1 00:00:21,229 --> 00:00:23,269 Sabihan mo ako kapag may sinubukan silang gawin. 2 00:00:31,322 --> 00:00:34,532 Tingnan natin kung ano ang sasabihin ng lakan. 3 00:00:34,617 --> 00:00:36,617 Pero mga bata lamang sila. 4 00:00:36,703 --> 00:00:39,713 Ito na naman tayo. Nilagay mo kami sa panganib 5 00:00:39,789 --> 00:00:43,209 para lang di ka makonsensiya, Anton? 6 00:00:43,877 --> 00:00:45,497 Naniwala ako 7 00:00:45,587 --> 00:00:48,087 na ang kasunduan ay ginawa para protektahan tayo. 8 00:00:48,673 --> 00:00:50,433 Kung itataboy natin ang inosente, 9 00:00:50,508 --> 00:00:52,928 parang itinakda na rin natin ang ating sarili sa kapahamakan 10 00:00:53,011 --> 00:00:55,261 patungo sa katapusan na kinatatakutan nating lahat. 11 00:00:55,346 --> 00:00:59,886 Ang mga anak ni Talagbusao ay hindi inosente. 12 00:00:59,976 --> 00:01:02,016 Kaming mga aswang ay hindi parte ng konsehong ito 13 00:01:02,103 --> 00:01:04,273 para maglinis ng konsensya. 14 00:01:04,355 --> 00:01:07,275 Sabihin mo sa akin kung nagbago na ang ating hangarin. 15 00:01:07,358 --> 00:01:11,318 Ako at ang mga tribo ay malugod na aalis sa samahan na ito kung gano'n. 16 00:01:11,404 --> 00:01:14,494 Itinalaga ang kasunduan hindi lamang para sa ating proteksyon 17 00:01:14,991 --> 00:01:16,791 kung hindi para na rin sa kapayapaan at kaayusan. 18 00:01:17,452 --> 00:01:19,662 Mas mabuting mundo para sa ating mga anak. 19 00:01:20,246 --> 00:01:22,916 -Totoo ang sinasabi ng lakan. -Napakahusay magsalita. 20 00:01:22,999 --> 00:01:26,919 Siguro ay may gantimpala sa pagsunod sa lakan. 21 00:01:27,003 --> 00:01:32,343 Mas mabuti pang punasan ang dugo sa talim kaysa pumasok sa digmaan nang wala nito. 22 00:01:32,967 --> 00:01:33,797 Totoo. 23 00:01:33,885 --> 00:01:38,095 Mas makabubuti kung lalaban tayo ng apoy sa apoy pag bumalik ang diyos ng digmaan. 24 00:01:38,181 --> 00:01:41,351 "Kapag"? Dapat ay kailan. 25 00:01:41,851 --> 00:01:46,611 Kailangan na nating tapusin ang lahat ng ito bago pa 'yon mangyari. 26 00:01:47,232 --> 00:01:49,652 Aakuin ko ang responsibilidad sa kanila. 27 00:01:49,734 --> 00:01:52,574 Sa oras na 'yong dalawa ay magpakita ng banta sa ating kaligtasan, 28 00:01:52,654 --> 00:01:54,454 ako mismo ang tatapos sa kanila. 29 00:01:55,031 --> 00:01:57,491 Siguro naman ay katanggap-tanggap na ito sa inyong lahat. 30 00:01:59,828 --> 00:02:01,698 Tinatanggap ko ang alok ng lakan. 31 00:02:03,706 --> 00:02:05,496 Ako rin. 32 00:02:06,376 --> 00:02:08,036 Kung gano'n ay ayos na. 33 00:02:08,795 --> 00:02:10,955 Nawa'y nasa balanse tayong lahat. 34 00:02:12,924 --> 00:02:15,394 -Nawa'y nasa balanse tayong lahat. -Nawa'y nasa balanse tayong lahat. 35 00:02:20,014 --> 00:02:21,644 Hindi nila iyon kasalanan, Alex. 36 00:02:22,851 --> 00:02:24,191 Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanila. 37 00:02:31,609 --> 00:02:34,399 Pinalaki ang dalawang 'yon sa paniniwalang ang karahasan at pagpatay 38 00:02:34,487 --> 00:02:36,197 ay laro lamang. 