1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.LT
2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.LT
3
00:00:38,791 --> 00:00:40,625
Ang hirap simulan nito.
4
00:00:41,833 --> 00:00:45,250
Para ikuwento ko ang nangyaring murder
noong Biyernes Santo,
5
00:00:45,333 --> 00:00:46,958
dito ako magsisimula.
6
00:00:47,625 --> 00:00:51,750
Siyam na buwan na noong may sinabi
'yong gagong deacon na kabastusan,
7
00:00:51,833 --> 00:00:53,041
at ito ang ginawa ko.
8
00:00:58,333 --> 00:00:59,958
Tangina.
9
00:01:00,750 --> 00:01:03,083
Ano, palaban ka pala?
10
00:01:03,583 --> 00:01:05,708
Hindi po, Father, hindi talaga.
11
00:01:05,791 --> 00:01:09,041
Iba ang sasabihin ng deacon.
Kung di lang basag ang panga niya.
12
00:01:09,125 --> 00:01:11,750
Sa dating buhay ko, opo, boksingero ako.
13
00:01:12,250 --> 00:01:14,833
Palaboy-laboy. May mga nagawa ring iba.
14
00:01:14,916 --> 00:01:18,708
Kailangan natin ng mga palaban
pero para labanan ang mundo,
15
00:01:19,458 --> 00:01:21,083
hindi ang kapwa natin.
16
00:01:21,166 --> 00:01:24,625
Ang pari ay isang pastol.
Ang mundo ay isang lobo.
17
00:01:24,708 --> 00:01:25,833
Hindi po.
18
00:01:30,416 --> 00:01:33,625
Hindi ako naniniwala d'yan,
Father, mawalang-galang na po.
19
00:01:34,375 --> 00:01:36,500
Sa paglaban sa mga lobo,
di mo namamalayan,
20
00:01:36,583 --> 00:01:38,291
lahat ng di mo kasundo, lobo na.
21
00:01:39,333 --> 00:01:42,333
Likas pa rin sa 'king lumaban,
at nadala ako kanina.
22
00:01:42,416 --> 00:01:44,833
Pero di naparito si Hesus
para labanan ang mundo.
23
00:01:44,916 --> 00:01:46,208
Naniniwala ako do'n.
24
00:01:46,291 --> 00:01:48,708
Ganito dapat, hindi ganito.
25
00:01:50,833 --> 00:01:52,666
Gusto ko lang maging mabuting pari.
26
00:01:53,625 --> 00:01:56,916
Iparating sa mga katulad ko
na pinapatawad at mahal sila ni Hesus.
27
00:01:57,000 --> 00:01:59,000
Kailangang-kailangan 'yon ng mundo.
28
00:02:01,708 --> 00:02:04,583
Pagbigyan n'yo po ako,
at pangako, gagawin ko 'yon.
29
00:02:16,958 --> 00:02:18,125
Your Excellency,
30
00:02:18,833 --> 00:02:21,041
maraming beses n'yo na akong sinalo.
31
00:02:21,125 --> 00:02:23,625
- Nabigo ko kayo, at kahit ano pa—
- Sige.
32
00:02:23,708 --> 00:02:24,791
Ganito...
33
00:02:25,291 --> 00:02:28,250
Kilalang gago si Deacon Clark.
34
00:02:28,333 --> 00:02:30,791
Wala talagang nagalit na sinapak mo siya.
35
00:02:30,875 --> 00:02:32,375
Kabaligtaran pa nga, e.
36
00:02:32,458 --> 00:02:34,583
Pero may kailangan kaming gawin.
37
00:02:36,041 --> 00:02:39,250
Ipadadala ka sa maliit na parokya
sa Chimney Rock.
38
00:02:39,333 --> 00:02:42,541
Isa lang ang pari doon ngayon.
39
00:02:43,666 --> 00:02:45,000
Assistant pastor?
40
00:02:45,083 --> 00:02:47,250
Wag ka munang magsaya.
41
00:02:47,333 --> 00:02:48,166
Bakit po?
42
00:02:49,583 --> 00:02:53,000
Pupunta ka
sa Our Lady of Perpetual Fortitude.
43
00:02:53,500 --> 00:02:56,583
Hawak 'yon ni Monsignor Jefferson Wicks.
Kilala mo siya?
44
00:02:57,458 --> 00:03:00,958
Sige. May mga sumusuporta kay Wicks dito.
Pero hindi ako isa do'n.
45
00:03:01,041 --> 00:03:02,125
Atin-atin lang 'to.
46
00:03:02,208 --> 00:03:05,166
Tila maluwag na ang tornilyo niya
at talagang tarantado siya.
47
00:03:05,916 --> 00:03:10,833
Pero di maikakailang ang parokya niya,
lumiliit at wala nang pagbabago.
48
00:03:11,791 --> 00:03:15,333
Puwedeng gawin doon
ang mga sinabi mo kanina. Kuha mo?
49
00:03:15,958 --> 00:03:18,291
Hindi po, pero opo na rin.
50
00:03:18,375 --> 00:03:20,458
Opo, opo, opo.
51
00:03:20,541 --> 00:03:23,416
- Kasama ko ang Holy Spirit. Ako'ng bahala.
- Oy.
52
00:03:23,500 --> 00:03:26,125
Ganito dapat, hindi ganito, di ba?
53
00:03:31,166 --> 00:03:32,375
Good luck, iho.
54
00:03:38,166 --> 00:03:40,791
Gano'n ako napadpad sa Chimney Rock.
55
00:03:43,333 --> 00:03:45,166
Si Daniel sa kulungan ng leon.
56
00:03:45,250 --> 00:03:47,000
Si David na kalaban si Goliath.
57
00:03:47,500 --> 00:03:49,458
Walang muwang pero maka-Hesus.
58
00:03:50,000 --> 00:03:51,750
Handa sa kahit ano.
59
00:04:23,791 --> 00:04:24,875
Father Jefferson?
60
00:04:25,791 --> 00:04:28,083
Hello. Si Jud Duplenticy po ako ng Albany.
61
00:04:28,166 --> 00:04:30,875
Sumaiyo ang Panginoon,
Jud Duplenticy ng Albany.
62
00:04:34,000 --> 00:04:36,125
Aagawin mo sa 'kin ang simbahan ko?
63
00:04:38,250 --> 00:04:39,250
Hindi po.
64
00:04:39,833 --> 00:04:40,708
Mabuti.
65
00:04:41,583 --> 00:04:44,000
Sige, tawagin mo akong Monsignor Wicks.
66
00:04:44,916 --> 00:04:46,208
Kilala mo na si Martha.
67
00:04:47,083 --> 00:04:48,333
Si Martha? Hindi po.
68
00:04:48,416 --> 00:04:49,916
- Monsignor Wicks.
- Diyos ko!
69
00:04:50,000 --> 00:04:53,875
Maaga akong gumising para linisin
ang mga plata. Mamantsa kasi.
70
00:04:53,958 --> 00:04:55,500
Ayos lang 'yan, Martha.
71
00:04:55,583 --> 00:04:57,791
Father... Jud.
72
00:04:59,083 --> 00:05:00,375
Welcome ka rito.
73
00:05:00,875 --> 00:05:02,500
Salamat, Martha.
74
00:05:02,583 --> 00:05:05,208
Sinasabi ko nga kay Father Wicks...
75
00:05:05,291 --> 00:05:06,875
Monsignor Wicks.
76
00:05:07,708 --> 00:05:09,583
Monsignor, tama. Pasensiya na.
77
00:05:10,083 --> 00:05:11,708
Sorry din sa "Diyos ko" ko kanina.
78
00:05:14,166 --> 00:05:15,666
Mukhang ayos 'tong nangyayari.
79
00:05:15,750 --> 00:05:17,750
Ipinadala ka ni Bishop Langstrom?
80
00:05:19,166 --> 00:05:20,250
Si Langstrom.
81
00:05:20,750 --> 00:05:22,000
Kilala ko siya.
82
00:05:22,500 --> 00:05:24,708
Pinili ka niya, ipinadala ka rito.
83
00:05:25,500 --> 00:05:27,000
May ibig sabihin ito.
84
00:05:29,583 --> 00:05:30,791
Malaman ito.
85
00:05:31,916 --> 00:05:34,708
Alam kong sanay kayong
mag-isa lang dito, pero...
86
00:05:35,291 --> 00:05:36,916
Nandito ako para maglingkod.
87
00:05:38,416 --> 00:05:39,625
Mangungumpisal ako.
88
00:05:41,958 --> 00:05:43,083
Sige.
89
00:05:47,166 --> 00:05:49,708
Basbasan mo ako, Ama,
dahil ako'y nagkasala.
90
00:05:49,791 --> 00:05:51,000
Anim na linggo na
91
00:05:51,875 --> 00:05:54,291
mula noong huli akong nangumpisal.
92
00:05:58,708 --> 00:06:01,250
Nainggit ako sa yamang materyal ng iba.
93
00:06:02,125 --> 00:06:06,750
Nakita ko 'yong commercial ng luxury car.
Pinapalabas sa TV ni Sam. Lexus.
94
00:06:07,416 --> 00:06:08,625
Naisip ko no'n,
95
00:06:09,625 --> 00:06:11,125
"Ang gandang kotse no'n."
96
00:06:11,958 --> 00:06:13,458
'Yong coupe.
97
00:06:15,958 --> 00:06:17,958
Nainggit ako sa mga makapangyarihan.
98
00:06:19,375 --> 00:06:22,000
Sa lolo ko bilang pari. Gusto ko 'yon.
99
00:06:22,833 --> 00:06:24,041
Kahit dati pa.
100
00:06:27,541 --> 00:06:28,958
Nagsalsal ako...
101
00:06:31,708 --> 00:06:33,708
apat na beses ngayong linggo.
102
00:06:33,791 --> 00:06:36,625
Apat o limang beses kada linggo
nang mga anim na linggo?
103
00:06:36,708 --> 00:06:39,791
Ipagpalagay nating
30 beses akong nagsalsal.
104
00:06:40,833 --> 00:06:44,458
Ngayong linggo,
sa kama ko, minsan isang umaga.
105
00:06:44,958 --> 00:06:49,041
Isang beses sa shower nang nakatayo.
Mas kumportable 'yon.
106
00:06:49,125 --> 00:06:51,250
Gumamit lang ako ng bath gel.
107
00:06:52,833 --> 00:06:55,541
Isang beses sa gabi no'ng nanaginip ako—
108
00:06:55,625 --> 00:06:58,208
- Okay na 'yon.
- Tungkol sa Japanese cat café.
109
00:06:58,291 --> 00:07:00,625
- Okay.
- May nabasa kasi akong article.
110
00:07:00,708 --> 00:07:05,916
Pero babae 'yong mga pusa,
kaya alam mo na...
111
00:07:06,583 --> 00:07:08,000
Hindi ako nakapaghanda,
112
00:07:08,083 --> 00:07:12,125
kaya napilitan akong maglabas
sa Catholic Chronicle magazine.
113
00:07:12,833 --> 00:07:16,916
'Yon lang kasi ang nasa mesa.
Hiwalay pang kasalanan siguro 'yon.
114
00:07:17,416 --> 00:07:20,250
Ewan ko, baka hindi, pero... Hindi maganda.
115
00:07:21,541 --> 00:07:23,958
Akala ko noon, weird lang 'yon.
116
00:07:24,750 --> 00:07:26,916
Pero ngayon, alam ko na kung ano 'yon.
117
00:07:27,000 --> 00:07:29,333
'Yon ang unang suntok ni Wicks.
118
00:07:29,416 --> 00:07:31,458
Limang Hail Mary at isang Glory Be.
119
00:07:33,166 --> 00:07:34,458
Salamat, Father.
120
00:07:40,041 --> 00:07:41,541
Hindi 'yon ang huli niya.
121
00:07:41,625 --> 00:07:42,875
At welcome nga pala
122
00:07:43,666 --> 00:07:45,083
sa simbahan ko.
123
00:07:48,750 --> 00:07:51,208
Sa mga sumunod na linggo, tumuloy ako
124
00:07:51,291 --> 00:07:53,500
sa Our Lady of Perpetual Fortitude.
125
00:07:59,166 --> 00:08:03,791
Tanging isa pang full-time na empleyado
si Samson na tagaayos ng lugar.
126
00:08:04,500 --> 00:08:05,583
Si Sam.
127
00:08:11,125 --> 00:08:12,833
Si Monsignor Wicks
128
00:08:12,916 --> 00:08:17,000
ang nagbibigay-lakas sa 'kin araw-araw
na wag balikan ang alak.
129
00:08:17,916 --> 00:08:19,333
Umiinom din siya noon.
130
00:08:20,000 --> 00:08:24,083
Sabi niya, "Kung kaya kong labanan
ang demonyong 'yon, kaya mo rin."
131
00:08:25,375 --> 00:08:27,291
At araw-araw, pahirapan.
132
00:08:28,166 --> 00:08:29,250
Pero nalalabanan ko.
133
00:08:30,541 --> 00:08:34,041
Utang ko 'yon sa kanya at...
kay Martha kong mahal.
134
00:08:34,125 --> 00:08:36,625
Kay... Kay Martha mong mahal?
135
00:08:36,708 --> 00:08:38,333
Gagawin ko lahat para sa kanya.
136
00:08:39,708 --> 00:08:40,916
Ang anghel ko sa lupa.
137
00:08:42,166 --> 00:08:45,458
Sa simbahan, si Martha
ang nag-aasikaso sa lahat.
138
00:08:45,541 --> 00:08:48,750
Siya ang nag-aasikaso
sa mga record, donasyon, papeles.
139
00:08:48,833 --> 00:08:49,958
I-file mo 'to.
140
00:08:50,541 --> 00:08:52,958
Naglalaba ng abito, nag-aayos ng supplies,
141
00:08:53,041 --> 00:08:55,166
nagpapakain kay Wicks, nag-o-organ.
142
00:08:58,875 --> 00:09:00,791
Alam niya ang lahat ng sekreto.
143
00:09:01,583 --> 00:09:03,666
- Ito ang crypt?
- Oo.
144
00:09:03,750 --> 00:09:06,708
Nakakainis nga.
Kailangang maglagay ng CCTV dito.
145
00:09:07,208 --> 00:09:09,333
- May pasukan ba 'to?
- Meron.
146
00:09:10,500 --> 00:09:11,708
Eto,
147
00:09:12,208 --> 00:09:13,333
Lazarus door 'to.
148
00:09:13,416 --> 00:09:14,250
ETITS
149
00:09:14,333 --> 00:09:16,916
Kailangan ng heavy equipment
para mabuksan sa labas.
150
00:09:17,000 --> 00:09:19,875
Pero sa pagkakaayos, isang tulak lang,
151
00:09:20,458 --> 00:09:22,875
basta mula sa loob, babagsak agad 'to.
152
00:09:24,125 --> 00:09:25,458
Sino ba'ng nakalibing?
153
00:09:25,541 --> 00:09:26,541
Si Prentice.
154
00:09:27,166 --> 00:09:31,416
Lolo ni Wicks,
ang nagtatag ng simbahang 'to.
155
00:09:31,500 --> 00:09:33,000
Parang tatay ko na rin siya.
156
00:09:33,666 --> 00:09:35,666
Nakakasuka.
157
00:09:35,750 --> 00:09:40,000
Dinodrowingan ng rocket ship ng mga bata
ang sagradong himlayan niya.
158
00:09:46,708 --> 00:09:47,791
Ano'ng ginagawa mo?
159
00:09:50,208 --> 00:09:52,125
Medyo marunong ako sa kahoy,
160
00:09:52,208 --> 00:09:55,708
kaya nanghiram ako ng gamit kay Sam
para gumawa ng maayos—
161
00:09:55,791 --> 00:09:57,000
Hayaan mo na 'yan.
162
00:09:57,083 --> 00:09:59,958
Paalala 'yan ng kahihiyang ginawa
no'ng pokpok na 'yon
163
00:10:01,500 --> 00:10:02,916
Mangungumpisal ako.
164
00:10:04,875 --> 00:10:06,000
MGA BABASAHIN SA SPRING
165
00:10:06,083 --> 00:10:07,416
Oo, 'yong pokpok na 'yon.
166
00:10:08,125 --> 00:10:09,625
Nanay ni Wicks 'yon.
167
00:10:09,708 --> 00:10:12,333
Ano'ng kuwento do'n?
168
00:10:12,416 --> 00:10:14,625
Kaladkarin siya at puta siya.
169
00:10:15,458 --> 00:10:16,291
Okay.
170
00:10:16,375 --> 00:10:19,583
Noong nagpari si Prentice
at itinatag ang simbahang ito,
171
00:10:19,666 --> 00:10:21,833
biyudo siya na may anak na babae.
172
00:10:22,958 --> 00:10:24,541
Grace ang pangalan niya.
173
00:10:25,125 --> 00:10:26,750
Pasaway mula pa noon.
174
00:10:26,833 --> 00:10:32,166
Mahilig siyang manamit na tila hubadera
at 'yong mga mamahalin pa.
175
00:10:32,250 --> 00:10:33,458
Mamahalin...
176
00:10:34,166 --> 00:10:35,041
Oo.
177
00:10:35,125 --> 00:10:37,958
No'ng teenager si Grace,
kumekerengkeng siya sa bar,
178
00:10:38,041 --> 00:10:40,250
hanggang nabuntis ng isang palaboy.
179
00:10:41,208 --> 00:10:45,291
Nakalagak sa bangko
ang yaman ng pamilya nina Prentice.
180
00:10:45,791 --> 00:10:48,416
Para maprotektahan
ang apo niyang si Wicks,
181
00:10:48,500 --> 00:10:53,083
nangako si Prentice
na kung titira sa kanya si Grace,
182
00:10:53,791 --> 00:10:56,916
ipapamana niya ang lahat kay Grace.
183
00:10:57,916 --> 00:11:01,750
Kaya naghintay ang puta
na mamatay ang tatay niya.
184
00:11:03,041 --> 00:11:05,083
Nabagabag doon si Prentice.
185
00:11:05,166 --> 00:11:06,666
Martha, tandaan mo ito.
186
00:11:07,833 --> 00:11:10,666
Ang yaman,
at ang kapangyarihang kaakibat no'n,
187
00:11:11,416 --> 00:11:12,666
ay mansanas ni Eba.
188
00:11:13,916 --> 00:11:16,041
Tuksong nagdudulot ng pagbagsak.
189
00:11:17,291 --> 00:11:21,125
Poprotektahan ko ang mga mahal natin
laban sa pambubulok no'n,
190
00:11:22,208 --> 00:11:23,625
anuman ang kapalit.
191
00:11:24,375 --> 00:11:26,208
Dumating din ang araw niya.
192
00:11:26,291 --> 00:11:27,541
Nandoon ako.
193
00:11:28,625 --> 00:11:31,833
Nakita ko ang huling komunyon ni Prentice
194
00:11:31,916 --> 00:11:34,666
at ang pagpanaw niya sa banal na altar.
195
00:11:34,750 --> 00:11:36,166
Nang payapa.
196
00:11:36,958 --> 00:11:40,458
Deretso agad 'yong pokpok
sa abogado ni Prentice.
197
00:11:41,041 --> 00:11:44,250
"Akin na ang pera ko," sabi niya.
198
00:11:45,208 --> 00:11:46,833
Alam mo ang sagot sa kanya?
199
00:11:47,958 --> 00:11:52,458
"Oo, ikaw ang tagapagmana
ng bawat sentimong naiwan ni Prentice."
200
00:11:53,250 --> 00:11:54,875
At sa mga account ni Prentice,
201
00:11:56,166 --> 00:11:59,166
wala ni isang kusing.
202
00:12:00,208 --> 00:12:02,041
Ano'ng ginawa niya sa pera niya?
203
00:12:02,125 --> 00:12:04,041
Ibinigay raw niya sa mahihirap.
204
00:12:04,666 --> 00:12:07,541
Itinapon daw sa dagat. Walang nakakaalam.
205
00:12:08,416 --> 00:12:09,416
Naglaho na lang.
206
00:12:10,375 --> 00:12:14,208
Huling pagpapakita ng kabutihan
ng banal na lalaking 'yon
207
00:12:15,333 --> 00:12:19,625
ang ilayo sa masasamang tao
ang nakasisirang tukso.
208
00:12:20,666 --> 00:12:22,500
Ang tanging iniwan niya kay Grace...
209
00:12:25,541 --> 00:12:26,541
{\an8}Ito 'yon.
210
00:12:27,166 --> 00:12:29,208
{\an8}"Ano 'to?" tanong ni Grace.
211
00:12:30,291 --> 00:12:31,708
Pero malinaw sa 'kin.
212
00:12:32,416 --> 00:12:34,250
Wag hanapin ang mansanas ni Eba.
213
00:12:34,916 --> 00:12:38,333
Si Hesukristo na
ang tunay na pamana sa 'yo.
214
00:12:44,208 --> 00:12:46,833
No'ng gabing 'yon, naghiganti si Grace.
215
00:12:50,000 --> 00:12:52,000
Nagwala siyang parang demonyo,
216
00:12:52,083 --> 00:12:55,750
at nilapastangan niya
ang banal na lugar na ito.
217
00:13:11,416 --> 00:13:13,833
Panlalapastangan,
pagdungis sa banal na altar.
218
00:13:15,416 --> 00:13:17,250
Sukdulang kasamaan.
219
00:13:54,083 --> 00:13:56,458
Sabi ko, "Sister Grace,
220
00:13:56,541 --> 00:14:01,458
"patatawarin ka ng Diyos na iyong Ama
sa Kanyang pag-ibig."
221
00:14:18,041 --> 00:14:19,458
Namatay siya,
222
00:14:20,083 --> 00:14:22,375
inihagis ang sarili sa puntod ni Prentice.
223
00:14:25,541 --> 00:14:27,541
Sabi nila, aneurysm sa utak.
224
00:14:28,750 --> 00:14:30,666
Pinatay siya, sa tingin ko,
225
00:14:31,541 --> 00:14:34,875
ng Diyos sa Kanyang awa.
226
00:14:35,958 --> 00:14:37,500
Diyos ko po.
227
00:14:39,666 --> 00:14:40,666
Pasensya na po.
228
00:14:43,000 --> 00:14:46,333
Ang kadiliman ng kuwentong 'yon
ang pundasyon ng lugar na 'to.
229
00:14:47,166 --> 00:14:48,666
Ramdam mo talaga.
230
00:14:48,750 --> 00:14:50,083
Tanong niya, "Sabi nino..."
231
00:14:50,166 --> 00:14:54,500
Bakit pipiliin ng isang tao na gawing
espiritwal na tahanan niya 'to?
232
00:14:55,083 --> 00:14:58,083
May kanya-kanyang dahilan
ang mga pinakaregular.
233
00:14:58,166 --> 00:15:00,125
At sila ang mga suspek natin.
234
00:15:00,208 --> 00:15:01,833
Kaya ipapakilala ko sila.
235
00:15:02,500 --> 00:15:06,458
{\an8}Si Vera Draven, abogado rito.
Tapat at lubos ang kanyang debosyon.
236
00:15:08,625 --> 00:15:11,958
Abogado at kainuman ni Wicks ang tatay ko.
237
00:15:13,166 --> 00:15:14,166
Silang mga lalaki.
238
00:15:14,250 --> 00:15:18,625
Nag-abogado ka ba
para ituloy ang law firm niya rito?
239
00:15:18,708 --> 00:15:21,791
Nag-abogado ako
kasi marami akong gustong marating.
240
00:15:23,125 --> 00:15:25,958
Pero ang lugar na 'to
ang pamana ng tatay ko.
241
00:15:26,708 --> 00:15:27,750
At gusto niyang...
242
00:15:27,833 --> 00:15:30,208
- Salamat.
- ...ituloy ko ito kapag wala na siya.
243
00:15:30,291 --> 00:15:32,708
Kaya eto ako ngayon.
244
00:15:32,791 --> 00:15:34,625
Yo. Uy, Vera.
245
00:15:34,708 --> 00:15:37,041
- Hi. Salamat.
- Pakipuno naman 'to?
246
00:15:37,125 --> 00:15:39,625
Kakauwi lang ng ampon niyang si Cy
247
00:15:39,708 --> 00:15:42,416
matapos subukang pumasok
at mabigo sa politika.
248
00:15:42,500 --> 00:15:43,416
Hi.
249
00:15:43,500 --> 00:15:44,458
Uy.
250
00:15:44,541 --> 00:15:45,625
Okay.
251
00:15:46,666 --> 00:15:48,208
Masayang nandito na uli siya?
252
00:15:51,416 --> 00:15:54,416
No'ng kaka-graduate pa lang
ni Vera sa law school,
253
00:15:54,500 --> 00:15:58,250
umuwi ang tatay niya kasama si Cy
na sampung taong gulang no'n,
254
00:15:58,333 --> 00:16:00,666
at sinabi niyang si Vera
ang magpapalaki sa bata.
255
00:16:00,750 --> 00:16:02,166
Walang tanong-tanong.
256
00:16:03,750 --> 00:16:07,416
Malinaw sa lahat ng tagarito
na kapatid niya sa labas si Cy.
257
00:16:08,083 --> 00:16:09,500
Pero tinanggap 'yon ni Vera.
258
00:16:10,458 --> 00:16:11,750
Pinalaki niya ang bata.
259
00:16:11,833 --> 00:16:13,833
Marami na akong isinakripisyo
260
00:16:14,416 --> 00:16:19,041
para maging tapat sa tatay ko,
kay Cy, at kay Wicks.
261
00:16:20,375 --> 00:16:21,708
Kaya iniisip ko,
262
00:16:21,791 --> 00:16:25,208
kapag nakatingin sa 'kin ang tatay ko
mula sa langit,
263
00:16:25,291 --> 00:16:30,500
masayang-masaya siguro siya sa 'kin.
264
00:16:32,875 --> 00:16:34,291
Masarap sa feeling 'yon.
265
00:16:34,958 --> 00:16:36,041
Kaunti na lang, e.
266
00:16:36,125 --> 00:16:38,666
Golden boy ako ng GOP,
ang dakilang pag-asa.
267
00:16:38,750 --> 00:16:41,291
Marami akong koneksiyon,
alam ko ang pasikot-sikot.
268
00:16:41,375 --> 00:16:43,500
Kaso hindi ko nakuha ang mga botante.
269
00:16:43,583 --> 00:16:47,500
Wala yata ako
no'ng hinahanap-hanap na karisma.
270
00:16:47,583 --> 00:16:50,416
Mahirap bumuo
ng tapat na koneksiyon sa mga tao.
271
00:16:50,500 --> 00:16:51,708
Alam ko.
272
00:16:52,291 --> 00:16:54,708
Sinubukan ko na lahat. Mapausapang lahi.
273
00:16:54,791 --> 00:16:57,000
Mapausapang kasarian, trans,
274
00:16:57,083 --> 00:16:59,208
border, mga homeless,
275
00:16:59,291 --> 00:17:03,125
giyera, eleksiyon,
abortion, climate change.
