1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.MX 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.MX 3 00:00:30,750 --> 00:00:31,625 Oo. 4 00:00:32,583 --> 00:00:35,750 Nandito tayo ngayon sa bahay kung saan ako nagsusulat. 5 00:00:37,000 --> 00:00:39,875 Tatlumpung taon na akong nakatira rito. 6 00:00:40,916 --> 00:00:42,916 Bago ako magsimula, 7 00:00:42,916 --> 00:00:46,708 mahalagang malapit sa akin ang mga kakailanganin ko. 8 00:00:48,083 --> 00:00:52,208 Sigarilyo, siyempre, kape, at mga tsokolate. 9 00:00:53,958 --> 00:00:57,875 At dapat laging bagong tasa ang lapis ko bago ako magsimula. 10 00:00:59,916 --> 00:01:03,458 Anim ang lapis ko, at lagi kong nililinis ang writing board. 11 00:01:05,666 --> 00:01:07,083 Kita mo ang mga goma. 12 00:01:08,833 --> 00:01:09,666 'Yan. 13 00:01:11,958 --> 00:01:13,875 At sa wakas, makakapagsimula na. 14 00:01:17,125 --> 00:01:20,708 May ilan lang na kailangang ayusin. 15 00:01:23,458 --> 00:01:24,291 Sige. 16 00:01:29,541 --> 00:01:30,375 Ito'y... 17 00:01:34,250 --> 00:01:38,041 Si Henry Sugar ay 41 taong gulang, walang asawa at mayaman. 18 00:01:38,666 --> 00:01:41,625 Mayaman siya dahil mayaman ang namatay niyang ama. 19 00:01:41,625 --> 00:01:45,791 Wala siyang asawa dahil ayaw niyang may kahati sa pera niya. 20 00:01:45,791 --> 00:01:47,583 May taas siyang 6'2" 21 00:01:47,583 --> 00:01:50,291 at hindi kasingguwapo gaya ng inaakala niya. 22 00:01:50,291 --> 00:01:52,958 Mabusisi siya sa kaniyang isinusuot. 23 00:01:52,958 --> 00:01:55,250 Mamahalin ang mga suit niya, 24 00:01:55,250 --> 00:01:58,666 pati ang mga polo at sapatos niya. 25 00:01:58,666 --> 00:02:01,583 Nagpapagupit siya kada sampung araw, 26 00:02:01,583 --> 00:02:04,458 at kasabay noon ang pagpapalinis niya ng kuko. 27 00:02:04,458 --> 00:02:06,083 Ferrari ang kotse niya 28 00:02:06,083 --> 00:02:08,666 na kapresyo ng isang bahay-bakasyunan. 29 00:02:10,291 --> 00:02:14,000 Mayayaman ang kaibigan niya at hindi siya kailanman nagtrabaho. 30 00:02:15,000 --> 00:02:19,500 Maraming gaya ni Henry Sugar ang nagkalat sa mundo. 31 00:02:19,500 --> 00:02:23,291 Hindi sila masamang tao, pero hindi rin sila mabuti. 32 00:02:24,458 --> 00:02:26,416 Bahagi lang sila ng dekorasyon. 33 00:02:28,375 --> 00:02:30,625 Ang mga mayayamang gaya ni Henry, 34 00:02:30,625 --> 00:02:34,875 may iisang kagustuhan: ang lalo pa silang yumaman. 35 00:02:35,791 --> 00:02:38,625 Hindi sapat ang sampu o 20 milyon. 36 00:02:38,625 --> 00:02:41,583 Laging naghahangad ng mas marami pang kayamanan 37 00:02:41,583 --> 00:02:45,250 at may matinding takot na isang araw, maubusan silang pera. 38 00:02:45,250 --> 00:02:48,583 {\an8}Marami silang paraan para lalong yumaman. 39 00:02:48,583 --> 00:02:51,333 {\an8}May bumibili ng stocks at shares. 40 00:02:51,333 --> 00:02:56,333 {\an8}May bumibili ng lupa, sining, o brilyante. May nagsusugal. 41 00:02:56,333 --> 00:02:58,416 {\an8}May ilan na nagsusugal sa lahat. 42 00:02:58,416 --> 00:03:02,541 {\an8}Isa na roon si Henry Sugar, na isa ring mandaraya, siya nga pala. 43 00:03:03,500 --> 00:03:04,458 {\an8}Isang Sabado, 44 00:03:04,458 --> 00:03:08,166 {\an8}mula sa London, pumunta si Henry sa bahay ni Sir William W. 45 00:03:08,166 --> 00:03:10,583 Magarbo ang bahay at bakuran. 46 00:03:10,583 --> 00:03:14,166 Pero malakas ang ulan nang dumating si Henry. 47 00:03:14,166 --> 00:03:17,750 Naglilibang sa sugal ang mga bisita at may-ari ng bahay, 48 00:03:17,750 --> 00:03:21,708 samantalang si Henry ay malungkot na nakasilip sa bintana. 49 00:03:21,708 --> 00:03:25,041 Lumibot si Henry sa drawing room hanggang sa front hall. 50 00:03:25,041 --> 00:03:29,375 Naglibot siya sa bahay hanggang sa mapadpad sa aklatan. 51 00:03:32,250 --> 00:03:35,916 Kolektor ng libro ang ama ni Sir William, at ang pader ng silid 52 00:03:35,916 --> 00:03:39,291 ay puro hilera ng mga libro mula sahig hanggang kisame. 53 00:03:39,291 --> 00:03:40,708 Di interesado si Henry. 54 00:03:40,708 --> 00:03:44,166 Detective novels at thrillers ang nais niya, na wala rito. 55 00:03:44,166 --> 00:03:45,333 Aalis na sana siya 56 00:03:45,333 --> 00:03:48,500 nang may mapansing kakaiba ang mata niya. 57 00:03:48,500 --> 00:03:50,458 Sa nipis nito, di na mapapansin 58 00:03:50,458 --> 00:03:53,541 kung di ito nakaangat sa pagitan ng mga libro. 59 00:03:53,541 --> 00:03:55,166 Kinuha niya ito. 60 00:03:55,166 --> 00:03:56,291 Kagaya lang ito 61 00:03:56,291 --> 00:03:59,166 ng maninipis na libro na ginagamit sa paaralan. 62 00:03:59,166 --> 00:04:01,833 Asul ang pabalat, walang nakasulat. 63 00:04:01,833 --> 00:04:05,750 May sulat-kamay sa unang pahina, itim ang tinta, sinasabing: 64 00:04:05,750 --> 00:04:06,958 TALA KAY IMDAD KHAN 65 00:04:06,958 --> 00:04:10,166 NAKAKAKITA KAHIT WALANG MATA NI DR. Z.Z. CHATTERJEE 66 00:04:10,166 --> 00:04:12,416 Grabe. Kakaiba. Ano kaya ito? 67 00:04:13,291 --> 00:04:16,750 Naupo siya at nagsimulang magbasa. 68 00:04:16,750 --> 00:04:20,708 Ang mga susunod ay ang binasa ni Henry sa maliit na asul na libro. 69 00:04:24,958 --> 00:04:28,916 Z.Z. Chatterjee. Head surgeon sa Lords and Ladies Hospital, Calcutta. 70 00:04:28,916 --> 00:04:31,083 Umaga ng ika-2 ng Disyembre, 1935, 71 00:04:31,083 --> 00:04:33,291 nagtsatsaa ako sa kuwarto ng doktor. 72 00:04:33,291 --> 00:04:36,916 Kasama ko rin sina Dr. Marshall, Mitra, at Macfarlane. 73 00:04:36,916 --> 00:04:38,500 May kumatok sa pinto. 74 00:04:38,500 --> 00:04:39,750 "Tuloy," sabi ko. 75 00:04:41,458 --> 00:04:44,750 Paumanhin po sa inyo. Pwede po bang humingi ng pabor? 76 00:04:44,750 --> 00:04:48,750 -"Pribadong kuwarto ito," sabi ko. - Alam ko. Pasensiya na po kayo, 77 00:04:48,750 --> 00:04:51,791 may gusto lang akong ipakita na kakaibang bagay. 78 00:04:51,791 --> 00:04:54,208 Nainis kami at hindi kumikibo. 79 00:04:55,208 --> 00:04:59,375 Mga ginoo, ako po ay nakakakita kahit di gumagamit ng mata. 80 00:05:00,208 --> 00:05:01,666 Maliit siya, nasa 60, 81 00:05:01,666 --> 00:05:05,375 may puti siyang bigote at itim na buhok sa labas ng tainga. 82 00:05:05,375 --> 00:05:08,291 Kahit balutan n'yo po ng 50 benda ang ulo ko, 83 00:05:08,291 --> 00:05:10,500 kaya ko pa ring magbasa ng libro. 84 00:05:10,500 --> 00:05:14,166 Mukhang seryoso siya. Bigla akong naging interesado. 85 00:05:14,166 --> 00:05:15,250 Pumasok ka. 86 00:05:22,166 --> 00:05:25,791 Ilang daliri ang hawak ni Dr. Marshall? 87 00:05:25,791 --> 00:05:27,291 - Pito. -"Isa pa," sabi ko. 88 00:05:27,291 --> 00:05:28,750 - Siyam. -"Isa pa." sabi ko. 89 00:05:28,750 --> 00:05:29,833 - Tatlo. - Isa pa-- 90 00:05:29,833 --> 00:05:31,291 - Tatlo ulit. - Isa pa. 91 00:05:32,250 --> 00:05:33,166 Wala. 92 00:05:35,458 --> 00:05:36,333 Paano? 93 00:05:36,333 --> 00:05:40,333 Walang sikreto. Nagawa ko ito dahil sa matagal na pagsasanay. 94 00:05:40,333 --> 00:05:41,708 Ano'ng pagsasanay? 