1
00:00:18,203 --> 00:00:20,843
MOSSAD SAFE HOUSE, NORTH LEBANON
2
00:00:48,603 --> 00:00:49,483
[ARABIC]
[Nimer?]
3
00:00:49,563 --> 00:00:51,123
[-Oo, ako si Nimer.]
[-Kumusta.]
4
00:00:51,203 --> 00:00:53,083
[Handa na ang mga silid ninyo.]
5
00:00:56,523 --> 00:00:57,683
[Lumabas na kayo.]
6
00:01:05,963 --> 00:01:10,043
[-Ano'ng bagong balita?]
[-Hinarangan nila ang mga main road,]
7
00:01:10,763 --> 00:01:13,123
[pero ilang oras ang aabutin
para maharangan ang iba.]
8
00:01:15,163 --> 00:01:18,203
[-May nagpupunta ba rito?]
[-Wala, sarado ito hanggang sa susunod.]
9
00:01:19,523 --> 00:01:21,843
['Wag kang mag-alala, ligtas ka rito.]
10
00:01:22,563 --> 00:01:24,123
[-Sa ngayon.]
[-Tara na.]
11
00:01:24,883 --> 00:01:27,163
[Nimer, kailangan ko ng secured phone.]
12
00:01:27,563 --> 00:01:30,083
[Masayang nakilala kita.
Marami akong nabalitaan sa iyo.]
13
00:01:52,443 --> 00:01:54,243
Sa tingin mo tanga ako?
14
00:01:55,483 --> 00:01:58,323
Buhay siya, di ako nagsisinungaling.
15
00:01:58,403 --> 00:02:02,283
Nakita ko ang mga dugo sa apartment,
mga marka ng tama ng baril.
16
00:02:02,843 --> 00:02:05,043
Sugatan talaga siya,
pero inalagaan ko siya.
17
00:02:05,123 --> 00:02:06,843
Sinalinan ko siya ng dugo.
18
00:02:07,403 --> 00:02:10,643
[Nagbibiro ka ba?] Ano'ng problema mo?!
19
00:02:13,363 --> 00:02:15,203
Tingin mo hahayaan namin siyang mamatay?
20
00:02:22,803 --> 00:02:24,843
Na kay Haj Ali siya.
21
00:02:25,523 --> 00:02:29,563
Sa Saifi sa Beirut.
Alam ko kung nasaan siya.
22
00:02:30,923 --> 00:02:32,483
Bakit kita paniniwalaan?
23
00:02:33,043 --> 00:02:36,243
Dahil bihag mo ang asawa ko
at kapatid ko, kaya ganoon.
24
00:02:36,883 --> 00:02:40,323
Alam na siguro ni Haj Ali ngayon
na nakikipagtulungan ako sa iyo.
25
00:02:40,403 --> 00:02:43,523
Hindi siya makikipagsapalaran.
Wala ka na gaanong oras.
26
00:02:44,123 --> 00:02:47,323
Iaalis niya sa Lebanon ang kapitan
sa lalong madaling panahon.
27
00:02:48,003 --> 00:02:49,483
At saan siya dadalhin?
28
00:02:49,963 --> 00:02:52,843
-Tutulungan kitang mahanap siya kung--
-At saan siya dadalhin?
29
00:02:52,923 --> 00:02:55,443
-Ipapangakong tutulungan mo ako.
-At saan siya dadalhin?
30
00:02:56,923 --> 00:02:58,363
Sa Iran.
31
00:03:42,003 --> 00:03:43,643
[Aisha.]
32
00:03:52,203 --> 00:03:54,523
[Aisha, magiging okay din tayo, pangako.]
33
00:03:54,923 --> 00:03:57,123
[Paano mo nagawa ito sa kanya?]
34
00:03:57,443 --> 00:03:59,043
[Mahal ka ni Omar,]
35
00:03:59,523 --> 00:04:01,603
[lagi ka niyang kinukwento,]
36
00:04:01,683 --> 00:04:05,283
[sinabing ikaw
ang pinakamalapit niyang kamag-anak.]
37
00:04:05,563 --> 00:04:07,563
[Nagsinungaling ang Hudyong iyon sa akin.]
38
00:04:08,283 --> 00:04:12,003
[Niloko nila ako, sinabing kailangan
ni Omar ng tulong ko, kaya pumunta ako.]
39
00:04:13,643 --> 00:04:17,643
[Pangako,
di ako gagawa ng ikapapahamak niya.]
40
00:04:18,123 --> 00:04:20,443
[Pero ginawa mo,]
41
00:04:20,523 --> 00:04:24,002
[sinira mo ang buhay namin
at ngayon papatayin nila siya!]
42
00:04:26,122 --> 00:04:27,363
[Hindi.]
43
00:04:29,083 --> 00:04:30,563
[Kilala ko sila.]
44
00:04:30,643 --> 00:04:33,003
[Gusto lang nilang makita
ang dinukot na Hudyo.]
45
00:04:34,083 --> 00:04:35,763
[Kapag nakita na siya, malaya ka na.]
46
00:04:35,843 --> 00:04:38,443
[Hindi na nila siya pakakawalan.]
