1 00:00:09,509 --> 00:00:11,089 Gusto kong subukan iyan. 2 00:00:11,177 --> 00:00:13,297 Ako ang nauna. Kunin mo na 'yong isa. 3 00:00:13,388 --> 00:00:16,058 Ang sabi ko gusto kong subukan 'yan. 4 00:00:18,184 --> 00:00:19,064 Akin. 5 00:00:30,697 --> 00:00:32,027 Tigilan niyo na 'yan. 6 00:00:33,491 --> 00:00:35,411 Sinabi ko tumigil na. 7 00:00:36,870 --> 00:00:39,370 Ano ba ang sinabi ni Papa sa paglalaro sa silid-aklatan? 8 00:00:39,956 --> 00:00:40,996 Si Kuya ang nagsimula. 9 00:00:41,916 --> 00:00:43,706 Siya ang nakaisip no'n. 10 00:00:43,793 --> 00:00:46,763 Wala akong pakialam kung sino ang nagsimula. Basta tumigil na kayong dalawa. 11 00:00:48,298 --> 00:00:49,668 Sino ka ba para sundin namin? 12 00:00:50,383 --> 00:00:51,893 Oo nga, hindi ka naman namin boss. 13 00:00:51,968 --> 00:00:53,928 Hangga't ako ang nagbabantay sa inyo. 14 00:00:54,012 --> 00:00:55,392 Ako ang boss. 15 00:01:03,104 --> 00:01:05,074 Basilio. Crispin. 16 00:01:09,319 --> 00:01:11,489 Pinayuhan ko na kayo tungkol sa pananakit sa anak ko. 17 00:01:13,782 --> 00:01:16,742 Maraming nakakalimot na kaya niyang lumaban. 18 00:01:26,461 --> 00:01:30,631 Pero hangga't nandito kayo sa pamamahay na 'to, parte kayo ng pamilyang ito. 19 00:01:31,633 --> 00:01:33,683 At ang pamilya ay pinoprotektahan ang isa't isa. 20 00:01:42,185 --> 00:01:43,305 Alexandra. 21 00:01:46,272 --> 00:01:49,282 Hindi sila pamilya, Papa, mga mamamatay-tao sila. 22 00:01:49,359 --> 00:01:51,649 Pumatay sila ng sigbin at muntik ka na rin. 23 00:01:52,403 --> 00:01:55,073 Nangangailangan sila ng paggabay 24 00:01:55,156 --> 00:01:56,946 katulad ng kung paano kita ginabayan. 25 00:01:57,033 --> 00:02:00,503 Pero 'di nakikinig ang mga pilyong 'yon. Hindi nagtitiwala kahit kanino. 26 00:02:01,704 --> 00:02:02,664 Bukod sa 'yo. 27 00:02:05,041 --> 00:02:06,881 Hindi naman ako katulad mo, Papa. 28 00:02:13,258 --> 00:02:14,718 Hindi mo kailangan maging katulad ko. 29 00:02:15,718 --> 00:02:18,468 Hindi sila nagtitiwala sa'yo dahil hindi ka nagtitiwala sa sarili mo. 30 00:02:19,514 --> 00:02:22,314 Hindi magtatagal, ikaw na ang magpapanday ng sarili mong landas, Alexandra. 31 00:02:22,392 --> 00:02:24,312 Hindi ito magiging madali 32 00:02:24,394 --> 00:02:28,364 pero sa oras na ikaw ay pumili, sila ay susunod. 33 00:02:30,900 --> 00:02:32,150 Lahat sila. 34 00:02:40,743 --> 00:02:43,663 ISANG ORIHINAL NA ANIME NA SERIES MULA SA NETFLIX 35 00:02:50,795 --> 00:02:53,045 MULA SA ORIHINAL NA FILIPINO COMIC BOOK SERIES "TRESE" 36 00:02:53,131 --> 00:02:54,761 ISINULAT NI BUDJETTE TAN AT IGINUHIT NI KAJO BALDISIMO 37 00:03:53,274 --> 00:03:55,694 Alexandra Trese. 38 00:03:55,777 --> 00:04:00,067 Ang pinili mong landas ay dinala ka sa akin. 39 00:04:02,200 --> 00:04:03,740 Datu Talagbusao. 40 00:04:03,826 --> 00:04:05,746 Noong huli nating pagkikita, 41 00:04:05,828 --> 00:04:08,498 sinibat ko ang iyong ama. 42 00:04:08,581 --> 00:04:10,751 Narito ako ngayon para ibalik ang pabor. 43 00:04:11,501 --> 00:04:13,131 Mapangahas. 44 00:04:13,211 --> 00:04:18,721 Ikaw at ang mga anak ko ay naging mga mandirigmang inaasahan ko. 45 00:04:18,800 --> 00:04:20,590 Walang pasasalamat sa'yo, Ama. 46 00:04:21,219 --> 00:04:24,179 Huli ka na, Talagbusao. Tapos na ang laban. 47 00:04:24,264 --> 00:04:29,064 Ang digmaang ito ay matagal nang nangyayari, Trese. 48 00:04:29,143 --> 00:04:34,653 At patuloy itong magngingitngit kahit na patay na kayong lahat. 49 00:04:34,732 --> 00:04:37,652 Pwera na lang kung ibalik ka namin sa kung saang impyerno ka nanggaling. 