1 00:00:18,393 --> 00:00:21,146 A! Sa wakas, nagsisimula na. 2 00:00:22,147 --> 00:00:25,900 Ang dakilang paglalakabay ko sa pagiging isang Banal na Kabalyero! 3 00:00:25,984 --> 00:00:30,029 Pasensiya na sa istorbo, Binibining Anne. 4 00:00:30,113 --> 00:00:31,156 Ano 'yon? 5 00:00:31,865 --> 00:00:34,034 Tungkol sa kabayong binigay ng tatay mo 6 00:00:34,117 --> 00:00:36,786 bilang pasasalamat sa pagligtas sa lungsod. 7 00:00:36,870 --> 00:00:39,372 Ano'ng problema ro'n? 8 00:00:39,456 --> 00:00:40,790 Mababang klase ng kabayo! 9 00:00:40,874 --> 00:00:42,625 Malinaw na mababang klase ng kabayo 'yan! 10 00:00:43,209 --> 00:00:45,545 'Wag ka namang bastos. 11 00:00:45,628 --> 00:00:49,632 Matalik na kaibigan ko na si Sylvan mula pa no'ng bata ako. 12 00:00:49,716 --> 00:00:52,510 Siguro wala kang mga kaibigan. 13 00:00:52,594 --> 00:00:55,138 Maaaring nakakatulong pag alam mo kung nagsisinungaling ang isang tao, 14 00:00:55,221 --> 00:00:57,265 pero sigurado akong may mga masamang dulot din ito. 15 00:00:57,348 --> 00:00:58,266 Siguro nga. 16 00:01:01,227 --> 00:01:04,147 Pero magkakaibigan na tayo ngayon, Anne! 17 00:01:04,230 --> 00:01:06,775 Sinabi ko bang kaawaan n'yo ako? 18 00:01:06,858 --> 00:01:10,278 Para sa kaalaman n'yo, hindi ko tinitingnan sa gano'ng paraan ang mga tao. 19 00:01:10,361 --> 00:01:12,781 Kung gano'n, hindi mo palaging nalalaman? 20 00:01:12,864 --> 00:01:15,784 Sa tingin mo kaya kong palaging gawin 'yon? 21 00:01:15,867 --> 00:01:17,786 Nalalaman ko lang kapag sinubukan ko. 22 00:01:21,498 --> 00:01:25,919 {\an8}Uy! Subukan mo ngang hulaan kung totoo ang sasabihin ko o hindi. 23 00:01:27,003 --> 00:01:30,423 Sylvan, nakakakatawa ang maiiksi mong mga binti! 24 00:01:32,634 --> 00:01:33,760 Percival! 25 00:01:35,011 --> 00:01:36,179 {\an8}Napakatanga n'on. 26 00:01:36,763 --> 00:01:38,765 Kahit pa'no, hindi siya nagsinungaling. 27 00:01:42,519 --> 00:01:43,603 Britannia. 28 00:01:43,686 --> 00:01:45,897 Noon, nagsagawa ng kudeta 29 00:01:45,980 --> 00:01:49,150 ang mga Banal na Kabalyero ng Kaharian ng Liones, 30 00:01:49,234 --> 00:01:52,028 na nagdulot ng isang alitan na humantong sa isang Banal na Digmaan 31 00:01:52,111 --> 00:01:54,197 sa pagitan ng angkan ng diyosa at ng demonyo. 32 00:01:55,073 --> 00:02:00,370 Pero ang paglitaw at aktibong paglahok ng mga maalamat na bayani 33 00:02:00,453 --> 00:02:02,997 na kilala bilang Seven Deadly Sins ang tumapos ng digmaan. 34 00:02:03,748 --> 00:02:07,961 Nangyari ang kuwentong ito may 16 na taon ang nakaraan. 35 00:03:39,010 --> 00:03:39,928 GURO AT ESTUDYANTE 36 00:03:40,011 --> 00:03:43,765 Kahit pa, sana binigyan man lang niya tayo ng isang bagon. 37 00:03:44,307 --> 00:03:45,433 Oo nga! 38 00:03:45,516 --> 00:03:47,310 Hay naku, napakareklamador n'yo naman! 39 00:03:47,393 --> 00:03:49,687 Iiwan ko kayo kung hindi kayo hihinto sa pagrereklamo! 40 00:03:55,193 --> 00:03:58,196 {\an8}Uy, sandali, mga kasama! 41 00:03:58,279 --> 00:04:01,032 {\an8}Puwede n'yo bang bagalan ang paglalakad? 42 00:04:01,532 --> 00:04:03,451 Pag nagpatuloy ito, si Sylvan, 43 00:04:04,035 --> 00:04:06,454 mamamatay! 44 00:04:10,041 --> 00:04:11,167 {\an8}- Ayos ka lang ba? - Uy, Kabayo. 45 00:04:11,251 --> 00:04:13,461 {\an8}Hindi ko na kaya. 46 00:04:13,544 --> 00:04:15,964 Hindi maganda ang kalalabasan nito, di ba? 47 00:04:19,050 --> 00:04:22,720 {\an8}Uy, Soro! May gusto ka bang sabihin sa 'kin o kung anuman? 