95 00:05:41,708 --> 00:05:44,208 Pasensiya na, hindi ko pwedeng sabihin. 96 00:05:45,125 --> 00:05:46,291 Ano'ng gagawin namin? 97 00:05:46,291 --> 00:05:49,333 Kasali ako sa teatro. Nasa Calcutta kami ngayon. 98 00:05:49,333 --> 00:05:52,791 Unang pagtatanghal namin ngayon sa Royal Palace Hall. 99 00:05:52,791 --> 00:05:54,375 Nasa palabas ako bilang: 100 00:05:54,375 --> 00:05:56,708 Imdad Khan, Nakakakita Kahit Walang Mata. 101 00:05:56,708 --> 00:05:58,750 Pag nasa bagong lugar kami, 102 00:05:58,750 --> 00:06:00,250 pumupunta ako sa ospital 103 00:06:00,250 --> 00:06:03,791 at sasabihin sa mga doktor na bendahan ang mata ko. 104 00:06:03,791 --> 00:06:06,125 Kailangang mga doktor ang gumawa no'n, 105 00:06:06,125 --> 00:06:08,208 dahil iisipin nilang madaya ako. 106 00:06:08,208 --> 00:06:11,041 At lalabas ako para gumawa ng delikadong bagay. 107 00:06:11,041 --> 00:06:12,333 Tumingin ako sa iba. 108 00:06:12,333 --> 00:06:15,458 Aalis na sina Mitra at Macfarlane. Sige na. 109 00:06:15,458 --> 00:06:18,541 - Pero si Dr. Marshall... - Bakit hindi? Gawin natin. 110 00:06:18,541 --> 00:06:20,708 Siguruhing wala siyang makikita. 111 00:06:20,708 --> 00:06:23,208 Ang bait ninyo. Kayo na po ang bahala. 112 00:06:23,208 --> 00:06:25,000 "Bago bendahan," sabi ko, 113 00:06:25,000 --> 00:06:27,250 "tapalan muna ng malambot na bagay." 114 00:06:27,250 --> 00:06:29,500 - Masa? - Oo. Pumunta ka sa panaderya. 115 00:06:29,500 --> 00:06:31,375 Isasara ko ang talukap niya. 116 00:06:31,375 --> 00:06:33,916 Dinala ko si Imdad sa surgery room. 117 00:06:33,916 --> 00:06:35,250 "Mahiga ka," sabi ko. 118 00:06:35,250 --> 00:06:37,666 Kumuha ako ng isang bote ng collodion. 119 00:06:37,666 --> 00:06:39,916 Isasara ko ang talukap mo gamit 'to. 120 00:06:39,916 --> 00:06:41,291 Pa'no ko matatanggal? 121 00:06:41,291 --> 00:06:44,833 Papahiran mo lang ng alcohol sa ilalim ng pilikmata. 122 00:06:44,833 --> 00:06:47,583 Pumikit ka lang habang pinapatigas natin. 123 00:06:47,583 --> 00:06:48,625 Dalawang minuto. 124 00:06:48,625 --> 00:06:51,041 "Dumilat ka," sabi ko. Di niya kaya. 125 00:06:51,041 --> 00:06:55,000 Itinapal ko sa mata ni Imdad ang masa na dala ni Dr. Marshall 126 00:06:55,000 --> 00:06:56,333 Tinakpan ko nang buo 127 00:06:56,333 --> 00:06:59,000 at hinayaan kong lumagpas sa mata ang masa. 128 00:06:59,000 --> 00:07:00,791 Ginawa ko rin sa isang mata. 129 00:07:00,791 --> 00:07:02,583 Diniinan ko ang paligid. 130 00:07:02,583 --> 00:07:04,166 "Masakit ba?" tanong ko. 131 00:07:04,166 --> 00:07:05,416 Hindi po. Salamat. 132 00:07:05,416 --> 00:07:07,291 "Bendahan mo," sabi ko. 133 00:07:07,291 --> 00:07:09,000 Malagkit ang mga daliri ko. 134 00:07:09,000 --> 00:07:11,833 Sige po. Lagyan natin dito... 135 00:07:11,833 --> 00:07:15,333 Tinakpan niya ng makapal na tela ang mga mata ni Imdad. 136 00:07:15,333 --> 00:07:16,375 Hindi gumagalaw. 137 00:07:16,375 --> 00:07:17,416 Tumayo po kayo. 138 00:07:18,125 --> 00:07:21,416 Binalutan ni Dr. Marshall ng benda ang ulo at mukha. 139 00:07:21,416 --> 00:07:23,833 Wag n'yo pong tatakpan ang ilong ko. 140 00:07:23,833 --> 00:07:24,750 Oo naman. 141 00:07:25,750 --> 00:07:28,500 Medyo masakit ito rito sa likod. 142 00:07:31,166 --> 00:07:32,166 Ayos lang ba? 143 00:07:32,166 --> 00:07:35,708 "Magaling," sabi ko. Para siyang inoperahan sa utak. 144 00:07:35,708 --> 00:07:36,666 Kumusta? 145 00:07:36,666 --> 00:07:37,833 Maayos po. 146 00:07:37,833 --> 00:07:40,916 Maayos po ang pagkakalagay ninyo. 147 00:07:40,916 --> 00:07:44,166 Tumayo si Imdad Khan at naglakad papunta sa pinto. 148 00:07:51,291 --> 00:07:54,458 Nakita mo 'yon? Alam niya kung nasaan ang doorknob! 149 00:07:54,458 --> 00:07:55,958 Nawala ang ngiti niya. 150 00:07:56,541 --> 00:07:59,583 Normal ang lakad ni Imdad, na bumilis sa pasilyo. 151 00:07:59,583 --> 00:08:03,000 Sinundan namin siya. Nakakakilabot siyang panoorin 152 00:08:03,000 --> 00:08:06,000 habang may benda sa ulo at maayos na naglalakad. 153 00:08:06,000 --> 00:08:09,875 "Nakita niya" sabi ko. "Nakita niya ang trolley! Imposible!" 154 00:08:09,875 --> 00:08:11,333 Tahimik si Dr. Marshall. 155 00:08:11,333 --> 00:08:14,166 Bakas ang gulat sa buong mukha niya. 156 00:08:14,166 --> 00:08:16,708 Maayos na nakababa ng hagdan si Imdad. 157 00:08:16,708 --> 00:08:18,208 Walang hawak sa rail. 158 00:08:18,208 --> 00:08:21,166 May mga umaakyat at halata mong nagulat din sila. 159 00:08:21,875 --> 00:08:25,750 Sa ibaba ng hagdan, lumiko siya at dumiretso sa pinto palabas. 160 00:08:25,750 --> 00:08:28,166 Sinundan namin siya ni Dr. Marshall. 161 00:08:28,166 --> 00:08:31,583 Isang daang batang nakayapak ang sumisigaw at sinalubong 162 00:08:31,583 --> 00:08:33,166 ang bisitang puti ang ulo. 163 00:08:33,166 --> 00:08:35,500 Kumaway siya sa mga bata. 164 00:08:35,500 --> 00:08:38,833 Sumakay siya sa bisikleta at maayos na nagpedal. 165 00:08:38,833 --> 00:08:41,708 Hinabol siya ng mga batang tumatawa't sumisigaw. 166 00:08:41,708 --> 00:08:44,583 Nagpedal siya papunta sa magulong kalsada 167 00:08:44,583 --> 00:08:47,916 na may bumubusina, humaharurot na kotse sa paligid niya. 168 00:08:47,916 --> 00:08:49,625 Maayos siyang nagmaneho. 169 00:08:49,625 --> 00:08:51,708 Pinagmasdan namin siya. 170 00:08:51,708 --> 00:08:53,750 Lumiko siya at tuluyang nawala. 171 00:08:53,750 --> 00:08:57,375 -"Imposible," sabi ni Dr. Marshall. - Di ako makapaniwala. 172 00:08:57,375 --> 00:08:58,958 "Ako rin," sabi ko. 173 00:08:58,958 --> 00:09:01,250 Ang nakita natin ay isang himala. 174 00:09:01,250 --> 00:09:03,875 Abala ako sa mga pasyente buong araw. 175 00:09:03,875 --> 00:09:06,541 Sa gabi ay nagpalit ako ng damit. 176 00:09:06,541 --> 00:09:08,000 Matagal akong naligo. 177 00:09:08,000 --> 00:09:11,500 Uminom ako ng alak sa veranda habang tuwalya lang ang suot. 178 00:09:11,500 --> 00:09:14,500 Dumating ako sa Royal Palace Hall bago ang 7:00. 179 00:09:14,500 --> 00:09:16,000 Dalawang oras ang palabas. 180 00:09:16,000 --> 00:09:19,458 Natuwa ko. Ang juggler, snake-charmer, kumakain ng apoy, 181 00:09:19,458 --> 00:09:22,666 ang lumunok ng espada mula lalamunan hanggang tiyan. 182 00:09:22,666 --> 00:09:27,000 At panghuli, kasabay ng trumpeta, lumabas si Imdad Khan para magtanghal. 183 00:09:27,000 --> 00:09:30,041 Nagtawag ng manonood para takpan ang mata niya 184 00:09:30,041 --> 00:09:32,250 bago maghagis ng kutsilyo sa bata 185 00:09:32,250 --> 00:09:34,541 at barilin ang lata sa ulo nito. 186 00:09:34,541 --> 00:09:38,458 Sa huli, may nilagay na bakal na timba sa ulo niyang may benda. 187 00:09:38,458 --> 00:09:42,291 Naglagay ng karayom at sinulid sa kamay ni Imdad. 188 00:09:42,291 --> 00:09:44,708 May magnifying glass sa harap niya, 189 00:09:44,708 --> 00:09:46,375 at walang ano-ano, 190 00:09:46,375 --> 00:09:49,458 maayos niyang nailusot ang sinulid sa karayom. 