1
00:00:13,138 --> 00:00:13,972
Britannia.
2
00:00:14,973 --> 00:00:16,933
Noong unang panahon, nagsagawa ng kudeta
3
00:00:17,016 --> 00:00:19,811
ang Banal na mga Kabalyero
ng Kaharian ng Liones,
4
00:00:21,062 --> 00:00:24,149
na nagdulot ng kaguluhan
at humantong sa Banal na Digmaan
5
00:00:24,232 --> 00:00:26,234
sa pagitan ng angkan ng diyosa
at ng demonyo.
6
00:00:27,819 --> 00:00:30,238
Nagdulot ang digmaan
ng nakapipinsalang apoy
7
00:00:30,321 --> 00:00:32,824
na halos tupukin ang buong kontinente,
8
00:00:34,117 --> 00:00:38,788
pero ang paglitaw at aktibong paglahok
ng maalamat na mga bayani
9
00:00:39,539 --> 00:00:42,083
na kilala bilang Seven Deadly Sins
ang tumapos ng digmaan.
10
00:00:43,877 --> 00:00:47,797
Nangyari ang kuwentong ito
may 16 na taon ang nakaraan.
11
00:02:20,014 --> 00:02:21,975
Nandito na tayo sa Lambak ng Alingawngaw.
12
00:02:22,058 --> 00:02:23,434
Nandoon nga kaya si Percival?
13
00:02:23,518 --> 00:02:24,561
ANG DEMONYO
NG LAMBAK NG ALINGAWNGAW
14
00:02:24,644 --> 00:02:27,939
Mukha ngang magugustuhan
n'ong batang 'yon ang lugar na 'to.
15
00:02:28,022 --> 00:02:29,816
{\an8}Bakit niya kailangang gumawa ng problema?
16
00:02:29,899 --> 00:02:32,944
{\an8}Pag may nangyaring masama sa kaniya,
ako ang malalagot nito.
17
00:02:33,528 --> 00:02:35,989
{\an8}Sa puntong ito, maaaring wala nang saysay
ang paghahanap sa kaniya.
18
00:02:36,072 --> 00:02:38,908
Oo, malamang biktima na siya ngayon
ni Nasiens...
19
00:02:38,992 --> 00:02:41,077
Mapanganib ba talaga ang lalaking 'yon?
20
00:02:41,161 --> 00:02:42,829
Nakita namin mismo ang ginawa niya.
21
00:03:05,476 --> 00:03:07,103
{\an8}Buwisit. Bilisan na natin.
22
00:03:35,840 --> 00:03:37,342
Ha? Nasaan ang salakot ko?
23
00:03:38,509 --> 00:03:39,844
Nawawala rin ang kapa ko!
24
00:03:41,596 --> 00:03:42,680
Nakapagtataka.
25
00:03:47,352 --> 00:03:50,021
Hindi ka pa dapat magising
sa loob ng sampung oras.
26
00:03:50,605 --> 00:03:52,148
A, ikaw pala!
27
00:03:52,232 --> 00:03:56,110
Ano'ng ginawa mo sa 'kin?
Bakit mo ako hinubaran?
28
00:03:56,194 --> 00:03:58,988
Kailangang malinis
ang mga pag-eeksperimentuhan ko.
29
00:03:59,489 --> 00:04:01,783
Ibalik mo sa 'kin ang salakot at kapa ko!
30
00:04:01,866 --> 00:04:03,910
Bigay 'yon ng lolo ko!
31
00:04:04,494 --> 00:04:07,914
{\an8}Nasunog na ang mga damit mo
at sira-sira na.
32
00:04:07,997 --> 00:04:09,624
{\an8}Hindi mo na 'yon masusuot.
33
00:04:10,750 --> 00:04:12,502
Nandoon ang salakot at kapa mo.
34
00:04:14,420 --> 00:04:16,256
May taglay na malakas na mahika
ang mga 'yan.
35
00:04:16,339 --> 00:04:18,049
Bihirang bagay na may mahika ang mga 'yan.
36
00:04:18,132 --> 00:04:20,301
Mga bagay na may mahika?
37
00:04:21,386 --> 00:04:22,929
Di ko nanakawin ang mga 'yan.
38
00:04:23,721 --> 00:04:25,723
Ibang usapan na 'yon.
39
00:04:27,308 --> 00:04:28,476
Iba rin 'to.
