1
00:00:13,054 --> 00:00:13,930
Britannia.
2
00:00:14,931 --> 00:00:17,183
Noong unang panahon, nagsagawa ng kudeta
3
00:00:17,267 --> 00:00:19,602
ang Banal na mga Kabalyero
ng Kaharian ng Liones,
4
00:00:20,812 --> 00:00:23,773
na nagdulot ng kaguluhan
at humantong sa Banal na Digmaan
5
00:00:23,857 --> 00:00:26,151
sa pagitan ng angkan ng diyosa
at ng demonyo.
6
00:00:27,777 --> 00:00:31,197
Nagdulot ang digmaan
ng nakakapinsalang apoy
7
00:00:31,281 --> 00:00:32,782
na halos tupukin ang buong kontinente,
8
00:00:34,117 --> 00:00:38,788
pero ang paglitaw at aktibong paglahok
ng mga maalamat na bayani
9
00:00:39,497 --> 00:00:42,042
na kilala bilang Seven Deadly Sins
ang tumapos ng digmaan.
10
00:00:43,710 --> 00:00:47,672
Nangyari ang kuwentong ito
may 16 taon ang nakararaan.
11
00:02:32,777 --> 00:02:38,700
{\an8}ANG HINDI KILALANG PUWERSA
12
00:02:42,787 --> 00:02:45,665
Wala pa akong nakikitang nilalang
na gaya mo sa Daliri ng Diyos.
13
00:02:49,294 --> 00:02:51,421
Kumusta ka? Ako si Percival.
14
00:02:51,504 --> 00:02:54,090
Kakababa ko lang mula roon
sa Daliri ng Diyos.
15
00:02:54,591 --> 00:02:55,967
Inabot ako ng dalawang araw.
16
00:02:56,050 --> 00:03:01,306
Uy, may alam ka bang lugar dito
na tinitirhan ng mga taong tulad ko?
17
00:03:01,931 --> 00:03:05,143
Sabi ni Lolo, may mga lugar
na tinatawag na nayon at bayan
18
00:03:05,226 --> 00:03:07,729
kung saan nakatira ang maraming tao!
19
00:03:11,566 --> 00:03:14,819
Mukhang di mo naiintindihan
ang salita ng mga tao.
20
00:03:21,409 --> 00:03:24,287
Siguro nakatadhanang
magtagpo ang mga landas natin.
21
00:03:24,996 --> 00:03:26,706
Maging magkaibigan tayo.
22
00:03:27,957 --> 00:03:29,334
Hindi, sandali!
23
00:03:30,752 --> 00:03:34,672
Wala akong kilala rito
at nakakabalisa ito!
24
00:03:41,721 --> 00:03:42,764
Teka...
25
00:03:47,685 --> 00:03:50,521
Sige na, lumapit na kayo rito!
26
00:03:51,022 --> 00:03:55,318
Magsisimula na ang nakamamanghang palabas
ng Kagila-gilalas na Sirko ni Katz!
27
00:03:55,985 --> 00:03:58,196
Ako si Katz, ang pinuno,
ang unang magtatanghal.
28
00:04:00,156 --> 00:04:02,700
Itong mga piraso ng papel...
29
00:04:03,952 --> 00:04:05,828
{\an8}Napakagaling!
30
00:04:07,080 --> 00:04:10,458
Agad silang naging naglalagablab
na mga apoy!
31
00:04:12,168 --> 00:04:13,586
Si Binibining Elva na ang kasunod.
32
00:04:17,674 --> 00:04:20,426
Panoorin n'yo kung paano lumusot
sa butas ang unggoy niya,
33
00:04:20,510 --> 00:04:22,011
at saka nawala tapos lilitaw ulit.
34
00:04:22,095 --> 00:04:24,305
{\an8}Napakahusay!
35
00:04:24,389 --> 00:04:26,391
{\an8}At para naman sa bidang magtatanghal
sa ating sirko...
36
00:04:26,474 --> 00:04:29,811
Uy, Donny! Seryosohin mo nga
'tong pag-eensayo natin!
37
00:04:29,894 --> 00:04:32,939
Para saan pa kung wala namang manonood?
38
00:04:33,022 --> 00:04:35,775
Kaya nga ensayo 'to kasi ginagawa natin
nang walang may manonood.
39
00:04:36,818 --> 00:04:38,653
'Wag ka ngang magmagaling diyan.
40
00:04:42,699 --> 00:04:43,866
{\an8}- Sino 'yon?
- Sino 'yon?
