1 00:00:12,512 --> 00:00:13,555 Britannia. 2 00:00:13,638 --> 00:00:16,099 Noon, nagsagawa ng kudeta 3 00:00:16,182 --> 00:00:18,727 ang mga Banal na Kabalyero ng Kaharian ng Liones, 4 00:00:19,227 --> 00:00:22,105 na nagdulot ng isang alitan na humantong sa isang Banal na Digmaan 5 00:00:22,188 --> 00:00:24,274 sa pagitan ng angkan ng diyosa at ng demonyo. 6 00:00:25,150 --> 00:00:30,155 Pero ang paglitaw at aktibong paglahok ng mga maalamat na bayani 7 00:00:30,238 --> 00:00:33,074 na kilala bilang Pitong Nakamamatay na Kasalanan ang tumapos ng digmaan. 8 00:00:33,825 --> 00:00:37,829 Nangyari ang kuwentong ito may 16 na taon ang nakaraan. 9 00:02:09,629 --> 00:02:12,006 ANG MGA DARK TALISMAN 10 00:02:12,090 --> 00:02:13,925 - Uy, Sin. - Bilisan na natin. 11 00:02:14,008 --> 00:02:16,469 Maaabutan na tayo ng mga humahabol sa 'tin! 12 00:02:16,553 --> 00:02:17,762 Uy, Sin. 13 00:02:17,846 --> 00:02:19,973 Narinig mo naman ang sinabi ni Gowther, di ba? 14 00:02:20,056 --> 00:02:21,933 Marami tayong kaaway, 15 00:02:22,016 --> 00:02:24,394 at handa silang pumatay nang walang awa kahit pa mga kakampi nila. 16 00:02:24,936 --> 00:02:26,104 Uy, Sin! 17 00:02:26,688 --> 00:02:28,106 Ano na naman ba 'yon? 18 00:02:28,773 --> 00:02:30,150 Huminto sila. 19 00:02:30,233 --> 00:02:31,109 Ha? 20 00:02:43,371 --> 00:02:44,330 {\an8}Ayos na 'yan. 21 00:02:44,414 --> 00:02:47,917 {\an8}Bakit mo 'yon ginawa? Alaala 'yon ni Ginoong Ardd! 22 00:02:48,001 --> 00:02:50,503 {\an8}Regalo ang tungkod na 'yan mula kay Haring Arthur. 23 00:02:50,587 --> 00:02:52,422 {\an8}Ang wasakin 'to ang tanging magagawa natin. 24 00:02:52,505 --> 00:02:55,049 Ano namang pakialam ko roon? 25 00:02:55,133 --> 00:02:56,718 Mapanganib talaga 'yan. 26 00:02:56,801 --> 00:02:59,721 Naging isang halimaw rin ang lolo ko dahil sa bagay na 'yan. 27 00:03:01,014 --> 00:03:05,059 {\an8}Kung ako sa lokong 'yon, ginamit ko ang tungkod para wasakin ang buong nayon. 28 00:03:05,143 --> 00:03:07,270 {\an8}Kahit na isa siyang kaaway, masyadong mahina ang loob niya. 29 00:03:07,353 --> 00:03:09,105 {\an8}Kaya siguro siya namatay. 30 00:03:10,815 --> 00:03:12,901 Subukan mong ulitin ang sinabi mo! 31 00:03:12,984 --> 00:03:14,235 Tara, umalis na tayo. 32 00:03:14,319 --> 00:03:16,195 Sino ka ba sa akala mo? 33 00:03:16,946 --> 00:03:19,324 {\an8}Binabalaan lang kita bilang kaibigan. 34 00:03:19,407 --> 00:03:21,409 Bilang kaibigan? 35 00:03:21,492 --> 00:03:23,912 Naiintindihan mo ba ang damdamin ng isang tao? 36 00:03:23,995 --> 00:03:27,749 Siyempre, hindi! Dahil isa kang hayop! 37 00:03:28,291 --> 00:03:30,627 {\an8}Tapos na ba ang pagiging malungkot mo? 38 00:03:30,710 --> 00:03:32,837 {\an8}Sin! Sumosobra ka na! 39 00:03:34,255 --> 00:03:37,550 Kakampi ka ba talaga namin? 40 00:03:37,634 --> 00:03:38,593 Ano? 41 00:03:38,676 --> 00:03:41,721 Palagi ka na lang nawawala kapag nasa mahirap na sitwasyon kami. 42 00:03:42,347 --> 00:03:46,267 Wala ka namang naitutulong sa 'min, pero palagi mo na lang kaming inuutusan. 43 00:03:46,351 --> 00:03:48,895 Wala kang karapatang sabihin na kaibigan ka namin! 44 00:03:48,978 --> 00:03:52,232 Kami lang ang nahihirapan dito! 45 00:03:55,485 --> 00:03:56,611 Pasensiya na. 46 00:03:58,613 --> 00:04:01,991 {\an8}- Uy, paruparo... - Anne, 'wag mo nang sisihin si Sin. 47 00:04:02,075 --> 00:04:05,245 Ano? Sige na nga. 48 00:04:08,748 --> 00:04:13,127 Tara na! Sumunod na kayo sa pinuno! 