam mo? -Ano? 1450 01:22:45,669 --> 01:22:47,128 Miss ko pa rin ang kapatid ko. 1451 01:22:48,046 --> 01:22:50,173 Mami-miss mo talaga sa mahabang panahon. 1452 01:22:50,966 --> 01:22:52,592 Pero sabihin nating ganito. 1453 01:22:53,593 --> 01:22:56,513 Hindi permanenteng kalagayan ang kamatayan. 1454 01:22:57,347 --> 01:22:59,933 Okay lang na matakot sa kamatayan, 1455 01:23:00,016 --> 01:23:02,811 basta't may mararamdaman ka pagkatapos ng kamatayan. 1456 01:23:03,561 --> 01:23:04,729 Iyon ay muling pagsilang. 1457 01:23:04,813 --> 01:23:09,192 Ang ideya na posible ang muling pagsilang mula sa pinakamalupit, 1458 01:23:09,275 --> 01:23:12,487 ang latak ng mundo, latak ng karanasan, 1459 01:23:12,570 --> 01:23:15,991 at may magagawa ka nang paullit-ulit 'pag nabuhay ka ulit. 1460 01:23:16,074 --> 01:23:18,952 'Yon ang pinakamalapit sa Diyos na kayang mapuntahan ng tao. 1461 01:23:21,705 --> 01:23:26,793 Naunawaan ko. Realidad lang 'yon, magpapatuloy lang ang buhay. 1462 01:23:28,044 --> 01:23:32,132 Pero may iilan talaga sa listahang 'yon na ayaw ko lang talagang mawala. 1463 01:23:36,553 --> 01:23:38,471 Ayaw rin kitang mawala sa 'kin. 1464 01:23:41,599 --> 01:23:42,934 Ano'ng gagawin natin? 1465 01:23:43,018 --> 01:23:44,561 Magpakasal na siguro tayo. 1466 01:23:45,061 --> 01:23:46,229 Gusto ko ng prenup. 1467 01:23:58,033 --> 01:24:01,077 -Oh, heto na'ng ilan do'n. -Astig ng mga 'to. 1468 01:24:01,911 --> 01:24:02,746 Oo, ito. 1469 01:24:03,538 --> 01:24:08,043 Isa sa mga bagay na gustong makamit ng pelikulang 'to habang ginagawa ko 'to 1470 01:24:08,543 --> 01:24:12,047 ay ang lagi kong iniisip dati na ang mga taong tinitingala ko 1471 01:24:12,130 --> 01:24:14,549 ay malaya sa mga problema na mayro'n ako. 1472 01:24:16,217 --> 01:24:17,177 Sorry. 1473 01:24:17,761 --> 01:24:18,762 Naunawaan ko. 1474 01:24:18,845 --> 01:24:22,057 Kakatwa 'yon. Alam ko. Kakatwa talaga. 'Di 'yon… 1475 01:24:23,058 --> 01:24:24,976 -Tumatawa ka kasi kakatwa 'yon. -Oo. 1476 01:24:25,477 --> 01:24:28,354 Sige. At sa tingin ko, mabuti sa mga tao na makita 1477 01:24:28,438 --> 01:24:31,024 na ikaw, para sa 'kin, ang gumawa ng mga bagay na 'to, 1478 01:24:31,107 --> 01:24:34,444 at sa tingin ko, mahalagang ang mga taong tinitingala natin ay 1479 01:24:34,527 --> 01:24:38,281 'di abswelto sa mga problemang mayro'n din ang iba. 1480 01:24:38,364 --> 01:24:41,659 Nagsisikap ka pa rin at lumalaban na maging tao 1481 01:24:41,743 --> 01:24:43,161 tulad din ng sinuman. 1482 01:24:44,954 --> 01:24:48,458 Ang totoo ay 'di ka rin abswelto sa sakit, 1483 01:24:48,541 --> 01:24:51,127 o sa kawalang-katiyakan, o sa palagiang paggawa. 1484 01:24:51,211 --> 01:24:56,883 At sa tingin ko, may kagandahang makita ang kahinaan mo, 1485 01:24:57,467 --> 01:25:02,680 para sa 'kin, ipinaliliwanag no'n na walang sinuman ang alam na ang lahat. 1486 01:25:02,764 --> 01:25:03,598 Tama. 1487 01:25:05,058 --> 01:25:06,601 'Yon ang sekreto ng buhay. 