47
00:04:39,163 --> 00:04:41,563
[Mamamatay siya, alam ko na 'yan.]
48
00:04:47,643 --> 00:04:50,243
Raphael, pinaniniwalaan ko siya,
di siya magsisinungaling.
49
00:04:50,323 --> 00:04:53,163
Syempre. Kailangan niya itong pahabain
hanggang matunton kayo.
50
00:04:53,243 --> 00:04:54,083
Doron,
51
00:04:54,163 --> 00:04:58,003
paparating na ang tulong.
Manatili diyan at hintayin sila, malinaw?
52
00:04:58,083 --> 00:05:00,483
Raphael, hayaan mong suriin ko
para lang ligtas.
53
00:05:00,563 --> 00:05:03,763
-Kung totoo nga ito, makukuha natin siya.
-Narinig mo ba ako?
54
00:05:04,283 --> 00:05:06,083
'Wag nang ulitin ang insidente sa Gaza.
55
00:05:06,163 --> 00:05:08,123
Ayaw mong may mamatay uli dahil sa iyo.
56
00:05:08,763 --> 00:05:10,843
Mabigat ang pinagbayaran natin noon.
57
00:05:12,163 --> 00:05:13,723
Okay, sige.
58
00:05:17,683 --> 00:05:18,683
[Nimer,]
59
00:05:19,283 --> 00:05:21,923
[halika rito, pare. Umupo ka.]
60
00:05:26,403 --> 00:05:28,843
[Makinig, kailangan ko ng kotse,
importante ito.]
61
00:05:31,603 --> 00:05:35,323
[Tingnan mo,
di ko alam kung naiisip mo ito,]
62
00:05:35,403 --> 00:05:37,643
[pero pinaghahahanap ka
sa lahat ng sektor.]
63
00:05:37,803 --> 00:05:40,003
[May litrato at paglalarawan mo sila.]
64
00:05:40,083 --> 00:05:42,123
[Hinahanap kayo
ng mga militar ng Lebanese.]
65
00:05:42,683 --> 00:05:45,483
[-Kaya kalimutan mo na ang kotse.]
[-Babalik ako kaagad.]
66
00:05:45,563 --> 00:05:48,243
[Mahuhuli ka, lalo na't may kotse ka.]
67
00:05:49,763 --> 00:05:52,483
[Inutusan kami na panatilihin kayo rito.]
68
00:05:52,563 --> 00:05:55,603
[Mananatili ka rito
hanggang sa dumating ang mga kaibigan mo.]
69
00:05:56,243 --> 00:05:57,923
[Okay, pare ko?]
70
00:05:58,523 --> 00:06:02,843
[Makinig, kailangan kong makarating
sa Saifi. Alam mo kung paano?]
71
00:06:23,083 --> 00:06:24,283
Dito.
72
00:06:30,443 --> 00:06:32,963
Sagi, siya si Aliza.
Aliza, ang asawa kong si Sagi.
73
00:06:33,043 --> 00:06:33,843
-Hi.
-Hi.
74
00:06:33,923 --> 00:06:36,083
-Hi.
-Nagkakilala na tayo noong nakaraan.
75
00:06:46,163 --> 00:06:48,643
Dinalhan kita ng cookies mula sa Jenin.
76
00:06:54,643 --> 00:06:56,643
Patawad, mahal ko.
77
00:06:58,243 --> 00:06:59,483
Patawad din.
78
00:07:01,203 --> 00:07:05,683
-May sasabihin ako sa iyo.
-Sandali, hayaan mo ako.
79
00:07:05,963 --> 00:07:07,563
Alam ko na ang gusto kong sabihin.
80
00:07:12,963 --> 00:07:14,643
Naisip kong ayos lang 'yun.
81
00:07:17,643 --> 00:07:19,203
Ayos lang kung ayaw mong…
82
00:07:20,803 --> 00:07:22,323
kung ayaw mong magkaanak.
83
00:07:24,563 --> 00:07:26,483
Hindi sa ngayon o kailanman.
84
00:07:32,483 --> 00:07:37,003
Alam mo kung ano
ang una kong naisip noong nalaman ko?
85
00:07:39,523 --> 00:07:41,163
Mga anak ni Avihai.
86
00:07:43,283 --> 00:07:45,443
Kung paano sila pinilatan habambuhay.
87
00:07:47,083 --> 00:07:49,443
Kahit papaano
ay normal ang trabaho ng ina nila.
88
00:07:50,603 --> 00:07:53,843
Pareho tayong nasa ganitong trabaho
na walang balak tumigil,
89
00:07:54,923 --> 00:07:56,883
kaya bakit tayo mag-aanak?
90
00:07:57,523 --> 00:07:59,163
Pang-aabuso ito sa bata, di ba?
91
00:08:00,123 --> 00:08:01,643
Napakalupit lang nito.
92
00:08:03,923 --> 00:08:07,923
Mahal, magiging mabuti kang ina.
Tumingin ka sa akin.
93
00:08:08,883 --> 00:08:10,323
Magiging mabuti kang ina.
94
00:08:11,643 --> 00:08:14,163
Pinakamabuting ina sa buong mundo,
ipinapangako ko.
