1 00:00:05,380 --> 00:00:08,758 Dapat may app para sa tiyan, na magsasabi ng gusto mong kainin. 2 00:00:09,551 --> 00:00:10,427 Oo, pero... 3 00:00:11,428 --> 00:00:14,222 kung kaya ng app yun kaya din nun basahin ang isip mo. 4 00:00:14,806 --> 00:00:15,724 Oo, tingin ko. 5 00:00:15,807 --> 00:00:19,310 Pero tingin mo ba okay yun? Paano kung sa masama mapunta? 6 00:00:19,394 --> 00:00:23,940 Pwedeng makapanakit yun. Gaya sa militar, parang espiya. 7 00:00:24,399 --> 00:00:26,234 -Isusugal mo lahat yun? -Oo. 8 00:00:26,609 --> 00:00:29,362 Isipin mo kung mawawala lahat ng paghihirap mo. Gaya ngayon. 9 00:00:29,446 --> 00:00:32,615 -Gusto ko kumain pero 'di ko alam. -Gutom na din ako. Kumain tayo. 10 00:00:32,699 --> 00:00:35,201 -Ayos lang sa akin kahit ano. -Bakit lagi yan na lang? 11 00:00:35,452 --> 00:00:39,456 'Di yan nakakatulong. "Yang kahit ano" ibig sabihin "Di ko kayang magdesisyon." 12 00:00:39,539 --> 00:00:42,834 Sinusubukan kong mabuhay ng parang tubig. 13 00:00:43,418 --> 00:00:48,214 Kung ano man ang dinaan at dala ng mga barko na yun, hindi ko alam. 14 00:00:49,466 --> 00:00:51,259 -Kung tacos? -Sige. 15 00:00:51,342 --> 00:00:54,137 -San tayo dapat pumunta? -Kahit saang kainan ng taco. 16 00:00:54,721 --> 00:00:57,766 Ano ba. Ang daming kainan ng taco. Dapat dun sa pinakamasarap. 17 00:00:58,308 --> 00:01:01,144 -Maghahanap ako. -Ayos. Upo lang ako dito. 18 00:01:10,111 --> 00:01:11,571 San may masarap na tacos! 19 00:01:20,080 --> 00:01:22,999 EMERGENCY: HINDI AKO MAKAPILI NG LUGAR PARA TACOS! TULONG! 20 00:01:27,587 --> 00:01:28,588 Tacos Morelos? 21 00:01:29,380 --> 00:01:31,216 -Okay sa akin. -Okay! 22 00:01:32,217 --> 00:01:33,051 Ayos. 23 00:01:34,552 --> 00:01:38,389 -Ayos, pre. -Tacos! Naku po, ang daming pagpipilian. 24 00:01:39,265 --> 00:01:40,099 Uy, pre. 25 00:01:41,559 --> 00:01:43,895 Ano sa tingin mo ang pinakamasarap dito? 26 00:01:44,646 --> 00:01:46,105 Paborito ko yung barbacoa. 27 00:01:46,523 --> 00:01:51,694 Sige, siguro magkaiba ang panlasa natin. Ano yung pinakamabenta? 28 00:01:53,321 --> 00:01:56,199 Siguro yung manok o carnitas. Hindi ko alam. 29 00:01:56,616 --> 00:01:59,202 Sa dalawa na yun, ano yung mas okay? 30 00:01:59,285 --> 00:02:04,040 Sino ang mas masaya, yung kumakain ng carnitas o ng manok? 31 00:02:04,124 --> 00:02:06,835 Hindi ko sila pinapanood habang kumakain sila. 32 00:02:06,918 --> 00:02:09,546 Karaniwan inaasikaso ko yung ibang bumibili, 33 00:02:09,629 --> 00:02:12,715 o kaya nakikinig sa laban, at tinititigan ang kalsada. 34 00:02:13,299 --> 00:02:16,386 Nakuha ko. Bigyan mo ako ng dalawang carnitas. 35 00:02:16,469 --> 00:02:18,138 Nako, Pasensya na. Wala ng tacos. 36 00:02:18,221 --> 00:02:19,347 -Hindi! -Oo. 37 00:02:19,430 --> 00:02:22,517 -Naubusan kami ng tortilyas. -Bakit pa tayo nag-usap? 38 00:02:22,600 --> 00:02:25,854 Dahil tanong ka ng tanong at sinasagot lang kita. 39 00:02:25,937 --> 00:02:28,523 Nakikinig nga ako ng balita tungkol sa CM Punk dito. 40 00:02:28,940 --> 00:02:31,484 Eto pa naman yung pinakamasarap. Ano ng gagawin ko? 41 00:02:31,568 --> 00:02:33,862 Dun na lang sa pangalawang pinakamasarap? 42 00:02:36,447 --> 00:02:37,699 Ayos. Magaling. 43 00:02:38,408 --> 00:02:39,242 Asar. 44 00:02:40,034 --> 00:02:40,994 Paano sila naubusan? 45 00:02:41,744 --> 00:02:44,789 Alas-tres na. Umubos ka ng 45 minuto para lang maghanap. 46 00:02:45,373 --> 00:02:46,291 Oo nga eh. 47 00:02:47,333 --> 00:02:49,544 Tulungan mo kong maghanap saka kung bukas pa. 48 00:02:49,627 --> 00:02:50,753 Sige, tignan ko. 49 00:02:51,170 --> 00:02:52,797 Teka lang may mensahe. 50 00:02:54,382 --> 00:02:55,300 Cassidy. 51 00:02:55,800 --> 00:02:59,762 "Uy, Arnold, punta ka sa bahay. May gagawin tayo." 52 00:03:00,138 --> 00:03:02,724 -Pre, baka gusto niyang sumiping. -Ano? 53 00:03:03,141 --> 00:03:05,935 Magsisiping kayo imbes na tulungan ako? 54 00:03:06,185 --> 00:03:08,521 Pare, pasensiya, pero kailangan kong gawin to. 55 00:03:08,605 --> 00:03:09,981 -Mamaya na lang. -Okay. 56 00:03:10,565 --> 00:03:12,525 Taksi! Taksi! 