39 00:02:36,281 --> 00:02:38,991 Maipapakita natin sa kanila na may mas mabuting paraan ng pamumuhay 40 00:02:39,617 --> 00:02:41,907 sa pamamagitan ng pagbigay ng pinakakailangan nila ngayon. 41 00:02:41,995 --> 00:02:43,195 Ano iyon? 42 00:02:43,913 --> 00:02:45,373 Isang tunay na pamilya. 43 00:02:47,959 --> 00:02:49,999 Sila ay gagabayan ng mga ito. 44 00:02:52,338 --> 00:02:55,678 Ang sakit pa rin ng pagkawala nila, Papa. 45 00:02:56,593 --> 00:02:58,343 Oo naman, ganoon nga. 46 00:02:58,428 --> 00:03:01,388 Laging masakit tuwing may nawawala. 47 00:03:08,479 --> 00:03:13,439 Pero ang sakit na ito ang nagpapaalala kung ano ang nakasalalay, 48 00:03:13,526 --> 00:03:16,776 hindi lang para sa atin, kung hindi para na rin sa mga pinoprotektahan natin. 49 00:03:19,657 --> 00:03:22,157 Sige na. Gabi na. 50 00:03:34,964 --> 00:03:38,014 ISANG ORIHINAL NA ANIME NA SERIES MULA SA NETFLIX 51 00:03:44,515 --> 00:03:46,515 MULA SA ORIHINAL NA FILIPINO COMIC BOOK SERIES "TRESE" 52 00:03:46,601 --> 00:03:49,101 ISINULAT NI BUDJETTE TAN AT IGINUHIT NI KAJO BALDISIMO 53 00:05:11,811 --> 00:05:14,561 Naniniwala ka ba sa pangalawang pagkakataon? 54 00:05:15,690 --> 00:05:17,530 Bago pa ako dumating sa lugar na 'to, 55 00:05:17,608 --> 00:05:18,648 hindi. 56 00:05:21,863 --> 00:05:24,993 Akala ko ay katapusan na noong nahuli nila ako. 57 00:05:25,074 --> 00:05:28,334 May isang tao o kung ano man ang kukuha sa akin rito. 58 00:05:30,330 --> 00:05:31,870 Bago pa iyon mangyari, 59 00:05:32,498 --> 00:05:34,248 mayroong unang nakatagpo sa akin 60 00:05:34,334 --> 00:05:38,674 at binigay sa akin kung ano ang kailangan kong baguhin sa sarili ko. 61 00:05:39,464 --> 00:05:42,184 Sa pamamagitan noon, napagtanto ko, 62 00:05:42,258 --> 00:05:45,388 dapat itong sirain at itayong muli. 63 00:05:47,680 --> 00:05:49,310 Iyon ang gusto kong maibigay sa 'yo. 64 00:05:50,058 --> 00:05:52,348 Ang paraan para baguhin ang sarili mo. 65 00:05:53,686 --> 00:05:55,226 Pangalawang pagkakataon. 66 00:06:41,359 --> 00:06:44,399 …sa ilan pang mga pagsabog na yumanig sa siyudad ngayong linggo 67 00:06:44,487 --> 00:06:46,197 matapos akuin ang mga pag-atake 68 00:06:46,280 --> 00:06:49,490 at pag-uudyok sa kasalukuyang kaguluhan sa New Bilibid Prison, 69 00:06:49,575 --> 00:06:51,825 ang pinakabagong pahayag ni Mayor Sancho Santamaria 70 00:06:51,911 --> 00:06:54,411 ay nag-iwan ng takot sa mamamayan para sa kanilang kaligtasan. 71 00:06:55,039 --> 00:06:57,999 Itong mga unang pag-atake ay ang simula pa lamang. 72 00:06:58,584 --> 00:07:00,714 Ang pagpapamalas ng aming lakas. 73 00:07:00,795 --> 00:07:04,795 Maraming gusali pa ang guguho, maraming buhay pa ang masasawi. 74 00:07:04,882 --> 00:07:07,472 Kapag nawala na sa atin ang lahat 75 00:07:07,552 --> 00:07:10,142 ay doon pa lang magkakaroon ng tunay na bagong simula. 76 00:07:10,221 --> 00:07:13,681 Sa pagpapanday ng bago at mas maliwanag na kapalaran. 77 00:07:13,766 --> 00:07:15,726 Parating na ang pagbabago. 78 00:07:16,644 --> 00:07:19,694 Ang ating pag-abot sa mga bituin ay hindi mapipigilan. 