41
00:04:44,450 --> 00:04:48,037
Ang galing!
42
00:04:48,121 --> 00:04:50,957
Nakakamangha 'yon! Gusto ko ulit mapanood!
43
00:04:51,040 --> 00:04:52,792
Isa pa!
44
00:04:52,875 --> 00:04:54,585
Tagarito ba ang batang 'to?
45
00:04:54,669 --> 00:04:57,088
Dito? Wala namang nakatira dito.
46
00:04:57,171 --> 00:04:58,214
Uy, bata.
47
00:04:59,257 --> 00:05:01,175
Hindi mo 'to puwedeng panoorin nang libre.
48
00:05:01,259 --> 00:05:02,385
Magbayad ka ng pera.
49
00:05:02,969 --> 00:05:05,680
'Wag mo namang siyang takutin
dahil lang napanood niya tayo.
50
00:05:05,763 --> 00:05:07,890
Hanapbuhay natin 'to.
51
00:05:08,891 --> 00:05:10,893
Pera... Ano 'yon?
52
00:05:13,479 --> 00:05:15,732
Sige, ibigay mo lahat ng gamit mo.
53
00:05:15,815 --> 00:05:18,526
Sige. Heto.
54
00:05:19,152 --> 00:05:21,821
- Sige. Ipapakita ko sa 'yo ang mahika ko.
- Ayos!
55
00:05:31,622 --> 00:05:32,457
Lumulutang ako!
56
00:05:32,540 --> 00:05:34,292
Lumulutang na ba 'ko?
57
00:05:35,126 --> 00:05:36,627
Oo, lumulutang ka.
58
00:05:38,254 --> 00:05:40,923
Uy, paano mo nagagawa 'to?
59
00:05:42,133 --> 00:05:44,260
Uy!
60
00:05:44,343 --> 00:05:46,554
Donny! Ang sama mo naman!
61
00:05:47,722 --> 00:05:50,016
Mabuting matutuhan niya
ang realidad ng buhay.
62
00:05:50,099 --> 00:05:52,602
Mawawala rin naman 'yong mahika.
Di problema 'yon.
63
00:05:52,685 --> 00:05:53,811
Malaking problema 'yon!
64
00:05:53,895 --> 00:05:56,439
Di puwedeng basta mo lang iwan
ang isang bata roon.
65
00:05:56,522 --> 00:05:59,692
{\an8}Sa nakikita ko,
parang wala rin naman siyang kasama.
66
00:06:00,651 --> 00:06:02,195
Dapat ba natin siyang balikan, ha?
67
00:06:03,071 --> 00:06:04,572
Ang layo na natin sa kaniya.
68
00:06:04,655 --> 00:06:07,075
Sandali!
69
00:06:12,038 --> 00:06:12,872
Lumagpas ako.
70
00:06:13,915 --> 00:06:15,958
Naabutan niya tayo nang tumatakbo lang.
71
00:06:17,794 --> 00:06:18,920
Ano...
72
00:06:19,921 --> 00:06:23,341
Pasensiya na, ha? Heto.
Ibabalik ko na 'yong gamit mo.
73
00:06:25,009 --> 00:06:27,637
Ang totoo, may hinahanap ako.
74
00:06:27,720 --> 00:06:29,847
Alam n'yo ba kung saan ko siya makikita?
75
00:06:30,556 --> 00:06:32,600
Hindi ka galit?
76
00:06:33,101 --> 00:06:34,769
At ang pangalan ng taong 'yon ay...
77
00:06:34,852 --> 00:06:35,895
Ironside.
78
00:06:35,978 --> 00:06:39,357
Ironside. Kakilala mo ba siya?
79
00:06:49,242 --> 00:06:51,202
Siya ang ama ko na pumatay sa lolo ko.
80
00:06:53,454 --> 00:06:55,623
Nakakabagabag namang marinig 'yan.
81
00:06:56,499 --> 00:07:00,128
Mag-isa kang naglalakbay
para maghiganti, gano'n ba?
82
00:07:00,920 --> 00:07:01,754
Hindi ko pa alam.
83
00:07:02,463 --> 00:07:05,675
Kaya gusto ko siyang makita
at tanungin nang personal
84
00:07:06,384 --> 00:07:08,136
kung bakit niya pinatay si Lolo.
85
00:07:08,928 --> 00:07:11,889
At kung bakit ngayong lang
siya nagpakita sa amin.
86
00:07:13,141 --> 00:07:15,435
{\an8}Pero bubugbugin ko muna siya!
