1
00:00:14,681 --> 00:00:16,432
May dalawang camera tayo.
2
00:00:16,433 --> 00:00:19,226
Wow, mas maganda 'to kaysa no'ng nakaraan.
3
00:00:19,227 --> 00:00:22,188
Sige, d'yan ka, umupo ka lang d'yan.
4
00:00:23,690 --> 00:00:26,609
Ang pangit no'ng kay Montel Williams.
5
00:00:27,402 --> 00:00:31,155
Mabuti naman at mas nagustuhan mo 'to
kumpara sa dati.
6
00:00:31,156 --> 00:00:32,406
Oo naman. Oo.
7
00:00:32,407 --> 00:00:36,410
Okay, sisimulan ko agad sa tanong na,
8
00:00:36,411 --> 00:00:38,913
sa tingin mo ba, dapat kang mapunta dito?
9
00:00:40,331 --> 00:00:41,332
Hindi.
10
00:00:42,042 --> 00:00:45,086
- Bakit?
- Dahil hindi naman ako serial killer.
11
00:00:45,587 --> 00:00:49,799
Hindi ko pinatay 'yong mga lalaking 'yon
na parang serial killer.
12
00:00:50,300 --> 00:00:53,010
Hindi ko pinlano 'yong mga pagpatay,
walang gano'n.
13
00:00:53,011 --> 00:00:55,012
Bakit mo pinatay 'yong mga lalaki?
14
00:00:55,013 --> 00:00:56,431
Self-defense.
15
00:00:56,931 --> 00:00:59,224
Naaalala mo no'ng nakisakay ka
kay Richard Mallory?
16
00:00:59,225 --> 00:01:02,728
May dumaang sasakyan,
sumindi 'yong headlights,
17
00:01:02,729 --> 00:01:06,357
tapos nakita ko na isa lang ang sakay
kaya tingin ko ayos lang.
18
00:01:06,858 --> 00:01:12,071
Lumapit ako sa kotse,
binuksan ko 'yong pinto, tapos sabi ko,
19
00:01:12,072 --> 00:01:13,697
"Huminto ka ba para sa 'kin?"
20
00:01:13,698 --> 00:01:16,200
Sagot naman niya,
"Oo, papunta ka ba sa Orlando?"
21
00:01:16,201 --> 00:01:18,619
Sabi ko, "Hindi, sa Daytona ako."
22
00:01:18,620 --> 00:01:23,373
Tapos sabi niya, "Wow, suwerte mo.
Papunta ako sa Daytona."
23
00:01:23,374 --> 00:01:25,209
Sabi ko, "Wow, tamang-tama."
24
00:01:25,210 --> 00:01:26,753
Tapos sumakay na 'ko.
25
00:01:27,253 --> 00:01:29,505
Tapos tinanong niya kung magkano ako.
26
00:01:29,506 --> 00:01:34,761
Sabi ko, "30 ang tsupa, 35 pag pinasok,
40 sa kalahating oras, 100 sa isang oras."
27
00:01:36,179 --> 00:01:37,514
Tapos sabi niya,
28
00:01:38,014 --> 00:01:41,017
"E, paano kung sabihin ko...
29
00:01:41,810 --> 00:01:43,561
"na wala akong pera?"
30
00:01:44,187 --> 00:01:47,689
Sabi ko, "Richard, hindi puwede 'yan."
31
00:01:47,690 --> 00:01:50,359
Sabi ko, "Hindi ko naman libangan 'to.
32
00:01:50,360 --> 00:01:55,782
"May usapan tayo, kaya pasensiya na,
pero ayoko nang gawin 'to."
33
00:01:56,324 --> 00:01:57,158
Okay.
34
00:01:58,076 --> 00:01:59,910
Sabihin mo kung ano'ng nangyari
35
00:01:59,911 --> 00:02:03,873
pagkatapos niyang ipulupot 'yong cord
sa leeg mo.
36
00:02:05,750 --> 00:02:08,128
Pinulupot niya 'yong cord sa leeg ko.
37
00:02:10,630 --> 00:02:11,714
Tapos...
38
00:02:13,341 --> 00:02:15,760
sabi niya, "Gagawin mo, puta ka."
39
00:02:17,762 --> 00:02:21,141
Sabi niya, "Gagawin mo lahat
ng ipapagawa ko sa 'yo.
40
00:02:22,350 --> 00:02:27,063
"At kung hindi, papatayin na kita ngayon
at kakantutin kita pagkatapos...
41
00:02:29,691 --> 00:02:32,569
"tulad ng ginawa ko sa iba pang puta."
42
00:02:37,574 --> 00:02:38,700
Tapos...
43
00:02:41,369 --> 00:02:43,872
Tapos sabi niya, "Wala akong pakialam.
44
00:02:45,331 --> 00:02:46,624
"Mainit...
45
00:02:47,876 --> 00:02:50,503
"Mainit pa rin naman 'yong katawan mo
46
00:02:51,754 --> 00:02:53,590
"para sa malaking...
47
00:02:55,216 --> 00:02:56,217
"titi ko."
48
00:02:58,136 --> 00:02:59,137
Tapos...
49
00:03:02,015 --> 00:03:05,684
Sabi ko nga, sinasakal niya 'ko,
tapos hawak ko naman. Ganito, o.
50
00:03:05,685 --> 00:03:08,688
Tapos sabi niya,
"Gusto mo bang mamatay, puta ka?"
51
00:03:09,522 --> 00:03:11,399
Umiling lang ako, "Ayoko."
52
00:03:13,943 --> 00:03:15,403
Tapos sabi niya...
53
00:03:18,740 --> 00:03:20,073
"Makikinig ka ba...
54
00:03:20,074 --> 00:03:22,785
"Makikinig ka ba sa lahat...
55
00:03:23,870 --> 00:03:26,331
"sa lahat ng sasabihin ko,
56
00:03:27,081 --> 00:03:28,373
"sa lahat ng ipapagawa ko?"
57
00:03:28,374 --> 00:03:30,543
Tumango lang ako, "Oo."
58
00:03:31,336 --> 00:03:33,295
Okay, ano'ng sumunod na nangyari?
59
00:03:33,296 --> 00:03:34,964
Tapos ang ginawa niya...
60
00:03:35,673 --> 00:03:38,718
Sinimulan na niyang 'yong...
61
00:03:41,971 --> 00:03:43,306
anal sex.
62
00:03:45,516 --> 00:03:46,476
Okay.
63
00:03:47,810 --> 00:03:48,937
Tapos...
64
00:03:50,730 --> 00:03:52,607
'Yong ginagawa niya...
65
00:03:54,108 --> 00:03:55,985
masyadong marahas.
66
00:03:58,655 --> 00:03:59,905
'Yong galaw niya.
67
00:03:59,906 --> 00:04:02,617
May sinasabi ka ba sa kanya
habang nangyayari 'yon?
68
00:04:04,285 --> 00:04:08,206
Wala, iyak lang ako nang iyak no'n.
69
00:04:08,706 --> 00:04:10,541
May sinasabi ba siya sa 'yo?
70
00:04:11,751 --> 00:04:16,714
Oo, gusto raw niyang marinig
'yong sakit na nararamdaman ko.
71
00:04:17,840 --> 00:04:20,551
Kapag umungol ako, gusto niyang...
72
00:04:21,469 --> 00:04:23,096
marinig 'yong iyak ko.
73
00:04:23,596 --> 00:04:25,098
Nalilibugan daw siya.
74
00:04:26,933 --> 00:04:28,351
Ano'ng nangyari pagkatapos?
