1 00:00:18,563 --> 00:00:19,843 Public relations. 2 00:00:19,923 --> 00:00:22,843 Ang propesyunal na nagpapanatili ng maayos na public image. 3 00:00:23,763 --> 00:00:26,243 Top restaurant ito na may dalawang Michelin star 4 00:00:26,323 --> 00:00:28,603 tapos may kuha ng mga daga sa kusina. 5 00:00:28,683 --> 00:00:31,243 Kailangan nating malusutan ito. 6 00:00:32,803 --> 00:00:35,883 Ang pagtugon sa mga isyung nakakaapekto sa isang grupo. 7 00:00:35,963 --> 00:00:36,843 Okey. 8 00:00:36,923 --> 00:00:39,043 PR at mga issue sa management. 9 00:00:39,443 --> 00:00:42,483 - Oo. -Kailangang kasama ang pamilya ko. 10 00:00:42,603 --> 00:00:43,443 Halika. 11 00:00:43,923 --> 00:00:46,723 Maglababas ako ng press release para sa Kusinang may Daga. 12 00:00:46,803 --> 00:00:49,643 Samantala, ikakansela ko na ang tanghalian ko. 13 00:00:49,723 --> 00:00:50,883 Nakakatawa. 14 00:00:51,563 --> 00:00:53,363 Makakalipad ka pa naman, ano? 15 00:00:53,443 --> 00:00:55,963 Isang linggo na lang. 16 00:00:56,043 --> 00:00:58,043 Kapatid mo raw ito? 17 00:01:03,003 --> 00:01:06,083 Mula ito sa painting sa isang eskwelahan sa kung saan man. 18 00:01:06,163 --> 00:01:07,403 Para nakapubliko. 19 00:01:07,483 --> 00:01:11,323 'Di dapat ako masorpresa, pero kung pamilya mo ang viral… 20 00:01:11,403 --> 00:01:13,083 Nagsabi ang Observation Earth. 21 00:01:13,163 --> 00:01:16,443 - May potensyal daw na Thunberg si Ruby. - Imposible. 22 00:01:16,523 --> 00:01:18,123 Baka gusto mong umalis. 23 00:01:18,203 --> 00:01:20,763 Pumunta ka sa Australia, tingnan ang prospect. 24 00:01:20,843 --> 00:01:22,563 Gusto nilang makipagkasundo. 25 00:01:23,243 --> 00:01:25,483 Pero 'di ko kliyente ang Observation Earth. 26 00:01:25,563 --> 00:01:29,643 Si Justin ang mangunguna sa pagkumbinsi sa pamilya mo. 27 00:01:31,563 --> 00:01:34,723 Hindi nakukumbinsi ang pamilya ko. 28 00:01:36,123 --> 00:01:37,243 Ano ba? 29 00:01:38,563 --> 00:01:40,003 Sigurado kang kailangan ako? 30 00:01:40,083 --> 00:01:43,403 Hindi kita tatanungin kung hindi. Ipakilala mo si Justin sa kanila, 31 00:01:43,483 --> 00:01:46,923 ang kliyente sa kanila, tapos bumalik ka. 'Di kita maliligtas, okey? 32 00:01:50,603 --> 00:01:51,443 Okey. 33 00:01:54,843 --> 00:01:58,483 Matagal na akong 'di nakakauwi. Pwedeng pahingi ng kaunting araw? 34 00:01:58,563 --> 00:02:01,283 Trabaho iyon. Hindi reunion. 35 00:02:02,643 --> 00:02:04,363 Masyado kang sentimental. 36 00:02:04,443 --> 00:02:07,563 Oo. Kasinglambot ng bakal. Sige, tatlong araw. Enjoy ka. 37 00:02:09,963 --> 00:02:10,843 Sige. 38 00:02:12,163 --> 00:02:13,163 Sige. 39 00:02:16,483 --> 00:02:17,923 Pauwi na. 40 00:02:18,603 --> 00:02:21,363 Walong taon na at nasasabi ko rin ang "pag-uwi." 41 00:02:32,843 --> 00:02:36,323 Sa video call, ulo at balikat lang ang nakikita. 42 00:02:36,403 --> 00:02:39,643 Napapakita mo sa mundo kung ano lang ang gusto mong ipakita. 43 00:02:40,483 --> 00:02:41,883 Pagkukunwari. 44 00:02:51,443 --> 00:02:52,443 Ano? 45 00:02:54,083 --> 00:02:55,243 Uuwi si Rachel! 46 00:02:55,363 --> 00:02:57,083 Kailan? Kailan ka darating? 47 00:02:57,163 --> 00:02:59,443 - Gaano katagal ka rito? -Mga limang araw. 48 00:02:59,523 --> 00:03:03,763 Depende kung gaano katagal mapapapayag ng Observation Earth si Ruby. 49 00:03:03,843 --> 00:03:04,683 Mapapapayag? 50 00:03:04,763 --> 00:03:08,683 Viral siya. Alam kong kabaliwan ang protestang may pupu, 51 00:03:08,763 --> 00:03:12,283 pero bago iyon. "Ganid na Matatandang Tao, Kawawang mga Oso." 52 00:03:12,763 --> 00:03:14,963 - Klasiko. -Observation Earth? 53 00:03:15,043 --> 00:03:17,643 -Baka nagbibiro lang sila. - Oo nga. 54 00:03:18,523 --> 00:03:20,883 Biglaan, ano? 55 00:03:20,963 --> 00:03:22,563 Kalat na sa social media. 56 00:03:22,643 --> 00:03:26,203 Kapag ginawa nilang youth ambassador si Rubes, grabe iyon. 57 00:03:27,443 --> 00:03:28,723 Imposible. 58 00:03:28,803 --> 00:03:30,483 Maiintindihan ko kung hihindi ka. 59 00:03:30,563 --> 00:03:33,763 Anak, wala akong sasabihin para mapauwi ka. 60 00:03:34,483 --> 00:03:38,603 Sige. Saglit lang 'to. Pakausap muna kay Papa? 61 00:03:39,603 --> 00:03:41,003 Wala siya rito. 62 00:03:41,083 --> 00:03:45,283 - Nasa siyudad ako, nasa Buradeena siya. - Hindi ka na luluwas pa. 63 00:03:45,363 --> 00:03:47,203 - Ayos iyon. -Mismo. 64 00:03:48,003 --> 00:03:49,843 Ang dami nating pag-uusapan. 65 00:03:51,563 --> 00:03:54,403 - Totoo. - Hindi na ako makapaghintay na makita ka! 66 00:03:55,403 --> 00:03:57,443 - Sige, love you! - Love you din. 67 00:04:10,083 --> 00:04:13,203 - Jules, hindi ko alam. -Ako rin, maniwala ka. 68 00:04:13,283 --> 00:04:16,243 Maraming magagalit sa Greta na iyon. 69 00:04:16,323 --> 00:04:18,443 Gusto ba natin ng ganoon para kay Rubes? 70 00:04:18,523 --> 00:04:21,763 Kapag humindi agad tayo, hindi uuwi si Rachel. 71 00:04:21,843 --> 00:04:24,683 At hindi mo alam, baka ramdam na niya. 72 00:04:24,763 --> 00:04:26,843 Ruby, isang international ambassador? 73 00:04:28,363 --> 00:04:29,403 Baka. 74 00:04:29,483 --> 00:04:32,243 Tama ka. Basta mapauwi si Rach. 75 00:04:32,283 --> 00:04:33,203 Alam ni Ruby? 76 00:04:33,283 --> 00:04:34,963 Hindi. Si Rachel na ang magsasabi. 77 00:04:35,043 --> 00:04:37,563 Uuwi siya sa Linggo ng umaga. Pupunta ka ba? 78 00:04:37,643 --> 00:04:40,163 Ba't di pa rito? Hindi pa siya nakakarating dito. 79 00:04:40,243 --> 00:04:42,923 Ilang araw lang siya pwede. May trabaho pa siya. 80 00:04:42,963 --> 00:04:46,163 Jules, pwedeng may magmaneho sa kanya, o mag-eroplano siya. 81 00:04:47,843 --> 00:04:49,803 - Magtatalo ba talaga tayo? - Magtatalo? 82 00:04:49,843 --> 00:04:52,603 Ngayon lang siya makakauwi, nagmamatigas ka pa. 83 00:04:52,683 --> 00:04:54,283 Gusto ko makita niya ang bahay. 84 00:04:54,403 --> 00:04:56,563 Kung 'di siya makakapunta, luluwas ako. 85 00:04:56,643 --> 00:04:58,403 Hindi ko naman palalagpasin 'to. 86 00:04:58,523 --> 00:05:00,243 - Mabuti. - Ayos na 'to. 87 00:05:00,283 --> 00:05:02,963 Ganito na 'to. Dito ako. Diyan ka. 88 00:05:03,083 --> 00:05:05,963 Gusto kong makita niya kung ano'ng nagustuhan ko rito. 89 00:05:06,043 --> 00:05:09,483 Sige. Tatawagan ka namin. Sa linggo, tanghalian. 