191 00:09:54,208 --> 00:09:55,208 Nabigla ako. 192 00:09:57,583 --> 00:10:01,625 Nakita kong nakaupo sa backstage si Imdad habang nag-aalis ng makeup. 193 00:10:01,625 --> 00:10:03,416 Nagtataka ka siguro, Doc? 194 00:10:03,416 --> 00:10:04,666 "Sobra," sabi ko. 195 00:10:04,666 --> 00:10:08,583 Nagulat ulit ako sa mga buhok sa labas ng tainga niya. 196 00:10:08,583 --> 00:10:10,916 Ngayon lang ako nakakita nito. 197 00:10:10,916 --> 00:10:13,458 May alok ako sa iyo: Hindi ako manunulat. 198 00:10:13,458 --> 00:10:15,875 Pero kung sasabihin mo kung paano ka 199 00:10:15,875 --> 00:10:18,833 nakakakita nang walang mata, isusulat ko ito 200 00:10:18,833 --> 00:10:21,833 at susubukang ilathala sa British Medical Journal 201 00:10:21,833 --> 00:10:23,125 o sa magazine. 202 00:10:23,125 --> 00:10:25,375 Matutulungan ka bang sumikat noon? 203 00:10:25,375 --> 00:10:27,416 - Napakalaking tulong. - Magaling. 204 00:10:27,416 --> 00:10:30,333 Mabilis akong magsulat ng mga medical history. 205 00:10:30,333 --> 00:10:33,500 Naisulat ko lahat ng sinabi ni Imdad, bawat salita. 206 00:10:33,500 --> 00:10:35,750 Eksakto sa mga sinabi niya sa akin. 207 00:10:37,041 --> 00:10:39,583 LAHAT NG SINABI NI IMDAD KHAN NOON 208 00:10:39,583 --> 00:10:40,541 (BAWAT SALITA) 209 00:10:42,708 --> 00:10:45,791 Ipinanganak ako sa Kashmir State noong 1873. 210 00:10:45,791 --> 00:10:48,916 Ticket inspector ang tatay ko sa national railway. 211 00:10:48,916 --> 00:10:52,291 May mahikero na nagpunta sa paaralan para magtanghal. 212 00:10:52,291 --> 00:10:53,833 Manghang-mangha ako. 213 00:10:53,833 --> 00:10:55,833 Mula noon, kinuha ko ang ipon ko 214 00:10:55,833 --> 00:10:58,375 at sumali sa teatrong naglalakbay. 215 00:10:58,375 --> 00:11:01,708 Noong 1886 'yon, 13 taong gulang ako. 216 00:11:01,708 --> 00:11:02,791 Sa tatlong taon, 217 00:11:02,791 --> 00:11:05,500 naglakbay kami ng grupo sa buong Punjab. 218 00:11:05,500 --> 00:11:08,125 Sa bawat pagtatapos, ako ang pinakasikat. 219 00:11:08,125 --> 00:11:10,666 Nag-iipon ako ng pera sa lahat ng oras, 220 00:11:10,666 --> 00:11:14,541 na umabot lang sa 3,000 rupees. 221 00:11:14,541 --> 00:11:17,625 Narinig ko ang tungkol sa isang sikat na yogi 222 00:11:17,625 --> 00:11:19,958 na may kakayahang lumutang. 223 00:11:19,958 --> 00:11:21,666 Kapag nagdasal daw ito, 224 00:11:21,666 --> 00:11:25,208 lumulutang ito hanggang 18 pulgada sa ere. 225 00:11:25,208 --> 00:11:27,250 Talagang nakakamangha. 226 00:11:28,375 --> 00:11:29,208 Bigote? 227 00:11:31,666 --> 00:11:33,000 Umalis ako sa teatro 228 00:11:33,000 --> 00:11:36,375 at pumunta sa maliit na bayan ng Ganges, 229 00:11:36,375 --> 00:11:38,375 kung saan daw nakatira ang yogi. 230 00:11:38,375 --> 00:11:40,833 Isang araw, narinig kong may ermitanyong 231 00:11:40,833 --> 00:11:44,583 nakita sa isang gubat sa hindi kalayuan, nag-iisa. 232 00:11:44,583 --> 00:11:45,958 Sapat na 'yon. 233 00:11:45,958 --> 00:11:48,166 Nagrenta agad ako ng karwahe. 234 00:11:49,166 --> 00:11:53,291 Habang tumatawad sa kutsero, may lalaking papunta sa parehong lugar, 235 00:11:53,291 --> 00:11:56,291 magsabay na raw kami at maghati sa bayad. 236 00:11:56,291 --> 00:11:59,166 Pag sinusuwerte ka nga naman! 237 00:11:59,166 --> 00:12:00,541 Habang kausap siya, 238 00:12:00,541 --> 00:12:03,625 nalaman kong alagad siya ng dakilang yogi, 239 00:12:03,625 --> 00:12:06,541 at bibisitahin niya ang master niya. 240 00:12:06,541 --> 00:12:07,458 Ang sabi ko, 241 00:12:07,458 --> 00:12:10,416 "Siya ang hinahanap ko! Pwede ko siyang makita?" 242 00:12:10,416 --> 00:12:13,291 Tumingin lang sa akin ang kasama ko. 243 00:12:13,291 --> 00:12:15,458 "Imposible 'yan," sabi niya. 244 00:12:15,458 --> 00:12:18,750 Mula noon ay hindi na niya sinagot ang mga tanong ko. 245 00:12:18,750 --> 00:12:21,416 Pero may nalaman akong isang bagay: 246 00:12:21,416 --> 00:12:24,625 ang oras kung kailan ginagawa ng yogi ang meditation. 247 00:12:24,625 --> 00:12:28,958 Pinahinto ng kasama ko ang karwahe, bumaba at umalis na. 248 00:12:28,958 --> 00:12:31,625 Nagpanggap akong tumuloy. Nang makatabi, 249 00:12:31,625 --> 00:12:33,875 tumalon ako at tumingin sa daan. 250 00:12:33,875 --> 00:12:36,750 Naglaho na agad ang lalaki sa gubat. 251 00:12:36,750 --> 00:12:38,750 May narinig akong kaluskos. 252 00:12:38,750 --> 00:12:41,125 "Kung di siya 'yon, tigre 'yon, 253 00:12:41,125 --> 00:12:43,750 at susunggaban ako, sasakmalin ako, 254 00:12:43,750 --> 00:12:46,583 kakainin ako, pira-pirasong duguang karne." 255 00:12:47,958 --> 00:12:48,833 Siya 'yon. 256 00:12:51,125 --> 00:12:54,583 Wala man lang bakas kung saan naglakad ang lalaki. 257 00:12:54,583 --> 00:12:56,958 Dumaan siya sa pagitan ng mga kawayan 258 00:12:56,958 --> 00:12:58,791 at mga matatayog na halaman. 259 00:12:58,791 --> 00:13:02,833 Sinundan ko siya nang tahimik, nasa 100 dipa ang layo ko. 260 00:13:02,833 --> 00:13:05,916 Lagi siyang nawawala sa paningin ko, 261 00:13:05,916 --> 00:13:08,458 pero nasusundan ko ang mga yapak niya. 262 00:13:08,458 --> 00:13:11,750 Kalahating oras ko siyang sinundan. 263 00:13:11,750 --> 00:13:14,666 At biglang hindi ko na narinig ang lalaki. 264 00:13:14,666 --> 00:13:16,625 Huminto ako at nakinig. 265 00:13:16,625 --> 00:13:18,583 Sa likod ng mataas na halaman, 266 00:13:18,583 --> 00:13:21,166 may nakita akong dalawang maliit na kubo. 267 00:13:21,166 --> 00:13:22,458 Natuwa ako. 268 00:13:22,458 --> 00:13:24,833 May daanan ng tubig sa tabi ng kubo 269 00:13:24,833 --> 00:13:26,916 at maliit na banig, at sa itaas, 270 00:13:26,916 --> 00:13:31,208 ay isang malaking puno na hitik sa dahon ang mga sanga. 271 00:13:31,208 --> 00:13:33,583 Naghintay ako sa kainitan ng tanghali. 272 00:13:33,583 --> 00:13:36,500 At kahit sa alinsangan ng hapon, naghintay ako. 273 00:13:36,500 --> 00:13:37,958 Sumapit ang alas singko 274 00:13:37,958 --> 00:13:41,416 at umakyat ako sa puno at nagtago sa mga dahon. 275 00:13:41,416 --> 00:13:43,625 Sa wakas, lumabas ang yogi sa kubo 276 00:13:43,625 --> 00:13:45,541 at naupo sa banig. 277 00:13:45,541 --> 00:13:48,208 Bawat galaw niya ay kalmado at banayad. 278 00:13:48,208 --> 00:13:50,791 Nakalagay ang palad niya sa kaniyang tuhod, 279 00:13:50,791 --> 00:13:53,041 huminga nang malalim mula sa ilong, 280 00:13:53,041 --> 00:13:56,875 at nakita kong nagliwanag ang paligid niya. 281 00:13:56,875 --> 00:14:00,291 Nanatili siya sa ganoong posisyon nang 14 minuto. 282 00:14:00,291 --> 00:14:04,000 Nanood lang ako, at sigurado ako sa nakita ko, 283 00:14:04,000 --> 00:14:06,166 unti-unti siyang umangat. 284 00:14:07,666 --> 00:14:11,333 Labindalawang pulgada, 15, 18, 20. 285 00:14:12,083 --> 00:14:14,166 Dalawang talampakan mula sa banig. 286 00:14:14,166 --> 00:14:15,958 Sabi ko sa sarili, 287 00:14:15,958 --> 00:14:19,125 "Sa harapan mo ay lalaking nakaupo sa hangin." 