40
00:04:34,691 --> 00:04:37,610
Sa loob ng isang oras,
magsisimula nang tumalab ang lason at...
41
00:04:43,700 --> 00:04:44,575
Kakaiba 'to.
42
00:04:44,659 --> 00:04:45,994
Hindi 'to kakaiba!
43
00:04:46,077 --> 00:04:48,997
- Di ko inaasahan ang ganitong resulta.
- Di ko na masusuot ang salakot ko.
44
00:04:49,080 --> 00:04:51,958
- Mukhang di tama ang dami na nilagay ko.
- Ano nang gagawin mo?
45
00:04:52,041 --> 00:04:54,502
Ano ba talagang binabalak mo?
46
00:04:54,585 --> 00:04:57,964
Kanina lang may balak kang gawing
masama ro'n sa diwata, di ba?
47
00:04:58,548 --> 00:05:00,717
{\an8}Totoong balak ko siyang
pag-eksperimentuhan,
48
00:05:01,301 --> 00:05:05,096
{\an8}pero siya naman ang pumasok sa bahay ko
at umatake sa 'kin.
49
00:05:05,179 --> 00:05:07,140
Pero ikaw...
50
00:05:09,183 --> 00:05:10,727
Sino ka?
51
00:05:10,810 --> 00:05:13,980
{\an8}Ikaw ang kumagat sa diwata
kaya may tumulong dugo sa bibig mo.
52
00:05:15,189 --> 00:05:16,482
Nagugustuhan na kita.
53
00:05:17,191 --> 00:05:21,321
Mabilis tumalab sa 'yo ang lason
at mabilis ka ring gumaling.
54
00:05:22,947 --> 00:05:25,033
Ikaw ang pinakatamang tao
sa eksperimento ko.
55
00:05:25,116 --> 00:05:26,367
{\an8}Ayan ka na naman!
56
00:05:26,451 --> 00:05:28,911
{\an8}Nakasanayan ko na kasing kagatin
ang labi ko
57
00:05:28,995 --> 00:05:31,414
{\an8}simula noong bata pa ako
kapag sobra akong natutuwa.
58
00:05:31,497 --> 00:05:33,875
{\an8}Sa tingin ko dapat mo nang tigilan 'yan.
59
00:05:34,834 --> 00:05:36,836
Palagi niyang sinasabi 'yan sa 'kin dati.
60
00:05:37,337 --> 00:05:39,255
Ibig kong sabihin, 'yong ate ko.
61
00:05:40,465 --> 00:05:42,300
{\an8}Ano'ng nangyayari?
62
00:05:42,383 --> 00:05:44,594
{\an8}Inaatake tayo nang lahat ng mga nilalang!
63
00:05:47,722 --> 00:05:50,224
Kagagawan ito ni Nasiens!
64
00:05:50,308 --> 00:05:53,394
Ang kakaiba niyang mga lason
at eksperimento ang dahilan nito!
65
00:05:53,478 --> 00:05:55,563
Napakasama niyang kalaban!
66
00:05:55,646 --> 00:05:58,149
Kailangan natin siyang talunin agad,
kundi si Percival...
67
00:05:59,984 --> 00:06:03,905
Hindi ganiyan si Nasiens!
'Wag n'yo siyang pag-isipan nang masama!
68
00:06:08,451 --> 00:06:10,495
Pasensiya na at pinag-isipan kita
nang masama.
69
00:06:10,995 --> 00:06:13,039
Pero kailangan ko nang umalis.
70
00:06:13,122 --> 00:06:15,833
Huling eksperimento na 'to.
71
00:06:15,917 --> 00:06:17,168
Talaga?
72
00:06:17,251 --> 00:06:18,127
Pero,
73
00:06:18,211 --> 00:06:21,172
kapag nagkamali ako
sa pagsukat, kahit na kaunti lang,
74
00:06:21,672 --> 00:06:22,799
mamamatay ka.
75
00:06:26,385 --> 00:06:27,512
Nanginginig ka ba?
76
00:06:30,014 --> 00:06:32,183
Bakit mo ba ginagawa 'to?
77
00:06:32,266 --> 00:06:36,062
May layunin akong kailangang tuparin.
78
00:06:42,485 --> 00:06:45,780
May layunin din akong kailangang tuparin!