75
00:04:29,143 --> 00:04:31,104
Kumuha siya ng Visine.
76
00:04:33,147 --> 00:04:36,401
Inangat niya 'yong mga binti ko,
tapos may sinalin siya.
77
00:04:37,193 --> 00:04:39,070
'Yong sinalin niya...
78
00:04:40,238 --> 00:04:44,075
rubbing alcohol pala,
tapos sinalin niya sa bote ng Visine.
79
00:04:47,161 --> 00:04:50,206
Tapos nilagyan niya...
80
00:04:53,710 --> 00:04:55,837
'yong tumbong ko.
81
00:05:03,761 --> 00:05:06,471
Ang sakit no'n, sobrang sakit,
82
00:05:06,472 --> 00:05:09,225
nagkasugat-sugat na kasi ako sa kanya.
83
00:05:13,354 --> 00:05:16,858
Tapos nilagyan din niya 'yong ari ko...
84
00:05:18,985 --> 00:05:20,862
at sobrang sakit din no'n.
85
00:05:23,114 --> 00:05:24,073
Tapos...
86
00:05:24,866 --> 00:05:26,826
pumunta siya sa...
87
00:05:27,368 --> 00:05:30,663
bumalik siya
sa driver's seat— side, tapos...
88
00:05:32,206 --> 00:05:34,791
binuka niya 'yong ilong ko, ganito.
89
00:05:34,792 --> 00:05:37,170
Binuka niya, tapos...
90
00:05:39,297 --> 00:05:44,468
winisikan niya ng rubbing alcohol
na galing sa bote ng Visine
91
00:05:44,469 --> 00:05:46,178
'yong loob ng ilong ko.
92
00:05:46,179 --> 00:05:51,225
Tapos sabi niya, "Ititira ko
'yong mga mata mo para sa grand finale."
93
00:05:53,227 --> 00:05:56,355
Sabi nga niya, may pinatay na siyang iba.
Kailangan kong lumaban.
94
00:05:56,356 --> 00:05:58,691
Kailangan kong ipaglaban ang buhay ko.
95
00:06:04,113 --> 00:06:05,365
Hinahatulan kita...
96
00:06:06,282 --> 00:06:08,993
ng parusang kamatayan
para sa pagpatay kay Troy Burress,
97
00:06:09,494 --> 00:06:12,622
para sa pagpatay kay Charles Humphreys,
98
00:06:13,206 --> 00:06:16,626
at para sa pagpatay kay David Spears.
99
00:06:17,668 --> 00:06:18,960
Salamat.
100
00:06:18,961 --> 00:06:20,213
Sige.
101
00:06:21,255 --> 00:06:24,884
Magkita na lang— Nasa langit na ako
habang nabubulok kayo sa impiyerno.
102
00:06:26,552 --> 00:06:28,220
Sige, may automatic appeal.
103
00:06:28,221 --> 00:06:30,514
Ma-rape din sana sila sa puwet.
104
00:06:30,515 --> 00:06:33,267
Ikaw ba ang hahawak o ang public defender?
105
00:06:34,268 --> 00:06:38,231
Ia-appoint ko ang public defender's office
para humawak ng appeal.
106
00:06:38,731 --> 00:06:41,567
Ma-rape sana ang asawa't anak mo.
107
00:06:42,110 --> 00:06:43,486
Sa puwet.
108
00:06:44,070 --> 00:06:46,113
May isa pa akong gustong sabihin—
109
00:06:46,114 --> 00:06:47,949
Alam kong na-rape ako.
110
00:06:48,449 --> 00:06:51,326
Lahat kayo, mga kupal kayo.
111
00:06:51,327 --> 00:06:55,998
Hahatulan n'yo ng kamatayan
'yong taong na-rape, tangina n'yo.
112
00:06:57,875 --> 00:06:59,919
Punong-puno na 'ko dito.
113
00:07:00,461 --> 00:07:03,004
Baka makatatlong
death row sentence pa ako,
114
00:07:03,005 --> 00:07:07,759
tapos sa Pasco at Dixon naman,
dalawa pang death row...
115
00:07:07,760 --> 00:07:10,303
Ilang beses n'yo ba akong papatayin?
116
00:07:10,304 --> 00:07:13,682
Tanginang 'to.
Di naman nila kailangang gawin 'to.
117
00:07:13,683 --> 00:07:17,811
Sinisira nila 'yong pagkatao ko,
pinagmumukha akong halimaw, baliw,
118
00:07:17,812 --> 00:07:20,898
o 'yong tipong Jeffrey Dahmer,
hindi naman ako gano'n.
119
00:07:25,736 --> 00:07:30,198
Dinala siya ni Richard Mallory
sa liblib na lugar na 'to,
120
00:07:30,199 --> 00:07:34,996
at dito naging mamamatay-tao
si Aileen Wuornos.
121
00:07:36,706 --> 00:07:41,377
Ang ingay dito.
Paano naging liblib na lugar 'to?
122
00:07:42,044 --> 00:07:48,301
Gusto naming makuha ang reaksiyon mo, Lee,
123
00:07:48,885 --> 00:07:52,220
dahil may nalaman kami
tungkol kay Richard Mallory
124
00:07:52,221 --> 00:07:54,724
na hindi nailabas sa korte.
125
00:07:55,475 --> 00:07:57,977
{\an8}- Teka lang muna.
- Sige.
126
00:07:59,187 --> 00:08:00,021
Sige.
127
00:08:01,772 --> 00:08:05,358
Nahatulan si Richard Mallory
128
00:08:05,359 --> 00:08:09,113
ng assault with intent to rape.
129
00:08:16,829 --> 00:08:18,039
Kailan 'to?
130
00:08:19,415 --> 00:08:20,541
Kailan siya...
131
00:08:21,417 --> 00:08:22,543
Anong taon?
132
00:08:24,170 --> 00:08:27,757
Naaresto siya noong 1957. Okay.
133
00:08:29,675 --> 00:08:33,721
Sampung taon ang ginugol niya
134
00:08:34,263 --> 00:08:40,311
sa isang institute
para sa criminal sexual deviance.
135
00:08:44,273 --> 00:08:47,735
Ibig sabihin,
may sexual defunct na pala siya noon pa.
136
00:08:48,569 --> 00:08:50,821
Grabeng kahayupan
ang ginawa niya sa 'kin, e.
137
00:08:57,787 --> 00:08:59,080
Ayos ka lang?
138
00:08:59,622 --> 00:09:01,706
Hindi mo kinain 'yong chicken mo.
139
00:09:01,707 --> 00:09:03,208
Wala akong gana, e.
140
00:09:03,209 --> 00:09:06,211
Akala ko gusto ko,
pero papipiliin ka nila, e.
141
00:09:06,212 --> 00:09:07,754
Kaya umoo na lang ako.
142
00:09:07,755 --> 00:09:08,922
Ang bango.
143
00:09:08,923 --> 00:09:11,216
Mabango nga, pero ewan ko.
144
00:09:11,217 --> 00:09:13,511
Ayokong busog ako kapag...
145
00:09:14,011 --> 00:09:15,345
- Oo.
- Alam mo 'yon?
146
00:09:15,346 --> 00:09:18,724
Di bale, makakarating ka na
sa mas magandang lugar.
147
00:09:19,225 --> 00:09:22,979
Kahit saan wag lang sa letseng
lugar na 'to, dito sa mundo.
148
00:09:23,771 --> 00:09:25,855
Matatahimik ka na, Aileen.