79 00:07:22,942 --> 00:07:25,152 Sa kabila ng pangyayaring ito… 80 00:07:25,236 --> 00:07:27,236 Ngayon ay alam na natin kung sino ang nasa likod ng mga gulong ito. 81 00:07:29,282 --> 00:07:32,992 Akala mo ba kaya mo ako? Iba ka talaga. 82 00:07:33,077 --> 00:07:36,787 Wala akong oras sa laro mo, Maliksi. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. 83 00:07:37,832 --> 00:07:41,172 Ipinaparating ng ama ko ang kaniyang pagbati at mensahe. 84 00:07:42,003 --> 00:07:45,173 Binomba ng mga tao ang karamihan sa mga tribo at ang kanilang kampo. 85 00:07:45,256 --> 00:07:47,046 Ang gusali ng Armanaz, 86 00:07:47,133 --> 00:07:49,053 ang pamilihang aswang, 87 00:07:49,135 --> 00:07:50,885 at ang taguan ng armas ng mga higante. 88 00:07:50,970 --> 00:07:52,470 Si Mayor Santamaria 89 00:07:52,555 --> 00:07:55,425 ay epektibong ipinahayag na ang sangkatauhan ay kalaban ng konseho. 90 00:07:56,642 --> 00:07:59,772 Hiniling ni Señor Armanaz na iparating sa lakan 91 00:07:59,854 --> 00:08:02,654 na nagkita ang konseho at binuo ang kanilang desisyon. 92 00:08:03,983 --> 00:08:06,243 Ang kasunduan ay wala na 93 00:08:06,319 --> 00:08:08,909 at ang mga tribo ay bahala na sa pagpapanatili ng kapayapaan. 94 00:08:08,988 --> 00:08:12,448 Sa ng pagsasantabi sa sangkatauhan, sa paglayo? 95 00:08:12,533 --> 00:08:14,453 Ang mga pag-atake ay mula sa parehas na panig. 96 00:08:14,535 --> 00:08:16,245 May mas malaki pang nangyayari rito. 97 00:08:16,329 --> 00:08:19,289 Kung gusto nating makaligtas lahat, ang mga tribo ay dapat magkaisa. 98 00:08:19,957 --> 00:08:22,497 Naiintindihan kita at ako ay nasa panig mo, lakan. 99 00:08:22,585 --> 00:08:24,495 Hindi pinanigan ang tatay ko. 100 00:08:24,587 --> 00:08:26,377 Palala ito nang palala. 101 00:08:26,464 --> 00:08:28,764 Tinatarget din nila ang mga menor de edad sa mundong ilalim. 102 00:08:28,841 --> 00:08:30,801 Pati ang lugar ni Jobert ay pinasabugan. 103 00:08:31,928 --> 00:08:32,888 Ayos lang naman siya. 104 00:08:32,970 --> 00:08:34,720 Hindi mo mapapatay ang multo. 105 00:08:36,098 --> 00:08:38,478 Talagang ang bawat tribo ay nagkakanya-kanya na ngayon. 106 00:08:39,894 --> 00:08:40,944 Pasensya ka na. 107 00:08:41,896 --> 00:08:43,476 Salamat sa mensahe. 108 00:08:43,564 --> 00:08:46,614 Nawa'y ang tribo ng mga Tikbalang ay patuloy na lumakad sa liwanag ni Bathala. 109 00:08:47,485 --> 00:08:50,565 Kung mayroon pa mula sa mundong ilalim ang may utang sa 'yo na pabor, 110 00:08:50,655 --> 00:08:52,405 ipapatawag ko rin sila ngayon. 111 00:08:52,490 --> 00:08:54,870 At kahit ang Tikbalang ay walang opisyal na sinasabi, 112 00:08:54,951 --> 00:08:56,491 patuloy pa rin ang aming suporta sa 'yo. 113 00:08:57,662 --> 00:08:58,912 Hindi ko sasabihin kung hindi mo rin gagawin. 114 00:09:26,107 --> 00:09:30,277 Diyos ko, bossing, mas mukha ka pang malala kaysa sa pakiramdam ko. 115 00:09:31,737 --> 00:09:34,617 Sa tingin ko'y patay na si Amang Paso. 116 00:09:35,866 --> 00:09:38,576 Sinakripisyo niya ang kaniyang sarili para magkaroon ng hadlang. 