79
00:06:46,405 --> 00:06:49,242
'Yon ang hanapin ang tatay ko
na pumatay sa lolo ko at bugbugin siya!
80
00:06:49,742 --> 00:06:53,162
{\an8}At maglakbay sa mga kakaibang lugar
sa loob ng Britannia!
81
00:06:53,246 --> 00:06:55,498
Wala akong oras para rito.
82
00:06:58,501 --> 00:07:00,169
Henbane! Belladonna!
83
00:07:01,546 --> 00:07:02,755
Hindi kita papatayin.
84
00:07:03,756 --> 00:07:04,966
Mahika mo ba 'yan?
85
00:07:08,010 --> 00:07:10,179
{\an8}Teka lang, ang salakot ko...
86
00:07:15,393 --> 00:07:19,230
Makinig ka!
Kung may problema ka, tutulungan kita.
87
00:07:20,565 --> 00:07:22,733
Gagawin 'yan ng estrangherong tulad mo?
88
00:07:29,657 --> 00:07:33,369
Kailangan ko ng mapag-eeksperimentuhan
para subukan ang mga ginawa ko.
89
00:07:33,453 --> 00:07:36,539
Pero di ko puwedeng gamitin
ang mga iyon sa sarili ko.
90
00:07:37,415 --> 00:07:42,712
Pag namatay ako, di ko matatapos
ang lason o maililigtas ang lambak.
91
00:07:43,963 --> 00:07:44,964
Ang lambak?
92
00:07:45,590 --> 00:07:47,133
Tama na ang walang kuwentang usapang ito.
93
00:07:54,765 --> 00:07:56,726
Hawak ko na ang mahalaga mong lason.
94
00:07:57,268 --> 00:07:59,604
Teka. Sige.
95
00:07:59,687 --> 00:08:01,439
Hindi na kita sasaktan.
96
00:08:01,522 --> 00:08:04,525
Kaya pakiusap, ibigay mo sa 'kin 'yan!
97
00:08:05,026 --> 00:08:06,152
Ayoko.
98
00:08:06,235 --> 00:08:08,613
Kapag binigay ko sa 'yo 'to,
susubukan mo 'to sa iba.
99
00:08:09,155 --> 00:08:10,114
'Wag...
100
00:08:10,198 --> 00:08:13,493
Malapit ko nang matapos 'yan.
Mali, tapos na pala 'yan!
101
00:08:29,300 --> 00:08:31,969
Nababaliw ka na
para inumin ang lason nang kusa...
102
00:08:32,637 --> 00:08:33,971
Bakit mo ginawa 'yon?
103
00:08:38,226 --> 00:08:39,977
Sobrang pait...
104
00:08:48,069 --> 00:08:49,987
{\an8}Hindi ba 'to gumana?
105
00:08:53,824 --> 00:08:55,743
Isuka mo 'yan lahat, ngayon din!
106
00:09:00,998 --> 00:09:04,502
Napakaraming enerhiya sa katawan ko!
107
00:09:07,463 --> 00:09:11,509
Sa sobrang dami,
gusto ko na lang sumigaw nang sumigaw!
108
00:09:14,971 --> 00:09:17,515
{\an8}Tanga!
109
00:09:22,603 --> 00:09:24,313
Umaalingawngaw
ang nakakaloko niyang boses!
110
00:09:24,397 --> 00:09:26,023
{\an8}Mukhang ligtas naman siya.
111
00:09:29,402 --> 00:09:31,028
Medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
112
00:09:34,115 --> 00:09:35,199
Bakit?
113
00:09:35,283 --> 00:09:38,119
Bakit mo ginawa 'yon
kahit alam mong mapanganib?
114
00:09:38,619 --> 00:09:40,454
Di ko man lubos
na naiintindihan ang sitwasyon,
115
00:09:40,538 --> 00:09:42,999
pero ginawa mo 'yang gamot
para iligtas ang lambak, tama?
116
00:09:44,917 --> 00:09:45,876
Gumana ba?
117
00:09:46,752 --> 00:09:48,879
Base sa naging epekto sa 'yo,
wala nang duda.
118
00:09:49,589 --> 00:09:50,548
Gumana nga.
119
00:09:50,631 --> 00:09:51,507
Gano'n ba.
120
00:09:52,800 --> 00:09:53,801
E di mabuti!
