1 00:00:09,762 --> 00:00:12,222 Paumanhin sa mga nasabi at nagawa ko. 2 00:00:13,223 --> 00:00:16,477 -Salamat, Jack. Tinatanggap ko. -Makakabalik na ba ako sa trabaho? 3 00:00:16,560 --> 00:00:17,895 Sa usapin ng pagbabago, 4 00:00:17,978 --> 00:00:21,106 -hiniling ko sa'yong-- -Walang problema. 5 00:00:21,857 --> 00:00:22,941 Magaling. 6 00:00:23,400 --> 00:00:26,528 At gusto kong malaman na mula ngayon, 7 00:00:26,612 --> 00:00:31,700 irerespeto mo ang trabahong ito, pati na rin ang mga katrabaho mo. 8 00:00:32,576 --> 00:00:35,537 'Yong tungkol sa pagtawag ko sa'yo ng tanga, 'di na mauulit. 9 00:00:35,621 --> 00:00:37,998 Sa totoo lang, 'di lang 'yon ang gusto kong-- 10 00:00:38,081 --> 00:00:41,919 'Di ako kumportable sa inuupuan ko, para akong malalaglag. 11 00:00:42,002 --> 00:00:44,087 Makakabalik ba ako o hindi? 12 00:00:50,052 --> 00:00:51,845 -Kumusta naman? -Binalik nila ako. 13 00:00:51,929 --> 00:00:53,806 -Mabuti naman. -Pero sa probation. 14 00:00:53,889 --> 00:00:57,476 Kailangan kong baguhin ang ugali ko at ang perpekto kong program. 15 00:00:57,559 --> 00:00:58,936 Nakakainis magtrabaho! 16 00:00:59,019 --> 00:01:00,729 -Humingi ka ba ng paumanhin? -Oo. 17 00:01:00,813 --> 00:01:03,857 -Natutuwa naman ako. Magaan sa pakiramdam? -Napakabigat. 18 00:01:05,317 --> 00:01:06,777 P-U-T-A, puta, ano na? 19 00:01:06,860 --> 00:01:09,238 'Wag mo akong tawagan Kung 'di mo ako ikakama 20 00:01:09,321 --> 00:01:11,240 Alugin mo 'yong pwet Lintik na club ito 21 00:01:11,323 --> 00:01:14,535 Gusto mo ng pwet? Patingin ng pwet mo, P-U-T-A... 22 00:01:16,745 --> 00:01:17,704 Ano? 23 00:01:20,290 --> 00:01:22,084 -May ibibigay ako sa'yo. -Ano 'yon? 24 00:01:22,501 --> 00:01:23,877 Tingnan mo 'to. 25 00:01:24,419 --> 00:01:25,254 Ano 'to? 26 00:01:25,337 --> 00:01:27,047 -Bagong phone. -Sandali lang! 27 00:01:27,130 --> 00:01:28,632 Itatabi ko na 'to. 28 00:01:28,715 --> 00:01:32,094 'Yan muna ang gagamitin mo para lubayan mo ang mga dating app. 29 00:01:32,177 --> 00:01:33,762 Ano ba 'to, Van? 30 00:01:34,221 --> 00:01:36,723 Tinutulungan at iniingatan lang kita. 31 00:01:36,807 --> 00:01:39,268 -Buti nga may phone ka pa. -Ibalik mo nga 'yan. 32 00:01:39,351 --> 00:01:41,895 -Tumigil ka. Nagmamaneho ako! -Akin na kasi! 33 00:01:41,979 --> 00:01:44,231 Ano ba, Violet? Nagmamaneho ako! 34 00:01:44,690 --> 00:01:45,983 Hindi mo ba nakikita? 35 00:01:47,609 --> 00:01:48,777 Siri. 36 00:01:54,116 --> 00:01:55,284 Walang Siri 'yan. 37 00:01:55,367 --> 00:01:57,077 Ano kamo? Wala? 38 00:01:57,160 --> 00:01:59,705 Sinisira mo ang buhay ko, Van! 39 00:02:00,163 --> 00:02:02,958 Wala 'yang internet pero may tawag at text pa rin. 40 00:02:03,041 --> 00:02:06,128 Hoy! Ano ba? Tumigil ka nga! 41 00:02:06,211 --> 00:02:09,423 Sige, kapag nasira 'yan, lalo kang walang magagamit. 42 00:02:15,888 --> 00:02:17,514 Pinili ko pa 'yong kulay niyan. 43 00:02:18,223 --> 00:02:19,933 Paborito mo 'yan, 'di ba? 44 00:02:36,408 --> 00:02:38,285 ALAMIN KUNG ANO ANG CARCINOMA 45 00:02:38,368 --> 00:02:40,454 SMALL-CELL CARCINOMA: MGA SANHI, PAGGAMOT, SINTOMAS 46 00:02:42,456 --> 00:02:44,499 SMALL CELL BRONCHOGENIC CANCER: ANO ANG DAPAT GAWIN? 47 00:02:47,169 --> 00:02:48,378 Jack? 48 00:02:49,504 --> 00:02:50,547 Hoy Jack? 49 00:02:52,299 --> 00:02:54,426 Samahan mo naman kami sa pulong. 50 00:02:55,302 --> 00:02:56,470 Sige na. 51 00:02:59,932 --> 00:03:01,725 Aksaya lang 'to sa oras. 52 00:03:01,808 --> 00:03:05,646 Salamat. Ngayon, tingnan natin kung may nangyayari sa mga plano natin. 53 00:03:06,563 --> 00:03:08,941 Gusto mong simulan, Harrison? 54 00:03:09,816 --> 00:03:13,528 Nag-eehersisyo ka na gamit ang bago mong Apple Watch, tama? 55 00:03:13,612 --> 00:03:15,781 Buti pa siya may Watch, tingnan mo 'to. 56 00:03:15,864 --> 00:03:18,325 Walang IG. Walang TikTok. Walang emoji. 57 00:03:18,408 --> 00:03:21,536 Sige, kakausapin ko si Van. Tingnan natin kung may magagawa ako. 58 00:03:21,620 --> 00:03:22,955 -Totoo? -Oo. 59 00:03:23,038 --> 00:03:25,916 Kailan? Ngayon? Ngayong araw dapat. 