48 00:04:22,804 --> 00:04:24,722 {\an8}Kapag hindi ka pa bumangon diyan, 49 00:04:24,806 --> 00:04:26,557 {\an8}kakatayin na kita. 50 00:04:27,058 --> 00:04:30,186 Pasensiya na! 51 00:04:30,270 --> 00:04:31,271 Ano? 52 00:04:32,730 --> 00:04:34,732 Teka, hindi ko pa natatanong. 53 00:04:35,233 --> 00:04:37,235 Saan ba tayo pupunta? 54 00:04:37,944 --> 00:04:39,487 Sa Kaharian ng Liones. 55 00:04:39,570 --> 00:04:43,199 Ha? Sa Kaharian ng Liones? Ayos 'yon! 56 00:04:43,283 --> 00:04:45,410 Matagal ko nang gustong pumunta ro'n! 57 00:04:45,493 --> 00:04:48,454 Isa 'yong kaharian na pinanggagalingan ng karamihan sa mga kilalang 58 00:04:48,538 --> 00:04:49,998 Banal na Kabalyero sa Britannia! 59 00:04:50,081 --> 00:04:52,125 At hindi lang 'yon, ang hari nila, 60 00:04:52,208 --> 00:04:55,378 si Sir Meliodas, ang pinuno ng Pitong Nakamamatay na Kasalanan! 61 00:04:55,461 --> 00:04:57,547 Nabanggit na rin sila ni Ironside, pero 62 00:04:57,630 --> 00:04:59,757 ano ba 'yong Pitong Nakamamatay na Kasalanan? 63 00:05:02,885 --> 00:05:05,555 Hindi mo sila kilala? Nagbibiro ka ba? 64 00:05:05,638 --> 00:05:09,809 Percival, mangmang ka ba talaga? 65 00:05:09,892 --> 00:05:12,312 Oo, marami siyang hindi nalalaman. 66 00:05:14,397 --> 00:05:16,274 Sila ang Pitong Banal na Kabalyero na 67 00:05:16,357 --> 00:05:18,484 kahit na maling naakusahan sa pagpabagsak ng kaharian, 68 00:05:18,568 --> 00:05:20,903 niligtas pa rin nila ang Liones nang maraming beses. 69 00:05:20,987 --> 00:05:22,989 Sa huli, natalo rin nila ang Hari ng mga Demonyo 70 00:05:23,072 --> 00:05:25,908 sa Banal na Digmaan laban sa angka ng demonyo. 71 00:05:26,451 --> 00:05:28,870 Sila ang Pitong Nakamamatay na Kasalanan! 72 00:05:28,953 --> 00:05:31,080 Naiintindihan ko na. 73 00:05:31,664 --> 00:05:33,666 Oo nga pala, ito ang kayamanan ko! 74 00:05:33,750 --> 00:05:37,587 Isa 'tong karatula ni Sir Meliodas no'ng pugante pa siya! 75 00:05:37,670 --> 00:05:39,339 Bihira lang makahanap ng ganito! 76 00:05:39,422 --> 00:05:41,924 Mahilig ka pala sa matatandang lalaki? 77 00:05:42,008 --> 00:05:45,636 Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Hinahangaan ko lang siya! 78 00:05:47,430 --> 00:05:50,391 Balang araw, magiging isang Banal na Kabalyero rin ako 79 00:05:50,475 --> 00:05:52,935 gaya ni Sir Meliodas. 80 00:05:53,436 --> 00:05:54,604 Oo nga pala. 81 00:05:54,687 --> 00:05:56,439 May mahalaga akong nakalimutan! 82 00:05:56,522 --> 00:05:57,356 - Ha? - Ha? 83 00:05:57,440 --> 00:05:59,442 Sino ang magiging pinuno natin? 84 00:06:00,068 --> 00:06:03,613 Simula ngayon, sa tingin ko mahalagang magkaroon ng pinuno ang grupo natin. 85 00:06:05,490 --> 00:06:07,116 Ano ang isang pinuno? 86 00:06:07,200 --> 00:06:10,620 Naku, Percival, nakakaawa ka naman... 87 00:06:11,204 --> 00:06:14,248 Ikaw nga pinakamalakas sa ating lahat dito, 88 00:06:14,332 --> 00:06:17,376 pero kung tutuusin, mukha kang payaso. 89 00:06:18,211 --> 00:06:19,045 Ha? 90 00:06:20,213 --> 00:06:24,717 Nasiens, hindi ka rin bagay maging isang pinuno. 91 00:06:24,801 --> 00:06:26,135 Hindi ako interesado. 92 00:06:26,219 --> 00:06:29,847 Pero mahinahon at maaasahan ka. 93 00:06:30,348 --> 00:06:32,642 Ikaw na lang siguro ang opisyal ng grupo. 94 00:06:35,478 --> 00:06:38,481 At si Donny naman... 95 00:06:39,232 --> 00:06:40,441 Ikaw na lang siguro ang pain. 96 00:06:40,525 --> 00:06:42,944 Iniinsulto mo ba akong loko ka? 97 00:06:45,113 --> 00:06:47,448 Ha? Kung gano'n! 98 00:06:47,532 --> 00:06:51,953 Mukhang ako lang ang nag-iisang nababagay para sa tungkuling 'yon. 99 00:06:52,036 --> 00:06:53,788 Mukhang wala na akong magagawa! 