117 00:09:38,661 --> 00:09:40,541 Sinasabi niya sa akin iyon. 118 00:09:40,621 --> 00:09:44,581 Si Mayor Santamaria iyon. Siya ang nagko-kontrol. 119 00:09:44,667 --> 00:09:46,707 Dahan-dahan lang, Hank. Alam ng lahat. 120 00:09:47,336 --> 00:09:50,006 Pero pagod at sawa na ako sa pagiging huli parati. 121 00:09:51,465 --> 00:09:53,375 May naaalala ka ba roon sa nagpasabog ng bomba? 122 00:09:54,677 --> 00:09:56,007 Ang labo. 123 00:09:56,095 --> 00:09:59,595 May sinabi siyang kakaibang mga kataga. Ano nga ba iyon… 124 00:09:59,682 --> 00:10:02,062 "Secure, sad bastard"? 125 00:10:04,562 --> 00:10:06,152 "Ito ang daan tungo sa mga bituin." 126 00:10:07,148 --> 00:10:08,398 Ano pa? 127 00:10:08,482 --> 00:10:10,532 Kakaiba ang mga mata niya. 128 00:10:11,277 --> 00:10:15,617 Hindi sila mukhang natural. Parang kulay puti. 129 00:10:15,698 --> 00:10:16,738 Kulam. 130 00:10:16,824 --> 00:10:19,744 Hindi ito ang unang beses na gumamit ng itim na mahika si Mayor Santamaria. 131 00:10:20,661 --> 00:10:21,951 Ang mga buto ng sirena. 132 00:10:22,038 --> 00:10:24,038 Ang kasunduan niya sa aswang. 133 00:10:24,999 --> 00:10:26,789 Mayroon laging nasa likod ng kaniyang gawain. 134 00:10:27,793 --> 00:10:30,253 Pupuntahan natin ang mayor at aalamin kung sino iyon, 135 00:10:30,338 --> 00:10:33,298 at saka natin malalaman kung bakit itong lahat ay nangyayari. 136 00:10:34,008 --> 00:10:35,258 Aba, lintik. 137 00:10:35,343 --> 00:10:37,853 Kukunin ko lang ang sasakyan para mapigilan na ang bastardong… 138 00:10:38,804 --> 00:10:39,974 Magpahinga ka lang, Hank. 139 00:10:41,057 --> 00:10:43,307 Medyo matatagalan pa bago ka tuluyang mapagaling ng mahika. 140 00:10:44,644 --> 00:10:45,944 Tatapusin ko ito. 141 00:10:48,522 --> 00:10:49,692 Hayun! Nakita mo? 142 00:10:50,900 --> 00:10:51,980 Hayun! 143 00:10:55,821 --> 00:10:57,781 At kayo ay nakatayo ngayon sa pinakahuli. 144 00:11:03,204 --> 00:11:06,424 Mabuti't nagdala kayo ng pansamantalang gamit para sa gawaing ito 145 00:11:06,499 --> 00:11:09,539 pero mamamatay ba kayo kung kinuha niyo ako ng mas mabilis na data plan? 146 00:11:10,336 --> 00:11:12,126 Patingin nga ulit ako nung huli. 147 00:11:14,632 --> 00:11:16,432 Isa 'yan sa mga nawawalang preso. 148 00:11:16,509 --> 00:11:19,429 Kung titingnan isa-isa itong mga ito, 149 00:11:19,512 --> 00:11:21,432 lahat sila'y matutukoy na mula sa preso. 150 00:11:22,306 --> 00:11:24,176 Ano bang lintik ang kinakaharap natin? 151 00:11:24,266 --> 00:11:26,226 Mahika, Kapitan. 152 00:11:26,310 --> 00:11:29,110 Mas malakas pa sa inakala ko. 153 00:11:30,022 --> 00:11:32,192 Malala pala ito kung gano'n. 154 00:11:32,733 --> 00:11:33,903 Gano'n na nga. 155 00:11:34,485 --> 00:11:36,855 Kahit paano'y nalaman nating mula sa kulungan ang mga nagpapasabog. 156 00:11:36,946 --> 00:11:39,486 Pero nalulusutan nila ang militar. 157 00:11:39,573 --> 00:11:42,623 Kung ano mang depensa ang meron sila, hindi ito sapat. 158 00:11:42,701 --> 00:11:45,501 Si Heneral Villar ang namamahala roon. 159 00:11:45,579 --> 00:11:47,919 Makaluma siya. Nakaayon sa libro. 