87
00:07:16,060 --> 00:07:18,062
{\an8}Hindi, hindi ko siya kilala.
88
00:07:18,604 --> 00:07:19,939
{\an8}Pasensiya na. Hindi ko rin kilala.
89
00:07:20,022 --> 00:07:21,524
{\an8}Gano'n ba.
90
00:07:21,607 --> 00:07:26,028
Di ako sigurado kung mahahanap mo siya
gamit lang ang pangalan niya,
91
00:07:26,779 --> 00:07:29,782
pero baka makakuha ka ng ibang impormasyon
pag pumunta ka sa nayon.
92
00:07:29,866 --> 00:07:33,161
Nayon?
93
00:07:33,244 --> 00:07:34,287
Nayon?
94
00:07:35,204 --> 00:07:36,456
Nayon!
95
00:07:36,539 --> 00:07:40,376
'Yong lugar na sinasabing
maraming tao at mga bahay!
96
00:07:42,086 --> 00:07:44,297
Gusto mo bang sumama sa amin
sa susunod na nayon?
97
00:07:44,380 --> 00:07:45,256
Sige!
98
00:07:45,339 --> 00:07:47,216
Hindi ibig sabihin nito na
libre na ang pagsakay mo!
99
00:07:48,843 --> 00:07:50,136
Tama na nga 'yan, Donny.
100
00:07:50,678 --> 00:07:52,513
May alam ka bang mahika?
101
00:07:53,806 --> 00:07:54,640
Mahika?
102
00:08:01,772 --> 00:08:03,399
Tingnan natin ang kaya mo.
103
00:08:10,156 --> 00:08:13,284
Paanong ako ang natamaan mo
e nasa likod mo ako?
104
00:08:13,367 --> 00:08:14,452
Nakapagtataka naman.
105
00:08:18,247 --> 00:08:20,791
'Wag kang mag-alala, bata.
Isasabay ka namin nang libre.
106
00:08:21,626 --> 00:08:23,878
Isang grupo kami
na naglalakbay sa Britannia,
107
00:08:23,961 --> 00:08:27,548
at kumikita sa pagtatanghal ng mahika
sa mga bayan at nayon na binibisita namin.
108
00:08:27,632 --> 00:08:33,179
Ganoon ba. Nakakamangha
'yong ginagawa n'yo. Parang totoo talaga!
109
00:08:34,805 --> 00:08:36,974
Napahanga ka na
sa gano'ng kasimpleng mahika?
110
00:08:37,475 --> 00:08:40,186
Mas maayos sana ang buhay namin
kung di lang pipitsugin ang mahika namin,
111
00:08:40,269 --> 00:08:42,063
na katumbas lang ng maliit na kita.
112
00:08:42,146 --> 00:08:43,397
Ha?
113
00:08:47,693 --> 00:08:50,321
Hindi ko na rin naman maaabot
'yong pangarap ko.
114
00:08:51,572 --> 00:08:53,533
May kaniya-kaniya kaming
mga masasalimuot na nakaraan.
115
00:08:54,534 --> 00:08:56,911
Ang Kagila-gilalas na Sirko ni Katz
ay isang pagsasama ng mga taong
116
00:08:56,994 --> 00:08:59,789
minsang nangarap
na maging Banal na Kabalyero
117
00:08:59,872 --> 00:09:01,582
pero hindi natupad.
118
00:09:01,666 --> 00:09:02,833
Banal na Kabalyero?
119
00:09:02,917 --> 00:09:04,627
Tama! 'Yong ama ko...
120
00:09:05,253 --> 00:09:07,088
Sinabi sa 'kin ng salbaheng 'yon
no'ng araw na 'yon.
121
00:09:07,755 --> 00:09:10,675
Dati niya akong kaibigan.
122
00:09:10,758 --> 00:09:12,760
No'ng mga Banal na Kabalyero pa kami.
123
00:09:13,928 --> 00:09:16,222
Sinabi niya na pareho silang
Banal na Kabalyero ni Lolo!
124
00:09:16,305 --> 00:09:19,225
Kung gano'n, anak ka
ng isang Banal na Kabalyero?
125
00:09:19,308 --> 00:09:20,309
Gano'n ba?
126
00:09:20,393 --> 00:09:22,812
Saang kaharian sila
naging mga Banal na Kabalyero?
127
00:09:22,895 --> 00:09:25,356
Kaharian? Di ko alam.
128
00:09:26,107 --> 00:09:27,984
Di ko alam kung ano'ng pinagsasasabi n'yo,
129
00:09:28,484 --> 00:09:30,903
pero sawa na akong pakinggan
ang tungkol sa mga Banal na Kabalyero!