149
00:09:25,856 --> 00:09:26,983
Sa wakas.
150
00:09:27,775 --> 00:09:29,776
Makikita mo na ang Diyos mo.
151
00:09:29,777 --> 00:09:30,819
Tanggap ko na.
152
00:09:30,820 --> 00:09:32,572
- Oo.
- Totoo.
153
00:09:33,281 --> 00:09:34,740
Tanggap ko na.
154
00:09:36,659 --> 00:09:38,535
Putatsing ng Florida.
155
00:09:38,536 --> 00:09:41,664
Walang nagpakita sa 'kin
ni katiting na kabutihan, kaya sige.
156
00:09:43,165 --> 00:09:44,417
Isa na namang babae
157
00:09:45,209 --> 00:09:48,587
na bibitayin para sa isang bagay
na kung sa lalaki, lusot siya, di ba?
158
00:09:48,588 --> 00:09:50,548
Oo nga, oo.
159
00:09:53,426 --> 00:09:55,344
Makakalusot siya.
160
00:09:57,763 --> 00:09:59,724
Tapos ako, bibitayin.
161
00:10:02,268 --> 00:10:03,519
Ay, oo nga.
162
00:10:04,353 --> 00:10:06,439
'Yon ang itatanong ko sa Kanya.
163
00:10:08,024 --> 00:10:10,109
Pag nakita ko ang Panginoon bukas,
164
00:10:10,901 --> 00:10:12,778
'yon ang itatanong ko sa Kanya.
165
00:10:14,447 --> 00:10:15,740
Kuha mo ba?
166
00:10:16,240 --> 00:10:18,868
Tangina, kailangan natin
ng tulong dito sa lupa.
167
00:10:21,245 --> 00:10:22,955
Totoo 'yan.
168
00:10:30,463 --> 00:10:31,589
Salamat.
169
00:10:39,347 --> 00:10:40,306
Okay lang.
170
00:10:41,390 --> 00:10:42,224
Uy, ma'am.
171
00:10:47,855 --> 00:10:50,941
Kupal na 'to.
Wala nang mawawala sa 'kin ngayon.
172
00:10:55,029 --> 00:10:56,655
Wag mo 'kong kalimutan, ha?
173
00:10:56,656 --> 00:10:58,949
Hinding-hindi kita makakalimutan.
174
00:10:59,742 --> 00:11:02,495
- Lagi kitang mamahalin.
- Lagi kitang mamahalin.
175
00:11:03,996 --> 00:11:05,247
Inaabangan ko 'yon.
176
00:11:10,419 --> 00:11:12,296
Makikita ko na ang Lumikha.
177
00:11:16,342 --> 00:11:18,803
Pati na rin si Lizzie Borden.
178
00:11:20,596 --> 00:11:23,099
Dahil siya 'yong nakalusot.
179
00:11:38,614 --> 00:11:42,159
Gusto kong sabihing naglalayag ako
kasama ang bato.
180
00:11:43,536 --> 00:11:44,995
At babalik ako.
181
00:11:46,497 --> 00:11:50,167
Parang Independence Day kasama si Hesus.
182
00:11:51,293 --> 00:11:54,380
June 6, parang 'yong pelikula.
183
00:11:55,631 --> 00:11:59,218
May malaking mothership pa. Babalik ako.
184
00:12:00,386 --> 00:12:01,512
Babalik ako.
185
00:12:03,347 --> 00:12:04,348
Uy.
186
00:12:05,641 --> 00:12:07,518
Nag-request ako ng kanta.
187
00:12:09,228 --> 00:12:11,146
'Yong "Carnival" ni Natalie Merchant.
188
00:12:11,147 --> 00:12:12,481
Puwede ba 'yon?
189
00:12:17,528 --> 00:12:19,864
Paborito ko 'yong kantang 'yon.
190
00:13:28,599 --> 00:13:30,059
Ito na 'yon.
191
00:13:30,726 --> 00:13:33,521
Ito ang bunga
ng lahat ng pangarap ko sa buhay.
192
00:13:34,063 --> 00:13:36,482
Sangkatutak na pusa 'yan, Lizzie.
193
00:13:37,274 --> 00:13:38,775
Hindi lang pusa.
194
00:13:38,776 --> 00:13:40,944
May lobo kami, si Titus.
195
00:13:40,945 --> 00:13:43,364
May fennec fox, may ocelot.
196
00:13:44,990 --> 00:13:48,077
- Ito ang cockatoo ko, si Lucius.
- Cockatoo?
197
00:13:48,786 --> 00:13:51,121
Marami akong mga alpaca.
198
00:13:52,248 --> 00:13:54,207
Si Francis 'yong toucan.
199
00:13:54,208 --> 00:13:55,584
Si Scout naman 'yong baboy.
200
00:13:56,585 --> 00:13:58,128
'Yong kambing, si Matilda.
201
00:13:59,588 --> 00:14:00,548
Si Osage.
202
00:14:01,215 --> 00:14:02,132
Si Choo-choo.
203
00:14:02,716 --> 00:14:03,634
Si Cookie.
204
00:14:05,344 --> 00:14:08,681
- Gusto mong makita ang Maplecroft?
- Gustung-gusto ko.
205
00:14:16,939 --> 00:14:19,692
Lizzie, kumikinang sa ganda.
206
00:14:20,234 --> 00:14:21,068
Hindi ba?
207
00:14:27,366 --> 00:14:29,702
PAGKALIPAS NG 15 TAON...
208
00:14:33,163 --> 00:14:35,332
Ito 'yong mga puno ng seresa.
209
00:14:36,208 --> 00:14:37,918
Ang sarap.
210
00:14:45,301 --> 00:14:46,676
Ang galing, ano?
211
00:14:46,677 --> 00:14:48,261
Sa buong bahay?
212
00:14:48,262 --> 00:14:50,221
Sa buong bahay.
213
00:14:50,222 --> 00:14:52,349
May linya na rin ng tubig
sa loob ng bahay.
214
00:14:58,147 --> 00:14:59,690
Ito 'yong bar.
215
00:15:00,274 --> 00:15:01,483
Oo nga.
216
00:15:25,549 --> 00:15:27,426
Ano ulit ang tawag mo dito?
217
00:15:27,927 --> 00:15:29,136
Maplecroft.
218
00:15:31,388 --> 00:15:33,766
Pinangarap ko talaga 'to.
219
00:15:34,391 --> 00:15:35,601
Pinangarap namin.
220
00:15:36,101 --> 00:15:37,478
Namin ni Emma.
221
00:15:38,687 --> 00:15:41,690
Oo. Kumusta naman ang kapatid mo?
222
00:15:42,274 --> 00:15:43,567
Mabuti naman.
223
00:15:44,276 --> 00:15:47,613
Nagpapahinga lang siya sa taas
bago maghapunan.
224
00:15:52,368 --> 00:15:53,701
Higpitan mo pa.
225
00:15:53,702 --> 00:15:56,704
Kung 'yong mas malaking sukat kaya?
Dumadaing ka na, e.
226
00:15:56,705 --> 00:15:58,499
Sabi nang higpitan mo pa!
227
00:16:03,504 --> 00:16:04,421
Itali mo na!
228
00:16:22,106 --> 00:16:24,483
Miss Borden, may pagtitipon kayo mamaya.
229
00:16:27,695 --> 00:16:29,154
Baka antukin ka sa laudanum.
230
00:16:36,412 --> 00:16:40,165
Sa San Francisco talaga ako
nakagawa ng pangalan.
