1
00:00:12,512 --> 00:00:13,596
Britannia.
2
00:00:13,680 --> 00:00:17,016
Noon, nagsagawa ng kudeta,
3
00:00:17,100 --> 00:00:19,102
ang mga Banal na Kabalyero
ng Kaharian ng Liones,
4
00:00:19,185 --> 00:00:22,022
na nagdulot ng isang alitan
na humantong sa isang Banal na Digmaan
5
00:00:22,105 --> 00:00:24,190
sa pagitan ng angkan ng diyosa
at ng demonyo.
6
00:00:25,108 --> 00:00:28,653
Pero ang paglitaw at aktibong paglahok
ng mga maalamat na bayani
7
00:00:28,737 --> 00:00:33,158
na kilala bilang Ang Pitong Nakamamatay
na Kasalanan ang tumapos ng digmaan.
8
00:00:33,783 --> 00:00:37,996
Nangyari ang kuwentong ito
may 16 na taon ang nakaraan.
9
00:02:09,754 --> 00:02:15,176
{\an8}ANG HARI NG LIONES
10
00:02:21,850 --> 00:02:24,602
Ang ganda, ito pala ang Liones.
11
00:02:26,020 --> 00:02:27,647
Napakalawak nito.
12
00:02:27,730 --> 00:02:29,816
Nakakamangha ang lugar na 'to.
13
00:02:31,025 --> 00:02:33,820
Mga kasama!
Tingin n'yo isa siyang Banal na Kabalyero?
14
00:02:33,903 --> 00:02:35,405
Ewan ko.
15
00:02:35,488 --> 00:02:37,574
Para kang tagabundok kung kumilos.
16
00:02:37,657 --> 00:02:40,160
Ano'ng sinabi mo?
Mas maayos naman ako kaysa kay Percival!
17
00:02:40,910 --> 00:02:44,539
Ang laki ng mga bahay!
Ang dami nila, isa, dalawa, tatlo, apat...
18
00:02:44,622 --> 00:02:45,832
Umayos ka nga!
19
00:02:50,879 --> 00:02:52,088
Ginoong Lancelot!
20
00:02:52,172 --> 00:02:54,257
Ipapakilala ko sila sa hari.
21
00:02:54,841 --> 00:02:55,842
Padaanin n'yo kami.
22
00:02:55,925 --> 00:02:59,971
Sige po! Pero kakaalis lang ng Kamahalan
para tumambay...
23
00:03:02,599 --> 00:03:05,727
Umalis ang Kamahalan
para magpatrolya sa bayan!
24
00:03:05,810 --> 00:03:08,146
"Tumambay" ba ang sinabi niya?
25
00:03:08,229 --> 00:03:10,440
Nando'n na naman siya. Pambihira...
26
00:03:11,316 --> 00:03:12,483
Hay, naku.
27
00:03:12,567 --> 00:03:14,485
Maghintay na lang muna tayo... Sandali.
28
00:03:14,569 --> 00:03:16,905
Uy, nasaan si Percy?
29
00:03:23,953 --> 00:03:26,748
Napakaraming magkakaibang gusali!
30
00:03:26,831 --> 00:03:30,001
Napakalawak ng kahariang ito!
Nakakamangha!
31
00:03:32,337 --> 00:03:33,755
Aray ko...
32
00:03:35,006 --> 00:03:36,007
Pasensiya na!
33
00:03:36,090 --> 00:03:37,508
Nasaktan ba kayo?
34
00:03:37,592 --> 00:03:40,845
Hindi, matagal nang sumasakit
ang likod ko.
35
00:03:41,429 --> 00:03:43,765
'Wag kang mag-alala. Makakaalis ka na.
36
00:03:43,848 --> 00:03:44,766
Pero...
37
00:03:47,602 --> 00:03:49,520
Dala n'yo ba ang mga 'yan?
38
00:03:49,604 --> 00:03:51,606
Oo...
39
00:03:53,775 --> 00:03:55,526
Maraming salamat.
40
00:03:55,610 --> 00:03:56,903
Mag-ingat ka.
41
00:03:59,405 --> 00:04:00,531
Dreyfus!
42
00:04:00,615 --> 00:04:01,908
Ano'ng nangyari sa 'yo?
43
00:04:01,991 --> 00:04:04,494
Naku! Sumakit ulit ang likod ko.
44
00:04:04,994 --> 00:04:06,663
Patingin nga!
45
00:04:06,746 --> 00:04:10,750
Pero medyo umayos na ang pakiramdam ko.
46
00:04:11,501 --> 00:04:13,253
Daloy!
47
00:04:14,254 --> 00:04:15,421
Ano sa tingin mo?
48
00:04:16,756 --> 00:04:17,674
Daloy!
