1
00:00:24,875 --> 00:00:26,666
Kamukha ko ang mga bata.
2
00:00:27,375 --> 00:00:28,708
Sina Cal at Aron.
3
00:00:29,666 --> 00:00:30,875
Hindi ba?
4
00:00:31,875 --> 00:00:36,083
Sa palagay ko'y kamukha sila
ng kanilang ama. O mga ama?
5
00:00:36,583 --> 00:00:38,500
Huwag kang mayabang.
6
00:00:40,125 --> 00:00:41,958
Magaganda sila, kagaya mo.
7
00:00:42,458 --> 00:00:43,875
Iyon ang aking masasabi.
8
00:00:45,666 --> 00:00:47,500
Kagaya ko siguro noon.
9
00:00:48,666 --> 00:00:51,666
Hindi na gaanong nakatutulong
ang koloreta at pulbo.
10
00:00:52,375 --> 00:00:56,541
Mukha ka pa ring kasingbata noong una kang
gumapang tungo sa aming veranda.
11
00:00:58,583 --> 00:01:02,083
Charles, alam mo
kung ano ang gusto ko sa iyo?
12
00:01:02,166 --> 00:01:03,541
Ang iyong katapatan.
13
00:01:04,875 --> 00:01:07,166
Kaya siguro tayo nagkagustuhan.
14
00:01:13,000 --> 00:01:14,750
Di pa nawawala ang aking kagandahan.
15
00:01:15,416 --> 00:01:16,875
May panahon pa ako.
16
00:01:18,333 --> 00:01:19,666
Para saan?
17
00:01:30,875 --> 00:01:32,958
Kailan ka ba magreretiro?
18
00:01:34,458 --> 00:01:36,333
Napakasipag mo.
19
00:01:37,375 --> 00:01:39,250
Karapatan mo ring magpahinga.
20
00:01:41,916 --> 00:01:43,625
Kapag kumita na ako ng sapat.
21
00:01:45,333 --> 00:01:47,250
Huwag mo masyadong tagalan.
22
00:01:47,750 --> 00:01:49,500
Baka matulad ka kay Faye.
23
00:01:51,791 --> 00:01:53,125
Alam mo ang sinabi ni Ethel?
24
00:01:53,208 --> 00:01:55,791
Noong nakita niya si Faye
sa kabaong na nakabukas, aniya...
25
00:01:55,875 --> 00:02:00,458
Aniya, "Aba, kamukha rin ng ibang tao
ang patay na puta."
26
00:02:02,416 --> 00:02:04,000
Nasaan si Ethel?
27
00:02:07,333 --> 00:02:11,625
Ilang buwang hinahanap ngunit di nakikita.
Iyon ay ayon sa iyong tauhan.
28
00:02:12,125 --> 00:02:16,666
Ngunit tuwing hinahanap siya ni Joe,
binibigyan mo ang lalaking iyon ng pera.
29
00:02:17,500 --> 00:02:20,291
Bakit niya hahanapin si Ethel, kung gayon?
30
00:02:23,500 --> 00:02:25,458
Higpitan mo ang turnilyo mo.
31
00:02:27,541 --> 00:02:29,833
Marunong kang magpasunod ng lalaki.
32
00:02:31,458 --> 00:02:32,916
Tandaan mo lamang
33
00:02:33,791 --> 00:02:35,958
ang nilalaman ng iyong tukador.
34
00:02:37,583 --> 00:02:40,875
Papeles ni Joseph Venuta
35
00:02:40,958 --> 00:02:44,833
na tumakas sa sentensiya
dahil sa pagnanakaw sa San Quentin.
36
00:02:57,500 --> 00:03:03,916
IKAPITONG BAHAGI
TIMSHEL
37
00:03:31,791 --> 00:03:34,916
{\an8}HUNYO 1917
38
00:03:40,333 --> 00:03:42,000
Marami ang dumating ngayon.
39
00:03:43,291 --> 00:03:45,916
Doble na ang nagboluntaryo
kumpara noong nakaraang buwan.
40
00:03:46,708 --> 00:03:48,375
Maraming matatapang dito.
41
00:03:49,583 --> 00:03:50,791
Paano ka nakakakain?
42
00:03:51,333 --> 00:03:52,458
Gutom na ako.
43
00:03:52,541 --> 00:03:56,333
Pakiramdam ko'y ako si kamatayan,
at ang pantatak ko ang aking karit.
44
00:03:56,416 --> 00:03:58,541
Hindi mo kasalanang may giyera, Trask.
45
00:03:59,250 --> 00:04:01,625
Pinaglingkod nila tayo
sa lupon ng tagarekluta.
46
00:04:01,708 --> 00:04:02,916
Karangalan ito.
47
00:04:03,416 --> 00:04:06,958
Hindi tayo nagsesentensiya ng kamatayan.
Maaaring hindi nga sila mapasabak.
48
00:04:07,041 --> 00:04:10,333
Ipinasa ko ang anak ng huwes
na si Kendall. Namatay sa giyera ang bata.
49
00:04:13,000 --> 00:04:16,125
Matagal ko nang iniisip
ang pakiramdam kapag anak ko na iyon.
50
00:04:16,208 --> 00:04:17,666
Ako'y magbibitiw.
51
00:04:18,166 --> 00:04:20,541
Nakatutukso ngang ibagsak
ang sariling anak.
52
00:04:21,041 --> 00:04:24,958
Hindi, ako'y magbibitiw
'pagkat hindi ko sila kayang ibagsak.
53
00:04:26,125 --> 00:04:28,750
Di maaaring magpasok ng iba,
habang hinahayaan ang anak mo.
54
00:04:33,708 --> 00:04:34,708
Bueno...
55
00:04:35,375 --> 00:04:37,500
Kapag nasa tamang edad na
ang ating mga anak,
56
00:04:37,583 --> 00:04:38,666
tapos na ang giyera.
57
00:04:38,750 --> 00:04:40,791
Oo, hayaan mo lang ang tropang lumaban.
58
00:04:41,291 --> 00:04:44,541
Ang isang Amerikano'y katumbas
ng 10 o 20 ng mga dayuhan sa labanan.
59
00:04:48,708 --> 00:04:50,625
Tapos na ba ang eksamen niya?
60
00:04:50,708 --> 00:04:51,583
Hindi pa.
61
00:04:55,875 --> 00:04:57,250
Ano ang iyong binabasa?
62
00:04:59,375 --> 00:05:01,458
- Presyo ng munggo.
- A.
63
00:05:09,833 --> 00:05:10,916
Abra!
64
00:05:14,125 --> 00:05:15,000
Ano?
65
00:05:16,375 --> 00:05:17,541
A,
66
00:05:17,625 --> 00:05:18,958
pumasa ako.
67
00:05:20,625 --> 00:05:22,291
Ano ang iyong masasabi, Cal?
68
00:05:22,375 --> 00:05:26,541
Paalis na ako nang iabot ni O'Leary
ang kaniyang kamay at sinabing
69
00:05:26,625 --> 00:05:30,250
"Itayo mo ang ating bandila sa Stanford."
Magtatapos na ako sa isang linggo.
70
00:05:30,333 --> 00:05:32,541
Nagyayayang kumain sa labas si Ama mamaya.
71
00:05:32,625 --> 00:05:35,166
- Paano niya nalamang ako'y papasa?
- Alam ng lahat iyon.
72
00:05:35,250 --> 00:05:36,583
Kailan mo sasabihin kay Ama?
73
00:05:36,666 --> 00:05:38,416
Marahil pag-uwi ko.
74
00:05:38,500 --> 00:05:40,625
Sayang, hindi ko makikita
ang kaniyang hitsura.
75
00:05:40,708 --> 00:05:42,000
Bakit? Saan ka pupunta?
76
00:05:42,083 --> 00:05:43,250
Mayroon akong pulong.
77
00:05:43,333 --> 00:05:45,458
Pulong? Anong uri ng pulong?
78
00:05:45,541 --> 00:05:47,250
May sikreto si Cal. Hayaan mo siya.
79
00:05:47,333 --> 00:05:49,083
Kaya ko siguro siyang paaminin.
80
00:05:49,166 --> 00:05:50,958
Ina ko, ni ayaw niyang sabihin sa akin.
81
00:05:51,041 --> 00:05:53,416
Cal. Aron. Kakain na!
82
00:05:53,916 --> 00:05:56,333
Kapag namatay ang batang ipinasok ko,
83
00:05:56,416 --> 00:05:57,708
kasalanan ko ba iyon?