288 00:14:20,458 --> 00:14:24,416 Nanatili siyang nakalutang nang 46 minuto. 289 00:14:24,416 --> 00:14:26,708 At dahan-dahan, bumaba siya sa lupa, 290 00:14:26,708 --> 00:14:29,333 hanggang sa makaupo ulit siya sa banig. 291 00:14:29,333 --> 00:14:31,916 Bumaba ako sa puno at tumakbo palapit. 292 00:14:31,916 --> 00:14:34,291 Naghuhugas ang yogi ng kamay at paa. 293 00:14:34,291 --> 00:14:36,583 "Kailan ka pa nandito?" tanong niya. 294 00:14:36,583 --> 00:14:39,208 Bigla siyang naghagis ng bato sa akin, 295 00:14:39,208 --> 00:14:41,791 tumama ito sa binti ko at nahati sa dalawa. 296 00:14:41,791 --> 00:14:44,000 Ipapakita ko sa inyo ang peklat. 297 00:14:46,916 --> 00:14:48,708 Ang totoo, swerte 'yon. 298 00:14:48,708 --> 00:14:51,791 Ang isang yogi ay hindi dapat nagagalit at namamato. 299 00:14:51,791 --> 00:14:56,250 Napahiya ang matanda, nagsisisi, at naiinis sa sarili. 300 00:14:56,250 --> 00:14:59,625 Sinabi niya na hindi niya ako pwedeng gawing alagad, 301 00:14:59,625 --> 00:15:02,541 pero tuturuan niya ako ng ilang bagay 302 00:15:02,541 --> 00:15:04,708 bilang paumanhin sa pag-atake niya, 303 00:15:04,708 --> 00:15:07,125 na dapat lang naman talaga sa akin. 304 00:15:07,125 --> 00:15:09,041 Ito ay 1890. 305 00:15:09,041 --> 00:15:11,041 Halos 17 na ako. 306 00:15:13,000 --> 00:15:15,250 Ngayon, ano ang itinuro ng yogi? 307 00:15:15,250 --> 00:15:16,875 Ito na. 308 00:15:16,875 --> 00:15:18,458 Maraming laman ang isip. 309 00:15:18,458 --> 00:15:21,541 Pinoproblema nito ang napakaraming bagay. 310 00:15:21,541 --> 00:15:24,250 Ang mga nakikita mo, naaamoy, naririnig. 311 00:15:24,250 --> 00:15:27,208 Mga bagay na iniisip mo at ayaw mong isipin. 312 00:15:27,208 --> 00:15:29,250 Dapat matutunan mong isentro ang isip 313 00:15:29,250 --> 00:15:32,916 sa puntong isang bagay lang ang makikita mo, walang iba. 314 00:15:32,916 --> 00:15:35,958 Kung sisikapin mo, maaari mong ituon ang isip mo 315 00:15:35,958 --> 00:15:37,458 sa bagay na pipiliin mo 316 00:15:37,458 --> 00:15:39,458 sa tatlo at kalahating minuto. 317 00:15:39,458 --> 00:15:42,625 Kailangan nito ng 20 taon ng araw-araw na pagsasanay. 318 00:15:42,625 --> 00:15:44,291 "Dalawampung taon!" 319 00:15:44,291 --> 00:15:46,083 Matagal ang dalawampung taon. 320 00:15:46,083 --> 00:15:48,875 Ganoon talaga ang itatagal kapag ginawa mo ito. 321 00:15:48,875 --> 00:15:50,541 Matanda na ako noon! 322 00:15:50,541 --> 00:15:53,416 Pero may tumatagal lang ng sampung taon, may 30. 323 00:15:53,416 --> 00:15:56,333 Pero may mga pambihirang taong 324 00:15:56,333 --> 00:15:59,250 kayang gawin iyon nang isa o dalawang taon lang, 325 00:15:59,250 --> 00:16:01,250 Isa sa isang bilyon, hindi ikaw. 326 00:16:01,250 --> 00:16:03,625 Mahirap ba talagang isentro ang isip-- 327 00:16:03,625 --> 00:16:08,166 Halos imposible. Subukan mo. Pumikit ka at mag-isip ng isang bagay. 328 00:16:08,166 --> 00:16:11,291 Iyon lang ang isipin mo. Isipin mong nasa harap mo. 329 00:16:11,291 --> 00:16:13,458 Pero maglalakbay agad ang isip mo. 330 00:16:13,458 --> 00:16:16,541 Maiisip mo ang ibang bagay. Napakahirap nito. 331 00:16:16,541 --> 00:16:18,625 Iyan ang sinabi ng dakilang yogi. 332 00:16:20,708 --> 00:16:23,500 At nagsimula ang pagsasanay ko. 333 00:16:24,083 --> 00:16:25,458 Tuwing gabi, uupo ako, 334 00:16:25,458 --> 00:16:28,916 pipikit at iisipin ang pinakamamahal kong tao sa lahat, 335 00:16:28,916 --> 00:16:32,333 iyon ay ang kuya kong namatay dahil sa sakit sa dugo. 336 00:16:32,333 --> 00:16:36,208 Mukha niya lang ang iniisip ko pero naglakbay ang isip ko. 337 00:16:36,208 --> 00:16:39,166 Tinigil ko ito at nagpahinga nang ilang minuto, 338 00:16:39,166 --> 00:16:40,458 sinubukan ko ulit. 339 00:16:40,458 --> 00:16:42,291 Pagkatapos ng limang taon, 340 00:16:42,291 --> 00:16:45,208 naitutuon ko na ang isip ko sa mukha ng kuya ko 341 00:16:45,208 --> 00:16:46,750 sa isa at kalahating minuto. 342 00:16:46,750 --> 00:16:48,166 Umuusad ako. 343 00:16:51,791 --> 00:16:52,625 Kasabay noon, 344 00:16:52,625 --> 00:16:55,833 maganda na ang kita ko sa pagtatanghal. 345 00:16:55,833 --> 00:16:58,041 Natural na magaling ang mahika ko, 346 00:16:58,041 --> 00:17:00,708 pero tinuloy ko pa rin ang pagsasanay ko. 347 00:17:00,708 --> 00:17:04,583 Tuwing gabi, nauupo ako kung nasaan man ako, 348 00:17:04,583 --> 00:17:07,333 at iisipin lang ang mukha ng kuya ko. 349 00:17:07,333 --> 00:17:10,583 Minsan, nagsisindi ako ng kandila at titingin sa apoy. 350 00:17:10,583 --> 00:17:14,041 May tatlong bahagi ang kandila ng apoy: 351 00:17:14,041 --> 00:17:16,541 dilaw sa ibabaw, ang lila sa ibaba, 352 00:17:16,541 --> 00:17:17,875 at itim sa loob. 353 00:17:17,875 --> 00:17:20,833 Nasa 16 na pulgada mula sa mukha ko ang kandila, 354 00:17:20,833 --> 00:17:22,458 katapat ng mga mata ko, 355 00:17:22,458 --> 00:17:25,708 para hindi kailangang gumalaw ng mata ko 356 00:17:25,708 --> 00:17:26,916 sa pababa o pataas. 357 00:17:26,916 --> 00:17:31,041 Tinitigan ko ang itim sa gitna hanggang maglaho ang nasa paligid ko. 358 00:17:31,041 --> 00:17:32,458 Saka ako pumikit 359 00:17:32,458 --> 00:17:35,000 at inisip ang mukha ng kuya ko. 360 00:17:35,916 --> 00:17:40,750 Noong 1907, 34 na taong gulang na ako, nakapagtutuon na ako nang tatlong minuto 361 00:17:40,750 --> 00:17:43,125 nang hindi lumilipad ang isip. 362 00:17:43,125 --> 00:17:46,458 Kasabay noon, naramdaman ko ang isang kakayahan, 363 00:17:46,458 --> 00:17:48,291 isang kakaibang pakiramdam, 364 00:17:48,291 --> 00:17:51,375 kapag pumikit ako at tumingin nang matindi sa bagay, 365 00:17:51,375 --> 00:17:52,750 matinding-matindi, 366 00:17:52,750 --> 00:17:55,541 nakikita ko ang anyo ng bagay na tinitignan ko. 367 00:17:55,541 --> 00:17:57,583 Naisip ko ang sinabi ng yogi: 368 00:17:57,583 --> 00:18:01,250 "May ilang banal na tao na kayang isentro ang isip nila, 369 00:18:01,250 --> 00:18:04,000 at nakakakita sila nang di gamit ang mata." 370 00:18:04,000 --> 00:18:08,416 Tuwing nag-eensayo ako gamit ang kandila sa gabi, 371 00:18:08,416 --> 00:18:11,333 umiinom ako ng kape, pipiringan ko ang mata ko 372 00:18:11,333 --> 00:18:13,875 at susubukang makakita nang walang mata. 373 00:18:13,875 --> 00:18:16,125 Nagsimula ako sa baraha. 374 00:18:16,125 --> 00:18:18,333 Inaral ko ang likod at hinulaan. 375 00:18:18,333 --> 00:18:20,583 Sandali lang ay 60% na ang tama ko. 376 00:18:20,583 --> 00:18:22,833 Sunod ay gumamit ako ng mapa 377 00:18:22,833 --> 00:18:24,625 at idinikit sa kuwarto ko. 378 00:18:24,625 --> 00:18:29,083 {\an8}Ilang oras akong tumingin dito nang nakapiring, binabasa ang mga nakasulat. 379 00:18:29,083 --> 00:18:33,291 Tuwing gabi sa loob ng walong taon, tinuloy ko ang ganitong gawain. 