49 00:04:13,711 --> 00:04:15,463 {\an8}Mukhang mas sumigla na si Anne. 50 00:04:15,546 --> 00:04:17,507 {\an8}Nagpapanggap lang siya. 51 00:04:18,007 --> 00:04:22,971 {\an8}Mas nauudyok ng galit ang mga tao kaysa sa pag-iyak at pagmukmok. 52 00:04:23,471 --> 00:04:26,224 Kaya ba sinadya mong galitin siya? 53 00:04:26,307 --> 00:04:29,102 Mukhang naisahan siya ni Sin. 54 00:04:30,603 --> 00:04:32,814 Tara na! 'Wag kayong kukupad-kupad! 55 00:04:34,232 --> 00:04:35,441 Uy, Percy. 56 00:04:37,652 --> 00:04:39,404 {\an8}Kung wala akong naitutulong, 57 00:04:40,655 --> 00:04:42,198 {\an8}di ba ako maituturing na isang kaibigan? 58 00:04:43,116 --> 00:04:45,785 {\an8}Masaya na akong nariyan ka, Sin! 59 00:04:47,370 --> 00:04:50,290 Uy, Percival! Tingnan mo 'to! 60 00:04:50,373 --> 00:04:51,916 Ano 'yon? 61 00:04:52,959 --> 00:04:54,294 Bilisan na natin, Sin! 62 00:04:54,377 --> 00:04:55,878 Sige. 63 00:05:00,383 --> 00:05:01,426 Ano 'yon? 64 00:05:05,388 --> 00:05:08,349 Lumalago sila sa iba't ibang direksiyon. 65 00:05:08,433 --> 00:05:10,685 {\an8}Ang Masukal na Kagubatan! 66 00:05:11,436 --> 00:05:13,187 Sinabi sa 'kin ni Lolo na mayroong kagubatan na, 67 00:05:13,271 --> 00:05:16,149 sa oras na makapasok ka ro'n hindi ka na makakalabas. 68 00:05:16,649 --> 00:05:18,318 Maaari natin itong magamit. 69 00:05:18,943 --> 00:05:20,820 Papupuntahin natin dito ang mga humahabol sa 'tin. 70 00:05:20,903 --> 00:05:23,823 Mga kasama, papupuntahin natin dito ang mga humahabol sa 'tin! 71 00:05:23,906 --> 00:05:26,034 'Yon din ang sinabi ni Sin. 72 00:05:28,661 --> 00:05:32,332 Mukhang natalo sa laban ang isa sa mga Itim na Birtud. 73 00:05:32,415 --> 00:05:34,584 Alam ko na 'yon. 74 00:05:34,667 --> 00:05:35,793 Sino ang tumalo sa kaniya? 75 00:05:35,877 --> 00:05:39,213 Si Gowther, isa sa Pitong Nakamamatay na Kasalanan. 76 00:05:39,881 --> 00:05:40,757 Gano'n ba? 77 00:05:41,340 --> 00:05:42,759 Wala nga siyang pag-asang manalo. 78 00:05:43,342 --> 00:05:48,473 Ngunit, inaasahan kong gagampanan nila ang tungkulin nila bilang isang Birtud. 79 00:05:48,556 --> 00:05:51,392 Malapit na sa grupo ni Percival ang natitirang apat, 80 00:05:51,476 --> 00:05:53,978 at sisimulan na rin nila ang pakikipaglaban sa grupo. 81 00:05:54,479 --> 00:05:57,857 Kung inyong nanaisin, ako na mismo ang pupunta upang matingnan sila. 82 00:05:57,940 --> 00:05:59,692 Oo nga pala, Pellegarde, 83 00:06:00,318 --> 00:06:03,738 hindi ka ba tutulong sa paghahanap ng magiging asawa ko? 84 00:06:05,156 --> 00:06:07,492 Mas makabubuting italaga ang paghahanap 85 00:06:07,575 --> 00:06:12,246 sa isang mapili at maingat tulad ni Ironside. 86 00:06:12,830 --> 00:06:14,415 O sige, bahala ka. 87 00:06:15,083 --> 00:06:17,418 Di mo na kinakailangang ibalita sa 'kin ang bawat pangyayari. 88 00:06:18,086 --> 00:06:19,462 Maliban kung magandang balita 'yon. 89 00:06:20,046 --> 00:06:20,963 Masusunod po! 90 00:06:24,675 --> 00:06:26,719 Hintayin mo 'ko, Percival! 91 00:06:26,803 --> 00:06:32,016 Titingnan ko kung gaano na kalaki ang pinagbago mo! 92 00:06:34,560 --> 00:06:37,772 Nahahati sa apat ang galaw ng mahika nila 93 00:06:37,855 --> 00:06:41,526 Sinusubukan siguro nilang paghiwalayin ang puwersa natin. 