1 00:00:12,554 --> 00:00:14,389 Ang galing mo, Tristan! 2 00:00:14,472 --> 00:00:16,057 Uy, ano'ng nangyari ro'n? 3 00:00:16,141 --> 00:00:21,312 Ang totoo niyan, isa 'yong anyo na ayaw kong ipakita sa mga tao. 4 00:00:21,396 --> 00:00:23,565 Ang astig mo! 5 00:00:23,648 --> 00:00:25,483 Hindi ba, Gawain? 6 00:00:26,901 --> 00:00:28,528 Ano'ng problema, Gawain? 7 00:00:29,237 --> 00:00:33,324 Nakakadismaya. Bakit mo itinago sa 'kin ang kakayahan mo? 8 00:00:34,784 --> 00:00:35,618 E, kasi... 9 00:00:35,702 --> 00:00:39,039 Kahit pinupuri mo ako na hindi nagagapi o ako ang pinakamalakas, 10 00:00:39,122 --> 00:00:41,833 palihim mong iniisip na mas malakas ka, 'no? 11 00:00:42,417 --> 00:00:44,544 Hindi ko iniisip 'yon! 12 00:00:44,627 --> 00:00:45,837 {\an8}Ang sakit nito sa ulo. 13 00:00:47,005 --> 00:00:48,882 {\an8}Aray. 14 00:00:48,965 --> 00:00:50,633 {\an8}Nga pala! 15 00:00:50,717 --> 00:00:52,969 {\an8}Bihira ko lang puwedeng gamitin ang mahikang 'yon, 16 00:00:53,052 --> 00:00:54,387 {\an8}kaya medyo mahirap. 17 00:00:54,471 --> 00:00:56,306 {\an8}Nakakapagod at nakakapanghina ba na gamitin 'yon? 18 00:00:56,389 --> 00:00:58,183 Parang gano'n nga. 19 00:00:59,768 --> 00:01:02,937 Sa madaling salita, ako pa rin ang pinakamalakas at hindi nagagapi! 20 00:01:03,021 --> 00:01:04,606 Percival! 21 00:01:06,107 --> 00:01:07,150 Anne! 22 00:01:07,901 --> 00:01:09,027 Nasiens! 23 00:01:09,778 --> 00:01:10,653 Donny! 24 00:01:10,737 --> 00:01:12,155 Sabi na nga ba't nandito ka! 25 00:01:12,739 --> 00:01:14,574 Dinala ako rito ni Gawain! 26 00:01:14,657 --> 00:01:17,452 {\an8}Percival! Nasaktan ka ba? 27 00:01:17,535 --> 00:01:19,913 {\an8}Nabalian ka ba ng buto? May pagdurugo? Nagkapinsala sa loob? 28 00:01:19,996 --> 00:01:21,164 Wala. 29 00:01:21,247 --> 00:01:23,875 Ano 'tong nakakakilabot na tanawin? 30 00:01:23,958 --> 00:01:26,920 'Wag mong sabihing nakalaban n'yo ang malaking ahas na 'yan. 31 00:01:28,880 --> 00:01:32,425 Sila ang Sampung Utos na dati nang natalo ng Pitong Nakamamatay na Kasalanan. 32 00:01:32,509 --> 00:01:36,429 Mukhang binuhay sila ulit ni Haring Arthur para maging mga alagad niya. 33 00:01:36,513 --> 00:01:39,432 Mga alagad niya ang Sampung Utos? 34 00:01:40,016 --> 00:01:44,437 Sa paggamit niya ng isang dating banta sa sangkatauhan bilang mga sandata, 35 00:01:46,022 --> 00:01:49,776 nakagawa si Haring Arthur ng isang bagay na hindi niya dapat ginawa. 36 00:01:50,860 --> 00:01:53,154 Apat na Kabalyero ng Katapusan, 37 00:01:53,238 --> 00:01:55,615 para sa kinabukasan ng Liones at Britannia, 38 00:01:56,157 --> 00:01:57,283 sana tulungan n'yo kami. 39 00:01:58,284 --> 00:02:01,746 Gagawin namin ang aming makakaya para matulungan din kayo. 40 00:02:02,288 --> 00:02:04,457 Ipag-utos n'yo lang ang anumang kailangan n'yo. 41 00:02:07,043 --> 00:02:10,922 Grabe! Puwede n'yo palang utusan ang mga Banal na Kabalyero? 42 00:02:11,005 --> 00:02:14,676 Mukhang napakahalaga nga ng Apat na Kabalyero ng Katapusan. 43 00:02:14,759 --> 00:02:19,556 Parang biglang nagkaroon ng agwat sa pagitan natin at ni Percival ngayon. 