1
00:00:15,808 --> 00:00:18,227
Pero sabi mo five degrees starboard.
2
00:00:18,311 --> 00:00:21,647
Oo, sa kabilang starboard,
Kapitan Shit-tastic.
3
00:00:21,731 --> 00:00:26,944
- Akala ko nakakatawa ang mga payaso.
- Ano 'yon? Sabihin mo sa mukha ko.
4
00:00:27,779 --> 00:00:29,947
Uy! Magandang umaga, champ.
5
00:00:30,031 --> 00:00:34,535
Alam kong nakipagkasundo sa 'yo si Luffy
na hanapin si Arlong, payaso,
6
00:00:34,619 --> 00:00:35,995
pero kung niloloko mo kami...
7
00:00:36,079 --> 00:00:38,247
Ano'ng gagawin mo? Buhusan ako ng dugo?
8
00:00:40,750 --> 00:00:41,876
Teka! Ano?
9
00:00:41,959 --> 00:00:45,213
Dahil ba sa sinabi ko? Paliguan mo lang
ako ng dugo! Ang deal ay deal.
10
00:00:45,296 --> 00:00:47,340
Gusto n'yo ang mapa. Ako, ang katawan ko.
11
00:00:47,423 --> 00:00:49,801
Paano namin malalamang di ito patibong?
12
00:00:49,884 --> 00:00:51,719
Zoro, kaibigan!
13
00:00:51,803 --> 00:00:53,679
Dangal ng mga pirata. Di ba?
14
00:00:53,763 --> 00:00:56,599
Sige na. Kakantahan ko kayo
para magpalipas ng oras.
15
00:00:56,682 --> 00:01:00,269
Oh, may isang babae
Na kahel ang buhok
16
00:01:00,353 --> 00:01:02,605
Ninakaw ang mapa ko
At iniwan sa kung saan
17
00:01:02,688 --> 00:01:04,774
Tunay na tuso at baluktot na dalaga
18
00:01:04,857 --> 00:01:06,776
Pero di mo maitatanggi na may...
19
00:01:06,859 --> 00:01:09,987
Aray! Diyos ko, ang ilong ko!
20
00:01:14,033 --> 00:01:15,618
Ganito ba talaga katagal?
21
00:01:15,701 --> 00:01:18,412
Dalawang minuto pa lang tayo dito.
Maghintay ka.
22
00:01:18,496 --> 00:01:20,998
May mga araw, kakagat sila
oras na ibaba mo ang linya,
23
00:01:21,082 --> 00:01:23,376
at minsan, umaabot ng ilang oras.
24
00:01:23,459 --> 00:01:25,920
May mga araw na walang nahuhuli.
25
00:01:26,504 --> 00:01:29,340
Pero di pangingisda
ang pinag-uusapan, di ba?
26
00:01:30,925 --> 00:01:32,593
Inaalala ko si Nami.
27
00:01:32,677 --> 00:01:38,057
Di pipiliin ng isang maganda't
talentadong babae na kumampi kay Arlong.
28
00:01:38,141 --> 00:01:41,310
- Kailangang iligtas si Nami.
- Iba ang sinasabi ng tattoo niya.
29
00:01:41,394 --> 00:01:45,398
Wala sa tattoo ang buong kuwento.
Tulad ng ibang babae, misteryoso siya.
30
00:01:45,481 --> 00:01:47,525
- Namili si Nami.
- Di mo alam kung bakit.
31
00:01:47,608 --> 00:01:50,820
Ang gusto ko lang sa 'yo
ay dinner specials. Di mo kilala si Nami.
32
00:01:50,903 --> 00:01:54,198
- Mukhang ikaw rin.
- Sigurado akong may dahilan si Nami.
33
00:01:56,868 --> 00:01:58,494
Kahit ano pang piliin niya...
34
00:02:00,454 --> 00:02:02,665
Kailangan kong marinig mula sa kanya.
35
00:02:02,748 --> 00:02:04,625
Lupa!
36
00:02:31,527 --> 00:02:33,738
- Mahuhuli kita.
- Hindi!
37
00:02:33,821 --> 00:02:35,489
Mas mabilis ako sa 'yo.
38
00:03:00,932 --> 00:03:01,766
Snap.
39
00:03:08,481 --> 00:03:09,732
Nami, ikaw na.
40
00:03:12,401 --> 00:03:13,277
Nami.
41
00:03:14,695 --> 00:03:15,613
Nami.
42
00:03:17,156 --> 00:03:18,032
Nami.
43
00:03:18,741 --> 00:03:19,575
Ang taya mo.
44
00:03:25,039 --> 00:03:25,873
Limang daan.
45
00:03:39,971 --> 00:03:41,055
Ang tagal naman.
46
00:03:41,138 --> 00:03:42,223
Nag-iisip ako.
47
00:03:42,306 --> 00:03:45,685
Ano'ng problema? Di ka na makabilang
nang lagpas sa lima?
48
00:03:52,400 --> 00:03:53,234
Taya ko lahat.
49
00:03:58,864 --> 00:03:59,699
Taya ko lahat.
50
00:04:03,744 --> 00:04:04,870
Straight.
51
00:04:05,621 --> 00:04:06,455
Sampu lahat.
52
00:04:11,002 --> 00:04:12,003
Queen full house.
53
00:04:15,339 --> 00:04:16,757
Sinungaling ka,
54
00:04:17,550 --> 00:04:18,509
at mandaraya ka.
55
00:04:20,845 --> 00:04:24,849
Alam mong di kami nagsisinungaling
tungkol sa pera sa crew na 'to.
56
00:04:27,268 --> 00:04:30,521
Tapos na ang laro.
Nami, gusto kang makausap ni Arlong.
57
00:04:32,189 --> 00:04:33,190
'Sensiya na boys.
58
00:04:34,984 --> 00:04:38,195
Babalik ako mamaya
para sa natitirang Berry n'yo.
59
00:05:53,729 --> 00:05:55,356
Maghilamos na kayo para sa hapunan.
60
00:05:56,732 --> 00:06:01,237
{\an8}May lumang biskwit sila sa panaderya.
Kalahating presyo, ganoon din ang lasa.
61
00:06:02,822 --> 00:06:04,365
- Ano 'yan?
- Wala.
62
00:06:12,665 --> 00:06:14,041
Saan mo nakuha ito?
63
00:06:16,752 --> 00:06:18,170
Saan mo nakuha ang libro?
64
00:06:21,424 --> 00:06:22,967
Kinuha ko sa bookstore.
65
00:06:23,050 --> 00:06:24,510
Bakit mo ginawa 'yon?
66
00:06:24,593 --> 00:06:25,803
Dahil gusto ko.
67
00:06:26,679 --> 00:06:30,182
- Ayusin mo.
- Okay, wala akong pera.
68
00:06:31,350 --> 00:06:33,269
Ano? Di naman ako nanakit.
69
00:06:33,352 --> 00:06:35,938
Sinaktan mo ang mga taong ninakawan mo.
70
00:06:36,021 --> 00:06:38,774
- At ang sarili mo.
- Hindi, wala silang alam.
71
00:06:38,858 --> 00:06:42,736
Ayaw kong kumain ng dalanghita araw-araw.
Ayaw kong isuot ang pinaglumaan ni Nojiko.
72
00:06:42,820 --> 00:06:44,321
Ayaw kong maging mahirap!
73
00:06:44,405 --> 00:06:47,992
Di tayo mayaman, pero may bubungan tayo
at mahal natin ang isa't isa.
74
00:06:48,075 --> 00:06:51,412
- Kaya tayo isang pamilya.
- Hindi! Di tayo tunay na pamilya.
75
00:06:51,495 --> 00:06:54,582
Hindi ko kapatid si Nojiko.
