1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.MX 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.MX 3 00:00:15,015 --> 00:00:16,516 UNTOLD 4 00:00:26,317 --> 00:00:31,656 Biro ng mga tao, sinisira ko ang mga bagay para makita kung ano'ng mangyayari. 5 00:00:31,740 --> 00:00:32,741 SNAC SYSTEM, INC. 6 00:00:33,324 --> 00:00:35,952 Maraming nagsasabi na isa akong henyo, 7 00:00:37,120 --> 00:00:40,457 pero, alam mo, minsan pabaya 'yon para sa ibang tao. 8 00:00:40,957 --> 00:00:44,377 Isang kuwentong lumabas noong isang linggo at kumakalat. 9 00:00:44,461 --> 00:00:45,545 Ang federal grand jury 10 00:00:45,628 --> 00:00:49,549 ay magsisimulang makinig sa testimonya ng ilang pangunahing atleta. 11 00:00:49,632 --> 00:00:51,468 Pag-imbestiga kay Victor Conte. 12 00:00:51,551 --> 00:00:53,303 -Victor Conte. -Victor Conte. 13 00:00:53,386 --> 00:00:55,722 Ang presidente ng BALCO Laboratories. 14 00:00:55,805 --> 00:00:59,768 Ang "BALCO" ay salitang nakatatak na sa atin. 15 00:00:59,851 --> 00:01:00,727 BALCO. 16 00:01:00,810 --> 00:01:02,562 BALCO. 17 00:01:02,645 --> 00:01:05,815 Pinakamalaking iskandalo ng droga sa kasaysayan ng sports. 18 00:01:05,899 --> 00:01:09,611 May mga artikulong nagsabing ako ang modernong Al Capone, 19 00:01:09,694 --> 00:01:11,571 ang utak ng BALCO, 20 00:01:11,654 --> 00:01:14,991 ang Dr. Frankenstein mula sa BALCO. 21 00:01:15,075 --> 00:01:16,618 Naghahanap sila ng ebidensya, 22 00:01:16,701 --> 00:01:21,414 na nag-uugnay kay Conte sa dating di matukoy na steroid na kilalang THG. 23 00:01:21,498 --> 00:01:23,166 Tinawag itong The Clear. 24 00:01:23,249 --> 00:01:24,709 Isang designer steroid… 25 00:01:24,793 --> 00:01:27,462 Ginawa talaga para sa pandaraya. 26 00:01:27,545 --> 00:01:31,966 Isang malaking pagsasabwatan 'to na nag-uugnay sa mga top athletes… 27 00:01:32,050 --> 00:01:34,344 Mula baseball, football, track and field… 28 00:01:34,427 --> 00:01:37,514 Kasama ang home run record breaker na si Barry Bonds. 29 00:01:37,597 --> 00:01:38,723 May matinding puwersa… 30 00:01:38,807 --> 00:01:43,895 Ang buong imbestigasyon, sa palagay ko, ay tungkol sa paggawa ng ingay. 31 00:01:43,978 --> 00:01:48,817 Nakakalungkot, 'yong ilang manlalaro ay hindi magandang halimbawa. 32 00:01:48,900 --> 00:01:51,945 Tungkol 'to sa asal, tungkol sa ating kultura. 33 00:01:52,028 --> 00:01:56,032 Malaki ang problema ng Major League Baseball sa steroid. 34 00:01:56,116 --> 00:01:57,408 Hindi 'to natutukan. 35 00:01:57,492 --> 00:02:01,287 Alam kong wala silang ebidensya na sinabi nilang mayr'on sila, 36 00:02:01,371 --> 00:02:05,333 kaya pumunta ako sa grupo ng mga reporter at ginawa 'to. 37 00:02:05,375 --> 00:02:06,417 SINO ANG LALAKING 'TO? 38 00:02:06,501 --> 00:02:08,044 Ito ang ibig sabihin no'n. 39 00:02:08,128 --> 00:02:12,423 Si Victor Conte ay isang taong kayang maging kahit sinong gustuhin niya. 40 00:02:13,007 --> 00:02:16,094 'Yong mga nakakakita at nakakarinig kay Victor Conte 41 00:02:16,177 --> 00:02:17,720 ay alam kung sino siya, 42 00:02:17,804 --> 00:02:22,725 at iyon ay isang gamit na kotse, tindero ng snake oil, lokong artista. 43 00:02:22,809 --> 00:02:28,439 Masaya, nakakasabik. Tungkol 'yon sa pagiging magaling. 44 00:02:28,523 --> 00:02:32,277 Nang maabot ni Marion Jones ang dulo at nanalo ng gintong medalya, 45 00:02:32,360 --> 00:02:34,654 no'ng natamaan ni Barry Bonds lahat ng home run. 46 00:02:39,325 --> 00:02:42,620 Natamaan ni Bonds! Sa kanang bahagi. 47 00:02:42,704 --> 00:02:45,748 Nagbago na naman ang record. Barry Bonds… 48 00:02:45,832 --> 00:02:48,459 Alinman sa mga malalaking tagumpay na 'to, 49 00:02:49,043 --> 00:02:51,462 'yon ang mga bagay na ipinagmamalaki ko. 50 00:03:51,356 --> 00:03:53,983 UNTOLD 51 00:03:55,026 --> 00:03:56,986 HALL OF SHAME 52 00:03:59,822 --> 00:04:04,285 SAN CARLOS CALIFORNIA 53 00:04:05,411 --> 00:04:08,748 Welcome sa hall of fame, o hall of shame, 54 00:04:08,831 --> 00:04:10,333 depende sa pananaw mo. 55 00:04:10,917 --> 00:04:16,089 Isa 'to sa dalawang larawang may pirma mula kay Barry. 56 00:04:16,172 --> 00:04:19,259 Ang isa ay "Para kay Victor" at ang isa, "Para sa BALCO." 57 00:04:20,635 --> 00:04:24,514 At ito ang Sports Illustrated ni Marion Jones. 58 00:04:24,597 --> 00:04:28,142 Noong taong 2000 pa 'to. 59 00:04:30,270 --> 00:04:34,607 Ito si Tim Montgomery sa world championship noong 2001. 60 00:04:34,691 --> 00:04:36,484 Sa Edmonton, Canada iyon. 61 00:04:36,567 --> 00:04:39,487 Noong nakatrabaho namin siya, Tiny Tim ang pangalan niya. 62 00:04:39,570 --> 00:04:40,989 Charlie Francis, sabi niya, 63 00:04:41,072 --> 00:04:44,325 "Magpakita ka sa 'kin ng di naka-steroid at magpapakita ako ng talunan." 64 00:04:44,409 --> 00:04:48,204 Patas ang labanan, hindi nga lang 'yong inaakala ng marami, okay? 65 00:04:48,746 --> 00:04:51,541 Marami sa mga 'to ang gumamit ng steroids, tama? 66 00:04:51,624 --> 00:04:56,879 Mula 1984 nang simulan ko ang BALCO hanggang 2000, sa loob ng 16 na taon, 67 00:04:56,963 --> 00:04:59,716 wala akong binigay na ilegal na droga kahit kanino. 68 00:04:59,799 --> 00:05:04,178 Lehitimong negosyo 'yon na nagbibigay ng impormasyon sa nutrisyon 69 00:05:04,262 --> 00:05:06,389 sa pamamagitan ng pagsuri sa dugo. 70 00:05:06,472 --> 00:05:07,765 Maraming salamat. 71 00:05:07,849 --> 00:05:11,060 Oo, gaya ng sinabi ni Ken, ako si Victor Conte, 72 00:05:11,144 --> 00:05:14,230 at ako ang executive director ng BALCO Laboratories, 73 00:05:14,314 --> 00:05:18,860 Ibig sabihin ng BALCO, Bay Area Laboratory Co-operative, 74 00:05:18,943 --> 00:05:22,280 at ako rin ang nagtatag ng tinatawag na SNAC system. 75 00:05:23,156 --> 00:05:26,743 Tinawag nila itong talento ni Victor, na kahit anong gusto kong gawin, 76 00:05:26,826 --> 00:05:29,746 nagtatagumpay ako at tinuruan ko lang ang sarili ko. 77 00:05:31,164 --> 00:05:32,999 Kumuha ako ng library card, 78 00:05:33,082 --> 00:05:35,418 at hiniram lahat ng scientific journals na 'to, 79 00:05:35,501 --> 00:05:38,963 tapos binasa ko lahat. Mula Zinc at muscle strength, 80 00:05:39,047 --> 00:05:41,132 zinc at testosterone. 81 00:05:41,215 --> 00:05:44,969 Natutunan kong ang mga atletang mababa ang iron, maaaring mas mababa ang copper. 82 00:05:45,053 --> 00:05:48,556 Itong mga kakulangang 'to ay may koneksyon sa mga sintomas 83 00:05:48,639 --> 00:05:51,476 gaya ng muscle cramp o kulang sa konsentrasyon. 84 00:05:51,559 --> 00:05:54,687 Umaasa kami sa pagbabahagi ng kaalaman, matutulungan ang United States 85 00:05:54,771 --> 00:05:56,230 na manalo pa ng gintong medalya. 86 00:05:56,814 --> 00:06:00,526 Nakipagsosyo ako at nag-ipon at sinimulan ang BALCO. 87 00:06:02,945 --> 00:06:05,531 Balita sa pasilidad ng BALCO Laboratory. 88 00:06:05,615 --> 00:06:10,244 May bagong gusali. Papasok tayo sa lab area. 89 00:06:10,328 --> 00:06:11,162 1984 - 1985 90 00:06:11,245 --> 00:06:15,124 Nagsimula kaming suriin ang mga atleta, tapos dumami, 91 00:06:15,208 --> 00:06:18,920 track and field ang laro ng mga first-world-class atletang sinuri ko. 92 00:06:19,003 --> 00:06:21,714 Tapos si Matt Biondi, ang pinakamabilis na manlalangoy noon. 93 00:06:22,715 --> 00:06:25,676 Para makolekta ko ang lahat ng data na mahalaga sa kanila 94 00:06:25,760 --> 00:06:28,638 at likas akong promoter. 95 00:06:28,721 --> 00:06:30,640 Tapos, pati mga NBA players. 96 00:06:30,723 --> 00:06:34,977 Nakatrabaho ko ang buong Seattle SuperSonics team noong '92 at '93. 97 00:06:35,061 --> 00:06:39,190 WALANG EBIDENSYANG NAGBENTA NG MGA BAWAL NA GAMOT ANG BALCO 98 00:06:39,273 --> 00:06:43,486 Pero para mapaganda ko talaga ang laro ng mga atleta, 99 00:06:43,569 --> 00:06:46,155 inaral ko muna ang paggawa ng mga gamot. 100 00:06:46,239 --> 00:06:52,870 Kaya gumawa ako ng mga produktong mineral at trace element at gumawa ng ZMA, at… 101 00:06:52,954 --> 00:06:56,249 Ibig kong sabihin, sobrang sumikat. 102 00:06:57,542 --> 00:07:02,338 Di nagtagal, dumating si Bill Romanowski mula sa Denver Broncos. 103 00:07:02,422 --> 00:07:05,591 Siya ang naging tulay ko tungo sa NFL. 104 00:07:05,675 --> 00:07:08,803 Tapos, biglang may 250 NFL players na ako. 105 00:07:12,598 --> 00:07:15,476 1988 BALCO OLYMPIC TEAM 106 00:07:15,560 --> 00:07:17,812 Tatalunin mo ba ang world record, Gregg? 107 00:07:18,604 --> 00:07:20,148 Mr. Zinc. Tawagin mo akong Zinc. 108 00:07:20,231 --> 00:07:21,441 Mr. Zinc. 109 00:07:22,275 --> 00:07:23,818 Kaya mula '84 hanggang 2000 110 00:07:23,901 --> 00:07:27,488 IUWI ANG GINTO MULA SA SEOUL 111 00:07:27,572 --> 00:07:32,201 lahat ng ginawa ng BALCO at SNAC ay legal, at siguradong malinis. 112 00:07:32,285 --> 00:07:36,205 Walang mga atletang binigyan ng pampalakas na gamot. 113 00:07:36,706 --> 00:07:42,253 Ngayon, kung may ilan ba ditong nagdodroga gaya ng mga shot putter? Oo naman. 114 00:07:42,336 --> 00:07:45,256 Hindi lang ako dawit sa pagbibigay no'n sa kanila. 115 00:07:46,007 --> 00:07:50,845 Pero alam kong laganap ang paggamit ng mga gamot na pampalakas 116 00:07:50,928 --> 00:07:52,388 sa Olympic. 117 00:07:52,472 --> 00:07:53,347 1988 SEOUL OLYMPICS 118 00:07:53,431 --> 00:07:55,516 Nasa ikatlong linya si Carl Lewis. 119 00:07:55,600 --> 00:07:59,520 Sa Olympic Games noong '88 sa Seoul, siyempre bida si Ben Johnson. 120 00:08:00,313 --> 00:08:06,194 …Johnson. At ginawa ulit ni Johnson. Hindi kapani-paniwala. Nine-seven-nine. 121 00:08:06,277 --> 00:08:09,489 Bagong world record. Ang galing. 122 00:08:10,198 --> 00:08:12,783 Binigyan ako ng papel na, kung tama, 123 00:08:12,867 --> 00:08:16,037 ito na ang pinakamadramang kuwento sa Olympics o kung saan pa. 124 00:08:16,120 --> 00:08:18,831 Tinanggalan ng gold medal si Ben Johnson. 125 00:08:18,915 --> 00:08:21,501 dahil positibo sa paggamit ng anabolic steroid. 126 00:08:21,584 --> 00:08:25,213 Isa siya sa mga atletang matagal nang pinaghihinalaan, 127 00:08:25,296 --> 00:08:28,049 pati na rin ang coach niyang si Charlie Francis. 128 00:08:28,132 --> 00:08:31,135 Pag binigyan mo ang atleta ng dalawang pagpipilian, 129 00:08:31,219 --> 00:08:35,723 maglaro nang patas at matalo o magdroga at manalo, malinaw ang pipiliin. 130 00:08:36,724 --> 00:08:39,185 No'ng katrabaho ko ang mga sikat na atleta, 131 00:08:39,268 --> 00:08:42,563 natanto kong ganito pala ang nangyayari sa elite level sport. 132 00:08:42,647 --> 00:08:46,609 Ito ang kailangan para mas magtagumpay. 133 00:08:46,692 --> 00:08:50,404 Ulat sa nakakatakot na senyales, matindi na ang kumpetisyon sa sport. 134 00:08:50,488 --> 00:08:51,572 Steroids. 135 00:08:51,656 --> 00:08:54,075 Bagong epidemya ng droga sa Amerika. 136 00:08:54,158 --> 00:08:55,910 Pumirma si President Bush ng batas 137 00:08:55,993 --> 00:09:00,414 na sa unang pagkakataon, ay tinuring ang steroid bilang controlled substance. 138 00:09:00,873 --> 00:09:05,461 Sinabing karaniwang problema 'to sa patas na laro ng sport 139 00:09:05,545 --> 00:09:06,837 at ang hangad manalo. 140 00:09:12,051 --> 00:09:15,596 Sa karanasan ko, 80% ng atleta ang nagsabi, 141 00:09:15,680 --> 00:09:19,392 "Di ko sasayangin ang 10 taon ng buhay ko para sa wala, kaya akin na 'yang pills." 142 00:09:23,854 --> 00:09:25,898 Ayaw kong natatalo. 143 00:09:26,399 --> 00:09:30,903 Ayaw kong may tumingin sa 'kin at sasabihing tinalo nila ako. 144 00:09:31,404 --> 00:09:34,156 At tingin ko, galing 'yon sa kabataan ko, 145 00:09:34,740 --> 00:09:36,659 kasi Tiny Tim ang tawag sa akin. 146 00:09:37,785 --> 00:09:39,579 Ayaw ko sa pangalang Tiny Tim. 147 00:09:40,955 --> 00:09:43,583 Nanonood ako dati ng Conan the Barbarian. 148 00:09:44,709 --> 00:09:47,128 'Yong tinulak niya ang gulong at naging malakas siya. 149 00:09:48,504 --> 00:09:51,340 Nagtatabas ako ng damo. Mano-mano 'yong pantabas. 150 00:09:51,424 --> 00:09:54,510 Ganito kataas 'yong lawn mower at may hawakan sa gitna, 151 00:09:54,594 --> 00:09:55,970 kaya itutulak ko, 152 00:09:56,053 --> 00:10:00,349 at lahat ng tao ay nakatingin sa 'kin, sa batang si Timmy na nagtutulak. 153 00:10:00,433 --> 00:10:04,061 Iikutin ko 'yong buong bakuran kasi gusto ko maging si Conan the Barbarian. 