84
00:05:58,416 --> 00:05:59,958
Kusa silang sumasapi.
85
00:06:00,041 --> 00:06:02,625
Ngunit hindi nila alam
kung ano ang pinapasok nila.
86
00:06:03,625 --> 00:06:05,875
Cal, pakitawag nga ang iyong kapatid.
87
00:06:05,958 --> 00:06:09,500
Ang alam ko'y kakain sina Aron
at ang pamilya ni Abra sa labas.
88
00:06:10,000 --> 00:06:13,375
Wala siyang sinabi.
Nagluto ako ng sabaw ng upo.
89
00:06:13,458 --> 00:06:17,875
Palagi kong naiisip ang huling pagpunta
ni Sam Hamilton sa rantso.
90
00:06:17,958 --> 00:06:21,500
Mayroon tayong napag-usapang salita
mula sa Biblia. Cain at Abel, di ba?
91
00:06:21,583 --> 00:06:22,583
Ang kakayahang pumili.
92
00:06:22,666 --> 00:06:24,208
- Timshel.
- Timshel.
93
00:06:24,708 --> 00:06:26,375
- Tama.
- Ano iyon?
94
00:06:27,166 --> 00:06:30,750
Salitang Hebreo.
Ang ibig sabihi'y "Maaari."
95
00:06:31,250 --> 00:06:34,125
Ibig sabihi'y maaaring pumili
ang tao kung ano ang gagawin niya,
96
00:06:34,208 --> 00:06:37,541
at may karapatan siyang pumili
ng sarili niyang pagkatao.
97
00:06:39,666 --> 00:06:40,833
Mukhang malungkot iyon.
98
00:06:42,375 --> 00:06:44,166
Maraming magandang bagay ang malungkot.
99
00:06:44,666 --> 00:06:47,000
- Cal, hiniram ko ang iyong pabango.
- Naaamoy ko nga.
100
00:06:47,083 --> 00:06:49,000
Aron, niluto ko ang paborito mo.
101
00:06:49,083 --> 00:06:51,125
Ipagtabi n'yo ako. Mamaya ko kakainin.
102
00:06:52,791 --> 00:06:54,500
Wala nang oras para humigop ng sabaw?
103
00:06:54,583 --> 00:06:57,416
Di ko siya masisisi
kung nais niyang magdiwang. Mahirap iyon.
104
00:06:57,500 --> 00:06:59,041
Magdiwang? Ano ang okasyon?
105
00:07:03,375 --> 00:07:04,208
Ano iyon?
106
00:07:04,791 --> 00:07:08,458
Pumasa si Aron sa eksamen
para sa kolehiyo. Maaga siyang magtatapos.
107
00:07:10,791 --> 00:07:12,000
Hindi niya sinabi sa iyo?
108
00:07:14,416 --> 00:07:16,250
A, oo, iyong eksamen.
109
00:07:16,750 --> 00:07:19,250
Sinabi niya kanina. Mahusay nga.
110
00:07:21,541 --> 00:07:23,041
Hindi niya pa alam kanina.
111
00:07:26,750 --> 00:07:27,708
Paumanhin.
112
00:07:37,625 --> 00:07:39,916
Nabusog ka ba sa baka, kapatid?
113
00:07:40,791 --> 00:07:42,875
Paano mo iyon nagawa sa kaniya?
114
00:07:43,958 --> 00:07:45,708
Ako'y hinintay mo pa talaga.
115
00:07:45,791 --> 00:07:48,541
Ipinahiya mo ang iyong ama.
Siya pa ang huling nakaalam.
116
00:07:48,625 --> 00:07:52,208
Bakit ka ba nagagalit?
Ikaw na itong nagmukhang mabuting anak.
117
00:07:52,291 --> 00:07:53,125
Magpakasaya ka na.
118
00:07:53,750 --> 00:07:54,583
Cal?
119
00:07:55,958 --> 00:07:57,041
Matulog ka na.
120
00:08:01,833 --> 00:08:03,500
Wala ka talagang pakialam, ano?
121
00:08:03,583 --> 00:08:04,541
Cal!
122
00:08:13,208 --> 00:08:14,541
Bakit ba galit na galit siya?
123
00:08:14,625 --> 00:08:16,625
Huwag kang magtanga-tangahan. Hindi bagay.
124
00:08:18,708 --> 00:08:21,333
Napakalupit mo
para hindi sabihin sa iyong ama.
125
00:08:22,708 --> 00:08:24,625
Hindi ganiyan ang inaasahan ko sa iyo.
126
00:08:27,166 --> 00:08:28,166
Sawang-sawa na ako.
127
00:08:28,666 --> 00:08:29,583
Saan?
128
00:08:32,208 --> 00:08:34,375
Walang nakamit sa buhay si Ama
129
00:08:34,458 --> 00:08:36,416
kaya ako ang itinutulak niya.
130
00:08:38,375 --> 00:08:40,375
Akin ang tagumpay na ito.
131
00:08:40,875 --> 00:08:42,250
Nagsumikap ako.
132
00:08:42,333 --> 00:08:43,708
Bakit kailangan kong ibahagi?
133
00:08:43,791 --> 00:08:47,291
Kapag nag-uumapaw ang ating biyaya,
maaari tayong magbigay sa iba.
134
00:08:54,416 --> 00:08:55,791
Kung narito ang aking ina,
135
00:08:55,875 --> 00:08:58,041
pipilitin ba ako ni Ama
na gawin ang nais niya?
136
00:09:06,250 --> 00:09:07,416
Puntahan mo siya.
137
00:09:07,500 --> 00:09:09,458
Hayaan mong ipagmalaki ka niya.
138
00:09:18,333 --> 00:09:19,291
Ama?
139
00:09:21,916 --> 00:09:23,916
Pumasa ho ako sa eksamen para sa kolehiyo.
140
00:09:24,583 --> 00:09:28,208
Makakapasok ako
sa Leland Stanford sa taglagas.
141
00:09:28,291 --> 00:09:31,458
Di sila naniningil ng matrikula.
Upa at pagtira lang ang babayaran.
142
00:09:36,208 --> 00:09:37,125
Halika rito.
143
00:09:48,541 --> 00:09:50,958
Noong ako'y kaedad mo,
144
00:09:51,875 --> 00:09:53,083
umalis ako sa amin.
145
00:09:54,708 --> 00:09:56,541
At matagal akong nagpakalayo-layo.
146
00:09:57,041 --> 00:09:58,000
Masyadong matagal.
147
00:10:01,875 --> 00:10:02,750
Sana...
148
00:10:04,000 --> 00:10:06,041
Sana ay nararamdaman mong
149
00:10:06,583 --> 00:10:09,916
mayroon kang tahanang mauuwian dito.
150
00:10:17,833 --> 00:10:20,541
Sa aking ama iyan. Sa iyo na ngayon.
151
00:10:21,916 --> 00:10:23,375
Nang masubaybayan mo ang oras.
152
00:10:39,333 --> 00:10:43,500
{\an8}OKTUBRE 1917
153
00:10:44,250 --> 00:10:48,333
"Mahal kong Abra, umasa akong
makahahanap ako ng mga kaibigan dito.
154
00:10:49,166 --> 00:10:51,875
"Ngunit wala palang pinagkaiba
ang Unibersidad ng Stanford
155
00:10:51,958 --> 00:10:54,333
"sa grupo ng mga binatang
marurumi ang salawal
156
00:10:54,416 --> 00:10:57,458
"na sabik na sabik na matutunan
ang bisyo ng kanilang mga ama."
157
00:11:00,791 --> 00:11:02,791
Tila hindi siya masaya.
158
00:11:02,875 --> 00:11:05,958
Mataas ang pamantayan ni Aron
para sa kaniyang sarili at sa iba.
159
00:11:06,041 --> 00:11:08,333
Mahirap ang buhay kapag ganoon.
160
00:11:08,833 --> 00:11:11,625
Minsan, ikinatatakot kong
baka hindi ako sapat para sa kaniya.
161
00:11:12,708 --> 00:11:14,333
Bakit mo nasabi iyan?
162
00:11:16,250 --> 00:11:20,416
Sa kaniyang mga liham,
tila hindi ako ang sinusulatan niya.
163
00:11:21,166 --> 00:11:24,333
Tila nag-imbento siya ng tao
na dinamitan niya ng aking balat.
