1 00:00:13,096 --> 00:00:14,305 "Pag-asa" ba kamo? 2 00:00:15,140 --> 00:00:18,727 Mahikang nagbibigay lakas gamit ang mga emosyon ng ibang tao? 3 00:00:18,810 --> 00:00:20,270 Nakamamangha! 4 00:00:21,396 --> 00:00:25,025 Masyado yata kitang minaliit, Percival. 5 00:00:25,775 --> 00:00:29,028 Pero nagawa mo lang na pahabain ang oras n'yo, 6 00:00:29,112 --> 00:00:31,072 at gano'n pa rin ang sitwasyon. 7 00:00:31,156 --> 00:00:35,869 Malapit nang mawasak ang lungsod na ito, at magsisimula na ang ritwal. 8 00:02:07,710 --> 00:02:10,547 {\an8}MGA BATANG BAYANI 9 00:02:10,630 --> 00:02:13,216 {\an8}Huwag hahayaang makatakas ang sinuman at ialay silang lahat! 10 00:02:13,716 --> 00:02:17,470 Kailangan nating paganahin ang Kabaong ng Walang Hanggang Kadiliman! 11 00:02:23,935 --> 00:02:26,479 'Wag! 'Wag mo akong kainin! 12 00:02:48,293 --> 00:02:49,127 Ano 'yon? 13 00:02:49,627 --> 00:02:51,963 Darak, handa na ba ang mga alay? 14 00:02:52,922 --> 00:02:55,508 Kanina pa handa ang ritwal. 15 00:02:55,592 --> 00:02:58,720 Ano kasi... May kakaibang nangyayari. 16 00:02:59,429 --> 00:03:00,597 Ano'ng problema? 17 00:03:00,680 --> 00:03:03,600 Bigla kaming sinalakay ng isang misteryosong puwersa, 18 00:03:03,683 --> 00:03:06,102 at isa-isang bumabagsak ang mga nilalang! 19 00:03:06,978 --> 00:03:09,105 Sino? Ilan sila? 20 00:03:09,772 --> 00:03:10,857 Hindi ko alam. 21 00:03:10,940 --> 00:03:14,360 Walang malinaw na impormasyon kung sino o ilan sila! 22 00:03:15,069 --> 00:03:16,613 Hoy, ano'ng nangyari? 23 00:03:23,453 --> 00:03:26,372 Ikaw ba ang may gawa nito? 24 00:03:36,841 --> 00:03:38,968 Natatalo ang mga halimaw! 25 00:03:39,052 --> 00:03:41,095 Baka isa 'yon sa mga orden ng Banal na Kabalyero? 26 00:03:41,179 --> 00:03:45,225 Humingi siguro ng tulong si Sin. Ang galing niya! 27 00:03:46,559 --> 00:03:49,229 Ironside, talo ka na! 28 00:03:50,480 --> 00:03:53,233 Mukhang gano'n na nga. 29 00:03:54,192 --> 00:03:58,905 Nakamamangha ang paglakas mo sa maikling panahon, Percival. 30 00:03:58,988 --> 00:04:02,992 Sigurado akong magugustuhan ni Varghese na makita ang iyong kabayanihan. 31 00:04:03,076 --> 00:04:05,620 Wala kang karapatang sabihin 'yan dahil ikaw ang pumatay kay Lolo! 32 00:04:05,703 --> 00:04:06,955 Oo. 33 00:04:07,038 --> 00:04:09,123 'Yon ang aking misyon, kaya ginawa ko. 34 00:04:09,207 --> 00:04:11,042 Pinatay ko siya gamit ang sarili kong mga kamay. 35 00:04:11,125 --> 00:04:12,043 Hindi lang 'yon, 36 00:04:12,126 --> 00:04:14,629 sinubukan din kitang patayin, ang anak ko, nang dalawang beses. 37 00:04:18,967 --> 00:04:22,553 Pero baka hindi na kita ulit makita. 38 00:04:23,304 --> 00:04:27,642 Mananagot ako pag nabigo ako sa misyon ko at malamang na papatayin. 39 00:04:28,768 --> 00:04:30,603 Iyon ang nararapat sa akin. 40 00:04:31,104 --> 00:04:33,356 Kahit na sinunod ko lang ang utos ng aking panginoon, 41 00:04:33,439 --> 00:04:35,024 may nagawa pa rin akong pagkakamali. 