94 00:06:41,609 --> 00:06:44,112 Kahit na isa lang sa 'tin ang humarap sa apat na batang 'yon, 95 00:06:44,195 --> 00:06:45,780 magiging madali lang 'yon sa 'tin. 96 00:06:45,863 --> 00:06:48,407 Sige, sundin natin ang gusto nila. 97 00:06:48,491 --> 00:06:50,618 Pagkalipas ng sampung minuto, 98 00:06:50,701 --> 00:06:52,912 babalik ang bawat isa sa 'tin dito hawak ang ulo nila. 99 00:06:52,995 --> 00:06:53,913 Maghiwa-hiwalay na tayo! 100 00:06:55,498 --> 00:06:56,332 Dito. 101 00:06:56,999 --> 00:06:59,919 Dito. 102 00:07:00,002 --> 00:07:02,588 Kakagatin kaya nila 'to? 103 00:07:02,672 --> 00:07:03,756 'Wag kang mag-alala. 104 00:07:03,840 --> 00:07:06,092 Ang tanging mahika na nararamdaman nila rito sa kagubatan, 105 00:07:06,175 --> 00:07:08,010 'yong nagmumula sa maliliit na Percy. 106 00:07:09,011 --> 00:07:13,015 Habang nasa loob tayo ng bilog na 'to, hindi nila mararamdaman ang mahika natin. 107 00:07:13,683 --> 00:07:15,601 Saan mo natutuhan ang mahikang 'to? 108 00:07:16,394 --> 00:07:18,271 Ang Hari ng mga Diwata ang nagturo sa 'kin. 109 00:07:18,813 --> 00:07:20,940 Ano? Ang Hari ng mga Diwata? 110 00:07:21,566 --> 00:07:23,443 {\an8}Ano'ng ginagawa mo, Nasiens? 111 00:07:23,526 --> 00:07:26,404 {\an8}Naisip kong subukan ang mga epekto ng Sungay ng Cernunnos 112 00:07:26,487 --> 00:07:28,698 {\an8}na nakuha ko mula sa nayon. 113 00:07:31,284 --> 00:07:33,119 {\an8}Ano'ng nangyari? 114 00:07:33,619 --> 00:07:36,330 {\an8}'Wag mong sabihin na lason 'yan? Idura mo 'yan! 115 00:07:36,414 --> 00:07:39,667 {\an8}Hindi. Di lang ako makapaghintay sa epekto nito 116 00:07:39,750 --> 00:07:41,085 {\an8}kaya nakagat ko ang labi ko... 117 00:07:41,169 --> 00:07:42,462 {\an8}O, normal lang pala 'yon sa kaniya. 118 00:07:42,545 --> 00:07:44,130 {\an8}Ano'ng normal do'n? 119 00:07:44,672 --> 00:07:45,923 Uy, Sin. 120 00:07:46,007 --> 00:07:48,426 Bakit hindi na lang tayo magtago rito? 121 00:07:48,509 --> 00:07:49,343 Manahimik ka. 122 00:07:50,845 --> 00:07:51,846 {\an8}Nandito na siya. 123 00:07:53,723 --> 00:07:55,641 Dito... 124 00:07:55,725 --> 00:07:58,227 Ano'ng ibig sabihin nito, ha? 125 00:08:00,313 --> 00:08:03,107 Buwisit! Nilinlang lang nila kami! 126 00:08:04,442 --> 00:08:07,445 Mali pala ako. Sinusuwerte ako ngayon. 127 00:08:09,697 --> 00:08:12,492 Sino sa inyo si Percival? 128 00:08:12,575 --> 00:08:13,659 Ako! 129 00:08:14,202 --> 00:08:16,162 Sino sa inyo? 130 00:08:16,245 --> 00:08:17,246 Ako! 131 00:08:17,330 --> 00:08:20,124 Bakit ba kasi siya sa likod pumuwesto? 132 00:08:20,833 --> 00:08:24,253 Di bale na lang. Papatayin ko rin naman kayong lahat. 133 00:08:28,090 --> 00:08:30,134 Nasiens! Anne! 134 00:08:30,218 --> 00:08:33,513 Sa taas nito, imposibleng mabuhay pa sila. 135 00:08:33,596 --> 00:08:34,889 Nabawasan na ng dalawang bubuwit... 136 00:08:36,933 --> 00:08:38,893 Ano na ang balak mo? 137 00:08:39,894 --> 00:08:41,646 Sa-Sandali... Ako... 138 00:08:41,729 --> 00:08:44,607 Bibigyan kita ng sampung segundo para tumakbo papalayo. 139 00:08:45,983 --> 00:08:47,318 Akala mo ba tatakbo ako? 140 00:08:48,236 --> 00:08:49,946 Magaling, Donny! 141 00:08:50,029 --> 00:08:51,656 Ang lakas ng loob mo! 142 00:08:53,741 --> 00:08:54,825 {\an8}- Ngayon na! - Sige! 143 00:08:55,409 --> 00:08:56,452 Apatang Pag-atake! 