57 00:03:13,026 --> 00:03:15,236 ISANG ORIHINAL NA SERYE MULA SA NETFLIX 58 00:03:54,484 --> 00:03:55,693 -Salamat. -Salamat. 59 00:03:57,654 --> 00:04:00,448 -Kamusta, Dev. -Mr. Ryan. Kamusta? 60 00:04:00,907 --> 00:04:02,867 Arthur Ryan, tatay nung ikakasal na lalaki. 61 00:04:02,951 --> 00:04:04,244 Hello, Mr. Ryan. Rachel po. 62 00:04:04,953 --> 00:04:07,956 Ayos, gusto kong nakakakita ng magkasintahan na magkaibang lahi. 63 00:04:08,373 --> 00:04:11,376 -Ang ganda niyo tignan. -Salamat. 64 00:04:12,043 --> 00:04:16,130 -Nakipag-date ka na ba sa ibang lahi dati? -Hindi pa. 65 00:04:17,048 --> 00:04:20,426 Kinakabahan ako. Puro puti ang naka-date ko. 66 00:04:20,510 --> 00:04:21,928 Ang dami, puro puti lang. 67 00:04:22,387 --> 00:04:24,430 Tas isang araw, nagising na lang ako, 68 00:04:24,847 --> 00:04:29,602 "Rachel, dapat mo din subukan yung ibang lahi," at heto kami ngayon. 69 00:04:29,936 --> 00:04:31,562 -Okay kami. -Ang galing. 70 00:04:32,188 --> 00:04:34,065 Malapit ng magsimula ang kasal. 71 00:04:34,524 --> 00:04:36,192 -Masaya akong nakilala ka. -Ako din. 72 00:04:36,818 --> 00:04:37,652 Ingat. 73 00:04:38,987 --> 00:04:44,367 Mabait siya, pero 'di na dapat sabihin yung "ibang lahi" ng ganon. 74 00:04:45,660 --> 00:04:48,079 Anu-ano na ba mga naging nobyo mo dati? 75 00:04:48,955 --> 00:04:53,751 Puti, puti, puti, may lahing-Asyano, tapos ikaw. 76 00:04:54,544 --> 00:04:57,046 Yung may lahing Asyano, parang naging tulay mo sa akin? 77 00:04:57,130 --> 00:04:59,590 Tingin ko, oo. Malay natin kung sino susunod? 78 00:05:00,174 --> 00:05:01,718 Ako alam ko. Puti. 79 00:05:03,386 --> 00:05:06,264 Gumawa ng pangako sa isat-isa sina Larry at Andrea 80 00:05:06,848 --> 00:05:08,308 at gusto nilang ibahagi sa atin. 81 00:05:10,935 --> 00:05:14,272 Andrea... nalala ko yung unang beses kitang nakita. 82 00:05:15,440 --> 00:05:18,985 Alam ko na kagad na mahal kita at 'di yun mawawala. 83 00:05:20,111 --> 00:05:23,823 Wala akong duda, takot, o pagsisi mula umpisa. 84 00:05:25,950 --> 00:05:31,205 Larry, kaya mong tanggapin ang kahit ano, 85 00:05:31,289 --> 00:05:33,958 at gawing maganda ang buhay. 86 00:05:34,584 --> 00:05:40,673 Para kang prisma na nailawan, gumagawa ng magagandang kulay. 87 00:05:41,507 --> 00:05:45,678 Tuwing nakikita ko ang iyong mukha, nakakaramdam ako ng saya 88 00:05:45,762 --> 00:05:49,849 at tuwa na ikaw ang gusto kong makasama 89 00:05:51,225 --> 00:05:54,979 at 'di ko na maintay na mapasakin yung pakiramdam na yun habambuhay. 90 00:06:00,443 --> 00:06:05,990 Rachel, hindi ako sigurado ng isang daang porsyento tungkol dito. 91 00:06:06,574 --> 00:06:08,409 Ikaw na ba yung panghabambuhay ko? 92 00:06:09,452 --> 00:06:10,328 Hindi ko alam. 93 00:06:11,245 --> 00:06:14,374 Ano yung isang paraan? Maghiwalay? 'Di din maganda yun. 94 00:06:15,333 --> 00:06:21,005 Mahal kita. Mahal na mahal. Pero 'di tulad ng kay Larry kay Andrea. 95 00:06:21,672 --> 00:06:24,926 Bwisit. Asar. May ganun ba? 96 00:06:25,009 --> 00:06:27,428 Walang pagdududa, takot, wala kahit ano? Naku. 97 00:06:29,138 --> 00:06:30,139 'Di ko alam. Siguro... 98 00:06:31,933 --> 00:06:34,977 Sa punto na to, okay ang magpakasal na lang. 99 00:06:44,153 --> 00:06:46,239 Pasensya na, iniisip ko lang yung ibang bagay. 100 00:06:47,824 --> 00:06:51,411 Dev... mabuti kang tao. 101 00:06:52,203 --> 00:06:53,246 Totoo. 102 00:06:55,081 --> 00:06:56,457 Pero tama ka. 103 00:06:57,083 --> 00:06:59,043 Dapat nga ba tayong magpakasal? 104 00:07:00,461 --> 00:07:01,420 Ewan ko. 105 00:07:02,088 --> 00:07:05,174 Nakakainis lang kasi parang lahat na andito na. 106 00:07:05,633 --> 00:07:07,635 Wala ng sorpresa. 