49
00:04:17,757 --> 00:04:20,260
Isa siguro itong bagong uri ng pantapal?
50
00:04:20,760 --> 00:04:22,679
Saan nga...
51
00:04:22,762 --> 00:04:27,392
Dumeretso at kumanan
pagkarating sa puwente.
52
00:04:27,475 --> 00:04:28,935
At sa dulo ng kalye,
53
00:04:29,018 --> 00:04:33,481
pumunta sa gusaling may patulis na bubong
na tinatawag na Baboy-kunganomaniyon.
54
00:04:34,023 --> 00:04:36,025
Naku, naku!
55
00:04:37,026 --> 00:04:39,195
Tama ba ang dinaraanan ko?
56
00:04:39,279 --> 00:04:41,281
Uy, ikaw, bata!
57
00:04:41,364 --> 00:04:45,702
Di ba mga gamit mula sa Libreng Pagamutan
ni Hendrickson ang dala mo?
58
00:04:45,785 --> 00:04:46,619
Ha?
59
00:04:48,830 --> 00:04:51,457
Kaya pala ikaw na ang nagdala ng mga 'to.
60
00:04:51,541 --> 00:04:53,167
Mahusay!
61
00:04:53,710 --> 00:04:57,714
Nanggaling ka ba sa Baboy-kunganomaniyon?
62
00:04:57,797 --> 00:05:00,466
Oo! Mayroong taong hindi sumipot
sa itinakdang oras,
63
00:05:00,550 --> 00:05:01,968
kaya tiningnan ko muna ang...
64
00:05:04,053 --> 00:05:06,472
'Yang bagay na nasa likod mo...
65
00:05:06,556 --> 00:05:07,807
A, 'yan ba?
66
00:05:07,890 --> 00:05:10,977
Isa itong piraso ng tinatawag nilang
Kabaong ng Walang Hanggang Kadiliman.
67
00:05:12,061 --> 00:05:14,230
Gano'n ba? E di ikaw siguro ang...
68
00:05:14,314 --> 00:05:15,398
Ha?
69
00:05:15,481 --> 00:05:17,483
Wala! Kinakausap ko lang ang sarili ko.
70
00:05:26,617 --> 00:05:29,537
Aba, aba, nandito na tayo.
71
00:05:29,620 --> 00:05:32,248
Ito ang taberna ko,
ang Sombrerong Baboy-Ramo.
72
00:05:32,832 --> 00:05:34,709
Tinawag itong gano'n dahil nagsimula ito
73
00:05:34,792 --> 00:05:37,670
no'ng nakatayo pa ito sa ibabaw
ng ulo ng isang higanteng baboy.
74
00:05:38,171 --> 00:05:41,257
Napakalaking baboy ba 'yon
kaya nasa ibabaw nito ang gusali?
75
00:05:41,340 --> 00:05:44,135
Sandali. Sa 'yo ang taberna na 'to?
76
00:05:44,719 --> 00:05:46,220
Ako ang nangangalaga sa lugar na 'to.
77
00:05:46,721 --> 00:05:49,057
Pero bata ka lang din tulad ko.
78
00:05:52,226 --> 00:05:53,895
Ilagay mo na lang 'yan kahit saan.
79
00:05:56,230 --> 00:05:57,732
Dito na lang.
80
00:05:57,815 --> 00:06:01,235
Ganito pala ang hitsura sa loob.
81
00:06:02,862 --> 00:06:04,572
Uy, gutom ka na ba?
82
00:06:04,655 --> 00:06:09,035
Naku. Hindi pa pala ako kumakain
mula kaninang umaga.
83
00:06:09,118 --> 00:06:09,952
Sige.
84
00:06:10,036 --> 00:06:13,164
Bilang pasasalamat sa pagbuhat mo,
ililibre kita ng pagkain.
85
00:06:17,293 --> 00:06:20,046
Ito ang espesyal na pudding
ng Sombrerong Baboy-Ramo!
86
00:06:21,631 --> 00:06:25,301
Di pa ako nakakatikim ng pudding!
87
00:06:25,384 --> 00:06:27,678
'Wag ka nang mahiya. Kumain ka na!
88
00:06:27,762 --> 00:06:29,555
Salamat sa pagkain!
89
00:06:31,390 --> 00:06:35,728
Ang tamis nito! Maanghang! Maasim!
Mabaho! Nakakalason ba 'to?
90
00:06:39,357 --> 00:06:42,985
Ha? Nakakakita ako
ng kalangitang puno ng bituin.
91
00:06:43,569 --> 00:06:45,571
O, si Lolo!
92
00:06:46,072 --> 00:06:48,282
Kasama rin si Donny at ang iba pa.
