1
00:00:18,751 --> 00:00:20,293
Isa lang ang ending.
2
00:00:23,876 --> 00:00:25,001
Lahat mamamatay.
3
00:00:27,168 --> 00:00:29,668
Kaya siguro kailangan natin
ng mga kuwento.
4
00:00:30,376 --> 00:00:32,209
Para maintindihan natin ang mundo,
5
00:00:33,126 --> 00:00:34,751
para ipanatag tayo...
6
00:00:36,376 --> 00:00:37,793
protektahan tayo.
7
00:00:39,459 --> 00:00:41,918
Sa huli, mga kuwento lang tayong lahat.
8
00:00:41,918 --> 00:00:45,126
Kuwentong sinasabi natin
sa sarili natin, sa isa't isa.
9
00:00:46,251 --> 00:00:47,959
'Yon ang patunay na tao lang tayo.
10
00:00:48,501 --> 00:00:53,126
Kaya ano'ng mangyayari
kung 'yong kinukuwento mo sa sarili mo,
11
00:00:53,126 --> 00:00:54,376
ay hindi talaga totoo?
12
00:00:54,876 --> 00:00:57,376
Ano tayo kung wala tayong kuwento?
13
00:00:58,001 --> 00:00:59,001
Sino tayo...
14
00:00:59,001 --> 00:01:04,001
Ipapasok ko sa tumbong mo 'yang recorder
pag di mo tinigilan 'yan, Gilbert.
15
00:01:04,001 --> 00:01:05,084
Good morning.
16
00:01:07,334 --> 00:01:09,168
Bakit ka biglang nagiging si...
17
00:01:10,209 --> 00:01:11,043
Tigger?
18
00:01:11,043 --> 00:01:14,459
Ano ka ba? Nagawa natin.
Na-solve natin ang mystery.
19
00:01:15,626 --> 00:01:18,334
Tumabi ka, magta-tumbling lang ako.
20
00:01:19,126 --> 00:01:21,751
Malinaw 'yong pag-amin ni Maeve.
21
00:01:21,751 --> 00:01:24,209
Kailangan ko na lang ng audio sa festival,
22
00:01:24,209 --> 00:01:26,626
humanap ng mga pampalito
para i-tag 'yong episodes.
23
00:01:26,626 --> 00:01:29,126
Pero naririnig ko na lahat, Dove. Lahat.
24
00:01:29,959 --> 00:01:32,334
Lintik. Okay. Isipin mo 'to.
25
00:01:32,334 --> 00:01:34,501
'Yong malungkot na kanta ni Teddy sa bar,
26
00:01:34,501 --> 00:01:38,043
habang kinukuwento ni Maeve
'yong pagpalo niya ng sagwan sa ulo niya.
27
00:01:38,709 --> 00:01:40,001
Ang ganda no'n.
28
00:01:40,001 --> 00:01:42,543
Mag-eenjoy akong pakinggan 'yan
sa kulungan.
29
00:01:43,126 --> 00:01:45,209
Sigurado akong hindi ka makukulong.
30
00:01:45,209 --> 00:01:47,751
Di ba sabi mo tinakot ka lang nila?
31
00:01:51,084 --> 00:01:53,251
Alam mo bang heroin addict 'yong mama ko?
32
00:01:55,459 --> 00:01:57,709
Di ko pa maintindihan no'ng bata ako.
33
00:01:59,126 --> 00:02:01,793
Di naman normal na pinag-uusapan 'yan.
34
00:02:02,918 --> 00:02:04,793
"Susulat tayo kay Santa Claus."
35
00:02:04,793 --> 00:02:08,251
"Pero isasangla muna ni Mama
ang stroller mo, pambili ng droga
36
00:02:08,251 --> 00:02:10,501
para di niya kalmutin ang sarili niya."
37
00:02:13,918 --> 00:02:17,043
Sabi niya sa 'kin palagi daw siyang gutom.
38
00:02:19,626 --> 00:02:24,168
Di ko alam kung ano'ng sinasabi niya.
Sabi ko lang, "Ako rin, Mama."
39
00:02:26,459 --> 00:02:28,459
Parehas lang sila ng mga madre.
40
00:02:30,084 --> 00:02:32,251
"Wag mong isipin 'yong mama mo."
41
00:02:32,918 --> 00:02:35,001
"May pinuntahan lang siya."
42
00:02:36,001 --> 00:02:38,501
"Babalikan ka rin niya."
43
00:02:40,209 --> 00:02:43,001
Buong buhay ko,
'yon lagi ang sinasabi nila.
44
00:02:44,126 --> 00:02:46,168
Nangako ako sa sarili ko
na magiging iba ako.
45
00:02:46,168 --> 00:02:47,626
- Dove...
- Nagmakaawa si Krtek
46
00:02:47,626 --> 00:02:49,376
na itigil ko na ang pag-iimbestiga.
47
00:02:50,209 --> 00:02:52,751
Sabi ko sa kanya
hindi ko siya papangalanan,
48
00:02:52,751 --> 00:02:54,668
sisiguraduhin kong ligtas siya.
49
00:02:58,084 --> 00:02:59,751
Nakabitin lang siya do'n.
50
00:03:01,084 --> 00:03:02,001
Naihi.
51
00:03:04,334 --> 00:03:07,084
Maga ang dila. 'Yong mukha niya...
52
00:03:08,459 --> 00:03:09,751
Ikaw ang nakakita sa kanya?
53
00:03:09,751 --> 00:03:12,418
Tatawag na sana 'ko ng pulis. Pero...
54
00:03:13,959 --> 00:03:16,251
- Pero?
- Nakita ko 'yong laptop niya.
55
00:03:16,876 --> 00:03:20,834
Nakabukas. Puno ng ebidensya
ng katiwalian sa gobyerno.
56
00:03:20,834 --> 00:03:23,376
Kaya... kailangan kong gawin.
57
00:03:23,959 --> 00:03:26,584
- Wala akong choice kasi kung hindi...
- Gawin ang ano?
58
00:03:26,584 --> 00:03:30,834
Itatago nila lahat.
Lahat ng pinaghirapan ko.
59
00:03:30,834 --> 00:03:32,668
Ano'ng ginawa mo?
60
00:03:35,293 --> 00:03:36,834
Kinuha ko 'yong laptop niya.
61
00:03:38,584 --> 00:03:40,209
Hinayaan ko siyang mabulok do'n.
62
00:03:43,376 --> 00:03:45,168
Para lang mailabas ko ang katotohanan.
63
00:03:47,168 --> 00:03:48,501
Bakit mo ginawa 'yon?
64
00:03:51,626 --> 00:03:53,584
Kasi hindi ko mapigilan, Gilbert.
65
00:03:55,209 --> 00:03:57,418
Hindi ko mapigilang ilabas ang totoo.
66
00:04:02,543 --> 00:04:03,376
Kaya...
67
00:04:04,043 --> 00:04:05,543
nagpakamatay si Krtek...
68
00:04:07,001 --> 00:04:08,293
dahil sa 'yo.
69
00:04:10,626 --> 00:04:11,543
Dahil sa 'kin?
70
00:04:13,584 --> 00:04:14,459
Hindi.
71
00:04:14,459 --> 00:04:17,168
Hindi ako ang naglabas ng pangalan niya.
72
00:04:17,168 --> 00:04:20,043
Pero nagmakaawa siya sa 'yong tumigil
pero itinuloy mo pa rin.
73
00:04:20,043 --> 00:04:21,668
Bilang journalist, kailangan...
74
00:04:21,668 --> 00:04:24,584
Journalist? Tingin mo journalist ka?
75
00:04:24,584 --> 00:04:25,876
Oo, syempre tingin ko...
76
00:04:25,876 --> 00:04:29,209
Di porke't nakikita ng mga taong
may dala kang ganyan, journalist ka na.
77
00:04:29,209 --> 00:04:32,084
Bakit?
Kasi nirerespeto ko ang audience ko?
78
00:04:32,084 --> 00:04:35,626
Kasi di ko pinapabayaan ang sources ko
at hinahayaan silang mamatay?
79
00:04:35,626 --> 00:04:37,251
Pero 'yan mismo ang ginagawa mo.
80
00:04:37,251 --> 00:04:40,251
Pipilitin mo silang magsalita
para makuha mo ang kailangan mo.
81
00:04:40,251 --> 00:04:43,418
Para lang makagawa
ng masyadong madramang content
82
00:04:43,418 --> 00:04:47,459
na walang pagbabago,
di nakakatulong, walang kuwenta.
83
00:04:52,168 --> 00:04:54,126
Hindi ka journalist, Gilbert.
84
00:04:55,084 --> 00:04:56,293
Pornographer ka.
85
00:05:01,001 --> 00:05:02,001
Sige na.
86
00:05:02,668 --> 00:05:04,209
Mr. Power, puwede ka nang umalis.
87
00:05:09,043 --> 00:05:12,168
Mukhang ganito din ang nangyayari
sa mga relasyon mo.
88
00:05:26,668 --> 00:05:29,209
Kailangan ko ng solicitor
para sa extradition case.