60 00:03:25,999 --> 00:03:27,542 Titingnan ko. 61 00:03:27,626 --> 00:03:29,252 -Ang galing mo, Mandy. -Wala 'yon. 62 00:03:29,336 --> 00:03:32,005 -Harrison, ilang hakbang-- -Ngayon na, ha? 63 00:03:32,089 --> 00:03:33,882 Violet, kausap ko pa si Harrison. 64 00:03:33,966 --> 00:03:34,883 Salamat. 65 00:03:35,550 --> 00:03:38,303 Harrison, naka-ilang hakbang ka kahapon? 66 00:03:38,887 --> 00:03:40,847 -467. -Magaling. 67 00:03:40,931 --> 00:03:42,766 Mabilis kang papayat niyan. 68 00:03:42,849 --> 00:03:45,227 Ba't ako lang ang kailangang mag-ehersisyo? 69 00:03:45,310 --> 00:03:46,645 Hindi kami mataba. 70 00:03:46,728 --> 00:03:48,939 -Jack! -Nagsasabi lang ako ng totoo. 71 00:03:49,022 --> 00:03:52,025 Bale, Harrison, magandang simula ang nagawa mo kahapon, 72 00:03:52,109 --> 00:03:53,902 pero tingin ko, malalampasan mo pa. 73 00:03:53,986 --> 00:03:55,946 Subukan kaya natin mag-1,000, okey? 74 00:03:56,029 --> 00:03:57,114 -Sige. -Ayos. 75 00:03:57,656 --> 00:04:01,118 Ikaw naman, Violet, sisimulan mong 76 00:04:01,201 --> 00:04:05,122 sumagot ng ilan sa mga pakikipag-usap nang personal sa bagong katrabaho. 77 00:04:05,205 --> 00:04:06,915 Kinausap ko si Tiff kahapon. 78 00:04:06,999 --> 00:04:10,919 Sa katunayan, pareho kami ng opinyon tungkol sa flip phone na 'to. 79 00:04:11,003 --> 00:04:14,089 Magaling, pero tandaan mo, kailangan sa bago, 80 00:04:14,172 --> 00:04:16,800 'yong 'di mo pa talaga nakakausap. Tama ba? 81 00:04:17,259 --> 00:04:18,093 Sige. 82 00:04:18,176 --> 00:04:20,429 Ikaw, Jack, kakausapin mo ang tatay mo 83 00:04:20,512 --> 00:04:23,849 -at kukumustahin ang nararamdaman niya. -May cancer siya. 84 00:04:24,808 --> 00:04:26,935 Kaya nga kukumustahin mo-- 85 00:04:27,019 --> 00:04:28,895 Bakit ba? 25 taong gulang na ako-- 86 00:04:28,979 --> 00:04:31,106 Base sa kontrata ng pagtira dito, 87 00:04:31,189 --> 00:04:33,275 napag-usapan nating gagawa tayo ng plano. 88 00:04:33,358 --> 00:04:36,945 Tama. Ang sabi sa kontrata, kailangan kong bayaran ang mga bayarin. Tapos. 89 00:04:37,029 --> 00:04:39,197 Kailangan kong manatili sa trabaho. 90 00:04:39,281 --> 00:04:40,532 Ayos na rin. 91 00:04:40,615 --> 00:04:43,493 At kailangan kong makipagkaibigan, nasimulan ko na rin-- 92 00:04:43,577 --> 00:04:44,911 Maganda ang mga 'yon, 93 00:04:44,995 --> 00:04:47,039 -pero may sinusunod tayo. -Alis na ako. 94 00:04:47,122 --> 00:04:48,415 -Jack! -Bahala ka. 95 00:04:48,915 --> 00:04:51,334 Mandy, tawagan mo na si Van ngayon. 96 00:04:51,418 --> 00:04:53,628 Ayaw ko ng phone na 'to. 97 00:05:22,449 --> 00:05:23,366 Kumusta? 98 00:05:23,992 --> 00:05:24,910 Uy, Violet. 99 00:05:25,744 --> 00:05:26,995 Kilala mo ako? 100 00:05:27,370 --> 00:05:29,581 Nakalagay sa damit mo. Ako rin. 101 00:05:30,165 --> 00:05:32,542 Julian. Kumusta ka? 102 00:05:33,251 --> 00:05:34,377 Una na ako, Violet. 103 00:05:36,463 --> 00:05:37,756 Sandali lang. 104 00:05:38,298 --> 00:05:40,884 Kailangan ko lang ng huling sasabihin sa'yo. 105 00:05:40,967 --> 00:05:41,885 Ano 'yon? 106 00:05:41,968 --> 00:05:45,222 Julian, ano'ng paborito mong kulay? 107 00:05:57,109 --> 00:05:58,443 -Totoo. -Ano? 108 00:05:58,527 --> 00:06:02,030 Galing 'yang Spanakopita sa maliit na tindahan, malapit sa UCLA. 109 00:06:02,114 --> 00:06:04,366 -Uy! -At 'di pa tapos. 110 00:06:05,826 --> 00:06:07,619 Masarap na shrimp dumpling, 111 00:06:07,702 --> 00:06:10,956 galing sa 'di kilalang bilihan ng mga Chinese na pagkain. 112 00:06:11,414 --> 00:06:13,625 Ayos 'to. 113 00:06:14,292 --> 00:06:15,710 Para sa'n 'to? 114 00:06:16,795 --> 00:06:22,759 Isa itong munting paalala kung gaano kita kagusto. 115 00:06:23,760 --> 00:06:27,848 Pupunta na akong Berkeley sa makalawa para sa internship ko. 116 00:06:27,931 --> 00:06:29,891 Gusto kong sumama ka sa'kin. 117 00:06:30,517 --> 00:06:32,227 Alam mong 'di pwede. 118 00:06:33,311 --> 00:06:35,897 Kinausap ko ang Chair ng Neurology Department 119 00:06:35,981 --> 00:06:39,025 sa UCSF para sa internship mo do'n. 120 00:06:40,569 --> 00:06:43,280 -Ano'ng sinasabi mo? -Si Dr. Ghaderi. 