380 00:18:33,291 --> 00:18:36,000 Sa 1915, nakakabasa na ako ng buong libro, 381 00:18:36,000 --> 00:18:37,958 hanggang dulo, nang nakapiring. 382 00:18:37,958 --> 00:18:39,291 Nagawa ko! 383 00:18:39,291 --> 00:18:41,291 Sa wakas, may kapangyarihan ako. 384 00:18:42,833 --> 00:18:45,541 Ito na ang naging pagtatanghal ko. 385 00:18:45,541 --> 00:18:48,791 Nagustuhan ng mga tao pero hindi naniniwalang totoo. 386 00:18:48,791 --> 00:18:52,333 Kahit ang doktor na gaya mo, na piniringan ako nang sobra, 387 00:18:52,333 --> 00:18:55,375 di naniniwalang may makakakita nang walang mata. 388 00:18:55,375 --> 00:18:58,708 May iba pang paraan para dalhin sa isip ang isang imahe. 389 00:18:58,708 --> 00:19:00,208 Tumahimik si Imdad Khan. 390 00:19:00,208 --> 00:19:01,208 Pagod na siya. 391 00:19:01,208 --> 00:19:02,666 "Ano 'yon?" tanong ko. 392 00:19:04,750 --> 00:19:06,333 Ang totoo, hindi ko alam. 393 00:19:08,083 --> 00:19:10,958 Ibang parte ng katawan ang gamit para makakita. 394 00:19:10,958 --> 00:19:11,958 Anong parte? 395 00:19:22,125 --> 00:19:23,666 Hindi ako nakatulog. 396 00:19:23,666 --> 00:19:26,833 Kayang lituhin ng taong ito ang mga taga-siyensiya. 397 00:19:26,833 --> 00:19:28,875 Siya ang pinakamahalagang tao. 398 00:19:28,875 --> 00:19:32,625 Kailangan kong malaman, sa biology man, kemikal, o mahika, 399 00:19:32,625 --> 00:19:35,375 kung paano makakita nang di gumagamit ng mata. 400 00:19:35,375 --> 00:19:38,833 Kayang makakita ng bulag. Makakarinig ang bingi. Ano pa? 401 00:19:38,833 --> 00:19:41,541 "Di siya pwedeng balewalain," naisip ko. 402 00:19:41,541 --> 00:19:45,333 Isinulat ko ang lahat ng sinabi ni Imdad nang gabing iyon. 403 00:19:45,333 --> 00:19:47,416 Limang oras nang hindi humihinto. 404 00:19:50,125 --> 00:19:53,583 Alas otso ng umaga, natapos ko ang pinakamahalagang bahagi: 405 00:19:53,583 --> 00:19:55,041 ang mga binasa mo. 406 00:19:55,041 --> 00:19:57,958 Nakita ko lang si Dr. Marshall nang magtsaa kami. 407 00:19:57,958 --> 00:20:00,291 Sinabi ko ang lahat sa maikling oras. 408 00:20:00,291 --> 00:20:02,916 "Babalik ako sa teatro," sabi ko. 409 00:20:02,916 --> 00:20:04,291 Sasama ako sa iyo. 410 00:20:04,291 --> 00:20:06,875 Nagpunta kami sa Royal Palace Hall, 6:45. 411 00:20:06,875 --> 00:20:09,458 Ipinarada ko ang kotse at saka pumasok. 412 00:20:09,458 --> 00:20:11,250 "May mali," sabi ko. 413 00:20:11,250 --> 00:20:13,625 Walang tao, at sarado ang mga pinto. 414 00:20:13,625 --> 00:20:17,666 Nandoon pa rin ang mga poster pero may ibang poster sa ibabaw nito. 415 00:20:17,666 --> 00:20:19,833 "Di tuloy ang palabas ngayon." 416 00:20:20,875 --> 00:20:24,208 Tinanong ko ang matandang bantay sa pinto: "Bakit?" 417 00:20:24,208 --> 00:20:25,583 May namatay. 418 00:20:25,583 --> 00:20:26,500 "Sino?" 419 00:20:26,500 --> 00:20:27,958 Siyempre, alam ko na. 420 00:20:27,958 --> 00:20:30,000 Ang nakakakita nang walang mata. 421 00:20:30,666 --> 00:20:32,208 "Paano?" tanong ko. 422 00:20:32,208 --> 00:20:34,250 Natulog, hindi na gumising. 423 00:20:35,208 --> 00:20:36,375 Ganoon talaga. 424 00:20:39,750 --> 00:20:41,416 Bumalik kami sa kotse. 425 00:20:46,125 --> 00:20:48,500 Nakaramdam ako ng lungkot at galit. 426 00:20:48,500 --> 00:20:50,583 Di ko na siya dapat pinakawalan. 427 00:20:50,583 --> 00:20:52,500 Inalagaan ko sana siya. 428 00:20:52,500 --> 00:20:54,000 Naghimala si Imdad Khan. 429 00:20:54,000 --> 00:20:58,333 Nagawa niyang kumonekta sa ibang pwersa na di kaya ng ordinaryong tao. 430 00:20:58,333 --> 00:21:00,083 Ngayon, patay na siya. 431 00:21:00,083 --> 00:21:01,833 "Iyon na," sabi ng doktor. 432 00:21:02,625 --> 00:21:03,541 Iyon na 'yon. 433 00:21:04,500 --> 00:21:05,500 "Oo," sabi ko. 434 00:21:06,833 --> 00:21:07,750 "Iyon na 'yon." 435 00:21:12,625 --> 00:21:15,083 Ito ay totoo at tiyak na tala ng lahat 436 00:21:15,083 --> 00:21:17,291 ng pagkikita namin ni Imdad Khan. 437 00:21:20,416 --> 00:21:21,625 Aba, aba, aba. 438 00:21:22,708 --> 00:21:24,791 Interesante ito. 439 00:21:26,166 --> 00:21:28,333 Nakakamanghang impormasyon. 440 00:21:29,916 --> 00:21:31,333 Magbabago ang buhay ko. 441 00:21:51,125 --> 00:21:53,541 Ang tinutukoy ni Henry na impormasyon 442 00:21:53,541 --> 00:21:57,333 ay ang pagsasanay ni Imdad Khan na alamin ang bilang ng baraha 443 00:21:57,333 --> 00:21:58,833 mula sa likod, 444 00:21:58,833 --> 00:22:01,541 at bilang mandaraya, gaya ng sinabi ko, 445 00:22:01,541 --> 00:22:05,083 naisip ni Henry na yayaman siya rito. 446 00:22:05,083 --> 00:22:07,500 Nanghingi siya sa butler 447 00:22:07,500 --> 00:22:10,208 ng kandila, kandelero, at ruler. 448 00:22:10,208 --> 00:22:12,041 Nagkulong siya sa kuwarto, 449 00:22:12,041 --> 00:22:14,041 sinara ang kurtina at ilaw. 450 00:22:14,041 --> 00:22:16,625 Itinirik ang kandila. Kumuha ng upuan. 451 00:22:16,625 --> 00:22:20,083 Natuwa siya nang napansing pantay sa mata niya ang mitsa. 452 00:22:20,083 --> 00:22:24,000 Gamit ang ruler, inilayo niya ang kandila sa layong 16 pulgada, 453 00:22:24,000 --> 00:22:25,541 gaya ng sinabi sa libro. 454 00:22:25,541 --> 00:22:29,125 Inisip ni Imdad Khan ang mukha ng pinakamamahal niya, 455 00:22:29,125 --> 00:22:31,666 ang namatay niyang kuya. 456 00:22:31,666 --> 00:22:33,458 Walang kapatid si Henry. 457 00:22:34,041 --> 00:22:36,958 Kaya ang inisip na lang niya ay ang mukha niya. 458 00:22:43,750 --> 00:22:46,875 Nang tingnan ni Henry ang itim sa gitna ng apoy, 459 00:22:46,875 --> 00:22:48,583 may kakaibang nangyari. 460 00:22:48,583 --> 00:22:51,791 Nawala ang pagiging balisa ng isip niya. Blangko ito, 461 00:22:51,791 --> 00:22:55,083 naramdaman niyang tila binalot ang buong katawan niya, 462 00:22:55,083 --> 00:22:56,000 guminhawa, 463 00:22:56,000 --> 00:22:58,708 sa loob ng itim na parte sa gitna ng apoy. 464 00:22:59,291 --> 00:23:01,500 Pero 15 segundo lamang ang itinagal. 465 00:23:01,500 --> 00:23:03,791 Mula noon, anuman ang ginagawa niya, 466 00:23:03,791 --> 00:23:07,291 limang beses sa isang araw siyang nag-eensayo. 467 00:23:07,291 --> 00:23:11,041 Unang beses na naging interesado siya sa isang bagay, 468 00:23:11,041 --> 00:23:14,083 at kahanga-hanga ang progreso niya. 469 00:23:14,083 --> 00:23:18,625 Anim na buwan lang, nagagawa na niyang isentro ang isip nang tatlong minuto 470 00:23:18,625 --> 00:23:21,541 nang walang ibang pumapasok sa isip niya. 471 00:23:21,541 --> 00:23:23,166 "Ako 'yon," naisip niya. 472 00:23:23,166 --> 00:23:25,375 "Isa sa isang bilyon na kayang 473 00:23:25,375 --> 00:23:27,791 magkaroon ng kapangyarihan ng yoga!" 474 00:23:28,333 --> 00:23:32,166 Sa dulo ng unang taon, lagpas lima't kalahating minuto na siya. 475 00:23:32,166 --> 00:23:33,375 Ito na 'yon. 476 00:23:37,791 --> 00:23:40,041 {\an8}Sa sala ni Henry, hatinggabi. 