1 00:00:10,677 --> 00:00:12,637 Noong 2021, 2 00:00:12,721 --> 00:00:17,934 pinanood ng mundo ang isang pamilya ng wild Chinese elephants na natutulog, 3 00:00:18,018 --> 00:00:22,689 na pagod mula sa 400 kilometrong paglalakbay. 4 00:00:32,532 --> 00:00:35,243 Napuwersang umalis sa tinitirhan nilang gubat 5 00:00:35,326 --> 00:00:37,579 bunsod ng pinakamalalang tagtuyot, 6 00:00:38,204 --> 00:00:41,249 ang pamilya ay naghahanap ng bagong tahanan. 7 00:00:46,546 --> 00:00:49,883 Sa paglalakbay sa malalawak na bukirin, 8 00:00:49,966 --> 00:00:52,385 wala pa ring senyales ng paghinto nila. 9 00:00:56,056 --> 00:00:59,350 Pero ikinagulat ng lahat ang kanilang sunod na ginawa. 10 00:01:04,355 --> 00:01:07,108 Habang tumatawid sa five-lane na highway, 11 00:01:07,192 --> 00:01:10,320 nagtungo ang pamilya sa lungsod ng Kunming. 12 00:01:16,868 --> 00:01:20,580 Sa loob ng ilang araw, narating ng mga elepante ang lungsod. 13 00:01:25,293 --> 00:01:29,255 At natagpuan ang kanilang sarili sa nakakatakot na bagong mundo. 14 00:01:42,185 --> 00:01:44,270 Sa takot at pagkalito, 15 00:01:46,689 --> 00:01:48,566 walang nagawa ang pamilya 16 00:01:49,317 --> 00:01:53,196 kundi magsimulang maglakbay pabalik. 17 00:02:00,787 --> 00:02:03,998 Kapansin-pansing sa kabila ng pinsalang dinulot nila, 18 00:02:04,082 --> 00:02:08,837 di lang sila hinayaan ng mga tagaroon kundi tinulungan pa, 19 00:02:10,088 --> 00:02:14,384 at daan-daang libong dolyar ang ginastos para ligtas silang maigiya pauwi. 20 00:02:21,933 --> 00:02:26,729 Matapos ang halos dalawang taon at mahigit 1,000 kilometro sa kalsada, 21 00:02:27,814 --> 00:02:31,776 ang pagod na grupo ay nakabalik sa katimugang kagubatan 22 00:02:32,402 --> 00:02:34,571 kung saan humupa na ang tagtuyot. 23 00:02:42,787 --> 00:02:44,289 Sa kabila ng lahat, 24 00:02:44,372 --> 00:02:48,001 ang bahaging ito ng kwento ng pamilya ay may masayang wakas. 25 00:02:49,169 --> 00:02:53,089 Ngunit ipinakita nitong pag nahaharap sa pagbabago ang mga hayop, 26 00:02:53,756 --> 00:02:57,760 napakalakas ng pagnanais na lumayo. 27 00:03:09,856 --> 00:03:13,735 CHAPTER 4 KALAYAANG GUMALA 28 00:03:22,076 --> 00:03:26,331 Ang ating planeta, na umiikot sa araw, ay nakatagilid. 29 00:03:28,583 --> 00:03:30,168 At pag Enero, 30 00:03:30,251 --> 00:03:33,922 ay magiging tag-araw na sa katimugang dulong bahagi. 31 00:03:37,967 --> 00:03:42,013 Ngunit, sa ilalim ng mundo, di ito laging kapansin-pansin. 32 00:03:45,808 --> 00:03:47,644 Sa kasagsagan ng tag-araw, 33 00:03:47,727 --> 00:03:51,439 ang temperatura sa Antarctica ay di lumalampas sa pagyeyelo. 34 00:03:52,774 --> 00:03:55,276 Ngunit sa 24 na oras na liwanag ng araw, 35 00:03:55,360 --> 00:04:00,073 sapat na ang init upang tunawin ang yelo sa paligid ng kontinente. 36 00:04:04,702 --> 00:04:08,039 At mahalaga 'yon para sa Gentoo penguins, 37 00:04:08,122 --> 00:04:11,042 na kailangang makarating sa lupa upang magparami. 38 00:04:18,591 --> 00:04:21,719 Sa mga nakaraang linggo, diktado ang buhay nila 39 00:04:21,803 --> 00:04:24,847 ng 30 kilometrong paglalakabay araw-araw 40 00:04:24,931 --> 00:04:27,350 sa kanilang panginainan sa dagat. 41 00:04:30,561 --> 00:04:34,565 Ngayong busog na sila, babalik na sila sa mga inakay nila. 42 00:04:48,121 --> 00:04:50,039 Matapos ang isang araw sa tubig, 43 00:04:50,790 --> 00:04:53,960 di agad sila nakakalakad nang maayos. 44 00:05:06,639 --> 00:05:09,809 Kailangang ng mga Gentoo ng mga batong walang yelo 45 00:05:09,892 --> 00:05:13,021 kung saan sila mangingitlog at mag-aalaga ng inakay. 46 00:05:14,605 --> 00:05:18,276 Ang huling bahagi ng pag-uwi ay kadalasang paglakad paakyat 47 00:05:18,359 --> 00:05:20,528 sa mahanging tuktok ng talampas. 48 00:05:25,575 --> 00:05:30,371 Walong linggo na mula nang mapisa ang mga inakay at halos malaki na ngayon. 49 00:05:32,540 --> 00:05:35,001 Sa maikling tag-araw ng Antarctica, 50 00:05:35,084 --> 00:05:38,880 sakto lang ang pagtubo ng balahibo nila bago mag-taglamig. 51 00:05:46,387 --> 00:05:50,183 Mas mataba ang inakay, mas malaki ang pangangailangan sa pagkain. 