144 00:08:57,912 --> 00:09:00,081 - Hiwa ng Unos! - Hiwa ng Unos! 145 00:09:04,377 --> 00:09:06,837 Mukhang magiging masaya 'to! 146 00:09:06,921 --> 00:09:09,382 Sigurado akong tinamaan talaga siya ng atake natin! 147 00:09:09,465 --> 00:09:11,092 Di man lang siya nagalusan! 148 00:09:11,676 --> 00:09:13,844 {\an8}Nakailag siguro siya bago pa man tumama ang atake. 149 00:09:13,928 --> 00:09:16,931 Napakadaling basahin ng mga galaw n'yo. 150 00:09:17,014 --> 00:09:18,349 Kalokohan lang 'to. 151 00:09:18,432 --> 00:09:21,686 Paano naging kabalyero mula sa propesiya ang isang baguhang tulad mo? 152 00:09:22,562 --> 00:09:25,982 Ngunit mahusay sa espada ang babaeng kasama n'yo. 153 00:09:26,065 --> 00:09:27,733 At kulang man sa lakas ang batang nakasombrero, 154 00:09:27,817 --> 00:09:29,235 pero matalas naman ang pakiramdam niya. 155 00:09:29,318 --> 00:09:30,152 At... 156 00:09:32,280 --> 00:09:34,156 maayos ang pagsasama-sama n'yo. 157 00:09:34,240 --> 00:09:35,992 Wala ka man lang sinabi tungkol sa 'kin? 158 00:09:36,075 --> 00:09:41,205 Plano n'yong paghiwalayin kami at talunin isa-isa, tama ba? 159 00:09:41,706 --> 00:09:43,666 Dinala n'yo siguro ako sa isang makitid na tuntungan, 160 00:09:43,749 --> 00:09:46,544 upang hindi ako madaling makalapit, pero... 161 00:09:48,588 --> 00:09:49,630 Hayan na siya! 162 00:09:49,714 --> 00:09:51,549 Kayo mismo ang humukay ng libingan n'yo! 163 00:09:52,216 --> 00:09:54,635 Marangyang Pagbuhos! 164 00:09:54,719 --> 00:09:56,721 Percival! Nasiens! 165 00:09:56,804 --> 00:09:59,140 Balutin n'yo ng mahika ang mga sandata n'yo! 166 00:10:00,808 --> 00:10:01,767 Sige! 167 00:10:07,023 --> 00:10:07,982 Ano 'to? 168 00:10:09,233 --> 00:10:10,276 Umiwas kayo! 169 00:10:14,363 --> 00:10:16,949 Ibang klase ang lakas niya! Ang tuntungan natin... 170 00:10:17,033 --> 00:10:19,785 Hindi lang 'yan dahil sa pag-atake niya gamit ang espada! 171 00:10:25,625 --> 00:10:26,876 Buwisit ka! 172 00:10:27,543 --> 00:10:31,672 Tama nga ako, pagpalutang ang mahika mo, tama ba? 173 00:10:36,844 --> 00:10:38,471 Galingan mo! 174 00:10:38,554 --> 00:10:41,432 Hindi mo naman siguro gugustuhing mamatay ang mga kaibigan mo? 175 00:10:43,267 --> 00:10:44,644 Tumigil ka! 176 00:10:44,727 --> 00:10:46,937 Gaya ng sinabi ko, madaling basahin ang mga galaw n'yo. 177 00:10:47,021 --> 00:10:48,314 Heto ang sa 'yo. 178 00:10:53,527 --> 00:10:55,321 {\an8}Umayos ka, Percy! 179 00:10:55,863 --> 00:10:58,199 {\an8}Tulungan mo lang lumipad ang mga kasama mo gamit ang mahika mo! 180 00:10:58,783 --> 00:11:00,868 Hindi 'yon maaari. 181 00:11:00,951 --> 00:11:01,786 Heto. 182 00:11:02,787 --> 00:11:05,456 Mahihina lang ang atake niya, ngunit bakit gano'n? 183 00:11:05,539 --> 00:11:08,834 {\an8}Siguro dahil 'yon sa mahikang "pagbabagong anyo". 184 00:11:10,419 --> 00:11:11,587 Tama ka! 185 00:11:11,671 --> 00:11:14,965 Ang mahika ko, ang "Pagpapahina", 186 00:11:15,049 --> 00:11:17,218 kayang bawasan ang tigas at tibay ng kahit ano. 187 00:11:19,553 --> 00:11:21,472 Kung gano'n, hindi lang sa bakal gumagana ito... 188 00:11:21,555 --> 00:11:23,474 Gusto mo rin ba itong matikman? 189 00:11:23,557 --> 00:11:26,602 Sisirain ko ang magandang mukha mo! 190 00:11:32,566 --> 00:11:33,609 Nasiens! 