At hindi kita nanay!
76
00:07:19,523 --> 00:07:21,901
May pagkain sa kalan para sa 'yo.
77
00:07:21,984 --> 00:07:23,527
Di ako nagugutom.
78
00:07:34,663 --> 00:07:37,500
Noong araw na natagpuan ko kayo ni Nojiko,
79
00:07:39,460 --> 00:07:44,298
ipinadala ang unit ko para sagupain
ang grupo ng mga pirata sa Oykot Kingdom.
80
00:07:44,965 --> 00:07:46,383
Pero nagkahiwalay kami.
81
00:07:47,885 --> 00:07:52,223
Nang matapos,
sugatan ako at gutom na gutom.
82
00:07:53,974 --> 00:07:55,518
Akala ko mamamatay na ako.
83
00:08:03,317 --> 00:08:04,276
Nang makita ko kayo...
84
00:08:08,197 --> 00:08:10,407
alam kong kailangan kong mabuhay.
85
00:08:11,075 --> 00:08:12,785
Para maalagaan ko kayo.
86
00:08:15,871 --> 00:08:16,872
Paano mo nalaman?
87
00:08:20,584 --> 00:08:21,544
Alam ko lang.
88
00:08:25,923 --> 00:08:27,258
Iyon ang tamang gawin.
89
00:08:31,929 --> 00:08:33,931
Alam kong gagawin mo rin ang tama.
90
00:08:52,491 --> 00:08:54,451
Maraming alaala sa kwartong ito.
91
00:08:56,120 --> 00:08:56,954
Pero ikaw...
92
00:08:58,455 --> 00:08:59,790
Dapat maging proud ka.
93
00:09:00,416 --> 00:09:02,209
Ano'ng dapat kong ipagmalaki?
94
00:09:03,043 --> 00:09:05,754
Masyado mong minamaliit
ang sarili mo, Nami.
95
00:09:06,255 --> 00:09:10,926
Salamat sa iyo, alam namin ang bawat base
ng Marine at kuta ng mga pirata
96
00:09:11,010 --> 00:09:12,928
mula rito hanggang Goa Kingdom.
97
00:09:13,012 --> 00:09:15,180
- Pero wala ni isa ang akin.
- Totoo.
98
00:09:15,264 --> 00:09:18,350
Pero mahalagang miyembro ka pa rin
ng crew na ito, Nami.
99
00:09:19,602 --> 00:09:21,103
Oo, ayos tayong team.
100
00:09:21,186 --> 00:09:25,608
Ang tagal mong nawala, naisip ko
na baka hindi ka na bumalik.
101
00:09:26,191 --> 00:09:27,443
Siyempre bumalik ako.
102
00:09:28,652 --> 00:09:30,362
May kasunduan tayo, di ba?
103
00:09:31,071 --> 00:09:34,533
Oo. May isang salita ako.
104
00:09:47,713 --> 00:09:48,547
Ganyan nga.
105
00:09:49,798 --> 00:09:53,052
Malapit nang mamuno
ang mga fishmen sa East Blue.
106
00:09:54,637 --> 00:09:59,558
At pagkatapos ay sa Grand Line
at iba pang dagat pagkatapos no'n.
107
00:10:00,392 --> 00:10:02,728
Baka may masabi ang Marines diyan.
108
00:10:02,811 --> 00:10:04,605
Ang marines ay nababayaran.
109
00:10:04,688 --> 00:10:09,443
At kapag wala na silang silbi,
dinudurog sila.
110
00:10:09,526 --> 00:10:11,987
Tingin mo ang pagpatay
sa mga tao ang sagot sa lahat.
111
00:10:12,071 --> 00:10:13,113
Hindi lahat.
112
00:10:13,197 --> 00:10:17,034
Kapag ang isang hayop
ay naging masyado nang mabangis,
113
00:10:18,577 --> 00:10:22,247
dapat na itong paamuhin.
114
00:10:23,624 --> 00:10:27,127
Wag kang mag-alala.
Di ko kakalimutan ang lahat ng ginawa mo.
115
00:10:27,211 --> 00:10:29,546
May espesyal na lugar ka sa imperyo ko.
116
00:10:30,506 --> 00:10:31,715
Dapat lang.
117
00:10:41,517 --> 00:10:43,060
Hay, Nami.
118
00:10:44,687 --> 00:10:46,271
Sobrang na-miss kita.
119
00:10:46,355 --> 00:10:49,441
May trabaho ako para sa 'yo.
120
00:10:49,525 --> 00:10:52,695
May isang nayon
na huli na sa pagbabayad ng buwis.
121
00:10:52,778 --> 00:10:54,029
Alin?
122
00:10:54,113 --> 00:10:55,739
Coco Village.
123
00:10:58,242 --> 00:11:02,413
Di ako welcome doon. Di mo ba
puwedeng ipadala si Kuroobi o si Chu?
124
00:11:02,496 --> 00:11:07,543
Hindi. Kailangan ang tao
para sa trabahong ito.
125
00:11:34,111 --> 00:11:36,488
Sarado kami para sa pagsasaayos.
126
00:11:37,322 --> 00:11:39,324
Kailangan naming makausap ang may-ari.
127
00:11:39,408 --> 00:11:42,077
Abala ang chef sa...
128
00:11:43,162 --> 00:11:46,123
Paumanhin. Oo naman. Tatawagin ko siya.
129
00:11:49,835 --> 00:11:51,044
- Ang ganda rito.
- Oo.
130
00:11:51,712 --> 00:11:54,089
Laging kumakain dito ang tatay ko noon.
131
00:11:54,173 --> 00:11:56,008
Di niya ako isinasama, pero...
132
00:12:05,809 --> 00:12:08,812
Ang Marines at isang Vice-Admiral
pa talaga.
133
00:12:10,981 --> 00:12:12,483
Huli na kayo sa kasiyahan.
134
00:12:13,734 --> 00:12:16,862
Lagi kong iniisip kung ano
na'ng nangyari kay Red Leg Zeff.
135
00:12:16,945 --> 00:12:20,282
- Sir, kilala mo ba ang lalaking ito?
- Sa reputasyon lang.
136
00:12:21,200 --> 00:12:23,368
Kapitan ng Cook Pirates.
137
00:12:23,452 --> 00:12:25,579
Tapos na ang mga araw na iyon.
138
00:12:26,580 --> 00:12:28,707
Retirado na ako. Chef na ako ngayon.
139
00:12:28,791 --> 00:12:32,336
At ang pinamumunuan ko na lang
ay ang restaurant na ito.
140
00:12:32,419 --> 00:12:34,087
Di ikaw ang ipinunta namin, Red Leg.
141
00:12:34,171 --> 00:12:37,674
Kailangan namin ng impormasyon tungkol
sa batang pirata na kagagaling dito.
142
00:12:37,758 --> 00:12:39,510
Ang pangalan niya ay Luffy.
143
00:12:40,719 --> 00:12:43,096
- Di kita matutulungan.
- Di puwede? O ayaw mo?
144
00:12:43,180 --> 00:12:45,682
Masuwerte na ako
kung maaalala ko ang regulars ko.
145
00:12:45,766 --> 00:12:48,268
Matatandaan mo ang isang 'to. Straw hat.
146
00:12:49,603 --> 00:12:51,104
Madaldal.
147
00:12:51,605 --> 00:12:52,815
Wala akong maalala.
148
00:12:56,109 --> 00:12:58,403
Gusto mo ba ng libreng pagkain?
149
00:12:58,487 --> 00:13:01,406
May isang dosena ako ng T-bone steak
at sirang cooler.
150
00:13:01,490 --> 00:13:05,702
Sayang naman kung masisira lang iyon.