154 00:10:04,145 --> 00:10:07,523 Gusto kong maging mas malakas, mas mabilis. Lahat 'yon. 155 00:10:08,190 --> 00:10:12,194 Kaya talagang sinanay ko ang sarili ko para sa aking kinabukasan. 156 00:10:13,571 --> 00:10:18,200 Gusto ko maging pinakamagaling sa buong mundo, habang buhay. 157 00:10:18,701 --> 00:10:22,204 Tim Montgomery ng US, tahimik lang pero baka mabigla tayo. 158 00:10:22,288 --> 00:10:26,334 Noong 1997, siyam na beses akong tumakbo sa loob ng 10 segundo…*** 159 00:10:26,417 --> 00:10:28,377 Montgomery at Donovan Bailey. 160 00:10:28,461 --> 00:10:32,757 …kaya alam ko ang kaya kong gawin. Kailangan ko lang ng mas maraming lakas. 161 00:10:32,840 --> 00:10:34,508 Medyo mas maliit siya. 162 00:10:34,592 --> 00:10:38,471 Kailangan niya magpabigat at sa tingin ko, darating na ang oras niya… 163 00:10:38,554 --> 00:10:42,391 Kaya, noong 1999, lumipat ako sa Raleigh, North Carolina, 164 00:10:42,975 --> 00:10:45,311 nagsimula akong magsanay kasama ni Trevor Graham, 165 00:10:45,394 --> 00:10:46,896 coach ni Marion Jones. 166 00:10:48,105 --> 00:10:49,649 At ang pag-eensayo ay… 167 00:10:49,732 --> 00:10:51,484 Hindi ko matapos. 168 00:10:51,567 --> 00:10:55,696 Kaya pupunta ako sa bahay ni Trevor at may tapes siya ni Ben Johnson. 169 00:10:58,074 --> 00:11:00,660 Di ko kaya 'yong gano'n. Di ako gano'n magsimula. 170 00:11:00,743 --> 00:11:03,579 Sabi niya, "Hindi, kita mo 'yong purong lakas niya?" 171 00:11:03,663 --> 00:11:08,000 At doon ako nagsimulang mapasama sa dilim. 172 00:11:08,084 --> 00:11:09,919 Gamot na nagpapalakas sa laro. 173 00:11:11,212 --> 00:11:13,005 Ang laban ni Ben Johnson, 174 00:11:13,089 --> 00:11:16,884 anim o pito sa walong lalaki ang pinaghihinalaang gumamit 175 00:11:16,967 --> 00:11:19,970 ng mga gamot na pampalakas sa laro. 176 00:11:20,596 --> 00:11:22,973 Pag nauna kang tumakbo ng dalawang metro, 177 00:11:23,057 --> 00:11:26,268 ito ang pagkakaiba ng 10 flat 9-8. Okay? 178 00:11:26,352 --> 00:11:28,896 Kaya kung atleta ka na di gumagamit, 179 00:11:28,979 --> 00:11:32,817 mahihirapan kang labanan ang atletang gumagamit. 180 00:11:34,068 --> 00:11:38,280 No'ng nakasama ko si Trevor Graham, nakita ko ginagawa 'yon ng pinakamagaling. 181 00:11:38,781 --> 00:11:41,701 Akala ko 'to 'yong ginagawa ng lahat. 182 00:11:42,952 --> 00:11:47,873 Nang mapagtanto kong pandaraya lahat ng 'to, 183 00:11:47,957 --> 00:11:51,335 nagdesisyon akong oras na para sumunod sa patakaran ng sports, 184 00:11:51,419 --> 00:11:54,213 at kasaysayan na ang lahat, ika nga nila. 185 00:12:07,351 --> 00:12:10,938 Pumunta ako sa isang bodybuilding show sa San Francisco 186 00:12:11,021 --> 00:12:15,276 at pinakilala ako sa 25 na propesyonal na bodybuilder, 187 00:12:15,359 --> 00:12:17,153 mga pinakasikat sa larangan. 188 00:12:19,029 --> 00:12:24,744 At ito ang nag-iisang propesyonal na sport kung saan utos ang paggamit ng steroid. 189 00:12:25,327 --> 00:12:30,541 Kaya tumayo ako at sinabing gumawa kami ng pagsuri sa mineral at trace elements, 190 00:12:30,624 --> 00:12:35,755 pero may kakayahan din kaming gawin ang lahat ng komprehensibong drug testing. 191 00:12:39,884 --> 00:12:42,636 Sinuri namin ang 25 bodybuilder na iyon, 192 00:12:44,430 --> 00:12:47,183 at sabi ko, "Itong Winstrol na tingin n'yong iniinom n'yo?" 193 00:12:47,266 --> 00:12:49,727 "Walang Winstrol sa ihi n'yo. Peke 'to." 194 00:12:51,771 --> 00:12:56,650 Kaya ako naging bahagi ng mundong iyon at sinubukang aralin ang steroid. 195 00:12:57,777 --> 00:13:02,323 Bagong hamon 'yon, at 'yon ang nag udyok sa 'kin. 196 00:13:02,406 --> 00:13:04,408 Dahil do'n kaya nagtuloy-tuloy. 197 00:13:08,370 --> 00:13:09,497 Ako si Oliver Catlin. 198 00:13:09,580 --> 00:13:14,293 Anak ako ng guru ng sport drug testing, si Dr. Don Catlin. 199 00:13:14,376 --> 00:13:19,298 Ngayon, ako ang presidente ng Banned Substances Control Group. 200 00:13:19,799 --> 00:13:25,262 Sa anti-doping, ang patas na paglalaro ang hangad namin, 201 00:13:25,346 --> 00:13:28,265 pero mahirap 'to makamit. 202 00:13:28,849 --> 00:13:32,102 Alam ni Victor kung ano ang gusto niya sa undetectable drugs, 203 00:13:32,186 --> 00:13:34,313 pero di niya alam kung paano gumawa no'n, 204 00:13:34,396 --> 00:13:38,275 at doon pumasok ang kaalaman ni Patrick Arnold bilang chemist. 205 00:13:38,818 --> 00:13:43,364 Sa Mr. Olympia Expo sa Las Vegas ko nakilala si Patrick Arnold, 206 00:13:43,447 --> 00:13:47,326 at sabi niya may mga bagay siyang makakatulong sa pagpapagaling. 207 00:13:47,409 --> 00:13:51,247 Wala siyang sinabi kung ano 'yon. Kaya bumili ako ng isang bote sa kanya. 208 00:13:51,831 --> 00:13:54,250 Malinaw na likido iyon, gagamit ka ng eyedropper 209 00:13:54,333 --> 00:13:57,545 at magpapatak ka sa ilalim ng dila mo para masipsip 'yong gamot. 210 00:13:58,128 --> 00:14:01,048 Gumamit ako at ang sarap sa pakiramdam. 211 00:14:02,174 --> 00:14:04,385 At sinuri ko iyon, 212 00:14:04,468 --> 00:14:08,722 sinukat ko ang testosterone ko kinabukasan at sa mga sumunod na araw. 213 00:14:09,598 --> 00:14:13,435 At napagtanto ko, "Naku, parang anabolic steroid ang epekto nito." 214 00:14:15,604 --> 00:14:20,234 Marami sa mga steroid ay ginawa ng mga pharmaceutical at di ginamit, 215 00:14:20,317 --> 00:14:23,737 pero pagdating namin sa BALCO, bago ang gamot na gawa nila. 216 00:14:24,613 --> 00:14:28,868 Pinadaanan ni Patrick ng hydrogen ang gestrinone, isang birth control pill, 217 00:14:28,951 --> 00:14:34,123 at iyon ang naging isa sa matinding anabolic steroids na nagawa. 218 00:14:36,000 --> 00:14:40,045 At noong ginawa ko ang comprehensive drug testing, walang natagpuan. 219 00:14:40,880 --> 00:14:43,424 Hindi siya nakikita. Oh, shit, alam mo? 220 00:14:43,507 --> 00:14:45,050 Tapos may naisip ako. 221 00:14:45,968 --> 00:14:50,222 Tingin ko nakita niyang mas mabilis na paraan ang gamot na pampalakas 222 00:14:50,306 --> 00:14:52,057 na hindi nade-detect 223 00:14:52,141 --> 00:14:55,853 kaysa sa mga binebenta niyang lehitimong produkto pangnutrisyon. 224 00:14:56,520 --> 00:14:59,690 Sinimulan kong mamigay sa mga atleta, noong simula ng 2000. 225 00:15:11,785 --> 00:15:13,078 E, ito? 226 00:15:13,579 --> 00:15:14,830 Ano 'yan? 227 00:15:15,331 --> 00:15:21,253 Ito si Marion Jones sa 2000 Olympics sa Sydney 228 00:15:21,337 --> 00:15:25,507 na binuksan nila kung saan nanalo siya ng halos apat na metro. 229 00:15:25,591 --> 00:15:30,721 Ipinapakita lang nito ang kalamangan ni Marion noon. 230 00:15:33,515 --> 00:15:37,561 Sa 2000 Summer Olympics, si Marion Jones ang ginintuang babae. 231 00:15:37,645 --> 00:15:39,355 …nangunguna si Marion Jones. 232 00:15:39,438 --> 00:15:41,148 Hindi pa siya natatalo. 233 00:15:41,231 --> 00:15:44,985 Ang layunin niya ngayong taon: Walang makatalo sa kanya. Lalaban siya. 234 00:15:45,653 --> 00:15:48,238 Kumikita siya ng tatlong milyong dolyar kada taon. 235 00:15:48,322 --> 00:15:52,618 Sa Sydney, limang medalya ang hangad niya, sinusubukang maging pinakamagaling. 236 00:15:53,035 --> 00:15:56,997 No'ng binanggit lang ng mga tao, saka ko inisip 'yong pagkuha sa limang medalya. 237 00:15:57,957 --> 00:16:00,709 Sinuportahan siya ng General Motors, 238 00:16:00,793 --> 00:16:05,005 American Express, Nike, 'yong commercial na "Kaya mo ba?" 239 00:16:05,089 --> 00:16:09,218 Kailangan natin ng mas maraming huwaran. Mas marami, mas mabuti. 240 00:16:09,301 --> 00:16:10,719 Kaya mo ba? 241 00:16:10,803 --> 00:16:12,805 Hindi ko nakausap si Marion, 242 00:16:12,888 --> 00:16:15,307 pero nakausap ko ang trainer niya, si Trevor Graham. 243 00:16:15,391 --> 00:16:19,645 Gumagamit sila ng tradisyunal na testosterone at EPO at growth hormone 244 00:16:19,728 --> 00:16:22,523 at sabi nila, "Balita namin may undetectable substance ka. 245 00:16:22,606 --> 00:16:24,984 Matutulungan mo ba si Marion Jones?" 246 00:16:25,067 --> 00:16:30,030 At agad kong napagtanto na malaking pagkakataon 'yon, 247 00:16:31,073 --> 00:16:34,243 at nagpadala ako ng isang kahon ng mga 'to sa kanila. 248 00:16:35,786 --> 00:16:39,331 2000 SYDNEY OLYMPICS 249 00:16:39,415 --> 00:16:44,169 Nangangako akong makikiisa ako sa Olympic Games na 'to, 250 00:16:44,253 --> 00:16:50,968 nangangako sa larong walang pandaraya at droga. 251 00:16:51,051 --> 00:16:55,973 Pagdating namin do'n, gumawa kami ng kalendaryo para kay Marion. 252 00:16:56,056 --> 00:17:00,769 Nilagay namin kung ano'ng iinumin, ga'no karami, kailan iinumin. 253 00:17:01,270 --> 00:17:04,356 Siyempre, lahat ay batay sa pandaraya sa pagsusuri. 254 00:17:05,232 --> 00:17:08,944 Pito sa 11 na pinakamabilis na pagtakbo ay gawa ni Marion Jones. 255 00:17:09,445 --> 00:17:14,616 Nakakuha ako ng tiket para maupo sa finish line ng 100 metro. 256 00:17:15,117 --> 00:17:16,577 Nakakabaliw. 257 00:17:17,786 --> 00:17:19,163 Maghanda. 258 00:17:20,998 --> 00:17:23,834 Magandang simula para kay Jones. Nangunguna siya. 259 00:17:23,917 --> 00:17:25,919 Maagang paglamang, lumalayo na. 260 00:17:26,003 --> 00:17:28,255 Gusto namin maging pinakamatagumpay. 261 00:17:28,338 --> 00:17:31,050 Binibilisan ni Jones. Maayos ang unang kalahati ni Lawrence. 262 00:17:31,133 --> 00:17:33,552 Nangunguna si Jones. Tingnan n'yo ang pagitan. 263 00:17:33,635 --> 00:17:34,845 Pinupuwersa niya sila. 264 00:17:34,928 --> 00:17:36,346 Alam kong mananalo siya, 265 00:17:36,430 --> 00:17:39,975 pero di ko akalaing mapapahanga niya ang lahat na parang si Flo-Jo 266 00:17:40,059 --> 00:17:41,435 at lumamang ng apat na metro. 267 00:17:42,352 --> 00:17:45,064 Talagang nilampaso niya sila. 268 00:17:45,606 --> 00:17:49,985 Nakuha ni Marion ang limang medalya sa Olympics sa Sydney. 269 00:17:51,236 --> 00:17:53,822 Ang sarap sa pakiramdam maging bahagi ng tagumpay niya. 270 00:17:54,406 --> 00:17:55,574 Tapos na tayo. 271 00:17:55,657 --> 00:17:56,617 Tapos na tayo. 272 00:17:58,494 --> 00:18:02,039 Sa tingin ko, ang imbestigasyon ng BALCO 273 00:18:02,539 --> 00:18:06,126 ay nagdadala sa iyo sa likod ng mga eksena 274 00:18:06,210 --> 00:18:12,674 tungo sa malaking krimen na patagong nangyari.` 275 00:18:12,758 --> 00:18:19,306 At inilalantad nito ang handang gawin ng mga atletang 'to para magtagumpay. 276 00:18:21,475 --> 00:18:25,687 Ang taas no'n, malalim sa kanan, wala na! Home run, Barry Bonds. 277 00:18:27,731 --> 00:18:30,943 Ipinagbawal ang steroids sa baseball noon, 278 00:18:31,026 --> 00:18:33,112 pero walang pagsusuri sa kanila, 279 00:18:33,862 --> 00:18:37,324 at bandang '90s papuntang 2000s, 280 00:18:37,407 --> 00:18:40,661 nag-uumuapaw ang mga home run. 281 00:18:40,744 --> 00:18:43,705 Parang 'yong bayani sa komiks si Canseco: Malaki. 282 00:18:43,789 --> 00:18:45,833 Wow, natamaan niya 'yon? 283 00:18:46,333 --> 00:18:53,173 Noong 1998, nagkaroon ng paligsahan para wakasan ang single-season home run record 284 00:18:53,257 --> 00:18:56,760 sa pagitan ng dalawang sluggers, si Mark McGwire. 285 00:18:56,844 --> 00:18:59,680 Number 45 para kay McGwire. 286 00:18:59,763 --> 00:19:00,889 …at Sammy Sosa. 287 00:19:00,973 --> 00:19:03,308 One for two siya at ang layo ng tira. Number 48. 288 00:19:03,892 --> 00:19:08,689 At napamangha nito ang buong bansa. 289 00:19:09,940 --> 00:19:11,775 Sixty! 290 00:19:12,860 --> 00:19:15,028 Puwede n'yo bang sabihin ang "66"? 291 00:19:17,948 --> 00:19:24,037 Number 70! Gaano pa ang kaya mong ibigay sa amin matapos 'yan? Number 70… 292 00:19:24,121 --> 00:19:28,292 Nakita ni Bonds ang ginawa nina Sosa at McGwire. 293 00:19:28,375 --> 00:19:32,796 Sa puntong 'yon ng karera ni Bonds, isa na siyang Hall of Famer. 294 00:19:33,589 --> 00:19:37,968 Sabi niya sa sarili, "Alam kong mas magaling ako sa mga 'to. 295 00:19:38,760 --> 00:19:42,723 Walang dahilan para hindi ako maging gano'n kagaling." 296 00:19:42,806 --> 00:19:44,933 Pero nasa edad siya 297 00:19:45,017 --> 00:19:48,353 na mahina ang karera ng karamihan sa mga manlalaro, 298 00:19:48,437 --> 00:19:50,063 pag nagretiro na sila. 299 00:19:50,147 --> 00:19:53,567 At iniisip ko, ano ang susunod na kaya ko? 300 00:19:53,650 --> 00:19:55,903 Ano ang makapagpapasigla sa akin 301 00:19:55,986 --> 00:19:58,655 na gawin ang mga bagay na ginagawa ko araw-araw? 302 00:19:58,739 --> 00:20:02,284 Si Greg Anderson, trainer ni Barry nagdala sa kanya sa BALCO. 