1 00:00:19,000 --> 00:00:22,166 {\an8}Iiwan na tayo ni Armando mamaya. Pupunta siya sa mas magandang lugar. 2 00:00:22,250 --> 00:00:23,208 {\an8}WEEK FIVE 3 00:00:23,291 --> 00:00:27,416 {\an8}Ano ba'ng sinasabi ko? May mas gaganda ba sa Villa San Francesco? 4 00:00:27,500 --> 00:00:28,625 {\an8}- Wala! - Wala! 5 00:00:29,291 --> 00:00:31,958 Sasabihin nating: "Mas makabubuti sa kanya." 6 00:00:32,041 --> 00:00:33,791 Deserve 'yon ni Armando, 7 00:00:33,875 --> 00:00:38,333 kasi mabuti siyang tao at napamahal na siya sa ating lahat. 8 00:00:39,083 --> 00:00:40,208 Mami-miss ka namin. 9 00:00:43,291 --> 00:00:45,083 Palakpakan natin si Armando. 10 00:00:46,958 --> 00:00:49,250 Good luck, Armando. 11 00:00:49,333 --> 00:00:52,083 - Magpakatatag ka. - Maraming salamat, Doktor. 12 00:00:52,750 --> 00:00:55,500 - Regalo para sa 'yo. - Ginastusan natin. 13 00:00:56,041 --> 00:00:57,791 Ito lang ang meron ako. 14 00:00:57,875 --> 00:01:01,375 - Salamat. Ang bait mo. - Birheng Maria. 15 00:01:03,125 --> 00:01:05,166 Salamat! 16 00:01:05,750 --> 00:01:07,583 Salamat. 17 00:01:07,666 --> 00:01:10,208 Di ko alam na aalis ka na. Wala akong dala. 18 00:01:10,291 --> 00:01:11,708 Okay lang 'yon. 19 00:01:13,041 --> 00:01:14,291 Ano'ng ginagawa mo? 20 00:01:14,375 --> 00:01:16,833 Hindi. Sobra 'yan. 21 00:01:16,916 --> 00:01:19,708 Okay lang. Kumain ka sa masarap na restaurant. 22 00:01:27,750 --> 00:01:31,333 Iiwan na tayo ng mahal nating dukhang si Armando. 23 00:01:31,416 --> 00:01:34,000 May maliit na regalo rin ako sa kanya. 24 00:01:34,833 --> 00:01:38,750 Madeleines. Nagpatulong ako sa staff. 25 00:01:39,791 --> 00:01:42,541 Magpapaalala 'yan sa 'yo sa le temps perdu. 26 00:01:43,666 --> 00:01:47,583 - Oras na nawala sa 'yo rito. - Ano'ng sasabihin ko, Matilde? 27 00:01:48,541 --> 00:01:51,166 - Maraming salamat. - Bawal humalik, masisira ang makeup ko. 28 00:01:52,291 --> 00:01:56,833 - Sige, Armandino. Sige na. - Oo, salamat. 29 00:01:56,916 --> 00:01:58,166 - Bye, Armando. - Salamat. 30 00:02:02,916 --> 00:02:04,166 Bye, Armando. 31 00:02:14,458 --> 00:02:16,500 PESTENG BUHAY 32 00:02:17,166 --> 00:02:20,291 Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga kamay ko. 33 00:02:20,375 --> 00:02:22,666 Di ako makapunta sa stage o makontrol ang boses ko. 34 00:02:23,750 --> 00:02:26,208 Ang hirap isipin na alam mong 35 00:02:26,291 --> 00:02:28,000 masama ang pag-arte mo. 36 00:02:28,083 --> 00:02:29,000 Magaling siya. 37 00:02:29,625 --> 00:02:30,833 Seagull ako. 38 00:02:36,916 --> 00:02:41,208 Di 'yon ang ibig kong sabihin. Naalala mo nang binaril mo ang seagull? 39 00:02:41,291 --> 00:02:46,208 May lalaking napadaan doon at nag-audition para magpalipas ng oras. 40 00:02:47,833 --> 00:02:50,625 Sige. Ituloy mo lang. Wag kang tumigil. 41 00:02:53,458 --> 00:02:54,416 Nasira ko. 42 00:02:55,083 --> 00:02:57,166 Idea 'yon para sa maikling kuwento. 43 00:02:57,708 --> 00:03:01,250 Ano'ng sinasabi ko? A, oo, 'yong stage. 44 00:03:01,333 --> 00:03:04,875 Nagbago na ako ngayon. Tunay na aktres na ako. 45 00:03:05,500 --> 00:03:08,166 Umaarte akong masaya, mahusay, 46 00:03:08,250 --> 00:03:11,208 natutuwa ako, at pakiramdam ko, ang galing ko. 47 00:03:12,333 --> 00:03:14,125 Mula dumating ako rito, 48 00:03:14,208 --> 00:03:16,291 palakad-lakad lang ako. 49 00:03:17,750 --> 00:03:20,041 Naglalakad at nag-iisip. 50 00:03:20,916 --> 00:03:24,000 Ramdam ko ang lakas ko na lumalago araw-araw. 51 00:03:25,041 --> 00:03:27,625 Naiintindihan ko na si Kostja na… 52 00:03:28,541 --> 00:03:33,208 Para sa atin, kahit sumulat o umarte tayo, 53 00:03:34,125 --> 00:03:36,041 di kasikatan ang importante, 54 00:03:37,625 --> 00:03:42,250 o ang karangyaan na pinangarap ko. 55 00:03:43,291 --> 00:03:46,291 - Kundi tapang para… - Tama na. Ang galing mo. 56 00:03:46,375 --> 00:03:48,750 Nakikita kong handa ka. 57 00:03:48,833 --> 00:03:49,666 Salamat. 58 00:03:50,375 --> 00:03:53,208 Salamat. Sinubukan kong sundin ang original text, 59 00:03:53,291 --> 00:03:55,958 para banggitin ko rin ang sarili ko. 60 00:03:56,041 --> 00:03:58,041 Okay. Paano ka babanggitin? 61 00:03:58,791 --> 00:04:01,750 Aktres siya na iginigiit ang talento niya. 62 00:04:02,333 --> 00:04:07,041 Kilala mo si Chekhov? Gusto mo siya? Gusto mo ang maiikling kuwento niya? 63 00:04:08,291 --> 00:04:10,791 Pinag-aralan ko si Chekhov noong high school. Pero… 64 00:04:10,875 --> 00:04:14,958 Baka napanood mo ang isa sa mga dula niya, o kaya pelikula… Gaya ng… 65 00:04:15,041 --> 00:04:19,625 An Unfinished Play, isang obra-maestra, o The Seagull ni Bellocchio? 66 00:04:23,333 --> 00:04:25,958 Hindi. Walang nagsabi sa aking kailangan. 67 00:04:26,041 --> 00:04:28,500 Okay lang. Pasensiya na sa mga tanong. 68 00:04:28,583 --> 00:04:33,666 Sabi ng nanay mo sa labas, lagi ka raw nag-aaral. 