50 00:04:51,749 --> 00:04:54,419 Hindi ka makakatakas sa mga hindi mapipigilan. 51 00:04:54,502 --> 00:04:56,172 Ang makipaglaban sa isang diyos ay hindi kasama sa kasunduan natin. 52 00:04:56,254 --> 00:04:57,674 Pati rin naman ang apokalipsis. 53 00:04:57,755 --> 00:04:59,165 Kaya humanda ka, Maliksi 54 00:04:59,257 --> 00:05:01,377 o parehas na mawawasak ang mundo natin. 55 00:05:04,178 --> 00:05:06,598 Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko ng mga family reunion. 56 00:05:06,681 --> 00:05:09,271 Hindi ko hahayaan ang mga lalaki na gawin ang trabaho ng babae. 57 00:05:09,350 --> 00:05:12,980 Saka hindi yata kami papayag na kayong mga lalaki lang ang magsasaya. 58 00:05:14,397 --> 00:05:15,607 Mga mangmang. 59 00:05:15,690 --> 00:05:19,860 Handang mamatay para sa isang layunin na wala naman sa inyo ang nakakaintindi. 60 00:05:19,944 --> 00:05:22,664 Wawasakin ko ang mundong ito, 61 00:05:22,739 --> 00:05:26,119 katulad ng ginawa ko sa hindi na mabilang na pagkakataon. 62 00:05:27,368 --> 00:05:30,328 Sa wakas ay dumating na ang bagyo, Trese. 63 00:05:30,413 --> 00:05:32,673 At ikaw ay nasa maling bahagi nito. 64 00:05:32,749 --> 00:05:34,829 Bagyon Lektro, traydor ka! 65 00:05:34,917 --> 00:05:36,957 Isa kang tanga para kumampi kay Talagbusao. 66 00:05:37,045 --> 00:05:40,795 Ang tanging tanga lang dito ay ikaw, ang pumatay sa anak ko. 67 00:05:40,882 --> 00:05:43,092 Kumakapit sa luma, sinaunang mga alyansa. 68 00:05:43,634 --> 00:05:47,144 Ang anak mo ang nagdulot ng sarili niyang kamatayan, katulad ng ginagawa mo ngayon. 69 00:05:47,221 --> 00:05:51,521 Kasinungalingan. Mga kasinungalingang pagbabayaran mo at ng mga kakampi mo. 70 00:05:51,601 --> 00:05:55,731 Ang Tikbalang ay ilang daang siglo nang kasama ng mga Trese sa mga laban. 71 00:05:55,813 --> 00:05:57,773 Hindi natin sila dapat pabayaan. 72 00:05:57,857 --> 00:06:01,937 Ako rin ay isang beses ng nanumpa ng katapatan sa mga Trese. 73 00:06:02,028 --> 00:06:03,198 At ano ang iginanti nila sa akin? 74 00:06:03,821 --> 00:06:05,821 Pinatay nila ang nag-iisa kong anak! 75 00:06:17,502 --> 00:06:20,382 Palagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam ng makapatay ng diyos. 76 00:06:20,463 --> 00:06:23,423 Kung gano'n ay mabibigo ka. 77 00:06:32,850 --> 00:06:33,980 Hannah! 78 00:06:42,735 --> 00:06:44,145 Pati tayo ay inaatake 79 00:06:44,237 --> 00:06:46,487 pero hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. 80 00:06:47,156 --> 00:06:49,866 Itong Datu Talagbusao ay gustong dalhin ang mundo sa pagkawasak. 81 00:06:51,160 --> 00:06:53,290 Ang pagkawasak ng mundo? Aba, ayos. 82 00:06:53,371 --> 00:06:54,501 Paano natin pipigilan iyon? 83 00:06:56,707 --> 00:06:58,577 Gamit ang lahat ng mayroon tayo. 84 00:07:23,860 --> 00:07:26,900 Kung ito lang ang kayang ibibigay ng mundo, 85 00:07:26,988 --> 00:07:30,448 tama lang na tapusin na ito. 86 00:07:30,533 --> 00:07:32,793 Simula sa mga tao. 87 00:07:35,121 --> 00:07:36,331 Baba! 88 00:07:38,124 --> 00:07:39,174 Marco! 89 00:07:41,586 --> 00:07:44,336 Hindi natin sila kayang pagsabayin. Mag-pokus kayo kay Lektro. 90 00:07:44,422 --> 00:07:45,802 Ito na, bossing. 91 00:08:06,277 --> 00:08:07,607 Handa pa ako sa round two. 92 00:08:30,051 --> 00:08:32,551 Sumuko ka na Talagbusao, mag-isa ka na lang. 93 00:08:32,637 --> 00:08:34,887 Hindi mo ba naiintindihan, Trese? 94 00:08:35,973 --> 00:08:38,483 Lahat ng ito ay itinalaga. 95 00:08:38,559 --> 00:08:40,099 Itinadhana. 96 00:08:40,186 --> 00:08:44,856 Katulad ng kung paano ka nakatayo sa harapan ko ngayon. 