1 00:00:05,464 --> 00:00:07,716 Nangangalap pa rin ng impormasyon ang FAA, 2 00:00:07,799 --> 00:00:11,929 pero sa puntong ito, itinuturo ng ebidensya ang mekanikal na pagpalya. 3 00:00:12,012 --> 00:00:14,682 Wawakasan ng muling pagbabawas ng pondo ng Washington 4 00:00:14,765 --> 00:00:18,728 ang madalas na pagpapatrol ng Coast Guard sa South-Eastern seaboard. 5 00:00:18,811 --> 00:00:23,649 Kinilala ito sa daan-daang matagumpay na pagkukumpiska 6 00:00:23,733 --> 00:00:25,943 ng mga kontrabando kabilang ang… 7 00:00:28,946 --> 00:00:32,700 'Di dapat natin siya iniwan. Nang nakaratay lang doon. 8 00:00:34,868 --> 00:00:37,787 -Tumawag tayo sa 9-1-1. -Kahit pa… 9 00:00:37,871 --> 00:00:39,999 'Di tayo pwedeng manatili roon. 10 00:00:40,082 --> 00:00:44,628 Marumi ang Margrave PD, paano masasabing wala ang Atlanta o Georgia Police 11 00:00:44,712 --> 00:00:46,671 sa payroll ng Kliner? 12 00:00:46,756 --> 00:00:48,966 Para makabuluhan ang pagkamatay ni Molly Beth, 13 00:00:49,048 --> 00:00:50,509 hulihin ang pumatay sa kanya. 14 00:00:50,593 --> 00:00:52,719 'Di natin magagawa 'yun kung patay na tayo 15 00:00:52,802 --> 00:00:55,597 o nabubulok sa kulungan dahil isinisi sa'tin ang pagpatay. 16 00:00:59,393 --> 00:01:00,686 Itabi mo muna. 17 00:01:08,611 --> 00:01:10,487 Ano'ng ginagawa natin? 18 00:01:10,570 --> 00:01:12,614 Mahabang kwento, babalik ako agad. 19 00:01:17,495 --> 00:01:20,414 Ayos lang 'yan. Ano'ng ginagawa niya sa'yo? 20 00:01:23,876 --> 00:01:25,210 Nasusugat na siya sa tali. 21 00:01:27,254 --> 00:01:28,631 Tama na 'to. 22 00:01:30,007 --> 00:01:31,466 Ano'ng ginagawa mo? 23 00:01:31,549 --> 00:01:34,594 Walang kasalanan ang aso. 24 00:01:34,677 --> 00:01:38,015 -Hindi tama 'to. -Sinabing umalis kayo rito! 25 00:01:40,893 --> 00:01:41,727 Seryoso? 26 00:01:47,106 --> 00:01:48,692 Tingnan natin kung gusto mo. 27 00:01:51,569 --> 00:01:53,489 -Tara. -Halika. 28 00:02:05,167 --> 00:02:07,710 Sige, ano nang gagawin natin? 29 00:02:09,128 --> 00:02:12,800 Dalhin natin ang aso sa dog pound, tapos ibaba niyo ako sa Hubble's. 30 00:02:12,883 --> 00:02:13,800 Bakit? 31 00:02:14,843 --> 00:02:18,514 Puno ng tama ng bala 'yung kotseng ibinigay nila. Kailangan ko ng bago. 32 00:02:20,557 --> 00:02:23,644 Sige, kita tayo sa parking ng station house. 33 00:02:27,689 --> 00:02:29,650 Uy, ayos ka lang? 34 00:02:31,568 --> 00:02:33,695 'Di ko na dapat siya isinangkot. 35 00:03:09,939 --> 00:03:11,108 Pwede na 'yan. 36 00:04:12,169 --> 00:04:16,673 Bakit binibilhan kayo ng may-ari ng napakaraming pakain? 37 00:04:23,846 --> 00:04:25,473 Ang laking tulong mo. 38 00:05:04,303 --> 00:05:07,348 PUTA 39 00:05:14,355 --> 00:05:15,690 Bwisit. 40 00:05:18,444 --> 00:05:23,740 Kaya pinuno ko 'yung loko ng M-80, cherry bomb, ash can. 41 00:05:23,824 --> 00:05:25,742 -Mga bottle rocket. -Mga bottle rocket. 42 00:05:25,826 --> 00:05:28,579 Sinindihan ni Dawson, umalis na kami. 43 00:05:28,661 --> 00:05:30,497 Sumabog 'yung mailbox, 44 00:05:30,581 --> 00:05:33,250 tapos nagkalat ang nasusunog na papel at bakal. 45 00:05:33,332 --> 00:05:35,627 Anim na buwan ang lumipas, nasa Gas 'N' Such kami 46 00:05:35,711 --> 00:05:38,880 tapos naaresto si Slattery sa parking. 47 00:05:38,963 --> 00:05:42,009 Bench warrant dahil hindi sumipot sa jury duty. 48 00:05:42,091 --> 00:05:45,345 May jury summons pala sa lintik na mailbox. 49 00:05:50,558 --> 00:05:53,644 'Yun ang napala niya dahil ibinagsak ako sa English Lit. 50 00:06:02,737 --> 00:06:05,031 Uy, 'yong kriminal ng digmaan. 51 00:06:07,451 --> 00:06:09,495 Kung gutom ka, ililibre kita ng pagkain, 52 00:06:09,577 --> 00:06:11,538 tutulong ako sa palaboy. 53 00:06:12,747 --> 00:06:15,375 Ito 'yung taong sinasabi ko sa inyo. 54 00:06:16,168 --> 00:06:19,588 Ang totoo, may pagkakapareho kayo ng kaibigan kong si Emmitt. 55 00:06:19,670 --> 00:06:21,339 Pareho kayong naglaro ng football. 56 00:06:22,173 --> 00:06:26,386 Tatlong taon si Emmitt dati sa starting ng Georgia State. 57 00:06:26,470 --> 00:06:30,807 Ayon sa mga rekord mo, naglaro ka ng isang laro sa Army. 58 00:06:32,518 --> 00:06:35,144 Anon'g nangyari, tol? 'Di mo kinaya? 59 00:06:35,228 --> 00:06:37,480 -Sinipa nila ako. -Bakit? 60 00:06:37,564 --> 00:06:39,274 Masyadong bayolente. 61 00:06:46,406 --> 00:06:49,867 -Iniistorbo mo ang pagkain namin. -May itatanong ako. 62 00:06:50,619 --> 00:06:52,286 Anong klaseng lalaki ka? 63 00:06:53,872 --> 00:06:57,084 Tanga? May poot? 64 00:06:58,502 --> 00:07:03,798 Isa ka bang spoiled na anak-mayaman na nagtatago sa pera ng Tatay mo? 65 00:07:08,052 --> 00:07:09,971 Hindi retorikal ang tanong na 'yun. 66 00:07:10,889 --> 00:07:15,269 Gusto ko talaga malaman kung anong klase ng lalaki ang nananakot ng babae. 67 00:07:15,978 --> 00:07:20,231 Babae na, nga pala, ay 'di natatakot. 68 00:07:25,653 --> 00:07:27,781 Mukhang alam ko na anong klaseng lalaki ka. 69 00:07:29,824 --> 00:07:31,826 May mga nalalaman ka. 70 00:07:33,161 --> 00:07:36,540 Alam mong hahabulin kita, nang makita ko ang ginawa mo kay Roscoe. 71 00:07:38,250 --> 00:07:41,377 Alam mong makikita ko ang truck mo sa labas. 72 00:07:41,461 --> 00:07:45,507 Isang truck sa trabaho na puro bariles lang ang laging laman. 73 00:07:46,884 --> 00:07:49,636 At alam mong pupunta ako rito't magdudulot ng problemang 74 00:07:49,720 --> 00:07:52,514 malamang ay magbibigay sa'kin ng problema. 