151
00:13:05,786 --> 00:13:07,663
Di kami naparito para kumain.
Narito kami...
152
00:13:07,746 --> 00:13:08,747
'Yong steak...
153
00:13:10,123 --> 00:13:10,958
Medium rare?
154
00:13:13,293 --> 00:13:14,628
Mas rare kaysa medium.
155
00:13:41,822 --> 00:13:43,657
Ngayon ko lang nakita 'yan.
156
00:13:43,740 --> 00:13:45,701
Ano kaya ang may gawa nito?
157
00:13:47,035 --> 00:13:50,497
Baka dapat bumalik ako,
siguraduhing ayos ang Merry.
158
00:13:51,915 --> 00:13:53,500
Gawa 'to ni Arlong.
159
00:13:53,584 --> 00:13:58,213
Hoy, sumbrerong pangit! Magkasundo tayo
na masamang isda si Arlong.
160
00:13:58,297 --> 00:14:00,465
Bakit di n'yo pa bawiin ang katawan ko?
161
00:14:00,549 --> 00:14:04,052
- Tumahimik ka.
- O ano? Ipagluluto mo ako ng soufflé?
162
00:14:04,136 --> 00:14:07,472
- Kung hawakan mo muna siya?
- Baguhan ang magdadala ng ulo ng payaso.
163
00:14:14,396 --> 00:14:16,356
Mga kasama! Pakiusap!
164
00:14:18,442 --> 00:14:20,193
Pakiusap.
165
00:14:21,445 --> 00:14:24,990
Wala na tayong oras
at nabitin na naman tayo ngayong buwan.
166
00:14:28,911 --> 00:14:30,120
Sapat na ba?
167
00:14:32,247 --> 00:14:34,750
- May oras pa ba tayo?
- Wala na.
168
00:14:36,710 --> 00:14:37,669
Wala na.
169
00:14:37,753 --> 00:14:38,962
- Nami.
- Si Nami.
170
00:14:55,228 --> 00:14:57,856
Ang kapal ng mukha mong magpakita dito.
171
00:15:14,289 --> 00:15:15,749
May ibibigay ka ba sa akin?
172
00:15:15,832 --> 00:15:17,876
May ibibigay ka ba sa akin?
173
00:15:28,804 --> 00:15:30,806
PANGKASAYSAYANG ATLAS
NG EAST BLUE
174
00:15:31,348 --> 00:15:34,059
Pasensiya na at kinuha ko ang map book.
175
00:15:34,685 --> 00:15:37,646
- At nangangako kang di ka na magnanakaw?
- Pangako.
176
00:15:39,815 --> 00:15:43,276
- Nakakrus ba ang mga daliri mo?
- Siguro.
177
00:15:46,822 --> 00:15:48,448
Di ka masamang bata, Nami.
178
00:15:49,324 --> 00:15:50,826
Gumawa ka lang ng masama.
179
00:15:52,119 --> 00:15:54,371
Sa susunod, puntahan mo muna ako.
180
00:15:55,872 --> 00:15:58,250
Baka puwede ka naming utus-utusan.
181
00:15:59,126 --> 00:16:00,168
Salamat, Mr. Genzo.
182
00:16:00,252 --> 00:16:02,713
- Tama ang ginawa mo, Nami.
- Tulong!
183
00:16:02,796 --> 00:16:04,256
Tulong!
184
00:16:04,923 --> 00:16:08,385
- Mga pirata! Inaatake nila ang nayon!
- Ano'ng nangyayari?
185
00:16:08,468 --> 00:16:10,595
May mga pirata!
186
00:16:15,142 --> 00:16:17,144
Mga mamamayan ng Coco Village!
187
00:16:18,979 --> 00:16:21,565
Akin ang nayong ito!
188
00:16:34,786 --> 00:16:35,620
Takbo!
189
00:17:09,321 --> 00:17:10,197
Kinulang kayo.
190
00:17:10,947 --> 00:17:11,990
Nami, pakiusap.
191
00:17:12,074 --> 00:17:13,617
Ito lang ang mayroon kami.
192
00:17:14,576 --> 00:17:17,704
- Kinuha na lahat ni Arlong.
- Gumawa kayo ng paraan.
193
00:17:28,215 --> 00:17:29,091
Luffy?
194
00:17:30,300 --> 00:17:33,011
- Ano'ng ginagawa mo rito?
- 'Yan din ang tanong ko.
195
00:17:33,095 --> 00:17:35,680
- Dito ako nabibilang.
- Di ako naniniwala.
196
00:17:35,764 --> 00:17:39,810
- Di ikaw ito.
- Hindi. Di ito ang gusto mong maging ako.
197
00:17:41,061 --> 00:17:41,895
Nami...
198
00:17:43,939 --> 00:17:45,398
kung kailangan mo ng tulong...
199
00:17:45,482 --> 00:17:48,485
Hindi. Di ko kayo kailangan.
200
00:17:50,112 --> 00:17:54,366
Gusto ni Arlong ang mapa, at niloko kita
para kunin ito para sa akin.
201
00:17:55,492 --> 00:17:56,576
At naniwala ka.
202
00:17:57,869 --> 00:18:01,373
Di ako naging bahagi
ng kalokohang crew mo.
203
00:18:03,875 --> 00:18:05,335
Di iyan totoo.
204
00:18:06,962 --> 00:18:09,464
Umalis ka na kasama ng mga payasong iyan.
205
00:18:09,548 --> 00:18:12,259
Ayaw na kitang makita ulit.
206
00:18:25,647 --> 00:18:30,110
Okay, ang sama ng nangyari.
207
00:18:30,902 --> 00:18:33,697
Babalik na ba tayo sa barko
bago tayo mahanap ng fishmen?
208
00:18:33,780 --> 00:18:37,159
- Maglayag na palayo? Sige.
- May ibang nangyayari rito.
209
00:18:37,242 --> 00:18:39,202
Malinaw na gusto niyang umalis tayo.
210
00:18:39,286 --> 00:18:42,831
- Kabaligtaran ang sinasabi ng mga babae.
- Bakit nga may opinyon ang cook?
211
00:18:42,914 --> 00:18:45,167
Di niyo ba naiintindihan?
Isa siya sa kanila.
212
00:18:45,250 --> 00:18:49,212
Masamang tao siya.
Takot sa kanya ang mga taga-nayon.
213
00:18:50,839 --> 00:18:51,882
Hindi lahat sila.
214
00:18:55,552 --> 00:18:56,386
Hoy!
215
00:18:57,387 --> 00:18:58,597
Lalaking may peklat.
216
00:19:02,893 --> 00:19:04,227
Sino ang babaeng iyon?
217
00:19:04,978 --> 00:19:08,064
'Yong may magandang buhok?
218
00:19:08,148 --> 00:19:09,691
Sino'ng nagtatanong?
219
00:19:10,483 --> 00:19:11,860
Ako si Monkey D. Luffy.
220
00:19:12,611 --> 00:19:14,321
- Isa akong pirata...
- Hunter.
221
00:19:15,655 --> 00:19:16,740
Hunter ng pirata.
222
00:19:18,867 --> 00:19:21,661
- Kokolektahin namin ang bounty ni Arlong.
- Kayo?
223
00:19:22,412 --> 00:19:24,664
Nakakita na ako
ng mas malalaki pa sa inyo,
224
00:19:24,748 --> 00:19:27,292
at doble ang dami sa inyo
na nagpunta sa Arlong Park.
225
00:19:27,375 --> 00:19:29,211
Wala sa kanila ang nakabalik.
226
00:19:29,794 --> 00:19:32,088
- Gusto namin siyang makausap.
- Ayaw mo iyon.