477 00:23:40,041 --> 00:23:42,083 Nasasabik siya dahil ngayon, 478 00:23:42,083 --> 00:23:44,291 may deck ng baraha sa harap niya 479 00:23:44,291 --> 00:23:46,041 nagpokus siya sa nasa taas. 480 00:23:46,041 --> 00:23:49,833 Ang nakikita lang niya ay ang pulang linyang disenyo sa likod, 481 00:23:49,833 --> 00:23:52,750 ang pinakakaraniwang disenyo sa buong mundo. 482 00:23:52,750 --> 00:23:56,375 Nagpokus siya sa kabilang bahagi ng baraha. 483 00:23:56,375 --> 00:24:00,500 Matindi ang pokus niya sa hindi nakikitang bahagi ng baraha. 484 00:24:00,500 --> 00:24:03,416 Tatlumpung segundo. Isa, dalawa, tatlong minuto. 485 00:24:03,416 --> 00:24:04,916 Di gumagalaw si Henry. 486 00:24:04,916 --> 00:24:07,500 Walang duda ang kakayahan niyang magpokus. 487 00:24:07,500 --> 00:24:12,000 Iniisip niya ang likod ng baraha. Walang ibang pumapasok sa isip niya. 488 00:24:12,000 --> 00:24:16,333 Sa ikaapat na minuto, may nangyari. Unti-unti, may mahika, pero malinaw, 489 00:24:16,333 --> 00:24:20,125 ang itim na bilog ay naging spade, ang linya ay naging lima. 490 00:24:20,125 --> 00:24:21,708 Ang five of spades. 491 00:24:21,708 --> 00:24:25,000 Kinuha niya ang baraha at hinarap sa kanya. 492 00:24:26,041 --> 00:24:27,250 "Nagawa ko." 493 00:24:28,333 --> 00:24:29,541 Nalibang si Henry. 494 00:24:29,541 --> 00:24:32,291 Lalabas lang siya kung bibili ng pagkain. 495 00:24:32,291 --> 00:24:34,250 Buong araw at sa gabi, 496 00:24:34,250 --> 00:24:36,583 nakayuko siya sa baraha at orasan, 497 00:24:36,583 --> 00:24:38,833 pinabibilis ang sarili. 498 00:24:38,833 --> 00:24:41,791 Isang buwan, isa't kalahati. Anim na buwan, 20 segundo. 499 00:24:41,791 --> 00:24:45,000 Pitong buwan, 10 segundo. Limang segundo lang dapat. 500 00:24:45,000 --> 00:24:47,708 Kung di niya mababasa sa limang segundo, 501 00:24:47,708 --> 00:24:49,875 hindi siya mananalo sa casino. 502 00:24:49,875 --> 00:24:53,916 Pero habang palapit siya sa gusto niyang oras, mas humihirap. 503 00:24:53,916 --> 00:24:56,166 Apat na linggo sa siyam na segundo. 504 00:24:56,166 --> 00:24:58,083 Lima para maging walo. 505 00:24:58,083 --> 00:25:02,375 Di na niya ramdam ang hirap. Nag-eensayo siya nang diretsong 12 oras. 506 00:25:02,375 --> 00:25:04,791 Alam niyang makakarating din siya doon. 507 00:25:04,791 --> 00:25:07,333 Ang huling dalawa ang malala, 11 buwan. 508 00:25:07,333 --> 00:25:09,041 Pero isang hapon ng Sabado... 509 00:25:16,708 --> 00:25:20,583 Limang segundo. Inoorasan ni Henry ang sarili sa bawat baraha. 510 00:25:20,583 --> 00:25:24,458 Limang segundo. 511 00:25:25,500 --> 00:25:27,833 Gaano katagal bago niya nagawa ito? 512 00:25:28,666 --> 00:25:31,666 Tatlong taon at tatlong buwan na ensayo. 513 00:25:33,208 --> 00:25:35,625 May lagpas 100 na casino sa London. 514 00:25:35,625 --> 00:25:39,750 Myembro si Henry ng sampu. Paborito niya ang Lord's House. 515 00:25:39,750 --> 00:25:43,041 Ito ang pinakamaganda, nasa magandang Georgian mansion. 516 00:25:43,041 --> 00:25:46,916 - Kumusta, Mr. Sugar? - ...sabi ng lalaking kabisado ang mga mukha. 517 00:25:46,916 --> 00:25:50,125 Umakyat siya sa magarbong hagdan papunta sa kahera. 518 00:25:50,125 --> 00:25:52,250 Nagsulat ng tseke para sa £10,000. 519 00:25:52,250 --> 00:25:56,416 Nakapalibot ang mga babae sa roleta, parang mga inahing manok. 520 00:25:56,416 --> 00:25:59,458 Nagbibilang ng chip ang mga lalaking mukhang nalugi 521 00:25:59,458 --> 00:26:01,125 at kita ang kasakiman. 522 00:26:02,541 --> 00:26:04,541 Unang beses sa buhay ni Henry, 523 00:26:04,541 --> 00:26:07,583 umiwas siya sa mga sobrang yamang mga tao. 524 00:26:07,583 --> 00:26:10,500 Naghanap siya ng bakanteng upuan 525 00:26:10,500 --> 00:26:12,166 sa mesa ng blackjack. 526 00:26:12,166 --> 00:26:15,250 Kinuha ng dealer ang plake at inilagay sa slot. 527 00:26:15,250 --> 00:26:18,458 Medyo bata pa, itim ang mata at kulay abo na balat. 528 00:26:18,458 --> 00:26:20,791 Nagsasalita lang siya kapag kailangan. 529 00:26:20,791 --> 00:26:23,583 Maliit ang kamay at nagbibilang ang mga daliri. 530 00:26:23,583 --> 00:26:26,875 Pinagpatong niya ang isang linya ng £25 chip. 531 00:26:26,875 --> 00:26:29,708 Di na binilang. Di nagkakamali ang daliri niya. 532 00:26:29,708 --> 00:26:31,250 Naglagay siya kay Henry. 533 00:26:31,250 --> 00:26:32,708 Habang nag-aayos, 534 00:26:32,708 --> 00:26:34,875 tumingin siya sa baraha 535 00:26:34,875 --> 00:26:38,375 Sa limang segundo, nalaman niyang ten. Walong chip, £200, 536 00:26:38,375 --> 00:26:40,583 pinakamalaking taya sa Lord's House. 537 00:26:40,583 --> 00:26:43,083 Napunta sa kaniya ang ten. Nine ang sunod. 538 00:26:43,083 --> 00:26:44,333 Nineteen lahat. 539 00:26:44,333 --> 00:26:45,416 Stick na sa 19. 540 00:26:45,416 --> 00:26:49,083 Hilingin mo na hindi dapat 20 o 21 ang makuha ng dealer. 541 00:26:49,083 --> 00:26:51,708 - Nang si Henry na, ang sabi niya... - Nineteen. 542 00:26:51,708 --> 00:26:54,333 ...lumipat ito sa iba. "Teka," sabi ni Henry. 543 00:26:54,333 --> 00:26:55,958 Bumalik ito kay Henry. 544 00:26:55,958 --> 00:26:58,333 Tumaas ang kilay, seryoso ang mata. 545 00:26:58,333 --> 00:27:00,583 - Draw sa 19? - ...mabilis niyang tanong. 546 00:27:00,583 --> 00:27:04,208 May dalawang rank lang na hindi pwede sa 19, alas at two. 547 00:27:04,208 --> 00:27:08,250 Tanga lang ang itataya ang 19, lalo kung £200 ang nasa mesa. 548 00:27:08,250 --> 00:27:11,375 Kita niya ang sunod na baraha. Di ginalaw ng dealer. 549 00:27:11,375 --> 00:27:14,833 "Isa pa." sabi ni Henry. Kinuha ng dealer ang baraha. 550 00:27:14,833 --> 00:27:18,083 Lumapag ang dalawang club kasama ang ten at nine. 551 00:27:18,083 --> 00:27:19,708 - 21. - ...sabi ng dealer. 552 00:27:19,708 --> 00:27:21,750 Tumingin siya kay Henry, 553 00:27:21,750 --> 00:27:24,500 nakatingin lang, tahimik at nagtataka. 554 00:27:25,666 --> 00:27:29,208 Wala pa itong nakikita na nag-draw sa 19. 555 00:27:29,208 --> 00:27:31,500 Ang taong ito ay kalmado at tiyak 556 00:27:31,500 --> 00:27:33,750 na nakapagtataka, at nanalo siya. 557 00:27:33,750 --> 00:27:37,166 Tiningnan ng dealer si Henry, iniisip niyang may mali. 558 00:27:37,166 --> 00:27:39,500 Lumapit mga ang tao. "Mawalang-galang na." 559 00:27:39,500 --> 00:27:41,000 Hindi na siya uulit. 560 00:27:41,000 --> 00:27:44,125 Kailangan niyang mag-ingat, magpatalo kahit minsan. 561 00:27:44,125 --> 00:27:45,250 Tuloy ang laro. 562 00:27:45,250 --> 00:27:47,041 Malaki ang lamang ni Henry, 563 00:27:47,041 --> 00:27:49,583 hirap siyang di maging kahina-hinala. 564 00:27:49,583 --> 00:27:51,291 Nanalo na siya ng £30,000. 565 00:27:51,291 --> 00:27:52,416 Tumigil na siya. 566 00:27:52,416 --> 00:27:54,916 Muntik na itong maging milyon. 567 00:27:54,916 --> 00:27:56,208 Salamat. 568 00:27:56,208 --> 00:27:58,958 Si Henry na ngayon ang pinakamabilis 569 00:27:58,958 --> 00:28:01,458 magparami ng pera sa buong mundo. 570 00:28:03,666 --> 00:28:04,500 Interesante. 