303 00:20:03,035 --> 00:20:06,330 tinanong niya kung puwede kami makipagtrabaho kay Barry 304 00:20:06,413 --> 00:20:10,500 at suriin ang dugo niya at tingnan ang nutritional element na kailangan niya. 305 00:20:10,584 --> 00:20:16,131 Matapos bigyan si Barry ng iba't ibang legal na nutritional supplement… 306 00:20:16,215 --> 00:20:20,135 Natalo ako sa mas maraming championship. 307 00:20:20,219 --> 00:20:25,307 Halos manhid na ako minsan. Kinakain ako nito ng husto. 308 00:20:25,390 --> 00:20:29,478 …sa loob ng isang taon, bumigat nang 20 pounds si Barry sa off-season. 309 00:20:29,561 --> 00:20:31,688 Ang tanda ko, 208 ang timbang niya, 310 00:20:31,772 --> 00:20:34,942 at sa sumunod na season ay 228 ang timbang niya. 311 00:20:35,692 --> 00:20:38,695 Kaya nagbigay kami ng iba't ibang nutritional supplement, 312 00:20:38,779 --> 00:20:40,530 pero wala nang higit pa doon. 313 00:20:41,490 --> 00:20:45,410 Akala siguro ng tao, ikaw ang doktor niya at binibigyan mo siya lagi ng steroids. 314 00:20:45,494 --> 00:20:49,289 Di totoo 'yan. May personal siyang doktor, nakilala ko pa. 315 00:20:49,373 --> 00:20:51,750 Di ko nga nabanggit 'yong The Clear o The Cream 316 00:20:51,833 --> 00:20:53,460 o kahit anong anabolic steroids, 317 00:20:53,543 --> 00:20:58,257 pero di ko siya kakausapin tungkol sa steroids kahit kailan, wala talaga. 318 00:20:58,340 --> 00:21:01,176 Sa palagay ko, ang buong imbestigasyon ay… 319 00:21:01,260 --> 00:21:04,554 May kinalaman kay Barry Bonds. Siya ang target. 320 00:21:07,266 --> 00:21:08,725 Ako si Jeff Novitzky. 321 00:21:08,809 --> 00:21:12,187 Ako ang nangunguna sa imbestigasyon ng BALCO Laboratories, 322 00:21:12,271 --> 00:21:15,399 isa sa mga pinakamalaking imbestigasyon sa gamot na pampalakas 323 00:21:15,482 --> 00:21:16,316 sa buong panahon. 324 00:21:16,900 --> 00:21:20,654 At napakatindi ng pagmamahal ko sa laro. 325 00:21:20,737 --> 00:21:24,825 Basketball, gusto kong mag-NBA hanggang sa kalagitnaan ng kolehiyo 326 00:21:24,908 --> 00:21:27,703 na mapapagtanto mong di na 'yon mangyayari. 327 00:21:28,412 --> 00:21:32,582 Pagtapos ng kolehiyo, nakita kong kumukuha ang IRS criminal investigation division, 328 00:21:32,666 --> 00:21:36,962 at di ko malilimutan 'to, ang motto nila, "Maging accountant na may baril." 329 00:21:37,713 --> 00:21:41,550 Sabi ko, "Sige, baka kahiligin ko naman 'yon." 330 00:21:42,050 --> 00:21:45,762 Nakaupo ako sa klase tapos may pumasok na senior agent at sabi, 331 00:21:45,846 --> 00:21:48,473 "Gawan mo ng kaso 'yong mga nasa paligid mo." 332 00:21:48,557 --> 00:21:51,643 "Di mo kailangan maghintay ng referral mula sa Washington, D.C." 333 00:21:52,227 --> 00:21:55,897 "Pag may nakita kang magandang Ferrari sa kalsada, 334 00:21:55,981 --> 00:21:59,818 alamin ang plaka at tingnan kung malaki ba ang kinikita niya. 335 00:21:59,901 --> 00:22:02,779 Kung hindi, dapat tingnan mo 'yon." 336 00:22:03,280 --> 00:22:07,534 At nabalitaan ko noong dekada '90 ang tungkol sa BALCO Laboratories, 337 00:22:07,617 --> 00:22:12,122 na kung diretso lang, wala pang isang mile sa tinitirahan ko. 338 00:22:12,205 --> 00:22:17,210 At sa kabila ng pagsasabi nilang blood testing laboratory sila, 339 00:22:17,294 --> 00:22:21,340 ang ginagawa nila ay pagbibigay ng gamot pampalakas sa mga atleta. 340 00:22:22,674 --> 00:22:26,053 Isa sa mga ginawa ko ay usisain ang currency transaction database, 341 00:22:26,136 --> 00:22:28,764 at nakita ko si Victor Conte at BALCO Laboratories 342 00:22:28,847 --> 00:22:32,309 ay nagwi-withdraw ng daan-daang libong dolyar 343 00:22:32,893 --> 00:22:35,437 para sa sinasabing blood testing laboratory. 344 00:22:35,520 --> 00:22:38,357 Na mukha namang kahina-hinala at hindi tama. 345 00:22:39,483 --> 00:22:41,360 Pumunta kayo sa mga online message board, 346 00:22:41,443 --> 00:22:44,780 at malayang naghahayag si Victor Conte tungkol sa steroids 347 00:22:44,863 --> 00:22:47,282 at ang kaalaman niya sa nagagawa ng droga, 348 00:22:47,366 --> 00:22:51,286 tungkol sa halaga ng mga 'to, mga atletang nakatrabaho niya, 349 00:22:51,370 --> 00:22:55,207 at nang makita ko ang mga atleta na pupunta sa BALCO, 350 00:22:55,290 --> 00:22:58,043 pati si Barry Bonds, naisip ko, 351 00:22:58,126 --> 00:23:03,006 "Mas bibigyang-pansin 'to kaysa sa mga naunang imbestigasyon, 352 00:23:03,715 --> 00:23:08,220 kaya dapat lawakan pa namin at alamin kung sino pa ang sangkot." 353 00:23:11,932 --> 00:23:15,727 Unang beses kong nakita si Victor sa Sydney, 354 00:23:15,811 --> 00:23:19,898 at nagsasaya kami araw-araw. 355 00:23:20,982 --> 00:23:22,609 Araw-araw. 356 00:23:24,611 --> 00:23:27,864 Noong panahong 'yon, siya ang ika-walo sa mundo. 357 00:23:27,948 --> 00:23:31,952 Men's 4 by 100 underway, at narito ang handoff kay Tim Montgomery 358 00:23:32,035 --> 00:23:33,120 Nangunguna ang US… 359 00:23:33,203 --> 00:23:35,080 Isa siya sa pinakamagagaling. 360 00:23:35,163 --> 00:23:39,251 Oras na para higitan pa at tulungan siyang talunin ang world record. 361 00:23:40,335 --> 00:23:44,589 Noong panahong iyon, ang record ay 9.79, hawak ni Maurice Greene. 362 00:23:44,673 --> 00:23:47,717 Nasa karera akong 'yon, 1999, nang makuha niya sa Greece. 363 00:23:48,635 --> 00:23:51,179 Nine-seven-nine. Pamilyar ba? 364 00:23:51,263 --> 00:23:52,639 Si Ben Johnson nga 365 00:23:52,722 --> 00:23:55,434 ay may ganoon ding pangyayari noong '88 Olympics sa Seoul, 366 00:23:55,517 --> 00:23:59,354 at binawian ng gintong medalya dahil nag-positive. 367 00:23:59,438 --> 00:24:01,982 Kung sino'ng makatalo sa world record sa 100 metro, 368 00:24:02,065 --> 00:24:05,068 ikaw ang pinakamabilis na tao. 369 00:24:05,152 --> 00:24:06,611 Sobrang bihira no'n. 370 00:24:07,612 --> 00:24:11,616 Sabi ko kay Maurice, "Sa 'yo muna, pero babalikan ko 'yan." 371 00:24:11,700 --> 00:24:16,163 Tumakbo na ako ng nine-nine-two noong 1997. Malinis. 372 00:24:17,831 --> 00:24:22,502 Nang naunawaan ni Victor na malinis na ako, 373 00:24:23,670 --> 00:24:25,630 sabi niya, "Matatalo mo ang world record." 374 00:24:25,714 --> 00:24:28,633 Sabi ko kay Victor Conte, "Wala akong pakialam kung mamatay ako." 375 00:24:29,217 --> 00:24:34,431 "Basta gusto kong makita kung ano ang pakiramdam na maging pinakamagaling." 376 00:24:34,514 --> 00:24:36,850 Parang binenta mo 'yong kaluluwa mo sa demonyo. 377 00:24:37,851 --> 00:24:41,563 At doon ako nagdesisyong tulungan si Tim Montgomery 378 00:24:41,646 --> 00:24:45,317 para maging pinakamabilis na tao sa mundo, at tinanggap ko 'to bilang hamon. 379 00:24:45,901 --> 00:24:48,028 Tatawagin natin 'tong Project World Record. 380 00:24:48,111 --> 00:24:48,987 Set. 381 00:24:50,947 --> 00:24:54,826 Pagbalik namin, gagawa kami ng plano. 382 00:24:55,827 --> 00:24:58,455 Anong klaseng programa dapat 383 00:24:58,538 --> 00:25:03,627 para makakuha ng nine-nine-two laban sa nine-seven-five? 384 00:25:04,127 --> 00:25:08,215 Kung ano-anong sinasabi mo pero kaya mo bang gawin at makamit 'yon? 385 00:25:08,298 --> 00:25:11,343 'Yon ang kaibahan ng ganap at batang lalaki. 386 00:25:12,219 --> 00:25:15,347 Agad kong kinausap si Charlie Francis, 387 00:25:15,430 --> 00:25:17,807 coach ni Ben Johnson at nakatira siya sa Toronto, 388 00:25:17,891 --> 00:25:22,521 tapos ay kinausap ko si Milos Sarcev. Tinatawag siyang Milos the Mind 389 00:25:22,604 --> 00:25:24,606 dahil napakatalino niya. 390 00:25:24,689 --> 00:25:27,025 Sa weight training program, 391 00:25:27,108 --> 00:25:31,446 si Trevor Graham talaga 'yong frontman bilang isang coach. 392 00:25:31,530 --> 00:25:36,451 Tapos si Victor Conte, ang nasa likod ng pharmacology. 393 00:25:36,535 --> 00:25:42,207 Uminom ng growth hormones, insulin, EPO, The Clear, 394 00:25:42,290 --> 00:25:44,751 at gumawa kami ng kalendaryo. 395 00:25:45,335 --> 00:25:51,132 Kaya kapag gumagamit ka ng steroid, dapat may plano ka sa gamot. 396 00:25:51,633 --> 00:25:53,093 Nakakagigil. 397 00:25:53,176 --> 00:25:55,804 Di ibig sabihing mas maayos pag mas madami. 398 00:25:55,887 --> 00:25:58,515 Ganito ginagamit ang gamot. 399 00:25:59,266 --> 00:26:03,061 May sistema siya. May koneksyon ako dati. Sa totoong doktor. 400 00:26:03,144 --> 00:26:05,939 Hanggang nalaman kong hindi doktor si Victor. 401 00:26:07,190 --> 00:26:09,985 Maraming nagkakamali at tinatawag akong doktor. 402 00:26:10,068 --> 00:26:11,528 Di ko alam kung bakit, 403 00:26:11,611 --> 00:26:15,198 dahil siguro iniinterpret ko ang mga blood test result at binibigyan sila 404 00:26:15,282 --> 00:26:18,618 ng impomrasyong binibigay ng isang doktor. 405 00:26:18,702 --> 00:26:23,123 Kilala ako ng karamihan bilang bass player. 406 00:26:24,457 --> 00:26:27,085 Tumugtog ako sa ang maraming grupo. 407 00:26:27,586 --> 00:26:29,963 Ang pinakasikat ay ang Tower of Power. 408 00:26:35,468 --> 00:26:37,637 Pero may tatlong anak ako. 409 00:26:37,721 --> 00:26:40,432 Sampung buwan akong nasa malayo, 410 00:26:40,932 --> 00:26:43,852 at babalik ako at mas matatangkad na sila. 411 00:26:45,270 --> 00:26:46,646 Hi, camera. 412 00:26:46,730 --> 00:26:47,897 Hello, kumusta? 413 00:26:47,981 --> 00:26:49,149 Kumusta ka? 414 00:26:49,232 --> 00:26:51,276 Sabihin mo ang pangalan mo. 415 00:26:51,359 --> 00:26:52,652 Ano'ng pangalan mo? 416 00:26:52,736 --> 00:26:54,821 Hindi, sabihin mo sa akin ang pangalan mo. 417 00:26:54,904 --> 00:26:56,948 Ako si Veronica. 418 00:26:57,032 --> 00:26:58,158 Saan ka nakatira? 419 00:26:58,241 --> 00:27:00,327 Nakatira ako sa bahay ko. 420 00:27:00,410 --> 00:27:04,414 Ang pinakanaalala ko, laging may mga atleta, at madalas, 421 00:27:04,497 --> 00:27:07,292 ang mga taong susuportahan namin ay mga nananalo 422 00:27:07,375 --> 00:27:08,918 kaya nakakatuwa. 423 00:27:09,002 --> 00:27:13,298 Puwede mo ba sabihin sa amin kung saan nagtatrabaho si Daddy mo? 424 00:27:13,381 --> 00:27:15,634 -Oo. -Saan? 425 00:27:15,717 --> 00:27:17,636 Sa BALCO. 426 00:27:17,719 --> 00:27:21,306 BALCO? Ano ang… Ano ang ginagawa ng BALCO? 427 00:27:21,389 --> 00:27:23,350 Nagtatrabaho ka. 428 00:27:23,433 --> 00:27:25,977 Alam ko, pero ano'ng ginagawa ko doon? Anong trabaho? 429 00:27:26,061 --> 00:27:30,649 No'ng dalaga na ako, saka ko nalaman 'yong totoo, "Okay, 'to pala… 430 00:27:30,732 --> 00:27:32,317 Kasali si Dad sa masasama." 431 00:27:32,400 --> 00:27:36,780 At siya ay bukas at tapat sa 'kin tungkol sa mga nangyayari. 432 00:27:37,280 --> 00:27:40,200 Noon, alam kong siya ang utak 433 00:27:40,283 --> 00:27:42,786 sa likod ng Project World Record. 434 00:27:52,712 --> 00:27:54,506 Ito si Modesto Relays. 435 00:27:55,006 --> 00:27:57,676 Ito ay May ng 2001. 436 00:28:00,053 --> 00:28:03,682 Iyon ang unang karera kung saan nanalo siya sa world-leading time. 437 00:28:03,765 --> 00:28:05,475 Tinalo ni Tim. 438 00:28:07,310 --> 00:28:08,937 Nanalo si Tim! 439 00:28:09,020 --> 00:28:10,480 -Talaga? -Nanalo si Tim! 440 00:28:11,022 --> 00:28:12,607 -Diyos ko! -Nagkamay sila. 441 00:28:12,691 --> 00:28:14,818 Nagkamayan sila, nakakatuwa. Galing! 442 00:28:14,901 --> 00:28:15,777 TIM, VICTOR 443 00:28:15,860 --> 00:28:18,988 Ito ang pinakamasayang nangyari na naranasan ko. 444 00:28:19,072 --> 00:28:22,075 Sabi sa likod ng damit niya, "Project World Record." 445 00:28:22,659 --> 00:28:26,204 Nando'n kami para sabihing tatalunin namin ang world record. 446 00:28:26,746 --> 00:28:31,334 Tumakbo ako ng nine-nine-six. Noon pa, alam na naming tuloy-tuloy na. 447 00:28:33,086 --> 00:28:35,380 Nakakahanga 'yong pagbabago. 448 00:28:35,463 --> 00:28:39,718 No'ng simulan ang Project World Record, tumimbang ako ng 148 pounds. 449 00:28:40,719 --> 00:28:42,846 Pinabigat namin siya ng 176 450 00:28:42,929 --> 00:28:46,307 at nilagyan namin siya ng 28 pounds ng muscles sa gano'n kaikling panahon. 451 00:28:49,394 --> 00:28:51,521 Pupunta si Greg Anderson sa BALCO 452 00:28:51,604 --> 00:28:54,566 para tulungan si Tim Montgomery sa lahat ng weight training, 453 00:28:54,649 --> 00:28:59,028 at sa walong linggo ay naging 345 ang bench press niya mula 265. 