227
00:19:32,172 --> 00:19:34,799
Pero kung mapapaalis kayo niyan
sa nayon ko,
228
00:19:35,967 --> 00:19:40,472
subukan n'yo ang bahay sa kalsadang iyon,
sa gilid ng taniman ng dalanghita.
229
00:19:48,688 --> 00:19:53,526
Sa tingin ko, ang katawan ko ngayon ay mas
para sa barko kaysa sa paglalakad.
230
00:19:53,610 --> 00:19:56,238
May nakaka-miss ba sa dagat?
231
00:19:56,321 --> 00:19:57,948
Wala? Sige.
232
00:19:58,573 --> 00:20:03,411
Kaya kong iikot ang barko
kung ayaw nating maglakad pabalik.
233
00:20:18,510 --> 00:20:21,805
- Tumalikod kayo at umalis. Ngayon na.
- 'Yan nga ang sinasabi ko.
234
00:20:21,888 --> 00:20:23,348
Uy, nakita kita kanina.
235
00:20:23,974 --> 00:20:26,726
Sa tingin ko, ikaw at ako
ay may pagkakapareho
236
00:20:28,228 --> 00:20:31,189
May baril ako,
at nakatayo ka sa harap nito.
237
00:20:31,273 --> 00:20:34,818
- Ano naman ang pagkakapareho natin?
- Magsimula tayo kay Nami.
238
00:20:35,568 --> 00:20:39,239
- Mukhang kilalang-kilala mo siya.
- Magnanakaw siya na walang konsensiya.
239
00:20:39,322 --> 00:20:42,617
At kung wala nang makukuha,
aalis siya at di na babalik.
240
00:20:42,701 --> 00:20:46,329
- Ngayon, umalis na kayo sa lupain ko.
- Kasama namin si Nami.
241
00:20:47,831 --> 00:20:49,291
Kaibigan namin siya.
242
00:20:51,167 --> 00:20:52,877
Walang kaibigan ang kapatid ko.
243
00:20:53,586 --> 00:20:57,590
- Mas magandang tanggapin n'yo na iyon.
- Magkapatid. Kaya pala.
244
00:20:58,091 --> 00:20:59,551
Pareho kayong maganda.
245
00:20:59,634 --> 00:21:00,802
Tumigil ka na.
246
00:21:00,885 --> 00:21:03,596
Mukhang naloko niya talaga kayo.
247
00:21:05,015 --> 00:21:08,310
Di kayo espesyal,
at di ko kayo matutulungan.
248
00:21:08,393 --> 00:21:09,477
Kung ipagluto kita?
249
00:21:10,228 --> 00:21:12,856
- Ano?
- Isang palitan.
250
00:21:12,939 --> 00:21:14,816
Para sa oras mo at sa impormasyon.
251
00:21:14,899 --> 00:21:16,985
- Nagluluto ka?
- Waiter siya.
252
00:21:17,068 --> 00:21:18,320
Best cook sa East Blue.
253
00:21:18,403 --> 00:21:21,614
Wala ka pang natikmang mas masarap.
Maniwala ka!
254
00:21:23,366 --> 00:21:24,951
Wala kang masyadong magagamit.
255
00:21:25,035 --> 00:21:29,205
Magugulat ka kung gaano karami
ang maluluto ko sa kaunting sangkap. Ano?
256
00:21:30,081 --> 00:21:33,084
Maghahapunan tayo. Mag-uusap.
257
00:21:35,503 --> 00:21:36,338
Sige.
258
00:21:37,922 --> 00:21:39,966
Pero siguraduhin mong may dessert.
259
00:21:59,152 --> 00:22:02,113
Wala pa ito.
Dapat makita n'yo siya sa curry house.
260
00:22:05,075 --> 00:22:07,827
Mas masarap kaysa sa rasyon ng Marine?
261
00:22:09,412 --> 00:22:13,333
Di ko alam na nakakain ka na
sa barko ng Marine.
262
00:22:13,416 --> 00:22:14,459
Sa brig lang.
263
00:22:23,510 --> 00:22:24,511
Nasaan siya, Zeff?
264
00:22:24,594 --> 00:22:26,513
Alam kong galing dito si Luffy.
265
00:22:26,596 --> 00:22:28,807
Rare vintage ito mula sa Micqueot.
266
00:22:32,352 --> 00:22:34,270
Tinatago ko ito para sa espesyal na araw.
267
00:22:34,354 --> 00:22:36,898
Matagal na akong di nakakakita
ng tao mula sa nakaraan.
268
00:22:36,981 --> 00:22:39,943
Kahit na nasa magkabilang panig tayo
ng kanyon.
269
00:22:40,026 --> 00:22:42,570
Sa wakas, nasa tamang panig ka na
ng batas.
270
00:22:44,489 --> 00:22:47,700
Walang kinalaman ang batas dito.
Oras na para huminto.
271
00:22:48,618 --> 00:22:49,786
Nagdesisyon ako.
272
00:22:50,870 --> 00:22:53,832
May bagong henerasyon na,
at paparating na sila.
273
00:22:53,915 --> 00:22:55,125
Oras na nila ngayon.
274
00:22:55,708 --> 00:22:57,168
Hindi.
275
00:22:57,919 --> 00:22:59,629
Mga mapupusok na bata.
276
00:23:02,632 --> 00:23:06,136
Tamang-tama na at handa na para inumin.
277
00:23:06,719 --> 00:23:08,763
Pag iniwan mo nang sobrang tagal,
278
00:23:09,431 --> 00:23:10,598
masisira 'to.
279
00:23:19,357 --> 00:23:21,276
O maghain ka na lang ng whiskey.
280
00:23:58,897 --> 00:23:59,981
Sige na!
281
00:24:11,451 --> 00:24:13,161
Pag-usapan natin ang Coco Village.
282
00:24:13,244 --> 00:24:17,207
Bukas na lang.
Di naman mawawala ang Coco Village.
283
00:24:17,290 --> 00:24:20,376
Kung buo ang bayad nila.
284
00:24:20,460 --> 00:24:23,922
'Yan ang kailangan nating pag-usapan.
'Yan at ang napagkasunduan natin.
285
00:24:24,005 --> 00:24:26,007
Napakaseryoso mo, Nami.
286
00:24:26,799 --> 00:24:29,385
Uminom ka. Kalma lang.
287
00:24:41,689 --> 00:24:44,609
Kapitan Nezumi. Isang magandang sorpresa.
288
00:24:44,692 --> 00:24:46,694
Laging masayang makita ka, Arlong.
289
00:24:47,362 --> 00:24:50,698
May naririnig akong nakakabagabag
na balita mula sa Gosa.
290
00:24:50,782 --> 00:24:53,868
Mukhang ni-raid sila ng mga pirata.
291
00:24:53,952 --> 00:24:55,370
Grabe.
292
00:24:55,954 --> 00:24:57,539
May iba pang ulat.
293
00:24:58,122 --> 00:25:02,085
Tungkol sa mga fishmen
na nanggugulo sa Conomi Islands.
294
00:25:12,512 --> 00:25:15,348
May mga karagdagang alalahanin ako.
295
00:25:17,141 --> 00:25:17,976
Magkano?
296
00:25:18,643 --> 00:25:22,355
- Mga doble no'n.
- Doble 'yon sa karaniwan nating usapan.
297
00:25:22,438 --> 00:25:23,982
Nagbabago na ang panahon.
298
00:25:24,065 --> 00:25:26,734
Humihirap nang pagtakpan
ang mga ginagawa mo.
299
00:25:28,820 --> 00:25:29,654
Nami.
300
00:25:34,075 --> 00:25:35,410
Party ito.
301
00:25:36,494 --> 00:25:39,038
Umakyat tayo sa taas para pag-usapan ito.