571 00:28:09,041 --> 00:28:11,333 Kung ito ay isang gawa-gawang kuwento, 572 00:28:11,333 --> 00:28:12,833 kailangang may wakas ito 573 00:28:12,833 --> 00:28:15,583 na talagang kapana-panabik. 574 00:28:15,583 --> 00:28:17,250 Madrama at kakaiba. 575 00:28:17,250 --> 00:28:20,416 Halimbawa, uuwi si Henry at bibilangin ang pera. 576 00:28:20,416 --> 00:28:23,333 Habang nagbibilang, sasama ang pakiramdam niya. 577 00:28:23,333 --> 00:28:24,875 May kirot sa dibdib. 578 00:28:25,875 --> 00:28:28,333 Nagpunta siya sa kuwarto. Naghubad. 579 00:28:28,333 --> 00:28:30,250 Nakahubad siyang naglakad. 580 00:28:30,250 --> 00:28:33,458 Nadaanan niya ang salamin at napahinto. 581 00:28:33,458 --> 00:28:36,541 Bilang nakagawian, nag-concentrate siya. 582 00:28:36,541 --> 00:28:38,833 Nakita niya ang loob ng katawan. 583 00:28:38,833 --> 00:28:41,250 Parang X-ray, pero kita niya lahat. 584 00:28:41,250 --> 00:28:43,666 Arteries, mga ugat, dugong dumadaloy. 585 00:28:43,666 --> 00:28:46,541 Atay, bato, bituka. Ang tumitibok niyang puso. 586 00:28:46,541 --> 00:28:48,708 Tumingin siya sa parteng kumirot 587 00:28:48,708 --> 00:28:52,958 may nakita siyang umbok sa loob ng ugat papunta sa puso. 588 00:28:52,958 --> 00:28:55,916 Namuong dugo. Hindi ito gumagalaw noong una. 589 00:28:55,916 --> 00:28:59,083 Pero gumalaw ito. Unti-unti. Halos isang milimetro. 590 00:28:59,083 --> 00:29:01,708 Pumupulandit sa likod ng clot ang dugo, 591 00:29:01,708 --> 00:29:03,083 muli itong gumalaw. 592 00:29:03,083 --> 00:29:06,166 Gumalaw nang kalahating pulgada. Natakot si Henry. 593 00:29:06,166 --> 00:29:09,666 Alam niyang ang namuong dugo na gumagalaw sa mga ugat 594 00:29:09,666 --> 00:29:11,125 ay papalapit sa puso. 595 00:29:11,125 --> 00:29:12,500 Mamamatay na siya. 596 00:29:12,500 --> 00:29:15,375 Magandang wakas para sa piksyon, pero hindi. 597 00:29:15,375 --> 00:29:16,416 Totoo ito. 598 00:29:16,416 --> 00:29:19,333 Pangalan lang ang di totoo, hindi Henry Sugar. 599 00:29:19,333 --> 00:29:22,750 Kailangang protektahan ang pangalan niya hanggang ngayon. 600 00:29:22,750 --> 00:29:24,916 Bukod doon, totoo ang kuwentong ito 601 00:29:24,916 --> 00:29:28,000 at dahil totoo ito, dapat may totoo itong wakas. 602 00:29:28,000 --> 00:29:29,583 Ito ang totoong nangyari. 603 00:29:33,916 --> 00:29:36,875 Isang oras naglakad si Henry. Malamig ang gabi. 604 00:29:36,875 --> 00:29:38,583 Buhay na buhay ang siyudad. 605 00:29:38,583 --> 00:29:42,041 Ramdam niya ang makapal na pera sa bulsa ng jacket niya. 606 00:29:42,041 --> 00:29:43,500 Tinapik niya ito. 607 00:29:43,500 --> 00:29:45,708 Maraming pera para sa isang oras. 608 00:29:45,708 --> 00:29:47,791 Pero naguguluhan pa rin siya. 609 00:29:47,791 --> 00:29:51,583 Hindi niya alam kung bakit hindi siya masaya. 610 00:29:51,583 --> 00:29:54,333 Kung nangyari ito bago ang yoga, 611 00:29:54,333 --> 00:29:56,041 siguradong napakasaya niya, 612 00:29:56,041 --> 00:29:58,666 pupunta pa siya sa club para magsaya. 613 00:29:58,666 --> 00:30:00,750 Pero hindi masaya si Henry. 614 00:30:00,750 --> 00:30:02,083 Malungkot siya. 615 00:30:02,083 --> 00:30:04,916 Tuwing tataya siya, alam niyang mananalo siya. 616 00:30:04,916 --> 00:30:08,083 Walang kaba, walang panganib. 617 00:30:08,083 --> 00:30:11,083 Kaya niyang maglibot sa mundo at kumita ng milyon. 618 00:30:11,083 --> 00:30:12,750 Pero masaya ba 'yon? 619 00:30:12,750 --> 00:30:15,000 Isa pa, posible bang baguhin 620 00:30:15,000 --> 00:30:17,166 ng kapangyarihan ng yoga 621 00:30:17,166 --> 00:30:20,833 ang pananaw niya sa buhay? 622 00:30:20,833 --> 00:30:22,041 Posible. 623 00:30:22,750 --> 00:30:25,458 Tanghali siyang nagising kinabukasan, 624 00:30:25,458 --> 00:30:28,166 nakita niya ang makapal na pera sa lamesa, 625 00:30:28,166 --> 00:30:30,208 {\an8}ayaw niya nito. 626 00:30:54,500 --> 00:30:55,333 Ano 'to?! 627 00:30:55,333 --> 00:30:58,875 Magandang umaga. Sa 'yo 'yan! Bigay ko. 628 00:30:58,875 --> 00:30:59,791 Ah... 629 00:31:01,000 --> 00:31:01,833 Ano? 630 00:31:02,625 --> 00:31:03,958 Ilagay mo sa bulsa mo! 631 00:31:05,458 --> 00:31:06,291 Sige. 632 00:31:15,208 --> 00:31:16,250 Ano 'to? 633 00:31:16,250 --> 00:31:17,166 Pera 'yan. 634 00:31:17,166 --> 00:31:18,083 Kunin mo! 635 00:31:24,583 --> 00:31:25,416 Hoy! 636 00:31:28,875 --> 00:31:29,708 Ano ba... 637 00:32:04,541 --> 00:32:05,708 May nag-doorbell. 638 00:32:05,708 --> 00:32:07,541 Ano'ng ginagawa mo? 639 00:32:07,541 --> 00:32:10,208 Pasensiya na. Nagbigay lang ako ng pera. 640 00:32:10,208 --> 00:32:12,750 - Nagsimula ka ng riot! - Nagbigay lang ako. 641 00:32:12,750 --> 00:32:15,000 Hindi ko na uulitin. Aalis din sila. 642 00:32:15,000 --> 00:32:18,000 Dinukot ng pulis ang £50 sa bulsa niya. 643 00:32:18,000 --> 00:32:21,333 - Nakakuha ka. - Ebidensiya 'to. Saan galing ang pera? 644 00:32:21,333 --> 00:32:24,166 Nanalo ako sa blackjack. Sinuwerte ako. 645 00:32:24,166 --> 00:32:26,875 Isinulat ng pulis ang club na sinabi ni Henry. 646 00:32:26,875 --> 00:32:28,333 Patutunayan nila. 647 00:32:28,333 --> 00:32:30,250 Wala akong pakialam. 648 00:32:30,250 --> 00:32:31,958 - Wala? - Wala. 649 00:32:31,958 --> 00:32:36,541 Naniniwala ako sa kuwento mo, pero hindi 'yon dahilan para gawin 'yon. 650 00:32:36,541 --> 00:32:38,958 Wala akong ginawang ilegal, di ba? 651 00:32:39,791 --> 00:32:40,708 Ilegal? 652 00:32:41,458 --> 00:32:42,583 Isa kang tanga! 653 00:32:43,333 --> 00:32:46,708 Kapag nanalo ka ng ganoon karaming pera, 654 00:32:46,708 --> 00:32:49,750 at gusto mong ibigay, hindi mo ihahagis sa bintana. 655 00:32:49,750 --> 00:32:53,958 Dalhin mo sa ospital, o bahay-ampunan. 656 00:32:53,958 --> 00:32:56,125 Maraming ospital at ampunang 657 00:32:56,125 --> 00:32:59,375 walang perang pambili ng regalo sa mga bata sa Pasko. 658 00:32:59,375 --> 00:33:01,208 At ito ang isang tanga 659 00:33:01,208 --> 00:33:03,666 na hindi naranasang maubusan ng pera, 660 00:33:03,666 --> 00:33:06,666 at hinagis 'yon sa kalsada. 661 00:33:06,666 --> 00:33:09,666 Bumaba ang pulis at umalis. 662 00:33:09,666 --> 00:33:10,666 Pumirmi si Henry. 663 00:33:10,666 --> 00:33:13,416 Tinamaan siya sa mga salitang narinig niya, 664 00:33:13,416 --> 00:33:14,750 matindi at malalim. 665 00:33:14,750 --> 00:33:16,375 Napahiya siya. 666 00:33:16,375 --> 00:33:17,708 Masamang pakiramdam. 667 00:33:23,916 --> 00:33:25,000 At bigla, 668 00:33:25,000 --> 00:33:28,500 nakaramdam si Henry ng kuryente sa buo niyang katawan, 669 00:33:28,500 --> 00:33:32,208 at naisip niya ang isang bagay na babago sa lahat. 670 00:33:32,208 --> 00:33:33,791 Mabilis siyang naglakad, 671 00:33:33,791 --> 00:33:36,916 nag-isip ng plano para mangyari ang naisip niya. 672 00:33:36,916 --> 00:33:39,333 Una. Mananalo ako ng maraming pera 673 00:33:39,333 --> 00:33:42,416 araw-araw mula sa mga oras na ito. 674 00:33:42,416 --> 00:33:46,250 Pangalawa. Walang parehong casino sa loob ng anim na buwan. 