454 00:28:59,112 --> 00:29:02,782 Sampung kilo ang dagdag kada linggo. Mukha siyang linebacker ng NFL, 455 00:29:02,866 --> 00:29:04,617 at tinawag nila siyang Tiny Tim. 456 00:29:04,701 --> 00:29:06,035 Hindi kapani-paniwala. 457 00:29:06,119 --> 00:29:08,121 Para akong si Conan the Barbarian. 458 00:29:09,330 --> 00:29:11,875 Kami ni Victor, buong araw kami magkasama. 459 00:29:11,958 --> 00:29:14,335 Sa almusal, tanghalian, at hapunan, 460 00:29:14,419 --> 00:29:17,964 magkasamang nagsasaya, at para kaming magka-team. 461 00:29:18,047 --> 00:29:20,967 Nagbago ang ugali ko. May plano na ako, 462 00:29:21,050 --> 00:29:25,013 kung ilan ang iinumin, kung kailan, at kung ano'ng kasabay pag-inom. 463 00:29:25,096 --> 00:29:26,765 Naging muscle-bound siya. 464 00:29:26,848 --> 00:29:30,059 Tumatakbo siya nang ganito dahil ang laki ng lats niya. 465 00:29:30,143 --> 00:29:32,729 Tapos binalik namin siya sa 160. 466 00:29:32,812 --> 00:29:34,939 Si Victor Conte ang amo. 467 00:29:35,023 --> 00:29:37,400 At mula roon, pumunta ako sa Oslo. 468 00:29:37,484 --> 00:29:39,527 Sa kanan, ayun si Tim Montgomery. 469 00:29:39,611 --> 00:29:42,363 Montgomery sa lane four na may huling arangkada. 470 00:29:42,447 --> 00:29:45,658 Hindi pa opisyal, 9.84 seconds. 471 00:29:45,742 --> 00:29:47,076 Masarap sa pakiramdam. 472 00:29:47,160 --> 00:29:48,578 Kaya kong talunin lahat. 473 00:29:48,661 --> 00:29:51,247 Naku, pinakita ngayong taon ang pagkakaiba. 474 00:29:51,331 --> 00:29:54,209 Si Maurice Greene lang ang mas mabilis tumakbo. 475 00:29:54,876 --> 00:29:59,839 Ito ang pagbabagong nangyayari. Ginagawa kang Superman. 476 00:29:59,923 --> 00:30:02,342 Gumawa ng kasaysayan si Montgomery, pero higit doon, 477 00:30:02,425 --> 00:30:04,552 ginulat niya ang mga mananakbo. 478 00:30:04,636 --> 00:30:07,472 Ano'ng itinuturo sa 'yo ni Trevor? 'Yong coach mo. 479 00:30:07,555 --> 00:30:09,057 Na wag mainip, na maghintay. 480 00:30:09,140 --> 00:30:12,060 Wag mo subukang talunin ang world record, hayaan mo 'to lumapit. 481 00:30:15,188 --> 00:30:16,147 Go! 482 00:30:16,231 --> 00:30:18,942 Sabi namin, "Sa susunod, tatalunin namin ang world record. 483 00:30:19,025 --> 00:30:21,611 Sa susunod, talo na ang world record." 484 00:30:22,111 --> 00:30:26,324 Nasa bingit ka na ng kasikatan at kapahamakan. 485 00:30:26,908 --> 00:30:29,536 Nakakaadik 'yong pakiramdam na 'yon. 486 00:30:34,749 --> 00:30:37,502 MALINIS NA RESULTA 487 00:30:37,585 --> 00:30:40,421 Para sa 'kin, 'yong pinakagusto ko, ang sport, 488 00:30:40,505 --> 00:30:45,426 nadudungisan kami ng presensya ng PEDs at pandaraya, 489 00:30:45,510 --> 00:30:48,721 at 'yong maling desisyon ng, "Hindi ako susunod dito 490 00:30:48,805 --> 00:30:51,432 kasi may magandang maidudulot 'to sa 'kin." 491 00:30:52,308 --> 00:30:54,686 Kaya kinain ng kasong 'to ang buhay ko. 492 00:30:54,769 --> 00:30:56,813 Kinain nito ang buhay ko, at… 493 00:30:56,896 --> 00:30:58,857 Mula sa paggising ko, 494 00:30:59,440 --> 00:31:02,861 hanggang sa pagtulog ko sa gabi, ito lang ang iniisip ko. 495 00:31:12,745 --> 00:31:16,624 Bakit mo naman naisipang busisiin 'tong basurang 'to? 496 00:31:16,708 --> 00:31:20,461 Diskarte 'yon sa unang mga taon ko sa trabaho, 497 00:31:20,545 --> 00:31:23,715 at maraming agents ang ayaw gawin 'yon kasi di masaya. 498 00:31:30,263 --> 00:31:35,435 Tingin ko hindi masyadong nabigyang-pansin ang mga pagsusuri sa basura 499 00:31:35,518 --> 00:31:37,103 di katulad nitong sa 'kin. 500 00:31:40,148 --> 00:31:42,942 Mas mababa ang panganib sa trash collection sa BALCO. 501 00:31:43,026 --> 00:31:46,029 Nagtatapon sila ng basura tuwing Lunes ng gabi. 502 00:31:46,112 --> 00:31:48,698 Pupunta ako ng 11:00 ng gabi, 503 00:31:48,781 --> 00:31:51,242 labas-masok ako doon nang mabilis. 504 00:31:57,457 --> 00:32:01,294 Ito 'yong ilang bagay na nabuksan noong BALCO trial. 505 00:32:01,878 --> 00:32:04,505 Dito itinatapon ang basura tuwing gabi. 506 00:32:04,589 --> 00:32:05,924 Banda rito, 507 00:32:06,007 --> 00:32:09,385 pag umaga, kukunin ng mga basurero, 508 00:32:09,469 --> 00:32:12,388 pero pagdating niya wala na, kasi kinuha ko no'ng gabi. 509 00:32:15,058 --> 00:32:19,646 Madalas dadalhin ko sa tapunan na may ilaw, 510 00:32:19,729 --> 00:32:23,775 para mawala 'yong amoy, mga pagkain, na di ko kailangan. 511 00:32:26,027 --> 00:32:29,072 Naalala ko nag-uwi pa nga ako no'ng unang gabi, 512 00:32:29,155 --> 00:32:34,035 tapos nakita ko 'yong mga gamot, mga pinaglagyan. 513 00:32:34,118 --> 00:32:37,664 Sabi ko, "Tama ba ang nakikita ko dito?" 514 00:32:37,747 --> 00:32:40,458 Kailangan malaman kung ano 'yong mga nakukuha niyang gamot, 515 00:32:40,541 --> 00:32:45,004 kaya tinawagan niya ang lab namin. Syempre, naghinala ang mga tao sa lab. 516 00:32:45,088 --> 00:32:48,716 Baka kung sino lang na nagpapanggap na IRS agent. 517 00:32:49,300 --> 00:32:54,514 Umamin ako at sinabi ko 'yong ginagawa ko at kung ano'ng nakukuha ko. 518 00:32:55,264 --> 00:32:58,434 At napagtanto na si Jeff ay totoong IRS agent. 519 00:32:59,018 --> 00:33:01,854 Pinagtagpi-tagpi namin ang mga puzzle. 520 00:33:02,438 --> 00:33:05,942 Ito ang nakuha ko no'ng unang gabi, human growth hormone 'to, 521 00:33:06,025 --> 00:33:09,320 sirang kahon, ang kahon ng testosterone. 522 00:33:10,571 --> 00:33:13,366 Ito ay sulat ng isang world champion shot putter. 523 00:33:13,449 --> 00:33:18,663 "Tseke para sa susunod. Kailangan ko sa katapusan ng linggo. Salamat, Kevin." 524 00:33:18,746 --> 00:33:22,625 Pabaya at wala siyang ingat sa mga tinatapon niya 525 00:33:22,709 --> 00:33:25,461 katulad ng mga nakakasalamuha ko sa trabaho ko. 526 00:33:32,802 --> 00:33:38,766 Mahabang home run ng Bonds, number 39. Lumagpas sa bakod. 527 00:33:39,642 --> 00:33:44,022 Ito ang pinakamagaling na lalaki sa kasaysayan ng baseball, sa home run, 528 00:33:44,105 --> 00:33:47,025 sa lahat ng season sa nakalipas na 100 taon. 529 00:33:47,108 --> 00:33:53,823 Noong 2001, titira si Barry para sa home run… Ang season record. 530 00:33:53,906 --> 00:33:58,244 Natutuwa akong nakilala ko siya at maging tagahanga niya 531 00:33:58,327 --> 00:34:01,581 at ginagawa ko ang lahat para makatulong ako. 532 00:34:01,664 --> 00:34:03,833 Numero 43 sa taon na para kay Bonds. 533 00:34:03,916 --> 00:34:06,544 Itong taong 'to na may Hall of Fame career, 534 00:34:06,627 --> 00:34:08,087 pabagsak na, 535 00:34:08,671 --> 00:34:14,802 tapos biglang naglalaro siya na kahit si Babe Ruth ay di mapapantayan. 536 00:34:15,845 --> 00:34:17,388 Number 45 para kay Bonds. 537 00:34:17,472 --> 00:34:21,017 Wala pa akong nakikitang ganito bukod kay McGwire, 538 00:34:21,100 --> 00:34:21,976 at Sammy Sosa… 539 00:34:22,060 --> 00:34:25,229 #49 homers mas mabilis sa kahit anong malaking liga sa kasaysayan. 540 00:34:25,313 --> 00:34:27,523 Di ko maipaliwanag. Kung alam ko lang 'to, 541 00:34:27,607 --> 00:34:29,442 matagal ko na sanang ginawa 'to. 542 00:34:29,525 --> 00:34:31,527 Fifty para kay Barry Bonds. 543 00:34:31,611 --> 00:34:35,948 Tingin ko, mautak siya, na 'yong paraan niya ay, 544 00:34:36,032 --> 00:34:38,451 "Barry Bonds, ibibigay ko sa 'yo 'tong mga gamot. 545 00:34:38,534 --> 00:34:41,120 Wag mo akong bayaran ng tseke, money order, o wire. 546 00:34:41,204 --> 00:34:44,874 Sa halip, ipo-promote mo ang SNAC line of supplements ko." 547 00:34:44,957 --> 00:34:49,629 Ang acronym ay Scientific Nutrition for Advanced Conditioning. 548 00:34:49,712 --> 00:34:52,715 Ang AM formula ay tinatawag na Vitalize. 549 00:34:52,799 --> 00:34:56,052 Ang PM formula ay ZMA. 550 00:34:56,135 --> 00:35:00,139 Sabihin mo sa mundong 'to ang dahilan kung bakit mo gusto ang home run record. 551 00:35:00,223 --> 00:35:02,475 At nandito na! 552 00:35:02,558 --> 00:35:06,062 Gusto mo bang pasiglahin ang isip at katawan mo? 553 00:35:06,145 --> 00:35:09,398 Oras na para magpasigla gamit ang SNAC system. 554 00:35:10,441 --> 00:35:14,112 ZMA-5 - MULTI-VITAMINS - AEROBITINE VITALYZE - HYPOXYGEN - ZMA NIGHTCAP 555 00:35:14,195 --> 00:35:17,740 ZMA, umabot sa puntong, noong 2000, 556 00:35:18,366 --> 00:35:21,410 may apat na iba't-ibang tatak 557 00:35:21,494 --> 00:35:25,915 sa 9,000 tindahan ng GNC sa buong bansa. 558 00:35:26,415 --> 00:35:30,128 Pag naglibot ka sa mall, may makikita kang ZMA sa bintana. 559 00:35:30,920 --> 00:35:32,713 Ito si Mr. Barry Bonds. 560 00:35:33,256 --> 00:35:35,133 Ito ay photoshoot niya 561 00:35:35,216 --> 00:35:38,094 at nilagay siya sa front cover. 562 00:35:38,177 --> 00:35:41,264 "Ngayon, gusto kong humarap ka at kausapin mo ang Muscle and Fitness 563 00:35:41,347 --> 00:35:43,975 kung gaano kagaling ang supplement line ko." 564 00:35:44,058 --> 00:35:46,978 "Tinulungan ako ng liquid ZMA magkar'on ng limang medalya 565 00:35:47,061 --> 00:35:50,356 sa Sydney Olympics at matalo ang mga home run records." 566 00:35:50,982 --> 00:35:53,359 At nagbunga iyon ng napakalaking halaga. 567 00:35:53,442 --> 00:35:56,445 Sigurado akong daan-daang libo, o milyones ang kita. 568 00:35:57,363 --> 00:35:58,823 Ayan ang pitch. 569 00:35:58,906 --> 00:36:03,286 Tinamaan ni Bonds papunta sa kanan. Ayun na! 570 00:36:03,953 --> 00:36:09,542 At kasama niya na sina Mark McGwire, Sammy Sosa, Babe Ruth at Roger Maris, 571 00:36:09,625 --> 00:36:14,547 ang mga manlalarong nakatira ng 60 o higit pang home run sa isang season. 572 00:36:15,882 --> 00:36:19,969 Ito ang silid kung saan binibihisan namin ang lahat ng atleta. 573 00:36:20,469 --> 00:36:23,556 Makikita mo, marami tayong iba't-ibang gamit dito. 574 00:36:23,639 --> 00:36:25,224 ZMA 575 00:36:25,308 --> 00:36:27,143 Branding ang ikinapapanalo ko. 576 00:36:28,269 --> 00:36:31,689 Iniisip namin na, okay, ipo-promote namin ang ZMA, 577 00:36:31,772 --> 00:36:36,277 walang makakaalam sa tunay na nangyayari sa ZMA. 578 00:36:36,777 --> 00:36:38,613 Nasa kanya ang mga magagaling na atleta. 579 00:36:40,198 --> 00:36:43,367 Parang kapag gumawa ka ng krimen, 580 00:36:43,451 --> 00:36:47,288 tingin mo ikaw ang pinakamatalinong gagawa no'ng krimen. 581 00:36:48,289 --> 00:36:51,751 Ta's maaalala mo, "'Yon ang pinaka walang kuwentang naisip ko." 582 00:36:53,920 --> 00:36:57,215 Ang 100-meter dash ng lalaki na hatid ng Pontiac Grand Prix. 583 00:36:57,298 --> 00:37:00,635 May isang lalaking tingin ko mabilis ang takbo ngayong taon. 584 00:37:00,718 --> 00:37:03,179 Si Montgomery ang paborito sa labang 'to. 585 00:37:03,262 --> 00:37:04,263 Dapat lang. 586 00:37:05,139 --> 00:37:09,018 Noong finals ng men's 100 meters sa US trials, 587 00:37:09,101 --> 00:37:14,315 bibigyan ako ng Nike ng $50,000 para isuot ang damit nila sa finals. 588 00:37:14,899 --> 00:37:16,567 Isinuot ni Tim ang logo ng ZMA 589 00:37:16,651 --> 00:37:18,736 at may dalawa o tatlong damit kaming pinagawa 590 00:37:18,819 --> 00:37:20,780 na one piece na may tatak ng ZMA, 591 00:37:20,863 --> 00:37:23,157 at sinuot niya 'yon sa maraming laban. 592 00:37:23,241 --> 00:37:27,161 Nagkasundo na kaming pinagawa 'yon kasi susuotin niya, 593 00:37:27,245 --> 00:37:30,831 at no'ng malapit na, may nabanggit na, "Gusto ng Nike 594 00:37:30,915 --> 00:37:32,792 na damit nila ang suotin ko." 595 00:37:33,376 --> 00:37:35,002 At sinabi ni Victor, 596 00:37:35,086 --> 00:37:37,630 "Kanino ka ba tapat, sa 'kin o sa kanila?" 597 00:37:38,214 --> 00:37:40,341 Kaya sabi ko, "50,000 dollars 'yon, pare." 598 00:37:40,424 --> 00:37:43,010 Sabi niya, "Milyun-milyon ang halaga ng oras ko." 599 00:37:43,094 --> 00:37:45,137 Ang leader ng project ang masusunod, 600 00:37:45,221 --> 00:37:48,224 siya ang gumagastos sa buong project. 601 00:37:48,724 --> 00:37:52,770 Kaya sabi ko, "Okay, di mo 'ko iniwan. ZMA ang isusuot ko sa finals." 602 00:37:54,146 --> 00:37:58,651 Walang sinuman sa track and field ang tumakbo na may vitamin company 603 00:37:58,734 --> 00:38:03,072 sa uniporme nila sa kasaysayan ng track and field. 604 00:38:03,572 --> 00:38:06,993 At ito… Ito na si Montgomery, at 'yon ay si Tim Montgomery… 605 00:38:07,076 --> 00:38:11,038 ZMA ang sinuot ko sa finals at pumirma ako sa Nike pagtapos ng laro, 606 00:38:11,122 --> 00:38:13,541 at nagalit si Victor 607 00:38:13,624 --> 00:38:16,127 dahil gusto niyang kontrolin ang kontrata. 