1 00:00:13,661 --> 00:00:14,821 Kasagsagan na ng tag-init, 2 00:00:14,901 --> 00:00:18,220 at ang normal na araw sa bukid ay ganito ang hitsura. 3 00:00:21,781 --> 00:00:24,941 Nagising ako ng 6:30 at matapos magkape, 4 00:00:25,021 --> 00:00:27,981 nagsimula na para ilabas ng bahay ang mga manok. 5 00:00:28,060 --> 00:00:29,060 Gandang umaga. 6 00:00:29,141 --> 00:00:32,861 Pabalik, pumitas ako ng ilang mushroom para sa tanghalian ko. 7 00:00:32,941 --> 00:00:35,460 At nagpatuloy sa pagpapakain sa mga isda. 8 00:00:36,981 --> 00:00:37,981 8.45 ng umaga 9 00:00:38,060 --> 00:00:40,981 Balik sa bahay, nagsimula ako sa recipe ng tomato sauce 10 00:00:41,060 --> 00:00:43,380 na ginagawa ko para sa farm shop. 11 00:00:43,460 --> 00:00:45,941 Nagdagdag ako ng mga sili at sariwang coriander 12 00:00:46,021 --> 00:00:48,021 at iniwan ito sa mahinang init, 13 00:00:49,100 --> 00:00:53,780 habang inaayos ko ang bakod na sabi ng nangangaso, 'di nagiba noong taglamig. 14 00:00:54,420 --> 00:00:55,261 10.20 ng umaga 15 00:00:55,341 --> 00:00:59,341 Tapos tinabas ko ang mga wildflower dahil iyan ang gawain ng mga hardinero, 16 00:00:59,420 --> 00:01:01,700 hintayin hanggang gumanda ang mga halaman, 17 00:01:01,780 --> 00:01:04,900 tapos ay putulin ang mga ito, para 'di na uli sila maganda. 18 00:01:06,021 --> 00:01:09,021 Pagkatapos, pumili ako ng ilang gulay para ibenta ni Lisa 19 00:01:09,100 --> 00:01:10,941 sa ilang kostumer namin sa Atlanta. 20 00:01:11,060 --> 00:01:14,941 Nakakita ako ng bungkos ng rhubarb, kaya pinulot ko na rin. 21 00:01:16,141 --> 00:01:18,301 At kaagad kong dinala ko sa shop. 22 00:01:18,421 --> 00:01:20,661 Ito ang rhubarb na kailangang hugasan. 23 00:01:20,740 --> 00:01:23,941 Itinapon ko lahat ng mga pinitas ko noong isang araw, 24 00:01:24,021 --> 00:01:27,581 dahil 'di na mabenta, at wala nang may gusto ng gulay ngayon. 25 00:01:32,301 --> 00:01:35,340 11.50 ng umaga 26 00:01:38,740 --> 00:01:44,541 Hinalo ko ang sarsa ng kamatis bago umalis para tingnan ang mga bubuyog. 27 00:01:44,620 --> 00:01:46,301 Umalis kayo riyan. 28 00:01:47,380 --> 00:01:49,141 At ang mga tupa. 29 00:01:50,541 --> 00:01:53,661 Pagtapos, sinimulan ko ang malaking trabaho ng araw na 'yon. 30 00:01:53,740 --> 00:01:55,460 Palagi namang mayroon. 31 00:01:55,541 --> 00:01:59,900 Ngayon, aalisin ko ang lahat ng dayami at ang mga tae ng tupa sa kamalig. 32 00:01:59,981 --> 00:02:03,021 Pero wala akong timba para sa harap ng traktora, 33 00:02:03,100 --> 00:02:06,340 sasabihan ko si Kaleb na kunin ang snowplow sa kabilang kamalig. 34 00:02:06,421 --> 00:02:09,940 -Bakit hindi pwede? -Hindi kasya ang Lamborghini dito. 35 00:02:10,021 --> 00:02:12,340 Napansin ko agad na 'di siya masaya, 36 00:02:12,421 --> 00:02:15,541 dahil iniisip niyang masyadong komplikado ang traktora ko. 37 00:02:15,620 --> 00:02:16,981 Bwisit 'yang traktora mo. 38 00:02:17,981 --> 00:02:21,261 Nang kinakain ko na ang mga kabute, na pinitas ko kanina 39 00:02:21,340 --> 00:02:24,541 at niluto sa cream sauce at inihain sa sourdough toast, 40 00:02:24,620 --> 00:02:26,620 na may ilang parsley mula sa hardin, 41 00:02:26,701 --> 00:02:28,620 tumawag ang mga kasamahan ko 42 00:02:28,740 --> 00:02:32,021 at sinabing nakakawala ang mga tupa at nasa kalsada. 43 00:02:33,581 --> 00:02:37,421 Kaya pumunta ako roon at nakitang 'di nakakawala ang mga tupa. 44 00:02:38,460 --> 00:02:42,421 Pero mabuti at kasya ang plow sa harap ng traktora, 45 00:02:42,460 --> 00:02:44,821 kaya dumiretso ako sa kamalig ng tupa at agad, 46 00:02:44,900 --> 00:02:47,460 nadiskubreng hindi ito kasya roon. 47 00:02:48,301 --> 00:02:49,981 Ay, lintik. 48 00:02:50,060 --> 00:02:52,620 Pinagkasya ko ang 80-taong-gulang na deathtrap 49 00:02:52,701 --> 00:02:55,900 sa likod ng traktora ni Lisa para 'yon ang gamitin. 50 00:02:55,981 --> 00:02:57,941 6.25 ng hapon 51 00:02:58,021 --> 00:03:02,620 Gumagabi na, nagmadali akong umuwi para lagyan ng pampalasa ang sarsa ng kamatis, 52 00:03:02,701 --> 00:03:07,421 bago pakainin uli ang mga isda, at kolektahin ang mga itlog. 53 00:03:08,620 --> 00:03:11,861 At tapos, natulog na, dahil alam kong sa mga susunod na araw... 54 00:03:13,340 --> 00:03:15,740 magiging abalang-abala kami. 55 00:03:21,180 --> 00:03:25,581 KABANATA 8 ANG PAG-AANI 56 00:03:29,941 --> 00:03:32,780 Isa sa dagdag na trabaho sa aming bagong abalang buhay 57 00:03:32,861 --> 00:03:37,220 ay ang pagsusuri ng halumigmig ng mga halaman araw-araw. 58 00:03:37,301 --> 00:03:42,421 At dahil nasa bakasyon si Charlie, kami ni Kaleb ang gumagawa nito. 59 00:03:42,500 --> 00:03:45,100 -Ang bihasang magsasaka... -Oo. 60 00:03:45,180 --> 00:03:49,620 ...kayang sabihin kung gaano kahalumigmig ang pananim sa pagkagat lang nito, 'di ba? 61 00:03:49,701 --> 00:03:53,060 Oo, ganito lang. Nakita kong ginagawa nila. 62 00:03:53,141 --> 00:03:55,821 Binubuksan nila, at napakaseryoso nila kapag ginagawa ito. 63 00:03:55,900 --> 00:03:57,500 Ganito sila... 64 00:03:59,340 --> 00:04:00,581 "12 'yan." 65 00:04:00,660 --> 00:04:03,740 -At tama sila. Alam nila? -Oo, syempre. 66 00:04:03,821 --> 00:04:06,780 Hindi ko magagawa iyan, dahil hindi ako bihasang magsasaka. 67 00:04:06,861 --> 00:04:09,261 -Hindi. -At hindi mo magagawa, 'di ka bihasa. 68 00:04:09,340 --> 00:04:10,780 Kaya may makina tayo. 69 00:04:10,861 --> 00:04:12,460 Nakagamit ka na ba nito? 70 00:04:13,261 --> 00:04:14,581 Isipin ko muna. 71 00:04:14,660 --> 00:04:18,220 Tingnan mo ito, lalagyan natin 'yan ng rape. 72 00:04:21,821 --> 00:04:22,780 Pupunuin? 73 00:04:22,821 --> 00:04:26,261 Pwede ba nating layan ng caption, "Makalipas ang ilang oras"? 74 00:04:27,900 --> 00:04:30,540 MAKALIPAS ANG ILANG ORAS... 75 00:04:31,381 --> 00:04:32,540 Mayroon pa? 76 00:04:35,220 --> 00:04:37,621 Ganyan, tingnan mo. Tapos... 77 00:04:38,381 --> 00:04:40,821 Kaya, kung sinasabi nitong mababa sa anim, 78 00:04:40,941 --> 00:04:43,141 patay na tayo, 'di tayo makakaani. 79 00:04:43,220 --> 00:04:44,780 -Oo. -Kung higit pa sa... 80 00:04:44,821 --> 00:04:46,261 -Siyam. -...siyam. 81 00:04:46,340 --> 00:04:48,141 Masyadong basa at walang kukuha. 82 00:04:48,220 --> 00:04:50,941 Handa ka na ba? Sige, subok lang. 83 00:04:54,261 --> 00:04:57,381 8% ang halumigmig, nangangahulugang? 84 00:04:57,501 --> 00:04:59,821 Eksakto. Kailangan na nating umalis dito. 85 00:05:01,061 --> 00:05:02,660 Tara na! 86 00:05:04,100 --> 00:05:07,460 Pero, sa totoo lang, hindi namin magagawa ito. 87 00:05:08,660 --> 00:05:12,621 Para anihin ang rape, kailangan ko ng combine harvester, 88 00:05:12,701 --> 00:05:14,141 at hindi pa ako nakakuha 89 00:05:14,220 --> 00:05:16,701 dahil 250,000 pounds ito, 90 00:05:16,780 --> 00:05:18,381 kaya magrerenta na lang ako. 91 00:05:19,141 --> 00:05:22,261 Pero ang problema, halos lahat ng magsasaka sa lugar 92 00:05:22,340 --> 00:05:25,821 ay tsinetsek ang halumigmig 93 00:05:25,900 --> 00:05:28,581 at iisa ang nagiging konklusyon, 94 00:05:28,660 --> 00:05:30,821 at magrerenta rin ng harvester. 