107 00:07:08,136 --> 00:07:13,391 Magpapakasal tayo, magkakaanak, tatanda, tapos mamamatay. 108 00:07:14,142 --> 00:07:19,272 At nilaan ko yung dalawang taon ng buhay ko sayo 109 00:07:19,647 --> 00:07:21,941 kaya dapat kong ibigay ang lahat. 110 00:07:22,608 --> 00:07:23,526 Math lang yan. 111 00:07:24,527 --> 00:07:27,447 Kaya gawin na natin to nang mabilis. 112 00:07:28,948 --> 00:07:34,912 Dev, tinatanggap mo ba si Rachel bilang asawa sa tila lipas ng institusyon, 113 00:07:35,246 --> 00:07:38,040 para lang magkaroon ng "normal na buhay"? 114 00:07:38,833 --> 00:07:43,337 Handa ka bang isuko ang paghahanap ng pangarap mong kabiyak? 115 00:07:43,880 --> 00:07:48,134 At subukan ito kay Rachel ng magpatuloy ka na sa buhay mo? 116 00:07:51,345 --> 00:07:52,263 Opo. 117 00:07:53,222 --> 00:07:57,226 Ikaw Rachel, pinapangako mo bang habambuhay mong sasamahan 118 00:07:57,310 --> 00:08:02,273 ang lalaking ito na iyong nobyo ngayon 119 00:08:02,356 --> 00:08:04,775 kung san normal na nagpapakasal ang mga tao? 120 00:08:06,152 --> 00:08:06,986 Opo. 121 00:08:07,862 --> 00:08:13,743 Ngayon, ipinamamahayag ko kayong dalawa na maaaring mapagtanto na kayo'y nagkamali 122 00:08:13,826 --> 00:08:15,203 tatlong taon mula ngayon. 123 00:08:33,346 --> 00:08:35,014 'Di ka na sigurado kay Rachel? 124 00:08:35,723 --> 00:08:37,266 Akala ko nagsasama na kayo. 125 00:08:38,142 --> 00:08:40,978 Okay naman kayo. Anong problema? 126 00:08:42,104 --> 00:08:44,315 Ewan ko. Nakakasakal, alam mo yun? 127 00:08:44,941 --> 00:08:49,654 Yung kasintahan mo sa ganitong edad ay pwedeng makatuluyan mo. 128 00:08:49,737 --> 00:08:50,780 Po-da-po. 129 00:08:51,906 --> 00:08:53,783 Ang gulo mo. 130 00:08:54,367 --> 00:08:58,079 Nung bata ka sabi mo, "Tay pwede akong maglaro ng putbol?" 131 00:08:58,412 --> 00:09:01,499 Pwede akong maglaro ng tenis? Pwede akong maglaro ng basketbol? 132 00:09:01,791 --> 00:09:04,043 Ako, 'di magulo. 133 00:09:04,126 --> 00:09:06,837 Nag-golp ako. Pinili ko ang nanay mo. 134 00:09:07,505 --> 00:09:10,341 Nagpakasal kami kagad. Walang problema. 135 00:09:11,467 --> 00:09:16,097 Magkaiba yun. Pinagkasundo kayo. Ilang babae bago ka nauwi kay ma? 136 00:09:16,556 --> 00:09:19,350 -Dalawa -Dalawa. Yun lang? Anong mali dun sa una? 137 00:09:19,433 --> 00:09:21,227 Masyado siyang matangkad. 138 00:09:21,811 --> 00:09:24,564 Pagtayong-pagtayo niya, Sabi ko, "Naku po." 139 00:09:25,356 --> 00:09:27,608 Dapat marunong kang magdesisyon. 140 00:09:28,192 --> 00:09:30,444 Para kang babaeng nakaupo sa harap ng puno. 141 00:09:30,861 --> 00:09:34,073 Nakatingin sa mga sanga hanggang sa mamatay to. 142 00:09:34,657 --> 00:09:38,286 -Teka, anong babae? Anong puno? -Sylvia Plath, Bell Jar. 143 00:09:38,869 --> 00:09:41,455 'Di ka nagbabasa. Lagi kang nasa Youtube. 144 00:09:42,039 --> 00:09:44,875 -Naglalaro ng tick, tick, tick. -Okay. 145 00:09:45,418 --> 00:09:47,044 Bata ka pa. 146 00:09:47,545 --> 00:09:53,092 Madami kang pwedeng gawin. Trabaho, nobya, gala. 147 00:09:53,509 --> 00:09:55,219 Pwede ka din bumuo ng pamilya. 148 00:09:55,803 --> 00:09:59,432 Pero dapat magdesisyon ka at panindigan yun. 149 00:10:00,433 --> 00:10:04,353 Kung hindi, walang mangyayari, mamatay lang ang puno. 150 00:10:05,104 --> 00:10:07,231 Pumunta ka sa aklatan at bilhin mo yun. 151 00:10:08,774 --> 00:10:11,193 Sabay mo na din akong bilhan ng Harry Potter books. 152 00:10:11,819 --> 00:10:14,196 Hindi ba huli na para basahin mo pa yun? 153 00:10:14,280 --> 00:10:15,364 Balita ko maganda yun. 154 00:10:16,866 --> 00:10:17,742 Okay. 155 00:10:18,492 --> 00:10:20,703 Naku po. Dapat na kong pumunta sa ospital. 156 00:10:20,953 --> 00:10:22,663 May nabilaukan ng buto ng manok. 157 00:10:23,247 --> 00:10:25,791 Sige galingan mo. Magkita nalang tayo sa mamaya. 