44 00:03:51,522 --> 00:03:52,815 {\an8}MGA NANLALAMIG AT NAG-IINIT NA PUSO 45 00:03:52,899 --> 00:03:54,025 {\an8}Mukhang tapos na. 46 00:03:54,734 --> 00:03:57,445 {\an8}Tingnan mo kung ano'ng nangyayari sa labas. 47 00:03:58,571 --> 00:04:01,199 Paano kung may mangyari kay Ginoong Tristan? 48 00:04:01,282 --> 00:04:05,286 Pero siya ang nag-utos sa 'tin, kaya wala tayong magagawa. 49 00:04:05,370 --> 00:04:08,164 Alam mo bang pinaghihinalaan kang taksil? 50 00:04:08,915 --> 00:04:11,709 Jade, hindi ka ba naniniwala sa kababata mo? 51 00:04:12,877 --> 00:04:14,921 'Wag mong ibahin ang usapan! 52 00:04:15,004 --> 00:04:17,966 Bakit mo sinubukang patayin ang isa sa Apat na Kabalyero ng Katapusan? 53 00:04:18,758 --> 00:04:20,301 Sumagot ka, Chion! 54 00:04:20,969 --> 00:04:22,804 Inosente ka ba talaga o hindi? 55 00:04:23,304 --> 00:04:26,557 Kahit magkababata tayo, hindi kita mapatatawad sa sasabihin mo. 56 00:04:27,141 --> 00:04:30,353 {\an8}Kahit ano'ng mangyari, kahit ano'ng kailangang gawin, 57 00:04:30,436 --> 00:04:32,939 {\an8}kahit na paghinalaan akong taksil, 58 00:04:33,022 --> 00:04:34,899 {\an8}pangangalagaan ko si Ginoong Tristan. 59 00:04:34,983 --> 00:04:36,067 {\an8}'Yon lang. 60 00:04:36,150 --> 00:04:39,529 Paano 'yon naging dahilan para saktan ang isang kabalyero ng propesiya? 61 00:04:39,612 --> 00:04:40,530 Di mo ba naiintindihan? 62 00:04:41,030 --> 00:04:43,908 Paano kung nagpapanggap ang isa sa kanila na isang kabalyero ng propesiya 63 00:04:43,992 --> 00:04:46,995 at nagbabalak patayin si Ginoong Tristan? 64 00:04:47,495 --> 00:04:49,872 Paano kung manganib ang buhay niya 65 00:04:49,956 --> 00:04:51,958 dahil sa isang kakamping magpapahamak sa kaniya? 66 00:04:53,293 --> 00:04:57,005 Dapat lagi tayong kumilos na iniisip ang pinakamasamang mangyayari. 67 00:04:57,088 --> 00:04:59,007 Gusto kong bawasan ang panganib 68 00:04:59,090 --> 00:05:01,467 na puwedeng magpahamak kay Ginoong Tristan. 69 00:05:01,551 --> 00:05:03,970 Chion, malala... 70 00:05:05,054 --> 00:05:06,180 Naiintindihan mo na ba? 71 00:05:08,057 --> 00:05:09,058 Malala ka kung mag-alala. 72 00:05:09,142 --> 00:05:10,101 Ano'ng ibig mong sabihin? 73 00:05:10,184 --> 00:05:14,022 Kung gano'n pala, dapat sinabi mo agad kay Ginoong Tristan! 74 00:05:14,105 --> 00:05:15,231 Na nag-aalala ka! 75 00:05:15,315 --> 00:05:18,359 Ayokong isipin niyang malala ako kung mag-aalala. 76 00:05:18,443 --> 00:05:19,736 Alam mo naman palang gano'n ka! 77 00:05:21,696 --> 00:05:22,530 Tumahimik ka. 78 00:05:33,207 --> 00:05:34,250 Sandali. 79 00:05:34,876 --> 00:05:36,669 Hindi pamilyar sa 'kin ang baluting 'yan. 80 00:05:36,753 --> 00:05:38,963 Bago ka ba rito at baka naliligaw ka sa kastilyo? 81 00:05:40,006 --> 00:05:43,217 Nakalaan sa mga mapanganib na kriminal ang lugar na 'yan. 82 00:05:43,301 --> 00:05:44,927 Di ka puwedeng pumasok nang walang pahintulot. 83 00:05:45,470 --> 00:05:47,513 Salamat sa babala. 84 00:05:47,597 --> 00:05:51,893 Pero ano'ng ginagawa n'yong mga baguhan dito? 85 00:05:52,477 --> 00:05:53,644 Hindi mo ba kami kilala? 86 00:05:53,728 --> 00:05:55,063 Kasapi kami sa Pulutong ni Tristan. 87 00:05:55,730 --> 00:05:57,190 Tristan? 