121
00:09:57,888 --> 00:09:59,098
Nasiens ang pangalan ko.
122
00:09:59,724 --> 00:10:00,558
E ikaw?
123
00:10:01,392 --> 00:10:03,561
Percival. Sana magkasundo tayo!
124
00:10:04,395 --> 00:10:06,188
Dahil sa 'yo,
maililigtas ko na ang lambak.
125
00:10:06,897 --> 00:10:08,899
Sasapat na ba 'yan?
126
00:10:09,984 --> 00:10:11,068
Ha?
127
00:10:11,152 --> 00:10:13,571
Ha?
128
00:10:13,654 --> 00:10:15,031
Percival!
129
00:10:18,909 --> 00:10:19,744
Ha?
130
00:10:20,911 --> 00:10:21,871
Donny!
131
00:10:21,954 --> 00:10:24,665
Percival! Ano'ng nangyari sa 'yo?
132
00:10:27,835 --> 00:10:29,003
Iligtas ang lambak?
133
00:10:29,086 --> 00:10:31,005
Tama, 'yon ang sinabi niya.
134
00:10:31,505 --> 00:10:34,508
Di niya ako maloloko!
Di para sa gano'n ang mga lason niya!
135
00:10:35,426 --> 00:10:37,762
Or... do.
136
00:10:38,346 --> 00:10:40,014
Ordo? Pangalan ba 'yon?
137
00:10:43,476 --> 00:10:47,772
Si Ordo ang matandang albularyo
na dating nakatira sa lambak na 'to.
138
00:10:49,398 --> 00:10:53,778
Nandito na si Ordo bago pa man dumating
sina Dolores at Nasiens.
139
00:10:57,948 --> 00:10:58,783
Uy.
140
00:11:00,618 --> 00:11:03,037
Naku, may mga diwata pala rito.
141
00:11:03,120 --> 00:11:05,331
Pasensiya na at di ko kayo nabati.
142
00:11:05,915 --> 00:11:07,792
Ano ba ang ginagawa mo?
143
00:11:08,292 --> 00:11:10,878
{\an8}Isa akong albularyo.
144
00:11:11,420 --> 00:11:13,673
{\an8}Puno ng mga kapaki-pakinabang na
sangkap ang lugar na 'to.
145
00:11:14,340 --> 00:11:18,302
{\an8}Siyempre, wala akong balak na sirain
ang magandang lambak na ito.
146
00:11:19,011 --> 00:11:22,556
Kapag nasaktan kayo, lumapit kayo sa 'kin.
147
00:11:28,187 --> 00:11:29,313
Ordo!
148
00:11:30,773 --> 00:11:32,149
May naligaw na Higante!
149
00:11:42,535 --> 00:11:43,577
Gano'n ba?
150
00:11:44,245 --> 00:11:46,455
Natatakot ka siguro
dahil wala ka sa nayon n'yo.
151
00:11:48,040 --> 00:11:51,710
Kung gusto mo, puwede kang
manatili rito hangga't gusto mo.
152
00:11:52,294 --> 00:11:53,212
Ha?
153
00:12:10,354 --> 00:12:11,355
Naku!
154
00:12:11,981 --> 00:12:13,607
Isang taong sanggol?
155
00:12:14,358 --> 00:12:16,652
Iniwan lang ba siya rito?
156
00:12:33,252 --> 00:12:37,590
Amatista ang batong 'yan, isang sangkap
sa paggawa ng halamang gamot.
157
00:12:38,257 --> 00:12:42,261
Nakalalasong panyawan ang halamang 'yan.
Sobrang nakalalason 'yan.
158
00:12:42,344 --> 00:12:44,805
Siguraduhin mong mag-iingat ka
sa paghawak niyan.
159
00:12:45,431 --> 00:12:46,974
Bakit po ito nakalalason?
160
00:12:47,808 --> 00:12:49,268
'Yon ay dahil...
161
00:12:51,979 --> 00:12:54,398
Nasaan na si Ordo?
162
00:12:58,569 --> 00:13:00,905
Bigla na lang siyang nawala
rito sa lambak.
163
00:13:01,530 --> 00:13:02,364
Ha?
164
00:13:02,990 --> 00:13:04,825
Doon na nagsimula.
165
00:13:04,909 --> 00:13:07,870
Doon na nagsimula si Nasiens
sa kakaiba niyang mga eksperimento.