100 00:06:53,871 --> 00:06:56,207 Ako na lang ang tatayong lider para sa inyo. 101 00:06:56,290 --> 00:06:58,709 Wala akong problema ro'n. 102 00:06:58,793 --> 00:07:00,294 Bahala ka sa buhay mo. 103 00:07:00,795 --> 00:07:03,131 Pero mahusay rin si Donny. 104 00:07:03,214 --> 00:07:06,217 No'ng umalis tayo sa bayan, nagpasalamat ang mga tao sa kaniya. 105 00:07:06,300 --> 00:07:08,386 Salamat, Banal na Kabalyero! 106 00:07:09,053 --> 00:07:13,474 Napilitan lang akong tulungan sila. 107 00:07:14,600 --> 00:07:16,811 Sandali, Donny! 108 00:07:17,562 --> 00:07:20,064 Sinusubukan mo rin bang maging isang Banal na Kabalyero? 109 00:07:20,148 --> 00:07:24,235 Hindi naman, pero wala ka nang pakialam do'n. 110 00:07:24,318 --> 00:07:26,737 {\an8}E di Gusto mo nga! 111 00:07:29,824 --> 00:07:30,950 {\an8}Uy, nakaharang kayo. 112 00:07:31,033 --> 00:07:32,243 {\an8}- Tumabi kayo. - Hoy! 113 00:07:32,827 --> 00:07:34,287 Tama na ang daldal. 114 00:07:34,787 --> 00:07:37,748 Ipapaalam ko na sa inyo ang plano natin, mga pasaway. 115 00:07:38,416 --> 00:07:40,251 Hindi ako pasaway! 116 00:07:44,839 --> 00:07:47,133 Mapa ito ng timog na bahagi ng Britannia. 117 00:07:47,216 --> 00:07:49,844 Ito 'yong kapatagan kung saan ko nakilala si Percival. 118 00:07:49,927 --> 00:07:51,053 Ano 'tong naka-ekis? 119 00:07:51,137 --> 00:07:52,597 Diyan dati matatagpuan ang Camelot. 120 00:07:53,222 --> 00:07:55,683 Medyo malayo na ba tayo sa Sistana ngayon? 121 00:07:56,684 --> 00:07:59,020 Kung gano'n, saan tayo daraan? 122 00:07:59,103 --> 00:08:03,274 Sandali, para sa kaalaman n'yo, ako ang pinuno. 123 00:08:03,357 --> 00:08:05,026 Para makarating sa Liones, 124 00:08:05,109 --> 00:08:07,487 kailangan nating tumawid sa Bulubundukin ng Dalflare. 125 00:08:08,321 --> 00:08:12,074 Maghahanda tayo sa Cant, ang bayan sa paanan ng bulubundukin. 126 00:08:12,617 --> 00:08:13,451 {\an8}Bayan! 127 00:08:13,534 --> 00:08:14,785 {\an8}Tutol ako. 128 00:08:14,869 --> 00:08:15,786 Ha? 129 00:08:15,870 --> 00:08:18,331 Kung gusto nating makaraating sa Liones sa lalong madaling panahon, 130 00:08:18,414 --> 00:08:20,791 dapat nating tawirin ang mga bundok nang walang ibang dinadaanan. 131 00:08:21,459 --> 00:08:23,628 Napakamapanganib ng Dalflare 132 00:08:23,711 --> 00:08:25,796 kaya iilan lang ang nakatatawid nang ligtas doon. 133 00:08:26,464 --> 00:08:28,799 {\an8}Kung hindi ka magiging handa, siguradong mamamatay ka ro'n. 134 00:08:34,639 --> 00:08:37,975 Kung gano'n, Napagpasiyahan na. Pupunta tayo sa Cant! 135 00:08:38,059 --> 00:08:41,562 Sa pagkakataong 'to, maglilibot na ako sa buong bayan! 136 00:08:41,646 --> 00:08:44,482 - Isang bayan! Ayos! - Sana mayro'n silang kakaibang mga gamot. 137 00:08:44,565 --> 00:08:47,318 - Isang bayan! - Bumili na dapat kayo ng bagong damit. 138 00:08:47,401 --> 00:08:50,071 Ako ang pinuno, naiintindihan n'yo? Pambihira! 139 00:08:50,154 --> 00:08:53,074 {\an8}Tingin mo, may masarap kaya silang karot? 140 00:08:53,157 --> 00:08:54,158 {\an8}Aba, malay ko. 141 00:09:00,081 --> 00:09:02,083 Isa pang Aberdeen Ale! 142 00:09:02,166 --> 00:09:04,794 Ginoo, sa tingin ko marami ka nang nainom. 143 00:09:05,878 --> 00:09:07,588 Gusto mo bang palabasin ko siya? 144 00:09:08,172 --> 00:09:10,007 Hindi, 'wag. Hayaan mo siya. 145 00:09:10,091 --> 00:09:12,677 Bakit? Natatakot ka ba sa kaniya, Manong? 