608 00:38:16,210 --> 00:38:20,172 Mula sa pagiging doktor, naging ahente na siya. 609 00:38:20,673 --> 00:38:24,218 Kung pumirma ako ng kasunduan kay Victor, makikita n'yo 'yon. 610 00:38:25,177 --> 00:38:27,263 Pa-world championship pa lang, 611 00:38:27,346 --> 00:38:31,475 sinabihan na ako ni Victor na gusto niya ang 35% ng panalo ko. 612 00:38:32,476 --> 00:38:35,229 Iyon ang porsyentong gusto niya hanggang sa susunod. 613 00:38:35,730 --> 00:38:38,733 Hindi ako humingi ng porsyento sa mga panalo niya. 614 00:38:38,816 --> 00:38:42,111 Kasinungalingan at gawa-gawa 'yan ni Tim. 615 00:38:42,194 --> 00:38:46,699 Nangako siya sa 'kin. Tinulungan ko siya, ngayon sa iba na siya sasama? 616 00:38:46,782 --> 00:38:48,784 Sabihin mo, patas ba 'yon? 617 00:38:49,952 --> 00:38:54,290 Kaya, sa isang punto, sabi ko, "Kailangan ko na iwan 'to." 618 00:38:54,373 --> 00:38:56,417 Tinapos ko na ang ugnayan namin. 619 00:38:56,959 --> 00:39:02,798 Inuunawa ko 'yong sinabi niyang siya ang nagtapos sa ugnayan namin 620 00:39:02,882 --> 00:39:05,801 at nasa bingit ako ng pagtalo sa world record. 621 00:39:05,885 --> 00:39:08,846 Gusto ko naman si Victor. Nasaktan niya ako 622 00:39:10,222 --> 00:39:12,475 no'ng gusto niya ng 35%, 623 00:39:12,558 --> 00:39:14,602 dahil tinuring ko siyang kaibigan. 624 00:39:15,478 --> 00:39:19,357 "Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mo kung may utang ako sa 'yo. 625 00:39:19,440 --> 00:39:23,235 Ano'ng binigay mo sa 'kin no'ng sinuot mo ang ZMA sa US trials?" 626 00:39:23,319 --> 00:39:26,697 Kaya ayoko na kay Victor, tapos. 627 00:39:26,781 --> 00:39:30,618 Tapos siya parang, "Di ka puwedeng umalis." 628 00:39:30,701 --> 00:39:33,287 "Bida ako. Di ka makakatakbo nang mabilis kung wala ako." 629 00:39:33,371 --> 00:39:35,998 Sabi ko, "Tingnan mo 'ko. Kaya ko 'to mag-isa." 630 00:40:02,775 --> 00:40:08,489 May nakita akong dose-dosenang wrapper ng syringe na tinapon 631 00:40:08,572 --> 00:40:12,660 pero walang syringe, kaya naisip ko, "Kung nakuha ko 'yong syringe, 632 00:40:12,743 --> 00:40:16,122 baka puwede ko ipadala para sa DNA analysis." 633 00:40:16,205 --> 00:40:18,874 Napa-subpoena namin 'yong medical waste company, 634 00:40:18,958 --> 00:40:22,128 kaya no'ng kinuha nila ang basura, 'yong kahon mula sa BALCO 635 00:40:22,211 --> 00:40:25,339 linggo-linggo, ay binabalik sa hub nila, 636 00:40:25,423 --> 00:40:28,384 itatabi nila para sa 'kin at saka ko kakalkalin. 637 00:40:28,467 --> 00:40:30,428 Mga syringe, pinapadala sa laboratoryo. 638 00:40:30,511 --> 00:40:35,307 Nakikita nila kung ano 'yong mga tinuturok. 639 00:40:36,142 --> 00:40:39,186 Binabantayan namin kung anong sulat ang mga natatanggap. 640 00:40:39,854 --> 00:40:43,441 Ibibigay nila kung saan galing at kung para kanino. 641 00:40:43,524 --> 00:40:45,192 QUEST DIAGNOSTICS INC. 642 00:40:45,276 --> 00:40:47,653 May sulat pa galing kay Patrick Arnold. 643 00:40:47,736 --> 00:40:52,450 kung saan pinapadala niya kay Victor Conte 'yong designer steroid. 644 00:40:53,033 --> 00:40:55,911 Mga talaan na makikita ang bayad ng mga atleta 645 00:40:55,995 --> 00:41:00,207 sa mga nakuha nilang gamot na tinatawag na epitestosterone. 646 00:41:00,708 --> 00:41:02,084 Pag ginamit mo ang The Clear, 647 00:41:02,168 --> 00:41:05,629 papataasin no'n 'yong natural hormone imbalance mo, 648 00:41:05,713 --> 00:41:08,382 at 'yon ang tinitingnan ng anti-doping. 649 00:41:08,466 --> 00:41:12,845 Sinusuri nila 'yong tinatawag na testosterone to epitestosterone ratio. 650 00:41:12,928 --> 00:41:17,766 Sa sports, may four to one ratio na hinahanap natin sa T to E. 651 00:41:17,850 --> 00:41:22,813 Kung lampas four to one, senyales na may nandadaya sa testosterone. 652 00:41:24,398 --> 00:41:25,274 CREAM 653 00:41:25,357 --> 00:41:28,777 Gumawa si Victor Conte ng Cream para ayusin 'yong ratio 654 00:41:28,861 --> 00:41:31,655 para hindi tumaas 'yong testosterone 655 00:41:31,739 --> 00:41:33,741 at hindi maging abnormal ratio. 656 00:41:34,283 --> 00:41:39,330 Ang paggamit ng mga 'to para hindi ma-detect, 657 00:41:39,413 --> 00:41:41,165 talagang parang taguan 'to. 658 00:41:46,420 --> 00:41:48,547 Binato, pero papunta sa pangalawang baseman 659 00:41:48,631 --> 00:41:51,383 na ginawa 'yong double play pagharap sa kanya. 660 00:41:51,467 --> 00:41:55,054 Tumira si Bonds, at ayun na, papunta na sa McCovey Cove. 661 00:41:55,137 --> 00:41:56,305 Wala na! 662 00:41:56,388 --> 00:42:00,768 Isang home run. Number 69 para sa Bonds. 663 00:42:01,352 --> 00:42:05,773 Tingin ko, unti-unti nang nabubuo ang pagtataka. 664 00:42:05,856 --> 00:42:07,608 Ano ba talaga ang nangyayari? 665 00:42:07,691 --> 00:42:12,071 Ginawang malaking bagay ng baseball at ng media 666 00:42:12,154 --> 00:42:17,409 na ang mga player ay nagbubuhat na di gaya ng ibang player noon, 667 00:42:17,493 --> 00:42:23,624 at kumakain sila nang ayos, kaya mas marami silang home run ngayon, 668 00:42:23,707 --> 00:42:26,919 pero hindi pa rin malinaw. 669 00:42:27,503 --> 00:42:30,089 Kasama siya sa record. 670 00:42:30,881 --> 00:42:35,469 Nakita ko 'yong mga numerong nakukuha sa laro 671 00:42:35,553 --> 00:42:37,471 at alam kong ang mga iyon ay di totoo. 672 00:42:37,555 --> 00:42:40,307 Resulta sila sa ng mga paggamit ng mga sangkap na 'to. 673 00:42:41,725 --> 00:42:43,143 Tumira si Bonds… 674 00:42:43,227 --> 00:42:46,689 Mukhang pang 70 para kay Barry Bonds. 675 00:42:46,772 --> 00:42:53,279 At oo nga! Pinantayan niya na ang all-time record ni McGwire noong 1998. 676 00:42:53,362 --> 00:42:57,783 Kaya bang tumaba ng 20 pounds sa isang taon, nang walang steroids? 677 00:42:57,866 --> 00:42:59,535 At ang sagot, oo, kaya nila. 678 00:43:00,494 --> 00:43:03,289 Depende sa training na ginagawa mo, 679 00:43:03,372 --> 00:43:06,625 kung ga'no karaming calories ang kakainin at kung ano ang mga iyon. 680 00:43:06,709 --> 00:43:09,628 Akala ko binigyan mo ng marmaing steroids si Barry Bonds? 681 00:43:09,712 --> 00:43:12,881 Hindi, wala akong binigay na steroid kay Barry Bonds. 682 00:43:14,008 --> 00:43:17,052 Ang lakas ng puwersa sa right center field, 683 00:43:17,136 --> 00:43:20,889 papunta sa pinakamalaking parte ng ballpark! Number 71! 684 00:43:20,973 --> 00:43:22,600 At ang galing! 685 00:43:22,683 --> 00:43:25,894 Higit sa 421-foot marker. 686 00:43:27,521 --> 00:43:30,316 Di ko siya kasama noong nagsasanay siya. 687 00:43:30,399 --> 00:43:34,028 Baka binibigay ni Greg 'yong mga gamot na ininom niya. 688 00:43:34,111 --> 00:43:36,196 At ibinigay mo ba ang The Clear si Greg? 689 00:43:36,280 --> 00:43:37,281 Oo. 690 00:43:37,364 --> 00:43:40,242 Parang hinuhuli mo lang ako at gusto mo sabihing, 691 00:43:40,326 --> 00:43:42,494 "Alam kong nag-steroid si Barry Bonds." 692 00:43:43,037 --> 00:43:45,706 Hindi 'yon mangyayari dahil di ko alam 'yon. 693 00:43:45,789 --> 00:43:48,000 Ngayon, gusto mong hulaan ko? 694 00:43:48,083 --> 00:43:50,961 Gusto mong hulaan ko kung nag-steroid si Barry Bonds? 695 00:43:51,045 --> 00:43:52,254 Posible. 696 00:43:52,755 --> 00:43:54,715 May direktang ebidensya ba ako? 697 00:43:55,299 --> 00:43:59,595 'Yong nakita ko lang no'ng nalaman na binigay sa 'kin 698 00:43:59,678 --> 00:44:04,808 matapos makita 'yon sa mga record na tinatabi ni Greg. 699 00:44:08,103 --> 00:44:09,229 Sino 'to? 700 00:44:14,276 --> 00:44:17,946 EBIDENSYANG NAKUHA SA BAHAY NI GREG ANDERSON 701 00:44:18,989 --> 00:44:22,785 "Bib," B-I-B ang nakasulat. Hindi ko kilala 'yon. 702 00:44:22,868 --> 00:44:25,704 May nakasulat na "March" at "April." 703 00:44:26,205 --> 00:44:27,706 Tingnan ko pa nga. 704 00:44:27,790 --> 00:44:29,416 Baka Barry Lamar Bonds? 705 00:44:30,709 --> 00:44:35,297 Maaaring B-L-B, pero hindi ko 'to sulat-kamay. 706 00:44:35,381 --> 00:44:40,052 Ayaw kong mag-isip o manghula. Baka si Greg Anderson 'to, 707 00:44:40,135 --> 00:44:41,637 hindi ko alam. 708 00:44:41,720 --> 00:44:44,682 Ngayon ko lang nakita 'to. 709 00:44:46,266 --> 00:44:51,730 CREAM GAME 710 00:44:54,400 --> 00:44:56,402 Noong 2002, wala akong dahilan para kabahan, 711 00:44:56,485 --> 00:44:58,821 nasa akin ang lahat para sumaya. 712 00:44:58,904 --> 00:45:00,614 Nagsasanay ako nang mabuti. 713 00:45:00,698 --> 00:45:04,284 Mas mabuti o pareho lang no'ng panahon ko, di ba? 714 00:45:04,368 --> 00:45:09,456 Humiwalay si Tim Montgomery sa lahat sa loob ng 9.91 seconds. 715 00:45:09,540 --> 00:45:11,417 Mas nagiging consistent siya. 716 00:45:11,500 --> 00:45:14,837 Nagpatuloy siya sa pakikipagtulungan kay Charlie Francis 717 00:45:14,920 --> 00:45:17,089 na si Trevor Graham bilang frontman. 718 00:45:17,172 --> 00:45:20,592 Sapat na ang mga gamot na ibinigay ko sa kanya. 719 00:45:20,676 --> 00:45:21,593 Hindi. 720 00:45:22,177 --> 00:45:23,220 Hindi. 721 00:45:23,303 --> 00:45:26,223 Walang kahit sinong nakakuha ng isang taong supply kay Victor. 722 00:45:26,306 --> 00:45:28,976 Binibigyan niya ang lahat linggo-linggo. 723 00:45:29,727 --> 00:45:32,646 May insulin lang ako na hindi nakikita, 724 00:45:32,730 --> 00:45:34,440 at may HGH ako. 725 00:45:34,523 --> 00:45:39,403 Kaya habang tumatagal, bumibilis ako. 726 00:45:40,279 --> 00:45:44,616 At no'ng huling laban ng taon, sa Grand Prix finals. 727 00:45:44,700 --> 00:45:49,580 Tumatakbo nang 9.91 nitong taon ay si Tim Montgomery sa lane five. 728 00:45:49,663 --> 00:45:52,708 Magulo ang isip ko no'ng lumaban ako. 729 00:45:52,791 --> 00:45:54,126 Hinayaan ko na lang. 730 00:45:54,209 --> 00:45:56,336 …world champion at Olympic gold medalist… 731 00:45:56,420 --> 00:45:59,798 Parang handa ka na kasi nagsanay ka hanggang sa huli 732 00:45:59,882 --> 00:46:01,425 para galingan. 733 00:46:02,301 --> 00:46:04,720 Ang pagkilala ay darating pag ginalingan. 734 00:46:07,431 --> 00:46:08,766 Napakabilis ng simula. 735 00:46:08,849 --> 00:46:12,269 Nakalabas agad si Tim Montgomery. Si Chambers sa tabi niya. 736 00:46:12,352 --> 00:46:14,146 Iyon ang bahagi ng pangarap ko 737 00:46:14,229 --> 00:46:16,940 na balang araw ay maging bahagi ako ng isang tagumpay. 738 00:46:17,024 --> 00:46:20,652 Montgomery na may kaunting lamang, Montgomery nang two feet, three feet. 739 00:46:21,153 --> 00:46:25,991 Nine-point-seven-eight seconds, world record para kay Tim Montgomery. 740 00:46:26,074 --> 00:46:28,619 Kahanga-hangang pagtatanghal para manalo… 741 00:46:29,119 --> 00:46:30,496 Ito ay makasaysayan. 742 00:46:31,330 --> 00:46:32,998 Nine-seven-eight. 743 00:46:33,081 --> 00:46:35,709 Pinakita nila 'yong reaksyon niya pagkalabas sa block. 744 00:46:35,793 --> 00:46:38,378 Di maaaring mas mabilis ka nang one-tenth of a second. 745 00:46:38,879 --> 00:46:42,925 Kaya ang, "Nakita mo ang ginawa mo?" 746 00:46:43,008 --> 00:46:44,092 At binalikan ko… 747 00:46:45,552 --> 00:46:48,055 nine-seven-eight, at parang… 748 00:46:49,223 --> 00:46:50,557 Dumilim na ang lahat. 749 00:46:50,641 --> 00:46:54,311 Opisyal na, isang world record para kay Tim Montgomery. 750 00:46:54,394 --> 00:46:56,730 Nang tumakbo ako at bumalik 751 00:46:56,814 --> 00:47:01,902 at nagpalitrato ako sa tabi ng 9.78, sabi ko sa sarili ko, "Nagawa mo." 752 00:47:02,486 --> 00:47:03,654 "Nagawa mo." 753 00:47:04,238 --> 00:47:07,157 Alam mo, medyo mapait dahil alam kong 754 00:47:07,241 --> 00:47:10,077 hindi 'yon mangyayari kung wala ako at si Milos 755 00:47:10,160 --> 00:47:13,247 at wala si Charlie, at brain trust 'yon. 756 00:47:13,330 --> 00:47:15,833 Hindi niya 'yon kakayanin mag-isa. 757 00:47:16,416 --> 00:47:18,418 Opinyon ko lang 'yon. 758 00:47:18,502 --> 00:47:20,838 …bagong world record holder, si Tim Montgomery. 759 00:47:20,921 --> 00:47:23,298 Umapak ka at tinapos mo na. 760 00:47:23,382 --> 00:47:25,926 Pambihira. Iyan lang ang masasabi ko. Pambihira. 761 00:47:27,219 --> 00:47:29,721 Paano mo 'to hihigitan sa susunod na taon, Tim? 762 00:47:29,805 --> 00:47:31,098 Nine-seventy-five. 763 00:47:31,598 --> 00:47:36,854 Akala ko ang susunod na kabanata ng buhay ko ang pinakamaganda sa lahat. 764 00:47:38,188 --> 00:47:40,524 Nauwi sa bangungot. 