166
00:13:13,834 --> 00:13:17,505
Bago pa man may gawing di nararapat
ang nakakairitang batang 'yon,
167
00:13:17,588 --> 00:13:19,924
sirain na natin agad ang gubat.
168
00:13:20,549 --> 00:13:22,551
Malinaw ba, Ordo?
169
00:13:38,943 --> 00:13:39,777
Nasiens.
170
00:13:46,033 --> 00:13:49,078
Bilis, kailangan kong ibigay
sa lambak ang gamot.
171
00:13:49,578 --> 00:13:51,580
'Wag mong pilitin ang sarili mo.
172
00:13:51,664 --> 00:13:54,124
Bumibilis ang pagkasira nito
nitong mga nakaraang araw.
173
00:13:55,084 --> 00:13:57,002
Bilis, bago pa mahuli ang lahat!
174
00:14:00,339 --> 00:14:03,759
{\an8}Nasiens! Gusto mo na talagang sirain
ang lambak ngayon, ano?
175
00:14:03,842 --> 00:14:05,261
Nagkakamali kayo!
176
00:14:05,344 --> 00:14:08,138
Hindi kami nagkakamali.
Nakita namin mismo!
177
00:14:08,222 --> 00:14:11,767
Siguro umalis si Ordo kasi nalaman niya
ang tunay na ugali ni Nasiens.
178
00:14:12,643 --> 00:14:14,687
Umalis ka na rito, kampon ka ng demonyo!
179
00:14:15,729 --> 00:14:16,772
Salo, salo, salo!
180
00:14:19,692 --> 00:14:20,526
Bakit?
181
00:14:20,609 --> 00:14:23,612
{\an8}Hoy, tao! Bakit mo siya pinoprotektahan?
182
00:14:25,364 --> 00:14:26,782
Tumahimik kayo!
183
00:14:27,658 --> 00:14:30,786
Gumagawa si Nasiens ng gamot
para iligtas ang lambak!
184
00:14:32,371 --> 00:14:33,289
Sandali!
185
00:14:33,372 --> 00:14:34,415
Ano'ng nangyayari?
186
00:14:45,259 --> 00:14:48,053
Unti-unti nang nalalanta ang gubat.
187
00:14:48,637 --> 00:14:50,764
Kahit ang mga hayop. Paano nangyari 'to?
188
00:14:57,396 --> 00:14:59,940
Wala nang oras. Gagamitin ko na ang gamot.
189
00:15:00,441 --> 00:15:02,318
Pero naubos na 'yon.
190
00:15:03,027 --> 00:15:05,029
Hindi, mayroon pa.
191
00:15:10,034 --> 00:15:13,203
{\an8}Ang kulay na 'yan... 'Yan ang ininom natin!
192
00:15:13,287 --> 00:15:17,124
Sa pamamagitan ng pag-inom ng lason
at pagpapakilala nito sa katawan ko,
193
00:15:17,207 --> 00:15:20,961
kaya kong gumawa at maghalo ng lason.
194
00:15:21,795 --> 00:15:24,757
{\an8}Ito ang mahika ko, ang paghahalo ng lason.
195
00:15:28,260 --> 00:15:30,012
Takpan n'yo ang mga bibig n'yo!
196
00:15:33,182 --> 00:15:34,433
Mahamog na Ulan.
197
00:15:40,606 --> 00:15:42,566
Kumakalat na ang hamog sa lambak.
198
00:15:44,318 --> 00:15:46,695
{\an8}Dahil siguro sa hanging
galing sa butas na 'yon.
199
00:16:07,716 --> 00:16:11,387
Di ako makapaniwala.
Bumalik sa dati ang lambak.
200
00:16:11,470 --> 00:16:12,721
Talaga?
201
00:16:13,973 --> 00:16:16,392
Uy, bakit lason?
202
00:16:17,393 --> 00:16:19,311
Para mapagaling ang mga sugat
at karamdaman,
203
00:16:19,395 --> 00:16:22,147
kailangan mo munang
lubusang maintindihan ang lason.
204
00:16:22,731 --> 00:16:26,193
Nakalalason na mga halamang gamot,
nilalang at bato...
205
00:16:27,152 --> 00:16:31,156
Depende sa paraan ng paggamit,
maari kang makagawa ng mga lunas.
