1
00:00:22,981 --> 00:00:24,858
DELICIOUS IN DUNGEON
2
00:01:35,303 --> 00:01:36,555
Nandito na tayo!
3
00:01:37,430 --> 00:01:40,308
-Walang tatalo sa hangin dito sa taas.
-Hayan.
4
00:01:40,392 --> 00:01:42,561
Umaga ba o gabi?
5
00:01:42,644 --> 00:01:43,937
'Wag n'yo muna hawakan ang bintana!
6
00:01:44,020 --> 00:01:46,064
Masisira n'yo ang mahika ng teleportasyon!
7
00:01:46,148 --> 00:01:46,982
Kabru.
8
00:01:47,524 --> 00:01:49,734
Bukas, mag-uulat ako sa Panginoon ng Isla.
9
00:01:50,652 --> 00:01:52,445
Gusto kong patotohanan mo ang kuwento ko.
10
00:01:53,029 --> 00:01:55,240
Sasabihin mo ba ang lahat sa kaniya?
11
00:01:55,323 --> 00:01:58,451
Di naman kailangan banggitin
si Laios at ang grupo niya.
12
00:01:59,161 --> 00:02:03,331
Ayoko lang na makapatay pa si Falin.
13
00:02:03,415 --> 00:02:04,457
Sige.
14
00:02:05,125 --> 00:02:06,835
Magpahinga ka nang maayos ngayon.
15
00:02:08,044 --> 00:02:09,045
Tingnan mo, Kuro!
16
00:02:09,129 --> 00:02:10,213
Malaking barko.
17
00:02:10,797 --> 00:02:13,258
Marami sigurong mayayamang tao diyan!
18
00:02:18,138 --> 00:02:19,347
Masama 'to.
19
00:02:20,182 --> 00:02:21,558
Toshiro,
20
00:02:21,641 --> 00:02:24,060
mukhang kailangan na nating umalis ngayon.
21
00:02:24,144 --> 00:02:25,478
Ano 'yang puting barko?
22
00:02:25,979 --> 00:02:28,106
Barko 'yan ng mga kanluraning engkantado.
23
00:02:28,773 --> 00:02:30,358
Nakikita mo 'yong
simbolong maliit na ibon?
24
00:02:30,942 --> 00:02:32,694
Kilala sila bilang Kanaryo.
25
00:02:34,279 --> 00:02:37,616
Nagpapakita sila pag nasa delikadong
estado na ang piitan.
26
00:02:38,283 --> 00:02:42,329
Misyon nila ang mag-imbestiga
at kontrolin ang mga piitan.
27
00:02:42,829 --> 00:02:46,666
Bali-balita na kinukulit nila
ang Panginoon ng Isla
28
00:02:46,750 --> 00:02:49,002
pero mukhang napilit na nila ngayon.
29
00:02:49,085 --> 00:02:50,879
May pahintulot ba sila?
30
00:02:50,962 --> 00:02:52,964
Teritoryo ito ng matatangkad na tao.
31
00:02:53,840 --> 00:02:55,508
Sanggol lang ang mga lahing
may maiikling buhay
32
00:02:55,592 --> 00:02:57,177
para sa mga engkantado at duwende.
33
00:02:57,802 --> 00:03:01,139
At di magaling makipagnegosasyon
ang Panginoon ng Isla.
34
00:03:01,222 --> 00:03:02,432
Bilisan na natin.
35
00:03:06,478 --> 00:03:07,479
Uy!
36
00:03:08,229 --> 00:03:09,814
Ikaw pala, Shuro.
37
00:03:09,898 --> 00:03:11,107
Namari.
38
00:03:11,733 --> 00:03:12,859
Nasaan si Falin?
39
00:03:16,279 --> 00:03:18,531
Hindi pa rin naman sumusuko sina Laois.
40
00:03:19,157 --> 00:03:20,283
Gano'n ba.
41
00:03:22,494 --> 00:03:24,204
Kumakain ba sila n'ong "alam mo na"?
42
00:03:24,287 --> 00:03:25,330
Oo.
43
00:03:25,872 --> 00:03:28,541
Nandito kami para kausapin
ang Panginoon ng Isla.
44
00:03:28,625 --> 00:03:30,794
Imposible 'yan.
45
00:03:30,877 --> 00:03:33,797
May mga mahahalagang taong dumating
at nag-uusap pa rin sila.
46
00:03:33,880 --> 00:03:36,299
Mga ilang oras na nga.
47
00:03:37,300 --> 00:03:38,301
Huli na tayo.
48
00:03:38,885 --> 00:03:40,095
Pumasok na tayo.
49
00:03:40,178 --> 00:03:41,304
Di puwede.
50
00:03:41,388 --> 00:03:44,432
Pag nakuha ng mga engkantado ang piitan,
katapusan na ng lahat.
51
00:03:45,350 --> 00:03:48,728
Nakinabang din ang bayan ko sa piitan.
52
00:03:50,105 --> 00:03:52,315
Pero isang araw,
nakalabas ang mga halimaw,
53
00:03:52,399 --> 00:03:54,985
dumating ang mga engkantado
at marami ang namatay.
54
00:03:55,694 --> 00:03:58,989
Bakit kailangang mamatay ng pamilya ko?
55
00:03:59,614 --> 00:04:03,368
Pinaghirapang magtrabaho ni Ina
para buhayin ako nang mag-isa.
56
00:04:04,160 --> 00:04:05,996
Di siya dapat namatay nang gano'n lang.
57
00:04:07,205 --> 00:04:10,375
Ayokong mangyari ulit 'yon.
58
00:04:10,458 --> 00:04:13,628
Ang kasalukuyang sistema, kung sa'n
iilang lahi lang ang may kapangyarihan,
59
00:04:13,712 --> 00:04:15,422
ay mapanganib para sa lahat.
60
00:04:21,845 --> 00:04:23,221
Paumanhin sa inyo.
61
00:04:23,305 --> 00:04:26,141
Nandito kami para mag-ulat
sa Panginoon ng Isla.