95
00:08:16,403 --> 00:08:20,923
Ano ba, may mga taong ganito ang trabaho
at nabubuhay nang matagal.
96
00:08:21,523 --> 00:08:24,203
'Yung iba, tumawid lang
at nasagasaan ng trak.
97
00:08:27,123 --> 00:08:29,323
Mahal ko, anuman ang pasya mo,
98
00:08:30,043 --> 00:08:31,523
tatanggapin ko.
99
00:08:32,723 --> 00:08:34,523
"Sa hirap at ginhawa."
100
00:08:44,163 --> 00:08:47,202
BEIRUT, KABAHAYANAN NG SAIFI
101
00:08:49,202 --> 00:08:51,643
[Pagpalain ka ng Diyos. Salamat.]
102
00:09:06,963 --> 00:09:10,523
[Kumusta, pare ko?
Naririnig mo ba ako nang malinaw?]
103
00:09:10,603 --> 00:09:12,483
[Mabuti. Ano ang nakikita mo?]
104
00:09:14,283 --> 00:09:17,603
[Maganda ang lugar ng Saifi,]
105
00:09:18,323 --> 00:09:20,843
[may magagandang bahay at mga tao.]
106
00:09:21,483 --> 00:09:24,443
[-Dapat dito ka manirahan.]
[-Nakikita mo ba 'yung bahay?]
107
00:09:24,523 --> 00:09:27,363
[Syempre, nakakatawang tanong.]
108
00:09:38,203 --> 00:09:41,723
[Malapit sa cafe, maayos ang kondisyon.]
109
00:09:42,323 --> 00:09:45,883
[May mga gwardiya, mga kamera, maganda.]
110
00:09:46,643 --> 00:09:48,803
[Sigurado akong isang sikat
ang naninirahan dito.]
111
00:09:49,443 --> 00:09:50,883
[Makinig, ayos ito.]
112
00:09:51,443 --> 00:09:54,883
[Pwede ka bang lumapit sa bahay?
Armado ba ang mga gwardiya?]
113
00:09:54,963 --> 00:09:57,243
[Makakatulong ang anumang impormasyon.]
114
00:10:02,443 --> 00:10:05,323
[Sige, titingnan ko
kung ano'ng magagawa ko.]
115
00:10:28,843 --> 00:10:32,603
[Nakalapit na ako.
Parang armado ang mga gwardiya.]
116
00:10:33,563 --> 00:10:35,563
[Masisilip mo ba 'yung loob?]
117
00:10:35,643 --> 00:10:37,283
[Wala akong makita.]
118
00:10:39,803 --> 00:10:42,483
[Kailangan kong ibaba, mag-uusap kami.]
119
00:10:43,203 --> 00:10:46,323
[-Sumaiyo ang kapayapaan.]
[-Matutulungan ba kita?]
120
00:10:47,403 --> 00:10:51,803
[Oo, sa katunayan. Ako si Nimer,
isang ahente ng real-estate.]
121
00:10:52,523 --> 00:10:53,883
[Naghahanap ako ng ari-arian.]
122
00:10:54,763 --> 00:10:56,163
[Ipakita ang ID mo.]
123
00:10:57,243 --> 00:10:58,643
[Walang problema.]
124
00:11:03,363 --> 00:11:04,283
[Heto.]
125
00:11:07,323 --> 00:11:11,083
[Nakabase kami sa timog,
pero gusto naming magpalawak,]
126
00:11:11,163 --> 00:11:14,043
[kung mayroon sa lugar ninyo
at matutulungan mo kami.]
127
00:11:16,963 --> 00:11:18,803
[Wala kang mapapala rito.]
128
00:11:27,443 --> 00:11:29,083
[Babalik na ako.]
129
00:11:29,163 --> 00:11:31,763
[Kaunti pa, pare,
kailangan ko nang mas paniniwalaan.]
130
00:11:33,123 --> 00:11:38,483
[Tingnan mo, pinaghihinalaan na nila ako,
sobrang delikado. Dapat na akong umalis.]
131
00:11:38,563 --> 00:11:41,563
[Manatili ka pa sandali, pare.]
132
00:11:44,763 --> 00:11:48,043
[-Sige.]
[-Salamat, pare ko.]
133
00:11:49,683 --> 00:11:54,403
Bakit mo siya ipinadala sa misyon sa gitna
ng Beirut nang hindi ako pumapayag?
134
00:11:54,483 --> 00:11:57,243
Raphael, tingnan mo ang mga litrato.
Malamang nariyan siya.
135
00:11:57,323 --> 00:11:59,843
Hindi iyan sigurado, haka-haka lang ito.
136
00:11:59,923 --> 00:12:03,923
Di natin alam kung sino ang naroon,
at ipinapahamak mo ang ahente.
137
00:12:04,003 --> 00:12:06,563
Hahayaan mo bang mawala
ang pagkakataong iligtas si Gabi?
138
00:12:06,683 --> 00:12:09,763
Doron, tama na.
Pabalikin mo na ang ahente agad!
139
00:13:32,803 --> 00:13:34,483
[Hinga.]
140
00:13:35,563 --> 00:13:37,163
[Ulit.]