121 00:06:43,363 --> 00:06:46,658 Hanapin mo siya. Sobrang sikat niya sa pag-aaral ng Autism. 122 00:06:46,741 --> 00:06:47,742 Sige nga. 123 00:06:50,370 --> 00:06:53,206 'Yong mga nag-intern sa kanya, nakapasok sa Berkeley. 124 00:06:53,290 --> 00:06:54,499 Grabe. 125 00:06:55,417 --> 00:06:58,170 Oo nga, sikat nga siya. 126 00:06:58,962 --> 00:07:00,589 Paano mo 'yon nagawa? 127 00:07:00,672 --> 00:07:04,217 Humingi ako ng pabor sa magaling kong ama. 128 00:07:04,301 --> 00:07:06,219 Patunay lalo kung ga'no kita kamahal. 129 00:07:06,303 --> 00:07:09,681 Sana kinausap mo muna ako bago mo 'yon ginawa. 130 00:07:09,764 --> 00:07:10,974 Alam ko naman. 131 00:07:13,101 --> 00:07:14,936 Pero mapapakinabangan mo 'to. 132 00:07:15,645 --> 00:07:19,566 Magaling ka at marami ka pang magagawa. 133 00:07:20,275 --> 00:07:23,361 'Wag mo 'yon ipagkait sa sarili mo dahil lang sa MCAT. 134 00:07:24,613 --> 00:07:26,740 Alam kong inaalala mo sila. 135 00:07:27,574 --> 00:07:29,910 Pero 'di rin naman kayo magtatagal. 136 00:07:30,368 --> 00:07:33,455 Mababago nito ang buhay mo. 137 00:07:34,831 --> 00:07:36,666 Unahin mo naman ang sarili mo. 138 00:07:49,846 --> 00:07:51,806 AKTIBIDAD - HAKBANG - 27 - LAYO - 0.02 MI - INAKYAT NA FLIGHTS - 1 139 00:08:01,983 --> 00:08:03,109 Ano'ng ginagawa mo? 140 00:08:03,526 --> 00:08:08,823 Kung pipindutin mo 'to nang paulit-ulit, 141 00:08:08,907 --> 00:08:11,701 may maririnig ka, pagkatapos... 142 00:08:16,206 --> 00:08:17,415 Pagnanakaw 'yan, ah. 143 00:08:17,499 --> 00:08:20,126 Wala namang nasasaktan. Gusto mo? 144 00:08:24,839 --> 00:08:25,715 Sige. 145 00:08:34,182 --> 00:08:36,768 Ako si A.J., sa 303. Ano'ng pangalan mo? 146 00:08:36,851 --> 00:08:39,312 Harrison, sa 203. 147 00:08:39,396 --> 00:08:41,314 Ang galing! Nasa itaas mo kami. 148 00:08:41,398 --> 00:08:42,315 Talaga? 149 00:08:42,399 --> 00:08:44,401 Oo, palagi ka naming naririnig sumigaw. 150 00:08:44,484 --> 00:08:46,486 Maingay minsan si Violet. 151 00:08:46,569 --> 00:08:49,197 Uy, may kasama ka palang babae. Maganda ba? 152 00:08:50,073 --> 00:08:51,616 -Oo. -Ang galing mo naman. 153 00:08:52,701 --> 00:08:54,786 Uy, Apple Watch ba 'yan? 154 00:08:54,869 --> 00:08:56,288 -Oo. -Ang ganda. 155 00:08:56,371 --> 00:08:58,290 Nabibilang nito ang hakbang ko. 156 00:08:58,373 --> 00:09:01,001 Kaunti lang ang nagagawa ko. Ang hirap. 157 00:09:01,084 --> 00:09:02,335 Pwede kong subukan? 158 00:09:03,003 --> 00:09:04,087 Sige. 159 00:09:07,716 --> 00:09:08,925 BAGONG IMPORMASYON TUNGKOL SA SMALL CELL CANCER TREATMENT 160 00:09:09,009 --> 00:09:09,968 Jack, tingnan mo 'to. 161 00:09:12,429 --> 00:09:16,224 Isang click lang mula sa book cover papuntang inventory page. Jack? 162 00:09:16,308 --> 00:09:18,476 Pwedeng genetic ito. 163 00:09:18,560 --> 00:09:21,354 'Yong lola ko, nagkaro'n. Kapatid niya. Tatay ko. 164 00:09:23,898 --> 00:09:24,858 Posibleng ako rin. 165 00:09:25,692 --> 00:09:27,569 Ha? Ano'ng... 166 00:09:27,652 --> 00:09:29,195 -Mauna na ako. -Ano? Jack! 167 00:09:29,279 --> 00:09:31,823 Malapit na tayong mag-present kay Austin. 168 00:09:31,906 --> 00:09:35,493 -Saan ka ba pupunta? -May ililigtas akong buhay. 169 00:09:35,869 --> 00:09:40,665 Maganda rin naman ang travestine pero iba pa rin ang genuine slate. 170 00:09:40,749 --> 00:09:43,376 Jack! Ano'ng ginagawa mo rito? Marcus. 171 00:09:43,460 --> 00:09:47,005 May mahalaga kang pulong, 'di ba? At bumalik ka sa probation. 172 00:09:47,088 --> 00:09:50,884 'Yong impormasyong binigay mo sa'kin tungkol sa cancer, kulang at mali. 173 00:09:50,967 --> 00:09:52,969 -Cancer? Lou. -Wala 'yon. 174 00:09:53,053 --> 00:09:54,054 Anong wala 'yon? 175 00:09:54,137 --> 00:09:57,098 Small-cell carcinoma. Malubhang sakit 'yon. 176 00:09:57,182 --> 00:09:59,100 Diyos ko. Gaano kalubha? 177 00:09:59,184 --> 00:10:02,187 Mayroon lang siyang 30-50% na tsansa na gumaling sa sakit. 178 00:10:02,270 --> 00:10:03,438 -Naku po! -Nasa 50%. 