765 00:47:42,734 --> 00:47:48,240 Ang instrumentong 'to ay isang triple quad LC-MS. 766 00:47:48,323 --> 00:47:51,785 Ang nakikita mo ay maaaring maghiwa-hiwalay ng molekula, 767 00:47:51,869 --> 00:47:54,288 ilagay 'to sa iba't ibang taluktok 768 00:47:54,371 --> 00:47:58,834 na maaaring ma-fingerprint at itugma sa pinag-uusapang gamot. 769 00:47:58,917 --> 00:48:03,213 Kaya, 'to ang ginamit namin para malaman ang code 770 00:48:03,297 --> 00:48:04,631 at makapasok sa BALCO. 771 00:48:04,715 --> 00:48:06,592 REGULATED FLOW - OFF - FULL FLOW 772 00:48:06,675 --> 00:48:10,721 Nagsimula 'yong pagtuklas kung ano ang The Clear 773 00:48:10,804 --> 00:48:15,350 no'ng dumating ang kahina-hinalang syringe sa laboratoryo namin. 774 00:48:15,434 --> 00:48:19,688 Binigay pala ni Trevor Graham 'yong steroids sa USDA, 775 00:48:19,771 --> 00:48:22,190 'yong track and field coach na, sa isang banda, 776 00:48:22,274 --> 00:48:25,903 ay nakatrabaho ang BALCO at si Victor Conte pero nag-away din. 777 00:48:25,986 --> 00:48:30,574 Hindi naging simple para sa amin na malaman kung ano iyon. 778 00:48:31,158 --> 00:48:33,660 Inilagay namin 'to sa aming mga instrumento, 779 00:48:33,744 --> 00:48:36,830 at pag naglagay ka ng substance sa mass spectrometer, 780 00:48:36,914 --> 00:48:38,582 marami kang makikita 781 00:48:38,665 --> 00:48:42,044 at kailangan subukang alamin 'yong mga 'yon, 782 00:48:42,127 --> 00:48:46,006 at doon kami inabot ng ilang buwan bago matapos. 783 00:48:46,590 --> 00:48:49,217 At ginaya nila ang paggawa nito, 784 00:48:49,301 --> 00:48:52,095 at nalaman kung ano talaga ang nakikita nila. 785 00:48:52,179 --> 00:48:54,973 Hindi alam ng mga atletang may pagsusuri doon 786 00:48:55,057 --> 00:48:58,185 at akala nila ay gumagamit sila ng gamot na walang pagsusuri. 787 00:49:03,607 --> 00:49:07,736 Ilang buwan ko nang alam na may nagmamasid, 788 00:49:07,819 --> 00:49:12,824 at nagsimula 'yon no'ng sabi ng kartero, 789 00:49:12,908 --> 00:49:17,871 "May opisyal na kinokopya lahat ng sulat niya araw-araw." 790 00:49:17,955 --> 00:49:20,248 Kailangan ko pang bigyan ng pansin, 791 00:49:20,332 --> 00:49:22,918 dahil nanonood si Kuya. 792 00:49:23,418 --> 00:49:26,421 Nang matatapos na ang taon, no'ng nangongolekta ako ng basura, 793 00:49:26,505 --> 00:49:29,967 may tapunan na maliwanag na lagi kong pinupuntahan, 794 00:49:30,050 --> 00:49:31,802 tapos nilipat nila 'yon ng lugar. 795 00:49:32,302 --> 00:49:35,263 Kaya naghanap ako ng isa pang ligtas na lugar. 796 00:49:38,225 --> 00:49:40,602 Tinatawagan ako ng may-ari ng gusali. 797 00:49:40,686 --> 00:49:45,190 Sabi niya, "Tigilan mo na ang pagtatapon ng basura sa dumpster namin." 798 00:49:45,273 --> 00:49:47,401 Sabi ko, "Diyos ko." Pinuntahan ko, 799 00:49:47,484 --> 00:49:50,529 at 'yong mga basura namin nasa tapunan niya. Naku. 800 00:49:50,612 --> 00:49:54,241 Inulit nila. Pero no'ng pangatlong beses, tumawag ulit, 801 00:49:54,324 --> 00:49:56,827 sabi niya, "Tatawag ako ng ulis, ha?" 802 00:49:58,662 --> 00:50:02,708 Tinawagan ako ng tatay ko at sabi, "Nakita mo na ba 'yong diyaryo?" 803 00:50:02,791 --> 00:50:06,753 Sabi ko, "Hindi, bakit?" Sabi niya, "Tingnan mo ang police blotter section." 804 00:50:06,837 --> 00:50:11,508 Siguradong may balita tungkol sa ilegal na pagtatapon ng basura ng BALCO. 805 00:50:11,591 --> 00:50:12,926 Natakot ako. 806 00:50:13,010 --> 00:50:16,096 Muntik na akong mahuli. 807 00:50:16,179 --> 00:50:21,351 Nalaman 'yong mga basura, sinabi 'yong tungkol sa mga sulat, 808 00:50:21,435 --> 00:50:26,273 naisip namin na baka dapat ilantad na ang kasong 'to. 809 00:50:28,442 --> 00:50:30,360 2003 IKA-3 NG SETYEMBRE 810 00:50:30,444 --> 00:50:33,405 Kaya, noong Setyembre 3, 2003, 811 00:50:34,364 --> 00:50:39,870 nakatanggap ng kakaibang tawag ang assignment desk ko, 812 00:50:39,953 --> 00:50:44,750 "Pumuntahan n'yo 'to." "Anong oras?" "Hindi namin alam kung anong oras." 813 00:50:45,333 --> 00:50:47,669 "Basta pumunta kayo d'on at maghintay." 814 00:50:49,379 --> 00:50:53,008 Nakita naming may mga kotseng dumadating. Mukhang mga agent. 815 00:50:53,091 --> 00:50:55,469 Anong klaseng agent? Ang IRS? 816 00:50:55,552 --> 00:50:56,928 IRS-CID POLICE 817 00:50:57,012 --> 00:51:01,266 Hindi namin alam kung sino ang habol nila, kung gaano katagal 'yon. 818 00:51:01,349 --> 00:51:04,478 Pumapasok sila sa gusali. Di ko alam kung ano 'yong BALCO. 819 00:51:04,561 --> 00:51:08,273 Delikado 'to. Hindi namin alam kung magkakaputukan. 820 00:51:08,857 --> 00:51:10,442 Sobrang tindi. 821 00:51:11,568 --> 00:51:16,406 Doon sa kalsadang 'yon, tapos dito at doon sa sulok, 822 00:51:16,490 --> 00:51:21,995 doon dumating ang anim o pitong itim na kotseng puno ng mga agent ng SWAT team 823 00:51:22,079 --> 00:51:24,456 nakasuot ng flak jacket na may mga riple 824 00:51:24,539 --> 00:51:28,668 at may dumating na helicopter at umaaligid doon. 825 00:51:28,752 --> 00:51:31,254 Sinalakay ng mga federal agents ang gusali ng Burlingame 826 00:51:31,338 --> 00:51:34,925 kung nasaan ang Bay Area Laboratory Co-operative, o BALCO. 827 00:51:35,008 --> 00:51:38,929 Biglang pumasok ang mga SWAT team. Parang 'yong sa mga pelikula. 828 00:51:39,012 --> 00:51:41,056 Nagkaroon ng kontrobersya, 829 00:51:41,139 --> 00:51:45,560 "Naku, nagdala sila ng 20, 30 agents, lahat may dalang baril." 830 00:51:45,644 --> 00:51:47,938 May dala kaming baril. 'Yon ang ginawa namin, 831 00:51:48,021 --> 00:51:50,649 at may dala kaming baril sa bawat pagsalakay namin. 832 00:51:50,732 --> 00:51:53,026 Lahat ng nakita ko, nasa gilid lang nila. 833 00:51:53,110 --> 00:51:55,278 Hindi nakatutok habang papasok kami. 834 00:51:56,196 --> 00:52:01,493 Tumingin ako sa bintana at nando'n ang ABC, NBC, CBS. 835 00:52:01,993 --> 00:52:04,746 Tapos biglang may mga satellite na. 836 00:52:04,830 --> 00:52:08,750 Baka may tumawag sa news desk mula sa grupo ni Novitzky. 837 00:52:08,834 --> 00:52:10,544 Masasabi mo sino ang mga source mo? 838 00:52:10,627 --> 00:52:13,922 Syempre di ko masabi kung sino ang mga source ko. 839 00:52:14,881 --> 00:52:16,758 Hindi ko sila sinabihan, hindi. 840 00:52:16,842 --> 00:52:20,679 Kita ng mga kapit-bahay nila ang mga parokyano ng negosyong 'yan. 841 00:52:20,762 --> 00:52:24,015 Nakikita nilang madalas si Barry Bonds diyan. 842 00:52:24,099 --> 00:52:27,144 Mag-uusap 'yang mga 'yan at magtatawagan. 843 00:52:27,227 --> 00:52:30,355 Isang taga-BALCO ang sinama palabas ng gusali. 844 00:52:30,438 --> 00:52:35,610 Isa si Victor Conte sa apat na kinasuhan sa pamamahagi ng ilegal na droga. 845 00:52:35,694 --> 00:52:37,362 Tiningnan ko tapos sabi ko, 846 00:52:38,238 --> 00:52:43,243 "Sino 'yong lalaking naka-ZMA hat na medyo tabingi, 847 00:52:43,326 --> 00:52:46,621 at pinagpapawisan?" Baka siya 'yong masama. 848 00:52:46,705 --> 00:52:50,625 Trabaho ko 'yon bilang reporter. Alamin kung sino ang masamang tao. 849 00:52:50,709 --> 00:52:52,294 Hindi sinasabi ng mga opisyal 850 00:52:52,377 --> 00:52:55,505 kung ano ang nakita sa loob ng BALCO noong nakaraang linggo. 851 00:52:55,589 --> 00:52:59,134 Walang nakasuhan, at wala pang naaaresto. 852 00:52:59,217 --> 00:53:03,555 Pero naniniwala ang opisyales ng US Olympic na sangkot sila 853 00:53:03,638 --> 00:53:07,184 sa pag-iwas sa mga drug test gamit ang bagong steroid. 854 00:53:07,684 --> 00:53:09,769 Parang sobrang lala. 855 00:53:10,770 --> 00:53:13,690 "May higit pa ba sa kuwentong ito kaysa sa nalalaman ko?" 856 00:53:13,773 --> 00:53:16,943 Bakit ang laki na ng isyu? 857 00:53:20,822 --> 00:53:23,700 Noong nagsasagawa kami ng search warrant sa BALCO, 858 00:53:23,783 --> 00:53:28,121 may nakita kaming mga kahon na may pangalan ng mga atleta… 859 00:53:28,205 --> 00:53:30,040 Sa mga folder sa loob ng kahon, 860 00:53:30,123 --> 00:53:33,668 ay mga doping calendar, 861 00:53:33,752 --> 00:53:39,424 financial ledger, Quest, urine steroid test, ilang positibo, 862 00:53:39,507 --> 00:53:43,470 at maraming kahon na puno ng mga gamot na 'to. 863 00:53:44,054 --> 00:53:47,349 Virtual na botika ang nakita namin sa bodega nila. 864 00:53:47,432 --> 00:53:48,308 ANG 'CREAM' 865 00:53:48,391 --> 00:53:53,271 Batay sa dami ng ebidensyang nakolekta ko, alam ko ang mga dapat itanong. 866 00:53:53,355 --> 00:53:56,233 Binabasa ko ang memorandum of interview 867 00:53:56,316 --> 00:53:59,486 na isinulat ni Jeff Novitzky, ika-3 ng Setyembre, 2003. 868 00:54:00,195 --> 00:54:03,198 At mayroon siyang listahan na ginawa. 869 00:54:03,281 --> 00:54:06,326 Nakasulat, "Track and Field," "NFL," at "MLB," 870 00:54:06,826 --> 00:54:08,912 at may mga pangalan sa listahan. 871 00:54:09,788 --> 00:54:12,707 Tiningnan namin 'yong listahan, at sabi niya, 872 00:54:12,791 --> 00:54:15,919 "Binigyan ko ng The Clear at The Cream ang mga atletang 'to." 873 00:54:16,419 --> 00:54:20,048 Sabi niya, "Tinulungan mo ba ang mga manlalaro o atletang 'to?" 874 00:54:21,258 --> 00:54:25,220 At akala ko sa blood testing, nutritional supplements, 875 00:54:25,303 --> 00:54:27,305 pagbuo ng indibidwal na programa. 876 00:54:27,931 --> 00:54:30,850 Walang binanggit na droga sa kahit ano. 877 00:54:30,934 --> 00:54:33,270 Oo, hindi iyon ang totoo. 878 00:54:33,353 --> 00:54:37,440 Naging malinaw ako do'n. Pumunta ako doon at sinabing, 879 00:54:37,524 --> 00:54:39,943 "Nakatrabaho mo ba ang mga atleta?" Di ko tinanong na, 880 00:54:40,026 --> 00:54:42,570 "Ano'ng trabaho 'yon? Binigyan mo sila ng droga?" 881 00:54:42,654 --> 00:54:44,322 'Yon ang dahilan kaya nandoon ako. 882 00:54:44,406 --> 00:54:48,118 Di ko binigyan si Barry Bonds ng The Cream o The Clear. 883 00:54:48,201 --> 00:54:50,578 Wala siyang maibigay na ebidensya 884 00:54:50,662 --> 00:54:54,416 na mag-uugnay sa 'kin sa pagbigay ng steroid kay Barry Bonds. 885 00:54:55,000 --> 00:54:56,835 Kung mayr'on siya no'n, nasaan? 886 00:54:58,545 --> 00:55:03,049 Laging nagbibigay ng sample ng ihi at dugo si Barry Bonds sa BALCO. 887 00:55:03,133 --> 00:55:06,636 May mga record ako niyan at makikitang nagpositibo siya 888 00:55:06,720 --> 00:55:10,181 sa methenolone, high-level anabolic steroid, nandrolone, 889 00:55:10,682 --> 00:55:16,021 kaya walang dudang gumamit siya ng mga gamot na pampalakas 890 00:55:16,104 --> 00:55:18,815 at ginamit niya 'yon nang matagal 891 00:55:18,898 --> 00:55:22,652 para tulungan siyang mamayagpag sa sports. 892 00:55:22,736 --> 00:55:23,737 Walang duda. 893 00:55:26,239 --> 00:55:31,369 METHENOLONE - POSITIVE NANDROLONE - POSITIVE 894 00:55:31,453 --> 00:55:33,788 2003 IKA-20 NG OKTUBRE` 895 00:55:33,872 --> 00:55:35,665 Ngayong gabi, narinig n'yo na. 896 00:55:35,749 --> 00:55:37,459 Mga atleta at steroid. 897 00:55:37,542 --> 00:55:41,713 Dose-dosenang sikat na pangalan sa sports ang aalis muna sa kompetisyon 898 00:55:41,796 --> 00:55:47,135 para sabihin sa grand jury ang alam nila tungkol sa sinasabing bagong steroid. 899 00:55:48,303 --> 00:55:52,265 Pagtapos ng raid, ipina-subpoena namin ang maraming high-profile na atleta 900 00:55:52,349 --> 00:55:56,019 sa grand jury sa San Francisco at sinabi sa kanila, 901 00:55:56,102 --> 00:55:58,646 "Magsabi kayo ng totoo para di na kayo ipatawag pa. 902 00:55:58,730 --> 00:56:01,358 Hindi kayo ang target ng imbestigasyon 903 00:56:01,941 --> 00:56:04,402 kung haharap kayo at magsasabi ng totoo." 904 00:56:06,196 --> 00:56:09,240 Nakatanggap ako ng subpoena, 905 00:56:10,325 --> 00:56:14,120 at sinasabi nilang may mga ledger at dokumento namin sila 906 00:56:14,204 --> 00:56:15,955 na may ugnayan kami kay Victor. 907 00:56:16,039 --> 00:56:18,500 Kinuwento ko ang pagkadawit ko. 908 00:56:18,583 --> 00:56:20,335 Umiinom ako ng The Clear. 909 00:56:20,418 --> 00:56:23,463 HGH, gumamit ako. 910 00:56:24,047 --> 00:56:26,466 Sinabi ko sa grand jurors 911 00:56:26,549 --> 00:56:29,010 na di namin alam ang kinukuha namin kay Victor. 912 00:56:29,094 --> 00:56:30,887 Si Victor ay isang manloloko. 913 00:56:31,888 --> 00:56:33,306 Hindi siya doktor. 914 00:56:35,975 --> 00:56:38,603 Ang malalakas na hormonal subtance na 'to 915 00:56:38,686 --> 00:56:42,440 ay hindi dumaan sa kahit anong clinical trial o human testing. 916 00:56:42,524 --> 00:56:45,276 Pinageeksperimentuhan nila ang mga atleta. 