88 00:05:57,273 --> 00:06:01,277 A, siya ang Prinsipe ng Liones, di ba? 89 00:06:01,360 --> 00:06:03,780 Hindi ka Banal na Kabalyero ng Liones, 'no? 90 00:06:03,863 --> 00:06:06,532 Dati akong Banal na Kabalyero ng Liones. 91 00:06:08,117 --> 00:06:11,287 Ikinagagalak kong makilala kayo, mga bata. 92 00:06:14,749 --> 00:06:17,835 May tao rito na inaresto dahil pinaghihinalaang espiya. 93 00:06:19,003 --> 00:06:22,340 Ang palayain ang taong 'yon ang misyon ko. 94 00:06:23,007 --> 00:06:24,467 Palayain ang isang bihag? 95 00:06:24,550 --> 00:06:26,719 Banal na Kabalyero ng Camelot ang taong 'yan! 96 00:06:30,932 --> 00:06:33,351 Inatake mo kami nang walang babala... 97 00:06:33,434 --> 00:06:36,229 Wala kang pakialam sa prinsipyo, ano? 98 00:06:36,729 --> 00:06:38,564 Baka magkasundo tayo. 99 00:06:38,648 --> 00:06:39,607 Totoo 'yon. 100 00:06:39,690 --> 00:06:41,692 Ang unang sumusugod ang nanalo. 101 00:06:41,776 --> 00:06:43,694 'Yon ang pangunahing prinsipyo ng pakikipaglaban. 102 00:06:45,696 --> 00:06:48,074 Pero ano'ng saysay n'on kung nasalag ang atakeng 'yon? 103 00:06:48,866 --> 00:06:51,327 Silf, dito na kayo sasali ng kasama mo. 104 00:06:51,410 --> 00:06:53,371 Tifof... Tifo... 105 00:06:53,955 --> 00:06:55,206 Bakit ka nauutal? 106 00:06:55,706 --> 00:06:56,874 Tiho... 107 00:06:56,958 --> 00:06:59,460 Ano'ng nangyayari? Nauutal ako! 108 00:07:00,461 --> 00:07:02,380 Chion! Umayos ka! 109 00:07:05,967 --> 00:07:07,218 Ano'ng nangyayari? 110 00:07:07,718 --> 00:07:09,387 Malamig na hangin ba 'to? 111 00:07:10,096 --> 00:07:12,223 Mabilis na bumababa ang temperatura ng katawan ko. 112 00:07:13,224 --> 00:07:15,977 Ito ba ang mahika n'ong walang-hiya? Masama 'to. 113 00:07:16,060 --> 00:07:19,063 Sa ganitong lamig, tuluyan na akong maninigas at hindi na makagagalaw! 114 00:07:19,981 --> 00:07:24,610 Kulang pa ang lakas n'yo para pigilan ako. Magsanay pa kayo. 115 00:07:26,195 --> 00:07:27,280 Ang lakas ng loob mong... 116 00:07:28,906 --> 00:07:30,074 {\an8}Lumilipad na Bomba! 117 00:07:38,124 --> 00:07:38,958 Nakakagalaw na ako! 118 00:07:39,459 --> 00:07:40,793 Umatras kayo. 119 00:07:41,335 --> 00:07:42,545 Kayo po pala! 120 00:07:44,046 --> 00:07:48,384 Tama siya. Hindi n'yo pa siya kaya. 121 00:07:52,221 --> 00:07:53,848 Bise Dakilang Banal na Kabalyerong Guila! 122 00:07:55,349 --> 00:07:56,767 Sa edad na 22, 123 00:07:56,851 --> 00:07:59,770 siya ang naging unang babaeng Bise Dakilang Banal na Kabalyero ng Liones. 124 00:07:59,854 --> 00:08:00,980 Makalipas ang sampung taon, 125 00:08:01,063 --> 00:08:02,690 nangunguna pa rin ang husay niya sa espada! 126 00:08:02,773 --> 00:08:05,485 Higit sa lahat, sinasabing mas magaling ang kaniyang pagpapasiya 127 00:08:05,568 --> 00:08:08,905 at talino sa labanan kaysa sa mga Dakilang Banal na Kabalyero. 128 00:08:08,988 --> 00:08:10,573 Napakalakas ng mahika niya. 129 00:08:10,656 --> 00:08:13,993 Tinupok niya ang maraming miyembro ng angkan ng demonyo sa Banal na Digmaan 130 00:08:14,076 --> 00:08:15,286 sa pamamagitan ng Pagsabog! 131 00:08:15,369 --> 00:08:16,704 {\an8}Nga pala, usap-usapan na naging sila 132 00:08:16,787 --> 00:08:18,748 {\an8}ng Dakilang Banal na Kabalyero na si Howzer, 133 00:08:18,831 --> 00:08:20,374 {\an8}pero tatlong araw lang ang itinagal nila. 134 00:08:20,458 --> 00:08:22,293 {\an8}Pero, hindi naman sigurado kung totoo 'yon. 135 00:08:22,376 --> 00:08:25,254 'Yan na nga, ang kaalaman ni Chion sa mga Banal na Kabalyero. 