130
00:09:32,488 --> 00:09:35,366
Uy, kaya mo bang lumipad
gamit 'yong kakayahan mong magpalutang?
131
00:09:35,449 --> 00:09:37,243
Tumahimik ka nga. 'Wag mo 'kong kausapin!
132
00:09:37,326 --> 00:09:38,494
Paano mo ginagawa 'yon?
133
00:09:38,578 --> 00:09:40,371
Gusto mo bang palutangin kita ulit?
134
00:09:40,454 --> 00:09:42,331
Gusto ko lang ulitin mo 'yon.
135
00:09:42,415 --> 00:09:44,000
May mga taong papunta sa direksiyon natin.
136
00:09:44,083 --> 00:09:45,376
Sila ba 'yong mga taganayon?
137
00:09:46,335 --> 00:09:47,753
Tulong!
138
00:09:47,837 --> 00:09:50,298
Nasa panganib ang nayon!
139
00:09:50,381 --> 00:09:51,257
Ano'ng nangyari?
140
00:09:51,340 --> 00:09:53,551
May nagwawalang lobo sa nayon!
141
00:09:54,093 --> 00:09:57,513
Puntahan n'yo ang mga Banal na Kabalyero.
Bilis na!
142
00:09:58,306 --> 00:09:59,682
Ano ang lobo?
143
00:09:59,765 --> 00:10:00,766
Di ka pa nakakakita n'on?
144
00:10:00,850 --> 00:10:02,310
Parang 'yon lang.
145
00:10:02,393 --> 00:10:04,520
Di naman kailangang tawagin pa
ang mga Banal na Kabalyero.
146
00:10:05,104 --> 00:10:07,356
Lobo lang 'yon,
paaalisin na lang namin para sa inyo.
147
00:10:12,528 --> 00:10:14,530
Uy, Donny. Hindi mo puwedeng...
148
00:10:14,614 --> 00:10:16,657
Bilang kapalit, dapat bigyan nila tayo
149
00:10:16,741 --> 00:10:19,577
ng libreng matutuluyan
at pagkain ngayong gabi.
150
00:10:26,083 --> 00:10:27,001
Ang laki niyan!
151
00:10:27,084 --> 00:10:28,294
Isang halimaw na lobo?
152
00:10:31,797 --> 00:10:33,966
Tawagin na natin
ang mga Banal na Kabalyero!
153
00:10:34,050 --> 00:10:36,218
Sandali! May tao sa loob!
154
00:10:36,802 --> 00:10:38,971
Wala naman na tayong magagawa!
155
00:10:39,972 --> 00:10:40,806
Percival!
156
00:10:42,433 --> 00:10:43,643
Gusto mo bang mamatay?
157
00:10:44,810 --> 00:10:47,104
Laging sinasabi noon ni Lolo,
158
00:10:47,188 --> 00:10:49,565
"Durugin ang masasama
at tulungan ang mahihina.
159
00:10:50,066 --> 00:10:53,736
Protektahan ang mga mahahalaga sa 'yo,
sa abot ng makakaya mo."
160
00:10:55,321 --> 00:10:57,907
{\an8}Ayaw ko nang masaktan pa ulit nang gano'n,
161
00:10:57,990 --> 00:11:00,242
{\an8}o hayaang maranasan 'yon ng sinuman!
162
00:11:01,077 --> 00:11:02,328
{\an8}Magtuos tayo, Lobo!
163
00:11:02,870 --> 00:11:04,872
{\an8}Lulutuin kita at kakainin!
164
00:11:07,041 --> 00:11:07,917
Halimaw ka.
165
00:11:11,212 --> 00:11:12,171
Aray!
166
00:11:23,182 --> 00:11:24,683
Aray...
167
00:11:25,267 --> 00:11:26,102
Ayos ka lang ba?
168
00:11:26,644 --> 00:11:27,937
Aray!
169
00:11:28,020 --> 00:11:29,563
Bakit pa kayo bumalik?
170
00:11:29,647 --> 00:11:31,065
Kasalanan mo...
171
00:11:32,942 --> 00:11:36,987
Binuhay mo ulit sa loob ko
ang nagbabagang apoy.
172
00:11:38,531 --> 00:11:39,698
Takbo, Percival!
173
00:11:49,875 --> 00:11:54,422
Ang lakas ng loob mong gawin 'yon!
174
00:12:07,476 --> 00:12:10,646
Ang galing. Isang bata lang ang tumalo
sa halimaw na lobo.