95 00:05:34,340 --> 00:05:37,780 Pagbalik sa opisina, 'eto na ang kinatatakutan ko. 96 00:05:39,261 --> 00:05:40,261 Tatlong araw? 97 00:05:40,821 --> 00:05:42,780 Wala kang magagawa bago iyon? 98 00:05:42,861 --> 00:05:44,701 'Wag na, may numero niya ako. 99 00:05:46,861 --> 00:05:48,501 Oo, tama ang hula mo. 100 00:05:48,581 --> 00:05:49,900 Hindi, alam ko. 101 00:05:51,980 --> 00:05:54,941 Inuuna niya ang sakahan niya. 102 00:05:57,261 --> 00:05:59,741 Sige, okay, hindi, salamat. 103 00:06:05,821 --> 00:06:10,581 Lumabas ako at kahit saan ako tumingin, may paalala 104 00:06:10,660 --> 00:06:14,061 na ako talaga ang baguhan dito sa amin. 105 00:06:14,540 --> 00:06:17,860 'Ayun, may combine doon at doon. 106 00:06:19,821 --> 00:06:21,381 'Ayun pa. 107 00:06:21,460 --> 00:06:23,780 Ang bawat sakahan ay may combine. 108 00:06:27,061 --> 00:06:30,141 Patapos na ang hapon, wala ring nangyari. 109 00:06:30,220 --> 00:06:32,340 ...37, 42... 110 00:06:32,420 --> 00:06:37,420 Buti na lang natiyempuhan ni Kaleb ang kaibigang tatawagin kong "Hesus," 111 00:06:37,501 --> 00:06:40,581 kahit Simon ang pangalan niya. 112 00:06:41,220 --> 00:06:44,220 May dalawang sakahan na lang ako na paggagamitan nito, 113 00:06:44,300 --> 00:06:46,900 pwede kong gawin ang sa'kin ngayong gabi. 114 00:06:46,980 --> 00:06:47,821 Oo. 115 00:06:47,900 --> 00:06:50,061 At pagkatapos, sa iyo bukas. 116 00:06:50,141 --> 00:06:51,941 At pwede na kaming magputol. 117 00:06:54,780 --> 00:06:56,100 Kinaumagahan, 118 00:06:57,141 --> 00:07:00,980 naayos na namin ang combine, kaya kikilos na kami. 119 00:07:01,061 --> 00:07:03,420 -Ang galing nito. -Oo, tingnan mo ang araw. 120 00:07:03,501 --> 00:07:04,340 Oo nga. 121 00:07:08,261 --> 00:07:10,900 Dadaan dito ang mga traktora buong araw, 122 00:07:10,980 --> 00:07:14,061 kaya aalisin ko muna ang gatepost para madali. 123 00:07:17,741 --> 00:07:20,941 Medyo... Oo, ganyan nga ginawa ko. 124 00:07:21,021 --> 00:07:23,780 -Mukhang 'di naman. -Binuhat ko... 125 00:07:27,261 --> 00:07:29,460 Ito na ang araw mo, Lambo. 126 00:07:30,701 --> 00:07:32,941 Ito ang inaasahan naming gagawin. 127 00:07:41,180 --> 00:07:42,501 8.9. 128 00:07:44,021 --> 00:07:45,780 Ikakabit ko na. 129 00:07:47,420 --> 00:07:48,780 Matapos ang isang buong taon 130 00:07:48,861 --> 00:07:51,621 ng panonood kay Kaleb nang pagkakabit sa traktora, 131 00:07:51,701 --> 00:07:56,780 mukhang wala akong problema sa pagkabit ng Lambo sa inupahang trailer. 132 00:08:01,741 --> 00:08:05,621 Ganito, tapos ganyan, 'di ganyan. 133 00:08:12,621 --> 00:08:14,821 Ayaw mahila. 134 00:08:14,900 --> 00:08:17,181 May hindi ako nagawa. 135 00:08:17,261 --> 00:08:18,581 Ano kaya ang nalimutan ko? 136 00:08:19,980 --> 00:08:20,860 Hindi iyan. 137 00:08:21,621 --> 00:08:23,460 Iisa lang ang solusyon. 138 00:08:24,420 --> 00:08:25,980 Ipagawa kay Kaleb. 139 00:08:26,061 --> 00:08:28,300 Teka, sandali! Oops! 140 00:08:30,460 --> 00:08:32,461 'Ayan, handa ka na. 141 00:08:34,501 --> 00:08:37,021 Kaya nagpunta na kami sa farm shop 142 00:08:37,101 --> 00:08:39,900 para katagpuin si Hesus. 143 00:08:42,660 --> 00:08:46,180 Biyernes na ngayon, 11:40. 144 00:08:46,261 --> 00:08:50,180 May namumuong sama ng panahon sa Linggo ng umaga. 145 00:08:50,261 --> 00:08:55,461 Kaya susubukan naming mag-ani sa apat at kalahating araw. 146 00:08:57,101 --> 00:08:58,861 Mukhang mapapagod kami ngayon. 147 00:09:07,741 --> 00:09:09,981 'Di gumagana ang aircon ko. 148 00:09:10,060 --> 00:09:12,861 At wala akong oras ayusin ito. 149 00:09:12,900 --> 00:09:15,261 Pwedeng ganyan, o ganyan. 150 00:09:15,981 --> 00:09:17,300 Okey na 'yan. 151 00:09:25,981 --> 00:09:30,381 Baka magdamag tayong magtatrabaho ngayon. 152 00:09:30,461 --> 00:09:32,621 May toilet paper doon. 153 00:09:32,660 --> 00:09:35,741 Kung kulangin ka, sabihin mo lang, okey? 154 00:09:35,780 --> 00:09:38,221 -Nagdala ka talaga ng toilet paper? -Oo. 155 00:09:38,660 --> 00:09:41,221 Lagi akong nauubusan n'yan. 156 00:09:41,300 --> 00:09:42,221 Tingnan mo! 157 00:09:43,780 --> 00:09:45,900 May combine harvester na tayo. 158 00:09:50,660 --> 00:09:51,660 'Eto na. 159 00:09:54,621 --> 00:09:56,621 -Si Simon 'yan. -Si Simon 'yan. 160 00:10:09,381 --> 00:10:12,780 Nasabihan ka ba niya kung paano gagawin? Tuloy-tuloy ba 'to? 161 00:10:12,861 --> 00:10:13,660 Oo. 162 00:10:14,741 --> 00:10:18,780 Pinag-usapan namin ang isang isyu na mukhang mas mabigat pa. 163 00:10:18,861 --> 00:10:22,660 'Di ito pangkaraniwang taon para sa barley at sa rape 164 00:10:22,780 --> 00:10:24,540 na pwede nang magkasabay anihin. 165 00:10:24,660 --> 00:10:27,141 -Oo. Halos kakaiba. -Sobrang 'di pangkaraniwan. 166 00:10:27,221 --> 00:10:31,900 -Karaniwan, handa na ang barley nang... -Dalawa o tatlong linggong mas maaga. 167 00:10:32,021 --> 00:10:33,540 -At pagkatapos ang rape... -Oo. 168 00:10:33,621 --> 00:10:35,900 -Baka dahil lang sa tuyot na tagsibol? -Oo. 169 00:10:52,621 --> 00:10:53,780 'Eto na. 170 00:11:02,021 --> 00:11:03,621 Tumatakbo na kami. 171 00:11:09,300 --> 00:11:10,940 Ang unang ani ko. 172 00:11:14,501 --> 00:11:16,940 Napakagaling na combine n'yan, hindi ba? 173 00:11:17,021 --> 00:11:18,180 Kahanga-hanga. 174 00:11:18,261 --> 00:11:20,780 Tama ka, ibig kong sabihin, para maputol mo 'yan, 175 00:11:20,861 --> 00:11:23,221 bubuksan ang pod, kunin ang napakaliliit-- 176 00:11:23,300 --> 00:11:26,021 'Yang napakalaking makina, kukunin ang maliliit na buto, 177 00:11:26,101 --> 00:11:29,981 "Hindi kailangan ang mga 'yan, pero kailangan iyon." 178 00:11:30,060 --> 00:11:33,461 At sinusukat kung gaano karaming binhi ang nakuha. 179 00:11:33,540 --> 00:11:37,101 Ano lang... Nakakamangha ang pagsasaka, 'di ba? 180 00:11:37,180 --> 00:11:39,300 Ang taas ng Adrenaline, excited ako. 181 00:11:39,381 --> 00:11:42,981 Punta ka nang 3:00 sa umaga, pupunta pa rin ako. 182 00:11:43,060 --> 00:11:44,621 Wala ka namang gagawin. 183 00:11:47,501 --> 00:11:50,381 Nang malapit nang mapuno ang combine, 184 00:11:51,381 --> 00:11:53,580 pumosisyon na si Kaleb. 185 00:11:57,981 --> 00:11:59,540 Sige, hinto ka na diyan. 186 00:12:03,180 --> 00:12:05,540 Iyan ang sa unang lot. 187 00:12:09,501 --> 00:12:13,300 At nang makapuno na ng dalawang payload mula sa combine... 188 00:12:19,261 --> 00:12:21,780 dumiretso siya sa kamalig para idiskarga ito. 189 00:12:24,261 --> 00:12:28,021 At habang nakikipagbuno sa lumang trailer ko... 190 00:12:29,700 --> 00:12:31,021 Diyos ko. 191 00:12:34,461 --> 00:12:37,940 ...iniisip ko sa sarili kong magtatagumpay ako sa unang takbo ko. 192 00:12:39,780 --> 00:12:41,101 Dito lang ako. 193 00:12:43,780 --> 00:12:48,381 Nakabukas ang dilaw na ilaw niya, ibig sabihin, 80% na puno ang tangke niya. 194 00:12:48,780 --> 00:12:53,420 Heto na ako. Ito na ang sandali. 195 00:12:55,540 --> 00:12:57,221 Heto na ako. 196 00:12:57,300 --> 00:12:59,940 Mabagal lang ako. 197 00:13:05,741 --> 00:13:08,861 Sa hulihan, sige pa. 198 00:13:09,861 --> 00:13:12,341 Okey, pinupuno muna 'yong hulihan. 199 00:13:12,420 --> 00:13:14,940 Kailangan ko ng isang mata doon at isang mata doon. 200 00:13:15,021 --> 00:13:16,300 Dapat kalapati ako. 201 00:13:17,101 --> 00:13:18,900 'Di na nasasalo. 