136 00:08:26,631 --> 00:08:28,299 Binibining Guila, ano'ng ginagawa n'yo rito? 137 00:08:28,799 --> 00:08:32,094 Inutusan ako ng Kamahalan na tingnan ang mga piitan dito. 138 00:08:32,178 --> 00:08:36,057 Malamang panggulo lang ang mga kalaban sa labas. 139 00:08:36,140 --> 00:08:37,683 PANANGGANG YELO 140 00:08:44,649 --> 00:08:45,983 Tumaas nga ang ranggo mo 141 00:08:46,067 --> 00:08:48,069 para maging Bise Dakilang Banal na Kabalyero ka na. 142 00:08:48,152 --> 00:08:51,364 Nakapanghihinayang na sa ganitong sitwasyon ko muling makikita 143 00:08:51,447 --> 00:08:53,574 ang isang dating kaibigan. 144 00:08:56,285 --> 00:08:57,620 Kung gano'n... 145 00:08:58,120 --> 00:09:01,082 Matagal na ang nakalipas. Maglaban kaya tayo? 146 00:09:09,215 --> 00:09:10,383 {\an8}Espadang Apoy. 147 00:09:12,385 --> 00:09:13,636 {\an8}Yelong Patalim. 148 00:09:22,395 --> 00:09:25,690 Jade, hindi ba dapat umalis na tayo rito? 149 00:09:25,773 --> 00:09:27,984 Paano mo natatawag ang sarili mong Banal na Kabalyero? 150 00:09:28,067 --> 00:09:31,279 Binibining Guila! Pag nagpatuloy 'to, guguho ang ilalim ng lupa! 151 00:09:31,362 --> 00:09:32,780 'Wag kayong mag-alala! 152 00:09:32,863 --> 00:09:34,740 Protektado ang mga piitan 153 00:09:34,824 --> 00:09:37,410 ng makapangyarihang mahika para mismo sa mga ganitong sitwasyon... 154 00:09:37,493 --> 00:09:39,453 Hindi mo kayang malingat, di ba? 155 00:10:06,022 --> 00:10:09,025 Hindi ba't nangako ka sa sarili mo? 156 00:10:09,692 --> 00:10:11,694 Na ipagpapatuloy mo ang gawain ng kuya mo, 157 00:10:11,777 --> 00:10:15,489 na ibinuwis ang kaniyang buhay para protektahan ka sa Banal na Digmaan, 158 00:10:15,573 --> 00:10:17,950 at maging isang Banal na Kabalyero na mas magaling pa sa kaniya? 159 00:10:19,368 --> 00:10:20,202 Kaya bakit ka... 160 00:10:20,995 --> 00:10:24,206 naging isang masamang Banal na Kabalyero ng Camelot? 161 00:10:25,499 --> 00:10:27,084 Masama? 162 00:10:27,960 --> 00:10:29,211 Siya ba... 163 00:10:29,712 --> 00:10:34,592 Oo. Isa siya sa mga Bagong Henerasyon ng Banal na Kabalyero ng Liones, tulad ko, 164 00:10:35,134 --> 00:10:36,844 at ang guro ni Lancelot, 165 00:10:36,927 --> 00:10:38,471 isa sa Apat na Kabalyero ng Katapusan. 166 00:10:39,930 --> 00:10:40,765 Si Jericho. 167 00:10:50,983 --> 00:10:52,943 Ang dating Maharlikang Banal na Kabalyero ng Liones, 168 00:10:53,027 --> 00:10:53,861 na si Jericho... 169 00:10:54,362 --> 00:10:55,946 Siya ang guro ni Lancelot? 170 00:10:56,530 --> 00:10:58,908 Kinutuban na ako. 171 00:10:58,991 --> 00:11:03,371 {\an8}Gano'n pala... Isa pala talaga siya sa mga kabalyero ng propesiya. 172 00:11:16,550 --> 00:11:20,346 Akala ko malakas na ang atake ko, pero ang tibay ng baluti mo. 173 00:11:20,930 --> 00:11:23,265 Jericho, hindi ko naiintindihan. 174 00:11:23,891 --> 00:11:26,227 Ano'ng nangyari sa 'yo sa mga nagdaang taon? 175 00:11:26,811 --> 00:11:27,728 May sampung taon na 176 00:11:27,812 --> 00:11:29,855 nang nagbitiw ka sa pagiging Banal na Kabalyero ng Liones 177 00:11:29,939 --> 00:11:33,609 at nakuha ang kalooban nina Haring Ban at Reyna Elaine 178 00:11:33,692 --> 00:11:35,778 sa pagiging Dakilang Banal na Kabalyero ng Benwick. 