160 00:11:47,998 --> 00:11:50,668 Itinalaga si Marco sa kaniyang tauhan. 161 00:11:50,751 --> 00:11:51,791 Tatawagan ko siya. 162 00:11:51,877 --> 00:11:53,707 Kikitain ka namin doon. 163 00:11:53,796 --> 00:11:57,086 Susundin ko ang payo ng kaibigan ko at tatawag ako para sa ilang mga pabor. 164 00:11:58,300 --> 00:12:01,890 Mukhang may kakaiba, Alexandra. Handa na ba tayo? 165 00:12:05,599 --> 00:12:07,059 Naririnig mo ba ako, Alexandra? 166 00:12:11,272 --> 00:12:12,942 Handa ka na ba? 167 00:12:18,446 --> 00:12:19,696 Paano kung mabigo ako? 168 00:12:20,865 --> 00:12:25,405 Ang angkan natin ay may katayuan sa pagitan ng mundo ng tao at mga nilalang. 169 00:12:25,494 --> 00:12:28,964 Kung mapapatunayan natin ang ating mga sarili 170 00:12:29,039 --> 00:12:31,919 sa pamamagitan ng pagharap sa mga pagsubok ng Dakilang Puno ng Balete. 171 00:12:34,086 --> 00:12:35,416 Pakiramdam ko ay 'di pa ako handa. 172 00:12:35,504 --> 00:12:38,724 Ikaw ang ikaanim na anak ng pang-anim na anak, 173 00:12:38,799 --> 00:12:42,639 ang babaylan-mandirigma. Manggagamot at mandirigma. 174 00:12:44,263 --> 00:12:45,763 Ipinanganak kang handa. 175 00:12:46,682 --> 00:12:48,562 Sana ay puwede akong sumama sa iyo. 176 00:12:49,685 --> 00:12:51,225 Siya ang gagawa noon. 177 00:12:52,146 --> 00:12:53,016 "Siya"? 178 00:12:56,400 --> 00:12:57,530 Si Sinag. 179 00:12:59,945 --> 00:13:01,945 Siya ang iyong kambal, Alexandra. 180 00:13:03,115 --> 00:13:04,235 Hindi ko naiintindihan. 181 00:13:04,909 --> 00:13:07,789 Ang sabi mo ay namatay ang kambal ko habang ipinapanganak. 182 00:13:09,205 --> 00:13:10,455 Parang ganoon na nga. 183 00:13:10,998 --> 00:13:13,668 Ginawa namin ang lahat para mailigtas ang kapatid mo. 184 00:13:15,294 --> 00:13:16,844 Ang pagpanday sa espada ay nangahulugan 185 00:13:16,921 --> 00:13:20,881 na ang parte niya ay palaging mananatili at magbabantay sa ating pamilya. 186 00:13:22,051 --> 00:13:25,681 Bakit ngayon mo sinasabi ito kung kailan ilang oras na lang bago ang pagsubok? 187 00:13:25,763 --> 00:13:28,313 Dahil ngayon mo higit na kailangan ang iyong pamilya. 188 00:13:29,099 --> 00:13:32,019 Ang mga pagsubok ay maaaring nakakatakot, pero kung kasama mo si Sinag, 189 00:13:32,102 --> 00:13:34,062 hindi mo ito haharapin nang mag-isa. 190 00:13:35,189 --> 00:13:37,939 Palagi lamang siyang nasa tabi mo. 191 00:13:39,068 --> 00:13:42,608 Ang pamilya mo ay palaging nasa tabi mo. 192 00:15:06,864 --> 00:15:08,374 Anton! 193 00:15:21,879 --> 00:15:23,299 Humanda kayo. 194 00:15:23,380 --> 00:15:25,220 Tandaan niyo kung bakit tayo nandito. 195 00:16:24,817 --> 00:16:27,067 Sinasabi ko na. Alam kong buhay ka pa! 196 00:16:27,903 --> 00:16:31,913 Hindi ako tumigil sa pagtiwala, ni isang segundo. 197 00:16:31,991 --> 00:16:33,281 Gaano katagal akong nawala? 198 00:16:36,453 --> 00:16:37,793 Limang taon. 199 00:16:39,581 --> 00:16:41,131 Ang pakiramdam ay isangdaan. 