202 00:13:19,741 --> 00:13:20,981 Naku, tumigil ako. 203 00:13:21,060 --> 00:13:22,180 Sige lang, tuloy mo. 204 00:13:22,261 --> 00:13:25,021 'Di ko kaya. Naku. 205 00:13:25,101 --> 00:13:27,621 Kailangang nasa unahan ako. 206 00:13:27,700 --> 00:13:30,940 Sandali, ano'ng gagawin ko? Mabagal lang. 207 00:13:31,741 --> 00:13:33,420 Handa na, steady lang... 208 00:13:33,501 --> 00:13:36,580 Naku, lintik. 209 00:13:37,580 --> 00:13:40,540 Magaling, mas maraming nasa gitna. 210 00:13:40,621 --> 00:13:42,780 Diyos ko, ang hirap! 211 00:13:44,060 --> 00:13:46,580 Lahat baligtad, kaya kung dito ako nakatingin, 212 00:13:46,660 --> 00:13:49,540 sa may balikat ko, ang tingin ko, "Sa likod," 213 00:13:49,981 --> 00:13:52,300 kailangang mabagal ako. 214 00:13:52,381 --> 00:13:54,861 Kapag nasa likod ito, pabagalin. 215 00:13:55,741 --> 00:13:58,180 Kapag nasa harap, pabilisan. 216 00:14:01,501 --> 00:14:04,580 Buti na lang, sa sumunod na ikot ko, walang naging sagabal. 217 00:14:05,461 --> 00:14:06,780 Tuloy-tuloy. 218 00:14:07,820 --> 00:14:10,501 Pinag-uusapan ng mga karerista ang precision driving, 219 00:14:10,580 --> 00:14:13,420 'di nila alam ang ibig sabihin no'n. 220 00:14:17,021 --> 00:14:19,861 Nagmadali akong idiskarga ang laman, 221 00:14:19,940 --> 00:14:22,820 at matagal ko nang inirereklamo 222 00:14:22,900 --> 00:14:25,221 ang mga traktorang sanhi ng trapiko, 223 00:14:25,700 --> 00:14:29,101 pero heto ako ngayon, nasa traktorang nagiging sanhi ng trapiko. 224 00:14:30,101 --> 00:14:32,501 Dapat huminto kayo sa farm shop, 225 00:14:32,580 --> 00:14:35,101 'di sana kayo naipit sa trapiko rito. 226 00:14:36,780 --> 00:14:40,861 Sa sakahan, mahalagang maibaba ko ang mga binhi nang mabilis, 227 00:14:40,940 --> 00:14:45,540 para makabalik agad ako sa sakahan bago mapuno uli ang combine. 228 00:14:46,420 --> 00:14:47,461 Ang ganda. 229 00:14:47,540 --> 00:14:51,741 Tapos, paatras... Teka lang. Kung doon ako. 230 00:14:53,861 --> 00:14:54,981 Atras... 231 00:15:03,700 --> 00:15:04,900 Okey. 232 00:15:06,141 --> 00:15:07,900 Mali ang anggulo ko. 233 00:15:11,221 --> 00:15:14,141 'Pag umatras ako, napupunta sa kanan. 234 00:15:14,221 --> 00:15:15,180 Oo, tama. 235 00:15:21,101 --> 00:15:22,101 Diyos ko. 236 00:15:23,780 --> 00:15:25,940 Saglit. Pokus, Jeremy. 237 00:15:26,021 --> 00:15:27,861 Kung doon ako papunta, sa labas 'yon. 238 00:15:33,180 --> 00:15:36,820 Diyos ko po, napaka-imposible nito. 239 00:15:36,900 --> 00:15:41,141 Matapos ang halos anim na subok, na in-edit out na lang sana, 240 00:15:42,381 --> 00:15:46,141 pumasok na ang inupahan kong modernong trailer. 241 00:15:47,660 --> 00:15:48,981 Yehey. 242 00:15:56,381 --> 00:15:58,221 Ay, naku, naku. 243 00:15:58,300 --> 00:16:01,420 Diyos ko, buti na lang. 'Di ko sasabihin kay Kaleb 'yon. 244 00:16:05,580 --> 00:16:07,060 Habang ayos ang panahon, 245 00:16:07,141 --> 00:16:10,580 trinabaho namin bilang team ang kaya namin. 246 00:16:19,540 --> 00:16:24,540 Ang sakahang ito ay 54.8 na ektarya, ayon sa mapa ko rito, 247 00:16:24,621 --> 00:16:26,940 at kung maganda ang panahon, 248 00:16:27,021 --> 00:16:31,820 pwede kaming umani ng rape na nagkakahalaga ng £23,500. 249 00:16:31,900 --> 00:16:33,780 Sa tingin ko, hindi ganoon karami. 250 00:16:33,861 --> 00:16:37,180 Tatawagan ko sana si Charlie para matanong, pero nakabakasyon siya. 251 00:16:40,900 --> 00:16:43,420 Apat ektarya ang ginagawa namin kada oras 252 00:16:43,501 --> 00:16:47,780 at pinagtatawanan kami nang matindi ng mga taga-Canada. 253 00:16:51,060 --> 00:16:53,540 Ang init na. 254 00:16:53,621 --> 00:16:55,741 Lalakasan ko nang kaunti ang aircon ko. 255 00:17:00,420 --> 00:17:01,741 'Pag ganoon... 256 00:17:02,780 --> 00:17:03,820 'yon ang palabas... 257 00:17:05,060 --> 00:17:07,780 ibig sabihin, kakanan ako, kaya doon ako papunta. 258 00:17:11,461 --> 00:17:14,060 Teka, uulitin ko. 259 00:17:19,661 --> 00:17:22,661 Sa kabila ng magandang kondisyon ng trabaho, 260 00:17:22,741 --> 00:17:25,340 may nakakainis na problema sa isip ko. 261 00:17:26,021 --> 00:17:29,580 Gaano karaming binhi ang talagang naaani namin? 262 00:17:29,701 --> 00:17:32,461 Ano ang sinasabi nito sa computer, Simon? 263 00:17:32,540 --> 00:17:34,221 Ang monitor sa ani ay sinasabing 264 00:17:34,300 --> 00:17:36,701 tumatakbo ito sa 2.5 tonelada sa ektarya, 265 00:17:36,780 --> 00:17:38,540 kaya isang tonelada bawat acre. 266 00:17:38,580 --> 00:17:41,661 Pero tinitingnan natin, isa't kalahating tonelada bawat acre. 267 00:17:41,741 --> 00:17:43,421 Mabuti ito sa mas maliliit. 268 00:17:57,021 --> 00:17:58,820 7.3. Okey tayo. 269 00:17:59,701 --> 00:18:01,421 Sa ngayon, masasabi kong, 270 00:18:01,501 --> 00:18:04,461 karamihan sa inaani namin ay mga earwig. 271 00:18:04,540 --> 00:18:06,901 Libo-libo ang mga ito. 272 00:18:07,820 --> 00:18:11,901 Pero nasabi sa'king normal ito, kaya nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. 273 00:18:11,981 --> 00:18:14,580 Okey, 'eto na, trabaho uli. 274 00:18:21,060 --> 00:18:25,181 Sa tingin ko, mas maganda ang ani sa ikalawang sakahan kaysa una. 275 00:18:30,421 --> 00:18:31,340 Teka. 276 00:18:31,820 --> 00:18:34,661 Ganoon ang ginawa kong paatras, kaya doon ako papunta. 277 00:18:39,780 --> 00:18:41,780 Diyos ko, mali. 278 00:18:53,941 --> 00:18:56,100 -Parang labanan ng traktora. -Hindi ba? 279 00:18:57,100 --> 00:18:59,580 -Tapos na tayo sa Picket Piece. -Oo. 280 00:18:59,701 --> 00:19:01,941 Sa Lower Washpool na tayo ngayon. 281 00:19:02,021 --> 00:19:05,580 At pagkatapos sa Bury Hill North, na 45.7 acres. 282 00:19:05,661 --> 00:19:07,540 Kumilos ka na, Jeremy. 283 00:19:07,580 --> 00:19:09,021 -Bukas ang ilaw niya. -Oo. 284 00:19:34,820 --> 00:19:38,540 Nang sumunod na umaga, nang itinutuloy na namin ang pag-aani, 285 00:19:38,580 --> 00:19:43,021 ang unang pagdiskarga ko ng earwigs ay mas magulo kaysa sa normal. 286 00:19:47,261 --> 00:19:49,501 Ipinarada niya ang trak niya sa sakahan. 287 00:19:52,100 --> 00:19:54,100 May mali sa kanya. 288 00:20:02,661 --> 00:20:05,741 Hindi niya makikita 'yon 'pag nagmamadali. 289 00:20:09,981 --> 00:20:14,580 Pero pinakamaliit kong problema ang nakakainis na pagparada ni Kaleb. 290 00:20:14,661 --> 00:20:18,340 Dahil, hindi katulad kahapon, ang langit ay maulap 291 00:20:18,421 --> 00:20:22,340 at 'di 'yon magandang pangitain sa pagsusuri ng halumigmig sa umaga. 292 00:20:25,580 --> 00:20:27,261 -Sampu. -Sampu. 293 00:20:29,580 --> 00:20:30,780 Oo. 294 00:20:31,501 --> 00:20:34,701 Masyadong mataas. Dalawang porsiyento. Bakit nabasa nang ganoon? 295 00:20:34,780 --> 00:20:38,181 Hindi umulan. Halumigmig lang sa paligid 'yon? 296 00:20:38,261 --> 00:20:39,701 Halumigmig sa hangin. 297 00:20:39,780 --> 00:20:43,340 Dahil mas basa ngayon kaysa kaninang 7:00 ng umaga. 298 00:20:43,421 --> 00:20:45,181 Ano ang gagawin natin? 299 00:20:46,461 --> 00:20:49,580 Buti na lang, may isang bagay na pwede naming gawin. 300 00:20:49,661 --> 00:20:53,340 Itsek ang mga barley kung pwedeng iyon na lang ang anihin. 301 00:20:56,181 --> 00:20:59,100 -Ano ang balita, kaibigan? -14.7. 302 00:20:59,221 --> 00:21:01,540 -Ano ang limit para diyan? -15. 303 00:21:01,580 --> 00:21:04,501 -Pwedeng ituloy? -Pwede. Oo. 304 00:21:21,340 --> 00:21:24,021 Okey, medyo matagumpay 'yan. 305 00:21:25,181 --> 00:21:29,100 Narinig mo ba iyan, bata? Matagumpay. 