179 00:11:36,821 --> 00:11:37,988 Hindi ba? 180 00:11:38,614 --> 00:11:41,117 Nabigo ka ba sa isang misyon at napangaralan? 181 00:11:41,200 --> 00:11:43,744 Hindi gano'n! Hindi ako isip-bata, 'no! 182 00:11:46,956 --> 00:11:49,083 May nangyari ba sa inyo ni Lancelot? 183 00:11:53,337 --> 00:11:56,841 Inalagaan mo siya na parang nakababatang kapatid. 184 00:11:57,466 --> 00:12:00,636 At mahalaga ka rin sa kaniya bilang guro at ate niya... 185 00:12:00,719 --> 00:12:02,012 {\an8}Tama na 'yan. Manahimik ka! 186 00:12:04,723 --> 00:12:05,891 Tumulong tayo. 187 00:12:05,975 --> 00:12:08,519 Walang namang masama kung magkaroon siya ng utang na loob sa 'tin. 188 00:12:08,602 --> 00:12:10,020 'Wag kang magsalita ng ganiyan! 189 00:12:14,275 --> 00:12:16,569 Huwag ka nang magtanong pa. 190 00:12:17,111 --> 00:12:19,697 Walang nakakaintindi sa nararamdaman ko. 191 00:12:20,698 --> 00:12:21,907 Wala. 192 00:12:22,491 --> 00:12:23,409 {\an8}Jericho... 193 00:12:23,492 --> 00:12:24,785 Tapos na ang labang 'to. 194 00:12:25,369 --> 00:12:26,912 Nagkasama tayong lumaban. 195 00:12:26,996 --> 00:12:28,497 Ayokong patayin ka. 196 00:12:29,999 --> 00:12:32,460 Manahimik ka lang at hayaan akong gawin ang misyon ko. 197 00:12:33,252 --> 00:12:37,047 Bilang Maharlikang Banal na Kabalyero, may tungkulin din akong dapat gampanan. 198 00:12:38,507 --> 00:12:42,428 Buwisit! Ano ba 'tong yelong pader? Ang hirap sirain! 199 00:12:45,764 --> 00:12:47,766 Binibibing Guila... 200 00:12:48,267 --> 00:12:49,977 {\an8}Yelong Kabaong. 201 00:12:50,603 --> 00:12:52,521 {\an8}Hindi na ako tulad ng dati. 202 00:12:53,772 --> 00:12:56,817 Mukhang malaki na ang agwat ng ating kakayahan. 203 00:13:03,032 --> 00:13:03,949 Itim na apoy? 204 00:13:05,034 --> 00:13:07,953 Hinding-hindi kita hahayaang makalampas. 205 00:13:09,246 --> 00:13:11,957 Ang mahika at anyong 'yan... 206 00:13:12,666 --> 00:13:14,460 Halos katulad ng sa angkan ng demonyo! 207 00:13:17,671 --> 00:13:19,256 Ano'ng nangyayari? 208 00:13:19,340 --> 00:13:22,134 Miyembro ng angkan ng demonyo ang Bise Dakilang Banal na Kabalyero? 209 00:13:22,218 --> 00:13:23,761 Ngayon ko lang din nalaman! 210 00:13:25,679 --> 00:13:27,806 {\an8}Natatandaan mo pa naman, di ba? 211 00:13:28,849 --> 00:13:32,937 Ang nakakatakot na Plano ng Bagong Henerasyon na ginawa 212 00:13:33,020 --> 00:13:35,481 ng Dakilang Banal na Kabalyero sa panahon ng Banal na Digmaan? 213 00:13:36,273 --> 00:13:38,651 Mga baguhan pa tayo noon, 214 00:13:38,734 --> 00:13:41,987 kaya para mas maging makapangyarihan, uminom tayo ng dugo ng demonyo 215 00:13:42,071 --> 00:13:44,490 at nagkubli ang diwa nila sa mga katawan natin. 216 00:13:45,866 --> 00:13:49,286 Pero inalis ni Ban ang lahat ng mga binhing 'yon. 217 00:13:49,787 --> 00:13:52,081 At bawat kasapi ng Bagong Henerasyon, kabilang na ako, 218 00:13:52,164 --> 00:13:55,251 ay dapat wala nang diwa ng angkan ng demonyo. 