231
00:16:40,874 --> 00:16:45,004
Dahil sa mga papuri,
umarangkada ako papuntang Broadway.
232
00:16:45,504 --> 00:16:50,967
Pagkatapos sa Europe, sa Egypt,
sa Hawaii, sa Australia.
233
00:16:50,968 --> 00:16:52,302
Sa Australia?
234
00:16:53,595 --> 00:16:54,930
Nakakita ka ba ng kangaroo?
235
00:16:55,973 --> 00:16:58,475
Oo, para silang malalaking daga.
236
00:17:00,269 --> 00:17:05,190
Lizzie, dahil sa suporta mo
kaya ko nagawa ang lahat ng 'yon.
237
00:17:06,066 --> 00:17:11,238
Marangyang pagbibiyahe,
matutuluyan na para sa isang bituin.
238
00:17:12,156 --> 00:17:14,324
Utang ko ang lahat ng 'yon sa 'yo.
239
00:17:17,828 --> 00:17:18,912
Pero Lizzie...
240
00:17:23,709 --> 00:17:25,919
Lizzie, hindi ako para sa entablado.
241
00:17:26,837 --> 00:17:28,464
Masyado akong pino.
242
00:17:29,757 --> 00:17:32,718
'Yong maliliit na detalye ng pag-arte ko...
243
00:17:33,385 --> 00:17:35,012
sa madaling salita,
244
00:17:35,888 --> 00:17:39,433
nalulunod 'yon sa malaking bulwagan.
245
00:17:41,143 --> 00:17:44,646
Sa totoo lang, ang entablado...
246
00:17:45,564 --> 00:17:47,649
hindi talaga para sa akin 'yon.
247
00:17:54,948 --> 00:17:56,492
Kung gano'n, ano?
248
00:18:00,412 --> 00:18:02,247
Masdan mo, Lizzie!
249
00:18:03,540 --> 00:18:05,209
Ang galing!
250
00:18:11,215 --> 00:18:14,426
{\an8}Mas marami akong naipapahayag
sa isang tingin
251
00:18:14,927 --> 00:18:17,346
kaysa sa kahit anong mahabang pananalita.
252
00:18:18,180 --> 00:18:20,933
Dito ko gustong yumaman.
253
00:18:21,517 --> 00:18:23,685
Sa pelikula.
254
00:18:27,940 --> 00:18:29,733
At dito ka papasok.
255
00:18:31,860 --> 00:18:35,489
Nasa Fort Lee, New Jersey
ang Fox Film Corporation.
256
00:18:36,240 --> 00:18:37,783
Doon ako lilipat.
257
00:18:38,700 --> 00:18:41,953
Pero may imahe ako na dapat ipakita.
258
00:18:41,954 --> 00:18:47,584
Hindi ako puwedeng magmakaawa
na para bang isa akong pulubi.
259
00:18:50,129 --> 00:18:51,088
Hindi puwede.
260
00:18:52,131 --> 00:18:54,549
Sa pagharap ko kay Mr. Fox,
261
00:18:54,550 --> 00:18:56,635
kailangang malakas ang dating ko.
262
00:18:57,177 --> 00:18:59,011
'Yong dating ng isang bituin.
263
00:18:59,012 --> 00:19:00,389
'Yong dating ng mayaman.
264
00:19:02,766 --> 00:19:04,351
Kaya kailangan mo pa ng pera.
265
00:19:07,312 --> 00:19:10,356
Malaki-laki pa, kung hindi mo mamasamain.
266
00:19:10,357 --> 00:19:15,320
Pero siyempre, may pakinabang ka rin naman
sa nilalabas mong pera.
267
00:19:17,030 --> 00:19:21,535
Gusto kong idiin mo 'yan
sa mayayaman mong kaibigan mamaya.
268
00:19:22,327 --> 00:19:26,248
Wala nang dahilan para hindi sila isali
sa pagkakataong 'to, hindi ba?
269
00:19:28,417 --> 00:19:29,418
Wala nga.
270
00:19:34,506 --> 00:19:36,008
{\an8}MAKIRI
271
00:19:44,933 --> 00:19:47,018
Salamat sa tagasuporta ko.
272
00:19:47,019 --> 00:19:51,230
Salamat sa ating punong-abala
para sa magandang gabing 'to.
273
00:19:51,231 --> 00:19:52,691
Tama 'yan!
274
00:19:53,275 --> 00:19:54,151
Bravo!
275
00:19:57,946 --> 00:20:00,281
Ilan lahat ang hayop mo, Miss Borden?
276
00:20:00,282 --> 00:20:02,034
Mahigit 200.
277
00:20:04,286 --> 00:20:06,288
Kasama ba do'n ang kapatid mo?
278
00:20:08,165 --> 00:20:09,583
Hindi, hindi.
279
00:20:10,417 --> 00:20:11,627
Maayos naman siya.
280
00:20:19,801 --> 00:20:21,553
Itaas natin ang mga baso natin.
281
00:20:24,056 --> 00:20:25,849
Maganda 'yan, Emma.
282
00:20:29,144 --> 00:20:31,354
Itaas natin
ang mga baso natin kay Miss O'Neil.
283
00:20:31,355 --> 00:20:32,897
Ay, hindi. Huwag siya.
284
00:20:32,898 --> 00:20:35,107
Eksaheradang umarte, hindi naman mahusay.
285
00:20:35,108 --> 00:20:37,902
Hindi ka marunong umarte
kahit ano pa ang pilit mo.
286
00:20:37,903 --> 00:20:40,029
Marunong ako, at nagawa ko na.
287
00:20:40,030 --> 00:20:41,073
Emma.
288
00:20:46,161 --> 00:20:47,663
Bakit ba ako nandito?
289
00:20:51,500 --> 00:20:53,459
Inimbitahan ka, siyempre.
290
00:20:53,460 --> 00:20:55,294
Hindi, 'yong totoo.
291
00:20:55,295 --> 00:20:57,297
'Yan din ang tanong n'yo, di ba?
292
00:20:58,257 --> 00:21:00,007
"Bakit hindi na lang siya umalis?"
293
00:21:00,008 --> 00:21:02,218
Tutal, pinaghatian na namin
ang yaman ng Papa
294
00:21:02,219 --> 00:21:04,262
matapos ang di-inaasahang pagkamatay niya.
295
00:21:04,263 --> 00:21:05,347
Emma.
296
00:21:05,931 --> 00:21:07,182
Sinubukan kong umalis.
297
00:21:08,934 --> 00:21:12,770
Pero pabigat pala ang apelyidong Borden.
298
00:21:12,771 --> 00:21:16,482
Walang respetadong pamilya ang magpapaupa
o magpapakasal sa isang Borden.
299
00:21:16,483 --> 00:21:19,653
At ano'ng gagawin ko?
Magpakasal sa isang katulong?
300
00:21:21,113 --> 00:21:21,988
Hindi.
301
00:21:21,989 --> 00:21:26,201
Ano pa nga ba ang gagawin ko
kundi magpakalasing sa alak at sa gamot?
302
00:21:30,956 --> 00:21:34,167
At ang totoo, nangako ako
303
00:21:34,835 --> 00:21:36,336
sa mahal nating ina.
304
00:21:38,255 --> 00:21:40,966
Ipinangako ko sa kanya
na poprotektahan kita, Lizzie.
305
00:21:42,259 --> 00:21:43,844
Na aalagaan kita.
306
00:21:45,053 --> 00:21:46,430
Alam ng Diyos, ginawa ko 'yon.