146 00:09:12,760 --> 00:09:15,763 Tanga! Hindi 'yan ordinaryong lasing! 147 00:09:16,264 --> 00:09:17,098 - Ha? - Ha? 148 00:09:17,682 --> 00:09:20,101 'Yan ang Kilalang Banal na Kabalyero ng Liones, 149 00:09:20,184 --> 00:09:21,310 si Howzer. 150 00:09:30,945 --> 00:09:32,905 Donny! 'Wag kang masyadong matakot! 151 00:09:32,989 --> 00:09:36,617 Pinapahiwatig ng galaw ng mga paa mo na patamaan ka ng kalaban mo! 152 00:09:38,661 --> 00:09:41,372 Edlin! 'Wag mo siyang pagbibigyan, kahit na pagsasanay lang ito! 153 00:09:46,711 --> 00:09:47,712 Hinto! 154 00:09:51,215 --> 00:09:54,969 Gurong Howzer, sa tingin mo ba puwede kaming maging Banal na Kabalyero? 155 00:09:55,469 --> 00:09:58,139 Paunti-unti na kayong humuhusay. 156 00:09:58,764 --> 00:10:00,141 Magandang balita 'yon, di ba, Donny? 157 00:10:00,224 --> 00:10:01,392 Oo naman, Kuya Edlin! 158 00:10:01,475 --> 00:10:05,896 Pero hindi lang husay sa espada at mahika ang kailangan ng isang Banal na Kabalyero. 159 00:10:06,397 --> 00:10:08,899 Mahalagang alam n'yo kung saan gagamitin ang kapangyarihan n'yo. 160 00:10:09,483 --> 00:10:11,611 Sa madaling salita, kung ano ang laman nito. 161 00:10:12,987 --> 00:10:16,616 Marami na akong nakitang nagkamali sa bahaging 'yon. 162 00:10:17,742 --> 00:10:21,912 'Wag kayong mag-alala. Sasanayin ko kayo para hindi kayo matulad sa kanila. 163 00:10:21,996 --> 00:10:23,205 - Opo! - Opo! 164 00:10:25,750 --> 00:10:26,751 Donny! 165 00:10:27,752 --> 00:10:28,961 Tingnan mo! 166 00:10:29,629 --> 00:10:31,005 'Yon ang... 167 00:10:31,088 --> 00:10:31,922 Oo. 168 00:10:32,548 --> 00:10:33,758 'Yon ang bayan ng Cant. 169 00:10:34,258 --> 00:10:37,261 Mas mukhang kuta 'yan kaysa isang bayan. 170 00:10:48,606 --> 00:10:51,609 Anong klaseng tindahan ito? 171 00:10:51,692 --> 00:10:53,944 Puno ito ng magagandang gamit! 172 00:10:54,028 --> 00:10:56,697 Grabe! Para akong isang batang nasa tindahan ng mga matatamis! 173 00:10:57,281 --> 00:10:59,450 Ito ba ang tindahan ng panday? 174 00:11:02,703 --> 00:11:05,956 Kumusta! Mayroon kami ng anuman hanap mo! 175 00:11:06,040 --> 00:11:09,543 Sige. Mayroong ba kayong babasagin na lalagyan? 176 00:11:10,044 --> 00:11:11,796 Naghahanap ako ng lalagyan ng gamot. 177 00:11:15,299 --> 00:11:19,261 Isang taberna, ha? Parang gusto ko tuloy uminom. 178 00:11:21,931 --> 00:11:23,432 Ano kaya ang ginagawa nila? 179 00:11:24,308 --> 00:11:25,726 Tumaya na kayo! 180 00:11:26,310 --> 00:11:30,231 Ang pustang mananalo ang kampeon ay 1.2, habang sa humamon naman ay 20! 181 00:11:30,314 --> 00:11:31,649 Itataya ko ang pera ko sa humamon! 182 00:11:31,732 --> 00:11:33,984 - Ang galing! Nakikipagbuno sila! - Sa kampeon ang taya ko! 183 00:11:35,945 --> 00:11:38,239 {\an8}Tama na 'yang panonood mo, mangmang ka! 184 00:11:38,322 --> 00:11:41,450 Dapat unahin nating makahanap ng matutuluyan! 185 00:11:43,244 --> 00:11:46,997 A, may kuwarto ba kayo para sa lima? 186 00:11:47,081 --> 00:11:49,417 Kailangan din namin ng lugar para sa kabayo namin. 187 00:11:49,500 --> 00:11:50,835 Oo naman. 188 00:11:50,918 --> 00:11:51,752 Ayos! 189 00:11:51,836 --> 00:11:54,505 Apat na pilak bawat tao at dalawa naman para sa kabayo, 190 00:11:54,588 --> 00:11:56,507 kaya 22 pilak ang lahat ng babayaran n'yo. 191 00:11:57,091 --> 00:11:58,926 Maaari bang magbayad ka na, Ginoong Sin? 192 00:11:59,009 --> 00:12:01,178 Hinabilin ko ang lahat ng pera kay Anne. 193 00:12:02,179 --> 00:12:05,182 Hindi raw niya puwedeng ipagkatiwala sa 'tin ang pangangalaga ng pera. 194 00:12:05,808 --> 00:12:07,226 {\an8}Sunduin n'yo si Anne. 195 00:12:07,309 --> 00:12:08,727 Nasaan ba siya? 196 00:12:08,811 --> 00:12:10,020 Nasa banyo siguro? 