75 00:07:52,598 --> 00:07:55,016 Pero alam mo kung anong 'di mo alam? 76 00:07:55,641 --> 00:07:57,476 Ano 'yun? 77 00:07:57,560 --> 00:08:00,480 'Yung pakiramdam 'pag sinuntok kita. 78 00:08:00,564 --> 00:08:04,610 Dahil kung alam mo lang, 'di mo na sana kinuha ang pintura. 79 00:08:06,485 --> 00:08:07,653 Okey. 80 00:08:09,238 --> 00:08:12,033 May sasabihin naman ako tungkol kay Roscoe Conklin. 81 00:08:14,661 --> 00:08:16,495 'Yung malanding 'yun… 82 00:08:35,724 --> 00:08:37,850 -Tama na! -'Di kita gusto dati pa, Dawson, 83 00:08:37,934 --> 00:08:41,187 -baka mapatunayan ko pa. -Bitawan mo kutsilyo, o babarilin kita. 84 00:08:42,105 --> 00:08:43,523 Anak, ibaba mo 'yan. 85 00:08:56,411 --> 00:08:59,121 -Hindi pa tayo tapos. -Sabihin mo lang kung kailan. 86 00:08:59,206 --> 00:09:03,376 Mula nang dumating ang taong 'to, puro karahasan na lang. 87 00:09:03,460 --> 00:09:05,086 Tapos ngayon ang anak ko naman? 88 00:09:05,169 --> 00:09:09,633 -Tama na, ilayo niyo rito 'yan. -Ang alam ko, hindi ikaw ang boss ko. 89 00:09:11,051 --> 00:09:15,096 Captain Finlay, tagalungsod ka, 90 00:09:15,179 --> 00:09:17,807 kaya baka 'di mo pa naririnig ang kasabihang, 91 00:09:19,017 --> 00:09:21,852 pero kung maghuhukay ka para sa tubig sa ilalim ng batalan, 92 00:09:21,937 --> 00:09:23,605 wala kang makikita. 93 00:09:23,688 --> 00:09:27,692 Kaya itigil mo na ang kalokohang 'to, bago pa may masaktan. 94 00:09:29,110 --> 00:09:31,028 Nakita ko ang lahat. 95 00:09:31,488 --> 00:09:33,698 Nananahimik sila, 96 00:09:33,782 --> 00:09:36,743 tapos pumasok 'to at nanggulo. 97 00:09:36,826 --> 00:09:40,330 Salamat, Earl, sa pagiging mabuting mamamayan. 98 00:09:44,750 --> 00:09:46,628 Roscoe, ilabas mo si Reacher. 99 00:09:49,505 --> 00:09:51,008 Kita-kita, Junior. 100 00:10:12,903 --> 00:10:16,575 Namatay si Molly Beth dahil nag-alala siya sa isang Reacher. 101 00:10:21,495 --> 00:10:22,788 Oo nga. 102 00:10:26,625 --> 00:10:27,878 Si Teale. 103 00:10:29,462 --> 00:10:31,505 Hepe Teale. 104 00:10:31,590 --> 00:10:32,548 Oo nga. 105 00:10:35,092 --> 00:10:36,761 'Di ko alam 'yun. 106 00:10:37,803 --> 00:10:40,307 Baka napalampas ko lang. 107 00:10:42,933 --> 00:10:44,226 Ano? 108 00:10:44,311 --> 00:10:47,397 Hindi, napahalo lang sa iba. 109 00:10:47,480 --> 00:10:49,982 -Gago, tang-ina! -Relaks. Anong nangyayari? 110 00:10:50,067 --> 00:10:51,860 -Sinisante ako ni Teale! -Bakit? 111 00:10:51,942 --> 00:10:53,945 Pagpasok ng ulat para sa kotse ni Joe, 112 00:10:54,028 --> 00:10:57,157 sinabi kong tumugma ang plaka sa sasakyan ng isang con. 113 00:10:57,240 --> 00:11:01,035 Tiningnan ni Teale ang ulat at nakitang wala palang plaka. 114 00:11:01,119 --> 00:11:04,373 Sabi niya, iniimbestigahan natin ang pagpaslang sa hepe ng pulis 115 00:11:04,456 --> 00:11:07,708 at 'di siya papayag na ganu'n ang trabaho kaya sinisante ako. 116 00:11:07,793 --> 00:11:10,003 Madalang kayong nasa opisina. 117 00:11:10,086 --> 00:11:12,798 Tapos bigla niyang itsetsek ang files ng trabaho niyo. 118 00:11:12,880 --> 00:11:15,299 -Naghihinala na siya. -Kakausapin ko siya. 119 00:11:15,384 --> 00:11:18,886 -'Di ko isusuko ang baril ko. -Ayokong isuko mo 'yan, 120 00:11:18,970 --> 00:11:22,264 -hayaan mo lang kausapin ko siya. -Kalokohan 'to. 121 00:11:22,349 --> 00:11:24,850 Paano siya? Babalik ba siya sa kulungan? 122 00:11:24,934 --> 00:11:26,519 'Di magkakaso si Kliner. 123 00:11:26,602 --> 00:11:28,437 Dahil ayaw niyang magpunta sa korte. 124 00:11:28,522 --> 00:11:31,982 Pwede kong hilingin na tingnan ang character impeachment. 125 00:11:32,067 --> 00:11:35,195 'Yung rekord ng trabaho at books ng Kliner Indutries, 126 00:11:35,278 --> 00:11:36,363 ayaw nila 'yun. 127 00:11:36,446 --> 00:11:39,073 Kaya ano nang gagawin natin? 'Di pa ako tapos dito. 128 00:11:39,157 --> 00:11:40,866 Babalik tayo sa listahan ni Joe. 129 00:11:40,991 --> 00:11:43,412 'Yun ang blueprint niya, 'yun din dapat ang atin. 130 00:11:43,495 --> 00:11:45,788 Nasa ibang bansa pa rin ang mga propesor 131 00:11:45,871 --> 00:11:48,375 at tinitingnan ni Neagley ang anggulo ng Memphis. 132 00:11:48,457 --> 00:11:52,003 -Walang kahit ano sa garahe. -Kaya files na lang ni Gray ang natitira. 133 00:11:52,086 --> 00:11:54,130 Sinabi ko na, wala siyang iniwan. 134 00:11:56,048 --> 00:12:00,886 Ang totoo, mayroon. Hindi files. Kundi 'yung Desert Eagle niya. 135 00:12:00,971 --> 00:12:04,140 -Parang isang taon bago siya namatay. -Mismo. 136 00:12:04,224 --> 00:12:06,643 Ibinibigay ng mga magpapakamatay mga gamit nila 137 00:12:06,725 --> 00:12:08,854 bago mismo ang pangyayari, 'di isang taon. 138 00:12:13,107 --> 00:12:15,527 Gusto kong makita ang kahon nu'n. 139 00:12:15,610 --> 00:12:18,738 Ingatan mo lang, napakahalaga sa 'kin nito. 140 00:12:27,121 --> 00:12:28,748 Walang laman. 141 00:12:54,941 --> 00:12:57,235 -Lintik. -Bibig mo. 142 00:13:05,910 --> 00:13:09,873 May file cabinet ba o lock box sa bahay niya noong namatay siya? 143 00:13:09,956 --> 00:13:11,457 Wala. 144 00:13:11,541 --> 00:13:14,711 May iba pa bang lugar na pinagtaguan niya ng mahahalagang bagay? 145 00:13:14,793 --> 00:13:19,090 Sa station at sa bahay lang nagpupunta si Gray. 146 00:13:19,173 --> 00:13:20,926 Hindi tama 'yan. 147 00:13:21,009 --> 00:13:22,927 Noong nasa motel kami sa Alabama, 148 00:13:23,010 --> 00:13:25,721 sabi mo, nagpapagupit ng buhok si Gray linggu-linggo. 