307
00:21:47,973 --> 00:21:49,224
Pero ano'ng ginawa mo?
308
00:21:49,975 --> 00:21:54,395
Bumili ka ng mansiyong di mo maiwan-iwan
gamit ang perang may bahid ng dugo.
309
00:21:54,396 --> 00:21:58,066
Tinalikuran mo ang totoong mundo
at mga katulong na lang ang kaibigan mo.
310
00:22:01,361 --> 00:22:05,781
Kaya para sa 'yo,
mahal kong kapatid, ang pabigat sa 'kin.
311
00:22:05,782 --> 00:22:08,576
Kulang pa na sinira mo ang buhay mo,
sinira mo rin ang akin.
312
00:22:08,577 --> 00:22:10,411
Wala akong asawa, walang nobyo,
313
00:22:10,412 --> 00:22:12,371
nabubuhay ako sa bilangguan ng kahihiyan,
314
00:22:12,372 --> 00:22:14,040
habang itinatapon mo ang pera natin
315
00:22:14,041 --> 00:22:17,627
sa isang pipitsuging aktres
at mga pusang ayaw naman sa 'yo.
316
00:22:18,795 --> 00:22:20,714
Para sa ginintuang hawla na 'to.
317
00:22:23,342 --> 00:22:24,718
Mawalang-galang na ho.
318
00:22:38,148 --> 00:22:41,776
Nag-aalburoto sa tiyan ko
'yong shrimp gelée.
319
00:22:41,777 --> 00:22:44,946
Aasikasuhin ko muna 'to.
320
00:22:45,781 --> 00:22:47,240
Mahihiga muna ako.
321
00:22:53,038 --> 00:22:56,249
Sasakay ako sa unang tren
papuntang New Jersey bukas.
322
00:22:59,711 --> 00:23:01,755
Pumunta na tayo sa sala?
323
00:23:07,761 --> 00:23:10,388
"Barn Dance" mula sa Florodora
324
00:23:10,389 --> 00:23:13,642
na tinugtog ng Peerless Orchestra,
Edison record.
325
00:23:18,772 --> 00:23:19,940
Matanong ko lang.
326
00:23:20,941 --> 00:23:22,025
Sino ang pumatay,
327
00:23:22,609 --> 00:23:23,777
Miss Borden?
328
00:23:24,277 --> 00:23:25,779
Pakiulit?
329
00:23:27,197 --> 00:23:29,616
Sino ang pumatay sa nanay at tatay mo?
330
00:23:34,287 --> 00:23:35,496
Ay, sus.
331
00:23:35,497 --> 00:23:39,084
Pare-pareho lang naman
ang tanong ng lahat dito.
332
00:23:39,876 --> 00:23:43,130
Sino sa tingin mo ang pumatay,
Miss Borden?
333
00:23:49,344 --> 00:23:50,887
Sa palagay ko,
334
00:23:51,388 --> 00:23:54,349
may tatlong posibleng gumawa.
335
00:23:56,226 --> 00:23:57,769
Ang sabi ng iba, Portugee.
336
00:23:59,271 --> 00:24:02,399
'Yong inaresto sa pagpatay
kay Bertha Manchester.
337
00:24:03,316 --> 00:24:07,404
Ang sabi ng iba, nilooban niya ang bahay
para nakawin 'yong hikaw ni Mrs. Borden.
338
00:24:16,663 --> 00:24:18,457
Nandiyan din ang tiyuhin ko.
339
00:24:20,083 --> 00:24:24,838
Eksaktong bumalik siya sa bahay
bago pinatay ang bayaw niya't asawa nito.
340
00:24:32,137 --> 00:24:33,221
Kumusta, John?
341
00:24:34,890 --> 00:24:35,932
Andrew.
342
00:24:42,856 --> 00:24:44,900
Wala nang kumausap sa kanya mula noon.
343
00:24:46,193 --> 00:24:50,322
Tapos may usap-usapan na ang tatay ko raw...
344
00:24:51,823 --> 00:24:53,617
Ano nga ba ang tawag do'n?
345
00:24:54,910 --> 00:24:56,368
...may anak sa labas.
346
00:24:56,369 --> 00:24:57,704
Andrew Borden?
347
00:24:58,497 --> 00:24:59,414
Ako nga.
348
00:25:00,207 --> 00:25:01,833
Ako ang bastardo mong anak.
349
00:25:02,417 --> 00:25:04,044
Papatayin ko kayong dalawa.
350
00:25:15,847 --> 00:25:18,850
Pero wala namang ebidensiya
ang mga teoryang 'yon.
351
00:25:19,726 --> 00:25:21,978
Kaya habambuhay na gano'n lang.
352
00:25:22,896 --> 00:25:24,022
Mga teorya lang.
353
00:25:26,650 --> 00:25:28,318
Pero ano sa palagay mo?
354
00:25:34,032 --> 00:25:35,617
Sino sa palagay mo ang may gawa?
355
00:25:43,124 --> 00:25:45,377
Basta na lang siyang nanakit.
356
00:25:52,259 --> 00:25:53,468
Walang motibo.
357
00:25:58,098 --> 00:25:59,349
May bigla na lang...
358
00:26:00,559 --> 00:26:03,895
pumasok sa bahay ng pamilya ko
at pinatay ang mahal kong mga magulang.
359
00:26:09,818 --> 00:26:10,986
Gamit ang palakol.
360
00:27:12,464 --> 00:27:13,715
Mauuna na ako.
361
00:27:14,299 --> 00:27:16,050
Kailangan ko nang magpahinga.
362
00:27:16,051 --> 00:27:18,261
Pero sige,
dito muna kayo hangga't gusto n'yo.
363
00:28:36,589 --> 00:28:39,092
Apat na raan at labinlimang araw.
364
00:28:46,516 --> 00:28:47,684
Kumusta doon?
365
00:28:50,478 --> 00:28:51,563
Sa Montana?
366
00:28:56,484 --> 00:28:58,194
Wala. Parang...
367
00:28:59,446 --> 00:29:04,576
Simula pagkabata, pangarap kong magkaroon
ng sarili kong tirahan.
368
00:29:05,994 --> 00:29:08,079
Ng sarili kong lupa.
369
00:29:09,164 --> 00:29:12,584
Matagal na akong palipat-lipat.
370
00:29:16,171 --> 00:29:18,548
{\an8}Sinubukan kong mamalagi sa isang lugar.
371
00:29:20,759 --> 00:29:23,261
Pero kalungkutan lang ang nakuha ko.
372
00:29:24,721 --> 00:29:26,181
Hindi ko na alam.
373
00:29:59,631 --> 00:30:01,674
Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
374
00:30:03,218 --> 00:30:05,386
Parang wala na akong buhay.
375
00:30:09,390 --> 00:30:11,559
Nandito ang buhay mo, kasama ako.
376
00:30:14,979 --> 00:30:17,439
Isang araw, dalawang araw dito, Lizzie.
377
00:30:17,440 --> 00:30:18,525
Hindi 'yon...
378
00:30:19,526 --> 00:30:21,903
Hindi 'yon matatawag na buhay.
379
00:30:31,246 --> 00:30:32,914
May magagawa ba tayo?
380
00:30:41,631 --> 00:30:42,799
Pasensiya na.
381
00:30:43,591 --> 00:30:44,551
Uy.
382
00:30:48,346 --> 00:30:50,014
- Alam mo ang gagawin natin?
- Ano?
383
00:30:50,598 --> 00:30:51,891
Dinala ko 'to.