200 00:16:44,670 --> 00:16:46,130 Nasaan si Papa? 201 00:16:50,801 --> 00:16:53,221 Namatay siya habang pinoprotektahan ka. 202 00:16:53,303 --> 00:16:55,473 Nakipaglaban kami sa may puno. 203 00:16:55,973 --> 00:16:57,393 At hindi lahat ay nakaligtas. 204 00:16:58,350 --> 00:17:00,940 Ang dami ko pang hindi nasabi. 205 00:17:02,271 --> 00:17:04,061 Ni hindi ko man lang nasabi… 206 00:17:05,482 --> 00:17:06,442 na… 207 00:18:01,705 --> 00:18:03,825 PARA KAY ALEXANDRA 208 00:19:11,066 --> 00:19:13,686 Hindi sa hindi ako nagpapasalamat sa pangalawang plano, 209 00:19:13,777 --> 00:19:16,407 pero umaasa ako ng mas marami pang mahika. 210 00:19:16,488 --> 00:19:18,528 Sana ay pagkatapos naming mailigtas ang mga kaibigan niyo 211 00:19:18,615 --> 00:19:20,485 ay magkaroon kayo ng pagtitiwala sa mahika. 212 00:19:20,576 --> 00:19:21,866 Mawalang galang na, ma'am. 213 00:19:21,952 --> 00:19:23,952 Sa pagtagal mo sa serbisyo, matututo kang magtiwala. 214 00:19:24,037 --> 00:19:25,957 Pero importante ay ang magpatunay. 215 00:19:28,625 --> 00:19:30,455 Mabuting malaman na tiwala ka sa akin. 216 00:19:31,628 --> 00:19:33,708 Matigas ang ulo ni Heneral Villar. 217 00:19:35,048 --> 00:19:36,718 Maaari akong maging mapanghikayat. 218 00:19:37,801 --> 00:19:40,641 Hawak ng alkalde ang lahat ng taong kailangan niya para sa bomba. 219 00:19:40,721 --> 00:19:42,311 Kung hindi ako pupunta roon para pigilan siya, 220 00:19:42,389 --> 00:19:44,639 marami siyang mas matatakot na mamamayan. 221 00:19:44,725 --> 00:19:47,595 Inaasahan mo na hahayan kitang pumasok doon 222 00:19:47,686 --> 00:19:51,766 dahil kinokontrol ng alkalde ang mga preso gamit ang mahika? 223 00:19:52,399 --> 00:19:54,069 Itim na mahika, upang maging eksakto. 224 00:19:54,151 --> 00:19:55,821 Ang puting mahika ay may respeto sa malayang kalooban 225 00:19:55,903 --> 00:19:57,653 at inaalipin naman ito ng itim na mahika. 226 00:19:59,615 --> 00:20:00,565 HENERAL VILLAR 227 00:20:00,657 --> 00:20:03,987 Kung papasok ka, papasok ka nang may kasamang militar 228 00:20:04,077 --> 00:20:06,117 at sasagot ka sa amin. 229 00:20:06,205 --> 00:20:09,165 Maraming mata ang nakasubaybay para ako ay magkamali. 230 00:20:09,249 --> 00:20:11,459 Mas malaki pa ito sa ating lahat, Heneral. 231 00:20:11,543 --> 00:20:14,133 Papasok ako roon kasama ka man o hindi. 232 00:20:29,895 --> 00:20:31,555 Diyos ko. 233 00:20:32,064 --> 00:20:35,614 Sa aking propesyonal na pagususuri, ito na ang gulong ayaw nating mangyari. 234 00:20:36,777 --> 00:20:41,617 Hayaan ang lahat ng nag-aalinlangan na matakot sa ating paghihiganti. 235 00:20:42,532 --> 00:20:46,872 Sa wakas ay umihip na sa atin ang hangin ng pagbabago. 236 00:20:46,954 --> 00:20:49,294 Ngayong araw, susunugin natin ang Malacañang 237 00:20:49,373 --> 00:20:52,963 at bukas naman ang iba. 238 00:20:53,043 --> 00:20:55,633 Maghanda kayo! Pigilan sila! 239 00:20:58,298 --> 00:20:59,378 Baba! 240 00:21:11,561 --> 00:21:13,811 Lahat ng pangkat ay patumbahin 'yong anak ng puta. 241 00:21:29,079 --> 00:21:31,119 Ano pang hinihintay niyo? 242 00:21:37,754 --> 00:21:38,674 Magtago kayo. 243 00:21:51,852 --> 00:21:53,482 Hindi maganda ang tyansa, bossing. 