62
00:04:28,601 --> 00:04:29,519
Ano 'yon?
63
00:04:29,602 --> 00:04:31,771
Nakikita n'yo naman
na may pinag-uusapan pa kami.
64
00:04:31,855 --> 00:04:33,273
Kung puwede, umalis muna kayo.
65
00:04:34,024 --> 00:04:36,526
Tungkol 'to sa kasalukuyang
kondisyon ng piitan.
66
00:04:36,609 --> 00:04:38,069
Pakinggan n'yo sana kami.
67
00:04:40,697 --> 00:04:42,324
Di dapat ako kabahan.
68
00:04:43,950 --> 00:04:45,076
Bilisan n'yo lang.
69
00:04:45,160 --> 00:04:47,954
Nito lang, habang naglalakbay sa piitan,
70
00:04:48,038 --> 00:04:51,458
may nakaengkuwentro kaming tao
na naging halimaw.
71
00:04:51,541 --> 00:04:53,209
-Ano?
-Ano?
72
00:04:53,293 --> 00:04:55,253
Buwisit. Isang Chimera.
73
00:04:55,337 --> 00:04:56,963
Mas mabilis pa 'to kaysa inaasahan natin.
74
00:04:57,047 --> 00:04:58,882
Kita n'yo na? Ano'ng sinabi ko sa inyo?
75
00:04:58,965 --> 00:05:01,634
Wala na tayong oras
para maghintay pa ng sagot!
76
00:05:01,718 --> 00:05:03,303
Utusan mo silang pumunta rito agad!
77
00:05:03,386 --> 00:05:04,512
Wala kang karapatan mag-utos!
78
00:05:04,596 --> 00:05:06,890
Kalma ka lang, tanda.
79
00:05:06,973 --> 00:05:10,769
Walang silbi ang mga harang
kapag buhay na ang nakataya.
80
00:05:10,852 --> 00:05:14,189
Wala kang karapatang itrato akong matanda!
81
00:05:14,272 --> 00:05:16,775
Tansu, hayaan na lang natin sila.
82
00:05:16,858 --> 00:05:17,859
Ano?
83
00:05:17,942 --> 00:05:19,652
Nakakahanga, panginoon ko.
84
00:05:19,736 --> 00:05:21,279
Matalino ka at madaling makisama.
85
00:05:21,363 --> 00:05:23,281
Pakilagay ang selyo mo rito.
86
00:05:23,365 --> 00:05:25,492
'Wag! Di puwede!
87
00:05:25,575 --> 00:05:28,620
Mas lumala lang tuloy.
88
00:05:29,204 --> 00:05:30,288
Kung mayroon lang…
89
00:05:30,955 --> 00:05:33,666
akong kakayahan na pamunuan ang piitan,
90
00:05:33,750 --> 00:05:35,168
wala sanang problema.
91
00:05:35,752 --> 00:05:36,836
Pero wala akong magawa.
92
00:05:37,504 --> 00:05:41,966
Kaya naghanap ako ng paraan
para matulungan ang ibang manlalakbay.
93
00:05:43,301 --> 00:05:47,138
Pero halos lahat sila,
sarili lang ang iniisip.
94
00:05:47,806 --> 00:05:51,893
No'ng nakapagpasiya akong
ayusin ang piitan nang mag-isa,
95
00:05:51,976 --> 00:05:54,771
narinig ko ang usap-usapan
sa magkapatid na Touden.
96
00:05:54,854 --> 00:05:56,898
Galing siguro siya sa mayamang pamilya.
97
00:05:57,482 --> 00:06:00,151
Magaling ang kutob niya,
pero masyado siyang mapagbigay.
98
00:06:00,235 --> 00:06:01,945
Kakaiba rin siya.
99
00:06:02,612 --> 00:06:05,615
Habang tumatagal ang pagmamatyag ko
sa kaniya, mas nagiging kakaiba siya.
100
00:06:05,698 --> 00:06:09,369
Di gano'n kalakas pero nagawa niyang
makarating sa mga mas mababang palapag.
101
00:06:09,452 --> 00:06:12,705
Namimigay ng pera
sa mga taong may masasamang reputasyon.
102
00:06:12,789 --> 00:06:14,165
Ang misteryoso niyang katauhan.
103
00:06:14,249 --> 00:06:16,251
Ang mga kakaiba niyang kasama.
104
00:06:17,377 --> 00:06:19,879
Pero sa kung anumang dahilan,
may kutob ako
105
00:06:19,963 --> 00:06:23,299
na malaki ang papel niya
sa kapalaran ng islang 'to.
106
00:06:23,925 --> 00:06:26,970
Ang tanong ay
kung makabubuti ba 'yon o makasasama.
107
00:06:27,595 --> 00:06:30,598
Gusto ko sana siyang makausap
nang personal para makapagpasiya.
108
00:06:30,682 --> 00:06:33,309
At matapos ko siyang makausap,
kumbinsido na ako.
109
00:06:34,394 --> 00:06:36,646
Mga halimaw lang ang inaalala niya.
110
00:06:36,729 --> 00:06:39,649
Wala siyang pakialam sa kapakanan ng isla.
111
00:06:39,732 --> 00:06:42,443
Di 'to dapat mapunta sa kaniya,
pero isa lang ang sigurado ako.
112
00:06:43,111 --> 00:06:44,112
Sa ngayon,
113
00:06:44,195 --> 00:06:48,032
sa lahat ng matatangkad na tao,
siya ang pinakamalapit sa dulo ng piitan.
114
00:06:48,616 --> 00:06:51,995
Mukhang ito lang ang pagkakataon niya.
115
00:06:52,078 --> 00:06:54,789
Kaya naman, di ko dapat hayaang
mangialam ang mga engkantado.
116
00:06:55,415 --> 00:06:57,584
Saka ko na iisipin ang gagawin sa kaniya.
117
00:06:58,126 --> 00:06:59,669
Pagod na ako sa usapang 'to.
118
00:07:00,211 --> 00:07:01,421
Gawin n'yo ang gusto n'yo.
119
00:07:01,504 --> 00:07:02,422
Panginoon ko!