149 00:13:25,804 --> 00:13:29,183 Bakit magpapagupit linggu-linggo ang isang panot? 150 00:13:31,561 --> 00:13:36,441 Sabi ni Gray, sa'yo lang daw ibigay 'to. 151 00:13:36,524 --> 00:13:41,071 At kung hahanapin mo raw, 152 00:13:41,153 --> 00:13:45,366 sabihin daw sa'yo na ipinagmamalaki niya ang anak niya. 153 00:14:16,855 --> 00:14:18,482 Nag-iwan siya ng bulaklak. 154 00:14:23,363 --> 00:14:25,447 Ayon sa mga resibo ng livestock auction, 155 00:14:25,532 --> 00:14:28,576 may 116 baka si Kliner, na sabay-sabay niyang binili. 156 00:14:28,659 --> 00:14:30,995 Diyos ko, heto na naman tayo sa baka. 157 00:14:31,078 --> 00:14:34,039 Kakaibang numero. Sinong bibili ng 116 na baka? 158 00:14:34,124 --> 00:14:37,418 -Marami kang binibili, 20, 50, 100. -Ano'ng punto mo? 159 00:14:37,501 --> 00:14:39,796 Ewan ko. Basta… 160 00:14:39,879 --> 00:14:42,340 Parang… Napakaraming pakain nu'n. 161 00:14:43,048 --> 00:14:44,466 Marami nga. 162 00:14:45,051 --> 00:14:46,177 Sabihin mo nga. 163 00:14:46,260 --> 00:14:48,929 Kailan nagiging komersyal ang sakahang pampamilya? 164 00:14:49,014 --> 00:14:50,514 Gaano ba kalaki dapat? 165 00:14:50,599 --> 00:14:52,975 -Hindi ito lead. -Patawanin mo ako. 166 00:14:55,019 --> 00:14:56,062 Hindi ko alam. 167 00:14:56,145 --> 00:14:59,607 Tanda ko noong umabot na sa 120 'yung sa tito ko, 168 00:14:59,691 --> 00:15:01,650 kailangan niyang mag-file sa state. Bakit? 169 00:15:01,735 --> 00:15:03,445 Kaya, hihinto ang Kliner sa 116. 170 00:15:03,528 --> 00:15:06,990 Bago umabot sa bilang na iinspeksyunin siya ng state 171 00:15:07,072 --> 00:15:09,283 -para itsek ang operasyon. -Anong operasyon? 172 00:15:09,366 --> 00:15:13,538 May mga baka siya, at 'di gaanong marami, tantanan mo na. 173 00:15:13,621 --> 00:15:17,082 -Alam mo kung ano'ng malaki? -Kung sasabihin mong 'yung pakain, 174 00:15:17,167 --> 00:15:20,503 hihiwain ko na ang bayag mo. 175 00:15:20,586 --> 00:15:22,838 Kamatis at mayo. 176 00:15:24,256 --> 00:15:28,260 Baka kailangan niyo ng kaunting pampalakas. 177 00:15:28,345 --> 00:15:30,596 -Salamat, sir. -Salamat. 178 00:15:31,514 --> 00:15:35,018 Baka may prutas o salad kayo? 179 00:15:35,100 --> 00:15:38,812 May tomato salad ako, na may mayo, 180 00:15:38,897 --> 00:15:42,317 na palaman ng tinapay na nasa harapan niyo. 181 00:15:43,567 --> 00:15:44,903 Salamat. 182 00:15:51,241 --> 00:15:54,203 'Di ka nagbibiro sa kalidad ng trabaho ni Gray. 183 00:15:54,287 --> 00:15:56,081 Napakametikuloso. 184 00:15:56,163 --> 00:15:58,832 Sinuri niya ang bawat tax return para sa Kliner fund. 185 00:15:58,917 --> 00:16:01,168 Halos buong forensic accounting. 186 00:16:01,251 --> 00:16:05,048 Bumubuhos ang pera, pero 'di tugma sa pumapasok na kita. 187 00:16:05,130 --> 00:16:07,676 Paano ito nakakaakit ng ganito kalaking donasyon 188 00:16:07,759 --> 00:16:11,929 kung nagbibigay lang ito sa mga negosyo at grupong pangkomunidad 189 00:16:12,013 --> 00:16:14,014 -ng maliit na bayan sa Georgia? -Hindi. 190 00:16:14,099 --> 00:16:17,519 'Di nila kailangan ng donasyon dahil nakakapag-imprenta sila ng pera. 191 00:16:17,601 --> 00:16:21,147 Binibili niya ang pananahimik ng lahat. Insurance 'yun. 192 00:16:21,815 --> 00:16:25,360 Kapag may nakitang kakaiba ang mga taga-Margrave tungkol kay Kliner, 193 00:16:25,442 --> 00:16:28,863 o kapag inilagay sila sa jury, o kahit tinanong, 194 00:16:28,947 --> 00:16:32,450 nabili na ni Kliner ang katapatan nila gamit ang Kliner fund. 195 00:16:32,533 --> 00:16:37,246 Kaya pag-aari ni Kliner ang Margrave ang mamamayan nito. Hawak niya sa leeg. 196 00:16:37,330 --> 00:16:39,957 -Sapat ba 'to para litisin siya? -Hindi. 197 00:16:40,040 --> 00:16:42,376 Nasa dulo ng bahaghari ang tax returns. 198 00:16:42,961 --> 00:16:45,212 Dry numbers na kumakatawan lang sa mga aksyon. 199 00:16:45,296 --> 00:16:48,841 Sa kasong ito, malinaw na mga ligal na mapagkawanggawang kontribusyon. 200 00:16:48,924 --> 00:16:52,511 Pero kailangan natin ng direktang katibayan at wala tayo no'n. 201 00:16:52,595 --> 00:16:55,932 Sa lahat ng lugar, bakit sa Margrave? 202 00:16:57,057 --> 00:16:59,059 Maraming nangangamatay na bayan. 203 00:17:03,940 --> 00:17:04,982 Ipapakita ko. 204 00:17:09,738 --> 00:17:11,573 Ano'ng ginagawa mo? 205 00:17:12,781 --> 00:17:16,411 Napakainam ng lokasyon ng Margrave para sa distribusyon. 206 00:17:16,493 --> 00:17:19,830 Nagkukrus dito ang lumang arterial systems ng state route. 207 00:17:19,913 --> 00:17:23,876 Naiiwasan ng mga truck ni Kliner ang mga interstate sa karamihan ng biyahe, 208 00:17:23,960 --> 00:17:27,463 para makaiwas sa radar ng mga pulis sa mga abalang highway. 209 00:17:27,547 --> 00:17:30,842 May epektibo at planadong operasyon siyang kailangang protektahan. 210 00:17:30,924 --> 00:17:33,177 Okey. Kuha ko na. 211 00:17:33,761 --> 00:17:36,306 Pero bakit bigla siyang naging marahas? 212 00:17:36,388 --> 00:17:39,476 Iniimbestigahan ng Secret Service agent ang operasyon niya, 213 00:17:39,558 --> 00:17:40,934 inalis niya 'yong banta. 214 00:17:41,019 --> 00:17:44,480 Tapos pinapatay niya ang hepe, sinubukang patayin ang isa pang pulis, 215 00:17:44,564 --> 00:17:47,400 tapos 'yung sibilyan na kapatid ng isang ahente. 216 00:17:47,483 --> 00:17:50,068 Parang sobrang pag-aayos naman 'yun. 217 00:17:54,073 --> 00:17:58,411 'Yung blockade ng Coast Guard 'yun. Ilang araw nang nasa balita. 