302
00:25:43,251 --> 00:25:44,711
Nami, sumama ka sa amin.
303
00:25:47,380 --> 00:25:48,590
Heto na ang hapunan.
304
00:25:58,766 --> 00:25:59,892
Sabi sa 'yo.
305
00:26:08,026 --> 00:26:11,029
Ito ang pinakamasarap
na natikman ko sa buong buhay ko.
306
00:26:12,614 --> 00:26:15,158
Marami pa kung saan iyan nanggaling, pero...
307
00:26:17,201 --> 00:26:19,704
una, ang tungkol muna kay Nami.
308
00:26:24,500 --> 00:26:25,460
Ang totoo...
309
00:26:28,087 --> 00:26:30,590
- Ano'ng nangyayari?
- Pasok. Isara mo ang pinto.
310
00:26:30,673 --> 00:26:31,507
Mama!
311
00:26:32,508 --> 00:26:33,885
Sige na, pasok. Dali.
312
00:26:33,968 --> 00:26:35,345
- Ma, please.
- Diyan lang kayo.
313
00:26:35,428 --> 00:26:38,139
- Wag kayong lalabas kahit ano'ng mangyari.
- Ma!
314
00:26:47,273 --> 00:26:48,107
Sino iyan?
315
00:27:00,536 --> 00:27:02,664
Ganyan mo bang tratuhin ang bisita?
316
00:27:06,834 --> 00:27:10,880
Ang buwis ay 100,000 Berry bawat matanda.
317
00:27:11,422 --> 00:27:12,965
Kunin mo na.
318
00:27:23,267 --> 00:27:25,353
Heto. 'Yan lang ang mayroon ako.
319
00:27:35,863 --> 00:27:36,698
Magaling.
320
00:27:51,838 --> 00:27:53,881
Tatlo ang plato sa mesa.
321
00:27:53,965 --> 00:27:57,135
- Ilang tao ang nakatira dito?
- Isa lang.
322
00:27:58,886 --> 00:28:00,430
Walang record ng pamilya.
323
00:28:07,687 --> 00:28:09,731
Ilang tao ang nakatira dito?
324
00:28:11,023 --> 00:28:11,899
Ilan?
325
00:28:19,782 --> 00:28:22,994
- May dalawang anak ako.
- Kailangan mong magbayad para sa kanila.
326
00:28:23,077 --> 00:28:26,414
- Limampung libong Berry bawat isa.
- Binigay ko na lahat ng mayroon ako.
327
00:28:26,497 --> 00:28:28,374
Kulang pa iyon.
328
00:28:29,667 --> 00:28:31,335
Wag mo siyang sasaktan!
329
00:28:32,545 --> 00:28:33,379
Ma!
330
00:28:33,463 --> 00:28:35,381
Isang family reunion.
331
00:28:35,465 --> 00:28:38,259
Ang maliliit na tao. Ang gaganda.
332
00:28:39,218 --> 00:28:40,803
Ang gaganda.
333
00:28:50,229 --> 00:28:53,816
Ang pera, kukunin mo ba bilang buwis
para sa mga anak ko?
334
00:28:53,900 --> 00:28:55,109
Hindi, Ma, wag!
335
00:28:55,943 --> 00:28:57,570
Alam mo ba ang sinasabi mo?
336
00:28:58,738 --> 00:29:00,114
- Oo.
- Wag, Ma!
337
00:29:00,198 --> 00:29:04,160
Bakit di ka nagsinungaling.
Di mo dapat sinabi sa kanya ang totoo.
338
00:29:04,243 --> 00:29:08,331
Dahil mga anak ko kayo.
At di ko itatanggi iyon.
339
00:29:11,375 --> 00:29:13,961
Nararapat kayong mamuhay nang masaya.
340
00:29:14,879 --> 00:29:17,215
Patawad, wala na akong magagawa
para sa inyo.
341
00:29:18,341 --> 00:29:22,261
Bilhan kayo ng magagandang bagay
o magluto ng masasarap na pagkain.
342
00:29:23,554 --> 00:29:25,640
Patawad, di ako naging mabuting ina.
343
00:29:25,723 --> 00:29:28,017
Hindi. Wag mong sabihin 'yan.
344
00:29:36,526 --> 00:29:37,401
Mama, huwag.
345
00:29:38,736 --> 00:29:40,780
Mama, huwag!
346
00:29:43,616 --> 00:29:45,576
Nami, Nojiko,
347
00:29:46,327 --> 00:29:47,537
mahal ko kayo.
348
00:30:06,848 --> 00:30:10,142
Teka, nagtatrabaho si Nami para sa pirata
na pumatay sa nanay n'yo?
349
00:31:17,960 --> 00:31:19,211
Bata lang siya.
350
00:31:28,346 --> 00:31:29,430
Hindi na ngayon.
351
00:31:31,891 --> 00:31:33,100
Namili na siya.
352
00:31:35,895 --> 00:31:38,856
Pagod na akong marinig
ang tungkol kay Nami mula sa ibang tao.
353
00:31:38,940 --> 00:31:41,067
Sinabihan ka niyang umalis, Luffy.
354
00:31:43,611 --> 00:31:44,445
Ikaw din.
355
00:31:48,574 --> 00:31:51,285
Paano mo nalaman
na di siya kasama ni Arlong?
356
00:31:51,994 --> 00:31:56,040
Tulad sa kung paano ko nalamang di mo
ako papatayin nang tanggalin kita sa krus.
357
00:31:56,123 --> 00:31:57,833
Katulad ng kay Usopp,
358
00:31:59,001 --> 00:31:59,919
at kay Sanji.
359
00:32:00,002 --> 00:32:02,129
Di ako sigurado sa waiter na iyon.
360
00:32:03,255 --> 00:32:04,757
Alam kong mabait si Nami.
361
00:32:07,218 --> 00:32:09,387
Kailangan niya rin itong malaman.
362
00:32:22,733 --> 00:32:26,404
Sabihin mo, kapitan.
Magkano ang tamang halaga para sa iyo?
363
00:32:27,863 --> 00:32:29,240
Sampung libong Berry?
364
00:32:30,157 --> 00:32:31,283
Dalawampung libo?
365
00:32:32,868 --> 00:32:34,912
Akala ko patas ang deal natin.
366
00:32:34,996 --> 00:32:38,499
Di madaling iwasan ang mga Marine
na nagpapatrolya sa lugar.
367
00:32:38,582 --> 00:32:40,668
At sa pagdami ng aktibidad mo,
368
00:32:42,336 --> 00:32:46,340
nakapanghihinayang kung umabot
ang balitang ito sa punong-tanggapan.
369
00:32:52,263 --> 00:32:54,932
Mukhang kaakibat na ito ng negosyo.
370
00:32:56,851 --> 00:32:59,645
Mas matalino ka
kaysa sa sinasabi ng ibang tao.
371
00:33:02,732 --> 00:33:03,816
Dahil fishman ako?
372
00:33:05,443 --> 00:33:06,318
Di iyan ang...
373
00:33:06,402 --> 00:33:10,531
Nakakagulat ba na may talino ako?
Ambisyon?
374
00:33:12,199 --> 00:33:15,786
Gamit na higit sa mano-manong
paggawa para sa mga tao?
375
00:33:15,870 --> 00:33:20,458
Hindi. Wala akong personal
na sama ng loob sa kauri mo.
376
00:33:20,541 --> 00:33:25,546
Pero ang mga pinuno
ng organisasyong ipinagmamalaki mo
377
00:33:25,629 --> 00:33:27,757
ay naisip na tamang hamakin
378
00:33:28,674 --> 00:33:30,676
at alipinin ang mga kauri ko.