384
00:30:54,644 --> 00:30:56,729
"Nasukol na ng tadhana ang Kondesa.
385
00:30:57,272 --> 00:30:59,732
"Pinagbabayaran na niya
ang mga kasalanan niya."
386
00:31:02,569 --> 00:31:06,364
{\an8}Hayun! Hayun! Nasa taas siya!
387
00:31:46,905 --> 00:31:48,114
{\an8}Pakawalan ninyo ako!
388
00:33:02,605 --> 00:33:04,315
{\an8}Kondesa?
389
00:33:17,870 --> 00:33:19,622
{\an8}Natuyot na Bruha!
390
00:33:30,383 --> 00:33:31,718
Nakakulong ako.
391
00:33:41,936 --> 00:33:43,896
Madaling-araw na. Aalis na ako.
392
00:34:33,237 --> 00:34:35,573
PAGKALIPAS NG 18 TAON
393
00:34:51,964 --> 00:34:53,382
Mushie!
394
00:34:54,092 --> 00:34:55,218
Mushie!
395
00:34:56,636 --> 00:34:59,013
Tigilan mo na 'yang mga kapatid mo.
396
00:36:01,576 --> 00:36:02,993
Ano 'to?
397
00:36:02,994 --> 00:36:05,078
Trick or treat!
398
00:36:05,079 --> 00:36:07,622
Ano'ng ginagawa n'yo? Ano 'to?
399
00:36:07,623 --> 00:36:09,416
Bisperas ng Undas po.
400
00:36:09,417 --> 00:36:11,543
- Multo ako.
- Halimaw ako.
401
00:36:11,544 --> 00:36:14,630
Bigyan n'yo kami ng regalo.
Kung hindi, gagawa kami ng kalokohan.
402
00:36:18,968 --> 00:36:20,469
Sino ka dapat?
403
00:36:21,470 --> 00:36:22,846
Sino'ng ginagaya mo?
404
00:36:22,847 --> 00:36:24,223
Ikaw.
405
00:36:46,954 --> 00:36:51,626
HALIMAW SA BUROL
LIZZIE BORDEN - MAMAMATAY-TAO
406
00:36:56,505 --> 00:37:01,886
Apatnapung wakwak! Apatnapung wakwak!
407
00:37:10,186 --> 00:37:11,479
Mawalang-galang na.
408
00:37:14,315 --> 00:37:15,608
Kilala mo ba ako?
409
00:37:17,193 --> 00:37:18,027
Oo.
410
00:37:19,320 --> 00:37:20,279
Ano kasi...
411
00:37:21,489 --> 00:37:25,283
Itigil mo ang pagbebenta
ng kahit anong libro tungkol sa 'kin.
412
00:37:25,284 --> 00:37:26,369
Bakit?
413
00:37:27,245 --> 00:37:28,662
Puro kasinungalingan 'yon.
414
00:37:28,663 --> 00:37:31,249
Kasuhan mo ng paninirang-puri ang sumulat.
415
00:37:31,749 --> 00:37:36,295
Dahil hindi ka nagdemanda,
akala ko'y isang klase 'yon ng pag-amin.
416
00:37:37,380 --> 00:37:38,714
Anong klase?
417
00:37:45,179 --> 00:37:46,554
Sige, bibilhin ko.
418
00:37:46,555 --> 00:37:47,682
Lahat ng libro.
419
00:37:48,182 --> 00:37:49,892
Lahat ng kopya, bibilhin ko.
420
00:37:50,768 --> 00:37:51,769
Miss Borden.
421
00:37:52,561 --> 00:37:55,146
Hindi ko mapipigil
ang isinusulat tungkol sa 'yo.
422
00:37:55,147 --> 00:37:59,318
At hindi ko mapipigil ang kagustuhan
ng mga taong magbasa tungkol sa 'yo.
423
00:38:01,404 --> 00:38:03,989
Pero masaya ka dahil kumikita ka.
424
00:38:03,990 --> 00:38:05,283
Oo naman.
425
00:38:06,534 --> 00:38:08,661
At mabentang-mabenta ka, Miss Borden.
426
00:38:09,495 --> 00:38:12,665
Kung ako sa 'yo, masisiyahan na lang ako
sa katotohanang 'yon.
427
00:38:13,249 --> 00:38:15,334
Mayaman ka, kilala ka.
428
00:38:16,377 --> 00:38:18,629
Maraming papatay para sa ganyan.
429
00:38:22,258 --> 00:38:23,551
Magandang araw, Miss Borden.
430
00:38:40,359 --> 00:38:43,403
- Tingnan n'yo 'to.
- May mansanas ka?
431
00:38:43,404 --> 00:38:46,114
Lizzie Borden may itak
432
00:38:46,115 --> 00:38:49,159
Apatnapu, nanay wakwak
433
00:38:49,160 --> 00:38:51,828
Nang makita ang gawa
434
00:38:51,829 --> 00:38:55,248
Sa tatay niya, dagdag isa
435
00:38:55,249 --> 00:38:58,126
Lizzie Borden may itak
436
00:38:58,127 --> 00:39:01,297
Apatnapu, nanay wakwak
437
00:39:32,453 --> 00:39:34,246
Mukhang masaya sa bayan, ha.
438
00:39:38,334 --> 00:39:41,629
Naguguluhan ako. Bakit may mga batang
nakabihis na parang ako?
439
00:39:42,963 --> 00:39:45,299
Ikaw na kasi ang mumu ngayon.
440
00:39:46,926 --> 00:39:48,469
Binabati kita.
441
00:39:56,185 --> 00:39:57,478
Saan ka pupunta?
442
00:39:58,521 --> 00:39:59,772
Hindi ko pa alam.
443
00:40:00,356 --> 00:40:01,899
Pero hindi ko na iniisip.
444
00:40:02,483 --> 00:40:05,069
Ang alam ko lang,
hindi na ako babalik dito.
445
00:40:06,445 --> 00:40:08,823
Nagkamali ako sa bahay na 'to, Lizzie.
446
00:40:09,573 --> 00:40:11,117
Hindi 'to kulungan.
447
00:40:11,951 --> 00:40:13,160
Isa 'tong libingan.
448
00:40:13,786 --> 00:40:16,497
At kung hindi pa ako aalis,
mamamatay ako dito.
449
00:40:18,165 --> 00:40:21,460
Patawarin sana ako ng Mama
sa pagsira ko sa pangako ko.
450
00:40:22,336 --> 00:40:23,796
Alam kong patatawarin niya ako.
451
00:40:26,632 --> 00:40:28,884
Alam kong
hinding-hindi mo aaminin sa 'kin.
452
00:40:30,344 --> 00:40:33,931
Pero sana sa kamatayan mo,
aminin mo ang ginawa mo.
453
00:40:37,017 --> 00:40:38,477
Kahit sa Diyos man lang.
454
00:40:40,563 --> 00:40:42,106
Paalam, kapatid ko.
455
00:42:10,444 --> 00:42:11,570
Maaga ka yata.
456
00:42:17,576 --> 00:42:19,078
Madumi na 'yong sahig.
457
00:42:20,204 --> 00:42:21,789
Hindi ko pa naaasikaso.
458
00:42:25,292 --> 00:42:27,753
Ang sabi mo, aayusin mo 'yong bubong.
459
00:42:28,921 --> 00:42:30,172
Tumutulo na.
460
00:42:35,719 --> 00:42:38,471
Ang tapang ng apog mong magreklamo
sa bahay na 'to.
461
00:42:38,472 --> 00:42:39,556
Ako ang bumili nito.