69 00:04:33,750 --> 00:04:36,583 Minadali niya ako. 70 00:04:36,666 --> 00:04:40,333 Halos pinagalitan niya ako kasi di ako pumasok agad. 71 00:04:40,416 --> 00:04:43,791 Pinilit niya akong pumasok habang naninigarilyo. Anyway… 72 00:04:43,875 --> 00:04:47,041 Salamat. Magkikita tayo ulit, okay? 73 00:04:48,000 --> 00:04:49,083 Ibig sabihin… 74 00:04:49,166 --> 00:04:52,541 Sa mga susunod siguro… Hindi para sa pelikulang 'to. 75 00:04:52,625 --> 00:04:54,833 Okay? Sa susunod siguro. 76 00:04:55,708 --> 00:04:56,625 Salamat. 77 00:04:57,500 --> 00:04:59,375 Salamat. 78 00:05:00,916 --> 00:05:03,291 I-hi mo ako sa nanay mo. Kakaiba siya. 79 00:05:03,375 --> 00:05:04,666 Artista rin ba siya? 80 00:05:05,666 --> 00:05:09,416 Hindi? Okay. Pwede na akong manigarilyo, okay? 81 00:05:09,500 --> 00:05:11,875 Ano sa tingin mo? Ewan ko kung sino'ng susunod. 82 00:05:16,041 --> 00:05:19,666 - Honey? Kumusta? - Wag mo akong kausapin. 83 00:05:19,750 --> 00:05:21,666 - Ano'ng nangyari? - Layuan mo ako. 84 00:05:26,250 --> 00:05:28,375 Excuse me? Ano'ng nangyari? 85 00:05:29,041 --> 00:05:30,625 Walang nangyari, ma'am. 86 00:05:31,291 --> 00:05:36,083 Di naman pangit 'yong audition. Napakabata pa niya at hindi pa handa. 87 00:05:36,166 --> 00:05:37,208 Sa tingin mo. 88 00:05:37,750 --> 00:05:40,041 - Oo, sa tingin ko. - Mali ka. 89 00:05:40,125 --> 00:05:42,500 Nagkakamali ka at makikita mo. 90 00:05:43,333 --> 00:05:44,166 Honey! 91 00:05:45,666 --> 00:05:46,958 Baliw siya. 92 00:05:48,291 --> 00:05:49,958 Mga nanay nga naman! 93 00:05:52,250 --> 00:05:53,083 Doktor. 94 00:05:53,583 --> 00:05:55,750 - Hi, Daniele. - Pwede tayong mag-usap? 95 00:05:55,833 --> 00:05:59,458 Sige. Malapit na nilang sunduin si Alessandro. 96 00:06:00,958 --> 00:06:02,500 Malungkot kang aalis siya? 97 00:06:03,291 --> 00:06:06,458 Oo, medyo. Mawawalan na naman ako ng kapatid. 98 00:06:07,958 --> 00:06:09,500 Pero bumalik si Madonnina. 99 00:06:11,958 --> 00:06:13,833 Ang totong mahirap, 100 00:06:13,916 --> 00:06:17,666 hanapin 'yong malasakit mo sa bawat pasyente. 101 00:06:18,375 --> 00:06:21,000 Mukhang nahanap mo naman sa mga pasyente. 102 00:06:21,083 --> 00:06:23,958 Totoo. At alam nila 'yon. 103 00:06:26,375 --> 00:06:27,666 Pero mahirap, Doktor. 104 00:06:29,458 --> 00:06:30,416 Ang hirap. 105 00:06:32,166 --> 00:06:34,541 Tapos nitong huli… 106 00:06:35,916 --> 00:06:38,083 dahil kay Maria, sa bagong trabaho… 107 00:06:43,250 --> 00:06:46,125 Uminom ako ng pampakalma. Noong nakaraang buwan. 108 00:06:47,583 --> 00:06:52,583 Alam mo kung paano 'yon gumagana. Hindi bilang gamot, pero bilang droga. 109 00:06:52,666 --> 00:06:53,875 Nalulong ako. 110 00:06:55,958 --> 00:06:58,958 Naisip mong delikado 'yon sa 'yo at sa mga pasyente? 111 00:06:59,791 --> 00:07:00,625 Alam ko. 112 00:07:01,250 --> 00:07:05,125 Alam ko. Ang totoo, magpapatulong ako sa 'yong itigil 'yon. 113 00:07:06,500 --> 00:07:12,250 Di 'yon nakakatulong sa akin na alisin ang sakit. Ang totoo… 114 00:07:13,833 --> 00:07:15,125 Pinapalala pa no'n. 115 00:07:16,666 --> 00:07:17,500 Okay. 116 00:07:18,458 --> 00:07:21,666 Magkita tayo linggo-linggo, tuwing Biyernes nang umaga. 117 00:07:23,333 --> 00:07:25,458 Mabuti at sinabi mo sa akin. 118 00:07:25,541 --> 00:07:26,375 Salamat. 119 00:07:26,458 --> 00:07:27,333 Excuse me. 120 00:07:29,541 --> 00:07:30,666 Si Pino. 121 00:07:32,500 --> 00:07:33,416 Hello, Pino. 122 00:07:34,541 --> 00:07:37,333 Sige. Okay, salamat. Papunta na ako. 123 00:07:38,625 --> 00:07:41,333 Nandito na ang ambulansiya para kay Alessandro. Tara na. 124 00:08:01,541 --> 00:08:02,458 Hoy! 125 00:08:03,666 --> 00:08:04,708 Wag! 126 00:08:06,708 --> 00:08:07,916 - Ano 'to? - Giorgio. 127 00:08:08,000 --> 00:08:09,833 - Ilalayo n'yo siya? - Makinig ka. 128 00:08:09,916 --> 00:08:13,875 'Yon lang ang option. Alam mo 'yon. Gagamutin siya sa lugar na 'yon. 129 00:08:14,666 --> 00:08:17,375 Di n'yo sana sasabihin sa akin. Bitawan mo ako. 130 00:08:24,708 --> 00:08:25,625 Hi, Alessandro. 131 00:08:27,000 --> 00:08:27,833 Kita mo? 132 00:08:29,208 --> 00:08:30,375 Lumingon siya! 133 00:08:30,458 --> 00:08:33,583 Di ba? Doktor, nakita mo na rin. 134 00:08:33,666 --> 00:08:37,083 Oo, Giorgio, tama ka. Pero wala tayong magagawa. 135 00:08:37,166 --> 00:08:39,416 Doktor! Wag mo siyang ilayo! 136 00:08:39,500 --> 00:08:42,041 Pag nandito si Alessandro, 137 00:08:42,125 --> 00:08:45,125 - aalagaan namin siya ni Daniele. - Giorgio, kalma. 138 00:08:45,208 --> 00:08:49,250 - Sabi ng doktor, wala tayong magagawa. - Kalmado ako. Napakakalmado! 139 00:08:49,333 --> 00:08:51,833 - Pino. - Teka lang. 140 00:08:52,875 --> 00:08:54,416 Giorgio. Halika rito. 141 00:08:54,500 --> 00:08:55,708 Giorgio, halika. 