191 00:11:33,692 --> 00:11:36,195 Mabuti na lang sinubukan ko ito sa laban. 192 00:11:37,780 --> 00:11:40,282 Paghahalo ng lason. Ang Sungay ng Cernunnos. 193 00:11:40,825 --> 00:11:43,744 Kaya nitong palakasin nang husto 194 00:11:43,828 --> 00:11:47,248 ang pisikal na lakas at tibay ng sinumang makakainom nito. 195 00:11:48,124 --> 00:11:50,709 Tunay ngang mabisa ang sungay ng isang maalamat na hayop. 196 00:11:51,419 --> 00:11:55,005 Mukhang kaya nitong mapawalang bisa ang mahika mo. 197 00:11:55,089 --> 00:11:56,006 Sino ka para laitin... 198 00:12:00,428 --> 00:12:02,138 Mabubulag ba ako niyan? 199 00:12:02,221 --> 00:12:03,389 Katapusan mo na! 200 00:12:05,975 --> 00:12:07,768 Paano? 201 00:12:08,269 --> 00:12:10,187 Pinatikim ko sa 'yo ang sarili mong mahika. 202 00:12:11,397 --> 00:12:15,317 Sa oras na malanghap ni Nasiens ang lason... 203 00:12:15,401 --> 00:12:16,902 kaya niya itong... 204 00:12:16,986 --> 00:12:18,028 gayahin! 205 00:12:21,157 --> 00:12:22,867 Buwisit! 206 00:12:27,496 --> 00:12:29,540 {\an8}Napatumba na natin ang isa sa kanila. 207 00:12:29,623 --> 00:12:31,333 {\an8}Mukhang hindi 'to maganda. 208 00:12:43,512 --> 00:12:44,930 Napakabilis natin! 209 00:12:45,514 --> 00:12:47,683 Kapag nagpatuloy 'to, makakalayo tayo sa humahabol sa 'tin! 210 00:12:48,225 --> 00:12:49,143 {\an8}Uy, Percy! 211 00:12:49,852 --> 00:12:51,812 {\an8}Ipaliwanag mo ang ginawa mo kanina. 212 00:12:52,771 --> 00:12:54,940 Normal lang na tulungan ang mga kaibigan mo, 213 00:12:55,649 --> 00:12:57,234 pero bakit pati ang kalaban mo? 214 00:12:58,527 --> 00:13:00,070 Dahil... 215 00:13:00,154 --> 00:13:01,947 mali ang pagpatay. 216 00:13:02,031 --> 00:13:05,242 {\an8}Balak kayong patayin ng mga gagong 'yon! 217 00:13:06,619 --> 00:13:09,330 O baka naman naniniwala kang magbabago pa ang isip ng kaaway mo 218 00:13:09,413 --> 00:13:11,957 kapag naawa ka sa kanila? 219 00:13:12,041 --> 00:13:13,334 Hindi! 220 00:13:13,417 --> 00:13:16,587 Ayaw kong pumatay ng sinuman, kahit na kaaway ko pa sila! 221 00:13:16,670 --> 00:13:18,756 {\an8}Wala ka talagang muwang, bata. 222 00:13:19,673 --> 00:13:20,758 Percival, 223 00:13:21,300 --> 00:13:24,094 dahil sa bilis at layo ng nilalakbay natin, 224 00:13:24,178 --> 00:13:26,013 mabilis mauubos ang mahika mo! 225 00:13:26,555 --> 00:13:27,932 'Wag kang magpadalos-dalos! 226 00:13:28,015 --> 00:13:29,350 Ayos lang ako. 227 00:13:30,142 --> 00:13:34,605 {\an8}Uminom ka nga ng lason na maaaring mapanganib sa 'yo 228 00:13:34,688 --> 00:13:36,607 {\an8}kahit na ako dapat ang pinag-eeksperimentuhan mo. 229 00:13:36,690 --> 00:13:38,442 Tungkol do'n... 230 00:13:38,526 --> 00:13:41,362 Di naman ako seryoso ro'n... 231 00:13:43,072 --> 00:13:45,366 {\an8}Percy, bumabagal ka na. 232 00:13:46,075 --> 00:13:49,870 {\an8}Magpahinga ka muna upang maipon mo ang natitirang mahika mo. 233 00:13:50,371 --> 00:13:51,622 Pero kapag ginawa ko 'yon... 234 00:13:54,375 --> 00:13:56,627 May dalawang pinanggagalingan ng mahika! Doon! 235 00:13:59,463 --> 00:14:02,132 Lumilipad ba ang kabayong 'yon? 236 00:14:02,675 --> 00:14:05,678 Isa 'yang nilalang mula sa purgatoryo, katulad ng Cernunnos. 