141
00:13:51,683 --> 00:13:53,043
Raphael.
142
00:14:00,003 --> 00:14:02,123
Kumuha ng satellite image
sa itaas ng bahay.
143
00:14:08,483 --> 00:14:11,283
[Ano'ng nangyayari? Ha?]
144
00:14:17,763 --> 00:14:19,763
[Para saan ang mga damit na ito?]
145
00:14:21,483 --> 00:14:26,083
['Wag mong sabihing lilipat ako uli.
Nasanay na ako sa "suite" na ito.]
146
00:14:26,923 --> 00:14:29,923
[Sa kasamaang palad,
bibiyahe ka pa rin, Kapitan.]
147
00:14:31,443 --> 00:14:33,243
[Doktor, kumusta siya?]
148
00:14:33,843 --> 00:14:36,803
[Maayos siya, patuloy na lumalakas.
Makakabiyahe siya.]
149
00:14:37,403 --> 00:14:39,803
[-Babaunan mo kami ng gamot, di ba?]
[-Syempre.]
150
00:14:39,883 --> 00:14:45,003
[-Gamot, inhalers, adrenaline, paggawa.]
[-Tama na, nagmamakaawa ako, Haj.]
151
00:14:45,803 --> 00:14:48,603
['Wag akong ilipat uli.
Hayaan mo akong magpahinga.]
152
00:14:49,563 --> 00:14:53,603
[Wala tayong magagawa, pare.
Hinahanap tayo ng mga kaibigan mo]
153
00:14:54,083 --> 00:14:56,483
[at nilalagay kami sa kapahamakan.]
154
00:14:56,563 --> 00:14:59,963
[Dadalhin ka namin sa ligtas na lugar.]
155
00:15:01,523 --> 00:15:03,443
[Binigay ko na lahat,
ano pa ang gusto mo?]
156
00:15:04,363 --> 00:15:08,043
['Wag kang matakot.
Maayos ang trato nila sa bihag doon,]
157
00:15:08,123 --> 00:15:10,523
[lalo na sa mga nakikipagtulungan.]
158
00:15:14,683 --> 00:15:18,323
[Nagmamakaaawa ako, sa ngalan ni Allah,
hayaang manatili ako rito.]
159
00:15:18,403 --> 00:15:22,243
[Gagawin ko anumang sabihin mo,
'wag lang akong ipadala roon.]
160
00:15:23,083 --> 00:15:25,203
[Maawa ka naman, Haj, sige na.]
161
00:15:25,603 --> 00:15:27,483
[Parang awa mo na, hayaan mo ako rito.]
162
00:15:28,723 --> 00:15:32,123
[-Hayaan mo ako rito, parang awa mo na!]
[-Kumalma ka at tumahimik!]
163
00:15:33,403 --> 00:15:35,923
[Ihanda siya sa biyahe.]
164
00:15:48,003 --> 00:15:49,123
Ano?
165
00:15:49,203 --> 00:15:52,803
Doron, binabantayan namin ang compound,
pero di sapat ang satellite image.
166
00:15:52,883 --> 00:15:55,843
Makinig ka, iaalis na siya sa Lebanon.
Nawawalan na tayo ng oras!
167
00:15:55,923 --> 00:15:58,483
Di ibig sabihing naroon si Ayub
kasi dumating si Haj Ali.
168
00:15:58,563 --> 00:16:01,363
Raphael, binigay ko na sa iyo
ang lahat ng leads.
169
00:16:01,443 --> 00:16:05,963
Doron, maghintay ng mga utos.
Ngayon, susunod tayo sa mga tuntunin.
170
00:16:10,283 --> 00:16:12,723
Makakapaglagay ba tayo
ng aparato sa loob ng villa?
171
00:16:12,803 --> 00:16:16,323
Di natin alam ang kaayusan ng compound.
Baka makompromiso tayo sa paglalagay.
172
00:16:16,403 --> 00:16:18,403
May maingat na binabantayan
si Haj Ali doon.
173
00:16:18,483 --> 00:16:21,523
Sabi ni Omar na hatinggabi sila aalis.
Nagsasayang tayo ng oras.
174
00:16:21,603 --> 00:16:25,763
Kapag nailabas siya ng Lebanon, di na
natin siya makikita, naiisip ninyo 'yun?
175
00:16:25,843 --> 00:16:29,123
E, ano ang plano?
Wala tayong intel, walang paghahanda,
176
00:16:29,203 --> 00:16:31,723
at walang malinaw na indikasyon
na naroon ang bihag.
177
00:16:31,803 --> 00:16:33,403
Hindi ito gagawin ng grupo.
178
00:16:35,803 --> 00:16:37,443
Kami ang gagawa.
179
00:16:37,523 --> 00:16:40,963
Mawalang galang na, Eli,
hindi ka gumagawa o nag-aapruba ng misyon.
180
00:16:41,523 --> 00:16:44,003
Sang-ayon akong
napakadelikado ng misyong ito.
181
00:16:44,083 --> 00:16:48,203
Hangga't sigurado tayong buhay si Ayub,
di ko ipapahamak ang buhay ng iba.
182
00:16:48,283 --> 00:16:50,843
Gusto ba nating magkaroon
ng isa pang Ron Arad?