306 00:21:29,181 --> 00:21:31,100 Simon, 'wag mong palakihin ang ulo niya. 307 00:21:33,540 --> 00:21:35,540 Ang nasa trailer ko ngayon 308 00:21:35,580 --> 00:21:38,701 ay sapat na para sa isang taon ng Wetherspoon. 309 00:21:38,780 --> 00:21:40,820 Mga buto ng serbesa 'yan. 310 00:21:43,021 --> 00:21:47,340 Pero, pagdating ko ng kamalig, may isa pang problema. 311 00:21:49,501 --> 00:21:52,100 Ano ang naiwan sa rape? 312 00:21:52,580 --> 00:21:55,100 Mayroon mga, malaking field, 313 00:21:55,181 --> 00:21:58,901 mga 40 o 50 toneladang rape na aanihin pa. 314 00:22:00,741 --> 00:22:02,661 Saan ko ilalagay ang barley? 315 00:22:06,901 --> 00:22:07,901 Hello. 316 00:22:07,981 --> 00:22:10,901 Saan ko iiimbak ang barley na ito? 317 00:22:10,981 --> 00:22:13,901 Dahil puno na ang kamalig, 'di pwedeng pagsamahin, 'di ba? 318 00:22:13,981 --> 00:22:17,540 Hindi, kailangan mong iimbak ito sa airfield. 319 00:22:17,620 --> 00:22:19,181 Ang bunker na itinayo ko, 320 00:22:19,261 --> 00:22:22,021 pwedeng mag-imbak ng 400 toneladang barley doon. 321 00:22:22,100 --> 00:22:24,181 'Di pwede, uulan. 322 00:22:24,261 --> 00:22:26,701 Kung umulan, 'di ito pwedeng iwan sa labas. 323 00:22:26,780 --> 00:22:28,941 Hindi, mababasa at tatanggihan nila ito. 324 00:22:29,021 --> 00:22:30,901 Kailangan mong ibenta ito kaagad. 325 00:22:30,981 --> 00:22:31,981 Paano 'yon? 326 00:22:32,060 --> 00:22:36,461 Hindi mo 'to maiimbak, itatambak mo lang sa itaas, 327 00:22:36,540 --> 00:22:38,300 tapos ibenta kaagad. 328 00:22:38,380 --> 00:22:39,380 Ano, ngayon? 329 00:22:39,461 --> 00:22:41,661 Oo, dapat ngayon. 330 00:22:44,860 --> 00:22:46,380 Pagbalik sa opisina. 331 00:22:46,461 --> 00:22:49,140 Okey, mga mangangalakal ng butil. 332 00:22:49,221 --> 00:22:50,461 Oo, hi. 333 00:22:50,540 --> 00:22:53,021 Kailangan ko ng isang bagon ngayon. 334 00:22:53,100 --> 00:22:55,261 Bale, hindi mo ako matutulungan? 335 00:22:56,140 --> 00:22:59,580 Matapos ang ilang tawag, sa wakas may resulta na. 336 00:23:00,661 --> 00:23:02,941 Maganda 'yan. 337 00:23:03,021 --> 00:23:04,780 Salamat, bye. 338 00:23:04,860 --> 00:23:07,100 Parating na ang bagon. 339 00:23:08,661 --> 00:23:12,261 Tapos pumunta ako sa imbakan na itinayo ulit ni Kaleb 340 00:23:12,340 --> 00:23:16,741 matapos sunugin ang luma ng mga loko-lokong bata noong lockdown. 341 00:23:27,140 --> 00:23:30,901 Parang siyam ito, naglalaro ng kastilyong buhangin. Gusto ko ito. 342 00:23:35,461 --> 00:23:37,501 Dumating si Kaleb sa trak niya at kargo. 343 00:23:39,021 --> 00:23:42,501 Ilang sandali, sinundan ito ng trak na inorder ko. 344 00:23:44,501 --> 00:23:46,661 Ang galing ng trak na ito. 345 00:23:46,741 --> 00:23:49,100 -Titimbangin ba nito ang ilalagay namin? -Oo. 346 00:23:49,181 --> 00:23:50,820 -Titimbangin? Magaling. -Oo. 347 00:23:56,860 --> 00:24:02,140 Pero, nang nagkakarga na, may pakiramdam ako 348 00:24:02,221 --> 00:24:05,820 habang napag-isip-isip ko na ang mga butil mula sa 4 na ektaryang inani 349 00:24:05,901 --> 00:24:08,300 ay pupunuin ang trak. 350 00:24:09,701 --> 00:24:14,021 At may 57 ektarya pang natitira. 351 00:24:17,780 --> 00:24:21,501 Ang tanging pag-asa ko ay hindi sana ito mapansin ni Kaleb. 352 00:24:21,580 --> 00:24:23,340 Dapat may 20 trak ka. 353 00:24:23,421 --> 00:24:25,100 -20 trak? -20 trak. 354 00:24:25,181 --> 00:24:28,261 -Pabalik-balik. -Ano, 29 tonelada sa bawat isa? 355 00:24:28,340 --> 00:24:30,221 6:00 ng gabi ng Sabado. 356 00:24:30,300 --> 00:24:33,181 Hindi na tayo makakakuha pa ngayon at Linggo bukas. 357 00:24:33,661 --> 00:24:35,340 At uulan ngayong gabi. 358 00:24:35,901 --> 00:24:37,620 Ipit na ba tayo? 359 00:24:37,701 --> 00:24:38,820 Oo. 360 00:24:38,901 --> 00:24:42,340 Ipit na tayo, 'di na makakapagputol ng barley, dahil... 361 00:24:43,981 --> 00:24:47,261 pumalpak ka. Tatawag ka lang sa telepono at, "Hi." 362 00:24:47,340 --> 00:24:48,540 -Hindi. Mali. -Oo, palpak. 363 00:24:48,620 --> 00:24:51,701 Nagkamali ako noong nakaraang siyam na buwan. 364 00:24:51,780 --> 00:24:52,620 Ano? 365 00:24:52,701 --> 00:24:55,941 Noong sinabi ko, "Malaki ang kamalig." Nasa Yorkshire mode ako. 366 00:24:56,021 --> 00:24:58,140 "Hindi ako gagasta ng higit sa 22 libo, 367 00:24:58,221 --> 00:25:00,901 "sapat na ang laki ng kamalig, ilalagay lahat doon." 368 00:25:00,981 --> 00:25:03,261 Akala ko, mailalagay natin ang mga bay, rape doon, 369 00:25:03,340 --> 00:25:04,941 ang trigo at barley doon. 370 00:25:05,021 --> 00:25:08,181 'Di nila sinabi sa'kin... 'Di mo sinabi sa'kin, kung tapat-- 371 00:25:08,261 --> 00:25:09,820 Sabi ko, "Maliit ang kamalig." 372 00:25:09,901 --> 00:25:11,661 Alam ko, pero dapat sinabi mo, 373 00:25:11,741 --> 00:25:14,100 "Alam mong mapupuno ang kamalig 374 00:25:14,181 --> 00:25:15,580 -"ng rape mo." -Sinabi ko! 375 00:25:15,661 --> 00:25:18,501 -Hindi mo sinabi 'yan. -Sinabi ko! 'Di ka lang nakikinig. 376 00:25:18,580 --> 00:25:19,661 Hindi ka nakikinig. 377 00:25:19,741 --> 00:25:21,261 'Di mo pinapansin ang sinasabi ko. 378 00:25:21,340 --> 00:25:24,221 Maaari ngang 'di mo alam kung ano'ng sinasabi ko ngayon. 379 00:25:25,261 --> 00:25:26,620 Ano'ng kasasabi ko lang? 380 00:25:26,701 --> 00:25:28,501 -Tungkol sa 'di pagpansin. -Kita mo? 381 00:25:29,221 --> 00:25:30,461 Ito ang punto ko. 382 00:25:33,261 --> 00:25:37,380 Bale, salamat sa akin, lahat ng trabaho ay nahinto, 383 00:25:40,701 --> 00:25:43,181 at umuwi na si Kaleb. 384 00:25:52,741 --> 00:25:54,580 Nasaan na ang kotse ko? 385 00:26:02,820 --> 00:26:04,860 Nakita ko na. Nakikita ko ang puwitan. 386 00:26:24,181 --> 00:26:25,580 Kaya, 387 00:26:25,661 --> 00:26:28,901 nang sumunod na umaga, 'di ko kailangan ang mga susi ng traktora. 388 00:26:42,820 --> 00:26:45,661 Malinaw naman, 'di kami pwedeng mag-ani sa ulan. 389 00:26:47,540 --> 00:26:49,340 At kahit tumigil ang buhos ng ulan, 390 00:26:49,421 --> 00:26:52,901 hindi kami makakapagsimula uli hanggang matuyo ang mga pananim. 391 00:26:54,300 --> 00:26:55,741 Kaya, habang naghihintay, 392 00:26:55,820 --> 00:26:58,620 nagtrabaho muna kami ng iba. 393 00:27:04,461 --> 00:27:08,860 Sinimulan naming dalhin ang mga tupa sa mesa ng tanghalian ng Linggo. 394 00:27:09,701 --> 00:27:12,661 Ang tinitingnan namin ay maayos, malamang mga tupa 395 00:27:12,741 --> 00:27:15,140 na tumitimbang ng higit sa 44 na kilo, 396 00:27:16,741 --> 00:27:20,060 na pwede nang dalhin sa katayan, para may magandang karne kami. 397 00:27:39,340 --> 00:27:42,140 Ano'ng mayroon tayo, Ellen, ang tamang timbang? 398 00:27:42,221 --> 00:27:43,741 -78. -78. 399 00:27:50,140 --> 00:27:51,701 Parang alam nila. 400 00:27:53,100 --> 00:27:56,461 Magandang patalastas ito para sa pagiging vegetarian. 401 00:27:58,620 --> 00:28:02,860 Nakakita na ako ng magagandang anunsyo para sa mga cruise, 402 00:28:02,941 --> 00:28:04,580 at 'di ko pa rin gagawin iyon. 403 00:28:07,300 --> 00:28:09,261 Nang nawala na ang mga tupa... 404 00:28:10,620 --> 00:28:13,221 at natuyo na ang mga bukid, 405 00:28:13,300 --> 00:28:16,181 tinapos na namin ang pag-aani ng oil seed na rape 406 00:28:16,941 --> 00:28:18,380 at ang barley. 