158 00:10:27,376 --> 00:10:29,003 Anong papel mo dito? 159 00:10:30,046 --> 00:10:33,841 Mahalaga ang papel ni Dr. Vincent sa pelikula na to. 160 00:10:34,133 --> 00:10:36,052 Sinasabi niya ang iniisip ng mga nanonood. 161 00:10:36,510 --> 00:10:39,263 Para siyang Griyegong koryo o para sa akin, Indyanong koryo. 162 00:10:40,348 --> 00:10:42,099 Okay. Salamat. Magpakasaya kayo. 163 00:10:42,850 --> 00:10:45,353 Ang galing ng Indyanong biro na yun. 164 00:10:46,312 --> 00:10:47,730 Musta, babaero? 165 00:10:48,564 --> 00:10:50,107 Pare, kakaiba to. 166 00:10:50,191 --> 00:10:53,694 Nakasalubong ko si Morris at sabi nya lumayas daw ako sa harapan niya. Ayos. 167 00:10:53,778 --> 00:10:57,031 -Binabati kita, pare. -Oo nga! 168 00:10:57,114 --> 00:10:58,240 Pinagmamalaki kita. 169 00:10:58,699 --> 00:11:01,494 May regalo ako sayo para sa selebrasyon mo. 170 00:11:02,495 --> 00:11:03,496 Kopya ng Us Weekly? 171 00:11:04,080 --> 00:11:07,083 Oo, sikat ka na ngayon. Dapat alam mo sinasabi ng mga tao. 172 00:11:07,667 --> 00:11:08,584 Andito ako? 173 00:11:08,668 --> 00:11:13,381 Wala. Pero andyan yung sampu na pinakapangit na binti sa Hollywood. 174 00:11:13,881 --> 00:11:15,591 Gagaan pakiramdam mo dyan. 175 00:11:16,258 --> 00:11:17,093 Salamat, pre. 176 00:11:17,677 --> 00:11:22,014 Masyado tong marangya para sa pelikula na walang pakulo at istorya. 177 00:11:22,264 --> 00:11:25,393 Tigilan mo yang pagiging kritiko mo at suportahan mo nalang siya. 178 00:11:25,476 --> 00:11:27,353 Sige, pagbibigyan kita ngayon. 179 00:11:27,812 --> 00:11:31,315 -Nagpapamigay sila ng popcorn. -Talaga, Brian? 180 00:11:31,649 --> 00:11:35,403 Unang pelikula ng kaibigan mo, tapos ang saya mo dahil sa poporn? 181 00:11:35,986 --> 00:11:37,029 Natutuwa ako sa dalawa. 182 00:11:37,696 --> 00:11:38,948 Ako din. Kuha tayo. 183 00:11:42,118 --> 00:11:43,994 -Ang saya nito. -'Di na ko makapag-intay. 184 00:11:44,078 --> 00:11:46,914 Sandali lang. Masama pakiramdam ko. 185 00:11:47,957 --> 00:11:51,001 Mukhang kumakalat na ang virus! 186 00:11:52,586 --> 00:11:53,796 Tara na! 187 00:11:54,672 --> 00:11:56,841 Oo nga! Tara na! 188 00:12:07,476 --> 00:12:09,812 Anong kalokohan yun? Wala ako sa buong palabas. 189 00:12:09,895 --> 00:12:13,107 'Di to tama. Dapat sinabihan ka muna nila. 190 00:12:13,190 --> 00:12:15,526 Bakit ka pa nakipagpanayam kay Billy Bush? 191 00:12:15,609 --> 00:12:17,945 Cap, anong nangyari? Mali ba yung napuntahan natin? 192 00:12:18,028 --> 00:12:20,030 -Asan ka? -Tinaggal nila ko, pre. 193 00:12:20,739 --> 00:12:21,574 Yakapin kita. 194 00:12:23,409 --> 00:12:24,952 Pwede mong higpitan. 'Di masakit. 195 00:12:30,082 --> 00:12:32,293 Sa kabilang banda, bayad ka. 196 00:12:33,335 --> 00:12:35,671 Hindi rin. Ginawa ko lang yun para makilala. 197 00:12:36,589 --> 00:12:39,508 Pero nakuhanan ka naman, kaya ayos lang. 198 00:12:40,468 --> 00:12:43,679 Wala akong kopya nung mga kuha ko. 'Di ko din alam kung paano kunin. 199 00:12:44,430 --> 00:12:47,266 Alam mo? Nasa IMDb mo pa din yun kaya... 200 00:12:48,476 --> 00:12:50,311 Tingin ko hindi. 'Di naman nila nilabas. 201 00:12:51,812 --> 00:12:55,316 'Di talaga ako pang pinilakang-tabing, nakakalungkot. 202 00:12:57,860 --> 00:12:59,487 -Nasan si Ma? -May sakit. 203 00:13:00,321 --> 00:13:03,574 Nakakasuka yung pelikula. May sakit talaga siya at uuwi na. 204 00:13:05,409 --> 00:13:08,204 Okay, wala naman siyang makikita. 'Di nila ko sinama. 205 00:13:08,287 --> 00:13:09,163 Ayos lang yan. 206 00:13:09,580 --> 00:13:13,459 Pwede ka pa din gumawa ng Go-Gurt na patalastas. Ayos yon. 207 00:13:14,043 --> 00:13:15,252 Limang taon na nakalipas. 208 00:13:15,753 --> 00:13:18,881 Kung gusto mo talaga ang pag-arte, dapat mag-pokus ka. 209 00:13:19,673 --> 00:13:23,052 -Medyo mabigat ung salitang "gusto". -Bat 'di ka mag-abogado? 210 00:13:24,053 --> 00:13:27,306 -Ano? Hindi. 'Di ako magiging abogado. -Anong gusto mong gawin? 