175
00:12:11,230 --> 00:12:12,231
Ligtas na tayo.
176
00:12:12,314 --> 00:12:14,442
Ligtas na tayong lahat ngayon!
177
00:12:15,151 --> 00:12:18,154
'Yong bata ang may gawa!
Tinalo niya 'yong lobo!
178
00:12:30,791 --> 00:12:32,793
Napakatapang na bata!
179
00:12:32,877 --> 00:12:35,671
Sino'ng mag-aakalang matatalo niya
ang alagad ko?
180
00:12:37,423 --> 00:12:39,925
Kaya, ako na'ng susunod
niyang makakalaban!
181
00:12:49,518 --> 00:12:51,937
Iniisip ko kung masamang pangitain 'yon.
182
00:12:52,021 --> 00:12:54,732
Di pa ako nakakakita
ng ganito kalaking lobo.
183
00:12:55,274 --> 00:12:57,109
Nanlamig ang dugo ko sa takot.
184
00:12:57,610 --> 00:13:00,070
Usap-usapan na may nagpapakita rin
na nakakakilabot na mga halimaw
185
00:13:00,154 --> 00:13:01,614
sa ibang nayon.
186
00:13:02,239 --> 00:13:03,407
Aray!
187
00:13:04,158 --> 00:13:05,451
Aray.
188
00:13:05,534 --> 00:13:07,953
Tama na 'yang pagdaing mo.
189
00:13:08,037 --> 00:13:09,872
Tanda ng katapangan itong sugat mo.
190
00:13:09,955 --> 00:13:11,540
'Wag mo nang pagaanin ang loob ko.
191
00:13:11,624 --> 00:13:13,375
Buwisit. Mukha akong kawawa.
192
00:13:14,168 --> 00:13:17,046
Nga pala, nasaan 'yong matapang na bayani?
193
00:13:17,546 --> 00:13:20,674
Isinama siya ni Elva roon
sa ilog sa may burol.
194
00:13:22,551 --> 00:13:25,930
Grabe naman. 'Yan ba ang sugat
na nakuha mo no'ng araw na 'yon?
195
00:13:26,472 --> 00:13:27,306
Oo.
196
00:13:28,432 --> 00:13:31,185
Grabe. Umabot pa hanggang sa likod mo.
197
00:13:32,144 --> 00:13:32,978
Oo.
198
00:13:34,438 --> 00:13:36,315
Kagagaling lang nito.
199
00:13:37,858 --> 00:13:39,109
Oo.
200
00:13:39,818 --> 00:13:43,447
Naku, masyadong matipid ang mga sagot mo.
201
00:13:43,531 --> 00:13:45,491
Umaasta kang matanda kahit bata ka pa.
202
00:13:46,575 --> 00:13:48,494
Katulad 'to n'ong sinabi ni Lolo.
203
00:13:51,789 --> 00:13:53,707
Dapat linisin ang buong katawan mo.
204
00:13:53,791 --> 00:13:56,085
Sasalubungin ka ng mga taganayon.
205
00:14:07,304 --> 00:14:09,765
Napakabuting tao ni Donny, ano?
206
00:14:10,766 --> 00:14:12,643
Ngayon lang kami nagkakilala,
207
00:14:12,726 --> 00:14:14,728
pero itinaya niya ang buhay niya
para protektahan ako.
208
00:14:15,271 --> 00:14:18,816
{\an8}Sumuong ka kaagad sa kapahamakan
para sa mga taong di mo naman kilala.
209
00:14:18,899 --> 00:14:20,317
{\an8}Mas mabuti ka kaysa sa kaniya.
210
00:14:20,943 --> 00:14:21,944
{\an8}Talaga?
211
00:14:22,528 --> 00:14:25,531
Mukhang naimpluwensiyahan mo
talaga si Donny.
212
00:14:28,242 --> 00:14:30,327
Mukhang di pa rin siya sumusuko
213
00:14:30,411 --> 00:14:32,580
sa kagustuhang niyang
maging Banal na Kabalyero.
214
00:14:33,873 --> 00:14:36,458
Uy, Elva, ano 'yong Banal na Kabalyero?
215
00:14:38,419 --> 00:14:39,962
"Nakikita ng mga mata mo ang kasamaan,
216
00:14:40,796 --> 00:14:42,423
nagsasabi ng katotohanan ang bibig mo,
217
00:14:43,173 --> 00:14:44,842
napupuno ng hustisya ang puso mo,
218
00:14:45,509 --> 00:14:47,303
at wawasakin ng espada mo ang masasama."