197 00:12:10,104 --> 00:12:11,313 Dumudumi siya. 198 00:12:11,397 --> 00:12:15,401 Nasaan ba ang mga lalaking 'yon? 199 00:12:16,485 --> 00:12:17,820 Nandiyan ka pala! Anne! 200 00:12:17,903 --> 00:12:19,822 Ano ba ang ginawa mo? 201 00:12:19,905 --> 00:12:23,075 Hindi n'yo man lang tinulungan ang pinuno n'yo! 202 00:12:23,159 --> 00:12:25,327 Tulungan kang hugasan ang puwit mo? 203 00:12:27,705 --> 00:12:29,957 Grabe, ang bigat n'on! 204 00:12:30,040 --> 00:12:33,252 Uy, para saan ang malaking sako na 'yan? 205 00:12:33,335 --> 00:12:34,503 Ano ba sa tingin mo? 206 00:12:35,087 --> 00:12:37,298 Hindi n'yo ba alam na kailangan ng matinding paghahanda 207 00:12:37,381 --> 00:12:38,799 sa pagtawid sa bulubundukin? 208 00:12:38,883 --> 00:12:40,843 'Yon ang sinabi mo kanina, Sin. 209 00:12:40,926 --> 00:12:44,054 Ta-da! Mga parol at lalagyan ng tubig! 210 00:12:44,138 --> 00:12:47,141 Magkakaiba ang hugis nila, pero pareho lang ang presyo nila! 211 00:12:47,224 --> 00:12:49,226 Pero mamahalin 'yong sa 'kin! 212 00:12:49,310 --> 00:12:51,270 Pero dapat lang 'yon dahil ako ang pinuno. 213 00:12:51,353 --> 00:12:52,354 Ang ganda nila, di ba? 214 00:12:53,481 --> 00:12:57,109 May nabili rin akong mga kumot! Iba't iba ang tela nilang lahat! 215 00:12:57,193 --> 00:12:59,487 Pero iisa lang ang presyo nila. Ito ang sa 'kin! 216 00:12:59,570 --> 00:13:01,197 Gusto ko 'to! 217 00:13:01,280 --> 00:13:03,616 Amoy matanda ito. 218 00:13:03,699 --> 00:13:05,910 Amoy pabango itong sa 'kin. 219 00:13:06,535 --> 00:13:09,622 Iba-iba ang kalidad nila, pero iisa lang ang presyo nila? 220 00:13:09,705 --> 00:13:13,876 At ang pinakamahalaga sa lahat, bilang pinuno, kailangan ng grupo ko... 221 00:13:13,959 --> 00:13:14,877 Heto! 222 00:13:14,960 --> 00:13:16,962 Maaayos na damit para sa inyo! 223 00:13:18,130 --> 00:13:19,882 Salamat, Anne! 224 00:13:20,466 --> 00:13:22,176 Kasyang-kasya 'to sa akin. 225 00:13:22,259 --> 00:13:23,761 Salamat. 226 00:13:23,844 --> 00:13:25,971 Huli na no'ng naisip kong bilhan ka, Donny. 227 00:13:26,639 --> 00:13:28,390 Siyempre, binilhan din kita, Sin. 228 00:13:29,642 --> 00:13:31,977 Isa 'tong kapa na para sa bata, pero maganda naman, di ba? 229 00:13:32,603 --> 00:13:34,772 {\an8}Kita mo? Bagay sa 'yo! 230 00:13:34,855 --> 00:13:38,984 {\an8}Ayos lang na bumili ng mga gamit, pero may natira ka pa namang pera, di ba? 231 00:13:39,068 --> 00:13:41,529 Oo naman! Kita mo? 232 00:13:41,612 --> 00:13:43,531 May natira pang tatlong pilak! 233 00:13:45,616 --> 00:13:49,036 Hangal ka! 234 00:13:49,119 --> 00:13:52,540 Sampung gintong barya ang binigay ko sa 'yo! 235 00:13:53,123 --> 00:13:54,625 Sampung gintong barya? 236 00:13:55,417 --> 00:13:56,752 Gano'n karami? 237 00:13:56,835 --> 00:13:59,046 Makakabili ka na n'on ng bahay na may gamit. 238 00:13:59,129 --> 00:14:01,465 {\an8}At sa tingin mo, bagay kang maging pinuno? 239 00:14:01,549 --> 00:14:04,385 {\an8}Salamat sa 'yo, sa labas tayo matutulog! 240 00:14:05,135 --> 00:14:07,471 Sanay na akong matulog sa labas. 241 00:14:07,555 --> 00:14:08,556 Tumahimik ka na. 242 00:14:10,391 --> 00:14:13,811 Sige! Gusto mong ibalik ko ang pera, tama? 243 00:14:13,894 --> 00:14:16,438 Sumama ka sa 'kin, Percival! Dalhin mo ang mga 'yan! 244 00:14:17,898 --> 00:14:20,192 Uy, saan tayo pupunta? 