89
00:05:30,043 --> 00:05:32,126
Sino'ng dapat kong tawagan kung...
90
00:05:32,793 --> 00:05:33,668
Nasaan siya?
91
00:05:38,168 --> 00:05:39,876
Nasaan 'yang lintik na Sean na 'yan?
92
00:05:42,626 --> 00:05:43,626
Nasaan si Sean?
93
00:05:44,293 --> 00:05:45,293
Wala siya dito.
94
00:05:46,043 --> 00:05:48,584
Lagot ka sa 'kin
pag nagsinungaling ka, Edna.
95
00:05:48,584 --> 00:05:51,209
Wag mo 'kong tinatakot, gago.
96
00:05:51,209 --> 00:05:54,709
Kailangang ibalik ni Sean
'yong ninakaw niya.
97
00:05:54,709 --> 00:05:56,209
Hindi magnanakaw ang anak ko.
98
00:05:56,918 --> 00:06:00,334
Patay sa 'kin 'yang anak mo
pag nakita ko siya.
99
00:06:19,168 --> 00:06:21,043
Pag sinaktan ng gagong 'yon si Sean...
100
00:06:21,043 --> 00:06:23,793
Siguradong tinatakot ka lang ni Seamus.
101
00:06:23,793 --> 00:06:27,501
Napakabait mo,
pero wala kang alam sa nangyayari dito.
102
00:06:29,584 --> 00:06:30,418
Sa totoo lang,
103
00:06:31,126 --> 00:06:32,043
may alam ko.
104
00:06:34,709 --> 00:06:36,209
Alam ko 'yong tungkol kay Sean.
105
00:06:47,001 --> 00:06:49,959
Naaalala n'yo ba 'yong araw
na sinagasaan n'yo 'ko?
106
00:06:50,709 --> 00:06:52,501
Akala mo ba biro 'to, Dove?
107
00:06:59,418 --> 00:07:01,959
Puwede nating arestuhin si Sean O'Shea.
108
00:07:04,126 --> 00:07:05,751
Kung talagang aalis si Seamus...
109
00:07:05,751 --> 00:07:07,043
Seamus Gallagher.
110
00:07:07,043 --> 00:07:09,251
Lilipat lang ulit si Gallagher
sa ibang lugar.
111
00:07:09,251 --> 00:07:11,459
- Kailangan natin siya sa deal.
- Kung si Seamus...
112
00:07:11,459 --> 00:07:12,584
...ay pumalpak.
113
00:07:18,293 --> 00:07:19,251
Matutulungan ko kayo.
114
00:07:21,001 --> 00:07:22,001
Bakit mo gagawin 'yan?
115
00:07:22,001 --> 00:07:23,043
Quid pro quo.
116
00:07:23,793 --> 00:07:25,918
Paano kung di n'yo ko nakita,
at di inaresto?
117
00:07:26,418 --> 00:07:27,959
Hindi nila kayo sisisihin.
118
00:07:29,626 --> 00:07:30,751
Ano'ng gagawin mo?
119
00:07:31,459 --> 00:07:33,168
Problema ko na 'yan.
120
00:07:33,668 --> 00:07:36,293
Di ako ang habol n'yo.
Nandito kayo para kay Seamus.
121
00:07:36,834 --> 00:07:38,418
Kaya ko siyang dalhin sa inyo.
122
00:07:43,501 --> 00:07:44,959
Kailangan naming makasiguro.
123
00:07:52,334 --> 00:07:53,251
Ayos na 'yan.
124
00:07:55,334 --> 00:07:57,543
Mapagkakatiwalaan mo 'ko.
Gusto ko lang tumulong.
125
00:07:57,543 --> 00:07:58,584
Ano 'yon?
126
00:08:07,709 --> 00:08:08,793
Ano'ng nangyari?
127
00:08:09,626 --> 00:08:11,959
Ang talagang inaalala lang ni Fiona,
128
00:08:12,751 --> 00:08:14,251
at nangako ako sa kanya,
129
00:08:15,459 --> 00:08:18,584
na hindi malalaman ni Seamus
ang tungkol sa anak niya.
130
00:08:19,459 --> 00:08:21,251
'Yon ang huli niyang pakiusap.
131
00:08:22,918 --> 00:08:24,084
At di ko nagawa.
132
00:08:24,626 --> 00:08:26,751
- Hindi ko nagawa.
- Hindi pa huli.
133
00:08:28,959 --> 00:08:30,418
Sinubukan ko naman.
134
00:08:31,126 --> 00:08:33,209
Sinubukan ko na kayong takutin.
135
00:08:34,501 --> 00:08:36,126
Ikaw ang sumunog sa kotse ni Sean?
136
00:08:36,126 --> 00:08:39,959
Kasi alam kong mauuwi lang
sa di maganda ang pag-iimbestiga n'yo.
137
00:08:40,751 --> 00:08:43,918
At tama ako, di ba?
At no'ng hindi gumana 'yon,
138
00:08:43,918 --> 00:08:46,543
sinunog ni Maeve 'yong bangka ni Seamus.
139
00:08:47,209 --> 00:08:48,834
Ang hilig n'yo namang magsunog.
140
00:08:48,834 --> 00:08:52,668
Akala namin matatakot siya.
Pero para siyang ipis.
141
00:08:54,001 --> 00:08:57,501
Kailangan nating pigilan si Sean,
ipaintindi sa kanya.
142
00:08:59,418 --> 00:09:02,251
- Puwede mo ba siyang kausapin?
- Ako?
143
00:09:02,251 --> 00:09:05,751
Alam kong pag nakikita ka niya,
tinitigasan siya.
144
00:09:08,001 --> 00:09:11,876
Sabihin mo ibalik niya 'yong mga eel
ni Seamus. Makikinig siya sa 'yo.
145
00:09:11,876 --> 00:09:14,376
Hindi... hindi ko kaya.
146
00:09:14,376 --> 00:09:16,793
Nagtatago siya sa Tullycross Woods.
147
00:09:17,751 --> 00:09:19,459
Pinapanood ko kayong tatlo,
148
00:09:19,959 --> 00:09:22,626
at ikaw lang ang alam kong may magagawa.
149
00:09:28,084 --> 00:09:31,501
- Pupuntahan ko siya.
- At mangako kayong dalawa sa akin.
150
00:09:32,543 --> 00:09:35,543
Hindi dapat malaman ni Sean
na si Seamus ang tatay niya.
151
00:09:36,251 --> 00:09:37,751
- Hindi dapat.
- Pangako.
152
00:09:40,418 --> 00:09:41,501
Wala akong sasabihin.
153
00:10:01,459 --> 00:10:02,668
Dahan-dahan lang.
154
00:10:04,668 --> 00:10:06,626
Kung pwede lang, isasama kita.
155
00:10:18,293 --> 00:10:20,459
Diyos ko. Ano'ng kailangan mo?
156
00:10:21,126 --> 00:10:24,501
Seamus, makinig ka.
Kailangan nating magtulungang dalawa.
157
00:10:24,501 --> 00:10:26,543
Ayaw kong makipagtulungan sa 'yo.
158
00:10:27,126 --> 00:10:28,543
Sige na. Umalis ka na.
159
00:10:29,501 --> 00:10:32,168
May proposal ako
na puwedeng makinabang ang lahat.
160
00:10:32,168 --> 00:10:35,543
Magpapatuklaw nalang ako sa ahas
kaysa makipagtulungan sa mga kagaya mo.
161
00:10:37,334 --> 00:10:38,168
Lintik.
162
00:10:40,459 --> 00:10:42,293
Sila na 'yan. Ang McArdles.
163
00:10:47,834 --> 00:10:49,584
- Ano'ng ginagawa mo?
- Papasukin mo 'ko.
164
00:10:49,584 --> 00:10:52,084
- Umalis ka na.
- Sasabihin ko sa kanila na nandito ka.
165
00:10:52,751 --> 00:10:54,126
Buwisit ka talaga.
166
00:11:11,751 --> 00:11:13,959
Tingnan mo sa likod. Titingnan ko sa taas.
167
00:11:19,459 --> 00:11:21,668
Mukhang nakaalis na siya.
168
00:11:28,459 --> 00:11:29,751
Bakit parang masaya ka?
169
00:11:29,751 --> 00:11:34,584
Ngayon na lang ulit ako tinigasan
pagkatapos ng sampung taon.
170
00:11:34,584 --> 00:11:37,376
Di na kailangan ng Viagra.
171
00:11:38,043 --> 00:11:42,001
Hindi na 'ko makapaghintay
na barilin sa ulo
172
00:11:42,001 --> 00:11:44,459
'yong gago na 'yon.
173
00:11:45,834 --> 00:11:48,168
Jon-Joe McArdle, sira-ulo ka talaga.
174
00:12:14,834 --> 00:12:15,709
Wala na siya.
175
00:12:15,709 --> 00:12:18,918
Mukhang kakadumi niya lang sa banyo
kaya di pa siya nakakalayo.
176
00:12:18,918 --> 00:12:22,959
May kasama siyang Amerikano sa shop.