211 00:13:28,224 --> 00:13:29,058 'Di ko alam. 212 00:13:31,602 --> 00:13:32,561 Sa emergency room. 213 00:13:34,522 --> 00:13:36,357 Uy, John, kamusta? 214 00:13:37,316 --> 00:13:38,150 Nagbibiro ka. 215 00:13:38,984 --> 00:13:41,487 Pipino? Saan? Sa puwet? 216 00:13:41,862 --> 00:13:42,988 Diyos ko po naman. 217 00:13:43,572 --> 00:13:44,532 Pupunta na ko dyan. 218 00:13:45,908 --> 00:13:48,702 -Anong nangyayari? -May napasukan ng pipino sa puwet. 219 00:13:49,245 --> 00:13:51,747 Kailangan kong tanggalin yun. Una na ko. 220 00:13:54,542 --> 00:13:57,878 -Gusto mo pa bang uminom? -Hindi na. Sasama lang pakiramdam ko. 221 00:14:00,673 --> 00:14:02,758 Naku, andyan si Todd, yung direktor. 222 00:14:04,426 --> 00:14:05,386 Nakausap mo na siya? 223 00:14:06,011 --> 00:14:10,140 Hindi. Kausapin ko kaya para mailang at tignan kung anong nangyari. 224 00:14:10,224 --> 00:14:13,519 Dapat lang na sabihan ka niya kung bat ka tinanggal. 225 00:14:16,939 --> 00:14:19,316 -Uy, direk. -Uy, kamusta? 226 00:14:20,651 --> 00:14:24,196 -Hindi nakasama si Dr. Vincent? -Oo. Pasensiya na. 227 00:14:24,280 --> 00:14:26,323 Magaling ka, pero kinailangang magtanggal. 228 00:14:26,824 --> 00:14:30,286 Nakakainis lang kasi inimbita ko yung mga kaibigan at pamilya ko. 229 00:14:30,369 --> 00:14:31,912 Hindi mo ko sinabihan man lang? 230 00:14:33,163 --> 00:14:35,040 Dapat, pero 'di ko ginawa. 231 00:14:36,417 --> 00:14:38,085 Yun lang ang sasabihin mo? 232 00:14:38,460 --> 00:14:40,754 -Gago ka pala. -Okay. Okay. 233 00:14:40,838 --> 00:14:44,049 -Bakit mo siya tinanggal. -Kalma lang. 234 00:14:44,550 --> 00:14:48,846 May mga natatanggal talaga. Hindi si Dev ang unang natanggal. 235 00:14:49,972 --> 00:14:55,019 Masaya ko na natanggal siya, dahil hindi maganda yung pelikula. 236 00:14:55,102 --> 00:14:57,688 -Tara na. -Nga pala. 237 00:14:58,272 --> 00:15:01,317 -walang kwenta yung pelikula. -Tama na. 238 00:15:02,318 --> 00:15:04,737 -Yun ay walang kwenta. -Tama na. 239 00:15:04,820 --> 00:15:06,447 Maganda ka't masaya ko nakilala ka. 240 00:15:06,530 --> 00:15:09,867 Magpakasaya kayo pero tingin ko nagawa niyo na. 241 00:15:10,451 --> 00:15:14,246 Pupuntahan ko si Dule Hill kasi mabait siya, 'di niyo katulad. 242 00:15:16,373 --> 00:15:18,167 -Ano ba? -Ano? 243 00:15:23,631 --> 00:15:24,965 Talagang ginawa mo to? 244 00:15:26,425 --> 00:15:27,801 Ang galing mong kusinero. 245 00:15:30,804 --> 00:15:32,806 Uy, bakit? 246 00:15:34,099 --> 00:15:36,477 -Wala lang. -Sigurado ka? 247 00:15:37,227 --> 00:15:39,188 Parang wala ka sa sarili mo. 248 00:15:41,231 --> 00:15:43,317 Paano ba dapat kainin yung pasta, ganito? 249 00:15:45,694 --> 00:15:50,032 Hindi. Gusto ko lang makinig ka kapag nagsasalita ako. 250 00:15:50,366 --> 00:15:53,994 Bumabawi pa lang siguro ako mula sa kasawian ngayong gabi. 251 00:15:55,120 --> 00:15:56,330 Natatandaan mo ba? 252 00:15:56,622 --> 00:15:59,208 Pumunta ko sa premiere na pinagtrabahuhan ko ng matagal 253 00:15:59,291 --> 00:16:00,626 tas tinanggal lang ako? 254 00:16:00,876 --> 00:16:03,796 At dahill lasing ka, nag desisyon kang awayin ang direktor. 255 00:16:04,380 --> 00:16:05,464 Okay. Pasensiya na. 256 00:16:06,507 --> 00:16:08,133 Mabuti naman yung dahilan mo. 257 00:16:08,842 --> 00:16:11,136 -Nalulungkot ako dahil dyan. -Ayos lang. 258 00:16:14,890 --> 00:16:18,644 Pero bago 'yon, lagi ka ng tahimik. Ayos lang ba ang lahat? 259 00:16:19,853 --> 00:16:23,190 Sige, gusto mong pag-usapan, pwede naman. 260 00:16:23,273 --> 00:16:27,820 Tatapatin kita, pero ipangako mo na 'di ka magagalit at mag-uusap tayo. 261 00:16:28,487 --> 00:16:29,989 Sige. Sabihin mo yung totoo. 262 00:16:35,369 --> 00:16:38,455 Natakot talaga ako nung nasa kasal tayo nila Larry at Andrea. 263 00:16:40,207 --> 00:16:42,001 Yung pangako nila... 264 00:16:43,085 --> 00:16:45,921 maisip ko lang yung kasal at yung ibang bagay... 