142 00:08:55,791 --> 00:08:58,500 May sasabihin ako, okay? Sumama ka sa akin. 143 00:09:03,125 --> 00:09:05,958 Uy. Tingnan mo ako. Uy. 144 00:09:06,041 --> 00:09:08,416 Siguradong magugustuhan mo 'to. 145 00:09:08,500 --> 00:09:11,458 Sumakay ka sa ambulansiya. Kayong dalawa lang. 146 00:09:12,208 --> 00:09:15,416 Sabihin mo ang gusto mo at bibisitahin natin siya. 147 00:09:15,500 --> 00:09:18,500 Okay? Take your time. 148 00:09:22,333 --> 00:09:24,041 Hangga't gusto ko? 149 00:09:24,125 --> 00:09:25,916 Kahit ano'ng gusto mo. Okay? 150 00:09:26,583 --> 00:09:29,041 Tapos hahayaan mo na siya. Deal? 151 00:09:30,625 --> 00:09:31,458 Oo. 152 00:09:32,125 --> 00:09:33,166 Ayos, pilyo. 153 00:09:34,291 --> 00:09:36,625 Sige na. Ilagay mo na 'yong stretcher. 154 00:09:41,291 --> 00:09:42,250 Sa 'yo na siya. 155 00:09:53,291 --> 00:09:56,458 Alessandro, magtiwala ka sa akin, okay? 156 00:09:56,541 --> 00:10:00,083 Magdasal ka kasi si Hesus lang ang makakapagligtas sa atin. 157 00:10:00,166 --> 00:10:01,750 Magdasal ka lagi. 158 00:10:02,500 --> 00:10:04,750 Ililigtas niya tayong lahat. 159 00:10:16,375 --> 00:10:17,916 Si Hesus lang, Alessandro. 160 00:10:22,416 --> 00:10:27,125 Uy. Wag kang mag-alala. Di ka namin iiwan, okay? 161 00:10:27,708 --> 00:10:30,416 Bibisita kami. Ako'ng bahala sa 'yo. 162 00:10:33,291 --> 00:10:34,666 Bye. 163 00:10:34,750 --> 00:10:36,083 Magpakabait ka, ha? 164 00:10:39,416 --> 00:10:40,291 Bye. 165 00:10:46,875 --> 00:10:47,791 Salamat. 166 00:10:48,375 --> 00:10:50,791 - Salamat, Daniele. - Salamat, Giorgio. 167 00:11:00,666 --> 00:11:03,625 Uy. Sabi mo bibisita tayo. Nag-promise ka, okay? 168 00:11:03,708 --> 00:11:04,916 Promise. 169 00:11:25,833 --> 00:11:27,958 Napaka-sentimental kong matanda. 170 00:11:32,958 --> 00:11:38,125 Tanga, katawa-tawa, matandang sentimental. 171 00:11:41,375 --> 00:11:43,083 Lagi kang sisirain ng buhay. 172 00:11:47,958 --> 00:11:48,833 Palagi. 173 00:11:55,000 --> 00:11:55,833 Daniele? 174 00:11:56,958 --> 00:11:57,958 May sigarilyo ka? 175 00:11:59,833 --> 00:12:01,041 Di ka naninigarilyo. 176 00:12:15,958 --> 00:12:16,875 May problema? 177 00:12:19,000 --> 00:12:19,833 Ang dami. 178 00:12:21,458 --> 00:12:22,541 Magsabi ka ng isa. 179 00:12:26,791 --> 00:12:30,875 Niligtas ako ng lugar na 'to. Pero ngayon, pasaning krus na 'to. 180 00:12:33,166 --> 00:12:35,375 Minsan naiisip ko, "Tama na. Uuwi na ako." 181 00:12:35,458 --> 00:12:39,416 Pero walang tao sa bahay. Walang asawa, walang anak. 182 00:12:41,916 --> 00:12:43,000 Ito 'yong tahanan. 183 00:12:45,291 --> 00:12:46,666 Natutulog din ako rito. 184 00:12:52,083 --> 00:12:53,416 Dapat umaalis ang tao. 185 00:12:56,958 --> 00:13:00,583 Pero saan pupunta? Di ka makakatakas sa mga problema mo. 186 00:13:02,541 --> 00:13:04,166 Kaya manatili ka na lang. 187 00:13:09,000 --> 00:13:10,708 Ewan ko kung hanggang kailan. 188 00:13:17,250 --> 00:13:19,333 - Excuse me. Babalik ako agad. - Sige. 189 00:13:20,083 --> 00:13:22,500 - Nina. - Palpak ang audition. 190 00:13:22,583 --> 00:13:24,166 Wala namang bago, di ba? 191 00:13:24,250 --> 00:13:28,500 May exam ako bukas pero di ako papasok. Ano sa tingin mo ang kalalabasan? 192 00:13:28,583 --> 00:13:31,583 Bagsak, maniwala ka. Kasi walang silbi ang buhay ko. 193 00:13:32,166 --> 00:13:34,833 - Nakauwi ka na? Gusto mong pumunta ako? - Para? 194 00:13:34,916 --> 00:13:38,833 Para sa sermon mo? Wag na. Salamat na lang. 195 00:13:51,875 --> 00:13:54,458 Go, Roma, go! 196 00:13:56,166 --> 00:13:57,500 Tignan mo sila. 197 00:13:59,375 --> 00:14:00,666 Sobrang excited. 198 00:14:04,916 --> 00:14:11,791 Kakanta tayo hanggang mamatay Iwinawagayway ang ating kulay 199 00:14:11,875 --> 00:14:14,833 - Bakit? - Puta… 200 00:14:17,166 --> 00:14:22,375 - Nagpalit ako at naiwan ko 'yong tickets. - Seryoso ka ba? Paano 'yon? 201 00:14:22,458 --> 00:14:25,958 - Tatakbo ako pauwi… - Ano? Magsisimula na sa 30 minuto. 202 00:14:26,666 --> 00:14:27,708 Buwisit. 203 00:14:28,958 --> 00:14:32,083 - Ano'ng gagawin natin? - Gutom ako. Mag-dinner tayo. 204 00:14:33,916 --> 00:14:34,791 Saan? 205 00:14:36,000 --> 00:14:36,833 Salamat. 206 00:14:43,875 --> 00:14:46,083 Ayos. Nagugutom na ako. 207 00:14:49,250 --> 00:14:50,333 Ang sarap. 208 00:14:53,125 --> 00:14:54,958 Pumalpak ako. Sorry. 209 00:14:55,041 --> 00:14:58,541 Wag kang mag-alala. Ang importante, naalala mo ako. 210 00:14:58,625 --> 00:15:00,875 Isipin na lang natin. Pakinggan mo. 211 00:15:03,000 --> 00:15:05,000 Uy. Teka. 212 00:15:07,250 --> 00:15:08,791 Goal! 213 00:15:42,500 --> 00:15:43,458 Ano? 214 00:15:44,875 --> 00:15:48,208 - Nasa doktor ka na ba, honey? - Malapit na. Sabihin mo na. 215 00:15:48,916 --> 00:15:53,125 Sabi ng abogado, magkita tayo nang mas maaga bukas sa korte 216 00:15:53,208 --> 00:15:54,375 para makapaghanda. 