52 00:05:54,270 --> 00:05:58,107 At may mga magulang na parang nag-aalangan silang pagbigyan. 53 00:06:09,994 --> 00:06:12,413 Pero may halaga ang ganitong ugali. 54 00:06:18,002 --> 00:06:20,546 Sa pagpapahanap sa inakay ng pagkain nila, 55 00:06:20,630 --> 00:06:23,341 maa-assess ng mga matatanda ang lakas nila… 56 00:06:25,885 --> 00:06:26,969 ang tibay nila, 57 00:06:28,429 --> 00:06:29,722 at koordinasyon. 58 00:06:43,820 --> 00:06:47,782 Ang pag-asang makakain ang umaakit sa mga inakay tungo sa tubig. 59 00:06:50,701 --> 00:06:52,954 Ngunit di sapat para lumusong. 60 00:06:56,082 --> 00:06:58,334 Parang kahit sa penguin, 61 00:06:58,418 --> 00:07:03,297 kailangan ng tapang sa paglusong sa malamig na tubig. 62 00:07:10,972 --> 00:07:13,266 Pero may kailangan lang manguna 63 00:07:13,891 --> 00:07:15,560 para sumunod ang iba. 64 00:07:23,568 --> 00:07:28,865 Ligtas para subukan ang kanilang waterproof coat sa mga mababaw na pool. 65 00:07:33,536 --> 00:07:35,872 At sa napakaikling tag-araw dito, 66 00:07:36,622 --> 00:07:38,916 kakailanganin nila ito kaagad. 67 00:07:44,046 --> 00:07:45,256 Hindi magtatagal, 68 00:07:45,339 --> 00:07:49,594 matatakpan na naman ng yelo ang mga dagat sa paligid ng Antarctica. 69 00:07:51,971 --> 00:07:57,059 Kaya't ang mga munting inakay ay dapat pumunta sa tubig ngayon kung kakain sila. 70 00:08:01,981 --> 00:08:03,191 Kinakabahan sila. 71 00:08:06,068 --> 00:08:07,778 At sa magandang dahilan. 72 00:08:11,407 --> 00:08:15,453 Sinong gustong makihati ng tubig sa may tatlong metrong leopard seal? 73 00:08:19,707 --> 00:08:21,501 At hindi lang isa sa kanila. 74 00:08:23,711 --> 00:08:24,712 Pero tatlo. 75 00:08:27,757 --> 00:08:31,844 Gaya ng kapangalan nila, nang-a-ambush sila ng biktima. 76 00:08:34,096 --> 00:08:37,350 At ang mga inakay ng Gentoo ay madaling puntiryahin. 77 00:08:42,480 --> 00:08:45,024 Nguni't sa kabila ng panganib, 78 00:08:45,107 --> 00:08:47,693 kailangan ng mga penguin na kumain. 79 00:08:57,370 --> 00:09:01,040 Ang mga Gentoo ang pinakamabilis na penguin sa mundo. 80 00:09:14,178 --> 00:09:18,140 Kung maiiwasan nilang ma-ambush, may tsansa sila. 81 00:09:27,316 --> 00:09:30,611 Nagsasama-sama ang mga batang penguin para sa kaligtasan. 82 00:09:38,452 --> 00:09:41,747 Pero sa kalituhan, may isang inakay na nahiwalay. 83 00:09:42,582 --> 00:09:44,792 Isa laban sa isa na ang labanan. 84 00:10:08,190 --> 00:10:12,737 Ang tanging pag-asa ng penguin ay umasa sa liksi at tibay nito. 85 00:10:13,237 --> 00:10:17,617 Kung mas mahaba ang habulan, mas malaki ang tsansa nito. 86 00:10:34,717 --> 00:10:38,888 Makakasama na ng napakasuwerteng batang penguin na ito ang iba. 87 00:10:45,019 --> 00:10:47,772 At naghihintay ang malawak na karagatan. 88 00:11:00,868 --> 00:11:02,078 Sa Pebrero, 89 00:11:02,161 --> 00:11:05,831 ang hilagang dulo ng planeta ay tututok palayo sa araw. 90 00:11:12,713 --> 00:11:17,551 Kaya sa kalagitnaang taglamig ng Arctic, halos tuloy-tuloy ang dilim, 91 00:11:17,635 --> 00:11:21,055 na ang tanging liwanag ay nagmumula sa aurora. 92 00:11:23,724 --> 00:11:26,894 Ang ethereal na mga palabas na ito ay nalikha 93 00:11:26,977 --> 00:11:30,898 mula sa banggaan ng particles na may kuryente mula sa araw, 94 00:11:30,981 --> 00:11:32,942 sa magnetic field ng mundo. 95 00:11:38,572 --> 00:11:43,285 Ito ang panahon kung kailan nagsisimula ang mahabang paglalakbay ng mga hayop 96 00:11:43,369 --> 00:11:45,496 sa hilagang rehiyong ito. 97 00:11:50,793 --> 00:11:53,546 5,000 kilometro sa timog, 98 00:11:53,629 --> 00:11:57,508 ang snow geese ay nagsimula na ng kanilang taunang migration. 99 00:12:04,306 --> 00:12:07,351 Sa pangunguna ng mga matatandang may karanasan na, 100 00:12:07,435 --> 00:12:10,938 sinusundan ang pagkatunaw ng yelo habang kumakalat pahilaga. 101 00:12:13,899 --> 00:12:16,402 At lumipad mula sa Gulf of Mexico 102 00:12:16,485 --> 00:12:19,196 papunta sa kanilang pangitlugan sa Arctic. 