90 00:05:11,203 --> 00:05:13,963 Magbabalik na ang perpektong anak. 91 00:05:14,043 --> 00:05:16,163 Akala ko, ikaw iyon. 92 00:05:16,243 --> 00:05:18,363 Ako nga. Noon. 93 00:05:18,483 --> 00:05:20,923 Hindi pa lang natatanto ni Rachel. 94 00:05:22,843 --> 00:05:24,403 Okay, ayusin natin 'yan. 95 00:05:24,483 --> 00:05:28,123 Masyadong mabula. Huwag mong paabutin diyan. 96 00:05:28,203 --> 00:05:29,363 Itayo mo lang. 97 00:05:29,843 --> 00:05:30,843 O doon. 98 00:05:30,963 --> 00:05:32,883 Ang dumi ng isip mo. 99 00:05:32,963 --> 00:05:33,923 Uy, Anna. 100 00:05:34,003 --> 00:05:36,283 Nabasa mo ang meme na pinadala ko sa iyo? 101 00:05:36,363 --> 00:05:39,883 Alin? Mauubos mo ang data ko nito. 102 00:05:39,963 --> 00:05:43,923 - Memes? Ano ka, 12? - Psychology joke iyon. 103 00:05:44,003 --> 00:05:46,323 - Nakakatawa iyon. - Maaaring hindi. 104 00:05:48,843 --> 00:05:50,643 Ano'ng meron? 105 00:05:51,683 --> 00:05:52,883 Nagtatawanan kami. 106 00:05:53,443 --> 00:05:56,443 Sobrang seryoso nila sa dating trabaho. 107 00:05:56,523 --> 00:05:58,043 Pero mas mataas ang sahod. 108 00:05:58,603 --> 00:06:00,443 Salamat sa pagligtas sa akin. 109 00:06:00,523 --> 00:06:01,843 Ayos lang iyon. 110 00:06:04,523 --> 00:06:06,403 Ikaw at ako sa Sydney. 111 00:06:06,483 --> 00:06:09,603 - Ganoon na nga. - Magkunwari ka namang masaya. 112 00:06:09,683 --> 00:06:12,843 Mahabang kuwento. Komplikado. 113 00:06:12,923 --> 00:06:14,603 Sige. Kita tayo sa lounge. 114 00:06:15,443 --> 00:06:17,163 Dahil makikilala mo pamilya ko, 115 00:06:17,243 --> 00:06:22,283 at sakaling maging isyu, hindi ko pa nasasabi sa kanila. 116 00:06:22,363 --> 00:06:24,643 Ang tungkol sa baby? 117 00:06:24,723 --> 00:06:28,123 Akala ko, mas madali kung makita na nila agad ang resulta. 118 00:06:28,923 --> 00:06:30,403 Kilala mo ang pamilya mo. 119 00:06:30,483 --> 00:06:32,563 - Ang nanay ko, oo. - Ganoon kasama? 120 00:06:32,643 --> 00:06:35,963 Ganoon kabuti. Sobrang bait niyon. 121 00:06:37,723 --> 00:06:39,763 Kukuwentuhan kita sa flight. 122 00:06:39,843 --> 00:06:43,563 - 'Di ako sosobra. - Kung ano'ng kailangan sa trabaho. 123 00:06:47,203 --> 00:06:49,963 Ang trabaho ko ay gawin itong positibo. 124 00:06:50,403 --> 00:06:52,043 At makasakay sa eroplanong iyon. 125 00:06:55,963 --> 00:06:57,643 SYDNEY PRESYO NG TIKET 126 00:06:57,723 --> 00:07:00,323 Tingnan natin kung gusto ni Rachel mag-BridgeClimb. 127 00:07:00,403 --> 00:07:02,523 O kuha na lang ba agad ako ng mga ticket? 128 00:07:02,603 --> 00:07:03,803 Hindi siya turista. 129 00:07:03,883 --> 00:07:06,283 Nabanggit niyang hindi pa niya nagagawa iyon. 130 00:07:07,243 --> 00:07:09,523 Sobra ba kung mag-organisa ako ng tanghalian? 131 00:07:09,603 --> 00:07:14,363 Tayong tatlo lang? O kaming dalawa sa isang spa date? 132 00:07:14,443 --> 00:07:16,043 Kung saan ka masaya. 133 00:07:16,483 --> 00:07:19,643 - Nakakatuwang makita kang masaya. - Gusto kong makilala siya. 134 00:07:21,563 --> 00:07:22,963 Sige, i-book mo na lahat. 135 00:07:23,563 --> 00:07:25,723 I-enjoy mo ang paghilom mo. 136 00:07:28,643 --> 00:07:32,763 Bawat usapan, nababanggit parati ang IVF. 137 00:07:32,843 --> 00:07:34,723 Alam kong hindi niya sinasadya. 138 00:07:34,803 --> 00:07:37,883 Iniisip niyang mairaraos kami ng pagiging positibo. 139 00:07:37,963 --> 00:07:39,563 Nabubuntis mga babae araw-araw. 140 00:07:39,643 --> 00:07:43,203 Wala iyon sa attitude. Maayos ang katawan nila. Sa akin, hindi. 141 00:07:43,283 --> 00:07:47,603 - Ito na ba talaga ang wakas? - Isa lang sa eggs ko ang nag-fertilize. 142 00:07:47,723 --> 00:07:48,803 Isa lang sa walo. 143 00:07:48,883 --> 00:07:52,243 Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. 144 00:07:52,723 --> 00:07:55,443 Hindi pa isyu hangga't wala pa uli kaming pambayad. 145 00:07:55,523 --> 00:07:57,163 Mas madaling tumakas. 146 00:07:59,323 --> 00:08:01,803 - Ang bayaw mo. - Ano'ng ginawa niya? 147 00:08:01,883 --> 00:08:04,683 Parang nagpasya siyang ako na ang bago niyang best friend, 148 00:08:04,763 --> 00:08:06,843 na hindi ko naman ginusto. 149 00:08:06,923 --> 00:08:10,203 Tinatadtad niya ako ng mga korning joke araw-araw. 150 00:08:10,283 --> 00:08:13,523 - Pinopormahan ka ba niya? - Hindi ko pa alam. 151 00:08:13,603 --> 00:08:15,803 Baka masaya lang siyang makaalis sa trabaho. 152 00:08:15,883 --> 00:08:18,643 - Gusto mong sabihan ko siya? - Ako na ang bahala. 153 00:08:18,723 --> 00:08:21,443 - Salamat. Nakakailang iyon. - Oo. 154 00:08:21,523 --> 00:08:23,283 - Na naman? - Na naman. 155 00:08:23,363 --> 00:08:24,763 Panoorin mo hanggang matapos!!! May resulta ang pagsubok! 156 00:08:25,403 --> 00:08:26,923 Tamang sumubok. 157 00:08:41,523 --> 00:08:43,563 - Welcome sa The Anderson. - Salamat. 158 00:08:43,643 --> 00:08:45,243 Kami na sa mga bag n'yo. 159 00:08:46,523 --> 00:08:47,763 Bueno… 160 00:08:47,803 --> 00:08:51,083 Tatawagan ko ang kliyente. Good luck sa pamilya mo. 161 00:08:51,443 --> 00:08:54,923 Tungkol doon. Pwede ka bang sumama? 162 00:08:55,563 --> 00:08:58,483 Pwede mong kausapin si Ruby bago sa mismong meeting. 163 00:08:58,563 --> 00:09:00,563 Makatutulong ba sa pagsasabi mo? 164 00:09:01,123 --> 00:09:03,163 Makokontrol ang mga tanong. 165 00:09:04,003 --> 00:09:05,323 Pwede kang humindi. 166 00:09:05,403 --> 00:09:07,163 Gaya ng sabi mo, makilala si Ruby. 167 00:09:07,803 --> 00:09:10,683 - Kung madaya ako… - Tatanggi ako. 168 00:09:15,163 --> 00:09:17,763 Malapit na siya. Pwedeng pakiayos ng mesa? 169 00:09:17,803 --> 00:09:21,163 Ako ang rason bakit siya darating. Bakit ako magtatrabaho? 170 00:09:21,243 --> 00:09:22,563 Paano mo nalaman? 171 00:09:23,363 --> 00:09:24,523 'Wag mo kaming tingnan. 172 00:09:24,563 --> 00:09:27,083 Nakita mo na ba ang laki ng lugar na ito? 173 00:09:27,163 --> 00:09:29,523 Walang makakapag-usap nang pribado. 174 00:09:29,563 --> 00:09:31,323 Oo. Wala pang napagpapasyahan. 175 00:09:31,403 --> 00:09:33,923 Pag-uusapan natin ang gusto ng Observation Earth, 176 00:09:34,043 --> 00:09:35,763 tapos doon na tayo magpapasya. 177 00:09:35,803 --> 00:09:39,683 Kapag umarte-arte ka, hindi kami papayag ng tatay mo sa kahit ano. 178 00:09:39,763 --> 00:09:42,043 Kaya ayusin mo ang mesa. Pakiusap. 