265 00:16:47,131 --> 00:16:48,340 Natakot lang ako. 266 00:16:48,924 --> 00:16:50,467 -Bakit? -Ewan ko. 267 00:16:50,551 --> 00:16:52,886 Pakiramdam ko kung bata pa tayo, 268 00:16:54,513 --> 00:16:57,349 hindi masyadong malinaw kung ano yung tatahakin natin. 269 00:16:57,433 --> 00:16:58,559 'Di mo alam kung san ka. 270 00:16:59,143 --> 00:17:01,270 Bagay na 'di mo inaasahan. May mga sorpresa. 271 00:17:01,645 --> 00:17:02,896 Pero habang tumatanda ka, 272 00:17:03,522 --> 00:17:07,067 mas malinaw ang mga bagay at alam mo kung san ka papunta, 273 00:17:07,151 --> 00:17:10,446 Wala ng sorpresa, hindi na masaya, alam mo yung mangyayari. 274 00:17:10,946 --> 00:17:14,241 Ang sinasabi mo ba, ay hnd na ganon kasaya ang relasyon nato? 275 00:17:14,575 --> 00:17:19,329 Hindi naman. Sinasabi ko lang, sa ganitong edad, masyadong matindi. 276 00:17:19,413 --> 00:17:21,957 Ano man ang ginagawa mo, kung sino man ang kasama mo, 277 00:17:22,041 --> 00:17:23,959 pwedeng yun na, alam mo ba? 278 00:17:24,334 --> 00:17:28,464 -At nakakatensyon. -Okay. Naintindihan ko. 279 00:17:29,048 --> 00:17:31,508 Pero 'di ka sigurado na ako ang gusto mong makasama? 280 00:17:32,551 --> 00:17:35,721 -Hindi sa ganon. -Pero parang ganon ang sinasabi mo. 281 00:17:35,804 --> 00:17:39,600 Parang 'di ka sigurado sa akin at 'di mo gusto yung mga bagay 282 00:17:39,683 --> 00:17:43,645 at ayaw mong gawin to. 283 00:17:44,146 --> 00:17:48,400 Hindi. Pero kung hindi man ako sigurado ibig bang sabihin masama akong tao? 284 00:17:48,484 --> 00:17:50,694 Ikaw ba sigurado ka sa lahat ng bagay? 285 00:17:50,778 --> 00:17:54,448 -Walang pagdududa or takot? -Hindi rin ako sigurado. 286 00:17:54,531 --> 00:17:55,824 Mga ilang porsyento? 287 00:17:58,660 --> 00:18:00,621 Bakit 'di na lang natin isulat to? 288 00:18:01,121 --> 00:18:02,414 Magandang eksperimento to. 289 00:18:03,248 --> 00:18:05,167 Talaga? Gusto mong isulat? 290 00:18:05,626 --> 00:18:10,839 Kung ilang porsyento na tayo talaga? 'Di yon maganda. Bakit 'di mag-usap? 291 00:18:11,423 --> 00:18:14,551 Sinubukan kong makipag-usap sayo pero nagagalit ka. 292 00:18:15,052 --> 00:18:16,720 Okay, sige. Isulat na lang natin. 293 00:18:31,110 --> 00:18:32,027 Walumpu? 294 00:18:33,320 --> 00:18:34,154 Pitumpu? 295 00:18:34,738 --> 00:18:38,534 -Mataas ang pitumpu. -'Di sing taas nang walumpu na sinulat ko. 296 00:18:38,617 --> 00:18:41,578 Masaya ko na sinulat mo yan pero mataas na din ang pitumpu. 297 00:18:41,662 --> 00:18:44,623 Hindi. Ang palabas pag nakakuha nang setenta porsyento, 298 00:18:44,706 --> 00:18:47,876 iba-iba nag sinasabi ng mga tao, at 'di ko iyon pinapanood. 299 00:18:48,210 --> 00:18:51,380 Kung pelikula ang relasyon natin, 'di mo to papanoodin. 300 00:18:51,463 --> 00:18:52,714 Naging konserbatibo ako. 301 00:18:52,798 --> 00:18:54,883 Ayokong magbigay ng mataas tas mababa sayo. 302 00:18:55,467 --> 00:18:59,138 Ano naman? Dapat isang daan kaagad nang hindi pinag iisipan? 303 00:18:59,805 --> 00:19:01,640 Sina Larry at Andrea ay isang daan. 304 00:19:01,723 --> 00:19:05,561 Kung tayo ay sa pitumpu o walumpu lang, bakit pa natin to ginagawa? 305 00:19:06,145 --> 00:19:08,772 Mukang nakalkula mo na yung relasyon natin. 306 00:19:13,485 --> 00:19:15,904 Dapat na kong umalis, doon muna ako kila Melinda. 307 00:19:16,321 --> 00:19:19,449 Teka, aalis ka na ng bahay natin? 308 00:19:19,533 --> 00:19:22,536 Oo, kasi sigurado ako na ayaw kitang makasama ngayon. 309 00:19:25,122 --> 00:19:27,457 Naku po, Cap. Ang gulo naman niyan. 310 00:19:27,541 --> 00:19:29,543 -Bakit mo yun ginawa? -Ewan ko. 311 00:19:30,043 --> 00:19:31,378 Parang okay na gawin yun nun. 312 00:19:31,962 --> 00:19:33,213 Para kong nakulam nun. 313 00:19:34,381 --> 00:19:36,592 Dapat ko sigurong gawin yan pag makikipaghiwalay 314 00:19:36,967 --> 00:19:39,052 Siguradong galit si Rachel. 