103 00:12:30,666 --> 00:12:32,084 Darating sila sa tundra 104 00:12:32,168 --> 00:12:36,338 habang nalilikha ng mahahabang araw ng tag-araw ang tamang kondisyon 105 00:12:36,422 --> 00:12:38,549 para magpalaki ng mga inakay. 106 00:12:44,597 --> 00:12:47,808 Gumagamit ng likas na palatandaan, gaya ng lawa't ilog, 107 00:12:47,892 --> 00:12:50,728 upang di sila malihis ng landas. 108 00:12:54,231 --> 00:12:55,441 Nguni't ngayon, 109 00:12:55,524 --> 00:12:58,068 ang mundo sa ibaba nila ay iba na 110 00:12:58,152 --> 00:13:00,905 sa mundong niliparan ng kanilang mga ninuno. 111 00:13:04,366 --> 00:13:06,619 Ang dating walang katapusang savanna, 112 00:13:06,702 --> 00:13:09,789 ngayon ay industriyal na sakahan na. 113 00:13:16,003 --> 00:13:19,799 Pero hindi naman 'yon masama para sa mga gansa. 114 00:13:20,925 --> 00:13:26,013 Para makarating sa Arctic, kailangan kumain palagi ang kawan sa daan, 115 00:13:26,722 --> 00:13:29,683 ang bukiring pinanggagalingan ng tinapay ng America 116 00:13:29,767 --> 00:13:32,019 ay naging mahalagang pahingahan. 117 00:13:36,690 --> 00:13:39,360 Ang halos walang katapusang supply na ito 118 00:13:39,443 --> 00:13:41,987 ay nangangahulugang dumoble ang populasyon 119 00:13:42,071 --> 00:13:44,657 ng snow geese sa nakalipas na 50 taon. 120 00:13:48,577 --> 00:13:53,374 Pero may kabayaran ang maging isa sa pinakamaraming gansa sa mundo. 121 00:14:02,007 --> 00:14:06,470 Hindi lahat ng bagay sa modernong mundong ito ay totoo. 122 00:14:34,790 --> 00:14:38,210 Ikaapat ng isang milyon ang binabaril bawa't taon. 123 00:14:46,010 --> 00:14:48,929 Kailangang tiisin ng snow geese ang mga mangangaso 124 00:14:49,013 --> 00:14:51,140 sa halos lahat ng kanilang ruta. 125 00:14:51,223 --> 00:14:55,644 Pero sa pagitan ng dalawa sa migratory flyway ng America 126 00:14:55,728 --> 00:14:58,898 ay may latian kung saan sila ay protektado. 127 00:15:05,654 --> 00:15:07,907 Ang Loess Bluffs ng Missouri. 128 00:15:09,950 --> 00:15:14,622 Isa ito sa pinakamahalagang himpilan sa mahabang paglalakbay sa hilaga. 129 00:15:17,082 --> 00:15:20,210 Depende sa panahon kung gaano sila katagal mananatili. 130 00:15:25,382 --> 00:15:28,719 Sa Pebrero, ang nagyeyelong hangin mula sa Arctic 131 00:15:28,802 --> 00:15:31,764 ay maaaring magdulot ng pagbagsak ng temperatura. 132 00:15:38,354 --> 00:15:40,105 At kung napakalamig dito, 133 00:15:40,189 --> 00:15:43,442 mas malala pa sa pupuntahan nila. 134 00:15:45,778 --> 00:15:49,740 Kaya, sa ngayon, lahat ng lipad sa hilaga ay suspendido. 135 00:15:57,915 --> 00:15:59,708 Maaaring snow geese sila, 136 00:16:01,251 --> 00:16:04,046 nguni't tila di sila komportable sa yelo. 137 00:16:14,181 --> 00:16:16,100 Nagyeyelo ang gilid ng lawa, 138 00:16:16,183 --> 00:16:19,061 kaya't ang mga ibon ay naiipon sa gitna. 139 00:16:20,562 --> 00:16:24,191 Mas siksikan, mas kaunti ang espasyo para sa pagmamaniobra. 140 00:16:28,445 --> 00:16:30,864 At mainam 'yon para sa isa pang bisita. 141 00:16:37,955 --> 00:16:40,040 Pumupunta ang bald eagles dito 142 00:16:41,458 --> 00:16:43,460 mula sa North America. 143 00:16:45,629 --> 00:16:50,384 At sinasakto nila ang pagdating kasabay ng snow geese. 144 00:17:06,316 --> 00:17:09,528 Masyadong malaki ang mga gansa para tangayin sa pakpak, 145 00:17:09,611 --> 00:17:12,656 kaya gumagamit sila ng ibang diskarte sa pandaragit. 146 00:17:16,243 --> 00:17:19,955 Sa paglipad sa kawan, tinatakot nila ang mga ibon para lumipad. 147 00:17:26,128 --> 00:17:30,090 Kung mas siksikan ang mga gansa, mas mabuti ito para sa mga agila. 148 00:17:44,897 --> 00:17:48,067 Dahil sa taranta, nagkakabanggaan ang mga gansa, 149 00:17:48,776 --> 00:17:50,694 at nababali ang mga paa. 150 00:17:52,905 --> 00:17:55,949 Ang mga sugatang ibon ay naiiwan sa yelo 151 00:17:57,159 --> 00:17:59,745 o hindi nakakatakas sa ilalim ng tubig. 152 00:18:06,460 --> 00:18:11,757 Lahat ay mananatiling mahina hangga't tumatagal ang taglamig, 153 00:18:12,549 --> 00:18:16,929 ang kanilang migration ay nahaharangan pa rin ng yelo at niyebe. 