164
00:11:28,166 --> 00:11:31,000
Anong klaseng Abra ang kaniyang inimbento?
165
00:11:31,583 --> 00:11:32,583
Dalisay.
166
00:11:33,916 --> 00:11:35,500
Dalisay, at wala nang iba.
167
00:11:36,416 --> 00:11:38,083
Walang angking kasamaan.
168
00:11:38,958 --> 00:11:41,416
- Hindi ako ganoon.
- Walang taong ganoon.
169
00:11:42,875 --> 00:11:45,416
Paano kapag may nakita siya sa aking
hindi mabuti?
170
00:11:46,208 --> 00:11:49,541
Paano kung ako'y nagalit? O nangamoy?
171
00:11:50,750 --> 00:11:53,416
Sa palagay ko, dahil di nakilala ni Aron
ang kaniyang ina,
172
00:11:53,500 --> 00:11:56,583
nag-imbento siya ng inang taglay
ang lahat ng kabutihang naisip niya.
173
00:11:57,083 --> 00:11:59,250
Ibinuhos niya ang lahat ng iyon sa akin.
174
00:11:59,333 --> 00:12:00,916
At nais mong iharap ang totoo.
175
00:12:01,666 --> 00:12:05,000
Hindi ba mas maganda iyon?
Na magpakatotoo ako?
176
00:12:05,083 --> 00:12:08,416
Duwag ang kaharap mo, Abra.
Hindi ako ang dapat mong tanungin.
177
00:12:10,833 --> 00:12:14,083
Sa palagay mo ba, may magmamahal
sa tunay kong pagkatao?
178
00:12:17,666 --> 00:12:21,041
- Alam mo ang aking ipinagdarasal?
- Na huwag akong dumaldal?
179
00:12:23,500 --> 00:12:25,208
Na sana ay naging anak kita.
180
00:12:31,208 --> 00:12:32,541
Sana ikaw ang aking ama.
181
00:12:43,208 --> 00:12:44,791
- Narito na ba si Ama?
- Wala pa.
182
00:12:45,291 --> 00:12:46,166
Mabuti.
183
00:12:46,958 --> 00:12:47,875
Para sa iyo.
184
00:12:53,291 --> 00:12:55,125
Sinabi ko nang ayaw ko ng interes.
185
00:12:55,208 --> 00:12:56,166
Mas mainam ito.
186
00:12:57,208 --> 00:12:59,125
Malay mo, hiramin ko ulit iyan bukas.
187
00:12:59,625 --> 00:13:00,958
Ano ang inyong pinag-uusapan?
188
00:13:01,041 --> 00:13:03,375
Pumarito ka sa Araw ng Pasasalamat
nang malaman mo.
189
00:13:03,458 --> 00:13:05,791
Bakit? Ano ang mangyayari?
190
00:13:05,875 --> 00:13:08,458
Huwag mo na lang personalin.
Di niya rin sinasabi sa min.
191
00:13:08,541 --> 00:13:10,666
Cal, ibaba ang paa.
192
00:13:10,750 --> 00:13:13,041
Mauuna na ako. Hinihintay na ako ni Ina.
193
00:13:13,125 --> 00:13:14,333
Cal, ihatid mo siya.
194
00:13:14,916 --> 00:13:15,958
Hindi na ho kailangan.
195
00:13:16,041 --> 00:13:17,416
Dumidilim na. Cal?
196
00:13:17,500 --> 00:13:18,875
Sige na nga.
197
00:13:34,125 --> 00:13:35,000
Cal?
198
00:13:36,541 --> 00:13:38,000
Ayos lang ba si Aron?
199
00:13:38,750 --> 00:13:40,958
Tila iba siya sa kaniyang mga liham.
200
00:13:43,833 --> 00:13:46,250
Ayaw kong makarinig
tungkol sa inyong sulatan.
201
00:13:51,750 --> 00:13:52,958
Totoo ba iyon?
202
00:13:53,666 --> 00:13:55,416
Iyong sinasabi nila tungkol sa iyo?
203
00:13:57,250 --> 00:13:58,541
Ano ba ang sinasabi nila?
204
00:13:59,458 --> 00:14:00,708
Na ika'y masama?
205
00:14:01,666 --> 00:14:05,250
Na lumalabas ka sa gabi
at pumupunta sa masasamang lugar.
206
00:14:09,041 --> 00:14:10,041
Ano naman?
207
00:14:17,666 --> 00:14:19,208
Di rin ako mabuting tao.
208
00:14:23,875 --> 00:14:25,041
Baliw ka.
209
00:14:25,541 --> 00:14:27,125
Sa palagay ko'y hindi.
210
00:14:30,708 --> 00:14:33,000
Hindi bale. Aayusin iyan ni Aron.
211
00:14:33,500 --> 00:14:35,333
Paano kung ayaw kong ayusin niya?
212
00:14:38,791 --> 00:14:39,833
Nakarating ka na.
213
00:14:44,083 --> 00:14:45,833
Bubuksan ko ba ang pinto para sa iyo?
214
00:14:46,833 --> 00:14:47,708
Huwag na.
215
00:15:07,833 --> 00:15:09,333
Alam mo kung ano ang naiisip ko?
216
00:15:10,583 --> 00:15:12,541
Nawawalan ka na ng awtoridad.
217
00:15:13,041 --> 00:15:14,250
Masdan mo si Joe.
218
00:15:14,750 --> 00:15:16,541
Nakikipaglandian sa kanila.
219
00:15:17,125 --> 00:15:19,000
Akala niya'y siya ang amo.
220
00:15:19,500 --> 00:15:22,291
Malamang, ninanakawan ka rin niya.
221
00:15:23,125 --> 00:15:24,791
Kinukupitan ka.
222
00:15:26,208 --> 00:15:29,250
Ikaw ba ang may-ari rito o hindi?
223
00:15:32,375 --> 00:15:33,375
Joe.
224
00:15:34,250 --> 00:15:35,166
Mag-usap tayo.
225
00:15:43,916 --> 00:15:45,375
Nawawalan ka na ng kontrol.
226
00:15:45,458 --> 00:15:46,750
Sino ang nagsabi?
227
00:15:47,875 --> 00:15:49,708
Trabaho mong disiplinahin sila.
228
00:15:49,791 --> 00:15:52,750
Kung hindi ka maaasahan doon,
maghahanap ako ng ibang gagawa.
229
00:15:53,333 --> 00:15:54,541
E, ikaw?
230
00:15:55,458 --> 00:15:58,750
Laging nagtatago sa silid.
Nakikinig sa tugtugin.
231
00:15:59,333 --> 00:16:01,333
Kailan ka huling lumabas ng bahay?
232
00:16:01,416 --> 00:16:03,958
Panay ang utos mo sa kanila.
Ginawa mo na silang utusan.
233
00:16:04,041 --> 00:16:06,958
- Dahil lagi kang wala.
- Dahil may iba akong ginagawa.
234
00:16:07,041 --> 00:16:09,208
- Anong iba?
- Si Ethel.
235
00:16:10,250 --> 00:16:12,125
Marahil kailangan na nating itigil iyon.
236
00:16:12,208 --> 00:16:14,791
Lagi kang walang balita,
naaaksaya ang oras mo at pera ko.
237
00:16:14,875 --> 00:16:18,291
Mayroon akong naulinigan sa Santa Cruz
noong nakaraang linggo.
238
00:16:18,375 --> 00:16:21,125
A, katawa-tawa.
Bakit ngayon mo lang nabanggit?
239
00:16:21,208 --> 00:16:23,125
Hindi ako tiyak na mahalaga iyon.
240
00:16:23,208 --> 00:16:26,125
May nakapagsabing nakita niya si Ethel
noong nakaraang buwan.
241
00:16:26,208 --> 00:16:29,208
Panay pa nga ang banggit ni Ethel
na babalik siya sa Salinas.
242
00:16:29,791 --> 00:16:31,375
Dahil mayroon siyang ebidensiya.
243
00:16:32,375 --> 00:16:34,541
Di na siya nakita pagkatapos noon,
244
00:16:34,625 --> 00:16:36,791
kaya naisip no'ng tao
na nakabalik na siya rito.
245
00:16:39,125 --> 00:16:43,291
Balak ko iyong usisain,
ngunit maaari ko namang hayaan na lang.
246
00:16:49,333 --> 00:16:50,458
Joe...
247
00:16:52,666 --> 00:16:56,833
Katawa-tawa. Nagkamali lang ako.