179 00:09:42,523 --> 00:09:43,563 Salamat. 180 00:09:44,003 --> 00:09:45,123 Taxi! 181 00:09:45,203 --> 00:09:47,363 Tawagan n'yo ang papa n'yo! 182 00:09:52,083 --> 00:09:53,283 Nandito na ako. 183 00:09:54,923 --> 00:09:56,083 Nandito na siya! 184 00:09:57,243 --> 00:09:59,563 - Nakauwi na ako! - Diyos ko! 185 00:09:59,643 --> 00:10:01,203 Masaya akong makita ka! 186 00:10:04,123 --> 00:10:07,443 - Diyos ko! - Surprise! 187 00:10:07,523 --> 00:10:08,923 - Dave. - Kita ko. 188 00:10:11,123 --> 00:10:12,323 - Buntis siya? - Oo. 189 00:10:12,403 --> 00:10:14,563 Bakit 'di mo sinabi sa amin? Paano nangyari? 190 00:10:14,683 --> 00:10:17,363 - Sabi mo, wala kang boyfriend. - Si Justin. 191 00:10:24,323 --> 00:10:28,683 HIndi. 192 00:10:28,763 --> 00:10:32,443 Justin lang. Justin Gavin. Wala akong kinalaman sa ano pa man. 193 00:10:33,243 --> 00:10:34,283 Pasensya na. 194 00:10:34,363 --> 00:10:36,003 Hawak niya ang account. 195 00:10:36,083 --> 00:10:37,163 Ikinagagalak ko. 196 00:10:39,403 --> 00:10:42,403 Sino'ng ama? 197 00:10:42,483 --> 00:10:45,483 Issues management, simula na. 198 00:10:45,563 --> 00:10:48,563 Okay. Para may gawin kayo. 199 00:10:48,683 --> 00:10:51,523 - May mga pag-uusapan kami. - Nandito siya para sa akin. 200 00:10:51,563 --> 00:10:53,803 - Mamaya na. - Walang binabanggit si Rachel. 201 00:10:53,923 --> 00:10:56,403 At iyan mismo ang dahilan kung bakit ka nandito. 202 00:10:56,483 --> 00:10:59,883 - At hindi mo iniisip iyon? - Isa-isa lang. Dito ka lang. 203 00:11:02,083 --> 00:11:03,323 Wala talaga. 204 00:11:06,203 --> 00:11:07,563 Nandito si Papa. 205 00:11:11,763 --> 00:11:15,003 -'Di ko naman itatago habambuhay. -Buti naman. 206 00:11:15,083 --> 00:11:17,523 Hindi ka man lang binago ng New York. 207 00:11:17,603 --> 00:11:19,643 - Balik tayo sa umpisa. - Oo. 208 00:11:19,723 --> 00:11:21,043 Hindi iyon inaasahan. 209 00:11:21,123 --> 00:11:24,883 Hirap pa akong kilalanin ang sarili ko. 210 00:11:24,963 --> 00:11:28,883 Pasensya na at nadamay ka sa gulo ng pamilyang ito, Justin. 211 00:11:28,963 --> 00:11:30,963 - Ayos lang. - Mamaya na tayo mag-usap. 212 00:11:31,043 --> 00:11:32,603 Mabuti pa nga. 213 00:11:34,483 --> 00:11:37,323 - Malapit na tayong mananghalian. - Salamat, Cass. 214 00:11:41,723 --> 00:11:43,083 Tutulong ako. 215 00:11:44,883 --> 00:11:47,843 - Kanina ko pa gustong itanong… - Mukha nga. 216 00:11:47,923 --> 00:11:49,563 Ayos lang ako, babe. 217 00:11:49,643 --> 00:11:52,083 Hindi. Alam ko. 218 00:11:52,763 --> 00:11:56,123 Ibababa ko na 'to. Usap tayo kung kailan ka pwedeng bumisita. 219 00:11:56,203 --> 00:11:59,803 - Kapag natapos na ang usapan. - Gusto kong ipakita sa iyo ang bahay. 220 00:11:59,883 --> 00:12:01,323 Kung ayos lang sa iyo. 221 00:12:01,403 --> 00:12:03,283 Isang araw lang akong makakabisita. 222 00:12:03,363 --> 00:12:06,723 Lipad ka patungong Taree, susunduin kita. Welcome ka rin, Justin. 223 00:12:06,803 --> 00:12:08,203 'Di ako pwede, pero salamat. 224 00:12:08,283 --> 00:12:10,283 Basta makapag-book na ako pabalik. 225 00:12:10,363 --> 00:12:11,763 Sige, bukas na lang. 226 00:12:12,723 --> 00:12:14,443 Ano'ng meron sa inyo? 227 00:12:14,523 --> 00:12:15,843 Si Mama rito, ikaw riyan. 228 00:12:16,523 --> 00:12:18,243 Maghihiwalay na ba kayo? 229 00:12:23,043 --> 00:12:23,923 Hindi. 230 00:12:29,523 --> 00:12:31,843 'Di ako makapaniwalang wala kang sinabi. 231 00:12:32,643 --> 00:12:34,763 Ikaw na ang panalo sa ganoon. 232 00:12:35,243 --> 00:12:38,603 Hindi kami maghihiwalay. Hindi kami magkasama, ngayon lang, 233 00:12:38,683 --> 00:12:41,083 pinili naming manirahan sa magkaibang lokasyon. 234 00:12:41,163 --> 00:12:44,363 Hindi gumagana ang LDR. Tingnan mo ang nangyari sa amin ni Jake. 235 00:12:44,443 --> 00:12:48,323 Mas marami na kaming pinagdaanan ng Papa mo kaysa sa inyo ni Jake. 236 00:12:48,403 --> 00:12:50,243 Halika. Bueno… 237 00:12:52,123 --> 00:12:53,483 Ang ama. 238 00:12:55,043 --> 00:12:58,363 Dalawang tao lang iyon na nagkalat sa isang pagtitipon. 239 00:13:00,123 --> 00:13:01,003 Kasal siya. 240 00:13:02,163 --> 00:13:03,243 Ah. 241 00:13:03,323 --> 00:13:05,603 Iyan ang tinging iniiwasan ko. 242 00:13:05,683 --> 00:13:06,923 Ano'ng tingin? 243 00:13:07,003 --> 00:13:10,723 Pagkadismaya? Hindi sapat iyon para maglihim ka sa amin. 244 00:13:10,803 --> 00:13:14,163 Pwedeng ipagpaliban muna natin iyon hanggang matapos ang kay Ruby? 245 00:13:14,243 --> 00:13:16,203 Kaya mo dinala si Justin? 246 00:13:16,283 --> 00:13:18,923 Narito siya para makilala kayo. Ako, para sa trabaho. 247 00:13:19,003 --> 00:13:21,243 Gaya ng sabi ko, pagkatapos no'n. 248 00:13:22,563 --> 00:13:25,483 Kakain na. Pwede pag-usapan na natin ang Observation Earth? 249 00:13:25,963 --> 00:13:28,403 Akala ko, hindi mo sasabihin sa kanya. 250 00:13:28,483 --> 00:13:31,483 Sabi ni Carbo, kailangan nating bilisan sa mga ganito. 251 00:13:31,563 --> 00:13:33,443 Alam din ni Carbo? 252 00:13:33,523 --> 00:13:36,483 - May meeting tayo bukas. - Ayos! 253 00:13:38,083 --> 00:13:39,283 Tayo lang. 254 00:13:41,523 --> 00:13:44,083 Delikado 'tong ginagawa mo. 255 00:13:45,683 --> 00:13:48,523 Boston College. Maganda roon, ano? 256 00:13:48,603 --> 00:13:50,443 Parang maganda. 257 00:13:50,523 --> 00:13:52,723 Disente, oo. 258 00:13:52,803 --> 00:13:56,323 Nasa team ka ni Rachel sa New York o… 259 00:13:56,403 --> 00:13:57,643 Paano iyon? 260 00:13:57,723 --> 00:14:00,443 Bigatin ang mga hawak na kliyente ng kapatid niyo. 261 00:14:00,523 --> 00:14:02,243 Gusto kong nakakatrabaho siya. 262 00:14:02,323 --> 00:14:05,163 Nakuha si Justin ng kompanya bago pa siya magtapos. 263 00:14:05,243 --> 00:14:09,283 - Sabi sa'yo, may tanungan. - Magalang lang ako. 264 00:14:09,963 --> 00:14:12,523 Mukhang mabilis ang takbo mo. 265 00:14:12,603 --> 00:14:16,043 - Sa bar nagtatrabaho si Papa! - Kakasimula ko pa lang. 266 00:14:16,643 --> 00:14:18,763 Nagtrabaho ako sa bar noong college. 267 00:14:23,683 --> 00:14:26,043 Okay, mag-picture tayong lahat. 268 00:14:26,123 --> 00:14:30,363 Hindi ko palaging napagsasama-sama ang mga anak ko, kaya… 269 00:14:31,003 --> 00:14:31,963 Ikaw rin, Justin. 270 00:14:32,523 --> 00:14:35,963 - Ma, kuhang pampamilya 'to. - Ako na ang kukuha. 