97 00:08:44,941 --> 00:08:46,781 Tapos na kaming makinig sa 'yo. 98 00:08:46,859 --> 00:08:47,739 Oo nga. 99 00:08:47,818 --> 00:08:49,568 At huwag mong isipin na pagbibigyan ka namin dahil ikaw ang aming ama. 100 00:08:49,654 --> 00:08:51,744 Mas Mama's boys kami. 101 00:08:51,822 --> 00:08:57,372 Kung gano'n, oras na para gawin niyo kung ano ang sinsasabi ng ama niyo. 102 00:09:00,957 --> 00:09:03,787 Ang buklod ng kapangyarihan ay malakas, 103 00:09:03,876 --> 00:09:07,586 ngunit mas malakas ang buklod ng dugo. 104 00:09:17,557 --> 00:09:18,847 Ano ang ginawa mo sa kanila? 105 00:09:19,600 --> 00:09:24,110 Binalik ko lang ang mga anak ko sa kung ano talaga sila. 106 00:09:24,188 --> 00:09:26,318 Ang parehong mga bata na sinumpa mong patayin? 107 00:09:26,399 --> 00:09:30,029 Iniisip mo pa rin na ito ay tungkol sa kanila, 108 00:09:30,111 --> 00:09:34,531 ang mga preso, ang alkalde, ang Heneral, si Nuno? 109 00:09:35,491 --> 00:09:39,251 Lahat sila ay naging daan para sa mas magandang katapusan. 110 00:09:39,328 --> 00:09:45,328 Katapusan na mabusisi kong plinano bago ka pa isinilang. 111 00:09:47,795 --> 00:09:51,915 Sa kabila ng pagsisikap ng tatay mo na pigilan ako, 112 00:09:52,008 --> 00:09:55,798 hindi niya napigilan ang pagnanasa ng sangkatauhan sa isang digmaan. 113 00:10:00,808 --> 00:10:05,398 Ang pagsamba nila sa dugo at karahasan ang siyang naging sanhi 114 00:10:05,479 --> 00:10:11,859 upang ako ay buhayin muli sa mundo ng mga tapat kong tagapaglingkod. 115 00:10:12,903 --> 00:10:17,663 Pumayag akong alagaan ng pamilya niyo ang mga anak ko 116 00:10:17,742 --> 00:10:20,912 upang sila ang maging mata at tainga ko. 117 00:10:20,995 --> 00:10:24,825 At pagkatapos ay patago kong ibinulong ang mga pakikipagsosyo ko 118 00:10:24,915 --> 00:10:28,165 sa bawat sulok ng mundo ng ibang nilalang 119 00:10:28,252 --> 00:10:33,802 habang unti-unti kong binubuo ang pangkat ko sa lilim ng inyong siyudad. 120 00:10:33,883 --> 00:10:36,843 Nagtago ako 121 00:10:36,927 --> 00:10:39,387 at hinayaan ko ang mga walang kamalay-malay kong tagasunod 122 00:10:39,472 --> 00:10:41,772 na mag-iwan ng pain. 123 00:10:42,266 --> 00:10:45,186 Na siyang nagdala sa iyo papunta sa akin. 124 00:10:45,770 --> 00:10:49,070 Ngayon, oras na para tuparin ang nakatadhana sa iyo 125 00:10:49,148 --> 00:10:53,528 upang mamili ng karapat-dapat at hatulan ang mundong ito. 126 00:10:53,611 --> 00:10:57,071 Ito ang tadhana na pinagkait sa 'yo ng iyong ama. 127 00:10:57,156 --> 00:11:00,736 Tadhana? Ang alam mo lamang ay pagkawasak. 128 00:11:00,826 --> 00:11:03,786 Nagsinungaling ang tatay mo sa 'yo. 129 00:11:03,871 --> 00:11:05,921 Nagsinungaling siya sa lahat. 130 00:11:09,293 --> 00:11:12,803 Ikaw si Alexandra Trese, 131 00:11:12,880 --> 00:11:15,930 ikaanim na anak ng pang-anim na anak. 132 00:11:16,008 --> 00:11:19,888 Ang hinulaang magdedesisyon sa balanse sa pagitan ng mundong ilalim 133 00:11:19,970 --> 00:11:21,640 at mundo ng mga tao. 134 00:11:21,722 --> 00:11:25,642 Para mamuno sa isa at wasakin ang isa. 135 00:11:25,726 --> 00:11:29,396 Ito ang propesiya na sinabi ng tatay mo 136 00:11:29,480 --> 00:11:34,280 pero binahiran niya ito ng kasinungalingan. 137 00:11:36,529 --> 00:11:39,949 Ang propesiyang ito ay ipinasa mula sa iba't ibang panahon 138 00:11:40,032 --> 00:11:42,412 matagal na bago ka pa isinilang. 139 00:11:42,493 --> 00:11:47,423 Pero ang iyong ama ang unang naghangad para maintindihan ito. 140 00:11:47,498 --> 00:11:50,578 Ang kaniyang paghahanap ay ang nagdala sa kaniya sa pitong manghuhula 141 00:11:50,668 --> 00:11:54,508 na siyang nakakita na mayroong isisilang na ikaanim na anak sa panahong iyon. 142 00:11:55,214 --> 00:11:59,594 Isa sa mga manghuhula ay isang babaylan sa Bundok Makiling. 