42 00:04:37,235 --> 00:04:41,990 Anak, hayaan mong tingnan kita nang malapitan sa huling pagkakataon. 43 00:04:42,073 --> 00:04:46,411 Nang maisip ko man lang ang iyong mukha bago ako mamatay. 44 00:04:47,662 --> 00:04:49,205 'Wag kang magpapaloko sa kaniya, Percival! 45 00:04:50,498 --> 00:04:54,210 Puno ng itim na kasinungalingan ang taong 'yan! 46 00:04:54,294 --> 00:04:58,131 Hindi siya nakararamdam ng kapatawaran, panghihinayang, pagsisisi, o pagmamahal. 47 00:04:59,007 --> 00:05:03,052 Ngayon na naantala ang kaniyang ritwal, iniisip niya lang ang pagpatay sa 'yo. 48 00:05:11,144 --> 00:05:14,105 Nakakairita ka talagang babae ka! 49 00:05:14,188 --> 00:05:15,231 Tama iyon. 50 00:05:15,315 --> 00:05:19,736 Siguradong papatayin kita rito ngayon mismo, Percival! 51 00:05:29,495 --> 00:05:30,663 Hindi kita hahayaang makatakas! 52 00:05:41,591 --> 00:05:43,176 Nakamamangha ang bilis natin! 53 00:05:43,259 --> 00:05:47,055 Ang paniniwala nila sa akin ang nagbibigay sa akin ng lakas! 54 00:05:47,138 --> 00:05:48,723 'Wag n'yo nga akong takasan! 55 00:05:54,520 --> 00:05:56,022 Namamanhid pa rin ako. 56 00:05:58,232 --> 00:05:59,400 - Usok. - Usok. 57 00:06:03,321 --> 00:06:04,489 Mga panabing na usok? 58 00:06:08,076 --> 00:06:12,121 'Wag mo akong maliitin! Kaya kong malaman ang mga galaw mo! 59 00:06:12,789 --> 00:06:16,584 At Percy, 'wag ka nang magtangkang makipaglaban sa salbaheng 'yon. 60 00:06:16,667 --> 00:06:19,670 Alalahanin mong mas malakas pa siya kaysa sa inaakala mo. 61 00:06:20,838 --> 00:06:25,510 Hangga't malapit sa Kabaong si Ironside, limitado lang ang mga galaw natin! 62 00:06:25,593 --> 00:06:29,388 Tama ka. Kung may paraan lang sana para mapalayo natin siya sa Kabaong. 63 00:06:30,098 --> 00:06:31,015 {\an8}Donny! 64 00:06:31,099 --> 00:06:33,017 Ha? Ano 'yon? 65 00:06:33,101 --> 00:06:35,812 Gaano katagal n'yo pa akong tatakbuhan? 66 00:06:39,899 --> 00:06:41,818 Sige! Tatapusin ko na 'to sa susunod kong atake! 67 00:06:50,159 --> 00:06:53,955 Percival, hindi mo ako matatalo. 68 00:06:54,038 --> 00:06:55,373 Alam ko 'yon. 69 00:06:55,456 --> 00:06:56,415 Pero... 70 00:06:59,293 --> 00:07:03,923 {\an8}Pero ako ang mananalo sa labang ito, Ironside! 71 00:07:26,529 --> 00:07:28,948 Kailangan nating makakuha kahit isa lang. 72 00:07:52,472 --> 00:07:54,974 'Yan pala ang hitsura ni Ironside. 73 00:07:55,057 --> 00:07:57,477 Ang tatay ni Percival! 74 00:08:20,541 --> 00:08:24,962 Ang lakas ng loob mo, Percival. Kahit na wala ka namang kuwenta. 75 00:08:25,922 --> 00:08:28,841 Tingin mo ba talagang napigilan mo ang plano namin sa ginawa mo? 76 00:08:29,509 --> 00:08:31,219 Kailangan ko lang patayin kayong lahat 77 00:08:31,302 --> 00:08:35,473 at buoin muli ang Kabaong ng Walang Hanggang Kadiliman. 78 00:08:39,560 --> 00:08:43,773 At saka, sapat na ang dami ng tao 79 00:08:43,856 --> 00:08:46,609 sa labas ng Sistana na puwedeng ialay sa Britannia. 