179 00:10:03,521 --> 00:10:05,398 'Di ka sigurado. No'ng sinuri ka, 180 00:10:05,482 --> 00:10:07,692 may nakita ba silang mutation sa cell mo? 181 00:10:07,776 --> 00:10:10,278 -'Di ko alam. -May sinabi sila tungkol sa RB1 gene? 182 00:10:10,362 --> 00:10:12,739 -Hindi ko alam. -Bakit 'di mo alam? 183 00:10:12,822 --> 00:10:17,452 Makinig ka. Makikipagkita ako sa oncologist ko bukas. 184 00:10:17,535 --> 00:10:18,870 Gusto mong sumama? 185 00:10:19,287 --> 00:10:22,499 Sige, magaling. Marami akong itatanong sa kanya. 186 00:10:22,582 --> 00:10:25,293 Kung tatlong tanong muna siguro sa ngayon? 187 00:10:27,087 --> 00:10:30,256 'Yon ang hiling ko kung sasama ka. Tatlong tanong lang. 188 00:10:30,340 --> 00:10:32,967 Kilala siyang doktor. Marami siyang ginagawa. 189 00:10:33,051 --> 00:10:36,471 Pupunta lang tayo para makinig. Ayos ba? 190 00:10:38,807 --> 00:10:39,808 Sige. 191 00:10:48,024 --> 00:10:49,651 -Uy. -Uy. 192 00:10:49,734 --> 00:10:52,487 Salamat sa pagpunta. Alam kong marami kang ginagawa. 193 00:10:52,570 --> 00:10:54,406 -May problema ba? -Wala naman. 194 00:10:54,989 --> 00:10:57,617 Sinabi sa'kin ni Violet ang nangyari. 195 00:10:57,700 --> 00:10:59,119 Galit na galit siya. 196 00:11:00,412 --> 00:11:03,873 Ayos lang sa'kin magmukhang masama. Sanay naman na ako. 197 00:11:04,332 --> 00:11:06,626 Naisip ko lang, baka pwede 198 00:11:06,709 --> 00:11:09,796 natin siyang bantayan nang hindi siya 199 00:11:09,879 --> 00:11:12,507 gaanong nasasakal. 200 00:11:12,590 --> 00:11:15,552 May mga app na nakakapagbantay ng paggamit ng phone. 201 00:11:15,969 --> 00:11:18,346 Nasubukan ko na 'yon. Binubura lang niya. 202 00:11:18,430 --> 00:11:21,516 Siguro pwede nating gawing kundisyon 'yon, 203 00:11:21,599 --> 00:11:23,435 kapalit ng pagbabalik ng phone niya. 204 00:11:24,686 --> 00:11:28,314 Naisip mo ba kung ano'ng pwedeng mangyari sa kanya sa Bumble date niya? 205 00:11:28,398 --> 00:11:30,733 -'Yong mga sira-ulong 'yon. -Oo naman. 206 00:11:30,817 --> 00:11:33,611 At tama ka naman na 'di dapat siya gumagamit no'n. 207 00:11:33,695 --> 00:11:35,238 Pero magtulungan tayo. 208 00:11:35,321 --> 00:11:38,783 Malaking desisyon 'yong ginawa mo. 209 00:11:38,867 --> 00:11:42,996 'Di mo rin ako kinonsulta. Sa totoo lang, medyo nabastusan ako. 210 00:11:46,040 --> 00:11:48,626 'Di ko sinasadyang mabastos ka. 211 00:11:48,710 --> 00:11:49,836 Siguro... 212 00:11:50,378 --> 00:11:52,881 Kapatid ko siya, kailangan ko siyang protektahan... 213 00:11:52,964 --> 00:11:55,884 May mga bagay na kailangan kong pagpasyahan nang mag-isa. 214 00:11:56,634 --> 00:12:00,722 Pasensya na, may pupuntahan pa ako. Sa susunod na lang siguro tayo mag-usap. 215 00:12:00,805 --> 00:12:01,890 Sige. 216 00:12:09,189 --> 00:12:11,524 Pasensya na. 'Di na ako umabot? 217 00:12:11,608 --> 00:12:12,817 Ano'ng nangyari? 218 00:12:12,901 --> 00:12:16,488 Ang sabi nila, magaling daw ang program, at ang husay nating dalawa, 219 00:12:16,571 --> 00:12:18,656 at bibigyan daw nila tayo ng bonus. 220 00:12:18,740 --> 00:12:20,408 Nagbibiro ka ba? 221 00:12:21,075 --> 00:12:22,494 Oo, biro lang 'yon, Jack. 222 00:12:22,577 --> 00:12:25,246 -Mabagal ako sa mga ganyan. -Ganito. 223 00:12:25,788 --> 00:12:27,707 Gusto na nilang ibasura ang program 224 00:12:27,790 --> 00:12:30,418 at maghanap ng ibang makakagawa ng bago. 225 00:12:30,502 --> 00:12:33,755 E 'di patunay lang 'yon na bobo talaga sila. 226 00:12:36,257 --> 00:12:38,176 Alam mo, Jack? Gusto kita. 227 00:12:38,760 --> 00:12:41,012 Magaling ka, walang duda. 228 00:12:43,348 --> 00:12:46,226 Naisip ko pa ngang pwede tayong maging magkaibigan. 229 00:12:46,309 --> 00:12:47,519 Pero sa ngayon... 230 00:12:47,602 --> 00:12:50,980 Sobrang naiinis akong pinagsama nila tayo sa proyekto. 231 00:12:51,689 --> 00:12:53,900 Puro sarili mo lang ang iniisip mo. 232 00:12:54,442 --> 00:12:56,819 Para bang ikaw lang ang gumawa ng lahat. 233 00:12:56,903 --> 00:12:59,322 Kung may pumuna naman, magrereklamo ka. 234 00:12:59,405 --> 00:13:01,074 Ako palagi ang sumasalo sa'yo. 235 00:13:01,157 --> 00:13:03,034 Wala kang pakialam sa iba. 236 00:13:03,117 --> 00:13:06,955 Ayaw kong mawalan ng trabaho. Mahirap maghanap. 