219
00:14:48,304 --> 00:14:52,182
Sila ang magagaling na kabalyero
na may makapangyarihang mahika
220
00:14:52,266 --> 00:14:54,143
at prumoprotekta sa mga kaharian
at mga tao.
221
00:14:55,311 --> 00:14:56,937
Madalas sabihin 'yan ni Lolo noon.
222
00:14:57,897 --> 00:14:58,939
Ano ang mahikang 'yon?
223
00:14:59,565 --> 00:15:02,526
'Yon ba 'yong pinakita n'yo sa 'kin
ni Donny no'ng una tayong nagkita?
224
00:15:03,193 --> 00:15:04,361
Medyo.
225
00:15:05,029 --> 00:15:07,990
Pero di gano'n kalakas ang mahika namin
para maging Banal na Kabalyero.
226
00:15:09,533 --> 00:15:11,994
Pero ang pinakamahalagang katangian
227
00:15:12,494 --> 00:15:14,914
ay 'yong ginawa mong
walang alinlangang pagtulong.
228
00:15:15,831 --> 00:15:18,250
Kinalaban mo 'yong halimaw
para sa mga di mo kilala,
229
00:15:18,334 --> 00:15:19,960
gaano man 'yon kamapanganib.
230
00:15:20,044 --> 00:15:21,253
Nakamamangha 'yon.
231
00:15:21,837 --> 00:15:23,422
Siguro pinanganak kang
232
00:15:23,505 --> 00:15:25,466
taglay ang mga katangian
ng isang Banal na Kabalyero.
233
00:15:29,845 --> 00:15:33,098
Pinagkakasya mo ba 'to palagi?
234
00:15:34,642 --> 00:15:36,352
Uy, kanina ka pa namin hinihintay.
235
00:15:36,435 --> 00:15:38,771
Nandito na ang bida ng araw na 'to!
236
00:15:40,606 --> 00:15:43,901
Uminom tayo para sa matapang na bayaning
nagligtas sa ating nayon!
237
00:15:44,401 --> 00:15:46,028
Tagay!
238
00:15:47,488 --> 00:15:49,782
Ang sarap! Ano 'to?
239
00:15:50,991 --> 00:15:53,702
Katas ng berry 'yan
na hinaluan ng arnibal.
240
00:15:53,786 --> 00:15:55,871
Mas gusto ko sana ng alak.
241
00:15:55,955 --> 00:15:57,790
Puwede ka na bang uminom ng alak, Donny?
242
00:15:57,873 --> 00:16:00,417
'Wag mo 'kong itulad sa batang kagaya mo.
243
00:16:00,501 --> 00:16:04,171
Umaasta kang parang matanda,
pero 16 ka pa lang, katulad ko.
244
00:16:04,254 --> 00:16:06,924
Ako rin. Magkaka-edad tayong tatlo.
245
00:16:07,758 --> 00:16:10,594
Imposible. 16 ka na rin?
246
00:16:10,678 --> 00:16:11,512
Oo.
247
00:16:12,012 --> 00:16:13,681
Nakita na niya ang lahat sa 'kin.
248
00:16:14,264 --> 00:16:16,183
{\an8}Kuya Percival!
249
00:16:16,892 --> 00:16:18,769
Salamat sa pagtulong sa 'kin kanina!
250
00:16:19,520 --> 00:16:21,939
Kung may nangyaring masama sa apo ko...
251
00:16:23,023 --> 00:16:23,857
Salamat.
252
00:16:24,358 --> 00:16:26,944
{\an8}- Alagaan mo lang ang lolo mo.
- Sige!
253
00:16:36,286 --> 00:16:38,664
Lalaking nakapulang baluti?
Di ko pa siya nakikita.
254
00:16:39,164 --> 00:16:42,209
Ironside? Di ko 'yon kilala.
255
00:16:42,292 --> 00:16:44,503
Lalaking may mabahong baluti?
256
00:16:44,586 --> 00:16:46,964
Hindi mabahong baluti! Pulang baluti!
257
00:16:47,047 --> 00:16:50,968
Parang pamilyar, pero parang hindi.
258
00:16:51,051 --> 00:16:53,095
Pamilyar ba o hindi? Ano ba talaga?
259
00:16:53,178 --> 00:16:54,471
Kumalma ka naman.
260
00:16:57,808 --> 00:16:59,685
Labas! Ironside!
261
00:17:02,688 --> 00:17:04,481
Walang silbi ang pagsigaw mo.