248
00:16:56,916 --> 00:17:00,958
Hindi pala ninakaw ni Ethel ang $100.
Wala pala siyang ninakaw.
249
00:17:02,750 --> 00:17:03,750
Kaawa-awang babae.
250
00:17:04,791 --> 00:17:07,291
Gagaan ang aking loob
kung makakabawi ako sa kaniya.
251
00:17:07,375 --> 00:17:11,291
Sa palagay mo,
maaari ka bang magtanong-tanong?
252
00:17:11,791 --> 00:17:12,750
Dalhin mo siya rito?
253
00:17:12,833 --> 00:17:14,625
Kailangan pa ng pondo iyon.
254
00:17:16,875 --> 00:17:18,416
Kahit ano ang iyong kailangan.
255
00:17:30,708 --> 00:17:32,541
Sino ang lumalaro rito?
256
00:17:33,666 --> 00:17:36,083
Bibigyan mo lang siya
nang bibigyan ng pera?
257
00:17:38,875 --> 00:17:42,583
Ano pa nga ba?
Hindi maaaring dumaldal si Ethel.
258
00:17:42,666 --> 00:17:45,041
Ano ang iyong gagawin
pag nahanap niya si Ethel?
259
00:17:45,125 --> 00:17:47,708
Marahil magretiro na ako nang maaga.
Magpapasilangan.
260
00:17:48,375 --> 00:17:49,333
Marahil sa New York.
261
00:17:49,416 --> 00:17:51,666
Paano si Ethel?
262
00:17:54,083 --> 00:17:56,375
Maaari siyang sumama't maging katulong ko.
263
00:17:59,708 --> 00:18:04,166
Bibili ako ng malaking bahay
sa lugar na walang nakakakilala sa akin.
264
00:18:04,250 --> 00:18:05,125
Magsisimulang muli.
265
00:18:05,208 --> 00:18:07,916
At magiging maayos ang lahat
hanggang magsalita siya.
266
00:18:08,416 --> 00:18:10,125
Kailangang burahin ang problema.
267
00:18:10,208 --> 00:18:11,750
Iyon ang sinisikap kong gawin.
268
00:18:11,833 --> 00:18:14,041
Hanapin mo si Ethel at tapusin mo na siya.
269
00:18:14,125 --> 00:18:14,958
Nauunawaan mo?
270
00:18:15,041 --> 00:18:17,250
Hindi mo ako maaaring utusan!
271
00:18:17,333 --> 00:18:20,708
Hindi ako mauutusan
ng kahit sinong lalaki, kahit ikaw!
272
00:18:26,250 --> 00:18:27,208
Cathy...
273
00:18:30,541 --> 00:18:33,125
Batid mong kinakausap mo
ang iyong sarili, hindi ba?
274
00:18:39,166 --> 00:18:40,875
O nakalimot ka na ba?
275
00:18:46,125 --> 00:18:47,041
Ina ko.
276
00:19:03,500 --> 00:19:05,708
Ngayon, ano ang iyong gagawin?
277
00:19:09,750 --> 00:19:11,375
Burahin ang problema.
278
00:19:13,541 --> 00:19:15,125
Ganiyan ang aking Cathy.
279
00:19:22,375 --> 00:19:24,333
Ano na kaya ang hitsura niya ngayon?
280
00:19:24,958 --> 00:19:26,750
Ilang buwan pa lang naman.
281
00:19:27,250 --> 00:19:28,625
Akala ko'y hindi ako aabot.
282
00:19:28,708 --> 00:19:29,750
Abra!
283
00:19:33,833 --> 00:19:34,791
Narito ka na.
284
00:19:35,291 --> 00:19:37,041
- Maligayang pagbabalik.
- Napakapogi.
285
00:19:37,125 --> 00:19:38,583
Salamat po, Ama.
286
00:19:39,875 --> 00:19:41,000
Ganoon naman lahat.
287
00:19:41,083 --> 00:19:43,250
- Batiin mo ang iyong kapatid.
- Kumusta?
288
00:19:43,333 --> 00:19:44,291
Tayo na.
289
00:19:44,375 --> 00:19:45,833
Tumangkad siya.
290
00:19:45,916 --> 00:19:47,958
Tayo na. Salamat, nakauwi rin ako.
291
00:19:51,333 --> 00:19:53,125
Isara mo ang pinto. Papasok si Ama.
292
00:19:53,666 --> 00:19:56,833
Regalo? Hindi pa pasko, a. Ano ba iyan?
293
00:19:58,250 --> 00:19:59,625
Ano iyang itinatago mo?
294
00:20:01,166 --> 00:20:02,458
Makikita mo bukas.
295
00:20:03,625 --> 00:20:05,291
Napakaraming sikreto.
296
00:20:10,583 --> 00:20:13,166
Nag-iiba ang hitsura ng lugar
pag matagal kang nawala.
297
00:20:15,458 --> 00:20:16,625
Di ko pa naranasan iyan.
298
00:20:22,583 --> 00:20:26,208
Ano sa palagay mo ang sasabihin ni Ama
pag sinabi kong di na ako mag-aaral?
299
00:20:27,125 --> 00:20:28,041
Ano ang problema?
300
00:20:28,541 --> 00:20:29,416
Ano lang...
301
00:20:30,416 --> 00:20:32,541
Hindi ganoon ang aking inaasahan.
302
00:20:33,041 --> 00:20:34,291
Ano ang plano mo?
303
00:20:35,791 --> 00:20:38,583
Tanda mo iyong naisip mong
patatakbuhin mo ang rantso?
304
00:20:40,041 --> 00:20:41,416
Walang pera sa pagsasaka.
305
00:20:41,500 --> 00:20:43,083
Di ko kailangan ng maraming pera.
306
00:20:43,583 --> 00:20:45,041
Ganito na lang.
307
00:20:45,125 --> 00:20:48,625
Kapag nagtuloy ka ng pag-aaral,
mag-uumpisa ako ng negosyo natin.
308
00:20:48,708 --> 00:20:52,208
Nang sa gayon, pagkatapos mong mag-aral,
magiging magkasosyo tayo.
309
00:20:52,291 --> 00:20:55,208
Bakit di na lang ngayon?
Bakit kailangan ko pang mag-aral?
310
00:20:56,125 --> 00:20:57,708
Dahil mapapasaya mo si Ama.
311
00:21:00,500 --> 00:21:01,958
Buhay ko ito.
312
00:21:03,625 --> 00:21:05,000
Hindi na ako babalik, Cal.
313
00:21:06,041 --> 00:21:08,416
Aron, iba na ang panahon ngayon.
314
00:21:08,500 --> 00:21:10,500
Wala nang mararating kapag di nakatapos.
315
00:21:10,583 --> 00:21:12,291
Kaya mahalagang makatapos ka.
316
00:21:12,375 --> 00:21:14,958
Ngunit ni hindi ko alam
ang nais kong tapusing kurso.
317
00:21:15,041 --> 00:21:19,083
Kaya ka nasa unibersidad.
Upang malaman kung ano ang hilig mo.
318
00:21:19,166 --> 00:21:21,250
Nakikita mo? Tama ang iyong pinili.
319
00:21:21,333 --> 00:21:24,333
Paano mo nalamang tama iyon
kung wala pa akong ibang nasusubukan?
320
00:21:24,416 --> 00:21:26,375
Alam mo ba kung gaano ka kasuwerte?
321
00:21:26,458 --> 00:21:29,666
Pinag-uusapan na nilang ibaba sa 18
ang edad ng pagpapasundalo.
322
00:21:29,750 --> 00:21:31,833
Maaari kang patigilin
at piliting magsundalo.
323
00:21:31,916 --> 00:21:33,166
Nagmadali akong pumarito.
324
00:21:33,250 --> 00:21:35,458
- Huli na ba ako sa usapan?
- Hindi naman.
325
00:21:35,958 --> 00:21:38,833
Pinag-uusapan namin
ang halaga ng pag-aaral.
326
00:21:43,291 --> 00:21:44,125
Ama?
327
00:21:47,708 --> 00:21:48,916
Ano ito?
328
00:21:50,666 --> 00:21:51,583
Isang regalo.
329
00:21:52,208 --> 00:21:53,875
Para sa akin? Bakit?
330
00:21:54,375 --> 00:21:55,208
Buksan ninyo.
331
00:21:57,625 --> 00:21:58,791
Ano kaya ito?