120
00:07:02,505 --> 00:07:04,007
Utusan na sila na pumarito.
121
00:07:04,090 --> 00:07:05,216
Sandali lang!
122
00:07:05,884 --> 00:07:08,678
Ang hitsura ng piitan,
kapaligiran, at uri ng mga halimaw,
123
00:07:08,761 --> 00:07:10,805
ay malaki ang ipinagbago.
124
00:07:10,889 --> 00:07:12,182
Paiba-iba 'to.
125
00:07:12,265 --> 00:07:14,309
Alam namin lahat 'yan.
126
00:07:14,392 --> 00:07:16,853
Natural lang na mangyari 'yon
dahil lumalaki ang piitan.
127
00:07:16,936 --> 00:07:18,938
Dapat mapigilan natin 'yon agad.
128
00:07:19,022 --> 00:07:21,107
Gaya 'yon sa biglaang paglaki ng tao,
129
00:07:21,691 --> 00:07:23,943
isang hakbang na nangangailangan
ng sustansiya.
130
00:07:24,027 --> 00:07:25,195
Ano'ng sinasabi mo?
131
00:07:25,778 --> 00:07:27,322
Nasira ang bayan ko, may 15 na taon
132
00:07:27,906 --> 00:07:29,991
nang dahil sa piitan.
133
00:07:31,117 --> 00:07:32,827
Utaya ang ngalan ng bayan namin.
134
00:07:32,911 --> 00:07:34,496
Labinlimang taon na?
135
00:07:34,579 --> 00:07:35,455
Ibig sabihin…
136
00:07:35,538 --> 00:07:38,583
Ikaw 'yong batang nakaligtas sa insidente?
137
00:07:38,666 --> 00:07:42,504
Nabalitaan ko na
ang bise komandante ang kumupkop sa 'yo.
138
00:07:42,587 --> 00:07:43,421
Tama 'yon.
139
00:07:43,505 --> 00:07:45,507
Ilang taon akong nasa puder niya.
140
00:07:45,590 --> 00:07:46,424
A.
141
00:07:46,508 --> 00:07:48,968
Inaalagaan ka naman niya yata
pero heto at naging manlalakbay ka.
142
00:07:49,052 --> 00:07:52,597
Pinangarap kong magmilitar
pero di puwede dahil iba ang lahi ko.
143
00:07:53,097 --> 00:07:55,058
Pero gusto ko pa rin makatulong
144
00:07:55,141 --> 00:07:57,393
na maiwasan ng iba
ang sakunang sinapit ng bayan ko.
145
00:07:57,477 --> 00:07:58,895
Kahanga-hanga.
146
00:07:58,978 --> 00:08:00,230
Sapat ba ang kita mo para makakain?
147
00:08:00,313 --> 00:08:02,899
Bisitahin mo naman siya
at kumustahin paminsan-minsan.
148
00:08:02,982 --> 00:08:04,234
At?
149
00:08:05,318 --> 00:08:06,819
Nabanggit mo ang sustansiya.
150
00:08:06,903 --> 00:08:07,987
Ano 'yon?
151
00:08:08,071 --> 00:08:09,239
Ituloy mo.
152
00:08:09,948 --> 00:08:12,242
Salamat sa inyo
153
00:08:12,325 --> 00:08:14,994
dahil agad na nasira ang piitan sa Utaya.
154
00:08:15,578 --> 00:08:19,249
Pero maraming sundalo
at mamamayan ang namatay.
155
00:08:19,332 --> 00:08:21,376
Naging mga halimaw ang patay
156
00:08:21,459 --> 00:08:23,753
at kinain ang mga tao nang buhay.
157
00:08:23,836 --> 00:08:27,257
Nabalitaan ko na maraming sundalo
ang tinambangan mula sa likuran.
158
00:08:27,340 --> 00:08:30,635
Kahit pa na marami kayong susugod,
mauulit lang ang nangyari sa Utaya.
159
00:08:30,718 --> 00:08:33,263
Iminumungkahi ko na ipasara ang piitan.
160
00:08:33,846 --> 00:08:36,391
'Wag na natin 'tong hayaang magpatuloy.
161
00:08:36,474 --> 00:08:41,187
Di n'yo rin gugustuhin
na sirain ang piitan pag sinugod 'to.
162
00:08:41,688 --> 00:08:43,147
Paano ang mga tao sa loob?
163
00:08:43,231 --> 00:08:45,316
Nasa unang palapag ang halos lahat.
164
00:08:46,192 --> 00:08:47,735
Paunti-unti silang palilikasin.
165
00:08:48,444 --> 00:08:50,738
May koneksiyon naman ang lahat.
166
00:08:51,406 --> 00:08:53,741
May mga kilala akong puwedeng tumulong.
167
00:08:54,784 --> 00:08:55,868
Hayaan n'yong ayusin ko 'to!
168
00:08:59,747 --> 00:09:00,915
Itong taong 'to,
169
00:09:00,999 --> 00:09:03,793
kumain siya ng mga halimaw
kahit gano'n na ang nangyari sa kaniya?
170
00:09:07,463 --> 00:09:08,756
Uy, simulan na ang paghahanda.
171
00:09:09,757 --> 00:09:11,551
-Para sa imbestigasyon.
-Ha?
172
00:09:13,261 --> 00:09:15,179
May pinaplano ka naman, di ba?
173
00:09:15,763 --> 00:09:18,016
Dahil pinipilit mo,
tingnan natin ang gagawin mo.
174
00:09:18,641 --> 00:09:21,686
Kung may mangyari man,
magpapadala kami agad ng sundalo.
175
00:09:22,395 --> 00:09:23,438
Malinaw ba?
176
00:09:24,272 --> 00:09:25,106
Oo.
177
00:09:33,740 --> 00:09:35,533
Para ba 'yong binating itlog?
178
00:09:35,617 --> 00:09:36,534
Ha?
179
00:09:36,618 --> 00:09:39,495
Kinompara mo ang mga kaluluwa sa itlog.