379
00:33:30,760 --> 00:33:33,554
- Inalis na ang pang-aalipin.
- Pero nananatili ang pangmamata.
380
00:33:33,637 --> 00:33:36,432
Ang mga fishmen
ay may parehong karapatan gaya ng tao.
381
00:33:36,515 --> 00:33:37,349
Talaga ba?
382
00:33:41,854 --> 00:33:44,523
Ang World Government
ay nagtrabaho nang maigi
383
00:33:44,607 --> 00:33:47,902
para patatagin ang ugnayan
ng ating mamamayan.
384
00:33:47,985 --> 00:33:52,114
Para mapanatili ang kapayapaan. Isa sa mga
Warlord ng Karagatan ay fishman.
385
00:33:52,198 --> 00:33:53,866
Si Jimbei ay isang hangal!
386
00:33:53,949 --> 00:33:57,203
Isang aso ng gobyerno
para sa mas mababang amo.
387
00:33:57,787 --> 00:34:00,581
Wala akong pinaglilingkurang tao.
388
00:34:02,958 --> 00:34:05,252
Siguro naging padalos-dalos ako.
389
00:34:06,504 --> 00:34:09,215
Ayos na ang karaniwang deal natin.
390
00:34:19,475 --> 00:34:20,309
Oo.
391
00:34:21,936 --> 00:34:24,814
Mas matalino ka
kaysa sa sinasabi ng ibang tao.
392
00:34:34,281 --> 00:34:36,659
- At ang deal natin, Arlong?
- Ano 'yon?
393
00:34:36,742 --> 00:34:38,369
Nasa akin na ang pera.
394
00:34:41,122 --> 00:34:42,706
Isang daang milyong Berry?
395
00:34:45,042 --> 00:34:48,838
Nami... may itinatago ka ba sa akin?
396
00:34:48,921 --> 00:34:52,466
Patas kong ninakaw ang perang 'yon.
Handa ka na bang tuparin ang kasunduan?
397
00:34:58,013 --> 00:35:00,850
Dalhin mo sa akin ang pera
pagsikat ng araw,
398
00:35:01,433 --> 00:35:03,686
at ituturing kong tapos na ang usapin.
399
00:35:14,989 --> 00:35:15,823
Kuroobi,
400
00:35:17,032 --> 00:35:18,951
pabalikin mo si Nezumi.
401
00:35:19,034 --> 00:35:20,452
- Sige na.
- Ok.
402
00:35:24,039 --> 00:35:28,210
Baka may paraan para kumita
ang daga ng dagdag na Berry.
403
00:35:35,551 --> 00:35:37,386
Dalawang Mistral Shooter.
404
00:35:39,430 --> 00:35:42,141
- Ano'ng ginagawa mo?
- Binibilhan ka ng inumin.
405
00:35:42,850 --> 00:35:45,394
- Walang anuman.
- Di puwede. Naka-duty tayo.
406
00:35:46,395 --> 00:35:47,229
Sige na.
407
00:35:52,693 --> 00:35:55,362
Magsaya na lang tayo sa walang saysay
na paghahabol na 'to.
408
00:35:58,449 --> 00:36:00,284
Di ka palainom, 'no?
409
00:36:02,786 --> 00:36:07,082
Di ko pa rin makuha kung bakit
nahuhumaling si Garp sa Straw Hat na 'yan.
410
00:36:12,588 --> 00:36:15,382
- Dalawa pa.
- Puno ka ng sorpresa.
411
00:36:25,017 --> 00:36:27,853
- Ito ba ang dapat nating gawin?
- Ano?
412
00:36:29,021 --> 00:36:31,732
Baka di ang Straw Hat Pirates
ang kontrabida.
413
00:36:33,567 --> 00:36:36,612
Akala ko kailangan pa ng alak
para mailabas ang paghihimagsik mo.
414
00:36:36,695 --> 00:36:40,115
Kasi, kung patuloy nating uulitin
ang mga pagkakamali,
415
00:36:40,199 --> 00:36:41,825
walang magbabago.
416
00:36:44,703 --> 00:36:46,413
Sige na, sabihin mo na.
417
00:36:49,166 --> 00:36:50,125
May alam ka.
418
00:36:54,964 --> 00:36:56,465
Si Garp ay lolo ni Luffy.
419
00:37:00,970 --> 00:37:04,932
Sa lahat ng naisip kong sasabihin mo,
wala 'yan sa listahan.
420
00:37:05,015 --> 00:37:07,685
Dapat napansin ko na
mula sa hilig nilang dalawa sa karne.
421
00:37:09,478 --> 00:37:11,230
Di mo puwedeng ipagsabi.
422
00:37:11,313 --> 00:37:12,231
Kaya pala.
423
00:37:12,314 --> 00:37:18,445
Ba't naman hahabulin ng isang Vice-Admiral
ang batang goma na naglalarong pirata?
424
00:37:19,363 --> 00:37:22,533
Di siya naglalaro. Kahit ano pa
ang sabihin mo. Totoo siya.
425
00:37:22,616 --> 00:37:25,327
Wala 'yang halaga.
Di sa taong tulad ni Garp.
426
00:37:25,953 --> 00:37:29,164
Kapag lumabag ka sa batas
puputulin niya ang kamay mo.
427
00:37:31,333 --> 00:37:33,294
- Ano?
- Mukhang naiintindihan mo.
428
00:37:35,254 --> 00:37:39,967
- Mahirap lumaki kasama ang ama...
- Di ako katulad ng Straw Hat na iyon!
429
00:37:41,802 --> 00:37:44,555
May dumaan ditong naka-straw hat
noong isang araw.
430
00:37:44,638 --> 00:37:46,765
Alam mo ba kung saan siya patungo?
431
00:37:48,684 --> 00:37:49,601
Siguro.
432
00:37:50,477 --> 00:37:52,271
Magkano?
433
00:37:52,354 --> 00:37:55,149
Pagkatapos ay lumingon
sa akin ang nilalang,
434
00:37:55,232 --> 00:37:57,443
nagngangalit ang mga pangil nito.
435
00:37:57,526 --> 00:38:00,029
Ang huling baboy-ramo ng Jaya.
436
00:38:02,114 --> 00:38:03,198
Dalawang araw.
437
00:38:03,282 --> 00:38:06,243
Dalawang araw, nakipagbuno ako
sa baliw na baboy na 'yon,
438
00:38:06,327 --> 00:38:07,870
hanggang sa wakas ay nanaig ako.
439
00:38:09,997 --> 00:38:11,832
Niluto ko ito sa apoy,
440
00:38:13,292 --> 00:38:15,210
at kinain gamit ang aking kamay.
441
00:38:16,920 --> 00:38:18,130
Apoy at laman lang.
442
00:38:19,840 --> 00:38:21,342
At ano'ng lasa?
443
00:38:23,469 --> 00:38:24,470
Ang karneng iyon,
444
00:38:26,138 --> 00:38:29,433
ay napakalambot at halos matunaw na.
445
00:38:30,309 --> 00:38:31,935
Iyon ang pinakamasarap
na nakain ko.
446
00:38:34,063 --> 00:38:38,067
Habang nagtatagal ang paghabol dito,
mas nagiging masaya ang paghuli.
447
00:38:41,570 --> 00:38:47,284
Alam mo, di mo ako maloloko
sa masasarap mong kuwento.
448
00:38:47,868 --> 00:38:50,162
Di ako nanghuhuli ng baboy-ramo.
449
00:38:50,245 --> 00:38:55,209
Ang huling bagay na gusto kong gawin
ay pumagitna sa alitan ng pamilya.
450
00:38:59,254 --> 00:39:00,798
Espesyal ang batang 'yon.