143 00:12:00,845 --> 00:12:04,425 Inaral ng tatay mo ang mga pangitain ng mga babaylan, 144 00:12:04,515 --> 00:12:08,635 naghahanda sa kanilang pinaniniwalaan na katapusan. 145 00:12:09,186 --> 00:12:12,976 Ang pagkawasak ng mundo ng ibang mga nilalang 146 00:12:13,065 --> 00:12:15,605 at mundo ng mga tao. 147 00:12:19,822 --> 00:12:22,452 Para sa kaniyang mala-iskolar na postura, 148 00:12:22,533 --> 00:12:26,623 ang iyong ama ay nabulag sa kaniyang musmos ng pagkatao. 149 00:12:26,704 --> 00:12:30,374 Sa kaniyang sariling pangangatuwiran. 150 00:12:30,458 --> 00:12:33,248 Inakala niyang mapipigilan niya ang kapalaran 151 00:12:33,335 --> 00:12:37,415 kahit pa natuklasan niya na ang propesiya ay mas malawak, 152 00:12:37,506 --> 00:12:41,336 mas higit pa sa kaniyang iniisip. 153 00:12:41,427 --> 00:12:44,637 Ito ay dahil sa pangitain ng babaylan 154 00:12:44,722 --> 00:12:48,312 tungkol sa ikalimang anak. 155 00:12:48,392 --> 00:12:52,902 Isang matapang na mandirigma na sasakupin ang dalawang mundo 156 00:12:52,980 --> 00:12:54,900 sa pamamagitan ng apoy at kamatayan 157 00:12:54,982 --> 00:12:57,862 at ihahandog ito sa ikaanim na anak. 158 00:12:57,943 --> 00:13:03,283 Pagkatapos, ako ay ipapatawag para buuin muli ang mundo. 159 00:13:03,365 --> 00:13:07,195 At matapos na maghatol ang ikaanim sa lahat ng nilikha, 160 00:13:07,286 --> 00:13:10,536 ako, si Datu Talagbusao, diyos ng digmaan, 161 00:13:10,623 --> 00:13:13,713 tagapagbalita ng pagkawasak at paglikha, 162 00:13:13,792 --> 00:13:18,762 diyos ng pagkawasak at muling pagsilang, ay bubuin muli ang panibagong mundo. 163 00:13:18,839 --> 00:13:21,719 Katulad ng ginagawa ko ilang siglo na. 164 00:13:21,800 --> 00:13:25,760 Ganito na noon pa lamang. At ganito naman talaga ang nararapat. 165 00:13:25,846 --> 00:13:30,056 Pero ang makatuwiran mong ama ay pilit akong pinigil 166 00:13:30,142 --> 00:13:32,772 gamit ang kahit anong paraan. 167 00:13:32,853 --> 00:13:35,653 Napagtanto niya na hindi niya iyon magagawa ng mag-isa. 168 00:13:35,731 --> 00:13:40,241 Kaya bumuo siya ng samahan at pinagkaisa ang mundo ng mga tao at ng ibang nilalang 169 00:13:40,319 --> 00:13:42,199 sa pamamagitan ng mahalagang kasunduan. 170 00:13:42,279 --> 00:13:45,279 Isang marupok na samahan kung saan ang tuntunin ay idinidikta ng 171 00:13:45,366 --> 00:13:48,616 walang iba kung hindi ang iyong banal-banalang ama, 172 00:13:48,702 --> 00:13:51,082 ang saliring-hirang na lakan. 173 00:13:51,163 --> 00:13:55,583 Inakala niyang ang marupok na samahan ay mapipigilan ang pagdating ko. 174 00:13:56,460 --> 00:13:59,670 Nagsinungaling siya sa kaniyang mga kasama at sa kaniyang sarili 175 00:13:59,755 --> 00:14:04,215 na siya ang susi para mawakasan ang propesiya. 176 00:14:04,301 --> 00:14:07,261 Nilibot niya ang bawat sulok ng dalawang mundo, 177 00:14:07,346 --> 00:14:10,176 determinadong mahanap ang kambal na nasa propesiya. 178 00:14:10,266 --> 00:14:13,386 Nagkamali siyang paniwalaan na kapag nahanap na sila, 179 00:14:13,477 --> 00:14:16,557 mapipigilan niyang maisakatuparan ang propesiya. 180 00:14:17,147 --> 00:14:21,147 Lahat ng manghuhula ay nakita na isisilang ang mga ito, 181 00:14:22,236 --> 00:14:25,486 pero walang nakaalam kung sino ang magluluwal sa kanila. 182 00:14:25,573 --> 00:14:29,293 Hanggang sa ang babaylan mismo, ang ina mo, 183 00:14:29,368 --> 00:14:31,788 ay nagdalang-tao sa kambal, 184 00:14:32,371 --> 00:14:34,921 ikaw at ang kapatid mo. 185 00:14:35,708 --> 00:14:38,918 Panlima at pang-anim na anak. 186 00:14:40,254 --> 00:14:42,634 Ang una na itinadhanang sumakop. 