180
00:09:40,079 --> 00:09:42,165
Pag pinaghalo ang dalawang kaluluwa,
181
00:09:42,248 --> 00:09:45,668
anong klaseng itlog kaya 'yon?
182
00:09:46,252 --> 00:09:47,128
Halimbawa,
183
00:09:47,211 --> 00:09:51,841
ibang-iba ang binating itlog
sa malasadong itlog.
184
00:09:51,924 --> 00:09:52,842
Makinig ka.
185
00:09:52,925 --> 00:09:54,594
Di ko inihalintulad ang itlog sa kaluluwa
186
00:09:54,677 --> 00:09:57,180
para lang ibahin ang pagkakaintindi mo.
187
00:09:57,263 --> 00:09:58,681
Gano'n ba?
188
00:09:58,765 --> 00:10:02,560
Naisip ko pa naman
na magandang talinghaga 'yon.
189
00:10:02,644 --> 00:10:06,648
Maraming katangian ang itlog.
190
00:10:06,731 --> 00:10:09,484
Halimbawa na lang
ang temperatura ng pamumuo nito.
191
00:10:09,567 --> 00:10:12,070
Sa magkaibang temperatura
namumuo ang puti at burok nito.
192
00:10:12,153 --> 00:10:15,031
Puwede 'tong batihin, gamitin
sa balat, o kaya naman pandikit.
193
00:10:15,114 --> 00:10:17,200
Nakakamangha ang kakayahan nitong humalo.
194
00:10:17,283 --> 00:10:20,870
Kahit pa na magkaiba ang tubig at langis,
195
00:10:20,953 --> 00:10:23,623
napaghahalo pa rin 'to
ng itlog pag tama ang proseso.
196
00:10:23,706 --> 00:10:24,916
Parang ganito.
197
00:10:26,125 --> 00:10:27,043
Buweno…
198
00:10:27,669 --> 00:10:29,420
Tama, bakit ko ba kinompara 'yon sa itlog?
199
00:10:30,004 --> 00:10:32,757
Laios, pakikuha nga ng tinapay riyan.
200
00:10:43,393 --> 00:10:44,602
Luto na!
201
00:10:44,686 --> 00:10:47,313
ISINUAM NA KALULUWANG ITLOG
202
00:10:48,690 --> 00:10:50,817
Paano 'to kinakain?
203
00:10:50,900 --> 00:10:53,319
Gumamit ka ng tinidor at kutsilyo.
204
00:10:53,403 --> 00:10:56,280
Isawsaw mo ang tinapay
sa pula ng itlog at sarsa.
205
00:11:02,036 --> 00:11:04,080
Masarap naman pala.
206
00:11:06,290 --> 00:11:07,583
Izutsumi,
207
00:11:07,667 --> 00:11:10,586
puwede bang 'wag kang
patingin-tingin sa paligid?
208
00:11:10,670 --> 00:11:11,963
O may nakikita ka ba talaga?
209
00:11:12,463 --> 00:11:13,339
Wala naman.
210
00:11:13,423 --> 00:11:16,092
Akala ko may naramdaman ako.
211
00:11:17,135 --> 00:11:17,969
Ano?
212
00:11:18,052 --> 00:11:20,721
Di siguro guni-guni ang nakikita ko!
213
00:11:21,848 --> 00:11:22,723
Ha?
214
00:11:24,058 --> 00:11:26,727
Kasi no'ng isang araw na nagkasakit ako,
215
00:11:26,811 --> 00:11:29,522
nabanggit ko na may mga nakikita
at naririnig ako, di ba?
216
00:11:29,605 --> 00:11:31,357
Nangyayari pa rin 'yon hanggang ngayon.
217
00:11:31,441 --> 00:11:33,651
Hanggang ngayon? Bakit di mo sinabi?
218
00:11:33,734 --> 00:11:36,654
Kasi iisipin niya agad
na nababaliw na ako.
219
00:11:36,737 --> 00:11:38,072
Totoo naman, di ba?
220
00:11:39,115 --> 00:11:40,741
Anong klaseng guni-guni?
221
00:11:43,453 --> 00:11:46,747
May naririnig akong
laging kumakausap sa 'kin.
222
00:11:46,831 --> 00:11:49,750
No'ng una, di ko
maintindihan ang sinasabi.
223
00:11:49,834 --> 00:11:53,129
Pero kalaunan, naging malinaw
na ang boses at sinasabi nito.
224
00:11:53,212 --> 00:11:56,507
Natakot ako kaya di ko pinapansin pero…
225
00:11:56,591 --> 00:11:59,594
Naririnig mo pala ako.
226
00:12:00,970 --> 00:12:02,346
Ano'ng sinabi niya ngayon?
227
00:12:02,889 --> 00:12:05,641
Nadismaya siya na di ko siya pinapansin.
228
00:12:05,725 --> 00:12:07,768
Ligtas bang kausapin siya?
229
00:12:07,852 --> 00:12:09,312
Pakiramdam mo ba masama siya?
230
00:12:09,395 --> 00:12:11,981
Sige. Sasabihin ko pag oo.
231
00:12:13,483 --> 00:12:14,317
Uy.
232
00:12:14,400 --> 00:12:15,985
Ano'ng maitutulong ko?
233
00:12:18,321 --> 00:12:19,572
Ano'ng sinasabi niya?
234
00:12:20,239 --> 00:12:22,909
Nadismaya siya na masama
ang tingin ko sa kaniya.
235
00:12:24,160 --> 00:12:25,203
At saka…
236
00:12:25,870 --> 00:12:29,457
sabi niya, "Di ba kayo magpapasalamat
na niligtas ko kayo sa salamangkero?"
237
00:12:29,540 --> 00:12:30,583
Ha?
238
00:12:31,876 --> 00:12:33,419
Naaalala ko na!
239
00:12:33,503 --> 00:12:36,047
Nangyari nga 'yon, di ba?
240
00:12:36,130 --> 00:12:37,548
Pasalamatan mo siya para sa 'min.
241
00:12:39,133 --> 00:12:41,552
May gusto siyang ipakilala sa 'tin.