217 00:15:56,875 --> 00:16:01,291 - Nina, nakikinig ka? - Oo. Kailangan ba talagang gawin 'yon? 218 00:16:02,750 --> 00:16:03,625 Ano? 219 00:16:04,666 --> 00:16:07,958 Ewan ko, Ma. Mas nagiging malala 'yong sitwasyon. 220 00:16:08,041 --> 00:16:10,416 Mabuting ama si Daniele at alam mo 'yon. 221 00:16:12,208 --> 00:16:13,500 Mag-usap tayo mamayang gabi. 222 00:16:15,083 --> 00:16:15,958 Bye. 223 00:16:41,666 --> 00:16:42,791 Bakit ka nandito? 224 00:16:43,416 --> 00:16:46,208 Gusto kong makita ang reaction mo pag sinabi ko. 225 00:16:47,333 --> 00:16:48,166 Ano? 226 00:16:48,250 --> 00:16:51,875 Nagustuhan nila ang mga tula mo. Gustong i-publish ni Roberto. 227 00:16:53,541 --> 00:16:56,333 - Hindi ka masaya? - Well, masaya… 228 00:16:56,416 --> 00:16:58,333 Di ko inasahan 'yon. Masaya ako. 229 00:16:59,416 --> 00:17:00,333 May iba pa. 230 00:17:01,000 --> 00:17:04,041 Gusto niyang maging editor ako, kaya magkikita tayo. 231 00:17:04,125 --> 00:17:08,083 Mas magandang balita 'yan sa akin. Ewan ko sa 'yo. 232 00:17:09,083 --> 00:17:10,416 Ang totoo, masaya ako. 233 00:17:11,625 --> 00:17:13,208 Magiging maganda 'yong libro. 234 00:17:16,958 --> 00:17:19,250 Ang gago ko. Sorry. 235 00:17:21,125 --> 00:17:22,833 May nasabi rin akong masama. 236 00:17:25,000 --> 00:17:25,875 May… 237 00:17:27,125 --> 00:17:28,958 May problema ako sa mga lalaki. 238 00:17:30,958 --> 00:17:33,958 Nagkarelasyon ako minsan at di naging maganda. 239 00:17:34,041 --> 00:17:35,416 Takot na ako mula noon. 240 00:17:36,375 --> 00:17:37,375 Naiintindihan ko. 241 00:17:38,083 --> 00:17:41,958 Masaya akong sinabi mo 'yon. Kailangan ko 'yon marinig. 242 00:17:43,708 --> 00:17:44,750 Nahirapan ako. 243 00:17:44,833 --> 00:17:48,166 Naglasing ako, uminom ng mga pampakalma. 244 00:17:49,916 --> 00:17:50,750 Bakit? 245 00:17:51,541 --> 00:17:52,583 Bakit? 246 00:17:55,416 --> 00:17:58,250 Bukas na 'yong hearing para sa custody ni Maria, 247 00:17:58,875 --> 00:18:01,416 at natatakot akong di na nila ako payagang makita siya. 248 00:18:15,333 --> 00:18:16,583 Subukan natin ulit. 249 00:18:18,125 --> 00:18:19,083 Sige. 250 00:18:55,083 --> 00:18:55,916 Doktor. 251 00:18:57,375 --> 00:18:58,208 Ano? 252 00:18:59,208 --> 00:19:01,208 Di ba magkikita kayo ni Nina? 253 00:19:02,541 --> 00:19:06,166 Oo, pero di ko pa siya nakikita. Susubukan kong tawagan. 254 00:19:06,250 --> 00:19:08,333 Sinubukan ko na. Disconnected. 255 00:19:10,291 --> 00:19:11,166 May problema? 256 00:19:11,791 --> 00:19:16,125 Wala akong alam. Bukas na 'yong hearing, pero sa tingin ko, di dahil doon. 257 00:19:18,333 --> 00:19:19,375 Aalis na ako. 258 00:19:23,708 --> 00:19:29,833 Night-night na. 259 00:20:09,833 --> 00:20:12,500 Naayos na natin lahat ng isyu, 260 00:20:12,583 --> 00:20:17,000 at ipinatawag ko kayo para sabihin ang desisyon ng korte. 261 00:20:17,916 --> 00:20:24,500 Batay sa narinig natin sa abogado, sa nag-apela at nasasakdal, 262 00:20:24,583 --> 00:20:28,083 nagdesisyon kaming magtalaga ng technical advisor… 263 00:20:28,750 --> 00:20:30,583 Psychologist 'yon. 264 00:20:30,666 --> 00:20:33,791 …na kalipikado at eksperto sa psychiatry, 265 00:20:34,583 --> 00:20:38,875 na magdedesisyon na isasaalang-alang lahat ng bagay, 266 00:20:38,958 --> 00:20:42,625 at susunod sa facts. 267 00:20:43,458 --> 00:20:46,166 Pareho pang bata ang dalawang panig, 268 00:20:46,250 --> 00:20:50,416 at di katanggap-tanggap na madaliin ang desisyon. 269 00:20:50,500 --> 00:20:51,458 Ipapaliwanag ko. 270 00:20:51,541 --> 00:20:53,875 Tatawagan ng advisor ang mga abogado 271 00:20:53,958 --> 00:20:57,250 para mag-schedule ng meetings at magdesisyon sa gagawin. 272 00:20:57,333 --> 00:21:00,125 Sorry, di ko maintindihan. Ano'ng ibig sabihin? 273 00:21:00,208 --> 00:21:02,208 Para makapagdesisyon, 274 00:21:02,291 --> 00:21:05,541 mas mabuting magpatulong sa eksperto at neutral advisor. 275 00:21:06,125 --> 00:21:09,333 - Pupunta siya sa bahay namin? - Standard procedure 'yon. 276 00:21:09,416 --> 00:21:12,166 Oo, sa bahay mo o sa trabaho. 277 00:21:12,250 --> 00:21:15,416 O kung saan mo gustong makipagkita. 278 00:21:15,500 --> 00:21:19,708 Lahat ng pinaghirapan ko sa ilang linggo, buwan mula ipinanganak si Maria, 279 00:21:19,791 --> 00:21:21,000 di sapat para magdesisyon. 280 00:21:21,083 --> 00:21:22,333 Hindi gano'n. 281 00:21:22,416 --> 00:21:24,916 Ayaw mong managot. 282 00:21:25,000 --> 00:21:27,166 - Hindi, sandali. - Hayaan mo na. 283 00:21:27,250 --> 00:21:30,041 Ano'ng pakialam mo? Di mo buhay 'to, di ba? 284 00:21:30,125 --> 00:21:31,458 Pasensiya na sa kanya. 285 00:21:31,541 --> 00:21:34,875 Tapos na ang sesyon. Babalitaan namin kayo. 286 00:21:34,958 --> 00:21:37,166 Paalam at magandang araw. 287 00:21:37,250 --> 00:21:39,041 - Magandang araw. - Bye. 288 00:21:42,041 --> 00:21:44,458 Kontra kayong lahat sa akin! Lahat kayo! 289 00:21:44,541 --> 00:21:46,000 Sinisira mo lahat. 