154 00:18:26,063 --> 00:18:30,317 Balik sa Arctic, unti-unti nang lumalakas ang araw. 155 00:18:32,277 --> 00:18:33,779 Huling bahagi ng Pebrero, 156 00:18:33,862 --> 00:18:36,907 bahagya pa ring lumilitaw ang sinag nito sa horizon. 157 00:18:38,992 --> 00:18:42,162 Sa napakalamig na kondisyon, kakaunti ang makakain, 158 00:18:42,246 --> 00:18:44,915 karamihan sa mga hayop ay umaatras patimog 159 00:18:44,998 --> 00:18:46,959 o mamaalam nang tuluyan. 160 00:18:54,007 --> 00:18:56,301 Subali't wala sa dalawa ang isang ito. 161 00:18:57,886 --> 00:19:01,932 Ang lynx, ang pinakahilagang pusa sa mundo. 162 00:19:08,605 --> 00:19:12,651 Protektadong-protektado ito sa lamig, kaya hindi ito aatras. 163 00:19:15,654 --> 00:19:19,950 Nguni't kailangan nitong maglakbay nang malayo para makahanap ng pagkain. 164 00:19:28,125 --> 00:19:30,002 May isang natala pa nga 165 00:19:30,085 --> 00:19:33,839 na naglakad ng mahigit 3,000 kilometro sa loob ng isang taon, 166 00:19:35,340 --> 00:19:37,551 higit pa sa inaakala ng sinoman. 167 00:19:47,269 --> 00:19:52,649 Ang pusang ito ay umaasa nang buo sa isang uri lang ng masisila. 168 00:19:54,401 --> 00:19:58,113 At ngayon, kakaunti ang nasa paligid. 169 00:20:02,367 --> 00:20:04,161 Mga snowshoe hare. 170 00:20:09,583 --> 00:20:12,461 Kalahati lang ng hamon ang makakita ng isa. 171 00:20:36,526 --> 00:20:42,157 Kailangang kumain ng lynx kada ilang araw, kaya di natatapos ang paghahanap niya. 172 00:20:56,129 --> 00:20:57,214 Masuwerte siya. 173 00:20:58,298 --> 00:21:00,759 May natukoy siyang panibagong amoy. 174 00:21:10,602 --> 00:21:12,646 Pinakakalma ng liyebre ang sarili 175 00:21:14,481 --> 00:21:16,817 at umaasa sa camouflage nito. 176 00:21:20,320 --> 00:21:23,615 Di kayang higitan ng lynx ang sisilain sa takbuhan, 177 00:21:23,699 --> 00:21:25,784 kaya kailangan niyang makalapit. 178 00:21:47,139 --> 00:21:49,141 Makakakain na rin sa wakas. 179 00:22:00,944 --> 00:22:05,032 Habang ang Northern Hemisphere ng mundo ay lumilihis paharap sa araw, 180 00:22:05,115 --> 00:22:07,492 nagdadala ng mas mahabang araw ng Marso, 181 00:22:07,576 --> 00:22:11,413 nagsisimula na ang pronghorn antelope ng taunang migration nila. 182 00:22:16,877 --> 00:22:20,964 Dadalhin sila sa nagniniyebeng kapatagan ng timugang Wyoming 183 00:22:21,048 --> 00:22:24,426 hanggang sa malalagong lambak ng Rocky Mountains, 184 00:22:24,509 --> 00:22:26,136 kung saan sila manganganak. 185 00:22:34,353 --> 00:22:38,440 Pero ngayon, nagbago na ang kanilang daanan at di na makilala. 186 00:22:40,150 --> 00:22:44,613 Una sa lahat, kailangan nilang makahanap ng daan sa mga oil at gas field. 187 00:22:47,908 --> 00:22:50,243 Sinusubukan ng lalaki ang suwerte niya. 188 00:23:06,802 --> 00:23:09,012 Maingat ang pronghorn, 189 00:23:09,763 --> 00:23:12,474 lalo na kapag nakakasalubong ng mga tao. 190 00:23:30,700 --> 00:23:32,411 Sa ngayon, mabuti naman. 191 00:23:33,495 --> 00:23:35,747 Ngayon para sa natitira sa kawan. 192 00:23:39,292 --> 00:23:41,503 At… kilos! 193 00:23:55,600 --> 00:23:57,436 Sa susunod na ilang mga buwan, 194 00:23:57,519 --> 00:23:59,396 maglalakbay sila 200 kilometro 195 00:23:59,479 --> 00:24:02,190 upang marating ang panganganakan nila sa Norte. 196 00:24:03,275 --> 00:24:07,070 Isang paglalakbay na nagiging mas mahirap taun-taon. 197 00:24:11,032 --> 00:24:14,119 Ang nakadisenyong bakod para mapanatili ang livestock 198 00:24:14,703 --> 00:24:18,206 ay epektibo din para di makapasok ang mga pronghorn. 199 00:24:33,472 --> 00:24:36,308 Ngunit ito ang tinahak ng kanilang mga ninuno, 200 00:24:37,017 --> 00:24:38,602 kaya't nagsisikap sila. 201 00:24:52,741 --> 00:24:58,205 Kamakailan, isang pronghorn ang tumawid sa halos 150 na bakod 202 00:24:58,705 --> 00:25:00,373 sa migration nito pahilaga. 203 00:25:09,799 --> 00:25:12,844 Ngunit ang mga sanga-sangang sungay at barbed wires 204 00:25:14,054 --> 00:25:16,723 ay hindi masayang kombinasyon. 205 00:25:21,978 --> 00:25:25,023 At hindi lang ang mga bakod ang pinakaproblema. 