237 00:13:07,038 --> 00:13:09,749 'Di ako nakaabot dahil may cancer ang tatay ko. 238 00:13:13,127 --> 00:13:15,922 Diyos ko, Jack. 239 00:13:16,005 --> 00:13:18,967 Pwede siyang mamatay. At kailangan ko 'to para mabuhay. 240 00:13:19,050 --> 00:13:21,010 'Di ko rin kayang mawalan ng trabaho. 241 00:13:22,637 --> 00:13:26,558 Kung gano'n, trabahuhin natin 'to, magdamag. Ano sa tingin mo? 242 00:13:27,559 --> 00:13:29,644 Pa-deliver tayo ng Zankou? 243 00:13:30,103 --> 00:13:30,979 Na naman? 244 00:13:32,021 --> 00:13:35,149 Parang gusto ko naman mag-sushi. Para maiba naman. 245 00:13:36,025 --> 00:13:37,193 Gusto ko ng Zankou. 246 00:13:38,486 --> 00:13:39,529 Sige, Jack. 247 00:13:41,531 --> 00:13:42,490 Ayos lang. 248 00:13:46,202 --> 00:13:47,745 Naiinis ako kay Gng. Holden. 249 00:13:47,829 --> 00:13:51,082 Pinagsusulat niya ako ng 100 salita tungkol sa American Revolution, 250 00:13:51,165 --> 00:13:54,877 sino bang may pakialam sa giyerang matagal nang tapos? 800 taon na? 251 00:13:54,961 --> 00:13:57,589 Hindi, 245 taon. 252 00:13:58,506 --> 00:14:00,425 Alam ko 'yon. 253 00:14:00,508 --> 00:14:03,469 Pasko, tinawid ni George Washington ang Delaware River 254 00:14:03,553 --> 00:14:06,764 habang bumabagyo, kaya nailigtas ang mga sundalo sa mga Redcoat. 255 00:14:06,848 --> 00:14:09,684 Nasa 2,400 ang tauhan niya. 256 00:14:09,767 --> 00:14:14,480 Sobrang nagyeyelo 'yong tubig kaya parang imposibleng makatawid. 257 00:14:15,189 --> 00:14:19,193 Ang password nila, "Tagumpay o Kamatayan." 258 00:14:19,277 --> 00:14:21,112 Henyo ka ba? 259 00:14:21,487 --> 00:14:22,322 Salamat. 260 00:14:25,074 --> 00:14:26,993 Sa tingin mo, sobrang taba ko ba? 261 00:14:27,076 --> 00:14:28,077 Ha? 262 00:14:28,161 --> 00:14:29,370 Matabang-mataba. 263 00:14:29,746 --> 00:14:31,122 Mukha ka namang normal. 264 00:14:31,205 --> 00:14:34,083 -Talaga? -Oo. Kung makikita mo lang ang tito ko. 265 00:14:34,167 --> 00:14:36,377 'Yon ang mataba. Parang balyena. 266 00:14:37,670 --> 00:14:39,756 Nagugutom ka? Gusto mong kumain? 267 00:14:39,839 --> 00:14:41,132 Oo! 268 00:14:43,801 --> 00:14:45,345 -Nakilala ko na siya. -Talaga? 269 00:14:45,428 --> 00:14:47,764 Julian ang pangalan niya, taga-deliver siya, 270 00:14:47,847 --> 00:14:49,390 ang dami niyang tattoo, 271 00:14:49,474 --> 00:14:52,101 at personal kaming nag-usap. 272 00:14:52,185 --> 00:14:53,645 Nahulog na yata ako sa kanya. 273 00:14:53,728 --> 00:14:57,148 Maganda 'yan, Vi, pero kailangan mo bang-- 274 00:14:57,231 --> 00:14:59,984 Makita siya ulit. Wala siya nang dalawang linggo, 275 00:15:00,068 --> 00:15:01,277 -ang tagal no'n. -'Di naman. 276 00:15:01,361 --> 00:15:03,154 Siguro kailangan kong planuhin 277 00:15:03,237 --> 00:15:05,448 kung paano kami pwedeng-- 278 00:15:05,531 --> 00:15:08,701 -'Di yata 'yan magandang ideya. -Baka gusto niyang makipag-chat? 279 00:15:08,785 --> 00:15:11,871 -'Yong phone, nasabi mo na kay Van? -Nagkausap na kami, 280 00:15:11,954 --> 00:15:14,957 at sa tingin ko kailangan niya munang makakita ng pagbabago 281 00:15:15,041 --> 00:15:16,542 -bago niya-- -Wala kang kwenta! 282 00:15:16,626 --> 00:15:19,712 Baka may iba pang makabingwit kay Julian. 'Yong phone ko! 283 00:15:27,178 --> 00:15:28,346 Tao po? 284 00:15:29,305 --> 00:15:30,348 Tao po? 285 00:15:54,831 --> 00:15:56,833 Ano hong ginagawa n'yo rito? 286 00:15:56,916 --> 00:16:00,086 -Walang tao kaya-- -'Di ho kayo pwede rito. Empleyado lang. 287 00:16:00,169 --> 00:16:03,756 Anak ako ni Lou Hoffman, gusto ko sanang makita ang chart niya. 288 00:16:03,840 --> 00:16:05,633 Pwede ko bang makita 'yan? 289 00:16:05,717 --> 00:16:07,635 -Umalis na ho kayo. -Pumunta ako nang 290 00:16:07,719 --> 00:16:11,639 maaga para makapagtanong ako sa doktor bago magsimula ang iskedyul namin. 291 00:16:11,723 --> 00:16:13,766 Mga tanong na sa inyo lang dalawa? 292 00:16:14,434 --> 00:16:15,685 -Tama. -Gano'n? 293 00:16:15,768 --> 00:16:18,187 'Di pwede 'yon. Tatawag na ako ng gwardiya. 