675 00:33:46,250 --> 00:33:49,000 Pangatlo. Sakto lang dapat ang mapanalunan ko. 676 00:33:49,000 --> 00:33:51,333 £50,000 lang sa isang gabi. 677 00:33:51,333 --> 00:33:55,166 Pang-apat. £50,000 sa isang gabi, 365 na araw sa isang taon. 678 00:33:55,166 --> 00:33:57,916 £18.25 milyon 'yon. 679 00:33:57,916 --> 00:33:59,166 Panlima. Tuloy lang. 680 00:33:59,166 --> 00:34:01,791 Dalawa o tatlong gabi kahit saang siyudad. 681 00:34:01,791 --> 00:34:03,958 London, Monte-Carlo, Cannes, Biarritz, 682 00:34:03,958 --> 00:34:07,083 Deauville, Las Vegas, Mexico City, Buenos Aires, Nassau. 683 00:34:07,083 --> 00:34:11,416 Pang-anim. Iipunin ko ang pera at magtatayo ng mga ospital at ampunan. 684 00:34:11,416 --> 00:34:13,791 Mukhang korni at madrama ang pangarap 685 00:34:13,791 --> 00:34:16,083 pero sa realidad, magagawa ko 'to. 686 00:34:16,083 --> 00:34:20,208 Hindi ito korni, isa itong kahanga-hangang bagay. 687 00:34:20,208 --> 00:34:23,875 Pampito. Kailangan ko ng katuwang sa paghawak ng pera, 688 00:34:23,875 --> 00:34:25,541 at ipapadala sa kailangan. 689 00:34:25,541 --> 00:34:28,791 Isang tao na may malasakit at mapagkakatiwalaan ko. 690 00:34:28,791 --> 00:34:32,041 Accountant ni Henry at ng tatay niya si John Winston. 691 00:34:32,041 --> 00:34:34,708 Maging ang tatay ni John sa tatay ng tatay niya. 692 00:34:34,708 --> 00:34:36,708 Magiging pinakamayaman ka sa mundo. 693 00:34:38,833 --> 00:34:41,000 Ayokong maging pinakamayaman. 694 00:34:43,583 --> 00:34:48,416 Di pwede sa England, mauuwi lang sa buwis. Lilipat ako sa Switzerland. Hindi bukas. 695 00:34:48,416 --> 00:34:51,125 Di ako gaya mo na walang responsibilidad. 696 00:34:51,125 --> 00:34:54,000 Magpapaalam ako sa pamilya at mga partner ko. 697 00:34:54,000 --> 00:34:56,541 Ibebenta ang bahay at bibili sa Switzerland, 698 00:34:56,541 --> 00:34:58,916 ililipat ang mga bata ng school. 699 00:34:58,916 --> 00:35:02,125 Isang taon ang lumipas, nagbigay ng £120 milyon si Henry 700 00:35:02,125 --> 00:35:04,000 kay John Winston sa Lausanne. 701 00:35:04,000 --> 00:35:05,708 Limang araw kung magpadala 702 00:35:05,708 --> 00:35:08,250 sa Swiss company na Winston Sugar, LLC. 703 00:35:08,250 --> 00:35:11,250 Sina Henry at John lang ang may alam kung saan 704 00:35:11,250 --> 00:35:12,708 galing o mapupunta ito. 705 00:35:12,708 --> 00:35:17,125 Lunes pinakamalaki ang padala dahil kasama ang Biyernes, Sabado at Linggo, 706 00:35:17,125 --> 00:35:18,333 pag sarado ang banko. 707 00:35:18,333 --> 00:35:20,041 Mabilis siyang kumilos, 708 00:35:20,041 --> 00:35:22,750 nagpapalit ng katauhan linggo-linggo. 709 00:35:22,750 --> 00:35:25,416 Nalalaman lang ni John kung nasaan si Henry 710 00:35:25,416 --> 00:35:29,250 sa address ng banko kung saan ipinadala ang pera. Napakalaki. 711 00:35:49,541 --> 00:35:52,958 Namatay si Henry sa pulmonary embolism sa edad na 63. 712 00:35:52,958 --> 00:35:56,166 Inasahan na niya iyon, at sobrang payapa. 713 00:35:56,166 --> 00:35:58,833 Dalawampung taon niyang ginawa ang plano. 714 00:35:58,833 --> 00:36:01,458 Nasa £644 million ang kinita niya. 715 00:36:01,458 --> 00:36:03,041 May 21 na naipatayong 716 00:36:03,041 --> 00:36:06,208 ospital at ampunan para sa mga bata sa buong mundo, 717 00:36:06,208 --> 00:36:10,333 na pinamamahalaan ni John Winston at mga staff niya sa Lausanne. 718 00:36:10,333 --> 00:36:11,875 Tapos na ang trabaho niya. 719 00:36:16,125 --> 00:36:20,208 Ngayon, paano ko nalaman ang lahat ng ito? Sasabihin ko sa iyo. 720 00:36:20,208 --> 00:36:23,791 Pagkamatay ni Henry, tinawagan ako ni John Winston. 721 00:36:23,791 --> 00:36:28,750 Maayos siyang nagpakilala bilang pangulo ng kompanyang Winston Sugar, LLC, 722 00:36:28,750 --> 00:36:31,000 at kung pwede ba akong pumunta sa Lausanne 723 00:36:31,000 --> 00:36:34,000 para isulat ang kasaysayan ng organisasyon nila. 724 00:36:34,625 --> 00:36:36,250 Di ko alam kung bakit ako. 725 00:36:36,250 --> 00:36:39,125 Siguro ay may listahan siya ng manunulat. 726 00:36:39,125 --> 00:36:41,375 Babayaran daw nila ako, dagdag niya. 727 00:36:41,375 --> 00:36:43,583 "Isang kahanga-hangang lalaki ang namatay." 728 00:36:43,583 --> 00:36:45,291 "Siya ay si Henry Sugar." 729 00:36:45,291 --> 00:36:49,125 "Dapat malaman ng mga tao kung ano ang nagawa niya sa mundo." 730 00:36:49,125 --> 00:36:50,208 Dahil di ko alam, 731 00:36:50,208 --> 00:36:53,000 tinanong ko kung ang kuwento ba ay interesante 732 00:36:53,000 --> 00:36:54,541 para maisulat sa papel. 733 00:36:54,541 --> 00:36:58,041 Nainis si John Winston. Siguro ay nainsulto ko siya. 734 00:36:58,625 --> 00:37:00,083 Sa limang minuto sa telepono, 735 00:37:00,083 --> 00:37:03,041 sinabi niya ang sikretong trabaho ni Henry Sugar. 736 00:37:03,041 --> 00:37:04,541 Na hindi na sikreto. 737 00:37:04,541 --> 00:37:08,083 Patay na si Henry at di na makakapasok ulit sa casino. 738 00:37:08,083 --> 00:37:10,083 "Pupunta ako," sabi ko. 739 00:37:10,083 --> 00:37:13,000 Nakilala ko sa Lausanne si John Winston, higit 70 na, 740 00:37:13,000 --> 00:37:14,291 at si Max Engelman, 741 00:37:14,291 --> 00:37:17,291 {\an8}kilalang make-up artist na lumibot kasama si Henry 742 00:37:17,291 --> 00:37:20,166 {\an8}kaya naitago ni Henry ang tunay niyang katauhan. 743 00:37:20,166 --> 00:37:24,333 {\an8}Pareho silang winasak ng pagkamatay ni Henry. 744 00:37:24,333 --> 00:37:26,625 {\an8}Mahal ko siya. Mabuti siyang tao. 745 00:37:26,625 --> 00:37:29,666 {\an8}Pinakita ni John Winston ang kulay asul na librong 746 00:37:29,666 --> 00:37:32,708 {\an8}isinulat ni Z.Z. Chatterjee sa Calcutta noong 1935. 747 00:37:32,708 --> 00:37:34,833 {\an8}Kinopya ko ito, bawat salita. 748 00:37:34,833 --> 00:37:36,375 {\an8}"Huling tanong," sabi ko. 749 00:37:36,375 --> 00:37:40,083 {\an8}"Henry Sugar ang tawag mo sa kanya, pero sabi mo, di iyon totoo." 750 00:37:40,083 --> 00:37:43,375 {\an8}"Ayaw mo bang sabihin ang tunay niyang pangalan?" 751 00:37:43,375 --> 00:37:44,750 {\an8}- Ayoko. - ...sabi niya. 752 00:37:44,750 --> 00:37:47,208 {\an8}Nangako kaming di ilalabas ang katauhan niya. 753 00:37:47,208 --> 00:37:49,750 {\an8}Sa tingin ko, lalabas din ito kalaunan. 754 00:37:49,750 --> 00:37:54,500 {\an8}Mula siya sa kilalang pamilyang Ingles, pero ikagagalak ko kung di mo aalamin. 755 00:37:54,500 --> 00:37:57,125 {\an8}Tawagin mo na lang siyang Mr. Henry Sugar. 756 00:37:58,833 --> 00:38:00,291 {\an8}At iyon nga ang ginawa ko. 757 00:38:07,791 --> 00:38:11,625 ANG "THE WONDERFUL STORY OF HENRY SUGAR" AY ISINULAT NI ROALD DAHL 758 00:38:11,625 --> 00:38:15,916 SA KANIYANG BAHAY SA GREAT MISSENDEN, BUCKINGHAMSHIRE 759 00:38:15,916 --> 00:38:18,416 SA PAGITAN NG PEBRERO AT DISYEMBRE NG 1976. 760 00:39:20,416 --> 00:39:25,416 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Dawn Rosello