407 00:28:19,661 --> 00:28:23,100 At ibinenta namin ang mga ito sa isang mangangalakal ng butil. 408 00:28:29,860 --> 00:28:32,060 Na nag-iwan lang ng isang pananim... 409 00:28:33,540 --> 00:28:34,901 ang trigo. 410 00:28:35,181 --> 00:28:36,580 Ano'ng balita? 411 00:28:36,941 --> 00:28:38,421 16.6. 412 00:28:39,021 --> 00:28:39,901 Mataas pa rin. 413 00:28:39,981 --> 00:28:42,461 'Pag walang berde rito. Kailangan ng isang linggo pa. 414 00:28:42,540 --> 00:28:43,901 Iwanan na natin 'to. 415 00:28:45,181 --> 00:28:49,461 Nakalulungkot, nakatanggap ako nang nakakabahalang tawag. 416 00:28:50,380 --> 00:28:51,340 Okey. 417 00:28:52,741 --> 00:28:53,741 Okey. 418 00:28:55,340 --> 00:28:58,140 Sige, babalik ako mamaya. 419 00:28:58,620 --> 00:29:00,340 Sige, salamat. Bye. 420 00:29:06,060 --> 00:29:07,421 Patay na si Wayne Rooney. 421 00:29:14,701 --> 00:29:18,261 Isang misteryo ang pagkamatay ng aking kawawang tupa. 422 00:29:18,340 --> 00:29:23,140 Kaya, nang maikarga namin siya sa pinakamarangal na kabaong, 423 00:29:25,300 --> 00:29:28,741 kinuha siya ng beterinaryo para gawan ng autopsy. 424 00:29:31,060 --> 00:29:35,580 At tumawag kinalaunan para sabihing namatay siya dahil napilipit ang bituka. 425 00:29:46,100 --> 00:29:50,060 Nagulat ako sa pagkakalungkot ko sa pagkamatay ni Wayne, 426 00:29:50,140 --> 00:29:52,540 dahil... Nalulungkot talaga ako. 427 00:29:54,140 --> 00:29:57,261 Naging bahagi na siya ng isang maliit na ritwal ko sa gabi. 428 00:29:57,340 --> 00:29:59,741 Maglalakad ako, dadalhan sila ng kaunting pagkain 429 00:29:59,820 --> 00:30:01,421 at tatakbo papunta sa'kin. 430 00:30:02,380 --> 00:30:03,540 Bumaba lang ako ngayon 431 00:30:03,620 --> 00:30:07,421 dahil gusto kong tiyaking maayos si Leo. 432 00:30:07,501 --> 00:30:10,060 Pero nagtatago siya sa talahib doon. 433 00:30:11,060 --> 00:30:13,421 Hindi siya lalabas, kahit para sa pagkain. 434 00:30:17,540 --> 00:30:21,661 Nakalulungkot, iiwan namin sa lungkot ang nag-iisang natirang barakong tupa ko. 435 00:30:23,300 --> 00:30:27,661 Dahil malapit na sa tamang lebel ng halumigmig ang trigo. 436 00:30:27,741 --> 00:30:29,181 Ano'ng balita? 437 00:30:29,261 --> 00:30:30,580 14.4. 438 00:30:30,941 --> 00:30:33,421 At pwede na kaming magpatuloy. 439 00:30:48,461 --> 00:30:51,140 May 39 ektarya ng trigo ang aanihin, 440 00:30:51,221 --> 00:30:56,300 at naiiba ang pagsukat ng halaga nito sa oil seed na rape at barley. 441 00:30:58,580 --> 00:31:01,340 Sa trigo, ang dami na nakukuha mo... 442 00:31:01,421 --> 00:31:03,901 sasabihin ko sanang hindi mahalaga, ay mahalaga, 443 00:31:03,981 --> 00:31:07,100 pero hindi ito kasinghalaga ng kalidad. 444 00:31:07,181 --> 00:31:09,701 May kalahati ng trailer sa likod 445 00:31:09,780 --> 00:31:14,021 pero 'di ko alam kung 'yon ay magagandang trigo 446 00:31:14,100 --> 00:31:15,901 na magagamit sa paggawa ng tinapay, o 447 00:31:15,981 --> 00:31:19,501 pangit na trigo na ipapakain lang sa mga hayop. 448 00:31:23,501 --> 00:31:25,540 Habang masiglang nagtatrabaho, si Kaleb, 449 00:31:25,620 --> 00:31:28,701 na desperadong magpunta sa barbero 450 00:31:28,780 --> 00:31:32,181 ay sandaling inayos ang buhok niya. 451 00:31:37,221 --> 00:31:38,340 Buhok. 452 00:31:38,701 --> 00:31:39,540 Gusto ko ito. 453 00:31:40,901 --> 00:31:42,620 Buti nga 'di napupunta sa mukha ko. 454 00:31:43,820 --> 00:31:47,181 Pero ilang sandali, nagbago ang mood, 455 00:31:47,261 --> 00:31:51,941 dahil napansin ni Gareth Bale na problemado ang kalapit na magsasaka. 456 00:31:53,021 --> 00:31:56,300 Tumingin ka sa kaliwa, Jeremy, mukhang may problema. 457 00:31:56,380 --> 00:31:57,901 May nasusunog, 'di ba? 458 00:32:03,780 --> 00:32:06,701 Ito ang bangungot ng bawat magsasaka. 459 00:32:06,780 --> 00:32:10,421 Ang pagliyab ng mga tanim sanhi ng sirang kagamitan. 460 00:32:12,620 --> 00:32:15,741 Pupuntahan ko, hintay lang, mga dalawang minuto. 461 00:32:17,060 --> 00:32:20,340 Alam ko, may dalawang fire engine na papunta na rito. 462 00:32:20,421 --> 00:32:21,941 Paano niya nalalaman iyon? 463 00:32:22,021 --> 00:32:24,181 Paano mo nalaman iyon? 464 00:32:24,261 --> 00:32:25,860 May mga contact ako kahit saan. 465 00:32:28,461 --> 00:32:30,661 At nagpasalamat ako sa Panginoon 466 00:32:30,741 --> 00:32:34,140 sa maasahang bulletproof na Lambo. 467 00:32:36,140 --> 00:32:38,340 At pagkatapos, bumalik na kami sa trabaho. 468 00:32:39,501 --> 00:32:42,140 Hayaan mo lang bumalik sa likod nang kaunti. 469 00:32:43,501 --> 00:32:47,701 Salamat sa kalmado at malinaw na mga tagubilin sa radyo ni Simon... 470 00:32:47,780 --> 00:32:49,380 Okey 'yan, sa unahan na. 471 00:32:50,701 --> 00:32:53,540 ...mukhang medyo gumagaling ako sa pagtatraktora ko. 472 00:32:55,620 --> 00:32:58,380 Medyo nasa unahan ka ng gitna, 473 00:32:58,461 --> 00:33:01,701 ilapit mo lang nang kaunti sa'yo ngayon. 474 00:33:04,261 --> 00:33:06,181 Pero, nang hapong 'yon, 475 00:33:06,261 --> 00:33:09,100 bumalik ako galing sa imbakan 476 00:33:09,181 --> 00:33:13,380 at nalamang pinalitan si Simon ng isang kasamahan niya. 477 00:33:26,181 --> 00:33:29,461 Hindi ko lang alam. 478 00:33:29,540 --> 00:33:31,860 'Di ko alam kung ano ang gusto niyang gawin ko. 479 00:33:31,941 --> 00:33:35,261 Gusto mo bang sumabay ako sa susunod na balik? 480 00:33:42,380 --> 00:33:44,981 Hindi niya binubuksan ang ilaw, pero labas ang spout, 481 00:33:45,060 --> 00:33:46,780 kaya iniisip kong handa na siya. 482 00:33:52,461 --> 00:33:54,340 Nasa likod ba ako? 483 00:33:59,181 --> 00:34:00,540 Wala akong ideya. 484 00:34:02,540 --> 00:34:04,501 Naku! 485 00:34:09,140 --> 00:34:10,941 Wala akong naintindihan. 486 00:34:13,501 --> 00:34:16,781 Sa kalaunan, nagkatiyempuhan din kami. 487 00:34:18,461 --> 00:34:21,060 72 na siya, tingnan mo siya. 488 00:34:21,140 --> 00:34:22,941 Sabi niya sa'kin noong nakaraan, 489 00:34:23,021 --> 00:34:27,140 kino-combine niya ang sakahang ito taon-taon sa loob ng 50 taon 490 00:34:27,180 --> 00:34:30,301 at ayaw niyang kaligtaan ang isang ito, kahit na may COVID. 491 00:34:30,381 --> 00:34:31,341 At 'eto siya ngayon. 492 00:34:35,060 --> 00:34:37,421 Hihintayin ko ang ilaw mo, Gerald. 493 00:34:37,501 --> 00:34:39,620 Buksan mo ang ilaw mo, babalik ako. 494 00:34:51,341 --> 00:34:52,781 Okey, nakuha ko. 495 00:34:52,861 --> 00:34:54,220 'Di ko nakuha 'yon, pero... 496 00:35:06,220 --> 00:35:09,301 Sa pagtatapos ng Agosto, natapos na ang trabaho namin. 497 00:35:11,660 --> 00:35:15,301 Nakaani kami ng 546 na acres 498 00:35:15,381 --> 00:35:18,981 ng trigo, oil seed na rape at barley. 499 00:35:20,660 --> 00:35:24,180 At namamahinga na ang sakahan. 500 00:35:27,060 --> 00:35:29,620 Pero ako, hindi. Kailangan kong ibenta ang mga trigo. 501 00:35:29,660 --> 00:35:31,140 Kaya, kumuha ako ng sample... 502 00:35:34,060 --> 00:35:36,700 at tinawagan ko si Charlie, ngayong tapos na ang trabaho, 503 00:35:36,821 --> 00:35:38,660 na bumalik na galing sa pagbabakasyon, 504 00:35:39,821 --> 00:35:42,821 at nag-ayos ng pakikipagkita sa lokal na gilingan ko. 505 00:35:43,821 --> 00:35:44,660 'Ayan. 506 00:35:44,700 --> 00:35:46,220 Bag ng sample. 