271 00:14:38,323 --> 00:14:41,203 Ang bait mo. Salamat. 272 00:14:44,363 --> 00:14:45,763 Ganda. 273 00:14:45,843 --> 00:14:47,683 Ngiti. 274 00:14:47,763 --> 00:14:49,203 Say cheese. 275 00:14:49,723 --> 00:14:51,243 Masayang litrato ng pamilya. 276 00:14:51,643 --> 00:14:54,323 Na halatang-halata na may mga tinatago. 277 00:15:18,243 --> 00:15:19,203 Hello. 278 00:15:21,523 --> 00:15:23,683 Congrats, Lolo. 279 00:15:23,763 --> 00:15:26,843 - Madaldal si Paddo. - 'Di mapigilan ni Paddo. 280 00:15:26,923 --> 00:15:30,083 - Naisip ko lang na kailangan mo. - Hindi ako tatanggi. Salamat. 281 00:15:30,163 --> 00:15:33,043 Sinabi ni Paddo na may kasama si Rachel. 282 00:15:33,123 --> 00:15:36,003 Oo. Hindi ang ama. Wala pa akong balita roon. 283 00:15:37,083 --> 00:15:40,283 - Pupunta ka roon? - May mababago ba? 284 00:15:41,603 --> 00:15:44,243 Tingin mo, hindi kailangan ni Julie ng backup? 285 00:15:44,323 --> 00:15:46,603 Alam naman niya. Dito ako. 286 00:15:47,963 --> 00:15:51,643 Sabi niya, dapat naroon kami para sa mga bata. 287 00:15:51,723 --> 00:15:55,083 Ni hindi nga nagsabi sa amin si Rachel na buntis siya, 288 00:15:55,163 --> 00:15:58,763 at si Nathan, nagsayang ng magandang posisyon para magtrabaho sa bar. 289 00:15:58,843 --> 00:16:01,923 Masaya ang mga bata sa pagpapasya nang sila-sila lang. 290 00:16:06,523 --> 00:16:07,723 Masaya ka? 291 00:16:07,803 --> 00:16:10,643 Nandito ka at si Julie doon? 292 00:16:10,723 --> 00:16:12,563 Ayos naman. 293 00:16:16,363 --> 00:16:19,003 Tingin ko, mapapasaya ako nito masyado. 294 00:16:19,083 --> 00:16:21,323 - Masarap. - Cheers. 295 00:16:22,723 --> 00:16:27,843 Oo, pero 'di ako masayang wala si Julie. Pero masaya ako sa Buradeena. Tahanan 'to. 296 00:16:30,563 --> 00:16:33,283 Uy, may papanoorin akong palabas sa TV. 297 00:16:33,363 --> 00:16:34,803 Sige lang. 298 00:16:34,883 --> 00:16:39,043 Kung gusto mong manood. Tungkol sa krimen. Maganda ang review. 299 00:16:39,123 --> 00:16:40,603 Maaga pa, bakit hindi? 300 00:16:40,683 --> 00:16:44,203 - May uubusin tayong alak. Cheers. - Cheers. 301 00:16:50,843 --> 00:16:52,163 Susunduin kita ng 2:00. 302 00:16:52,243 --> 00:16:54,923 Okay. Basta makaya niyo ang mga inaasahan ni Ruby. 303 00:16:55,003 --> 00:16:56,963 Nagsisimula na siya. 304 00:16:57,043 --> 00:17:00,563 - Kaya iyan ng ate niya. - At tawagan mo ang papa mo. 305 00:17:02,083 --> 00:17:04,123 Bakit hindi ka sumama? 306 00:17:05,043 --> 00:17:09,523 Hindi. Sinasanay namin ang isa't isa. Mas ayos sa papa mo ang ganito. 307 00:17:09,603 --> 00:17:11,363 Pasensya na sa pangit na gabi. 308 00:17:11,443 --> 00:17:15,123 Malala pa ang pamilya ko. Isa pa, kailangan ko kayong kilalanin. 309 00:17:15,923 --> 00:17:18,683 Nasa mabuting kamay kami. Alam mo, 310 00:17:18,763 --> 00:17:22,083 sasabihan ko sina Ben at Nathan na mag-organisa ng boys' night out 311 00:17:22,123 --> 00:17:24,603 - Ma… - Totoong Aussie night life. 312 00:17:24,683 --> 00:17:27,843 Matunghayan ang pamilya ni Ruby in action? Sige ba. 313 00:17:32,363 --> 00:17:34,043 Ang saya kong nakita kita. 314 00:17:35,523 --> 00:17:38,763 At narito ako para sa iyo. Alam mo iyan. 315 00:17:40,443 --> 00:17:41,723 Alam ko. 316 00:17:44,363 --> 00:17:45,363 Paalam. 317 00:17:53,363 --> 00:17:56,963 Kita mo iyon? Hindi mo kailangang sumama sa mga kapatid ko. 318 00:17:57,043 --> 00:17:59,843 - Baka masaya. - Duda ako. 319 00:18:00,123 --> 00:18:01,283 Mabait sila. 320 00:18:02,443 --> 00:18:03,443 Pamilya ko sila. 321 00:18:16,763 --> 00:18:19,483 Grabeng gabi? Dave 322 00:18:41,283 --> 00:18:43,843 DAVE GRABENG GABI? 323 00:18:56,283 --> 00:18:58,083 Wala nang BridgeClimb, kung ganoon? 324 00:18:58,123 --> 00:19:00,123 Kakaibang panganganak iyon. 325 00:19:00,803 --> 00:19:02,443 May iba kang naiisip? 326 00:19:02,763 --> 00:19:05,323 Titingnan ko. Hayaan lang natin siya. 327 00:19:05,363 --> 00:19:07,443 Gustong-gusto mo siyang makasama. 328 00:19:07,523 --> 00:19:09,603 Tingin ko, 'di natin siya dapat pagurin. 329 00:19:11,043 --> 00:19:12,723 Kailangan ko talaga nito. 330 00:19:14,563 --> 00:19:17,763 - Bale, walang may ideya? - Gulat ang lahat. 331 00:19:17,843 --> 00:19:21,363 Akala ni Ben, malungkot akong buntis siya. Tipikal. 332 00:19:21,923 --> 00:19:23,683 Bakit ka malungkot, kung ganoon? 333 00:19:27,083 --> 00:19:31,563 Gusto niyang ilipat ang umbok sa akin, at mas malala iyon. 334 00:19:31,603 --> 00:19:35,243 - Nagiging problema na ito. - Tingin ko nga. 335 00:19:35,323 --> 00:19:38,243 - Ayusin niyo na. Dito. - Kapag kailangan na. 336 00:19:39,243 --> 00:19:43,683 Matagal na naming pokus ito. 337 00:19:43,763 --> 00:19:45,803 At ngayon, ako ang umaayaw. 338 00:19:48,243 --> 00:19:49,603 Si Nathan na naman? 339 00:19:52,083 --> 00:19:55,443 Iyan ang pinakanakakatawa, hindi ba? 340 00:19:55,523 --> 00:19:58,603 Nathan. Inii-spam mo siya. Makaramdam ka. 341 00:19:58,683 --> 00:20:01,003 'Di niya gusto iyon. Tandaan mo ang hangganan mo. 342 00:20:13,803 --> 00:20:17,723 Ang ideya, magkakaroon kami ng mga youth ambassador sa mundo. 343 00:20:17,803 --> 00:20:21,363 Mamanahin niyo ang daigdig at kasalukuyan ginagamit ito para sa inyo. 344 00:20:21,443 --> 00:20:23,363 Doon pasok ang artwork ni Ruby. 345 00:20:23,443 --> 00:20:25,563 May ideya ako para sa mga bagong painting. 346 00:20:25,603 --> 00:20:29,923 Kaunti lang ang naglilinis ng dumi ng aso, kaya hindi siya mauubusan ng materyales. 347 00:20:30,003 --> 00:20:33,803 Kaunti lang ang naglilinis ng kalat nila, kaya di siya mauubusan ng problema. 348 00:20:33,843 --> 00:20:36,683 - May punchline doon. - Meron nga. 349 00:20:36,763 --> 00:20:39,363 Sang-ayon ka ba, Gng. Rafter? 350 00:20:39,443 --> 00:20:42,123 - Bueno… - Sang-ayon sina Mama at Papa. 351 00:20:42,603 --> 00:20:45,843 Alam niyo ang edad ni Ruby, 352 00:20:45,923 --> 00:20:48,523 kaya masasabi kong dahan-dahan kaming kikilos. 353 00:20:48,603 --> 00:20:51,563 Pero gustong-gusto niya ito. 354 00:20:51,603 --> 00:20:54,603 Malaking tulong na may kamag-anak kayong point person. 355 00:20:54,723 --> 00:20:57,483 Tama si Justin, narito ako para tulungan kayo. 356 00:20:57,563 --> 00:20:58,563 Syempre. 