Di tayo mahihirapan na hanapin siya.
177
00:12:22,959 --> 00:12:25,001
Siya ang magtuturo sa 'tin kay Seamus.
178
00:12:29,126 --> 00:12:30,501
Paano 'tong si Lassie?
179
00:12:44,876 --> 00:12:47,584
Ang gandang aso, di ba?
180
00:13:00,334 --> 00:13:03,293
Bakit mo 'ko iniwan?
181
00:13:04,918 --> 00:13:06,626
Gusto kong makipag-sex sa mas bata.
182
00:13:22,084 --> 00:13:23,751
Mukhang mabait siyang aso.
183
00:13:25,459 --> 00:13:26,709
Loyal siya sa 'kin.
184
00:13:28,168 --> 00:13:30,126
Di ako bagay na maging amo niya.
185
00:13:33,918 --> 00:13:35,334
Matutulungan kita.
186
00:13:37,043 --> 00:13:39,251
Hindi mo nga matulungan ang sarili mo.
187
00:13:39,251 --> 00:13:41,543
Napansin ko na
unang beses pa lang kitang nakita.
188
00:13:42,168 --> 00:13:44,876
Parang punong-puno ka ng hinanakit.
189
00:13:54,918 --> 00:13:56,834
Puwede kitang dalhin kay Sean.
190
00:13:56,834 --> 00:13:58,668
Hindi, aalis na 'ko dito.
191
00:13:58,668 --> 00:14:01,334
Kailangan mo na ring umalis dito.
192
00:14:01,334 --> 00:14:03,959
- Puwede mo pang bawiin 'yong mga eel...
- Di mo ba narinig?
193
00:14:03,959 --> 00:14:06,043
Mamamatay lang ako dito...
194
00:14:06,918 --> 00:14:09,334
kapag hindi agad ako umalis.
195
00:14:10,626 --> 00:14:12,876
Ano'ng silbi ng mga eel kung patay na 'ko?
196
00:14:13,584 --> 00:14:15,459
Pupuntahan nila si Gilbert.
197
00:14:17,668 --> 00:14:22,543
Kailangan nang tumakbo ni Gilbert.
Kung hindi, mamamatay siyang sumisigaw.
198
00:14:39,834 --> 00:14:41,376
Lintik na 'yan.
199
00:14:57,751 --> 00:15:00,126
60 minuto na lang.
200
00:15:00,126 --> 00:15:02,918
Magsisimula ang prusisyon
sa loob ng 60 minuto.
201
00:15:04,001 --> 00:15:05,709
At nabunyag na ang mga sekreto.
202
00:15:06,209 --> 00:15:11,084
Nagbabalik ang multo ng nakaraan
para maghiganti sa kasalukuyan.
203
00:15:11,084 --> 00:15:13,959
- Sino'ng mag-aakala na sa pagpunta namin...
- Gilbert?
204
00:15:18,834 --> 00:15:20,418
Nandito ka ba para mag-sorry?
205
00:15:22,209 --> 00:15:23,084
Gilbert, may...
206
00:15:25,959 --> 00:15:27,376
Makinig ka sa 'kin.
207
00:15:27,376 --> 00:15:30,126
- 'Yong McArdles...
- Anak nina Fiona at Seamus si Sean.
208
00:15:31,709 --> 00:15:33,251
Grabeng pasabog 'yan, di ba?
209
00:15:33,251 --> 00:15:34,709
Isipin mo.
210
00:15:34,709 --> 00:15:38,751
'Yong mga bangkay, 'yong smuggling,
Romanian adoption, cover-up.
211
00:15:38,751 --> 00:15:40,209
Mas lalong gumaganda.
212
00:15:40,209 --> 00:15:43,168
Puwede ko nang ibenta
'yong TV rights bago tayo mag-air.
213
00:15:43,168 --> 00:15:44,459
Sisikat na ulit ako.
214
00:15:46,251 --> 00:15:47,584
Nasa Bodkin ang McArdles.
215
00:15:48,793 --> 00:15:49,626
Ano naman?
216
00:15:50,376 --> 00:15:51,251
Hinahanap ka nila.
217
00:15:59,418 --> 00:16:00,418
Lintik.
218
00:16:06,126 --> 00:16:08,543
Sean.
219
00:16:09,626 --> 00:16:11,793
Kailangan mong ibalik kay Seamus
'yong mga eel.
220
00:16:11,793 --> 00:16:13,376
- Gano'n ba?
- Papatayin ka niya.
221
00:16:13,376 --> 00:16:15,168
- Nakita ko siya...
- Aalis na siya dito.
222
00:16:15,168 --> 00:16:18,043
Takot na takot siya do'n
sa nagsunog ng bangka niya.
223
00:16:18,043 --> 00:16:20,043
Kaya sa 'kin na lahat 'to.
224
00:16:20,043 --> 00:16:22,793
- Babalik na 'ko sa Romania.
- Ano bang meron sa Romania?
225
00:16:23,543 --> 00:16:25,751
Nakakita ka na ba ng mga babae
sa Eastern Europe?
226
00:16:25,751 --> 00:16:28,459
Ngayong may pera na 'ko,
pag-aagawan nila 'ko.
227
00:16:28,459 --> 00:16:30,543
Sean, alam mo ba 'yang sinasabi mo?
228
00:16:32,876 --> 00:16:34,209
Oo, alam ko.
229
00:16:35,001 --> 00:16:37,001
At 'yan ang magiging ticket ko.
230
00:16:42,418 --> 00:16:44,293
Akala nila alam mo kung nasaan si Seamus.
231
00:16:44,293 --> 00:16:47,543
- Di ko alam kung nasaan siya.
- Tatanungin ka pa rin nila.
232
00:16:48,543 --> 00:16:49,709
Di sila magiging mabait.
233
00:16:49,709 --> 00:16:51,876
- Lintik, ano'ng gagawin ko?
- Tingin ko...
234
00:16:53,376 --> 00:16:55,751
dapat sabihin mo na kay Seamus
na anak niya si Sean.
235
00:16:55,751 --> 00:16:58,626
- Ano? Paano?
- 'Yan lang ang paraan para bumalik siya.
236
00:16:59,751 --> 00:17:02,501
- Bakit natin gagawin 'yan?
- Tatakas na si Seamus.
237
00:17:03,084 --> 00:17:05,501
At hindi titigil ang McArdles
na habulin siya.
238
00:17:05,501 --> 00:17:07,084
Pero puwede natin siyang iligtas.
239
00:17:07,084 --> 00:17:08,001
Paano?
240
00:17:08,001 --> 00:17:10,626
Sabihin mo kay Seamus
na anak niya si Sean.
241
00:17:10,626 --> 00:17:13,543
Pupuntahan niya si Sean.
Aarestuhin siya ng Interpol.
242
00:17:13,543 --> 00:17:16,126
Ikukulong nila si Seamus,
at magiging ligtas na si Sean.
243
00:17:16,126 --> 00:17:18,751
Hindi makakalapit ang McArdles.
244
00:17:20,418 --> 00:17:22,084
Ikaw ang magliligtas sa kanila.
245
00:17:22,793 --> 00:17:25,168
At magiging perfect
ang ending ng podcast mo.
246
00:17:26,543 --> 00:17:27,543
Lintik.
247
00:17:28,543 --> 00:17:29,793
Dove, hindi ko alam.
248
00:17:30,418 --> 00:17:32,959
Galit na galit sa 'kin si Seamus.
249
00:17:32,959 --> 00:17:34,459
Okay? May baril siya.
250
00:17:34,459 --> 00:17:36,751
Ini-stapler niya sa mukha si Frank.
251
00:17:40,001 --> 00:17:41,668
Bakit natin ginagawa lahat ng 'to?
252
00:17:42,876 --> 00:17:44,793
Para magkuwento.
253
00:17:46,084 --> 00:17:50,043
At malapit mo nang mabuo
ang pinakamagandang kuwento sa lahat.
254
00:17:51,376 --> 00:17:54,334
Kaunti na lang.
Kailangan mo na lang ng journalist.
255
00:17:56,709 --> 00:17:58,001
'Yong totoong journalist.
256
00:17:59,334 --> 00:18:01,168
Sabi mo pornographer ako.
257
00:18:01,876 --> 00:18:03,709
Galit lang ako, Gilbert.
258
00:18:04,709 --> 00:18:06,876
Nagagalit ako sa mga taong gusto ko.
259
00:18:07,501 --> 00:18:11,209
At sa mga taong di ko gusto,
pero alam mo na 'yong pagkakaiba.
260
00:18:17,043 --> 00:18:19,918
Ipapaaresto natin si Seamus,
261
00:18:21,001 --> 00:18:22,626
para lang iligtas siya.
262
00:18:34,459 --> 00:18:36,793
Hindi matawagan ang taong ito...
263
00:18:36,793 --> 00:18:37,959
Voicemail.
264
00:18:39,334 --> 00:18:40,209
Ano?
265
00:18:43,043 --> 00:18:44,334
Ayos na 'yan.