242
00:12:41,636 --> 00:12:42,929
Ano'ng gagawin natin?
243
00:12:43,012 --> 00:12:44,764
Siguraduhin niya na di si Kamatayan 'yan.
244
00:12:44,847 --> 00:12:46,933
Wala naman tayong magagawa.
245
00:12:47,016 --> 00:12:50,102
Sige! Ipakilala mo kami sa kaniya!
246
00:13:29,684 --> 00:13:30,643
Ano?
247
00:13:30,726 --> 00:13:32,144
Ang lugar na 'to…
248
00:13:32,687 --> 00:13:34,146
Hoy!
249
00:13:34,230 --> 00:13:36,148
Tumabi kayo!
250
00:13:36,232 --> 00:13:38,734
Isang U… Unicorn!
251
00:13:40,611 --> 00:13:43,531
Kayo, galing ba kayo sa labas?
252
00:13:43,614 --> 00:13:46,409
Hindi, nasa piitan kami at…
253
00:13:46,492 --> 00:13:47,868
Malaking bagay 'to!
254
00:13:47,952 --> 00:13:48,995
Sumama kayo sa 'kin!
255
00:13:56,294 --> 00:13:59,171
Maamo ang mga halimaw.
256
00:13:59,255 --> 00:14:02,508
Inutusan silang 'wag kaming saktan.
257
00:14:03,551 --> 00:14:05,803
Pero iba pag sa inyong mga tagalabas.
258
00:14:06,387 --> 00:14:08,514
Isuot n'yo lang ang mga gamit galing dito.
259
00:14:09,724 --> 00:14:11,809
Izutsumi, ano'ng problema?
260
00:14:11,892 --> 00:14:13,311
Nahilo ka ba sa teleportasyon?
261
00:14:13,394 --> 00:14:15,062
Baka napagod din siya.
262
00:14:16,689 --> 00:14:18,524
'Yan ba ang Ginintuang Kastilyo?
263
00:14:18,608 --> 00:14:19,442
Tama.
264
00:14:20,109 --> 00:14:22,361
Dinala kami rito ng mga multo.
265
00:14:22,445 --> 00:14:24,447
Tagarito ba sila?
266
00:14:24,530 --> 00:14:25,573
Oo.
267
00:14:25,656 --> 00:14:28,910
Pero hayaan n'yong ipaliwanag
ng taong makikilala n'yo ngayon.
268
00:14:28,993 --> 00:14:32,663
Di ko rin maintindihan
kung bakit kayo ang napili.
269
00:14:32,747 --> 00:14:33,915
"Napili"?
270
00:14:35,416 --> 00:14:36,709
Nandito na tayo.
271
00:14:36,792 --> 00:14:37,835
Dito lang muna kayo.
272
00:14:41,047 --> 00:14:43,341
Umalis ang pinuno para sumamba.
273
00:14:46,052 --> 00:14:47,720
-Sila 'yon.
-Ano?
274
00:14:47,803 --> 00:14:48,930
Sila?
275
00:14:50,306 --> 00:14:52,475
Mukhang minalas kayo.
276
00:14:52,558 --> 00:14:56,979
Maglibot muna kayo sa bayan
habang di pa nakakauwi ang pinuno.
277
00:14:57,063 --> 00:15:00,733
Mukhang sabik din naman
ang lahat na alagaan kayo.
278
00:15:00,816 --> 00:15:03,110
Ano kayang magandang ipakita sa inyo?
279
00:15:03,653 --> 00:15:05,237
Wala masyadong maganda rito sa bayan.
280
00:15:05,321 --> 00:15:07,907
Sa Ginintuang Kastilyo ba sila nakatira?
281
00:15:07,990 --> 00:15:09,659
Wala akong makitang matatanda.
282
00:15:10,201 --> 00:15:12,954
Gusto kong makita
kung sa'n nakatago ang mga halimaw.
283
00:15:13,955 --> 00:15:17,249
Gusto kong makita ang kapatagan
na nadaanan natin papunta rito.
284
00:15:17,333 --> 00:15:19,669
Ano? 'Yon ang gusto n'yo?
285
00:15:19,752 --> 00:15:21,879
Sige, dadalhin namin kayo ro'n.
286
00:15:21,963 --> 00:15:23,422
-Ayos!
-Ayos!
287
00:15:24,465 --> 00:15:26,384
Maghihintay lang ako rito.
288
00:15:26,467 --> 00:15:29,095
Di natin puwedeng iwan
na mag-isa si Izutsumi.
289
00:15:29,178 --> 00:15:30,137
Magpapaiwan din ako.
290
00:15:30,221 --> 00:15:32,181
I… Isang Minotaur…
291
00:15:32,765 --> 00:15:33,891
Babae?
292
00:15:35,351 --> 00:15:36,769
Ginagatasang baka namin sila.
293
00:15:36,852 --> 00:15:38,688
Bakit mga halimaw ang gamit n'yo?
294
00:15:38,771 --> 00:15:39,605
Ha?
295
00:15:39,689 --> 00:15:42,149
Mahirap makakuha ng mga normal na hayop.
296
00:15:52,076 --> 00:15:55,287
Ang ganda at halatang inaalagaan 'to.
297
00:15:55,371 --> 00:15:58,374
Nauubos ba ng mga tagarito ang mga tanim?
298
00:15:58,457 --> 00:16:00,876
Ang totoo niyan, maraming nasasayang.
299
00:16:00,960 --> 00:16:04,296
Pero kung wala ang taniman,
wala kaming pagkakaabalahan.
300
00:16:04,380 --> 00:16:07,591
Inaalagaan namin 'to para gayahin
ang pamumuhay namin sa taas.
301
00:16:07,675 --> 00:16:08,759
A!
302
00:16:10,928 --> 00:16:13,180
Izutsumi, ayos ka lang ba?
303
00:16:16,017 --> 00:16:18,436
Mabuti naman at mukhang wala siyang sakit.
304
00:16:19,770 --> 00:16:21,897
A, puwede ka ba naming maistorbo?