218 00:17:58,494 --> 00:18:02,624 Isang taon nang walang dumarating na pekeng pera sa US. 219 00:18:02,707 --> 00:18:05,460 Kaya may malaking backlog sa ibang bansa, 220 00:18:05,542 --> 00:18:08,337 at nagiging sanhi nang madaling pagkahuli nila. 221 00:18:08,421 --> 00:18:10,882 At paubos na ang suplay ni Kliner sa US. 222 00:18:10,964 --> 00:18:14,093 Umaasa mga buyer niya sa pale-paletang pera na 'di niya maibigay 223 00:18:14,176 --> 00:18:16,971 at 'di magandang galitin ang mga taong 'to. 224 00:18:17,055 --> 00:18:18,597 Ano'ng gagawin mo sa mga 'yon? 225 00:18:18,681 --> 00:18:22,559 May gustong bumili ng bagay na mapanganib at sobrang mahal. 226 00:18:22,644 --> 00:18:26,230 Wala silang pera para du'n, kaya nag-iimprenta sila. 227 00:18:26,314 --> 00:18:30,902 O gusto nilang guluhin ang ekonomiya ng US o ng bansang tumatakbo sa dolyar, 228 00:18:30,984 --> 00:18:33,363 tulad ng Panama, kung saan dumaraan ang maraming 229 00:18:33,445 --> 00:18:35,698 pandaigdigang kalakalan taun-taon. 230 00:18:35,781 --> 00:18:37,491 Wala akong paki sa dahilan nila. 231 00:18:37,575 --> 00:18:41,203 Malalaman na 'yun 'pag namatay na ang mga pumatay kay Joe. 232 00:18:41,287 --> 00:18:44,874 Hindi nagpakamatay si Gray. Pinatay siya nila. 233 00:18:50,380 --> 00:18:52,131 Kakausapin ko siya. 234 00:19:17,781 --> 00:19:19,659 Ayaw ko. Hindi ako sasama. 235 00:19:19,741 --> 00:19:21,661 Gagawin niyo 'yun, 236 00:19:21,743 --> 00:19:25,289 isusuot ang pinakamagandang damit, at pupunta kayo roon. 237 00:19:25,373 --> 00:19:27,791 Wala kayong boto at magagawa rito. 238 00:19:28,710 --> 00:19:31,378 Kaya 'wag kang gagalaw para 'di magupit ang tainga mo. 239 00:19:32,046 --> 00:19:34,339 Tapos na, ano sa tingin mo? 240 00:20:06,204 --> 00:20:10,167 Ikinalulungkot ko ang nangyari. Mali ang ginawa ko. 241 00:20:10,250 --> 00:20:13,755 Sana ay mapatawad moako, pero mauunawaan ko kung hindi. 242 00:20:14,463 --> 00:20:16,089 Ikaw naman, Reacher. 243 00:20:18,343 --> 00:20:19,259 Hindi. 244 00:20:19,344 --> 00:20:22,846 Puro kayo away ni Curtis mula nang dumating tayo rito. 245 00:20:22,931 --> 00:20:25,182 -Mag-sorry ka. -Ayaw ko. 246 00:20:25,266 --> 00:20:27,184 Tingnan mo ang anak ko. 247 00:20:27,602 --> 00:20:30,520 Ni hindi mo kayang mag-sorry? 248 00:20:39,739 --> 00:20:40,740 Sorry na. 249 00:20:42,700 --> 00:20:46,328 Sorry kung hindi pantay ang mukha niya. 250 00:20:59,925 --> 00:21:02,095 Nagsalita ang mga gago sa lamay niya. 251 00:21:03,096 --> 00:21:06,891 Gusto mong iligtas ang bayan mo, ipaghiganti si Gray, sige, bahala ka. 252 00:21:06,974 --> 00:21:10,185 Dapat parusahan ang masasamang tao, nang 'di nakokonsensya. 253 00:21:18,068 --> 00:21:18,944 Kuha ko na. 254 00:21:21,489 --> 00:21:22,656 Ano'ng sabi niya? 255 00:21:22,824 --> 00:21:26,827 Sabi niya gusto niyang kumain nang 10:00, pero 6:00 siyang kumain. 256 00:21:26,911 --> 00:21:28,413 Ano'ng ibig sabihin no'n? 257 00:21:28,496 --> 00:21:31,499 MP radio code ang ten-six na "Magpadala ng sibilyang pulis." 258 00:21:31,582 --> 00:21:36,253 Ibig sabihin, may nakita siyang mahalaga at 'di siya tiwalang pag-usapan 'yun. 259 00:21:36,336 --> 00:21:39,339 At sinusubukan niya ako dahil sibilyan na ako. 260 00:21:39,423 --> 00:21:41,217 Mahilig siyang mang-asar. 261 00:21:41,299 --> 00:21:43,845 'Di ako pwedeng basta mawala at pumunta ng Memphis. 262 00:21:43,927 --> 00:21:47,056 -Magdududa si Teale. -'Di ka rin naman sasama. 263 00:21:47,140 --> 00:21:49,392 Ayaw ni Neagley sa mga bagong tao. 264 00:21:49,474 --> 00:21:51,602 Paano mo siya mahahanap? 265 00:21:51,685 --> 00:21:53,395 Ako nang bahala ro'n. 266 00:21:55,772 --> 00:21:58,108 Iiwasan niya ang mga matataong lugar . 267 00:21:59,067 --> 00:22:01,487 Kaya tanggal na ang palibot ng Beale Street. 268 00:22:02,195 --> 00:22:04,365 At ng unibersidad. 269 00:22:04,449 --> 00:22:07,367 Mahahalata ang mga matatandang wala na sa kolehiyo. 270 00:22:08,577 --> 00:22:11,372 Lumaking mahirap si Neagley, kaya matipid 'yun. 271 00:22:11,455 --> 00:22:14,125 Hindi siya tutuloy sa five star. 272 00:22:14,625 --> 00:22:16,877 Pipili siya ng disenteng mumurahin. 273 00:22:16,961 --> 00:22:20,631 'Yung nasa bayan, malapit sa sakayan. 274 00:22:25,886 --> 00:22:28,263 Malapit sa kainan na hindi mamahalin 275 00:22:28,346 --> 00:22:30,223 at hindi fastfood. 276 00:22:44,279 --> 00:22:45,740 Salamat. 277 00:22:47,032 --> 00:22:49,035 Kumusta, tol? 278 00:22:51,537 --> 00:22:53,038 Sabi ko na, mahahanap kita eh. 279 00:22:53,873 --> 00:22:56,792 Asa ka pa. Nahanap kita. 280 00:22:56,875 --> 00:22:59,211 Sampung taong magkasama sa Special Investigators, 281 00:22:59,295 --> 00:23:01,213 kilala na kita. 282 00:23:01,297 --> 00:23:03,840 Naisip ko, sa bayan, hindi matao, 283 00:23:03,924 --> 00:23:06,551 maayos na hotel, malapit sa sakayan, 284 00:23:06,635 --> 00:23:08,386 malapit sa maayos na restawran. 285 00:23:09,055 --> 00:23:12,682 At alam kong pagkatapos ng flight sa umaga, na walang pagkain, 286 00:23:12,767 --> 00:23:15,769 didiretso sa kainan si Jack the Beanstalk. 287 00:23:15,853 --> 00:23:18,647 At alam mo pupunta ako sa bistro, kasi Pranses nanay ko. 288 00:23:18,730 --> 00:23:20,148 Pinakamalaki karatula nito. 289 00:23:21,192 --> 00:23:24,945 Hindi ka gano'n kakumplikado. Gusto ko ng Cocoa Puffs. 290 00:23:25,028 --> 00:23:27,698 Kaya 'di ka tumuloy diyan sa tapat? 