266
00:18:44,334 --> 00:18:46,126
{\an8}ALAM KO KUNG NASAAN SI FIONA
267
00:18:58,001 --> 00:18:58,834
Tingnan mo.
268
00:18:59,834 --> 00:19:01,084
Mga isda lang 'yan.
269
00:19:02,459 --> 00:19:05,251
Maliliit na mga isda.
Hindi mo sila mapapansin.
270
00:19:06,709 --> 00:19:08,418
Pero milyon-milyon ang halaga nila.
271
00:19:09,293 --> 00:19:11,001
Sean, ano'ng ginagawa mo?
272
00:19:11,001 --> 00:19:11,959
Seryoso.
273
00:19:13,043 --> 00:19:15,293
Umaalis na agad ang mga eel
pagkapanganak nila.
274
00:19:15,293 --> 00:19:18,626
Malayo ang nilalangoy nila
para makarating dito.
275
00:19:18,626 --> 00:19:22,001
Bata pa lang sila,
mag-isa na silang lumalaban.
276
00:19:23,418 --> 00:19:25,418
Di sila umuuwi hangga't di pa sila malaki.
277
00:19:26,418 --> 00:19:30,501
Kailangan ko na lang ibigay
sa mga Yakuza 'to.
278
00:19:30,501 --> 00:19:34,001
Di sila Yakuza. Interpol sila.
Nagpapanggap lang sila. Makukulong ka.
279
00:19:34,001 --> 00:19:35,584
Gawa-gawa mo lang 'yan.
280
00:19:37,751 --> 00:19:38,876
Sean.
281
00:19:42,876 --> 00:19:44,043
Sean!
282
00:19:44,043 --> 00:19:47,334
Naghihintay na ang future ko, Emmy.
Sige na. Aalis na 'ko.
283
00:19:47,334 --> 00:19:48,251
Sean...
284
00:19:52,376 --> 00:19:55,543
Ayaw makinig ni Sean.
Ibebenta na niya 'yong mga eel.
285
00:19:57,459 --> 00:19:59,126
Welcome sa Samhain Festival.
286
00:19:59,126 --> 00:20:01,126
Marami kaming inihanda para sa inyo.
287
00:20:01,126 --> 00:20:03,626
May mga palaro. Mga premyo. Meron kaming...
288
00:20:10,543 --> 00:20:13,293
Kaya mo 'yan, Gilbert.
Hihintayin kita dito.
289
00:20:32,709 --> 00:20:33,584
Nasaan siya?
290
00:20:34,918 --> 00:20:36,209
- Sorry...
- Nasaan?
291
00:20:38,709 --> 00:20:41,001
Nasa Inish Mac Tire siya.
292
00:20:42,334 --> 00:20:43,793
Madre na siya ngayon?
293
00:20:45,459 --> 00:20:46,543
Patay na si Fiona.
294
00:20:48,418 --> 00:20:50,459
Wag mo 'kong niloloko, Gilbert.
295
00:20:50,459 --> 00:20:52,376
Sigurado ka bang si Fiona 'yon?
296
00:20:55,293 --> 00:20:58,668
Inilibing siya sa isla.
25 taon na siyang patay.
297
00:20:59,876 --> 00:21:01,959
Namatay siya sa panganganak.
298
00:21:09,251 --> 00:21:10,168
Lintik.
299
00:21:17,043 --> 00:21:17,959
Panganganak?
300
00:21:17,959 --> 00:21:20,834
May anak siya. Anak n'yo.
301
00:21:22,459 --> 00:21:23,418
Buhay siya.
302
00:21:25,459 --> 00:21:27,126
Hindi.
303
00:21:30,793 --> 00:21:32,084
Si Sean.
304
00:21:33,293 --> 00:21:34,709
Anak mo si Sean.
305
00:21:39,209 --> 00:21:41,626
Niloloko mo lang ako. Si Sean?
306
00:21:41,626 --> 00:21:45,084
Pinalaki siya ni Mrs. O'Shea
at di niya sinabi 'yon sa kanya.
307
00:21:46,709 --> 00:21:48,459
Bakit niya ginawa 'yon?
308
00:21:48,459 --> 00:21:51,126
Hindi totoong may inampon siya sa Romania.
309
00:21:51,793 --> 00:21:53,209
Diyos ko...
310
00:21:54,334 --> 00:21:56,293
Akala ko pa naman tanga siya.
311
00:21:59,626 --> 00:22:00,793
Pero hindi...
312
00:22:01,501 --> 00:22:02,376
hindi...
313
00:22:04,334 --> 00:22:05,168
Alam ko.
314
00:22:08,001 --> 00:22:09,668
Anak ko siya.
315
00:22:12,209 --> 00:22:13,168
Anak ko.
316
00:22:17,084 --> 00:22:19,459
Kung alam ko lang na anak ko siya...
317
00:22:19,459 --> 00:22:21,168
Itutuloy niya 'yong deal.
318
00:22:22,418 --> 00:22:24,876
- Sa mga taga-Interpol.
- Lintik. Diyos ko.
319
00:22:28,376 --> 00:22:30,918
- Sasama ka sa 'kin.
- Ayaw kong makasagabal sa 'yo.
320
00:22:30,918 --> 00:22:34,293
Tama na ang mga panggugulat.
Dapat maunahan natin sila.
321
00:22:53,418 --> 00:22:54,251
Ayos na.
322
00:22:56,543 --> 00:22:57,793
Papunta na do'n si Seamus.
323
00:22:57,793 --> 00:23:00,209
Maghintay ka diyan. Susunduin ka namin.
324
00:23:23,459 --> 00:23:24,751
Sean, pakiusap.
325
00:23:24,751 --> 00:23:26,876
Diyos ko, nakakainis ka na...
326
00:23:26,876 --> 00:23:29,168
Sisirain mo lang ang buhay mo. Makinig ka.
327
00:23:29,168 --> 00:23:31,293
- Sean!
- Ano'ng ginagawa mo dito?
328
00:23:31,293 --> 00:23:33,043
Sinabi ni Emmy kung nasaan ka.
329
00:23:33,584 --> 00:23:35,751
- Sinabi mo?
- Uuwi na tayo ngayon...
330
00:23:35,751 --> 00:23:37,626
Lintik, umalis ka na dito, puwede?
331
00:23:37,626 --> 00:23:41,001
'Yang bibig mo!
Baka gusto mong pingutin kita.
332
00:23:41,001 --> 00:23:42,084
Sean.
333
00:23:42,793 --> 00:23:43,793
Diyos ko.
334
00:23:44,751 --> 00:23:45,584
Wag, Sean!
335
00:23:45,584 --> 00:23:47,793
- Sige. Tara dito, gago.
- Lumayo ka sa kanya.
336
00:23:47,793 --> 00:23:49,126
Hindi kita kakalabanin.
337
00:23:49,126 --> 00:23:51,209
Mabuti naman kasi matatalo ka lang.
338
00:23:51,709 --> 00:23:54,293
Matanda ka na. Wala ka nang kuwenta.
339
00:23:54,834 --> 00:23:57,959
Sa akin na 'tong mga eel na 'to.
Trabaho ko 'to. Pera ko 'to.
340
00:23:59,001 --> 00:23:59,959
Ako na ang boss.
341
00:24:01,126 --> 00:24:02,376
Anak kita, Sean.
342
00:24:06,418 --> 00:24:07,459
Diyos ko.
343
00:24:08,209 --> 00:24:09,126
Ako ang tatay mo.
344
00:24:09,126 --> 00:24:10,543
Wag kang makinig sa kanya!
345
00:24:10,543 --> 00:24:13,209
- Ano?
- Alam 'kong mahirap paniwalaan.
346
00:24:14,168 --> 00:24:15,959
Itinago rin nila sa 'kin.
347
00:24:15,959 --> 00:24:18,959
Anak mo 'ko? Sinasabi mo na anak mo 'ko?
348
00:24:18,959 --> 00:24:19,876
Oo.
349
00:24:21,876 --> 00:24:23,959
Talaga ba?
'Yan lang ba ang kaya mong gawin?
350
00:24:23,959 --> 00:24:25,251
Totoo ang sinabi ko.
351
00:24:26,918 --> 00:24:29,043
Ipinanganak ka sa Inish Mac Tire.
352
00:24:29,043 --> 00:24:30,209
At 'yong nanay mo...
353
00:24:31,334 --> 00:24:33,209
Fiona ang pangalan ng nanay mo.
354
00:24:34,751 --> 00:24:36,793
Ampon ako. Romanian ang nanay ko.
355
00:24:36,793 --> 00:24:37,918
Romanian ako.
356
00:24:37,918 --> 00:24:39,668
Sean, umuwi na tayo.
357
00:24:40,793 --> 00:24:42,043
Edna, ano 'to...
358
00:24:44,376 --> 00:24:45,626
Anak kita, Sean.
359
00:24:45,626 --> 00:24:47,251
Irish ka na parang Guinness.
360
00:24:47,751 --> 00:24:49,793
- Halika.
- Hindi totoo 'yan.
361
00:24:49,793 --> 00:24:52,751
- Gusto lang kitang yakapin.