276
00:17:03,916 --> 00:17:07,916
Mapausapang induction stove,
Israel, mga libro sa library, bakuna,
277
00:17:08,000 --> 00:17:11,083
mga pronoun, AK-47,
sosyalismo, Black Lives Matter,
278
00:17:11,166 --> 00:17:15,000
CRT, CDC, DEI, 5G, lahat na.
279
00:17:15,708 --> 00:17:18,125
Ginawa ko lahat. Pero walang nangyari.
280
00:17:20,458 --> 00:17:22,666
Manhid na ang mga tao. Ewan ko kung bakit.
281
00:17:22,750 --> 00:17:25,625
Baka kailangan nating
bumalik sa mga basic,
282
00:17:25,708 --> 00:17:29,166
sa mga simpleng bagay
na tunay na nakaka-inspire ng mga tao.
283
00:17:29,250 --> 00:17:31,291
Basic, 'yong ipakita
ang kinamumuhian nila,
284
00:17:31,375 --> 00:17:34,041
tapos takutin silang aagawin no'n
ang mahalaga sa kanila?
285
00:17:35,833 --> 00:17:37,125
Hindi, hindi gano'n.
286
00:17:37,708 --> 00:17:38,541
Vera.
287
00:17:38,625 --> 00:17:40,833
Si Nat Sharp, doktor ng mga tagarito.
288
00:17:41,416 --> 00:17:43,625
Buhay niya ang misis niyang si Darla.
289
00:17:44,291 --> 00:17:45,958
Siya ang mundo niya.
290
00:17:46,041 --> 00:17:47,875
Iniwan na 'ko ni Darla last week.
291
00:17:48,708 --> 00:17:49,625
Ikinalulungkot ko.
292
00:17:50,125 --> 00:17:53,000
Dinala ang mga bata at lumipat sa Tucson
293
00:17:54,166 --> 00:17:56,791
para sa lalaking nakilala niya
sa Phish message board.
294
00:18:00,416 --> 00:18:01,625
Phish, 'yong banda?
295
00:18:01,708 --> 00:18:03,125
Ewan ko.
296
00:18:04,541 --> 00:18:06,875
Nawawala na sa sarili si Dr. Nat.
297
00:18:06,958 --> 00:18:10,791
Hindi siya successful, mayaman,
o sapat para sa misis niya.
298
00:18:10,875 --> 00:18:13,000
Gagawin niya lahat para bumalik si Darla.
299
00:18:17,208 --> 00:18:19,833
Pinaka-celebrity namin dito sa lugar
300
00:18:19,916 --> 00:18:22,041
ang sci-fi writer na si Lee Ross.
301
00:18:23,125 --> 00:18:25,041
Siguro may alam kayong libro niya.
302
00:18:25,125 --> 00:18:28,083
{\an8}The Crescent Limbo series,
Ice Pick of Time,
303
00:18:28,166 --> 00:18:29,500
{\an8}The Crystaline Juncture.
304
00:18:30,291 --> 00:18:32,791
Ten years ago,
lumipat dito si Lee mula sa New York,
305
00:18:32,875 --> 00:18:35,875
nakipagkaibigan kay Wicks at sa simbahan,
at gaya ng sabi niya...
306
00:18:35,958 --> 00:18:37,458
Inilayo ang isip ko
307
00:18:37,541 --> 00:18:41,958
sa mga nilamon ng mga ideyang liberal,
at pumunta rito, at...
308
00:18:42,875 --> 00:18:46,833
Bumagsak ang benta ng mga libro niya
at ang kasikatan niya mula noon.
309
00:18:47,958 --> 00:18:51,375
Pero isang taon na siyang
sumusulat ng libro tungkol kay Wicks.
310
00:18:51,458 --> 00:18:52,958
Mga turo niya't pagninilay ko,
311
00:18:53,041 --> 00:18:56,458
mga sanaysay at alaala
ng alagad ng isang propeta.
312
00:18:56,541 --> 00:18:58,166
The Holy Man and the Troubadour.
313
00:18:58,875 --> 00:19:02,416
Mahirap basahin, pero umaasa siya do'n.
314
00:19:02,500 --> 00:19:05,875
Huling tsansa ko na 'to
para makalaya na sa Substack.
315
00:19:05,958 --> 00:19:08,625
Hindi ko na kaya.
'Yong mga reader ko ngayon...
316
00:19:09,125 --> 00:19:11,541
Mga sira-ulong survivalist sila.
317
00:19:11,625 --> 00:19:14,250
Parang si John Goodman
sa The Big Lebowski.
318
00:19:18,208 --> 00:19:21,291
'Yong kupal na Cy na 'yon.
319
00:19:22,041 --> 00:19:25,250
Dikit na dikit siyang parang linta
kay Monsignor ngayon.
320
00:19:25,333 --> 00:19:28,000
Ayaw namin sa kanya.
Tipong, "Wicks, mag-ingat ka."
321
00:19:28,083 --> 00:19:32,166
"Iwasan mo siya. Delikado siya.
Makatang-hilaw na mapagsamantala."
322
00:19:33,166 --> 00:19:36,791
Dapat nating protektahan si Wicks
laban sa mga sipsip na millennial.
323
00:19:36,875 --> 00:19:39,666
Si Simone naman,
bago pa lang sa lugar at sa simbahan.
324
00:19:39,750 --> 00:19:42,000
World-class na cellist siya dati.
325
00:19:46,500 --> 00:19:49,583
Napa-retire siya five years ago
dahil sa sakit.
326
00:19:49,666 --> 00:19:52,500
Hindi mawala-walang pananakit.
Problema sa nerve.
327
00:19:52,583 --> 00:19:54,833
- Hindi ma-diagnose ng mga doktor.
- Sorry.
328
00:19:54,916 --> 00:19:56,750
Naniwala akong mapapagaling nila ako.
329
00:19:57,708 --> 00:19:58,791
Uto-uto.
330
00:19:59,291 --> 00:20:00,708
Ang tanga ko.
331
00:20:02,250 --> 00:20:04,500
'Yong paniwalain mo ang isang tao
332
00:20:04,583 --> 00:20:06,208
at pagkakitaan 'yon,
333
00:20:08,083 --> 00:20:09,500
walang kasinsama 'yon.
334
00:20:11,750 --> 00:20:13,166
Di ba?
335
00:20:13,250 --> 00:20:15,375
Oo. Oo, masama nga 'yon.
336
00:20:16,791 --> 00:20:18,916
Pero gets ko 'yong gusto mong maniwala.
337
00:20:20,958 --> 00:20:22,583
Parang iba naman dito.
338
00:20:24,416 --> 00:20:26,833
Pananalig sa Diyos
na pagagalingin Niya ako.
339
00:20:29,041 --> 00:20:30,250
Iba 'to.
340
00:20:33,625 --> 00:20:36,250
Nagkapag-asa ako ngayon.
341
00:20:38,125 --> 00:20:39,958
Parang may himalang mangyayari.
342
00:20:43,500 --> 00:20:45,916
'Yon ang napaparamdam sa 'kin
ni Monsignor Wicks.
343
00:20:56,791 --> 00:20:58,833
Kumilos ang Espiritu sa kanya ngayon, a.
344
00:21:00,958 --> 00:21:02,166
Monsignor!
345
00:21:03,458 --> 00:21:04,333
Mandirigma ko.
346
00:21:04,916 --> 00:21:07,125
Maliit lang ang pinakagrupo ni Wicks.
347
00:21:08,083 --> 00:21:11,583
At hindi maitatanggi
ang lakas ng karisma niya.
348
00:21:13,666 --> 00:21:14,875
Pero ang diskarte niya...
349
00:21:15,875 --> 00:21:17,916
Kada linggo, may pipiliin siya,
350
00:21:18,000 --> 00:21:20,958
'yong bago kadalasan, at bibira siya.
351
00:21:21,041 --> 00:21:24,125
Gusto ng mundo
na maging ayos tayong lahat.
352
00:21:25,958 --> 00:21:29,791
Anuman ang desisyon mo.
Magdesisyon ka. Desisyon mo 'yan.
353
00:21:30,291 --> 00:21:31,500
Wag kang makonsensiya.
354
00:21:32,208 --> 00:21:33,500
Mangaliwa ka.
355
00:21:34,000 --> 00:21:35,208
Magsinungaling ka.
356
00:21:35,291 --> 00:21:37,625
Mag-anak ka kahit hindi ka kasal.
357
00:21:37,708 --> 00:21:40,500
Sundin mo ang gusto
ng puso mong makasarili.
358
00:21:41,125 --> 00:21:42,541
Makasarili.
359
00:21:42,625 --> 00:21:43,666
Oo.
360
00:21:44,208 --> 00:21:47,333
Pinagkakaitan mo ang batang 'yan
ng buong pamilya.
361
00:21:48,250 --> 00:21:49,583
Ng ama.
362
00:21:50,083 --> 00:21:52,291
Pang-aatake 'yon sa aming kastilyo.
363
00:21:52,375 --> 00:21:54,375
Sa institusyon ng pagkalalaki.
364
00:21:54,458 --> 00:21:56,916
Ang nanay ko mismo,
makasarili ang naging desisyon.
365
00:21:57,000 --> 00:21:59,125
Isinusumpa ko ang puso niyang makasarili
366
00:21:59,208 --> 00:22:01,625
sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
367
00:22:01,708 --> 00:22:05,875
Inuna niya ang sarili niya
bago ang pamilyang itinakda ng Diyos.
368
00:22:05,958 --> 00:22:07,166
Sapat na ako!
369
00:22:07,750 --> 00:22:08,958
Ako!
370
00:22:10,500 --> 00:22:14,416
Pusong makasarili at kaladkarin,
hindi ka sapat.
371
00:22:15,208 --> 00:22:16,708
Di mo pa bugbugin 'yang bata?
372
00:22:16,791 --> 00:22:19,458
Tama. Di mo pa gutumin 'yang bata?
373
00:22:19,541 --> 00:22:22,375
Itakwil mo ang pamilyang
itinakda ng Panginoon,
374
00:22:22,458 --> 00:22:26,291
at panoorin mong magdusa ang anak mo
dahil sa pasaning 'yan.
375
00:22:29,208 --> 00:22:31,333
Hindi ito tunay na simbahan.
376
00:22:32,291 --> 00:22:35,375
Tanungin mo
kahit ang mga pinakadeboto sa misa.
377
00:22:35,458 --> 00:22:38,125
Sasabihin nilang
hindi 'yon ang pinaniniwalaan nila.
378
00:22:38,208 --> 00:22:40,958
Gano'n lang si Wicks, walang sinasanto.
379
00:22:41,041 --> 00:22:44,958
At ang gusto niya,
mapaalis ang pinupuntirya niya.
380
00:22:46,458 --> 00:22:47,875
Bakit niya ginagawa 'yon?
381
00:22:48,458 --> 00:22:51,458
Kasi kapag umalis ang taong 'yon,
nakatingin ang lahat.
382
00:22:52,041 --> 00:22:54,791
Kahit maliwanag
na imposibleng makatwiranan 'yon,
383
00:22:54,875 --> 00:22:58,041
sa loob-loob ng maitim na budhi,
may nakakagalak do'n.
384
00:23:02,250 --> 00:23:05,666
At sa pananatili sa misa,
may pinapanigan sila.
385
00:23:06,916 --> 00:23:07,875
Si Wicks.
386
00:23:08,708 --> 00:23:11,708
Sinusubok ang maaatim,
tumitira ng masasakit na usapin,
387
00:23:11,791 --> 00:23:13,791
pinatitigas at pinagbubuklod ng sapakatan.
388
00:23:15,083 --> 00:23:17,333
...para sa two-run shot, kaya ang Cubs...
389
00:23:20,000 --> 00:23:22,583
Kaya sinubukan kong gumawa ng panabla.
390
00:23:22,666 --> 00:23:25,875
Okay. Welcome sa una nating
Father Jud prayer group.
391
00:23:26,958 --> 00:23:28,583
Salamat sa pagdalo.
392
00:23:29,250 --> 00:23:32,041
Tungkol ito sa pagtibag ng mga pader
393
00:23:32,125 --> 00:23:34,541
sa pagitan natin at ni Hesukristo,
394
00:23:35,250 --> 00:23:38,083
ng isa't isa, at natin at ng mundo.
395
00:23:39,333 --> 00:23:40,958
No'ng 17 ako,
396
00:23:41,458 --> 00:23:43,000
boksingero ako,
397
00:23:43,083 --> 00:23:45,583
at nakapatay ako ng tao habang nasa ring.
398
00:23:47,458 --> 00:23:49,375
Ang dami kong itinayong pader...
399
00:23:50,041 --> 00:23:52,833
ng galit, adiksiyon, karahasan.
400
00:23:54,333 --> 00:23:56,541
No'ng naramdaman kong puwede ko nang...
401
00:23:57,125 --> 00:24:00,625
itigil ang pakikipaglaban,
buksan ang kalooban ko,
402
00:24:01,500 --> 00:24:03,125
ikumpisal ang kasalanan ko,
403
00:24:03,791 --> 00:24:06,208
'yon ang araw
na iniligtas ako ni Hesukristo.
404
00:24:06,958 --> 00:24:09,583
Hindi Niya 'ko binago.
405
00:24:09,666 --> 00:24:12,375
Pero binibigyan Niya ako
ng lakas araw-araw.
406
00:24:13,958 --> 00:24:15,458
Espiritwal na pagkain 'yon.
407
00:24:16,958 --> 00:24:19,083
Para sa 'kin, gano'n dapat ang simbahan.
408
00:24:20,000 --> 00:24:22,416
Gusto kong magkagano'n ang simbahan,
para sa 'kin
409
00:24:23,083 --> 00:24:24,500
at para sa inyong lahat.
410
00:24:29,625 --> 00:24:30,458
Ano...
411
00:24:33,625 --> 00:24:36,041
Hindi darating si Monsignor Wicks?
412
00:24:38,041 --> 00:24:39,666
Hindi, pero...
413
00:24:40,458 --> 00:24:41,458
Hindi.
414
00:24:41,541 --> 00:24:44,625
Naisip ko lang
na mag-usap at mag-share tayo at—
415
00:24:44,708 --> 00:24:46,333
Pero alam niya 'to?
416
00:24:46,416 --> 00:24:48,583
Oo naman. Sasabihin ko sa kanya.
417
00:24:48,666 --> 00:24:50,833
Gusto ko lang na magkuwentuhan tayo...
418
00:24:50,916 --> 00:24:53,125
Sasabihin mo? Sasabihin... Sasabihin mo?
419
00:24:53,208 --> 00:24:56,625
Sasabihin mo pa lang,
e, di hindi mo pa sinasabi 'to
420
00:24:57,250 --> 00:24:58,458
sa kanya?
421
00:24:59,416 --> 00:25:00,833
Ba't di mo siya sinabihan?
422
00:25:00,916 --> 00:25:02,875
- Ang weird nito.
- Okay, sandali.
423
00:25:03,750 --> 00:25:06,541
Prayer meeting 'to.
Hindi naman 'to sekreto.
424
00:25:06,625 --> 00:25:08,791
- Sekretong prayer meeting 'to.
- Hindi.
425
00:25:08,875 --> 00:25:10,583
Literal na gano'n 'to.
426
00:25:10,666 --> 00:25:11,833
Tinext ko si Monsignor.
427
00:25:11,916 --> 00:25:14,333
Ayan. E, di hindi na 'to sekreto.
428
00:25:14,416 --> 00:25:17,625
Balik na tayo sa pagtibag ng mga pader
sa tulong ni Hesukristo—
429
00:25:18,750 --> 00:25:20,541
Sabi niya, "Anong kalokohan 'yan?"
430
00:25:21,250 --> 00:25:23,458
- Naku.
- Sorry, Father.
431
00:25:23,541 --> 00:25:27,541
Pumunta ako kasi akala ko
official na gawain ng simbahan 'to.
432
00:25:27,625 --> 00:25:29,833
Hindi talaga niya sinabi
'yong "kalokohan".
433
00:25:29,916 --> 00:25:32,750
Okay, salamat, Martha.
Gawain ng simbahan 'to, Vera.
434
00:25:32,833 --> 00:25:34,791
Nasa simbahan. Kasama ako. Official 'to.
435
00:25:34,875 --> 00:25:37,000
- O 'yong "'yan".
- Ano... Patingin nga.
436
00:25:37,083 --> 00:25:38,458
Aalis na 'ko.
437
00:25:38,541 --> 00:25:39,541
- Okay.
- Bye.
438
00:25:39,625 --> 00:25:41,500
- Salamat. Cyrus?
- Oo.
439
00:25:41,583 --> 00:25:42,458
Wow.
440
00:25:42,541 --> 00:25:44,875
Sorry, Father. Ayokong magalit siya.
441
00:25:45,583 --> 00:25:47,083
Nice try, p're.
442
00:25:47,166 --> 00:25:48,125
Salamat, Doc.
443
00:25:48,208 --> 00:25:50,625
Baka i-post ko 'to bukas. Ita-tag kita?
444
00:25:50,708 --> 00:25:51,875
Wag na sana.
445
00:25:51,958 --> 00:25:53,041
Ita-tag pa rin kita.
446
00:25:53,125 --> 00:25:54,166
Alam ko.
447
00:25:56,625 --> 00:26:00,375
Pasensiya ka na, Father,
di nagtagumpay ang kude-kudetahan mo.
448
00:26:00,458 --> 00:26:02,041
Kudeta ko? Talaga, Martha?
449
00:26:02,125 --> 00:26:05,541
Kung gusto naming magdasal o mangumpisal,
450
00:26:05,625 --> 00:26:08,000
kay Monsignor Wicks kami lalapit.
451
00:26:08,083 --> 00:26:10,916
Talaga ba? E, parang
takot na takot kayong lahat sa kanya.
452
00:26:11,000 --> 00:26:14,000
Kaya mo bang magkusang pumasok sa simbahan
453
00:26:14,083 --> 00:26:17,291
para ikumpisal kay Wicks nang walang takot
ang kasalanan mo?
454
00:26:17,375 --> 00:26:20,750
Kasi kung hindi,
puntod lang 'to na bulok sa loob.
455
00:26:20,833 --> 00:26:23,250
Oo, kaya ko.
456
00:26:23,333 --> 00:26:24,416
Aba,
457
00:26:25,625 --> 00:26:27,041
mabuti!
458
00:26:59,583 --> 00:27:03,416
Semana Santa, ang linggo
ng mga espesyal na misa bago mag-Easter.
459
00:27:04,375 --> 00:27:07,208
{\an8}Noong Linggo ng Palaspas,
tuluyan akong bumigay.
460
00:27:07,291 --> 00:27:10,500
Tapos dalawang beses sa shower
ngayong linggo,
461
00:27:11,333 --> 00:27:14,791
'yong sinabi ko sa 'yo
na nakabaligtad ang kamay ko?
462
00:27:16,041 --> 00:27:18,458
Limang Our Father, limang Hail Mary.
463
00:27:19,791 --> 00:27:22,250
Nasa siyam na buwan na tayo, Jud.
464
00:27:23,791 --> 00:27:28,583
Kumusta ka rito? Unti-unti mo na bang
natibag ang mga pader?
465
00:27:32,250 --> 00:27:36,125
Basbasan mo ako, Ama, nagkasala ako.
Isang linggo na no'ng huling kumpisal ko.
466
00:27:40,208 --> 00:27:42,833
Nilabag ko ang privacy ng kapwa pari ko.
467
00:27:44,041 --> 00:27:47,458
Alam kong tinatabi ni Martha sa office
ang medical bills niya, kaya...
468
00:27:48,416 --> 00:27:49,625
pinakialaman ko 'yon.
469
00:27:50,666 --> 00:27:53,375
Nagpa-radical prostatectomy ka pala
five years ago,
470
00:27:53,458 --> 00:27:56,708
kaya imposible nang tigasan ka.
471
00:27:59,166 --> 00:28:01,583
Kaya ko kahit ano pa 'to.
472
00:28:02,125 --> 00:28:05,708
Nitong nakalipas na siyam na buwan,
nakita ko ang paggabay mo sa parokya,
473
00:28:05,791 --> 00:28:07,125
at di ko gusto 'yon.
474
00:28:07,208 --> 00:28:08,291
Hindi mo gusto 'yon?
475
00:28:08,375 --> 00:28:10,208
Hindi ko gusto, Monsignor.
476
00:28:10,291 --> 00:28:11,500
Si Nat Sharp.
477
00:28:11,583 --> 00:28:14,791
Kailangan niyang magpatawad
at tunay na mabuhay na uli.
478
00:28:14,875 --> 00:28:17,791
Dapat maging panimula
ang pag-ibig ni Hesukristo,
479
00:28:17,875 --> 00:28:19,583
pero araw-araw,
480
00:28:19,666 --> 00:28:22,875
lalo lang siyang nagagalit
at namumuhi sa ex-wife niya,
481
00:28:22,958 --> 00:28:23,958
sa mga babae.
482
00:28:24,916 --> 00:28:28,250
Masama 'yon. At si Lee, storyteller siya.
483
00:28:28,333 --> 00:28:31,833
Pero parang naging sandata
laban sa kanya ang talento niya.
484
00:28:31,916 --> 00:28:34,791
Bukambibig niya,
"Pinarurusahan ako ng mundo."
485
00:28:34,875 --> 00:28:38,125
Mahusay, kuwela, matalino,
at iginagalang siya dati.
486
00:28:38,208 --> 00:28:43,791
Ngayon, parang nawawala na sa sarili,
laging galit, praning.
487
00:28:43,875 --> 00:28:46,916
Alam mo bang gumawa siya
ng hukay na may tubig sa bahay niya?
488
00:28:47,500 --> 00:28:48,333
Talaga?
489
00:28:48,416 --> 00:28:49,416
KUTA
490
00:28:49,500 --> 00:28:52,333
Halos symbolic lang 'yon, pero oo.
491
00:28:53,125 --> 00:28:55,125
At si Simone... Sorry, Monsignor.
492
00:28:55,208 --> 00:28:57,416
Sa tingin ko, inabuso mo ang tiwala niya.
493
00:28:57,500 --> 00:28:59,333
Nakita ko 'yong mga donasyon.
494
00:29:00,000 --> 00:29:02,125
Malaki ang donasyon niya,
at nitong nakaraan,
495
00:29:02,208 --> 00:29:03,916
siya ang bumubuhay sa simbahan.
496
00:29:04,000 --> 00:29:07,708
Naniniwala ako sa mga himala
sa pamamagitan ni Hesukristo,
497
00:29:07,791 --> 00:29:09,791
pero di 'yon ang ibinibigay mo sa kanya.
498
00:29:11,000 --> 00:29:13,208
May kapalit 'yon, dumaraan sa 'yo,
499
00:29:13,291 --> 00:29:15,625
at mararamdaman na naman niya
na niloloko siya.
500
00:29:16,208 --> 00:29:17,875
Sabi mo, e. Meron pa ba?
501
00:29:17,958 --> 00:29:20,208
Oo naman, sige. Si Cy Draven.
502
00:29:20,291 --> 00:29:23,666
Hindi ka ba nababahala
sa mga video niya sa YouTube?
503
00:29:23,750 --> 00:29:26,166
{\an8}Linggo-linggo, may clip siya
mula sa mga misa mo.
504
00:29:26,250 --> 00:29:29,875
{\an8}Ginagamit niya sa mga political rant niya.
Sa totoo lang...
505
00:29:29,958 --> 00:29:32,166
{\an8}NON-BINARY | HINDI MAKADIYOS
MAY G-O-D SA DOGE
506
00:29:32,250 --> 00:29:34,583
...delikado ang pambabaluktot niya
sa simbahan.
507
00:29:34,666 --> 00:29:38,333
Kailan huling may bago rito
na tumagal nang mahigit isang Linggo?
508
00:29:38,958 --> 00:29:40,333
Usap-usapan na 'to.
509
00:29:40,916 --> 00:29:42,916
Linggo-linggo na lang, puro...
510
00:29:43,000 --> 00:29:45,000
mga dati nang regular na lang,
511
00:29:45,083 --> 00:29:49,375
at parang sinasadya mong
galitin at takutin sila lagi.
512
00:29:50,333 --> 00:29:52,041
Gano'n bang pastol si Hesukristo?
513
00:29:52,125 --> 00:29:54,250
'Yon ba ang dapat nating gawin?
514
00:30:02,791 --> 00:30:06,458
Galit ka ngayon. Dapat lang.
515
00:30:06,541 --> 00:30:08,875
Delikado kung hindi. Wala kang laban.
516
00:30:08,958 --> 00:30:11,000
Uulitin ko lang nang uulitin 'yon.
517
00:30:11,791 --> 00:30:14,166
Ako ang mundo. Ikaw ang simbahan.
518
00:30:14,250 --> 00:30:17,125
D'yan ka lang. Huwag kang aalis.
519
00:30:19,000 --> 00:30:21,958
Magaling. Ganyan nga. Tama.
520
00:30:22,541 --> 00:30:26,625
Galit. Pinapalaban tayo ng galit,
pinapabawi tayo ng galit.
521
00:30:27,208 --> 00:30:29,375
At marami tayong dapat bawiin.
522
00:30:29,958 --> 00:30:31,083
Ngayon naman, takot ka.
523
00:30:31,166 --> 00:30:34,041
Bumabalik ang pagkaboksingero mo.
Aba, magaling!
524
00:30:34,875 --> 00:30:37,333
Natatakot kang aatake uli ako.
525
00:30:37,416 --> 00:30:39,041
Pinoprotektahan mo ang sarili mo.
526
00:30:43,125 --> 00:30:46,541
Kasi gusto tayong wasakin ng mundo.
527
00:30:47,500 --> 00:30:51,333
Ang bersiyon mo ng pagmamahal
at pagpapatawad, walang kuwenta.
528
00:30:51,416 --> 00:30:54,416
Nakikisabay lang sa agos ng modernidad
529
00:30:54,500 --> 00:30:56,708
para di makasakit sa basurang mundong 'to.
530
00:30:56,791 --> 00:31:00,041
Samantalang tayo, winawasak nila.
531
00:31:00,708 --> 00:31:05,125
Mga peministang Marxistang puta.
Unti-unti nila tayong ginugupo.
532
00:31:07,208 --> 00:31:10,416
Pero pasan ko ang responsabilidad ko.
Naninindigan ako.
533
00:31:12,458 --> 00:31:13,541
E, ikaw?
534
00:31:14,750 --> 00:31:17,166
Ikaw na totoy na tubong Albany?
535
00:31:19,666 --> 00:31:21,291
Magagalit ka ba
536
00:31:22,375 --> 00:31:23,750
at lalaban?
537
00:31:32,083 --> 00:31:34,083
Nilalason mo ang simbahang 'to.
538
00:31:35,250 --> 00:31:37,666
Gagawin ko lahat para iligtas 'to.
539
00:31:39,458 --> 00:31:41,291
Tatanggalin kitang parang kanser.
540
00:31:44,500 --> 00:31:46,916
Limang Our Father, limang Hail Mary.