917 00:56:47,654 --> 00:56:50,740 Alam ni Victor ang epekto ng HGH sa katawan, 918 00:56:50,824 --> 00:56:52,909 pati ng EPO, 919 00:56:52,992 --> 00:56:57,580 at gagamitin ka niya para makuha ang tamang formula. 920 00:56:58,623 --> 00:57:02,377 May email pa mula kay Patrick Arnold. "Uy, 'to 'yong nagawa ko, 921 00:57:02,460 --> 00:57:06,840 pero di ko alam ang dosage kaya pageksperimentuhan mo 'yon." 922 00:57:07,424 --> 00:57:11,803 Sabi ng ilang babaeng atleta, buwan o taon silang hindi niregla 923 00:57:11,886 --> 00:57:13,346 habang umiinom nito. 924 00:57:13,430 --> 00:57:16,391 Si Victor Conte ang iyong doktor at pharmacist. 925 00:57:16,474 --> 00:57:18,059 Napakadelikado niyan. 926 00:57:18,143 --> 00:57:23,481 Diyos ko. Nagsasagawa ako ng comprehensive blood testing sa lahat, 927 00:57:23,565 --> 00:57:25,733 para tiyaking walang masamang epekto 928 00:57:25,817 --> 00:57:29,154 at tama lahat ng dosage. Totoo ang kabaliktaran. 929 00:57:30,155 --> 00:57:34,367 Manhid ka na sa tama at mali. 930 00:57:36,244 --> 00:57:37,745 Ang punto nito, 931 00:57:38,455 --> 00:57:40,373 may inasam akong isang bagay, 932 00:57:42,083 --> 00:57:45,211 sa anumang paraan. 933 00:57:47,672 --> 00:57:50,008 Pagkatapos ng 18 buwang pagsisiyasat, 934 00:57:50,091 --> 00:57:54,137 isang federal grand jury sa Northern District ng California 935 00:57:54,220 --> 00:57:59,726 ang naghatol ng 42 bilang na kaso sa apat na indibidwal 936 00:57:59,809 --> 00:58:06,107 sa pamamahagi ng ilegal na anabolic steroids sa dosenang atleta. 937 00:58:06,191 --> 00:58:09,319 Kinakasuhan ngayon ang trainer ni Bond na si Greg Anderson, 938 00:58:09,402 --> 00:58:12,655 at ang lalaking 'to, si Victor Conte, sa pagpapatakbo, 939 00:58:12,739 --> 00:58:17,202 korapsyon at paggamit ng ibang pangalan ng droga para takpan ang negosyo. 940 00:58:17,285 --> 00:58:18,870 Hindi lang integridad ng mga atleta 941 00:58:18,953 --> 00:58:22,957 ang kinukuwestiyon sa paggamit ng ilegal na steroid, 942 00:58:23,041 --> 00:58:27,045 kundi pati ang integridad ng larong sinasalihan ng mga atleta. 943 00:58:27,128 --> 00:58:31,716 Nakapagtataka na nadamay dito si Mr. Ashcroft. 944 00:58:31,799 --> 00:58:34,928 Ayaw kong sabihing politikal 'to, pero gano'n na nga. 945 00:58:35,011 --> 00:58:38,681 Mapanganib ang paggamit ng mga gamot na pampalakas 946 00:58:38,765 --> 00:58:44,687 sa baseball, football at iba pang sports at mali ang dalang mensahe nito. 947 00:58:44,771 --> 00:58:46,481 Kaya ngayong, nananawagan ako 948 00:58:46,564 --> 00:58:49,484 sa mga may-ari ng koponan, coach at manlalaro 949 00:58:49,567 --> 00:58:53,363 na manguna, magpakatatag at tanggalin na ang steroids. 950 00:58:53,446 --> 00:58:57,408 Para kang humahabol sa langaw gamit ang bazooka 951 00:58:57,492 --> 00:58:59,786 habang may libu-libong langaw sa paligid. 952 00:58:59,869 --> 00:59:02,580 Wala 'tong epekto sa mismong problema. 953 00:59:02,664 --> 00:59:03,498 MONEY LAUNDERING 954 00:59:03,581 --> 00:59:04,415 CONSPIRACY 955 00:59:04,499 --> 00:59:06,167 $250,000 - $500,000 956 00:59:07,168 --> 00:59:12,840 Pag napatunayan, haharap sila sa matagal na pagkakulong at malaking danyos. 957 00:59:14,175 --> 00:59:17,679 Alam kong wala silang ebidensya na sinasabi nila. 958 00:59:17,762 --> 00:59:21,766 Bakit sa araw ng 42-count na akusasyon 959 00:59:21,849 --> 00:59:25,603 ay lumabas ako sa harap ng mga mamamahayag at ginawa 'to? 960 00:59:25,687 --> 00:59:27,063 Ito ang ibig sabihin n'on. 961 00:59:30,984 --> 00:59:35,488 SINO SIYA? PAANO NIYA SINIMULAN ANG PINAKAMALAKING ISKANDALO SA SPORTS? 962 00:59:35,572 --> 00:59:39,534 Sa puntong iyon, minsan ay araw-araw siyang laman ng balita. 963 00:59:39,617 --> 00:59:43,037 Kaya tuwing may pagdinig sa korte, napakaraming media 964 00:59:43,121 --> 00:59:45,123 ang pinagmumukha siyang masama. 965 00:59:46,291 --> 00:59:49,043 Forty-two counts, parang ang dami. 966 00:59:50,086 --> 00:59:54,924 Alam mo, naalala kong hinawakan niya ang kamay ko para makadaan sa media 967 00:59:55,008 --> 00:59:57,385 at lahat ng camera at lahat sumisigaw, at… 968 00:59:57,468 --> 00:59:59,012 nakakatakot. 969 00:59:59,846 --> 01:00:04,225 Ang buong imbestigasyon, sa palagay ko, ay tungkol sa paggawa ng ingay. 970 01:00:04,309 --> 01:00:08,062 Nagyayabang si Novitzky sa mga undercover agents, 971 01:00:08,146 --> 01:00:11,399 sabi, "Ako ang makabagong Eliot Ness. 972 01:00:11,482 --> 01:00:14,777 Huhulihin ko si Al Capone. Movie deals, book deals." 973 01:00:14,861 --> 01:00:19,407 Oo, nasabi ko iyon dahil noong nagsasanay ako, 974 01:00:19,490 --> 01:00:22,285 ikaw, bilang agent, ay dapat humanap ng imbestigasyong 975 01:00:22,368 --> 01:00:24,329 tututukan ng lahat. 976 01:00:24,412 --> 01:00:28,207 Sana may iba pang lumalabag sa parehong batas na 'to 977 01:00:28,291 --> 01:00:32,420 ang magsabing, "Ayokong madamay dito, hindi na ako sasali." 978 01:00:32,503 --> 01:00:34,047 POSIBLENG I-BAN ANG MGA OLYMPIAN 979 01:00:34,130 --> 01:00:38,259 Alam kong si Jeff Novitzky ang nagbibigay ng impormasyon sa Chronicle. 980 01:00:38,343 --> 01:00:40,303 Hindi. Wala, kahit ano. 981 01:00:40,386 --> 01:00:42,722 Tingin ko 'yong pagiging narcissistic niya 982 01:00:42,805 --> 01:00:46,934 ang nagsasabing, "Hindi maganda pag di pinag-uusapan." 983 01:00:48,311 --> 01:00:50,855 Naalala ko ang gabing pumunta siya sa 20/20. 984 01:00:51,356 --> 01:00:54,901 Sinampahan siya ng kaso, pero hindi pa nareresolba ang kaso, 985 01:00:54,984 --> 01:00:58,112 at tinawagan kami ng abogado niya, sabi, 986 01:00:58,196 --> 01:01:02,158 "Di ko alam ang ginagawa niya. Pupunta siya sa 20/20 mamaya. 987 01:01:02,241 --> 01:01:05,745 Isang oras ang ilalaan para magkuwento siya." 988 01:01:06,245 --> 01:01:11,209 Alam kong 'to ang pinakaaasam sa lahat ng mga record at gintong medalya. 989 01:01:11,292 --> 01:01:17,256 Kaya parang nangarap kami at ako ang namuno n'on. 990 01:01:17,340 --> 01:01:22,679 Kumbaga gumagawa kayo ng pagsasabwatan para matalo ang world record. 991 01:01:22,762 --> 01:01:24,263 HGH - INSULIN - EPO 992 01:01:24,347 --> 01:01:26,057 Ganyan 'yon, di ba? 993 01:01:27,350 --> 01:01:31,646 Kung itatanong mo kung may kasamang ilegal na aktibidad, oo ang sagot. 994 01:01:32,146 --> 01:01:32,980 Sigurado, 995 01:01:33,064 --> 01:01:36,651 isiniwalat niya lahat ng krimen niya sa telebisyon. 996 01:01:36,734 --> 01:01:38,194 Walang gumagawa niyan. 997 01:01:38,277 --> 01:01:42,657 Sinasabi mo bang mandaraya si Marion Jones? 998 01:01:42,740 --> 01:01:43,825 Walang duda. 999 01:01:43,908 --> 01:01:48,413 At nakita mo siyang nagturok? Nakita mo 'yon? 1000 01:01:49,247 --> 01:01:50,289 Tama. 1001 01:01:50,873 --> 01:01:53,960 Nahihibang si Victor Conte. 1002 01:01:54,460 --> 01:01:59,215 Para simulan ang pagkuha ng mga atleta sa sistemang kinabibilangan niya. 1003 01:02:02,385 --> 01:02:06,806 Natakot ka bang magkaroon ng problema sa moral nang malaman mong 1004 01:02:06,889 --> 01:02:10,560 kailangan mo mandaya para makalaro? 1005 01:02:11,060 --> 01:02:12,061 Hindi. 1006 01:02:12,145 --> 01:02:15,106 Kung alam mong iyon ang ginagawa ng lahat, 1007 01:02:15,189 --> 01:02:19,026 at iyon ang tunay na patakaran ng laro, hindi ka nandadaya. 1008 01:02:25,158 --> 01:02:27,785 Kung ano-ano ang tinawag sa akin. 1009 01:02:27,869 --> 01:02:31,622 Dr. Frankenstein, ang Saddam Hussein ng sports. 1010 01:02:32,248 --> 01:02:37,712 Pero isa sa pinakamahalagang natutunan mo ay kailangan mong mahirapan. 1011 01:02:38,254 --> 01:02:39,088 Alam mo? 1012 01:02:39,172 --> 01:02:42,133 Kung gusto mong lumaki ang katawan mo, magbuhat ka. 1013 01:02:44,343 --> 01:02:48,556 Mahirap ang sitwasyon ni Victor no'ng kinasuhan kami. 1014 01:02:48,639 --> 01:02:52,101 Nagawa na niya ang 20/20 interview, 1015 01:02:52,185 --> 01:02:55,313 mainit ang kaso 1016 01:02:55,396 --> 01:02:58,274 at hindi 'yon umaayon sa gusto niyang mangyari. 1017 01:02:58,357 --> 01:03:02,320 Naghain na ng ilang mosyon ang dating abogado ni Victor 1018 01:03:02,403 --> 01:03:05,239 para supilin ang ebidensya, ang mga pahayag, 1019 01:03:05,323 --> 01:03:09,076 nakikipagkomprontasyon sa mga agent, 1020 01:03:09,160 --> 01:03:12,246 at kailangang gumawa ng malaking desisyon ni Victor, 1021 01:03:12,330 --> 01:03:15,166 susubukan man o hindi lutasin ang kaso, 1022 01:03:15,249 --> 01:03:18,211 o kung sasabak sa labang 'to sa susunod na taon. 1023 01:03:18,294 --> 01:03:21,798 At nagpasya si Victor na makipagnegosasyon kami. 1024 01:03:22,423 --> 01:03:28,054 Akala namin mga bodega ng steroid at milyong dolyar ang sangkot dito 1025 01:03:28,137 --> 01:03:30,389 kasi gano'n napapabalita ang kuwento. 1026 01:03:30,473 --> 01:03:33,976 No'ng tiningnan na namin, lumiit lahat 1027 01:03:34,060 --> 01:03:38,689 at 'yong mga milyon naging ilang daan at 'yong bodega naging locker, 1028 01:03:38,773 --> 01:03:41,943 at ang dami ng droga ay kasya lang sa kamay mo. 1029 01:03:42,026 --> 01:03:46,656 Ang teknikal na termino para sa dami ng droga, "kakarampot." 1030 01:03:48,282 --> 01:03:51,327 Linggu-linggo, haharap kami sa mga taga-usig 1031 01:03:51,410 --> 01:03:53,287 at kukuha ng isang bahagi ng kaso, 1032 01:03:53,371 --> 01:03:57,875 sasabihin namin, "Kinasuhan n'yo 'to, hindi 'to ilegal at 'to ang dahilan." 1033 01:03:57,959 --> 01:04:01,003 Nakinig naman sila at umatras, 1034 01:04:01,087 --> 01:04:03,422 at sobrang saya. 1035 01:04:03,506 --> 01:04:05,716 Walang mali sa ginawa niya. 1036 01:04:05,800 --> 01:04:08,344 Binigyan niya ang mga atleta ng substance. 1037 01:04:08,427 --> 01:04:10,263 Ang tanong, ilegal ba iyon? 1038 01:04:11,138 --> 01:04:13,015 Ang The Clear ay hindi ilegal, 1039 01:04:13,099 --> 01:04:15,852 at ang posisyon namin ay ang The Cream ay di ilegal. 1040 01:04:15,935 --> 01:04:19,230 Tinunaw lang na steroid testosterone 'yon 1041 01:04:19,313 --> 01:04:21,357 sa lotion na ipapahid sa balat. 1042 01:04:21,440 --> 01:04:23,693 At di sakop ng batas ang mga paghahalo. 1043 01:04:23,776 --> 01:04:24,777 MONEY LAUNDERING 1044 01:04:24,861 --> 01:04:28,656 Wala pang isang libong dolyar ang halaga 1045 01:04:28,739 --> 01:04:30,950 na pinapaikot ni Victor, 1046 01:04:31,033 --> 01:04:36,455 mababa pa sa mga hinahatulan ng mga federal prosecution. 1047 01:04:36,539 --> 01:04:39,333 Numinipis na ang kaso. 1048 01:04:39,417 --> 01:04:42,503 Wala pa kaming nakitang ibang kaso na may kinasuhan 1049 01:04:42,587 --> 01:04:47,842 sa pamamahagi ng gamot na hindi pasok sa pagsesentensya, 1050 01:04:48,426 --> 01:04:50,261 pero iyon ang kaso nila. 1051 01:04:50,887 --> 01:04:52,597 May sasabihin ka ba, Victor? 1052 01:04:54,140 --> 01:04:55,308 Pagkatapos na. 1053 01:04:57,685 --> 01:04:59,228 Hindi ko makakalimutan ang araw 1054 01:04:59,312 --> 01:05:02,690 na kinuha ko ang front page ng San Francisco Chronicle, 1055 01:05:02,773 --> 01:05:04,775 at sabi sa headline, 1056 01:05:05,359 --> 01:05:08,738 "40 sa 42 kaso sa BALCO, binasura." 1057 01:05:08,821 --> 01:05:12,450 At ang subtitle ay, "Rinig sa buong mundo ang tampal sa pulso." 1058 01:05:13,451 --> 01:05:15,077 Mr. Conte, ano'ng masasabi mo… 1059 01:05:15,161 --> 01:05:18,915 Umamin si Victor Conte sa dalawang krimen ngayon. 1060 01:05:18,998 --> 01:05:23,085 Isa, pagsasabwatan para mamahagi ng steroid, 'yong isa, korapsyon. 1061 01:05:23,169 --> 01:05:27,506 Dapat mapahiya ang Feds. Nagsimula sa 42 na kaso, 1062 01:05:27,590 --> 01:05:30,635 pero sa dalawa lang umamin si Victor Conte. 1063 01:05:30,718 --> 01:05:34,639 At sinabing, "Di kailangan ng deal na 'to na tumulong si Mr. Conte 1064 01:05:34,722 --> 01:05:39,310 sa prosekusyon ng kahit sinong dawit sa imbestigasyon." 1065 01:05:39,393 --> 01:05:40,394 Malaya na ang atleta. 1066 01:05:40,478 --> 01:05:45,232 Walang kasong pederal at walang kinasuhan sa kahit sinong atleta. 1067 01:05:45,316 --> 01:05:48,152 Si Conte ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong. 1068 01:05:48,235 --> 01:05:52,448 Sa pederal na bilangguan, pag mabuti siya, mababawasanang sentensya ng 85%. 1069 01:05:52,531 --> 01:05:54,367 Kaya higit apat na buwan lang siya. 1070 01:05:57,787 --> 01:06:03,292 Ito ang ilang larawang ipinadala sa 'kin ng tatay ko mula sa kampo ng kulungan. 