291 00:23:27,781 --> 00:23:30,326 Ano ka ba. Sa Four Seasons. 292 00:23:32,202 --> 00:23:35,163 Nasa pribadong sektor na ako, may miles. 293 00:23:36,164 --> 00:23:37,250 Okey. 294 00:23:38,416 --> 00:23:41,378 -Tara na. Update kita. -'Di pa ako kumakain. 295 00:23:42,712 --> 00:23:45,549 May beignets ako. Ngumuya ka habang lumalakad. 296 00:23:48,719 --> 00:23:50,179 Medyo malawak ang lugar. 297 00:23:51,596 --> 00:23:54,057 Kung may taong may parabolic mic, makikita natin. 298 00:23:54,142 --> 00:23:56,227 -Ligtas na magsalita. -Sige na. 299 00:23:56,309 --> 00:23:58,186 Kailangan mo ng babae. 300 00:23:59,605 --> 00:24:01,898 Para sa kaso? 301 00:24:01,982 --> 00:24:05,278 'Yung JW sa listahan ng kapatid mo ay EPA investigator 302 00:24:05,361 --> 00:24:07,654 -na si Jimmy Dupree Wilks. -Dati. 303 00:24:07,738 --> 00:24:10,365 Binaril sa bahay niya. Patay nang fed. 304 00:24:10,449 --> 00:24:11,909 Nanghimasok pala ang FBI? 305 00:24:11,992 --> 00:24:14,787 Napag-alamang pagnanakaw ang pakay. 306 00:24:14,871 --> 00:24:16,830 Tingin mo mali sila. 307 00:24:16,913 --> 00:24:20,667 Ang ginamit na sandata ay small caliber, nine millimeter, subsonic. 308 00:24:20,750 --> 00:24:24,087 'Di gumagamit ng silencer ang magnanakaw. Karamihan walang baril. 309 00:24:24,172 --> 00:24:26,965 At nagnanakaw sila. 310 00:24:27,048 --> 00:24:29,426 -Walang kinuha. -Tama. 311 00:24:29,509 --> 00:24:31,136 Isa pang kakaibang detalye. 312 00:24:31,220 --> 00:24:34,723 Binugbog 'yung bangkay, pagkatapos mamatay. 313 00:24:34,807 --> 00:24:36,933 Kakaiba 'yun. 314 00:24:37,018 --> 00:24:39,228 Nangyayari din sa iba. 315 00:24:39,311 --> 00:24:40,229 Ibig sabihin? 316 00:24:41,439 --> 00:24:43,941 'Yun ang ginawa nila sa kapatid ko. 317 00:24:44,733 --> 00:24:45,734 Lintik. 318 00:24:47,236 --> 00:24:50,239 Marami kang papatayin, ano? 319 00:24:50,823 --> 00:24:52,282 Nagsimula na nga. 320 00:24:55,619 --> 00:25:00,249 Bueno, dapat alam mong hindi lang ako ang nakaisip no'n. 321 00:25:00,333 --> 00:25:03,294 'Yung pulis sa Memphis, si Aucoin, nakuha niya ang kaso ng Wilks 322 00:25:03,376 --> 00:25:06,047 at sinuri niya 'yun, bago pumasok ang FBI. 323 00:25:06,130 --> 00:25:08,465 Nakatala sa orihinal niyang ulat ang duda niya. 324 00:25:08,548 --> 00:25:10,509 Kaya hinanap mo siya. 325 00:25:10,593 --> 00:25:14,805 Limang taon na raw siyang naghihintay ng tawag mula sa isang tao tungkol dito. 326 00:25:14,888 --> 00:25:16,932 Makikipagkita tayo sa CI, 327 00:25:17,016 --> 00:25:20,728 mababang antas na hitman na maaaring may alam sinong pumatay kay Wilks. 328 00:25:20,810 --> 00:25:23,271 'Di karaniwang target ang mga EPA investigator. 329 00:25:23,355 --> 00:25:27,067 -Saan siya nangingialam? -Humiling ako ng FOIL para sa rekord niya. 330 00:25:27,151 --> 00:25:30,695 Tinitingnan niya 'yong antas ng polusyon sa Mississippi. 331 00:25:30,779 --> 00:25:31,739 Saan galing 'yan? 332 00:25:31,821 --> 00:25:36,618 Nasa unang dalawang kabanata ng ualt ni Milks ang saklaw ng polusyon 333 00:25:36,701 --> 00:25:41,457 at ang ikatlong kabanata na nagsasaad ng pinagmulan ay nawawala. 334 00:25:41,539 --> 00:25:44,669 Hulaan ko. 'Di na mahanap ng EPA. 335 00:25:44,751 --> 00:25:48,297 Wala na, parang Roanoke. Akala mo'y 'di naisulat. 336 00:25:48,381 --> 00:25:52,384 Pero tila pinakamatindi ang polusyon sa Chester, Arkansas. 337 00:25:52,468 --> 00:25:53,760 Kaya doon tayo pupunta. 338 00:25:58,391 --> 00:26:01,227 Nakaya nilang iwala ang files sa isang federal agency. 339 00:26:01,309 --> 00:26:04,563 Hindi lang corporal na nanuntok ng sarhento ang hinahanap mo. 340 00:26:04,646 --> 00:26:07,775 Magkakaugnay sila, at mga walang-awang mamamatay-tao. 341 00:26:09,777 --> 00:26:11,778 'Pag may nangyari sa'yo, 342 00:26:11,862 --> 00:26:16,032 para akong nawalan ng dalawang kaibigan, dahil malaki ka. 343 00:26:23,749 --> 00:26:25,542 May itatanong ako. 344 00:26:25,625 --> 00:26:30,673 Kung 'yung taong gusto ko para sa pagpatay ay bumibili ng napakaraming pakain, 345 00:26:30,756 --> 00:26:34,218 may makikita ka bang koneksyon sa iniimbestigahan natin? 346 00:26:34,301 --> 00:26:36,636 Wala naman, sa unang tingin. 347 00:26:38,888 --> 00:26:41,182 Pero napakaraming pakain naman. 348 00:26:43,059 --> 00:26:45,020 Kaya nga gusto kita, Neagley. 349 00:26:49,150 --> 00:26:51,652 Bakit napakalaki mo? 350 00:26:52,193 --> 00:26:53,445 Nasa lahi. 351 00:26:56,324 --> 00:26:57,782 Gusto mo ng beignet? 352 00:27:00,786 --> 00:27:04,123 Hindi, 'di mo ako mahuhuli 353 00:27:04,205 --> 00:27:07,792 Hindi. Lintik na 'yan. 354 00:27:09,002 --> 00:27:11,005 -Roscoe. -Nakakaabala ba ako? 355 00:27:11,087 --> 00:27:15,593 Hindi, may tinatapos lang akong medikal na pag-eeksamen, 356 00:27:15,675 --> 00:27:17,510 ano'ng maitutulong ko sa'yo? 357 00:27:17,595 --> 00:27:20,221 -'Wag mong sabihing mayroon na naman. -Maaari. 358 00:27:20,306 --> 00:27:21,932 Mas maganda kung "wala". 359 00:27:23,642 --> 00:27:25,478 Noong mamatay si Officer Gray, 360 00:27:25,560 --> 00:27:30,231 naalala kong sinabi ng embalsador na inayos nila 'yung sugat gamit ang makeup, 361 00:27:30,316 --> 00:27:33,986 dahil masyado siyang nalasing kaya natumba noong tumayo sa pagkakaupo 362 00:27:34,069 --> 00:27:37,781 -para, alam mo na, 'yung tali? -May matinding contusion nga. 363 00:27:37,865 --> 00:27:41,117 Parang tumama sa kanto ng upuan o kung ano. 364 00:27:41,201 --> 00:27:44,747 -Pwedeng makita? -Sige. 365 00:27:49,167 --> 00:27:51,045 Heto na. 366 00:28:02,847 --> 00:28:08,354 -Baka makita ko ang hinahanap mo? -Hindi na. Salamat. Ayos na ako. 367 00:28:13,108 --> 00:28:14,067 Okey. 368 00:28:15,611 --> 00:28:19,198 Sa halip na tumama ang ulo sa isang bagay, 369 00:28:19,280 --> 00:28:21,616 pwede bang may tumama sa ulo niya? 370 00:28:22,785 --> 00:28:26,413 -Ibig sabihin, hinampas siya? -Oo. 