183
00:16:52,123 --> 00:16:53,363
Gusto ba natin?
184
00:16:55,403 --> 00:16:58,243
Mustafa Dirani? Sheikh Obeid?
185
00:16:59,123 --> 00:17:00,483
Pamilyar ba?
186
00:17:01,483 --> 00:17:04,683
Hinayaan mo ang mga ahenteng
ialay ang buhay nila nang walang alam,
187
00:17:04,763 --> 00:17:09,963
di para mahanap si Ron Arad, di ba? Pero
para makakuha ng impormasyon sa kanya.
188
00:17:11,003 --> 00:17:14,443
Magkukwento pa ba ako?
Pag-usapan natin si Shalit.
189
00:17:14,523 --> 00:17:17,323
Ipinadala mo ang buong IDF sa Gaza
matapos siyang dukutin,
190
00:17:17,402 --> 00:17:21,243
sinundan ng iba pang mga grupo,
para lang makakalap ng impormasyon.
191
00:17:21,523 --> 00:17:23,683
-Kaya itigil mo ang kalokohan.
-Tama na.
192
00:17:24,963 --> 00:17:28,803
Tapos na ang diskusyong ito.
Itutuloy ito kapag may matibay na lead
193
00:17:28,882 --> 00:17:32,043
na nasa loob ng bahay na 'yun si Ayub.
Pwede nang umalis.
194
00:17:39,443 --> 00:17:41,403
Raphael, pwedeng sandali lang?
195
00:17:42,443 --> 00:17:43,923
Sandali, sige.
196
00:17:45,443 --> 00:17:47,323
Sa tingin ko nagkakamali ka.
197
00:17:47,403 --> 00:17:50,923
Naiintindihan ko.
Pero kapag may namatay sa misyong ito,
198
00:17:51,003 --> 00:17:54,723
kailangan kong magbigay ng sagot,
hindi ikaw, at lalong hindi si Eli.
199
00:17:55,683 --> 00:17:57,763
Ako ang itinalaga ng PM sa misyong ito.
200
00:17:57,923 --> 00:18:01,003
At kaya maraming beses ko itong
pinag-iisipan, di lang dalawa.
201
00:18:01,083 --> 00:18:05,003
Pero wala nang oras para mag-isip.
Ngayon na 'yun. Ngayon na.
202
00:18:20,043 --> 00:18:24,163
[Noong mga bata pa kami, sa Jenin,
kumakain kami ng awameh sa palengke.]
203
00:18:26,123 --> 00:18:27,883
[Gustong gusto ni Omar ang awameh.]
204
00:18:29,323 --> 00:18:33,283
[Kilala siya ng mga nagtitinda ng candy
at binibigyan siya nang di alam ni Ina.]
205
00:18:40,683 --> 00:18:44,643
[Nalungkot talaga siya
noong lumipat sa Israel.]
206
00:18:47,283 --> 00:18:50,443
[Palagi siyang malungkot, di nauunawaan
kung bakit di kami makakabalik.]
207
00:18:52,283 --> 00:18:56,163
[Para pasayahin siya,
dadalhin siya ni Ina sa palengke sa Ramla]
208
00:18:56,843 --> 00:19:00,483
[pero di niya gusto ang awameh doon.
Sinabing sobrang tamis nito.]
209
00:19:17,003 --> 00:19:18,523
Tapos na ba ang meeting?
210
00:19:20,003 --> 00:19:21,403
Pumayag na siya.
211
00:19:21,963 --> 00:19:23,723
Mabuti!
212
00:19:23,803 --> 00:19:25,403
Grabe.
213
00:19:25,483 --> 00:19:28,363
Magdasal na,
dahil ito na ang totoong laban.
214
00:19:38,563 --> 00:19:41,683
Ibababa tayo ng Navy SEALs sa pampang
gamit ang sibilyang bangka
215
00:19:41,763 --> 00:19:45,363
at makakasama natin ang tauhan doon.
216
00:19:46,323 --> 00:19:48,483
[Patnubayan ng Diyos, magtatagumpay ito.]
217
00:19:48,563 --> 00:19:49,443
Amen.
218
00:19:49,523 --> 00:19:52,563
Maghanda na.
219
00:19:53,723 --> 00:19:55,963
Sagi, sandali.
220
00:20:04,163 --> 00:20:07,163
Pare, kung pakiramdam mo
na dapat di ka sumali, gawin mo.
221
00:20:07,243 --> 00:20:08,883
Ayos lang sa akin.
222
00:20:08,963 --> 00:20:12,523
May papalit sa iyo mula sa kabilang grupo,
walang makikipagtalo.
223
00:20:13,043 --> 00:20:16,163
-Eli, ayos lang ako.
-Sigurado ka ba?
224
00:20:16,843 --> 00:20:18,643
Ililigtas natin si Gabi.
225
00:20:19,963 --> 00:20:25,403
Nalulungkot lang ako para kay Nurit.
Malulungkot siyang di nakasali sa atin.
226
00:20:26,283 --> 00:20:28,443
Mas mabuting wala siya,
magtiwala ka sa akin.