290 00:21:46,083 --> 00:21:47,750 Okay, ano na ang mangyayari? 291 00:21:48,666 --> 00:21:51,875 Nilagay tayo ng anak mo sa napakahirap na sitwasyon. 292 00:21:51,958 --> 00:21:52,875 Ibig sabihin? 293 00:21:54,166 --> 00:21:57,541 Pupunta kayo sa opisina ko sa mga susunod na araw 294 00:21:57,625 --> 00:22:00,125 para magdesisyon kung sasamahan ko pa kayo. 295 00:22:00,208 --> 00:22:01,041 Talaga? 296 00:22:01,541 --> 00:22:05,541 Imposibleng magtrabaho nang ganito. Excuse me… 297 00:22:08,041 --> 00:22:12,750 - Bakit mo ginawa 'yon? - Ma, alam mo bang di tayo nanalo? 298 00:22:13,750 --> 00:22:16,750 Sigurado ka noon na mananalo tayo. Sigurado. 299 00:22:17,833 --> 00:22:21,208 Natalo tayo. Ano'ng nararamdaman mo ngayon? 300 00:22:21,291 --> 00:22:22,166 Okay ka lang? 301 00:22:23,500 --> 00:22:25,500 Oo. Puntahan natin si Maria, tara. 302 00:22:28,083 --> 00:22:31,375 Makakatulong sa atin 'yong naging ugali ng babae. 303 00:22:31,458 --> 00:22:34,125 Masaya ka na ba? Nanalo ang mababait. 304 00:22:35,208 --> 00:22:37,291 Ibaba mo 'yang umiiyak na birhen na pose mo. 305 00:22:37,375 --> 00:22:39,041 - Ano? - Ikaw ang pinakamasama. 306 00:22:39,125 --> 00:22:40,916 - Mama. - Sa ipokrita mong mukha! 307 00:22:41,000 --> 00:22:44,083 - Wag mo siyang kausapin nang ganyan. - Sino ka? 308 00:22:44,166 --> 00:22:47,000 - 'Yong gustong manakit sa anak ko? - Sasaktan din kita. 309 00:22:47,083 --> 00:22:48,416 - Sige! - Kumalma kayo. 310 00:22:48,500 --> 00:22:52,541 - Tara na, Ma. - Di rito magtatapos, mga mahihirap. 311 00:22:52,625 --> 00:22:54,333 - Bully! - Mapagpanggap! 312 00:22:54,416 --> 00:22:55,625 Mapagpanggap daw? 313 00:22:55,708 --> 00:22:57,083 - Sabi mo, bully. - Kalma. 314 00:22:57,166 --> 00:23:00,833 - Salot! - Matagal ko nang di narinig 'yan. 315 00:23:00,916 --> 00:23:04,166 - Hayaan mo na. - Mas malala siya sa anak niya. 316 00:23:04,250 --> 00:23:06,375 Nagutom ako. Tatawag ba ako ng taxi? 317 00:23:09,166 --> 00:23:10,750 - Magkita tayo mamayang gabi. - Bye! 318 00:23:10,833 --> 00:23:12,166 - Bye, Giorgio. - Bye. 319 00:23:13,333 --> 00:23:18,125 - Ano'ng kakainin natin? - Di ako magluluto. Tara sa Circolino. 320 00:23:18,208 --> 00:23:20,708 - Circolino? Ulit? - Mag-celebrate tayo. 321 00:23:21,875 --> 00:23:23,916 - Hello. - Cenni, tama? 322 00:23:25,791 --> 00:23:26,625 Salamat. 323 00:23:28,208 --> 00:23:29,041 Diyos ko. 324 00:23:31,458 --> 00:23:33,458 Mauna na kayo. Magkita tayo roon. 325 00:23:34,375 --> 00:23:37,166 - Pupuntahan niya tayo? - Ano? Saan siya pupunta? 326 00:23:39,083 --> 00:23:40,333 Kumusta? 327 00:23:40,416 --> 00:23:42,458 Well, tingin ko, mabuti. Oo. 328 00:23:42,541 --> 00:23:43,416 Sabi ko na, e. 329 00:23:46,916 --> 00:23:47,750 Buweno? 330 00:23:50,458 --> 00:23:52,666 Umaandar ang metro. 331 00:23:52,750 --> 00:23:54,333 Nakakapagod 332 00:23:56,625 --> 00:23:59,000 Nahuhulog nang ilang metro sa gilid 333 00:24:00,000 --> 00:24:02,250 Sa kamalasan ko 334 00:24:03,541 --> 00:24:05,625 Sa takot ko 335 00:24:06,916 --> 00:24:09,625 Maayos na lipad 'yon 336 00:24:11,708 --> 00:24:14,083 Para maalala rito 337 00:24:15,000 --> 00:24:17,125 Dahil hindi marunong lumipad 338 00:24:19,166 --> 00:24:21,666 Paano ko maaalala ngayon 339 00:24:21,750 --> 00:24:24,083 Hindi ako binibini 340 00:24:24,833 --> 00:24:29,083 Nasa bituin ang kanyang kapalaran 341 00:24:29,166 --> 00:24:31,625 Hindi ako binibini 342 00:24:32,333 --> 00:24:36,958 Pero babaeng hindi natatapos ang laban 343 00:24:37,041 --> 00:24:39,000 Hindi ako binibini 344 00:24:39,583 --> 00:24:44,250 May kaunting sugat sa buhay 345 00:24:44,333 --> 00:24:46,375 Naku 346 00:24:48,125 --> 00:24:51,125 Anong ingay 'yan? Natutulog si Maria sa kuwarto ko! 347 00:24:51,208 --> 00:24:54,458 - Saan ka pupunta? - Magsasaya, okay? 348 00:24:55,750 --> 00:24:58,541 Dapat ikaw rin, Mama. 349 00:25:00,250 --> 00:25:02,125 Hindi ko na alam ang sasabihin. 350 00:25:03,791 --> 00:25:06,208 Diyos ko. 351 00:25:19,166 --> 00:25:21,125 Uy! Tingnan mo kung nasaan ako. 352 00:25:23,500 --> 00:25:27,291 Akala ko, makikilala pa nila ako, pero walang may pakialam. Ayos. 353 00:25:28,083 --> 00:25:30,291 Masaya akong makikita mo pa si Maria. 354 00:25:30,375 --> 00:25:31,833 Wag kang masanay. 355 00:25:33,125 --> 00:25:34,666 Babantayan kita. 356 00:25:37,000 --> 00:25:40,875 Wag kang mag-alala, di ako masasanay. Enjoy. I-enjoy mo ang gabi. 357 00:25:48,083 --> 00:25:53,125 GIORGIA 358 00:25:53,875 --> 00:25:54,708 Buwisit. 359 00:26:01,208 --> 00:26:02,041 Giorgia? 360 00:26:02,125 --> 00:26:04,500 Di ko mahanap si Nina. Nakausap mo siya? 361 00:26:05,875 --> 00:26:08,708 Oo, nagpadala siya ng video… 362 00:26:09,875 --> 00:26:12,750 Dalawang oras na ang nakalipas. Nasa Seashell dancing club siya. 363 00:26:13,250 --> 00:26:14,166 Okay lang siya? 364 00:26:16,000 --> 00:26:17,958 Mukha siyang masaya. Bakit? 