305
00:16:24,233 --> 00:16:25,443
Mga bestida?
306
00:16:25,526 --> 00:16:26,527
Mismo!
307
00:16:26,610 --> 00:16:28,279
Gumagawa kami ng mga damit!
308
00:16:28,362 --> 00:16:30,531
Kadalasan, kami-kami lang ang nagbibihisan
309
00:16:30,614 --> 00:16:32,700
pero nakakasawa na kami-kami lang.
310
00:16:33,325 --> 00:16:34,869
Ayos lang sa 'kin.
311
00:16:36,037 --> 00:16:37,329
Ano ang ipapasuot natin?
312
00:16:37,413 --> 00:16:39,206
Maganda siguro 'yong pula.
313
00:16:39,290 --> 00:16:40,332
Pasensiya na,
314
00:16:40,416 --> 00:16:43,419
baka makaluma para sa 'yo ang mga 'yon.
315
00:16:44,045 --> 00:16:45,337
'Wag mong sabihin 'yan.
316
00:16:49,383 --> 00:16:52,344
Di ganito ang inaasahan ko.
317
00:16:52,928 --> 00:16:56,724
Siguro dahil isang milenya na sila rito
kaya nabago na rin ang pananamit nila.
318
00:16:56,807 --> 00:16:58,100
Ito naman ang sunod!
319
00:17:01,562 --> 00:17:02,605
Ang sarap!
320
00:17:02,688 --> 00:17:04,815
Mapili ako sa mga inumin,
321
00:17:04,899 --> 00:17:06,484
pero ayos ang isang 'to.
322
00:17:06,567 --> 00:17:07,818
Ikinalulugod ko.
323
00:17:07,902 --> 00:17:10,029
Pinapainom ko 'yan sa mga orc minsan
324
00:17:10,112 --> 00:17:12,490
at nagustuhan nila ang mga bagong gawa ko.
325
00:17:14,325 --> 00:17:15,326
Ang sarap talaga nito.
326
00:17:15,409 --> 00:17:17,745
Gumagawa ka rin ba ng alak?
327
00:17:17,828 --> 00:17:20,748
Nagsisimula pa lang ako.
328
00:17:20,831 --> 00:17:23,375
Pero kompara sa serbesa
na 400 taon ko nang ginagawa,
329
00:17:23,459 --> 00:17:24,376
medyo nahihirapan ako.
330
00:17:24,460 --> 00:17:25,961
Apat na daang taon?
331
00:17:26,045 --> 00:17:27,713
Ang tagal na ng serbesa mo!
332
00:17:27,797 --> 00:17:29,173
Pang-ilang henerasyon ka na?
333
00:17:29,256 --> 00:17:32,384
Nagsimula ako no'ng 600 taong gulang ako,
kaya ako ang pinakauna.
334
00:17:33,385 --> 00:17:34,386
Gano'n ba.
335
00:17:35,346 --> 00:17:38,140
Pinayagan nila akong gatasan ang Minotaur!
336
00:17:38,224 --> 00:17:39,642
Ayos 'yan.
337
00:17:39,725 --> 00:17:41,268
Sarilihin mo na lang.
338
00:17:41,352 --> 00:17:43,020
Nakakahanga naman!
339
00:17:43,104 --> 00:17:46,774
Nagtagumpay sila na mag-alaga
ng mga halimaw dito!
340
00:17:46,857 --> 00:17:50,569
Tingnan mo na lang
ang malawak na taniman ng Dryad!
341
00:17:50,653 --> 00:17:52,696
May apat na utong sila gaya ng baka!
342
00:17:53,447 --> 00:17:55,199
Parang magkakasakit yata ako.
343
00:17:56,283 --> 00:17:58,828
Ang gandang karanasan naman n'on.
344
00:17:58,911 --> 00:18:00,454
Gatasan ang…
345
00:18:00,538 --> 00:18:02,957
Siya nga pala,
nasa'n sina Marcille at Izutsumi?
346
00:18:03,040 --> 00:18:04,750
Bakit bigla mo silang naisip?
347
00:18:05,417 --> 00:18:07,169
Pa… Pasensiya na sa paghihintay.
348
00:18:11,632 --> 00:18:14,301
Bakit ganiyan ang mga suot n'yo?
Masyado ka namang nawili!
349
00:18:14,385 --> 00:18:15,803
Di sa gano'n!
350
00:18:15,886 --> 00:18:17,805
Gusto nila 'to, di naman kami makatanggi.
351
00:18:18,389 --> 00:18:21,517
Pinili ko nga ang pinakasimple.
352
00:18:21,600 --> 00:18:22,434
HINDI SIMPLE
353
00:18:22,518 --> 00:18:24,687
Marcille…
354
00:18:25,813 --> 00:18:27,148
A… Ano?
355
00:18:29,150 --> 00:18:31,694
Bakit nakayakap si Izutsumi sa 'yo?
356
00:18:31,777 --> 00:18:33,195
'Yan ang tanong mo?
357
00:18:33,279 --> 00:18:35,072
Nagtataka rin ako!
358
00:18:36,657 --> 00:18:39,368
Parang bumalik siya sa pagkabata.
359
00:18:40,244 --> 00:18:41,328
Hmm!
360
00:18:41,412 --> 00:18:42,496
Ayaw!
361
00:18:43,289 --> 00:18:46,709
Maraming harang ang nandito.
362
00:18:46,792 --> 00:18:50,212
Nakakaapekto siguro ang mga 'yon
kay Izutsumi.
363
00:18:50,296 --> 00:18:52,548
Kasi kalahating-halimaw siya?
364
00:18:52,631 --> 00:18:53,465
Oo.
365
00:18:53,549 --> 00:18:57,636
Ngayon pa lang ako nakakita ng harang
na napapaamo ang mga halimaw.
366
00:18:58,929 --> 00:19:01,223
Kung matututuhan ko lang sana 'to.
367
00:19:01,807 --> 00:19:03,559
Pero ang dami kasing simbolo
na di ako pamilyar,
368
00:19:03,642 --> 00:19:04,977
di ko 'yon matututuhan agad-agad!