507 00:35:51,180 --> 00:35:53,620 Sana dito mapunta ang trigo ko, 508 00:35:53,660 --> 00:35:56,341 na maging harina para sa tinapay. 509 00:35:59,421 --> 00:36:02,341 Dahil kapag ganoon, malaki ang kikitain ko. 510 00:36:05,660 --> 00:36:09,220 Pero una, kailangang pumasa sa pamantayan kay Paul na tagagiling. 511 00:36:10,660 --> 00:36:11,901 Ito ang iyong... 512 00:36:11,981 --> 00:36:14,540 Numero unong de-kalidad... 513 00:36:14,620 --> 00:36:16,660 -De-kalidad. -...na trigo. 514 00:36:16,700 --> 00:36:18,981 -Hindi mababang uri. -Hindi. 515 00:36:19,060 --> 00:36:22,341 Parang Liverpool 'yan, de-kalidad. 516 00:36:22,421 --> 00:36:24,660 Parang Man City, sa pinakamababa. 517 00:36:24,700 --> 00:36:27,660 Oo, sige. Titingnan namin kung ano ang magagawa namin. 518 00:36:27,781 --> 00:36:31,700 Pupunta ako sa tao namin sa lab at tingnan natin ang resulta. 519 00:36:31,821 --> 00:36:34,580 -Gaano katagal ito? -Okey. Limang minuto. 520 00:36:34,660 --> 00:36:37,421 Ang magpapasya kung tagumpay o bigo, ayon kay Paul, 521 00:36:37,501 --> 00:36:41,341 ay ang porsyento ng protina sa butil. 522 00:36:41,421 --> 00:36:44,060 -Ang puntirya talaga ay 13. -Labintatlong porsyento. 523 00:36:44,140 --> 00:36:46,180 Labintatlo ang mahalaga. 524 00:36:46,301 --> 00:36:49,220 Sa tingin ko, 13.4% ang protina. 525 00:36:49,341 --> 00:36:52,100 Ako, 12.6, 12.7 porsyento. 526 00:36:52,180 --> 00:36:53,981 Paul, gusto naming malaman kung-- 527 00:36:54,060 --> 00:36:55,941 Oo, kailangan naming malaman. 528 00:36:56,021 --> 00:36:57,501 Sige. Pwede nang subukan ko? 529 00:36:57,580 --> 00:36:59,180 -Oo. Sige. -Ako'y... Oo. 530 00:36:59,220 --> 00:37:01,301 -Okey. -Bye. Gusto ko ang sumbrero mo. 531 00:37:02,580 --> 00:37:06,821 Habang naghihintay kay Paul para sa resulta, 532 00:37:06,901 --> 00:37:10,781 gustong-gusto kong malaman ang katumbas ng tagumpay sa pera. 533 00:37:12,461 --> 00:37:15,140 -Magkano magandang trigo kada tonelada? -£185. 534 00:37:15,180 --> 00:37:17,021 At kung pagkain lang ng manok... 535 00:37:17,821 --> 00:37:19,580 -magkano? -150, 155 pounds. 536 00:37:19,660 --> 00:37:23,140 Okey, kaya, £185 isang tonelada kung magandang kalidad ito. 537 00:37:23,180 --> 00:37:26,341 -Tama. -£155 kung pagkain ng manok. 538 00:37:26,421 --> 00:37:27,461 Tama. 539 00:37:27,540 --> 00:37:29,781 Kapag nalaman na maganda ang kalidad, 540 00:37:29,861 --> 00:37:32,060 pwede nang makipagtawaran sa kanya? 541 00:37:32,140 --> 00:37:34,861 Pwede mong itanong kung gaano ito nagkakahalaga. 542 00:37:34,941 --> 00:37:38,140 Pwede ko siyang hiritan ng, "Gusto ko ng £200 kada tonelada." 543 00:37:38,180 --> 00:37:40,580 Sa tingin ko, magandang numero 'yan. 544 00:37:40,660 --> 00:37:42,140 -Mukhang tinantiya. -Oo. 545 00:37:42,180 --> 00:37:44,421 Sabihin mo lang, £200 kada tonelada, 546 00:37:44,501 --> 00:37:48,301 pagkatapos, "'Di ko ibebenta ito ngayon," at umalis ka na. 547 00:37:48,381 --> 00:37:49,981 Pwedeng sabihing 'di ibebenta. 548 00:37:50,060 --> 00:37:52,941 "Gusto naming sabihing ibebenta namin sa'yo, pero..." 549 00:37:53,021 --> 00:37:55,861 -Pero hindi ngayon. -Hindi ngayon. 550 00:37:56,301 --> 00:37:58,781 Baka sabihin n'yang, "Okey, sige." 551 00:38:00,540 --> 00:38:01,580 Oo, baka. 552 00:38:02,381 --> 00:38:04,180 Wala akong silbi kapag tawaran na. 553 00:38:04,301 --> 00:38:07,941 Natapos na ang mga haka-haka. 554 00:38:08,021 --> 00:38:09,341 'Eto na uli siya. 555 00:38:09,421 --> 00:38:11,501 Ang mahalagang protina, 556 00:38:12,941 --> 00:38:14,540 ang unang numero ay one. 557 00:38:14,620 --> 00:38:15,620 Oo. 558 00:38:15,660 --> 00:38:18,700 -Ang pangalawang numero ay three. -Oo! 559 00:38:18,821 --> 00:38:19,981 Tapos may point. 560 00:38:20,060 --> 00:38:21,301 Oo, zero. 561 00:38:21,381 --> 00:38:23,180 At ang susunod na numero ay five. 562 00:38:25,341 --> 00:38:26,700 Halos katulad... 563 00:38:27,060 --> 00:38:29,180 -Paano mo nalaman iyon? -Sa kulay. 564 00:38:29,660 --> 00:38:32,781 Siguro kasingganda ito ng nakita ko sa ngayon. 565 00:38:34,421 --> 00:38:36,180 -Ang galing. -Magaling, Jeremy. 566 00:38:36,301 --> 00:38:37,821 Magaling siya at si Kaleb. 567 00:38:37,901 --> 00:38:41,341 Charlie, pwede ba naming bilhin para magiling sa mill 568 00:38:41,421 --> 00:38:44,660 at ipadadala ang ilang harina kay Jeremy para ibenta sa shop niya? 569 00:38:44,700 --> 00:38:46,941 -Oo. -Pero makikipagtawaran muna kami. 570 00:38:47,540 --> 00:38:50,700 -Hindi, naayos na natin 'yan. -Ano'ng ibig mong sabihin? 571 00:38:50,821 --> 00:38:54,140 Maaaring alam mo'ng mga presyo ng kotse, pero alam ko ang sa trigo. 572 00:38:54,180 --> 00:38:55,501 Magkano ito ngayon? 573 00:38:55,580 --> 00:38:58,501 Mga £180, 185. 574 00:38:58,580 --> 00:39:00,021 Napakagandang balita n'yan. 575 00:39:00,100 --> 00:39:02,060 Napakagandang uri nito, sa totoo lang. 576 00:39:02,140 --> 00:39:04,060 Aalis na ako at maliligo sa trigo. 577 00:39:04,140 --> 00:39:04,981 Salamat, Paul. 578 00:39:06,540 --> 00:39:08,901 Talagang magandang balita 'yon. 579 00:39:12,861 --> 00:39:16,781 Ngayong tapos na ang pag-ani at inaalam ni Charlie ang mga kinita, 580 00:39:16,861 --> 00:39:18,861 tiningnan ko ang mga sulat, 581 00:39:18,941 --> 00:39:20,501 kung saan ko nakita ang resulta 582 00:39:20,580 --> 00:39:23,700 ng pinakahuling pagsusuri sa mga botelya ng spring water ko. 583 00:39:28,421 --> 00:39:32,501 "ang resulta sa bakterya, 'di pumasa sa 22 degrees at 37 degrees." 584 00:39:32,580 --> 00:39:35,501 Kaya, 'di pwedeng ibenta ang tubig. 585 00:39:35,580 --> 00:39:39,220 "Para sa kaalaman mo, dapat zero ang bilang ng TVC 586 00:39:39,341 --> 00:39:42,781 "at mahigit sa 10,000 ang natagpuan." 587 00:39:44,220 --> 00:39:46,381 Hindi 'yon bagsak kundi malaking sakuna. 588 00:39:46,461 --> 00:39:47,781 Sampung libo? 589 00:39:48,781 --> 00:39:52,180 Kailangan kong pumunta sa farm shop agad, 590 00:39:52,301 --> 00:39:55,861 para alisin ang mga tubig sa istante bago may bumili nito. 591 00:39:55,941 --> 00:39:57,220 DIDDLY SQUAT WATER Walang dumi ito. 592 00:39:57,341 --> 00:39:59,821 At kakukuha ko lang ng makina para dito, 593 00:40:01,100 --> 00:40:03,180 dahil nagsama kami ulit... 594 00:40:04,700 --> 00:40:06,341 ng matagal ko nang kaibigan. 595 00:40:13,861 --> 00:40:15,140 Maligayang pagdating, 596 00:40:15,180 --> 00:40:18,941 sa sasakyang mabilis tumugon sa bagong Diddly Squat. 597 00:40:26,901 --> 00:40:28,781 Napakasayang makita kang muli. 598 00:40:32,021 --> 00:40:35,421 Ang totoo, kung kaya nito ang mga kalye ng Madagascar, 599 00:40:35,501 --> 00:40:39,501 siguradong kaya rin nito ang mga sakahan ng Chipping Norton, at kaya nga. 600 00:40:50,620 --> 00:40:54,140 'Di ko 'to namaneho nang higit 13 kilometro sa isang oras. 601 00:40:54,660 --> 00:40:55,660 Ngayon, tingnan n'yo. 602 00:41:00,580 --> 00:41:03,381 Literal akong nagliligtas ng mga buhay dito. 603 00:41:11,781 --> 00:41:13,501 Kukunin ko ang mga tubig. 604 00:41:13,580 --> 00:41:15,821 -Bakit? -May bakterya ito. 605 00:41:15,901 --> 00:41:18,540 -Ano 'kamo? -May bakterya ito. 606 00:41:18,620 --> 00:41:20,501 Nakalagay diyan, walang dumi. 607 00:41:20,580 --> 00:41:23,941 Nakalagay diyan, walang dumi, pero hindi tama 'yan. 608 00:41:24,021 --> 00:41:25,660 Puno ito ng dumi. 609 00:41:25,700 --> 00:41:29,301 Hindi ko alam kung ano ito. Hindi tae, kundi bakterya. 