227
00:20:28,723 --> 00:20:32,003
Nakapag-usap na ba kayo ng asawa mo?
228
00:20:34,523 --> 00:20:38,483
Kami ay… nagkaintindihan na.
229
00:20:39,563 --> 00:20:43,203
-Pero ewan mo sa kanya.
-Oo.
230
00:20:46,003 --> 00:20:49,603
-Bale, makakaalis na ako?
-Makakaalis ka na.
231
00:20:59,163 --> 00:21:01,723
Kabaliwan ito,
tatlong silid lang ang layo.
232
00:21:01,883 --> 00:21:06,203
Nakikipagtalo uli?
Ito ang protocol. Wala akong magagawa.
233
00:21:18,883 --> 00:21:21,203
Okay, lipat na.
234
00:21:23,243 --> 00:21:26,083
-Ano 'yun?
-Sumakit lang ang tiyan ko.
235
00:21:26,163 --> 00:21:28,923
-Nurit, ipakita sa akin kung saan.
-Dito.
236
00:21:29,603 --> 00:21:31,323
-Sa ibabang tiyan?
-Oo.
237
00:21:32,243 --> 00:21:35,243
-Okay, mag-ultrasound tayo.
-Para saan? Di ito kailangan.
238
00:21:35,323 --> 00:21:38,843
Hindi mo pwedeng balewalain ang sakit
sa lagay mo. Tara na.
239
00:21:56,243 --> 00:21:57,883
[May kailangan ka ba?]
240
00:21:59,643 --> 00:22:01,323
[Pwede ko ba siyang kausapin?]
241
00:22:05,803 --> 00:22:07,283
[Halika.]
242
00:22:26,003 --> 00:22:27,963
[Ipinadala ka ba nila para kausapin ako?]
243
00:22:29,043 --> 00:22:30,803
[Para tanungin ako?]
244
00:22:33,043 --> 00:22:34,403
[Hindi.]
245
00:22:35,563 --> 00:22:37,283
[Hiniling kong makita ka.]
246
00:22:40,043 --> 00:22:41,483
[Bakit?]
247
00:22:43,043 --> 00:22:45,243
[Hindi pa ba sapat ang mga sinira mo?]
248
00:22:48,563 --> 00:22:50,563
[Paano mo sila pinapaniwalaan?]
249
00:22:51,603 --> 00:22:53,483
[Ikaw, sa lahat ng tao.]
250
00:22:54,643 --> 00:22:58,443
["Paano?" Hindi ito ang unang beses, Omar.
Lagi kang lumalapit sa akin]
251
00:22:58,523 --> 00:23:01,043
[matapos kang mabugbog,
umutang, o naaaresto.]
252
00:23:01,123 --> 00:23:03,683
[Iba 'yun, bata pa ako noon.]
253
00:23:04,803 --> 00:23:08,123
[Di mo ba naisip na gagawin nila
ang kahit ano para mahanap ako?]
254
00:23:09,523 --> 00:23:13,683
[Di mo ba naisip?
Di mo ba nakikitang ginagamit ka nila?]
255
00:23:15,363 --> 00:23:19,883
[Paano mo nagawa, ang isang
magaling na pulis, ay madaling maloko?]
256
00:23:19,963 --> 00:23:21,323
[Tama na! Tumahimik ka!]
257
00:23:22,803 --> 00:23:27,643
[Akala ko nasa panganib ang buhay mo.
Pinadalhan nila ako ng pekeng video mo,]
258
00:23:27,723 --> 00:23:29,723
[alam nila ang kahinaan ko.]
259
00:23:37,283 --> 00:23:39,283
Huwag mo na akong hintayin.
260
00:23:42,003 --> 00:23:44,843
May pinaplano at baka matagalan pa ito.
261
00:23:44,923 --> 00:23:46,843
Okay, gaano katagal?
262
00:23:46,923 --> 00:23:48,803
Mga ilang araw, sa tingin ko.
263
00:23:53,643 --> 00:23:55,883
Pagkatapos nito, kakausapin ko sila.
264
00:23:56,843 --> 00:24:00,203
Okay. Huwag mo muna itong isipin ngayon.
265
00:24:00,283 --> 00:24:03,003
Gawin mo ang kailangan mong gawin,
mag-ingat at…
266
00:24:03,163 --> 00:24:04,883
bumalik ka agad, okay?
267
00:24:06,243 --> 00:24:07,603
Syempre naman.
268
00:24:11,643 --> 00:24:13,043
Kisses.
269
00:24:14,803 --> 00:24:16,523
Kisses.
270
00:24:20,763 --> 00:24:22,123
Pwede ba?
271
00:24:32,123 --> 00:24:35,963
Alam kong di ito ang tamang panahon, pero…
272
00:24:36,323 --> 00:24:37,643
ganito talaga.
273
00:24:39,643 --> 00:24:41,683
Sabihin mo na, Russo.
274
00:24:43,403 --> 00:24:45,723
Hindi ko alam kung kayo ba o ako,
275
00:24:45,803 --> 00:24:48,883
pero ang nangyari sa anak ni Adel
276
00:24:49,043 --> 00:24:52,923
ay binabagabag ako, at kahapon sa garahe,
hindi maayos ang pagsagot ko,
277
00:24:53,003 --> 00:24:57,243
-binuking ko tayo at…
-Okay lang, nakipagbarilan naman tayo.