1488 01:25:08,895 --> 01:25:11,064 -Sa pagkakaalam ko. -Ay ano? 1489 01:25:11,147 --> 01:25:15,985 Tanggapin na kailanman 'di mo malalaman lahat. Walang makakaalam ng lahat. 1490 01:25:16,069 --> 01:25:19,697 Nakadepende ang kasiyahan kung pa'no mo tatanggapin 'yon, 1491 01:25:20,448 --> 01:25:22,033 at ano'ng gagawin mo rito. 1492 01:25:22,117 --> 01:25:25,370 Pero una, tanggapin mo, kasi kung hindi, 1493 01:25:25,453 --> 01:25:28,957 may nakatanim sa isip mo na kaya mong kalimutan 'to, 1494 01:25:29,040 --> 01:25:31,835 o pumailalim dito, at alisin ito, pero 'di mo kaya. 1495 01:25:41,886 --> 01:25:44,139 Napakagandang pagkakataon nito ngayon. 1496 01:25:48,768 --> 01:25:52,730 Pwede bang diyan lang kayo, uuwi lang ako at matutulog? 1497 01:25:53,231 --> 01:25:56,442 Pagbalik ko sa umaga, nandiyan pa rin kayo… 1498 01:25:56,943 --> 01:25:58,903 -Makatwiran ba 'yon? -Oo. 1499 01:25:59,821 --> 01:26:00,655 Pagod ka na? 1500 01:26:01,364 --> 01:26:04,367 -Oo, medyo pagod na rin. -Sige, higa ka na. 1501 01:26:34,647 --> 01:26:36,524 Ano'ng nakikita mo pagpikit mo? 1502 01:26:39,402 --> 01:26:40,695 Isang karagatan. 1503 01:26:42,155 --> 01:26:46,367 Napakagandang dalampasigan, at ang mga alon ay… 1504 01:26:46,451 --> 01:26:50,205 'Di malalaking alon. Katamtamang alon lang. 1505 01:26:52,373 --> 01:26:54,918 At umaagos sila sa katawan ko ngayon. 1506 01:26:57,712 --> 01:26:59,547 Malamig o maligamgam ang tubig? 1507 01:27:00,048 --> 01:27:00,882 Maligamgam. 1508 01:27:09,265 --> 01:27:13,269 Alam mo'ng sinabi ng nanay ko no'ng dinala ang kapatid ko sa ospital? 1509 01:27:13,770 --> 01:27:20,401 Sabi niya, "Pumasok siya ro'n na sanggol," pero tatlong taon na siya, 1510 01:27:21,319 --> 01:27:23,363 "pero pagkaraan ng tatlong buwan," 1511 01:27:23,446 --> 01:27:25,281 tatlong buwan nga yata, pagkamatay niya, 1512 01:27:25,782 --> 01:27:27,200 "matanda na siya." 1513 01:27:30,119 --> 01:27:32,538 Kaya may… nagtransporma siya. 1514 01:27:33,498 --> 01:27:37,168 Nalungkot ako ro'n, pero… 1515 01:27:41,464 --> 01:27:43,174 Nasindak din yata. 1516 01:27:57,021 --> 01:27:59,190 -Nakikita mo na siya ngayon? -Ano? 1517 01:27:59,274 --> 01:28:00,608 Nakikita mo na siya ngayon? 1518 01:28:02,193 --> 01:28:05,071 Oo, pero 'di siya… 1519 01:28:05,154 --> 01:28:08,908 pakiramdam ko kapatid ko siya, pero parang… 1520 01:28:08,992 --> 01:28:11,035 Parang kaedad mo na nga siya. 1521 01:28:20,336 --> 01:28:21,170 Sabi niya 1522 01:28:22,422 --> 01:28:27,218 'di siya nagpahiwatig sa 'kin tungkol sa pagpanaw niya. 1523 01:28:29,095 --> 01:28:29,971 Sabi niya… 1524 01:28:34,600 --> 01:28:38,146 Sabi niya, 'di naman siya masyadong nag-aalala do'n. Alam na niya. 1525 01:28:40,273 --> 01:28:41,983 'Di ko nakikita kung paano niya 1526 01:28:43,234 --> 01:28:44,110 masasabi sa 'kin. 1527 01:28:44,861 --> 01:28:46,362 Siguro. Ewan ko. 1528 01:28:46,446 --> 01:28:49,824 Peksman, alam kong imposible, pero may pakiramdam akong 1529 01:28:50,325 --> 01:28:51,993 lumilipad ako. 1530 01:29:01,336 --> 01:29:02,337 Ano'ng pakiramdam? 