357 00:20:58,603 --> 00:21:01,603 - Nasa mabuting kamay ka sa kanya. - Sa amin. 358 00:21:01,723 --> 00:21:03,123 - Mahusay. - Ayos 359 00:21:05,283 --> 00:21:07,923 - Sobrang ayos no'n. - Mukha namang committed sila. 360 00:21:08,003 --> 00:21:10,203 - Pirmahan na lang. - Oo. 361 00:21:10,283 --> 00:21:11,523 - Carbo! - Uy! 362 00:21:11,603 --> 00:21:14,763 - Saan ka galing? - 'Di ako makatayo. Uy, Rach! 363 00:21:15,123 --> 00:21:17,683 Gusto ko ang bagong hitsura mo. Uy. Carbo. 364 00:21:17,763 --> 00:21:19,803 - Justin. - Dapat mapanood mo mga gawa ko. 365 00:21:19,843 --> 00:21:20,723 Napanood ko na. 366 00:21:20,803 --> 00:21:22,843 Pirmado na? Panoorin n'yo, ha? 367 00:21:22,963 --> 00:21:25,243 Milyon ang followers ko, at dumarami pa. 368 00:21:25,323 --> 00:21:27,123 Binigay ko ang pangalan ko sa guard. 369 00:21:27,243 --> 00:21:29,683 May nakausap na yata siyang assistant. 370 00:21:29,763 --> 00:21:33,603 - Aayusin ko 'to. Mauna na kayo. - Sige! Tara. Maghintay tayo sa labas. 371 00:21:33,723 --> 00:21:35,563 - Dapat sumama si Carbo… - Mamaya. 372 00:21:35,603 --> 00:21:36,843 Tara na, hija. 373 00:21:36,963 --> 00:21:38,323 - Carbo. - Ano? 374 00:21:39,563 --> 00:21:42,243 Sinabi kong huwag kang paakyatin sa taas. 375 00:21:42,323 --> 00:21:43,603 Bakit? 376 00:21:44,483 --> 00:21:46,683 Nag-uusap pa lang kami. 377 00:21:46,763 --> 00:21:49,123 Kapag pumunta ka, masisira iyon. 378 00:21:49,243 --> 00:21:53,363 Pero gusto kong ipakita ang merch namin. Ref magnet. Oh, Pupu. Ayos, ano? 379 00:21:53,443 --> 00:21:55,243 Isang salita, Carbo. Dumi. 380 00:21:55,323 --> 00:21:58,603 Tingin mo, iyan ang brand strategy na gusto nila? 381 00:21:58,683 --> 00:22:01,243 Hindi nila siya makikilala kung hindi dahil sa akin. 382 00:22:01,323 --> 00:22:04,083 Hindi pwede ang ganito sa kampanya. 383 00:22:11,563 --> 00:22:14,563 Pero masaya akong makita ka. Kumusta sina Retta at Theo? 384 00:22:14,643 --> 00:22:15,963 Ayos lang. 385 00:22:16,043 --> 00:22:17,923 - Congratulations. - Salamat. 386 00:22:18,003 --> 00:22:20,843 - Nasaan ang American accent? - Iniwan ko sa Manhattan. 387 00:22:22,563 --> 00:22:24,603 Alam kong mabuti ang hangarin mo, Carbo. 388 00:22:28,723 --> 00:22:31,243 - Pupunta si Carbo? - Hindi. Hindi siya parte nito. 389 00:22:31,323 --> 00:22:33,163 - Pero dapat. - Hindi. 390 00:22:33,243 --> 00:22:35,563 Bakit hindi tayo kumain pauwi? 391 00:22:35,643 --> 00:22:36,763 Magandang ideya. 392 00:22:38,203 --> 00:22:40,643 - Tatawagan kita. - Susulatan ko si Max. 393 00:23:00,483 --> 00:23:02,563 Alam kong parang nasa iyo na ang lahat, 394 00:23:02,643 --> 00:23:05,203 pero gusto ni Lola na may magawa. 395 00:23:05,283 --> 00:23:07,643 - Organic cotton ito. - Ang cute. 396 00:23:08,723 --> 00:23:11,203 Wala pa nga akong nabibiling kahit ano. 397 00:23:11,283 --> 00:23:13,963 Ano? Hindi ka habambuhay na nariyan. 398 00:23:14,043 --> 00:23:16,203 Nabanggit nga ng doktor. 399 00:23:16,283 --> 00:23:18,123 Hindi ako mag-aanak pagtanda ko. 400 00:23:18,203 --> 00:23:21,203 Iresponsableng i-overpopulate ang planeta. 401 00:23:21,283 --> 00:23:22,683 Kaya, pakinggan mo 'to. 402 00:23:22,763 --> 00:23:27,363 Parang magandang ideya ang unang bote ng champagne, pero hindi na ang ikalawa. 403 00:23:30,683 --> 00:23:34,803 Hindi tayo dapat gumagamit ng anuman sa mundo na nauubos din naman. 404 00:23:35,683 --> 00:23:37,243 'Di 'yon ang ibig mong sabihin. 405 00:23:43,163 --> 00:23:44,283 Ang cute no'n. 406 00:23:46,363 --> 00:23:49,923 Seryoso. Itabi mo iyan. Hindi kailangan ni Cassie. 407 00:23:50,763 --> 00:23:52,843 - Parang ayos naman siya. - Pinapaalala niyo. 408 00:23:52,923 --> 00:23:55,723 - Hindi ko sinasadya. - Mahirap na iwasan. 409 00:23:58,443 --> 00:23:59,883 Susunduin ko si Justin. 410 00:24:00,363 --> 00:24:01,843 Kailangan ba talaga 'to? 411 00:24:01,923 --> 00:24:04,243 - Nagpapakabuti lang ako. - Saan niyo dadalhin? 412 00:24:04,883 --> 00:24:06,203 - Sa Boat Club. - Ben! 413 00:24:06,283 --> 00:24:09,083 Kung ayos sa amin, ayos din sa kanya iyon. 414 00:24:09,163 --> 00:24:11,643 Pinakamasarap na seafood sa Australia. 415 00:24:14,683 --> 00:24:16,843 Overprotective lang si Ben. 416 00:24:16,923 --> 00:24:20,563 Hindi ko siya masisi. Malaki ang lamat na ginawa ng IVF sa kanila. 417 00:24:20,643 --> 00:24:21,643 Panigurado. 418 00:24:22,443 --> 00:24:26,523 Kapag sinabihan ko si Nathan, magkakakomparahan ang magkakapatid. 419 00:24:26,603 --> 00:24:27,723 Ayos ang ginagawa mo. 420 00:24:27,803 --> 00:24:28,643 Talaga? 421 00:24:29,323 --> 00:24:31,163 Sa ilang pangyayari. 422 00:24:31,243 --> 00:24:33,963 Syempre, iba ang pananaw mo sa buhay kaysa sa amin. 423 00:24:34,043 --> 00:24:35,443 Ako pa rin 'to. 424 00:24:35,523 --> 00:24:37,683 Na binago ng mga taon sa New York. 425 00:24:37,763 --> 00:24:39,563 Para kang nanghuhusga. 426 00:24:39,643 --> 00:24:42,963 Hindi. Gusto mong makita ang mundo. Ginawa mo nga iyon. 427 00:24:43,043 --> 00:24:45,563 At ako ang pinaka-proud para sa iyo. 428 00:24:46,363 --> 00:24:50,643 - Talaga? - Syempre. Proud at naguguluhan. 429 00:24:51,643 --> 00:24:55,443 - Ikaw naman. - Makakaya namin ito ng papa mo. 430 00:24:56,523 --> 00:24:58,883 Alam mo? Huwag muna tayong mag-usap ngayon. 431 00:24:58,963 --> 00:25:01,043 - Mag-uusap tayo. - Oo naman. 432 00:25:01,803 --> 00:25:04,123 Puntahan mo kaya ang lolo mo tapos ng hapunan? 433 00:25:05,603 --> 00:25:06,883 Sige. 434 00:25:13,483 --> 00:25:15,003 - 'Ayan. - Diyos ko. 435 00:25:15,083 --> 00:25:16,763 Ano namang meron doon? 436 00:25:16,843 --> 00:25:20,043 - Ayos ka lang? - Hindi mo lang basta ilalabas iyon. 437 00:25:20,123 --> 00:25:22,883 Walong taon na tayong magkakilala! 438 00:25:22,963 --> 00:25:25,363 Labis naman ang lumbay, mga binibini. 439 00:25:25,443 --> 00:25:27,363 Tingnan mo ang makatang 'to. 440 00:25:27,443 --> 00:25:29,843 Malaki ang gastos ng magulang ko sa pag-aaral ko. 441 00:25:29,923 --> 00:25:31,963 Tinitiyak lang nila na sulit iyon. 442 00:25:32,043 --> 00:25:33,883 Bale, raket mo 'to? 443 00:25:33,963 --> 00:25:36,923 Nagwe-waitress ako sa weekend. Para may ekstrang deposit. 