244 00:21:53,562 --> 00:21:55,482 Kaya natin sila. 245 00:21:56,398 --> 00:21:57,358 Sa tingin ko lang. 246 00:21:57,441 --> 00:22:00,151 Hindi ko kayang barilin ang mga tao natin. 247 00:22:00,235 --> 00:22:01,855 Mayroon ba tayong puwedeng gawin sa kanila? 248 00:22:01,945 --> 00:22:03,025 Kailangang tapusin na natin ito kaagad. 249 00:22:03,113 --> 00:22:05,123 Patumbahin natin ang alkalde at mapapawalang-bisa ang mahika. 250 00:22:05,198 --> 00:22:07,618 'Wag niyong puruhan. Hindi ito magiging madali. 251 00:22:08,243 --> 00:22:10,913 Kasama sa trabaho iyon. Bantayan niyo ako at subukan niyong hindi mamatay. 252 00:22:10,996 --> 00:22:12,366 Tara na. 253 00:22:19,046 --> 00:22:20,796 Ganito ba palagi kapag kasama siya? 254 00:22:22,549 --> 00:22:23,509 Medyo. 255 00:22:34,436 --> 00:22:35,846 Palayain mo ang mga tao ngayon din. 256 00:22:35,937 --> 00:22:40,777 Malaya na ang mga lalaki iyon at ganoon rin ang mangyayari sa inyo. 257 00:22:40,859 --> 00:22:45,069 Kung hindi mo ako binunyag at pinadala sa kulungan, 258 00:22:45,155 --> 00:22:48,155 hindi ko sana nakilala ang aking katulong. 259 00:22:48,241 --> 00:22:50,371 Mukhang mabuti siyang tao, ano? 260 00:22:50,452 --> 00:22:52,582 Tumawa ka kung gusto mo. 261 00:22:52,662 --> 00:22:56,462 Nagawa kong magbago. Salamat sa kaniya. 262 00:22:57,250 --> 00:23:00,130 Pero ang pagbabagong ito ay hindi nangyayari sa loob ng isang gabi lang. 263 00:23:00,712 --> 00:23:03,722 Kinailangan ko ng iilang mga gamit para gawing permanente ang mga bagay. 264 00:23:04,674 --> 00:23:06,384 Buhok ng tikbalang. 265 00:23:06,468 --> 00:23:08,928 Abo ng isang diyos. 266 00:23:09,012 --> 00:23:11,772 Mga buto ng inosente. 267 00:23:11,848 --> 00:23:14,848 Mga luha ng makasalanan. 268 00:23:14,935 --> 00:23:19,645 Lahat ng sangkap na iyon ang nagbigay sa akin ng kapangyarihan ko ngayon. 269 00:23:19,731 --> 00:23:21,531 Ginamit ko ang lahat ng koneksyon 270 00:23:21,608 --> 00:23:23,648 para ipilit ang mga bagay kung saan sila nararapat. 271 00:23:23,735 --> 00:23:27,195 Siguro'y ang katulong mo rin ang nag-udyok para subukan ang iyong lakas 272 00:23:27,280 --> 00:23:29,370 sa pamamagitan ng pagpapasabog sa mga lugar. 273 00:23:29,449 --> 00:23:31,239 Ang talas mo nga katulad ng sinasabi nila. 274 00:23:31,326 --> 00:23:34,996 'Yong kaibigan mo sa parlor, isa siyang partida. 275 00:23:44,214 --> 00:23:45,384 Nuno. 276 00:23:45,966 --> 00:23:47,756 Kumusta, Trese. 277 00:23:47,843 --> 00:23:50,433 Hindi mo maaaring saktan ang mga alaga ko. 278 00:23:50,512 --> 00:23:52,182 Mapanlinlang na lintik. 279 00:23:52,264 --> 00:23:54,274 Sandali, papatayin ko siya. 280 00:23:54,349 --> 00:23:58,439 Alam ko. Masakit na makita ang mga bagay na hindi inaasahan. 281 00:23:59,062 --> 00:24:00,482 Mayroon na tayong pagkakaintindihan, Nuno. 282 00:24:00,564 --> 00:24:05,904 Ang tanging paraan para kagaya ko na magtagumpay ay kapag walang nag-uusap. 