262
00:17:07,818 --> 00:17:09,611
Alam ko ang pangalang 'yon!
263
00:17:13,574 --> 00:17:15,117
May lumulutang sa hangin!
264
00:17:15,200 --> 00:17:17,036
Nandito ako para makita
265
00:17:17,119 --> 00:17:19,371
ang matapang na batang
tumalo sa alagad ko.
266
00:17:19,955 --> 00:17:23,125
Isa 'tong di inaasahan na pangyayari!
Nakakagulat talaga!
267
00:17:29,965 --> 00:17:33,886
Ayon sa ulat, patay na ang matanda
at ang kaniyang apo,
268
00:17:34,470 --> 00:17:36,889
pero narito ka, buhay na buhay at masigla.
269
00:17:37,473 --> 00:17:40,642
Baka nga may pagmamahal siya
para sa sarili niyang anak.
270
00:17:41,393 --> 00:17:44,855
Pero 'wag mong sabihing
buhay pa rin pati si Varghese.
271
00:17:45,439 --> 00:17:47,274
Paano mo nalaman ang pangalan ni Lolo?
272
00:17:47,357 --> 00:17:50,736
Hoy, ikaw! Di kita kilala, pero humingi ka
ng paumanhin sa batang 'to!
273
00:17:51,737 --> 00:17:54,823
Kamamatay lang ng lolo niya!
274
00:17:54,907 --> 00:17:55,908
Pinuno...
275
00:17:58,494 --> 00:18:00,788
Base sa baluti mo,
isa ka bang Banal na Kabalyero?
276
00:18:01,413 --> 00:18:03,665
'Wag mong isiping puwede ka nang
magsabi ng kung ano-ano
277
00:18:03,749 --> 00:18:05,417
dahil lang Banal na Kabalyero ka!
278
00:18:06,001 --> 00:18:09,671
'Yang bata sa likod mo ang pakay ko.
279
00:18:11,256 --> 00:18:13,801
Hindi talaga natitinag ang lalaking 'to.
280
00:18:15,427 --> 00:18:16,345
Nakaharang ka.
281
00:18:18,806 --> 00:18:20,057
- Amo!
- Ayos lang ba siya?
282
00:18:23,644 --> 00:18:27,564
Pasensiya na. Marahan lang
sana kitang patatabihin.
283
00:18:28,148 --> 00:18:28,982
Sino ka?
284
00:18:29,608 --> 00:18:31,652
Paano mo nakilala sina Lolo at Ironside?
285
00:18:35,155 --> 00:18:36,740
Ako si Pellegarde, ang Itim na Kabalyero!
286
00:18:37,241 --> 00:18:40,077
Kasamahan ko ang lolo at tatay mo, bata.
287
00:18:40,661 --> 00:18:41,954
Hindi na ako bata!
288
00:18:42,037 --> 00:18:43,580
Ako si Percival!
289
00:18:43,664 --> 00:18:45,874
Gusto ko 'yang lakas ng loob mo!
290
00:18:45,958 --> 00:18:48,919
Kung kasamahan mo ang salbaheng 'yon,
malamang alam mo kung nasaan siya.
291
00:18:49,962 --> 00:18:52,256
Hindi ka man lang natatakot sa 'kin.
292
00:18:52,756 --> 00:18:53,841
Gusto ko 'yan.
293
00:18:54,633 --> 00:18:57,344
Sabihin mo sa 'kin kung nasaan siya
bago ako matapos magbilang ng lima!
294
00:18:57,427 --> 00:18:59,429
Magkaiba sila ng pinag-uusapan.
295
00:18:59,930 --> 00:19:02,224
- Lima, apat, tatlo...
- Hanga ako sa mga matatapang na tao!
296
00:19:02,307 --> 00:19:04,351
- Dalawa, isa...
- Anuman ang kasarian nila!
297
00:19:05,519 --> 00:19:07,354
Hindi talaga sila nagkakaintindihan.
298
00:19:07,938 --> 00:19:11,108
- Kung gano'n, labanan na!
- Kung gano'n, labanan na!
299
00:19:11,191 --> 00:19:13,610
- Nagkaintindihan sila bigla!
- Nagkaintindihan sila bigla!
300
00:19:17,197 --> 00:19:18,365
Halika, sumugod ka.
301
00:19:20,951 --> 00:19:21,952
Dito ka lang.
302
00:19:22,035 --> 00:19:23,453
Kaya mo 'yan, Kuya Percival!
303
00:19:24,329 --> 00:19:25,205
Heto na ako!