541
00:32:07,583 --> 00:32:09,583
Hesukristo, hindi mo ako sinukuan.
542
00:32:10,166 --> 00:32:12,416
Hindi ko rin susukuan ang simbahang 'to.
543
00:32:14,916 --> 00:32:16,833
Pero naunahan niya 'ko.
544
00:32:17,666 --> 00:32:20,083
Prayer meeting ni Father Jud?
545
00:32:20,791 --> 00:32:22,291
Inalagaan ko ang simbahang 'to.
546
00:32:22,375 --> 00:32:24,666
Pinalakas ko
gamit ang katotohanan ng Diyos.
547
00:32:24,750 --> 00:32:27,458
Tapos kukuwestiyunin lang
ang awtoridad ko,
548
00:32:27,541 --> 00:32:30,666
ang pananampalataya at buhay ko mismo,
549
00:32:30,750 --> 00:32:32,833
at sa loob pa ng santuwaryo ko.
550
00:32:35,333 --> 00:32:36,416
Labas!
551
00:32:40,166 --> 00:32:41,791
Ang huling tira ni Wicks.
552
00:32:41,875 --> 00:32:43,708
Lantarang giyera laban sa 'kin.
553
00:32:46,291 --> 00:32:48,166
Medyo nalasing ako.
554
00:32:48,750 --> 00:32:51,583
Isang lobo ang mundo. Demonyo ka.
555
00:32:51,666 --> 00:32:53,291
Demonyong lobo ka.
556
00:32:53,791 --> 00:32:55,208
Demonyong lobo ka nga.
557
00:32:56,000 --> 00:32:57,208
Tangina.
558
00:32:58,416 --> 00:33:01,250
- Sorry, Nikolai. Nasira ko.
- Sige lang. Hayaan mo na.
559
00:33:01,333 --> 00:33:03,750
- Nakapitan ko kasi.
- Lumang lamp na 'yon.
560
00:33:03,833 --> 00:33:05,583
- Tara na. Makakapag-drive ka ba?
- Oo.
561
00:33:05,666 --> 00:33:06,500
Sigurado ka?
562
00:33:22,708 --> 00:33:23,833
Hoy!
563
00:33:26,625 --> 00:33:27,833
Sino 'yan?
564
00:33:27,916 --> 00:33:28,875
Nalintikan na.
565
00:33:30,333 --> 00:33:32,458
At ngayon, sa Biyernes Santo na tayo.
566
00:33:34,625 --> 00:33:36,000
{\an8}Eto na.
567
00:33:36,083 --> 00:33:38,208
Misa 'yon ng alas-tres ng hapon.
568
00:33:39,125 --> 00:33:40,375
Mga regular lang.
569
00:33:41,208 --> 00:33:43,000
May kakaibang tensiyon no'n.
570
00:33:43,708 --> 00:33:46,000
Di ko maalala 'yong homily,
pero iba ang dating.
571
00:33:47,500 --> 00:33:49,875
Hindi na kontrolado ang galit.
572
00:33:50,875 --> 00:33:51,791
Mas baliw na.
573
00:33:57,708 --> 00:34:01,375
Tulad ng dati, pagkatapos ng homily,
napapagod si Wicks,
574
00:34:01,458 --> 00:34:04,666
emotionally at physically,
at kailangan niyang magpahinga.
575
00:34:06,708 --> 00:34:09,041
Papasok siya sa maliit na storage closet
576
00:34:09,125 --> 00:34:12,000
na nasa gilid ng santuwaryo
para di siya makita.
577
00:34:13,208 --> 00:34:16,291
Magpapalakas siya at itutuloy ko ang misa
578
00:34:16,375 --> 00:34:19,541
hanggang kaya na uli niyang
bumalik at ituloy 'yon.
579
00:34:19,625 --> 00:34:22,458
Masdan ang kahoy ng krus
580
00:34:22,541 --> 00:34:25,958
Kung saan nakasalalay
ang kaligtasan ng sanlibutan
581
00:34:34,458 --> 00:34:35,708
Monsignor?
582
00:34:50,166 --> 00:34:51,250
Ano'ng problema?
583
00:34:53,083 --> 00:34:54,125
Jefferson?
584
00:35:16,583 --> 00:35:17,500
Jud.
585
00:35:20,625 --> 00:35:21,833
May nakabaon sa likod.
586
00:35:22,416 --> 00:35:23,583
Teka. Wag mong hawakan.
587
00:35:24,500 --> 00:35:25,916
Wala kang dapat hawakan.
588
00:35:44,458 --> 00:35:46,583
Satanas! Pinatay siya ni Satanas!
589
00:35:46,666 --> 00:35:48,166
- Diyablo... Si Satanas...
- Martha.
590
00:35:48,250 --> 00:35:49,833
- ...ang pumatay!
- Naku po.
591
00:35:51,208 --> 00:35:52,708
Martha! Martha naman.
592
00:36:29,500 --> 00:36:32,083
Limang minuto pa lang,
dumating na ang ambulansiya.
593
00:36:34,458 --> 00:36:36,583
Idineklarang patay na si Wicks doon mismo.
594
00:36:37,291 --> 00:36:40,916
No'ng sinamahan ko 'yong iba sa labas,
kararating pa lang ng mga pulis.
595
00:36:41,000 --> 00:36:43,416
Hindi makukuha ng diyablo ang taong 'yon.
596
00:36:43,916 --> 00:36:46,750
Muli siyang mabuhuhay
sa kaluwalhatian ng Panginoon.
597
00:36:47,750 --> 00:36:50,583
Malaking delubyo 'yon
para sa maliit na bayan,
598
00:36:50,666 --> 00:36:54,666
at nasabak sa responsibilidad
ang hepeng si Geraldine.
599
00:36:54,750 --> 00:36:56,166
Diyos ko.
600
00:36:57,375 --> 00:37:00,583
Ilang oras akong in-interrogate
buong araw ng Sabado
601
00:37:01,250 --> 00:37:02,666
hanggang...
602
00:37:02,750 --> 00:37:06,291
Ikaw lang at si Monsignor
ang nasa stage no'ng pinatay siya.
603
00:37:07,041 --> 00:37:09,166
Bago pa 'yon,
nasa 'yo 'yong lobong figurine
604
00:37:09,250 --> 00:37:10,666
na nasa murder weapon.
605
00:37:12,500 --> 00:37:14,958
Ikaw lang din ang tagasimbahang
suklam sa kanya.
606
00:37:15,041 --> 00:37:16,875
Wala akong kinasusuklaman.
607
00:37:16,958 --> 00:37:22,166
Pero imposible talagang
may makagawa nito, kaya ewan ko...
608
00:37:24,416 --> 00:37:26,833
Ewan ko kung ano 'to.
609
00:37:31,250 --> 00:37:34,250
Sige. Ba't di ka muna magpahinga, Father?
610
00:37:34,333 --> 00:37:37,208
Pero sasabihin ko na sa 'yo
na may tsismis na.
611
00:37:37,833 --> 00:37:40,333
{\an8}Pinost 'to kanina ni Cy Draven
sa YouTube niya.
612
00:37:40,416 --> 00:37:42,541
Nilalason mo ang simbahang 'to.
613
00:37:42,625 --> 00:37:44,750
Gagawin ko lahat para iligtas 'to.
614
00:37:45,291 --> 00:37:49,125
Tatanggalin kitang parang kanser.
615
00:37:51,916 --> 00:37:53,333
Ni-repost na 'to.
616
00:37:54,833 --> 00:37:56,041
Maraming beses na.
617
00:37:58,208 --> 00:38:01,708
HEPE NG PULISYA
G. SCOTT
618
00:38:31,208 --> 00:38:35,625
Binuksan ko ang phone ko saglit,
at hindi ko dapat ginawa 'yon.
619
00:38:36,166 --> 00:38:39,666
Pinaulanan ng mensahe
ang paring mamamatay-tao.
620
00:38:41,875 --> 00:38:45,541
Pero di ko naiisip 'yong maaresto ako
o matanggal sa pagkapari.
621
00:38:46,083 --> 00:38:49,916
Ang nasa isip ko, nanalo si Wicks.
622
00:38:51,125 --> 00:38:54,041
Kasi sa kaluluwa kong
di kayang magsinungaling kay Hesukristo,
623
00:38:54,125 --> 00:38:56,958
o sa sarili ko, o sa 'yo...
624
00:39:00,333 --> 00:39:03,416
masaya akong patay na ang matandang 'yon.
625
00:39:11,791 --> 00:39:12,875
Panginoon.
626
00:39:13,708 --> 00:39:14,916
Tulungan Mo ako.
627
00:39:17,333 --> 00:39:19,750
Pakiusap, gabayan Mo ako
para malampasan 'to.
628
00:39:24,166 --> 00:39:25,666
Tao po?
629
00:39:29,750 --> 00:39:31,041
Ay, sorry.
630
00:39:32,500 --> 00:39:33,916
Bukas ba kayo?
631
00:39:35,041 --> 00:39:36,125
Palagi.
632
00:39:36,708 --> 00:39:37,916
Okay ka lang?
633
00:39:39,000 --> 00:39:40,833
Oo. Pasensiya na.
634
00:39:44,416 --> 00:39:47,791
- Walang Easter Mass. Pasensiya na.
- Ano...
635
00:39:47,875 --> 00:39:51,541
- Welcome ka rito. Pasok ka.
- Salamat.
636
00:39:51,625 --> 00:39:56,041
Hindi naman ako nakakaistorbo
sa tungkulin mo bilang pari, 'no?
637
00:39:58,416 --> 00:40:01,166
Aba... Ang ganda nito, a.
638
00:40:01,250 --> 00:40:02,083
Di ba?
639
00:40:02,166 --> 00:40:06,375
Mahirap na hindi mo maramdaman
ang presensiya Niya habang nandito ka.
640
00:40:07,000 --> 00:40:08,083
Nino?
641
00:40:09,250 --> 00:40:11,000
A, ng Diyos... Oo.
642
00:40:12,166 --> 00:40:13,750
- Oo.
- Hindi ka Katoliko.
643
00:40:13,833 --> 00:40:15,833
Hindi, hinding-hindi talaga.
644
00:40:16,875 --> 00:40:18,291
Ereheng-erehe ako.
645
00:40:19,250 --> 00:40:21,458
Lumuluhod ako sa altar ng makatwiran.
646
00:40:22,291 --> 00:40:24,500
Hindi ka pinalaki sa relihiyon?
647
00:40:25,250 --> 00:40:27,250
'Yong nanay ko, no'ng buhay siya,
648
00:40:28,041 --> 00:40:30,875
sobrang relihiyosa siya.
649
00:40:32,583 --> 00:40:34,416
- Close ba kayo?
- Hindi.
650
00:40:35,250 --> 00:40:39,125
No'ng bata ako, ano kami... Pero ano 'yon...
651
00:40:39,208 --> 00:40:41,208
- Komplikado. Pamilya.
- Komplikado nga.
652
00:40:41,291 --> 00:40:42,708
Oo. Tama.
653
00:40:47,791 --> 00:40:49,500
Ano'ng nararamdaman mo rito?
654
00:40:52,791 --> 00:40:54,625
Ano'ng nararamdaman ko?
655
00:40:59,208 --> 00:41:00,041
'Yong totoo?
656
00:41:00,125 --> 00:41:01,208
Sige lang.
657
00:41:03,541 --> 00:41:05,375
Interesado ako sa architecture.
658
00:41:06,375 --> 00:41:09,583
Ramdam ko 'yong kagandahan,
'yong misteryo.
659
00:41:09,666 --> 00:41:13,125
'Yong gustong ipadama. Ano...
660
00:41:15,750 --> 00:41:20,958
Parang may ipinapakita sa 'king kuwento
na hindi ko naman pinaniniwalaan.
661
00:41:21,833 --> 00:41:25,500
Pundasyon nito ang hungkag na pangako
ng isang kuwentong pambata
662
00:41:25,583 --> 00:41:30,250
na puno ng panunumpa sa kapwa,
poot sa kababaihan, at homophobia
663
00:41:30,333 --> 00:41:34,500
at ng di-mabilang na karahasan
at kalupitan no'n na binigyang-katwiran,
664
00:41:34,583 --> 00:41:36,583
habang noon, at hanggang ngayon,
665
00:41:36,666 --> 00:41:39,500
itinatago no'n
ang sarili no'ng mga kasalanan.
666
00:41:39,583 --> 00:41:41,708
Kaya gaya ng kabayong nag-aalboroto,
667
00:41:41,791 --> 00:41:45,000
gusto kong himay-himayin
ang mapanlinlang na paniniwala
668
00:41:45,083 --> 00:41:50,291
para matukoy ang katotohanang
kaya kong lunukin nang di nabubulunan.
669
00:41:58,208 --> 00:42:02,833
Pero ang detalye ng barakilan,
maganda talaga. Ano...
670
00:42:04,500 --> 00:42:07,333
Ganito. Kung paaalisin mo 'ko, sige lang.
671
00:42:07,416 --> 00:42:08,500
Hindi, ayos lang.
672
00:42:09,958 --> 00:42:11,625
Nagpapakatapat ka. Maganda 'yan.
673
00:42:11,708 --> 00:42:14,541
Nakakagaan ng loob minsan
ang pagsasabi ng totoo.
674
00:42:15,250 --> 00:42:19,000
Pusta ko, may mga pagkakataong
di ka makapagtapat sa mga tagaparokya.
675
00:42:19,083 --> 00:42:22,250
Tapat ka pa rin
basta hindi ka magsisinungaling.
676
00:42:23,000 --> 00:42:24,083
Oo.
677
00:42:26,125 --> 00:42:28,125
Tama ka. Pagkukuwento 'to.
678
00:42:29,416 --> 00:42:32,958
'Tong simbahan, hindi 'to medieval.
Nasa New York tayo.
679
00:42:33,708 --> 00:42:35,833
Neo-Gothic 'to, 19th century.
680
00:42:35,916 --> 00:42:38,958
Mas malapit pa 'to sa Disneyland
kesa sa Notre-Dame,
681
00:42:39,041 --> 00:42:40,750
pati ang mga seremonya't ritwal,
682
00:42:42,000 --> 00:42:43,625
at mga kasuotan, lahat ng 'to.
683
00:42:44,458 --> 00:42:45,875
Pagkukuwento 'to.
684
00:42:47,333 --> 00:42:48,416
Tama ka.
685
00:42:51,291 --> 00:42:52,916
Siguro ang tanong,
686
00:42:54,625 --> 00:42:56,750
niloloko ba tayo ng mga kuwentong 'to?
687
00:42:58,625 --> 00:43:02,708
O tinatamaan ba tayo sa kaloob-looban
na hindi natin maikakailang totoo?
688
00:43:05,708 --> 00:43:08,125
'Yong di natin maipahayag sa ibang paraan...
689
00:43:10,416 --> 00:43:11,833
maliban sa pagkukuwento?
690
00:43:15,125 --> 00:43:17,333
Tama. Father.
691
00:43:25,833 --> 00:43:27,250
- Iho.
- Pasensiya na.
692
00:43:28,416 --> 00:43:29,625
Ano lang...
693
00:43:30,875 --> 00:43:33,291
Ngayon ko na lang uli
naramdamang pari ako,
694
00:43:33,916 --> 00:43:36,041
at mawawala na 'yon sa 'kin...
695
00:43:37,000 --> 00:43:39,541
Mawawalan ako ng saysay at natatakot ako...
696
00:43:39,625 --> 00:43:41,041
Pa'no na lang ako mabubuhay?
697
00:43:42,208 --> 00:43:43,291
Blanc!
698
00:43:44,041 --> 00:43:46,666
Uy! Nahanap mo siya! Siya ba...
699
00:43:55,208 --> 00:43:56,208
Sino ka ba?
700
00:43:56,291 --> 00:43:57,916
Ito dapat ang bungad ko, e.
701
00:43:58,000 --> 00:44:00,416
Ako si Benoit Blanc. Isang detective.
702
00:44:00,500 --> 00:44:03,583
Interesado ako sa kaso ng murder
ni Jefferson Wicks.
703
00:44:04,958 --> 00:44:06,791
Detective ka. E, di pulis ka?
704
00:44:06,875 --> 00:44:09,083
Hindi. Private detective ako.
705
00:44:09,166 --> 00:44:12,250
Ako ang pinagbibintangan ng lahat.
Hindi ko ginawa 'yon.
706
00:44:12,833 --> 00:44:14,875
Pero sa puso ko, baka nga,
707
00:44:14,958 --> 00:44:17,458
at parang milagro
kung pa'no 'yon nangyari.
708
00:44:17,541 --> 00:44:18,541
Saka...
709
00:44:19,041 --> 00:44:21,541
Ewan ko. Litung-lito ako. Ewan ko.
710
00:44:22,708 --> 00:44:24,708
Puwede ba kitang tulungan?
711
00:44:27,041 --> 00:44:28,125
Ano?
712
00:44:28,208 --> 00:44:30,958
Nagbibitak na ang labi mo
dahil sa dehydration.
713
00:44:31,041 --> 00:44:32,458
Wala ka pang tulog.
714
00:44:33,041 --> 00:44:34,416
Nasa labas ka buong gabi,
715
00:44:34,500 --> 00:44:37,333
at sa itsura ng pantalon mo,
nagdasal ka nang nakaluhod.
716
00:44:38,083 --> 00:44:41,500
Ang nakikita ko,
hindi taong nagkasala't nakokonsensiya
717
00:44:42,250 --> 00:44:45,458
kundi taong inosente
na nakokonsensiya sa di niya pagkakasala.
718
00:44:47,083 --> 00:44:48,291
Tutulungan kita.
719
00:44:48,833 --> 00:44:49,708
Paano?
720
00:44:49,791 --> 00:44:51,708
Pinagkunwaring himala 'yon.
721
00:44:52,208 --> 00:44:55,625
Murder lang 'yon
at tagalutas ako ng mga murder.
722
00:44:57,500 --> 00:44:59,666
Teka, ikaw ba
723
00:45:00,500 --> 00:45:03,666
'yong sa Kentucky Derby murder,
tapos nahuli 'yong salarin?
724
00:45:03,750 --> 00:45:05,250
- Sa photo-finish camera?
- Oo.
725
00:45:05,333 --> 00:45:06,416
E, di ikaw 'yong...
726
00:45:07,250 --> 00:45:08,458
Lumabas ka sa The View.
727
00:45:08,541 --> 00:45:10,166
- Oo.
- Ba't ka nandito?
728
00:45:10,250 --> 00:45:14,000
Inaalam ko 'yong mga nangyari
no'ng misa no'ng Biyernes Santo
729
00:45:14,083 --> 00:45:17,625
at 'yong sitwasyon dito
sa Our Lady of Perpetual Fortitude.
730
00:45:17,708 --> 00:45:20,583
Pinayagan ako ni Geraldine
na sumali sa kaso.
731
00:45:20,666 --> 00:45:24,750
Kung puwede ka ngayon
para samahan ako sa imbestigasyon ko,
732
00:45:25,375 --> 00:45:28,541
mula sa bangkay, murder weapon,
hanggang sa crime scene,
733
00:45:28,625 --> 00:45:32,125
may bukod-tanging pagkakataon ka
na tulungan ako.
734
00:45:33,791 --> 00:45:35,000
Bangkay?
735
00:45:40,916 --> 00:45:43,625
Ayoko na. Parang hindi dapat ako nandito.
736
00:45:44,708 --> 00:45:47,333
Blanc, may tiwala ako sa 'yo,
pero tama siya.
737
00:45:47,416 --> 00:45:51,500
Hindi puwede. Gusto kong malinawan ka
sa nangyari mismo sa katawan.
738
00:45:51,583 --> 00:45:55,666
Makita si Wicks kung ano na siya.
Bangkay, katawang walang buhay.
739
00:45:55,750 --> 00:45:59,208
Hindi ang iniisip mong halimaw
kundi katawang-lupa lang.
740
00:45:59,291 --> 00:46:01,708
Napatay ng saksak na masusuri natin.
741
00:46:01,791 --> 00:46:04,541
Katawang-lupa lang.
742
00:46:05,208 --> 00:46:06,500
Katawang-lupa lang.
743
00:46:06,583 --> 00:46:08,583
Ganyan, alog-alog pa.
744
00:46:09,833 --> 00:46:12,041
- Ganyan nga. O, di ba?
- Wag mong ganyanin.
745
00:46:13,125 --> 00:46:15,958
Tammy. Puwedeng pakibaligtad 'yong karne?
746
00:46:16,041 --> 00:46:17,458
Parang pancake. Sige.
747
00:46:21,958 --> 00:46:23,583
Isa, dalawa, tatlo.
748
00:46:24,708 --> 00:46:27,416
MORGE
749
00:46:29,500 --> 00:46:32,625
- Uy!
- Ayoko. Hindi ako ginawa para dito.
750
00:46:32,708 --> 00:46:35,083
Hindi ako dapat nandito.
Ba't mo ba 'ko isinama?
751
00:46:35,166 --> 00:46:36,208
- Hindi ko kaya—
- Oy!
752
00:46:37,416 --> 00:46:38,833
Kung gusto mo ng kapatawaran,
753
00:46:38,916 --> 00:46:42,375
kung gusto mong maging pari uli,
sasamahan mo ako dito.
754
00:46:42,458 --> 00:46:46,125
Malaya pa ang pumatay.
Hahanapin natin siya, kokornerin, at...
755
00:46:46,208 --> 00:46:50,041
Pasensiya na. Huhulihin natin siya
para makabalik ka na sa dati.
756
00:46:50,125 --> 00:46:51,333
Father.
757
00:46:52,083 --> 00:46:54,416
Kailangan kong masigurong
alam mo ang sitwasyon.
758
00:46:54,500 --> 00:46:57,833
Hindi tayo tropa-tropa
na gusto lang makalutas ng kaso.
759
00:46:57,916 --> 00:46:59,541
Suspek ka pa rin.
760
00:46:59,625 --> 00:47:03,708
Ang sinasabi ko, di kailangang nandito ka
nang walang abogado. Okay?
761
00:47:06,708 --> 00:47:08,333
Hindi ako ang gumawa no'n.
762
00:47:09,583 --> 00:47:11,250
Kung may maitutulong ako,
763
00:47:11,916 --> 00:47:14,458
sige, game ako, tara.
764
00:47:14,541 --> 00:47:15,750
Okay.
765
00:47:16,625 --> 00:47:17,833
Bangkay.
766
00:47:17,916 --> 00:47:19,500
Tapos murder weapon.
767
00:47:19,583 --> 00:47:20,666
Tapos crime scene.
768
00:47:21,958 --> 00:47:23,375
Sumama ka lang sa 'kin.
769
00:47:30,125 --> 00:47:32,750
Alam n'yo,
ni hindi ko trip 'yong demo-demonyo.
770
00:47:32,833 --> 00:47:36,916
'Yong Il Diavolo, tunog classy,
Italian, ayos lang 'yon,
771
00:47:37,000 --> 00:47:39,125
tapos bumili si misis ng demonyong sign,
772
00:47:39,208 --> 00:47:41,125
tapos bumili siya ng demonyong lamp,
773
00:47:41,208 --> 00:47:44,791
tapos naisip na ng lahat,
"Mahilig siya sa demo-demonyo."
774
00:47:44,875 --> 00:47:48,500
Tapos puro na demonyo, ayun. A, ewan ko.
775
00:47:48,583 --> 00:47:50,958
- Pero ito 'yon, 'no? 'Yong...
- Oo.
776
00:47:51,041 --> 00:47:52,166
Oo nga.
777
00:47:53,375 --> 00:47:54,458
Pero...
778
00:47:55,208 --> 00:47:58,708
Pero hindi naman 'to pula dati.
Parang pininturahan.
779
00:47:58,791 --> 00:48:01,166
- Oo, bagong pintura.
- Sana nga.
780
00:48:01,750 --> 00:48:05,375
Nilagyan ng parang plaster
para maikabit 'yong patalim.
781
00:48:05,458 --> 00:48:07,166
Gagawin ko lahat para iligtas 'to.
782
00:48:07,916 --> 00:48:11,125
Tatanggalin kitang parang kanser.
783
00:48:11,208 --> 00:48:14,458
Uy! Ano ka ba? Itigil mo 'yan.
Hindi 'yan okay. Sige na.
784
00:48:14,541 --> 00:48:16,833
'Yong pulang ulo ng demonyo,
saan napunta 'yon?
785
00:48:16,916 --> 00:48:21,500
Sa simbahan. Hindi ko alam kung bakit,
pero hinagis ko at may nabasag na bintana.
786
00:48:23,083 --> 00:48:25,291
Pagkatapos ng Misa ng Krisma no'ng Lunes,
787
00:48:25,375 --> 00:48:27,708
sabi ni Martha,
may basag na maliit na bintana.
788
00:48:27,791 --> 00:48:28,791
Mga bata talaga.
789
00:48:28,875 --> 00:48:30,291
Pero wala nang iba.
790
00:48:48,666 --> 00:48:49,875
Kita mo 'yon?
791
00:48:56,083 --> 00:48:56,958
Oo.
792
00:48:58,625 --> 00:48:59,708
Oo.
793
00:49:03,875 --> 00:49:05,375
'Yon ang...
794
00:49:07,708 --> 00:49:08,916
Dr. Nat?
795
00:49:14,875 --> 00:49:15,875
Uy.
796
00:49:17,791 --> 00:49:19,208
Nagla-lunch lang ako.
797
00:49:25,750 --> 00:49:29,375
Nat, puwede kitang puntahan mamaya
kung gusto mo ng makakausap.
798
00:49:29,458 --> 00:49:31,583
Parang hindi... Tama, ano... Tama.
799
00:49:31,666 --> 00:49:33,583
Parang hindi ko gusto 'yon.
800
00:49:33,666 --> 00:49:35,083
Huwag na lang.
801
00:49:35,833 --> 00:49:38,708
Eto pala. Eto ang ginamit mo.
802
00:49:39,625 --> 00:49:41,791
- Nat naman.
- "Tatanggaling parang kanser."
803
00:49:41,875 --> 00:49:43,666
Hayop ka.
804
00:49:43,750 --> 00:49:45,375
- Lakasan mo pa, Nat.
- Oo.
805
00:49:46,583 --> 00:49:49,000
Hayop ka! Paring mamamatay-tao!
806
00:50:22,166 --> 00:50:23,083
Una sa lahat,
807
00:50:23,166 --> 00:50:26,125
papasalamatan ko pa sa number mo
si Detective Elliott.
808
00:50:26,208 --> 00:50:28,041
Masaya lang akong nakakatulong ako.
809
00:50:28,125 --> 00:50:29,958
Geraldine, nakita mo agad
810
00:50:30,041 --> 00:50:32,625
na hindi 'to basta-basta
kakayanin ng kapulisan.
811
00:50:32,708 --> 00:50:36,958
Kahit ako,
ngayon lang nakaranas ng ganito.
812
00:50:37,041 --> 00:50:41,125
Ganitong-ganito ang masasabing
imposibleng krimen.