93
00:06:48,950 --> 00:06:50,785
Woohoo! Woohoo!
94
00:06:53,663 --> 00:06:56,332
Pambihira, saan ba siya pumunta?
95
00:06:56,415 --> 00:07:00,461
Sa ganito kalaking lungsod,
mahihirapan tayong mahanap siya.
96
00:07:00,545 --> 00:07:02,839
Sakit talaga siya sa ulo!
97
00:07:04,423 --> 00:07:06,092
{\an8}Sa ibang lugar ako maghahanap.
98
00:07:06,175 --> 00:07:08,845
{\an8}Kapag nahanap n'yo siya,
hintayin n'yo ako sa harap ng kastilyo.
99
00:07:08,928 --> 00:07:10,680
Siguraduhin mong hahanapin mo siya.
100
00:07:24,318 --> 00:07:25,153
Uy!
101
00:07:25,778 --> 00:07:27,864
Gising ka na pala, Percival.
102
00:07:29,282 --> 00:07:32,618
Medyo nahihilo ako,
at masakit din ang tiyan ko...
103
00:07:33,953 --> 00:07:35,872
Paano mo nalaman ang pangalan ko?
104
00:07:37,457 --> 00:07:41,461
Ang gasgas sa salakot na ito
at ang alpiler ng Ouroboros...
105
00:07:41,961 --> 00:07:46,966
Hindi ko akalaing ang apo ni Varghese
ang isa sa Apat na Kabalyero ng Katapusan.
106
00:07:47,049 --> 00:07:48,801
Kilala mo si Lolo?
107
00:07:48,885 --> 00:07:51,387
At alam mo rin ang tungkol
sa Apat na Kabalyero ng Katapusan!
108
00:07:51,471 --> 00:07:53,806
Sino ka ba talaga?
109
00:07:53,890 --> 00:07:55,641
Huminahon ka lang.
110
00:07:57,226 --> 00:07:58,644
Ako si Meliodas.
111
00:07:59,228 --> 00:08:02,064
Ang tagapangalaga ng tabernang 'to
at ang hari ng Liones.
112
00:08:03,107 --> 00:08:05,735
Ang hari ng Liones?
113
00:08:06,944 --> 00:08:08,070
Nagulat ka, 'no?
114
00:08:12,867 --> 00:08:14,285
Di ako naniniwala sa 'yo!
115
00:08:15,119 --> 00:08:18,122
{\an8}Isang hari ang batang gaya mo?
Kalokohan 'yan!
116
00:08:18,748 --> 00:08:20,750
Ilang taon ka na ba?
117
00:08:22,210 --> 00:08:23,419
Di na mahalaga 'yon.
118
00:08:23,920 --> 00:08:25,046
Oo nga pala...
119
00:08:27,673 --> 00:08:29,258
Masaya ako dahil nakarating ka, Percival.
120
00:08:29,800 --> 00:08:31,552
Maligayang pagdating.
121
00:08:35,681 --> 00:08:38,434
Ikaw ba talaga ang hari?
122
00:08:38,518 --> 00:08:40,436
{\an8}Oo, ako nga.
123
00:08:40,520 --> 00:08:43,940
{\an8}Kung gano'n, ikaw rin ang nag-utos
na pumunta ako rito?
124
00:08:44,607 --> 00:08:45,441
{\an8}Ano'ng problema?
125
00:08:46,817 --> 00:08:49,153
Bakit mo 'ko pinapunta rito?
126
00:08:50,154 --> 00:08:52,990
Ano ba talaga
ang Apat na Kabalyero ng Katapusan?
127
00:08:53,741 --> 00:08:57,286
Totoo bang ako ang wawasak sa mundo?
128
00:09:00,039 --> 00:09:03,876
Anong klaseng tao ba
si Haring Arthur ng Cammymott?
129
00:09:06,546 --> 00:09:10,216
Bakit kinailangang mamatay ni Lolo?
130
00:09:12,218 --> 00:09:14,554
Kung gano'n, si Varghese pala...
131
00:09:17,807 --> 00:09:21,477
Sasagutin ko lahat 'yan
sa oras na dumating na ang lahat.
132
00:09:22,228 --> 00:09:24,313
Bakit di mo muna ako samahan sa pag-iikot?
133
00:09:24,397 --> 00:09:25,731
Kasama ang Kamahalan?
134
00:09:26,566 --> 00:09:27,984
Tawagin mo na lang akong Meliodas.
135
00:09:31,153 --> 00:09:35,992
Isa 'yang libreng pagamutang kilala
sa pagpapagaling ng anumang sakit.
136
00:09:37,201 --> 00:09:39,745
O! Siya ang matandang masakit ang likod!
137
00:09:40,413 --> 00:09:41,247
Uy!