187 00:14:43,132 --> 00:14:46,142 At ang isa ang magdadala ng balanse. 188 00:14:46,218 --> 00:14:49,888 Pinatotohanan ng mga manghuhula at ng iyong ina 189 00:14:49,972 --> 00:14:52,432 na kayo nga ang mga bata na nasa propesiya 190 00:14:52,516 --> 00:14:55,436 na ipinangakong pipigilan ng inyong ama. 191 00:14:55,519 --> 00:14:58,559 Ang kaniyang sariling laman at dugo. 192 00:14:59,231 --> 00:15:03,781 Iyon ay kung kailan siya na ang gumawa ng desisyon. 193 00:15:04,570 --> 00:15:06,280 Sinunog niya lahat ng mga bakas, 194 00:15:06,363 --> 00:15:10,453 mga sulat na kaniyang ginawa tungkol sa ikalimang anak, 195 00:15:10,534 --> 00:15:14,664 naniniwalang mapipigil niyang maisakatuparan ang propesiya, 196 00:15:14,747 --> 00:15:17,827 mapipigilan niya ang paparating na katapusan, 197 00:15:18,542 --> 00:15:22,882 kahit na ang ibig sabihin ay isasakripisyo niya ang sarili niyang anak. 198 00:15:27,718 --> 00:15:28,798 Kaya… 199 00:15:29,303 --> 00:15:35,353 pinatay niya ang iyong kapatid at ginawang ganito. 200 00:15:36,101 --> 00:15:39,231 Hindi, ipinanganak na patay ang kapatid ko. 201 00:15:39,313 --> 00:15:41,323 Ang kapatid mo ay itinadhanang 202 00:15:41,398 --> 00:15:44,108 pinakamahusay na mandirigma na makikita sa mundong ito. 203 00:15:44,193 --> 00:15:48,533 Itinalaga na dalhin ang parehong mundo para sa iyong paghahatol, 204 00:15:48,614 --> 00:15:51,534 kung kaya siya ay kinatakutan ng iyong ama. 205 00:15:51,617 --> 00:15:53,697 Pero ang pagkamatay ng kapatid mo 206 00:15:53,786 --> 00:15:56,326 ay walang iba kung hindi isang kasinungalingan 207 00:15:56,413 --> 00:16:01,173 para ikaw ay kaniyang mahubog sa sarili niyang pananaw ng propesiya, 208 00:16:01,251 --> 00:16:04,631 isang kasinungalingan na kaniya ring sinabi sa mundong ilalim. 209 00:16:05,673 --> 00:16:09,933 Para maitago niya ang totoo mong katauhan mula sa kanila. 210 00:16:15,307 --> 00:16:16,977 Ang Puno ng Balete. 211 00:16:17,059 --> 00:16:18,979 Walang sinuman sa konseho ang nakakaalam 212 00:16:19,061 --> 00:16:22,651 na ikaw ang ikaanim na anak sa pang-anim na anak. 213 00:16:24,775 --> 00:16:27,945 Ngunit no'ng lumabas na ang katotohanan, 214 00:16:28,529 --> 00:16:34,449 'yong mga sumalungat sa ama mo ay hinarap siya sa mismong araw ng pagsubok mo. 215 00:16:39,581 --> 00:16:43,961 Naging mapagmataas ka dahil sa pagiging lakan, Trese. 216 00:16:44,586 --> 00:16:48,756 Isuko mo na ang bata at nang hindi na dumanak pa ang dugo. 217 00:16:49,508 --> 00:16:53,098 Isa kang hangal kung iisipin mo na ibibigay ko ang anak ko nang gano'n lang. 218 00:16:53,178 --> 00:16:57,098 Habang siya ay nabubuhay, lahat tayo ay mapapahamak. 219 00:16:58,642 --> 00:17:00,692 Dapat na mawala ang propesiya. 220 00:17:00,769 --> 00:17:04,109 Kung gano'n ay hindi tayo mabubuhay ng matagal para malaman ito. 221 00:17:19,329 --> 00:17:20,249 Ano na? 222 00:17:21,915 --> 00:17:23,325 Patayin silang lahat. 223 00:17:25,002 --> 00:17:26,002 Hindi. 224 00:17:29,965 --> 00:17:32,835 Masyadong hangal ang iyong ama para isipin 225 00:17:32,926 --> 00:17:35,596 na kaya niyang ibahin ang propesiya nang naayon sa kaniyang hangarin. 226 00:17:35,679 --> 00:17:40,519 At itinaya niya ang buhay ng mga kakampi na sinumpa niyang poprotektahan. 227 00:17:40,601 --> 00:17:44,811 Ang kaniyang mga kasinungalingan ang pinagmulan ng pagkasira ng kasunduan. 