219 00:13:55,334 --> 00:13:56,585 Nagkakamali ka. 220 00:13:56,669 --> 00:13:58,546 Si Gowther, isa sa Pitong Nakamamatay na Kasalanan, 221 00:13:58,629 --> 00:14:01,757 gumamit siya ng mahika para itago ang diwa sa aking katawan. 222 00:14:02,341 --> 00:14:04,760 Kaya nasa katawan ko pa rin 'yon. 223 00:14:05,261 --> 00:14:06,512 Ano naman? 224 00:14:06,595 --> 00:14:08,597 {\an8}Pamatay na Yelo! 225 00:14:10,599 --> 00:14:14,436 Pinaghirapan kong sanayin ang aking isip at katawan, 226 00:14:14,520 --> 00:14:15,938 at natutuhan kong gamitin 227 00:14:16,021 --> 00:14:18,524 ang kapangyarihan ng mga demonyo kapag gustuhin ko. 228 00:14:19,775 --> 00:14:24,029 Gayunman... hindi ko pa lubusang kontrolado ang kapangyarihang 'to. 229 00:14:24,530 --> 00:14:27,992 {\an8}Humanda kang maputulan ng braso o binti, o pareho. 230 00:14:37,960 --> 00:14:40,588 Ginawa niya 'yon gamit lang ang kamay niya? Gaano ba siya kalakas? 231 00:14:43,549 --> 00:14:44,967 Hinawakan mo 'ko. 232 00:14:45,676 --> 00:14:47,845 Katapusan mo na, Guila. 233 00:14:48,888 --> 00:14:50,097 Ano 'to? 234 00:14:52,892 --> 00:14:55,853 Imposible. Hindi ito malusaw maging ng apoy ng Impiyerno. 235 00:14:55,936 --> 00:14:59,106 {\an8}Kung pipigilan mo pa ako, 236 00:14:59,189 --> 00:15:01,233 {\an8}papatayin kita. 237 00:15:02,234 --> 00:15:04,028 Walang magawa kahit si Salamander! 238 00:15:04,111 --> 00:15:05,237 Tumabi kayo. 239 00:15:07,197 --> 00:15:09,116 Paalam, dating kaibigan. 240 00:15:24,465 --> 00:15:25,716 Bakit ka pumunta rito? 241 00:15:27,593 --> 00:15:28,886 Pamilya tayo, di ba? 242 00:15:29,553 --> 00:15:30,471 Lancelot... 243 00:15:32,848 --> 00:15:34,224 Ako na'ng maghahatid sa guro ko pauwi. 244 00:15:34,308 --> 00:15:37,853 Lumayo ka! Di mo gugustuhing mamatay siya, di ba? 245 00:15:39,229 --> 00:15:41,148 Sundin na lang natin siya. 246 00:15:41,231 --> 00:15:44,443 Kahit kahanga-hanga ang pagdating mo, talo ka na agad. 247 00:15:45,110 --> 00:15:48,280 Wala namang kuwenta ang kakayahan ng kabalyero ng propesiya. 248 00:15:48,364 --> 00:15:49,865 Ginoong Lancelot? 249 00:15:49,949 --> 00:15:51,408 Hahayaan niya ba siyang mamatay? 250 00:15:53,744 --> 00:15:55,412 Walang personalan 'to, Guila. 251 00:16:03,879 --> 00:16:05,965 Grabe! Isang atake lang 'yon! 252 00:16:06,507 --> 00:16:07,508 Hindi pa tapos. 253 00:16:10,052 --> 00:16:11,011 Talaga? 254 00:16:11,512 --> 00:16:13,764 Bilisan n'yo at tawagin si Thetis para alisin ang sumpa. 255 00:16:14,348 --> 00:16:16,934 Kaunting oras na lang at mamamatay na siya sa lamig. 256 00:16:17,017 --> 00:16:18,310 Paano siya? 257 00:16:20,938 --> 00:16:21,897 Susundan ko siya. 258 00:16:26,652 --> 00:16:27,611 Ikaw ba 'yan, Jericho? 259 00:16:30,614 --> 00:16:32,491 Mukhang hindi ako makakatakas. 260 00:16:32,574 --> 00:16:34,702 Napakalakas ng mahikang nakakadena sa 'kin. 261 00:16:37,621 --> 00:16:38,455 Gawin mo na. 262 00:16:38,998 --> 00:16:41,083 Bago nila ako piliting ibunyag ang mga lihim ng Camelot. 263 00:16:54,805 --> 00:16:57,307 Dalawang taon na kitang hinahanap. 264 00:17:00,352 --> 00:17:01,979 Sabihin mo sa 'kin kung ano'ng nangyari. 265 00:17:02,771 --> 00:17:04,690 Bakit ka nawala sa Benwick? 266 00:17:05,691 --> 00:17:07,985 Bakit ka naging Banal na Kabalyero ng Camelot? 