294 00:16:18,271 --> 00:16:19,355 Hindi ito biro. 295 00:16:20,523 --> 00:16:21,691 May cancer siya. 296 00:16:22,692 --> 00:16:25,027 Para sa may cancer talaga ang pagamutang 'to. 297 00:16:34,412 --> 00:16:35,288 Sandali ho! 298 00:16:38,750 --> 00:16:40,543 Teka! Ibalik n'yo-- 299 00:16:40,626 --> 00:16:42,211 -Teka! -Ibigay mo na sa'kin! 300 00:16:44,338 --> 00:16:46,966 At si Violet. 301 00:16:47,049 --> 00:16:51,012 Gustung-gusto niyang maging normal. 302 00:16:51,554 --> 00:16:54,766 Pero 'di ako sigurado kung siya ba mismo 'yon 303 00:16:54,849 --> 00:16:57,393 o dahil 'yon lang ang nakikita niya sa IG 304 00:16:57,477 --> 00:17:00,438 na dapat mangyari sa buhay niya. Alam mo 'yon? 305 00:17:01,647 --> 00:17:02,815 'Di ko na alam. 306 00:17:02,899 --> 00:17:06,068 Maraming naituro sa akin ang tatlong 'yon. 307 00:17:06,611 --> 00:17:10,072 Kung ipapaliwanag mo ang natutunan mo sa kanila, 308 00:17:10,156 --> 00:17:13,201 ano 'yon? 309 00:17:17,622 --> 00:17:20,875 No'ng una, ang iniisip ko, 310 00:17:20,958 --> 00:17:23,878 trabaho kong tulungan silang makasabay sa mundo. 311 00:17:24,462 --> 00:17:26,172 Alam mo 'yon? 312 00:17:26,255 --> 00:17:28,090 Pero habang tumatagal, 313 00:17:28,674 --> 00:17:32,970 napagtanto kong hindi ko dapat sila pinagbabago. 314 00:17:33,054 --> 00:17:37,350 Parang mas tungkol ito sa kung paano ko sila mas maiintindihan. 315 00:17:39,685 --> 00:17:44,816 Mandy, kapag nagkukwento ka tungkol sa kanilang tatlo, nag-iiba ang awra mo. 316 00:17:46,067 --> 00:17:48,694 Mahalaga ang trabahong ginagawa mo sa kanila. 317 00:17:49,570 --> 00:17:53,908 Kung aalukin kita ng internship sa akin, magsisimula ka na sa makalawa. 318 00:17:54,367 --> 00:17:57,620 Sigurado ka bang kaya mo 'tong iwan? 319 00:18:01,082 --> 00:18:02,875 Alam mo, nagbasa ako tungkol sa'yo. 320 00:18:04,168 --> 00:18:07,839 Pati kung paano mo iniwan ang posisyon mo sa Columbia para 321 00:18:07,922 --> 00:18:10,883 sa isang pananaliksik sa UCSF 322 00:18:10,967 --> 00:18:13,511 na walang nag-akalang may patutunguhan. 323 00:18:14,345 --> 00:18:17,223 Iniwan mo 'yong kumportable mong buhay. 324 00:18:17,306 --> 00:18:18,391 Sumugal ka. 325 00:18:18,474 --> 00:18:22,520 At ngayon, napakalaking bagay ng pag-aaral mo tungkol sa autism sa bansa. 326 00:18:23,896 --> 00:18:28,359 Dr. Ghaderi, ngayon pa lang, natututo na ako sa'yo... 327 00:18:30,486 --> 00:18:31,737 kaya sa tingin ko, 328 00:18:33,364 --> 00:18:37,076 ang sagot ko sa tanong mo ay... oo. 329 00:18:39,704 --> 00:18:41,205 Makakapagsimula ako kaagad. 330 00:18:42,874 --> 00:18:46,002 Sige. Pag-iisipan ko muna ito. 331 00:18:47,962 --> 00:18:52,008 Lou, bago natin simulan ang susunod na hakbang, kailangan natin ng biopsy. 332 00:18:52,091 --> 00:18:56,554 Nakita sa x-ray na mayro'ng pamamaga sa mga lymph node sa kanang bahagi, 333 00:18:56,637 --> 00:18:59,265 at gusto nating malaman kung cancerous ba 'to. 334 00:19:00,725 --> 00:19:03,603 -Kung gano'n nga, magiging stage 3-- -Nasa stage 3 na siya. 335 00:19:03,686 --> 00:19:04,854 Hindi, stage 2 pa lang. 336 00:19:04,937 --> 00:19:07,982 Paano 'yong diagnosis sa lymph node? 337 00:19:08,065 --> 00:19:10,818 -'Di na mababago no'n ang-- -'Di ako sang-ayon. 338 00:19:10,902 --> 00:19:13,362 'Yong supraclavicular sa bandang balikat. 339 00:19:13,446 --> 00:19:16,449 Hindi naman 'yon ang makakatukoy ng stage. 340 00:19:16,532 --> 00:19:18,492 -'Yon ang sabi sa bagong datos. -Jack! 341 00:19:18,576 --> 00:19:20,786 Nabasa mo ang pag-aaral sa Johns Hopkins? 342 00:19:20,870 --> 00:19:22,580 Oo. Ikaw? 343 00:19:23,080 --> 00:19:24,790 -Plano ko na. -Simulan mo na. 344 00:19:24,874 --> 00:19:26,250 -Pasensya na, pero-- -Jack. 345 00:19:26,334 --> 00:19:29,337 -Ipagpaliban na muna siguro natin, Lou. -Jack, tumigil ka na. 346 00:19:29,420 --> 00:19:31,547 -Nakakadalawang tanong pa lang ako. -Labas. 347 00:19:31,631 --> 00:19:35,468 -Simpleng impormasyon lang ang hanap ko. -Sige na, lumabas ka na muna. 348 00:19:35,551 --> 00:19:36,594 Oo na. 349 00:19:37,261 --> 00:19:39,221 Pero magpapatingin tayo ulit. 350 00:19:50,441 --> 00:19:51,609 Ayos ka lang? 351 00:19:52,151 --> 00:19:54,737 Pinalabas nila ako, 'di na masasagot ang tanong ko 352 00:19:54,820 --> 00:19:57,782 at kapag 'di nasasagot ang tanong ko, hindi ako mapakali. 