610 00:41:29,381 --> 00:41:31,660 Pero tatanggalin natin ito ng sabon, 611 00:41:31,700 --> 00:41:32,781 suriin ulit. 612 00:41:33,821 --> 00:41:34,821 Ano'ng mga ito? 613 00:41:34,901 --> 00:41:36,421 Mga mushroom. 614 00:41:36,501 --> 00:41:39,620 -Ano? -Mga mushroom. Malalaking mushroom. 615 00:41:39,660 --> 00:41:40,700 Malalaki? 616 00:41:41,540 --> 00:41:43,461 -Grabe. -Alam mo kung ano'ng gagawin dito? 617 00:41:43,540 --> 00:41:47,301 Hiwain mo, isawsaw sa itlog. Iprito at parang toasted na kabute. 618 00:41:47,381 --> 00:41:48,660 Hindi, pero ito'ng kabute. 619 00:41:48,781 --> 00:41:50,180 Oo, malaking kabute 'yan. 620 00:41:50,301 --> 00:41:52,861 Ito ang kabute ng sakahan natin dito. Tingnan mo! 621 00:41:53,901 --> 00:41:55,861 Ang ganda nila. 622 00:41:57,140 --> 00:41:59,901 Napakaganda ng lahat sa farm shop. 623 00:41:59,981 --> 00:42:00,981 SARIWANG LOKAL NA GATAS £1 ISANG LITRO 624 00:42:01,060 --> 00:42:03,901 Kita na namin ang magandang resulta ng mga pinaghirapan namin. 625 00:42:04,901 --> 00:42:09,140 Ang orangutan-friendly na vegetable oil na gawa sa sariling oil seed ng rape 626 00:42:09,180 --> 00:42:11,580 ay nasa istante na. 627 00:42:13,100 --> 00:42:16,660 At makalipas ang ilang araw, balik na ang mga tupa namin. 628 00:42:18,341 --> 00:42:20,660 -'Eto ang laman ng shoulder at nirolyo na. -Oo. 629 00:42:21,100 --> 00:42:24,021 Ang breast, na parang leeg na pang-inihaw lang. 630 00:42:24,100 --> 00:42:27,901 Ang mga tinadtad. Ang atay at bato at giniling. 631 00:42:27,981 --> 00:42:31,180 Inihatid ko 'yan, pinalaki, pinakain... 632 00:42:31,301 --> 00:42:32,901 -Oo. -...inalagaan ito. 633 00:42:32,981 --> 00:42:34,981 -Minahal ito. -Minahal ito. 634 00:42:35,060 --> 00:42:38,060 -Pinatay n'yo ito at tinadtad. -Tinadtad ito para sa iyo. 635 00:42:38,140 --> 00:42:39,060 Handa nang kainin. 636 00:42:40,421 --> 00:42:44,700 Nagkakahalaga ng £5,000 para mag-alaga at magpatay ng mga tupa, 637 00:42:44,821 --> 00:42:47,461 pero napakapopular nila sa mga tagarito... 638 00:42:47,540 --> 00:42:50,501 Gusto mo ng dalawang buong tupa, kaya apat na kalahati. 639 00:42:51,140 --> 00:42:54,700 ...mukhang maibabalik sa'min ang ilang daang pounds. 640 00:42:54,821 --> 00:42:57,100 Maraming salamat sa inyo. Salamat sa inyo. 641 00:42:57,901 --> 00:43:00,861 Maraming salamat sa inyong pagpunta. Sana nasiyahan kayo. 642 00:43:00,941 --> 00:43:04,501 Sino'ng kailangan ng supermarket? Gumana ito. 643 00:43:04,580 --> 00:43:05,901 Gandang umaga. 644 00:43:08,861 --> 00:43:10,781 -May pito pang natitira. -Mabuti. 645 00:43:10,861 --> 00:43:13,580 Iyon lang ang natira, pito at 11:30 pa lang. 646 00:43:14,341 --> 00:43:16,140 Mayroon pang bibili ng tupa? 647 00:43:17,301 --> 00:43:19,700 Sobrang abala ang shop. 648 00:43:19,821 --> 00:43:23,100 Nakakahiyang isara ito 649 00:43:23,180 --> 00:43:25,580 dahil galing pa sa 13 kilometro ang gatas, 650 00:43:25,660 --> 00:43:27,341 na sa Gloucestershire, 651 00:43:27,421 --> 00:43:30,100 at pwede lang kaming magbenta sa Oxfordshire. 652 00:43:33,060 --> 00:43:38,781 SETYEMBRE 653 00:43:39,540 --> 00:43:43,580 Ito ang unang-unang taon ng pagsasaka ko. 654 00:43:46,301 --> 00:43:50,580 Pero nagpasya akong ipagdiwang ito nang tradisyunal. 655 00:43:52,580 --> 00:43:55,381 Kaya nagkita kami ni Kaleb sa lumang kamalig ko, 656 00:43:55,461 --> 00:43:59,060 para magsabit ng isang bigkis ng trigo sa isa sa mga oak beam. 657 00:43:59,580 --> 00:44:01,781 Parang selebrasyon. 658 00:44:01,861 --> 00:44:03,700 Katapusan ng ani, isabit ito. 659 00:44:04,421 --> 00:44:06,821 At kasama ng pagsasabit ng trigo, 660 00:44:06,901 --> 00:44:08,861 may isa pang dapat na ipagdiwang. 661 00:44:10,821 --> 00:44:14,301 Ginamit ba nila ang isang pares nito para gawin ito? 662 00:44:14,381 --> 00:44:17,140 -Maganda. -Hindi, mukhang katawa-tawa. 663 00:44:17,220 --> 00:44:19,700 -Nagbayad ka ba para dito? -Oo. 664 00:44:19,781 --> 00:44:21,740 Hindi-- Paano ko nagawa 'yon? 665 00:44:21,821 --> 00:44:23,941 Bakit hindi ko magawa nang maayos ito? 666 00:44:24,021 --> 00:44:26,421 Aakyat ako sa hagdan, pero hindi ko kaya. 667 00:44:26,501 --> 00:44:28,740 -Bakit hindi? -Nabaril ako. 668 00:44:30,421 --> 00:44:31,501 Ano? 669 00:44:31,580 --> 00:44:33,540 Nabaril ako sa binti. 670 00:44:33,620 --> 00:44:35,941 -Nabaril ka talaga? -Oo, totoo. 671 00:44:36,021 --> 00:44:39,580 Oo, naglalaro kami ng football, nakapabilog kami ng mga kaibigan ko, 672 00:44:39,660 --> 00:44:43,740 at kinuha niya ang air rifle niya at "aksidenteng" nabaril ako sa binti. 673 00:44:43,861 --> 00:44:45,421 -Nagbibiro ka ba? -Sa binti ko. 674 00:44:45,501 --> 00:44:48,981 -Ng air rifle? -Isang .22 air rifle, apat na metro layo. 675 00:44:49,060 --> 00:44:50,100 Grabe. 676 00:44:50,180 --> 00:44:53,421 Naglalangib na nga. Nasa binti ko pa rin ang pellet. Dito. 677 00:44:54,060 --> 00:44:57,060 -Pero kaibigan mo siya? -Kaibigan ko, oo. 678 00:44:57,140 --> 00:45:00,861 Kinuha niya ang baril, nilagyan ng bala tapos itinutok ito sa'yo. 679 00:45:00,941 --> 00:45:02,941 -Oo. -At ano'ng sinabi mo? 680 00:45:03,021 --> 00:45:06,220 -"Huwag mong itutok sa'kin, gago." -'Di naman kayo magkaaway? 681 00:45:06,301 --> 00:45:10,660 Hindi. Matalik na magkaibigan kami simula pa noong primary school. 682 00:45:10,740 --> 00:45:12,220 Sabi niya, aksidente lang. 683 00:45:12,301 --> 00:45:13,941 Paanong aksidente, 684 00:45:14,021 --> 00:45:17,140 itinutok sa'yo tapos pinaputok? 685 00:45:17,220 --> 00:45:18,501 Ewan ko. 686 00:45:18,580 --> 00:45:22,501 Ang susunod na pakikipag-usap ko, suspetsa ko, ay magulo rin, 687 00:45:23,901 --> 00:45:27,060 dahil dumating na ang oras namin ni Masayahing Charlie 688 00:45:27,140 --> 00:45:31,501 na alamin ang kinita sa mga inani. 689 00:45:32,381 --> 00:45:33,660 Tapos na tayo. 690 00:45:33,740 --> 00:45:34,861 Tapos na ang pag-ani. 691 00:45:34,941 --> 00:45:36,700 -Magaling. Mabuti. -Ah, salamat. 692 00:45:36,781 --> 00:45:38,021 Ano ang pakiramdam mo? 693 00:45:38,100 --> 00:45:41,580 Ito... Ah, ipapaalam ko sa'yo maya-maya, 694 00:45:41,660 --> 00:45:43,260 sabihin mo ang mga numero. 695 00:45:43,341 --> 00:45:45,220 Oras na ng katotohanan. 696 00:45:45,301 --> 00:45:47,620 -Ah, tulad ng alam mo... -'Eto na naman. 697 00:45:47,700 --> 00:45:49,740 Hindi magandang taon para sa... 698 00:45:51,060 --> 00:45:52,341 karaniwan, sa pagsasaka. 699 00:45:52,421 --> 00:45:54,740 Nabasa ko sa The Times kahapon, 700 00:45:54,821 --> 00:45:58,540 ito ang pinakamasamang taon para sa mga magsasaka mula noong 1976. 701 00:45:58,620 --> 00:46:00,660 Tuyot na tag-init. Tandang-tanda ko ito. 702 00:46:00,740 --> 00:46:03,220 Taon ng pagtatapos ko. Kaya hindi ako nakakuha nito. 703 00:46:04,620 --> 00:46:07,781 Tingnan mo ang mga kahon sa itaas. Tingnan mo ang asul. 704 00:46:07,861 --> 00:46:09,220 Tatakutin kita. 705 00:46:09,301 --> 00:46:12,341 Noong isang taon, kumita tayo ng £226,000 mula sa mga pananim. 