444 00:25:37,003 --> 00:25:40,563 Ah. Nagpupundar ka ng property? Good luck sa iyo. 445 00:25:41,083 --> 00:25:43,683 - Ano'ng pinakatrabaho mo? - Ito. 446 00:25:44,723 --> 00:25:46,403 Ito na iyon. 447 00:25:46,883 --> 00:25:47,963 Hindi 'to raket. 448 00:25:49,643 --> 00:25:51,003 Mabuti para sa iyo. 449 00:25:52,363 --> 00:25:55,083 Kumusta naman ang ganitong trabaho? 450 00:25:55,763 --> 00:25:58,963 Dapat nakita mo 'yong pagbaba ng signage. "Hindi pwede." 451 00:25:59,043 --> 00:26:01,363 - Sinabi mo pa. - Oo. Pati kay Anna. 452 00:26:01,443 --> 00:26:02,843 - Anna? - Oo. 453 00:26:02,923 --> 00:26:04,803 - Sinabihan ako ni Cassie. - Cassie? 454 00:26:04,883 --> 00:26:07,043 "Hangganan" ko raw, ang sabi niya. 455 00:26:07,123 --> 00:26:10,283 - Memes lang iyon. Grabe. - Pinag-initan naman ako ni Rach. 456 00:26:10,363 --> 00:26:14,443 Walang masama kung gusto nila ng likes, pero ang 1 million followers ko 457 00:26:14,523 --> 00:26:16,563 at blue check mark, kulang pa. 458 00:26:22,283 --> 00:26:24,723 Akalain mo nga naman. Nandito ang whiz kid. 459 00:26:25,243 --> 00:26:27,203 'Di ko alam kung kampi siya kay Rachel. 460 00:26:27,283 --> 00:26:28,803 - Ano sa tingin mo? - Manloloko. 461 00:26:28,883 --> 00:26:31,883 - Manloloko? Tingin mo? - Alam ko. 462 00:26:34,443 --> 00:26:36,243 Kilala ko ang ganyan. 463 00:26:41,483 --> 00:26:43,483 Uy. Tingnan mo kung sino'ng nandito. 464 00:26:43,563 --> 00:26:45,403 Uy, Lolo. 465 00:26:46,923 --> 00:26:48,723 Masaya akong makita ka. 466 00:26:49,283 --> 00:26:50,923 Ano'ng ginagawa mo rito? 467 00:26:51,003 --> 00:26:53,243 - Ano'ng ginagawa niya rito? - Pa, si Rachel. 468 00:26:53,323 --> 00:26:56,003 - Kilala ko siya. - Sabi ko sa iyo, darating siya. 469 00:26:56,083 --> 00:26:58,923 - Huli na. - Nandito siya para sa trabaho. 470 00:26:59,003 --> 00:27:00,843 - Tama. - Hindi lang trabaho. 471 00:27:00,923 --> 00:27:02,123 Hindi para sa amin. 472 00:27:02,203 --> 00:27:06,643 Ni hindi ka makapunta sa anibersaryo ng mga magulang mo, Miss Mapagmataas? 473 00:27:06,723 --> 00:27:07,683 Pa. 474 00:27:07,763 --> 00:27:10,763 Nandito kami. Nasaan ka? 475 00:27:11,683 --> 00:27:13,203 Tumawag ako, hindi ba? 476 00:27:14,083 --> 00:27:15,363 Naaalala ko. 477 00:27:15,443 --> 00:27:19,083 Hindi pa ako makakalimutin, ano man ang naririnig mo rito. 478 00:27:19,163 --> 00:27:21,323 At ni hindi ka man lang nagbihis. 479 00:27:21,403 --> 00:27:23,163 Tatlumpu't limang taon silang kasal, 480 00:27:23,243 --> 00:27:25,803 tapos nakaupo ka lang doon nang naka-pajama. 481 00:27:25,883 --> 00:27:27,123 Gabi roon noon. 482 00:27:27,203 --> 00:27:29,323 Gabi rin dito. Nag-effort tayo. 483 00:27:29,403 --> 00:27:32,683 - Pinilit ni Rachel gumising. - Lagi mo siyang nililigtas. 484 00:27:32,763 --> 00:27:35,203 "Inii-spoil siya ni Julie," lagi sabi ng mama mo. 485 00:27:35,283 --> 00:27:37,443 Kapag 'di mo pinalo, lalaking palalo. 486 00:27:38,243 --> 00:27:40,683 New York. Bihira kang umuwi. 487 00:27:40,763 --> 00:27:43,643 - Walang utang na loob, ganoon iyon. - Pa, sobra naman yata. 488 00:27:45,083 --> 00:27:47,563 - Hindi sobra sa akin. - Hindi ka ba masayang… 489 00:27:47,643 --> 00:27:49,843 Ayos lang, Ma. 490 00:27:56,523 --> 00:27:58,283 Alam mo, Lolo? 491 00:28:01,043 --> 00:28:02,483 Magkakaanak na ako. 492 00:28:03,483 --> 00:28:05,483 Tingnan mo? 493 00:28:08,243 --> 00:28:10,683 Ang una mong apong babae sa tuhod. 494 00:28:15,083 --> 00:28:17,443 - Babae? - Oo. 495 00:28:19,563 --> 00:28:22,403 Walang sinabi ang mama mo. Wala kang sinabi. 496 00:28:22,723 --> 00:28:24,963 Mas magandang sorpresa, ano? 497 00:28:25,043 --> 00:28:26,083 Tingin ko nga. 498 00:28:28,123 --> 00:28:30,283 Napakagandang sorpresa. 499 00:28:31,603 --> 00:28:33,163 Napakaganda. 500 00:28:36,443 --> 00:28:38,203 Ang munti naming Rachel. 501 00:28:40,403 --> 00:28:43,043 Magkakaroon ka na ng sarili mong anak, iha. 502 00:28:43,883 --> 00:28:45,083 Bagong munting Rafter. 503 00:28:47,963 --> 00:28:49,563 Napakahusay. 504 00:28:51,003 --> 00:28:53,763 Napakahusay talaga, Lolo. 505 00:29:03,283 --> 00:29:04,963 Dapat nabalaan kita. 506 00:29:06,203 --> 00:29:07,803 Hindi, hindi mo rin alam. 507 00:29:08,523 --> 00:29:12,843 Akala ko, ayos ang lahat. Hindi talaga natin alam ang aasahan. 508 00:29:12,923 --> 00:29:14,563 Nalusutan mo nang maayos. 509 00:29:15,643 --> 00:29:17,363 Paano mo nagagawa iyon? 510 00:29:18,963 --> 00:29:22,363 Paano mo natitiis ang taong hindi na gaya ng tatay na kilala mo? 511 00:29:22,603 --> 00:29:25,723 Wala kang pagpipilian kapag nagbago na ang taong mahal mo. 512 00:29:25,803 --> 00:29:28,523 Hindi ikaw ang pinupunto ko. 513 00:29:28,883 --> 00:29:30,283 Pero sakto. 514 00:29:32,083 --> 00:29:34,323 Makakabuti sana kung may alam ako. 515 00:29:34,923 --> 00:29:36,003 Kapag handa ka na. 516 00:29:39,323 --> 00:29:42,763 - Pwede na. - Sige. 517 00:29:50,403 --> 00:29:52,843 Hindi lang isang gabi iyon, Ma, 518 00:29:54,763 --> 00:29:56,203 naging kabit ako. 519 00:29:57,403 --> 00:30:01,323 Sabi niya, iiwan niya ang asawa niya, tapos binigyan lang ako ng tseke 520 00:30:01,403 --> 00:30:04,163 at pangalan ng doktor noong sinabi ko sa kanya. 521 00:30:05,803 --> 00:30:08,283 Tapos hindi na ako pinansin. 522 00:30:09,923 --> 00:30:13,043 Pinunit ko ang tseke at pinag-isipan ang doktor. 523 00:30:15,323 --> 00:30:17,443 Ayokong magpalaglag. 524 00:30:22,203 --> 00:30:24,243 Asawa ng ibang tao ang gusto ko. 525 00:30:27,123 --> 00:30:29,283 At ayoko ng pagkadismaya niyo. 526 00:30:29,363 --> 00:30:31,723 - Hindi ako makikialam. - Ma… 527 00:30:31,803 --> 00:30:33,723 Mae-excite ako, syempre. 528 00:30:33,803 --> 00:30:35,923 Hindi ko kailangan no'n. 529 00:30:37,323 --> 00:30:40,123 Kapag naisilang na ang bata, kapag puno ako ng serotonin 530 00:30:40,203 --> 00:30:42,563 tapos 'di ko mapigilang ma-excite, doon, sige. 531 00:30:42,643 --> 00:30:44,643 - 'Di ako makikialam. - Pero makikialam ka. 532 00:30:44,723 --> 00:30:46,043 Iyon ka. 533 00:30:47,563 --> 00:30:48,723 Gaya ngayon. 534 00:30:48,803 --> 00:30:51,643 Tinanong mo ba sina Nathan at Ben kung kailangan ka rito? 535 00:30:52,043 --> 00:30:54,283 Pero nandito ka. At naroon si Papa. 536 00:30:54,363 --> 00:30:58,203 - Higit pa iyon doon. - Alam ko, pero parang ganoon. 