353 00:19:58,282 --> 00:20:01,577 -Bakit ka nila pinalabas? -Dahil marami akong tanong. 354 00:20:02,161 --> 00:20:08,000 Alam kong pasyente lang ang tingin n'yo sa kanya, pero tatay ko siya, at... 355 00:20:09,043 --> 00:20:10,044 Natatakot ka. 356 00:20:13,547 --> 00:20:14,590 Maganda 'yan. 357 00:20:16,133 --> 00:20:17,551 Nagtatanong ka. 358 00:20:18,928 --> 00:20:20,012 Maganda 'yan. 359 00:20:21,389 --> 00:20:23,849 Marami akong nakikitang pumupunta rito. 360 00:20:23,933 --> 00:20:26,727 Pero may isang bagay na palagi kong napapansin. 361 00:20:26,811 --> 00:20:31,399 Mas mainam na may kasama ang mga pasyente, kaysa sila lang mag-isa. 362 00:20:32,024 --> 00:20:33,484 Magtanong ka lang. 363 00:20:35,152 --> 00:20:36,362 Kasama. 364 00:20:37,488 --> 00:20:38,447 Kasama. 365 00:20:45,371 --> 00:20:48,040 -May ganyang pangalan pala. -Galing Nigeria. 366 00:20:49,166 --> 00:20:53,421 Nang una kitang makilala, akala ko, magaspang ang ugali mo, na totoo naman. 367 00:20:53,504 --> 00:20:55,423 Pero may pakialam ka rin. 368 00:20:57,842 --> 00:20:58,759 Gano'n din ako. 369 00:21:13,065 --> 00:21:16,652 Sino namang nag-order ng sandamakmak na fries? Kakarating lang ng stock. 370 00:21:20,948 --> 00:21:24,285 Ibalik n'yo 'to. 'Di ako ang nag-order niyan. 371 00:21:24,910 --> 00:21:25,870 Pero may tumawag. 372 00:21:25,953 --> 00:21:26,954 Uy, Julian! 373 00:21:27,038 --> 00:21:28,039 Uy, Violet! 374 00:21:28,122 --> 00:21:31,167 Hindi ko na alam kung saan ilalagay 'yang mga 'yan. 375 00:21:31,250 --> 00:21:33,127 Buti't may taong natutuwang makita ako. 376 00:21:33,210 --> 00:21:35,713 -Jeofford, ikaw ba ang nag-order nito? -Hindi. 377 00:21:35,796 --> 00:21:38,049 Kilala mo si Cassandra Clare? Shadowhunters? 378 00:21:38,132 --> 00:21:41,302 Sabi ni Susan Miller, makakakilala raw ako ng taong kapareho ko. 379 00:21:41,385 --> 00:21:45,181 Suswertehin daw ako sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. 380 00:21:45,639 --> 00:21:46,766 Tunay na pag-ibig? 381 00:21:46,849 --> 00:21:50,186 Eh, unicorn? Gusto mo ba sila? Mahilig ako sa unicorn. 382 00:21:50,269 --> 00:21:52,146 Sino'ng may ayaw ng unicorn? 383 00:21:52,772 --> 00:21:54,273 Pareho pala tayo. 384 00:21:54,356 --> 00:21:57,109 Violet, pwede bang bumalik ka na sa trabaho? 385 00:21:59,570 --> 00:22:02,239 Pare, tiningnan ko na, wala talagang nag-order. 386 00:22:02,990 --> 00:22:05,159 Pasensya ka na, utos lang din sa'kin. 387 00:22:05,242 --> 00:22:06,243 Ano ba 'to? 388 00:22:06,327 --> 00:22:07,870 Hanggang sa muli, Violet. 389 00:22:07,953 --> 00:22:10,331 Ano ba naman? Huy! 390 00:22:11,207 --> 00:22:13,167 DRAYBER NA TAGAPAGDALA: JULIAN - (818) 555 0198 391 00:22:27,389 --> 00:22:28,599 Kumusta ka naman? 392 00:22:32,186 --> 00:22:33,145 Ha? 393 00:22:33,646 --> 00:22:37,691 May cancer ka 'di ba? Kumusta naman ang mga nararamdaman mo? 394 00:22:40,653 --> 00:22:43,697 Maayos naman. Kaya ko naman. 395 00:22:43,781 --> 00:22:47,493 Salamat, Jack. Salamat sa pangungumusta. 396 00:22:48,285 --> 00:22:49,286 Wala 'yon. 397 00:22:54,333 --> 00:22:56,418 Kailangan mo ng kasama sa laban. 398 00:22:57,586 --> 00:22:59,255 Ako ang makakasama mo. 399 00:23:04,176 --> 00:23:06,178 Ako ang kasama mo, Jack. 400 00:23:07,096 --> 00:23:08,305 Tatay mo ako. 401 00:23:08,764 --> 00:23:12,226 At gusto ko lang, gawin mo ang dapat mong gawin para sa sarili mo. 402 00:23:12,935 --> 00:23:14,562 Ako na ang bahala sa sarili ko. 403 00:23:16,355 --> 00:23:17,481 Naiintindihan mo? 404 00:23:20,943 --> 00:23:22,945 Ayaw mo ba niyang gansa? 405 00:23:23,028 --> 00:23:24,196 Gusto ko. 406 00:23:38,544 --> 00:23:39,962 Sandali lang, Jack. 407 00:23:40,963 --> 00:23:42,840 Jack, 'wag mo munang isara. 