237 00:14:06,303 --> 00:14:08,180 Binibigyan ni Arthur ng mga mahiwagang kagamitan 238 00:14:08,264 --> 00:14:10,975 at mga nilalang mula sa purgatoryo ang mga alagad niya. 239 00:14:11,058 --> 00:14:12,476 Marami kang alam tungkol sa kanila. 240 00:14:12,977 --> 00:14:15,896 'Yan pala ang kabalyero mula sa propesiya at ang mga kaibigan niya, ha? 241 00:14:16,397 --> 00:14:20,150 Hindi nila kayang takasan si Sleipnir, ang regalong bigay ng hari. 242 00:14:21,485 --> 00:14:24,822 Tungkod ng Apat na Elemento, inuutusan kita. 243 00:14:25,447 --> 00:14:27,950 Labas, Talim ng Hangin! 244 00:14:32,121 --> 00:14:33,956 Percival! Bumaba na tayo! 245 00:14:34,039 --> 00:14:35,791 Hindi na magtatagal ang mahika mo! 246 00:14:37,626 --> 00:14:40,462 Labas, Buhanging Pader! 247 00:14:45,384 --> 00:14:46,760 Muntik na 'yon! 248 00:14:49,638 --> 00:14:50,556 {\an8}Percival? 249 00:14:51,265 --> 00:14:53,934 Talbog! 250 00:14:55,436 --> 00:14:56,979 Talbog! 251 00:14:57,062 --> 00:14:58,898 Putok! 252 00:15:00,357 --> 00:15:01,191 Percival! 253 00:15:01,275 --> 00:15:03,110 Ayos ka lang ba? 254 00:15:03,611 --> 00:15:05,446 Hindi na niya kayang lumaban pa. 255 00:15:06,030 --> 00:15:08,240 Kailangan nating gumawa ng paraan! 256 00:15:08,324 --> 00:15:10,451 Ngunit mukhang pagod ka na rin! 257 00:15:11,535 --> 00:15:14,288 Mukhang epekto 'to ng sungay ng Cernunnos. 258 00:15:14,788 --> 00:15:17,416 Ako ang naglagay sa inyo sa gulong 'to. 259 00:15:18,083 --> 00:15:20,210 Kailangan kong lumaban. 260 00:15:20,294 --> 00:15:21,837 Percival... 261 00:15:27,092 --> 00:15:30,054 Ikaw, isa sa Apat na Kabalyero ng Katapusan, at ang mga kaibigan mo, 262 00:15:30,137 --> 00:15:32,222 tatapusin ko na kayo! 263 00:15:32,306 --> 00:15:34,224 Ako ang pakay n'yo, di ba? 264 00:15:34,767 --> 00:15:36,977 'Wag n'yong idamay ang iba! 265 00:15:37,061 --> 00:15:38,228 Percival... 266 00:15:38,812 --> 00:15:39,772 Naku. 267 00:15:39,855 --> 00:15:41,607 Nakamamangha kang bata. 268 00:15:42,107 --> 00:15:44,735 Gusto ko ang mga kagaya mo. 269 00:15:45,444 --> 00:15:48,364 Pero hindi puwede. Tatapusin ko rin ang mga kaibigan mo. 270 00:15:50,532 --> 00:15:52,534 {\an8}'Wag mong isiping ikaw ang nagdala sa 'min sa gulong ito. 271 00:15:53,035 --> 00:15:57,039 {\an8}Sarili naming pasiya ang sumama sa paglalakbay mo. 272 00:15:57,665 --> 00:15:58,749 {\an8}Anne... 273 00:15:59,792 --> 00:16:03,754 Hindi ba't paggalang ng isang kabalyero ang magpakilala muna? 274 00:16:03,837 --> 00:16:05,881 Paggalang? Ano'ng pinagsasasabi mo? 275 00:16:05,965 --> 00:16:07,800 Sila ang mga Itim na Birtud, 276 00:16:07,883 --> 00:16:10,511 ang "Mapang-akit" na si Burgie at ang "Di Magagapi" na si Doronach. 277 00:16:11,136 --> 00:16:12,137 Mag-ingat kayo. 278 00:16:12,221 --> 00:16:15,015 Hindi nila kayo mamaliitin gaya ng ginawa ni Elgin. 279 00:16:15,724 --> 00:16:17,559 Paano niya nalaman ang mga pangalan namin? 280 00:16:17,643 --> 00:16:21,230 Iilan lamang sa Camelot ang dapat nakakaalam ng impormasyon 281 00:16:21,313 --> 00:16:23,023 tungkol sa samahan ng mga mamamatay-tao. 282 00:16:23,107 --> 00:16:25,776 Inaasahan kong bibigyan n'yo kami ng magandang laban! 283 00:16:26,318 --> 00:16:31,156 Heto na si Anghalhad, ang malapit nang maging Banal na Kabalyero! 