206 00:25:30,153 --> 00:25:34,324 Mas delikado ang mga highway na nasa daanan nila. 207 00:25:51,007 --> 00:25:54,469 Maaaring sila ang pinakamabilis na hayop sa Americas… 208 00:25:58,473 --> 00:26:00,767 pero hindi laging makakaiwas sa kotse. 209 00:26:05,814 --> 00:26:08,692 Ang mga pagbabagong dala ng nakalipas na 200 taon 210 00:26:09,192 --> 00:26:13,488 ang nagpabawas sa bilang ng pronghorn ng mahigit 90%. 211 00:26:16,199 --> 00:26:18,660 Pero may magandang balita. 212 00:26:22,455 --> 00:26:25,333 Ang katapatan ng pronghorn sa ruta ng mga ninuno 213 00:26:25,417 --> 00:26:30,088 ang nagpagingposible sa pagtatayo ng mga overpass sa mga tawiran, 214 00:26:30,714 --> 00:26:34,426 at halos nawala ang mga pagkasagasa sa lugar. 215 00:26:39,180 --> 00:26:44,102 Habang patuloy ang kawan sa hilaga, nararating nila ang tunay na wild west. 216 00:26:46,688 --> 00:26:50,483 Dito, di na mga balakid dulot ng tao ang haharapin nila 217 00:26:50,567 --> 00:26:52,193 kundi mga likas na balakid. 218 00:27:04,956 --> 00:27:07,042 Natutunaw na ang niyebe, 219 00:27:07,125 --> 00:27:10,629 na nagpapakitang nakatakda silang makarating sa lugar 220 00:27:10,712 --> 00:27:13,465 para doon manganak. 221 00:27:22,057 --> 00:27:25,268 Pero may dulot ding problema ang pagbabago ng panahon. 222 00:27:25,935 --> 00:27:31,066 Ang Gros Ventre River ng Wyoming na puno ng tunaw na tubig ay nasa unahan. 223 00:27:33,401 --> 00:27:36,696 Dapat silang tumawid tungo sa lugar kung saan magpaparami 224 00:27:36,780 --> 00:27:39,032 pero mukhang kinakabahan sila. 225 00:27:40,700 --> 00:27:43,244 Hindi sa mismong ilog 226 00:27:43,328 --> 00:27:46,581 kundi sa mga maninilang nagtatago sa kabilang pampang. 227 00:28:04,182 --> 00:28:05,308 Sa tubig, 228 00:28:05,809 --> 00:28:09,479 ang bilis nila sa lupa ay hindi gaanong mahalaga. 229 00:28:14,901 --> 00:28:17,696 Pero sa mga maninila gaya ng mga lobo at cougar 230 00:28:17,779 --> 00:28:20,573 ay halos maubos na sa pangangaso, 231 00:28:20,657 --> 00:28:23,410 kaya maliit ang tsansa ng pag-atake dito. 232 00:28:26,162 --> 00:28:28,915 Di nga lang alam ng pronghorn iyon. 233 00:28:33,920 --> 00:28:36,047 Mahalaga pa ring maging maingat. 234 00:28:39,259 --> 00:28:40,635 Umabot na sila dito. 235 00:28:51,730 --> 00:28:53,815 Ilang linggo pagkatapos umalis, 236 00:28:54,315 --> 00:28:57,527 sa wakas, narating na nila ang breeding ground nila, 237 00:28:58,027 --> 00:29:01,030 ang matatabang lambak ng Rocky Mountains. 238 00:29:08,872 --> 00:29:11,207 Ang Baja peninsula ng Mexico 239 00:29:11,291 --> 00:29:14,419 ay di nakakaranas ng taglamig sa Hilaga. 240 00:29:16,755 --> 00:29:20,425 Ang katamtamang temperatura ng dagat sa panahong ito'y ginagawa 241 00:29:20,925 --> 00:29:23,595 itong isang mahusay na seasonal retreat 242 00:29:23,678 --> 00:29:27,390 para sa isa sa pinakamagaling na malayuang manlalakbay sa mundo. 243 00:29:32,729 --> 00:29:34,564 Mga gray whale. 244 00:29:40,195 --> 00:29:41,905 Kalagitnaan ng Marso, 245 00:29:41,988 --> 00:29:46,326 anim na linggo na ang nakalipas, dito nanganak ang babaeng ito. 246 00:29:50,038 --> 00:29:54,042 Mainit at ligtas mula mga predator ang mga nakatagong tubig. 247 00:29:54,793 --> 00:29:57,003 Napakagandang nursery. 248 00:30:00,381 --> 00:30:03,343 Pero may kapalit ang pagiging perpekto. 249 00:30:06,346 --> 00:30:11,059 Walang pagkain para sa inang ito, at narito na siya mula pa noong Disyembre. 250 00:30:14,312 --> 00:30:16,856 Kaya pag malakas na ang guya niya, 251 00:30:16,940 --> 00:30:19,901 aakayin niya siya 8,000 kilometro sa hilaga 252 00:30:19,984 --> 00:30:23,571 sa kanilang panginainan sa Bering Sea ng Alaska, 253 00:30:25,073 --> 00:30:28,243 pinakamahabang migration na ginawa ng anomang mammal. 254 00:30:35,583 --> 00:30:38,837 Buti na lang, mabilis lumaki ang anak niya. 255 00:30:44,717 --> 00:30:47,887 Pinalalakas ng higit sa 200 litro ng gatas bawat araw, 256 00:30:47,971 --> 00:30:51,182 puno ng enerhiya ang isang toneladang sanggol. 257 00:30:56,771 --> 00:31:01,526 Buti na lang at alam ni Ina ang lugar para magpakawala. 