'Yun nga. 371 00:28:26,497 --> 00:28:27,789 Siguro. 372 00:28:27,873 --> 00:28:31,167 Ang magiging resultang sugat ay magmumukhang kapareho sa labas, 373 00:28:31,251 --> 00:28:33,628 pero 'di ko tiningnan 'yung sugat nang ganoon. 374 00:28:33,711 --> 00:28:35,964 -Pwede mo bang tingnan? Ngayon? -Sige. 375 00:28:36,048 --> 00:28:38,843 Pwede kong i-zoom in, tingnan kung anong mayroon. 376 00:28:42,721 --> 00:28:43,763 Hayun na. 377 00:28:45,682 --> 00:28:47,476 Aba, kakaiba. 378 00:28:47,559 --> 00:28:50,186 'Pag tinaasan mo ang contrast ng skin edema, 379 00:28:50,270 --> 00:28:53,898 lalo sa palibot ng sugat sa ulo, na maraming dugo na lumalabas, 380 00:28:53,982 --> 00:28:55,984 makakakuha ka ng micro lacerations, 381 00:28:56,067 --> 00:28:59,572 na madalas ay makikita ang hugis ng bagay na tumama. 382 00:28:59,654 --> 00:29:01,574 Kaya 'pag nag-zoom in pa ako. 383 00:29:05,411 --> 00:29:08,913 Parang diyamante, ano? 384 00:29:11,959 --> 00:29:13,335 Oo. 385 00:29:16,630 --> 00:29:18,382 Tama ka. 386 00:29:23,929 --> 00:29:25,722 WELCOME SA ARKANSAS ANG NATURAL STATE 387 00:29:25,806 --> 00:29:27,599 MAG-SEATBELT PARA LIGTAS 388 00:29:37,276 --> 00:29:39,903 Ayos lang bang magtanong tungkol sa ilog? 389 00:29:39,987 --> 00:29:43,240 May lisensya ako, 'di ako magbabayad ng multa. 390 00:29:43,990 --> 00:29:46,117 'Di lisensya ang habol ko. 391 00:29:47,286 --> 00:29:49,204 Talaga? Mukha kayong tagagobyerno. 392 00:29:50,330 --> 00:29:53,250 Mahusay, pero wala akong pakialam sa pangingisda mo. 393 00:29:53,334 --> 00:29:54,626 Mabuti. 394 00:29:58,963 --> 00:30:02,843 May bakanteng drum doon, sa pigpen. 395 00:30:02,926 --> 00:30:05,804 Mas malinis pa sa ilog ang drum. 396 00:30:07,056 --> 00:30:09,016 Kaya kami nandito. 397 00:30:09,098 --> 00:30:12,185 Para malaman kung anong nangyari sa Chester papunta sa ilog. 398 00:30:12,978 --> 00:30:15,689 Clarron Chemical ang nangyari. 399 00:30:15,772 --> 00:30:18,901 Ang laki ng iniabante, pero umatras din nang buo, 400 00:30:18,983 --> 00:30:20,818 kaya puro basura na ang naiwan. 401 00:30:20,903 --> 00:30:22,654 Sino 'yung Clarron? 402 00:30:22,738 --> 00:30:28,536 Mga mayayamang nakaporma na nanalasa sa bayan namin. 403 00:30:28,618 --> 00:30:32,623 May kinalaman sila sa pakain sa hayop? Produksyon o pagbebenta no'n? 404 00:30:32,705 --> 00:30:37,211 Sabi ko, Clarron Chemical, hindi Clarron Grain and Seed. 405 00:30:39,587 --> 00:30:42,590 -Saan ka pupunta? -Nakakainip ka. 406 00:30:42,674 --> 00:30:44,425 May mga tanong pa ako. 407 00:30:46,886 --> 00:30:51,307 Hindi ikaw ang unang nagtanong tungkol sa ilog namin. 408 00:30:51,392 --> 00:30:54,103 Nagpunta ang EPA dito noon, binanggit kung paanong 409 00:30:54,185 --> 00:30:56,855 dito napupunta ang lason dahil sa heograpiya. 410 00:30:56,939 --> 00:30:59,107 Kaya namatay lahat ng crawdad at hito. 411 00:30:59,191 --> 00:31:00,776 Sabi niya, lilinisin niya, 412 00:31:00,858 --> 00:31:03,528 dahil wala nang kumikita sa tubig. 413 00:31:03,612 --> 00:31:06,824 -Alam mo ang ginawa niya? -Wala. Alam mo kung bakit? 414 00:31:06,906 --> 00:31:09,117 -Hindi. -Pinatay siya. 415 00:31:10,326 --> 00:31:14,163 Oo nga, pero pati ang bayang 'to. 416 00:31:17,500 --> 00:31:19,461 Kung sira ang ilog, ba't ka nangingisda? 417 00:31:19,545 --> 00:31:21,797 Ano pa bang gagawin ko rito? 418 00:31:25,843 --> 00:31:28,721 Ilang taon nang sarado ang Clarron Chemical, 419 00:31:28,804 --> 00:31:31,140 pero 'di sila nalugi, nagsara lang. 420 00:31:31,222 --> 00:31:34,852 -Pero may parent corporation pa. -Kliner Industries. 421 00:31:34,934 --> 00:31:38,564 Mukhang sinira ng Kliner ang Chester at lumipat sa Margrave. 422 00:31:38,646 --> 00:31:41,317 Hindi si Joe ang unang ahenteng pinapatay niya. 423 00:31:41,400 --> 00:31:44,819 Pinapatay niya rin si Wilks, bago natuklasan ang pagdudumi niya. 424 00:31:44,903 --> 00:31:47,448 -'Di lang mapatunayan. -Sinong nagsabi? 425 00:31:47,990 --> 00:31:50,951 May text si Aucoin, handa nang makipagkita ang CI niya. 426 00:31:57,625 --> 00:32:00,251 Ms. Conklin, liliinsin mo na ang mesa mo? 427 00:32:00,336 --> 00:32:03,297 Hayop ka! Gago! 428 00:32:03,380 --> 00:32:06,090 -Papatayin kita! Papatayin... -Uy! 429 00:32:06,174 --> 00:32:08,301 Papatayin talaga kita! 430 00:32:08,384 --> 00:32:11,055 -Pigilan mo siya, Finlay! -Tumahimik ka na! 431 00:32:11,180 --> 00:32:13,807 Asikasuhin mo ang Mayor, ako'ng bahala sa kanya. 432 00:32:13,891 --> 00:32:15,517 Tara na. 433 00:32:15,601 --> 00:32:18,436 -Gago ka! Patay ka sa'kin! -Heto na, bossing. 434 00:32:18,519 --> 00:32:21,190 May panyo ako, gago. 435 00:32:22,023 --> 00:32:24,317 Ano'ng problema mo? 436 00:32:24,401 --> 00:32:28,321 Duda na sila dati, ngayon alam na nilang may alam ka. 437 00:32:28,404 --> 00:32:31,032 Alam kong pinatay ng gagong 'yun si Gray. 438 00:32:31,115 --> 00:32:33,451 Papaaresto ka na ni Teale. 