369
00:19:05,060 --> 00:19:08,856
Lahat na lang ng gusto kong aralin
nitong mga nakaraan, nahihirapan ako!
370
00:19:09,523 --> 00:19:12,234
Pero nakakamangha ang lugar na 'to.
371
00:19:12,818 --> 00:19:16,989
Kung di lang sa sitwasyon ngayon,
gusto ko sanang dito na tumira habambuhay.
372
00:19:18,616 --> 00:19:19,450
Ako rin.
373
00:19:25,456 --> 00:19:27,374
Pasensiya na sa paghihintay.
374
00:19:27,458 --> 00:19:30,753
Kahit na simple lang,
naghanda kami ng makakain n'yo.
375
00:19:30,836 --> 00:19:31,962
Pakisundan ako.
376
00:19:36,800 --> 00:19:38,052
Maligayang pagdating.
377
00:19:38,135 --> 00:19:39,762
Matagal ko na kayong gustong makilala.
378
00:19:39,845 --> 00:19:41,805
Ako si Yaad.
379
00:19:41,889 --> 00:19:45,768
Apo ako ni Delgal,
at mukhang kilala n'yo na siya.
380
00:19:45,851 --> 00:19:47,102
Delgal…
381
00:19:47,186 --> 00:19:48,896
Maupo kayo.
382
00:19:49,480 --> 00:19:53,525
Ikukuwento ko sa inyo
kung bakit ko kayo ipinatawag.
383
00:19:54,443 --> 00:19:55,402
Ipaghanda n'yo sila.
384
00:19:57,738 --> 00:19:59,698
DITA NA MAY GULAY
STEAK NA BUTO-BUTO NG BAKA
385
00:19:59,782 --> 00:20:01,659
ISDANG PATALIM
SINABAWANG PATATAS AT KUNEHO
386
00:20:01,742 --> 00:20:03,911
Anong klaseng karne 'to?
387
00:20:03,994 --> 00:20:07,081
A. Gaya ng hiniling ng grupo n'yo,
388
00:20:07,164 --> 00:20:08,791
karne 'yan ng Minotaur.
389
00:20:11,001 --> 00:20:14,088
Madalas din ba kayong kumakain ng halimaw?
390
00:20:14,588 --> 00:20:18,050
'Yong iba, oo,
pero di naman talaga kami kumakain.
391
00:20:19,385 --> 00:20:21,804
Dahil siguro nawalan na rin kami
ng panlasa,
392
00:20:22,388 --> 00:20:25,224
pero ang totoo niyan,
di na kami nakakaramdam ng gutom.
393
00:20:26,100 --> 00:20:30,771
'Yon ang sumpa ng pagka-imortal
na ibinigay ng baliw na salamangkero.
394
00:20:33,607 --> 00:20:36,068
Bakit 'yon ginawa ng salamangkero?
395
00:20:36,151 --> 00:20:37,528
Walang nakakaalam.
396
00:20:37,611 --> 00:20:39,738
No'ng tumanda na ako't nakakaunawa na,
397
00:20:39,822 --> 00:20:43,284
wala na siya sa tamang katinuan
para makausap nang maayos.
398
00:20:44,910 --> 00:20:47,496
Pero 'wag n'yo kaming alalahanin.
399
00:20:47,579 --> 00:20:49,665
Kumain na kayo.
400
00:20:49,748 --> 00:20:54,586
Di man kami nagugutom
pero natutuwa kami pag may kumakain!
401
00:20:55,170 --> 00:20:59,091
-Di na tuloy ako makatangging kumain!
-Di na tuloy ako makatangging kumain!
402
00:21:01,510 --> 00:21:02,469
Ang lolo ko…
403
00:21:03,095 --> 00:21:08,309
sinisi niya ang sarili niya na pinagtuunan
ng salamangkero ang itim na mahika.
404
00:21:08,392 --> 00:21:10,311
At matagal niyang dinamdam 'yon.
405
00:21:11,312 --> 00:21:14,565
Kalaunan, pumunta siya
sa ibabaw para humingi ng tulong.
406
00:21:16,066 --> 00:21:18,610
Ano'ng pagkakakilala sa lolo ko sa taas?
407
00:21:19,153 --> 00:21:20,779
Ayon sa mga narinig ko,
408
00:21:20,863 --> 00:21:23,741
bigla siyang sumulpot
galing sa libingan malapit sa bayan.
409
00:21:23,824 --> 00:21:25,701
Nagpakilala siya bilang hari
ng nawasak na kaharian
410
00:21:25,784 --> 00:21:29,872
at inalok ang buong kaharian
sa makakatalo sa baliw na salamangkero.
411
00:21:29,955 --> 00:21:31,749
At naging alikabok siya pagkatapos.
412
00:21:31,832 --> 00:21:33,500
Gano'n ba?
413
00:21:34,084 --> 00:21:36,253
Mabuti naman at kahit paano panatag ako
414
00:21:36,337 --> 00:21:38,505
na natapos na ang paghihirap niya.
415
00:21:38,589 --> 00:21:42,634
Marami ang umalis sa bayan
para takasan ang sumpa.
416
00:21:43,260 --> 00:21:45,179
Pero walang nagtagumpay.
417
00:21:45,262 --> 00:21:47,598
Nawalan lang sila ng katawan.
418
00:21:48,223 --> 00:21:51,602
No'ng wala na silang katawan,
unti-unting nawala ang pagkatao nila,
419
00:21:51,685 --> 00:21:55,522
naging kaluluwa sila,
at di na makabalik dito.
420
00:21:56,106 --> 00:21:58,067
Mukhang nakaengkuwentro n'yo 'yong iba.
421
00:21:58,567 --> 00:21:59,401
-Oo!
-Oo!
422
00:21:59,985 --> 00:22:02,154
-Pinaliguan namin ng bendita
-Pinaliguan namin ng bendita
423
00:22:02,237 --> 00:22:03,906
-at ginawang sorbetes!
-at ginawang sorbetes!