462
00:42:39,557 --> 00:42:41,767
Paano mo nabili?
463
00:42:43,936 --> 00:42:46,355
Saan nanggaling ang pera?
464
00:42:50,985 --> 00:42:52,987
Ikaw? Saan ka ba galing?
465
00:42:55,072 --> 00:42:57,532
Kahit isang libong beses
mo pa akong tanungin,
466
00:42:57,533 --> 00:42:59,326
hinding-hindi ko sasabihin.
467
00:43:15,551 --> 00:43:16,760
Akin na ang hapunan ko.
468
00:43:43,912 --> 00:43:45,039
Ano'ng ginagawa mo?
469
00:43:46,957 --> 00:43:48,834
Papatayin sana kita.
470
00:43:49,793 --> 00:43:53,589
Pero ngayon,
nakatayo lang ako dito, nag-iisip.
471
00:43:56,508 --> 00:43:58,260
Ano ba ang ginagawa ko dito?
472
00:43:59,136 --> 00:44:00,721
Bakit ba kita pinakasalan?
473
00:44:01,930 --> 00:44:03,807
Ang akala ko, gusto kong...
474
00:44:04,975 --> 00:44:07,810
Sinusubukan kong magtago sa buhay
475
00:44:07,811 --> 00:44:10,606
na dapat daw ay para sa mga babae.
476
00:44:11,940 --> 00:44:15,569
O baka akala ko,
hindi ka katulad ng ibang lalaki.
477
00:44:16,654 --> 00:44:18,989
O baka akala ko, magbabago ka pa
478
00:44:19,531 --> 00:44:21,283
at magiging mabuti ka na.
479
00:44:22,201 --> 00:44:23,410
Pero ang mga lalaki...
480
00:44:26,955 --> 00:44:29,083
hindi sila mabuti, hindi ba?
481
00:44:31,335 --> 00:44:33,921
Dahil takot silang maging mabuti.
482
00:44:35,297 --> 00:44:37,257
Takot sila sa mga babae.
483
00:44:38,759 --> 00:44:39,968
Totoo, hindi ba?
484
00:44:40,803 --> 00:44:43,597
- Ang ano?
- Na takot ka sa mga babae.
485
00:44:44,598 --> 00:44:45,683
Sabihin mo na.
486
00:44:46,183 --> 00:44:47,434
Aminin mo
487
00:44:48,268 --> 00:44:50,353
na takot ka sa malalakas na babae.
488
00:44:50,354 --> 00:44:53,356
At aalis na ako,
at sa 'yo na ang lahat ng 'to.
489
00:44:53,357 --> 00:44:55,401
Ang lupa at lahat ng nandito.
490
00:44:56,360 --> 00:44:57,194
Sabihin mo.
491
00:44:57,986 --> 00:44:59,822
- Oo.
- Anong oo?
492
00:45:00,322 --> 00:45:01,532
Oo.
493
00:45:02,991 --> 00:45:05,619
Takot ako sa malalakas...
494
00:45:06,453 --> 00:45:07,663
na bab...
495
00:45:10,374 --> 00:45:11,375
na babae.
496
00:45:34,189 --> 00:45:35,357
Kumusta ka, Lizzie?
497
00:45:40,529 --> 00:45:41,655
Lizbeth na ako ngayon.
498
00:45:43,365 --> 00:45:45,159
Arthella, may bisita tayo.
499
00:45:45,743 --> 00:45:47,953
Pakidala ang mga gamit niya sa taas.
500
00:45:49,121 --> 00:45:50,205
Salamat.
501
00:45:52,624 --> 00:45:55,002
Mukhang mahusay na katulong si Arthella.
502
00:45:56,420 --> 00:45:59,882
Mukhang dodoblehin ni Madame Lizbeth
ang umento mo.
503
00:46:06,638 --> 00:46:07,555
Ano'ng ginagawa mo?
504
00:46:07,556 --> 00:46:09,516
- Hindi mo puwedeng gawin 'yan.
- Puwede.
505
00:46:10,017 --> 00:46:11,976
Nabubuhay ka sa bunga
ng pinaghirapan natin.
506
00:46:11,977 --> 00:46:14,145
- Maggie.
- 'Yong ginawa nating dalawa.
507
00:46:14,146 --> 00:46:16,439
Maggie, hinaan mo ang boses mo.
508
00:46:16,440 --> 00:46:17,483
Siguro...
509
00:46:18,192 --> 00:46:19,026
Lumabas tayo.
510
00:46:19,610 --> 00:46:21,487
- Mag-usap tayo nang tayo lang.
- Hindi.
511
00:46:22,529 --> 00:46:25,157
Papasok ako sa pintong ito
at hindi na ako aalis.
512
00:46:43,634 --> 00:46:45,594
Alam mo, hindi ko sinabi kahit kanino.
513
00:46:47,054 --> 00:46:48,472
Kahit kanino, Maggie.
514
00:46:50,933 --> 00:46:54,686
Matagal ko nang iginigiit
na walang nangyari.
515
00:47:01,026 --> 00:47:03,946
Minsan, pakiramdam ko
ako pa rin 'yong batang 'yon
516
00:47:04,530 --> 00:47:07,449
na may ginawa at hindi niya maamin sa iba.
517
00:47:14,873 --> 00:47:16,875
- Nagsisisi ka ba?
- Hindi.
518
00:47:20,754 --> 00:47:21,630
Hindi.
519
00:47:22,548 --> 00:47:23,549
Ikaw?
520
00:47:31,265 --> 00:47:32,933
Hindi ko na mababago 'yon.
521
00:47:38,605 --> 00:47:40,231
Sana matanggap ko na lang.
522
00:47:40,232 --> 00:47:41,942
Kung gano'n, tanggapin mo.
523
00:47:43,402 --> 00:47:45,028
Mangumpisal ka sa Lumikha.
524
00:47:45,612 --> 00:47:48,990
Patawarin mo ang sarili mo.
Kilala kita, Lizzie.
525
00:47:48,991 --> 00:47:50,242
Kailangan mo.
526
00:47:51,827 --> 00:47:55,664
Kailangan mong makawala sa nakaraan
bago mo mabago ang buhay mo.
527
00:47:56,373 --> 00:47:57,624
Kaya mo 'yan.
528
00:48:27,154 --> 00:48:28,155
Amang nasa langit...
529
00:48:50,844 --> 00:48:53,221
Hinihingi ko ang kapatawaran Mo.
530
00:48:59,269 --> 00:49:01,355
Napakasama ng ginawa ko.
531
00:49:05,692 --> 00:49:07,569
At may mga dahilan ako.
532
00:49:15,077 --> 00:49:17,079
Pero labis ang pagsisisi ko.
533
00:49:18,580 --> 00:49:22,000
Ang magagawa ko na lang ngayon
ay humingi ng tawad sa Iyo, Panginoon.
534
00:49:23,710 --> 00:49:25,170
At sa kanila.
535
00:49:32,302 --> 00:49:35,305
Gawin Mong makabuluhan ang buhay ko,
nakikiusap ako.
536
00:49:37,975 --> 00:49:40,477
Kung nandiyan Ka, iparamdam Mo sa akin.
537
00:49:43,021 --> 00:49:47,776
Kung nakikinig Ka,
ipagkaloob Mo sa akin ang biyaya Mo.
538
00:50:26,523 --> 00:50:27,607
Sige.
539
00:50:31,903 --> 00:50:33,780
Gawin nating makabuluhan 'to.