138
00:09:41,330 --> 00:09:44,000
Kayo pala, Kamahalan!
At ang batang nakilala ko kanina!
139
00:09:44,083 --> 00:09:45,751
Naku! Ikaw pala 'yon!
140
00:09:45,835 --> 00:09:48,254
Sina Dreyfus at Hendrickson
ang dalawang 'yan.
141
00:09:48,963 --> 00:09:51,173
Dati silang mga Dakilang Banal
na Kabalyero.
142
00:09:51,257 --> 00:09:53,301
Talaga? Kung gano'n, malakas ba sila?
143
00:09:53,384 --> 00:09:54,427
Ikaw!
144
00:09:54,510 --> 00:09:58,598
{\an8}Saan mo nakuha 'yong malambot na pantapal
na nilagay mo sa likod ng mamang 'yon?
145
00:09:58,681 --> 00:10:02,184
{\an8}Gusto ko sanang pag-aralan 'yon,
pero bigla na lang itong nawala.
146
00:10:02,268 --> 00:10:03,477
- Ang hula ko...
- Tara na!
147
00:10:03,561 --> 00:10:05,813
O! Sandali!
148
00:10:06,897 --> 00:10:09,942
At dito naman matatagpuan
ang pinakamahusay na panday sa Liones.
149
00:10:10,026 --> 00:10:12,361
Ang bahay ng Dakilang Banal na Kabalyero.
150
00:10:12,445 --> 00:10:14,196
Ito ba ang bahay ni Ginoong Howzer?
151
00:10:14,280 --> 00:10:16,115
O, kilala mo ba siya?
152
00:10:18,784 --> 00:10:19,702
Uy!
153
00:10:25,207 --> 00:10:26,542
Nandito pala ang Kamahalan!
154
00:10:27,251 --> 00:10:28,461
Magandang araw po.
155
00:10:28,544 --> 00:10:29,545
Uy!
156
00:10:29,629 --> 00:10:30,463
Ang galing...
157
00:10:30,546 --> 00:10:32,006
Bagong pitas ang mga ito.
158
00:10:32,089 --> 00:10:34,300
Naku! Maganda ang pagkakatubo nila.
159
00:10:36,510 --> 00:10:38,137
Napakaraming tinda rito.
160
00:10:38,220 --> 00:10:39,055
Di ba?
161
00:10:39,138 --> 00:10:41,682
Ang mga maglalako,
galing sa lupain ng mga Barbaro sa Hilaga
162
00:10:41,766 --> 00:10:43,893
pati na rin sa Benwick sa Timog.
163
00:10:43,976 --> 00:10:44,977
Ang astig...
164
00:10:45,061 --> 00:10:47,188
Alam ko na! Dahil nandito na rin tayo...
165
00:10:49,523 --> 00:10:52,693
Kakompetensiya ko ang tabernang 'to.
Mahirap man aminin, pero...
166
00:10:53,611 --> 00:10:54,445
Heto!
167
00:10:55,529 --> 00:10:57,448
- Mukhang masarap...
- Ang empanadang isda nila ang...
168
00:10:59,533 --> 00:11:00,785
Ang sarap nito!
169
00:11:00,868 --> 00:11:01,827
Masarap!
170
00:11:03,871 --> 00:11:05,373
Ano'ng nangyayari?
171
00:11:09,710 --> 00:11:10,544
{\an8}Uy!
172
00:11:14,548 --> 00:11:16,175
{\an8}Nandito pala kayo, Kamahalan.
173
00:11:22,723 --> 00:11:24,600
Makikiraan kami!
174
00:11:25,935 --> 00:11:27,728
Kitang-kita rito ang buong lungsod!
175
00:11:28,354 --> 00:11:29,188
Nandito ang hari!
176
00:11:30,773 --> 00:11:32,108
Magandang araw po, Kamahalan!
177
00:11:33,818 --> 00:11:35,236
Uy!
178
00:11:35,861 --> 00:11:36,695
Kamahalan.
179
00:11:36,779 --> 00:11:39,698
Gusto n'yo ba ng mga pulang berry
mula sa Benwick?
180
00:11:39,782 --> 00:11:41,450
Bakit hindi?
181
00:11:41,534 --> 00:11:43,661
Masarap itong kainin kasama
ng empanadang isda.
182
00:11:45,121 --> 00:11:45,955
Grabe...
183
00:11:52,837 --> 00:11:53,838
Salamat!
184
00:11:53,921 --> 00:11:56,340
Salamat din! Sa susunod ulit!
185
00:11:58,843 --> 00:11:59,969
Namumuhay ang mga tao
186
00:12:00,052 --> 00:12:02,179
kasama ang mga Higante
at diwata rito sa Liones, ano?