439 00:32:33,535 --> 00:32:35,244 At kapag nasa kustodiya ka na, 440 00:32:35,328 --> 00:32:38,915 ilalabas ka nila, tulad ng ginawa kay Reacher. 441 00:32:40,917 --> 00:32:45,381 Hindi ka matangkad at mabigat, tulad ng kaibigan natin. 442 00:32:47,173 --> 00:32:48,842 Kailangan kang itakas dito. 443 00:32:49,884 --> 00:32:52,429 'Di ka na pwedeng magpakita sa Margrave. 444 00:32:59,228 --> 00:33:02,189 Reacher, si Officer Aucoin 'to. 445 00:33:02,271 --> 00:33:04,148 Ito ang partner ko, si Ribidoux. 446 00:33:05,983 --> 00:33:09,195 -Hindi na, salamat. -'Di siya mahilig dumikit. 447 00:33:10,530 --> 00:33:13,366 Ang tatagpuin natin ay isang lokal na hitman, 448 00:33:13,450 --> 00:33:15,285 alam niya lugar niya sa food chain. 449 00:33:15,368 --> 00:33:18,955 Hindi siya papatay ng federal cop, pero magsasalita siya. 450 00:33:19,080 --> 00:33:20,249 Ba't mo nasabing ayos siya? 451 00:33:20,332 --> 00:33:24,627 Matagal na siyang nalalapitan, gusto niyang manatili sa pwesto. 452 00:33:24,711 --> 00:33:26,337 Uy. Bakit kailangang gawin 'to? 453 00:33:27,005 --> 00:33:30,675 Tapos na ang kasong 'to. May mga pamilya tayo. Tama na. 454 00:33:30,759 --> 00:33:31,926 Hindi pwede. 455 00:33:32,469 --> 00:33:37,098 Napatay ang isang fed dahil dito. Hindi sulit 'to. 456 00:33:37,182 --> 00:33:41,019 Kung katumbas 'to ng buhay ng kapatid ko, katumbas din ito ng sa'yo. 457 00:33:41,644 --> 00:33:43,105 Tol… 458 00:33:45,148 --> 00:33:47,401 'Wag mo siyang alalahanin. 459 00:33:47,483 --> 00:33:50,570 Maliban kung magalit siya sa'yo, saka mo siya alalahanin. 460 00:34:00,955 --> 00:34:02,875 Ako na ang mag-check in. 461 00:34:02,958 --> 00:34:06,044 Para 'pag may naghanap ng baliw na babae 462 00:34:06,127 --> 00:34:09,255 na may matinding kanang kamay, 'di nila malalamang nandito siya. 463 00:34:09,338 --> 00:34:12,509 -Gaano katagal? -Hanggang malaman ko kung anong gagawin. 464 00:34:12,592 --> 00:34:14,844 -'Di mo ako pwedeng ibangko. -Ikaw gumawa niyan. 465 00:34:14,927 --> 00:34:17,639 Nasisante ako, 'di na kita amo, 'di ba? 466 00:34:17,722 --> 00:34:22,101 'Di ko 'to ginagawa bilang amo mo, kundi bilang kaibigan. 467 00:34:22,894 --> 00:34:25,271 Kaya dito ka lang. Babalik ako agad. 468 00:34:36,032 --> 00:34:37,701 Picard, kumusta? 469 00:34:44,123 --> 00:34:45,583 Bago ako magsalita, 470 00:34:45,666 --> 00:34:48,211 paano ko malalamang 'di ako mapapahamak dito? 471 00:34:48,295 --> 00:34:50,713 Hindi ito opisyal na imbestigasyon. 472 00:34:50,797 --> 00:34:53,675 Para sa MPD, wala nga kami rito. 473 00:34:53,759 --> 00:34:57,304 -Pangako, 'di kita hahabulin. -O? Paano naman siya? 474 00:34:57,387 --> 00:34:59,056 Wala akong pakialam sa'yo. 475 00:35:01,432 --> 00:35:02,726 Okey. 476 00:35:02,809 --> 00:35:05,103 Ako 'yung tinatawagan ng masasamang tao 477 00:35:05,228 --> 00:35:07,648 'pag may problema sila sa ibang masamang tao. 478 00:35:07,731 --> 00:35:11,275 'Di ako gumagawa ng masama at 'di rin ako 479 00:35:11,360 --> 00:35:14,822 nakikipaglokohan sa mga pulis, kuha niyo? 480 00:35:14,905 --> 00:35:17,574 Kaya kung 'di ka pumapatay ng pulis, sino? 481 00:35:17,657 --> 00:35:20,494 -Taga-ibang bayan. -Pangalanan mo. 482 00:35:20,577 --> 00:35:23,996 'Di ko alam kung anong tawag ng nanay niya sa kanya, 483 00:35:24,081 --> 00:35:26,541 pero "The Viking" ang tawag sa kanya. 484 00:35:26,625 --> 00:35:28,460 'Yun na? 485 00:35:28,543 --> 00:35:30,003 'Yun lang ang alam ko. 486 00:35:30,086 --> 00:35:32,840 Kapag nakita mo ang Viking, nakita mo na ang shooter mo. 487 00:35:32,922 --> 00:35:36,760 Kaya kung ayos lang, magpapasayaw muna ako 488 00:35:36,844 --> 00:35:41,597 dahil walang disenteng pokpok ang lalapit sa mesang may pulis, 489 00:35:41,681 --> 00:35:43,891 at may galit na higante. Kita-kits. 490 00:35:48,856 --> 00:35:51,233 -Tara na. -Hindi! 491 00:35:56,905 --> 00:35:58,322 -Uy. -Sinabing hindi. 492 00:36:04,036 --> 00:36:06,623 Kapag sinabi ng babae na ayaw niyang magpahawak, 493 00:36:06,706 --> 00:36:08,416 ayaw niyang magpahawak. 494 00:36:12,003 --> 00:36:13,588 Buti nga sa'yo. 495 00:36:15,632 --> 00:36:17,092 Pwede na tayong umalis. 496 00:36:27,268 --> 00:36:29,186 Husay mo do'n ah. 497 00:36:30,355 --> 00:36:32,733 Mas mahusay sa nagturo sa akin. 498 00:36:39,655 --> 00:36:40,699 Talaga? 499 00:36:40,782 --> 00:36:42,992 Reacher, may pag-usad kami. 500 00:36:43,076 --> 00:36:45,454 Ginawang punching bag ni Roscoe ang ulo ni Teale. 501 00:36:45,536 --> 00:36:46,538 Mabuti. 502 00:36:46,621 --> 00:36:49,041 Hindi mabuti, umilaw 'yung target sa likod niya. 503 00:36:49,123 --> 00:36:53,253 May tumawag na, gusto raw ni Teale na maaresto si Roscoe. 504 00:36:53,336 --> 00:36:54,630 'Wag magtiwala kay Stevenson. 505 00:36:54,713 --> 00:36:57,173 Sabi ko, galit siya dahil nasisante 506 00:36:57,257 --> 00:37:00,135 at tumalon siya sa kotse't tumakas. 507 00:37:00,217 --> 00:37:02,219 -Roscoe? -Nandito ako. 508 00:37:05,681 --> 00:37:07,559 Sorry. Kasi… 509 00:37:08,726 --> 00:37:11,855 -Bumigay lang ako. -Bawal mag-sorry, 'di ba? 510 00:37:11,938 --> 00:37:14,231 -Kailangan mo nang umalis. -Nakaalis na. 511 00:37:14,315 --> 00:37:17,527 Nasa motel sa state line pero may mas magandang opsyon. 512 00:37:17,610 --> 00:37:20,614 Tumawag si Picard, mawawalan daw siya ng trabaho 513 00:37:20,697 --> 00:37:24,576 'pag walang ibang mag-aalaga kina Charlie at mga bata, 514 00:37:24,659 --> 00:37:27,788 -kaya ako na ang papalit. -Paano 'yung Tweed Tornado? 