540
00:50:55,802 --> 00:51:00,598
Sumigaw, sumigaw, itaas ang awit
541
00:51:00,599 --> 00:51:05,145
Humiyaw kasabay ng hangin
Bukang-liwayway papunta na sa 'tin
542
00:51:05,687 --> 00:51:10,566
Martsa, martsa, sabay sumulong
543
00:51:10,567 --> 00:51:12,778
Iwagayway ang bandila...
544
00:51:13,361 --> 00:51:16,072
May kilusang umuusbong
sa bansa natin ngayon.
545
00:51:16,073 --> 00:51:17,364
Binubuo ito ng mga babae.
546
00:51:17,365 --> 00:51:18,657
Ang karapatang bumoto.
547
00:51:18,658 --> 00:51:20,785
'Yon ang dapat nating ipaglaban.
548
00:51:20,786 --> 00:51:25,664
{\an8}Masdan! Sila'y tumatawag
Sigaw nila'y may galak
549
00:51:25,665 --> 00:51:30,753
Sulong! Pakinggan ang paglakas
550
00:51:30,754 --> 00:51:35,800
{\an8}Kulog ng kalayaan
Tinig ng Panginoon
551
00:51:35,801 --> 00:51:38,303
{\an8}BOTO PARA SA KABABAIHAN
552
00:51:43,433 --> 00:51:48,229
Napakatagal na panahong nagdaan
553
00:51:48,230 --> 00:51:52,983
Nagkubli sa takot
Mula sa liwanag ng langit
554
00:51:52,984 --> 00:51:58,072
Matatag, matatag
Tayong nakatindig sa wakas
555
00:51:58,073 --> 00:52:02,701
Walang takot sa paniniwala
May paninging ngayo'y bigay
556
00:52:02,702 --> 00:52:05,246
Lakas na may kagandahan
557
00:52:05,247 --> 00:52:08,124
{\an8}- Napakatagal na panahong nagdaan...
- Buhay na may tungkulin
558
00:52:08,125 --> 00:52:12,878
Pakinggan ang tinig
Pakinggan at sumunod
559
00:52:12,879 --> 00:52:18,217
Ito, ito, tinatawag tayo!
560
00:52:18,218 --> 00:52:22,179
Idilat ang mga mata sa liwanag ng araw
561
00:52:22,180 --> 00:52:24,975
Hindi kami namamalimos. Naninindigan kami.
562
00:52:25,600 --> 00:52:30,147
Hindi lang para sa lalaki
ang Konstitusyon ng Amerika.
563
00:52:30,772 --> 00:52:35,776
Mga kasama, kayong nangahas
564
00:52:35,777 --> 00:52:40,698
Unang lumaban sa digmaan at nagdusa
565
00:52:40,699 --> 00:52:45,703
Hinamak, tinaboy
Ngunit hindi nabahala
566
00:52:45,704 --> 00:52:50,499
Iminulat ang mga mata
Sa mas malawak na bukas
567
00:52:50,500 --> 00:52:55,713
{\an8}Mga landas na nakakapagod
Mga araw na mapanglaw
568
00:52:55,714 --> 00:53:00,718
{\an8}Pagod at hirap
Sa pananampalataya'y inyong dinala
569
00:53:00,719 --> 00:53:05,556
{\an8}Mabuhay, mabuhay
Kayo'y nakatindig na mga bayani
570
00:53:05,557 --> 00:53:09,728
Suot ang koronang isinuot ng magigiting
571
00:53:10,270 --> 00:53:11,730
Miss Borden!
572
00:53:12,814 --> 00:53:15,984
Ano kaya ang masasabi ng ama mo
tungkol dito, Miss Borden?
573
00:53:16,568 --> 00:53:18,486
Kung nabubuhay pa siya.
574
00:53:23,909 --> 00:53:27,162
Sigurado akong
may masasabi siya tungkol dito.
575
00:53:27,704 --> 00:53:29,872
Pero ang mama ko at ang madrasta ko,
576
00:53:29,873 --> 00:53:31,916
alam kong isisigaw nila ang suporta nila.
577
00:53:31,917 --> 00:53:36,503
Matatag sa pagtitiwala
Tumawa nang may pagsalungat
578
00:53:36,504 --> 00:53:41,842
Tumawa sa pag-asa
Sapagkat tiyak ang wakas
579
00:53:41,843 --> 00:53:46,389
Martsa, martsa, marami bilang isa
580
00:53:46,973 --> 00:53:53,897
{\an8}Balikat sa balikat, kaibigan sa kaibigan
581
00:53:55,565 --> 00:53:56,775
Miss Borden.
582
00:53:57,692 --> 00:53:58,985
Puwede ba kaming sumama?
583
00:53:59,486 --> 00:54:00,528
Oo naman.
584
00:54:01,029 --> 00:54:04,491
Ayaw ng mga asawa namin na nandito kami,
pero wala kaming pakialam.
585
00:54:16,544 --> 00:54:18,380
Telegrama para kay Lizbeth Borden.
586
00:54:22,133 --> 00:54:23,718
- Salamat.
- Ma'am.
587
00:55:25,488 --> 00:55:26,656
Naipasa!
588
00:55:33,997 --> 00:55:36,124
Rebecca, pakikuha ang champagne.
589
00:55:45,884 --> 00:55:47,468
Nakita mo? Naaalala mo?
590
00:55:47,469 --> 00:55:50,513
Sabi ko sa 'yo,
balang-araw, iinom tayo ng champagne.
591
00:56:52,283 --> 00:56:55,870
Sino'ng mag-aakala?
Malaya na ang mga babae.
592
00:58:40,642 --> 00:58:42,477
Pucha, ano'ng ginagawa n'yo dito?
593
00:58:43,811 --> 00:58:46,231
Dadalhin ka namin sa susunod na lugar.
594
00:59:01,788 --> 00:59:04,040
Saan n'yo ako...
595
00:59:12,507 --> 00:59:14,509
Hindi ako dapat matakot, di ba?
596
00:59:15,677 --> 00:59:19,054
{\an8}Dahil may mga nagawa ako
na talagang pinagsisisihan ko.
597
00:59:19,055 --> 00:59:20,180
{\an8}Hindi, huwag.
598
00:59:20,181 --> 00:59:22,892
Hindi, huwag kang matakot.
599
00:59:26,020 --> 00:59:28,022
Pupunta ka sa lugar na ligtas.
600
00:59:31,651 --> 00:59:32,777
Totoo?
601
00:59:33,403 --> 00:59:34,320
Oo.
602
00:59:35,530 --> 00:59:37,031
Lahat ay pinatawad na.
603
00:59:38,366 --> 00:59:39,951
Lahat ay naunawaan na.
604
00:59:40,785 --> 00:59:41,995
Sa wakas.
605
00:59:50,962 --> 00:59:51,879
Salamat.
606
00:59:55,967 --> 00:59:56,968
Salamat.
607
00:59:58,553 --> 00:59:59,929
Sumama ka na sa amin.
608
01:00:00,972 --> 01:00:02,223
Oras na.
609
01:00:40,970 --> 01:00:42,972
Paborito ko 'tong kantang 'to.
610
01:00:44,057 --> 01:00:45,600
Pakipatay na nga 'yan.
611
01:00:49,479 --> 01:00:54,400
Oras ng pagkamatay, 9:47 a.m.
612
01:00:57,362 --> 01:00:59,530
Bilisan n'yo. Tara na.
613
01:03:10,995 --> 01:03:14,916
Nagsalin ng Subtitle:
Janice Ruth Geronimo