304
00:19:25,789 --> 00:19:27,749
Ha? Sandali! Nasaan ang sandata mo?
305
00:19:28,250 --> 00:19:30,961
Balak mo ba akong labanan
gamit lang ang mga kamay mo?
306
00:19:36,758 --> 00:19:39,761
Kaya niyang itulak at paatrasin ako
kahit suot ko ang matibay na baluting 'to.
307
00:19:39,845 --> 00:19:42,222
Kakaiba talaga ang batang 'to!
308
00:19:42,306 --> 00:19:45,434
Kung ako ang mananalo,
sasabihin mo sa 'kin kung nasaan siya!
309
00:19:45,517 --> 00:19:47,019
Sige!
310
00:19:49,271 --> 00:19:52,941
Pero kung ako ang mananalo, sa 'kin ka na.
311
00:19:55,861 --> 00:19:58,030
May potensiyal ka talaga!
312
00:19:58,113 --> 00:20:00,490
Para gusto ko nang
ako ang magpalaki sa 'yo!
313
00:20:02,034 --> 00:20:02,951
Percival!
314
00:20:04,536 --> 00:20:08,457
Hindi kita... hahayaan...
315
00:20:09,041 --> 00:20:10,459
Ako...
316
00:20:10,542 --> 00:20:12,169
ang magtatagumpay!
317
00:20:15,464 --> 00:20:19,051
Mananalo ako!
318
00:20:26,141 --> 00:20:30,103
Nilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan
para sa kapakanan ng mga mahihina.
319
00:20:30,187 --> 00:20:34,066
Kaya mong makipagsabayan
sa malakas na kalaban.
320
00:20:34,149 --> 00:20:36,068
Magaling.
321
00:20:36,652 --> 00:20:38,237
Kuya Percival...
322
00:20:38,904 --> 00:20:41,907
Kung di ka gagamit ng armas,
'yang mahika mo na lang!
323
00:20:42,658 --> 00:20:46,328
Kung hindi, di ako masisiyahan
sa labanang 'to.
324
00:20:46,411 --> 00:20:49,581
Wala akong kahit anong mahika.
325
00:20:49,665 --> 00:20:52,834
Ano? Walang mahika ang anak ni Ironside?
326
00:20:56,463 --> 00:20:57,839
Masyado yata akong napabilib sa 'yo.
327
00:20:58,632 --> 00:21:02,511
Pero mas ginaganahan akong sanayin ka.
328
00:21:02,594 --> 00:21:04,721
Kung gano'n, tapusin na natin
ang labanang 'to.
329
00:21:04,805 --> 00:21:07,808
Sige na, sumuko ka na!
330
00:21:10,435 --> 00:21:11,687
Hindi ako papayag.
331
00:21:12,688 --> 00:21:14,606
Matigas ang ulo mo!
332
00:21:22,072 --> 00:21:23,865
Wala kang laban sa kaniya.
333
00:21:23,949 --> 00:21:25,826
Masyadong mapanganib
para sa 'yo ang lumaban.
334
00:21:26,451 --> 00:21:28,704
Sinasabi mo bang manood na lang ako rito?
335
00:21:29,204 --> 00:21:31,915
Pigilan n'yo siya!
336
00:21:31,999 --> 00:21:33,542
Mas madaling sabihin kaysa gawin.
337
00:21:33,625 --> 00:21:35,961
Paano kung totoong
Banal na Kabalyero siya?
338
00:21:36,461 --> 00:21:38,839
Hindi matatalo si Kuya Percival!
339
00:21:39,464 --> 00:21:43,176
Siya ang bayaning nagligtas
sa amin ng lolo ko!
340
00:21:44,177 --> 00:21:45,887
Hinding-hindi siya matatalo!
341
00:21:53,312 --> 00:21:54,688
Ano?
342
00:22:02,279 --> 00:22:04,656
Ano'ng nangyari?
343
00:22:05,532 --> 00:22:07,534
Paano ko...
344
00:22:08,869 --> 00:22:13,248
Sabi mo wala kang kahit anong mahika,
di ba?
345
00:22:14,624 --> 00:22:18,295
E ano 'yang enerhiyang lumalabas
sa mga kamay mo?
346
00:22:19,171 --> 00:22:21,798
Sagutin mo ako, Percival!
347
00:23:53,014 --> 00:23:57,060
ANG HINDI KILALANG PUWERSA
348
00:23:57,144 --> 00:23:59,062
Tagapagsalin ng subtitle: Carlo Canaman