245 00:14:20,276 --> 00:14:22,069 Tumahimik ka na lang at sundan ako! 246 00:14:22,152 --> 00:14:24,154 Binabalak ba niyang ibalik ang mga 'yon? 247 00:14:24,238 --> 00:14:25,865 Puwede ba 'yon? 248 00:14:28,033 --> 00:14:30,953 Hintayin na lang natin sila habang umiinom. 249 00:14:31,537 --> 00:14:33,205 Saan ka pupunta, Sin? 250 00:14:33,789 --> 00:14:35,958 Maglalakad-lakad muna ako para kumalma. 251 00:14:37,793 --> 00:14:38,919 Kumusta! 252 00:14:39,420 --> 00:14:42,423 Donny, dito pumupunta ang mga tao para uminom ng mga alak. 253 00:14:42,923 --> 00:14:44,049 'Wag kang mag-alala. 254 00:14:45,384 --> 00:14:48,387 Uy, Manong! Isa ngang baso ng gatas at isang Vanya Ale. 255 00:14:48,470 --> 00:14:49,471 Sige. 256 00:14:50,848 --> 00:14:52,266 Iinom ba talaga tayo? 257 00:14:52,808 --> 00:14:56,979 Isang batang umiinom ng alak nang ganito kaaga? Suwerte mo naman. 258 00:14:58,647 --> 00:14:59,982 Manahimik ka, tanda. 259 00:15:00,608 --> 00:15:03,235 Walang karapatan ang isang estranghero na sabihin sa 'kin kung ano... 260 00:15:09,074 --> 00:15:10,576 Lasing lang siguro siya. 261 00:15:11,076 --> 00:15:13,203 Isang baso ng gatas at Vanya Ale. 262 00:15:18,250 --> 00:15:20,377 Tumakas ka sa pagsasanay mo sa pagiging Banal na Kabalyero 263 00:15:20,461 --> 00:15:22,379 at naging isang manlalakbay na nagtatanghal, tama? 264 00:15:22,963 --> 00:15:27,092 Naiintindihan ko na. Ang pag-inom ng alak ang pagsasanay mo sa pagtatanghal, tama? 265 00:15:27,593 --> 00:15:29,136 Hindi. 266 00:15:29,845 --> 00:15:31,972 Nagpahinga ako sa paglalakbay ko sa pagtatanghal, 267 00:15:32,056 --> 00:15:33,182 parang gano'n nga... 268 00:15:33,724 --> 00:15:34,892 Kilala mo ba siya? 269 00:15:34,975 --> 00:15:39,146 Siya si Howzer, ang Dakilang Banal ng Kabalyero ng Liones. 270 00:15:39,229 --> 00:15:43,484 At siya ang nakababatang kapatid ng yumao kong ina. 271 00:15:43,567 --> 00:15:44,401 Ano? 272 00:15:44,985 --> 00:15:47,321 Siya ang... tiyo ko. 273 00:15:49,740 --> 00:15:52,743 Mukhang nahiwalay sa dalawang grupo ang pinupuntirya natin, amo. 274 00:15:54,119 --> 00:15:56,330 Kumusta 'yong Banal na Kabalyero? 275 00:15:56,830 --> 00:15:59,917 Mukhang nakikipag-usap siya sa ilan sa mga pinupuntirya natin sa taberna. 276 00:16:00,000 --> 00:16:02,670 Malapit na rin siyang mawalan ng malay sa sobrang kalasingan. 277 00:16:03,587 --> 00:16:06,382 Bigyan n'yo sila ng magarbong pagsalubong. 278 00:16:07,841 --> 00:16:09,176 Buwisit! 279 00:16:09,259 --> 00:16:10,594 {\an8}Ha... 280 00:16:10,678 --> 00:16:13,430 {\an8}Mukhang nahihirapan ka na, Pinunong Sin. 281 00:16:14,014 --> 00:16:15,557 Hindi mo lang kinakailangang ihatid 282 00:16:15,641 --> 00:16:18,185 ang isa sa Apat na Kabalyero ng Katapusan patungo sa kaharian, 283 00:16:18,268 --> 00:16:20,688 pero kailangan mo ring sumunod sa isang mahigpit na kondisyon. 284 00:16:20,771 --> 00:16:23,023 Hindi ko inakalang 285 00:16:23,107 --> 00:16:25,693 magiging mahirap maglakbay habang binabantayan ang mga batang 'yon. 286 00:16:27,277 --> 00:16:30,698 Nanalo na naman ang kampeon! 287 00:16:30,781 --> 00:16:32,950 Nasa 1.4 na ng taya ang bayad! 288 00:16:39,039 --> 00:16:41,208 Kung gano'n, kukunin ko na 'to. 289 00:16:43,794 --> 00:16:46,797 Percival! Tama na 'yan! 290 00:16:46,880 --> 00:16:48,215 Sige! 291 00:16:48,799 --> 00:16:50,718 Sa uulitin, mga tiyo! 292 00:16:50,801 --> 00:16:53,721 Maraming salamat sa pakikipaglaro sa 'kin! 293 00:17:04,064 --> 00:17:06,567 Tiyo, mukhang maayos ka naman. 