451
00:39:01,799 --> 00:39:04,385
Naaalala ko ang isang pirata
na kilala natin noong araw.
452
00:39:04,468 --> 00:39:05,344
Wag mong sabihin.
453
00:39:05,427 --> 00:39:07,096
Di niyan mababago ang katotohanan.
454
00:39:09,390 --> 00:39:11,141
Naaalala ko sa kanya si Gold Roger.
455
00:39:17,022 --> 00:39:18,232
Ano'ng nangyari sa kanya?
456
00:39:19,316 --> 00:39:22,361
Binitay. Tinuhog sa sibat ng Marine.
457
00:39:24,780 --> 00:39:25,739
Ayaw kong...
458
00:39:30,911 --> 00:39:32,913
Ayaw kong matulad ang bata sa kanya.
459
00:39:32,996 --> 00:39:35,666
Ipinagtanggol niya ang Baratie
noong inatake kami.
460
00:39:35,749 --> 00:39:38,252
Sinusunod ko pa rin ang code.
461
00:39:38,335 --> 00:39:39,169
Sir?
462
00:39:50,389 --> 00:39:51,682
Salamat sa pagkain.
463
00:39:57,354 --> 00:40:00,190
Sabihan mo ang navigator
na maghanda papunta
464
00:40:00,274 --> 00:40:01,567
sa Conomi Islands.
465
00:40:02,609 --> 00:40:03,652
- Opo, sir.
- Garp.
466
00:40:07,448 --> 00:40:09,783
Dapat alam mo
kung kailan mo sila pakakawalan.
467
00:40:09,867 --> 00:40:12,744
Parating na ang pagbabago,
gusto mo man o hindi.
468
00:40:13,662 --> 00:40:14,872
Oras na nila ngayon.
469
00:40:18,792 --> 00:40:19,793
Tingnan natin.
470
00:40:31,013 --> 00:40:37,311
Tick, tick, tick, boom!
471
00:40:41,732 --> 00:40:43,650
Magpapahangin lang ako.
472
00:40:45,611 --> 00:40:46,820
Puwede bang tumahimik ka?
473
00:40:46,904 --> 00:40:50,532
Ano ba 'yan. Nasaan ang saya doon?
474
00:40:51,617 --> 00:40:55,871
Sa tingin mo ba tatagos ang mga laruan mo
sa balat ng isang fishman?
475
00:40:57,164 --> 00:40:59,500
- Mga smoke bomb ito.
- Smoke?
476
00:41:00,459 --> 00:41:01,293
Nakakatawa.
477
00:41:02,085 --> 00:41:06,465
Naisip ko tuloy na matagal
na akong di kumakain ng tinapa.
478
00:41:09,176 --> 00:41:11,428
Baka may tira kayo?
479
00:41:12,262 --> 00:41:13,096
Pakiusap?
480
00:41:15,557 --> 00:41:17,809
Buwisit kayo!
481
00:41:17,893 --> 00:41:20,771
Lalampasuhin lang naman kayo ni Arlong.
482
00:41:20,854 --> 00:41:23,315
Wala kayong laban sa kanya
at sa hukbo niya.
483
00:41:23,398 --> 00:41:26,068
At kayong mga basura,
484
00:41:26,151 --> 00:41:29,071
wala kayong magagawa laban
sa hangal na 'yon...
485
00:41:32,282 --> 00:41:34,993
Pinapatahimik ng baguhan
ang ulo ng payaso.
486
00:42:17,536 --> 00:42:18,662
Ano'ng ginagawa mo?
487
00:42:20,163 --> 00:42:23,000
Di pa sapat na nagtatrabaho ka
para sa pumatay sa ating ina,
488
00:42:23,083 --> 00:42:25,460
at ngayon nilapastangan mo na rin
ang puntod niya?
489
00:42:25,544 --> 00:42:27,963
Nojiko. Teka!
490
00:42:31,049 --> 00:42:32,718
Mali ang iniisip mo.
491
00:42:32,801 --> 00:42:34,970
Wala kang ideya sa iniisip ko.
492
00:42:40,892 --> 00:42:41,852
Ano ito?
493
00:42:43,687 --> 00:42:46,315
Ito ba ang pera na ninakaw mo?
494
00:42:47,357 --> 00:42:50,235
At itinatago mo 'to sa tabi
ng bangkay ng nanay natin?
495
00:42:51,903 --> 00:42:55,490
- Nami, ano'ng klaseng halimaw ka?
- Di mo naiintindihan.
496
00:42:55,574 --> 00:42:57,034
Ipaintindi mo sa akin.
497
00:43:11,214 --> 00:43:13,008
Kailangan kitang makausap.
498
00:43:13,717 --> 00:43:17,512
- At sino ka?
- Ako si Nami. Pinatay mo ang nanay ko.
499
00:43:18,013 --> 00:43:18,972
Nami.
500
00:43:20,599 --> 00:43:23,518
Tama, oo nga. Ang dating Marine.
501
00:43:24,269 --> 00:43:26,563
Matapang siya. Ibibigay ko sa kanya 'yon.
502
00:43:26,647 --> 00:43:29,399
Huhulaan ko. Narito ka para gumanti.
503
00:43:33,195 --> 00:43:35,572
Gusto mo ba akong patayin, munting bata?
504
00:43:36,490 --> 00:43:39,576
Hindi. Gusto kong sumama sa crew mo.
505
00:43:47,584 --> 00:43:48,835
Kakaiba iyan.
506
00:43:49,336 --> 00:43:52,839
Pero bakit ako magpapapasok
ng tao sa crew ko?
507
00:43:52,923 --> 00:43:54,925
Dahil mayroon ako na gusto mo.
508
00:44:01,932 --> 00:44:02,974
Iginuhit mo ito?
509
00:44:05,644 --> 00:44:07,020
Maganda ito.
510
00:44:08,647 --> 00:44:09,481
Magaling.
511
00:44:10,565 --> 00:44:14,569
Siguro ang pinakamagandang nakita ko
sa East Blue, fishman o tao.
512
00:44:14,653 --> 00:44:17,531
Kaya hayaan mo akong sumama sa crew mo
at tutulungan kita.
513
00:44:17,614 --> 00:44:18,782
Tutulungan mo ako?
514
00:44:25,872 --> 00:44:27,541
Pinatay ko ang nanay mo,
515
00:44:28,417 --> 00:44:32,713
tapos ngayon
gusto mong magtrabaho sa akin?
516
00:44:36,717 --> 00:44:38,343
Bakit mo gagawin iyon?
517
00:44:39,094 --> 00:44:41,221
Dahil mayroon ka na gusto ko.
518
00:44:44,224 --> 00:44:47,269
Sabi ko kay Arlong, magtatrabaho ako
sa kanya sa isang kondisyon.
519
00:44:47,352 --> 00:44:50,021
Na hayaan niya akong bilhin
ang Coco Village.
520
00:44:51,064 --> 00:44:52,190
At pumayag siya.
521
00:44:53,775 --> 00:44:56,069
Para sa isang daang milyong Berry.
522
00:44:56,153 --> 00:44:57,487
Isang daang milyon?
523
00:44:59,656 --> 00:45:01,950
- Aabutin ka ng habambuhay.
- Nasa akin na ang pera.
524
00:45:03,493 --> 00:45:04,578
Lahat.
525
00:45:05,996 --> 00:45:09,166
At ngayon, mabibili ko na ang kalayaan
ng nayon at lahat ng naroon.
526
00:45:17,382 --> 00:45:18,216
Ibig sabihin...
527
00:45:21,052 --> 00:45:22,596
sa buong panahong ito,
528
00:45:23,388 --> 00:45:25,265
sinusubukan mong tumulong.