813
00:50:41,958 --> 00:50:43,583
Pang-detective fiction.
814
00:50:43,666 --> 00:50:47,000
Walang ganito dapat sa totoong mundo.
815
00:50:48,041 --> 00:50:49,458
Pero eto tayo.
816
00:50:50,000 --> 00:50:51,416
Hinahabol-habol 'to.
817
00:50:52,500 --> 00:50:53,625
Gusto ko 'yang passion.
818
00:50:53,708 --> 00:50:56,333
Pero tiyakin mo sa 'king
malulutas ang kasong 'to.
819
00:50:56,416 --> 00:50:58,708
Hindi ko kayang di makalutas ng kaso.
820
00:50:59,458 --> 00:51:01,083
'Yong kapag checkmate na,
821
00:51:01,958 --> 00:51:05,375
kapag hinihimay ko na
ang ginawa ng nasukol kong kalaban...
822
00:51:07,125 --> 00:51:08,416
Makikita mo. Masaya 'yon!
823
00:51:09,000 --> 00:51:11,166
- Sige, pa'no na?
- Sa pinagmulan tayo.
824
00:51:12,000 --> 00:51:14,583
Sa The Hollow Man ni John Dickson Carr.
825
00:51:15,375 --> 00:51:17,625
{\an8}Detective novel no'ng Golden Age
826
00:51:17,708 --> 00:51:19,833
at intro sa locked-door mystery,
827
00:51:19,916 --> 00:51:21,208
sa imposibleng krimen.
828
00:51:22,958 --> 00:51:24,041
Teka lang.
829
00:51:29,375 --> 00:51:31,500
{\an8}MGA BABASAHIN SA SPRING
830
00:51:32,375 --> 00:51:35,458
Father Jud, napatunayan mo na naman
ang halaga mo.
831
00:51:37,541 --> 00:51:40,166
{\an8}"Whose Body?"
"The Murders in the Rue Morgue."
832
00:51:40,250 --> 00:51:42,666
{\an8}"Roger Ackroyd."
"The Murder at the Vicarage."
833
00:51:42,750 --> 00:51:47,958
Pambihira, parang syllabus na 'to
kung paano gawin ang krimeng 'yon.
834
00:51:48,458 --> 00:51:50,375
Kasama sa grupong 'to 'yong mga regular?
835
00:51:54,000 --> 00:51:55,625
Sino'ng pumili sa mga librong 'to?
836
00:51:56,291 --> 00:51:57,125
Si Oprah.
837
00:51:58,333 --> 00:51:59,333
Si Oprah.
838
00:51:59,833 --> 00:52:01,916
Sa site ni Oprah kumukuha si Martha.
839
00:52:02,000 --> 00:52:03,833
Nakumpirma nito ang teorya ko.
840
00:52:04,416 --> 00:52:06,333
Ginaya no'ng pumatay
841
00:52:06,416 --> 00:52:09,166
ang mga tradisyonal na diskarte
sa locked-door mystery.
842
00:52:09,708 --> 00:52:11,916
Pinapasimple nito ang mga bagay-bagay.
843
00:52:12,000 --> 00:52:13,208
Sa club tayo.
844
00:52:13,750 --> 00:52:15,166
Tara na, mga bagets.
845
00:52:21,833 --> 00:52:24,166
Sa The Hollow Man,
si Detective Gideon Fell,
846
00:52:24,250 --> 00:52:28,666
inilista niya ang mga posibleng diskarte
sa locked-door na pagpatay.
847
00:52:29,250 --> 00:52:31,375
Ilapag natin ang mga 'yon at butatain.
848
00:52:31,458 --> 00:52:33,583
Unang posibleng nangyari,
849
00:52:33,666 --> 00:52:37,083
sinaksak ng kutsilyo si Wicks
850
00:52:37,708 --> 00:52:40,041
bago siya pumasok sa closet.
851
00:52:40,625 --> 00:52:44,041
Father Jud, puwede ka bang pumuwesto
kung nasaan ka no'n?
852
00:52:47,208 --> 00:52:49,333
Natapos si Wicks sa sermon niya.
853
00:52:51,083 --> 00:52:52,750
Kung may nakasunod na device
854
00:52:52,833 --> 00:52:57,833
na kayang magbato sa likod niya
ng mabigat at hindi balanseng patalim...
855
00:53:00,791 --> 00:53:04,875
hindi 'yon kita sa camera
at sa mga saksing nakaupo sa nave,
856
00:53:05,500 --> 00:53:09,000
pero nakita na dapat 'yon ni Father Jud.
857
00:53:10,625 --> 00:53:13,666
Wala akong nakitang robot
na nagbabato ng kutsilyo.
858
00:53:13,750 --> 00:53:16,291
Wala. Unang posibleng nangyari, ekis.
859
00:53:16,375 --> 00:53:18,208
Pangalawang posibleng nangyari...
860
00:53:20,083 --> 00:53:21,500
Pinatay siya
861
00:53:22,000 --> 00:53:23,833
habang nasa loob ng closet
862
00:53:23,916 --> 00:53:27,541
ng isang tao o bagay
863
00:53:28,291 --> 00:53:30,125
na nasa labas ng closet.
864
00:53:30,833 --> 00:53:34,416
Ano, may nagbato ng kutsilyo
papasok sa closet mula dito sa labas?
865
00:53:34,500 --> 00:53:35,916
E, kalokohan 'yon.
866
00:53:36,000 --> 00:53:38,583
Kalokohan at imposible sa maraming aspeto.
867
00:53:38,666 --> 00:53:41,083
Pangalawang posibleng nangyari, ekis.
Umuusad tayo!
868
00:53:41,666 --> 00:53:43,250
Ilan ba ang posibleng nangyari?
869
00:53:43,333 --> 00:53:45,333
Ilan lang. Pangatlo...
870
00:53:46,166 --> 00:53:49,041
Pinatay siya habang nasa loob ng closet
871
00:53:49,125 --> 00:53:51,750
ng isang device
872
00:53:53,041 --> 00:53:54,541
na nasa loob din ng closet.
873
00:53:54,625 --> 00:53:56,833
Ano 'yon, may ipinuwesto na d'yan,
874
00:53:56,916 --> 00:53:58,541
tapos kinontrol ng remote?
875
00:53:58,625 --> 00:54:00,625
Makapal 'tong pader dito,
876
00:54:00,708 --> 00:54:04,125
pero makakatagos pa rin dito
kapag malakas ang RF signal.
877
00:54:04,875 --> 00:54:06,875
Saan itatago
878
00:54:07,625 --> 00:54:12,041
ang gumaganang de-remote control
na device na nagbabato ng kutsilyo
879
00:54:12,583 --> 00:54:14,333
sa loob ng bakanteng closet?
880
00:54:15,125 --> 00:54:16,916
Padapa natumba si Wicks.
881
00:54:17,541 --> 00:54:19,958
Tanda ko pang may bumagsak at kumalansing.
882
00:54:21,583 --> 00:54:24,083
Nakaharap sa pinto ang ulunan niya,
883
00:54:24,166 --> 00:54:26,125
e, di sa dulo siya nang nakaharap palabas
884
00:54:27,166 --> 00:54:30,583
at baka pinatagos 'yong kutsilyo
sa pader sa likod.
885
00:54:31,083 --> 00:54:33,500
Bumagsak at kumalansing. Ayos 'yon.
886
00:54:34,041 --> 00:54:35,250
Pero...
887
00:54:36,250 --> 00:54:38,125
akala mo kastilyo 'to, e.
888
00:54:38,958 --> 00:54:40,041
E, pa'no kung...
889
00:54:40,541 --> 00:54:43,125
Pa'no kung may pekeng pader
na inalis pagkatapos?
890
00:54:43,208 --> 00:54:45,166
Ilapag mo 'yan, Father Brown.
891
00:54:45,250 --> 00:54:46,708
Ano? Walang gano'n.
892
00:54:46,791 --> 00:54:48,875
Napansin na namin kung may pekeng pader.
893
00:54:52,750 --> 00:54:56,583
Tama. Saka hindi madaling
alisin 'yon pagkatapos.
894
00:54:58,416 --> 00:55:01,166
Wala nang ibang nakita sa sahig dito, 'no?
895
00:55:01,833 --> 00:55:04,458
Wala na. Pulang sinulid lang.
896
00:55:06,500 --> 00:55:07,708
Teka, ano? Ano...
897
00:55:08,208 --> 00:55:09,708
Pulang sinulid?
898
00:55:11,666 --> 00:55:15,291
May dalawang makapal na pulang sinulid
na nasa tatlong pulgada
899
00:55:15,375 --> 00:55:17,375
sa ibabaw ng katawan, malapit sa balakang.
900
00:55:19,333 --> 00:55:20,916
Ano na 'yong pang-apat?
901
00:55:26,125 --> 00:55:27,208
Martha?
902
00:55:28,166 --> 00:55:30,375
- Palayasin mo sila.
- Martha?
903
00:55:30,458 --> 00:55:31,750
Palayasin mo sila!
904
00:55:32,666 --> 00:55:35,083
Pagala-gala sila sa banal na lugar na 'to
905
00:55:35,166 --> 00:55:38,500
na parang pinangyarihan 'to ng krimen,
na parang...
906
00:55:38,583 --> 00:55:42,208
pipitsuging soap opera 'to,
may robot-robot pang sinasabi!
907
00:55:42,791 --> 00:55:46,291
Hindi dapat ganito, Father. Mali 'to!
908
00:55:48,916 --> 00:55:51,541
Martha, umuwi ka na at magpahinga.
909
00:55:52,083 --> 00:55:53,208
May maitutulong ba 'ko?
910
00:55:54,041 --> 00:55:55,083
Umalis ka na.
911
00:55:55,791 --> 00:55:57,625
Wala nang may gustong nandito ka.
912
00:55:58,125 --> 00:56:03,000
Simula pa lang, ayaw mo na kay Monsignor
at mababa ang tingin mo sa 'min.
913
00:56:03,083 --> 00:56:05,500
- Hindi totoo 'yan.
- Gusto mong pumatay.
914
00:56:05,583 --> 00:56:07,208
- Hindi.
- Marumi ang kamay mo...
915
00:56:07,291 --> 00:56:09,291
tulad no'ng pokpok na 'yon.
916
00:56:09,375 --> 00:56:12,583
Nadungisan ang lugar na 'to
ng likas na kasalanan mo.
917
00:56:13,333 --> 00:56:15,083
Hindi ka totoong pari!
918
00:56:17,958 --> 00:56:18,958
Sorry.
919
00:56:20,375 --> 00:56:22,541
Pero kung nag-iimbestiga kami ng detective
920
00:56:22,625 --> 00:56:24,791
at makaaway ko kayo dahil do'n, bahala na.
921
00:56:27,583 --> 00:56:28,666
Sorry.
922
00:56:39,541 --> 00:56:40,625
Makikisuntok ako, a?
923
00:56:42,791 --> 00:56:44,416
Sige. Sige lang.
924
00:56:47,958 --> 00:56:49,375
Okay ka lang ba?
925
00:56:50,000 --> 00:56:53,375
Lumilinaw na.
Palaisipan 'to na puwedeng malutas.
926
00:56:53,458 --> 00:56:56,083
Bangkay, weapon, crime scene,
de-robot na kutsilyo,
927
00:56:56,166 --> 00:56:59,208
anggulo, batong pader, remote control.
928
00:57:01,666 --> 00:57:02,958
Remote control.
929
00:57:11,791 --> 00:57:14,208
Hindi ka nakinig sa game
no'ng misa no'ng Biyernes.
930
00:57:14,875 --> 00:57:16,416
Sa radyo mo.
931
00:57:16,500 --> 00:57:19,125
Hindi nga. Ayaw ni Martha ng gano'n.
932
00:57:21,875 --> 00:57:23,291
Kaya ni-record mo.
933
00:57:23,958 --> 00:57:25,041
Oo.
934
00:57:26,708 --> 00:57:30,791
Sige. Nagpatong ako ng time stamp
nang base rin sa delay sa broadcast.
935
00:57:30,875 --> 00:57:35,125
Tumawag sa ospital si Dr. Sharp
ng 3:47 p.m.,
936
00:57:35,208 --> 00:57:37,625
at 90 seconds bago 'yon...
937
00:57:43,625 --> 00:57:46,166
May ilang puwedeng dahilan 'yong glitch,
938
00:57:46,250 --> 00:57:47,916
pero ang sagot sa tanong n'yo, oo,
939
00:57:48,000 --> 00:57:51,208
ganito ang nangyayari
kapag may bugso ng RF interference
940
00:57:51,291 --> 00:57:53,916
na puwedeng manggaling
sa in-enhance na remote control.
941
00:57:54,500 --> 00:57:55,500
Grabe.
942
00:57:55,583 --> 00:57:58,416
Ito na, 'no? Ito ang nag-trigger
ng de-robot na kutsilyo.
943
00:57:58,500 --> 00:58:01,333
Ito na 'yon. Malulutas mo na 'to, di ba?
944
00:58:01,416 --> 00:58:03,833
Sinync mo ba 'yan sa footage ni Cy?
945
00:58:03,916 --> 00:58:07,666
Oo. May time stamp 'yong iPhone video.
Detalyadong-detalyado 'yon.
946
00:58:07,750 --> 00:58:09,750
- Okay. Patingin kami?
- Sige.
947
00:58:09,833 --> 00:58:11,041
Ano 'yon?
948
00:58:11,125 --> 00:58:14,208
{\an8}Kung saan nakasalalay
ang kaligtasan ng sanlibutan
949
00:58:16,875 --> 00:58:17,958
{\an8}Monsignor?
950
00:58:30,875 --> 00:58:33,000
Bale, no'ng biglang bugso ng RF signal,
951
00:58:33,083 --> 00:58:35,916
{\an8}nakadapa na siya nang may saksak sa likod
952
00:58:36,541 --> 00:58:38,875
{\an8}at nakatingin sa kanya si Father Jud.
953
00:58:39,375 --> 00:58:41,166
Posible ba 'yon?
954
00:58:41,250 --> 00:58:43,958
Sa de-robot na kutsilyo, hindi.
955
00:58:44,041 --> 00:58:46,625
Ano, wala rin pala 'to?
956
00:58:46,708 --> 00:58:47,625
Hindi.
957
00:58:47,708 --> 00:58:49,916
Malaki ang naibigay nito sa 'tin.
958
00:58:51,125 --> 00:58:53,958
Kumpleto na ang mga piyesa.
959
00:58:54,041 --> 00:58:55,166
- Talaga?
- Oo.
960
00:58:55,250 --> 00:58:58,458
'Yong pinagmulan ng ulo ng demonyo,
pulang sinulid,
961
00:58:58,541 --> 00:59:01,958
bumagsak at kumalansing,
timing ng RF remote.
962
00:59:02,958 --> 00:59:04,375
Magkakakonekta ang mga 'yon.
963
00:59:06,291 --> 00:59:07,708
E, ano na ang sagot?
964
00:59:08,916 --> 00:59:10,208
Wala pa rin.
965
00:59:11,666 --> 00:59:15,250
Kapag kumpleto na 'ka mo ang mga piyesa,
magkakasagot ka na.
966
00:59:15,333 --> 00:59:16,541
Alam ko, pero...
967
00:59:16,625 --> 00:59:18,708
kahit nakalapag na ang mga piyesa,
968
00:59:18,791 --> 00:59:21,958
mukha pa ring krimen 'to
969
00:59:22,750 --> 00:59:23,958
na imposibleng gawin.
970
00:59:24,791 --> 00:59:26,916
Kaya mo 'ka mong lutasin 'to.
971
00:59:28,541 --> 00:59:30,041
'Yon ang ginagawa mo.
972
00:59:32,041 --> 00:59:33,666
Nagtiwala ako sa 'yo.
973
00:59:33,750 --> 00:59:35,750
Diyos ko. Diyos ko po.
974
00:59:37,333 --> 00:59:40,750
Thirty-six hours ka nang walang tulog.
Matulog ka muna.
975
00:59:41,458 --> 00:59:42,541
Oo nga.
976
00:59:43,166 --> 00:59:45,875
Mabigat ang araw na 'to.
Good night, Father Jud.
977
00:59:45,958 --> 00:59:47,500
Tara na. Ihahatid na kita.
978
00:59:56,833 --> 00:59:57,916
Alam mo,
979
00:59:58,458 --> 00:59:59,375
tama ka.
980
00:59:59,458 --> 01:00:02,083
Hindi imposible 'to, hindi puwede 'yon.
981
01:00:03,333 --> 01:00:05,166
Siguradong may nawawalang piyesa.
982
01:00:06,458 --> 01:00:08,458
At mukhang alam ko na kung saan hahanapin.
983
01:00:09,041 --> 01:00:11,791
Mukhang merong nand'yan, sa utak mo,
984
01:00:11,875 --> 01:00:14,291
na kailangan ko
para malutas ang kasong 'to.
985
01:00:14,958 --> 01:00:17,791
Kung hindi ko 'yon mahuhugot,
pasensiya na,
986
01:00:18,333 --> 01:00:20,750
manghihimasok ako para makuha 'yon.
987
01:00:23,250 --> 01:00:25,166
Okay, ninenerbiyos na 'ko sa 'yo.
988
01:00:27,250 --> 01:00:28,875
Hindi ko maintindihan.
989
01:00:29,583 --> 01:00:32,541
{\an8}Pa'no makakatulong 'to?
Isusulat ko 'yong kuwento?
990
01:00:32,625 --> 01:00:34,833
{\an8}Oo, 'yong kuwento.
991
01:00:34,916 --> 01:00:37,625
{\an8}'Yong kuwento ng pagpatay
kay Reverend Wicks.
992
01:00:37,708 --> 01:00:38,791
{\an8}Monsignor Wicks.
993
01:00:38,875 --> 01:00:40,708
{\an8}Monsignor jalapeño. Pakialam ko.
994
01:00:40,791 --> 01:00:44,208
{\an8}Ipaintindi mo sa 'kin ang mga nangyari
hanggang sa patayin siya.
995
01:00:44,291 --> 01:00:45,166
{\an8}Simula saan?
996
01:00:45,250 --> 01:00:46,333
{\an8}Kahit saan mo gusto.
997
01:00:46,416 --> 01:00:49,625
Basta maganda, tuloy-tuloy,
at wag kang magtipid sa detalye.
998
01:00:49,708 --> 01:00:51,000
Blanc, hindi ako writer.
999
01:00:51,083 --> 01:00:52,500
Wag mong madaliin.
1000
01:00:55,000 --> 01:00:56,500
{\an8}Magre-relax lang ako dito.
1001
01:01:04,041 --> 01:01:07,041
{\an8}Kaya ginawa ko nga 'yon
sa nakalipas na isang oras,
1002
01:01:07,541 --> 01:01:10,750
{\an8}at tapos ko na 'to ngayon
at ibibigay na sa 'yo,
1003
01:01:11,250 --> 01:01:12,458
{\an8}at maghihintay siguro
1004
01:01:12,541 --> 01:01:14,458
{\an8}habang binabasa mo ang kuwento ko
1005
01:01:14,541 --> 01:01:17,500
sa nangyaring pagpatay
kay Monsignor Jefferson Wicks.
1006
01:01:44,083 --> 01:01:45,291
Bakit mo ginawa 'yon?
1007
01:01:48,625 --> 01:01:50,125
Ang mas magandang tanong,
1008
01:01:50,708 --> 01:01:53,416
ba't ko maiisip
na maloloko kita at makakalusot ako?
1009
01:01:53,500 --> 01:01:56,125
Hindi ka naman nagsinungaling.
Hindi mo gagawin 'yon.
1010
01:01:57,041 --> 01:02:00,125
Hindi mo lang inamin
'yong hindi mo dapat ginawa.
1011
01:02:03,125 --> 01:02:07,208
"No'ng sinamahan ko 'yong iba sa labas,
kararating pa lang ng mga pulis."
1012
01:02:10,000 --> 01:02:11,625
"Sinamahan 'yong iba sa labas."
1013
01:02:12,125 --> 01:02:14,125
Nagtagal ka pala sa loob.
1014
01:02:14,208 --> 01:02:17,041
E, di ikaw lang
ang puwedeng makapasok nang di napapansin
1015
01:02:17,125 --> 01:02:21,500
sa utility closet pagkatapos ng murder
pero bago inspeksiyunin ng mga pulis.
1016
01:02:23,541 --> 01:02:25,041
Bakit? Bale...
1017
01:02:28,000 --> 01:02:29,291
Ba't mo siya pinrotektahan?
1018
01:02:29,375 --> 01:02:31,375
Hindi 'yon para kay Wicks.
1019
01:02:33,041 --> 01:02:35,375
Ginawa ko 'yon para hindi naman mabigo
1020
01:02:35,458 --> 01:02:36,875
ang mga naniniwala sa kanya.
1021
01:02:36,958 --> 01:02:39,791
Pero siguradong alam na ng lahat 'yon.
1022
01:02:39,875 --> 01:02:43,375
Siguradong amoy na amoy 'yon sa kanya
pagkatapos ng bawat misa.
1023
01:02:43,458 --> 01:02:46,416
"Nagpapalakas."
Ayos 'yong salitang ginamit mo.
1024
01:02:46,500 --> 01:02:48,666
Pero siguradong alam ng lahat 'yon.
1025
01:02:48,750 --> 01:02:50,875
Kumilos ang Espiritu sa kanya ngayon, a.
1026
01:02:51,541 --> 01:02:52,958
Hindi, hindi lahat.
1027
01:02:53,458 --> 01:02:54,541
Si Sam.
1028
01:02:55,333 --> 01:02:57,541
Ang nag-iisang mabuting tao rito.
1029
01:02:57,625 --> 01:02:59,625
Nailigtas siya ng pag-iwas sa alak.
1030
01:03:01,041 --> 01:03:04,875
Alam kong nando'n ang media at pulis.
Ba't ko ipangangalandakan 'yon?
1031
01:03:07,375 --> 01:03:09,791
Sinaksak si Wicks.
1032
01:03:09,875 --> 01:03:13,625
Hindi ko alam kung paano o nino,
basta alam kong sinaksak siya.
1033
01:03:13,708 --> 01:03:15,708
Kaya walang kinalaman 'yon do'n.
1034
01:03:15,791 --> 01:03:17,916
Basta naisip ko na lang gawin 'yon.
1035
01:03:18,000 --> 01:03:20,541
Pagbabago sa kuwento
alang-alang sa parokya.
1036
01:03:20,625 --> 01:03:22,250
Kaululan!
1037
01:03:22,333 --> 01:03:26,416
Sa pagprotekta mo sa pinaniniwalaan nila,
napagtakpan mo ang pumatay!
1038
01:03:29,000 --> 01:03:30,833
Nasaan na 'yong flask?
1039
01:03:33,750 --> 01:03:34,833
Punyeta!
1040
01:03:37,458 --> 01:03:39,083
Punyeta. Wala rito.
1041
01:03:40,833 --> 01:03:41,916
Blanc.
1042
01:03:42,875 --> 01:03:44,083
Sorry.
1043
01:03:44,708 --> 01:03:46,708
Sinaksak siya, kaya di ko naisip—
1044
01:03:46,791 --> 01:03:48,916
Hindi nga. Hindi ka nag-isip.
1045
01:03:49,000 --> 01:03:52,000
Pero ipit na tayo dito,
kaya mabuting mag-isip ka na.
1046
01:03:53,291 --> 01:03:55,125
May nanloob sa kuwarto ko.
1047
01:03:56,125 --> 01:03:57,416
Ngayon ko lang nagegets.
1048
01:03:57,958 --> 01:04:00,791
Ang sama nito, planado 'to laban sa 'kin.
1049
01:04:00,875 --> 01:04:03,208
Kita mo na kung anong klase
ang kalaban natin.
1050
01:04:05,125 --> 01:04:08,000
Pinakinggan at inunawa mo na
ang mga tagaparokya,
1051
01:04:08,083 --> 01:04:09,833
pero tapos na tayo do'n.
1052
01:04:09,916 --> 01:04:11,541
Marami na tayong nasayang na oras.
1053
01:04:11,625 --> 01:04:14,041
Sasamantalahin natin 'yong libing bukas
1054
01:04:14,125 --> 01:04:15,750
para kausapin silang lahat.
1055
01:04:15,833 --> 01:04:18,666
Aalamin natin
ang nangyari no'ng gabing 'yon,
1056
01:04:19,750 --> 01:04:23,833
pati ang itinatago
ng grupo ng mga lobo na 'yon.
1057
01:04:34,916 --> 01:04:37,375
{\an8}HULING HOMILY NI JEFFERSON WICKS:
NOONG PINATAY SIYA
1058
01:04:40,916 --> 01:04:42,333
Ipinagkanulo.
1059
01:04:43,333 --> 01:04:44,541
Binugbog.
1060
01:04:46,666 --> 01:04:47,875
Kinutya.
1061
01:04:48,916 --> 01:04:50,125
Sinaksak.
1062
01:04:52,291 --> 01:04:53,375
Pinatay.
1063
01:04:57,375 --> 01:05:00,000
At iniwan sa isang hukay, para mabulok.
1064
01:05:00,916 --> 01:05:02,000
Para mabaon sa limot.
1065
01:05:03,208 --> 01:05:06,041
Tulad ng ating Tagapagligtas,
tulad ng simbahan.
1066
01:05:06,708 --> 01:05:10,208
Tinutuligsa ang ating simbahan
ng bulok na modernidad,
1067
01:05:10,291 --> 01:05:12,500
ng mga kaaway ng Diyos.
1068
01:05:12,583 --> 01:05:14,583
Ang mga pokpok,
1069
01:05:14,666 --> 01:05:18,000
ang mga pesteng nagnanais
na tayo'y apakan, patahimikin,
1070
01:05:18,083 --> 01:05:20,500
at hadlangang makakilos gaya ng nararapat
1071
01:05:20,583 --> 01:05:23,208
bilang mga pinuno
ng isang Kristiyanong bansa.
1072
01:05:23,708 --> 01:05:26,791
Habang nandito ako
bilang mandirigma ni Hesukristo
1073
01:05:26,875 --> 01:05:30,708
at nakabaluti ng Diyos para labanan
ang sanlibutan hanggang kamatayan,
1074
01:05:30,791 --> 01:05:33,333
hindi kayo makalalampas!
1075
01:05:36,041 --> 01:05:39,125
Tulad ng Panginoon,
ipinagkanulo rin ako ni Hudas.
1076
01:05:39,666 --> 01:05:41,500
Puwedeng iwan n'yo muna ako?
1077
01:05:42,250 --> 01:05:44,250
Si Hudas sa iba't ibang anyo.
1078
01:05:46,000 --> 01:05:48,833
Laging nagmumula sa loob
ang tunay na panganib.
1079
01:05:50,291 --> 01:05:52,125
Tandaan n'yo ang mga sinasabi ko.
1080
01:05:53,583 --> 01:05:56,958
Sa Biyernes Santo na ito,
tandaan n'yo ang mangyayari.