332
00:21:58,875 --> 00:22:01,000
Isang panyo. Hindi, kurbata.
333
00:22:01,583 --> 00:22:03,041
Kurbata iyan.
334
00:22:07,791 --> 00:22:10,833
Nagpakuha pa sila
ng tig-$1,000 sa San Francisco.
335
00:22:19,083 --> 00:22:20,250
Saan mo ito nakuha?
336
00:22:21,791 --> 00:22:22,791
Kinita ko ho.
337
00:22:23,875 --> 00:22:26,666
Nang mabawi ninyo ang nalugi sa litsugas.
338
00:22:28,791 --> 00:22:29,916
Kinita mo?
339
00:22:30,000 --> 00:22:32,375
Sumugal kami ni Will Hamilton sa munggo.
340
00:22:32,458 --> 00:22:36,250
Tumaas ang presyo dahil sa giyera,
at kumita kami ng halos apat na beses.
341
00:22:38,875 --> 00:22:41,291
Kinse mil ho iyan.
342
00:22:41,791 --> 00:22:44,416
Sa inyo na.
Upang mabawi ang nawala sa inyo.
343
00:22:49,375 --> 00:22:50,583
Isauli mo iyan.
344
00:22:51,916 --> 00:22:52,875
Kanino ko isasauli?
345
00:22:52,958 --> 00:22:54,916
Sa mga magsasakang ninakawan ninyo?
346
00:22:55,541 --> 00:22:59,541
Hindi namin sila ninakawan. Binayaran sila
ng mas mataas kaysa sa presyo sa merkado.
347
00:22:59,625 --> 00:23:01,708
Nagpapadala ako ng mga bata sa giyera.
348
00:23:02,208 --> 00:23:06,000
Inilalagda ko ang aking ngalan,
at ipinadadala ko sila roon.
349
00:23:06,083 --> 00:23:07,666
Mamamatay ang iba sa kanila.
350
00:23:08,166 --> 00:23:10,083
Ang iba'y masasaktan nang husto.
351
00:23:10,166 --> 00:23:12,458
Walang uuwing hindi sugatan.
352
00:23:12,541 --> 00:23:15,916
Sa palagay mo,
matatanggap ko ang kinita mula roon?
353
00:23:17,375 --> 00:23:20,166
Pakiusap, Ama.
Ginawa ko iyon para sa inyo.
354
00:23:20,250 --> 00:23:22,166
Hindi ko gusto iyan!
355
00:23:24,791 --> 00:23:25,791
Bueno, sige.
356
00:23:27,375 --> 00:23:28,875
Itatabi ko para sa inyo.
357
00:23:29,791 --> 00:23:30,916
- Itatabi ko.
- Cal.
358
00:23:31,000 --> 00:23:33,041
- Magbabago ang isip ninyo.
- Cal.
359
00:23:33,625 --> 00:23:36,333
- Magbabago ang...
- Tumigil ka na. Tingnan mo ako.
360
00:23:36,916 --> 00:23:39,083
Hinding-hindi ko tatanggapin iyan.
361
00:23:41,416 --> 00:23:43,875
Mas magiging masaya ako
362
00:23:45,041 --> 00:23:47,875
kung ibinigay mo na lang
ang ibinigay ng iyong kapatid.
363
00:23:48,791 --> 00:23:50,333
Ang dangal sa kaniyang ginagawa.
364
00:23:50,916 --> 00:23:52,458
Kasiyahan sa kaniyang pag-usad.
365
00:23:52,541 --> 00:23:54,541
Hinding-hindi iyon matutumbasan ng salapi.
366
00:23:55,041 --> 00:23:58,916
Kung nais mo akong regaluhan,
magkaroon ka ng magandang buhay.
367
00:24:02,125 --> 00:24:04,583
Iyon ang bagay na mapahahalagahan ko.
368
00:24:07,083 --> 00:24:08,083
Hindi iyan.
369
00:24:48,416 --> 00:24:49,416
Aron.
370
00:24:49,958 --> 00:24:51,833
Ano ba ang problema mo?
371
00:24:52,666 --> 00:24:55,250
Dapat alam mo
ang magiging reaksiyon ni Ama.
372
00:24:57,416 --> 00:24:59,791
Aron, regalo iyon.
Akala ko'y matutuwa siya.
373
00:24:59,875 --> 00:25:02,416
Akala mo'y matutuwa ka.
Sarili mo lang ang iyong iniisip.
374
00:25:02,500 --> 00:25:05,625
Makasarili ka.
Hindi ka nag-iisip. Malupit ka.
375
00:25:05,708 --> 00:25:07,791
At nasasaktan ka
tuwing nagagalit ang mga tao.
376
00:25:07,875 --> 00:25:09,125
Sawang-sawa na ako sa iyo.
377
00:25:09,625 --> 00:25:11,916
Hindi na kita poprotektahan.
378
00:25:14,375 --> 00:25:16,041
Pinoprotektahan mo ako?
379
00:25:17,958 --> 00:25:19,583
Ayaw ko na, Cal.
380
00:25:20,375 --> 00:25:21,416
Nakuha mo?
381
00:25:22,125 --> 00:25:24,500
Pagod na akong
maging tagaayos ng iyong sinira.
382
00:25:27,875 --> 00:25:29,125
Aron, sandali.
383
00:25:31,541 --> 00:25:32,916
May ipapakita ako sa iyo.
384
00:25:33,416 --> 00:25:35,166
Gabi na.
385
00:25:35,250 --> 00:25:36,125
Pakiusap.
386
00:25:38,791 --> 00:25:40,541
Sige na. Matutuwa ka sa makikita mo.
387
00:25:41,208 --> 00:25:42,041
Ano ba iyon?
388
00:25:42,875 --> 00:25:44,000
Makikita mo.
389
00:25:44,916 --> 00:25:45,791
Halika.
390
00:26:01,166 --> 00:26:03,041
- Ano'ng ginagawa natin dito?
- Makikita mo.
391
00:26:04,916 --> 00:26:06,416
Cal, umuwi na tayo.
392
00:26:07,375 --> 00:26:08,208
Cal.
393
00:26:09,375 --> 00:26:10,791
Cal, tayo na.
394
00:26:10,875 --> 00:26:13,083
Bakit? Natatakot ka ba?
395
00:26:25,208 --> 00:26:26,791
Sarado kami't may piging.
396
00:26:30,166 --> 00:26:33,083
Pakisabi kay Kate,
narito sina Cal at Aron Trask.
397
00:27:03,166 --> 00:27:04,166
Maghintay kayo rito.
398
00:27:32,000 --> 00:27:33,791
May nakikilala ka ba?
399
00:28:22,000 --> 00:28:23,291
Aron.
400
00:28:49,291 --> 00:28:51,541
Hindi!
401
00:28:57,500 --> 00:28:58,875
Paalam, Ina.
402
00:30:27,791 --> 00:30:28,708
Aron.
403
00:30:34,083 --> 00:30:34,916
Aron?
404
00:31:35,416 --> 00:31:36,666
Ano ang iyong sinabi?
405
00:31:37,791 --> 00:31:44,208
Ang sabi ng malaking mama,
"Nais kang makausap ng iyong hinahanap."
406
00:31:44,291 --> 00:31:46,333
Ibig sabihin, si Ethel.
407
00:31:53,416 --> 00:31:55,666
Walang katuturan ang kaniyang sinasabi.
408
00:31:55,750 --> 00:31:58,666
"Mayroon ka bang kakilalang Faye?"
tanong niya.
409
00:31:58,750 --> 00:32:01,041
Ngunit sabi ko, "Wala."
410
00:32:01,125 --> 00:32:03,500
Naisip kong itanong ka mismo.
411
00:32:04,333 --> 00:32:05,208
Kate?
412
00:32:09,000 --> 00:32:10,458
Nagsisinungaling ka.
413
00:32:11,041 --> 00:32:11,958
Ano?
414
00:32:17,958 --> 00:32:20,708
Hindi mo kilala si Faye?
415
00:32:20,791 --> 00:32:23,333
Iyong dating may-ari ng putahang ito?
416
00:32:23,416 --> 00:32:25,291
A, ngayong nabanggit mo na...
417
00:32:25,375 --> 00:32:29,833
Sinungaling ka, at ang masama,
akala mo'y napapaniwala mo ako.
418
00:32:29,916 --> 00:32:31,500
Napapaniwala saan?
419
00:32:35,666 --> 00:32:37,208
Papasukin mo rito si Lois.