228 00:17:44,897 --> 00:17:48,647 Ang parehong kasinungalingan na siyang nag-udyok sa 'yo sa puno ng Balete 229 00:17:48,734 --> 00:17:54,074 dahil hindi siya nagtiwala na handa ka nang harapin ang iyong kapalaran. 230 00:17:54,156 --> 00:17:58,286 Dumanak ang dugo ng mga inosente para lang sa kasinungalingan ng ama mo 231 00:17:58,368 --> 00:18:02,578 dahil lang sa takot siyang aminin kung ano talaga siya. 232 00:18:02,664 --> 00:18:04,374 Mahina. 233 00:18:11,423 --> 00:18:14,133 Ang kahinaan ng iyong ama ay ang siyang kumitil sa buhay 234 00:18:14,218 --> 00:18:17,098 hindi lang ng iyong mga kaibigan, kung hindi pati na rin sa pamilya mo, 235 00:18:17,179 --> 00:18:18,809 ang kapatid mo, ang ina mo, 236 00:18:18,889 --> 00:18:21,229 ang kayabangan niya ang pumatay sa kanilang lahat. 237 00:18:21,308 --> 00:18:24,768 Hindi! Sinungaling ka! 238 00:18:24,853 --> 00:18:29,363 Tawagin mo ako ng kung anong gusto mo pero hindi mo maitatanggi ang katotohanan. 239 00:18:29,942 --> 00:18:31,822 Hindi mo ako mapapaikot. 240 00:18:31,902 --> 00:18:34,322 Ang tatay mo ang nagpaikot. 241 00:18:34,404 --> 00:18:36,574 Makasarili niyang sinubukan na kontrolin ka 242 00:18:36,657 --> 00:18:39,237 sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa 'yo na ikaw ay isinilang 243 00:18:39,326 --> 00:18:42,576 para itaguyod ang kaniyang kasunduan. 244 00:18:42,663 --> 00:18:45,623 Kaya hindi ka niya binigyan ng pagkakataon na mamili, Alexandra. 245 00:18:45,707 --> 00:18:49,547 Hindi ka niya hinayaan na magdesisyon para sa sarili mo. 246 00:18:49,628 --> 00:18:53,168 Sa halip, siya ang pumili ng tadhana ninyong magkapatid, 247 00:18:53,257 --> 00:18:55,627 sa pamamagitan ng pagkontrol nito, 248 00:18:55,717 --> 00:19:00,677 dahil lang sa hindi siya nagtiwala sa 'yo ng sapat sa sarili mong kapalaran. 249 00:19:01,265 --> 00:19:03,305 At iniisip mo na pagkakatiwalaan kita? 250 00:19:03,392 --> 00:19:07,192 Iniisip mong espesyal ka dahil sa papel mo sa propesiya. 251 00:19:07,855 --> 00:19:11,725 Hindi lang ikaw ang unang ikaanim na anak na isinilang, 252 00:19:11,817 --> 00:19:13,817 at hindi rin ikaw ang magiging huli. 253 00:19:14,945 --> 00:19:21,575 At ngayon ay dumating na ang oras para magsimula ulit ng panibagong siklo. 254 00:19:22,703 --> 00:19:25,003 Halika, Trese, yakapin mo iyong kapalaran. 255 00:19:25,956 --> 00:19:28,036 Maghukom ka sa mundong ito 256 00:19:28,125 --> 00:19:34,205 nang sirain ko ito at gumawa ng panibago, gawing mas malakas sa pagbangon nito. 257 00:19:34,298 --> 00:19:36,678 Ito ang iyong kapalaran. 258 00:19:37,426 --> 00:19:40,426 Hindi ito kapalaran. Ito ay pagpatay ng lahi. 259 00:19:41,138 --> 00:19:45,308 Ang iyong tadhana ay ang manaig sa lahat ng nabubuhay. 260 00:19:45,392 --> 00:19:51,112 Ang Aswang, Tikbalang, mga kaibigan mo, pamilya mo, 261 00:19:51,190 --> 00:19:54,530 ang mundo ng mga tao at ng ibang nilalang. 262 00:19:55,110 --> 00:19:58,240 Kailangan mong mamili kung sino sa kanila 263 00:19:58,322 --> 00:20:03,992 ang may karapatan na isilang muli sa bagong mundo. 264 00:20:05,037 --> 00:20:07,617 Alam mong sinasabi ko ang katotohanan. 265 00:20:08,999 --> 00:20:11,289 Nararamdaman mo ito sa dugo mo. 266 00:20:11,376 --> 00:20:13,956 Wala kang alam kung ano ang pinaniniwalaan ko. 267 00:20:14,046 --> 00:20:16,336 Ang mga kuwento ng iyong ama, 268 00:20:16,423 --> 00:20:19,303 iniisip mo ba talaga na minahal ka niya, 269 00:20:19,384 --> 00:20:22,684 na hindi ka niya ginamit simula umpisa? 270 00:20:29,770 --> 00:20:31,610 'Wag kang makinig sa kaniya, Alexandra. 