315 00:19:39,678 --> 00:19:41,138 Wala na ba talaga kayo? 316 00:19:42,556 --> 00:19:46,143 Hindi ko alam. Hindi natapos yan. Sa kaibigan niya muna siya tumutuloy. 317 00:19:46,226 --> 00:19:51,023 Okay. Sa ginawa mo 'di naman mali. 'Di ka naman bente-dos. 318 00:19:51,315 --> 00:19:53,192 Sa pakikipagrelasyon dapat seryoso ka. 319 00:19:53,525 --> 00:19:56,486 'Di ka nakikipaglokohan, kaya okay lang na sinabi mo yun. 320 00:19:58,113 --> 00:20:01,658 Sana. Siguro lilipas din at malutas din ito. 321 00:20:02,326 --> 00:20:03,577 Pag pinikit mong mata mo, 322 00:20:03,660 --> 00:20:07,789 nakikita mo ba kayo at ang mga magiging anak ninyo? 323 00:20:08,123 --> 00:20:11,710 O nakikita mo ang sarili mo na may bagong babae? 324 00:20:14,796 --> 00:20:15,714 Wala akong makita. 325 00:20:16,423 --> 00:20:18,634 Naku po. Katapusan na ng mundo. 326 00:20:21,970 --> 00:20:26,767 "May nakita akong buhay gaya ng puno ng igos sa istorya. 327 00:20:29,144 --> 00:20:32,189 Mula sa dulo ng sanga gaya ng mataba at lilang igos, 328 00:20:32,606 --> 00:20:34,650 isang magandang kinabukasan tumawag sakin. 329 00:20:36,985 --> 00:20:40,489 Asawa, masayang bahay, at mga anak, 330 00:20:41,698 --> 00:20:46,954 isang igos na makata, at isang igos na matalinong propesor, 331 00:20:48,330 --> 00:20:52,417 at isang igos sa Europa, Aprika, at Timog Amerika, 332 00:20:53,543 --> 00:20:57,506 at isang igos na Constantine at Socrates at Attila 333 00:20:57,589 --> 00:21:01,260 at madaming kasintahan na may kakaibang pangalan at trabaho. 334 00:21:02,803 --> 00:21:07,724 Sa dulo ng mga igos ay marami pang igos na hindi ko maintindihan. 335 00:21:09,518 --> 00:21:13,897 Nakita ko ang sarili ko nakaupo sa harap ng igos, nagugutom 336 00:21:14,439 --> 00:21:18,068 dahil lang sa 'di ko alam kung anong igos ang pipiliin ko. 337 00:21:18,986 --> 00:21:23,198 Gusto ko silang lahat ngunit sa pagpili ay mawawala ang iba. 338 00:21:24,408 --> 00:21:29,371 Sa aking pag-iisip, nag umpisa mangulubot at mawala ang igos, 339 00:21:30,414 --> 00:21:34,376 isa-isa silang bumabagsak sa lupa." 340 00:21:48,515 --> 00:21:50,642 -Uy. -Uy. Kamusta? 341 00:21:51,351 --> 00:21:54,062 Pwede ba tayong mag-usap? 342 00:21:54,479 --> 00:21:56,857 Oo. Tingin ko dapat nga. 343 00:22:02,154 --> 00:22:04,114 -Uy. -Uy. 344 00:22:04,865 --> 00:22:05,699 Pula ang buhok mo. 345 00:22:07,034 --> 00:22:09,828 Dev, lilipat na ko sa Tokyo. 346 00:22:11,079 --> 00:22:11,913 Ano? 347 00:22:13,206 --> 00:22:14,291 Bakit mo to ginagawa? 348 00:22:15,751 --> 00:22:17,419 Akala ko okay nag lahat, 349 00:22:18,045 --> 00:22:24,551 at naisip ko ang mga sinabi mo kung paano tayo andito, at tama ka. 350 00:22:25,052 --> 00:22:28,347 Naisip ko yung kapatid ko na gustong tumira sa Paris, 351 00:22:28,430 --> 00:22:30,140 pero 'di siya makapunta. 352 00:22:30,223 --> 00:22:33,477 At kung 'di ko gagawin ngayon, hindi ko na ito magagawa pa. 353 00:22:34,186 --> 00:22:37,356 Pinagisipan mo na ba yan? Anong gagawin mo dun? 354 00:22:37,439 --> 00:22:40,984 -Hindi mo kayang mag-Nihonggo. -'Di ko pa alam. Makakaya ko din. 355 00:22:41,902 --> 00:22:45,405 Mahal kita, pero kailangan kong gawin to. 356 00:22:45,697 --> 00:22:46,990 Mahalaga sa akin to. 357 00:22:47,074 --> 00:22:50,744 Ayokong magising na nagiisip "Pano kaya kung pumunta ko sa Japan?" 358 00:22:52,496 --> 00:22:55,999 Lagi akong nagsisigurado, pero hindi na ngayon. 359 00:22:56,792 --> 00:22:59,544 Tapos na yung mga kalokohan ko. 360 00:22:59,628 --> 00:23:04,800 at ayokong magising na wala na tong oportunidad na to. 361 00:23:06,218 --> 00:23:07,052 Pasensiya na. 362 00:23:08,804 --> 00:23:10,180 Pasensiya na talaga. 363 00:23:15,685 --> 00:23:18,188 Pre, 'di ako makapaniwala na tinangal nila tayo pareho. 364 00:23:18,647 --> 00:23:21,233 Oo. Nangyari na yan sa The Cookout 3. 