1081
01:05:57,041 --> 01:05:59,041
Tandaan ninyong lahat.
1082
01:06:01,583 --> 01:06:02,958
Mabubuhay kang muli.
1083
01:06:04,125 --> 01:06:05,541
Ayos lang 'to.
1084
01:06:06,041 --> 01:06:07,666
Mabubuhay kang muli.
1085
01:06:08,291 --> 01:06:09,500
Mabubuhay ka.
1086
01:06:09,583 --> 01:06:12,958
Malapit na ang oras
na siyang punto ng aking babala.
1087
01:06:14,541 --> 01:06:17,541
Tandaan n'yo ang pangako ko
sa Linggo ng Pagkabuhay.
1088
01:06:17,625 --> 01:06:21,458
Tutuparin ko ang pangakong 'yon.
Tutuparin ko 'yon.
1089
01:06:23,500 --> 01:06:29,125
Sapagkat Siya ma'y pinabagsak, muling
babangon ang matuwid na Anak ng Diyos.
1090
01:06:29,666 --> 01:06:32,083
Mansanas ni Eba'y ibabalik sa puno,
1091
01:06:32,166 --> 01:06:35,833
sa kayamanan ng Kanyang kaharian,
sa magiging paghahari Niya.
1092
01:06:36,458 --> 01:06:39,291
Habang kayo'y nagngangalit sa dilim,
1093
01:06:39,375 --> 01:06:41,000
kayong mga demonyong taksil,
1094
01:06:41,083 --> 01:06:45,500
habang kayo'y nakahandusay,
nilalamig, nabaon sa limot, at nag-iisa,
1095
01:06:45,583 --> 01:06:50,000
Siya'y muling babangon
upang bawiin ang nararapat na sa Kanya.
1096
01:06:50,666 --> 01:06:52,291
At papatayin ang masasama,
1097
01:06:53,041 --> 01:06:56,083
at paghahariin sa bansang ito
ang Kanyang tunay na Anak!
1098
01:06:56,166 --> 01:06:59,375
Oo, Siya'y muling babangon!
1099
01:06:59,458 --> 01:07:02,083
Oo, manginig kayo sa takot,
1100
01:07:02,166 --> 01:07:07,666
sapagkat Siya'y muling babangon,
dakila, maghihiganti, at makapangyarihan!
1101
01:07:17,541 --> 01:07:20,375
Nakikiramay ako, Father.
Pakipirmahan dito.
1102
01:07:21,666 --> 01:07:23,041
Atin-atin lang 'to, a.
1103
01:07:23,125 --> 01:07:27,208
Wala akong pakialam sa laman ng Internet.
Parang di naman ikaw ang gumawa.
1104
01:07:29,666 --> 01:07:31,875
Ganito. Makinig kayong lahat.
1105
01:07:31,958 --> 01:07:34,208
Tingnan n'yo nga naman, o. Si Judas Jud.
1106
01:07:34,791 --> 01:07:37,166
Father, hindi ka welcome dito.
1107
01:07:37,250 --> 01:07:38,458
Tumigil na kayo!
1108
01:07:38,541 --> 01:07:39,750
Ganito ang mangyayari.
1109
01:07:39,833 --> 01:07:42,416
Tatanungin namin kayo
nito ni Benoit Blanc,
1110
01:07:42,500 --> 01:07:45,666
sasagot kayo at makikilala natin
ang pumatay kay Monsignor Wicks
1111
01:07:45,750 --> 01:07:48,000
at kung bakit at pagkatapos...
1112
01:07:48,791 --> 01:07:50,208
'Yon na 'yon.
1113
01:07:50,291 --> 01:07:53,125
Okay? Okay, kaya...
1114
01:07:54,916 --> 01:07:57,041
Salamat, Father Jud. Ano 'yon...
1115
01:07:57,125 --> 01:07:58,291
Ayos 'yon.
1116
01:07:58,375 --> 01:08:00,000
Simulan natin dito,
1117
01:08:00,083 --> 01:08:04,166
sa nangyari no'ng gabing 'yon,
sa kuwartong 'to mismo.
1118
01:08:04,250 --> 01:08:07,291
'Yong gabing umamin si Jud
na nakapatay siya ng tao?
1119
01:08:07,375 --> 01:08:10,416
Hindi 'yon ano... Sa boxing 'yon, ano 'yon—
1120
01:08:10,500 --> 01:08:13,458
Inaatake niya tayo ngayon
para pagtakpan ang sarili. PINO.
1121
01:08:13,541 --> 01:08:14,500
PINO?
1122
01:08:14,583 --> 01:08:16,166
Priest in name only.
1123
01:08:16,250 --> 01:08:20,375
Tinutulungan si Benoit Blanc na ibuking
ang misteryo ng buktot na simbahan,
1124
01:08:20,458 --> 01:08:23,708
tapos may libtard
na gagawa ng podcast tungkol dito,
1125
01:08:23,791 --> 01:08:27,708
tapos magkakaroon ng palabas sa Netflix
kung saan tatanga-tanga tayo.
1126
01:08:27,791 --> 01:08:30,500
Naku, wag naman sana
tayo gawing tatanga-tanga!
1127
01:08:31,916 --> 01:08:33,291
Diyos ko!
1128
01:08:33,375 --> 01:08:34,791
Himala 'to!
1129
01:08:36,041 --> 01:08:38,916
Nakakalakad ako, Martha. Masakit nga lang.
1130
01:08:40,666 --> 01:08:41,875
Mabuti naman.
1131
01:08:42,541 --> 01:08:43,750
Ibuking mo lahat.
1132
01:08:44,291 --> 01:08:46,041
Manloloko 'yong si Wicks.
1133
01:08:46,791 --> 01:08:50,208
Kalokohan 'yong mga himala
at kapangyarihan ng Diyos daw.
1134
01:08:51,583 --> 01:08:53,000
Naniwala talaga ako.
1135
01:08:54,875 --> 01:08:56,500
Gusto ko pa ring maniwala.
1136
01:08:57,083 --> 01:08:58,291
Ang tindi, di ba?
1137
01:08:58,791 --> 01:09:03,041
Ang itatanong ko sana talaga,
hindi tungkol sa prayer group ni Jud,
1138
01:09:03,125 --> 01:09:05,541
kundi 'yong lihim na meeting
kasama si Wicks
1139
01:09:05,625 --> 01:09:08,625
na nangyari dito sa kuwartong 'to
no'ng Palm Sunday.
1140
01:09:12,958 --> 01:09:16,416
Tungkol saan ba ang meeting na 'yon?
1141
01:09:18,458 --> 01:09:20,291
Sino'ng gustong mauna?
1142
01:09:21,625 --> 01:09:22,833
Ako na.
1143
01:09:26,041 --> 01:09:29,083
- Cy. Oy, teka lang, p're! Oy!
- Hindi puwede.
1144
01:09:29,166 --> 01:09:30,916
Tumikom kang lintik ka!
1145
01:09:31,000 --> 01:09:32,708
- Wala kang karapatan!
- Tumahimik ka!
1146
01:09:32,791 --> 01:09:34,541
Sandali... Kalma lang, Father Jud.
1147
01:09:34,625 --> 01:09:36,625
'Yong pinag-usapan namin
no'ng gabing 'yon,
1148
01:09:36,708 --> 01:09:39,208
walang kinalaman 'yon
sa pagpatay kay Wicks, okay?
1149
01:09:39,291 --> 01:09:42,083
Pero may kinalaman 'yon
sa mga bagay na kapag nalantad,
1150
01:09:42,166 --> 01:09:43,625
may mga tao rito na mawawasak.
1151
01:09:43,708 --> 01:09:46,333
Ni-record ko nang buo. Ipe-play na lang.
1152
01:09:48,875 --> 01:09:50,875
- Wag! Hindi puwede—
- Sira-ulo ka talaga!
1153
01:09:50,958 --> 01:09:54,416
- Buksan mo 'tong pinto, tarantado!
- Binababoy mo ang files ko!
1154
01:09:54,500 --> 01:09:56,250
- I-play mo na!
- Buksan mo 'to!
1155
01:10:07,000 --> 01:10:09,416
Okay. Ang drama mo naman, Vera.
1156
01:10:10,416 --> 01:10:12,500
Kumpleto na tayo. Ano ba 'to?
1157
01:10:16,208 --> 01:10:18,416
Iniisip ko ang nanay mo.
1158
01:10:19,875 --> 01:10:24,791
Hindi ko siya nakilala,
pero lumaki ako sa simbahang 'to,
1159
01:10:24,875 --> 01:10:28,083
kaya alam ko ang kuwento
tungkol sa pokpok na 'yon.
1160
01:10:28,166 --> 01:10:31,583
Iniisip ko kung paano
ang naging buhay niya noon
1161
01:10:31,666 --> 01:10:35,625
habang kasama niya sa bahay
ang tatay niya at ang anak niya.
1162
01:10:36,458 --> 01:10:39,625
Pinagtutulungan, pinapahiya,
1163
01:10:39,708 --> 01:10:42,125
at tinuturuan kaming pandirihan siya.
1164
01:10:44,000 --> 01:10:45,416
Kaawa-awa siya.
1165
01:10:51,791 --> 01:10:56,625
May tumawag sa 'kin kahapon
na kakilalang family lawyer sa Brooklyn.
1166
01:10:57,750 --> 01:11:00,583
Dinouble-check niya ang contact details
1167
01:11:00,666 --> 01:11:04,375
ni Monsignor Jefferson Wicks
na kliyente ko
1168
01:11:04,458 --> 01:11:08,541
dahil 'yong kliyente ko raw,
nag-file ng AOP sa kanya
1169
01:11:09,500 --> 01:11:10,708
sa Brooklyn.
1170
01:11:11,458 --> 01:11:13,666
Para hindi ko malaman 'yon.
1171
01:11:14,708 --> 01:11:16,250
AOP? Ano 'yon?
1172
01:11:19,625 --> 01:11:22,041
"Acknowledgement of parentage"?
1173
01:11:25,375 --> 01:11:28,166
"Ako si Jefferson Wicks,
at kinukumpirma ko
1174
01:11:28,250 --> 01:11:31,625
"na ako ang biological na ama
ni Cyrus Draven."
1175
01:11:36,666 --> 01:11:39,083
Hindi ka mapapahiya.
1176
01:11:40,125 --> 01:11:41,208
Di ba?
1177
01:11:42,125 --> 01:11:43,666
Sino ang nanay?
1178
01:11:45,208 --> 01:11:46,833
Importante pa ba 'yon?
1179
01:11:47,458 --> 01:11:53,291
Hindi! Bumalik lang siya
at iniwan sa 'yo ang batang 'to.
1180
01:11:53,916 --> 01:11:55,583
Tapos nagpatuloy sa buhay niya,
1181
01:11:56,333 --> 01:11:59,833
at to the rescue naman
ang mabait kong ama.
1182
01:11:59,916 --> 01:12:04,250
Nagsanib-puwersa na naman ang mga lalaki,
tapos ayun ako, si tanga.
1183
01:12:04,333 --> 01:12:05,541
Naipit.
1184
01:12:05,625 --> 01:12:10,875
Sumunod ako,
at tinanggap at pinalaki ko ang anak mo
1185
01:12:10,958 --> 01:12:14,041
habang ikaw, nasa pulpito mo,
hindi na nahiya.
1186
01:12:14,125 --> 01:12:17,916
Ipokrito kang hayop ka!
1187
01:12:23,000 --> 01:12:24,083
Cy?
1188
01:12:24,708 --> 01:12:25,708
Alam mo ba 'to?
1189
01:12:25,791 --> 01:12:27,791
Kanina lang, no'ng sinabi ni Vera.
1190
01:12:28,458 --> 01:12:29,375
Oo.
1191
01:12:30,291 --> 01:12:31,916
Anak ko si Cy.
1192
01:12:34,625 --> 01:12:36,458
Sa isang babaeng mababa ang lipad
1193
01:12:36,541 --> 01:12:39,333
na nakasama ko isang gabi
at 30 taon ko nang di nakikita.
1194
01:12:39,416 --> 01:12:42,416
Inilihim namin 'to ng tatay ni Vera.
Hindi na ngayon.
1195
01:12:42,958 --> 01:12:44,625
Siya ang tagapagmana ko.
1196
01:12:46,041 --> 01:12:47,125
Anak ko.
1197
01:12:49,625 --> 01:12:51,750
Malalaman na 'to ngayon ng mundo.
1198
01:12:53,208 --> 01:12:55,416
Kaya kayong mga ulupong,
1199
01:12:56,500 --> 01:12:57,791
umalis na kayo sa hardin.
1200
01:13:01,125 --> 01:13:02,625
Tigilan na natin 'to.
1201
01:13:02,708 --> 01:13:04,500
Sinusuportahan n'yo pa rin siya.
1202
01:13:05,666 --> 01:13:07,875
Gusto ko lang makita nang harapan.
1203
01:13:07,958 --> 01:13:10,875
Kahit tae niya, kakainin n'yo, e.
Babalik-balikan n'yo pa.
1204
01:13:10,958 --> 01:13:12,750
Mapangmata ka d'yan, Vera.
1205
01:13:12,833 --> 01:13:14,708
Hindi mo alam ang nararamdaman namin.
1206
01:13:14,791 --> 01:13:18,916
Bilang mga Kristiyano, lahat tayo,
nabigla at nasaktan sa sinabi mo.
1207
01:13:20,916 --> 01:13:23,625
Pero may digmaan ngayon
para sa pagpapatuloy natin.
1208
01:13:23,708 --> 01:13:25,750
Lalaban tayo sa kahit anong paraan.
1209
01:13:25,833 --> 01:13:27,666
Hindi duwag ang kailangan ng simbahan
1210
01:13:27,750 --> 01:13:29,791
kundi mandirigmang hindi magpapatinag.
1211
01:13:29,875 --> 01:13:31,500
Mandirigma ang kailangan natin.
1212
01:13:31,583 --> 01:13:35,666
Naniniwala akong si Monsignor Wicks
ang mandirigmang pinili ng Diyos.
1213
01:13:36,416 --> 01:13:39,250
Kaya ilalaban ko kayong mag-ama.
1214
01:13:39,958 --> 01:13:41,000
Saka...
1215
01:13:42,083 --> 01:13:43,708
hindi natin kilala 'yong babae.
1216
01:13:44,708 --> 01:13:46,333
Hindi natin siya kilala.
1217
01:13:46,916 --> 01:13:49,541
Hindi naman natin alam kung paano niya...
1218
01:13:51,541 --> 01:13:54,166
Ano ba ang totoo? Di ba?
Iba-iba ang sinasabi.
1219
01:13:54,250 --> 01:13:56,708
Hindi natin alam na...
Hindi natin... Ano'ng totoo?
1220
01:13:56,791 --> 01:13:58,416
May totoo ba sa lahat ng 'to?
1221
01:13:58,500 --> 01:14:01,125
Kaya...
1222
01:14:01,208 --> 01:14:02,500
Tama ka d'yan, Doc.
1223
01:14:02,583 --> 01:14:03,750
Salamat.
1224
01:14:04,458 --> 01:14:07,083
Kapag naniwala 'ka mo ako sa 'yo,
mapapagaling mo ako.
1225
01:14:08,291 --> 01:14:09,500
Kung totoo 'yon,
1226
01:14:10,041 --> 01:14:11,666
ayos lang kahit hindi ka santo.
1227
01:14:12,166 --> 01:14:13,708
Nasa likod mo kami, Monsignor.
1228
01:14:14,375 --> 01:14:18,833
Kahit ano pa ang sabihin o gawin mo,
hindi na magbabago 'yon.
1229
01:14:25,916 --> 01:14:28,666
Magmimisa ako sa huling pagkakataon
1230
01:14:30,083 --> 01:14:32,500
isang linggo mula ngayon,
sa Easter Sunday.
1231
01:14:33,791 --> 01:14:35,208
Pagkatapos no'n,
1232
01:14:35,958 --> 01:14:39,875
isasara ko na ang pinto
ng malungkot na simbahang 'to.
1233
01:14:43,250 --> 01:14:47,500
Pero bago 'yon,
wawasakin ko muna kayo isa-isa.
1234
01:14:50,750 --> 01:14:51,958
Teka nga. Ano 'ka mo?
1235
01:14:52,041 --> 01:14:53,458
'Yong paglalasing mo, Nat?
1236
01:14:53,541 --> 01:14:54,750
O, bakit?
1237
01:14:55,416 --> 01:14:57,250
Mapanganib kang tao.
1238
01:14:57,333 --> 01:14:58,750
Nagtatrabaho nang lasing.
1239
01:14:58,833 --> 01:15:01,916
Gumagamot ng mga pasyente,
mga bata pa, nang lasing.
1240
01:15:02,708 --> 01:15:04,541
Dapat malaman 'yon ng mga tagarito.
1241
01:15:04,625 --> 01:15:06,708
Dapat malaman ng medical board.
1242
01:15:06,791 --> 01:15:11,166
Wala nang dapat magtiwala
o tumanggap uli sa 'yo.
1243
01:15:11,791 --> 01:15:12,875
Ikaw, Lee.
1244
01:15:13,500 --> 01:15:16,500
'Yong Makatang librong sinusulat mo.
1245
01:15:16,583 --> 01:15:21,291
Insulto sa ministry ko 'yong
pagsisipsip mo at nagpapanggap na mabait.
1246
01:15:21,375 --> 01:15:24,583
Tungkulin kong balaan ang publiko,
1247
01:15:25,291 --> 01:15:27,291
pati ang mga kaibigan ko sa publishing.
1248
01:15:27,375 --> 01:15:30,250
Dapat mabaon sa limot 'yon. Pati ikaw.
1249
01:15:30,833 --> 01:15:34,458
Dapat kang ma-expose
bilang gagong walang saysay.
1250
01:15:34,541 --> 01:15:36,958
Ano 'yon? Ano'ng nangyayari dito?
1251
01:15:37,041 --> 01:15:38,125
Ikaw naman, Vera.
1252
01:15:38,666 --> 01:15:41,000
Bangungot ka ng tatay mo.
1253
01:15:41,791 --> 01:15:43,416
Ikakahiya ka niya.
1254
01:15:45,333 --> 01:15:48,416
Simone. Hindi ko mapapagaling
ang babaeng walang pananampalataya.
1255
01:15:49,125 --> 01:15:50,541
Hindi kita matutulungan.
1256
01:15:50,625 --> 01:15:53,125
Mapapalayas mo 'ka mo 'yon sa katawan ko.
1257
01:15:53,208 --> 01:15:55,000
Wala akong ipinangako sa 'yo.
1258
01:15:56,166 --> 01:15:58,791
Lahat ng ipon ko, ibinigay ko sa 'yo.
1259
01:15:58,875 --> 01:16:00,958
Hindi nabibili ang pagpapagaling ng Diyos.
1260
01:16:01,750 --> 01:16:03,583
Hindi ka na gagaling.
1261
01:16:03,666 --> 01:16:06,500
Mamamatay kang
namimilipit sa sakit sa upuang 'yan.
1262
01:16:07,125 --> 01:16:10,166
Bakit mo ginagawa 'to?
Hindi ko maintindihan.
1263
01:16:10,250 --> 01:16:13,416
- Nagbibiro ka lang, di ba?
- Gulong-gulo ako dito.
1264
01:16:13,500 --> 01:16:16,750
Ganti ba 'to sa prayer meeting
ni Father Jud? Binulaga niya kami.
1265
01:16:16,833 --> 01:16:18,416
Prayer meeting ni Father Jud?
1266
01:16:19,875 --> 01:16:21,791
Inalagaan ko ang simbahang 'to.
1267
01:16:21,875 --> 01:16:24,000
Pinalakas ko
gamit ang katotohanan ng Diyos.
1268
01:16:24,083 --> 01:16:27,916
Tapos kukuwestiyunin lang
ang awtoridad ko,
1269
01:16:28,000 --> 01:16:31,291
ang pananampalataya at buhay ko mismo,
1270
01:16:31,375 --> 01:16:33,791
at sa loob pa ng santuwaryo ko.
1271
01:16:36,333 --> 01:16:37,541
Labas!
1272
01:16:40,541 --> 01:16:41,750
Pulpol.
1273
01:16:42,583 --> 01:16:44,000
Kayong lahat.
1274
01:16:44,083 --> 01:16:46,291
Walang makakasunod sa inyo sa yapak ko.
1275
01:16:46,375 --> 01:16:48,583
Oo, nasa gitna tayo ng digmaan
1276
01:16:48,666 --> 01:16:51,125
at pinalalayas ko kayo sa kuta ko.
1277
01:16:51,708 --> 01:16:52,916
Hayop ka.
1278
01:16:53,000 --> 01:16:55,875
Sa Easter Sunday,
habang punong-puno ang simbahan,
1279
01:16:55,958 --> 01:16:58,375
ibubulgar ko ang mga kasalanan
ng grupong 'to.
1280
01:16:58,458 --> 01:17:02,875
Itatakwil ko kayo
at lalayas na 'ko sa lugar na 'to.
1281
01:17:04,083 --> 01:17:05,291
Kahit mamatay kayo,
1282
01:17:06,625 --> 01:17:07,708
wala akong pakialam.
1283
01:17:22,333 --> 01:17:24,958
Salamat sa Diyos. Napalabas sila.
1284
01:17:25,666 --> 01:17:26,750
Cy.
1285
01:17:28,041 --> 01:17:29,250
Ba't niya ginawa 'yon?
1286
01:17:30,208 --> 01:17:32,458
Cy. Sabihin mo. Ano'ng nangyayari no'n?
1287
01:17:32,541 --> 01:17:34,916
Ba't niya sila dinurog?
Ba't niya ginawa 'yon?
1288
01:17:35,000 --> 01:17:36,333
Kasi sinabihan ko siya.
1289
01:17:37,291 --> 01:17:39,916
No'ng sinabi ni Vera ang totoo,
pinuntahan ko siya.
1290
01:17:40,791 --> 01:17:44,000
At sa unang pagkakataon,
niyakap niya ako bilang anak.
1291
01:17:44,750 --> 01:17:46,666
Naglabas siya ng sama ng loob.
1292
01:17:47,375 --> 01:17:49,375
Kinasusuklaman ko ang lugar na 'to.
1293
01:17:50,541 --> 01:17:52,958
Kinasusuklaman ko 'yong mga inutil dito.
1294
01:17:53,791 --> 01:17:55,416
Gusto ko nang umalis.
1295
01:17:56,208 --> 01:17:57,833
At ngayon, sa wakas...
1296
01:17:58,958 --> 01:18:00,166
puwede na.
1297
01:18:01,958 --> 01:18:03,166
Sabi niya sa 'kin,
1298
01:18:03,958 --> 01:18:06,791
'yong nawawalang yaman
ng pamilya ng lolo niya,
1299
01:18:06,875 --> 01:18:09,083
nahanap na raw niya, nitong linggo lang.
1300
01:18:09,166 --> 01:18:11,000
Hindi. Wala na ang perang 'yon.
1301
01:18:11,083 --> 01:18:14,791
Walang nakakaalam kung saan 'yon
inilagak ni Prentice. Naglaho na lang.
1302
01:18:14,875 --> 01:18:16,291
Nahanap na raw niya, e.
1303
01:18:17,583 --> 01:18:20,625
Isasara niya ang bulok na lugar na 'to
at magreretirong mayaman.
1304
01:18:21,291 --> 01:18:24,416
Sabi ko sa kanya, "Loko ka ba?"
1305
01:18:24,500 --> 01:18:27,291
Magre-retire ka?
Alam mo ba'ng hatak mo sa stage na 'yon?
1306
01:18:27,375 --> 01:18:28,625
Pinaliit ko ang parokya.
1307
01:18:28,708 --> 01:18:30,375
Hindi. Ginising mo sila.
1308
01:18:31,041 --> 01:18:32,083
Kapangyarihan 'yon.
1309
01:18:32,875 --> 01:18:36,875
Kaunti lang dito sa 'tin ang mga ereheng
maipapako at mga panatikong mauuto.
1310
01:18:36,958 --> 01:18:39,375
Kapos ang pangningas mo.
1311
01:18:39,458 --> 01:18:40,875
Pero sa Internet?
1312
01:18:41,375 --> 01:18:42,583
Mala-wildfire 'yon.
1313
01:18:43,875 --> 01:18:45,083
'Yong pera dito.
1314
01:18:45,875 --> 01:18:48,708
'Yong sinasamba ka dito. Seryoso ka ba?
1315
01:18:48,791 --> 01:18:50,333
Bigyan mo 'ko ng apat na taon.
1316
01:18:50,416 --> 01:18:51,833
Baka maging presidente ka pa.
1317
01:18:52,916 --> 01:18:55,041
Puwede tayong magkaroon ng empire.
1318
01:18:56,250 --> 01:18:58,875
Bilang mag-ama.
1319
01:19:01,666 --> 01:19:03,083
Parang sa Star Wars?
1320
01:19:03,166 --> 01:19:04,750
Oo. Gaya ng Rebels.
1321
01:19:06,041 --> 01:19:09,458
Ministry niya at political instincts ko
nang may sapat na pera.
1322
01:19:09,541 --> 01:19:11,833
Isipin mo ang magagawa namin
sa ngalan ni Hesus.
1323
01:19:12,500 --> 01:19:14,125
Oo, naiisip ko nga.
1324
01:19:14,208 --> 01:19:17,541
Una, sinabihan ko siya,
at aaminin kong medyo personal 'to,
1325
01:19:17,625 --> 01:19:20,375
kailangan muna naming wasakin
ang grupong 'to.
1326
01:19:20,458 --> 01:19:21,833
Kargo lang sila.
1327
01:19:21,916 --> 01:19:24,041
Kapag sumabit sila sa 'tin,
1328
01:19:24,125 --> 01:19:27,000
lumabas sa mga balita,
at gusto pang umepal dito,
1329
01:19:27,083 --> 01:19:29,333
dapat silang wasaking parang linta.
1330
01:19:30,250 --> 01:19:31,875
Kaya niya sila dinurog.
1331
01:19:32,541 --> 01:19:34,375
Dahil lang gusto mong gumanti.
1332
01:19:34,958 --> 01:19:37,500
Baka pinatay siya dahil do'n.
Alam mo 'yon, di ba?
1333
01:19:38,083 --> 01:19:40,916
Mabalik tayo
sa malaking kayamanan na 'yon.
1334
01:19:41,500 --> 01:19:42,791
Sa 'yo na 'yon ngayon?
1335
01:19:42,875 --> 01:19:44,625
- Technically, oo.
- Technically?
1336
01:19:45,208 --> 01:19:47,416
- Hindi niya sinabi kung nasaan 'yon.
- Hindi.
1337
01:19:48,000 --> 01:19:50,208
Walang laman ang mga account niya. Wala.
1338
01:19:51,083 --> 01:19:51,958
E, nasaan 'yon?
1339
01:19:52,708 --> 01:19:55,291
Tapos na-realize ko, 50 years ago,
1340
01:19:55,375 --> 01:19:59,125
pa'no pinakaligtas na makakapagtago
si Prentice ng $80 million?