271 00:20:31,688 --> 00:20:35,898 Hindi man perpekto ang iyong ama pero naging mabuti siyang tao. 272 00:20:35,984 --> 00:20:37,574 At kung ano man ang ginawa niya, 273 00:20:37,653 --> 00:20:42,533 itataya ko ang buhay ko na ginawa niya iyon para protektahan ang mundong ito, 274 00:20:43,408 --> 00:20:45,078 para protektahan ka. 275 00:20:48,914 --> 00:20:50,124 Kapitan Guerrero! 276 00:20:51,166 --> 00:20:55,456 Ah, ang mga tao, ang yayabang talaga. 277 00:20:56,171 --> 00:20:59,471 Pero mahina pa rin naman. 278 00:21:11,270 --> 00:21:12,150 Huwag! 279 00:21:16,066 --> 00:21:17,186 Hindi! 280 00:21:25,784 --> 00:21:28,124 Hindi ito nararapat sa kaniya. 281 00:21:29,454 --> 00:21:31,164 Napakabuti niyang tao. 282 00:21:31,873 --> 00:21:34,633 Bakit ba lumalaban ka pa? 283 00:21:34,710 --> 00:21:39,760 Ninakawan ng iyong ama ang kapatid mo sa pamamagitan ng pagpatay sa kaniya, 284 00:21:39,840 --> 00:21:44,800 at ninakaw niya ang kalayaan mo sa pamamagitan ng pagkontrol sa iyo. 285 00:21:45,846 --> 00:21:49,266 Nagkakamali ka kung naniniwala ka na pipiliin ko ang paglingkuran ka. 286 00:21:50,600 --> 00:21:53,770 Ako ang magdedesisyon para sa 'yo. 287 00:21:57,232 --> 00:22:00,032 Halika at makisalo ka. 288 00:22:01,445 --> 00:22:04,315 Tanggapin mo kung ano ka talaga. 289 00:22:04,906 --> 00:22:08,326 Kung ano ang pagkakaalam mo sa sarili mo. 290 00:22:09,036 --> 00:22:13,616 Higit pa sa tao, higit pa sa ama mo. 291 00:22:43,403 --> 00:22:44,863 Oras na. 292 00:22:48,116 --> 00:22:50,736 Papa, paano kung hindi pa ako handa? 293 00:22:51,411 --> 00:22:53,661 -Paano kung hindi ako makabalik? -Makakabalik ka. 294 00:22:53,747 --> 00:22:56,827 Maniwala ka sa sarili mo tulad ng pagtitiwala ko sa 'yo. 295 00:22:57,417 --> 00:22:59,747 At kung maligaw ka man, 296 00:23:01,963 --> 00:23:04,053 tingnan mo ang pamiya mo para makabalik ka. 297 00:23:44,589 --> 00:23:46,629 Nandito lang kami sa oras na bumalik ka, bossing. 298 00:23:51,847 --> 00:23:55,017 Oras na para pandayin mo ang sarili mong landas, Alexandra. 299 00:23:55,100 --> 00:23:58,980 Magtiwala ka sa sarili mo. Ito ang gagabay sa iyo sa kung ano ang tama. 300 00:23:59,062 --> 00:24:00,732 At kung maligaw ka man, 301 00:24:00,814 --> 00:24:03,904 ang pamilya mo ay palaging nasa tabi mo. 302 00:24:03,984 --> 00:24:05,194 Palagi. 303 00:24:41,897 --> 00:24:45,107 Handa ka na bang ipaghiganti ang kapatid mo 304 00:24:45,192 --> 00:24:48,992 at magtagumpay kung saan nabigo ang iyong ama? 305 00:24:52,616 --> 00:24:53,486 Hindi. 306 00:24:56,244 --> 00:25:00,334 Dahil hindi ako ang kapatid ko at hindi ako ang ama ko. 307 00:25:04,836 --> 00:25:06,956 Ngunit isa akong Trese. 308 00:25:11,301 --> 00:25:12,841 Anumang oras na handa kayo. 309 00:25:16,223 --> 00:25:17,473 Paano nangyari ito? 310 00:25:17,557 --> 00:25:19,597 Malakas man ang buklod ng dugo, 311 00:25:19,684 --> 00:25:21,814 pero mas malakas ang buklod ng pamilya. 312 00:25:27,150 --> 00:25:28,940 -Tirahin siya. -Heto na, bossing. 313 00:25:33,657 --> 00:25:35,277 Sana ay mayroon kang plano, bossing. 314 00:25:35,367 --> 00:25:37,287 Guluhin niyo lang siya at magpaputok sa palibot niya. 315 00:25:37,369 --> 00:25:38,789 Sa palibot niya? 316 00:25:38,870 --> 00:25:41,920 Naaalala mo ba 'yung nagpapasama ng pakiramdam ni Crispin? 317 00:25:41,998 --> 00:25:43,498 -Sa tingin ko ay hindi… -Magtiwala ka. 318 00:25:43,583 --> 00:25:45,383 Palagi naman, bossing. 319 00:26:05,647 --> 00:26:07,147 Ayos! 320 00:26:17,200 --> 00:26:19,370 Nagdurugo ang laman ko, 321 00:26:20,078 --> 00:26:22,118 pero hindi mamamatay ang kaluluwa ko. 322 00:26:25,458 --> 00:26:27,538 Hindi niyo ako mapapatay! 