278
00:24:57,323 --> 00:24:59,843
-Maswerteng walang nasawi, kaya--
-Anong ayos doon?
279
00:24:59,923 --> 00:25:02,043
-Ayos lang 'yun.
-Hindi, di ayos 'yun.
280
00:25:02,603 --> 00:25:04,963
Wala akong tiwala sa sarili ko ngayon,
di ko alam--
281
00:25:05,043 --> 00:25:08,283
Russo, isantabi mo muna 'yan sa ngayon.
282
00:25:08,683 --> 00:25:11,963
Mag-uusap tayo kapag nakabalik na tayo
mula sa Lebanon. Okay?
283
00:25:12,643 --> 00:25:14,123
Kailangan ka namin.
284
00:25:21,523 --> 00:25:24,683
[Paano mo nalaman na pinarangalan ako?]
285
00:25:25,443 --> 00:25:27,403
[Nabasa ko ang artikulo.]
286
00:25:28,283 --> 00:25:29,963
[Pinadala sa akin ito ni Adel.]
287
00:25:31,803 --> 00:25:33,603
[Ano ang naramdaman mo rito?]
288
00:25:34,683 --> 00:25:36,083
[Ano ang naramdaman ko rito?]
289
00:25:37,723 --> 00:25:39,283
[Ano ang naramdaman ko rito?]
290
00:25:40,803 --> 00:25:42,523
[Pagkahiya.]
291
00:25:44,403 --> 00:25:45,883
[Loko.]
292
00:25:55,003 --> 00:25:56,323
[Honey.]
293
00:25:57,203 --> 00:25:59,363
['Wag mo akong tawaging ganyan.]
294
00:26:04,643 --> 00:26:07,243
[Di ka nagsinungaling sa kanila, di ba?
Buhay ba si Gabi?]
295
00:26:08,403 --> 00:26:10,883
[Sa tingin mo
magsisinungaling ako sa kanila?]
296
00:26:12,643 --> 00:26:15,963
[Ilagay kayo ni Aisha sa panganib?]
297
00:26:17,523 --> 00:26:24,283
[Ngayon di ka rin naniniwala sa akin.
Inisip mo talaga 'yun?]
298
00:26:26,323 --> 00:26:31,403
[Pinaniniwalaan kita,
at sana mahanap nila siya,]
299
00:26:31,483 --> 00:26:34,203
[dahil kapag nangyari 'yun,
magkakaroon ka ng pagkilala.]
300
00:26:34,323 --> 00:26:37,323
[Kailangan mo pa ring litisin sa Israel
at makukulong ka.]
301
00:26:37,403 --> 00:26:40,683
[Wala na kaming magagawa roon,
pero sisiguraduhin naming bibisitahin ka,]
302
00:26:40,763 --> 00:26:44,123
[na makikita mo man lang
sina Ina, Muhammad at Rana.]
303
00:26:45,483 --> 00:26:47,723
[Nami-miss ka talaga ni Ina, Omar.]
304
00:26:49,203 --> 00:26:52,163
[Hindi siya nakakatulog mula noong
magsimula ang pagsubok na ito.]
305
00:26:52,243 --> 00:26:55,523
[Kung makikita ka lang niya,
kahit isang minuto,]
306
00:26:55,603 --> 00:26:57,443
[yayakapin at hahalikan ka niya.]
307
00:27:02,803 --> 00:27:06,923
[Honey, sinira ko ang lahat.]
308
00:27:10,483 --> 00:27:12,163
[Sinira ko ang lahat.]
309
00:27:14,483 --> 00:27:18,323
[Nandito na ako ngayon.
Maaayos din ang lahat.]
310
00:27:27,083 --> 00:27:29,203
Sabihin mo sa akin kung saan masakit.
311
00:27:29,923 --> 00:27:32,083
-Dito, sa ibabang tiyan.
-Dito?
312
00:27:32,163 --> 00:27:33,483
-Oo.
-Tingnan natin.
313
00:27:55,403 --> 00:27:58,163
Pwes, wala naman akong nakikitang kakaiba.
314
00:28:04,803 --> 00:28:06,203
'Yan ba ang puso niya?
315
00:28:06,283 --> 00:28:09,683
Oo, at ayos lang ang lahat, Nurit,
316
00:28:09,763 --> 00:28:13,443
pagsakit lang ito,
na karaniwan sa unang trimester.
317
00:28:14,923 --> 00:28:16,243
Nga pala,
318
00:28:17,603 --> 00:28:18,963
'yan ang puso niya.
319
00:28:19,723 --> 00:28:21,483
Hindi lalaki, babae.
320
00:28:22,763 --> 00:28:25,523
'Wag kang umiyak, malusog siya.
321
00:28:26,563 --> 00:28:29,083
-Sigurado?
-Sigurado.
322
00:28:32,883 --> 00:28:35,163
-Pwede ba akong tumawag?
-Syempre naman.
323
00:28:36,643 --> 00:28:37,603
Salamat.