706 00:46:12,421 --> 00:46:14,180 Iyon ay bago ang mga gastos. 707 00:46:14,260 --> 00:46:16,260 Bale, £226,000. 708 00:46:18,021 --> 00:46:20,060 -Oo. -At 137 sa taong ito. 709 00:46:20,140 --> 00:46:23,381 Bale, £90,000 mas mababa. 710 00:46:23,461 --> 00:46:24,781 Siyam... 711 00:46:26,580 --> 00:46:30,381 -Na medyo pambihira. -Pambihira nga. 712 00:46:30,861 --> 00:46:33,341 -Mababa ng £90,000. -Oo. 713 00:46:33,421 --> 00:46:35,740 Napakalaking 40% na ibinaba. 714 00:46:35,821 --> 00:46:38,540 £90,000 ang nawala dahil sa panahon. 715 00:46:39,620 --> 00:46:42,421 Nasaan ang mga gastos, dahil magkano-- 716 00:46:42,501 --> 00:46:45,260 -Narito ang mga gastos, bale, gumastos-- -Gumastos tayo-- 717 00:46:45,341 --> 00:46:48,381 -ng £14,000 sa binhi. -Sa binhi. 718 00:46:48,461 --> 00:46:53,301 £34,000 sa pataba at £20,000 sa sprays. 719 00:46:53,381 --> 00:46:56,140 Kaya, £68,601. 720 00:46:56,220 --> 00:47:01,580 Tapos may £68,457 na ibang gastos. 721 00:47:01,660 --> 00:47:05,021 Iyan ang kay Kaleb, ang makinarya. 722 00:47:05,981 --> 00:47:10,301 Bale, mayroon kang £144 na kita mula sa sakahan. 723 00:47:19,341 --> 00:47:21,781 Ang katotohanan dito ay 724 00:47:21,861 --> 00:47:26,140 ang pagsasaka ng buong taon, sa 1,000-acre na sakahan, 725 00:47:26,220 --> 00:47:30,981 ay kumita ng £144? 726 00:47:31,060 --> 00:47:32,301 Tama. 727 00:47:32,381 --> 00:47:35,700 Mabuti, may ayuda tayong ganito. Kapag naibigay... 728 00:47:36,981 --> 00:47:38,740 Ano ang gagawin ng mga magsasaka? 729 00:47:38,821 --> 00:47:40,700 Sa totoo lang, ano ang gagawin nila? 730 00:47:40,781 --> 00:47:43,421 Ang mga walang Amazon film crews na sinusundan sila 731 00:47:43,501 --> 00:47:46,501 at Who Wants to Be a Millionaire? para madagdagan ang kita? 732 00:47:46,580 --> 00:47:51,220 Ano ang gagawin n'yo kapag bumaba ang ayuda? 733 00:47:51,301 --> 00:47:55,740 Magkakaroon ng matinding pagbabago sa mga lalawigan. 734 00:47:55,821 --> 00:47:58,021 Mawawalan ng 30% na magsasaka, siguro. 735 00:47:58,580 --> 00:48:01,861 Pero nandoon tayo sa pagsasaka sa kasalukuyan. 736 00:48:01,941 --> 00:48:04,540 Sa susunod na magreklamo ang magsasaka sa panahon... 737 00:48:07,100 --> 00:48:09,220 yakapin mo siya at bilhan ng beer, 738 00:48:09,301 --> 00:48:13,981 dahil 'di siya nagrereklamo na miserable ang pagtatrabaho kapag umuulan, 739 00:48:14,060 --> 00:48:16,461 nagrereklamo siya dahil pagpapapako ito sa krus. 740 00:48:20,781 --> 00:48:22,821 Nag-aalinlangan tuloy ako. 741 00:48:24,220 --> 00:48:26,700 Matindi ang pagtrabaho ng buong taon 742 00:48:26,781 --> 00:48:30,421 at ang gantimpala ko ay £144. 743 00:48:31,580 --> 00:48:34,301 Kahit na may mga grant at ayudang idinagdag, 744 00:48:34,381 --> 00:48:36,941 mabuti pang ibenta ko ang sakahan, 745 00:48:37,021 --> 00:48:40,381 ilagay ang pera sa bangko at mabuhay sa interes. 746 00:48:43,180 --> 00:48:48,740 Pero napakaganda ng nagdaang taon. 747 00:48:50,421 --> 00:48:54,781 Nakagawa ako ng mga bagay na 'di ko inakalang magagawa ko. 748 00:48:56,660 --> 00:48:58,660 Naging pastol ako. 749 00:49:00,941 --> 00:49:02,060 Drayber ng traktora. 750 00:49:04,941 --> 00:49:06,140 Tagabantay ng shop. 751 00:49:09,540 --> 00:49:10,861 Kumadrona. 752 00:49:12,700 --> 00:49:14,100 Mahalagang manggagawa. 753 00:49:15,660 --> 00:49:17,260 Inhinyero. 754 00:49:19,941 --> 00:49:21,580 Conservationist. 755 00:49:30,060 --> 00:49:32,620 Lahat sa kompanya ng Diddly Squat 756 00:49:32,700 --> 00:49:37,180 sobrang saya, sobrang kakaibang pamilya. 757 00:49:54,021 --> 00:49:58,301 Pero kaya ko kayang gawin ulit ang buong siklo... 758 00:50:00,341 --> 00:50:02,580 para sa mas mababa sa 40 sentimo isang araw? 759 00:50:06,981 --> 00:50:10,060 Isang katanungang agad-agad pumasok sa isip ko 760 00:50:10,140 --> 00:50:12,501 sa aming piknik ng pagdiriwang ng ani. 761 00:50:18,861 --> 00:50:20,421 Isa sa mga ito. 762 00:50:21,620 --> 00:50:24,620 Isang taon at isang araw na ba mula nang magsimula tayong magsaka? 763 00:50:24,700 --> 00:50:26,981 Oo. Mahigit nang kaunti. 764 00:50:27,060 --> 00:50:29,461 Ang malaking bagay na kailangang trabahuhin ko ay 765 00:50:29,540 --> 00:50:32,220 may pagpipilian akong totoo. 766 00:50:32,301 --> 00:50:36,700 Maaari akong bumalik sa London at ipagpatuloy ang lumang buhay ko-- 767 00:50:36,781 --> 00:50:37,861 Oo, gawin mo iyon. 768 00:50:40,660 --> 00:50:43,781 -Hindi mo pa narinig ang "o." -Hindi, hindi. Gawin mo iyon. 769 00:50:43,861 --> 00:50:47,180 Sa tingin ko, ayokong bumalik sa London ngayon. 770 00:50:47,260 --> 00:50:49,260 -Kahit kailan? -Hindi, masaya ako rito. 771 00:50:49,341 --> 00:50:51,941 Gusto mo ang London. Mahal mo ang London. 772 00:50:52,540 --> 00:50:54,781 Bagay ka sa London. 773 00:50:54,861 --> 00:50:56,941 At may mga kaibigan ka sa London. 774 00:50:57,021 --> 00:50:59,620 May mga kaibigan ka, marami kang kakilala. 775 00:50:59,700 --> 00:51:01,740 Marami kang kaibigan dito. 776 00:51:03,421 --> 00:51:04,620 Gusto niya ako rito. 777 00:51:06,220 --> 00:51:08,260 Dahil ako ang nagpapasweldo sa kanya. 778 00:51:09,941 --> 00:51:13,781 Kung titimbangin mo, sa sakahan ako. 779 00:51:13,861 --> 00:51:15,100 Masaya ka rito. 780 00:51:15,180 --> 00:51:17,580 Tama ka, masaya ako rito. 781 00:51:17,660 --> 00:51:21,260 Sabi ko noong nagla-lambing kami, hindi ako kailanman naging mas masaya. 782 00:51:21,341 --> 00:51:23,861 Dumarating ang mga tupa at ang ganda ng araw, 783 00:51:23,941 --> 00:51:26,461 Sabi ko, "Di ako naging ganito kasaya sa trabaho." 784 00:51:26,540 --> 00:51:27,981 -Talaga? -Hindi. 785 00:51:28,060 --> 00:51:30,981 -Tingnan mo ang mga kulay. Pa-taglagas na. -Napakaganda. 786 00:51:31,060 --> 00:51:33,700 Laging napakaganda sa sakahan, sa totoo lang. 787 00:51:33,781 --> 00:51:37,301 Anumang araw, may laging magandang aabangan. 788 00:51:37,981 --> 00:51:41,901 Ang totoo niyan, tapos na ang palabas na 'to. 789 00:51:43,060 --> 00:51:44,301 Ito. 790 00:51:44,381 --> 00:51:45,620 -Cheers. -Nakakalungkot. 791 00:51:45,700 --> 00:51:48,781 Pero salamat sa inyo sa lahat ng tulong sa nakaraang taon. 792 00:51:48,861 --> 00:51:49,861 Cheers tayo. 793 00:51:49,941 --> 00:51:52,100 Lahat kayo, maraming salamat sa inyo. 794 00:51:52,180 --> 00:51:53,941 Salamat sa pagpapasensya sa akin. 795 00:51:54,021 --> 00:51:56,341 Kukunin ko na ang traktora na iyon ngayon. 796 00:51:56,421 --> 00:51:58,941 Sumama ka sa'kin pabalik at ikabit ang panlinang 797 00:51:59,021 --> 00:52:00,700 at maglilinang na ako ngayon. 798 00:52:00,781 --> 00:52:02,981 Akala ko, pupunta ka sa party ngayong gabi. 799 00:52:05,781 --> 00:52:07,021 Sa London. 800 00:52:19,341 --> 00:52:22,021 PINANONOOD MO SINA... 801 00:52:23,060 --> 00:52:25,901 GERALD 802 00:52:25,981 --> 00:52:27,180 CHARLIE 803 00:52:29,140 --> 00:52:31,580 ELLEN 804 00:52:31,660 --> 00:52:33,821 KEVIN 805 00:52:35,620 --> 00:52:38,060 LISA 806 00:52:38,140 --> 00:52:40,341 KALEB 807 00:52:41,901 --> 00:52:45,301 AT JEREMY 808 00:52:45,381 --> 00:52:48,140 SA... 809 00:53:19,660 --> 00:53:21,700 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Maribeth Pierce 810 00:53:21,781 --> 00:53:23,781 Mapanlikhang Superbisor: Jessica Ignacio