258 00:31:04,320 --> 00:31:05,488 At ito 'yon. 259 00:31:14,414 --> 00:31:17,792 Isang mababaw na sandbar sa gitna ng lagoon. 260 00:31:19,377 --> 00:31:22,422 At malinaw na ito ang lugar. 261 00:31:25,174 --> 00:31:28,136 Habang umaagos ang tubig sa mababaw na pampang, 262 00:31:28,219 --> 00:31:30,346 nakakalikha ito ng marahang alon 263 00:31:30,430 --> 00:31:33,558 na tumatawag sa mga balyena mula sa kabila ng lagoon. 264 00:31:37,478 --> 00:31:40,982 Ito ang unang pagpapakilala ng guya sa lipunan ng balyena. 265 00:31:41,900 --> 00:31:43,985 At mukhang nahihiya siya. 266 00:31:46,362 --> 00:31:48,114 Maiging 'wag lumayo kay Ina. 267 00:31:54,537 --> 00:31:56,164 Magandang lugar ang sandbar 268 00:31:56,247 --> 00:32:00,752 para masanay lumangoy na kakailanganin niya sa paglalakbay sa hilaga. 269 00:32:02,754 --> 00:32:05,590 Dinadala ng agos ang dikya, 270 00:32:05,673 --> 00:32:07,884 pero lumalangoy siya pasalungat dito. 271 00:32:11,137 --> 00:32:15,058 Parang underwater treadmill para palakasin ang stamina niya. 272 00:32:24,150 --> 00:32:29,322 Taun-taon, mahigit 1,000 gray whale ang nagma-migrate sa lagoon na ito. 273 00:32:32,075 --> 00:32:35,078 Pero hindi lahat ay babaeng may guya. 274 00:32:38,247 --> 00:32:41,793 Marami ang malalaking lalaki na naglalakbay sa malayo 275 00:32:41,876 --> 00:32:44,170 sa pag-asang makahanap ng kapareha. 276 00:32:48,800 --> 00:32:51,844 Di interesado ang mga babaeng may anak na, 277 00:32:52,470 --> 00:32:55,139 pero di susuko ang mga lalakeng nanunuyo. 278 00:33:01,771 --> 00:33:05,566 At ang paglangoy palayo ay tila nagpapalakas pa ng loob niya. 279 00:33:15,493 --> 00:33:17,829 Mahirap tanggapin ang pagtanggi 280 00:33:17,912 --> 00:33:21,165 kung nilakbay mo ang kalahati ng planeta para makapunta. 281 00:33:24,544 --> 00:33:28,506 At ngayon, mukhang ang guya ang pinagbabalingan niya ng inis, 282 00:33:28,589 --> 00:33:31,426 pinipilit siyang ilubog, palayo sa ibabaw. 283 00:33:41,060 --> 00:33:43,771 Sa wakas, nakuha ng lalaki ang pahiwatig. 284 00:33:49,152 --> 00:33:51,863 Oras na para tumungo ang dalawa sa hilaga. 285 00:33:53,281 --> 00:33:55,199 Tatlong buwan pagkadating, 286 00:33:55,283 --> 00:33:58,536 pumayat na ang babae ng ikatlong bahagi ng timbang niya. 287 00:33:59,662 --> 00:34:03,541 Maglalakbay siya nang malayo pabalik sa feeding ground. 288 00:34:05,710 --> 00:34:09,255 Kailangan ng anak niya ang suwerte para tapusin ang lakbayin. 289 00:34:11,507 --> 00:34:13,926 Isa sa tatlong batang gray whale 290 00:34:14,927 --> 00:34:16,846 ang hindi aabot sa destinasyon. 291 00:34:27,648 --> 00:34:31,319 Ang kiling ng Earth ang nagtutulak sa lahat ng migration. 292 00:34:31,861 --> 00:34:36,407 Pero sa ekwador, kung saan halos walang epekto sa panahon ang kiling, 293 00:34:36,491 --> 00:34:40,703 may ilang mga hayop na patuloy na kumikilos. 294 00:34:51,714 --> 00:34:53,132 Ang mga army ant. 295 00:34:57,929 --> 00:35:01,974 Araw-araw, bawat paglabas ay katumbas ng human marathon 296 00:35:02,058 --> 00:35:03,768 upang mangolekta ng pagkain. 297 00:35:13,111 --> 00:35:18,449 Dalubhasa ang partikular na langgam na ito sa paghuli ng larvae ng iba pang insekto. 298 00:35:27,959 --> 00:35:29,836 Ang workers na may dalang huli 299 00:35:29,919 --> 00:35:34,632 ay tinutulungan ng iba sa siwang sa dahon sa pagbuo ng buhay na tulay. 300 00:35:41,389 --> 00:35:46,394 Ang bakas ng pheromones ang nagtuturo sa pansamantalang himpilan. 301 00:35:51,858 --> 00:35:52,900 Isang bivouac. 302 00:35:53,734 --> 00:35:58,489 Isang pugad na gawa sa katawan ng mga langgam mismo. 303 00:36:01,868 --> 00:36:03,953 Nakatago sa buhay na pader na ito 304 00:36:04,036 --> 00:36:06,914 ang control center ng kolonya, 305 00:36:06,998 --> 00:36:09,667 ang reyna at ang mga pinakabata. 306 00:36:10,877 --> 00:36:14,589 Nakasabit ang buong bivouac sa nakalipas na dalawang linggo. 307 00:36:15,131 --> 00:36:17,383 Pero magbabago na lahat 'yon. 308 00:36:32,023 --> 00:36:34,317 Naging gabi na ang araw, 309 00:36:34,400 --> 00:36:37,278 at may signal na ramdam sa buong colony. 