424
00:22:03,989 --> 00:22:06,158
Ba… Bakit mo
425
00:22:06,241 --> 00:22:08,535
pala kami inimbitahan dito?
426
00:22:08,619 --> 00:22:09,828
Ang propesiya.
427
00:22:09,912 --> 00:22:10,871
Propesiya?
428
00:22:10,954 --> 00:22:11,789
Oo.
429
00:22:12,581 --> 00:22:15,042
"May darating na may pakpak ang espada
430
00:22:15,125 --> 00:22:19,296
na makakatalo sa baliw na salamangkero
at palalayain kami."
431
00:22:20,005 --> 00:22:21,131
May pakpak?
432
00:22:21,215 --> 00:22:22,549
Si Kensuke kaya 'yon?
433
00:22:22,633 --> 00:22:25,052
May pakpak nga 'to pero…
434
00:22:25,135 --> 00:22:28,180
Ha? May mukha ng leon dito!
435
00:22:28,263 --> 00:22:29,556
Kailan 'to nangyari?
436
00:22:30,390 --> 00:22:32,976
Ang May Pakpak na Leon
ang diyos na nagbabantay sa kaharian.
437
00:22:33,477 --> 00:22:37,147
Kinulong siya ng baliw
na salamangkero sa ilalim ng piitan.
438
00:22:37,731 --> 00:22:42,820
Pero hanggang ngayon, sa panaginip,
may propesiya siya at ginagabayan kami.
439
00:22:42,903 --> 00:22:46,824
Kaya rin umakyat sa taas
ang lolo ko dahil sa propesiya.
440
00:22:48,700 --> 00:22:49,576
Ginoong Laios,
441
00:22:50,285 --> 00:22:51,954
heto ang karugtong ng propesiya.
442
00:22:52,579 --> 00:22:56,959
"Matatalo ng may pakpak na espada
ang baliw na salamangkero
443
00:22:57,543 --> 00:23:00,712
at magiging bagong hari nitong kaharian."
444
00:23:01,547 --> 00:23:03,257
Ibang tao ang tinutukoy n'yo!
445
00:23:03,340 --> 00:23:05,634
Nagkataon lang na napulot niya ang espada!
446
00:23:05,717 --> 00:23:07,052
Di 'yon nagkataon lang.
447
00:23:07,636 --> 00:23:11,640
Bilang nandito ngayon ang espada,
masasabi na nakatadhana talaga 'to.
448
00:23:14,226 --> 00:23:15,227
Ginoong Laios,
449
00:23:15,811 --> 00:23:17,980
maaasahan ka ba namin?
450
00:23:18,564 --> 00:23:20,858
Na matatalo mo ang baliw na salamangkero
451
00:23:20,941 --> 00:23:23,068
at palalayain kami.
452
00:23:24,278 --> 00:23:25,362
Na…
453
00:23:25,445 --> 00:23:26,405
Ano…
454
00:23:31,577 --> 00:23:34,371
Pag-iisipan ko muna 'to.
455
00:23:35,205 --> 00:23:36,748
Tanggihan mo na lang.
456
00:23:36,832 --> 00:23:39,251
Bakit mo ba sila pinapaasa?
457
00:23:39,334 --> 00:23:41,503
Di ko sila basta-basta matanggihan.
458
00:23:41,587 --> 00:23:42,963
Kensuke,
459
00:23:43,046 --> 00:23:45,632
kailan ka pa nagbagong-anyo?
460
00:23:46,258 --> 00:23:49,178
Nangyari siguro no'ng nakita 'to
ng mga Tagalinis ng Piitan.
461
00:23:51,180 --> 00:23:53,473
Sa sobrang kaba ko,
462
00:23:53,557 --> 00:23:56,268
di ko halos natikman ang hinanda nila.
463
00:23:56,977 --> 00:23:58,478
Buwisit ka!
464
00:23:58,562 --> 00:24:01,273
Bakit ka humiling
nang gano'n para sa 'min!
465
00:24:02,149 --> 00:24:04,776
Ang totoo niyan, walang lasa ang mga 'yon.
466
00:24:05,527 --> 00:24:09,031
Nabanggit nilang
di nila kailangang kumain.
467
00:24:09,114 --> 00:24:12,576
Kaya siguro di sila marunong magluto.
468
00:24:13,535 --> 00:24:15,287
Napapaisip ako.
469
00:24:15,871 --> 00:24:19,958
Di nila kailangan ang taniman o pagkain.
470
00:24:20,042 --> 00:24:22,294
Kaya bakit mayro'n sila n'on?
471
00:24:22,377 --> 00:24:28,300
Bakit pa nila 'yon nililinis at inaalagaan
sa loob ng isang milenya?
472
00:24:28,926 --> 00:24:31,929
Do'n siguro nakadepende
473
00:24:32,512 --> 00:24:36,600
ang katinuan at lakas nila para mabuhay.
474
00:24:38,018 --> 00:24:38,852
Laios,
475
00:24:39,394 --> 00:24:44,775
naalala ko ang sinabi mo sa pinuno ng orc.
476
00:24:44,858 --> 00:24:45,692
Ha?
477
00:24:47,069 --> 00:24:48,695
Ano nga ulit 'yon?
478
00:24:48,779 --> 00:24:52,115
Basta, matulog ka na muna.
479
00:24:54,618 --> 00:24:56,453
Puwede bang dito rin ako matulog?
480
00:24:56,536 --> 00:24:58,497
Do'n ka sa kuwartong
hinanda nila para sa 'yo.
481
00:24:58,580 --> 00:25:00,207
Ayokong mag-isa!
482
00:25:00,290 --> 00:25:02,251
Kakaiba rin ang kinikilos ni Izutsumi.
483
00:25:02,334 --> 00:25:03,669
Umusog ka.
484
00:25:03,752 --> 00:25:05,212
Sa sahig ka matulog!
485
00:25:05,295 --> 00:25:07,297
Malamig ang mga kamay niya.
486
00:26:41,016 --> 00:26:45,979
Tagapagsalin ng subtitle: Gizelle Sioco