80 00:08:46,692 --> 00:08:50,821 Sa huli, nagawa n'yo lang na pansamantalang pigilan ang ritwal. 81 00:08:50,905 --> 00:08:54,200 Paniguradong tatapusin na kita rito. 82 00:08:56,327 --> 00:09:00,248 Sa kasamaang palad, kailangan mo nang tumigil, Ironside. 83 00:09:01,082 --> 00:09:03,376 Sino 'yan? Kasamahan ba siya ni Ironside? 84 00:09:03,960 --> 00:09:05,503 Saan siya nanggaling? 85 00:09:06,087 --> 00:09:08,214 Bitawan mo ako, Mortlach. 86 00:09:08,714 --> 00:09:11,259 Mainit ang ulo ko ngayon. 87 00:09:11,342 --> 00:09:13,261 'Wag kang magalit. 88 00:09:13,344 --> 00:09:17,557 Naiintindihan ko ang pagkadismaya mo sa pagkasira ng ritwal. 89 00:09:17,640 --> 00:09:20,309 At ang obligasyon mo na pigilan ang isa sa Apat na Kabalyero ng Katapusan 90 00:09:20,393 --> 00:09:22,728 na nagkataong natagpuan mo na ngunit nakaalpas pa. 91 00:09:23,479 --> 00:09:24,522 Pero ang problema natin, 92 00:09:24,605 --> 00:09:28,276 ang misteryosong kalaban na pumuksa sa lahat ng mga halimaw sa lungsod. 93 00:09:28,859 --> 00:09:30,570 Nalaman mo na ba kung sino sila? 94 00:09:30,653 --> 00:09:33,281 Hindi. Pero may hula ako. 95 00:09:33,864 --> 00:09:37,285 Malalakas ang mga halimaw na ipinatawag mo. 96 00:09:38,202 --> 00:09:42,123 Ngunit kaya silang lahat patayin ng kalaban sa isang iglap lamang. 97 00:09:42,707 --> 00:09:46,294 Kung may taong may ganoong kapangyarihan, siguradong siya ay... 98 00:09:47,169 --> 00:09:50,172 isa sa maalamat na mga bayani, ang Pitong Nakamamatay na Kasalanan, 99 00:09:50,256 --> 00:09:53,009 o isang kasing-lakas nila. 100 00:09:57,888 --> 00:10:00,433 Pitong Nakamamatay na Kasalanan ba ang sinabi niya? 101 00:10:00,516 --> 00:10:01,559 Imposible! 102 00:10:01,642 --> 00:10:04,270 Kung ganoon, tayo ang nasa panganib. 103 00:10:04,854 --> 00:10:07,940 Mas makabubuti kung aatras muna tayo sa ngayon. 104 00:10:09,108 --> 00:10:10,568 Wala na tayong magagawa kung gano'n. 105 00:10:35,051 --> 00:10:37,553 Bigla akong naubusan ng lakas. 106 00:10:38,137 --> 00:10:39,930 Pagod na pagod ako. 107 00:10:40,514 --> 00:10:42,683 Parang mababaliw na yata ako. 108 00:10:43,768 --> 00:10:46,312 AHAHAHAHAHAHAHA 109 00:10:47,063 --> 00:10:49,440 Naku, akala ko mamamatay na ako! 110 00:10:50,232 --> 00:10:52,193 Pero namatay naman talaga siya. 111 00:10:54,153 --> 00:10:58,199 {\an8}Nagawa nating makasabay sa kalabang mas malakas pa sa atin. 112 00:10:58,783 --> 00:11:00,493 Hindi tayo nakasabay. 113 00:11:00,576 --> 00:11:03,079 Ni wala nga tayong kalaban-laban sa kaniya. 114 00:11:03,663 --> 00:11:06,666 Kung wala si Percival, wala na tayong lahat ngayon. 115 00:11:07,166 --> 00:11:11,087 At 'wag mong kakalimutan, tumakas ka no'ng malala na ang sitwasyon! 116 00:11:11,170 --> 00:11:13,714 Pinagsisihan ko na 'yon, 'no? 117 00:11:13,798 --> 00:11:14,882 Hindi. 