365 00:26:18,041 --> 00:26:21,750 Di ko alam. Nagmamadali siyang lumabas, kakaiba siya. 366 00:26:21,833 --> 00:26:25,041 Una, di siya sumasagot, at nakapatay na ang phone niya. 367 00:26:25,125 --> 00:26:28,916 Nag-aalala ako. Please, Daniele, tulungan mo ako. 368 00:26:29,000 --> 00:26:33,208 Okay, ganito, pupuntahan ko siya. Tatawagan kita ulit. 369 00:26:33,291 --> 00:26:34,208 Salamat. 370 00:26:43,958 --> 00:26:45,833 Excuse me, nakita mo ba siya? 371 00:26:45,916 --> 00:26:46,750 Hindi. 372 00:26:49,666 --> 00:26:51,541 Excuse me, nakita mo ba siya? 373 00:26:51,625 --> 00:26:53,000 - Hindi, sorry. - Salamat. 374 00:26:54,208 --> 00:26:55,125 Excuse me. 375 00:27:00,416 --> 00:27:02,375 Tara na! 376 00:27:02,916 --> 00:27:05,708 Gising, malapit na tayo sa Ibiza. 377 00:27:05,791 --> 00:27:08,000 Gising, bro, gising. 378 00:27:11,750 --> 00:27:14,083 - Giorgia. - Sabihin mong nahanap mo siya. 379 00:27:14,166 --> 00:27:15,166 Wala siya rito. 380 00:27:27,625 --> 00:27:29,041 Saan ka pupunta, Rachid? 381 00:27:30,208 --> 00:27:34,666 Kalma. Hindi ako tatakas. Tinanggal nila ang benda ko at dinischarge na. 382 00:27:35,416 --> 00:27:37,958 - A. - Bakit ganyan ang itsura mo? 383 00:27:39,291 --> 00:27:41,250 Di na nila ako pwedeng patagalin. 384 00:27:41,333 --> 00:27:44,333 Isang linggo lang dapat ako rito, pero umabot nang isang buwan. 385 00:27:45,083 --> 00:27:48,500 Kailangan nila 'yong kama. May ibang baliw na darating. 386 00:27:48,583 --> 00:27:50,083 Ano? Nalulungkot ka? 387 00:27:50,166 --> 00:27:53,791 Hindi. Medyo. Pero masaya ako para sa 'yo. 388 00:27:54,500 --> 00:27:55,791 Saan ka pupunta? 389 00:27:55,875 --> 00:27:59,750 Naisip kong sumama sa 'yo. Sa bahay mo, kasi mahal mo ako. 390 00:27:59,833 --> 00:28:00,750 Pwede ba? 391 00:28:02,166 --> 00:28:04,083 Kalma! Magiging parang aso ako. 392 00:28:04,166 --> 00:28:07,333 Pupunta ako kung saan pwede at babatuhin ako ng buto. 393 00:28:07,416 --> 00:28:10,083 Wala ka rin namang magagawa. 394 00:28:10,958 --> 00:28:12,333 Wala kang pakialam. 395 00:28:14,500 --> 00:28:15,333 Bye. 396 00:28:23,000 --> 00:28:28,250 Sumadsad sa ilalim Hinahanap ang dagat 397 00:28:29,583 --> 00:28:32,625 O, ligaya 398 00:28:33,416 --> 00:28:37,166 Parang alon na naghihintay 399 00:28:37,875 --> 00:28:40,833 O, ligaya 400 00:28:41,416 --> 00:28:44,791 Parang anino na dumarating at umaalis 401 00:28:54,625 --> 00:28:58,208 - Pangit ang desisyon ng korte? - Hindi, maganda. 402 00:28:59,250 --> 00:29:00,791 Bakit ganyan ang mukha mo? 403 00:29:02,416 --> 00:29:03,666 Di ko alam. 404 00:29:04,875 --> 00:29:08,041 Si Alessandro, Armando, 405 00:29:08,791 --> 00:29:10,541 at ngayon si Rachid. 406 00:29:10,625 --> 00:29:12,291 Umaalis lahat. 407 00:29:12,375 --> 00:29:14,125 Nandito pa ako. 408 00:29:16,625 --> 00:29:17,916 Ang best piece. 409 00:29:20,208 --> 00:29:21,958 Hindi ako sapat? Ha? 410 00:29:26,000 --> 00:29:26,833 Halika rito. 411 00:29:28,500 --> 00:29:29,333 Halika rito. 412 00:29:34,875 --> 00:29:39,416 Kapag malungkot ka, lumalabas ang pagiging ina ko. 413 00:29:39,500 --> 00:29:42,125 Gusto na kitang mahalin. 414 00:29:43,625 --> 00:29:44,958 Buti na lang… 415 00:29:46,500 --> 00:29:48,083 hindi nagtatagal 'yon. 416 00:29:51,500 --> 00:29:53,875 Aalis na ako bukas. 417 00:29:55,583 --> 00:29:57,708 Di na nila alam ang gagawin sa akin. 418 00:30:00,625 --> 00:30:02,625 Ano'ng gagawin mo pag wala ako? 419 00:30:04,875 --> 00:30:06,041 Di ko alam. 420 00:30:06,125 --> 00:30:07,416 Ako rin. 421 00:30:09,166 --> 00:30:10,000 Ako rin. 422 00:30:22,208 --> 00:30:24,916 Hoy, tigil! Saan ka pupunta? 423 00:30:31,375 --> 00:30:33,583 Mario! Tumawag ka sa ER! 424 00:30:38,958 --> 00:30:42,291 Daniele, nasa ER si Nina. Hindi siya okay. 425 00:31:17,708 --> 00:31:19,041 Buksan n'yo ang pinto! 426 00:31:19,125 --> 00:31:21,041 - Buksan n'yo ang pinto! - Wag kang sumigaw! 427 00:31:21,125 --> 00:31:23,291 Buksan n'yo ang pinto! 428 00:31:23,375 --> 00:31:25,666 - Naka-code red kami! Kalma! - Pabukas! 429 00:31:25,750 --> 00:31:27,708 - Daniele! - Papasukin n'yo ako! 430 00:31:27,791 --> 00:31:29,666 - Daniele! Wag! - Kailangan kong pumasok! 431 00:31:29,750 --> 00:31:33,250 Tigil! Pwedeng tawagin mo 'yong naka-duty na doktor? 432 00:31:33,333 --> 00:31:35,000 - Papasukin… - Uy, Daniele! 433 00:31:35,666 --> 00:31:37,250 - Gusto ko siyang makita! - Kalma. 434 00:31:37,333 --> 00:31:39,666 Dapat papasukin nila ako. Gusto ko siyang makita. 435 00:31:39,750 --> 00:31:41,125 Makakapasok ka. Kalma. 436 00:31:41,208 --> 00:31:44,166 - Bakit ayaw nila akong papasukin? - Umupo ka. 437 00:31:44,250 --> 00:31:46,750 Maghintay ka. Di ka pwedeng basta pumasok. 