1341
01:19:59,708 --> 01:20:01,541
Swiss bank account.
1342
01:20:03,000 --> 01:20:06,416
Kaya ang kailangan lang,
mahanap 'yong account number.
1343
01:20:07,333 --> 01:20:08,750
Wala pa rin?
1344
01:20:09,666 --> 01:20:11,583
Nakasulat dapat 'yon sa kung saan.
1345
01:20:11,666 --> 01:20:13,916
Fina-file lahat ni Martha
at wala 'yon dito.
1346
01:20:14,000 --> 01:20:15,208
Ewan ko.
1347
01:20:15,791 --> 01:20:18,666
Eto, baka code 'to
kasi paulit-ulit siya dito.
1348
01:20:18,750 --> 01:20:20,541
"Mansanas ni Eba'y ibabalik sa puno."
1349
01:20:20,625 --> 01:20:24,208
{\an8}Clue 'yon. Parang Eve's Apple
ang kayamanan.
1350
01:20:24,291 --> 01:20:26,750
{\an8}Pero kung Swiss account, 19 digits 'yon,
1351
01:20:26,833 --> 01:20:28,041
kaya hindi uubra 'yon.
1352
01:20:28,583 --> 01:20:30,708
Vera, may nasabi ba siya sa 'yo?
1353
01:20:31,583 --> 01:20:34,708
Kahit meron, mamamatay muna ako
bago ko 'yon ibigay sa 'yo.
1354
01:20:35,500 --> 01:20:36,583
Tama.
1355
01:20:37,666 --> 01:20:40,916
Gagawin mo ang lahat
para walang mamana ang alibughang anak.
1356
01:20:41,000 --> 01:20:42,208
Naiinggit ka.
1357
01:20:42,916 --> 01:20:44,333
Matandang puro hinanakit.
1358
01:20:45,375 --> 01:20:46,791
'Yong perang 'yon,
1359
01:20:47,375 --> 01:20:52,791
maliit na parte lang 'yon ng hinanakit ko,
walang-hiya kang bata ka.
1360
01:20:53,458 --> 01:20:56,541
Kunin mo ang mga pesteng gamit mo.
Nasa kalsada na 'yon mamaya.
1361
01:21:03,208 --> 01:21:06,625
Ikaw. Detective ka. Babayaran kita.
Kahit magkano, importante 'to.
1362
01:21:06,708 --> 01:21:09,541
Nakadepende dito
ang mana at political career ko.
1363
01:21:09,625 --> 01:21:11,750
May naiisip ka bang
1364
01:21:11,833 --> 01:21:15,250
may kinalaman sa Eve's Apple
na baka pinagtataguan ng number na 'yon?
1365
01:21:20,916 --> 01:21:22,750
Kung may maisip ka, tawagan mo 'ko.
1366
01:21:22,833 --> 01:21:24,833
- Oo. Siyempre.
- Sige.
1367
01:21:32,208 --> 01:21:33,541
Hanapan natin lahat.
1368
01:21:38,458 --> 01:21:41,541
Baka nakatahi sa lining.
1369
01:21:42,166 --> 01:21:43,583
O nakaukit sa bakal.
1370
01:22:04,875 --> 01:22:06,166
Wala itong laman.
1371
01:22:06,750 --> 01:22:08,166
Sige. Gawin mo na.
1372
01:22:29,625 --> 01:22:31,250
Ipaalala mo sa 'king i-file 'to.
1373
01:22:31,333 --> 01:22:32,541
I-file mo 'yan.
1374
01:22:33,791 --> 01:22:35,750
- Walang sense 'to.
- Alam ko.
1375
01:22:35,833 --> 01:22:37,875
$80 million na yaman.
1376
01:22:37,958 --> 01:22:39,708
Pero kung Eve's Apple ang yaman
1377
01:22:39,791 --> 01:22:42,875
at hindi limpak-limpak na salapi
sa Swiss account, e, ano 'yon?
1378
01:22:47,000 --> 01:22:47,833
Bakit?
1379
01:22:47,916 --> 01:22:50,000
Parang mali ang date nito.
1380
01:22:51,083 --> 01:22:54,583
Sabi dito, no'ng Miyerkules ni-request
na buksan 'yong crypt.
1381
01:22:55,250 --> 01:22:56,666
Parang mali 'yon.
1382
01:22:58,541 --> 01:23:01,750
Sino'ng magpi-preorder ng panlibing
para sa taong hindi naman patay?
1383
01:23:03,125 --> 01:23:06,250
Isang taong siguradong-sigurado
kung kailan siya mamamatay.
1384
01:23:06,333 --> 01:23:07,541
Akin na 'yan.
1385
01:23:08,583 --> 01:23:11,375
Computerized 'to. Hindi typo. Ito na 'yon.
1386
01:23:11,458 --> 01:23:13,916
Kung sino man ang nag-request,
siya ang susi.
1387
01:23:14,000 --> 01:23:15,583
Okay. Sige.
1388
01:23:19,333 --> 01:23:21,458
Steel Wheels Construction. Si Louise 'to.
1389
01:23:21,541 --> 01:23:24,083
Hello, Louise.
Father Jud 'to ng Perpetual Fortitude.
1390
01:23:26,000 --> 01:23:27,416
- Hello.
- Hi, Louise.
1391
01:23:27,500 --> 01:23:29,916
May heavy equipment n'yo kami dito kanina.
1392
01:23:30,000 --> 01:23:32,583
- Forklift na pambukas ng crypt.
- Oo. Alam ko.
1393
01:23:32,666 --> 01:23:35,041
Madalang na may magpabukas
ng crypt sa 'min.
1394
01:23:35,125 --> 01:23:36,458
Ayos. Aalamin ko sana—
1395
01:23:36,541 --> 01:23:38,875
Ako mismo ang nag-process.
Ako ang taga-process.
1396
01:23:38,958 --> 01:23:40,625
Oo. Aalamin ko sana, Louise—
1397
01:23:40,708 --> 01:23:42,708
- Magkapatid kami dito. Si James.
- Oo.
1398
01:23:42,791 --> 01:23:44,916
- Sa request siya, sa processing ako.
- Sige.
1399
01:23:45,000 --> 01:23:47,000
Bale, tumawag ako, Louise, para—
1400
01:23:47,083 --> 01:23:49,833
Nagawi na 'ko sa inyo,
pero parang wala ka no'n.
1401
01:23:49,916 --> 01:23:52,916
- Oo, bago-bago pa lang ako dito.
- Congratulations.
1402
01:23:53,000 --> 01:23:55,750
- Louise, may tanong ako...
- Mas matanda 'yon, e.
1403
01:23:55,833 --> 01:23:58,208
- Si Father... Sino nga ba...
- Monsignor.
1404
01:23:58,291 --> 01:24:00,041
- A, si Father Monsignor...
- Louise—
1405
01:24:00,125 --> 01:24:03,625
Nagsesermon siya no'ng nagawi ako
at parang di siya mabait.
1406
01:24:03,708 --> 01:24:09,000
Pero nakakalungkot na namatay siya, a.
Condolence sa inyo...
1407
01:24:09,083 --> 01:24:11,500
Oo, masakit 'yon para sa lahat, Louise.
1408
01:24:11,583 --> 01:24:14,000
Puwedeng ako muna ang magsasalita?
1409
01:24:14,083 --> 01:24:16,083
- May tanong ako.
- Sige.
1410
01:24:16,166 --> 01:24:19,541
'Yong request para sa forklift.
Sino'ng nag-request no'n?
1411
01:24:19,625 --> 01:24:22,041
- Si James sa request, e.
- Si James sa request.
1412
01:24:22,125 --> 01:24:24,708
- Nakauwi na siya.
- Pahingi ako ng number niya?
1413
01:24:24,791 --> 01:24:27,416
Importante lang.
Para malaman kung sino'ng nag-request.
1414
01:24:27,500 --> 01:24:30,875
- Naku, parang hindi puwede 'yan...
- Mahalaga lang talaga.
1415
01:24:30,958 --> 01:24:33,083
- Sandali lang, Father.
- Mahalaga—
1416
01:24:33,166 --> 01:24:35,166
Ang magagawa ko 'ka ko,
1417
01:24:35,250 --> 01:24:38,125
ako na ang magtatanong sa kanya
para sa 'yo.
1418
01:24:38,208 --> 01:24:39,833
- Saka kita tatawagan.
- Sige. Ayos.
1419
01:24:39,916 --> 01:24:42,541
Sana matawagan mo na kaagad si James.
1420
01:24:42,625 --> 01:24:44,541
- Salamat, Louise.
- Tatawagan ka niya, a.
1421
01:24:44,625 --> 01:24:46,708
Sige. Ano pala, Father,
puwedeng magtanong?
1422
01:24:46,791 --> 01:24:49,000
Sige, ano... Pero, ano, ha...
1423
01:24:49,583 --> 01:24:51,083
Okay, bilisan mo lang.
1424
01:24:51,166 --> 01:24:54,125
- Priority lang talaga namin 'yon.
- Tumawag na lang uli siya—
1425
01:24:54,208 --> 01:24:56,208
Father Jud, puwede hong... Puwedeng...
1426
01:24:57,708 --> 01:24:58,791
Louise?
1427
01:24:59,708 --> 01:25:00,583
Diyos ko po.
1428
01:25:02,250 --> 01:25:03,333
Louise?
1429
01:25:04,541 --> 01:25:05,958
Puwedeng ipagdasal n'yo 'ko?
1430
01:25:11,375 --> 01:25:13,000
Oo, oo naman.
1431
01:25:14,416 --> 01:25:16,250
Para saan ba?
1432
01:25:18,708 --> 01:25:20,333
'Yong nanay ko ho.
1433
01:25:22,666 --> 01:25:23,875
May sakit siya?
1434
01:25:24,625 --> 01:25:25,708
Oho.
1435
01:25:26,916 --> 01:25:28,333
Nasa hospice siya.
1436
01:25:29,708 --> 01:25:31,333
Ikinalulungkot ko, Louise.
1437
01:25:31,416 --> 01:25:33,416
Ayaw niya 'kong kausapin.
1438
01:25:33,500 --> 01:25:35,583
Nag-away kami no'ng huling usap namin.
1439
01:25:36,666 --> 01:25:41,458
May tumor siya sa utak
na nakakaapekto sa kanya,
1440
01:25:41,541 --> 01:25:45,083
kaya may masasakit siyang nasasabi.
1441
01:25:45,166 --> 01:25:47,291
Nasagot ko siya ng masakit din,
1442
01:25:47,375 --> 01:25:50,083
at natatakot ako ngayon
na 'yon na ang huli
1443
01:25:50,166 --> 01:25:52,166
na sinabi namin sa isa't isa.
1444
01:25:55,500 --> 01:25:56,916
Father, pa...
1445
01:25:58,833 --> 01:26:02,250
Pakiramdam ko, mag-isa na lang ako ngayon.
1446
01:26:07,333 --> 01:26:08,750
Ikinalulungkot ko, Louise.
1447
01:26:10,083 --> 01:26:11,291
Hindi ka nag-iisa.
1448
01:26:12,750 --> 01:26:14,166
Nandito lang ako.
1449
01:26:14,958 --> 01:26:16,166
Nandito ako.
1450
01:26:17,041 --> 01:26:18,541
Ano'ng pangalan ng nanay mo?
1451
01:26:47,458 --> 01:26:50,083
Nawa'y madama ni Barbara
na mahal siya ng anak niya.
1452
01:26:51,166 --> 01:26:55,000
Nawa'y mapagaan no'n ang pakiramdam niya.
Ipinagdarasal ko rin po si Louise.
1453
01:26:56,416 --> 01:26:58,625
Samahan Mo siya.
Bigyan Mo siya ng karunungan.
1454
01:26:58,708 --> 01:27:02,125
Yakapin Mo siya sa mga bisig Mo,
iparamdam na may nagmamahal sa kanya,
1455
01:27:02,666 --> 01:27:04,291
na hindi siya nag-iisa.
1456
01:27:04,916 --> 01:27:08,333
Dalangin namin ito
kay Panginoong Hesukristo. Amen.
1457
01:27:09,166 --> 01:27:10,125
Okay, Louise.
1458
01:27:10,750 --> 01:27:13,416
Alam mo ang number ko.
Tawagan mo lang ako.
1459
01:27:13,500 --> 01:27:14,791
Nandito lang ako.
1460
01:27:15,291 --> 01:27:18,500
Nandito ang simbahan para sa 'yo.
Pagpalain ka. Sige.
1461
01:27:19,208 --> 01:27:22,041
May bagyo. Pumunta ako para magsara.
1462
01:27:23,791 --> 01:27:26,416
Ako na sa simbahan. Ikaw sa rectory.
1463
01:27:30,875 --> 01:27:32,625
Wag mo 'kong sundan. Ayoko na.
1464
01:27:32,708 --> 01:27:34,541
Bakit naman?
1465
01:27:34,625 --> 01:27:36,625
Nagka-road to Damascus moment ako.
1466
01:27:37,166 --> 01:27:39,750
Nagkaroon ng rebelasyon si Pablo
papuntang Damascus.
1467
01:27:39,833 --> 01:27:42,708
Alam ko. Binulag siya at kung ano-ano pa.
1468
01:27:42,791 --> 01:27:44,791
Baka naman sore eyes lang 'yon.
1469
01:27:44,875 --> 01:27:48,375
Wala rin siyang nilulutas na murder
no'ng nangyari 'yon.
1470
01:27:48,458 --> 01:27:50,875
Ano ba'ng akala mo sa ginagawa natin?
1471
01:27:51,541 --> 01:27:54,958
Sa tingin mo, bakit ako nagpari?
Seryoso. Bakit kaya?
1472
01:27:58,208 --> 01:27:59,416
Nakonsensiya ka.
1473
01:28:00,000 --> 01:28:02,000
Nakapatay ka, at sa simbahan,
1474
01:28:02,083 --> 01:28:04,916
nakapagtago ka at may malinaw na paraan
1475
01:28:05,000 --> 01:28:07,000
para makaramdam ka ng kapatawaran.
1476
01:28:07,625 --> 01:28:10,500
'Yong napatay ko sa ring,
kinasusuklaman ko siya.
1477
01:28:11,000 --> 01:28:12,833
Alam kong alanganin na siya no'n,
1478
01:28:12,916 --> 01:28:15,125
at sige pa rin ako hanggang bumigay siya.
1479
01:28:15,208 --> 01:28:17,833
Hindi aksidente 'yon.
Pinatay ko siya sa suklam ko.
1480
01:28:17,916 --> 01:28:20,250
Walang takas do'n. Walang lunas do'n.
1481
01:28:20,333 --> 01:28:24,166
Hindi ako tinago o inayos ng Diyos.
Ikinalulugod Niyang nakokonsensiya ako.
1482
01:28:24,250 --> 01:28:26,375
'Yon dapat ang ginagawa ko
para sa mga tao.
1483
01:28:26,458 --> 01:28:27,750
Hindi mystery solving.
1484
01:28:27,833 --> 01:28:29,083
Teka muna. Sandali lang.
1485
01:28:35,375 --> 01:28:37,583
Sandali nga. Sandali lang—
1486
01:28:38,333 --> 01:28:40,166
Tumingin ka kapag kinakausap ka.
1487
01:28:40,250 --> 01:28:42,250
Ang hanap natin, murderer. Hindi laro 'to.
1488
01:28:42,333 --> 01:28:43,708
Laro 'to!
1489
01:28:43,791 --> 01:28:45,416
'Yong malutas 'to at manalo.
1490
01:28:45,500 --> 01:28:47,541
'Yong ma-checkmate mo ang kalaban mo.
1491
01:28:47,625 --> 01:28:51,458
Habang ginagamit mo 'ko, natutulak mo 'ko
na talikuran ang papel ko sa buhay.
1492
01:28:51,541 --> 01:28:54,166
Hindi 'yon labanan at parusahan
ang masasama,
1493
01:28:54,250 --> 01:28:57,458
kundi paglingkuran sila
at ilapit sila kay Hesukristo.
1494
01:28:57,541 --> 01:28:59,375
Kung hindi, pareho lang kami ni Wicks.
1495
01:28:59,458 --> 01:29:01,458
Makasarili at hindi si Hesus ang sentro.
1496
01:29:02,500 --> 01:29:04,916
Hindi mo kailangang
intindihin 'yon, Blanc.
1497
01:29:05,000 --> 01:29:06,208
Pero nakikiusap ako.
1498
01:29:06,791 --> 01:29:08,916
Nakikiusap ako. Hayaan mo na 'ko.
1499
01:29:15,625 --> 01:29:17,458
- Ulitin mo nga 'yon?
- Ayoko.
1500
01:29:17,541 --> 01:29:20,416
'Yong makasarili, di tungkol kay Hesus.
Gaya 'ka mo ni Wicks.
1501
01:29:20,500 --> 01:29:22,708
Father, mahalaga 'to.
1502
01:29:22,791 --> 01:29:24,291
Ipaintindi mo sa 'kin!
1503
01:29:24,375 --> 01:29:27,375
Ang mundo,
dapat naming paglingkuran, hindi talunin.
1504
01:29:28,125 --> 01:29:30,333
- 'Yon ang ginawa ni Hesukristo.
- Kaya?
1505
01:29:30,416 --> 01:29:33,250
Kaya kapag sinasabi ni Wicks
na dapat labanan ang mundo,
1506
01:29:33,333 --> 01:29:36,791
tungkol 'yon sa sarili niya,
hindi kay Hesukristo.
1507
01:29:36,875 --> 01:29:39,708
Tungkol 'yon sa kapangyarihan.
Hindi kay Hesukristo.
1508
01:29:41,833 --> 01:29:45,041
Sige, paulit-ulit siya
na lalakas pa si Hesukristo.
1509
01:29:45,125 --> 01:29:47,041
Gaganti sa mga walang pananampalataya.
1510
01:29:47,125 --> 01:29:48,958
Eve's Apple ang kayamanan.
1511
01:29:49,041 --> 01:29:51,458
"Mansanas ni Eba'y ibabalik sa puno."
1512
01:29:51,541 --> 01:29:52,875
Ano'ng ibig sabihin no'n?
1513
01:29:52,958 --> 01:29:55,375
Blanc. Hindi ko alam.
1514
01:29:56,291 --> 01:29:57,916
At wala akong pakialam.
1515
01:30:03,875 --> 01:30:06,625
Si Geraldine 'yon, magpapa-update sa kaso.
1516
01:30:06,708 --> 01:30:09,333
Ngayon, Father, tama ka.
1517
01:30:09,416 --> 01:30:11,416
Akin ang larong 'to, hindi iyo.
1518
01:30:11,500 --> 01:30:14,708
Ba't di ka muna bumalik sa rectory?
Ako na'ng bahala sa kanya.
1519
01:30:16,291 --> 01:30:17,500
Salamat.
1520
01:30:18,208 --> 01:30:20,333
Isara mo ang pinto pagkaalis mo.
1521
01:30:23,750 --> 01:30:25,583
Mahuli mo sana ang killer, Blanc.
1522
01:30:26,458 --> 01:30:27,833
Salamat. Mahuhuli ko siya.
1523
01:30:45,250 --> 01:30:46,666
Father Jud?
1524
01:30:47,333 --> 01:30:49,083
- Father Jud.
- Wala siya rito.
1525
01:30:49,166 --> 01:30:50,166
Tara.
1526
01:30:50,666 --> 01:30:53,875
Halughugin mo ang mga kuwarto,
pati 'yong parang closet.
1527
01:30:59,166 --> 01:31:00,583
Maganda, di ba?
1528
01:31:00,666 --> 01:31:01,958
Ang galing nga, e.
1529
01:31:02,041 --> 01:31:04,750
Lalo na no'ng nilapag ni Gideon Fell
1530
01:31:04,833 --> 01:31:06,958
ang mga solusyon sa locked-door crime.
1531
01:31:07,041 --> 01:31:09,666
Oo. Nakatatlo ka na, tapos tumigil ka.
1532
01:31:10,291 --> 01:31:12,500
Nabasa ko na ang pang-apat,
kaya alam ko na.
1533
01:31:13,125 --> 01:31:15,208
Pinanood ko uli 'yong video,
at napansin ko,
1534
01:31:16,416 --> 01:31:18,625
mula no'ng pumasok si Jud sa closet,
1535
01:31:19,125 --> 01:31:23,291
hanggang no'ng makasilip sa closet
ang unang parokyano,
1536
01:31:24,000 --> 01:31:25,416
may siyam na segundo.
1537
01:31:25,916 --> 01:31:28,750
Mag-isa at walang nakakita
nang siyam na segundo.
1538
01:31:29,666 --> 01:31:33,500
Sapat na oras 'yon para pumatay
gamit ang nakatagong patalim.
1539
01:31:37,166 --> 01:31:39,000
Gano'n 'yon ginawa, di ba?
1540
01:31:39,083 --> 01:31:40,291
Walang paligoy-ligoy.
1541
01:31:40,791 --> 01:31:43,416
Walang kalokohan. Gano'n 'yon ginawa.
1542
01:31:45,375 --> 01:31:46,458
Oo.
1543
01:31:48,250 --> 01:31:50,875
Alam mo na simula pa lang,
pinaglaruan mo pa 'yong bata.
1544
01:31:50,958 --> 01:31:52,583
- Parang pusa sa daga.
- Hindi.
1545
01:31:52,666 --> 01:31:55,166
Hindi ko pa alam ang buong pangyayari.
1546
01:31:55,250 --> 01:31:57,500
- Kung bibigyan mo pa 'ko ng oras...
- Hindi.
1547
01:31:57,583 --> 01:31:59,875
- ...magagawa kong—
- Hindi na nga.
1548
01:31:59,958 --> 01:32:02,375
Nahanap ko na ang killer
at aarestuhin ko siya.
1549
01:32:03,208 --> 01:32:04,416
Nasaan siya?
1550
01:33:40,583 --> 01:33:41,500
Sam!
1551
01:34:58,291 --> 01:34:59,500
Sino 'yan?
1552
01:35:04,833 --> 01:35:06,041
Sandali.
1553
01:35:13,625 --> 01:35:14,708
Blanc?
1554
01:35:14,791 --> 01:35:15,875
Dito.
1555
01:35:17,458 --> 01:35:19,458
Punyeta. Sino 'yan?
1556
01:35:19,541 --> 01:35:21,375
Si Samson, tagaayos ng lugar.
1557
01:35:22,875 --> 01:35:24,708
Ano'ng nangyari dito?
1558
01:35:50,500 --> 01:35:51,583
Sige.
1559
01:35:51,666 --> 01:35:52,666
Okay.
1560
01:35:53,208 --> 01:35:56,625
Okay, 100% na talagang patay si Wicks.
1561
01:35:56,708 --> 01:35:59,125
Alam natin 'yon, sina...
1562
01:35:59,625 --> 01:36:01,041
Sinasabi ko lang, di ba?
1563
01:36:02,333 --> 01:36:03,416
Oo.
1564
01:36:05,666 --> 01:36:08,875
Puwede ko ring sabihin nang malakas
1565
01:36:09,458 --> 01:36:11,875
na hindi muling nabubuhay ang patay.
1566
01:36:11,958 --> 01:36:14,791
Halatang may mala-Scooby-Doo
na nangyayari dito.
1567
01:36:15,291 --> 01:36:16,708
"Scooby-Dooby-Doo."
1568
01:36:16,791 --> 01:36:20,625
Purihin ang Diyos!
Purihin at luwalhatiin ang Panginoon!
1569
01:36:20,708 --> 01:36:22,125
Purihin Siya!
1570
01:36:22,208 --> 01:36:26,125
Purihin ang Diyos!
Purihin at luwalhatiin ang Panginoon.
1571
01:36:26,208 --> 01:36:29,000
- Binuhay Niya ang Kanyang anak.
- Ritz.
1572
01:36:29,083 --> 01:36:30,500
Mag-set ka ng perimeter.
1573
01:36:30,583 --> 01:36:33,000
Kakalat 'to agad at ayoko ng mga tsismoso.
1574
01:36:33,083 --> 01:36:34,500
- Sige.
- Chief!
1575
01:36:34,583 --> 01:36:35,416
Bakit?
1576
01:36:35,500 --> 01:36:37,625
'Yong motion-detector light, camera din.
1577
01:36:37,708 --> 01:36:39,958
Hindi nga lang naka-connect.
1578
01:36:40,041 --> 01:36:41,166
Camera?
1579
01:36:41,250 --> 01:36:43,750
Ewan ko lang.
Baka may na-record sa memory.
1580
01:36:43,833 --> 01:36:45,958
Dalhin mo kaya sa media lab?
1581
01:36:46,625 --> 01:36:48,208
Hallelujah, purihin ang Diyos.
1582
01:36:48,291 --> 01:36:50,708
Binuhay Niyang muli ang Kanyang lingkod.
1583
01:36:50,791 --> 01:36:53,416
Paki-tape 'tong area,
hanggang sa kakahuyan.
1584
01:36:53,500 --> 01:36:54,916
- Sige.
- Homicide scene 'to.
1585
01:36:55,000 --> 01:36:56,791
Patay na 'yong tagaayos ng lugar.
1586
01:37:08,958 --> 01:37:10,375
Hindi! Hindi puwede!
1587
01:37:11,791 --> 01:37:14,208
- Naku po.
- Hindi puwede!
1588
01:37:14,291 --> 01:37:15,708
Patulong naman ako dito.
1589
01:37:15,791 --> 01:37:17,791
- Patulong! Martha.
- Hindi puwede!
1590
01:37:17,875 --> 01:37:20,083
- Martha, halika na.
- Hindi!
1591
01:37:20,166 --> 01:37:22,541
Martha...
1592
01:37:22,625 --> 01:37:25,666
Magtago ka na sa dilim, mamamatay-tao!
1593
01:37:27,708 --> 01:37:29,333
Pero nagbalik na siya!
1594
01:37:29,833 --> 01:37:33,541
Maghihiganti siya!
Kamatayan ang dala niya!
1595
01:37:50,750 --> 01:37:52,166
Si Father Jud 'to.
1596
01:37:52,250 --> 01:37:54,666
Father Jud, si Louise 'to. Kumusta?
1597
01:37:58,666 --> 01:38:00,291
A... Hi, Louise.
1598
01:38:00,791 --> 01:38:03,208
Sana di pa masyadong late.
Urgent 'ka mo, e.
1599
01:38:03,291 --> 01:38:04,916
Sasabihin ko lang sana
1600
01:38:05,000 --> 01:38:07,625
na nakausap ko si James,
at 'yong forklift,
1601
01:38:07,708 --> 01:38:10,333
si Monsignor Wicks mismo ang nag-request.
1602
01:38:11,208 --> 01:38:15,291
Nakausap niya mismo si James.
Sana malinaw na 'to.
1603
01:38:15,916 --> 01:38:19,333
God bless you, Father,
at good night na rin, okay?
1604
01:38:21,125 --> 01:38:22,000
Sige.