537 00:30:59,163 --> 00:31:00,563 Hindi mo mapigilan. 538 00:31:00,643 --> 00:31:02,923 Awtomatiko na sa iyo ang pagiging ina. 539 00:31:03,643 --> 00:31:06,043 Hindi ko kailangan iyon. 540 00:31:07,203 --> 00:31:08,163 Kuha ko na. 541 00:31:08,243 --> 00:31:10,603 - Kung malupit iyon… - Hindi… 542 00:31:10,683 --> 00:31:14,763 Pagkapanganak ko, ipapakita ko syempre kay Lola. Syempre naman. 543 00:31:14,843 --> 00:31:16,083 Syempre. 544 00:31:18,323 --> 00:31:20,523 Dapat marinig mo ang sasabihin ng papa mo. 545 00:31:21,083 --> 00:31:22,043 Oo. 546 00:31:22,123 --> 00:31:24,043 At pareho nating kailangan ng tsaa. 547 00:31:38,203 --> 00:31:40,803 Babalik ba siya dala ang inumin? 548 00:31:40,883 --> 00:31:42,603 May iba siyang iniisip. 549 00:31:42,683 --> 00:31:43,803 Nag-uusap lang sila. 550 00:31:43,883 --> 00:31:45,883 - Gustong-gusto niya siya. - Oo. 551 00:31:45,963 --> 00:31:49,643 - Bata, single, ayos lang naman. - Wala silang hangganan doon. 552 00:31:49,723 --> 00:31:51,523 Tingin mo, sumisipsip siya kay Rach? 553 00:31:51,603 --> 00:31:53,643 - Oo naman. - Para namang alam mo. 554 00:31:53,723 --> 00:31:55,243 Kilala ko ang gaya niya, okay? 555 00:31:55,323 --> 00:31:59,043 Maganda ang pakikitungo niya sa atin. Bonus point kay boss. 556 00:31:59,123 --> 00:32:01,963 - Parang 'di niya boss si Rach. - Alam mo na iyon. 557 00:32:02,043 --> 00:32:04,403 Oo, sumisipsip siya para makaangat. 558 00:32:05,963 --> 00:32:06,803 Pare. 559 00:32:08,363 --> 00:32:10,523 - Nakakatawa. - Hindi mo pa siya nakakausap. 560 00:32:10,603 --> 00:32:12,883 Kasi kinakausap niya si Anna. 561 00:32:12,963 --> 00:32:15,083 Akala ko, kasama natin siya. 562 00:32:18,003 --> 00:32:20,123 Kailangan niya ng tulong doon. 563 00:32:20,203 --> 00:32:21,923 Mas maganda, umuwi na tayo. 564 00:32:22,003 --> 00:32:23,003 - Hindi. - Oo. 565 00:32:23,083 --> 00:32:26,123 - Hindi. - Oo. 566 00:32:29,723 --> 00:32:31,363 Sige, sugurin mo, Nathan. 567 00:32:32,323 --> 00:32:36,203 Oo. Nasa bucket list ko iyon. Gusto ko talagang makapunta roon. 568 00:32:36,283 --> 00:32:38,003 Hanapin mo ako kapag nakapunta ka. 569 00:32:38,643 --> 00:32:41,323 Babaeng may prinsipyo. Iyan ang gusto kong makita. 570 00:32:41,403 --> 00:32:43,203 Dadalhin ko na ito roon. 571 00:32:43,283 --> 00:32:46,163 "Hangganan" daw. Kailangang igalang ang mga hangganan. 572 00:32:46,243 --> 00:32:49,683 Mukhang nagbabago iyon kapag bata at guwapo. 573 00:32:49,763 --> 00:32:53,563 Biglang nawawala. Hangganan? Ni hindi ko nga ma-spell iyon. 574 00:32:53,643 --> 00:32:54,883 Okay. Alis na tayo rito. 575 00:32:54,963 --> 00:32:57,363 Kung may sasabihin siya, sige lang. 576 00:32:57,443 --> 00:32:59,683 Hindi. Huwag mo siyang pansinin. 577 00:32:59,763 --> 00:33:02,483 - Isasakay ko lang siya sa taxi. - Ako na. 578 00:33:03,123 --> 00:33:06,683 Kung sinusulsulan niyo siya, parehas kayong dapat sipain. 579 00:33:07,603 --> 00:33:11,403 - Para lang alam mo, ako, hindi. - At dapat masampal si Nathan. 580 00:33:13,083 --> 00:33:15,763 - Manloloko ka. - Kung iyan ang iniisip mo. 581 00:33:15,843 --> 00:33:20,003 Iyan mismo ang sasabihin ng manloloko. Kilala kita. 582 00:33:20,083 --> 00:33:22,523 Alam mo, ganyan ako dati. 583 00:33:22,603 --> 00:33:25,523 Napakalaki ng mundo noon para sa akin. 584 00:33:27,763 --> 00:33:29,683 In-enjoy ko nang sobra. 585 00:33:32,043 --> 00:33:35,523 At ano 'yong kalokohang pupunta ka sa amin? 586 00:33:35,963 --> 00:33:38,243 Ano, gusto mo ba ng promotion? 587 00:33:54,443 --> 00:33:55,963 Salamat sa babala. 588 00:33:56,043 --> 00:33:58,323 Sa amin muna si Edward ngayong gabi. 589 00:33:59,363 --> 00:34:00,603 Hayan. 590 00:34:02,483 --> 00:34:05,643 'Ayan, anak. May balde ako rito. 591 00:34:05,723 --> 00:34:07,283 Love you, Ma. 592 00:34:07,363 --> 00:34:09,683 Eksena sa gabi sa bawat bayan sa Australia. 593 00:34:10,243 --> 00:34:11,843 Ritwal ng lalaking Australian. 594 00:34:11,923 --> 00:34:13,923 Ginusto kong makilala ang pamilya. 595 00:34:21,723 --> 00:34:25,963 Kapag may napasok tayong gulo, parang gusto nating itago iyon. 596 00:34:26,643 --> 00:34:29,443 Pero ang unang hakbang ay itama iyon. 597 00:34:31,523 --> 00:34:33,923 Sabi ni Mama, pupuntahan mo raw si Papa. 598 00:34:34,003 --> 00:34:36,163 Oo. Baka makausap ko siya. 599 00:34:36,203 --> 00:34:39,243 Oo. Good luck. Hinayaan na nga lang namin sila roon. 600 00:34:39,363 --> 00:34:40,963 Pakikinggan ko bawat panig. 601 00:34:41,043 --> 00:34:43,843 Ang lungkot na may mga panig. Bueno… 602 00:34:43,923 --> 00:34:44,923 Oo. 603 00:34:45,683 --> 00:34:49,563 Pasensya na. Hindi ko napansing lasing na si Nathan hanggang huli na. 604 00:34:49,643 --> 00:34:53,163 Kung hihingi tayo ng paumanhin, tanggapin mo ang akin. 605 00:34:53,803 --> 00:34:57,443 Hindi ko naisip na may epekto kay Cassie ang pagpunta nang ganito. 606 00:34:57,523 --> 00:34:58,363 Ayos lang. 607 00:35:00,523 --> 00:35:03,363 Magkano ang IVF? Ako na ang bahala. 608 00:35:03,443 --> 00:35:06,203 Kailangan sa pamilyang 'to ang may magandang relasyon. 609 00:35:06,243 --> 00:35:09,803 Sa ating lahat, kayo lang ni Cassie ang pwede niyon. 610 00:35:09,883 --> 00:35:11,563 Huwag kang ma-pressure. 611 00:35:11,643 --> 00:35:15,363 Pwedeng regalo, utang, kung paanong gusto mo. 612 00:35:15,443 --> 00:35:17,803 Alam kong ayaw mong tumanggap ng pera ko… 613 00:35:17,883 --> 00:35:20,043 Hindi. Ito ang gusto ni Cassie. 614 00:35:20,123 --> 00:35:22,043 Hindi ko mabibigay sa kanya 'to. 615 00:35:24,203 --> 00:35:27,603 Isang patunay kung bakit laging panalo sa relasyon si Ben. 616 00:35:28,403 --> 00:35:29,683 Salamat. 617 00:35:31,083 --> 00:35:33,683 Tatawagan ko siya. Masisiyahan siya. 618 00:35:33,723 --> 00:35:35,683 Ayos lang sa iyong dalawa sila? 619 00:35:35,723 --> 00:35:38,843 Oo. Pero ayos lang kayo ni Rach? 620 00:35:38,923 --> 00:35:41,683 Sasabihin niya. Darating siya mamayang gabi. 621 00:35:41,803 --> 00:35:44,403 Hindi na ako makapaghintay. Basta ayos ka lang. 622 00:35:44,963 --> 00:35:47,443 Gaya ng inaasahan. Paalam. 623 00:35:48,123 --> 00:35:49,123 Paalam. 624 00:36:09,163 --> 00:36:11,723 Hindi sa humihingi ako ng tawad o ano man. 625 00:36:11,843 --> 00:36:14,643 Bakit? Maglasing ka pa kung ganito ang mangyayari. 