267 00:17:09,695 --> 00:17:11,613 Nag-aalala sa 'yo sina Ama at Ina. 268 00:17:12,197 --> 00:17:13,240 At siyempre, ako rin. 269 00:17:14,366 --> 00:17:16,118 Naaalala mo ba, Lancelot? 270 00:17:17,703 --> 00:17:19,705 May anim na taon na rin 271 00:17:20,247 --> 00:17:22,750 nang dinukot tayo sa Benwick. 272 00:17:23,667 --> 00:17:25,294 Inabot tayo ng tatlong taon 273 00:17:25,377 --> 00:17:29,048 para makatakas mula sa pagkakakulong sa mundong 'yon nang tayong dalawa lang. 274 00:17:30,340 --> 00:17:33,677 Oo. Gusto ko lang namang matuwa si Ama sa 'kin, 275 00:17:33,761 --> 00:17:36,346 pero dinamay kita sa gulo no'ng sinubukan mo akong pigilan. 276 00:17:37,056 --> 00:17:39,475 Doon, araw-araw akong natakot. 277 00:17:39,558 --> 00:17:43,145 Palagi akong nagrereklamo at naglalabas ng sama ng loob sa 'yo at umaangal. 278 00:17:43,729 --> 00:17:46,899 Naging pabigat lang ako sa 'yo. 279 00:17:47,566 --> 00:17:49,777 Talagang walang kuwentang pasaway na bata ako noon. 280 00:17:50,486 --> 00:17:52,946 {\an8}Umalis ka sa Benwick... 281 00:17:53,030 --> 00:17:54,907 {\an8}dahil nagsawa ka nang alagaan ako. 282 00:17:55,657 --> 00:17:57,451 Totoong naging mahirap 'yon. 283 00:17:58,494 --> 00:18:01,955 Ang alagaan ang isang prinsipeng palaging nagrereklamo at umaangal. 284 00:18:03,499 --> 00:18:06,376 Pero masayang-masaya ako noon. 285 00:18:07,127 --> 00:18:10,923 Mahalagang alaala sa 'kin ang tatlong taon na 'yon. 286 00:18:11,507 --> 00:18:12,466 Sandali... 287 00:18:12,549 --> 00:18:14,551 Hindi ka umalis dahil sa 'kin? 288 00:18:15,761 --> 00:18:16,762 Siyempre, hindi. 289 00:18:17,262 --> 00:18:18,222 Lancelot, 290 00:18:19,181 --> 00:18:20,682 mahal kita. 291 00:18:20,766 --> 00:18:22,017 Ako rin! 292 00:18:23,185 --> 00:18:27,606 Para sa 'kin, kina Ama at Ina, para ka na naming pamilya! 293 00:18:30,901 --> 00:18:32,402 Di ko na talaga mapigilan ang sarili ko. 294 00:18:33,195 --> 00:18:35,197 Tuwing tumitingin ako sa 'yo, 295 00:18:35,280 --> 00:18:37,533 di ko mapigilang ipahayag ang tunay na nararamdaman ko. 296 00:18:38,742 --> 00:18:39,952 Binibini? 297 00:18:41,578 --> 00:18:43,956 {\an8}Napaibig na ako... 298 00:18:45,541 --> 00:18:46,416 sa 'yo. 299 00:18:50,295 --> 00:18:51,130 Mahal kita, 300 00:18:51,880 --> 00:18:52,756 Lancelot... 301 00:18:54,049 --> 00:18:55,592 bilang lalaki... 302 00:18:56,802 --> 00:19:00,264 Hindi ko malimutan ang masayang tatlong taon na kasama kita. 303 00:19:00,347 --> 00:19:01,974 Lancelot... 304 00:19:02,057 --> 00:19:04,226 Ang pagtatapang-tapangan mo, ang mukha mo pag nagtatampo ka, 305 00:19:04,309 --> 00:19:06,562 ang pagiging inosente mo... 306 00:19:06,645 --> 00:19:07,855 Minahal ko 'yon lahat. 307 00:19:08,480 --> 00:19:10,607 Lumaki ka na... Lancelot. 308 00:19:10,691 --> 00:19:15,320 Hinding-hindi ko malilimutan ang pagpapasiya mo para sa 'kin. 309 00:19:15,404 --> 00:19:17,865 Totoong labis kitang minahal. 310 00:19:17,948 --> 00:19:22,161 Pero hindi ako puwedeng manatili rito, at makita ka pa. 311 00:19:22,244 --> 00:19:24,997 Hinihintay niya ako roon... 312 00:19:26,623 --> 00:19:30,335 {\an8}Nahulog ako sa 'yo sa tatlong taon na magkasama tayo... 313 00:19:31,920 --> 00:19:34,506 {\an8}sa mas bata sa akin ng 18 taon... 314 00:19:35,090 --> 00:19:38,719 Minahal ko ang tinuring kong nakababatang kapatid. 