1605
01:38:22,666 --> 01:38:24,041
Ikaw rin, Louise.
1606
01:38:50,916 --> 01:38:52,083
Naku.
1607
01:38:53,916 --> 01:38:55,000
Bakit?
1608
01:38:56,125 --> 01:38:57,958
Dahan-dahan, Martha. Ano 'yon?
1609
01:39:00,750 --> 01:39:01,833
Ano?
1610
01:39:02,750 --> 01:39:04,583
- Himala 'yon.
- Kalokohan.
1611
01:39:04,666 --> 01:39:07,083
Totoo nga.
Sabi ni Martha, bakante ang puntod.
1612
01:39:07,166 --> 01:39:09,375
Tinatawagan ko lahat. Papunta na 'ko.
1613
01:39:15,291 --> 01:39:16,500
'Yong ano ba...
1614
01:39:17,041 --> 01:39:19,041
Ano 'yan? Hindi ka naman nagyoyosi.
1615
01:39:19,125 --> 01:39:20,333
Nagyoyosi ako dati.
1616
01:39:21,166 --> 01:39:23,000
Fifteen years akong nagyosi.
1617
01:39:23,083 --> 01:39:25,000
Tinawagan ka ni Lee? Nasabi niya ba?
1618
01:39:25,500 --> 01:39:26,708
Oo.
1619
01:39:27,958 --> 01:39:30,250
Sige. Makikiusyoso ako sa himalang 'yon.
1620
01:39:30,333 --> 01:39:32,375
Enjoy mo 'yang pagyoyosi sa loob.
1621
01:39:36,291 --> 01:39:39,416
{\an8}HINDI KILALANG CALLER
1622
01:40:05,083 --> 01:40:06,291
Salamat sa Diyos.
1623
01:40:07,416 --> 01:40:08,833
Tapos na.
1624
01:40:12,791 --> 01:40:13,875
Ano ba?
1625
01:40:15,791 --> 01:40:17,000
Ano ba naman...
1626
01:40:18,333 --> 01:40:19,541
Nakuha na niya.
1627
01:40:23,041 --> 01:40:26,125
Sige, hindi kagandahan ang quality.
1628
01:40:26,208 --> 01:40:27,625
- Okay lang 'yan.
- Pero...
1629
01:40:38,458 --> 01:40:39,875
Ano nga'ng hinahanap ko?
1630
01:40:46,833 --> 01:40:47,833
Okay.
1631
01:40:48,875 --> 01:40:51,375
Nagre-record 'yon tuwing may gumagalaw,
1632
01:40:51,458 --> 01:40:54,875
{\an8}at pagkatapos ng apat na segundo
ang clip na 'to.
1633
01:41:07,041 --> 01:41:08,125
Okay?
1634
01:41:09,083 --> 01:41:11,000
Fingerprints sa gardening tool.
1635
01:41:12,291 --> 01:41:15,958
Hindi namin chineck sa buong database.
Do'n lang sa mga suspek mo.
1636
01:41:16,666 --> 01:41:17,875
Kay Father Jud 'yan.
1637
01:41:22,750 --> 01:41:23,958
Nasaan siya?
1638
01:41:24,583 --> 01:41:26,416
Sana talaga alam ko.
1639
01:41:46,041 --> 01:41:47,875
Blanc. Blanc!
1640
01:41:48,500 --> 01:41:51,125
Magkukusa na 'ko. Susuko na 'ko—
1641
01:41:51,208 --> 01:41:53,208
- ...388.
- 388, papunta na.
1642
01:41:53,791 --> 01:41:54,791
433.
1643
01:41:55,625 --> 01:41:57,625
- Susuko na 'ko.
- Hindi.
1644
01:42:03,166 --> 01:42:05,916
Ako 'yon. Pinatay ko si Samson.
Guilty ako. Aamin na 'ko.
1645
01:42:06,000 --> 01:42:07,083
- Lalabas ako.
- Ganito.
1646
01:42:07,166 --> 01:42:09,583
Ikukuwento mo sa 'kin ang nangyari,
pero bago 'yon,
1647
01:42:09,666 --> 01:42:11,291
pa'no pumunta kina Dr. Nat?
1648
01:42:11,375 --> 01:42:12,875
- Dr. Nat?
- Oo, bilisan mo.
1649
01:42:13,375 --> 01:42:14,583
Pinatagal ko pa kasi.
1650
01:42:14,666 --> 01:42:17,000
Sana lang umabot pa tayo. Magtago ka!
1651
01:42:21,416 --> 01:42:23,541
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya...
1652
01:42:23,625 --> 01:42:25,041
Bukod kang pinagpala...
1653
01:42:25,125 --> 01:42:27,333
...sir, nirerespeto ko kayo, 'yang tsapa.
1654
01:42:27,416 --> 01:42:30,583
Pero simbahan namin 'to,
at di kami gagawa ng dahas,
1655
01:42:30,666 --> 01:42:34,416
pero kahit magdamag pa kami rito,
basta makita namin 'yong crypt!
1656
01:42:34,500 --> 01:42:36,500
- Totoo ba 'yon?
- Ayaw magpapasok.
1657
01:42:37,750 --> 01:42:39,166
Kailangan kong makita.
1658
01:42:39,875 --> 01:42:41,791
Kailangan ko lang talagang makita.
1659
01:42:59,541 --> 01:43:00,750
Dr. Nat?
1660
01:43:36,625 --> 01:43:37,833
Grabe.
1661
01:43:38,583 --> 01:43:40,000
Anong amoy 'yon?
1662
01:43:45,375 --> 01:43:47,000
D'yan ka lang muna.
1663
01:43:49,041 --> 01:43:50,125
Blanc.
1664
01:43:50,666 --> 01:43:51,750
O?
1665
01:43:56,708 --> 01:43:58,125
Diyos ko po.
1666
01:44:11,333 --> 01:44:12,416
Sige.
1667
01:44:14,833 --> 01:44:16,666
Grabe, ang...
1668
01:44:30,166 --> 01:44:31,250
Si Wicks.
1669
01:44:31,333 --> 01:44:33,500
Oo, siya... Siya 'to.
1670
01:44:34,375 --> 01:44:35,791
- Patay...
- Oo.
1671
01:44:36,500 --> 01:44:38,916
Anuman ang ibig sabihin no'n ngayon.
1672
01:44:42,583 --> 01:44:44,708
Sige, tingnan natin. Tingnan...
1673
01:44:48,000 --> 01:44:49,250
Okay.
1674
01:44:50,750 --> 01:44:53,083
Nakakasuka 'to, a.
1675
01:44:53,166 --> 01:44:54,791
Mas nakakasuka pa.
1676
01:45:30,333 --> 01:45:31,416
Si Dr. Nat.
1677
01:45:32,666 --> 01:45:35,500
Siya nga. Siya 'yan,
o kung ano man ang natira.
1678
01:46:08,500 --> 01:46:10,500
Geraldine, si Blanc 'to.
1679
01:46:11,625 --> 01:46:13,791
Oo, nakatayo sa tabi ko.
1680
01:46:13,875 --> 01:46:15,375
Makinig ka muna.
1681
01:46:15,458 --> 01:46:17,625
Pumunta ka sa bahay ni Dr. Nat.
1682
01:46:18,708 --> 01:46:21,125
May bangkay dito. Dalawa pa.
1683
01:46:22,250 --> 01:46:23,666
Nandito lahat.
1684
01:46:24,166 --> 01:46:27,041
Oo. Tapos na, oo.
1685
01:46:28,541 --> 01:46:29,666
Tatawagan kita uli.
1686
01:46:30,958 --> 01:46:32,791
Father Jud. Sandali.
1687
01:46:32,875 --> 01:46:35,000
Pinatay ko si Samson.
Dapat kong gawin 'to.
1688
01:46:35,625 --> 01:46:38,250
Walang saysay 'to
kung hindi ako magkukusa.
1689
01:46:53,833 --> 01:46:57,833
Natsek na ang plaka. Copy.
Meron bang unit na makakaresponde...
1690
01:46:57,916 --> 01:47:00,125
Puwedeng pakitawagan si Geraldine?
1691
01:47:00,625 --> 01:47:03,458
Nasa simbahan na 'ka mo si Father Jud
na handa nang umamin.
1692
01:47:20,041 --> 01:47:22,750
Father Jud,
inaaresto kita sa salang pagpatay
1693
01:47:22,833 --> 01:47:25,083
kina Monsignor Jefferson Wicks
at Samson Holt.
1694
01:47:25,166 --> 01:47:29,333
Person of interest ka rin
sa pagkamatay ni Dr. Nathaniel Sharp.
1695
01:47:29,416 --> 01:47:30,833
Patay na si Nat?
1696
01:47:32,041 --> 01:47:33,333
Pinatay sa bahay niya.
1697
01:47:34,333 --> 01:47:36,833
Na-recover na rin ang bangkay ni Wicks.
Tapos na 'to.
1698
01:47:37,333 --> 01:47:40,458
Magagamit laban sa 'yo sa korte
ang anumang sasabihin mo.
1699
01:47:40,541 --> 01:47:43,166
Pero kung may gusto kang i-confess,
1700
01:47:43,250 --> 01:47:46,083
mukhang bagay gawin 'yon dito.
1701
01:47:48,250 --> 01:47:49,333
Sige.
1702
01:47:52,375 --> 01:47:54,125
Ilang taon na ang nakalipas,
1703
01:47:54,208 --> 01:47:56,625
may pinatay ako sa boxing ring.
1704
01:47:58,333 --> 01:48:00,375
Pinatay ko siya sa suklam ko.
1705
01:48:02,500 --> 01:48:05,916
Nagkasala uli ako ng gano'n kagabi,
at nang dahil sa...
1706
01:48:06,875 --> 01:48:09,083
takot at galit, naka—
1707
01:48:12,083 --> 01:48:13,416
MGA HIMNO NG PAGSAMBA
1708
01:48:13,500 --> 01:48:17,541
Pasensiya na. Dramatic 'yon,
pero kailangan kitang mapatikom, e.
1709
01:48:17,625 --> 01:48:19,875
- Wag. Father Jud—
- Ipapaliwanag ko na sa lahat...
1710
01:48:19,958 --> 01:48:21,708
- Umupo ka't makinig.
- Tumigil ka na.
1711
01:48:21,791 --> 01:48:24,750
Hayaan mo siya. Sinasabi mo...
Ituloy mo na, kagabi 'ka mo...
1712
01:48:24,833 --> 01:48:27,166
- Dahil sa takot at galit...
- Gagawin ko na sana...
1713
01:48:27,250 --> 01:48:30,333
Hindi ninyo sasapawan
ang tinig ng Panginoong Diyos!
1714
01:48:30,416 --> 01:48:35,333
Uupo kayo't sasaksihan
ang kabuktutan at kahihiyan ng maysala
1715
01:48:35,416 --> 01:48:38,250
na ibubulgar sa harap ninyo!
1716
01:48:51,000 --> 01:48:52,125
Ano'ng ginagawa mo?
1717
01:48:57,208 --> 01:49:00,416
Simulan natin sa pagpatay kay Wicks.
1718
01:49:00,500 --> 01:49:03,333
Dito mismo no'ng Biyernes Santo.
1719
01:49:04,041 --> 01:49:05,875
'Yong imposibleng krimen.
1720
01:49:07,250 --> 01:49:09,291
At, Geraldine, tama ang hinala mo.
1721
01:49:09,958 --> 01:49:14,125
No'ng bumagsak si Monsignor Wicks
sa closet na 'yon, di pa siya patay.
1722
01:49:14,208 --> 01:49:16,333
Ni hindi pa siya nasaksak no'n.
1723
01:49:17,333 --> 01:49:20,750
'Yong flask na tinatago niya sa fuse box,
1724
01:49:20,833 --> 01:49:24,541
hinaluan 'yon
ng napakalakas na pampatulog.
1725
01:49:25,125 --> 01:49:26,416
Ininom niya 'yon.
1726
01:49:26,500 --> 01:49:28,375
Nagpapalakas siya, e.
1727
01:49:28,458 --> 01:49:31,666
Ilang minuto pa lang,
bumagsak siya, nawalan ng malay.
1728
01:49:33,041 --> 01:49:34,708
May bumagsak at kumalansing.
1729
01:49:34,791 --> 01:49:36,625
Wala na siyang laban
1730
01:49:36,708 --> 01:49:40,125
at makakapasok na sa closet ang killer
1731
01:49:40,708 --> 01:49:42,375
para tuluyan siyang patayin.
1732
01:49:43,000 --> 01:49:44,208
Sinabi ko na 'yon.
1733
01:49:44,791 --> 01:49:45,625
Si Father Jud.
1734
01:49:45,708 --> 01:49:48,541
Hindi. No'ng nakita ko siya,
may kutsilyo na siya sa likod.
1735
01:49:48,625 --> 01:49:50,208
May nakabaon sa likod.
1736
01:49:50,291 --> 01:49:53,333
Pa'no 'yon? Kailan?
Imposible 'yon. Nakita ko 'yon.
1737
01:49:53,416 --> 01:49:54,875
Ano'ng nakita mo?
1738
01:49:56,083 --> 01:49:57,500
'Yong pulang ulo ng demonyo.
1739
01:49:57,583 --> 01:50:00,791
Dugong inakala mong galing kay Wicks.
1740
01:50:00,875 --> 01:50:03,125
Ipinakita ko na sa 'yo
'yong sagot dito, di ba?
1741
01:50:04,375 --> 01:50:05,666
Il Diavolo.
1742
01:50:05,750 --> 01:50:07,333
'Yong pizza bar. 'Yong litrato.
1743
01:50:08,666 --> 01:50:10,666
Akala mo nakita mo,
1744
01:50:11,208 --> 01:50:13,125
pero hindi 'yon 'yon.
1745
01:50:13,208 --> 01:50:15,416
'Yong pangalawang katulad na lamp 'yon.
1746
01:50:15,500 --> 01:50:18,375
Pangalawang katulad na ulo ng demonyo.
1747
01:50:19,708 --> 01:50:20,791
Oo.
1748
01:50:23,791 --> 01:50:25,416
Nawawala rin 'yon.
1749
01:50:26,041 --> 01:50:27,458
Dalawang demonyo.
1750
01:50:27,541 --> 01:50:28,875
Oo.
1751
01:50:28,958 --> 01:50:30,166
Bakit dalawa?
1752
01:50:31,041 --> 01:50:32,666
At bakit kulay pula?
1753
01:50:32,750 --> 01:50:34,166
Hindi naman 'to pula dati.
1754
01:50:34,250 --> 01:50:37,000
Pulang tulad ng abito
para sa Biyernes Santo.
1755
01:50:37,083 --> 01:50:38,916
Pulang tulad
1756
01:50:39,000 --> 01:50:42,083
ng kung anong sinulid
na natagpuan sa loob ng closet.
1757
01:50:42,791 --> 01:50:46,583
Kasi nandoon na simula pa lang
'yong pangalawang ulo ng demonyo.
1758
01:50:46,666 --> 01:50:49,000
Nakatahi sa likod ng abito niya.
1759
01:50:49,083 --> 01:50:50,375
Hungkag, magaan,
1760
01:50:50,458 --> 01:50:52,541
at may lamang dadanak na dugo
1761
01:50:53,125 --> 01:50:55,458
na pinaputok gamit ang RF remote.
1762
01:50:57,000 --> 01:51:00,208
Pinaputok kung kailan kailangan.
1763
01:51:00,291 --> 01:51:01,125
Monsignor?
1764
01:51:02,500 --> 01:51:03,375
'Yong doktor.
1765
01:51:05,125 --> 01:51:06,416
Boses ng awtoridad
1766
01:51:06,500 --> 01:51:10,041
na makakapaghintay na matuklasan muna 'yon
bago siya kumilos.
1767
01:51:10,125 --> 01:51:11,333
May nakabaon sa likod.
1768
01:51:11,416 --> 01:51:13,041
Teka. Wag mong hawakan.
1769
01:51:15,333 --> 01:51:17,750
Mababaling sa iba ang atensiyon ng lahat.
1770
01:51:20,333 --> 01:51:22,333
Mabilis na magagawa ang pagpatay.
1771
01:51:23,833 --> 01:51:25,083
Ang huling gagawin niya,
1772
01:51:25,166 --> 01:51:29,500
alisin do'n ang flask na may pampatulog.
1773
01:51:29,583 --> 01:51:32,416
Pero nasaan 'yon? Nawala na 'yon.
1774
01:51:33,541 --> 01:51:35,750
Nag-iisang sablay sa plano niya.
1775
01:51:35,833 --> 01:51:39,708
Bunga 'yon ng kahangalang awa
ni Father Jud
1776
01:51:40,291 --> 01:51:44,833
na nagtago sa flask
para di mabuking na manginginom si Wicks
1777
01:51:44,916 --> 01:51:47,750
at bumalik maya-maya para kunin 'yon.
1778
01:51:50,083 --> 01:51:51,291
Diyos ko.
1779
01:51:51,791 --> 01:51:52,958
Si Nat.
1780
01:51:53,041 --> 01:51:54,250
Bakit?
1781
01:51:54,750 --> 01:51:57,000
Balak wasakin ni Wicks ang lahat.
1782
01:51:57,083 --> 01:51:58,708
Sisirain niya si Nat.
1783
01:51:58,791 --> 01:52:01,625
Hindi. 'Yong mas mahalagang tanong.
Bakit ka nandito?
1784
01:52:01,708 --> 01:52:04,125
Bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to?
1785
01:52:04,208 --> 01:52:07,083
'Tong drama na 'to?
'Tong imposibleng krimen?
1786
01:52:07,166 --> 01:52:08,375
Bakit?
1787
01:52:09,041 --> 01:52:10,250
Tama.
1788
01:52:10,333 --> 01:52:12,833
Kung si Dr. Nat ang pumatay kay Wicks,
1789
01:52:13,375 --> 01:52:14,375
e, kay Nat kaya?
1790
01:52:14,458 --> 01:52:16,291
'Yon na ang sunod na punto.
1791
01:52:17,000 --> 01:52:19,750
Hindi na pakulong locked-door mystery
1792
01:52:19,833 --> 01:52:23,208
na may mga device at clue,
1793
01:52:23,291 --> 01:52:26,708
kundi di-hamak na mas malaki pang plano.
1794
01:52:26,791 --> 01:52:31,333
Plano 'yon na konektado
sa pinakapundasyon ng simbahang 'to
1795
01:52:31,958 --> 01:52:33,708
at siyang nakakahatak sa 'kin,
1796
01:52:33,791 --> 01:52:37,041
isang taong hindi naniniwala
sa reli-relihiyon,
1797
01:52:37,125 --> 01:52:40,041
na sumilip sa mundo ng mga naniniwala.
1798
01:52:41,666 --> 01:52:43,500
Para maunawaan ang kasong 'to,
1799
01:52:44,541 --> 01:52:48,625
kinailangan kong pag-aralan
'yong kuwentong binubuo.
1800
01:52:48,708 --> 01:52:51,541
Hindi para alamin kung totoo 'yon o hindi,
1801
01:52:51,625 --> 01:52:54,041
kundi para maramdaman sa kaibuturan ko
1802
01:52:54,125 --> 01:52:57,250
ang pinakamensaheng
gustong iparating no'n.
1803
01:53:00,541 --> 01:53:01,958
Isang banal na pari.
1804
01:53:02,708 --> 01:53:08,125
Pinatay hindi ng tao
kundi ni Satanas mismo.
1805
01:53:08,208 --> 01:53:11,625
Inihimlay sa saradong puntod
ng kanyang ama,
1806
01:53:12,208 --> 01:53:13,625
pero muling nabuhay
1807
01:53:14,333 --> 01:53:15,958
ayon sa kalooban ng Diyos.
1808
01:53:16,041 --> 01:53:18,041
Muling nabuhay bilang bagong nilalang.
1809
01:53:18,125 --> 01:53:20,125
Hindi na bilang taong makasalanan
1810
01:53:20,208 --> 01:53:24,041
kundi bilang simbolo ng kapangyarihan
ng Diyos laban sa kamatayan.
1811
01:53:26,000 --> 01:53:27,625
Katarungan Niya para sa mga banal.
1812
01:53:28,125 --> 01:53:29,958
Paghihiganti Niya sa masasama.
1813
01:53:33,166 --> 01:53:37,000
Okay. E, ano na talaga ang nangyari?
1814
01:53:37,083 --> 01:53:39,083
Sige.
1815
01:53:39,166 --> 01:53:43,000
Babasagin na natin
ang pipitsuging palabas na 'to
1816
01:53:43,083 --> 01:53:47,083
ng mga himala at resureksiyon,
at ibubulgar na natin ang totoo.
1817
01:53:47,166 --> 01:53:49,583
Ito na si Benoit Blanc
1818
01:53:49,666 --> 01:53:52,750
sa pag-checkmate niya
sa misteryo ng pananampalataya!
1819
01:54:21,291 --> 01:54:23,291
Blanc, ano... Okay ka lang?
1820
01:54:25,416 --> 01:54:26,625
Damascus.
1821
01:54:27,666 --> 01:54:28,875
Damascus?
1822
01:54:30,250 --> 01:54:33,291
Parang... road to Damascus moment?
1823
01:54:33,375 --> 01:54:35,250
Oo, Damascus.
1824
01:54:38,791 --> 01:54:39,875
Punyeta.
1825
01:54:41,291 --> 01:54:42,375
Blanc?
1826
01:54:58,916 --> 01:55:00,541
Hindi ko malulutas ang kasong 'to.
1827
01:55:04,500 --> 01:55:05,500
Ano 'ka mo?
1828
01:55:06,583 --> 01:55:09,375
Sinasabi mo bang
ang conclusion mo, Benoit Blanc,
1829
01:55:09,458 --> 01:55:12,416
muling nabuhay mula sa mga patay
si Monsignor Wicks?
1830
01:55:12,500 --> 01:55:13,916
Milagro 'yon?
1831
01:55:14,000 --> 01:55:18,125
Ang sinasabi ko,
hindi ko malulutas ang kasong 'to.
1832
01:55:19,666 --> 01:55:20,750
Ayos na 'yan.
1833
01:55:21,250 --> 01:55:22,083
Salamat.
1834
01:55:24,458 --> 01:55:25,541
Blanc?
1835
01:55:26,250 --> 01:55:28,666
Kung alam mo ang totoo,
sabihin mo 'yon sa lahat.
1836
01:55:28,750 --> 01:55:32,458
Ano 'to, ayaw mo kaming ma-offend
o bilang respeto lang o ano?
1837
01:55:32,541 --> 01:55:34,750
Kasi dapat naming malaman ang totoo.
1838
01:55:34,833 --> 01:55:36,250
Hindi 'yon ang dahilan.
1839
01:55:37,625 --> 01:55:39,250
Kailangan kong malaman ang totoo.
1840
01:55:41,625 --> 01:55:42,833
Hindi ba puwedeng
1841
01:55:42,916 --> 01:55:45,791
sabihin mo na sa 'min
kasi para do'n naman 'to, di ba?
1842
01:55:48,583 --> 01:55:51,541
Puwede ka rin bang
gumawa ng blurb para sa libro ko?
1843
01:55:52,666 --> 01:55:53,875
Hindi.
1844
01:55:53,958 --> 01:55:56,500
Okay. Sige.
Tapos na ang palabas. Labas na lahat.
1845
01:55:57,333 --> 01:55:59,750
Labas.
1846
01:56:00,458 --> 01:56:02,083
Puwede ba kayong umatras?
1847
01:56:03,458 --> 01:56:05,083
Sige, do'n sila sa likod...
1848
01:56:06,750 --> 01:56:09,583
Isang chapter na lang,
tapos ready na tayo.
1849
01:56:09,666 --> 01:56:12,000
Makakapag-publish na tayo.
Maniwala ka, Alan.
1850
01:56:12,083 --> 01:56:14,708
Tawagan mo na ang Random House,
lahat. Pasabog 'to!
1851
01:56:17,833 --> 01:56:21,708
'Yong nasaksihan namin,
himalang kinumpirma mismo ni Benoit Blanc.
1852
01:56:21,791 --> 01:56:25,125
Malalaman ng buong mundo
ang nangyari dito ngayon sa Chimney Rock.
1853
01:56:25,208 --> 01:56:29,208
Alamin n'yo mismo. I-follow lang
ang YouTube channel ko, @CyDraven...
1854
01:56:29,291 --> 01:56:30,500
Grabe, ang gulo.
1855
01:56:32,000 --> 01:56:34,416
Aarestuhin na siguro nila si Father Jud.
1856
01:56:35,000 --> 01:56:36,083
Oo.
1857
01:56:37,041 --> 01:56:38,666
Siguro nga.
1858
01:56:44,833 --> 01:56:46,333
Ano'ng nangyari kanina?
1859
01:56:46,875 --> 01:56:48,875
Road to Damascus.
1860
01:56:49,583 --> 01:56:52,000
Nangalaglag mula sa mata ko
ang mga kaliskis.
1861
01:56:52,083 --> 01:56:53,916
E, ano na? Katotohanan, kalokohan?
1862
01:56:54,000 --> 01:56:56,541
May Diyos ka na,
kaya totoo na ang kabuangang 'to?
1863
01:56:56,625 --> 01:56:58,458
Hindi. Gawa-gawa lang ang Diyos.
1864
01:56:58,541 --> 01:57:00,541
Nanggaling ang rebelasyon ko
1865
01:57:01,625 --> 01:57:03,041
kay Father Jud.
1866
01:57:04,500 --> 01:57:06,916
Sa halimbawa niyang magpakita ng awa.
1867
01:57:09,583 --> 01:57:11,416
Awa para sa kalaban ko.
1868
01:57:15,166 --> 01:57:16,541
Awa para sa nawasak.
1869
01:57:19,000 --> 01:57:20,625
Awa para sa mga taong
1870
01:57:21,416 --> 01:57:22,541
hindi karapat-dapat.
1871
01:57:24,625 --> 01:57:26,041
Pero pinakanangangailangan.
1872
01:57:31,291 --> 01:57:32,500
Para sa nagkasala.
1873
01:57:33,083 --> 01:57:34,166
Mr. Blanc.
1874
01:57:34,833 --> 01:57:36,458
Alam mo ang totoo.
1875
01:57:37,041 --> 01:57:39,041
Oo, alam ko.
1876
01:57:40,583 --> 01:57:43,916
Pero pinagmukha mong tanga
ang sarili mo kanina.
1877
01:57:44,000 --> 01:57:46,625
Para magawa mo 'to nang kusa at malaya.
1878
01:57:47,916 --> 01:57:50,416
Kaya gawin mo na. Bilisan mo.
1879
01:57:50,500 --> 01:57:51,708
Salamat.
1880
01:57:55,583 --> 01:57:57,000
Father Jud.
1881
01:58:04,041 --> 01:58:05,125
Ano'ng gagawin ko?
1882
01:58:05,208 --> 01:58:07,041
Ang papel mo sa mundo.