118 00:11:17,051 --> 00:11:20,346 Nagtulungan tayong lahat para pigilan siya. 119 00:11:20,930 --> 00:11:25,434 {\an8}Donny, Nasiens, at Anne, dahil 'yon sa inyo! 120 00:11:26,143 --> 00:11:27,103 Anne! 121 00:11:28,604 --> 00:11:29,647 Ama! 122 00:11:35,277 --> 00:11:37,154 Salamat at ligtas ka. 123 00:11:37,238 --> 00:11:38,406 Patawad. 124 00:11:39,156 --> 00:11:41,575 Hindi ko sinubukang intindihin ang dahilan n'yo 125 00:11:41,659 --> 00:11:43,452 sa pagsunod sa lalaking 'yon. 126 00:11:47,540 --> 00:11:49,375 Tagumpay ang misyon, ano? 127 00:11:50,793 --> 00:11:52,211 {\an8}- Sin! - Sin! 128 00:11:54,046 --> 00:11:56,841 Uy, sabihin mo, sino 'yong tumalo ro'n sa mga halimaw? 129 00:11:56,924 --> 00:11:59,218 Anong klaseng tulong ang dinala mo? 130 00:11:59,301 --> 00:12:02,304 Pinapunta mo ba talaga ang maalamat na mga kriminal na 'yon? 131 00:12:04,723 --> 00:12:05,724 {\an8}Gusto n'yong sabihin ko? 132 00:12:05,808 --> 00:12:06,976 {\an8}- Oo, sige na! - Oo, sige na! 133 00:12:08,394 --> 00:12:10,187 Tinawag ko ang mga kaibigan ko sa gubat. 134 00:12:10,688 --> 00:12:11,981 Ano? 135 00:12:16,068 --> 00:12:17,987 Tingin mo maniniwala kami sa kasinungalingang 'yan? 136 00:12:18,070 --> 00:12:20,990 {\an8}Nakamamangha ang mga kaibigan mo! 137 00:12:21,073 --> 00:12:24,452 {\an8}Anong klaseng hayop sila? Malaki ba sila? Ano'ng kulay nila? 138 00:12:24,535 --> 00:12:25,995 {\an8}Pula sila at mas malaki pa sa 'yo. 139 00:12:26,078 --> 00:12:28,497 {\an8}- Gawa-gawa mo lang 'yan, 'no? - Grabe! 140 00:12:29,206 --> 00:12:31,709 {\an8}Kasinglaki ba nitong kapa ko? Tingnan mo! 141 00:12:32,209 --> 00:12:33,669 {\an8}Para kang tanga. 142 00:12:34,253 --> 00:12:35,921 Bumalik na sa normal! 143 00:12:36,005 --> 00:12:39,175 Pero sobrang laki nito kanina! 144 00:12:39,258 --> 00:12:43,220 Siguro lumaki 'yon dahil sa mahika mo. 145 00:12:46,932 --> 00:12:48,559 Kita ang likod mo! 146 00:12:49,435 --> 00:12:50,728 Percival! 147 00:12:53,814 --> 00:12:56,442 Mabuti na lang at bumalik na siya sa dati. 148 00:12:56,942 --> 00:12:58,861 Kinalaban ni Percival 149 00:12:58,944 --> 00:13:02,239 ang sarili niyang ama, kahit na ito ang pumatay sa lolo niya. 150 00:13:06,327 --> 00:13:07,495 Hala! 151 00:13:07,578 --> 00:13:09,747 Ano? Ano 'yon? 152 00:13:11,540 --> 00:13:13,667 Nadudumi na ako. 153 00:13:13,751 --> 00:13:16,253 Maghanap ka na ng dudumihan mo! 154 00:13:16,921 --> 00:13:20,257 Lalabas na! 155 00:13:20,841 --> 00:13:23,511 Tanga talaga siya, ano? 156 00:13:23,594 --> 00:13:24,845 Di ako sigurado. 157 00:13:43,656 --> 00:13:44,782 Ang salbaheng 'yon... 158 00:13:49,495 --> 00:13:51,163 kamukha siya ni Lolo. 159 00:14:04,009 --> 00:14:06,637 At bumalik kang may bitbit na kahihiyan, 160 00:14:07,471 --> 00:14:09,181 Sir Ironside. 161 00:14:09,932 --> 00:14:11,475 Katawa-tawa. 162 00:14:11,559 --> 00:14:14,186 Ang Apat na Kabalyero ng Katapusan, ang sinabi mo? 163 00:14:16,772 --> 00:14:19,942 Kamahalan, sa tingin ko, hindi n'yo 'yon dapat pagtawanan. 