206
00:16:32,282 --> 00:16:36,203
Ito ang palaging sinasabi
ng lolo kong si Ordo dati.
207
00:16:36,286 --> 00:16:39,123
"Di ka makakapagligtas ng mga buhay
nang hindi nauunawaan ang lason."
208
00:16:40,874 --> 00:16:44,169
{\an8}Sana makita mo ulit ang lolo mo.
209
00:16:49,425 --> 00:16:52,511
Oo, gusto ko siyang makita ulit.
210
00:16:59,810 --> 00:17:01,812
Ayan, may damit na ako!
211
00:17:01,895 --> 00:17:04,440
Kasyang-kasya sa 'yo ang damit
na ginawa ko para kay Nasiens.
212
00:17:05,107 --> 00:17:06,859
{\an8}Mabuti na lang sobrang liit mo, 'no?
213
00:17:06,942 --> 00:17:08,444
{\an8}Oo. Ang suwerte ko.
214
00:17:10,362 --> 00:17:11,697
Kasya na ulit ang salakot ko!
215
00:17:12,698 --> 00:17:14,742
Patawarin mo kami, Nasiens.
216
00:17:15,284 --> 00:17:20,497
Inakala namin na ang mga ginawa mo
ang dahilan ng pagkasira ng lambak.
217
00:17:20,998 --> 00:17:23,208
Trinato ka pa namin nang masama.
218
00:17:23,792 --> 00:17:24,877
Ayos lang.
219
00:17:24,960 --> 00:17:28,338
Isa pa, totoo namang naging mabangis
ang mga hayop sa lambak
220
00:17:28,422 --> 00:17:30,966
dahil sa mga ginawa kong lason.
221
00:17:35,054 --> 00:17:38,474
{\an8}Alam kong masakit
pero tiisin mo na lang muna.
222
00:17:38,557 --> 00:17:43,020
{\an8}Ipinapangako kong ibabalik sa dati
ang lahat at ang lambak.
223
00:17:46,815 --> 00:17:49,818
Bakit kaya nagkaganito ang lambak?
224
00:17:51,528 --> 00:17:52,488
Hindi ko alam.
225
00:17:53,405 --> 00:17:55,699
Mula noong nawala si Ordo,
226
00:17:55,783 --> 00:17:59,244
unti-unti nang namatay
ang mga puno at mga hayop.
227
00:18:00,829 --> 00:18:02,748
Nasiens!
228
00:18:04,083 --> 00:18:05,292
Uy!
229
00:18:07,753 --> 00:18:10,881
Mas gusto kong magpasalamat kayo
sa kaniya kaysa humingi ng tawad sa 'kin.
230
00:18:11,673 --> 00:18:13,717
Ang lason na nakalunas
sa nakamamatay na sakit
231
00:18:13,801 --> 00:18:16,720
ay maaaring tuluyang sinira ang lambak
kung hindi nahalo nang mabuti.
232
00:18:17,221 --> 00:18:20,641
Pero kusa niyang ininom ang lason.
233
00:18:21,558 --> 00:18:22,643
Tingnan mo.
234
00:18:22,726 --> 00:18:26,021
Di ko na masuot ang damit ng lolo ko
kaya 'yong sa 'yo na lang ang sinuot ko.
235
00:18:26,563 --> 00:18:28,941
Naku, ikaw pala ang bayani ng lambak!
236
00:18:29,024 --> 00:18:30,651
Salamat sa pagkukusa mo!
237
00:18:30,734 --> 00:18:31,568
Salamat.
238
00:18:31,652 --> 00:18:32,569
Ano?
239
00:18:34,780 --> 00:18:37,741
{\an8}Naku, ang astig! May pakpak kayo!
240
00:18:41,161 --> 00:18:44,998
Mukhang naapektuhan din
nitong sakit ng gubat ang lupa ng lambak,
241
00:18:45,082 --> 00:18:47,668
hindi lang ang mga hayop at halaman.
242
00:18:48,293 --> 00:18:50,546
Ibig sabihin,
nakontamina ang buong lambak.
243
00:18:51,713 --> 00:18:52,631
Sandali lang.
244
00:18:52,714 --> 00:18:55,425
Maaari kayang dahil 'yon sa hangin
na mula sa butas na 'yon?
245
00:19:00,347 --> 00:19:01,431
{\an8}Percival!
246
00:19:02,015 --> 00:19:03,183
Ha?