438 00:31:46,833 --> 00:31:48,875 - Alam mo 'yon. - Gusto ko lang siyang makita. 439 00:31:48,958 --> 00:31:49,916 Uy. 440 00:31:50,000 --> 00:31:51,208 Kumusta? 441 00:31:51,291 --> 00:31:52,833 Maaga pa para sabihin. 442 00:31:52,916 --> 00:31:55,791 Na-cardiac arrest siya, pero natulungan namin. 443 00:31:55,875 --> 00:31:59,375 Positive sa alak, benzodiazepine at cocaine 'yong dugo niya. 444 00:31:59,458 --> 00:32:01,833 Pina-pump namin ang tiyan niya. Kakayanin niya. 445 00:32:01,916 --> 00:32:05,333 - Salamat. Sasabihin ko kay Elisabetta. - Nakausap ko siya. 446 00:32:07,541 --> 00:32:08,583 Narinig mo 'yon? 447 00:32:10,250 --> 00:32:11,083 Kumalma ka. 448 00:32:15,166 --> 00:32:18,291 Elisabetta? Oo, nasa ER ako kasama si Daniele. 449 00:32:20,166 --> 00:32:21,000 Sige. 450 00:32:23,000 --> 00:32:23,875 Okay. 451 00:32:31,916 --> 00:32:33,791 Anak. Halika rito. 452 00:32:33,875 --> 00:32:35,000 Kumusta siya? 453 00:32:36,333 --> 00:32:39,708 Pinump ang tiyan niya. Di siya okay pagdating dito. 454 00:32:39,791 --> 00:32:41,208 Bumubuti ang lagay niya. 455 00:32:42,250 --> 00:32:43,500 Gusto kong sabihing… 456 00:32:45,583 --> 00:32:46,416 Halika. 457 00:32:47,500 --> 00:32:51,000 - Kasalanan ko. - Hindi. 458 00:32:54,958 --> 00:32:56,750 Okay lang lahat. 459 00:32:57,833 --> 00:33:00,250 Okay lang lahat. Oo, mahal. 460 00:33:07,916 --> 00:33:08,833 Honey. 461 00:33:10,000 --> 00:33:13,500 Mama. Nakakagulat na magkasama kayo. 462 00:33:16,333 --> 00:33:18,166 - Sorry. - Kasalanan ko. 463 00:33:18,250 --> 00:33:21,166 - Sorry. - Ginulo ko lahat. 464 00:33:21,250 --> 00:33:24,125 Sinusubukan kong gawing tama, pero lagi akong nagkakamali. 465 00:33:24,208 --> 00:33:25,041 Di totoo 'yan. 466 00:33:26,333 --> 00:33:29,166 Ibibigay siya ng judge sa 'yo. At tama siya. 467 00:33:29,250 --> 00:33:30,666 - Hindi. - Tama siya. 468 00:33:32,250 --> 00:33:33,125 Kumusta ka? 469 00:33:34,000 --> 00:33:36,125 - Nagkamali ako. - Wag kang mag-alala. 470 00:33:36,208 --> 00:33:38,000 Nakita mo 'yong ginawa ko? 471 00:33:38,500 --> 00:33:40,666 - Di mo kasalanan, kasalanan ko. - Hindi. 472 00:33:40,750 --> 00:33:43,625 Ginagawa ko nang tama, pero lagi akong mali. 473 00:33:43,708 --> 00:33:45,666 - Hindi. - Pero sinubukan ko. 474 00:33:46,625 --> 00:33:48,875 Sweetie, tingnan mo ang nandito. 475 00:33:48,958 --> 00:33:50,541 - Maria. - Mama. 476 00:33:50,625 --> 00:33:51,583 Sweetie. 477 00:33:51,666 --> 00:33:53,458 Nandito si Mama. 478 00:33:53,541 --> 00:33:55,625 - Hi. - Maria. 479 00:33:55,708 --> 00:33:56,875 Ayan na si Mama. 480 00:33:58,750 --> 00:34:00,375 Mabuti kang ina. 481 00:34:01,625 --> 00:34:04,125 Binigay mo lahat sa kanya at mahal ka niya. 482 00:34:07,458 --> 00:34:11,250 Di ba, Maria? Mahal na mahal mo si Mama. 483 00:34:13,208 --> 00:34:17,458 Gaano mo kamahal si Mama? Ha? 484 00:34:19,291 --> 00:34:21,291 Magpapahinga na si Mama. Halika. 485 00:34:23,250 --> 00:34:24,250 Ayan. 486 00:34:34,416 --> 00:34:35,500 Halika. 487 00:34:47,291 --> 00:34:51,166 Pwede mong tulain 'yong isa sa mga tula mo para makatulog ako? 488 00:34:54,791 --> 00:34:58,500 Nagsulat ako para kay Maria, pero wala rito. Susubukan ko. 489 00:34:58,583 --> 00:34:59,416 Sige. 490 00:35:04,541 --> 00:35:08,333 Kapag ngumiti ka at masaya ka 491 00:35:11,875 --> 00:35:13,625 Walang kasamaan 492 00:35:16,750 --> 00:35:22,875 Nanginginig ang mga braso mo May mga inaabot na bagay na di nakikita 493 00:35:26,083 --> 00:35:30,583 Mga liwanag at anino Palihim na nakikipaglaro sa 'yo 494 00:35:31,625 --> 00:35:33,958 Sa wikang ipinagbabawal sa lahat 495 00:35:36,208 --> 00:35:39,500 At hinaharangan ng itim na ulap ang araw 496 00:35:44,541 --> 00:35:48,083 Itim na pader Hinaplos ng kamay mo ang alikabok 497 00:35:50,916 --> 00:35:53,791 Saglit na tinitiis ng mga mata mo ang sakit 498 00:35:56,000 --> 00:35:58,041 At bumalik ang ngiti mo 499 00:36:00,708 --> 00:36:06,416 Ang liwanag mula sa kalawakan Nasa kuwartong ito 500 00:36:09,000 --> 00:36:09,833 Tapos na. 501 00:36:11,625 --> 00:36:13,666 Ang ganda. Sobrang ganda. 502 00:36:14,666 --> 00:36:15,500 Salamat. 503 00:36:17,875 --> 00:36:19,375 Gagawan mo ba ako? 504 00:36:20,458 --> 00:36:21,291 Oo. 505 00:36:50,791 --> 00:36:53,166 ANGELICA 506 00:37:46,625 --> 00:37:47,541 Kadiri ka. 507 00:37:53,833 --> 00:37:54,791 Kadiri. 508 00:39:04,041 --> 00:39:05,208 Birheng Maria. 509 00:39:18,750 --> 00:39:20,125 Birheng Maria. 510 00:39:29,291 --> 00:39:31,375 MAKALIPAS ANG TATLONG BUWAN 511 00:39:42,250 --> 00:39:44,666 Tingnan mo 'yong pila, Rossana. 512 00:39:44,750 --> 00:39:47,166 So? Hindi sila hihingi ng tiket. 513 00:39:47,916 --> 00:39:49,583 - Malupit ka. - Tara na. 514 00:39:51,291 --> 00:39:52,625 Kita mo? Gumalaw agad. 515 00:39:53,875 --> 00:39:55,333 - Salamat, bye. - Salamat. 