164 00:14:20,609 --> 00:14:23,195 Kapag nakita mo siya ulit, puwede mo bang sabihin ito sa kaniya? 165 00:14:24,780 --> 00:14:30,703 "Subukan mo akong talunin, si Arthur Pendragon, kung kaya mo." 166 00:14:32,037 --> 00:14:35,583 Gayumpaman, nakadidismaya ang pagkabigo mo. 167 00:14:35,666 --> 00:14:39,253 Alam mo naman na ito ang pinakatamang pagkakataon 168 00:14:39,336 --> 00:14:42,715 para pabagsakin ang pinakamalakas nating kalaban ngayon, ang Liones. 169 00:14:43,507 --> 00:14:47,595 Nakakapagtaka lang na nagawang matalo ng isang bata ang isang katulad mo 170 00:14:47,678 --> 00:14:50,222 kahit pa na isa siya sa Apat na Kabalyero ng Katapusan. 171 00:14:50,848 --> 00:14:55,311 O dapat ko bang sabihin na, laban sa isa sa Apat na Kabalyero ng Katapusan 172 00:14:55,394 --> 00:14:57,229 na isang paslit lamang? 173 00:14:57,897 --> 00:15:01,066 Hindi na ako magdadahilan para maisalba ang sarili ko. 174 00:15:01,150 --> 00:15:04,737 Kamahalan, parusahan n'yo ako sa paraang gusto n'yo. 175 00:15:06,989 --> 00:15:10,993 Alam mo, 'yan ang gusto ko sa 'yo. 176 00:15:24,381 --> 00:15:26,634 Mula noong sinaunang panahon hanggang sa Banal na Digmaan 177 00:15:26,717 --> 00:15:28,510 may 16 taon na ang nakararaan, 178 00:15:29,178 --> 00:15:32,264 nadadamay palagi ang mga tao sa laban ng ibang lahi 179 00:15:32,348 --> 00:15:33,599 at nagdurusa. 180 00:15:34,433 --> 00:15:39,021 Kaya lumikha ako ng isang lugar na balot ng kapayapaan 181 00:15:39,813 --> 00:15:43,442 kung saan walang nagdurusa, nagluluksa, at nanganganib 182 00:15:43,525 --> 00:15:44,902 laban sa anumang banta o sakuna... 183 00:15:45,653 --> 00:15:47,529 Ito ang Camelot. 184 00:15:51,492 --> 00:15:54,912 Ironside, gusto kong palayain hindi lamang ang kahariang ito 185 00:15:54,995 --> 00:15:58,707 kundi ang buong Britannia para sa sangkatauhan. 186 00:15:59,249 --> 00:16:01,627 Pero ang Pitong Nakamamatay na Kasalanan 187 00:16:01,710 --> 00:16:04,922 at ang bagong litaw na Apat na Kabalyero ng Katapusan, 188 00:16:05,506 --> 00:16:08,133 habang nariyan ang banta nila, 189 00:16:08,217 --> 00:16:10,886 walang lupain ang magkakaroon ng tunay na kapayapaan. 190 00:16:12,846 --> 00:16:14,390 Naiintindihan mo, di ba? 191 00:16:14,473 --> 00:16:18,185 Duda akong handa kang isuko ang mga biyaya ng Camelot. 192 00:16:18,936 --> 00:16:22,022 Kaya huwag mo na akong bibiguin sa mga hangal mong pagkakamali. 193 00:16:22,106 --> 00:16:26,443 Ako lang naman, sa mundong 'to, ang tunay na nagpapahalaga sa 'yo. 194 00:16:35,285 --> 00:16:36,412 Ang pagkamanhid... 195 00:16:36,912 --> 00:16:38,288 Kumusta ang pakiramdam mo 196 00:16:38,372 --> 00:16:40,708 ngayong lubusan nang natanggal ang lason? 197 00:16:44,294 --> 00:16:45,212 {\an8}Kamahalan! 198 00:16:45,796 --> 00:16:48,674 Ipinapangako kong gagawin ko ang inaasahan n'yo sa 'kin sa susunod. 199 00:16:48,757 --> 00:16:52,594 Babalik na ako ngayon sa Britannia at haharapin si Percival... 