365 00:23:22,234 --> 00:23:25,737 Yung parte na binubugbog ko si Marquise sa isang paligsahan. 366 00:23:27,572 --> 00:23:28,615 Kamusta ka? 367 00:23:29,783 --> 00:23:33,954 Bukod dyan, iniwan ako ng nobya ko. 368 00:23:34,663 --> 00:23:35,664 Pumunta siya ng Japan. 369 00:23:36,623 --> 00:23:38,834 Sobrang layo niya sayo. 370 00:23:39,543 --> 00:23:40,377 Oo. 371 00:23:41,628 --> 00:23:43,463 Nakakaasar yan. 372 00:23:45,257 --> 00:23:52,055 Pinagsulat ko sya kung ilang porsyento na kami yung magkakatuluyan. 373 00:23:53,306 --> 00:23:55,725 -Hindi naging maayos. -Hindi talaga. 374 00:23:55,809 --> 00:23:57,894 'Di magandang ideya. Bakit mo yun ginawa? 375 00:23:58,520 --> 00:24:03,191 -Hindi ko alam. -Kakila-kilabot. Ang tanga. 376 00:24:06,945 --> 00:24:07,904 Anong sinulat niya. 377 00:24:08,905 --> 00:24:11,199 -Pitumpu. -Hindi na masama. 378 00:24:11,283 --> 00:24:12,450 Hindi okay ang pitumpu. 379 00:24:13,201 --> 00:24:16,830 -C-minus yun. Ang baba. -Kung bente o trenta, 'di maganda. 380 00:24:16,913 --> 00:24:20,625 Okay lang ang pitumpu, parang nakapasa. 381 00:24:21,209 --> 00:24:22,794 Hindi ba dapat isang daan? 382 00:24:22,878 --> 00:24:24,671 Nagpunta ako sa kasal ng kaibigan ko, 383 00:24:25,672 --> 00:24:28,049 at ang pangako nila, sobrang ganda. 384 00:24:28,133 --> 00:24:32,429 Alam ko na ganoon talaga ang pangako, 385 00:24:32,512 --> 00:24:35,765 pero sila ay nasa isang daan. 386 00:24:36,266 --> 00:24:38,685 Maganda yun pero walang nasa isang daan. 387 00:24:38,768 --> 00:24:42,189 Okay kami ng asawa ko, minsan nasa siyamnapu kami. 388 00:24:42,272 --> 00:24:44,608 Pero minsan, nasa bente o trenta. 389 00:24:45,066 --> 00:24:47,903 Tumataas, bumababa. Hindi lang yan isang numero palagi. 390 00:24:47,986 --> 00:24:49,905 O, Diyos ko. 391 00:24:50,489 --> 00:24:52,324 Ikaw ba yung nasa patalastas ng Mucinex. 392 00:24:52,949 --> 00:24:55,118 -Oo, ako yun. -Hind nga? 393 00:24:55,702 --> 00:24:57,954 Pare. O, Diyos ko. Ikaw yung kulangot. 394 00:24:58,038 --> 00:24:59,456 Hindi! Huwag ang Mucinex! 395 00:25:01,082 --> 00:25:02,083 Ang galing, pare. 396 00:25:03,460 --> 00:25:07,047 -Kasama kong kaibigan ko, kaya... -Ayos. Sige, pare. 397 00:25:12,010 --> 00:25:13,511 Kinuhanan niya lang ako bigla. 398 00:25:14,304 --> 00:25:15,222 Ang bastos nun. 399 00:25:18,433 --> 00:25:20,602 'Di maganda yung nangyari sayo. Nakakainis yun. 400 00:25:21,853 --> 00:25:25,565 -Oo nga. 'Di ko na alam gagawin ko. -Mahirap ang seryosong relasyon. 401 00:25:26,566 --> 00:25:30,362 'Di pwedeng malaking apoy agad, alam mo yun? 402 00:25:30,946 --> 00:25:36,201 'Di pwedeng yung malaking kahoy agad. Dapat yung maliliit muna, tama? 403 00:25:36,701 --> 00:25:39,537 Tapos nun, saka na yung malalaking kahoy, 404 00:25:40,288 --> 00:25:45,168 at pag malaki na yung apoy, okay na yung relasyon, tama? 405 00:25:46,294 --> 00:25:47,128 Pero mag-ingat ka. 406 00:25:48,171 --> 00:25:51,091 Minsan, ang hirap hanapin nung maliliit na kahoy, 407 00:25:52,259 --> 00:25:54,803 kaya wag mo silang ipagwalang-bahala. 408 00:26:29,170 --> 00:26:30,297 -Kumot, Sir? -Salamat. 409 00:26:39,389 --> 00:26:40,807 Nakapunta ka na ba don dati? 410 00:26:41,808 --> 00:26:42,976 Unang beses pa lang. 411 00:26:45,103 --> 00:26:46,938 Bakit ka pupunta sa Italya? 412 00:26:49,858 --> 00:26:50,692 Pasta? 413 00:26:51,359 --> 00:26:54,279 Gusto ko talagang kumakain at nagluluto nun 414 00:26:54,362 --> 00:26:59,909 kaya napag-isipan ko na mag-empake at pumunta don at mag-aral ng pagluluto. 415 00:27:00,827 --> 00:27:02,329 Galing, gaano katagal ka don? 416 00:27:03,622 --> 00:27:05,832 -'Di ko pa alam. -Malaking desisyon. 417 00:27:06,875 --> 00:27:08,501 Ganon ka lang magdesisyon? 418 00:27:10,211 --> 00:27:11,046 Ganon lang. 419 00:28:33,670 --> 00:28:36,673 Ang pagsalin ng subtitle ay ginawa ni: Precious Maureen Tiongson