187
00:12:03,180 --> 00:12:05,307
Mula noong Banal na Digmaan
may 16 na taon ang nakararaan,
188
00:12:05,391 --> 00:12:06,684
nagsimula kaming magsama.
189
00:12:06,767 --> 00:12:08,853
Kaunti lang silang namumuhay rito,
190
00:12:08,936 --> 00:12:11,147
pero mukhang nagkakasundo naman ang lahat.
191
00:12:11,730 --> 00:12:13,607
Wala bang nandito
na mula sa angkan ng demonyo?
192
00:12:16,527 --> 00:12:18,529
Talagang kakaiba kang bata.
193
00:12:19,029 --> 00:12:22,366
Dapat kakaiba ang mga hilig mo
para gustuhing mamuhay kasama sila.
194
00:12:22,450 --> 00:12:24,201
Gusto ko naman sila.
195
00:12:24,743 --> 00:12:29,081
Pumunta ako sa nayon ng angkan ng demonyo
sa Dalflare, at mababait silang lahat.
196
00:12:29,582 --> 00:12:31,584
Gano'n ba? Pumunta ka sa nayong 'yon...
197
00:12:32,334 --> 00:12:35,087
May ilan din akong
naging kaibigan sa kanila!
198
00:12:35,171 --> 00:12:37,256
Marami rin akong nakaing mga putahe
mula sa Impiyerno!
199
00:12:39,800 --> 00:12:41,760
Kaya mo bang hulaan ang sinabi ko?
200
00:12:42,428 --> 00:12:45,639
Marami na rin akong nakaing
putahe galing sa Impiyerno.
201
00:12:45,723 --> 00:12:47,808
Ha? Ano?
202
00:12:47,892 --> 00:12:50,394
Paano ka natutong magsalita
ng wika ng angkan ng demonyo?
203
00:12:50,895 --> 00:12:53,314
Ako dapat ang nagtatanong niyan.
204
00:12:57,651 --> 00:12:59,153
Maganda ba ang tanawin?
205
00:12:59,236 --> 00:13:02,865
Nakikita rin mula rito ang maliliit
na bayan at nayon sa labas ng Liones.
206
00:13:03,491 --> 00:13:06,535
Nakikita mo ba 'yong maliit na kastilyo
sa tuktok ng burol na 'yon?
207
00:13:06,619 --> 00:13:09,038
Isa 'yong maliit na bansang
tinatawag na Darkmunt.
208
00:13:09,121 --> 00:13:11,123
Maganda rin ang lugar na 'yon.
209
00:13:11,624 --> 00:13:14,919
Dahil sa pag-iikot natin,
mayroon akong napagtanto.
210
00:13:16,003 --> 00:13:19,590
Ang mga taong nakatira sa Liones
at sa mga nakapalibot na bayan dito,
211
00:13:19,673 --> 00:13:21,675
masaya silang namumuhay.
212
00:13:25,012 --> 00:13:27,056
Pero malapit na rin 'yong mawala.
213
00:13:28,265 --> 00:13:31,769
Ang mga tao, ang bansa,
ang lupain, ang lahat nang nandito.
214
00:13:34,396 --> 00:13:36,941
Tulungan mo kami, Percival.
215
00:13:49,703 --> 00:13:53,040
Matutulungan ko ang bansang ito
at ang mga tao rito?
216
00:13:53,541 --> 00:13:54,375
Tama ka.
217
00:13:54,875 --> 00:13:57,545
Ang Apat na Kabalyero ng Katapusan,
kasama ka,
218
00:13:57,628 --> 00:14:00,464
ang mga batang napili
para iligtas ang mundong ito.
219
00:14:01,298 --> 00:14:04,593
Pero wala akong gano'ng kapangyarihan.
220
00:14:05,302 --> 00:14:09,223
Kung hindi dahil sa mga kasama ko,
mahihirapan akong makarating dito.
221
00:14:11,517 --> 00:14:13,852
At saka, ang sabi ni Lancelot...
222
00:14:16,146 --> 00:14:18,274
wawasakin
ng Apat na Kabalyero ng Katapusan
223
00:14:18,357 --> 00:14:21,360
ang mundo gamit ang apat na kalamidad.
224
00:14:21,443 --> 00:14:25,614
Naku, hindi niya nasabi sa 'yo
ang pinakamahalagang bahagi.
225
00:14:28,784 --> 00:14:30,995
Ipaliliwanag ko rin
sa 'yo nang mabuti 'to,
226
00:14:31,078 --> 00:14:34,123
kapag nagsama-sama na
ang Apat na Kabalyero ng Katapusan.
227
00:14:35,624 --> 00:14:37,459
Kamahalan!