- Hindi totoo 'yan.
362
00:24:53,626 --> 00:24:56,501
Ang populasyon ng Romania ay 20 milyon.
363
00:24:57,001 --> 00:25:01,876
Mga kotse, damit, furnitures
at textile ang main exports namin.
364
00:25:01,876 --> 00:25:06,126
- 53,000 kilometro ang road network namin.
- Sean.
365
00:25:06,126 --> 00:25:09,626
Si Nadia Comaneci
ang unang gymnast sa history
366
00:25:09,626 --> 00:25:11,668
- na naka-score ng ten sa Olympics.
- Sean.
367
00:25:11,668 --> 00:25:15,459
Palace of Parliament sa Bucharest
ang pinakamabigat na building sa mundo.
368
00:25:15,459 --> 00:25:16,376
Sean!
369
00:25:17,001 --> 00:25:19,376
Totoo naman lahat ng sinabi mo.
370
00:25:19,376 --> 00:25:23,209
Oo, at alam ko 'yon kasi nga Romanian ako!
371
00:25:23,209 --> 00:25:25,668
Hindi ka pa nakakapunta sa Romania.
372
00:25:25,668 --> 00:25:28,334
Di ka pa nakakaalis
sa lintik na lugar na 'to.
373
00:25:29,834 --> 00:25:33,709
Kung alam ko lang,
hindi mangyayari lahat ng 'to.
374
00:25:35,293 --> 00:25:37,126
Anak, pakiusap.
375
00:25:37,126 --> 00:25:38,584
Alam ko kung sino ako,
376
00:25:39,376 --> 00:25:41,959
ano ako, at saan ako nanggaling.
377
00:25:43,293 --> 00:25:48,418
At wala kang kinalaman do'n, lintik ka.
378
00:25:50,084 --> 00:25:52,459
Pabayaan mo na 'yong bata.
379
00:25:57,918 --> 00:25:59,459
Kasalanan mo lahat ng 'to.
380
00:25:59,459 --> 00:26:01,501
Sandali lang. Kalma ka muna...
381
00:26:02,209 --> 00:26:03,918
Ano'ng kasalanan ko sa 'yo?
382
00:26:03,918 --> 00:26:06,293
Anon'g ginawa ko para danasin 'to?
383
00:26:06,293 --> 00:26:08,126
Nagsinungaling ka sa aming dalawa.
384
00:26:08,126 --> 00:26:10,709
Maraming taon ang ninakaw mo sa amin.
385
00:26:10,709 --> 00:26:14,668
Wala ka namang pakialam kay Sean,
at wala ka ring pakialam kay Fiona.
386
00:26:14,668 --> 00:26:15,751
Mahal niya 'ko.
387
00:26:15,751 --> 00:26:17,043
Hindi ka mahal ni Fiona.
388
00:26:17,043 --> 00:26:17,959
Mahal niya 'ko.
389
00:26:17,959 --> 00:26:19,751
Takot na takot siyang tumakas,
390
00:26:20,251 --> 00:26:21,959
palayo sa 'yo.
391
00:26:21,959 --> 00:26:23,293
Mahal niya 'ko!
392
00:26:25,543 --> 00:26:26,459
Diyos ko!
393
00:26:27,543 --> 00:26:29,751
Diyos ko! Sean!
394
00:26:29,751 --> 00:26:31,418
- Sean. Diyos ko.
- Sean.
395
00:26:33,043 --> 00:26:34,626
- Sean!
- Patigilin n'yo 'yong dugo.
396
00:26:34,626 --> 00:26:37,334
- May puwede ba kayong pang benda diyan?
- Ayos lang 'yan.
397
00:26:37,334 --> 00:26:40,043
- Diyos ko.
- Ayos ka lang. Tumingin ka sa 'kin.
398
00:26:40,043 --> 00:26:43,043
Ayos ka lang.
Sean, wag kang mag-alala. Diyos ko.
399
00:26:43,043 --> 00:26:44,084
Sean, 'yong...
400
00:26:45,584 --> 00:26:46,584
hinlalaki mo.
401
00:26:47,293 --> 00:26:48,709
Seamus Gallagher!
402
00:26:49,709 --> 00:26:50,834
Inaaresto ka namin.
403
00:26:50,834 --> 00:26:52,418
Di mo kailangang magsalita.
404
00:26:53,751 --> 00:26:56,334
- Makakaapekto lang sa defense mo.
- Lintik kayo.
405
00:26:56,334 --> 00:26:57,251
Halika dito.
406
00:26:57,251 --> 00:26:59,168
Lumayo kayo, mga gago.
407
00:27:01,209 --> 00:27:03,293
Sige, binabalaan ko kayo!
408
00:27:05,959 --> 00:27:08,543
- Hoy.
- Pakawalan mo siya!
409
00:27:08,543 --> 00:27:09,876
Lumayo kayo, kung hindi...
410
00:27:19,834 --> 00:27:22,584
Ano'ng ginawa mo, Dove? Ano'ng ginawa mo?
411
00:27:34,543 --> 00:27:35,501
Lintik.
412
00:27:44,918 --> 00:27:46,043
Lintik na Samhain.
413
00:27:51,918 --> 00:27:52,751
Bumaba ka.
414
00:27:53,501 --> 00:27:55,001
- Baba!
- Okay.
415
00:27:56,334 --> 00:27:59,001
- Seamus, kalma ka lang.
- Sino pang nakakaalam?
416
00:27:59,501 --> 00:28:01,418
Sino pang nakakaalam ng tungkol kay Sean?
417
00:28:01,418 --> 00:28:02,459
Seamus, ano ba?
418
00:28:03,876 --> 00:28:05,584
Buwisit na lugar 'to!
419
00:28:12,751 --> 00:28:14,959
- Ilabas mo 'yang nasa bulsa mo.
- Ano?
420
00:28:14,959 --> 00:28:15,876
Bilis!
421
00:28:19,043 --> 00:28:21,168
Phone ko lang 'to.
422
00:28:22,084 --> 00:28:22,918
'Yong kabila.
423
00:28:30,459 --> 00:28:32,126
Na-record mo ba lahat 'yon?
424
00:28:33,334 --> 00:28:35,334
Alam mo kung ano'ng nasa bulsa ko?
425
00:28:36,126 --> 00:28:37,001
Alam mo?
426
00:28:37,834 --> 00:28:40,584
'Yong lintik na hinlalaki ng anak ko!
427
00:28:47,376 --> 00:28:48,209
Ngayon...
428
00:28:49,959 --> 00:28:53,168
gawan natin ng magandang ending
'yang podcast mo.
429
00:29:00,126 --> 00:29:03,001
Ano, nakipag-deal ka sa kanila?
430
00:29:06,751 --> 00:29:08,709
- Nakuha mo 'yong gusto mo, di ba?
- Tama na.
431
00:29:08,709 --> 00:29:09,668
Appetizer si Krtek.
432
00:29:09,668 --> 00:29:12,043
- Sina Gilbert at Sean naman.
- Ayos lang si Gilbert.
433
00:29:12,043 --> 00:29:13,793
Oo nga, mukhang ayos lang siya.
434
00:29:13,793 --> 00:29:16,709
- Di siya sasaktan. Magkaibigan sila.
- Sigurado ka ba?
435
00:29:16,709 --> 00:29:19,459
Siya si Badger.
'Yong mapanganib na si Badger.
436
00:29:19,459 --> 00:29:22,459
- Inuto mo siya para pumunta siya dito.
- Hindi ko siya inuto...
437
00:29:22,459 --> 00:29:25,709
Kasi hindi ka naman talaga magaling
na investigative journalist.
438
00:29:26,293 --> 00:29:28,668
Gagawin mo ang lahat
para makuha mo ang gusto mo.
439
00:29:30,668 --> 00:29:31,793
Tama ka, Dove.
440
00:29:32,668 --> 00:29:34,001
Nagsasabi ka nga ng totoo.
441
00:29:34,709 --> 00:29:37,751
Pinakilala mo sa amin kung sino ka talaga.
442
00:29:38,959 --> 00:29:40,959
Di ko alam kung paano mo nagagawa 'yan.
443
00:29:52,293 --> 00:29:53,168
Tama ka.
444
00:29:55,543 --> 00:29:56,793
Ginamit ko lang sila.
445
00:30:07,001 --> 00:30:10,043
- Nag-send si Gilbert ng location. Tara.
- Makakagulo lang ako.
446
00:30:10,043 --> 00:30:13,459
Dove, wala nang oras
para kaawaan mo 'yang sarili mo.
447
00:30:14,543 --> 00:30:17,501
Sorry kung nagpakamatay si Krtek,
sorry kung gago 'yong mama mo,
448
00:30:17,501 --> 00:30:19,209
pero di na importante 'yan.
449
00:30:19,751 --> 00:30:22,001
Ano'ng gagawin mo ngayon, Dove?
450
00:30:22,543 --> 00:30:24,543
- Ano'ng gagawin mo?
- Dove.