283 00:24:05,986 --> 00:24:08,986 Ang kasunduan ay masama sa negosyo. 284 00:24:09,072 --> 00:24:13,742 At ako ay nabigyan ng kapangyarihan na wasakin ang bansang ito 285 00:24:13,827 --> 00:24:16,077 at itayo itong muli. 286 00:24:16,163 --> 00:24:19,083 Parehas na makikinabang ang magkasosyo. 287 00:24:19,166 --> 00:24:24,496 Katulad ng pakikipagsosyo na isang beses ko na ring inalok sa ama mo at sa konseho. 288 00:24:24,588 --> 00:24:26,718 Tatanggapin ko na sana ang "hindi." 289 00:24:28,008 --> 00:24:31,258 Pero tinawanan nila ako. 290 00:24:31,344 --> 00:24:35,974 Hindi ito personal, lakan. Paghihiganti lang. 291 00:24:37,100 --> 00:24:39,270 Sinaktan mo si Hank. Ginawa mo itong personal. 292 00:24:45,609 --> 00:24:47,279 Mauubos na ang mga bala. 293 00:24:54,743 --> 00:24:57,793 Tingnan niyo, iyan ang hitsurang sinasabi ko. 294 00:25:47,754 --> 00:25:50,264 Ang matuwid na tao 295 00:25:50,340 --> 00:25:53,130 ay walang kahinaan na ipinapakita. 296 00:25:59,516 --> 00:26:01,176 Ang hirap umasinta, bossing. 297 00:26:03,019 --> 00:26:04,399 Hindi ba puwedeng pasabugin na lang? 298 00:26:04,938 --> 00:26:07,608 Ang duwende ay maglalagay lang ulit ng panangga. 299 00:26:09,359 --> 00:26:12,529 Tama kayo, subukan niyo sa likod. 300 00:26:12,612 --> 00:26:14,362 Siguraduhin niyong magugulo ang alkalde 301 00:26:14,447 --> 00:26:16,907 at hayaan niyong gumawa ng panangga ang Laman Lupa. 302 00:26:16,992 --> 00:26:19,792 Ako na kay Nuno. At kahit anong mangyari, huwag kayo tumigil sa pagmamaril. 303 00:26:19,869 --> 00:26:21,659 Ano ang gagawin mo? 304 00:26:21,746 --> 00:26:23,576 Gagamitin ko ang huli kong pabor. 305 00:26:34,301 --> 00:26:36,091 Sumuko na kayo sa labang ito. 306 00:26:36,177 --> 00:26:39,717 Tutal wala naman kayong laban sa lalaking ito. 307 00:26:44,060 --> 00:26:45,480 Iyan ang inaasahan ko. 308 00:26:52,944 --> 00:26:54,744 TINATAWAGAN… 309 00:27:04,748 --> 00:27:06,168 Muntik ka na, bossing. 310 00:27:06,916 --> 00:27:08,536 Palagi naman. 311 00:27:23,266 --> 00:27:26,686 Hindi natin masabi kung sino pa ang kasabwat ng alkalde at ni Nuno. 312 00:27:26,770 --> 00:27:29,310 -Kailangan nating… -Bossing, kakapanalo lang natin. 313 00:27:29,397 --> 00:27:31,477 Hindi ba puwedeng uminom tayo at magpahinga? 314 00:27:34,402 --> 00:27:36,992 Sige, pero kayong dalawa ang bibili. 315 00:27:37,072 --> 00:27:38,702 Maaga tayo bukas. 316 00:27:38,782 --> 00:27:41,202 Tingin ko'y hindi mo na kailangan maghintay nang matagal. 317 00:27:47,123 --> 00:27:50,133 Nagampanan na ng alkalde at ni Nuno ang kanilang layunin. 318 00:27:50,210 --> 00:27:52,000 Kayong lahat. 319 00:27:52,087 --> 00:27:54,207 Pinupuri kita, Trese. 320 00:27:54,297 --> 00:27:56,877 Hindi ko inisip na malayo ang mararating mo. 321 00:27:58,551 --> 00:28:01,051 Nakatutuwang panoorin kang naghihirap 322 00:28:01,137 --> 00:28:05,387 pero oras na para harapin mo ang nakatadhana sa iyo. 323 00:28:26,162 --> 00:28:27,832 Digmaan. 324 00:29:31,853 --> 00:29:36,863 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni: Raven Bunag