228
00:14:39,962 --> 00:14:43,257
Kamahalan, dumating na po
ang prinsipe mula sa paglalakbay niya!
229
00:14:45,175 --> 00:14:47,261
Nahanap ba niya
ang kabalyero mula sa propesiya?
230
00:14:47,344 --> 00:14:50,681
Opo. Mukha gano'n nga.
231
00:14:50,764 --> 00:14:52,766
Pero, may kaunting problema...
232
00:14:54,852 --> 00:14:57,771
Gano'n ba? Di ko inaasahan 'yan.
233
00:14:57,855 --> 00:15:01,525
Pero hindi nagkakamali
ang propesiya, kaya naman...
234
00:15:01,609 --> 00:15:03,402
Kung gano'n...
235
00:15:03,485 --> 00:15:06,405
May mga kumikinang. Ano kaya 'yon?
236
00:15:07,990 --> 00:15:09,700
Pasensiya ka na, Percival.
237
00:15:09,783 --> 00:15:12,411
Mukhang kailangan ko munang
bumalik sa kastilyo...
238
00:15:16,749 --> 00:15:19,919
Ano 'yon? Hindi 'yon mukhang paputok.
239
00:15:20,586 --> 00:15:23,047
Mga bituin? Hindi rin.
240
00:15:23,631 --> 00:15:25,424
- Di nagpapakita ang mga bituin...
- Hoy, ikaw, bata.
241
00:15:25,507 --> 00:15:27,593
- tuwing umaga.
- Tumingin ka sa dinaraanan mo.
242
00:15:29,595 --> 00:15:30,429
Ha?
243
00:15:33,766 --> 00:15:36,101
Nangako akong ibibigay ko lang
ang pagkababae ko sa lalaking 'yon
244
00:15:36,185 --> 00:15:38,520
at matagal ko 'tong prinotektahan.
245
00:15:39,146 --> 00:15:40,689
Ang lakas ng loob mo...
246
00:15:40,773 --> 00:15:42,942
Ang lakas ng loob mong
nakawin 'to mula sa 'kin!
247
00:15:45,194 --> 00:15:46,278
Maghubad ka!
248
00:15:47,237 --> 00:15:48,238
Bakit?
249
00:15:51,825 --> 00:15:52,743
Dudurugin kita!
250
00:15:56,580 --> 00:15:59,416
Uy, Chion. Ano na ang nangyari sa iba?
251
00:15:59,917 --> 00:16:03,253
Mukhang pumunta sila
sa kabilang direksyon.
252
00:16:03,879 --> 00:16:05,339
May alam ka ba kung bakit?
253
00:16:05,422 --> 00:16:06,590
Wala pa...
254
00:16:07,132 --> 00:16:08,759
Ngayon lang 'to nangyari, kaya...
255
00:16:12,221 --> 00:16:14,515
Tumigil ka! Bubugbugin kita!
256
00:16:14,598 --> 00:16:16,892
'Wag! Pakiusap!
257
00:16:16,976 --> 00:16:18,102
Isolde?
258
00:16:18,936 --> 00:16:19,895
Ano'ng ginagawa niya?
259
00:16:19,979 --> 00:16:21,605
Mukhang kailangan natin siyang awatin.
260
00:16:23,983 --> 00:16:26,986
Isolde! Bata lang 'yan!
261
00:16:27,903 --> 00:16:29,238
Tulungan natin siya.
262
00:16:30,239 --> 00:16:32,116
Ang bagay na nasa likod ng batang 'yon,
263
00:16:32,199 --> 00:16:35,911
ang piraso ng Kabaong ng Walang Hanggang
Kadiliman na ninakaw ng Camelot.
264
00:16:37,204 --> 00:16:38,455
Nakasisiguro ako.
265
00:16:38,539 --> 00:16:41,542
Isa siyang Kabalyero ng Kaguluhan
na nagsisilbi kay Haring Arthur.
266
00:16:41,625 --> 00:16:43,544
Pero mukhang
pangkaraniwang bata lang siya.
267
00:16:44,128 --> 00:16:46,046
{\an8}Wala na tayong magagawa pa, di ba?
268
00:16:51,844 --> 00:16:52,928
{\an8}Mga kasama!
269
00:16:53,012 --> 00:16:55,347
Ako si Jade,
isang Banal na Kabalyero ng Liones.
270
00:16:55,848 --> 00:16:58,058
Kaibigan o kaaway ka ba?
271
00:16:58,559 --> 00:17:00,394
Ako si Chion,
isa rin akong Banal na Kabalyero.
272
00:17:00,936 --> 00:17:04,440
Pababagsakin ka na namin dito,
ikaw na alagad ni Haring Arthur!
273
00:17:05,816 --> 00:17:08,193
Nakakahiya 'to!