451
00:30:25,209 --> 00:30:28,126
Imbes na arestuhin namin si Seamus,
may nabaril pa siya,
452
00:30:28,126 --> 00:30:31,334
may hostage situation na nangyayari,
at nakatakas na 'yong smuggler.
453
00:30:31,334 --> 00:30:33,584
Bumalik ka sa station
habang inaayos namin 'to.
454
00:30:33,584 --> 00:30:37,084
Ilang buwan na naming pinagplanuhan
'tong operasyon na 'to.
455
00:30:37,084 --> 00:30:39,959
- Sa loob lang ng isang linggo, ginulo...
- Tumigil na kayo.
456
00:30:42,209 --> 00:30:45,043
Kayo ang pinaka-walang kuwentang tao
na nakilala ko.
457
00:30:45,043 --> 00:30:47,751
- Ipaliwanag n'yo 'yong deal n'yo kay Dove.
- Makinig ka...
458
00:30:47,751 --> 00:30:51,209
Nabaril sa daliri si Sean.
Entrapment 'yong ginawa n'yo sa kanya.
459
00:30:51,209 --> 00:30:52,793
Standard Interpol policy ba 'yon?
460
00:30:52,793 --> 00:30:54,793
Di namin kailangang magpaliwanag sa 'yo.
461
00:30:54,793 --> 00:30:57,293
Ginagawa namin lahat
para maging ligtas ang mga tao.
462
00:30:59,418 --> 00:31:01,793
Naka-record nga pala 'tong usapan na 'to.
463
00:31:03,876 --> 00:31:06,459
May comment pa ba kayo
sa mga ginawa n'yo dito sa Bodkin?
464
00:31:09,793 --> 00:31:10,668
Ayos.
465
00:31:11,834 --> 00:31:12,834
Umalis na kayo.
466
00:31:17,459 --> 00:31:18,876
Hanapin natin si Seamus.
467
00:31:19,668 --> 00:31:21,168
Ni-record mo ba talaga 'yon?
468
00:31:21,793 --> 00:31:24,126
Hindi. Pakiramdam ko ang tapang ko.
469
00:31:24,126 --> 00:31:25,126
Ang galing...
470
00:31:25,709 --> 00:31:27,209
ang galing mo do'n, Sizergh.
471
00:31:30,168 --> 00:31:31,043
Okay.
472
00:31:32,084 --> 00:31:33,043
Nasaan si Gilbert?
473
00:31:34,793 --> 00:31:38,168
Papunta sila sa festival.
Pero paano tayo pupunta do'n?
474
00:31:38,168 --> 00:31:39,459
May naisip ako.
475
00:31:39,459 --> 00:31:42,459
- Ano?
- May kailangan lang tayong nakawin.
476
00:31:43,543 --> 00:31:44,418
Ayan na siya.
477
00:31:57,668 --> 00:31:59,584
Tahimik na 'ko dito,
478
00:32:00,251 --> 00:32:05,209
wala 'kong ginugulo, tapos dumating ka,
di ka na tumigil sa kakatanong mo.
479
00:32:05,834 --> 00:32:08,209
Akala mo ba makukuha mo sa 'kin lahat?
480
00:32:09,043 --> 00:32:10,376
Para lang sa kuwento mo.
481
00:32:10,376 --> 00:32:12,043
Hindi ngayong gabi, Gilbert.
482
00:32:12,043 --> 00:32:14,168
Ikaw naman
ang magiging kuwento ngayong gabi.
483
00:32:34,376 --> 00:32:36,501
Paano natin siya mahahanap diyan?
484
00:32:49,209 --> 00:32:51,668
Di ko sinasadyang traydorin ka.
485
00:32:54,126 --> 00:32:56,001
Buburahin ko na lang lahat.
486
00:32:56,001 --> 00:32:57,543
Hindi...
487
00:32:58,459 --> 00:33:01,793
Hindi na ulit ako gagawa ng podcast.
488
00:33:04,209 --> 00:33:06,459
Bakit mo gagawin 'yan ngayon, Gilbert?
489
00:33:08,543 --> 00:33:11,626
Bakit mo palalagpasin
ang ganito kagandang kuwento?
490
00:33:12,793 --> 00:33:16,543
Isipin mo 'to.
May isang lalaking nagpunta sa Bodkin
491
00:33:16,543 --> 00:33:19,293
para imbestigahan
'yong tatlong tao na nawala...
492
00:33:23,584 --> 00:33:25,459
at siya mismo ay nawala din.
493
00:33:27,834 --> 00:33:30,459
Di ba napakagandang kuwento no'n?
494
00:33:35,918 --> 00:33:40,376
Baka may magpunta din dito
at alamin kung ano'ng nangyari sa 'yo.
495
00:33:42,293 --> 00:33:44,459
Tingnan natin kung ano'ng mararamdaman mo.
496
00:33:44,459 --> 00:33:46,126
Seamus, please.
497
00:33:47,043 --> 00:33:48,876
Di ka ganyang klaseng tao.
498
00:33:54,543 --> 00:33:55,918
Ganito na talaga 'ko.
499
00:34:22,334 --> 00:34:25,168
No'ng ninakaw ko sa McArdles
'tong Semtex na 'to,
500
00:34:26,334 --> 00:34:28,459
akala ko yayaman na 'ko.
501
00:34:31,376 --> 00:34:33,209
Pero nawala lang sa 'kin lahat.
502
00:34:36,376 --> 00:34:38,626
Nagsimula lahat sa mga teddy bear na 'to.
503
00:34:47,459 --> 00:34:49,126
At dito rin magtatapos.
504
00:34:59,959 --> 00:35:00,918
Malapit na siya.
505
00:35:15,751 --> 00:35:17,168
No'ng sinaunang panahon,
506
00:35:18,834 --> 00:35:20,209
naniniwala sila na ang bibig
507
00:35:20,918 --> 00:35:22,626
ang daan sa kaluluwa ng tao.
508
00:35:23,418 --> 00:35:24,959
Kaya pag may namatay,
509
00:35:25,668 --> 00:35:27,418
naglalagay sila ng bato sa bibig niya
510
00:35:27,418 --> 00:35:30,793
para pigilan ang mga masasamang espiritu
na buhayin ulit siya.
511
00:35:37,001 --> 00:35:38,709
Sinira mo ang buhay ko.
512
00:35:39,751 --> 00:35:41,668
Gusto ko lang magkuwento.
513
00:35:42,251 --> 00:35:43,084
Kung gano'n...
514
00:35:46,293 --> 00:35:47,293
sarilihin mo na lang.
515
00:35:49,751 --> 00:35:51,043
Lintik ka!
516
00:35:53,126 --> 00:35:54,334
Lintik na lugar 'to.
517
00:35:55,668 --> 00:35:58,959
Lintik na mundo 'to
at lintik din ang kabilang buhay.
518
00:36:11,834 --> 00:36:13,376
Mga kuwento lang tayo.
519
00:36:13,376 --> 00:36:17,459
Mga kuwento kung saan tayo galing,
mga kuwento ng mga nagawa natin.
520
00:36:39,043 --> 00:36:40,751
Emmy!
521
00:36:47,668 --> 00:36:49,168
Sabi sa app nandito siya.
522
00:36:49,668 --> 00:36:51,209
Buwisit na technology.
523
00:36:53,668 --> 00:36:55,543
Lintik. Wala tayong magawa.
524
00:37:02,126 --> 00:37:04,084
Mga kuwentong sinasabi natin sa isa't isa.
525
00:37:05,251 --> 00:37:06,668
Mga kuwentong di natin...
526
00:37:06,668 --> 00:37:07,626
Gilbert?
527
00:37:07,626 --> 00:37:09,751
Mga kuwento lang tayong lahat.
528
00:37:13,209 --> 00:37:15,709
Pumunta ako sa Bodkin
para imbestigahan ang misteryo.
529
00:37:15,709 --> 00:37:16,709
Diyos ko, Gilbert!
530
00:37:16,709 --> 00:37:18,043
Ang nahanap ko...
531
00:37:18,584 --> 00:37:19,584
Salamat sa Diyos.
532
00:37:20,334 --> 00:37:23,293
...siguro hindi lahat ng misteryo
kailangang lutasin.
533
00:37:23,293 --> 00:37:24,834
- Ayos ka lang?
- Sandali.
534
00:37:24,834 --> 00:37:26,709
- Bomba 'yan. Semtex.
- Ano?
535
00:37:26,709 --> 00:37:28,043
Nasa kanya 'yong detonator.
536
00:37:28,043 --> 00:37:30,168
- Bakit may bomba dito?
- Hindi ko alam!
537
00:37:30,168 --> 00:37:33,543
Gusto ko lang gumawa ng podcast.
Ngayon may bomba na.
538
00:37:33,543 --> 00:37:35,084
Diyos ko. 'Yong festival.
539
00:37:35,084 --> 00:37:36,793
Paalisin mo lahat ng mga tao dito.
540
00:37:36,793 --> 00:37:38,251
- Okay.
- Saan siya nagpunta?
541
00:37:38,251 --> 00:37:39,251
Banda do'n.