310 00:36:40,448 --> 00:36:44,619 Isang chemical cue na nagmumula sa kaloob-looban ng bivouac. 311 00:36:47,413 --> 00:36:48,831 Malinaw ang mensahe. 312 00:36:50,124 --> 00:36:51,876 Oras na para umalis. 313 00:36:59,175 --> 00:37:02,011 Magana ang mga maliliit na insektong ito. 314 00:37:03,387 --> 00:37:06,265 At dahil nasimot na sa makakain ang gubat, 315 00:37:07,350 --> 00:37:11,187 kailangan na nilang lumipat at maghanap ng bagong mapagkainan. 316 00:37:16,484 --> 00:37:19,654 Sinusundan ang mga bakas ng makakainan 317 00:37:19,737 --> 00:37:22,907 nililipat ng workers ang mga bagong pisang larvae 318 00:37:25,368 --> 00:37:27,703 habang nakabantay ang soldiers sa tabi. 319 00:37:31,457 --> 00:37:35,002 Maaaring may kalahating milyong langgam sa colony, 320 00:37:36,462 --> 00:37:38,631 at walang maiiwan. 321 00:37:44,470 --> 00:37:48,474 Ang dahilan kung bakit sila kumilos sa dilim ay nagiging malinaw na. 322 00:37:54,021 --> 00:37:56,565 Ang mismong reyna ay kumikilos. 323 00:37:58,859 --> 00:38:01,696 Siya ang pinakamalaki sa kanila. 324 00:38:01,779 --> 00:38:06,075 Sa nakalipas na dalawang linggo, nangingitlog siya bawat minuto 325 00:38:06,158 --> 00:38:08,369 kaya hindi makakapaglakbay. 326 00:38:15,251 --> 00:38:18,963 Ngayon, sa pansamantalang suspendido ang kaniyang pagpaparami 327 00:38:19,046 --> 00:38:22,174 makakagalaw siya tungo sa bagong hunting grounds. 328 00:38:24,010 --> 00:38:28,556 Ngayon lang siya nakikita sa labas. 329 00:38:30,808 --> 00:38:34,603 At hindi lang ang reyna ang mahalagang manlalakbay ng hukbo. 330 00:38:37,064 --> 00:38:40,693 Sa isang pambihirang kaganapang nangyayari tuwing ilang taon, 331 00:38:41,402 --> 00:38:45,364 lumilitaw ang mga napakalalaking larvae na dala ng workers. 332 00:38:51,329 --> 00:38:54,874 Sila ang mga kabataang lalaki at magiging mga reyna 333 00:38:54,957 --> 00:38:59,170 na aalis sa kolonya at magtatatag ng sarili nilang mga dinastiya. 334 00:39:10,931 --> 00:39:14,769 Bago sumikat ang araw, kampo ng hukbo. 335 00:39:22,318 --> 00:39:27,156 Maglalakbay sila kada gabi hanggang marating ang sariwang hunting grounds. 336 00:39:29,950 --> 00:39:33,621 Sa oras na iyon, handa na ang reyna na mangitlog 337 00:39:33,704 --> 00:39:36,707 at magdagdag ng mas maraming worker sa imperyo niya. 338 00:39:45,758 --> 00:39:47,134 Balik sa Hilaga, 339 00:39:47,218 --> 00:39:49,428 ang inang gray whale at anak nito 340 00:39:49,512 --> 00:39:52,932 ay nasa ikaapat na linggo na sa kanilang epikong migration. 341 00:39:56,477 --> 00:40:00,523 Mula nang umalis, ang bata ay nadagdagan ng higit sa 1,000 kilo, 342 00:40:01,440 --> 00:40:04,568 pero ilang buwan nang di kumakain ang kanyang ina. 343 00:40:07,696 --> 00:40:09,782 Mahaba pa ang lalakbaying karagatan 344 00:40:09,865 --> 00:40:13,327 bago siya makapagpiging sa Bering Sea. 345 00:40:20,543 --> 00:40:25,381 Malapit sila sa baybayin, gamit ang palatandaan para giyahan sila. 346 00:40:28,634 --> 00:40:32,221 Sa loob ng 30 taon, maraming beses na niyang nilakbay ito, 347 00:40:33,097 --> 00:40:36,142 at marami ang nagbago mula noong unang biyahe niya. 348 00:40:40,146 --> 00:40:43,607 Gayunpaman, hindi siya umiiwas sa atensyon ng tao. 349 00:40:49,071 --> 00:40:53,033 At mukhang gusto ng guya ang atensyon. 350 00:41:00,332 --> 00:41:04,128 Ang mataong baybayin ng California ay tila napakalayo 351 00:41:04,211 --> 00:41:06,297 sa kanlungang look nila sa Mexico. 352 00:41:07,756 --> 00:41:11,051 At mas magiging abala ito mula rito. 353 00:41:17,349 --> 00:41:21,312 Hindi nagtagal, nakarating ang dalawa sa daungan ng Los Angeles, 354 00:41:21,937 --> 00:41:24,064 ang pinakamalaki sa North America. 355 00:41:33,449 --> 00:41:36,577 Halos 2,000 barko ang gumagamit nito taun-taon. 356 00:41:39,914 --> 00:41:44,627 Ang ingay ng makina ay nakakagambala sa soundscape sa ilalim ng dagat, 357 00:41:44,710 --> 00:41:49,256 nakakalito sa mga balyena at nagdaragdag ng panganib ng banggaan. 358 00:41:53,302 --> 00:41:58,265 Taon-taon, mahigit apatnapung balyena ang namamatay sa pagkabangga sa barko. 