1883
01:58:07,125 --> 01:58:08,541
Maging pari niya.
1884
01:58:09,041 --> 01:58:10,458
Makinig sa kumpisal niya.
1885
01:58:19,125 --> 01:58:21,125
Basbasan mo ako, Ama, nagkasala ako.
1886
01:58:21,208 --> 01:58:23,416
Isang linggo na
mula no'ng huling kumpisal ko.
1887
01:58:27,916 --> 01:58:32,750
Sabi ko sa sarili ko no'ng una,
nagsimula 'to sa mabuting hangarin.
1888
01:58:34,125 --> 01:58:35,541
Pero ang totoo,
1889
01:58:36,375 --> 01:58:39,458
nagsimula 'to sa isang kasinungalingan.
1890
01:58:40,416 --> 01:58:41,500
Kay Prentice.
1891
01:58:42,875 --> 01:58:43,958
Kay Prentice.
1892
01:58:45,625 --> 01:58:48,458
Nakita ko ang huling komunyon niya.
1893
01:58:52,500 --> 01:58:54,625
Ito ang Eve's Apple, Martha.
1894
01:58:55,208 --> 01:58:57,416
Ang buong kayamanan kong sumpa ang dala.
1895
01:58:57,916 --> 01:59:00,333
Lahat ng kasalanan sa mundo.
1896
01:59:00,416 --> 01:59:02,333
Pinakainaasam-asam ni Eba.
1897
01:59:03,000 --> 01:59:04,625
Ikinulong ko na.
1898
01:59:05,208 --> 01:59:08,625
Hinding-hindi na ito
muling mapapasakamay ng masama.
1899
01:59:09,416 --> 01:59:11,333
Ang katawan ni Kristo.
1900
01:59:24,458 --> 01:59:27,875
Dinala niya ang hiyas
hanggang sa kamatayan.
1901
01:59:30,625 --> 01:59:35,291
Nangako akong poprotektahan ko
ang dakilang lihim na 'yon.
1902
01:59:36,708 --> 01:59:40,625
Pero natuklasan ni Grace
na binili ni Prentice 'yong diyamante.
1903
01:59:40,708 --> 01:59:42,000
Hindi ko alam kung paano.
1904
01:59:42,083 --> 01:59:43,916
Pamilyar siya sa mga mamahalin.
1905
01:59:45,166 --> 01:59:48,500
Ano'ng ilalagay
sa custom-made na Fabergé box
1906
01:59:48,583 --> 01:59:50,750
na $20,000 na kahon pa lang?
1907
01:59:50,833 --> 01:59:54,916
Hindi anik-anik lang
o plastic na figurine ni Hesus.
1908
01:59:55,000 --> 01:59:57,166
Facet-cut 'yon
na di basta-basta ang halaga.
1909
01:59:58,250 --> 01:59:59,333
Hiyas.
1910
01:59:59,416 --> 02:00:01,708
Pero di niya alam
kung saan tinago ni Prentice.
1911
02:00:02,208 --> 02:00:03,708
E, di no'ng gabing 'yon...
1912
02:00:06,166 --> 02:00:08,291
Hindi niya binalahura sa galit
ang simbahan.
1913
02:00:08,875 --> 02:00:11,916
Hinahanap niya 'yong nakatagong hiyas.
1914
02:00:12,875 --> 02:00:15,500
Magulong buhay na puno ng desperasyon.
1915
02:00:16,041 --> 02:00:19,125
Bilanggo ng kahihiyan at panghuhusga.
1916
02:00:19,625 --> 02:00:21,625
'Yon ang tanging paraan
para makalaya siya.
1917
02:00:22,625 --> 02:00:24,041
Kaawa-awa siya.
1918
02:00:25,583 --> 02:00:27,416
Martha, ano'ng sinabi mo sa kanya?
1919
02:00:29,541 --> 02:00:30,958
Alam ko kung nasaan 'yon
1920
02:00:31,458 --> 02:00:33,083
at hindi mo 'yon mahahanap.
1921
02:00:33,583 --> 02:00:35,000
Pokpok.
1922
02:00:41,041 --> 02:00:42,125
Nasaan 'yon?
1923
02:00:44,833 --> 02:00:47,208
Nasaan 'yon, buwisit ka?
1924
02:00:48,208 --> 02:00:51,291
Tinago ko ang lihim ng Eve's Apple
1925
02:00:51,375 --> 02:00:55,958
sa puso ko sa loob ng 60 taon.
1926
02:00:57,125 --> 02:00:59,750
Kahit mabigat, pinasan ko.
1927
02:01:00,958 --> 02:01:01,833
Hanggang no'ng...
1928
02:01:01,916 --> 02:01:03,166
Hanggang no'ng...
1929
02:01:05,166 --> 02:01:07,250
Hinamon kitang ikumpisal 'yon.
1930
02:01:08,083 --> 02:01:10,708
Sa pagmamatigas at pagmamataas ko,
1931
02:01:11,750 --> 02:01:13,166
ikinumpisal ko 'yon.
1932
02:01:16,750 --> 02:01:18,375
Sa maling pari.
1933
02:01:22,583 --> 02:01:24,625
Mahalaga na ang bawat sandali.
1934
02:01:24,708 --> 02:01:26,708
Noong Linggo, sa rectory,
1935
02:01:26,791 --> 02:01:29,958
kinumpronta ni Vera si Wicks
at nalaman n'yo ang tungkol kay Cy.
1936
02:01:30,041 --> 02:01:33,000
Matatanggap ko sana
na naligaw siya ng landas.
1937
02:01:33,583 --> 02:01:36,791
Pero habang nagsasalita siya,
may nabunyag.
1938
02:01:37,708 --> 02:01:39,916
Mas malaki pala ang problema.
1939
02:01:40,416 --> 02:01:44,833
Kamping-kampi siya
doon sa masahol na batang 'yon.
1940
02:01:46,250 --> 02:01:48,666
Doon na 'ko naghinala.
1941
02:01:48,750 --> 02:01:51,125
Kaya tumawag ka sa construction company.
1942
02:01:51,208 --> 02:01:52,625
{\an8}Salamat, James.
1943
02:01:54,875 --> 02:01:56,083
{\an8}Doon na 'ko nakasiguro.
1944
02:01:57,000 --> 02:02:00,416
Nag-request siya ng equipment
para buksan 'yong crypt
1945
02:02:00,500 --> 02:02:06,333
at nakawin ang diyamante sa kasakiman
at pagnanasa niya ng kapangyarihan.
1946
02:02:06,416 --> 02:02:10,875
Mahuhukay ang nakasisirang tukso
ng Eve's Apple
1947
02:02:11,541 --> 02:02:13,958
{\an8}at babagsak ang simbahang ito
1948
02:02:14,041 --> 02:02:18,666
dahil sa lahat
ng binabala sa 'kin ni Prentice.
1949
02:02:18,750 --> 02:02:20,166
Nabigo ko siya.
1950
02:02:22,750 --> 02:02:23,958
Buong buhay ko,
1951
02:02:24,583 --> 02:02:27,916
ako ang mabuti, hindi ang masama.
1952
02:02:28,500 --> 02:02:30,083
Ako ang tapat.
1953
02:02:30,166 --> 02:02:32,791
Naglilingkod at nagpoprotekta sa simbahan.
1954
02:02:33,416 --> 02:02:36,500
Kung mabigo ako doon,
ano pa ang saysay ng buhay ko?
1955
02:02:36,583 --> 02:02:37,666
Naiintindihan ko.
1956
02:02:37,750 --> 02:02:40,375
Ang tanging papel ko
1957
02:02:40,458 --> 02:02:41,875
at nabigo ako.
1958
02:02:42,958 --> 02:02:44,166
Maliban na lang...
1959
02:02:48,166 --> 02:02:49,125
Maliban na lang...
1960
02:02:51,833 --> 02:02:55,583
Maliban na lang
kung mauuna akong kunin 'yong hiyas
1961
02:02:55,666 --> 02:02:57,416
at tuluyang paglahuin 'yon.
1962
02:02:58,416 --> 02:02:59,833
Kasabay no'n,
1963
02:02:59,916 --> 02:03:04,166
palalabasin ko si Wicks bilang
milagrosong santo na muling nabuhay.
1964
02:03:04,250 --> 02:03:07,666
{\an8}Hindi isang taong makasalanan
kundi simbolo
1965
02:03:08,500 --> 02:03:10,500
{\an8}na magliligtas sa simbahan ko.
1966
02:03:11,666 --> 02:03:14,208
Isang himala lang ang kailangan.
1967
02:03:15,583 --> 02:03:17,416
Kaya nagplano ako.
1968
02:03:18,416 --> 02:03:22,500
Mahiwaga dapat ang pagkamatay ni Wicks.
1969
02:03:23,291 --> 02:03:26,375
Imposibleng malutas at gawa ng Diyos.
1970
02:03:27,375 --> 02:03:29,125
Pero di mo kaya 'yon nang mag-isa.
1971
02:03:29,833 --> 02:03:30,916
Hindi.
1972
02:03:32,458 --> 02:03:34,083
Naisip ko, 'yong mahina dapat.
1973
02:03:34,666 --> 02:03:35,875
'Yong desperado.
1974
02:03:35,958 --> 02:03:38,708
'Yong susunod sa iba
para iligtas ang simbahan
1975
02:03:38,791 --> 02:03:41,375
at magpapakahinahon
para itago ang kahihiyan niya.
1976
02:03:41,958 --> 02:03:45,916
At 'yong makakakuha
ng panggamot na pampatulog.
1977
02:03:46,000 --> 02:03:48,041
Oo. 'Yon din.
1978
02:03:51,458 --> 02:03:54,416
Nasunod nga ang plano.
1979
02:03:56,000 --> 02:03:57,416
Diyos ko.
1980
02:03:58,166 --> 02:03:59,250
Kapalaluan ko 'to.
1981
02:03:59,333 --> 02:04:00,750
Kay sama.
1982
02:04:01,291 --> 02:04:02,416
Martha.
1983
02:04:03,041 --> 02:04:05,500
Naiintindihan ko talaga. Naiintindihan ko.
1984
02:04:06,083 --> 02:04:07,916
Ituloy mo lang. Nandito ako.
1985
02:04:08,000 --> 02:04:10,375
Hindi ko inakala ang magiging kabayaran.
1986
02:04:11,458 --> 02:04:13,291
Patawarin mo ako, Samson.
1987
02:04:13,833 --> 02:04:16,250
Matatag na Samson, tapat na Samson.
1988
02:04:16,333 --> 02:04:18,875
Si Samson na gumawa ng mga kabaong.
1989
02:04:22,833 --> 02:04:23,833
Lintik.
1990
02:04:24,625 --> 02:04:26,041
Mabubuhay kang muli.
1991
02:04:27,000 --> 02:04:28,833
Ayos lang 'to.
1992
02:04:28,916 --> 02:04:30,541
Mabubuhay kang muli.
1993
02:04:31,125 --> 02:04:32,541
Ayos lang 'to.
1994
02:04:35,416 --> 02:04:36,625
Pangako.
1995
02:04:37,333 --> 02:04:40,541
Hindi niya naiintindihan
kung bakit namin ginagawa 'yon.
1996
02:04:40,625 --> 02:04:43,458
Basta para sa 'yo, anghel ko.
1997
02:04:44,208 --> 02:04:45,375
Nagtiwala siya sa 'kin.
1998
02:04:45,875 --> 02:04:47,708
Kasi mahal niya 'ko.
1999
02:04:48,375 --> 02:04:49,791
O Panginoon.
2000
02:04:55,250 --> 02:04:57,083
Paano umabot sa gano'ng punto?
2001
02:04:59,750 --> 02:05:01,750
Simple lang dapat 'yon.
2002
02:05:01,833 --> 02:05:03,791
Sesenyas si Doc.
2003
02:05:16,208 --> 02:05:18,625
Kukunin ni Samson ang hiyas.
2004
02:05:19,875 --> 02:05:22,708
Magagamit na ang Lazarus door.
2005
02:05:26,875 --> 02:05:30,166
Makukuhanan 'yon sa camera,
tulad ng nasa plano.
2006
02:05:30,791 --> 02:05:33,583
Itatakas ni Dr. Nat sa truck niya
ang bangkay ni Wicks
2007
02:05:34,500 --> 02:05:37,833
at lulusawin 'yon
sa basement niyang karima-rimarim.
2008
02:05:37,916 --> 02:05:42,000
Kinabukasan, ikukuwento ni Samson
na may santong muling nabuhay
2009
02:05:42,083 --> 02:05:46,083
at nagbigay ng basbas
sa kanyang tapat na tagabantay
2010
02:05:46,166 --> 02:05:49,000
bago muling umakyat sa langit.
2011
02:05:49,666 --> 02:05:51,083
Isang himala.
2012
02:05:51,666 --> 02:05:53,500
Walang mintis na sana, e.
2013
02:05:55,416 --> 02:05:57,541
Wala ako dapat do'n.
2014
02:05:57,625 --> 02:05:59,666
Tama ka, wala ka nga dapat do'n.
2015
02:06:00,458 --> 02:06:01,541
Alam mo ba
2016
02:06:01,625 --> 02:06:04,708
kung ano'ng nangyari
no'ng nakita mo ang katawan ni Samson?
2017
02:06:04,791 --> 02:06:06,500
May hinala na 'ko.
2018
02:06:07,375 --> 02:06:08,583
Hindi puwede!
2019
02:06:09,250 --> 02:06:11,083
Pero kailangan kong makasiguro.
2020
02:06:14,541 --> 02:06:15,750
Salamat sa Diyos.
2021
02:06:16,250 --> 02:06:17,458
Tapos na.
2022
02:06:42,208 --> 02:06:44,208
Tapos masaya pa siyang nagkuwento
2023
02:06:44,291 --> 02:06:47,291
kung paanong nasunod ang buong plano.
2024
02:06:48,750 --> 02:06:52,208
Doon ko lang sinabi sa kanya
na pumunta ako sa crypt.
2025
02:06:54,000 --> 02:06:55,833
At alam kong nagsisinungaling siya.
2026
02:06:58,416 --> 02:07:00,541
Tapos sinabi niya sa 'kin ang totoo.
2027
02:07:05,333 --> 02:07:07,750
Leche. Hindi niya tayo dapat makita.
2028
02:07:16,333 --> 02:07:17,541
Susmaryosep.
2029
02:07:20,541 --> 02:07:22,166
Pangalawang pagkakamali ko.
2030
02:07:22,666 --> 02:07:27,291
Minaliit ko ang tukso ng Eve's Apple.
2031
02:07:28,541 --> 02:07:33,000
Napagkasunduan naming
wawasakin namin 'yon o itatapon sa dagat.
2032
02:07:33,083 --> 02:07:37,500
Pero sa iyo'y ibibigay ko
ang lahat ng kapangyarihang ito.
2033
02:07:38,416 --> 02:07:41,541
Kayang labanan ni Hesukristo ang tukso,
2034
02:07:41,625 --> 02:07:44,833
pero para sa desperadong
hamak na lalaking 'yon,
2035
02:07:45,333 --> 02:07:48,541
kami lang ni Samson
ang tanging hadlang sa kanya.
2036
02:07:49,375 --> 02:07:51,375
Nagkaroon na siya ng pagkakataon.
2037
02:07:52,250 --> 02:07:55,500
Para alisin ang mga balakid.
2038
02:07:56,583 --> 02:08:00,583
Palabasing kagagawan 'yon
ng bagong paring nakapatay na dati,
2039
02:08:00,666 --> 02:08:02,500
at angkinin ang diyamante.
2040
02:08:04,458 --> 02:08:05,291
Sinamantala niya.
2041
02:08:09,833 --> 02:08:13,791
Tapos ako na lang ang hadlang sa kanya.
2042
02:08:14,666 --> 02:08:19,291
Nilason niya ang kape ko
ng nakamamatay na dosis ng pentobarbital.
2043
02:08:20,208 --> 02:08:22,833
Walang lunas kapag nainom na.
2044
02:08:23,833 --> 02:08:24,916
Walang sakit.
2045
02:08:25,000 --> 02:08:27,833
Mamamanhid lang nang bahagya ang labi.
2046
02:08:28,500 --> 02:08:31,583
Sa loob ng 10 minuto, mapapadasal ka na.
2047
02:08:32,416 --> 02:08:35,666
Nakiusap siyang unawain ko
kung bakit niya ginagawa 'yon.
2048
02:08:35,750 --> 02:08:39,208
Sa laki ng perang 'yon,
mapapabalik niya ang bruha niyang asawa,
2049
02:08:39,291 --> 02:08:41,125
blah, blah, blah.
2050
02:08:41,833 --> 02:08:44,083
Sinabi ko sa kanya na nauunawaan ko.
2051
02:08:45,416 --> 02:08:47,416
Nauunawaan ko kung bakit niya ginawa 'yon.
2052
02:08:51,875 --> 02:08:54,500
Nauunawaan ko lahat.
2053
02:09:14,708 --> 02:09:16,708
Ginawa ko ang mga bagay na 'to
2054
02:09:17,458 --> 02:09:20,083
nang may poot sa puso ko.
2055
02:09:25,166 --> 02:09:27,583
Akin ang paghihiganti, sabi ng Panginoon.
2056
02:09:33,125 --> 02:09:36,625
'Yon ang kuwentong
palalabasin ng crime scene, pero...
2057
02:09:39,583 --> 02:09:41,416
Sa puso ko,
2058
02:09:42,166 --> 02:09:43,375
alam ko.
2059
02:09:47,458 --> 02:09:49,083
Akin ang paghihiganti.
2060
02:09:52,916 --> 02:09:56,500
Ipinagtatapat ko sa 'yo
ang mga kasalanang 'to, Father.
2061
02:09:56,583 --> 02:09:59,791
Nagsinungaling ako, pumatay ako,
2062
02:10:00,500 --> 02:10:01,708
at ngayon,
2063
02:10:02,708 --> 02:10:05,333
tinapos ko pa sa mas mabigat na kasalanan.
2064
02:10:13,000 --> 02:10:14,625
Father. Bilis na. Bilisan mo.
2065
02:10:14,708 --> 02:10:16,000
Ano'ng nangyayari?
2066
02:10:16,083 --> 02:10:18,125
Pagkakita ko pa lang sa labi niya...
2067
02:10:20,166 --> 02:10:21,875
alam kong huli na ang lahat.
2068
02:10:23,708 --> 02:10:25,708
Uminom siya ng pentobarbital.
2069
02:10:25,791 --> 02:10:28,708
- Diyos ko po. Tumawag kayo ng ambulansiya!
- Sige!
2070
02:10:28,791 --> 02:10:31,208
Baka may pangontra sa lason sa patrol car!
2071
02:10:42,708 --> 02:10:44,333
Patawarin mo ako, Father,
2072
02:10:45,541 --> 02:10:46,958
sa lahat ng tiniis mo.
2073
02:10:48,625 --> 02:10:53,458
Patawarin Mo ako, Panginoon,
para kina Wicks, Nat, at...
2074
02:10:55,666 --> 02:10:56,875
Samson.
2075
02:10:57,708 --> 02:10:59,125
Kay Samson kong mahal.
2076
02:11:00,208 --> 02:11:01,416
At kay Grace.
2077
02:11:07,000 --> 02:11:08,083
Martha.
2078
02:11:08,833 --> 02:11:10,041
Kay Grace.
2079
02:11:12,625 --> 02:11:13,833
Ligtas ka na.
2080
02:11:16,666 --> 02:11:17,875
Pakawalan mo na.
2081
02:11:19,458 --> 02:11:21,083
Pakawalan mo na ang poot.
2082
02:11:26,458 --> 02:11:27,541
Kay Grace.
2083
02:11:31,208 --> 02:11:32,333
Oo.
2084
02:11:33,208 --> 02:11:34,625
Nakikita ko na.
2085
02:11:36,541 --> 02:11:38,166
Kaawa-awa siya.
2086
02:11:41,333 --> 02:11:43,166
Patawarin mo ako, Grace.
2087
02:11:47,375 --> 02:11:48,583
Father...
2088
02:11:51,583 --> 02:11:53,208
magaling ka talaga dito.
2089
02:11:58,708 --> 02:12:00,875
O Diyos, Ama ng awa,
2090
02:12:01,625 --> 02:12:04,125
sa kamatayan at muling pagkabuhay
ng Kanyang Anak,
2091
02:12:04,208 --> 02:12:06,833
ipinagkasundo Niya ang mundo
sa Kanyang sarili
2092
02:12:07,583 --> 02:12:11,750
at ibinuhos ang Banal na Espiritu
para sa kapatawaran ng mga kasalanan,
2093
02:12:12,583 --> 02:12:14,500
at sa ministeryo ng Simbahan,
2094
02:12:14,583 --> 02:12:17,000
patawarin at payapain ka nawa ng Diyos,
2095
02:12:18,000 --> 02:12:20,208
at pinatatawad na kita
sa mga kasalanan mo.
2096
02:12:28,000 --> 02:12:31,208
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,
2097
02:12:32,291 --> 02:12:33,708
at ng Espiritu Santo.
2098
02:12:49,416 --> 02:12:50,500
Tangina.
2099
02:13:20,041 --> 02:13:21,875
Hindi na natagpuan ang hiyas.
2100
02:13:26,125 --> 02:13:27,500
{\an8}Nagsara saglit ang simbahan.
2101
02:13:27,583 --> 02:13:28,541
{\an8}ISANG TAON MULA NOON
2102
02:13:28,625 --> 02:13:31,708
{\an8}Nagkanya-kanya ang mga natira
sa grupong 'yon.
2103
02:13:31,791 --> 02:13:33,958
{\an8}BUMANGON
ANG BUHAY NA MILAGRO NG MONSIGNOR
2104
02:13:34,041 --> 02:13:37,833
{\an8}May nakakuha sa gusto nila para malaman
ang alam na ng mga tao ng simbahan.
2105
02:13:39,500 --> 02:13:41,416
{\an8}BOOK SIGNING NGAYON!
BAGONG LABAS
2106
02:13:42,208 --> 02:13:43,833
{\an8}May sense of humor ang Diyos.
2107
02:13:49,375 --> 02:13:51,791
May nakapagsimula uli.
2108
02:13:52,458 --> 02:13:55,291
Siguro para mahanap
ang landas na para sa kanila. Sana.
2109
02:13:59,041 --> 02:14:00,666
May nakaranas ng himala.
2110
02:14:01,958 --> 02:14:04,375
Hindi napagaling o naayos,
2111
02:14:05,041 --> 02:14:08,125
pero natagpuan nila ang lakas
para gumising araw-araw
2112
02:14:08,208 --> 02:14:10,333
at ipagpatuloy ang dapat nating gawin
2113
02:14:11,208 --> 02:14:12,833
sa kabila ng sakit.
2114
02:14:14,000 --> 02:14:15,208
Espiritwal na pagkain.
2115
02:14:22,541 --> 02:14:24,541
Gano'n ang panalangin ko para sa 'yo.
2116
02:14:25,416 --> 02:14:27,416
'Yong matagpuan mo ang hinahanap mo.
2117
02:14:30,708 --> 02:14:33,333
- Nasaan na 'yon? Alam mo.
- Wag! Cy!
2118
02:14:33,416 --> 02:14:35,166
Tangina, alam n'yong dalawa 'yon.
2119
02:14:35,250 --> 02:14:37,666
Huling tsansa n'yo na
bago kami magdemanda.
2120
02:14:37,750 --> 02:14:39,500
Mr. Wicks, huminahon ka.
2121
02:14:39,583 --> 02:14:42,208
Umasa kaming maaayos 'to
sa mediation na 'to.
2122
02:14:42,291 --> 02:14:44,291
Ibinigay sa kanila at tinatago nila 'yon.
2123
02:14:44,375 --> 02:14:47,541
Pinayagan na namin kayong
maghalughog sa simbahan at sa rectory,
2124
02:14:47,625 --> 02:14:49,250
at wala kayong nakita.
2125
02:14:49,333 --> 02:14:51,750
Saka nando'n si Mr. Blanc
no'ng namatay si Martha
2126
02:14:51,833 --> 02:14:53,833
at wala raw kahina-hinala no'n.
2127
02:14:57,333 --> 02:14:58,250
Hoy.
2128
02:14:58,750 --> 02:14:59,833
Hoy!
2129
02:15:00,416 --> 02:15:03,291
Magkabakas lang na binenta 'yon,
donasyon man o pampaayos,
2130
02:15:03,375 --> 02:15:06,375
o mag-upgrade kayo ng communion wine,
bantay-sarado ko kayo.
2131
02:15:06,458 --> 02:15:08,708
Mag-o-audit ako. Malalaman ko.
2132
02:15:09,541 --> 02:15:11,958
Sana bumalik ka sa simbahan
balang-araw, Cy.
2133
02:15:12,500 --> 02:15:14,625
Si Hesukristo ang tunay na pamana sa 'yo.
2134
02:15:26,583 --> 02:15:28,208
Supot na bugok.
2135
02:15:32,375 --> 02:15:34,500
Trending pa rin ang kuha niyang video mo.
2136
02:15:34,583 --> 02:15:35,666
Oo.
2137
02:15:35,750 --> 02:15:37,958
"Benoit Blanc 'pwned'."
2138
02:15:38,041 --> 02:15:40,875
Owned pero "P". Malay ko kung ano 'yon.
2139
02:15:41,500 --> 02:15:43,416
Patuloy naming sinasabi ang totoo.
2140
02:15:43,500 --> 02:15:46,875
Si Martha, 'yong nangyari.
Pero parang di na 'yon mahalaga.
2141
02:15:47,458 --> 02:15:51,291
Sugod pa rin ang mga Wicktard
sa Facebook namin. Nagkakagulo sila do'n.
2142
02:15:52,625 --> 02:15:54,458
Ang sarap mabuhay.
2143
02:15:55,416 --> 02:15:58,041
Sikat ka agad pagkabukas n'yo.
2144
02:15:58,750 --> 02:16:00,333
Baka di lang maganda ang dahilan.
2145
02:16:00,416 --> 02:16:01,916
Handa ka na bang harapin 'yon?
2146
02:16:03,708 --> 02:16:04,791
Sige lang.
2147
02:16:07,375 --> 02:16:08,458
Good luck, iho.
2148
02:16:11,791 --> 02:16:12,875
Bale...
2149
02:16:15,208 --> 02:16:16,833
Mauuna na 'ko.
2150
02:16:26,750 --> 02:16:31,166
Malapit na ang unang misa ko,
kung mahihintay mo.
2151
02:16:31,833 --> 02:16:33,000
Salamat sa pag-imbita.
2152
02:16:33,083 --> 02:16:37,250
Marami pa 'kong ibang mas gustong gawin.
2153
02:16:37,333 --> 02:16:38,541
Baboosh.
2154
02:16:43,083 --> 02:16:50,083
WELCOME LAHAT DITO
2155
02:17:05,500 --> 02:17:06,708
Welcome!
2156
02:23:55,583 --> 02:24:00,583
Nagsalin ng Subtitle: Maribeth Pierce