420
00:32:37,291 --> 00:32:40,541
Pangako, Kate, nalimutan ko lang
na Faye ang pangalan ng dating may-ari.
421
00:32:40,625 --> 00:32:42,375
- Makakaalis ka na.
- A—
422
00:32:42,458 --> 00:32:44,583
Sinabing makakaalis ka na!
423
00:33:03,708 --> 00:33:04,791
Venuta.
424
00:33:06,708 --> 00:33:11,333
SYERIP QUINN,
HINDI MAKASASAMA
425
00:33:13,083 --> 00:33:14,250
Tumigil ka.
426
00:33:15,625 --> 00:33:19,791
KUNG SUSURIIN MO
ANG BAKAS NG DALIRI NI JOE VALERY
427
00:33:27,958 --> 00:33:29,125
Tahimik!
428
00:33:29,208 --> 00:33:30,333
Paumanhin!
429
00:33:44,666 --> 00:33:46,000
Lois, tuloy.
430
00:33:46,625 --> 00:33:49,791
Pakipatay ng ponograpo bago ka maupo.
431
00:34:02,416 --> 00:34:04,291
Gaano ka na katagal na nagtatrabaho rito?
432
00:34:05,708 --> 00:34:06,875
Ilang buwan na ho.
433
00:34:09,666 --> 00:34:11,875
Mabuti. Mahusay ka kahit bago ka pa.
434
00:34:11,958 --> 00:34:13,666
Salamat ho, senyora.
435
00:34:14,333 --> 00:34:16,500
At nag-iipon ka ba?
Itinatabi mo ang iyong ipon?
436
00:34:19,125 --> 00:34:20,125
Mahalaga iyon.
437
00:34:21,000 --> 00:34:22,375
Iyon ang kalayaan mo.
438
00:34:28,166 --> 00:34:29,666
Lois, mayroon akong
439
00:34:30,583 --> 00:34:33,375
hihinging pabor sa iyo.
440
00:34:36,166 --> 00:34:38,125
Pumunta ka kina Bell
441
00:34:39,375 --> 00:34:42,375
at kumuha ng isang kahon ng tsokolate.
442
00:34:43,083 --> 00:34:45,125
Munting regalo para sa inyong lahat.
443
00:34:45,708 --> 00:34:47,791
Ngunit huwag kang maingay.
444
00:34:48,291 --> 00:34:50,208
Dapat maging sorpresa.
445
00:34:50,291 --> 00:34:52,000
Wala hong makakaalam.
446
00:34:52,875 --> 00:34:54,916
At oo nga pala...
447
00:34:56,500 --> 00:34:58,750
maaari mo ba itong idaan sa syerip?
448
00:35:00,166 --> 00:35:01,208
Mayroon pa po bang iba?
449
00:35:01,291 --> 00:35:06,291
Oo, pakisabi kay Joe
na siya ang magbabantay ngayong gabi
450
00:35:07,375 --> 00:35:09,541
at huwag akong abalahin
hanggang bukas ng umaga.
451
00:35:10,083 --> 00:35:12,250
Ako'y matutulog na muna.
452
00:35:12,333 --> 00:35:13,875
- Pahinga ho kayo.
- Sige.
453
00:35:38,125 --> 00:35:39,208
Charles?
454
00:35:47,375 --> 00:35:48,916
Charles, nariyan ka ba?
455
00:36:01,458 --> 00:36:05,208
Naikuwento ko na ba ang nangyari sa akin
noong ako'y limang taon?
456
00:36:12,791 --> 00:36:14,958
May nangyari sa akin noong ako'y...
457
00:36:17,541 --> 00:36:18,791
limang taong gulang.
458
00:36:29,333 --> 00:36:30,708
May nabasa akong libro.
459
00:36:31,916 --> 00:36:33,583
Alice in Wonderland.
460
00:36:35,458 --> 00:36:38,041
Binago ng boteng
may markang "Inumin Mo Ako"
461
00:36:39,166 --> 00:36:43,333
mula sa librong iyon ang aking buhay.
462
00:36:45,166 --> 00:36:49,416
Mula noon, may dala-dala na akong
bote ng tubig na may asukal.
463
00:36:50,500 --> 00:36:53,625
Tuwing umiinom ako noon, lumiliit ako.
464
00:36:55,208 --> 00:36:57,833
Napakaliit, na di na ako kayang hanapin
ng masasama.
465
00:37:01,208 --> 00:37:02,958
Iniligtas ako noon...
466
00:37:05,125 --> 00:37:07,375
mula sa napakaraming sakuna.
467
00:37:08,875 --> 00:37:10,583
Binigyan ako ng kontrol.
468
00:37:11,791 --> 00:37:16,541
Batid ko na kapag inubos ko ang laman,
maaari akong maglaho.
469
00:37:17,458 --> 00:37:19,083
Hindi ko kinailangang gawin iyon.
470
00:37:41,291 --> 00:37:44,125
Alam mo bang ipinangalan nila ito
kay Morpheus,
471
00:37:45,041 --> 00:37:46,416
ang diyos ng pagtulog?
472
00:37:56,041 --> 00:37:57,041
Inumin mo ako.
473
00:41:13,375 --> 00:41:14,708
Kumusta, Joe?
474
00:41:15,916 --> 00:41:17,541
Matagal tayong di nagkita.
475
00:41:17,625 --> 00:41:18,666
Syerip.
476
00:41:19,708 --> 00:41:21,125
Ano ang maipaglilingkod ko?
477
00:41:24,791 --> 00:41:26,625
Pumasyal ka sa aking opisina.
478
00:41:26,708 --> 00:41:28,041
Nais kitang makausap.
479
00:41:28,541 --> 00:41:30,250
Abala kami tuwing Sabado.
480
00:41:31,000 --> 00:41:31,875
Makapaghihintay ba?
481
00:41:32,791 --> 00:41:33,916
Hindi, e.
482
00:41:37,375 --> 00:41:39,125
Sasabihin ko lamang sa aking amo.
483
00:42:36,750 --> 00:42:39,666
- Kumusta, Ching Chong?
- Adam! Si Syerip Quinn!
484
00:42:43,916 --> 00:42:46,041
Quinn, salamat at narito ka.
485
00:42:46,125 --> 00:42:47,750
Hindi namin matagpuan si Aron.
486
00:42:48,250 --> 00:42:49,625
Kailan pa siya nawawala?
487
00:42:49,708 --> 00:42:50,541
Dalawang araw na.
488
00:42:50,625 --> 00:42:53,416
Hindi na siya umuwi
matapos maghapunan noong Pasasalamat.
489
00:42:54,500 --> 00:42:56,750
Di kaya bumalik sa kolehiyo
nang di nagpapaalam?
490
00:42:56,833 --> 00:42:57,666
Imposible.
491
00:42:59,916 --> 00:43:00,916
Iho?
492
00:43:01,000 --> 00:43:03,041
Mayroon ka bang nalalaman?
493
00:43:04,041 --> 00:43:06,125
Sinabi ko na ho.
Malamang, kasama siya ni Abra.
494
00:43:07,791 --> 00:43:09,333
Tatanungin ko ulit ang mga Bacon.
495
00:43:09,416 --> 00:43:11,333
Ako'y magmamaneho hanggang mahanap siya.
496
00:43:11,416 --> 00:43:13,750
Adam, kailangan nating mag-usap.
497
00:43:17,458 --> 00:43:18,416
Ano iyon?
498
00:43:19,416 --> 00:43:21,000
Iyong babaeng si Kate.
499
00:43:21,875 --> 00:43:23,666
Kasal pa ba siya sa iyo?
500
00:43:24,166 --> 00:43:25,000
Oo.
501
00:43:25,791 --> 00:43:26,708
Bakit?
502
00:43:27,208 --> 00:43:29,333
Nagpatiwakal siya kagabi.
503
00:43:57,541 --> 00:43:59,458
Kaawa-awa ang aking mahal.
504
00:44:03,083 --> 00:44:05,166
Hindi mo siya kailangang angkinin.
505
00:44:06,541 --> 00:44:08,291
Kung ako sa iyo'y huwag na.
506
00:44:08,958 --> 00:44:10,041
Gusto ko.
507
00:44:11,583 --> 00:44:12,583
Aangkinin ko siya.
508
00:44:14,041 --> 00:44:15,125
Ipalilibing ko siya.
509
00:44:15,208 --> 00:44:17,541
- Hindi lang iyon.