323 00:26:31,464 --> 00:26:33,594 Hindi ko naman ibig ang patayin ka. 324 00:26:38,680 --> 00:26:40,180 Dugo ng dragon. 325 00:26:45,770 --> 00:26:48,110 Hindi! 326 00:26:48,189 --> 00:26:49,649 Hangal na babae! 327 00:26:49,733 --> 00:26:51,943 Hindi ako makukulong ulit! 328 00:26:52,027 --> 00:26:53,697 Tapos na, Talagbusao. 329 00:26:53,778 --> 00:26:55,608 Walang masasaktan dito sa panlilinlang mo. 330 00:26:55,697 --> 00:26:57,987 At ikaw ay makukulong dito kasama ako. 331 00:26:58,074 --> 00:27:00,244 Hindi mapipigilan ang propesiya. 332 00:27:00,327 --> 00:27:05,077 Ang kapalaran ang pupunta sa iyo at ikaw ay mapipilitan na mamili. 333 00:27:05,165 --> 00:27:06,825 Kung gayon ay ito ang pinipili ko. 334 00:27:11,838 --> 00:27:12,958 Ano? 335 00:27:13,590 --> 00:27:16,510 Hindi! 336 00:27:28,104 --> 00:27:32,194 Ang sakit pa rin ng pagkawala nila, Papa. 337 00:27:33,610 --> 00:27:35,570 Oo naman, ganoon nga. 338 00:27:38,573 --> 00:27:41,453 Laging masakit tuwing may nawawala. 339 00:27:52,796 --> 00:27:54,916 Gawin mo ang lahat ng makakaya mo, Alexandra. 340 00:27:56,466 --> 00:27:58,086 Iyon naman talaga ang trabaho, 'di ba? 341 00:27:59,469 --> 00:28:03,679 Alexandra, pakiusap. Tulungan mo akong iligtas siya. 342 00:28:04,849 --> 00:28:06,099 Ano? 343 00:28:06,184 --> 00:28:09,444 Naaalala ko lang bigla sa 'yo ang tatay mo. 344 00:28:12,649 --> 00:28:14,029 Gusto kong subukan iyan. 345 00:28:14,109 --> 00:28:16,149 Ako ang nauna. Kunin mo na 'yong isa. 346 00:28:16,236 --> 00:28:19,196 Ang sabi ko gusto kong subukan iyan. 347 00:28:20,657 --> 00:28:21,657 Akin. 348 00:28:23,660 --> 00:28:25,040 Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanila. 349 00:28:25,120 --> 00:28:26,700 Pinalaki ang dalawang 'yon 350 00:28:26,788 --> 00:28:29,208 sa paniniwalang ang karahasan at pagpatay ay laro lamang. 351 00:28:29,290 --> 00:28:32,340 Maipapakita natin sa kanila na may mas mabuting paraan ng pamumuhay 352 00:28:32,419 --> 00:28:34,749 sa pamamagitan ng pagbigay ng pinakakailangan nila ngayon. 353 00:28:34,838 --> 00:28:35,958 Ano iyon? 354 00:28:37,048 --> 00:28:38,378 Isang tunay na pamilya. 355 00:28:40,844 --> 00:28:42,354 Go, Team Trese. 356 00:28:43,805 --> 00:28:45,965 Para sa Team Trese. 357 00:28:46,057 --> 00:28:47,767 Team Trese, sa bilang ng tatlo. 358 00:28:49,436 --> 00:28:50,896 Mauna ka, bossing. 359 00:28:52,063 --> 00:28:53,693 Nandito lang kami sa likod mo. 360 00:28:54,733 --> 00:28:56,573 Kapag ang kaluluwa ay naligaw, 361 00:28:56,651 --> 00:28:59,991 kaming mga babaylan ay may kapangyarihan upang tumulong. 362 00:29:01,156 --> 00:29:03,776 Tandaan mo ang madalas na sinasabi namin sa iyo ng papa mo. 363 00:29:03,867 --> 00:29:04,697 Hindi lang ikaw… 364 00:29:04,784 --> 00:29:06,954 Hindi lang ikaw ang nabubuhay sa mundo. 365 00:29:07,036 --> 00:29:07,906 Tama. 366 00:29:07,996 --> 00:29:12,326 Dapat nating isipin na hindi lang tayo ang nasa mundo para mamuhay ng balanse. 367 00:29:13,793 --> 00:29:15,253 Mahal na mahal kita, anak ko. 368 00:29:16,087 --> 00:29:17,457 Sobra-sobra. 369 00:29:19,966 --> 00:29:20,836 Ma. 370 00:29:33,354 --> 00:29:36,524 Palagi lamang siyang nasa tabi mo. 371 00:29:40,236 --> 00:29:43,616 Ang pamilya mo ay palaging nasa tabi mo. 372 00:30:05,303 --> 00:30:07,263 Nakauwi na tayo, Alex. 373 00:31:44,986 --> 00:31:47,486 Dahil 'yon sa barako na iniinom mo, pare. 374 00:31:49,991 --> 00:31:51,281 Galing iyon dito. 375 00:31:54,370 --> 00:31:56,000 Ano ba 'yon? 376 00:32:32,909 --> 00:32:34,829 Trese. 377 00:32:34,911 --> 00:32:36,371 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Raven Bunag