529
00:45:27,768 --> 00:45:29,561
Bakit di mo sinabi sa akin?
530
00:45:33,356 --> 00:45:37,903
- Nami, kapatid mo ako. Bakit...
- Di ko kayang mawala ka rin.
531
00:45:38,862 --> 00:45:39,863
O kahit sino pa.
532
00:45:48,079 --> 00:45:50,457
Kaya nilihim mo 'yan.
533
00:45:52,959 --> 00:45:55,003
At hinayaan mo akong kamuhian ka.
534
00:46:00,091 --> 00:46:01,092
Kinamuhian kita.
535
00:46:10,644 --> 00:46:14,648
Nakapanghihinayang na sirain
ang nakakaantig na eksenang ito.
536
00:46:15,190 --> 00:46:19,027
Nabalitaan kong itinatago ng mga pirata
sa lugar na ito ang mga ninakaw nila.
537
00:46:19,110 --> 00:46:21,530
May alam ba kayong dalawa?
538
00:46:24,282 --> 00:46:25,992
Malinaw na ninakaw 'yan.
539
00:46:26,827 --> 00:46:29,704
Sa kapangyarihan ng Marines
at ng World Government,
540
00:46:29,788 --> 00:46:31,373
kukumpiskahin ko 'yan.
541
00:46:31,456 --> 00:46:35,085
- Hindi, hindi puwede. Akin ito!
- Isang daang milyong Berry?
542
00:46:35,627 --> 00:46:38,547
Saan ka naman nakakuha
ng ganoon kalaking halaga?
543
00:46:39,130 --> 00:46:40,966
Paano mo nalamang isandaang...
544
00:46:44,219 --> 00:46:45,929
Inutusan ka ni Arlong, 'no?
545
00:46:49,808 --> 00:46:51,476
Di ko alam ang sinasabi mo.
546
00:46:54,062 --> 00:46:55,313
- Wag!
- Mag-ingat ka.
547
00:46:55,397 --> 00:46:57,232
O huhulihin ka namin.
548
00:47:02,737 --> 00:47:03,572
Hindi!
549
00:47:04,447 --> 00:47:05,907
Di mo puwedeng gawin 'yan.
550
00:47:06,825 --> 00:47:08,493
Di mo puwedeng gawin 'yan!
551
00:47:15,625 --> 00:47:17,002
Huwag!
552
00:47:23,550 --> 00:47:24,384
Nami, sandali.
553
00:47:24,467 --> 00:47:26,011
Nami, tumigil ka! Sandali.
554
00:47:27,596 --> 00:47:30,265
- Nami.
- Bitawan mo ako! Hindi ito puwede!
555
00:47:30,348 --> 00:47:34,269
- Wala ka nang magagawa!
- Papatayin ni Arlong ang buong nayon!
556
00:47:34,352 --> 00:47:35,562
Nami, sandali!
557
00:47:40,233 --> 00:47:41,318
Mga kapatid ko!
558
00:47:54,664 --> 00:47:57,584
Alam nating lahat
ang katotohanan sa mundong 'to.
559
00:47:59,669 --> 00:48:05,008
Ang fishmen ang nararapat na mamuno
sa karagatan. Alam din ito ng mga tao.
560
00:48:06,217 --> 00:48:10,472
Takot sila sa kapangyarihan natin,
kaya ginapos nila tayo ng tanikala.
561
00:48:10,555 --> 00:48:15,393
Kinasusuklaman nila tayo, kaya ipinagbawal
nila tayo sa kanilang mga lungsod.
562
00:48:16,561 --> 00:48:18,605
Pero sinira natin ang mga tanikala.
563
00:48:21,024 --> 00:48:22,734
Gumawa ng sarili nating mga lungsod.
564
00:48:22,817 --> 00:48:28,615
At ngayon, oras na para ibalik
ang natural na kaayusan ng mundong ito.
565
00:48:28,698 --> 00:48:31,242
Oo!
566
00:48:31,826 --> 00:48:32,661
Hindi.
567
00:48:34,412 --> 00:48:35,246
Pakiusap!
568
00:48:35,330 --> 00:48:36,289
Ilang siglo
569
00:48:36,373 --> 00:48:38,500
na tayong ginagamit ng mga tao.
570
00:48:40,126 --> 00:48:41,461
Pinigilan tayo.
571
00:48:43,046 --> 00:48:45,924
At pinayagan ito
ng mga tinatawag nating pinuno.
572
00:48:46,800 --> 00:48:50,929
Ang watawat ng pagkakaisa at kapayapaan
na buong pagmamahal nilang iwinawagayway,
573
00:48:51,012 --> 00:48:55,642
ay, sa totoo lang,
mga watawat ng pagsuko.
574
00:48:56,893 --> 00:49:01,022
Ewan ko sa inyo, pero di ako susuko.
575
00:49:01,106 --> 00:49:02,607
Patayin silang lahat!
576
00:49:03,984 --> 00:49:04,985
Oo!
577
00:49:07,278 --> 00:49:10,532
Tayo ang sagisag ng kalamangan ng fishman!
578
00:49:10,615 --> 00:49:14,452
At gamit ang mapa ng Grand Line,
babawiin natin ang atin.
579
00:49:14,536 --> 00:49:17,956
Mag-aalab ang ating makatuwirang galit
sa Coco Village
580
00:49:18,039 --> 00:49:19,791
hanggang sa dulo ng East Blue,
581
00:49:19,874 --> 00:49:23,003
at sa paglipat natin
sa Grand Line at sa iba pa,
582
00:49:23,086 --> 00:49:27,799
ituturo natin sa bawat tao
kung saan sila nararapat.
583
00:49:28,383 --> 00:49:29,217
Sa ilalim natin.
584
00:49:29,300 --> 00:49:30,176
Oo!
585
00:49:30,260 --> 00:49:31,261
Sa ilalim natin!
586
00:49:32,929 --> 00:49:34,264
Oo!
587
00:49:34,347 --> 00:49:37,350
Sa ilalim natin! Yeah!
588
00:49:58,371 --> 00:49:59,289
Arlong.
589
00:50:07,255 --> 00:50:08,214
Arlong.
590
00:50:16,514 --> 00:50:17,432
Arlong.
591
00:50:21,436 --> 00:50:22,771
Arlong!
592
00:50:24,189 --> 00:50:25,940
Arlong!
593
00:50:29,402 --> 00:50:30,653
Arlong!
594
00:50:31,696 --> 00:50:32,906
Arlong!
595
00:50:34,365 --> 00:50:35,992
Arlong!
596
00:50:53,593 --> 00:50:56,179
Sabi kong umalis ka na rito.
597
00:50:57,430 --> 00:50:58,264
Oo nga.
598
00:51:03,645 --> 00:51:05,021
Umalis ka na.
599
00:51:06,689 --> 00:51:09,651
Wala kang alam sa nangyayari dito.
600
00:51:11,528 --> 00:51:12,403
Wala nga.
601
00:51:27,418 --> 00:51:28,253
Luffy.
602
00:51:35,844 --> 00:51:36,803
Tulungan mo ako.
603
00:52:00,243 --> 00:52:01,327
Siyempre naman.
604
00:52:11,629 --> 00:52:13,131
Siyempre naman.
605
00:52:18,970 --> 00:52:22,682
Siyempre naman!
606
00:52:35,028 --> 00:52:35,987
Tayo na.
607
00:52:36,070 --> 00:52:37,113
Sige.
608
00:52:41,951 --> 00:52:43,036
Ano 'yon?
609
00:52:44,787 --> 00:52:46,331
Inaatake nila ang nayon.
610
00:55:55,019 --> 00:55:56,729
Tagapagsalin ng Subtitle: Rexie