1531 01:29:03,421 --> 01:29:04,255 Galing. 1532 01:29:10,219 --> 01:29:11,429 Pwede na akong umupo? 1533 01:29:12,430 --> 01:29:14,223 Lumilipad ka sa hangin? 1534 01:29:15,350 --> 01:29:18,353 Sana tumigil na kung ang mga paa ko ay… 1535 01:29:20,521 --> 01:29:21,814 May insurance ka para diyan? 1536 01:29:21,898 --> 01:29:24,108 -Oo, gusto mong umupo? -Oo. 1537 01:29:24,192 --> 01:29:25,777 Sige, upo. Siyempre naman. 1538 01:29:29,447 --> 01:29:30,656 Ganda ng kwartong 'to. 1539 01:29:31,449 --> 01:29:32,325 Wow. 1540 01:29:36,704 --> 01:29:39,916 Ito ang totoong hamon sa 'kin araw-araw, ang bumangon. 1541 01:29:42,627 --> 01:29:45,838 Baka gusto mo lang na makontrol ako, o… 1542 01:29:47,757 --> 01:29:49,050 'Di ko sigurado. Bakit ba? 1543 01:29:49,133 --> 01:29:50,385 Lahat ng dahilang 'yon. 1544 01:29:50,468 --> 01:29:52,720 -May kukuha ba ng gamot mo? -Oo. 1545 01:29:52,804 --> 01:29:55,306 Gusto kong ganiyan lang ang background, 1546 01:29:56,057 --> 01:29:58,309 kasi maraming tao ang nananaginip 1547 01:29:59,060 --> 01:30:03,481 kung saan natutuklasan nilang may ibang kwarto sa bahay nila, 1548 01:30:03,564 --> 01:30:06,609 o minsan may bagong bagay silang matutuklasan. 1549 01:30:06,692 --> 01:30:10,530 Ang totoo niyan sa mundo ng panaginip ay mas nagkakamalay ka. 1550 01:30:10,613 --> 01:30:12,782 Lumalawak ang pagtingin mo sa universe. 1551 01:30:12,865 --> 01:30:15,743 Kaya ang mga taong nananaginip na may kwarto 1552 01:30:15,827 --> 01:30:17,412 sa bahay nilang wala naman do'n, 1553 01:30:17,495 --> 01:30:19,622 at ibig sabihin lumalawak ang isip nila? 1554 01:30:19,705 --> 01:30:20,540 Oo. 1555 01:30:21,332 --> 01:30:22,458 Nakakabilib 'yon. 1556 01:30:22,542 --> 01:30:25,169 …'di makaka-recover. 'ka ko, "Gawin mo'ng sasabihin ko." 1557 01:30:25,253 --> 01:30:28,131 "Ang mismong ipapagawa ko sa 'yo. Ginagarantiya kong bubuti ka." 1558 01:30:28,214 --> 01:30:29,465 Teka, may naisip ako. 1559 01:30:29,549 --> 01:30:30,466 Sige lang. 1560 01:30:31,175 --> 01:30:33,428 Dahil nakunan na natin ang pagbubukas ng pelikula, 1561 01:30:34,345 --> 01:30:36,389 ito siguro ang para sa katapusan ng pelikula, 1562 01:30:36,889 --> 01:30:39,767 kung sasabihin na natin bakit 1563 01:30:39,851 --> 01:30:43,146 ginawa ang pelikulang ito ngayon, pagkatapos ng pinagdaanan natin. 1564 01:30:45,440 --> 01:30:46,274 Mabuti 'yon. 1565 01:30:47,400 --> 01:30:49,235 Tingnan natin kung kaya mo… Mabilis lang. 1566 01:30:49,318 --> 01:30:53,156 Kung masasabi mo ang simula, pagkatapos no'n, sabihin mo ang wakas. 1567 01:30:59,996 --> 01:31:01,414 Ginagawa ko ang pelikulang 'to 1568 01:31:02,582 --> 01:31:05,001 kasi gusto kong magbigay ng therapy, 1569 01:31:05,084 --> 01:31:07,503 at ang natutunan kong tools sa therapy, 1570 01:31:07,587 --> 01:31:12,216 sa pinakamaraming tao sa pamamagitan ng pelikula. 