- Ano pa?
510
00:44:20,750 --> 00:44:21,958
Ang huling habilin niya.
511
00:44:23,958 --> 00:44:26,375
Ipinamana niya ang lahat sa inyong anak.
512
00:44:29,750 --> 00:44:32,375
"Para sa aking anak na si Aron."
513
00:44:39,625 --> 00:44:41,333
Paano niya nalaman ang pangalan niya?
514
00:44:45,458 --> 00:44:46,625
Aron!
515
00:44:51,041 --> 00:44:52,166
Aron!
516
00:44:55,291 --> 00:44:56,375
Aron!
517
00:45:01,333 --> 00:45:02,625
Aron!
518
00:45:19,125 --> 00:45:20,250
Oo, tama iyon.
519
00:45:21,041 --> 00:45:23,166
Naghabilin ako sa Palo Alto.
520
00:45:24,791 --> 00:45:28,875
Maaari ba ninyong sabihin
kung bumili siya ng tiket ng tren?
521
00:45:37,250 --> 00:45:38,208
Ganoon ba?
522
00:45:41,125 --> 00:45:42,291
Sige.
523
00:45:42,916 --> 00:45:45,458
Oo, malaki ang maitutulong niyon. Salamat.
524
00:46:00,291 --> 00:46:02,083
Sa palagay mo ba'y makatutulong iyan?
525
00:46:04,416 --> 00:46:06,041
Nasaan ba ang iyong kapatid?
526
00:46:11,791 --> 00:46:13,833
Mayroon bang nangyari sa inyo?
527
00:46:19,208 --> 00:46:20,666
Dinala ko siya sa kaniya.
528
00:46:22,708 --> 00:46:23,750
Sa aming ina.
529
00:46:26,166 --> 00:46:27,208
Di ko alam kung bakit.
530
00:46:27,291 --> 00:46:29,541
Huwag mo nang pakomplikahin.
Alam mo kung bakit.
531
00:46:30,666 --> 00:46:32,500
Nasaktan ka kaya nais mo ring manakit.
532
00:46:32,583 --> 00:46:33,500
Nagalit ako.
533
00:46:33,583 --> 00:46:34,500
Naging malupit ka.
534
00:46:35,541 --> 00:46:36,708
Puwede bang...
535
00:46:38,208 --> 00:46:40,333
sabihin mo na lang
na magiging maayos si Aron.
536
00:46:43,916 --> 00:46:44,916
Aron?
537
00:46:54,208 --> 00:46:56,541
Adam, ano ang nangyayari?
538
00:46:58,208 --> 00:47:00,125
"Ama, ako'y nagpalista na sa hukbo.
539
00:47:00,208 --> 00:47:03,333
"Sinabi ko sa kanilang 18 na ako.
Huwag mo akong alalahanin. Aron."
540
00:47:11,833 --> 00:47:13,250
Nasaan si...
541
00:47:14,000 --> 00:47:16,083
- Aron?
- Cal, tumawag ka ng manggagamot.
542
00:47:17,333 --> 00:47:21,416
- Ha?
- Tumawag ka ng manggagamot. Bilis.
543
00:47:22,833 --> 00:47:24,458
Adam?
544
00:47:24,541 --> 00:47:26,875
Huwag kang mag-alala. Makinig ka.
545
00:47:32,291 --> 00:47:34,041
MAGPALISTA NA
546
00:47:41,541 --> 00:47:47,875
IKAW BA AY NASA LOOB
O LABAS NG BINTANA?
547
00:47:48,708 --> 00:47:51,500
{\an8}MAYO 1918
548
00:47:52,000 --> 00:47:54,666
Hindi nila kayang ayusin ang ugat
na parang gulong.
549
00:47:55,333 --> 00:47:57,750
Ayon sa aking nabasa
ukol sa pagdurugo ng utak,
550
00:47:58,500 --> 00:48:01,166
tila panahon lamang ang makatutulong.
551
00:48:04,958 --> 00:48:06,666
Ngunit maaari iyong maulit?
552
00:48:07,541 --> 00:48:08,541
At mas malubha pa?
553
00:48:08,625 --> 00:48:10,875
Kailangan lang kontrolin
ang altapresyon niya.
554
00:48:11,750 --> 00:48:13,500
Pakidala nga iyon dito.
555
00:48:19,958 --> 00:48:21,250
Kumusta si Abra?
556
00:48:22,791 --> 00:48:24,333
Ako'y nangungulila sa kaniya.
557
00:48:26,458 --> 00:48:27,916
Ayaw niya akong makita.
558
00:48:28,000 --> 00:48:28,833
A.
559
00:48:30,333 --> 00:48:31,666
Iyon ba ang kaniyang sinabi?
560
00:48:31,750 --> 00:48:33,041
Hindi na kailangan.
561
00:48:34,333 --> 00:48:36,416
Alam niyang umalis si Aron dahil sa akin.
562
00:48:36,916 --> 00:48:37,875
Alam mo,
563
00:48:39,333 --> 00:48:41,916
hindi makatutulong
ang pagkamuhi mo sa iyong sarili.
564
00:49:14,166 --> 00:49:15,083
Kumusta?
565
00:49:15,833 --> 00:49:17,291
Kumusta ang inyong ama?
566
00:49:18,208 --> 00:49:20,583
- Bumubuti na ang lagay niya.
- Mabuti.
567
00:49:22,208 --> 00:49:24,583
Wala kaming balita kay Aron.
Sinusulatan ka ba niya?
568
00:49:36,375 --> 00:49:37,333
Basahin mo.
569
00:49:40,750 --> 00:49:44,666
"Di ako nababagay sa iyo. Nasa hukbo ako.
Layuan mo ang pamilya ko."
570
00:49:48,125 --> 00:49:49,291
Iyon lang?
571
00:49:54,583 --> 00:49:56,125
Anak ng putang ina.
572
00:49:58,583 --> 00:50:01,416
Maaari mo akong kamuhian.
Nararapat lang iyon.
573
00:50:02,125 --> 00:50:06,041
Ngunit huwag kang lumayo
dahil lang sinabi ni Aron.
574
00:50:07,333 --> 00:50:09,291
Labis na nangungulila sa iyo si Lee.
575
00:50:18,416 --> 00:50:20,208
Noong bata pa kami ni Aron,
576
00:50:21,750 --> 00:50:24,000
gumawa kami ng kuwento
tungkol sa aming dalawa,
577
00:50:24,625 --> 00:50:26,333
at ayaw niya iyong kalimutan.
578
00:50:28,041 --> 00:50:31,791
Kahit ilang beses ko pang sabihin
na nagbago na ang lahat.
579
00:50:32,625 --> 00:50:33,958
Nagbago na ako.
580
00:50:39,375 --> 00:50:40,958
Hindi kita kinamumuhian, Cal.
581
00:50:44,500 --> 00:50:45,833
Kahit katiting.
582
00:50:52,583 --> 00:50:54,166
Pakisabi kay Lee na papasyal ako.
583
00:51:00,458 --> 00:51:01,416
Abra.
584
00:51:03,125 --> 00:51:06,125
Nakarating ka na ba sa Alisal
sa panahon ng pamumulaklak ng azalea?
585
00:51:08,083 --> 00:51:09,708
Nais mo bang sumama sa akin doon?
586
00:51:13,166 --> 00:51:14,416
Maaari tayong magpiknik.
587
00:51:17,416 --> 00:51:18,333
Sige.
588
00:52:09,416 --> 00:52:16,291
SA ALAALA NI CATHERINE TRASK
PUMANAW NOONG IKA-29 NG NOB 1917
589
00:52:26,666 --> 00:52:28,666
Kakaiba ang aking panaginip kagabi.
590
00:52:29,833 --> 00:52:31,166
Tungkol sa aking ama.
591
00:52:32,333 --> 00:52:34,000
Isang dakilang ginoo, sabi nila.
592
00:52:34,875 --> 00:52:35,958
Salamat.
593
00:52:38,250 --> 00:52:39,416
Sino ang nagsabi niyon?
594
00:52:39,500 --> 00:52:42,083
Nabasa ko ang mga diyaryo
mula sa gamit ng iyong kapatid.
595
00:52:42,166 --> 00:52:44,625
Hinggil sa panahon niya sa militar.
Sa Washington.
596
00:52:44,708 --> 00:52:46,625
Alam mo bang nandambong siya?