626 00:36:14,683 --> 00:36:18,523 - Hindi. Hindi na dapat. - Kakatawag ko lang sa papa mo. 627 00:36:19,523 --> 00:36:22,923 - Tiyak akong natuwa siya. - Papunta si Rachel doon ngayon. 628 00:36:23,003 --> 00:36:24,443 Sumama ka dapat. 629 00:36:24,563 --> 00:36:26,003 - Hindi pwede. - Pwede. 630 00:36:26,083 --> 00:36:29,323 Hindi ko pwedeng pahintuin si Edward. Unang linggo niya. 631 00:36:29,403 --> 00:36:31,603 May field trip sa zoo na kasama ang pamilya. 632 00:36:31,683 --> 00:36:35,483 Ako na. Gusto ko ang zoo. Gusto ni Edward na kasama kami rito. 633 00:36:41,683 --> 00:36:45,123 Tingin ko, kailangan mo ng pagbabago para makapagisip-isip. 634 00:36:46,043 --> 00:36:48,123 Hindi nakakabuti sa iyo ang ganito. 635 00:36:51,603 --> 00:36:54,083 Nasisira na ang buhay ko, Ma. 636 00:36:56,643 --> 00:36:57,683 Alam ko. 637 00:37:03,683 --> 00:37:06,523 Parang di magandang ideya ang pagtatrabaho bilang waiter. 638 00:37:06,603 --> 00:37:08,003 Oo. 639 00:37:09,363 --> 00:37:11,323 At ang pagharap kay Anna… 640 00:37:11,803 --> 00:37:15,243 Baka 'di rin mabuti para sa akin. 641 00:37:16,043 --> 00:37:17,443 Kaya pumunta ka sa Buradeena. 642 00:37:20,523 --> 00:37:23,323 'Di papayag si Rachel na makasabay ako nang limang oras. 643 00:37:23,403 --> 00:37:26,323 Marami kang oras manhingi ng tawad para sa pagsuka 644 00:37:26,403 --> 00:37:28,123 sa kasamahan niya. 645 00:37:42,683 --> 00:37:46,883 Pwedeng diretsahan na tayo? Sorry, sorry talaga. 646 00:37:46,963 --> 00:37:48,803 Hindi ikaw si Justin. 647 00:37:48,883 --> 00:37:50,043 Alam ko. 648 00:37:51,003 --> 00:37:52,243 Ano ako? 649 00:37:53,123 --> 00:37:54,923 May limang oras tayo para pag-usapan. 650 00:37:55,643 --> 00:37:57,123 "Ano ako?" "Ano ang Mama?" 651 00:37:58,323 --> 00:37:59,923 Mahabang usapan. 652 00:38:00,803 --> 00:38:02,163 Sinabi mo pa. 653 00:38:10,043 --> 00:38:12,963 Baliw talaga ang bayaw mo. 654 00:38:14,683 --> 00:38:17,323 Binigyan kami ni Rachel ng pera para sa IVF. 655 00:38:17,403 --> 00:38:19,243 Hanggang sa makabuo kami. 656 00:38:20,563 --> 00:38:23,203 Hindi ka na makakatakas ngayon. 657 00:38:43,803 --> 00:38:45,563 May sasabihin ako sa iyo. 658 00:38:46,363 --> 00:38:49,083 - Ano? - Alam mo ang nangyari kay Justin? 659 00:38:50,163 --> 00:38:51,203 Nainggit ako. 660 00:38:52,363 --> 00:38:54,683 Siya ang ako noon. 661 00:38:54,803 --> 00:38:57,843 Saan na napunta ang ako na iyon? 662 00:38:57,923 --> 00:39:01,563 Saan ako napunta? 'Yong batang inisip na ang corner office sa Sydney 663 00:39:01,643 --> 00:39:03,043 ay rurok ng tagumpay? 664 00:39:03,123 --> 00:39:04,923 Paano ko siya naiwala? 665 00:39:11,043 --> 00:39:13,563 Alam mo ang iniisip ko tuwing gabi? 666 00:39:13,963 --> 00:39:15,163 Di ko alam kung gusto ko. 667 00:39:18,243 --> 00:39:22,123 Kapag naii-stress ako, kakaisip kung paano ko gagawin ito, 668 00:39:22,203 --> 00:39:27,563 at nagkamali ba ako nang sobra, iniisip ko, tingnan mo si Nathan. 669 00:39:28,163 --> 00:39:30,483 Sobrang ayos ng pagpapalaki niya kay Edward. 670 00:39:30,803 --> 00:39:32,843 At halos ikaw lang lahat iyon. 671 00:39:34,043 --> 00:39:35,443 Mahusay siyang bata. 672 00:39:37,923 --> 00:39:41,483 Alam kong marami kang inasahan na hindi natupad, 673 00:39:41,923 --> 00:39:43,083 pero nariyan si Edward. 674 00:39:45,043 --> 00:39:47,723 Sana lang maging kasinggaling mo ako. 675 00:39:49,803 --> 00:39:52,523 Parang sobrang papuri naman iyan kaysa sa nararapat. 676 00:39:56,163 --> 00:39:59,203 Alam kong sobrang gulo ng lahat. 677 00:39:59,323 --> 00:40:01,443 Parang pareho tayong patapon? 678 00:40:02,123 --> 00:40:03,483 Mga problemado lang. 679 00:40:04,163 --> 00:40:08,243 Parang naririnig ko ang boss ko. O, 'di ba? May resulta ang transparency. 680 00:40:09,963 --> 00:40:12,403 Ngayon, papunta ka na sa bagong kabanata 681 00:40:12,483 --> 00:40:14,083 na pwedeng mangyari kaninuman. 682 00:40:25,243 --> 00:40:28,443 Papa! Hi! 683 00:40:30,243 --> 00:40:31,683 Tingnan mo 'to. 684 00:40:33,443 --> 00:40:34,603 Uy, Pa. 685 00:40:45,603 --> 00:40:47,043 Alam ko na ba't gusto mo rito. 686 00:40:47,843 --> 00:40:49,163 Hindi mo tipo? 687 00:40:50,403 --> 00:40:52,243 Mas gaya ako ni Mama kaysa sa iyo. 688 00:40:57,363 --> 00:40:58,683 Ano'ng mangyayari? 689 00:40:59,563 --> 00:41:00,803 Sa amin? 690 00:41:02,603 --> 00:41:03,803 Ewan. 691 00:41:09,563 --> 00:41:11,443 Ang mama mo ang may kontrol. 692 00:41:12,563 --> 00:41:13,803 Palagi. 693 00:41:14,403 --> 00:41:16,083 Ayos lang naman sa akin. 694 00:41:17,203 --> 00:41:19,403 Masaya akong hinahayaan siya. 695 00:41:22,003 --> 00:41:23,163 Ngayon, hindi. 696 00:41:27,083 --> 00:41:29,643 Ako 'to. 697 00:41:30,363 --> 00:41:33,563 Hindi ako aalis at baka may milagro siyang 698 00:41:33,643 --> 00:41:36,323 matanto kahit parang imposible. 699 00:41:38,203 --> 00:41:44,203 Kung 'di mangyari iyon, talo kami pareho at tatanda kaming nag-iiringan, 700 00:41:45,483 --> 00:41:48,363 nagsasagutan hanggang kamatayan. 701 00:41:48,443 --> 00:41:50,563 - Pa. - Pwedeng mangyari iyon. 702 00:41:53,043 --> 00:41:54,883 Mainam nang hayaan ko siya, 703 00:41:55,883 --> 00:41:57,563 at mahalin siya sa ibang paraan, 704 00:41:57,643 --> 00:42:00,963 kaysa sumama sa kanya at manganib na maiwala iyon. 705 00:42:03,963 --> 00:42:06,083 Ngayon lang kita narinig na ganyan. 706 00:42:08,443 --> 00:42:11,043 Hindi naglalabas ng emosyon ang isang lalaki. 707 00:42:11,243 --> 00:42:13,203 Mukha nga. 708 00:42:16,403 --> 00:42:17,323 Mahal ko iyon. 709 00:42:20,403 --> 00:42:22,323 Mahal ka rin ng lalaking iyon. 710 00:42:28,363 --> 00:42:29,923 At kung hindi mo masolusyunan? 711 00:42:34,883 --> 00:42:36,083 Diborsiyo. 712 00:42:37,443 --> 00:42:38,683 Posible iyon. 713 00:42:42,123 --> 00:42:45,203 Sana hindi ko masabi iyon sa mama mo. 714 00:42:50,243 --> 00:42:53,403 Hindi ito ang bagong kuwento na nasa isip ko. 715 00:42:53,483 --> 00:42:57,923 Kung paano ko maaayos iyon, hindi ko pa alam. 716 00:43:57,323 --> 00:43:59,323 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Jessica Ignacio 717 00:43:59,403 --> 00:44:01,403 Mapanlikhang Superbisor Maribeth Pierce