284 00:16:31,991 --> 00:16:33,534 Donny, sumama ka rin! 285 00:16:35,703 --> 00:16:36,787 Sige na nga. 286 00:16:36,870 --> 00:16:40,040 Kahit sino pa man sa inyo ang maging kalaban ko, papatayin ko. 287 00:16:40,124 --> 00:16:43,168 Ayaw ng karamihan sa mga mapilit na babae katulad niya. 288 00:16:44,253 --> 00:16:47,172 Uy, puwede bang 'yong maliit na lang ang lalabanan ko? 289 00:16:49,008 --> 00:16:50,551 Sino'ng tinatawag mong mapilit na babae? 290 00:16:51,427 --> 00:16:52,302 Uy! 291 00:16:54,138 --> 00:16:55,639 Halika rito, bata! 292 00:16:55,723 --> 00:16:58,809 Aalalahanin ko ang hitsura mong umiiyak at sumisigaw sa sakit 293 00:16:58,892 --> 00:17:01,061 habang dahan-dahan kitang pinapatay! 294 00:17:01,145 --> 00:17:04,189 Kung gano'n, ang kalaban ko... 295 00:17:09,528 --> 00:17:12,448 Kung tumama 'yon sa 'kin, siguradong katapusan ko na! 296 00:17:15,534 --> 00:17:18,328 Hindi na ako kayang abutin ng palakol mo! 297 00:17:27,921 --> 00:17:30,966 Pagsabog, ito ang mahika ko. 298 00:17:31,550 --> 00:17:32,551 {\an8}Donny! 299 00:17:32,634 --> 00:17:35,262 {\an8}Sa nakita ko, ang lawak ng pagsabog niya, 300 00:17:35,345 --> 00:17:36,722 {\an8}halos doble nang kaya ng mahika mo! 301 00:17:37,306 --> 00:17:39,349 {\an8}Kung gano'n, wala akong laban sa kaniya! 302 00:17:39,433 --> 00:17:42,102 {\an8}Ang sorong 'yon, sino siya? 303 00:17:42,686 --> 00:17:44,730 Ngayon, ano na ang gagawin mo? 304 00:17:44,813 --> 00:17:47,107 Labas, Haliging Tubig! 305 00:17:48,567 --> 00:17:50,944 Labas, Espadang Apoy! 306 00:17:51,528 --> 00:17:53,447 Labas, Talim ng Hangin! 307 00:17:55,282 --> 00:17:57,242 Sunod-sunod ang atake niya! 308 00:17:57,326 --> 00:17:59,495 Nakakainis kang bata ka. 309 00:17:59,578 --> 00:18:00,454 {\an8}Anne! 310 00:18:01,080 --> 00:18:03,457 {\an8}Nagmumula sa mahiwagang kagamitan ang mga atake niya! 311 00:18:03,999 --> 00:18:06,251 {\an8}Asintahin mo ang tungkod niya at pigilan mo siya! 312 00:18:06,335 --> 00:18:08,587 Ano'ng mayro'n sa sorong 'yon? 313 00:18:08,670 --> 00:18:12,257 Asintahin ang tungkod niya? Magiging mahirap 'yon... 314 00:18:12,841 --> 00:18:15,010 Labas, Haliging Tubig! 315 00:18:15,594 --> 00:18:18,263 Paano ako makakalapit sa kaniya? 316 00:18:18,347 --> 00:18:21,141 {\an8}Donny! Palutangin mo ulit siya! 317 00:18:30,692 --> 00:18:31,527 Walang kuwenta 'yan! 318 00:18:36,990 --> 00:18:38,617 Aray! 319 00:18:39,993 --> 00:18:41,286 Ang tungkod ko! 320 00:18:43,372 --> 00:18:45,374 Hindi na niya magagamit ang tungkod niya. 321 00:18:45,958 --> 00:18:47,793 Ginawa n'yo lang ba akong pain? 322 00:18:48,502 --> 00:18:50,170 Ako naman ngayon. 323 00:18:51,630 --> 00:18:53,173 'Wag kang pakasisiguro. 324 00:18:53,757 --> 00:18:56,802 Akala mo ba mananalo ka na kapag inilayo mo sa 'kin ang tungkod ko? 325 00:18:58,262 --> 00:19:01,682 Malikmata. Ito ang mahika mo. 326 00:19:01,765 --> 00:19:03,809 Kaya mo bang alamin kung sino ang totoo? 327 00:19:03,892 --> 00:19:05,811 Isang "panlilinlang" na mahika! 328 00:19:07,146 --> 00:19:08,564 - Halika rito! - Halika rito! 329 00:19:16,780 --> 00:19:18,448 Paano? 330 00:19:21,785 --> 00:19:23,453 {\an8}Malas mo. 331 00:19:23,537 --> 00:19:26,331 {\an8}Mayroon akong kakayahang malaman kung alin ang totoo at hindi. 332 00:19:26,415 --> 00:19:28,584 Nagawa mo, Anne! 333 00:19:30,169 --> 00:19:32,588 Kahanga-hanga ang pagtakbo niya palayo. 