294 00:17:07,276 --> 00:17:09,486 Maayos din ba si Kuya Edlin? 295 00:17:10,863 --> 00:17:14,992 Wala akong dapat ipaliwanag sa isang duwag na tumakas sa pagsasanay niya. 296 00:17:15,075 --> 00:17:16,618 Pagsasanay? 297 00:17:16,702 --> 00:17:18,412 Pagsasanay sa pagiging Banal na Kabalyero. 298 00:17:18,495 --> 00:17:19,538 Nagsanay ka dati? 299 00:17:20,080 --> 00:17:22,750 Nga pala, bakit nandito ang isa 300 00:17:22,833 --> 00:17:24,710 sa mga Banal na Kabalyero ng Liones? 301 00:17:25,836 --> 00:17:28,255 Wala akong dapat ipaliwanag sa isang ordinaryong tao. 302 00:17:28,338 --> 00:17:31,800 Sa tingin ko, mahuhulaan ko ang dahilan. 303 00:17:32,342 --> 00:17:33,510 Seryoso ka? 304 00:17:34,428 --> 00:17:35,262 Buwisit. 305 00:17:39,266 --> 00:17:41,518 Donny, ikaw! 306 00:17:41,602 --> 00:17:43,771 Ano 'yang hawak mo? 307 00:17:44,646 --> 00:17:48,025 Isa 'tong piraso ng gamit sa ritwal ng Kabaong ng Walang Hanggang Kadiliman... 308 00:17:48,984 --> 00:17:50,778 Saan mo 'to ninakaw? 309 00:17:51,361 --> 00:17:53,280 Hindi ko 'yan ninakaw! 310 00:17:53,363 --> 00:17:58,035 Alam kong ilang beses mo na akong ninakawan ng pilak sa pitaka ko! 311 00:17:59,536 --> 00:18:01,371 Ibalik mo na lang 'yan! 312 00:18:01,455 --> 00:18:03,540 Ipinagkatiwala sa akin 'yan! 313 00:18:03,624 --> 00:18:04,750 Donny! 314 00:18:04,833 --> 00:18:08,295 Sinasabi mo ba 'yan nang nalalaman kung para saan ito? 315 00:18:08,879 --> 00:18:12,800 Sa tingin ko isa 'yang bagay na may mahika sa pagkulong sa angkan ng demonyo. 316 00:18:16,637 --> 00:18:17,554 Donny! 317 00:18:17,638 --> 00:18:23,060 Kung mapapasakamay ito ng kasamaan, magiging katapusan na ng Liones! 318 00:18:30,150 --> 00:18:33,070 Ang tanga ko para isipin na may maaasahan ako sa 'yo. 319 00:18:33,654 --> 00:18:37,157 Walang kakayahan ang mga katulad mo na protektahan ang mga tao. 320 00:18:37,658 --> 00:18:41,411 Mabuti na lang at sinukuan n'yo ang pagiging Banal na Kabalyero. 321 00:18:41,912 --> 00:18:45,332 {\an8}Siguradong dismayado ang ate ko sa 'yo sa kabilang buhay. 322 00:18:49,169 --> 00:18:50,295 Ang lakas ng loob mo. 323 00:18:50,838 --> 00:18:53,173 Na suntukin siya habang nasa impluwensiya ka ng alak. 324 00:18:55,425 --> 00:18:57,261 Mga kasama, tingnan n'yo! 325 00:18:57,344 --> 00:18:58,929 Isang sakong puno ng gintong barya! 326 00:18:59,012 --> 00:19:01,849 Nanalo si Anne sa pustahan... 327 00:19:02,933 --> 00:19:04,351 Masakit 'yon! 328 00:19:05,936 --> 00:19:07,938 Hoy! Ibalik mo 'yan! 329 00:19:08,021 --> 00:19:11,024 Pumupunta pala kayo sa mga taberna at sugalan kahit mga bata pa lang kayo. 330 00:19:11,108 --> 00:19:14,111 Kayo siguro ang nag-iimpluwensiya kay Donny na gumawa ng kamalian! 331 00:19:14,194 --> 00:19:16,697 Ano'ng pinagsasasabi mo? Ibalik mo 'yan! 332 00:19:16,780 --> 00:19:17,614 Kami ay... 333 00:19:18,949 --> 00:19:23,871 Ang gamit na kinuha mo kay Donny at ang pera nina Percival at Anne, 334 00:19:23,954 --> 00:19:25,289 ibalik mo ang mga ito sa kanila. 335 00:19:26,039 --> 00:19:28,125 {\an8}Ang piraso ng Kabaong ng Walang Hanggang Kadiliman! 336 00:19:28,709 --> 00:19:32,129 Lintik ka, mapangahas kang bubuwit ka! 337 00:19:32,212 --> 00:19:34,673 Sinuntok mo si Donny kahit na lasing ka. 338 00:19:34,756 --> 00:19:36,383 Sa tingin ko, mas matino ako kaysa sa 'yo. 339 00:19:38,719 --> 00:19:41,388 Ginoo, sinuntok mo si Donny? 