1571 01:31:23,519 --> 01:31:24,812 Ginawa ko ang pelikulang 'to 1572 01:31:26,522 --> 01:31:27,732 kasi mahal ko si Phil… 1573 01:31:29,775 --> 01:31:36,240 kasi mahal ko ang buhay na mayro'n ako dahil sa tools. 1574 01:31:40,286 --> 01:31:42,830 At 'di mahalaga ang sasabihin ng iba sa pelikulang 'to. 1575 01:31:42,914 --> 01:31:45,041 Ang mahalaga ay natapos natin 'to. 1576 01:31:47,460 --> 01:31:48,294 Nang magkasama. 1577 01:31:50,213 --> 01:31:53,549 Oo, mas napalapit ako sa 'yo ngayon kaysa no'ng nagsisimula tayo, 1578 01:31:53,633 --> 01:31:55,551 na sa tingin ko ay magandang senyales. 1579 01:31:55,635 --> 01:31:59,388 Swerte din ako, alam mo, sa edad na 74. 1580 01:32:03,726 --> 01:32:04,560 Mahal kita. 1581 01:32:05,436 --> 01:32:06,270 Mahal kita. 1582 01:32:10,483 --> 01:32:13,611 Hinihiling ko pa ring tigilan mo nang magmaktol sa 'kin. 1583 01:32:26,082 --> 01:32:33,047 ALAY SA MGA KAPATID NAMING LALAKI 1584 01:32:47,478 --> 01:32:49,689 No'ng nag-shoot tayo, ilang buwan nang nakaraan, 1585 01:32:49,772 --> 01:32:53,609 may nabanggit kang relasyon na matagal nang patay-sindi, 1586 01:32:53,693 --> 01:32:56,153 pagkatapos nabanggit mo sa 'kin nang pahapyaw sa phone 1587 01:32:56,237 --> 01:32:58,823 na kinausap mo na ang taong 'yon, 1588 01:32:58,906 --> 01:33:02,660 at itatanong ko sana 'yon, 'yon ay kung gusto mong pag-usapan. 1589 01:33:04,161 --> 01:33:05,538 Nakakabilib. 1590 01:33:05,621 --> 01:33:08,958 'Yon ay… Siya ang pinakamalapit sa 'kin. 1591 01:33:09,041 --> 01:33:12,003 No'ng bata-bata pa kami, at ayaw pa naming pumasok sa relasyon, 1592 01:33:12,086 --> 01:33:13,129 o mas ako pa. 1593 01:33:13,212 --> 01:33:15,756 Wala akong kagustuhang pagbutihin. 1594 01:33:16,257 --> 01:33:17,216 Ngayon, meron na. 1595 01:33:17,300 --> 01:33:19,218 Kinausap mo pagkatapos ng pag-uusap natin? 1596 01:33:19,302 --> 01:33:21,012 Oo. Nakatulong 'yon sa 'kin. 1597 01:33:21,929 --> 01:33:25,641 -Medyo nahiya ako sa pag-uusap namin. -Sa paanong paraan? 1598 01:33:25,725 --> 01:33:30,438 na nasa relasyon ako nang walang buung-buong commitment, 1599 01:33:30,521 --> 01:33:31,814 parang walang pakialam. 1600 01:33:31,897 --> 01:33:33,858 Kaya nakatulong talaga 'yon. 1601 01:33:33,941 --> 01:33:37,945 Sino sa tingin mo sa inyong dalawa ang mas takot? 1602 01:33:38,029 --> 01:33:38,863 Ikaw o siya? 1603 01:33:38,946 --> 01:33:40,615 Ako, sigurado. 1604 01:33:40,698 --> 01:33:45,620 Sa tingin mo magtitiwala ka na 1605 01:33:45,703 --> 01:33:47,788 at isasantabi ang takot at subukan, 1606 01:33:47,872 --> 01:33:49,123 o gusto mo ba? 1607 01:33:49,206 --> 01:33:53,628 -Oo, susubukan ko. Oo. -Ano ang inaasahan mong kalalabasan? 1608 01:33:54,128 --> 01:33:56,464 Ang inaasahan kong resulta ay magiging maayos ito. 1609 01:33:57,923 --> 01:33:59,717 'Yon ang inaasahan kong kalalabasan. 1610 01:35:50,870 --> 01:35:55,875 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Mark Vincent Baracao