324
00:28:43,763 --> 00:28:47,363
Uy, natawagan mo si Sagi.
Di ako makakasagot, mag-iwan ng mensahe.
325
00:30:25,523 --> 00:30:28,043
Lumapag ang eroplano ng Iran
ilang oras na'ng nakakaraan
326
00:30:28,123 --> 00:30:31,323
sa military airfield sa Jandar,
na baka 'yun ang destinasyon nila.
327
00:30:31,403 --> 00:30:34,883
May tatlong posibleng checkpoint
sa border: Masnaa, Qalamun,
328
00:30:34,963 --> 00:30:36,523
at isang kinokontrol ng UN.
329
00:30:37,443 --> 00:30:38,363
Omar.
330
00:30:42,323 --> 00:30:45,083
Malamang hindi sa Qalamun checkpoint
331
00:30:45,163 --> 00:30:48,803
dahil ito ang pinakamahabang biyahe
sa rehiyong pinoproblema ng Hezbollah
332
00:30:48,883 --> 00:30:52,323
dahil sa pakikipagbarilan
sa mga grupo ng ISIS.
333
00:30:53,443 --> 00:30:56,323
Posible sa checkpoint
na kinokontrol ng UN,
334
00:30:56,403 --> 00:31:01,123
pero madalas ang trapik dahil sa mga
refugee, kaya mahirap dumiskarte doon.
335
00:31:01,963 --> 00:31:03,883
Kaya malamang sa Masnaa checkpoint.
336
00:31:03,963 --> 00:31:07,483
Katabi ito ng barikadang kinokontrol
ng Hezbollah at ng mga Syrians,
337
00:31:07,563 --> 00:31:10,963
matatagpuan sa Beirut-Damascus highway,
40 kilometro mula Beirut.
338
00:31:14,443 --> 00:31:17,083
[-Parating na ang mga sasakyan.]
[-Salamat, pare.]
339
00:31:17,283 --> 00:31:21,163
May tatlo tayong drone sa itaas
ng checkpoints at isa sa itaas ng villa.
340
00:31:21,243 --> 00:31:24,363
Kapag nakaalis na sila,
malalaman natin ang destinasyon.
341
00:31:24,923 --> 00:31:25,763
Eli.
342
00:31:27,163 --> 00:31:30,643
Sasamahan tayo ng mga pulis na Lebanese
na may dalawang sasakyan.
343
00:31:30,723 --> 00:31:33,363
Dederetso tayo sa Beirut-Damascus highway
344
00:31:33,443 --> 00:31:36,763
para malapit sa tatlong checkpoints,
para mabilis makapunta.
345
00:31:37,323 --> 00:31:39,883
Tandaan, dahil sa diyalektong Lebanese,
346
00:31:39,963 --> 00:31:43,563
sina Sagi at Shani lang ang magsasalita,
at hindi gaano. Nakuha ninyo?
347
00:31:43,643 --> 00:31:46,763
-Paano tayo makakalabas doon?
-Sa ngayon, wala pang pickup point.
348
00:31:46,843 --> 00:31:52,003
Nakadepende ito kung saang checkpoint sila
dadaan. Di ito tama, pero ganoon talaga.
349
00:31:52,083 --> 00:31:57,723
Sasakay tayo sa dalawang sasakyan.
Unang sasakyan: Doron, Sagi, Oren at Omar.
350
00:31:59,243 --> 00:32:02,203
-Sasama siya sa atin?
-Oo, kailangan natin siya roon.
351
00:32:02,843 --> 00:32:06,923
Pangalawang sasakyan:
ako, Steve, Shani, Ofir.
352
00:32:07,003 --> 00:32:10,843
Ang mga natitira ay mananatili rito
at maghihintay sa update ng pickup point.
353
00:32:11,803 --> 00:32:13,883
-Good luck sa lahat.
-Good luck.
354
00:32:15,323 --> 00:32:17,523
Magbihis na.
355
00:32:25,323 --> 00:32:28,203
[Doron, kailangan ko ng pabor.]
356
00:32:29,563 --> 00:32:31,443
[Gusto kong makita si Aisha.]
357
00:32:37,483 --> 00:32:38,523
[Halika.]
358
00:33:07,843 --> 00:33:10,723
['Wag kang umiyak.
'Wag kang umiyak, mahal ko.]
359
00:33:11,683 --> 00:33:13,763
[Patnubayan ng Diyos, ayos lang ito.]
360
00:33:14,763 --> 00:33:17,003
[Lagi kang nagsisinungaling sa akin.]
361
00:33:19,283 --> 00:33:23,283
[Ipinangako mong magsasama tayo,
magkakaanak at magkakabahay.]
362
00:33:24,203 --> 00:33:25,883
[Nangako ka.]
363
00:33:33,923 --> 00:33:35,403
[Tara na.]
364
00:33:42,483 --> 00:33:44,003
['Wag kang mag-alala.]
365
00:34:07,123 --> 00:34:08,563
[Tara na.]
366
00:34:10,683 --> 00:34:12,403
[Sandali.]
367
00:36:17,883 --> 00:36:20,763
Ang pagsasalin ng subtitle
ay ginawa ni Danica Joy de Jesus