597
00:52:49,416 --> 00:52:51,375
Ninakawan niya ang mga beterano.
598
00:52:51,958 --> 00:52:53,541
Sa ganoong paraan siya yumaman.
599
00:52:55,250 --> 00:52:57,125
Natagalan ako bago maniwala,
600
00:52:58,875 --> 00:52:59,875
ngunit totoo iyon.
601
00:53:00,541 --> 00:53:03,958
Kaya ang pinakatapat na taong kilala ko
602
00:53:04,041 --> 00:53:07,583
ay nabuhay sa perang ninakaw.
603
00:53:20,250 --> 00:53:21,416
Mag-uwi kayo ng azalea.
604
00:53:21,500 --> 00:53:22,666
Opo.
605
00:53:23,916 --> 00:53:25,041
Sumama ka na.
606
00:53:25,125 --> 00:53:27,250
Huwag kang duwag. Hayo na.
607
00:53:36,458 --> 00:53:38,458
- Sandali, sabay tayong aalis.
- Ay.
608
00:53:38,541 --> 00:53:40,208
Napakagandang araw para magpiknik.
609
00:53:41,000 --> 00:53:42,291
Nadala mo ba lahat?
610
00:53:43,916 --> 00:53:46,458
Tila nais kong bumalik sa aking kabataan.
611
00:54:04,666 --> 00:54:07,416
Sa palagay ko'y kahangalan
ang pamimitas ng azalea.
612
00:54:07,958 --> 00:54:09,875
Nalalanta rin naman kinabukasan.
613
00:54:11,166 --> 00:54:12,125
Oo,
614
00:54:13,208 --> 00:54:15,000
ngunit magandang dahilan iyon.
615
00:54:36,541 --> 00:54:38,166
Natatakot akong gawin iyan.
616
00:54:40,166 --> 00:54:41,166
Bakit?
617
00:54:43,291 --> 00:54:44,875
Ika'y kasintahan ng aking kapatid.
618
00:54:46,083 --> 00:54:47,250
Dati iyon.
619
00:54:50,166 --> 00:54:52,000
Hindi ka ba natatakot?
620
00:54:57,958 --> 00:54:59,500
Palagi.
621
00:55:22,250 --> 00:55:24,791
Magandang tingnan ang gisantes
sa bakod ng kusina.
622
00:55:24,875 --> 00:55:26,666
Pangharang din sa latian.
623
00:55:29,000 --> 00:55:30,750
Sa palagay mo'y maaarawan iyon doon?
624
00:55:35,208 --> 00:55:36,041
Narinig mo iyon?
625
00:55:37,291 --> 00:55:38,166
Alin?
626
00:55:48,458 --> 00:55:49,708
Hindi mo ba kukunin?
627
00:56:32,583 --> 00:56:33,666
Tao po?
628
00:56:42,875 --> 00:56:43,791
Lee?
629
00:56:50,500 --> 00:56:52,083
Patay na ang iyong kapatid.
630
00:56:54,333 --> 00:56:57,666
Napatay siya sa labanan sa Pransiya.
631
00:57:00,375 --> 00:57:04,041
Paulit-ulit na sinambit ng iyong ama
632
00:57:04,125 --> 00:57:07,000
hanggang pumutok ang kaniyang ugat sa ulo.
633
00:57:08,500 --> 00:57:10,875
Kasama niya sa silid si Dok Murphy.
634
00:57:11,958 --> 00:57:13,791
Naistrok na naman siya.
635
00:57:45,291 --> 00:57:46,458
Kumusta ho?
636
00:57:47,541 --> 00:57:50,375
Malubha ang paralisis
sa kaliwang bahagi ng katawan niya.
637
00:57:50,875 --> 00:57:52,958
Gising siya, ngunit hindi pa nagsasalita.
638
00:57:55,375 --> 00:57:56,500
Mamamatay ho ba siya?
639
00:57:57,208 --> 00:58:00,666
Maaari siyang mabuhay
nang isang linggo, buwan, o taon.
640
00:58:01,791 --> 00:58:04,208
Maaari siyang pumanaw ngayon.
Hindi ko masasabi.
641
00:58:05,541 --> 00:58:06,666
Paumanhin, iho.
642
00:58:34,833 --> 00:58:35,875
Ama.
643
00:58:47,125 --> 00:58:49,250
Kasalanan ko ang pagkamatay ni Aron.
644
00:58:52,958 --> 00:58:54,541
Dinala ko siya sa bahay-aliwan
645
00:58:56,333 --> 00:58:57,791
upang makilala ang aming ina.
646
00:59:01,916 --> 00:59:03,458
Kaya siya nagpalista.
647
00:59:06,750 --> 00:59:08,333
Kaya siya namatay.
648
00:59:25,583 --> 00:59:26,666
Cal?
649
00:59:27,791 --> 00:59:28,750
Cal?
650
00:59:46,125 --> 00:59:47,375
Cal.
651
00:59:52,500 --> 00:59:53,708
Pinatay ko ang kapatid ko.
652
01:00:01,000 --> 01:00:02,125
Pinatay ko siya.
653
01:00:05,875 --> 01:00:07,916
Pinatay ko siya.
Pinatay ko ang kapatid ko.
654
01:00:09,875 --> 01:00:11,416
Pinatay ko siya.
655
01:00:11,500 --> 01:00:13,000
Pinili niyang umalis.
656
01:00:13,916 --> 01:00:15,375
Nang dahil sa aking ginawa.
657
01:00:20,791 --> 01:00:22,291
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
658
01:00:23,250 --> 01:00:25,958
Hindi ko na alam.
Sabihin mo kung ano ang gagawin ko.
659
01:00:26,750 --> 01:00:27,583
Cal.
660
01:00:27,666 --> 01:00:29,125
Sabihin mo sa akin, pakiusap.
661
01:00:30,916 --> 01:00:32,166
Ano ang aking gagawin?
662
01:00:32,666 --> 01:00:34,000
Hindi maaari.
663
01:00:40,541 --> 01:00:44,041
"Sabi ng Diyos,
'Magkaroon ng mga tanglaw sa langit
664
01:00:44,125 --> 01:00:46,416
"'upang maghiwalay sa araw at gabi,
665
01:00:48,291 --> 01:00:50,916
"'at maging tanda sa mga takdang panahon,
666
01:00:52,041 --> 01:00:53,958
"'mga araw at mga taon.'"
667
01:00:55,291 --> 01:00:56,291
Lee.
668
01:01:00,625 --> 01:01:01,458
Cal.
669
01:01:08,625 --> 01:01:09,583
Adam.
670
01:01:10,291 --> 01:01:11,125
Tingnan mo.
671
01:01:13,041 --> 01:01:15,458
Narito ang iyong anak na si Caleb.
672
01:01:16,583 --> 01:01:18,166
Ang nag-iisa mong anak.
673
01:01:24,083 --> 01:01:27,208
Hindi, Cal. Ayos lang iyon.
674
01:01:28,791 --> 01:01:29,833
Ayos lang.
675
01:01:31,000 --> 01:01:32,166
Maupo ka rito.
676
01:01:40,625 --> 01:01:43,041
Adam, hindi ko alam
kung hanggang kailan ka mabubuhay.
677
01:01:43,708 --> 01:01:45,333
Marahil matagal na panahon pa.
678
01:01:46,708 --> 01:01:47,916
Marahil isang oras.
679
01:01:51,500 --> 01:01:53,416
Ngunit mabubuhay ang iyong anak.
680
01:01:53,916 --> 01:01:59,666
Sila ng kaniyang magiging anak
ang magtutuloy ng iyong lahi sa mundo.
681
01:02:05,458 --> 01:02:08,916
Labis na nakokonsensiya ang iyong anak.
Hirap na hirap na siya.
682
01:02:21,791 --> 01:02:22,750
Adam,
683
01:02:23,458 --> 01:02:25,625
basbasan mo ang nag-iisa mong anak.
684
01:02:30,583 --> 01:02:32,875
Huwag mo siyang talikuran.
685
01:02:36,500 --> 01:02:38,000
Tulungan mo siya, Adam.
686
01:02:41,000 --> 01:02:42,458
Palayain mo siya.
687
01:02:51,458 --> 01:02:52,750
Timshel.
688
01:03:05,041 --> 01:03:06,125
Timshel.
689
01:03:08,875 --> 01:03:10,541
Maaari.
690
01:06:12,125 --> 01:06:14,041
Nagsalin ng Subtitle: IJQT