340 00:19:42,222 --> 00:19:44,474 Dahil may ginawa siyang masama. 341 00:19:44,975 --> 00:19:46,602 {\an8}Mabuting tao si Donny! 342 00:19:47,186 --> 00:19:49,021 {\an8}Bakit mo siya sinuntok? 343 00:19:49,104 --> 00:19:50,314 {\an8}Mag-aaway ba sila? 344 00:19:50,397 --> 00:19:54,902 {\an8}Manahimik kayo! Hindi ako papatol sa isang bata! 345 00:19:55,652 --> 00:19:57,487 {\an8}May alam akong paraan para maayos natin 'to. 346 00:20:00,741 --> 00:20:03,994 Magsasalitan tayo sa pag-inom, at ang unang bumagsak ang talo. 347 00:20:04,077 --> 00:20:05,621 Nasiens, seryoso ka ba? 348 00:20:05,704 --> 00:20:08,415 Nahihilo na agad ako sa amoy pa lang nito. 349 00:20:10,250 --> 00:20:11,668 Uy, Seryoso ka ba? 350 00:20:13,503 --> 00:20:14,713 Ikaw na. 351 00:20:14,796 --> 00:20:16,632 Mukhang medyo lasing ka na yata, 352 00:20:16,715 --> 00:20:19,176 pero magandang partida 'yan para sa isang bata. 353 00:20:20,219 --> 00:20:22,179 Mayabang na bubuwit. 354 00:20:24,890 --> 00:20:26,516 Para sa kaalaman mo, 355 00:20:26,600 --> 00:20:30,437 hindi pa ako natatalo ng isang tao sa isang labanan o inuman... 356 00:20:32,773 --> 00:20:34,524 Kayong dalawa, makinig kayo nang mabuti. 357 00:20:35,108 --> 00:20:36,610 Kumilos lang kayo nang normal. 358 00:20:38,570 --> 00:20:40,697 May hindi tama sa bayan na ito. 359 00:20:40,781 --> 00:20:43,325 Akala ko no'ng una, imahinasyon ko lang ito. 360 00:20:44,785 --> 00:20:47,037 Pero ngayon, siguradong-sigurado na 'ko. 361 00:20:47,537 --> 00:20:49,539 Una, ang tindahan ng panday. 362 00:20:50,165 --> 00:20:53,669 May sagisag ng maharlika ang mga baluti at kalasag na binebenta roon. 363 00:20:54,336 --> 00:20:57,965 Karaniwang nilalagay ang mga sagisag ayon sa hiling ng mamimili. 364 00:20:58,548 --> 00:21:00,384 Hindi tamang may sagisag agad 'yon. 365 00:21:00,926 --> 00:21:02,678 Pangalawa, ang tindahan ng iba't ibang gamit. 366 00:21:02,761 --> 00:21:05,138 Hindi magkakatulad ang mga gamit na binili ni Anghalhad, 367 00:21:05,222 --> 00:21:07,182 pero iisa lang ang presyo ng lahat. 368 00:21:07,266 --> 00:21:09,393 Wala ni isa sa mga gamit ang magkakapareho. 369 00:21:10,185 --> 00:21:12,020 Dahil sa dalawang 'yon kaya naghinala ako. 370 00:21:13,814 --> 00:21:16,108 {\an8}Malaki ang posibilidad na 371 00:21:16,191 --> 00:21:18,735 {\an8}nakaw ang lahat ng binebenta sa bayan na 'to. 372 00:21:19,611 --> 00:21:23,240 At ito ang nagdulot upang mabuo ang pangatlong hinala ko. 373 00:21:23,824 --> 00:21:27,452 Tagarito ba talaga ang mga naninirahan dito sa Cant? 374 00:21:32,582 --> 00:21:33,875 Mga kasama! 375 00:21:34,459 --> 00:21:37,879 Mukhang matalas ang pakiramdam mo, 'no? 376 00:21:38,630 --> 00:21:42,384 Pero huli na ang lahat. 377 00:21:48,473 --> 00:21:52,394 Pumunta ka ba sa malayong lugar na ito para magbakasyon, 378 00:21:52,477 --> 00:21:54,104 Dakilang Banal na Kabalyerong Howzer? 379 00:21:56,356 --> 00:21:59,735 Kung gano'n, maling lugar ang napili mong bisitahin. 380 00:22:00,235 --> 00:22:02,738 {\an8}Sa wakas, nagpakita ka na rin. 381 00:22:03,739 --> 00:22:08,285 Totoo pala ang mga bali-balitang naging pinuno ka na ng mga bandido. 382 00:22:09,077 --> 00:22:09,911 Sino siya? 383 00:22:10,620 --> 00:22:14,374 {\an8}Siya ang estudyante ko, si Edlin. 384 00:22:16,543 --> 00:22:17,878 Ang kaklase... 385 00:22:18,962 --> 00:22:20,172 ni Donny. 386 00:23:53,014 --> 00:23:55,851 ANG DAGUNDONG NG PAGKAWASAK 387 00:23:55,934 --> 00:23:58,562 Tagapagsalin ng Subtitle: Renz Tabigne