1071 01:06:03,376 --> 01:06:06,420 Ito siya at ang kasama niya sa loob. Ang pangalan niya ay Evil. 1072 01:06:06,504 --> 01:06:10,049 Natakot 'yong tatay ko sa kanya no'ng una… 1073 01:06:10,132 --> 01:06:13,678 No'ng una silang magkakilala, 1074 01:06:13,761 --> 01:06:18,516 Pero di siya iniwan at naging magkaibigan pa sila. Hanggang ngayon. 1075 01:06:19,100 --> 01:06:23,020 Natutuwa akong may mga kaibbigan siya at talagang… 1076 01:06:24,480 --> 01:06:27,316 Nakakapagpakumbaba. Lalo na sa kanya, kaya… 1077 01:06:29,068 --> 01:06:31,362 Inako ko ang buong responsibilidad, 1078 01:06:31,445 --> 01:06:34,323 di ako nakipag-ugnayan sa kahit anong paraan. 1079 01:06:34,407 --> 01:06:38,411 May nagawa akong mali, dapat akong makulong gaya ng nangyari. 1080 01:06:38,494 --> 01:06:40,496 Pinagbayaran ko 'yon sa kulungan. 1081 01:06:42,748 --> 01:06:46,669 At, siyempre, noong dumaan ako sa pintuan, 1082 01:06:46,752 --> 01:06:48,838 kinuha agad nila ako 1083 01:06:48,921 --> 01:06:51,549 at inilagay nila ako sa metal detector, 1084 01:06:51,632 --> 01:06:53,884 at "Dumikit ka diyan sa pader." 1085 01:06:53,968 --> 01:06:58,639 Tapos pinosasan na ako at naisip ko, "Kabilang na ako sa kanila." 1086 01:07:00,725 --> 01:07:03,894 At nagpadala ako ng magazine sa sarili ko, 1087 01:07:03,978 --> 01:07:07,356 at pinlano ko 'yon para makuha ko pag nandoon na ako. 1088 01:07:10,693 --> 01:07:13,029 Noong pinadala nila 'yon, 1089 01:07:13,112 --> 01:07:17,825 nilusot nila 'yon sa butas na daanan ng pagkain sa may pinto. 1090 01:07:18,367 --> 01:07:21,370 At bukod sa mga magazine na pinadala ko sa sarili ko 1091 01:07:21,954 --> 01:07:24,623 ay ang liham na 'to mula sa bunsong anak ko. 1092 01:07:24,707 --> 01:07:25,875 Saan ka nakatira? 1093 01:07:25,958 --> 01:07:28,085 Nakatira ako sa bahay ko. 1094 01:07:28,169 --> 01:07:30,337 Saan ang bahay mo? Saang lungsod? 1095 01:07:30,421 --> 01:07:33,632 At may mga larawan ng anak ko… 1096 01:07:36,010 --> 01:07:38,054 Doon ko na napagtanto. 1097 01:07:40,347 --> 01:07:43,684 Na nawalan na ako ng kontrol sa buhay ko. 1098 01:07:44,268 --> 01:07:49,440 Di pa ako nakakapagisip-isip… 1099 01:07:52,068 --> 01:07:54,904 kung gaano kalubha ang kahihinatnan. 1100 01:07:54,987 --> 01:07:58,699 Naisip ko na, "Malaki na ako, lalaki ako. 1101 01:07:58,783 --> 01:08:01,619 Kahit anong mangyari, kakayanin ko." 1102 01:08:02,578 --> 01:08:04,622 Ako ay… Naging napakasamang ama. 1103 01:08:04,705 --> 01:08:08,167 Inalis ko ang seguridad nila. 1104 01:08:09,293 --> 01:08:11,253 At lumikha ng maraming kawalan ng katiyakan. 1105 01:08:12,254 --> 01:08:14,590 Nakakaadik ang tagumpay, 1106 01:08:14,673 --> 01:08:20,596 ang papuri at karangalan, pero di ko napagtanggol ang ginawa ng tatay ko. 1107 01:08:21,097 --> 01:08:24,517 Tingin ko, malinaw na may masasama siyang nagawa. 1108 01:08:25,351 --> 01:08:27,019 At sana di niya 'yon ginawa. 1109 01:08:27,645 --> 01:08:29,814 Pero di ko naisip 1110 01:08:30,648 --> 01:08:34,652 na ganito rin pala ang epekto sa pamilya ng mga atleta. 1111 01:08:36,028 --> 01:08:38,739 May mga anak silang uuwi at sasabihing, 1112 01:08:38,823 --> 01:08:43,744 "Pa, sabi sa school gumagamit ka ng steroids. Gumamit ka ba ng steroids?" 1113 01:08:45,121 --> 01:08:48,707 At hindi naiintindihan ng mga bata, kaya… 1114 01:08:52,628 --> 01:08:55,464 Tatlong anak ko ang nasa track and field. 1115 01:08:55,548 --> 01:08:58,467 Kasabay kong magsanay 'yong pangalawa kong anak. 1116 01:08:58,968 --> 01:09:01,220 Sabi niya, "Pa, ano'ng epekto ng steroids sa 'yo?" 1117 01:09:01,804 --> 01:09:03,931 At sabi ko, "Sisirain ang buhay mo." 1118 01:09:04,849 --> 01:09:06,267 Mga runner, humanda na. 1119 01:09:08,102 --> 01:09:09,311 Set. 1120 01:09:09,395 --> 01:09:14,358 Sinabi ko sa kanya, "Kung nauna kang makaabot sa dulo at nagpositibo ka, 1121 01:09:14,441 --> 01:09:15,985 ano ang napala mo?" 1122 01:09:22,575 --> 01:09:25,202 Pag tumakbo ka, gusto mo tama ang ginawa mo. 1123 01:09:29,623 --> 01:09:32,001 Minsan mapapasobra ka sa kakasubok. 1124 01:09:33,002 --> 01:09:36,213 Dapat lagi mong isipin na walang pangalawang beses. 1125 01:09:37,214 --> 01:09:38,757 Lahat ng ginawa ko noon, 1126 01:09:39,717 --> 01:09:41,177 lahat ng pagkakamali ko, 1127 01:09:41,260 --> 01:09:43,804 sabi ng anak ko, "Pa, wala akong pakialam doon. 1128 01:09:44,847 --> 01:09:46,682 Naniniwala ako sa 'yo ngayon." 1129 01:09:48,684 --> 01:09:50,644 At pag iniisip ko 'yon… 1130 01:09:52,938 --> 01:09:55,983 Gano'n din ang paniniwala ni Victor Conte sa Project World Record. 1131 01:09:57,276 --> 01:10:00,154 Naniwala siya sa pangarap. 1132 01:10:01,655 --> 01:10:04,700 Kung iisipin natin, gumawa ba tayo ng halimaw? 1133 01:10:04,783 --> 01:10:09,246 Siguro, pero, 'yong mga nakakakita at nakakarinig kay Victor Conte 1134 01:10:09,330 --> 01:10:15,836 ay kilala siya, at iyon ay isang gamit na kotse, tindero ng snake oil, 1135 01:10:15,920 --> 01:10:17,046 lokong artista. 1136 01:10:17,546 --> 01:10:19,673 Gusto kong ialay ang buhay ko 1137 01:10:19,757 --> 01:10:23,928 sa pagagawa ng patas na laro para sa batang atleta sa hinaharap. 1138 01:10:24,511 --> 01:10:30,476 Ipinagmamalaki ko ang kontribusyon ko anti-doping movement, 1139 01:10:30,559 --> 01:10:33,479 at nagpakilala sa WADA, ang World Anti Doping Agency. 1140 01:10:33,562 --> 01:10:38,150 Inilalahad ko ang mga paraan ng pag-iwas 1141 01:10:38,234 --> 01:10:41,320 ng mga atletang 'to sa anti-doping. 1142 01:10:41,403 --> 01:10:44,865 Ang ginagawa nila ngayon ay pag-iwas at pagtatakip. 1143 01:10:44,949 --> 01:10:47,534 Kunin mo nang ganito tapos ilagay sa ilalim ng dila. 1144 01:10:47,618 --> 01:10:51,747 Tingin ko may pang-aabusong nangyayari. Tingin ko, kailangan pang mag-imbestiga. 1145 01:10:51,830 --> 01:10:53,332 Pero ilan ang gumagamit nito? 1146 01:10:53,415 --> 01:10:55,292 Sa tingin ko ay nasa 50%. 1147 01:10:55,376 --> 01:10:58,545 -Limampu sa MMA o propesyonal na atleta? -Oo, sa MMA. 1148 01:10:58,629 --> 01:11:01,173 Ngayon dahil hindi ka na mabubuhay sa pandaraya, 1149 01:11:01,257 --> 01:11:05,177 binaliktad mo at nagtuturo ka na ng ibang tao? 1150 01:11:05,261 --> 01:11:07,721 Di ako makapaniwalang may nakikinig pa sa kanya. 1151 01:11:07,805 --> 01:11:12,935 May gumagamit pa ng sinasabi niya. Manloloko 'yang si Voctor Conte. 1152 01:11:13,018 --> 01:11:18,482 Siya ang nangasiwa sa droga, tapos binigay sa mga tao 'yong sistema 1153 01:11:18,565 --> 01:11:22,736 kung paano sila mahuhuli ngayon para may iba siyang magawa. 1154 01:11:24,071 --> 01:11:27,032 At 'yon ang hinding-hindi mo makukuha sa isang hustler, 1155 01:11:27,116 --> 01:11:28,325 ang hustle. 1156 01:11:29,326 --> 01:11:32,663 Nagkataon na ang red-light district ng sport, 1157 01:11:32,746 --> 01:11:35,249 ang boxing, nahanap ko ang sarili ko doon. 1158 01:11:38,294 --> 01:11:41,005 Kasama si Victor, sasabihan ako ng mga taong, 1159 01:11:41,088 --> 01:11:45,551 "Mandaraya 'yan at bibigyan ka niyan ng droga o binibigyan ka niyan ng droga," 1160 01:11:45,634 --> 01:11:48,679 mga gano'n, pero hindi ko 'yon pinansin. 1161 01:11:48,762 --> 01:11:51,348 Oo, masasabi kong nakakapagpalakas 'to, 1162 01:11:51,432 --> 01:11:53,142 pero wala 'yong droga. 1163 01:11:53,225 --> 01:11:55,644 Si Victor ang mad scientist. 1164 01:11:56,228 --> 01:11:57,521 Halimaw ka. 1165 01:11:58,105 --> 01:12:00,899 Kapag mataas ang oxygen mo dito, 1166 01:12:00,983 --> 01:12:04,236 pinapataas nito ang produksyon ng lactic acid, 1167 01:12:04,320 --> 01:12:09,533 na nag-uudyok sa produksyon ng testosterone at growth hormone. 1168 01:12:09,616 --> 01:12:13,078 Ang bilis at lakas mo ay tataas ng 10%. 1169 01:12:13,579 --> 01:12:16,790 Maraming bagay na gumaggana na legal. 1170 01:12:17,374 --> 01:12:21,170 Gusto n'yong pakitaan ulit kayo ni Devin, ayan papakitaan ulit tayo. 1171 01:12:21,253 --> 01:12:24,006 30 at 0 ang lagay ni Devin Haney. 1172 01:12:24,089 --> 01:12:25,924 Nadepensahan niya ang undisputed… 1173 01:12:26,008 --> 01:12:29,803 Tatanggapin niya ang kahit anong atensyon basta bida ang pangalan niya, 1174 01:12:30,304 --> 01:12:33,098 kaya tingin ko di mapagkakatiwalaan ang sinasabi niya. 1175 01:12:35,559 --> 01:12:41,357 Binago ng imbestigasyon ng BALCO ang pananaw ng bansa 1176 01:12:41,440 --> 01:12:45,361 at ang pananaw ng mga nangunguna sa droga. 1177 01:12:45,861 --> 01:12:48,572 Walang bahid ang record na 'to. 1178 01:12:49,156 --> 01:12:50,115 Wala. 1179 01:12:51,116 --> 01:12:55,371 At nagdulot 'to ng mga makabuluhang pag-unlad 1180 01:12:55,454 --> 01:12:59,666 na lumikha ng sistema ng drug-testing ngayon. 1181 01:13:00,626 --> 01:13:04,088 Naaalala ng masa si Victor Conte 1182 01:13:04,171 --> 01:13:07,883 bilang ang taong nag-iisang nagpabagsak sa mundo ng sport. 1183 01:13:08,467 --> 01:13:09,927 Sana magbago 'yon. 1184 01:13:10,010 --> 01:13:12,054 Nakakagawa ng paraan si Victor. 1185 01:13:12,137 --> 01:13:15,933 May kinalaman siguro 'yon sa pagkontrol sa sarili niyang kuwento. 1186 01:13:16,016 --> 01:13:19,770 Gano'n ang Amerikanong paraan. Di ba Bentley pa rin ang minamaneho niya? 1187 01:13:20,354 --> 01:13:23,857 Napagtanto kong walang masamang atensyon. 1188 01:13:23,941 --> 01:13:27,611 Tulad ng Google Ads, anuman ang mga keyword na ilagay mo, 1189 01:13:27,694 --> 01:13:30,239 pag inilagay mo "Barry Bonds" o "Marion Jones" 1190 01:13:30,322 --> 01:13:32,282 o "BALCO" o ano pa man, 1191 01:13:32,866 --> 01:13:35,744 may ad ng ZMA sa tabi n'on, di ba? 1192 01:13:36,245 --> 01:13:39,665 Kaya ginagamit ko lang 'yon para sa mas malaking bagay. 1193 01:13:40,249 --> 01:13:42,376 Dapat ba magpadala ako ng thank-you card sa Fed? 1194 01:13:42,459 --> 01:13:44,837 Pinayaman nila ako nang husto. 1195 01:13:56,723 --> 01:13:59,435 SINASABI NI VICTOR CONTE NA KUMITA SIYA NG 80 MILYONG DOLYAR 1196 01:13:59,518 --> 01:14:02,104 MULA SA KITA NG ZMA AT SNAC SUPPLEMENTS. 1197 01:14:05,149 --> 01:14:07,651 NOONG 2007, UMABOT SI BARRY BONDS SA IKA-756 NA HOME RUN 1198 01:14:07,734 --> 01:14:12,990 AT NAGING ALL-TIME HOME RUN RECORD HOLDER NG BASEBALL. 1199 01:14:14,324 --> 01:14:16,827 KAHIT 10 TAON SIYANG KWALIPIKADO 1200 01:14:16,910 --> 01:14:21,331 HINDI SIYA BINOTO SA BASEBALL HALL OF FAME. 1201 01:14:23,584 --> 01:14:28,255 TINANGGI NI BARRY BOND ANG PAGGAMIT NG PERFORMANCE ENHANCING DRUGS. 1202 01:14:28,338 --> 01:14:31,341 HINDI SIYA TUMANGGAP NG MGA INTERVIEW 1203 01:14:33,177 --> 01:14:38,348 NAPILITANG IBALIK NI MARION JONES ANG LIMANG OLYMPIC MEDALS NIYA. 1204 01:14:39,808 --> 01:14:43,437 008, SINENTENSYA SIYA NG ANIM NA BUWANG PAGKAKAKULONG DAHIL SA PAGSISINUNGALING 1205 01:14:43,520 --> 01:14:47,065 SIYA LANG ANG ATLETANG NAHATULAN SA BALCO CASE 1206 01:14:48,525 --> 01:14:52,029 TINATANGGI NI MARION JONES ANG PAGGAMIT NG PERFORMANCE ENHANCING DRUGS. 1207 01:14:52,112 --> 01:14:53,864 HINDI SIYA TUMANGGAP NG MGA INTERVIEW. 1208 01:14:54,490 --> 01:14:59,536 Nine-point-seven-eight seconds. World record para kay Tim Montgomery. 1209 01:15:02,873 --> 01:15:05,626 Karapat-dapat ba akong tanggalan? Oo. 1210 01:15:05,709 --> 01:15:09,421 Pero 'yung karanasang palagi kong kasama, 1211 01:15:09,922 --> 01:15:12,132 at 'yon ang hindi na nila mababawi. 1212 01:15:13,008 --> 01:15:17,221 'Yong sandaling gawin 'to, di na nila mababawi pa. 1213 01:15:18,597 --> 01:15:22,559 TINATANGGI NI TREVOR GRAHAM ANG PAMAMAHAGI O PAGPAPAINOM NG STEROIDS. 1214 01:15:22,643 --> 01:15:26,188 AYAW MAGBIGAY NI GREG ANDERSON NG KOMENTO SA BALCO INVESTIGATION 1215 01:15:26,271 --> 01:15:27,981 O SA PAGKADAWIT NI BARRY BONDS. 1216 01:15:28,065 --> 01:15:31,443 TINANGGI NI SAMMY SOSA NA GUMAMIT SIYA NG PERFOMANCE ENHANCING DRUGS. 1217 01:15:32,194 --> 01:15:33,654 'Yan ang orihinal na karatula 1218 01:15:33,737 --> 01:15:38,075 na nakalagay sa likod ng spectrometer at sa laboratoryo ng BALCO nang 20 taon. 1219 01:15:38,158 --> 01:15:40,494 Halagang isa o dalawang dolyar lang 'to. 1220 01:15:40,577 --> 01:15:41,537 Ibebenta mo? 1221 01:15:41,620 --> 01:15:45,332 Hindi ko alam. Ibibigay ko na lang 'to sa baseball hall of fame. 1222 01:16:59,031 --> 01:17:02,242 Tagapagsalin ng Subtitle: Cherrilyn Ilustracion