334 00:19:32,671 --> 00:19:35,340 Lumaban ka at mamatay! 335 00:19:35,424 --> 00:19:36,425 Ayaw ko pang mamatay! 336 00:19:40,095 --> 00:19:42,723 Kung patas mo akong lalabanan ng sandata lang, 337 00:19:42,806 --> 00:19:44,975 hindi rin ako gagamit ng mahika! 338 00:19:47,811 --> 00:19:49,146 Uy, dambuhala. 339 00:19:49,229 --> 00:19:51,231 'Wag mong babawiin ang sinabi mo. 340 00:19:51,857 --> 00:19:54,985 Kung gano'n, lalabanan kita nang patas. 341 00:19:55,068 --> 00:19:56,236 Donny? 342 00:19:56,320 --> 00:19:58,822 Uy, bakit ka nagpapaloko sa mga panunuya niya? 343 00:19:58,906 --> 00:20:01,742 Di mo matatalo ang sinumang may palakol gamit lang ang kutsilyo! 344 00:20:10,209 --> 00:20:11,627 - Talaga ba? - Di na masama. 345 00:20:17,549 --> 00:20:18,926 Ang galing n'on, Donny! 346 00:20:19,009 --> 00:20:21,136 Bakit ngayon mo lang 'yon ginawa? 347 00:20:21,720 --> 00:20:24,473 Dahil napapadugo nito ang kalaban at mukhang masakit 'yon! 348 00:20:24,556 --> 00:20:26,892 - Seryoso ka ba? - Donny, masyado kang maawain. 349 00:20:26,975 --> 00:20:28,310 {\an8}Hangal. 350 00:20:30,395 --> 00:20:33,690 Hindi mo na kailangang maging maawain! 351 00:20:34,358 --> 00:20:37,194 Kaya nga ginagawa ko na, kahit na ayaw ko! 352 00:20:38,278 --> 00:20:39,488 Sumuko ka na! 353 00:20:44,868 --> 00:20:47,287 Seryoso? Posible ba talaga 'to? 354 00:20:47,371 --> 00:20:51,041 Hindi mapapabagsak ng isang kutsilyo ang Di Magagapi na si Doronach! 355 00:20:51,124 --> 00:20:52,584 Ikaw ang mamamatay rito! 356 00:20:54,503 --> 00:20:55,796 Pagsabog! 357 00:20:59,341 --> 00:21:02,678 Wala talaga akong pag-asang manalo. Walang laban ang mahinang mahika ko. 358 00:21:03,220 --> 00:21:05,305 Sino ang nagsabi n'on? 359 00:21:06,640 --> 00:21:08,809 Produkto ng iyong imahinasyon ang mahika. 360 00:21:09,476 --> 00:21:11,603 Maihahalintulad ito sa isang luwad. 361 00:21:12,145 --> 00:21:14,064 Mahuhulma mo 'to para maging isang bola o parisukat, 362 00:21:14,147 --> 00:21:16,358 o durugin ito, at kaya mo ring gumawa ng kastilyo. 363 00:21:16,900 --> 00:21:19,403 Donny, ano ang nagagawa ng mahika mo? 364 00:21:19,945 --> 00:21:22,155 Nagpapalutang lang 'to ng mga bagay, di ba? 365 00:21:22,781 --> 00:21:25,951 {\an8}Nililimitahan mo ang imahinasyon mo. 366 00:21:26,952 --> 00:21:29,746 Isipin mo na isang maliit na bato lang ang dambuhalang 'yon at hawakan mo. 367 00:21:30,247 --> 00:21:32,958 Di pa ako nakakakita ng maliit na bato na kasinglaki niya. 368 00:21:36,461 --> 00:21:39,423 Parang may hawak akong maliit na bato... 369 00:21:42,259 --> 00:21:45,595 {\an8}Inaangat mo lang ba ang isang maliit na bato? 370 00:21:47,431 --> 00:21:49,850 Kahit na ilang beses mo pang subukan, di mo 'ko matatalo. 371 00:21:51,560 --> 00:21:54,521 Kaya ko, kung isa ka lang maliit na bato! 372 00:21:54,604 --> 00:21:56,982 Kaya rin kitang ihagis! 373 00:22:08,910 --> 00:22:11,455 Ito ang mahika ko? 374 00:22:12,497 --> 00:22:15,125 {\an8}Hindi lang pagpapalutang ang mahika mo. 375 00:22:15,667 --> 00:22:17,919 {\an8}Kundi ang pagpapagalaw ng mga bagay gamit ang isip. 376 00:22:19,421 --> 00:22:20,672 'Yan ang kapangyarihan mo. 377 00:23:53,014 --> 00:23:55,517 ANG TUNAY NA PAGKATAO NI SIN 378 00:23:55,600 --> 00:23:57,936 Tagapagsalin ng subtitle: Renz Tabigne