247
00:19:10,941 --> 00:19:12,317
Halimaw ba 'yan?
248
00:19:13,402 --> 00:19:14,236
Ordo?
249
00:19:14,736 --> 00:19:15,571
Ha?
250
00:19:24,413 --> 00:19:26,582
'Yan ang lolo ni Nasiens?
251
00:19:26,665 --> 00:19:28,834
Di hamak
na mas malaki siya kaysa sa lolo ko!
252
00:19:28,917 --> 00:19:30,335
Imposible 'yon!
253
00:19:34,965 --> 00:19:35,841
Ordo!
254
00:19:35,924 --> 00:19:38,093
Bakit ganiyan ang hitsura mo?
255
00:19:40,220 --> 00:19:41,096
Teka!
256
00:19:54,318 --> 00:19:56,236
Hindi maaari. Nabubulok ang gubat...
257
00:19:59,573 --> 00:20:02,826
Wala ba kayong balak
na umalis sa lambak na ito, Ordo?
258
00:20:03,327 --> 00:20:04,828
Wala.
259
00:20:04,912 --> 00:20:08,540
Mahalagang lugar ng pananaliksik ito
para sa isang albularyo,
260
00:20:08,624 --> 00:20:11,877
at ito na rin ang tahanan ko kasama ka,
at lahat ng pamilya ko.
261
00:20:14,838 --> 00:20:16,381
Ordo! Tumigil ka na!
262
00:20:16,965 --> 00:20:18,425
Pakiusap!
263
00:20:18,508 --> 00:20:20,886
Tahanan mo ang lambak na ito, di ba?
264
00:20:21,511 --> 00:20:22,888
Magsalita ka, pakiusap!
265
00:20:23,597 --> 00:20:27,392
Imbes... kaysa... sa halip...
266
00:20:29,561 --> 00:20:33,857
Wasakin ang lambak, wasakin!
267
00:20:45,494 --> 00:20:46,370
Nasiens!
268
00:20:48,163 --> 00:20:49,623
Pakawalan mo siya!
269
00:20:52,709 --> 00:20:55,921
Sasaktan mo ba ang sarili mong pamilya?
270
00:21:03,679 --> 00:21:04,888
{\an8}Ate Dolores.
271
00:21:06,473 --> 00:21:09,851
Hindi maaari! Bakit mo siya sinaktan?
272
00:21:09,935 --> 00:21:11,645
Tumahimik ka na, bata!
273
00:21:13,480 --> 00:21:17,234
Nangyari ang lahat ng 'to
dahil sa pakikialam mo.
274
00:21:17,859 --> 00:21:21,321
Tulad ng inaasahan, ang tunay
at mapayapang kagandahan ng kamatayan
275
00:21:21,405 --> 00:21:23,156
ay hindi mauunawaan
ng isang suwail na tulad mo.
276
00:21:23,740 --> 00:21:26,410
Siya ang diwata na nahuli ni Nasiens...
277
00:21:26,994 --> 00:21:29,746
{\an8}Siya ang may kagagawan
ng pagiging halimaw n'ong albularyo.
278
00:21:29,830 --> 00:21:30,664
Ano?
279
00:21:30,747 --> 00:21:32,791
Nagsasalitang soro?
280
00:21:33,875 --> 00:21:35,919
Kahanga-hangang napagtanto mo ito agad.
281
00:21:37,838 --> 00:21:39,715
Bakit mo ito ginagawa?
282
00:21:40,465 --> 00:21:41,925
Bakit?
283
00:21:44,094 --> 00:21:47,639
Dahil kriminal ang albularyong ito.
284
00:21:47,723 --> 00:21:53,603
Ngayon, Ordo, wasakin mo na ang lambak
upang mapagbayaran ang mga kasalanan mo.
285
00:22:03,739 --> 00:22:06,783
Ano'ng dapat kong gawin?
286
00:22:11,538 --> 00:22:13,749
Ibalik natin sa normal ang lolo mo!
287
00:22:13,832 --> 00:22:14,791
Nang magkasama!
288
00:22:21,465 --> 00:22:22,507
Percival...
289
00:23:53,056 --> 00:23:56,518
ISANG PANATANG HIGIT PANG HINASA
290
00:23:56,601 --> 00:23:58,645
Tagapagsalin ng subtitle: Carlo Canaman