542
00:37:40,293 --> 00:37:41,126
Okay.
543
00:37:47,418 --> 00:37:49,626
Guys!
544
00:37:52,626 --> 00:37:53,876
Sorry. Makikiraan.
545
00:37:57,626 --> 00:37:58,668
Fintan.
546
00:38:02,168 --> 00:38:03,334
Ano ba 'to?
547
00:38:16,459 --> 00:38:17,876
Fintan!
548
00:38:17,876 --> 00:38:19,959
- Ayos, di ba?
- Kailangan nating mag-anunsyo.
549
00:38:19,959 --> 00:38:21,668
- Paalisin lahat ng tao dito.
- Ano?
550
00:38:21,668 --> 00:38:24,251
May bomba sa ilalim ng Hollow.
Paalisin mo lahat ng tao.
551
00:38:24,251 --> 00:38:26,751
- Ano'ng pinagsasasabi mo?
- Paalisin mo silang lahat!
552
00:38:26,751 --> 00:38:30,418
Ano ka ba, Emmy?
Bomba sa ilalim ng field sa Bodkin?
553
00:38:31,043 --> 00:38:32,126
Tingnan mo nga 'yan.
554
00:38:32,626 --> 00:38:34,043
Bodkin 2.0 'yan.
555
00:38:34,043 --> 00:38:35,293
At sa 'kin 'yan.
556
00:38:35,293 --> 00:38:37,668
Naririnig mo ba 'yang sarili mo?
557
00:38:37,668 --> 00:38:40,709
Shitpants ka nga talaga.
558
00:38:40,709 --> 00:38:44,001
Di na talaga mababago 'yon,
Shitpants ka na talaga.
559
00:39:02,293 --> 00:39:05,001
Tanga. Kutsilyo ang dinala mo sa barilan.
560
00:39:06,418 --> 00:39:07,626
Please! Ihinto n'yo 'to!
561
00:39:07,626 --> 00:39:09,959
May bomba dito! Umalis na kayo!
562
00:39:10,709 --> 00:39:13,626
Please, makinig kayong lahat!
May bomba dito!
563
00:39:13,626 --> 00:39:14,668
Umalis na tayo...
564
00:39:15,251 --> 00:39:16,084
Lintik.
565
00:39:18,168 --> 00:39:20,668
Hoy, itigil mo 'yang tugtog. Itigil mo.
566
00:39:20,668 --> 00:39:23,251
May bomba dito.
Kailangan na nating umalis.
567
00:39:25,959 --> 00:39:28,251
Hindi ako Shitpants.
568
00:39:29,418 --> 00:39:30,543
Wala akong pakialam.
569
00:39:32,251 --> 00:39:34,834
- Hoy! Lintik na baliw 'to!
- Please, makinig kayong lahat.
570
00:39:34,834 --> 00:39:37,876
May bomba dito,
kailangan na nating umalis!
571
00:39:37,876 --> 00:39:38,793
Please...
572
00:39:42,126 --> 00:39:44,584
Tingin mo panalo ka na?
Hinahabol na nila 'kong lahat?
573
00:39:45,293 --> 00:39:48,084
- Seamus...
- Isang hakbang mo pa, pipindutin ko 'to.
574
00:39:59,084 --> 00:40:01,043
Pababain n'yo 'yan sa stage!
575
00:40:01,834 --> 00:40:05,251
Isang kanta pa!
576
00:40:05,251 --> 00:40:07,043
- Isang kanta pa!
- Tabi!
577
00:40:07,043 --> 00:40:10,209
Isang kanta pa!
578
00:40:10,709 --> 00:40:12,501
- Ayos ka lang?
- Isang kanta pa!
579
00:40:12,501 --> 00:40:14,209
- Isang kanta pa!
- Teddy.
580
00:40:14,209 --> 00:40:15,418
Sumunod ka sa 'kin!
581
00:40:16,209 --> 00:40:18,543
- Umalis ka na! Seryoso ako!
- Seamus...
582
00:40:20,376 --> 00:40:21,251
Sige.
583
00:40:21,251 --> 00:40:23,959
Ano? Akala mo di ko gagawin?
584
00:40:25,084 --> 00:40:27,084
Pasabugin mo. Wala akong pakialam.
585
00:40:27,959 --> 00:40:30,751
Kung 'yan ang gusto mo, gawin mo.
586
00:40:31,668 --> 00:40:33,668
Ibigay mo sa 'kin. Ako ang gagawa.
587
00:40:36,209 --> 00:40:38,001
Sanay naman na akong manira.
588
00:40:38,584 --> 00:40:41,376
Kaya kong sunugin ang buong lugar na 'to.
589
00:40:43,709 --> 00:40:46,043
Pareho lang tayo, ikaw at ako.
590
00:40:47,959 --> 00:40:49,959
Iniisip natin
na mag-isa lang tayo sa mundo.
591
00:40:50,876 --> 00:40:53,126
'Yong mama ko, 'yong anak mo.
592
00:40:54,501 --> 00:40:56,209
Pero mali ako, Seamus.
593
00:40:56,918 --> 00:40:59,584
Mag-isa ako kasi 'yon ang pinili ko.
594
00:41:01,376 --> 00:41:04,709
Kaya kung gusto mong pasabugin
ang Bodkin, sige gawin mo.
595
00:41:04,709 --> 00:41:09,543
Pero wag kang magpanggap na biktima,
kasi pinili mong gawin lahat ng 'to.
596
00:41:09,543 --> 00:41:11,543
Hindi totoo 'yan.
597
00:41:11,543 --> 00:41:14,501
Kalokohan. Namatay sina Malachy at Fiona
dahil sa kagagawan mo.
598
00:41:14,501 --> 00:41:16,084
Di ko ginusto lahat ng 'to!
599
00:41:16,084 --> 00:41:18,709
Sabihin mo sa sarili mo 'yan
hangga't gusto mo, Seamus.
600
00:41:18,709 --> 00:41:20,293
Pinili mong gawin lahat ng 'to.
601
00:41:20,834 --> 00:41:23,043
Hello, Jackie boy.
602
00:41:23,043 --> 00:41:26,209
Masaya kaming makita ka dito.
603
00:41:26,834 --> 00:41:28,834
Matagal tayong di nagkita, Jon-Joe.
604
00:41:28,834 --> 00:41:29,918
Seamus Gallagher.
605
00:41:38,334 --> 00:41:40,168
Puwede ka pang pumili, Seamus.
606
00:41:41,584 --> 00:41:42,584
Sila.
607
00:41:44,459 --> 00:41:45,459
O sila.
608
00:41:47,209 --> 00:41:48,376
Ikaw ang bahala.
609
00:41:52,084 --> 00:41:55,876
Isang kanta pa!
610
00:41:55,876 --> 00:41:57,459
- Isang kanta pa!
- Bodkin!
611
00:41:57,459 --> 00:41:59,543
Isang kanta pa!
612
00:41:59,543 --> 00:42:01,834
Sino'ng may gusto ng isa pang kanta?
613
00:42:15,626 --> 00:42:16,668
Kumanta ka.
614
00:42:19,543 --> 00:42:24,751
Lahat ng pera
615
00:42:24,751 --> 00:42:28,459
Na meron ako
616
00:42:29,376 --> 00:42:34,459
Ginastos ko sa mga kaibigan ko
617
00:42:35,584 --> 00:42:40,043
At lahat ng kasalanan na aking ginawa
618
00:42:40,043 --> 00:42:46,001
Ngayo'y pinagsisisihan ko na
619
00:42:54,584 --> 00:42:55,459
Andar!
620
00:42:57,001 --> 00:42:59,876
Lahat ng pera na meron ako
621
00:42:59,876 --> 00:43:02,876
Ginastos ko sa mga kaibigan ko
622
00:43:02,876 --> 00:43:05,793
At lahat ng kasalanan na aking ginawa
623
00:43:05,793 --> 00:43:08,834
Ngayo'y pinagsisisihan ko na
624
00:43:08,834 --> 00:43:11,834
At lahat 'yon ay di ko pinag-isipan
625
00:43:11,834 --> 00:43:14,751
At ngayon ay nalimutan ko na
626
00:43:14,751 --> 00:43:21,126
Kaya punuin na ang baso
Buong gabi magsasaya tayo
627
00:43:23,584 --> 00:43:26,293
Lahat ng pera na meron ako
628
00:43:46,709 --> 00:43:48,959
Mas pipiliin mo 'to, di ba, Jon-Joe?
629
00:43:50,043 --> 00:43:52,084
Nabuhay ka na ng maayos.
630
00:43:52,084 --> 00:43:54,543
Pero kailangan na ring matapos.
631
00:43:55,584 --> 00:43:58,834
Matagal kong hinintay 'to.
632
00:44:04,376 --> 00:44:05,251
Dove.
633
00:44:06,626 --> 00:44:08,001
Kasalanan ko.
634
00:44:08,001 --> 00:44:10,584
'Yong nangyari kina Fiona,
Malachy at Sean.
635
00:44:11,251 --> 00:44:12,334
Kagagawan ko 'yon.