274
00:17:08,777 --> 00:17:11,447
Ibig sabihin, isang kaaway
ang bumastos sa 'kin!
275
00:17:11,530 --> 00:17:13,198
Nagkakamali ka!
276
00:17:13,282 --> 00:17:15,451
Kung may gusto kang sabihin,
pakikinggan namin.
277
00:17:16,285 --> 00:17:18,203
{\an8}Hindi ako kaaway!
278
00:17:18,287 --> 00:17:20,664
{\an8}Pumunta ako sa Liones dahil
pinapunta ako rito ng hari...
279
00:17:23,292 --> 00:17:24,460
Hindi ako makapagsalita!
280
00:17:24,543 --> 00:17:26,378
Ano'ng sasabihin niya?
281
00:17:27,129 --> 00:17:29,965
Baka naisip niyang
walang silbi ang ibibigay niyang dahilan.
282
00:17:30,466 --> 00:17:32,718
Kahit na isa siyang kaaway,
mayroon pa rin pala siyang dangal.
283
00:17:38,390 --> 00:17:40,184
Ako na ang tatapos sa kaniya.
284
00:17:40,976 --> 00:17:43,812
Sandali. Hindi ba dapat hulihin natin siya
at ikulong na lang?
285
00:17:43,896 --> 00:17:45,647
Mas mabuting tapusin na natin siya.
286
00:17:45,731 --> 00:17:48,567
Gamit ang mahika nating tatlo,
magiging madali lang 'to.
287
00:17:50,152 --> 00:17:51,820
Kakampi ako!
288
00:17:51,904 --> 00:17:54,823
Kinuha ko 'to sa isang masamang tao!
289
00:17:55,407 --> 00:17:58,660
{\an8}Determinado talaga siyang labanan tayo.
Kaaway nga siya.
290
00:17:58,744 --> 00:18:01,872
{\an8}Pero hindi parin tayo puwedeng gumamit
ng mahika sa gitna ng daan.
291
00:18:01,955 --> 00:18:03,916
{\an8}Di natin alam
kung gaano kalakas ang kaaway natin.
292
00:18:03,999 --> 00:18:07,711
{\an8}Maaaring mapinsala nang malala
ang kaharian pag minaliit natin siya.
293
00:18:07,795 --> 00:18:11,215
{\an8}Dapat palagi nating iniisip
ang pinakamasamang mangyayari.
294
00:18:11,799 --> 00:18:14,301
Tama si Chion.
295
00:18:21,183 --> 00:18:23,602
Dahil umabot na sa ganitong sitwasyon,
wala na akong magagawa kundi...
296
00:18:25,062 --> 00:18:26,313
Dudurugin kita!
297
00:18:31,819 --> 00:18:33,403
Di ako makahinga.
298
00:18:42,371 --> 00:18:44,665
Akala mo ba makakatulong ang pagtakbo mo?
299
00:18:48,919 --> 00:18:50,170
Di kita hahayaang makatakas,
300
00:18:50,254 --> 00:18:52,756
ikaw na bastos na batang
Kabalyero ng Camelot.
301
00:18:52,840 --> 00:18:54,508
Ano'ng nangyayari?
302
00:18:54,591 --> 00:18:56,969
- Naglalaban ang mga Banal na Kabalyero!
- Hay, naku.
303
00:18:57,052 --> 00:18:59,596
- Magtago na tayo!
- Sabi na, e, matataranta sila.
304
00:19:00,097 --> 00:19:01,056
Hayaan mo na sila.
305
00:19:01,140 --> 00:19:02,558
Kailangan lang natin siyang tapusin
306
00:19:02,641 --> 00:19:04,518
bago dumating
ang ibang Banal na Kabalyero.
307
00:19:05,102 --> 00:19:07,771
Mas matibay pa ang batang ito
kaysa sa inaasahan ko.
308
00:19:07,855 --> 00:19:11,859
Hindi lang boses ang tinanggal ni Silf
kundi ang nilalanghap niyang hangin.
309
00:19:11,942 --> 00:19:14,570
Pero nananatili pa rin siyang nakatayo.
310
00:19:15,362 --> 00:19:16,780
Katapusan mo na.
311
00:19:16,864 --> 00:19:19,908
Dudurugin ko 'yang alaga mo!
312
00:19:21,410 --> 00:19:22,578
Ano?
313
00:19:23,412 --> 00:19:24,955
Ano 'to?
314
00:19:29,293 --> 00:19:31,712
Natakot ba si Silf sa mahika niya?
315
00:19:34,256 --> 00:19:38,093
Mas kumapal na ba ang hangin?
Uy, nakakapagsalita na ulit ako!
316
00:19:38,177 --> 00:19:41,680
- Ibang klase. Hinigop mo ba ang mahika ko?