200 00:16:52,678 --> 00:16:54,847 Hindi. Hindi na kailangan. 201 00:16:55,973 --> 00:16:59,101 May mas mahalaga akong ipapagawa sa 'yo. 202 00:17:00,686 --> 00:17:04,356 Palagi tayong huli sa digmaang ito. 203 00:17:04,898 --> 00:17:06,692 Nakadidismaya talaga... 204 00:17:07,359 --> 00:17:08,986 Hindi ba, Merlin? 205 00:17:10,738 --> 00:17:12,614 Isa lang ang dahilan n'on. 206 00:17:12,698 --> 00:17:14,867 Nasa kanila ang Pangitain, 207 00:17:14,950 --> 00:17:19,872 at malalaman lang natin ang hinaharap kung makakasulyap tayo doon. 208 00:17:20,456 --> 00:17:23,000 Gusto n'yo bang kunin ko ang Pangitain? 209 00:17:23,083 --> 00:17:25,377 Sayang, mali ka! 210 00:17:26,128 --> 00:17:29,006 Natural na mag-iingat sila laban doon. 211 00:17:29,840 --> 00:17:32,384 Kaya mahihirapan kang makuha ang Pangitain, sa totoo lang. 212 00:17:33,052 --> 00:17:35,888 Pero may nakita akong mas maganda. 213 00:17:36,472 --> 00:17:38,390 Mas maganda, Kamahalan? 214 00:17:40,309 --> 00:17:42,394 Hanapan mo ako ng mapapangasawa. 215 00:17:43,228 --> 00:17:44,229 Ano po? 216 00:17:52,988 --> 00:17:54,156 Kung wala kayo, 217 00:17:55,032 --> 00:17:57,659 hindi ko alam kung ano na'ng nangyari sa Sistana ngayon. 218 00:17:58,702 --> 00:18:00,662 Lubos akong nagpapasalamat sa inyo. 219 00:18:06,001 --> 00:18:10,297 Pero dahil sa salbaheng 'yon, nawasak ang mga bahay. 220 00:18:10,380 --> 00:18:11,465 Maitatayo muli ang mga bahay. 221 00:18:12,800 --> 00:18:14,676 Ang mas mahalaga, 222 00:18:14,760 --> 00:18:18,013 wala kahit ni isang mamamayan ng lungsod ang napahamak. 223 00:18:18,764 --> 00:18:20,599 Oo nga pala, 224 00:18:20,682 --> 00:18:23,685 saan na nagpunta ang orden ng mga Banal na Kabalyero na pinapunta mo? 225 00:18:24,520 --> 00:18:28,232 A, 'yong mga kaibigan ko sa gubat. Siguro bumalik na sila para mag-almusal. 226 00:18:28,774 --> 00:18:31,902 Sige na, sabihin mo na ang totoo. 227 00:18:31,985 --> 00:18:32,945 Di bale na. 228 00:18:33,946 --> 00:18:34,822 Percival. 229 00:18:37,074 --> 00:18:39,952 Nalaman kong anak ka ni Ironside. 230 00:18:40,911 --> 00:18:43,080 Siguradong naging mahirap para sa 'yo 'yon. 231 00:18:43,163 --> 00:18:47,459 Ayos lang ako. Pinigilan ko siya dahil gusto ko. 232 00:18:48,127 --> 00:18:50,462 Ginoo, kilala n'yo ba siya? 233 00:18:50,546 --> 00:18:51,505 Oo. 234 00:18:51,588 --> 00:18:55,050 Ang totoo, kilala siya ng asawa ko. 235 00:18:55,134 --> 00:18:57,928 Pareho silang nagsilbi bilang Banal na Kabalyero 236 00:18:58,011 --> 00:18:59,471 kay Haring Arthur sa Camelot. 237 00:19:00,472 --> 00:19:02,015 Ayon sa asawa ko, 238 00:19:02,099 --> 00:19:06,728 marangal at matuwid siyang tao, at may matatag na paniniwala sa hustisya. 239 00:19:07,312 --> 00:19:08,647 Ang salbaheng 'yon? 240 00:19:09,815 --> 00:19:12,234 Hindi siya katulad ng inaasahan ko. 241 00:19:14,820 --> 00:19:16,238 At isa pa. 242 00:19:16,905 --> 00:19:19,741 May pabor akong hihilingin sa inyo. 243 00:19:31,587 --> 00:19:32,754 Ama. 244 00:19:37,342 --> 00:19:38,760 Ha? 245 00:19:38,844 --> 00:19:40,220 - Ha? - Ano... 246 00:19:44,975 --> 00:19:47,644 Pakinggan n'yo ako, seryoso ako 247 00:19:48,437 --> 00:19:50,898 sa pagiging Banal na Kabalyero. 