516 00:39:56,166 --> 00:39:57,333 - Hi. - Hi. 517 00:39:58,291 --> 00:39:59,333 Pwedeng pahingi… 518 00:40:00,375 --> 00:40:01,416 nang sampu? 519 00:40:01,500 --> 00:40:02,333 Sampu? 520 00:40:03,083 --> 00:40:05,125 - Ako ang mama niya. - Halata naman. 521 00:40:07,291 --> 00:40:09,666 Ayan. Dapat 120, pero 100 na lang. 522 00:40:09,750 --> 00:40:10,875 - Salamat. - Salamat. 523 00:40:10,958 --> 00:40:12,625 - Ako si Angelica. - Anna. 524 00:40:13,875 --> 00:40:16,541 Importanteng teatro 'to, Gianluca. 525 00:40:17,208 --> 00:40:18,375 Oo, ang ganda. 526 00:40:29,625 --> 00:40:30,458 Daniele. 527 00:40:33,250 --> 00:40:35,458 - Punong-puno. - Oo. Mamamatay na ako. 528 00:40:35,541 --> 00:40:38,083 Hindi, kalma. Kaya mo 'yon. 529 00:40:39,250 --> 00:40:40,541 - Ako muna. - Okay. 530 00:40:40,625 --> 00:40:42,458 Wag kang tatakas. Susunod ka. 531 00:40:44,416 --> 00:40:45,333 Di ako tatakas. 532 00:40:47,166 --> 00:40:48,125 Magandang gabi. 533 00:40:49,083 --> 00:40:52,875 Salamat sa pagpunta. Ako si Angelica Visentin mula sa Bibli. 534 00:40:52,958 --> 00:40:57,541 Ngayong gabi, ipapakita natin ang unang koleksiyon ng tula ni Daniele Cenni, 535 00:40:57,625 --> 00:40:59,000 Pinagsaluhang Mga Araw. 536 00:41:00,458 --> 00:41:02,791 Nagsimula siyang magsulat ng tula noong high school, 537 00:41:02,875 --> 00:41:05,625 pero di niya naisip na ilathala kasi sabi niya, 538 00:41:05,708 --> 00:41:07,208 "Hindi ka kikita." 539 00:41:09,166 --> 00:41:11,458 Di mo siya masisisi. 540 00:41:11,541 --> 00:41:16,708 Pero dapat ilathala ang magagandang tula. Di lang market ang iisipin natin. 541 00:41:17,416 --> 00:41:20,500 Kung walang tula, magiging mangmang ang sangkatauhan. 542 00:41:21,083 --> 00:41:24,625 Emotionally illiterate. Pinagdadaanan natin 'yon ngayon. 543 00:41:26,791 --> 00:41:29,458 Naniniwala kaming totoong makata si Daniele. 544 00:41:29,541 --> 00:41:32,208 Kayo ang manghusga. Pakinggan natin siya. 545 00:41:40,208 --> 00:41:42,125 Magandang gabi. 546 00:41:42,208 --> 00:41:43,666 Go, Daniele! 547 00:41:45,875 --> 00:41:47,000 Magandang gabi. 548 00:41:47,666 --> 00:41:51,708 Di ko talaga alam ang sasabihin ko. Sinabi na ni Angelica lahat. 549 00:41:53,541 --> 00:41:54,666 Well… 550 00:41:54,750 --> 00:42:00,708 Naging outlet ko na ang tula. Mga naiisip na ginawang… 551 00:42:01,500 --> 00:42:04,541 Sabihin na nating, deklarasyon ng pag-ibig. Oo. 552 00:42:07,291 --> 00:42:10,625 Tinatalakay nito ang mga nangyari sa mga nakaraang taon, 553 00:42:10,708 --> 00:42:13,125 nangyari sa akin, at marami sa inyo ang nandito. 554 00:42:14,125 --> 00:42:18,583 Anyway, dapat pasalamatan ko ang Bibli, ang publishing house, 555 00:42:18,666 --> 00:42:20,166 at si Angelica Visentin. 556 00:42:20,750 --> 00:42:21,750 Salamat. 557 00:42:22,375 --> 00:42:23,500 Bravo. 558 00:42:27,541 --> 00:42:31,750 Pareho nating kilala ang lalaking dalubhasa sa tula. 559 00:42:32,500 --> 00:42:34,125 Dalubhasa rin sa buhay. 560 00:42:34,708 --> 00:42:38,625 Magbabasa na ako ng ilang tula. Ang una ay pinamagatang Iangat. 561 00:42:40,083 --> 00:42:41,916 Wala na akong nakita 562 00:42:42,000 --> 00:42:44,250 Di na maalala ng mga mata ko kung paano umiyak 563 00:42:44,916 --> 00:42:47,083 Tapos ikaw, sumulpot ka 564 00:42:48,041 --> 00:42:51,375 Ina o ama o di kilalang mukha 565 00:42:52,000 --> 00:42:55,041 Ipinahiram mo ang mga mata mo at nakita ko ulit 566 00:42:55,125 --> 00:42:56,333 Kahit may sakit 567 00:42:57,541 --> 00:43:01,250 Kahit tapos na ang gutom at uhaw 568 00:43:01,333 --> 00:43:04,791 Dumating ka, isang dayuhan Sa gitna ng kalsada 569 00:43:05,375 --> 00:43:08,375 Para maalala ko kung paano kumain at uminom 570 00:43:09,041 --> 00:43:10,500 Pero di no'n napigilan ang sakit 571 00:43:11,916 --> 00:43:14,458 Ikaw, dayuhan sa loob ng ospital 572 00:43:15,333 --> 00:43:18,625 O sa ilalim ng dagat Tinuruan mo akong magalit 573 00:43:19,750 --> 00:43:21,750 Na walang yayakap sa galit ko 574 00:43:22,958 --> 00:43:26,583 Kaya nagalit ako, umaasa pa rin 575 00:43:27,416 --> 00:43:29,125 Ikaw, gawa sa laman at dugo 576 00:43:29,750 --> 00:43:34,083 Bihis ng kagandahan Kaya nanginginig ang boses at mga binti ko 577 00:43:35,208 --> 00:43:39,708 Ibinigay mo ang bibig mo para halikan Ang buong kaluluwa mo para pasukin 578 00:43:39,791 --> 00:43:43,166 At nanatili roon, habambuhay na may pagmamahal 579 00:43:44,291 --> 00:43:46,291 - 'Yon lang. - Bravo! 580 00:43:46,375 --> 00:43:48,500 - Bravo! - Bravo! 581 00:43:49,500 --> 00:43:50,375 Go, Daniele! 582 00:44:04,791 --> 00:44:06,125 Ang galing! 583 00:44:23,125 --> 00:44:30,000 EVERYTHING CALLS FOR SALVATION 584 00:44:37,125 --> 00:44:40,333 BASE SA "TUTTO CHIEDE SALVEZZA" NI DANIELE MENCARELLI 585 00:48:12,666 --> 00:48:14,541 Nagsalin ng Subtitle: Lea Torre