515 00:37:28,413 --> 00:37:31,083 Mukhang kailangan nating bilisan nang kaunti. 516 00:37:31,166 --> 00:37:33,918 Wala sa files ni Gray lahat ng kailangan natin, 'di ba? 517 00:37:34,001 --> 00:37:36,755 Alam mo kung nasaan? Kay Kliner. 518 00:37:36,838 --> 00:37:38,757 Kailangan kong makapunta sa source, 519 00:37:38,840 --> 00:37:41,134 baka makakuha ng ebidensya. 520 00:37:41,217 --> 00:37:43,260 Bawal ang security camera, 'di ba? 521 00:37:43,344 --> 00:37:46,306 Iligal na maghahanap si Boy Scout? 522 00:37:46,389 --> 00:37:47,974 Desperado na. 523 00:37:48,057 --> 00:37:50,643 Isa pa, 'di naman ako papatay. 524 00:37:50,726 --> 00:37:52,061 Matatanggap mo rin. 525 00:37:52,853 --> 00:37:54,648 Kumusta riyan? 526 00:37:54,731 --> 00:37:57,567 May lead tayo sa shooter na pumatay ng EPA agent 527 00:37:57,650 --> 00:37:59,152 na nag-iimbestiga kay Kliner. 528 00:37:59,235 --> 00:38:02,030 Mahahanap ko na siya. 529 00:38:02,114 --> 00:38:02,989 Uy. 530 00:38:04,115 --> 00:38:07,619 Ipangako mong 'di mo titirahin si Teal nang wala ako. 531 00:38:07,702 --> 00:38:10,621 Pagdating ng panahon, hahawakan ko siya, ikaw ang susuntok. 532 00:38:13,416 --> 00:38:14,543 Bueno, 533 00:38:16,085 --> 00:38:19,505 baka 'di muna tayo magkita. 534 00:38:20,757 --> 00:38:21,717 Baka nga. 535 00:38:32,686 --> 00:38:34,021 Gusto mo siya. 536 00:38:35,896 --> 00:38:38,608 Paano mo nalamang babae si Roscoe? 537 00:38:38,692 --> 00:38:40,943 Kung paano mo sabihin ang pangalan niya. 538 00:38:41,027 --> 00:38:43,362 Normal lang 'yung pagkakasabi ko. 539 00:38:43,947 --> 00:38:45,782 -Normal lang. -Oo na. 540 00:38:45,865 --> 00:38:47,367 Paano ko ba sinabi? 541 00:38:47,451 --> 00:38:50,536 Sa presinto, iisa-isahin natin 'yung mga alyas, 542 00:38:50,619 --> 00:38:52,748 hahanapin si Viking, tingnan anong lalabas. 543 00:38:52,831 --> 00:38:55,458 May mga tao ang nasa likod nito, 544 00:38:55,541 --> 00:38:57,878 'di tayo pwedeng bastang pumasok. 545 00:38:57,960 --> 00:39:00,213 -Hindi nga. -Ano'ng ginagawa mo? 546 00:39:00,297 --> 00:39:02,882 -Ribidoux, sandali. -Barilin mo na, Aucoin. 547 00:39:02,965 --> 00:39:05,885 -Ibaba mo ang baril. -Kailangan mo siyang barilin. 548 00:39:05,969 --> 00:39:08,472 -Pahihirapan nila ang pamilya ko. -Lumaban ka. 549 00:39:08,554 --> 00:39:11,724 -Paputukin mo! -'Di mo kailangang gawin 'to! 550 00:39:11,807 --> 00:39:14,018 -Iputok mo na! -'Wag! 551 00:39:14,101 --> 00:39:16,730 -Sorry. -Hindi. Sandali… 552 00:39:22,943 --> 00:39:24,362 Sorry na. 553 00:39:26,739 --> 00:39:28,657 Sorry na talaga. 554 00:39:28,742 --> 00:39:31,077 Ihihinto ko sa kakahuyan. 555 00:39:31,161 --> 00:39:34,914 Bubuksan ang pinto, at babarilin kayo. Sige. 556 00:39:34,998 --> 00:39:37,626 Pangako, mabilis kayong mamamatay. 557 00:39:47,094 --> 00:39:48,844 Diyos ko po! 558 00:39:48,929 --> 00:39:50,554 Lintik! 559 00:40:04,485 --> 00:40:06,487 Uy! 560 00:40:06,570 --> 00:40:08,614 Ilabas niyo ako rito, please, tulong! 561 00:40:08,697 --> 00:40:11,284 -Sino'ng nagbanta sa'yo? -'Di ko alam. 562 00:40:11,367 --> 00:40:13,829 -Kailangan ko ng pangalan! -Sabihin mo na! 563 00:40:13,911 --> 00:40:18,708 'Di ko alam, may punto sila. Please. 564 00:40:20,835 --> 00:40:22,420 Please, pakawalan niyo ako. 565 00:40:22,503 --> 00:40:23,797 Sige na. 566 00:40:25,798 --> 00:40:28,342 Aalis kami rito ng kaibigan ko rito. 567 00:40:28,425 --> 00:40:30,762 Pwede ka naming isama, pero 'pag ginawa ko, 568 00:40:30,846 --> 00:40:33,639 makukulong ka, at papatayin ka nila sa loob. 569 00:40:34,599 --> 00:40:38,228 Hahabulin nila ang pamilya mo, at alam mo ang mangyayari. 570 00:40:38,311 --> 00:40:39,728 Ikaw ang pumili. 571 00:40:44,358 --> 00:40:47,695 Inang Maria, puno ka ng grasya, 572 00:40:47,778 --> 00:40:50,574 ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala… 573 00:40:50,657 --> 00:40:52,159 Hingang malalim. 574 00:41:32,324 --> 00:41:36,494 'Wag kang nanloloko ng mga Special Investigator. 575 00:41:36,577 --> 00:41:40,873 'Wag kang nanloloko ng mga Special Investigator. 576 00:41:46,963 --> 00:41:48,380 Subukan mo ang mga 'to. 577 00:42:02,353 --> 00:42:03,563 Ano na? 578 00:42:04,940 --> 00:42:08,985 Kung pinilit ni Kliner ang pulis na patayin tayo, malamang ganundin si Viking. 579 00:42:09,068 --> 00:42:11,905 Papasukin ni Finlay ang opisina ni Kliner ngayon. 580 00:42:11,987 --> 00:42:14,824 Baka may lumabas na mahalaga. 581 00:42:14,907 --> 00:42:17,034 Babalik ako sa Margrave. 582 00:42:25,918 --> 00:42:27,295 Nagbibiro ka ba. 583 00:42:32,550 --> 00:42:37,137 Sobra ito sa inasahan mo noong pumayag kang tumulong. 584 00:42:37,222 --> 00:42:38,847 Pakiusap, lumayo ka na. 585 00:42:38,931 --> 00:42:42,226 Mula sa mga taong pumatay sa kapatid mo at gusto tayong patayin ? 586 00:42:42,309 --> 00:42:43,478 Hindi hiling 'yun. 587 00:42:43,561 --> 00:42:46,648 At 'di na kita commanding officer. 588 00:42:46,731 --> 00:42:51,527 Babalik ako sa Memphis, aalamin ko kung sino ang Viking. 589 00:42:51,610 --> 00:42:54,239 Tawagan kita 'pag may nakuha na ako. 590 00:42:58,076 --> 00:43:01,454 -Ingat, bossing. -Ikaw rin. 591 00:45:46,827 --> 00:45:49,746 Mukhang 'di ikaw ang kumokontrol sa lahat, Kliner. 592 00:47:35,978 --> 00:47:37,981 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Jobert 593 00:47:38,063 --> 00:47:40,065 Mapanlikhang Superbisor Maribeth Pierce