408 00:23:51,432 --> 00:23:53,976 Siguro naman 'di ka na makakatakas dito. 409 00:23:58,606 --> 00:24:00,441 Galangin mo ako, Jack. 410 00:24:02,318 --> 00:24:05,487 Wala nang ibang paraan para sabihin 'yon. 411 00:24:06,488 --> 00:24:08,282 Galangin mo lang ako. 412 00:24:18,459 --> 00:24:21,337 Kinumusta ko ang tatay ko tungkol sa sakit niya. 413 00:24:22,046 --> 00:24:23,297 Tapos na. 414 00:24:25,299 --> 00:24:26,550 Ano namang pakiramdam mo? 415 00:24:27,426 --> 00:24:28,510 Ayos lang. 416 00:24:29,929 --> 00:24:33,432 At si Rich, 'yong katrabaho ko, mukhang gusto niyang makipagkaibigan. 417 00:24:45,945 --> 00:24:46,779 Ano 'yan? 418 00:24:46,862 --> 00:24:49,907 -Akin 'to. 'Wag mong papakialaman. -Nandito na ba ang lahat? 419 00:24:49,990 --> 00:24:53,535 Violet? Nandito ka na? Nakailang hakbang ka, Harrison? 420 00:24:59,959 --> 00:25:02,461 Grabe, Harrison, naka-6,500 na hakbang ka! 421 00:25:02,544 --> 00:25:05,256 Ang galing! 422 00:25:05,339 --> 00:25:07,883 Maganda 'yan. Masaya ako para sa'yo! 423 00:25:08,384 --> 00:25:09,426 Sa totoo lang, Mandy-- 424 00:25:09,510 --> 00:25:11,470 Mandy! Nakuha ko ang number ni Julian. 425 00:25:11,553 --> 00:25:12,805 Binigay niya sa'yo? 426 00:25:12,888 --> 00:25:15,975 Nakita ko lang sa papel. Ano kayang ite-text ko sa kanya? 427 00:25:16,058 --> 00:25:17,518 'Di ka kinikilabutan? 428 00:25:17,601 --> 00:25:21,063 -Pag-usapan na muna natin. -Ba't pa papatagalin? 429 00:25:22,439 --> 00:25:23,774 -Violet. -Uy, Van. 430 00:25:23,857 --> 00:25:27,236 Limang beses na yata akong nag-text sa'yo. Kailangan niyang sumagot. 431 00:25:27,319 --> 00:25:29,905 Sabihan mo ako 'pag nakauwi ka na galing sa trabaho. 432 00:25:29,989 --> 00:25:32,491 -Inaayos na namin. -Kundi kukunin ko 'yan. 433 00:25:32,574 --> 00:25:35,202 Pakisabi sa kapatid ko, 'di ko siya kakausapin. 434 00:25:35,286 --> 00:25:36,620 -Naririnig kita. -Ha? 435 00:25:36,704 --> 00:25:38,289 -Violet. -Ano 'yon? 436 00:25:38,372 --> 00:25:39,248 JOEL - USAP TAYO. TATAWAGAN KITA. 437 00:25:39,331 --> 00:25:41,000 Makipag-usap ka, Violet. 438 00:25:41,083 --> 00:25:42,251 Naririnig ka niya. 439 00:25:42,334 --> 00:25:43,168 NANDITO AKO SA BABA. 440 00:25:43,252 --> 00:25:46,005 -Ano kamo? -Babalik ako, sandali lang. 441 00:25:46,922 --> 00:25:50,634 -Alam mo, kinakausap mo pa rin ako. -Ano 'yon? 442 00:25:53,178 --> 00:25:56,098 Wala akong naririnig. 443 00:25:56,557 --> 00:25:58,392 'Di ka niya naririnig. 444 00:25:58,475 --> 00:26:02,354 -Ang-- -Harrison, nasa'n ang Apple Watch mo? 445 00:26:03,897 --> 00:26:05,107 Sandali, sino 'yon? 446 00:26:05,190 --> 00:26:06,108 'Di ko alam. 447 00:26:07,693 --> 00:26:10,029 -Uy. -Kumusta? Sa tingin ko, inyo 'to. 448 00:26:10,988 --> 00:26:12,031 Uy, A.J. 449 00:26:12,906 --> 00:26:14,700 Kayo 'yong nakatira sa taas? 450 00:26:14,783 --> 00:26:17,786 -Kami nga, ano'ng pangalan mo? -Mandy, pasyente ko si Harrison. 451 00:26:17,870 --> 00:26:19,455 -Sige. -May problema ba? 452 00:26:19,538 --> 00:26:23,167 Lapitan mo pa ulit ang anak ko, 453 00:26:23,250 --> 00:26:25,210 ipapaaresto kita. Naiintindihan mo? 454 00:26:25,294 --> 00:26:26,545 Ipapaaresto? Bakit? 455 00:26:27,004 --> 00:26:30,799 'Di ko alam kung ano'ng mayro'n dito pero hindi ko gustong may umaaligid 456 00:26:30,883 --> 00:26:32,301 na baliw sa anak ko. 457 00:26:32,384 --> 00:26:34,261 -Nagkakaintindihan tayo? -Sige. 458 00:26:34,345 --> 00:26:37,306 Pero masisiguro ko sa inyong hindi baliw si Harrison. 459 00:26:37,389 --> 00:26:40,017 Nasabi ko na ang gusto ko. Tara na A.J. 460 00:26:48,650 --> 00:26:51,987 -Gano'n ba ang mga kaibigan mo? -Jack, tumigil ka na. 461 00:26:55,199 --> 00:26:57,701 Babalik ako, Harrison, ha? 462 00:26:57,785 --> 00:26:59,203 Dito muna kayo. 463 00:27:07,252 --> 00:27:08,462 Ano'ng ginagawa mo rito? 464 00:27:08,545 --> 00:27:10,547 Nabalitaan ng tatay ko kay Dr. Ghaderi. 465 00:27:11,090 --> 00:27:14,176 Gusto ka niya. Pasok ka na. 466 00:27:14,718 --> 00:27:16,470 Pasok ka na sa internship. 467 00:28:32,045 --> 00:28:34,047 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni EMN 468 00:28:34,131 --> 00:28:36,133 Mapanlikhang Superbisor Maribeth Pierce