- Langhap, buga!
317
00:19:42,764 --> 00:19:44,600
Apat, lima...
318
00:19:45,809 --> 00:19:49,104
- Lumayo ka sa 'kin!
- Tatlo, dalawa...
319
00:19:49,188 --> 00:19:50,439
Isa!
320
00:19:52,107 --> 00:19:53,066
Isolde!
321
00:19:54,401 --> 00:19:56,904
Ginoong Tristan...
322
00:19:57,571 --> 00:20:01,992
{\an8}Tama na! Ano ba'ng ginawa ko sa inyo?
323
00:20:03,744 --> 00:20:05,162
{\an8}Ako si Percival.
324
00:20:05,662 --> 00:20:07,998
{\an8}Nandito ako sa Liones
dahil pinapunta ako ng hari...
325
00:20:10,209 --> 00:20:12,502
{\an8}Bigla namang gumabi ngayon!
326
00:20:12,586 --> 00:20:15,339
{\an8}Ang lakas ng loob mong talunin si Isolde.
327
00:20:16,006 --> 00:20:18,008
{\an8}Katapusan mo na talaga.
328
00:20:18,759 --> 00:20:20,886
{\an8}Wala kang magawa pag madilim, di ba?
329
00:20:20,969 --> 00:20:23,263
{\an8}Ikaw rin naman!
330
00:20:24,973 --> 00:20:26,350
{\an8}Bakit di natin subukan?
331
00:20:31,104 --> 00:20:33,899
Mga yabag? Saan 'yon nanggagaling?
332
00:20:33,982 --> 00:20:36,401
Jade, tapusin na natin siya.
333
00:20:36,902 --> 00:20:39,529
'Wag nating sayangin
ang sakripisyo ni Isolde.
334
00:20:39,613 --> 00:20:41,156
Hindi pa ako patay!
335
00:20:42,366 --> 00:20:43,992
Lumayo ka!
336
00:20:49,998 --> 00:20:51,166
Sino'ng nandiyan?
337
00:20:52,417 --> 00:20:55,420
Pambihira, pumunta ako dahil sa ingay,
pagkatapos ito ang makikita ko?
338
00:20:55,504 --> 00:20:57,422
Ano'ng nangyayari?
339
00:20:57,506 --> 00:21:00,050
Percival! Ayos ka lang ba?
340
00:21:00,133 --> 00:21:04,179
Palagi ka na lang nasasangkot sa gulo!
341
00:21:04,263 --> 00:21:07,349
Donny? Nasiens! Anne!
342
00:21:07,432 --> 00:21:09,643
Mga kaibigan ba niya kayo?
343
00:21:09,726 --> 00:21:11,645
Kung gano'n, naubusan na kayo ng suwerte.
344
00:21:12,271 --> 00:21:17,317
Pagsisisihan n'yong nakaharap n'yo
ang Pulutong ni Tristan.
345
00:21:17,401 --> 00:21:19,695
Ang Pulutong ni Tristan?
Ngayon ko lang narinig 'yon.
346
00:21:19,778 --> 00:21:21,571
Bakit n'yo 'to ginagawa?
347
00:21:21,655 --> 00:21:25,701
Silf, bibigyan kita
ng pagkakataong bumawi.
348
00:21:25,784 --> 00:21:26,827
Tifos.
349
00:21:32,249 --> 00:21:33,083
Ang boses ko!
350
00:21:33,667 --> 00:21:34,584
Hindi ako makahinga.
351
00:21:34,668 --> 00:21:36,336
Mga kasama, ano'ng nangyari?
352
00:21:43,302 --> 00:21:44,469
Anne?
353
00:21:47,556 --> 00:21:49,975
Nasiens? Donny!
354
00:21:50,058 --> 00:21:52,894
Natuto na ba kayo, mga alagad ng kasamaan?
355
00:21:52,978 --> 00:21:56,732
Kahit na magtulong-tulong pa kayo,
hindi n'yo kami kayang talunin!
356
00:21:59,693 --> 00:22:01,153
Sa wakas, oras mo na.
357
00:22:01,236 --> 00:22:04,239
Ano'ng problema? Hindi ka na ba
makapagsalita dahil takot na takot ka na?
358
00:22:06,533 --> 00:22:08,744
Tzarla undu.
359
00:22:10,912 --> 00:22:12,748
Tama na 'yan, mga kasama!
360
00:22:18,295 --> 00:22:19,504
Ginoong Tristan!
361
00:23:53,056 --> 00:23:55,642
ANG PAGKIKITA NG MGA KNIGHT
362
00:23:55,725 --> 00:23:57,978
Tagapagsalin ng subtitle: Renz Tabigne