636
00:44:14,876 --> 00:44:16,084
Pero alam mo ba?
637
00:44:16,834 --> 00:44:18,334
Wala 'kong nararamdaman.
638
00:44:48,334 --> 00:44:50,043
Diyos ko. Gilbert!
639
00:44:59,543 --> 00:45:00,418
Gilbert?
640
00:45:18,418 --> 00:45:19,251
Nakalabas ba siya?
641
00:45:19,251 --> 00:45:21,751
Hindi ko alam.
Akala ko sumunod siya, tapos...
642
00:45:22,501 --> 00:45:23,459
Gilbert!
643
00:45:24,043 --> 00:45:25,001
Gilbert...
644
00:45:36,709 --> 00:45:37,584
Dove.
645
00:45:39,584 --> 00:45:40,501
Dove.
646
00:45:43,626 --> 00:45:44,834
Nandito siya.
647
00:45:45,334 --> 00:45:46,334
Hello.
648
00:45:50,459 --> 00:45:51,584
Ano'ng ginagawa mo?
649
00:45:54,251 --> 00:45:55,126
Wala.
650
00:46:02,626 --> 00:46:03,793
Umiiyak ka ba?
651
00:46:06,334 --> 00:46:07,959
Nawala 'yong sunglasses ko.
652
00:46:17,918 --> 00:46:20,126
Di ko alam na gustong-gusto mo pala 'yon.
653
00:46:21,626 --> 00:46:22,959
Nasanay na lang ako.
654
00:46:31,334 --> 00:46:32,709
Ako 'yong tinutukoy mo, di ba?
655
00:46:33,668 --> 00:46:34,501
Hindi.
656
00:46:35,001 --> 00:46:37,168
Malungkot ako dahil sa sunglasses ko.
657
00:46:38,418 --> 00:46:40,043
Wala akong pakialam sa 'yo.
658
00:46:41,043 --> 00:46:41,876
Okay.
659
00:46:49,168 --> 00:46:50,084
Alam mo,
660
00:46:50,834 --> 00:46:54,001
naniniwala talaga akong
ito ang pinakamagandang bansa sa mundo.
661
00:47:00,209 --> 00:47:03,918
Pumunta 'ko sa Bodkin para imbestigahan
ang isang dekadang misteryo,
662
00:47:05,251 --> 00:47:06,418
para magkuwento.
663
00:47:07,793 --> 00:47:12,043
Dito ko nakita ang napakagandang kuwento
na minsan lang mangyari.
664
00:47:12,876 --> 00:47:16,918
Nakakita ako dito ng mga smuggler
at mga madreng nagtuturo ng yoga.
665
00:47:17,543 --> 00:47:20,501
Nakakita ako ng eels,
hippies at mga server farm,
666
00:47:21,459 --> 00:47:24,168
Nakita ko kung ano'ng kaya nating gawin
para sa pag-ibig.
667
00:47:26,334 --> 00:47:29,626
At nalaman ko kung ano'ng kaya kong gawin
para mabuo ang kuwentong 'to.
668
00:47:33,001 --> 00:47:34,793
Nalaman kong kaya kong magsinungaling
669
00:47:35,543 --> 00:47:36,751
mandaya
670
00:47:36,751 --> 00:47:37,959
at magmanipula.
671
00:47:39,209 --> 00:47:40,918
Akala ko ayos lang lahat 'yon.
672
00:47:40,918 --> 00:47:43,376
Akala ko 'yon ang magsasalba sa career ko,
673
00:47:43,376 --> 00:47:45,293
sa relasyon namin ng asawa ko.
674
00:47:47,209 --> 00:47:49,543
Pero panibagong kuwento na 'yon.
675
00:47:52,043 --> 00:47:54,251
Ipinapakita sa kuwento natin
kung sino tayo.
676
00:47:56,876 --> 00:47:58,459
At kailangan ko ng mas maganda.
677
00:48:11,668 --> 00:48:12,626
Tapos ka na?
678
00:48:13,501 --> 00:48:14,959
May hInahabol pa tayong biyahe.
679
00:48:15,709 --> 00:48:16,751
May iniisip lang ako.
680
00:48:16,751 --> 00:48:18,876
Ang tagal mo namang mag-isip.
681
00:48:19,501 --> 00:48:20,334
Sean.
682
00:48:21,543 --> 00:48:22,584
Tara na.
683
00:48:24,293 --> 00:48:25,668
Ano nang gagawin mo ngayon?
684
00:48:26,834 --> 00:48:27,793
Hindi ko alam.
685
00:48:28,834 --> 00:48:31,043
Basta gusto ko 'yong walang mamamatay.
686
00:48:36,834 --> 00:48:39,668
Akala n'yo siguro
ito na 'yong katapusan ng kuwento.
687
00:48:39,668 --> 00:48:42,293
Pero wala naman talagang natatapos.
Wala talaga.
688
00:48:42,293 --> 00:48:45,751
Kasi laging may nangyayari,
at kailangan lang nating magpatuloy.
689
00:48:46,501 --> 00:48:49,876
Ang galing mo do'n.
Hanga talaga sa 'yo si Dove.
690
00:48:49,876 --> 00:48:51,418
Ang bait naman niya.
691
00:48:51,418 --> 00:48:54,543
Ayos. Mag-usap ulit tayo sa susunod.
692
00:48:55,168 --> 00:48:57,543
Balita ko may bakante
sa Special Investigations.
693
00:48:59,043 --> 00:49:01,834
- Kailangan mo ng experience do'n.
- Marami na 'kong experience.
694
00:49:01,834 --> 00:49:04,626
- Pero...
- Ilang tao na ba ang nagpabilib kay Dove?
695
00:49:06,126 --> 00:49:08,126
Okay. Ganito ang mangyayari.
696
00:49:08,126 --> 00:49:10,043
Day off muna 'ko ngayong araw,
697
00:49:11,126 --> 00:49:13,001
at sa Lunes ako magsisimula.
698
00:49:14,334 --> 00:49:15,168
Ayos ba 'yon?
699
00:49:17,126 --> 00:49:19,918
May mga nangyayari at binabago tayo no'n.
700
00:49:22,668 --> 00:49:24,293
Pero importante ang mga kuwento.
701
00:49:24,293 --> 00:49:25,251
Sean.
702
00:49:26,543 --> 00:49:28,501
May kailangan akong sabihin sa 'yo...
703
00:49:29,834 --> 00:49:30,959
tungkol sa mama mo.
704
00:49:33,209 --> 00:49:34,793
'Yong totoong mama mo.
705
00:49:36,251 --> 00:49:38,334
Kilala ko na kung sino
ang totoong mama ko.
706
00:49:41,959 --> 00:49:45,501
Kasi minsan mas importante
ang kuwento kaysa sa katotohanan.
707
00:49:47,334 --> 00:49:48,168
Tanga.
708
00:49:52,084 --> 00:49:54,626
Akala ko dati 'yon lang ang importante.
709
00:49:54,626 --> 00:49:55,751
Ang katotohanan.
710
00:50:01,376 --> 00:50:04,876
Pero gusto kong makita nila
kung paano ko tingnan ang mundo...
711
00:50:07,543 --> 00:50:08,834
simple at hindi komplikado.
712
00:50:08,834 --> 00:50:12,626
Tinago ni Sister Geraldine
lahat ng mga sinulat mo.
713
00:50:20,293 --> 00:50:23,293
May dahilan kaya di namin
itinatapon lahat dito.
714
00:50:38,543 --> 00:50:40,626
Napakatagal na rin niyang wolf mo.
715
00:50:42,668 --> 00:50:44,209
Faoladh ang pangalan niya.
716
00:50:45,876 --> 00:50:48,376
Laging sinasabi ng mama ko
na poprotektahan niya 'ko.
717
00:50:50,043 --> 00:50:51,626
Na kapag nawala ako,
718
00:50:52,709 --> 00:50:55,626
kailangan ko lang mag-howl,
at hahanapin niya ako.
719
00:51:04,376 --> 00:51:07,543
- Trabaho ba ang ipinunta mo dito?
- Hindi.
720
00:51:08,334 --> 00:51:12,209
Nakipag-deal ako.
Kailangan ko ng umalis sa trabaho ko.
721
00:51:13,251 --> 00:51:15,001
Hanggang kailan ka dito?
722
00:51:15,001 --> 00:51:16,293
Hangga't kailangan.
723
00:51:18,418 --> 00:51:21,501
- May binubuo akong kuwento ngayon.
- Tungkol saan?
724
00:51:25,834 --> 00:51:26,793
Sa 'yo.
725
00:51:28,668 --> 00:51:30,709
Pakikinggan ba 'yan ng mga tao?
726
00:51:31,793 --> 00:51:32,709
Pakikinggan ko.
727
00:51:33,793 --> 00:51:37,126
Pero kung hindi natin puwedeng baguhin
ang mga nangyari...
728
00:51:45,001 --> 00:51:47,334
baka puwede nating baguhin ang kuwento.
729
00:53:48,459 --> 00:53:53,459
Nagsalin ng Subtitle: Jerameel Aquino