359 00:42:02,937 --> 00:42:04,396 Ang grey whale na ito 360 00:42:04,480 --> 00:42:07,107 ay isa sa mga minalas. 361 00:42:13,113 --> 00:42:17,993 Iniwasan ng ina at guya ang pinakaabalang shipping lanes. 362 00:42:20,663 --> 00:42:24,458 Pero nasa unahan ang pinakamapanganib na bahagi ng biyahe. 363 00:42:26,877 --> 00:42:28,170 Monterey Bay. 364 00:42:28,671 --> 00:42:31,298 Tatlumpu't limang kilometro ng laot. 365 00:42:39,598 --> 00:42:43,435 Mahalagang oras ang gugugulin kung mananatili malapit sa baybayin. 366 00:42:45,896 --> 00:42:49,733 Dinala niya ang guya sa malalim na tubig ng look. 367 00:42:51,318 --> 00:42:52,945 Ngunit mapanganib. 368 00:42:56,657 --> 00:42:58,659 Alam ko kung ano ang nandoon. 369 00:43:04,290 --> 00:43:06,750 Naka-stealth mode siya, 370 00:43:08,127 --> 00:43:10,629 tumigil sa regular na pagtawag 371 00:43:10,713 --> 00:43:13,674 at madalang na pumapaimbabaw hangga't maaari. 372 00:43:25,102 --> 00:43:25,936 Orca. 373 00:43:28,606 --> 00:43:30,107 Mga killer whale. 374 00:43:31,525 --> 00:43:33,235 Kabisado nila ang tubig dito 375 00:43:34,153 --> 00:43:36,071 at maninila sila. 376 00:44:07,436 --> 00:44:10,397 Natuklasan ang ina at anak nito. 377 00:44:14,068 --> 00:44:17,988 Sampung beses ang bigat ng matandang grey whale sa orca 378 00:44:18,072 --> 00:44:20,574 at maaaring isang mahirap na kalaban. 379 00:44:22,618 --> 00:44:26,497 Kaya maingat na pumapalibot ang pod, naghahanap ng pagkakataon. 380 00:44:32,461 --> 00:44:33,837 Ayaw nila sa kaniya. 381 00:44:35,381 --> 00:44:37,132 Ang anak niya ang gusto nila. 382 00:44:58,654 --> 00:45:02,282 Pinaibabawan nila siya at pinapailalim sa tubig 383 00:45:02,366 --> 00:45:04,159 upang lunurin ito. 384 00:45:17,589 --> 00:45:19,007 Sa suporta ng ina niya, 385 00:45:19,091 --> 00:45:21,677 nakaligtas siya sa unang pag-atake. 386 00:45:28,559 --> 00:45:30,394 Pero nasugatan siya. 387 00:45:34,565 --> 00:45:37,860 At ngayon, ang pod ay tumawag ng dagdag na tulong. 388 00:45:41,447 --> 00:45:44,074 Napakalaking limang toneladang lalaki. 389 00:46:00,674 --> 00:46:02,718 Pinatapang ng dagdag na lakas, 390 00:46:02,801 --> 00:46:05,471 lumipat ang orca sa todo-atake. 391 00:46:16,899 --> 00:46:18,859 Halos wala nang magawa ang ina. 392 00:46:21,528 --> 00:46:23,197 Sa sobrang bilis ng bangga, 393 00:46:24,364 --> 00:46:26,366 para kang nabangga ng bus. 394 00:46:37,669 --> 00:46:40,005 Hindi maiiwasan ang kahihinatnan. 395 00:46:52,768 --> 00:46:57,189 Ipagpapatuloy ng inang ito ang kanyang paglalakbay nang mag-isa. 396 00:47:08,200 --> 00:47:09,576 Para sa maraming hayop, 397 00:47:10,410 --> 00:47:13,455 ang instinct para kumilos ay nangingibabaw 398 00:47:14,665 --> 00:47:16,500 sa kabila ng mga panganib. 399 00:47:18,627 --> 00:47:21,630 Pero sa bawat paglalakbay na nagtatapos sa trahedya, 400 00:47:21,713 --> 00:47:24,675 nakakarating ang milyon-milyon sa destinasyon nila. 401 00:47:33,475 --> 00:47:36,770 Para kanilang matamasa ang mas mainam na kundisyon 402 00:47:38,230 --> 00:47:39,982 at mga bagong pagkakataon. 403 00:47:42,901 --> 00:47:46,405 At ang migrations na ito ay mahalaga din sa iba. 404 00:47:54,329 --> 00:47:57,583 Gayunpaman, binago na natin ang planeta. 405 00:48:02,337 --> 00:48:04,464 Pinutol ang mga ruta ng ninuno… 406 00:48:07,885 --> 00:48:11,889 at naapektuhan maging ang pinakaliblib na sulok ng mundo. 407 00:48:16,560 --> 00:48:17,978 Ngunit may pag-asa. 408 00:48:21,565 --> 00:48:24,776 Mas marami na tayong alam sa mga paglalakbay na ito kaysa dati. 409 00:48:30,574 --> 00:48:31,783 At sa tulong natin, 410 00:48:31,867 --> 00:48:36,371 maraming hayop ang nagtagumpay sa mga hamon ng ating modernong mundo. 411 00:48:40,167 --> 00:48:45,672 Para sa malusog at konektadong planeta, dapat maingatan ang kalayaang gumalaw. 412 00:48:50,218 --> 00:48:51,553 Kung magagawa natin, 413 00:48:51,637 --> 00:48:54,890 ang mahahalagang paglalakbay ng bawat hayop 414 00:48:54,973 --> 00:48:57,601 ay magpapatuloy sa mga darating na taon.