248 00:19:51,982 --> 00:19:55,027 Ang pakikipaglaban kay Ironside ang lubhang nagmulat sa 'kin... 249 00:19:56,737 --> 00:20:01,325 na kulang pa ako sa karanasan, walang kakayahan at di-hamak na baguhan. 250 00:20:03,118 --> 00:20:07,539 Kaya gusto kong mapangalagaan ang mga mahal ko kahit ako lang mag-isa, 251 00:20:07,623 --> 00:20:09,917 sa pamamagitan ng pagiging dakilang Banal na Kabalyero. 252 00:20:10,000 --> 00:20:12,669 Kaya gusto kong maglakbay para magsanay. 253 00:20:14,171 --> 00:20:16,924 Lubos kong naiintindihan ang nararamdaman mo. 254 00:20:17,007 --> 00:20:19,301 Ngunit, hindi kita papayagan na maglakbay nang mag-isa! 255 00:20:20,385 --> 00:20:22,054 Bakit hindi n'yo... 256 00:20:22,888 --> 00:20:24,306 Ibig sabihin ba n'on... 257 00:20:28,894 --> 00:20:31,939 Maglakbay tayo nang magkasama, Anne! 258 00:20:33,523 --> 00:20:36,944 Wala naman akong problemang makasama siyang maglakbay. 259 00:20:37,444 --> 00:20:39,696 Itinuring na rin naman natin siyang isa sa atin. 260 00:20:43,283 --> 00:20:45,702 Tunay ngang lumaki ka na katulad ng iyong ina. 261 00:20:45,786 --> 00:20:48,080 Mula sa pagkakaroon ng matibay na pagkatao, 262 00:20:48,163 --> 00:20:51,041 palabang katapangan, at sa lahat! 263 00:20:59,424 --> 00:21:01,551 Namana ko ang kilay mo, Ama! 264 00:21:03,178 --> 00:21:05,847 Lumaban ka, Anghalhad. 265 00:21:05,931 --> 00:21:08,600 Palaging nakasuporta ang iyong ama sa 'yo. 266 00:22:50,535 --> 00:22:55,290 Uy, Sin, ano ba talaga ang gustong gawin ni Ironside? 267 00:22:55,874 --> 00:22:57,125 Sino ba ang nakakaalam? 268 00:22:57,209 --> 00:22:58,543 Ang alam ko lang na sigurado, 269 00:22:58,627 --> 00:23:01,546 hindi magtatagal, magtatagpo muli ang mga landas ninyo. 270 00:23:02,130 --> 00:23:04,841 Dahil isa ako sa Apat na Kabalyero ng Katapusan 271 00:23:04,925 --> 00:23:06,051 na wawasak sa mundo? 272 00:23:06,635 --> 00:23:07,552 Tama 'yan. 273 00:23:12,015 --> 00:23:13,642 'Wag kang malungkot. 274 00:23:14,142 --> 00:23:16,478 Kung nag-aalala ka, magpalakas ka. 275 00:23:16,561 --> 00:23:18,814 Para matalo mo pareho ang iyong ama at ang tadhana mo. 276 00:23:22,776 --> 00:23:23,819 Magagawa mo ba 'yon? 277 00:23:30,784 --> 00:23:32,410 Oo. Susubukan ko! 278 00:23:35,372 --> 00:23:39,876 Dahil kasama ko kayong lahat, nararamdaman kong mas lalakas ako! 279 00:23:41,962 --> 00:23:44,005 Uy, Percival! 280 00:23:44,089 --> 00:23:45,757 Bakit ang bagal mong maglakad? 281 00:23:45,841 --> 00:23:47,884 Iiwan ka na namin! 282 00:23:48,552 --> 00:23:51,680 Hintayin n'yo ako! Papunta na! 283 00:23:53,014 --> 00:23:56,309 GURO AT ESTUDYANTE 284 00:23:56,393 --> 00:23:58,812 Tagapagsalin ng subtitle: Carlo Canaman