315 00:19:38,802 --> 00:19:40,095 Nakakahiya, di ba? 316 00:19:41,305 --> 00:19:45,475 Natakot akong malalaman mo ang nararamdaman ko para sa 'yo, 317 00:19:45,559 --> 00:19:48,979 kaya hindi ko na kinayang manatili sa tabi mo. 318 00:19:49,479 --> 00:19:51,773 Kung 'yan ang dahilan kung bakit ka nawala, 319 00:19:51,857 --> 00:19:54,276 bakit ngayon mo lang sinasabi sa 'kin 'yan? 320 00:19:57,529 --> 00:19:59,323 Dahil ito na siguro ang huling beses 321 00:20:00,240 --> 00:20:01,783 na makikita kita nang ganito. 322 00:20:03,118 --> 00:20:06,997 Pakisabi kina Ban at Elaine na humihingi rin ako ng patawad. 323 00:20:07,080 --> 00:20:08,916 'Wag ka ngang magsalita nang ganiyan! 324 00:20:09,416 --> 00:20:10,918 Bakit sa Camelot pa? 325 00:20:11,793 --> 00:20:13,128 Ano'ng mayroon sa Camelot? 326 00:20:13,754 --> 00:20:15,672 "Hinihintay niya ako roon"? 327 00:20:15,756 --> 00:20:17,049 Sino'ng tinutukoy mo? 328 00:20:18,425 --> 00:20:22,054 Ibinigay sa akin ni Haring Arthur ang mundong gusto ko. 329 00:20:23,263 --> 00:20:25,933 Isang Lancelot na ako lang ang mamahalin. 330 00:20:26,767 --> 00:20:28,727 Isang mundo na kami lang ang nandoon. 331 00:20:31,396 --> 00:20:34,191 At hindi ko kayang mawala 'yon. 332 00:20:34,775 --> 00:20:36,818 Para pangalagaan 'yon... 333 00:20:38,320 --> 00:20:41,907 {\an8}Lancelot, kahit ikaw lalabanan ko sa abot ng aking makakaya! 334 00:20:42,908 --> 00:20:43,951 Nagbibiro ka ba? 335 00:20:44,660 --> 00:20:47,287 Binibini, nalinlang ka ni Arthur! 336 00:20:47,788 --> 00:20:51,708 Lagusan ng walang-hanggang kaharian, magbukas ka. 337 00:20:52,417 --> 00:20:54,461 Tanggapin ang patnubay ko. 338 00:20:55,796 --> 00:20:56,672 Binibini! 339 00:21:16,692 --> 00:21:21,738 Arthur! 340 00:22:52,579 --> 00:22:54,790 Hindi pa rin bumabalik si Lancelot. 341 00:22:55,290 --> 00:22:56,875 Pumunta na rin tayo sa kastilyo. 342 00:22:56,958 --> 00:22:59,252 Kung pupunta tayo sa kastilyo, 343 00:22:59,336 --> 00:23:01,713 gusto kong kumain ng pinakamasarap na puding. 344 00:23:01,797 --> 00:23:03,632 Maghanda ng isang bariles ng puding para sa 'kin. 345 00:23:03,715 --> 00:23:04,966 {\an8}- Ano raw? - Ano raw? 346 00:23:05,050 --> 00:23:07,886 Ayos lang namang utusan sila ng kahit ano, di ba? 347 00:23:07,969 --> 00:23:10,639 Ipapaalam namin sa mga tagapagluto sa kastilyo na ihanda 'yon. 348 00:23:10,722 --> 00:23:13,725 Sige na, Percival! Utusan mo rin sila! 349 00:23:13,809 --> 00:23:15,977 - Ano kaya... - 'Wag mo siyang udyukan. 350 00:23:16,061 --> 00:23:18,980 Gusto ko rin ng masarap na puding! 351 00:23:19,064 --> 00:23:19,898 Bakit? 352 00:23:21,983 --> 00:23:23,860 Ayos din naman ang puding, 353 00:23:23,944 --> 00:23:26,905 pero bago ang lahat, ayusin muna natin ang mga nasira n'yong damit. 354 00:23:26,988 --> 00:23:30,158 Kung gano'n, pumunta na tayo sa sastre ng kastilyo. 355 00:23:42,254 --> 00:23:45,006 Imposible. Dapat natalo na sila. 356 00:23:53,014 --> 00:23:55,934 MGA ROYAL HOLY KNIGHT VS MELA-GALLAND 357 00:23:56,017 --> 00:23:58,103 Tagapagsalin ng subtitle: Carlo Canaman